You are on page 1of 19

Retorika

WIKA --ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa kominukasyon ng mga taong nabibilang sa i sang kultura.Henry Gleason

KATANGIAN NG WIKA 1. Masistemang balangkas Ponolohiya/ ponemaang nagtuturo sa atin kung anong tunog ang makabuluhan sa isang salita at kung paano binago ng pagbigkas ang kahulugan ng isang salita Morpolohiya/ morpemaito ang tumatalakay sa pagbuo ng salita Sintaksistamang ugnayan ng mga salita sa loob ng pangungusap Semantikapag-aaral ng kahulugan ng mga salita Diskursopagpapalitan ng pahayag sa pagitan ng dalawang tao 2. Sinasalitang tunog *hindi lahat ng tunog ay maaaring tawaging wika, dapat ito ay nagbibigay ng kahu lugan; maituturing lamang ito na wika kung ito ay may kaisipan 3. Pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo 4. Nabibilang sa isang kultura 5. Ginagamit sa komunikasyon 6. Dinamiko Dinamikowika ay nagbabago sa paglipas ng panahon Language Variationpagbabago ng wika mula sa isang wika mula sa isang wika Language Changeetimolohiya/kasaysayan ng isang salita

RETORIKA --nagmula sa salitang Griyego na rhetor, isang guro at mananalumpati o tagapagsali ta sa isang pagpupulong --isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan an g damdamin at kaisipan ng ibang tao.

**Itoy isang bahagi o sangay ng diskurso na nauukol sa panghihimok o persweysyonAR ISTOTLE **Itoy ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan n a tumugon sa mensaheng ipinahahatid ng mga naturang simboloKENNETH BUKE **Itoy isang siyensa o agham ng persweysyonSOCRATES **Ang sining ng argumento ng pagsulatRICHAD WHATTLEY **Ito ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may ibat ibang pamilian o alte rnatiboDR. VENANCIO L. MENDIOLA

Persweysyonkakayahan ng isang tao na makaimpluwensya sa kanyang kapwa

Tatlong Uri ng Persweysyon Ayon kay Aristotle 1. Talumpating Panghukuman/ Forensic o Judicialnaglalayong patunayan ang pagiging matuwid o di matuwid na ibinunga ng mga nakaraang pagkilos ng mga tao 2. Pampubliko/ Deliberativenaglalayong pakilusin ang madla o hadlangan ang napipi ntong pagkilos ng tao 3. Ayon sa Okasyon/ Epideicticang talumpating binibigkas depende sa okasyon tulad ng sa mga lamay, dedikasyon, atbp.

Tatlong Paraan ng Persweysyon 1. Logospaggamit ng pangangatwirang umaapela sa isipan 2. Pathospaggamit ng pangangatwirang umaapela sa emosyon 3. Ethosito ay tumutukoy sa karakter o raport na taglay ng isang mananalumpati

MGA KANON O BATAS NG RETORIKA 1. Imbensyontumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na mag agamit para sa isang talumpati na maaaring sa paraang induktibo o deduktibo Induktibopagbuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pang angatwiran Deduktibotumutukoy sa pangangatwiran sa pamamagitan ng paggamit ng mga analohiya o mga impormal na anekdota 2. Pagsasaayosproseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pag babalangkas ng bahagi ng isang talumpati ayon sa ss: Introduksyon o panimula Narasyon/paglalahad ng mahahalagang punto Paghahain ng mga patunay sa kasong tinalakay Pagpapabulaan/tunggalian

Konklusyon 3. Istiloproseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kais ipan o ebidensya. 4. Memoryatumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagan g punto ng isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa harap ng pu bliko 5. Deliberasyontumutukoy sa aktwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokont rol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga angkop na kumpas sa isang talumpati

BALARILA (grammar) --bala ng dilaLOPE K. SANTOS --tumutukoy o may kaugnayan sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita; tamang ga mit ng mga salita at tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makab uo ng malinaw na kaisipan o diwa.

GRAMATIKA --inaaral ang kayarian ng isang salita --pag-aayos-ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap/ sintaksis --tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap

Linguistic Competencekabihasaan sa paggamit ng salita

Paggamit ng mga retorikal na kagamitan o transisyunal na pananalita:

IDYOMA --pagpapahayag ng mga saloobin at kaisipan na di-tuwiran; ang kahulugan ay nasa pagitan ng salitang ginagamit. Hal. Naglalako ng asinnagyayabang Makati ang dilatsismosa SALAWIKAIN --nasa anyong patula, may sukat at tugma at talinghaga kayat kaiga-igayang paking gan --naglalaman ng mga paalala at pilosopiya sa buhay

Hal. Pag may itinanim, may aanihin Kung ano ang puno, siya ring bunga KASABIHAN --itoy gumagamit ng mga talinghaga at himig panunudyo; may payak na kahulugan --nasasalamin dito ang kilos at gawi ng isang tao Hal. Utos sa pusa, utos sa daga Malakas ang loob, mahina ang tuhod KAWIKAAN --nagsisilbing tagapagpaalala rin ang mga kawikaan sa mga dapat ugaliin at magin g asal ng mga kabataan --may sukat, tugma at kariktan din Hal. Ang magagawa ngayon, huwag nang ipagpabukas Walang halaga ang yaman, sa araw ng kamatayan TAYUTAY/ TALINGHAGA --sa paggamit nito,nagkakaroon ng kasiningan at kabisaan ang isang pahayag na ka raniwang makaaakit sa sinumang nakikinig --paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita Ibat Ibang Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad (Simile)paghahambing ng dalawang tao, bagay o pangyayari na ginagam itan ng mga salitang tulad, para, wari .. etc. hal. Singkinis ng labanos ang kutis ni TJ. 2. Pagwawangis (Metaphor)tiyakang paghahambing hal. Mapupulang makopa ang mga pisngi ni Justine. 3. Pagbibigay katauhan/padiwantao (Personification)pinakikilos/ pinagagawa na tul ad ng mga tao ang mga bagay hal. Naghahabulan ang mga alon sa karagatan. 4. Pagmamalabis (Hyperbole)nagpapahayag ng sitwasyong labis-labis hal. Umulan ng piso ang bahay nina JV nang dumating si Lara. 5. Pauyam (Irony)mga pananalitang pangungutya sa tao o bagay. Hal. Ang laki mo naman Jaime. =P

6. Patalinghaga (Allegory)pahayag na di tumutukoy sa literal na kahulugan ng mga salita hal. Nahasik sa matabang lupa ang binhing isinabog ng Panginoon. 7. Pagtatambis (Antithesis)pagpapahayag ng mga bagay na magkasalungat para bigyan g bisa ang natatanging kahulugan hal. Hindi ko maunawaan si Gester, pag mabait ka sa kanya, aawayin ka; pag hindi mo pinansin, aawayin ka pa din. AP talaga.. haha 8. Pagpapalit-tawag (Metonymy)nagsasaad ng pagpapalit ng katawagan na mga bagay s a may kaugnayan dito hal. Magagandang bulaklak ng nayon (dalaga) ang kanilang mga panauhin. 9. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)pagbanggit sa isang bahagi na sumasaklaw sa kabu uan hal. Si Majesty ang bisig at ulo ng Arsi Tutu. 10. Pagtanggi (Litotes)pagpapahayag na ginagamitan ng salita o panangging hindi u pang bigyan diin ang mahahalagang pagsang-ayon hal. Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van. 11. Pagdaramdam (Exclamation)nagpapahayag ng pagkabigla/di karaniwang damdamin hal. Tuwang tuwa ako nang manalo ka Megan! Binabati kita! 12. Pagtatanong/pasagusay (Rhetorical Ques)tanong na di nangangailangan ng kasagu tan hal. May ina kayang makatitiis sa anak na naghihirap? 13. Pagtawag (Apostrophe)pagtawag sa isang tao o bagay sa animoy kaharap gayong wa la naman. Hal. Paglimot! Nasaan ang awa mo?

PANGUNGUSAP --salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa/kaisipan --isang sambitlang may panapos na himig sa duloDR. ALFONSO O. SANTIAGO Inuri niya ang mga ito sa ss: 1. Eksistensiyalmga pangungusap na nagsasaad ng pagkamayroon ng isa o mahigit na bagay na tinutukoy hal. May tao sa silid-aralan.

2. Mga pangungusap ng paghanga. Hal. Ang galing mo! 3. Nagpapahayag ng matinding damdamin hal. Aray! 4. Nagsasaad ng panahon hal. Bumabagyo. 5. Pormulasyong Panlipunanmga pangungusap na nakagawian na ng ating lipunan hal. Tao po.

Paksa (simuno)pinag-uusapan sa pangungusap Predikatibo (panaguri)nagsasabi ng tungkol sa paksa

Pangungusap Ayon sa Gamit 1. Pasalaysay/ Paturol 2. Pautos/ Pakiusap 3. Patanong 4. Padamdam

Pangungusap Ayon sa Kayarian 1. Payakbinubuo ng isang sugnay na makapag-iisa hal. Nag-aaral ng judo-karate si Genalyn. Nagtanim at nag-ani ng kamote sina Mean at Bern. 2. Tambalandalawa o higit pang sugnay na kapwa makapag-iisa hal. Nagbigay ng lecture si MaEl ngunit siya ay nawala pagkatapos ng semester. 3. Hugnayanisang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapagiisa hal. Nagkuquiz kami nang dumating si Itchan. 4. Langkapandalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at ng isa o higit pang sug

nay na di makapag-iisa hal. Pag nag-utos si Cathy, sundin mo agad, matutuwa siya sa iyo at siya ay magkaca rt-wheel.

UNIT II

Sophistmaibigin sa karunungan; man of learning Corax at Tesiasgumawa ng mga talumpati na binibigkas ng mga tao sa parliamento ng sinaunang Gresya; nagsilbing tagapayo o guro ng kanilang mga kababayan hinggil sa nararapat na gawin sa kanilang pagdulog sa parliamento

Coraxmahalaga na ang bawat pahayag ay umaapela sa damdamin sa halip na sa isipan Socrateshindi lamang umaapela sa damdamin bagkus humahamon din sa isipan

Dayalektikisang uri ng pangangatwiran kung saan ang mali ay naitatama at ang tama ay maaaring ipamali.SOCRATES

ISTILO --paraan ng pamumuhay, pananamit, pananalita at pagsulat --nagbibigay distinksyon sa isang indibidwal --sumsaklaw sa pagiging makabago, makaluma, marahas o karaniwan --tono o punto de bista --kasanayan sa pag-oorganisa ng pangungusap patungo sa talata --sasalamin ng katangian ng isang indibidwal --manipulasyon ng mga indibidwal na salita

Teoryang Behaviorist --nakasaad dito ang reyalidad sa lipunang ginagalawan ng tao ang siyang pangunah ing tagahubog ng kanyang mga kilos o pag-uugaliB.F. SKINNER

IDEATION --masusing hinahabi o ipinoproseso ng utak ng mga ideya upang maisalin sa patutu

nguhan ang isang mensaheng nabuo --pagpili ng mga paraan upang maihatid patungo sa destinasyon ang nabuong mensah e

CIRILO F. BAUTISTA --may-akda ng The Beneficent of Doublespeak sa kanyang kolum sa Panorama na nagpapal iwanag kung bakit likas ang pagkahilig sa eupimismo ng mga Pilipino.

Tatlong Uri ng Doublespeak Ayon kay William Luntz 1. Eupimismo/ Euphemism --tumutukoy sa pagiging malumanay sa paggamit ng wika upang maiwasang makapanaki t ng damdamin ng kapwa 2. Jargon --isang propesyonal na lenggwahe na nadebelop mula sa pangangailangan ng isang t iyak na propesyon tulad sa larangan ng negosyo at akademya --tumutukoy sa mga termino o parirala na eksklusibo lamang para sa isang tiyak n a grupo 3. Gobbledygook/ Bureaucratese --tumutukoy sa espesyal na lenggwahe na ginagamit upang pagandahin at pabanguhin ang imahen ng mga pulitiko sa tuwing nakagawa sila ng kapalpakan o masasangkot sa mga anomalya

Paraan ng Pagbibigay Motibasyon sa MadlaPeter J. Daniels 1. Kawalan ng Mapagpipilian 2. Paggamit ng Pansariling Interes Personal ng Interestumutukoy sa bayolohikal na pangangailangan ng tao upang mabuh ay; nagtutulak sa isang indibidwal upang proteksyunan ang sarili at bigyang pray oridad nang personal na pangangailangan Pagiging Makasarilipaghahangad ng labis-labis hindi lamang upang mabuhay kundi up ang higitan sa anumang aspeto ang kanyang kapwa Hal. Kailangan natin mahalaga para sa atin 3. Paggamit ng Kaalaman --maaaring isang kwento o pangyayari na lantad sa kabatiran ng publiko knug kaya madaling magtagpo ang kaisipan ng dalawang panig 4. May Himig ng Paninisi --nangangailangan ng kaukulang pag-iingat sa dahilang may kinalaman ito sa perso

nal na emosyon ng tao hal. ano ang mararamdaman mo kung Pano kung ikaw ay 5. Paggamit ng Pananakot --uri ng negatibong motibasyon; kinakailangan lamang na ipahayag ito na may himi g pagmamalasakit; karaniwang maririnig sa mga magulang o guro. Hal. Ganito ang mangyayari kung Maari kang mapahamak kapag... 6. Pambubulabog ng Konsensya --mayroon ding himig ng paninisi kaya kailangan ang ibayong pag-iingat at dapat nasa tamang tyempo o pagkakataon ang paggamit nito hal. Huwag mong hayaan Hahayaan mo na lang ba COMMUNICATIVE COMPETENCE --ang kaganapan ng pagiging manunulat ay ang makapaghatid ng mensahe sa paraang mauunawaan ng publikoDEL HYMES THE GREATEST SECRET IN THE WORLD ni Og Mandino --naghain ng panukala kung paano dapat mangusap ang isang tao (pp.48-49) =P WHY WORRY ni Dr. K. Sri Dhammananda --nagsabing ang labis ang kadalasang pinagmumulan ng panganib Paraan ng maling pagsasalita ayon kay Buddha: 1. Pagsisinungaling 2. Panlilibakpaglalagay ng salit sa bibig ng ibang tao 3. Marahas na pagsasalitatumutukoy din sa taong mahilig mang-akusa o likas na map agbintang 4. Walang katuturang pahayagtumutukoy sa mga taong ginawa nang libangan ang paglu lubid ng buhangin sa tuwi-tuwina; may masabi lang..

KAHULUGAN NG MGA SALITA 1. Kahulugang Konotatibo --tumutukoy sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa intension o motibo ng taong gumagamit nito --tinatawag na emotional o intellectual na impact ng salita 2. Kahulugang Denotatibo --nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhektibong kahulugan ng mga termino ; dictionary meaning

--literal na kahulugan ng salita na labas sa anumang emosyonal, politikal o etik al na insenwasyon na maaaring ikapit sa isang salita

LEBEL NG LENGGWAHE Pornal na Lenggwahe --wikang ginagamit sa seryoso at komplikadong paksa kung saan kinakailangan ang maselan na lenggwahe --ginagamit upang maging personally involved ang tagapagsalita o manunulat sa ka nyang paksa --nagtataglay ng paggalang at gamitin sa akademya, propesyon at liham pangangala kal Impormal na Lenggwahe --kaswal ang gamit ng wika at nasa himig ng pakikipag-usap lamang na gamit ang p ang-araw-araw na lenggwahe at di ito particular sa batas ng gramatika.

Lebel ng Wika Ayon kina Maxine Hairston at John J. Ruszkiwiez Masyadong Pormal Legal na Dokumento Artikulong Sayantipik Talumpating Pampulitika Sermon Editoryal at Kolum sa Pahayagan Popular na Artikulo sa Magasin Pampersonal na Sulatin/Diary/Journal Liham Pangkaibigan Masyadong Impormal/Kolokyal o Kaswal

Pormal ang gamit ng lenggwahe kapag Mahahabang pangungusap o talata Abstrakt ang mga salitang ginamit Minimal ang gamit ng pandiwa Seryoso ang tono ng manunulat

Impormal ang gamit ng lenggwahe kapag Maiiksing pangungusap at talataan Paghahalo ng abtrakt at konkretong pangalan Hitik sa mga personal na panghalip at pandiwa May himig na seryoso at kaswal

Komunikasyong BERBAL --ang talastasang nagaganap sa pagitan ng mga tao gamit ang mga salita --anumang gawain ng paghahatid ng mensahe na ang ginagamit ay ang wika. Komunikasyong DI BERBAL --tinatawag na kilos at galaw, facial reaction, pagtaas ng kilat, pagsimangot, p agkunot ng noo, atbp. --hindi ginagamitan ng wika Nahahati ito sa tatlo ayon kina WELDON KRIS at JURGEN RUESCH: 1. Sign Languagetumutukoy sa kumpas, senyas, kumpas o galaw ng kamay bilang pamal it sa salita 2. Action Languagepagbibigay interpretasyon sa kinikilos ng tao 3. Object Languagepaggamit ng material na bagay sa pagpaparating ng mensahe

MALINAW NA PAHAYAG/ KOMUNIKASYON Ang palatandaan ng isang malinaw na komunikasyon ay ang pagtugon o pagsunod ni to sa tamang organisasyon ng paghahanay ng mga kaisipan at ideya kung saan dapat isaalang-alang ang mga sumusunod: 1. Kaisahan/ Unityiisa lamang ang paksang tinatalakay upang malinaw na mailahad a ng kaisahan ng mga ideya sa pagbuo ng mga pangungusap at talata 2. Pagkakaroon ng Ugnayan/ Coherencetumutukoy sa pagkakaugnayan ng talata sa loob ng isang komposisyon 3. Diin/ Emphasistinatawag na kernel sentence, thesis statement, o nangingibabaw na k aisipan sa bawat talata na maaaring nasa unahan o hulihang bahagi Paraan ng Pagbibigay-Diin Ayon kina Casanova at Rubin: Paglalagay ng punong kaisipan sa unahan ng talata, sa hulihan o dili kayay sa una han at sa hulihan. Pagbibigay ng malaking bahagi ng mga higit ng makabuluhang detalye

Pag-uulit ng punong kaisipan sa naiibang mga salita o paraan Pagkakaroon ng patas na damdamin patungo sa kasukdulan, pag-aayos ng mga detalye mula sa di gaanong mahalaga patungo sa higit na mahalaga

Ang wika ay sumusunod lamang sa lakad ng mga bagay. Kapag nagbago ang bagay, nagiiba rin ang wikaP.L. STRAWSON

**Kailangan ang ibat ibang gamit ng wika para sa ibat ibang uri ng tagapakinig o s a bawat magkaibang pagkakataon **Ang wikang ginagamit sa pagpapahayag ay dapat na iniaangkop sa uri ng tagapaki nig o mambabasa

Kailan masasabing kaswal ang gamit ng lenggwahe? Maikli ang pagkakabuo ng mga talata at pangungusap Gumagamit ng mga eksaherasyon Sagana sa mga personal na panghalip Pagbanggit sa ngalan ng ibat ibang personalidad Katatagpuan ng mga salitang balbal Hindi gaanong seryoso ang atake sa paksa Taglay ang entertainment value at pagiging impormatibo

PRINSIPYO NI PETER J. DANIELS SA PAGBUO NG ISTILO 1. Tiyaking maayos ang simula. 2. Lumikha ng kapanabikan. 3. Pulsuhan ang madla. 4. Bigyang dramatisasyon ang mga katotohanang ginamit. 5. Ang pagbibigay diin na sinusundan ng pananahimik ay umani ng positibong pagtu gon. 6. Ilahad ang mensahe punto por punto. 7. Maging maugnayin

KOMUNIKASYONtawag sa paghahatid at pagpapalitan ng mga ideya; kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang simbolo.

pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsu lat o pagsenyas.

Uri ng Komunikasyong BERBAL ayon kay Carmelita S. Lorenzo 1. Komunikasyon Pasalitaisinasagawa nang pabigkas tulad ng pakikipag-usap nang ha rapan ng dalawang tao, pakikipagpulong ng isang pinuno sa kanyang mga tauhan .. etc 2. Komunikasyong Pasulatpakikipag-unawaan o pakikipagpalitan ng ideya o mensahe s a pamamagitan ng pagsulat. Hal. Telegrama, memorandum, pahayagan.. etc.

4Ks sa Mabisang Pagsulat 1. KALINAWANtiyak at madaling mauunawaan ang mga gagamiting salita; maging direct to the point at iwasan ang pagiging maligoy sa pagbubuo ng kaisipan 2. KAISAHANtumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa loob ng isang pangung usap gayundin ng mga ugnayan ng mga ideya sa loob ng pahayag 3. KAIKLIANtaglay lamang ang mahahalagang datos na may kaugnayan sa paksang tinat alakay 4. KAWASTUANlaman lang ay tunay na detalye at impormasyon

Paano Makabubuo ng Mahusay na Kasanayan sa Pagsusulat? 1. Gawing kawili-wili ang pagsusulat 2. Magsulat nang magsulat 3. Ibahagi ang mga mahuhusay na naisulat

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsusulat 1. Maging malinaw sa mga layunin at ilahad ito. 2. Ipaliwanag kung ano ang nais maing tugon sa mambabasa. 3. Sikaping magtaglay ng kredibilidad ang sulatin at nagpapakita ng pagkamagalan g sa mga mambabasa. 4. Gumagamit ng angkop na pamamaraan ng komunikasyon

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpapahusay sa Komunikasyong Pasalita 1. Pagsaalang-alang sa tagapakinig 2. Paghahanay at pagbubuo ng mga impormasyon

3. Pagsasaalang-alang sa pamamaraan ng masining na pagbigkas 4. Maayos na pagpili sa mga salitang gagamitin 5. Bumuo ng dayalogo sa pagitan ng tagapagsalita at ng mga tagapakinig Direktang katanungan Makatawag-pansing pahayag Karanasan Anekdota o biro/joke Demonstrasyon 6. Paggamit ng kilos at kumpas

DISKORS --pagpapahayag ng ating iniisip at pagtugon sa ipinahhayag ng iba

PARAAN NG DISKORS A. Naratibong Pagpapahayag o Pagsasalaysay --isang paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari ay may layuning m agkwento. --pinakamatandang anyo ng pagpapahayag, nagsisimula sa mga alamat, epiko at mga kwentong bayan pinagkukunan ng paksa: sariling karanasan, narinig, nakita, nabalitaan, kathang isip B. Deskriptibo Pagpapahayag o Paglalarawan --layon ay bumuo ng isang hugis o anyo ng isang tao, pook, pangyayari sa pamamag itan ng mga angkop at piling-piling salita Uri ng Deskriptibo Karaniwan/Ohektibong Paglalarawandi kasangkot ang damdamin at opinyon ng manunula t; nakikita ng mata Masining/Subhektibong Paglalarawankung ginagamitan ng mga tayutay na naglalayong pukawin ang guniguni ng mambabasa sa tagapakinig C. Ekspositori o paglalahad --layon ay magbigay kaalanan, magpaliwanag at tumugon sa pangangailangang pangka runungan Sanaysaymalimit na gamitin dahil ditoy naipapahayag ng isang tao ang kanyang kurokuro hinggil sa paksa; kinapapalooban ng palagay ng sumulat ng paksa

Pangulong Tudlingisang kuru-kuro ng patnugot ng pahayagan hinggil sa isang mahala gang balita; layunin nito ang mamamatnubay sa mga kuru-kuro ng madla at magbigat isyu o ng impormasyon D. Argumentatibo o Pangangatwiran --naghaharap ng patotoo o ebidensya upang ang isang proposisyon o paniniwala ay maging katanggap-tanggap sa iba; nahihimok natin ang iba na kumilos ayon sa nais natin

Mga Komposisyong PERSONAL 1. Talaarawan --pagsulat ng ating masasayang sandali ng buhay, pati na rin ang kalungkutan o p agsubok ng buhay; naglalapit sa atin nang higit sa Dakilang Lumikha 2. Awtobayograpiya

PANITIKAN o LITERARI --bungang isip na isinatitik; sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa kahapon, ngayon at bukas ng isang bansaRUFINO ALEJANDRO a t PONCIANO BP. PINEDA --anumang nasusulat sa anyong tuluyan o patula sa isang particular na panahon, l alo na yaong nasusulat bunga ng imahinasyon at kritikal na pag-iisip, nagtatagla y ng permanenteng kahalagahan o balyu at nagbibigay ng mabuting epekto sa damdam inWEBSTER 1. NOBELA --tinatawag ding kathambuhay; mahaba kaysa sa maikling kwento, kinasasangkutan n g kawili-wili at masalimuot na pangyayaring sumasaklaw sa isang mahabang panahon 2. DULA --naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang g umaganap sa ibabaw ng entablado. URI NG DULA: komedya, melodrama, trahedya, pars a at saynete 3. MAIKLING KWENTO --ang mga pangyayari ay payak lamang, may mga kilos na organisado, may tunggalia n ng mga tauhan, may banghay, may kasukdulan at may kakalasan o wakas 4. SANAYSAY --naglalahad at tumatalakay sa isang paksa ayon sa sariling pananaw at kuru-kuro ng may-akda; isa sa pinakamadaling isulat sapagkat sariling opinyon lamang ito ng manunulat 5. KOMIKS

--kwentong isinalarawan na nakapagpapalibang sa mga mambabasa 6. TULA --nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga piling salita na maaaring may s ukat at tugma, talinghaga at kariktan at maaari namang wala 7. AWIT --tula na nilapatan ng himig at musika, inawit at pinatatanyag ng isang mang-aaw it na nagpapasalin-salin sa mga dumarating na henerasyon

MGA PANANALIG O TEORYANG PAMPANITIKAN 1. Romantisismohigit na nangingibabaw ang damdamin ng mga tauhan kaysa isipan 2. Realismopinalulutang ang katotohanang nangyayari sa tunay na buhay 3. Simbolismopamamaraan ng paglalahad ng mga bagay, kaisipan at damdamin sa pamam agitan ng mga sagisag 4. Eksistensyalismohinahanap ang kahalagahan ng personalidad ng tao at ang kapang yarihan ng kapasyahan laban sa katwiran 5. Feminismonagbibigay-diin sa karanasan at kakayahan ng mga kababaihan 6. Naturalismopananalig na mailarawan ang kalikasan nang buong katapatan, kayat ma limit na maipagkamali sa realismo 7. Modernismotumutukoy sa paghihimagsik sa isang tradisyon, relihiyon, kaugalian, o paniniwala upang magkaroon ng puwang ang mga pagbabago 8. Idealismopaniniwala sa pinakamahusay na dapat gawin 9. Klasismopinangingibabaw ang isipan laban sa damdamin 10. Moralistikoipinalalagay na may kapangyarihang maglahad ang akda 11. Marxismohindi lamang sa larangan ng pagsusuri ang sinasaklaw nito kundi gayun din ang larangan ng kultura, pulitika, ekonomiya at pilosopiya 12. Surealismopangingibabaw sa pananalig na ito ang katotohanan sa kabila pa ng k atotohanan

PAGSUSURI BATAY SA BISA 1. Bisa sa Isip 2. Bisa sa Damdamin 3. Bisa sa Kaasalan 4. Bisa sa Lipunan

BAGO MAGSULAT 1. Bumasa 2. Magsanay 3. Pagbibigay pagkakataon/pagtuturo sa sarili 4. Tumuklas ng mga papaksain at bigyan ng paglinang 5. May layunin ang manunulat di lamang para sa kanyang sarili at higit sa lahat para sa kanyang mambabasa 6. Magplano 7. Magbalangkas 8. Porma ng susulatin

Hakbang sa Pagsulat ng Talambuhay (Lincoln at Suid) 1. Pagpili ng paksa 2. Pagpasyahan ang mga bahagi ng paksa na ibig saklawin 3. Gumawa ng balangkas hinggil sa gagawing pananaliksik 4. Pagsasagawa ng pananaliksik 5. Planuhin ang pagsulat ng talambuhay 6. Simulan na ang pagbabalangkas at pag-eedit ng naisulat na talambuhay 7. Pangwakas na pagsulat

Mga Maaaring Paghanguan ng Paksa ng Isang Sulatin 1. Karanasan 2. Nakita o Nasaksihan 3. Narinig 4. Nabasa

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat 1. Isipin kung ano ang bago 2. Kaalaman sa paksa 3. Iwasan ang pagiging maligoy 4. Iugnay ang mga kaganapan sa paligid sa paksang tinatalakay

Papel na ginagampanan ng manunulat sa lipunan (Casanova & Tiamson) 1. tagapamulat ng isipan at damdamin ng kanyang panahon 2. tagapagturo 3. tagapukaw ng isipan at damdamin ng madla 4. taga-aliw

Istilo ng Pagsulat 1. Personal 2. Kumbersisyunal o nakikipag-usap lamang 3. Sarkastiko 4. Nagtatanong 5. Salungatin

Paraan sa Pagbuo ng Panimula 1. Pagtatanong 2. Paggamit ng tuwirang sipi 3. Pagbibigay diskripsyon 4. Pagbibigay dipinisyon 5. Paggamit ng anekdota 6. Paggamit ng analohiya 7. Paggamit ng isang panawagan 8. Pagpapaliwanag ng paksa 9. Pagpapaliwanag sa sariling opinyon o paniniwala 10. Paggamit ng dayalogo

Paraan ng Pagbuo ng Gitnang Bahagi ng Sulatin 1. Pag-uuri 2. Pag-aanalisa

Paraan ng Pagbuo ng Wakas 1. Pag-iiwan ng katanungan 2. Pagbubuo 3. Paghihinuha 4. Pagrerekap 5. Pagbibigay ng siping pahayag (quotation)

Pinagkukunan ng tao ng kanyang mga isasalaysay (Casanova & Rubin) 1. karanasan 2. mga nabasa 3. mga napakinggan 4. mga naitala

Hakbangin sa Pagsulat ng Sanaysay 1. paksa 2. banghay 3. tauhan 4. tagpuan

Sanaysay --akdang pampanitikan na nauuri sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mam babasaJOSE ARROGANTE --pagsasalaysay ng isang sanay sa pagsasaysayALEJANDRO ABADILLA

Uri ng Sanaysay 1. Pormal o maanyo 2. Di-Pormal o di-maanyo

You might also like