You are on page 1of 2

LAPIS

Ang lapis ay waring di pansin, ordinaryong bagay man na maituturing. Ngunit may natatanging tungkulin sa daigdig na mag iwan ng bakas sa kasaysayan. Ang kanyang mga guhit at titik maging ang salita’t pangungusap. Na nagsisilbing tawiran ng kaalaman ito ma’y tungkol sa pag ibig sa mga minamahal O dili naman kaya’y galit sa kaaway. Ang lapis ay may sipat din ng kamalayan sa kanyang tungkulin. Ang hangad ay tumupad sa tuwina sumulat man o gumuhit ng mga kaisipan. Na labis na magpapaliwanag nang isang bagay na nilimot ng kabihasnan.

Ang lapis ay may kahinaan ding tinataglay. Sa tuwing pumupurol ang kanyang talino at sa tuwing lumulubog ang kanyang dignidad. Kalakip ng kanyang lungkot ay ang luha ng kapanghinayangan. Dahan dahan na ring dumudungaw ang dilim at ang kalawang ay pilit na dumadaiti. Sa matalas kong pananaw sa buhay na ang sanhi nito’y kabiguan. Madiin na sulat na na nag papa hina sa panulat.

Ang lapis.... Ay dumaraan sa mahigpit na pagsubok. Pagsubok na magbibigay ng kakaibang hamon masakit ang isang hubad na katotohanan. Sa isang kumukubli sa karuwagan tunay ngang masakit ang pagtatasa sa lapis. Gaya ng pagtatasa ng ating pagkatao puwede tayong masakta’t masugatan. Pagdurog sa puso kong kinakailangan ngunit ito’y hindi maaaring takasan ninuman. Ang lapis …. Ay may panggamot sa kabiguan. Tulad ng pambura sa kanyang likuran na siyang nagsisilbing pananggalang sa sigwa. Ang mga minsang sugat ng kahapon ay nararapat lamang limuti’t burahin. Upang sa dako pa roon nitong abang buhay makahakbang ang mga umid na paa. Sa bawat mga baitang ng mga pagsubok Makapag-patuloy hanggang sa magtagumpay.

Tanggan ko palagi isang lapis na panulat kadalasan ang emosyon sa papel sinusulat dito ko nailalahad damdamin di maisiwalat upang maibsan kung anu man hapdi nitong sugat. Pagpasok sa eskwelahan akin nang nakaugalian at dito ko natutuhan kung paano ang lumaban. Minsan sa buhay ko nasabi ko nang “ayoko” ngunit may mga taong nagturo na huwag akong susuko. Mga pagsubok na darating akin nang haharapin pag-asa’y magniningning at tiwala’y paiigtingin. Pagod ni Ina’y at Ita’y di sasayangin turo nila ma’am at sir di lilimutin lahat ng ito’y aking gagawin upang pangarap ko’y madaling marating. Mapalad ang mga bata na makatapos sa sekundarya makatanggap ng diploma at makahanap ng maayos na karera.