You are on page 1of 1

#66 Kalye Andres Castro Brgy.

15, Lungsod ng Laoag Abril 20, 2014

GNG. LIGAYA I. MENOR Store Manager Jollibee Foods Corporation Laoag-Bacarra Branch

Mahal na Gng. Menor: Nabasa ko po sa pahayagang Philippine Star petsang Abril 17, 2014, na nangangailangan ng isang cashier ang inyong fast food chain. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sa naturang trabaho. Ako po ay isang binata, labing anim na taong gulang, at nagtapos po ako ng sekundarya sa Ilocos Norte National High School Special Science Class noong Marso 31, 2014. Ako po’y masipag, matiyaga at marunong makihalubilo sa kapwa. Sa katunayan ako po ay nagkamit ng karangalan sa pagtatapos ng sekundarya. Isa akong aktibong mag-aaral sa sekundarya. Sa loob ng apat na taon, ako po ay naging opisyal ng Supreme Student Government, ang pinakamataas na organisasyon ng mga mag-aaral ng paaralan. Magaling ako sa matematika, agham at wika. Marunong din akong humawak ng kompyuter. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito, naniniwala akong magiging isa akong produktibong manggagawa ng inyong kompanya. Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin. Maraming salamat!

Sumasainyo,

MARK VINCENT P. DELA CRUZ Aplikante