Noche Buena

Ni Galeny G. Topacio- Manalaysay
MGA TAUHAN:  Aling Tayang - isang biyuda, ina nina Tomas, Ben at Manding  Sepa - utusan sa bahay ni Aling Tayang  Tomas - anak ni Aling Tayang, isang mangangalakal  Ben - anak ni Aling Tayang,isang inhinyero  Manding - anak ni Aling Tayang, isang kargador  Letty - manugang ni aling Tayang, maybahay ni Tomas  Erlinda - manugang ni aling Tayang, maybahay ni Ben  Nita - manugang ni aling Tayang, maybahay ni Manding TANAWIN: Gabi. Maaliwalas na bulwagan ng isang maayos na tahanan. Sa isang tabi ay may isang bilog na hapag na may mantel at isang “florerang” nakapatong. Isang estante ng mga aklat ang nasa isang sulok at may ilang kwadrong nakapalamuti sa mga palarindigan. Sa isang tabi ay may isa naming hapag na kinapapatungan ng isang radio. May pintuan sa dakong kaliwa ng bulwagan na may kurtina. Maliwanag ang ilaw. PAGSISIMULA: Sa pagbukas ng tabing ay makikitang si Aling Tayang ay tila nagsisiyasat sa bulwagan. Sa isang tumba-tumbang naroon ay mauupo siya pagkatapos. Titindig uli. Magpapahalatang may hinihintay na kinaiinipan. Uupo na naman sa silya. Pagagalawin ang silya. Sa radyo’y maririnig ang awit na “Silent Night, Holy Night!”. Papasok si Sepa mula sa pintuang may kurtina.

TAYANG: Mabuti na ang pagsalu-saluhan nating iyan. Masisiyahan na sila niyan… SEPA: Oho… (Pagulat) Teka nga pala muna Nanang… ‘Titingnan ko ang mga iniwan ko sa labas at baka pinakikialaman ng mga pusa! (Tuluy-tuloy na aalis si Sepa. Darating sina Ben at Erlinda. Pusturang-pustura ang mag-asawa at kapwa may bitbit na mga pang-aginaldong nasa nababalutang mga kahong karton at balutan.Kapwa silang hahalik sa kamay kay Aling Tayang na mauuna si Ben) ERLINDA: Mano po, Nanay! TAYANG: Naku, ang mga anak ko! Kaawaan SEPA: Nana Tayang, talaga bang darating sila. Gabing-gabi na’y wala pa sila e! TAYANG: Ha? Ano ‘ka mo? SEPA: Kung darating hong talga ang inyong mga anak. TAYANG: Sarhan mo nga muna ang radio at nang maintindihan kita. (Isasara ni Sepa ang radyo) Ano ba ang sinasabi mo,ha, Sepa? SEPA: Kung darating po ang mga anak ninyong pinaghahandaan natin ng mapagsalusaluhan! TAYANG: Aba, oo… Darating sila, pagkat aking ipinagbilin. Tuwing pasko’y talagang nagsasalu-salo kami.. SEPA: Malayo ho ba ang kani-kanilang bahay? TAYANG: hindi naman siguro. Naririto rin silang lahat sa Maynila, magkakaiba nga lamang ng lugar. SEPA: Kasi’y hindi ho natin napag-uusapan sila. Aa’pat na araw lamang ako palibhasa sa inyo rito. TAYANG: Este, Sepa, areglado nab a ang handa natin? SEPA: Oho…Ginayat ko na ang tinapay, hinango ko na rin ang minudo at sopas, saka nakapagprito na rin ako ng hamon. Nakasalang napo ang tsokolate at bubuksan na lamng ang keso. kayo ng diyos! (Babasbasan niya ang dalawa. Sabay na ibababa ni Ben at Erlinda ang kanilang mga dala sa mesa, ngunit ititira ni Ben ang isang kahon at lalapit kay Aling Tayang) BEN: Nanay narito ang tangi naming aginaldo sa inyo. Ito’y inorder ko pa sa Amerika. (Aalisanng balot ni Ben ang kahon, bubuksan niya ito at ilalabas nang nakaladlad ang isang bata) Isukat mo nga, Nanay! TAYANG: Mahal yatang totoo iyan, nak… Bakit ba iyan pa ang binili niyo,e , hindi ko naman kailangan ang bata… Naiinitan pa nga ako kung gabi, e! ERLINDA: Mabuti iyan sa inyo, Nanay, lalo na kung kayo’y namamahinga. Sige nga, isuot nga natin sa kanya, Ben! TAYANG: Puro pagmamalabis ang itinuturo ninyo sa akin. Ano ba ako, isang donya Sabel? ERLINDA: Bakit kayo’y maraming sinasabi ay hindi naman maaaring tumutol sa amin. Dale nga’t ako ang magsusukat sa inyo! (Paagaw na kukunin ni Erlinda kay Ben ang bata at isusuot kay Aling Tayang at tutulong din si Ben) TAYANG: Ang mga anak naito, oo! ERLINDA: Tingnan ninyo, Nanay, at bagay na bagay sa inyo! Tingnan ninyo!

BEN: Para palang dalaga ang Nanay kapag may bata! Talagang maganda ka pa Nanay! ERLINDA: Di kasi,naman ui! (Darating sina Tomas at Letty.Magagara rin ang damit ng mag-asawa at kung anu-ano ang dalang aginaldo) LETTY: (Hahalik ng kamay kay Aling Tayang) Mano po Nanay! (Ilalapag sa mesa ni Tomas ang kanyang dala, gayundin si Letty, pagkahalik ng kamay kay Aling Tayang) TAYANG:Mga anak ko, naiinip na ako sa inyo! (Hahalik sakanyang kamay si Tomas) Kaawaan kayo ng Diyos, mga bunso… e, bakit ba naman ginabi kayo ng totoo? LETTY: Kasi’y itong si Tommy, Nanay. Nagpagabi ng uwi, e! (Dudukot sa bulsa ng kanyang Amerikana si Tomas at ilalabas ang isang kahita. Lalapit kay Aling Tayang) TOMAS: (Bubuksan ang kahita) … Nanay narito ang aginaldo sa inyo ni Letty. ERLINDA: Isukat nga ninyo, Nanay! TAYANG: Mga anak, baka naman ako pagkamalang nanalo sa sweepstakes! LETTY: Teka nga’t ako na ang magsusuot sa kanya. (Isusuot ni Letty sa daliring palasingsingan ni Aling Tayang ang singsing) O, hayan… tingnan ninyo (Ilalantad ang kamay nailing Tayang) Bagay na bagay sa Nanay! TAYANG: Mga anak, ako’y totoong naliligayahan sa ginagawa ninyo sa akin. Napaka-ligaya ko. Mapalad ako sa maraming ina! (Magpapahid ito ng luha). BEN: Bakit ka naman umiiyak yata, ha,Nanay? ERLINDA: Ku, e, bakit nga ba Nanay? TAYANG: (Magpapahid uli ng luha) Wala mga bunso ko… Labis na labis lamang ang kasiyahan ko! Nagugunita ko lamang na kung

buhay pa ang inyong ama, sa ganitong araw ay labis din siyang magagalak sa nakikitang giliw sa inyo! (Darating sina Manding at Nita. Walang ano mang bitbit ang dalawa. Nakapolo-shirt na may kulay si Manding at ang pantaloon ay maong. Si nita naman walang kagayak-gayak) MANDING: Nanay! NITA (Lalapit agad kay Aling Tayang at hhalik ng kamay) Mano po, Nanay! TAYANG: Kaawaan kayo ng Diyos, Anak! (Hahagkan din ni Manding ang kanyang kamay) Pagpalain ka ng Diyos, Anak ko! E, bakit ba ngayonlamang kayo dumting? NITA: Mangyari po’y itong si Manding… Nayakag po yata ng mga kaibigan ay kung saan nagsuot… MANDING: Hindi, ako’y sumama lamang sa mga kaibigan.Nagbabasakali ako sa piyer, pagkat nabalitaan kong may dumating na bapor at magdidiskarga ra, pagkat aalis din bukas. Baka ‘ka ko makadilihensiya tayo, e! NITA: Alam po ninyo, Nanay, si Manding ay tatlong buwan nang nagabbawas sa kanyang trabaho at siya’y nagkakargador sa piyer! BEN: Nagkakargador? TOMAS: Ibig sabihi’y nagpapaupa kang maghakot? MANDING: Oo! Iyan ngayon ang hanapbuhay ko, sapagkat wala akong mapasukan! Paano… lawang-lawa tayo, e! TAYANG: Naku, ang anak ko! Di ang hirap-irap ng hanapbuhay mo? Susmariosep! Bakit hindi ka na lamang nagpasabi? MANDING: E, kumikita naman ako kahit paano,e! Aba, sa panahong ito’y Lalapit ka sa mga opisina, e, patay ka na muna bago ka matanggap at hindi mo naman malaman kung matatanggap ka nga o hindi!

TAYANG: Ang anak na ito… ikaw ba’y talagang nagsasarili na? Bakit hindi ka lumapit sa Kuya Ben mo o sa Kuya Tomas mo? (Titingnan ni Manding) Kaya pala maitim ngayon ang anak ko at magaspang ang kamay! (magpapahid ng luha) MANDING: Nanay, awa naman ng Diyos ay nakakakita ako kahit papa;no. E… huwag ka namang umiyak! Paskung-pasko pa naman(Masaya). Aba, siyanga pala… hindi ko man lamang nabababti kayong lahat ng Maligayang Pasko! (Unang lalapitan si Erlinda at kakamayan) Maligayang pasko Ate Erlinda! (Kakamayan din ang nakangiting si Letty) Maligayang Pasko, Ate Letty. LETTY: Maligayang Pasko naman sa iyo, Manding. (Lalapit naman it okay Nita at yayakapin. Lalapit din si Erlinda kay Nita) ERLINDA: Siyanga naman, Nita. Ano ba nama’t hindi na kami nakabalita sa inyo ni Manding may anim na na buwan na? NITA: E, kasi’y tumatanggap ako ng tahiin, Ate! LETTY: Ha? Nananahi ka? Sus, ang hirap niyan! TAYANG: Ang mga bata namang iyan… hindi na nga nagpapapsabi man lamang(Lalapitan si Nita at hahawakan sa kamay) Kaya pala namamayat ka ngayon! Kawawang mga bata ito! (Ang magkatabi sa pagkakatindig na sina Ben at Thomas ay magbubulungan,habang titingin-tingin kay Manding na bahagyang nakatalikod sa kanila. Dududkot si Thomas ng isang magandang cigarette case,magsususbo ng isang sigarilyo; aalukin si Ben at ang dalawa’y kapwa maninigarilyo) NITA: Kaya po,Nanay, ito ay tapatan! Talagang ang punta naming ito sa inyo ay upang magkita nga lamang! Wala kaming dala sa inyo ni Manding. MANDING: Taong ito, Oo! Anong wala tayong dala na sinasabi mo? NITA: (Haharapin ang asawa) Ikaw ang taong puro biro ang katawan… MANDING: Aba, Mayroon nga tayong pang aginaldo sa Nanay, Nita! Mayroon…

NITA: Siya nga? Bakit hindi mo ipinakita sa akin? MANDING: (Sisigla) Buweno… umayos kayong lahat (Iisaisahing aayusin sa pagkakatindig ang mga kaharap ng dalawang hipag,si Nita at ang kanyang ina). Ngayon… Makinig kayo. Sapagkat ang pasko’y mabiyayayang araw, inaakala kong isang tula ay isang damdaming katulad nang sa akin ay isang biyaya rin…At, iyan ngayon ang inihandog ko sa nanay… Ang tangi kong alala ngayon ay ibibigay sa kanya, Nanay making ka…. Pasko, Pasko ngayon….sa Kabila-kabila’y Masaya ang lahat, Laganap ang tuwa, sigla’ nakasabog, Daigdig…may galak: Kaluwalhatiang pahatid ng Diyos, Ating nilalasap. Kaya bawat tao, ang bawat kinapal, Maligayang ganap! Ako, kung bigo man, ang kabiguan ko’y Aking tinatanggap, At dito sa puso…pag-ibig sa Diyos! Lalong tumitimyas; Ngayong pusong ito, ang kayamanan kong Matibay, matatag Tanggapin mo ina. Hindi maluluma, Hindi malalansag! (Pagkatapos na maka rula si Manding, makikita niya ang kanyang dawlang hipag na sina Erlinda at Letty na kapwa nakatungo, Samantalang si Nita ay magpapahid ng luha. Ang huling titingnan niya ay ang kanyang ina. Magbabatis ang luha ni aling Tayang. Luluha rin si Manding) TAYANG: Anak ko! MANDING: Nanay, nalalaman kong katungkulan ng isang anak ang mag-alala sa kanyang magulang. Batid ko ang kanyang tungkuling iyan ay makatao at maka Diyos, Isa

ring kagandahan ng lipunan at isang kaugalian sinusunod sa buong daigdig, Pangarap ko, Nanay, na madulutan kita ng kahit bahagya man lamang na kasiyahan, ng munting bahagi ng ligaya… Ikaw na pinagkakautangan ko ng buhay, ng kabuuan ko, ng aking lakas ngunit nanay, isang bigo ang anak mo sapagkat kawal ng karalitaan TAYANG: (Lalapit kay Manding at yayakapin ito) Anak ko, bakit ka ba nagsasalita ng ganyan, Ang anak na ito…Sa akin, ang kaligayahan ko ay kayo, kayong lahat ng mga anak ko. Oo’t nalulugod ako sa bawat iaalay niyo sa akin, sa matatamis niyong handog ngunit kung wala naman ay hindi mangangahulugang kayo ay nagkukulang. Sapat na sa akin ang makita kayo. Kayong lahat na bahagi ng dugo ko’t buhay! NITA: Mangyayari ho, Nanay bawat anak na Makita nammin ngayon ay may alaala na sa magulang… E, kami lamang ang wala. (Lalapit kay aling Tayang at yayapusin naman siya nito ng isang kamay. Mapapagitna sa mga magasawang Manding at Nita si aling Tayang) Nanay, ang pamasko naming sa inyo ay binibigkas na lamang ng aming mga puso! TAYANG: Husto na nga! Huwag na nating pag usapan ang bagay na iyan ako’y galak na galak, sapagkat kapiling ko kayong lahat ngayon sa araw na ito ng pasko.(Haharapin si Tomas at si Ben. Titingnan din si Manding) Buweno, mga anak, magusap-usap na muna kayo at may ipapakita lamang ako kay Nita sa loob.(Babalingan si Letty at si Erlinda) Kayo ring dalawa… Halina, kayo (Payakap naaakayin ni Aling Tayang si Nita at susunod naman sina Erlinda at Letty) (Si Ben at si Tomas ay tatalim ang tingin kay Manding at eto naman ay mapapatingin sa dalawa)

BEN: Artista pala ang kapatid nating ito, Tomas. Akalain mong madrama pa s aharap ni nanay! TOMAS: Oo nga…gulat ako...e! MANDING: (haharapan sa dalawa) kuya Tomas. Bakit ganyan ang inyong pagsasalita? Alalahanin ninyong sa aking kahirapan ay ibig ko lamang maipagtapat ang katotohanan sa ating ina BEN: Sus bakit ka naman hindi maghihirap, e, tamad na tamad ka! TOMAS: Ang sabihin mo’y walang dilihensya at abilidad! Tapos na ng ”High School” Nagkargardor lamang eh! MANDING: Hindi lamang ninyo ako nauunawaan…nagkakargador ako,bilang pansamantalang hanapbuhay ko. Ngunit mayroon naman akong hinihintay na trabahong inaasahan kong bukas makalawa’y pakikinabangan! BEN: Ang sabihin mo’y talagang mahilig ka sa pagbubulakbol! Hanggang ngayo’y alisaga pa ang sarili sa paglilimayon! TOMAS: Tingnan mo yan… Sukat bang magkakargador ka. Nakakahiyang hanapbuhay. Masahol ka pa sa pulubing tangway! Hayan ang labas mo… Tatanda ka’y paurong at walang asenso kalianman! BEN: Mangyari’y nag-asawa agad! Akala mo’y mauubusan ng babae! Kung nagpatuloy ka naman ng pag-aaral hindi ka sisispain sa opisina. Alam mo ba kaya ka napa aalis sa dating pinagtatrabahuhan mo? Hoy! Dahila’y wala kang titulo, wala kang natapos na karunungan! MANDING: Mga kapatid ko kaya ba ninyo ako sinisisi ay dahil sa abang kapalaran ko? Hindi ko gusto ang magkaganito. BEN: Ku…talagang pinipilit mong mapaibabaw ang katuwiran mong pilipit!

MANDING:

Ikinahihiya ba ninyo ang aking

TAYANG: Mga anak ko, kayong lahat… Makinig kayo. Ang diwa ng pasko ay makulay at mahalaga. Ang mga magkakahinlog na nagkakalayo ay naglalapit… Nagsasalo-salo. Nagbabatian ang mga nagkakaaalit. Nagyayakap ang kanilang mga diwa at damdamin. Salamat mga anak at minsan pa nating tinamasa ang ganitong biyaya. Salubungin natin ang paskong ito ng isang mataimtim na pagbati! (Si Manding ay hahawakan sa dalwang kamay sina Ben at Tomas. Masasaya sila. Hahalikan naman ang kanyang tatlong manugang. Si aling Tayang) NITA: Nanay, ang saya ng paksong ito, pagkat kami’y nasa inyong piling! TAYANG: Mga anak ko, tayo na sa labas at magsalu-salo! (Lalalbas si Sepa) SEPA: Nana Tayang, handa na ho ang hapag natin! TAYANG: Mga anak, tayo na kayo… (Ang lahat ay lalabas. Mauuna si aling Tayang na akay nina Erlinda at Letty. Kasunod sina Tomas at Ben. Maiiwan ang dalawa, si Manding at Nita. Lalapit ang dalwa sa radio at bubuksan ni Manding. Maririnig ang awit na”Joy to the world!” Mag ngingitian ang mag-asawa. Magkaakbay na susunod sa mga lumabas)

hamak na kapalaran? Tandaan ninyong hindi ko maitatatwa na kayo’y karugtong ng aking bituka. Subalit kung itinatakwil ninyo ako…Kayo ang bahala! (Lalabas si Aling Tayang at mapapaharap sa kanya ang tatlong magkakapatid) TAYANG: Ano ba’t nagkakagalit yata kayo mga anak! Bakit ba? BEN: Hindi nanay! Pinangangaralan lamang naming ang taong ito! (Pagigitna si Aling Tayang sa tatlong anak) TAYANG: Mga anak ko, kayong lahat ay mahal sa akin. Kayo ang sanlasa sa akin ng inyong yumaong ama. Kayo, sapagkat nagmula sa aking puso ay hinubog ko sa katuwiran at kabaitan… Itinanim ko sa inyong damdamin ang pagmamahalan sa isa’t-isa . Huwag ninyong taniman ng panimdin ang aking kalooban. Alalahanin natin ang daigdig na ito ay nilikha ng Diyos sa pag-ibig kaya’t mag ibigan sana kayo… Magmahalan. Ang dakilang Hesus na ngayo’y hinihintay ng sangkatauhan ay sugo ng pagibig… Isinilang siya sa isang palalong walang nakikilalang matuwid, namatay sa krus; ngunit ang kasalanan ng sangkatauhan ang kanyang iniligtas, tayong mga taong sa kampay ng buhay ay nagkakamali at nakakasala! (Biglang maririnig ng mga nasa bulwagan ang sunod-sunod na tunog mula sa batingaw mula sa simbahang malapit lamang. Lalabas sina Erlinda, Letty at Nita) ERLINDA: Aba nanay! (Titingnan sina Ben, Tomas at Manding) Hoy, Kayo… pasko na! Isinilang na si Hesus. Mag galak kayo! (Ang tatlong manugang ni Aling Tayng ay mapapaharap sa kanya) LETTY: Ano ba ang sinasabi ng nanay?

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful