P. 1
Pre Histori

Pre Histori

|Views: 48|Likes:
Published by Justine Membrido
prehistory of the philppines
prehistory of the philppines

More info:

Published by: Justine Membrido on Oct 06, 2013
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

04/14/2014

pdf

text

original

KRONOLOHIYA: PANAHONG PREHISTORI • Ang Pilipinas ay isang kapuluan, matatagpuan sa isang sonang tropikal at monsoon, na nagbunsod ng isang kabihasnang

maritimo. Matatagpuan rin ito sa bahagi ng Pasipiko na tinaguriang “singsing ng apoy” at “sinturon ng lindol”.

65 milyong taon – 2 milyong taon BK • Ang pagkabuo ng mga bundok, lambakin, katubigan, pulo o pagiging kapuluan o arkipelago ng Pilipinas ay produkto ng mga prosesong heolohikal tulad ng paggalaw ng mga platong tektoniko (tectonic plates) mula sa panahon ng Cretaceous (65 milyong taon BK) hanggang sa panahong Pleistocene (2 milyong taon BK). *2 milyong taon – 500,000 BK (Panahong Pleistocene) • Sa Panahong Pleistocene, kumati ang karagatan dahil sa pagyeyelo sa hilagang bahagi ng daigdig. Bumaba ang tubig ng mga 100-160 metro na nagbigay daan sa paglitaw ng kalupaan at naging tuyong lupa. Magkarugtong ang mga pulo sa tinatawag na Sunda Shelf na sumasakop sa Borneo, Sulu, Palawan, hilagang Luzon at Taiwan. Ayon sa mga siyentipikong pag-aaral, ito ay naging daanan ng mga hayop tulad ng stegodon, rhinoceros at elephas (maliit na elepante) na ang mga fossil o labi ay matatagpuan sa lambak ng Cagayan, Pangasinan, Rizal, Novaliches, Quezon City, Iloilo, Zamboanga at Sulu. Halos kasabay ng paggalugad ng mga hayop ang paglitaw ng mga sinaunang hominid o mga malatao na kabilang sa specie ng Homo Erectus at Homo Sapiens. *500,00 BK – 13,000 BK (Panahong Paleolitiko o Archaic) • 250,000 BK – ang pinakamatandang ebidensya ng pagkakaroon ng tao sa Pilipinas ay natagpuan sa Liwan, Cagayan Valley. • Bagama’t walang natagpuang labi (fossil) ng mga unang tao sa Lambak ng Cagayan, may ebidensya ng pangangalap ng pagkain at pangangaso na natagpuan sa Cagayan Valley; natagpuan ang isang kasangkapang yari sa pangil (tusk) ng elephas o stegodon; natagpuan ang daan-daang mga buto ng elephas, stegodon, rhinoceros at higanteng pawikan, gayundin ang mga kasangkapang bato. • Dalawang uri ng kasangkapang bato ang natagpuan sa Lambak ng Cagayan: ang “ubod” o pebble at core tools at ang “tipyas” o flake o flake core tools. Ang mga pebble at core tools ay gawa sa mga batong igneous, at kadalasan ay may talim sa isang bahagi lamang ng bato. Ang ilan ay matulis kaya’t maaring ginamit para sa pagtipak at pagtapyas (chopping and picking). Laganap ang ganitong uri ng kasangkapan sa TSA. Ang flake at flake core tools naman ay mas maliit na piraso ng bato na may matalim na gilid, gawa sa matitigas na bato tulad ng chert, andesite at opaline. Batay sa mga natagpuang kagamitan, nabuhay ang Homo Erectus sa pamamagitan ng pangangalap ng pagkain at pangangaso.

• Sa 8.200 k. paghubog at pagpapatalas sa mga kagamitang bato. may mga taong gumagawa ng kasangkapang yari sa bato. Ang Homo Erectus ay specie ng tao na nakakatindig ng tuwid at nakagagawa ng kasangkapan.E. • Ang bagong paraan ng paggawa ng mga kasangkapan ay magbibigay daan sa panibagong paraan ng pamumuhay. • Ang mga sinaunang tao sa Tabon ay nangangalap ng pagkain at hindi nangangaso ng malalaking hayop.s. kasama ang bumbunan o skull cap ng Homo Sapiens. at baybayin. Ang mga palayok ay nakaugnay sa paglilibing. • Tinatayang may 20-30 katao ang naninirahan sa isang panahon sa mga kuweba ng Lipuun. Natagpuan ang labi ng ilang tao. • Ang mga labi ng Taong Tabon (22. may nakausling buto sa may talukap ng mata. Mayroon nang mga bagong paraan ng pagpipino. may malaking panga at maliit na baba. Mas espesyalisado na rin ang mga kasangkapan. Ayon kay Robert Fox.000 BK • Sa mga kuweba ng Timog Kanlurang Palawan.) na nagpapatunay na siya ay higit na “matalino” kaysa sa naunang Homo Erectus.• • • Tinatayang nabuhay ang Homo Erectus sa kapuluan na noon ay maaring konektado pa sa pamamagitan ng mga isthmus o tulay-lupa sa kalupaan (mainland) ng Asya at kapuluan ng Timog Silangang Asya. Palawan. *13. ang mga kasangkapan ay maaring pumutol ng mga kahoy at halaman at maaring tanda ng pagsisimula ng kaingin (swidden agriculture).100 kubiko sentimetro ang utak ng H.000 BK) ay natagpuan sa Palawan ni R. kuweba. sinasabing ang paglipat-lipat ng mga taong Austronesyano ay naganap mula sa Timog Tsina. May sukat na 750 hanggang 1. ibon at maliliit na hayop gaya ng baboy-damo at usa. • Ang pagkakaroon ng mas matatag na pagkukunan ng pagkain ay nagpausbong sa iba pang gawain gaya ng paggawa ng palayok at palamuti. • Ang mga natagpuang kasangkapang bato ay mas pino kaysa naunang gamit sa Homo Erectus. Sapiens ay kahawig ng specie ng kasalukuyang tao. Fox noong 1962. maliliit na grupo ng mga tao ay makikitang nakatigil sa mga bunganga ng ilog. mas malaki ang kapasidad ng utak nito (1. 50.000 – 9.000 BK.000 – 500 BK (Panahong Neolitiko o Panahong Incipient) • tinatawag na Panahong Neolitiko dahil sa higit na mataas na antas ng teknolohiya sa paggawa ng mga kasangkapang bato. sa halip ay kumakain ng mga paniki. Hilagang Thailand at Vietnam . Ang mga H. makapal ang kanyang bungo. ang Homo Erectus ay may naging papel sa pagkaubos ng malalaking hayop sa Pilipinas.

000 – 500 BK • Ang mataas na teknolohiya sa paggawa ng kasangkapang bato ay nagbigay daan sa paggawa ng mga bangka at bahay. at mga bulaklak. 6. dahon.patungong Taiwan. at saging sa pamamagitan ng sistemang kaingin (slash and burn). • May ebidensya ng pagnganganga (betel-chewing). • Mula sa pangangalap. gabi. ubi o gabi. palay. at mga kasangkapan na yari sa kawayan o mga pana na yari sa kahoy para sa panghuhuli ng maliliit na hayop.000 BK • 14 kilometro mula sa Kuweba ng Guri ang Kuwebang Duyong. Kakikitaan din ng palamuti yari sa bato at kabibe.300 BK. kapuluang Timog Silangang Asya at Pasipiko. • Ang mga binhi ay ipinupunla o ihinuhulog sa lupa na binungkal ng kawayan o kahoy. 5. gumamit din ng mas mataas na teknolohiya sa pangingisda.500 BK • Nagsimula ang pagtatanim sa pamamagitan ng sistemang kaingin. • Kumakain sila ng mga baboy. • Natagpuan din ang palu-palo o paddle na ginamit upang pukpukin ang mga balat ng puno para gawing tela (bark-cloth beater). • Gumamit ng mga pino o makinis na kasangkapang bato gaya ng adze. • May paraan na sa pagkukumpuni ng mga kasangkapang bato at di permanenteng naninirahan sa mga kuweba.500 – 3. at barkcloth-beater. • Natagpuan ang labi ng isang nakabaluktot na tao. at pagkaing dagat dahil may natagpuang balat ng mga kabibe. paghahabi. natutunan ang pagtatanim ng ubi.000 BK • Natagpuan sa kuweba ng Guri sa Palawan ang mga flake tools. minsan ay ibon. paggawa ng tela mula sa balat ng kahoy. isang palawit o pendant mula sa kabibe at anim na sisidlan ng gamit sa pagnganga na gawa naman sa arca shells. mga kagamitang bato na palakol o adze.500-2. 3. mga palamuting gawa sa jade at glass beads na tinatayang may edad na 2. usa. • Natagpuan din ang mga libingang palayok. may mga ritwal kaugnay sa mga gawain. Pilipinas. chisel.000 – 4. • Matutunghayan ang pagbubuo ng mga permanenteng komunidad dahil sa matatag na suplay ng pagkain at pag-usbong ng iba’t ibang industriya gaya ng paggawa ng palayok. 8.000 – 4. gouge. . palayok at mga kasangkapan yari sa sungay ng hayop gaya ng usa. pag-uukit at paggawa ng mga palamuti. Bago maghawan at magsunog ng punongkahoy. axe.

Katimugang Bikol.890 – 2.710 BK gamit ang paddle and anvil technique. pag-ukit. • May dalawang tradisyon ng kapalyukan na natagpuan sa Pilipinas: kapalyukang Kalanay na kumakatawan sa mga palayok na natagpuan sa Masbate (Kalanay). . Masbate. scraper. Sulu. • Natagpuan din dito ang ang ilang kasangkapang bato na pinakinis. Bukidnon at Davao del Sur. gamit din ang kapalyukan bilang ekspresyon ng sining dahil sa mga dekorasyon o palamuti gaya ng lubid. *7. Visayas. • Ang pagpapalayok ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sobrang suplay ng pagkain o surplus na itinatabi.840 BP) • Nakuha rin sa Yungib Manunggul ang mga palamuti yari sa jade. gayundin nagpapatunay ng kahusayan sa paggamit ng apoy.• • Natagpuan ang ebidensya ng higit na maunlad na teknolohiya sa paggawa ng kasangkapang bato na tanda ng Panahong Neolitiko. kabibe at bato. tinirhan ang Yungib Manunggul kung saan nakita ang Tapayang Manunggul. • Nagluluto na ng pagkain sa halip na kumakain ng hilaw. samantala. at may iba’t ibang hugis: adze. ang Kapalyukang Tabon ay matatagpuan sa Palawan. Cagayan. mga palayok at mga hulmahan para sa paggawa ng mga bronze adze. 2. blade • Ginamit bilang kasangkapan sa libing (grave furniture) o pang-ritwal. Mayroon ding mga palamuti yari sa jade (tulad ng hikaw na ling-ling-o at mga pulseras). para sa paghawan ng gubat at paglinang ng lupang taniman • tinatayang narating ang Indonesia mula 4500 – 1500 BK at tumungo sa Madagascar.710 BK • Sa panahong ito. • Sa Batungan. lumitaw ang pagtatanim ng bigas at paglilibing sa tapayan *800 BK – 200 BK • lumitaw ang paggamit ng kasangkapang yari sa metal na di pa bakal gaya ng tanso. Mindanao.000 – 800 BK • paglalakbay at pagbabahagi ng kalinangang Austronesyano sa Pilipinas • may kabihasnan sa paggawa ng sasakyang dagat. Aprika at Pasipiko • mula 1500 –800 BK. nakita ang mga palayok na tinatayang ginawa noong 2. groover. Makikita sa takip ng palayok ang dalawang tao na nakasakay sa isang bangka. (2. at pangkulay. Chisel. may paglilibing din sa tapayan kung saan kasama ng kalansay ang palamuti at sandata ng yumao. ang mga malalaking palayok naman ay ginamit bilang mga kabaong.

*200 BK – 972 MK • Sinimulang gamitin ang bakal. umunlad ang paggawa ng mga kasangkapan at sandata na nagpaunlad sa sining at teknolohiya ng mga panday – ang bulusang malayo kung saan pinapainit sa hurnuhang yari sa kawayan o kahoy na may uling ang metal. Mga Sanggunian: . naimbento ang pagsulat . ang paglilibing sa yungib na nakaharap sa dagat ay bunga ng paniniwalang sa pusod ng dagat pumupunta ang kaluluwa hatid ng bangka. gumawa ng mga hagdan-hdgdang taniman ng palay sa mga bundok. Ang 972 ay unang petsang tiyak sa ating kasaysayan kung kailan pumunta ang mga katutubo sa Tsina sakay ng balanghai.Kua ay inilarawan ang mga katutubo: nakasuot ng sarong. nakatala sa Annals ng mga Tsino na noong dinastiyang Sung. ang mga taga Ma-i o Ma-it ay kasama ng mga Arabe sa Tsina. karayom at porselana • Pumasok din ang mga elementong Indyano. • Umunlad ang panitikan at pagsulat. • Sa Chau – Ju. nabuo ang baybayin (alibata). 1280 MK • Panahon ng pakikipag-ugnayan sa ibayong lugar kasama na ang Tsina. • Noong 892. unang naisulat na mga titik ay nasa bunganga ng isang palayok sa Batangas. dumating naman sa Canton ang isang barkong lulan ng mga katutubong Pilipino at Arabe. halamang gamot at yu-ta yari sa baka kapalit ng ginto. sinulid. nilinis ang mga kagubatan at ginawang taniman. bago ang ika-14 na dantaon. Lumawak din ang kalakalan na nagpalakas sa kapangyarihang pulitikal ng mga unang estadong etniko.• Sa mga taong may kulturang nakabatay sa paggawa ng bangka. may kaalaman sa paghabi ng tela gamit ang backstrap o habihang hinahaltak sa likod. bulak. • May pag-unlad din sa paggawa ng kasangkapan sa pangingisda. makikita din sa Agusan ang isang gintong estatwa. bakal. binungkal at gumamit ng patubig • Maunlad din ang paglalakbaay dahil sa paggawa ng higit na matibay na mga bangka at balanghai. *972 – ca. hal. produkto ay perlas. sa Butuan. ang konseptong panrelihiyon ng anito at diwata.may 16 na iba’t-ibang pamaraan ng pagsulat sa mga grupong etniko pero halos pareho ng anyo. Agusan. hal. • Lalong umunlad ang agrikultura. • Lumitaw ang porselana sa Pilipinas mula sa Tsina.

UP. 2005. L. SWF. et. ADHIKA ng Pilipinas. Kasaysayan ng Filipinas at Mga Institusyong Filipino. Inc. 2005. 1975. Gripaldo. UP Diliman. UP Diliman. Kasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino.Jocano. PCAS. F. Philippine Prehistory: An Anthropological Overview of the Beginnings of Filipino Society and Culture. .al.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->