You are on page 1of 30

Poetrycollection2008

CURFEW

Wag kang pababagansiya.

Axel Pinpin Dilemma ni Carpio Francisco Arias Montesea Kuyom Genevieve Mae B. Aquino Alzheimers in the Philippines German V. Gervacio Hu Let Da Dogs Awt?! Hu-Hu-Huhu! Gracia Alcantara Perdiguerra Fugue Mark Angeles Fury Tales Jason Valenzuela Staffhouse Marlon Hacla Isang Pagtutol Melvin Medes Mga Taong Apoy Michelle Brences Policurfew Noel Sales Barcelona Bakit Gloring? Raul Funilas May Kaba Sa Bawat Hakbang Ng Manghihimagsik Ravelth Castro-Belicena Mundong Parisukat Rodelen Paccial Emerald Rustum Casia One Night Only Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr. Anibersaryo Ngayon ng Martial Law

PasaKalye
N
oong unang humiling sa akin si Mark Angeles na magbigay ng paunang salita para sa Chapbook na ito ay magalang na tinanggihan ko siya. At paminsanminsan, di ko pa rin maiwasan na dalawin ng pag-aatubili.
Unang-una, sapagkat hindi naman talaga ako kabilang sa mga pinagpipitagang listahan ng mga batikang manunulat at manunula. Wala akong maipagmamalaking mga karangalan sa larangang ito. Sa palagay ko, isa lang akong bagamundo sa kalawakan ng sining at literatura. Ikalawa, sapagkat itinuturing ko lamang ang aking sarili na isang payak na mambabasa, at hindi isang kritiko. Noong una, nangingimi akong sinsinin at suriin ng komprehensibo ang ilalathalang mga tula at sanaysay ng koleksiyong ito. Nabubulunan ako. Gusto ko lang munang mag-enjoy, dahan-dahang lasapin ang sarap ng pagbabasa at saka lunukin ang malasang mga himaymay ng mga tula. Sa tingin ko ay naroon ang aking pokus.

CURFEW

Poetrycollection2008

Subalit nang lumaon, napagtanto ko rin kung ano ang esensya ng munting hiling ni Mark: Eh, ano ngayon kung hindi pala talaga ako writer? Eh, ano ngayon kung hindi talaga ako poet? May lisensya nga ba ang pagbabahagi ng paunang salita? Ako ba ay huhulihin ng mga awtoridad, ikukulong at ibabagansiya? Sasabihin marahil ng karamihan na huli na yata ang paglalabas ng Chapbook na ito. Na sa loob lamang naman ng isang gabi naganap ang curfew. Na ilusyon lang ang kinatatakutang Martial Law. Na nagsayang lamang tayo ng panahon. Na gumagawa lamang tayo ng sariling multo. Ngunit kailangan nating alalahanin na ang mas usapin pa rito ay hindi sa kung ilang gabi o araw naganap ang lahat. Hindi sa kung nagdeklara ba ng Martial Law o hindi. Sapagkat sa loob ng isang gabing iyonnang magdeklara ng curfew si Madam Gloria, muli niyang isinupalpal sa pagmumukha ng mga Pilipino ang isang mapait na katotohanan: Magdeklara man siya o hindi ng curfew o Martial Law, matagal na tayong nakakulong at nakabagansiya sa ilalim ng nabubulok na sistema ng lipunan. Marami pa sa atin ang hindi pa nakakalaya. Marami pa sa atin ang nawawala at sukat, hanggang ngayoy hindi pa nakikita. Muling isinampal ang reyalidad na ang bulok na sistemang ito ang kulungang pinagsasadlakan natin sa loob ng napakaraming taon na. Hindi pa rin tayo nakakapuga. Pero hindi tayo papayag na patuloy na makahon sa kulungang ito. Tayo ay kakawala. Tayo ay pupuga. Hindi na tayo muling papayag na ma-curfew sa daan tungo sa paglaya. At sa buhos ng mga pumasok na mga obra sa koleksiyong ito, makikita natin ang pagpupumiglas. Hindi na ako magbibigay ng mga mabubulaklak na salita. Hahayaan ko na lang na ang mga obra ang mangusap upang ating malasahan ang mga daing, hiling, galit at paglaban. Sabay-sabay tayong ngumuya. Jason Valenzuela

, va a e r nu e : a m l its l d Vi Su re c yn ike : e rv , M ut e o la y M o Imag La ue l, ter z u & n n e Az Qui y al sign e d V o D n el e B. Ra ng n ag o P A s Ja

e ll o C ry t e PO

ct

r u c
ag W

w e f
n io s 0 20 8

g n ka

ag b a b pa

an

a. y si

CURFEW

Poetrycollection2008

Dilemma ni Carpio
Axel Pinpin
Pag curfew, ang car ay few. Pag nagka-curfew, parang may iaanunsiyo. Pag tumuloy ang curfew, kasunod ay martial law. Pag nagka-Martial Law, parang may nag-aalburuto. Pag Martial Law, bisperas ng pagbabago!

Poetrycollection2008

CURFEW

Bernardos Curfew
German V. Gervacio
Pinipigil niya ang pag-uumpugan Ng nangungurog na tuhod At mga itlog sa masikip pang basket Waring ang pagkaripas ng takbo Ang magliligtas sa kanya sa pagkakaipit Sa nagtutumuling alas-dose at alasingko Subalit hindi lang ang tuhod niya ang nangangatog Pagliko niya sa scout area sa may timog Isang Everest ang sa kanyay nagpaimbulog Laging handa ang mga boyskawt na nakapalibot Na hagilapin at damputin ang utak niyang malapot Na natabunan ng durog-durog na mga bato ng balot. Pagkabuak ng bukangliwayway Isang alamat na paniwalaan-dili ang magpapasalin-salin Mula sa isang panahon ng bagyo at rilim. 30 Nobyembre 2007

CURFEW

Poetrycollection2008

Anibersaryo Ngayon ng Martial Law (Kay Luis Diaz Beltran)


Vim Nadera
Anibersaryo ngayon ng Martial Law kaya ang komentarista sa radyo (na nanahimik nang makalaboso) ang sa pagkahol ay kinapong ASO!

Poetrycollection2008

CURFEW

Kesyo, daang piso ang presyong laan araw-araw sa kain ng doberman samantalang sila kinse pesos lang kasi wala silang panga-pangalan. Di tulad ng walong Simeon Rodriguez, walong tokayong ipinapiit, pinitpit ang bayag, at pinaawit pilit kung sino si Simeon Rodriguez. Daig pa nilang nanood ng sineng bida ay sina Divina o Merlie kung PD ay may huling inosenteng naonse sa a-Onse ng Setyembre. Talapihitang higpit na nag-init ang kumawali sa aking pandinig sa dekadang de-susi ang pag-imik at de-poder ang humalik sa puwit. Kulong na historyador sa upuan akong tumuklas ng sino, kailan, ano, papaano, bakit, at saan bagamat sang-oras ding nagsasalsal. Balang-araw magiging lolo akong hanggang sa tuhod ay magkakaapo pero pag ako ay pinagkuwento gunitang ganito ba ay may curfew?

CURFEW

Poetrycollection2008

Alzheimers in the Philippines


G.Mae Aquino
Theres a national disease awareness week for a society that lost all short-term memory and the visual-spatial confusion: Are you a hero or a lunatic? One pathological genetic defect in man and everyone degenerates into dementia: Madness to think you can change society. Madness to think you cannot change sides. The administration takes the clinical approach: Antagonists block the activation channels. Trigger the cascade of negative reactions. This is a system on the pathway to chaos. Halt all provincial signaling networks. Put the city to bed by midnight or be shot. Curfew doesnt matter when you sleep until 5 a.m. Stop acting senile. There are other causes for death.

Poetrycollection2008

CURFEW

Smack That
Rustum Casia
Keber sa destabilisasyon. Nanood lang talaga ako concert ni Akon. Pero in fairness, pakshet naman talaga ang administrasyon.

CURFEW

Poetrycollection2008

Mundong Parisukat
Ravelth Castro-Belicena
I. Humahangos ang mga salita Parang asong may rabies ang oras Kung humabol ito sa kamustahan. Istorya pa lang ng panganay ang nakasalang Oras na ang alulong ng bantay sa pintuan At natutureteng lumilipad ang mga Baso at pinggan, taob na ang bote Gayong di pa said ang laman. Ang munting hinandang piknikan Mabibitin, Na naman! Kayat ang tungkol kay Junior Sa susunod na dalaw na lang.

Poetrycollection2008

CURFEW

II. Balik sa dating puwesto Kung meron pa ngang naiwang espasyo. Dito sila sama-sama sa parisukat na mundo Mga taong may oras na iba ang nagpapatakbo Mga taong de susi ang buhay sa kalaboso. III. Sa isang istik ng yosi Lima-lima ang nagpapalitan ng hininga Sa iisang kama nagtatalik ang pawis ng labing-isa Kanya-kanyang istilo kung paano makakaunat May panalo sa diskarte may palaging nasasalat. Sari-saring kuwento, iba-ibang alamat. Andyan si Boy Tahi na bumurda ng lalamunan, Si Andong Puti na tumabas ng ulo ng biyenan, Nahuling sumiping si Onyok kay Manang Ang iba naman ang kantay kamiy napagbintangan lang IV. Kung gabiy tangan nila ang nanlilimahid na unan Tila mga sanggol na maingat pa ring inaalagaan May yapos na sulat, retrato, o anumang kasangkapan Nakatitig sa orasan, kinukusot mga matang luhaan. V. Sa likod ng mga rehas sa parisukat na mundo Eto ang eksena ng matatapang na tao: Habang sa dilim sabay-sabay silang naiidlip Katulad ng kanilang panaginip malaya silang iibig, kahit ang kalayaan alam nilang baka hindi na makamit.

CURFEW

Poetrycollection2008

Fugue
Grace Perdiguerra
Time past and time future Allow but a little consciousness. To be conscious is not to be in time But only in time can the moment in the rose-garden . . . Be remembered . . . T.S. Eliot It came as a song marching, past the tresses of long faces yawning from cold dripping with rains steps heavy on the pavement, in staccato, beating his sole. He sensed the tropical convergence: a love triangle with Mina, Lando and another name: a storm forged, flooding rivers, leaving heaved palms of transient souls praying for rain. He came back, as prophesied. The landscape Mina deserted set the foots complaints not by left without a name or right churning grains for pecking birds in chain, turning, turning a reel of aroma from a five hundred peso coffee stain, then, returned. Unnoticed. He sang the song in his head, the choir in his sleep, hummed. There, remained.

Poetrycollection2008

CURFEW

May Kaba Sa Bawat Hakbang Ng Manghihimagsik


Tata Raul Funilas
Isang napakahabang paghakbang ang simula ng sigalot. Mulang lumakad ang mga apurahang paang nanalisod Patungong Manila Peninsula Hotel upang ibantayog Ang ginagawa ng pamahalaan ng mga mangungurakot. Kaagapay ang mahigit sa limampung Mamamahayag, Binasa ang ginawang kalatas tungkol sa pag-aaklas Ng basal na prinsipyong hindi makain ng kanilang utak; At ang pahayag ay umalingawngaw at unting kumalat. Ang utos ng Reyna: Sugpuin sa loob ng isang saglit Ang mga mandirigma at sa kulungan ay inyong ipinid! Ang sundalo at pulis ay kinubkob at sapilitang hinagupit Ng bagsik ng tear gas at tangke ang mga naghihimagsik. Hanggang sa sumuko ang manghihimagsik sa dahilang Ayaw nilang madamay ang mga Mamamahayag at Sibilyan. Hindi karuwagan ang pagsuko kung kinakailangan ng bayan Upang sa pagbabalik ng laban ay tayo naman ang magtagumpay. Natakot ang Reyna at Punong Disipulo kaya ibinagsak ang curfew. Dakiping lahat! Ang lumabag sa utos ko ay inyong ikalaboso, Dahil kung makapapasok ang kanilang puwersa at elemento Ay mapipilitan akong maging diktador ng bagong Martial Law. UP-Diliman Disyembre 3, 2007

CURFEW

Poetrycollection2008

Isang Pagtutol
Marlon Hacla
Sige, ginang, isasara ko na ang pinto. Mainit, ginang, kaya hayaan mong nakatiwangwang ang bintana. Itatago naman ang mukha ko ng dilim ng kamagong. Kung talagang ayaw mo kaming gumalaw sa pagitan ng mga anino, ginang, hindi ito makatarungan. Ipinagkakait mo sa amin ang rikit ng magdamag. Darating ang oras, ginang, ipagkakait namin sa iyo ang bukang-liwayway.

Poetrycollection2008

CURFEW

Mga Taong Apoy


Melvin Medes
Bakit nga ba kailangan mong ipagkait ang mga oras ng gabi? Marahil, nanginginig ang iyong mga daliri sa takot na takasan ng bait ang sambayanan sa mga oras ng magdamag. Marahil, hindi ka mapanatag sa maaaring pagkagising ng mamamayan. Akala mo siguro, maiimpit ang aming mga tinig at titigil sa pag-inog ang aming mga isip. Akala mo siguro, mabubuwag ang matindi naming pagkakabigkis. Hindi paraan ang pagkakait ng oras sa kalaban. Pagkat sa mga pawid ng aming mga sarili, sa bawat naming kubo at kampo, hindi mapipigilan na maganap ang mga nararapat. Mahigpit ang pagkakapinid ng aming mga bintana at lapat na lapat ang makakapal na aldaba. Kahit hangin ay hindi makakapasok upang salingin ang mga apoy naming taglay. At kamiy maglalagablab at magtitipon ng init at lakas hanggang matapos ang itinakda mong oras. Kamiy maglalagablab at magtitipon ng init at lakas hanggang hindi na namin matansiya kung ano ang maaaring magaganap, hanggang sa masunog ang aming mga pawid kubo, kubol, isip, tinig, katawan at isabuhay kung ano ang nararapat. Bubulagin ng aming matinding apoy ang susunod na mga oras. Bubulagin at sisilaban hanggang humalik sa aming mga pisngi ang saysay ng bagong bukas.

CURFEW

Poetrycollection2008

Bakit Gloring?
Noel Sales Barcelona
Bakit mo pagbabawalang Lumabas ang tao sa gabi? Natatakot ka bang Daluhungin ka nila Sa panahon ng iyong pananaginip Ng kaunlarang walang kahulirip? At biglang ang unang Kinahihiligan ng ulo Ay bigla na lamang itakip sa mukha hanggang di ka na makahinga? O baka naman natatakot kang Mabuking na hindi ka anghel Bagkus isang aswang Na lumalapa, gabi man o araw? (Bakit nga ba Gloring? Bakit ayaw mong lumabas Ang mga tao sa gabi?)

Poetrycollection2008

CURFEW

staffhouse
Jason Valenzuela
Ang kaya lang naming bilhin ay ilang istik ng yosi Ngunit masigasig ang tindero ng taho sa gabi Ang magbabalut na siguroy kaniyang kaklase Aba, always present sa paglalako sa tanghali Hinihintay nila siguro na kamiy yumaman Para tinda nilay mapakyaw at matikman Ngunit habang lubog pa kami sa kahirapan Kami munay kanilang masusing babantayan At sa gabing itomatapos ang Peninsula Hindi na kami nabigla sa pagdami nila Baka sa susunod, ang katapat naming kalsada Tatayuan na ng palengke ng mga espiya.

CURFEW

Poetrycollection2008

Kuyom
Francisco A. Montesena
Aserong palad Ang may hawak ngayon sa mga oras Na tumitipon sa magdamag. Magdamag na dinukot Ang puso at sumakal Sa leeg ng bawat tik tak. Bawat tik tak ay tigmak Sa himatong ng paniniil, Pagtatakwil, pagsikil. Pagsikil na masasabi Ang gawi ng imbi; Dito nagising ang gabi. Sa paggising ng gabi, namulat ito sa naglalakarang Anino ng mga bituin. Balisang mga anino na di mawari kung takot na maunahan pagkaumaga ng sikat o nasasaktan na sa hawak ng aserong palad. 12/4/07

Poetrycollection2008

CURFEW

Emerald
Rodelen Paccial
Gusto ko tani magtabuk sa Emerald kag saksihan ang madugo nga sinautay sang mga babayi nga ginbayaan sg ila kasaplutan ugaling ang dalanon ginabagat sg mga makina nga kalag sang patrolcar nga nabuhi liwat gikan sa pagkamatay nila sang 1986. Wala sang nagahulag sa mga dalanun, kundi ang mga ido, nga libre mangagat, libre mang-iyot.

CURFEW

Poetrycollection2008

Fury Tales
Mark Angeles
Pulisya ay pumalakpak, inindakan ang kahangalan: See Magdalo soldiers jump. See Magdalo soldiers run. Look! Look at our battle tanks show off a five star ram.

Poetrycollection2008

CURFEW

~ Tumimbre sa TV at radyo lalot ngayong magpa-Pasko. Matapos magpatikim ng curfew ng wicked witch sa Palasyo baka tuluyang ipanregalo ang naglalaway na Martial Law. ~ Cinderello, Cinderella, maghabol ng biyahe. Kapag inabot sa kalsada pagpatak ng alas dose, Metrocom ni Gloria ang sa inyo ay huhuli. ~ Tularan si Bradyng nakahilata noon sa isang parabulang tula: Nang dugo ay bumaha at moog ay masawata, si Brady ay napukaw bigla at kinontra ang angaw ng sumpa.* *tulang Brady Cardia na lumabas sa bulatlat.com

CURFEW

Poetrycollection2008

Policurfew
Michelle Brences
auwi na ako sa bahay. Pero kakaiba ang gabing ito. Parang minandyik ang mga tao. Nasaan sila? Nasaan ang mga gimikero at gimikera? Nasaan ang gabi-gabi kong nakakasalubong na mga lasing? Nasaan ang mga humaharurot na sasakyan? Ang mga mga bus na halos naggigitgitan sa pag-uunahan sa mga pasaherong gusto nang makauwi sa kanilang bahay? Kagabi lamang ay nakipagpatentero na naman ako kay Kamatayan. Pero ngayong gabi kahit siguro tumawid ako ng nakapikit sa kalyeng ito ay hindi ako masasagasaan. Anong naisip ng mga mayari ng beer house at ang agang nagsara? Kahit ang mga instant tindahan ay ganun rin. Pucha! Pati si Manang na palagi kong binibilihan sa kanto ng isang yosi at kendi ay nawala! Ang mga panggabing nilalang siguroy hindi na nagising! Ako bay nanaginip o baka naman mali lang ang kalyeng binabagtas ko? Ayoko isiping may curfew. Oo, alam ko sa amin ay pinatupad ni Mayor

Poetrycollection2008

CURFEW

ang curfew pero para lamang sa mga kabataang ang edad ay disiotso pababa. Pucha! Paano napasali dun si Manang?! Natawa ako bigla. Hanggang may nakasalubong akong lalaki. Nagmamadali sa paglakad. Nang makatapat ko siya ay tinanong ko ang oras. Baka kako alas-dos na nga naman ng madaling araw. Pero hindi. Kailangan ko malaman ang dahilan. Halos ibato niya ang sagot sa tanong ko, Mag-aalas-dose na. May curfew raw! Saglit ako natigilan at ipinasya kong lumakad nang mabilis. Kasimbilis ng hangin. Naghihintay na ako ng sasakyang jeep. Pero mukhang maghihintay lang ako sa wala. Puro kotse at taxi ang nakikita kong dumadaan. Mangilan-ngilan pa. Magta-taxi na lang ako. Pucha! Wala nga pala akong pang taxi. Putang curfew yan! Bakit ba may curfew?! Para saan?! Kung sanay umuwi na lang ako agad kanina. Ipipikit na lang ang mata ay problema pa! Putres na buhay to! Paano kung madaanan ako ng mobil patrol? Saan ako magtatago? Ayokong matulog sa presinto! At anong gagawin sa akin dun? Sesermunan lang ni Sarhento? Baka murahin ko pa siya! Hanggang may sumisitsit sa likuran ko. Sinakay ako sa kotse ng mga gago. Dun nga sa presinto ang tuloy ko. At sermon din ang inabot ko. Kinaumagahan laya ako. Anong nagyari sa curfew? Sana ay sa Policurfew sa Mandaluyong na lang ako dumeretso at kay Nanay na lang nagpasermon!

CURFEW

Poetrycollection2008

UKOL SA MGA NAGBAHAGI

Poetrycollection2008

CURFEW

Bilanggong politikal si Axel Pinpin na nag-akalang si Sen. Trillanes & the Gang na ang magre-rescue sa kanila. Na-realize niya pagkatapos na taumbayan pa rin ang sadyang magpapalaya sa kanila at hindi mga Superhero. Si Francisco Arias Montesea ay ipinanganak sa Majayjay, Laguna. Siya ay isang Accountant sa isang pribadong kumpanya sa Makati City. Sa ngayon, siya ay aktibong kasapi ng LIRA, Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo. Siya ay naging fellow sa 8th UST National Writers Workshop at sa UP Likhaan Performance Poetry Workshop na itinaguyod ng British Council. Ang kaniyang maikling kuwentong pambata ay nanalo ng 1st prize sa 2007 Gawad Komisyon Sa Wikang Filipino. Genevieve Mae B. Aquino is a scientist by profession and has participated as a fellow for Poetry in English at the Iligan National Writers Workshop and the IYAS Creative Writing Workshop. Her lifetime dream is to produce a body of work that combines her two great loves: science and poetry. She was born in Quezon City, raised in Davao City, and currently serves as a bioinformatics specialist for an international research consortium. Si German V. Gervacio ay isang guro, manunulat, at bugtongero. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa MSU-IIT sa Lungsod ng Iligan. Gracia Alcantara Perdiguerra is a Liaison Officer for Academic and Cultural Affairs at the Oblates of St. Joseph Minor Seminary. She studies Literature and teaches literature and creative writing. Kilala rin sa cyber moniker na Makoy Dakuykoy si Mark Angeles. Dating vice president for Luzon ng College Editors Guild of the Philippines. Bukod sa Curfew, inisyatiba rin niya ang chapbook na 10/17. Si Marlon Hacla ay may degree sa Computer Science mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay kasapi ng Pinoypoets.

CURFEW

Poetrycollection2008

Mahilig sumulat ng mga tula at maiikling mga katha sa Filipino at Ingles si Melvin Medes. Sa kanyang mga bakanteng oras, kung wala na siyang magawa, nagtatampisaw siya sa pagpipinta, potograpo at graphic designing. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa Far Eastern University ng Nursing. Si Michelle Brences o Mitch ay mahilig kumain ng pizza pie. Kaya tinawag siyang Michapie. Patnugot ng pahinang pang-Overseas Filipino Workers ng Pinoy Weekly si Noel Sales Barcelona. Kasapi siya ng Kilometer (KM) 64 Poetry Collective, Artists Response to the Call for Social Change and Transformation (Artists ARREST), at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP). Sa kabila ng pagiging malikot at galawgaw sa paglalaboy sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas, hindi pa rin alam ni Jason Valenzuela ang tunay niyang trabaho. Minsan graphic designer, minsan ay nagsusulat ng mga artikulo at nagdidibuho ng komiks sa pahayagang Pinoy Weekly. Kabahagi siya ng grupong Kilometer64 at Artists Response to the Call for Social Change and Transformation (Artists ARREST). Nanungkulan siya dati bilang patnugot ng The Catalyst, opisyal na publikasyon ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at naging National Deputy SecretaryGeneral ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Madalas siyang pumapalo tambol para sa progresibong bandang Gapos para magkaroon daw ng self-realizationkung ano man iyon. Si Tata Raul Funilas ay isang Makatang mula sa pulo ng Talim sa lawa ng Laguna, isang Manggagawa sa Pamantasan ng Pilipinas, isang Eskultor, Mangingisda, at tagalinang ng kultura sa pulo ng Talim. Kasapi ng LIRA, Neo-Angono Artists Collective, KAMAKATAHAN Poets, Timog Poetry at minsay nakipanahan sa tagiliran ng bikilang Bundok ng Sierra Madre at Susong Dalaga. Siya ang awtor ng librong Halugaygay sa Dalampasigan na inilathala ng University of Sto Tomas Publishing House.

Poetrycollection2008

CURFEW

Nagtapos sa University of the Philippines Diliman bilang Magna Cum Laude sa kursong Edukasyon si Ravelth Castro-Belicena. Kasalukuyang nagtatrabaho sa isang NGO sa Makati habang pinapanday ang kanyang kakayahang tumula sa mga oras na puwede siyang tumambay. Paborito niyang gawan ng tula ang kanyang anak at asawa. Rodelen Paccial is a postgraduate medical intern at the Western Visayas Medical Center. He has won a few awards for his writing, including the Gawad Komisyon and Gawad Ka Amado. He was also a fellow to the Iyas National Writers Workshop and the Fray Luis de Leon Creative Writing Workshop. He has been published in some print and online journals including the English Studies Forum, Dalityapi, SanAg, Irong-irong, and Homelife. He is the current Magdaloni of Dagyangpulong, a writers organization in Iloilo City. Unang kasapi ng Kilometer 64 si Rustum Casia. Miyembro rin siya ng ARTISTS ARREST. Bumababa ang platelet count niya pag naririnig niya ang kantang Boom Tarat Tarat. Naniniwala siyang hindi totoong nanggigigil si Geary Barias kay Sen. Trillanes. Paborito niya ang tinolang manok. Naghahanap siya ng murang camera phone. Kasalukuyang Direktor ng Likhaan: U.P. Institute of Creative Writing si Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera Jr. Ilan sa kanyang proyekto ay ang panitikan.com.ph, Pagpupugay sa mga Pambansang Alagad ng Sining, Gawad Likhaan: U.P. Centennial Literary Prize,at Kaakuhan o ang Compact Disc ng mga tula ni Alejandro G. Abadilla (AGA) Noong 2005, siya lamang mula sa U.P. Diliman ang pinalad na magawaran ng professorial chair at ang panayam niya mula sa U.P. Portfolio na pinamagatang Abadillismo ay naganap noong 10 Marso 2006, ang ika-100 kaarawan ng Ama ng Modernistang Panulaan sa Filipino na si AGA. Ginawaran siya ng South East Asia Write Award noong 2006 ng kaharian ng Thailand. Saksi ang 2007 sa kanyang pagwawagi para sa kanyang nobelang (H)istoryador(a), inilimbag ng UP Press, ng Juan C. Laya Prize for Best Book of a Fiction in a Vernacular Language noong National Book Awards. Kasalukuyan siyang Presidente ng Kapisanan ng May K sa Pilipinas (KMKP) at Tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).