You are on page 1of 1

BAHAlita

BULLETIN
August 20, 2013, Tuesday by The International Filipino

BOTTOMLESS BAHA
Storm chaser
Paborito talaga ng mga lasenggo ang tag-ulan at tag-baha. Yung ginaw kasi ng panahon tamang partner ng init na dulot ng alak sa katawan. Maganda din view sa poolside.

Binaha ang maraming bahagi ng bansa, pati na Metro Manila, dahil sa halos walang-tigil na pag-ulan dala ng Tropical Storm Maring at ng Habahagat mula pa nuong Sabado. Yang eksena sa South Luzon Expressway sa Laguna sa kaliwa ay resulta ng bottomless na ulan. Na-stranded maraming pasahero, di umuusad ang mga sasakyan at nabahalahaw naman ang mga nagpumilit na dumaan. Wala namang naulat na nasaktan o nalunod. Pero marami daw nabasa. Habang sinusulat ang balitang ito, tuloy pa din ang pag-ulan sa kalakhang Maynila.

SOUTH LUZON EXPRESS LAKE The SLEX on Monday, Aug. 19, courtesy of tropical hut Maring. Paalam, SLEX, mami-miss ka namin. (From FB page of Filipinos Patriotism)

GANITO KAMI NOON

May pasok!

Sa Barangay Tagay, di naman daw nawawalan ng ulan, nauubusan lang ng chaser. (From FB page of Filipinos Patriotism)

Hindi naman kagulat-gulat ang mga taong Sa may Manila, Martes, Hulyo 12, 1904. (From the FB page of naglalakad sa kalye bhert_pogi throwbackflood with Enrick Santos.) na ulo na lang ang kita dahil sa baha. Basta nasa Pilipinas ka, normal lang yan. Kaya nga Its more baha in the Philippines, di ba? Isa pa, nuong panahon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, binabaha na rin naman ang Calle Azcarraga sa Maynila. Ilang beses pa ngang napostpone ang meeting ng mga Katipunero dahil wala silang masakyang kalesa noon. E wala pang pedicab. Pero kung ayaw mong maniwala, BAHAla ka!

GANITO PA RIN NGAYON

Sa may Quiapo, Manila, Martes, Agosto 20, 2013. (From Teddy Castillo)

Hirap pa din ang mga opisyal magdesisyon kung may pasok sa eskwela at opisina o wala kapag umuulan. Pero wala namang problema ang mga estudyante dyan dahil malalaman din nila na walang pasok pag andun na sila sa lumubog nilang eskwela. Sa mga kawani naman ng gobyerno o mga trabahador sa pribadong kumpanya, maiging tawagan nalang ang bisor o amo para malaman nila mismo kung me pasok o wala. At least nag-effort. Wag nang magtaka kung me pasok pa rin kahit baha na ang paligid. Hanggat di lagpas tao ang baha, me trabaho. At wala naman sigurong magrereklamo pa kung sabihan silang no work, no pay. Ika nga ni Mike Enriquez, Pasok!