P. 1
Part 10 - Life-Giver (Luke 7:1-17)

Part 10 - Life-Giver (Luke 7:1-17)

|Views: 499|Likes:
Published by Derick Parfan
In this story, we will look at how Jesus reveals himself not just as our Life-Saver, but more than that, as our Life-Giver. http://wp.me/po4gZ-1mf
In this story, we will look at how Jesus reveals himself not just as our Life-Saver, but more than that, as our Life-Giver. http://wp.me/po4gZ-1mf

More info:

Categories:Types, Presentations
Published by: Derick Parfan on Oct 02, 2013
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/06/2014

pdf

text

original

Part 10: Life-Giver (7:1-17

)
September 15, 2013

The Story
Pagkatapos mangaral ni Jesus sa mga tao, pumunta siya sa Capernaum. May isang kapitan doon ng mga sundalong Romano na may aliping malubha ang sakit at naghihingalo na. Mahal niya ang aliping ito. Kaya nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, sinugo niya ang ilang mga pinunong Judio para pakiusapan si Jesus na pumunta at sagipin ang buhay ng kanyang alipin. Nang dumating sila kay Jesus, nakiusap silang mabuti sa kanya, "Kung maaari po sana tulungan n'yo ang kapitan, dahil mabuti siyang tao. Mahal niya tayong mga Judio at ipinagpatayo pa niya tayo ng isang bahay-sambahan." Kaya sumama sa kanila si Jesus. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, sinugo ng kapitan ang ilang mga kaibigan niya para salubungin si Jesus at sabihin, "Panginoon, huwag na po kayong mag-abalang pumunta sa bahay ko, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan n'yo. Kaya nga hindi na rin ako naglakas-loob na lumapit dahil hindi ako

karapat-dapat na humarap sa inyo. Sabihin n'yo lang po at gagaling na ang utusan ko. Magagawa n'yo iyon dahil may mga sundalo ding nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka roon,' pumupunta siya. Kapag sinabi kong, 'Halika,' lumalapit siya. At kung ano pa ang iniuutos ko sa aking alipin ay sinusunod niya." Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya sa kapitan at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Hindi pa ako nakakita ng isang tao sa Israel na may ganito kalaking pananampalataya." Nang bumalik sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nadatnan nilang magaling na ang alipin. Pagkatapos, pumunta si Jesus sa bayan ng Nain. Sumama sa kanya ang mga tagasunod niya at ang maraming tao. Nang malapit na sila sa pintuang bayan, nakasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak ng isang biyuda. Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon sa biyuda nang makita niya ito. Sinabi niya sa biyuda, "Huwag kang umiyak." Lumapit siya at hinawakan ang kinalalagyan ng patay upang tumigil ang mga nagdadala nito. Sinabi ni Jesus, "Binata, bumangon ka!" Umupo ang patay at nagsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa kanyang ina. Kinilabutan ang mga tao at nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, "Inalala tayo ng Diyos. Isinugo niya sa atin ang isang dakilang propeta." At kumalat sa buong Judea at sa palibot na mga bayan ang balita tungkol kay Jesus.

Mahirap na Takbo ng Buhay

Last week, nakita natin ang ending ng sermon ng Panginoong Jesus sa Luke 6 tungkol sa kaseryosohan ng pagsunod sa kanyang salita. Ikinumpara niya ang nakikinig nga sa mga salita niya ngunit hindi naman sumusunod sa isang lalaking nagtayo ng bahay sa buhanginan. Dahil hindi matibay ang pundasyon, nang dumating ang malaking baha, lubusang nawasak ang bahay. Sinasabi ni Jesus na kung gusto nating maging matibay ang buhay natin at ayaw natin itong mawasak, seryosohin natin ang pagsunod sa kanyang mga salita.

Maraming tao ang hindi sineseryoso ang mga salita ni Jesus kasi feeling nila, kahit hindi naman nila nasusunod ang mga utos ni Jesus, normal pa rin namang tumatakbo ang buhay nila. Maganda pa rin naman ang kita sa negosyo, hindi naman grabe kung magkasakit ang mga anak, nakakakain pa naman sa araw-araw, maganda naman ang mga grado sa eskuwelahan, nakakabili naman ng mga gustong bilhin, masaya naman ang pamilya. Pero dapat nating marealize na ang pagsunod kay Jesus ay hindi naman nakasalalay sa takbo ng buhay natin, kundi sa kung sino si Jesus para sa atin. Dahil hindi natin kaagad naiintindihan iyon, hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang hirap ng takbo ng buhay. Para ano? Para ipakilala kung sino si Jesus at kung ano ang kapangyarihan ng kanyang mga salita na dapat nating sundin. Last Wednesday (Sept. 11), papunta ako ng IGSL sa QC, pagbaba ko sa Munoz, napansin ko na dumadami ang tao. Nakatingin sila sa taas ng billboard (30 meters siguro ang taas). May lalaki na nasa taas (tantsa ko nasa late 20s or early 30s ang edad). Magpapakamatay. Kinabahan ako. Kasi buhay ang nakasalalay doon. Nandoon sa tuktok ang isang lalaking hindi na maayos ang takbo ng buhay kaya tatangkain niyang wakasan na ang buhay niya. (Sasabihin ko mamaya kung ano ang nangyari.) Sa mga panahong parang malapit nang matapos ang buhay natin o kaya naman parang wala nang patutunguhan o wala na tayong kasiyahang nararamdaman, sa mga panahong iyon merong sinisimulang gawin ang Diyos. Gusto ni Jesus ipakilala ang kanyang sarili sa mga tao. Pagkatapos mangaral ni Jesus sa mga tao, pumunta siya sa Capernaum (Luke 7:1). Hindi ba iyong parang isang guest speaker sa isang church special event na pagkatapos magbigay ng sermon, nabigyan ng love gift at umuwi na. Tapos na ang kanyang tungkulin. Kundi parang isang pastor tulad ng ginagawa ko na hindi sapat na makapagsermon lang. Kundi iyong matiyak na napakinggan ang mga salita ni Jesus, pinaniniwalaan at sinusunod.

Paano ngayon ipinakilala ni Jesus ang kanyang sarili sa mga taong nakakarinig ng kanyang mga salita? Tingnan natin sa dalawang kuwento sa Luke 7:1-17.

Jesus Our Life-Saver (7:1-10)

Ilang beses na nating nakikita sa series natin sa Luke na nagpapagaling si Jesus. Napagaling niya ang inaalihan ng demonyo (4:31-37). Ang matinding lagnat ng biyenan ni Pedro (4:38-41). Ang lalaking may malubhang sakit sa balat (5:1216). Ang lalaking paralitiko (5:17-26). Ang lalaking paralisado ang kanang kamay (6:6-11). Lahat nga ng maysakit kaya niyang pagalingin kung gugustuhin niya, "...all those who had any who were sick with various diseases brought them to him, and he laid his hands on every one of them and healed them" (4:40). Siya iyong pambihirang doktor na makapagpapagaling sa mga maysakit (5:31). Hindi maganda ang pagkakasakit, pero paraan ito ng Diyos para magpakilala siya sa atin. Kung sipon at ubo lang, medyo normal pa ang takbo ng buhay ng pamilya n'yo. Pero kapag may kasama kayo sa bahay na naghihingalo na, ibang usapan na iyon. Hindi na puwedeng busy-busyhan ka lang niyan. Life and death situations are God's way of calling us out to cry for help. Ganyan ang nangyari sa Capernaum... May isang kapitan doon ng mga sundalong Romano na may aliping malubha ang sakit at naghihingalo na. Mahal niya ang aliping ito (2). Ang kapitang ito ay tinatawag na "centurion" o tagapamahala ng 50-100 sundalo. Isa siyang Romano, hindi Judio. Nagpapakita na ang Panginoong Jesus ay naparito hindi lang para sa mga Judio kundi para sa lahat ng tao. Meron siyang alipin. Siyempre sa lipunan nila, mababa ang tingin nila sa mga ganitong tao, ang tingin lang nila ay nakedepende sa pakinabang na makukuha nila. Pero itong kapitan, pinapahalagahan niya ang aliping ito. Hindi ito parang isang gamit na kapag naluma o nasira ay pwede namang palitan. Nagpapakita ito ng pagpapahalaga ng Panginoong Jesus maging sa mga taong mababa ang tingin sa lipunan. Kapitan ka man o alipin, dumating si Jesus para sa kagaya mo. Mahalaga ang buhay ng bawat isa sa atin para sa Diyos.

Naghihingalo na ang alipin, ilang sandali na lang mamamatay na. Dinala na sa mga doktor, sinubukan na ang mga gamot, dinala na sa ospital, wala pa rin. Parang wala nang pag-asa. Tanggapin na lang siguro ang sitwasyon. Pero isang araw, may nagbalita sa kapitan, siguro isa sa mga napagaling ni Jesus o nakakita kung paano siya nagpagaling. Nabuhayan ng pag-asa ang kapitan. Hangga't nariyan ang Panginoong Jesus, may pagasa, kahit naghihingalo na. Kaya nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, sinugo niya ang ilang mga pinunong Judio para pakiusapan si Jesus na pumunta at sagipin ang buhay ng kanyang alipin (3). Napakagandang larawan na makitang ang mga Judio ay tumutulong din sa mga hindi Judio para sagipin ang buhay ng isang alipin. Ganoon talaga kapag buhay na ng isang tao ang nakasalalay, kailangang isantabi muna ang mga differences at magtulung-tulong. Pero kahit anong sikap pa ng mga tao, kahit anong pagkakaisa ang gawin natin, kung wala naman tayong kakayahang pagalingin ang isang taong naghihingalo, wala rin. Maliban na lang kung lalapit sila at makikiusap sa nag-iisang makapagsasalba sa buhay ng alipin. Iyon ang request nila. Kung hindi sumang-ayon si Jesus, siguradong patay. Tulad ng isinakay sa ambulansya na nag-aagaw buhay, kung hindi naman maadmit at maaccomodate sa operating room, patay! They now feel the urgency of the situation. Nagmamadali iyan, tumatakbo, kahit pagod, basta makarating agad ang request kay Jesus. Nang dumating sila kay Jesus, nakiusap silang mabuti sa kanya...(4a). Para bang lumuluhod na sa harap ni Jesus at nagmamakaawa, "Please...Please...Wala na kaming ibang malalapitan..." Iyan din naman ang hirap sa ating mga tao. Kung anu-ano pa ang sinusubukan natin o nilalapitan natin para masolusyunan ang problema, tapos palpak naman lahat, tapos parang last resort na lang ang Panginoong Jesus. Kapag agaw-buhay na, wala nang posibleng human solution saka tayo lalapit sa kanya. Kahit naman simple pa lang ang sakit, kahit naman hindi pa malala ang problema, puwede naman nating siyang lapitan. "Give all your worries and cares to God, for he

cares about you" (1 Pet. 5:7 NLT). Tulad noong nangyari sa Prayer Meeting last Friday. Nakasalampak kami sa sahig. May mga umiiyak dahil inilalapit nila ang kabigatan nila sa Panginoon. Nakikinig ang Diyos. Tutulong siya sa atin. Dahil ano? Dahil mabuti ba tayo at deserving of his mercy? Pakiusap ng mga isinugo ng kapitan... "Kung maaari po sana tulungan n'yo ang kapitan, dahil mabuti siyang tao. Mahal niya tayong mga Judio at ipinagpatayo pa niya tayo ng isang bahay-sambahan" (4b-5). Tutulungan ba siya ni Jesus dahil mabuti siyang tao? Dahil mataas ang katayuan niya sa lipunan? Dahil maganda ang reputasyon niya? Kaya sumama sa kanila si Jesus (6a). Dahil ano? Dahil sa kahilingan ng kapitan, hindi dahil sa kanyang kabutihan. "Who am I, that the Lord of all the earth / Would care to know my name / Would care to feel my hurt?.../ Not because of who I am / But because of what You've done / Not because of what I've done / But because of who You are." Malinaw ito dahil ang kapitan mismo ang nagpasabi nito. Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, sinugo ng kapitan ang ilang mga kaibigan niya para salubungin si Jesus at sabihin, "Panginoon, huwag na po kayong mag-abalang pumunta sa bahay ko, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan n'yo. Kaya nga hindi na rin ako naglakas-loob na lumapit dahil hindi ako karapat-dapat na humarap sa inyo.... (6b-7a). Sabi ng mga isinugo niya noong una, worthy siya. Pero siya mismo ang nagsabi na hindi. Dalawang beses sabi niya, "Hindi ako karapat-dapat puntahan n'yo...Hindi ako karapat-dapat humarap sa inyo." Dahil ba Judio si Jesus at ayaw niyang maparatangan pa ng kapwa Judio si Jesus? Pwedeng iyon ang isang dahilan dahil itong mga Judio hindi pumapasok sa bahay ng mga di-Judio. Pero hindi ganoon mag-isip si Jesus. Kahit sino ka pa, basta narealize mong kailangan mo siya. At itong kapitan, narealize niya ang totoo niyang kalagayan sa buhay, na bagamat mataas ang posisyon, nasa kapangyarihan, wala siyang awtoridad at kapangyarihan ng tulad ng kay Jesus. Kahit gaano kataas ang tingin natin sa sarili natin o ng ibang tao sa atin, hindi iyan maipapantay sa kataasan ng Panginoong

Jesus. Kahit pa anong galing ang tingin natin sa sarili natin, balewala iyan kung ikukumpara sa magagawa ni Jesus. Iyan ang pinaniniwalaan ng kapitan. Ang tingin niya sa sarili niya, hindi siya karapat-dapat. Ang tingin niya kay Jesus? Pambihira ang kapangyarihan kaya pinasabi niya kay Jesus... Sabihin n'yo lang po at gagaling na ang utusan ko (7b). Hindi kailangan ng gamot, hindi kailangang lumapit pa, hindi kailangan ng technology. Just his word! At tiyak itong kapitan na ganoon ang bisa ng mga salita ni Jesus. Hindi niya sinabi, "Subukan n'yo pong magsalita lang at pagalingin siya, tingnan natin baka matsambahan n'yo...Try lang ba, no choice na." Hindi ganoon! Alam niyang magagawa iyon ni Jesus dahil kung ikukumpara sa kanya, no match ang power ni Jesus. "Magagawa n'yo iyon dahil may mga sundalo ding nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka roon,' pumupunta siya. Kapag sinabi kong, 'Halika,' lumalapit siya. At kung ano pa ang iniuutos ko sa aking alipin ay sinusunod niya" (8). Umapela ang kapitan hindi sa kanyang awtoridad bilang kapitan, kundi sa awtoridad ni Jesus na higit pa sa kaninumang kapitan, o general, o presidente, o hari. Jesus has authority over all creation, over all sicknesses, over all people. That's faith. Believing in the authority and power of Jesus to do everything, to do the humanly impossible. Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya sa kapitan at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Hindi pa ako nakakita ng isang tao sa Israel na may ganitong pananampalataya" (9). Si Jesus ang namangha!Sa Luke, dito lang nangyari iyon. Palaging ang mga tao ang namamangha sa kanya. Hindi ibig sabihing sa Israel ay walang pananampalataya ang mga tao. But it is a call and a challenge sa mga sumusunod sa kanya at namamangha sa mga miracles niya na hindi puwedeng hanggang doon lang. Tulad ng kapitang ito, they must have "great faith" (NIV). Great dahil sa dakilang kapangyarihan ng object of our faith. This event also looks forward to the inclusion of Gentiles in the church and the rejection of Israel. Hindi ba't nakita natin iyan sa story ng Book of Acts. Marami sa Israel ang tumalikod sa mensahe tungkol kay Jesus. Pero may

mga Gentiles, tulad ng kapitan din na si Cornelius na nakinig sa mensahe ni Pedro at naligtas (Acts 10-11). Hanggang makarating ito sa atin ngayon. Nakamamangha. Dahil may mga taong naniwala kay Jesus, nahabag sa atin at ibinalita ito sa mga katulad natin. Dahil para sa mga taong katulad nito, malinaw na malinaw at kitang-kita ang ebidensiya tungkol kay Jesus. Nang bumalik sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nadatnan nilang magaling na ang alipin (10). Malinaw na malinaw ang ebidensiya. Kung baga sa kaso ni Napoles sa plunder, hindi na na maidedeny na siya ay magnanakaw dahil sa mga ebidensya laban sa kanya. Heto namang kay Jesus, malinaw na ebidensiya para sa kanya, na ang narinig ng kapitan tungkol kay Jesus, ang pinaniniwalaan niya, ang sinabi mismo ni Jesus, nangyari nga. Wala nang sakit ang alipin niya. Kani-kanina lang agaw-buhay, pero sinagip ni Jesus ang buhay. Jesus is our life-saver, salba-bida. Nung nakita ko ang magpapakamatay, feeling ko wala naman akong magagawa para iligtas siya. Hindi naman ako Superman. Umalis na ko, sumakay ng bus, at nagpray, "You alone can rescue. You alone can save." Kahapon lang nabasa ko sa news na tinawagan ng mga pulis ang pinsan ng lalaking ito (Lucien Junn Gacotano, 22). Umakyat din ang pinsan niya at kinausap siya para bumaba na at huwag nang magpakamatay. Answered prayer. Anumang pangyayari sa buhay, we must call to Jesus for help. Habang ginagawa ko ang sermon na 'to, nabalitaan kong isinugod sa ospital ang nanay ni Marie. I stopped what I was doing and asked God for help. We need him to keep us alive, para hindi tayo malunod sa rumaragasang takbo ng buhay ngayon.

Jesus Our Life-Giver (7:11-17)

Jesus is our life-saver, yes. But he is a lot more than that. Kasi mamamatay din naman tayo. Nasagip nga ang nagtangkang magsuicide, pero mamamatay din iyon. Iyong alipin ng kapitan, magkakasakit ulit iyon at mamamatay din. Kaya sa

sumunod na kuwento, may patutunayan si Jesus sa atin na higit pa doon sa naunang kuwento. Pagkatapos, pumunta si Jesus sa bayan ng Nain. Sumama sa kanya ang mga tagasunod niya at ang maraming tao (11). Maraming tao. Ang iba totoong tagasunod, ang iba nakikiusyoso lang. O nakikita si Jesus na panggarantiya sa buhay nila ngayon, na maging maginhawa, na gumaling kapag nagkasakit, na mapakain kapag nagutom. Ginagawa siya sigurong life insurance. E paano kapag namatay na, sasabihin ba ni Jesus, "Sorry, hanggang diyan na lang ako. Hindi ko na kaya iyan. Patay na e." Nang malapit na sila sa pintuang bayan, nakasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak ng isang biyuda. Marami ang nakikipaglibing (12). Walang asawa, iisa na lang ang anak. Nawala pa. As good as dead na rin siya. No point of going on with her life. Baka maging suicidal na rin ito kung walang aalalay sa kanya. Buti na lang maraming nakipaglibing, nakita ang kaawa-awang kalagayan ng biyuda. Sa panahon kasi noon, ang lalaki lang halos ang kumikita. Kaya kapag nabiyuda, at nawalan na ng anak wala na siyang ikakabuhay maliban na lang kung may mga aalalay sa kanyang kamag-anak (remember the story of Ruth and Naomi?). Minsan may nameet akong "suicidal" na. Nanay siya. Iniwan ng asawa. Isa lang ang anak niya. Pero mga kamag-anak niya galit din sa kanya at inaaway siya. Gusto na niyang magpakamatay kasi feeling niya mas mainam pang mamatay kaysa naman ganito ang buhay. When everything or everyone we love is taken from us, parang wala nang saysay ang buhay. Sa mga panahong tulad nito, dama ng Panginoon ang kalagayan natin... Nahabag ang Panginoon sa biyuda nang makita niya ito. Sinabi niya sa biyuda, "Huwag kang umiyak" (13). Oh, we have a compassionate Savior. He is for us. He feels our pain. At siya lang talaga ang makapagsasabi sa atin na, "Huwag ka nang umiyak." Kapag tayo nagsabing "Huwag kang umiyak," balewala iyon kung hindi naman mawawala ang reason for crying. Si Jesus lang ang makagagawa noon. He came to wipe away our tears.

Lumapit siya at hinawakan ang kinalalagyan ng patay upang tumigil ang mga nagdadala nito (14a). Sa panahon nila, bawal humawak sa patay o sa kinalalagyan ng patay. Magiging marumi sila or ritually unclean. Pero kay Jesus - he's the Holy One of God - hindi siya magiging marumi. Balewala na iyon sa kanya dahil buhay ng tao ang mas mahalaga. Naparito si Jesus para gapiin ang kasalanan, ang sakit, at ang kamatayan. Kaya... Sinabi ni Jesus, "Binata, bumangon ka!" (14b). Binata, totoo pa. Bumangon? Patay nga. Makikinig ba iyon? Makakasunod ba iyon? Observe here the power, the life-giving power of Jesus' word. Sa ilang salita lang, may kapangyarihan siyang muling makarinig ang patay, muling tumibok ang puso, muling magkaroon ng hiningi, na maipanumbalik ang lakas. Umupo ang patay at nagsalita (15a). Hindi "umupo ang binata" kundi umupo ang patay para bigyang diin na patay na ito. Ililibing na nga. Pero walang imposible sa Panginoon. Kung sa tao wala nang kapag-a-pag-asa. "Habang may buhay may pagasa." Kay Jesus, "Kahit patay na, may pag-asa." Dahil siya mismo ang Lumikha sa atin na nagbigay ng buhay. Siya rin ang bumabawi at nagbabalik nito. Kung ang pag-asa natin kay Jesus ay hanggang dito lang sa buhay na ito, tayo na ang pinakakaawa-awa sa lahat ng mga tao (1 Cor. 15:19). At ibinigay siya ni Jesus sa kanyang ina (15b). Hawig na hawig ang mga salitang ito sa kuwento ni Propeta Elias (1 Kings 17:23) kung saan binuhay din niya ang anak ng isang biyuda at ibinigay sa kanyang ina. But Jesus was greater than the prophet Elijah! Hindi lang siya instrumento ng Diyos para magbigay buhay, Jesus himself is the life-giver. Ibinigay niya ang buhay sa binata na parang isang regalo. Ganoon din sa biyuda, binigyan niya ng bagong buhay, bagong pag-asa. Jesus is not just our life-saver. He is our life-giver. You need him. Some of you here are dead, spiritually-speaking. Patay dahil sa kasalanang naghahari sa inyo (Eph. 2:1). Pero naniniwala ako sa kapangyarihan ng salita ni Jesus na bigyan kayo ng buhay. We are "born again...through the living and abiding word of God" (1 Pet. 1:23). Pakinggan n'yo ang mga

salita niya. Paniwalaan. Magtiwala sa kanya. Pumasok ka dito na patay. Lalabas kang buhay. Sabihin mo sa kanya, "You alone can rescue. You alone can save. You alone can lift us from the grave. You came down to find us, led us out of death." Now that you're alive...

Bagong Buhay

Ngayong may bagong buhay na tayo dahil kay Jesus, may bagong pananaw na rin tayo sa buhay. A View of Self - Humility. Sa verse 16, "Kinilabutan sa takot ang mga tao." Iyon bang nakita nila ang kapangyarihan, kadakilaan ni Jesus, at ang sarili nilang kalalagayan. Kinatatakutan mo ang isang tao higit na mataas ang katayuan sa iyo. Ibig sabihin, nakita mo ang aba mong kalagayan. Kahit ano pa ang taas ng posisyon natin, tulad ng kapitan sa kuwento, sinasabi din natin sa Diyos in humility, "Hindi ako karapat-dapat." Dahil nandoon ang humility sa atin, we must let Jesus do his way. Sabi niya sa biyuda, "Huwag kang umiyak." Hindi na nagsalita pa ang biyuda, in humility she let Jesus do his way. Kung ikaw ay may bagong buhay na, hindi na ang posisyon mo sa trabaho, o ang kayamanan, o ang reputasyon ang sukatan ng buhay mo, kundi ang relasyon mo sa Panginoon. A View of God - Worship. "They glorified God" (v. 16). Nakita nila ang ginawa ni Jesus, nagkaroon sila ng dahilang magbigay papuri sa Diyos. Hindi tao ang dapat maitaas kundi ang Diyos. Na sa pagsamba natin maipakita siya lamang ang tunay na dakila. Kung may bagong buhay na tayo dahil kay Jesus, anong klaseng pagsamba ngayon ang iaalay natin sa Diyos? Ang iba sa inyo, parang patay pa rin kung sumamba sa Diyos. Walang kabuhay-buhay. A View of Others - Compassion. Sinabi ng mga tao, "God has visited his people!" (v. 16). It shows the compassionate character of God. Nakita ng Diyos ang kaawa-awang kalagayan ng tao, dinalaw niya, hindi lang para bumisita at bumati, kundi para pagalingin. Tulad ng ginawa ni Jesus, nahabag siya sa biyuda. Tayo ang mga anak ng Diyos. "Be merciful, even as

your Father is merciful" (6:36). Tayo ang mga tagasunod ni Jesus, we must have Christ-like compassion. May bagong buhay na tayo, maraming nakapaligid sa atin ang "patay" dahil wala sa kanila si Jesus. Don't you feel compassion for them? Yung magpapakamatay sa Munoz, pinagtatawanan pa ng mga tao. Narinig kong sabi ng iba, "Pinagtatagal pa." Sabi naman ng isa, "Bumaba ka dito, tulungan kitang magpakamatay." Sa report ng Inquirer, meron daw din na nagsabi na ice cream vendor na malaki ang kita kasi maraming tao, "Huwag ka munang tatalon." Nung may dumaan na karo ng patay, sabi nila, "Hintayin mo na." Pagkaraan ng tatlong oras at hindi natuloy magpakamatay, "Natalo ang pusta ko," sabi ng isa. People don't value life anymore. No more compassion. Pero iba ang mga may bagong buhay kay Jesus. Mahalaga ang buhay ng isang tao. A View of the World - Mission. Sinabi ng mga tao, Isinugo niya sa atin ang isang dakilang propeta (v. 16). Narecognize nila na si Jesus (bagamat higit pa sa isang propeta) ay sugo na galing sa Diyos. Ibig sabihin, naparito siya with a sense of mission from God - na ipangaral ang kanyang mga salita. We have the same mission. Hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din. Kaya nga tinulungan ni Jesus ang kapitan na hindi naman Judio. Kung mag-abroad kayo, huwag n'yong isiping mas mabuti ang kalagayan ng mga tao doon, pareho din naman silang mga patay. You have a mission field there. At kung nasaan man tayo, ang mission natin ay ikalat an gbalita tungkol kay Jesus. Nagtapos ang kuwento natin dito, At kumalat sa buong Judea at sa palibot na mga bayan ang balita tungkol kay Jesus (17). Lumabas ang balita, hindi itinago. Iyon din ang utos sa atin, "Go and make disciples" (Matt. 28:19). Sabi niya sa verse 18, "All authority in heaven and on earth has been given to me." Ang sakit sumusunod kay Jesus. Ang patay nakikinig sa kanya at bumabangon. Ikaw pa kaya na may buhay at binigyan na ng bagong buhay?

Jesus is the Life, the Only Life

Kapag si Jesus ang iyong buhay, mag-iiba ang pananaw mo sa buhay, mag-iiba ang takbo ng buhay mo. Ang dalawang

himalang nakita natin sa kuwento ngayon ay isang "demonstration," hindi ito ang "solution" sa hirap ng takbo ng buhay. Hindi niya sinasabi dito sa kapitan, "Malungkot ka dahil sa alipin mong naghihingalo. Wag kang mag-alala pagagalingin ko siya." Mamamatay din naman ang aliping iyon di ba? Sinasabi niya, "Nandito ako." Hindi niya sinasabi sa biyuda, "Umiiyak ka dahil sa anak mong namatay. Huwag ka nang umiyak, ibibigay ko siya ulit sa iyo." Paano kung mamatay iyon ulit? Sinasabi niya, "Nandito ako." He is not just life-saver. He is not just life-giver. He himself is our life. Mabibigo tayo sa buhay kung maghahanap pa tayo ng iba. Alam n'yo kung bakit magpapakamatay iyong nasa Munoz? Iniwan daw siya ng girlfriend niya na nangangaliwa sa kanya at umuwi na sa probinsiya. He's looking for love, he must be looking for Jesus. Nabasa ko sa Inquirer na noong araw ding iyon, meron pang isang lalaki na janitor na umakyat din sa billboard sa Magallanes at magpapakamatay din. Ang dahilan? Limang araw na ang nakaraan nang iwanan naman siya ng asawa niya. People around us, tulad natin, we are looking for love para magkaroon ng saysay ang buhay natin. We are looking at the wrong places. We must be looking to Jesus. He is our Life. At kapag naranasan natin iyon, masasabi din natin tulad ng awit na 'to, "Your unfailing love is better than life itself" (Psa. 63:3 NLT).

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->