Opening remark Isang maaliwalas na umaga po sa ating lahat, sa umagang ito gusto kung itanong sa inyong lahat kung

bakit po tayo nagdiriwang ng buwan ng wika? • Dahil b-day ni Lolo Manuel L. Quezon • Para hahaba pa ang panahon ng paggunita ng ating pagkakakilanlan Ayon pa kay Virgilio Almario na siyang sekretaryo ng KWF (Komisyon ng Wikang Filipino) na “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo” kahit saan ka man magpunta tanging bagahe natin ang wika. Kung may makasalubong tayong mga kakilala kahit saang panig ng Pilipinas o sa buong mundo nag-uusap tayo gamit ang wikang kumon sa atin, ito ang tinatawag na Lingua Frangka. Ibig sabihin napapangatawan ng wika ang gamit nito, kaya siguro binuo ang Filipino para kung tatanungin tayo sa ibang kung ano ang national language natin? Isasagot natin “Filipin” at hindi Tagalog. Ngayon dahil ang tema natin ay wika tungo sa tuwid na daan. Pag-usapan po natin ang iilang isyu tungkol sa wika sa Pilipinas o Filipinas. Bakit pa natin pinagdidiriwang ang buwan ng wika na kung tutuusin mas pinaniniwalaan pa natin na uunlad tayo gamit ang wikang banyaga. Pasintabi sa mga maka-ingles sana mapatawad n’yo po ako sa mga babanggitin ko. Ayon sa talumpati ni Nelson Turgo na pinamagatang Bakit ako Nagmura ng Putang Ina sa Buwan ng Wika, Malinaw sa ating kasaysayan na ang Ingles ay hindi lamang naging paraan ng komunikasyon kundi paraan ng kolonisasyon. Ang Ingles ay hindi naging paraan para sa pag-uusap ng mga mamamayan. Naging paraan ito para sa paghahati-hati ng mga mamamayan. Pagmasdan natin ang ating mga karatig bansa partikular ang Japan, Korea, China at Malaysia ano ang gamit nilang wika? Maunlad sila diba?, gamit ang kanilang wika. Ito ang hamon sa ating lahat, ang pagtatampok sa wikang Filipino bilang pambansang wika sa lahat ng aspeto ng buhay, mula sa akademya hanggang sa bahay. Sa panahon ng rumaragasang globalisasyon at homogenisasyon ng mga kultura, tanging Filipino ang ating pag-asa. Nandoon na tayo sa banyagang wika pero huwag kalimutan na may wika tayong pambansa. Walang wikang superior o imperior, lahat ay pantay-pantay. Walang wikang sikat o hindi sikat, ang gumagamit nito ang nagpapasikat. Sana galangin po natin ang ating wika dahil kung ano ang gamit nating wika yun tayo bilang Pilipino. Kahit ilang beses man tayong magdiriwang ng Buwan ng wika kung hindi tatatak sa puso’t isipan natin ang tunay na diwa ng pagdiriwang na ito wala paring papupuntahan ang tatahakin nating tuwid na daan. Kaya ang pagmamalaki sa wika mo ay pagmamalaki sa pagkatao mo sabi ni Lolo Jose Rizal “Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.” Yun lang po at Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang wikang Filipino.
3xV2ml1UY1

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful