You are on page 1of 21

KABANATA IX

ANG HULING SULYAP


Walang inaksayang oras ang Espanya, maging sa pagsasakdal sa kanya o maging sa pagpapatibay ng hatol ng hukumang militar na mamatay siya sa pagbaril sa ika-30 ng Disyembre.

Ika-6:00 ng umaga noong Disyembre 29, binasa sa kanya ni

Kapitan Rafael Dominguez ang opisyal na pahayag ng kanyang


pagbitay kinbukasan.

Sa loob ng kapilya, ginawang abala ni Rizal ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsulat ng mga liham sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Mula ika-12:00 ng tanghali hanggang ika-3:00 ng hapon, naiwang nag-iisa sa kapilya si Rizal. Matapos mananghalian isinulat niya ang kanyang huling liham sa wikang Aleman, kay Blumentritt.

Mahal kong kapatid, Kapag natanggap mo ag liham na ito, akoy pumanaw na. Bukas nang ika-7:00 ng umaga, babarilin na ako; ngunit akoy inosente sa krimeng rebelyon. Mamamatay akong payapa ang budhi. Paalam, pinakamamahal kong kaibigan, at uwag kang maisip nang masakit sa akin. Kuta Santiango, Disyembre 29, 1896 (lagda) Jose Rizal

ANG TUNAY NA PAMANA


Ayon sa kanyang mga kapatid na babae, hindi hinayaan si Rizal na mayakap ang kanyang ina. Ipinadyak niya ang kanyang paa sa galit at nagsalita, Mga duwag! Di maglalaon at

mapapaalis din ang Espanya sa Pilipinas.


Huwag mong papasukin sa paaralan ang iyong mga anak na lalaki hanggat namumuno dito ang Espanya, wika ni Rizal sa

kapatid na si Narcisa.

Hindi hiniyaang makapasok ang mga lalaking kamag-anak, maliban sa pitong taong batang si Mauricio. Nang pumasok na si Trinidad, ibinigay na niya ang kanyang tunay na pamana.Gusto kong ibigay sa iyo ang aking lampara.

Ilang oras na lamang bago ang Bagong Taon, binuksan nila ito at kinalog, bumagsak ang isang pirasong papel na naglalaman ng tulang MI ULTIMO ADIOS.

MULA HAPUNAN HANGGANG ALMUSAL , MGA LIHAM HANGGANG LUHA

Ika-8:00 ng gabi ng Disyembre 29, 1896 ang huling hapunan ni Rizal.

Bumangon siya nang ika-3:00 ng umaga ng Disyembre 30,1896, nagdasal at nagkumpisal.


Imitacion de Cristo ni Tomas a Kempis

Nang ika-5:30 ng umaga, kumain siya ng huling almusal. Sa huling pagkakataon, lumiham siya sa kanyang pamilya. Sa kanyang pamilya Sa kanyang kuya Sa kanyang Tatay

Sa aking pamilya, Hinihingi ko ang inyong kapatawaran para sa pasakit na naidulot, ngunit balang-araw mamamatay ako, at mas mabuti nang ngayon na ako mamatay nang may malinis na budhi. Mahal kong mga magulang at mga kapatid, magpasalamat kayo sa Diyos na napanatilli ko ang aking kahinahunan bago ako mamatay. Mamamatay akong umaasang sa pamamagitan ng aking kamatayn, kayo ay maiiwan kong payapa. Ah! Mas mabuti pang mamatay kaysa mabuhay nang nagtitiis. Kalamayin ninyo ang inyong kalooban. Itinatagubilin kong patawarin ninyo ang isat isa sa ilang maliliit na kasamaan ng buhay at subuking mamuhay nang nagkakaisa sa kapayapaan at mabuting pagkakaunwaan. Pakitunguhan ninyo ang inyong mga magulang nang tulad sa nais ninyong pakikitungo ng inyong magiging anak. Mahalin ninyo sila nang labis alang-alang sa akin. Ilibing ninyo ako sa lupa. Patungan ninyo ng bato at lagyan ng krus. Ihayag ninyo ang aking pangalan, ang petsa ng aking kapanganakan, at ng aking kamatayan. Wala nang iba pa. Kung sakaling pagdating ng panahon ay nais ninyong lagyan ng bakod ang aking libingan, maari din naman, Walang mga anibersaryo. Mas ninanais kong ilibing sa Paang Bundok. Maawa kayo kay Josephine.

Mahal kong Kuya, Apat at kalahating taon na pala ang lumipas nang huli tayong nagkita, o nagpalitan man lang ng mga liham. Ito, sa tingin ko, ay hindi dahil sa kasalatan ng pagmamahal sa akin o maging sa iyo, ngunit dahil rin sa lubos na nating kilala ang isat isa, hindi na natin kailangan pang magsalita upang lubos na magkaunawaan. Ngayon ay mamamatay na ako, at sayo ko inihahandog ang huli kong kataga, upang malaman mo kung gaano ako nagsisising iniwan kitang nag-iisa sa buhay na ito, na isabalikat ang pananagutan para sa ating pamila at ng ating umatanda nang mga magulang. Naiisip ko kung gaano ka nagsumikap upang mabigyan ako ng kinabukasan; tinangka kong huwag sayangin ang aking mga oras. Kapatid ko, kung ang naging bunga ay mapait, hindi ko ito kasalanan, kundi ng mga pangyayari. Alam kong nagtiis ka nang labis para sa akin, at ikinalulungkot ko ito. Tinitiyak ko sa iyo Kuya na mamamatay akonh inosente sa krimeng ito ng rebelyon. Hinko ko ikinakaila na ang mga dati kong naisulat ay nakaambag dito, ngnit, inakala kong napagdusahan ko na iyon sa aking pagkakatapon. Pakisabi sa ating ama na lubha ko siyang nagugunita! Naalala ko ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit mula pa ng aking kamusmusan. Hilingin mong patawarin niya ako sa sugat na hindi ko sinasadyang naidulot. (lagda) Jose Rizal

Sa aking pinakamamahal na Tatay,

Patawarin mo po ako sa sugat na aking ipinalit sa mga kalungkutan at sakripisyong inyong ginwa para sa aking edukasyon. Hindi ko ito ninais o pinili man lamang.
Paalam, Itay, paalam. Sa aking mahal na Nanay, Sra. Dna. Teodora Alonzo Ika-6:00 ng umaga, Disyembre 30, 1896

K A M ATAYA N N G I S A N G TA O , PA G B A G S A K N G I S A N G E M P E RY O
May magaganap na publikong pagbitay, kung kaya napapalamutian ng mga banderitas ang mga kalye at gusali.

Nakadamit nang nakaayon si Rizal- itim na amerikana, itim ng pantalon, itim na sombrerong may matigas at malukong na itaas at putting kamisetang panloob.

Maraming tao ang nakapila sa lansangan mula Kuta Santiago hanggang sa Plaza del Palacio sa Manila Cathedral. harapan ng

Sa pook ding iyon pinatay sa garote ang tatlong pari

noong Pebrero ng 1872.

Mula Kuta Santiago, kumanan siya at naglakad sa Paseo Maria.

Habang naglalakad, nasa gitna siya ng dalawang Heswita, sina Fr. Estanislao March at Fr. Jose Villaclara, habang nasa likod naman niya ang kanyang tagapagtanggol na si Tin. Taviel de Andrade.

Naging makapal ang dami ng mga tao, marami ang nagsisikuhan at nagtutulakan upang makakuha lamang ng magandang pwesto.

Kahit pa nga ilang hakbang na lamang siya patungo sa kanyang kamatayan, kalmado pa rin si Rizal. Napakaganda ng umagang ito ang bulalas ni Rizal. Sa mga ganitong umaga, naglalakad kami ng aking nobya.

Bago pa marating ang Bagumbayan, nilingion niya sa huling pagkakataon ang Intarmuros at nagtanong: iyon ba ang ateneo, padre? Oo sagot ng pari. Ginugol ko ang maraming masasayang taon doon.

Walong Pilipinong kawal ang may hawak na riple ang naatasang bumaril kay Rizal, habang walo rin namang kawal na Espanyol ang nasa likod nila. May bahagayng pagkaantala sapagkat hiniling ni Rizal sa komandante ng tropa na barilin siyang nakaharap sa mga papatay sa kanya. Kahit pa nakatali ang kanyang mga kamay, mahigpit niyang kinamayan si Tin. Taviel de Andrade upang pasalamatan siya kanyang kagitingan. Isang Espanyol na doktor militar ang inusyoso ang pulso ni Rizal-sa kanyang pagkagulat, normal ang tibok nito!

Inutusan ng kapitan ang mga kawal na mgahanda at itutok na ang kanilang mga riple. Preparen! Apunten!.Ngunit bago pa man ibaba ng kapitan ang kanyang sable upang isigaw ang fuego mabilis na isinigaw ni Rizal ang CONSUMMATUM EST. Hindi tumupad ang kapitan sa kanyang salita. Viva Espana! Muerte a Los Traidores! ang hiyaw ng mga Espanyol.