You are on page 1of 14

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Sagot: kandila

Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.

Sagot: langka

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: ampalaya
Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.

Sagot: ilaw

Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: anino

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: banig

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.


Sagot: zipper

Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: gamu-gamo

Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Sagot: gumamela

Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.


Sagot: kubyertos

Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo

Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: kuliglig

Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.


Sagot: palaka

Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Sagot: kasoy

Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: paruparo

Dalawang batong itim, malayo ang nararating.


Sagot: mga mata
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: tenga

Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: baril

Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.


Sagot: bayong o basket

22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Sagot: batya

23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: kamiseta
24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola

25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Sagot: ballpen o Pluma

26. Nagbibigay na, sinasakal pa.

Sagot: bote
27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok

28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.

Sagot: kampana o batingaw

29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Sagot: bayabas
30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.
Sagot: balimbing

31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: posporo

32. Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.

Sagot: Atis
33. Hiyas na puso, kulay ginto, mabango kung amuyin, masarap kung
kainin.

Sagot: Mangga

34. Nag tapis nang nag tapis nakalitaw ang bulbolis.

Sagot: Mais

35. Kung tawagin nila'y santo, hindi naman milagroso.

Sagot: Santol
36. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot: Saging

37. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.

Sagot: Duhat

38. Isang magandang dalaga.‘Di mabilang ang mata.

Sagot: Pinya

You might also like