You are on page 1of 16

BUOD NG DALUYONG

Chapter 1

Kabilang sa maraming utang na hindi nababayaran ng tao ay ang utang na


loob. Ganito ang laman ng isipan ni Lino Rivera, ama ni Ernesto. Ika-21 noon
ng Mayo, 1955, taon ng mga halalang pambayan sa Sangkupalan, nakaupo si
Lino sa isang palapag. Tahimik siyang nagmumuni-muni at dinidiktahan siya
ng kanyang sarili na siya nag may-ari ng lupang kanyang sinsasakahan,
ngunit bumabalik siya sa realidad na hinuhulugan na ang lupa taun-taon
mula sa maliit na bahagi mula sa maliit na bahagi ng kanyang anihin. Bigla
niyang narinig ang tinig ni Rey Amando Fehevana parokya ng pinyahan. Sa
kanya niya utang ang maliit na bahagi ng lupang kanyang sinasakahan. Kaya
nga nama’y sinasabi ni Lino na siya ay mapalad sapagkat mabait ang
kanyang Panginoon. Sa iba, umiralang Tenancy System na siyang pinag-
uugatan ng maraming kasamaa. Utang niya kay Pari Amando at sa
pamangkin nitong si Miss Loreto Sanches na isang guro ang kanyang buhay.
Si Miss Loreto Sanchez ang nagkupkop kay Ernesto ng mapagbintangan si
Linong pumatay [sino pinatay niya?]. Dahil sa pagsuko ni Miss Loreto
Sanchez kay Koronel Roda sa kabundukan, napawalang bias ang kasalanang
pagpatay na ibinibintang kay Lino. Sapagkat matagal ng umiibig si Koronel
Roda kay Miss Sanchez. Naisip niyang tanging paraan upang makabayad ng
utang ay ang paglapitin ang puso ng dalawa. Dumating si Ernesto.

Chapter 2

Dumating si Ernest at Bidong, sakay ng isang kabayo at dala ang maraming


pasalubong mula sa Pinyahan. Ibinalita ni Ernesto na si Pari Amando na
siyang tinatawag niyang Lolo Amando ang bumili ng kabayo para kay Lino.
Sinabi rin ng anak na maraming padala si Miss Sanchez na tinawag niyang
Nanay Luring. Ipinakita ni Lino ang lupang kanyang sinasakahan. Pagpahinga
ni Ernesto, nag-usap si Bidong at Lino tungkol kay Huli na matagal ng iniibig
ni Bidong. May sakit ang babae at balak ng lalake na dalawin ito ngunit ang
mga magulang ng babae na si Aling Barang at Mang Abeng ay galit sa
manliligaw. Hampas lupa raw kasi siya. Knughit, kahit na ganoon,
pinagpasiyahan ni Bidong na bumisita roon dala ang sardines at bigas.
Pagkaalis ni Bidong, nagharap naman ang mag-ama at nagkwentuhan
tungkol sa kabaitan at katapatan ni Bidong. Isa itong ulila noon at inampon
lamang ni Lin. Dahil sa kabaitan, itinuturing na ito ni Lino bilang isang
kapatid. Isinalaysay ni Ernesto ang mga padala, na ang pinakamahalaga sa
lahat ay ang mga binhing padala ni Pari Amando. Ibinalita din ni Ernesto na
maglilimang grado na siya sa pasukan at mapapalayo na kay Lino. Tahimik si
Lino. Bumalik si Bidong na bigong madalaw si Huli. Nakiusap si Bidong kay
Lino kung maarang ipamanhikan [can’t read it right, the Xerox copy isn’t
clear] si Huli. Pagkatapos ng pag-uusap muling nag-isip si Lino sa kanyang
utang na loob kay Amando at Miss Sanchez. Sino ba ang mas matimbang?

Chapter 3

Ibinalita ni Bidong na ipapalipat na si Miss Sanchez sa pangalan ni Lino ang


dokumento ng kastanyo. Pinuri nilang muli si Miss Sanchez sa kabaitan. Nag-
usap muli si Bidong at Lino tungkol kay Huli. Pakiramdam ni Bidong na mahal
din siya ni Huli. Nagkukuwentuhan na dati’y may kaya ang pamilya ni Huli
ngunit dahil kay Tirso, ang panganay na pinag-aral sa Los Baños, naubusan.
Nag-aral siya ng pagsasaka hindi para magsaka kundi para magturo pa ng
pagsasaka, kaya’t naiwan kay Mang Abeng ang trabahong magsaka. Kaya’t
nagkasakit si Mang Abeng at namatay. Sinabi ni Bidong na bago mamatay
ang lalaki, nagsaka ito kay Don Tito na sinasabing may-ari halos ng buong
Maruhat. Sinasabi na ang kalakhan ng Maruhat ay pagmamay-ari ng ninuno
ni Huli sa parte ni Mang Abeng. Naagaw lang ni Don Tito dahil sa kataga
nitong agrimensor. Naging bangkero pala si Lino ni Don Tito [huh?]. Umalis si
Lino ngunit bumalik kaagad at naratnan si Aling Barang isinasauli ang
kamilang padala. Muling nag-usap si Bidong at Lino [geez they sure talk a
lot]. Nangako si Bidong na magbabago mula sa palaaway hanggang sa
pagiging responsible [error again]. Pinag-usapan nilang mahal mahal ni
Bidong si Huli, at ang kanilang samahan, na maaasahan nila ang isa’t isa.
Sinabi ni Lino uuwi sila ni Ernesto kinabukasan at ang balik ay Lunes [in the
first place, they never did tell us just where they were]. Ipinagkatiwala ang
lahat kay Bidong. Bigla nilang nakita si Huli na sumasalok ng tubig. Maganda
siya sabi ni Lino. At siya naman ang kanilang pinag-usapan, na mayroon
siyang karibal sa pag-ibig ng babae. [vague]. Pagkaraa’y sabi ni Bidong na sa
mga araw na walang gagawin, marapat na magliwaliw silang dalawa ni Lino.

Chapter 4-5

Sa bulwagan ng kumbento ng simbahan sa nayon ng Pinyahan ay naroon


nag-uusp si Don Tito at Pari Amando. Batid sa mukha ng pari ang
pakamatamlay nito at may bahid ng pagkakapahiya sa mukha ng Don. Mag-
iika 3 ng hapn ng dumating si Ernesto sa kubo ni Lino sa isang bukid sa
Maruhat kasama si Bidong. Inumpisahan ni Don Tito ang kanilang pag-uusap
ng pari, binanggit nito ang sakit ng ulong dala ng kanyang anak na si
Benigno. Ipinaliwanag nito ang pag-iba ng kanyang isip hinggil sa pagsunod
nito sa nais ng pari na alisin ang tenancy system. Sinabi niya ang pagiging
maka-Amerikano ng anak at ang pagpintas nito sa sariling bansa. Ayon sa
Don ay lahat ng nakikita ng anak ay mali at ang tanging tama lamang ay ang
pagpapalakad ng Estados Unidos. Habang patuloy sa pagkekewento ang Don
ay minamatyagan niya ito dahil alam niyang tuso ito. Ngunit ayon din sa Don
ay mas gusto ng kanyang anak na magsalita ng Tagalog dahil hindi raw
magandang naghihiram ng wika ng ibang bansa. Nabanggit niya mng
minsang magkaroon ng bisita ang anak at hirap naman itong manangalog.
Ayon sa Don ay bagamat tapos ng medisina ang anak ay ayaw nitong
manggamot ng mga may sakit bagkus ay gusto nitong gamutin ang
pamamalakad ng pamahalaan. Nang muling itanong ng pari ang
nagpapasakit sa ulo ni Don Tito ay binanggit na nito ang nais ng kanyang
anak na papasok sa pulitika. Tumungo ang pari sa usapan nilang dalawa at
hinintay na ilaglag ng Don ang pagkukunwari nito. Nagpatuloy sa pagsasalita
si Don Tito at ang paksa pa rin ng kanilang usapan ay si Benigno at ang
gagawin nitong pagpasok sa pulitika. Tumigil sandali ang Don atnabatid ang
pagbigat ng kalooban ng pari. Kailangan niyang mapatawa ang pari, alam
niyang mayroong malaking magagawa ang pari para sa pamumulitika ng
anak at makakatulong ito upang makuha ang kamay ni Ms. Sanchez.
Napatawa run ng Don si Pari Amando at nagpatuloy sila sa pag-usap.
Tinanong siya kung ano ang saloobin nito hinggil sa desisyon ng anak at
sinabi niyang hahayaan niya kung ano ang nais nito at rin naman gusto
niyang magkaroon ng gobernador na anak. Ayon sa Don ay nais na niyang
nagkaroon ng asawa]

Chapter 6 – Hamog na Nakalalanta

Pagkauwi ni Ernesto ay binigay niya agad ang pasaubong na bayabas niya


kay Erni niya siya mismo ang kumuha mula sa puno [errgg...another weird
error?]. Nang una’y ayaw pa niyang kunin ang bayabas dahil gusto niyang
sumama sa Maruhat ngunit hindi makasama dahil hindi na sila kasya sa
kabayo. [so confusing]. Sinabi pa ni Ernesto na tanaw na tanaw ang lahat
mula sa taas ng punong bayabas at lalo pang nagpilit si Erni at nangako
naman si Ernesto na kapag malaki na sila ay magbabakasyon sila doon
ngunit ayaw maniwala si Erni kaya nagkasagutan silang kaunti at sinabi pa ni
Ernesto na isusumbong niya si Erni sa kanyang nanay. Nang kakainin ni Erni
ang bayabas ay dumating naman si Ms. Sanchez at sinabing itabi muna ang
bayabas dahil hindi pa sila nagaalmusal. Napagsabihan niya si Ernesto dahil
dahil delikado raw umakyat ng puno at tinanong kung nasaan si Lino. Si Lino
ay maagang umalis para kumuha ng gatas dahil ang kalabaw nila ay lalaki
lang kung kaya’t sinabi ni Ms. Sanchez na bibigyan niya ng babaeng kalabaw
si Lino dahil mainan daw ang may gatas sa bahay. Inayos na niya ang
hapagkainan. Tanghali na ngunit wala pa rin si Lino kung kaya’t pinuntahan
siya ni Ms. Sanchez sa balkonahe at nadatnan dun si Lino at Albino na nag-
uusap. Ngunit hindi niya narinig ang pag-uusap dahil umalis na si Albino,
Nag-usap na si Lino at si Ms. Sanchez. Sabi ni Lino na hinihintay siya ni
Albino dahil may mahalag siyang dapat sabihin: kakausapin daw siya ni Don
Tito. Hindi na kakain si Lino dahil kailangan niyang makipagkita jay Don Tito.
Nabagabag ang dalaga kung ano ang ipinapasabi ni Don Tito kay Lino dahil
natatakot siya dahil baka makuha si Lino o tungkil ito sa lupa. Kumain sila at
ikinwento ni Ms. Sanchez na pumunasila ni Beba sa kumbento at naabutan
nila sa Amando at Don Tito na nag-uusap. Ayaw pa sana nilang pumasok
ngunit napilitan sila dahil nagkakainitan na sila [the priest and rich man, I
think] ng ulo. Umaasa si Ms Sanchez na sapat na ang kwentong iyon upang
magingal [what word is that?] si Lino kay Don Tito. Pagkatapos nila kumain
ay umupo umna sila sa sala dahil nais na makita ng nanay ni Ms Sanchez si
Lin [huh] kung kaya’t binigyan niya ng lemonadong tsaa ni Ms Sanchez. Si
Ms Sanchez ay isang tipikal na dalagang Pilipina, mahinhin at matimpi kung
kaya naman ay iginagalang siya ng lahat ngunit pagkaharap niya kay Lino ay
nawawala ang mga katangiang yoon dahil mahal niya si Lino. Iniisip ni Lino
na hindi siya karapat-dapat sa pagtingin niya ni Ms. Sanchez dahil marami
pang tao na mas makapagbibigay ng mas maganda sa kanya. Dumating na
si Aling Basila at kinausap si Lino at sinabing dapat ay huwag siyang
mahihiway. Lagi daw siyang pumunta doon at ipinatatag ang loob pag
nandoon siya dahil tanggap naman siya doon. Hindi nagtagal ay umalis na si
Lino doon dahil hinihintay siya ni Ka Amando sa kumbento. Ngunit bago siya
umalis doon ay itinanong sa kanya ng kanyang anak (Ernesto) kung babalik
pa siya at ipinangako naman ng kanyang tatay na babalik siya at ipinaalaga
kay Ernesto ang mga alaga nilang hayop.

Chapter 7 – May Dilim sa Langit

Habang naglalakad si Lino papuntang simbahan dahil sa kanyang pagtupad


na makaniig siya nang maghapon sa tuwing lingo ay mayroon naming
nangyayari sa bahay ni Don Tito. Nakaupo sa isang maluwang na silid ang
anak ni Don Tito na si Dr Benigno Sityar na nagbibigay ng aral at payo sa
mga kausap niya na kasing edad niya rin. Lahat sila doon ay naninigarilyo at
makikita ang mga baso ng kape sa kanilang pinaginuman. Sinabi ng anak ni
Don Tito na hihingi sila ng payo sa mga matatanda ngunit hindi nila ito
susundin at gagawa ng ibang plano ngunit hindi magagalit ang mga
matatanda dahil kung mayroong magandang kalalabasan ang ibang plano
nila ay sasabihing ang mga matatanda ay may gawa noon. Hindi daw kasi
mahihiwalay ang mga matatanda saeksena dahil sila ang may hawak ng
lahat. Doktor ang tawag nila sa anak ni Don Tito at sinabi niyang kung may
magtanong na doctor kung doctor siya saan sabihin ay doctor of philosophy
at letters at kung nagtanong ay pilosopo, sabihing siya’y doctor in veterinary
science at may nagtanong kung anong doctor ba talaga siya at kung saan
eskwela siya nag-aral. Ang sinabi niya’y siya’y doctor ng sakit ng bayan at
nag-aral siya sa lansangan sa Amerika na ayon sa kanya ay ang
pinakamagaling dahil doon mo malalalman ang lahat ng bagay. Kung
hahanapan daw siya ng diploma para magpapatunay na siya ay doctor ay
sinabi niyahindi naman lahat ng may diplona ay marunong kung kaya’t wala
rin itong silbi. Sinabi niyang mas mabuti na wag siyang tawaging doctor at
nag-isip siya ng magiging palayaw niya dito dahil sa States Benny sabi niya
ang karaniwang palayaw ng mga may pangalang Benigno, o kaya’t Igno.
Ayaw niya ng Igno dahil ibig sabihin daw nito ay ignorance, ignomity,
ignobility at iba pa kaya’t napagdesisyunana nila na Benog na lang ang
itatawag sa kanya. Doon din sa hahay na iyon nabuo ang brain-trust niya na
dapat ay synchronized at maayos ang pagpapatakbo ng lahat. Kailangan
nilang i-build up siya ng lahat ng tao upang siya’y kanilang iboto. Sa kanyang
brain trust ay inatasa niya si Pedrito na mamahala sa press at public
relations na mag-aayos na makipagbati sa mga press upang maibuild-up siya
at mapasama ang kanyang mga kalaban. Mabuti raw na ang mga taga press
ay tumatanggap ng suhol dahil mas mapapadali lang nila ang kanilang
trabaho. Importante rind aw ang camera man dahil ito ang kukuha ng mga
litrato na tunay naming nakiki-isa is Benog sa mga masang Pilipino na
magpapakita ng mga masasamang litrato sa kanyang mga kalaban. Si
Abundio naman ang inatasan niya sa mga diskurso sinabi pa niyang ang
magandang diskurso ay yung tulad kay Hitler maikli pero diretso sap unto at
nakakahimok ng lahat. Inatasan rin siyang magtatag ng b-g-m o Benog for
Government Movement. Minungkahi ng isa na tawagin siyang the guy ngunit
ayaw yon ni Benog dahil sa isang karanasan sa Amerika dahil sinabihan siya
siya ng pulis ng “hey guy move on” ng siya ay nakatayo lamang sa isang tabi
at mula noon ayaw na niyang naririnig ang salitang guy. Sinabi niya na pag
nagtagumpay sila ay bubuksan nila ang gate ng kapitolyo araw at gabi. Ayaw
rin ni Benog natawagin siyang manong dahil hindi raw siya manong at dahil
sa kinaiinisan niyang pari na sinasabing ang mga politico raw ay mabait
lamang dahil kailangan nila ang kanilang boto at dinurusta ang mga
mayayayaman. [does that mean that being called manong has something to
do with being rich? Huh?] Kaya’t sinabi niya sakanyang brain trust nawag
konsintihin na tawagin siyang mayaman dahil hindi naman daw siya
mayaman at ang tatay niya ang mayaman. Ikinumpara siya sa isang instik
na naloloko mo sa bawang ngunit nadadaya ka sa bigas. Lumabas si Benog
upang kausapin ang kanyang ama at si Albino. Tinanong niya kay Albino
kung ano ang nangyari sa kanyang lakad ngunit sinabing hundi pumayag si
Lino na maging katiwala ng asyenda sa Maruhat at tumanggi ring maging
pinuno ng bodyguard ni Benog dahil gusto niya ng tahimik na buhay. Ang
totoo ay ayaw ni Lino dahil ayaw niyang maging kasangkapan ng kapwa
niyang tao at ayaw niyang madustahan ang kanyang dangal ngunit kahit na
ganoon, madali naman itong masaktan o magdamdam kung kaya’t
iminungkahi ni Benog na suhulan nalang ito ngunit sabi ni Albino na hindi ito
papayag kaya’t inaisipan ni Benog na patayin na lamang si Lino. Nang
nalaman ito ni Albino sinabi niyang maghahanap naman daw si Lino ng taong
papalit na maging bodyguard dahil ayaw niyang mapahamak si Lino dahil
magkaibigan sila.
Chapter 8 – Sigaw ng Simbuyo

Pagkagaling ni Lino sa kumbento ni Amando dumeretso siya sa bahay ni Ms.


Sanchez upang kunin ang mga dokumento para sa kanyang kabayopara
tuluyan nang mapasakanya ito. Habang naglalakad si Lino, biglang lumitaw
sa kanyang utak ang mga bagay na hindi niya napapansin at ang kanyang
kalooban tungo kay Ms. Sanchez at si Aling Basila. Sinabi niya kina Ms.
Sanchez na mananatili na lang siya ng ilang minuto sa bahay at babalik na
siya sa Maruhat. Sinubukan ni Aling Basilia na panatilihin si Lino pero
kinakailangan na ni Lino na bumalik kaya pinag-usapan na lang nila ang
babaeng mag-aasawa na, ngunit bata pa. Nang nakaraan ng ilang minuto ay
inihatid na ni Ms Sanchez si Lino sa labas. Habang sila’y naglalakad patungo
sa kanyang kabayo, ikinwento ni Lino kay Ms Sanchez ang pagkatao,
pamilya, at lupain ng babaeing kanilang pinaguusapan kanina na pangalang
Huli. Pagkatapos ay pinagusapan din nila ang tungkol sa kanilang nabasa sa
mga librong Noli me Tangere, El Filibusterismo at ang Bibliya. At pagkatapos
ay pinagusapan naman nila ang tungkol sa pagtulong sa ibang tao.
Ipinaliwanag ni Lino kay Ms Sanchez na hindi batas ang makakatulong sa
mga tao kundi ang kanilang sarili at kapwa tao. Nang matapos ang kanilang
pag-uusap ay tumuloy na si Lino sa Maruhat.

Chapter 9 – Ginto o Pilak

Itinuloy ang balak ni Lino na magpakilala kay Didang kaya’t walang


alinlangan na tinungo niya ito sa kanilang tahanan. Nakuha agad ni Lino ang
loob ni Aling Huwana an tiyahin ni Didang kaya’t pinapanhik kaagad nito si
Lino. Nakita ni Lino na maganda talaga si Didang ngunit ang mga mata nito
ay malungkot na parang may nangyari noong nasa Maynila pa ito. Inamin ni
Didang na noong unang magkita sila ni Lino sad yip ay pinagdasal na niya na
sila rin ay magkita mili at magin magkaibigan. Inihayag na ni Lino ang
kanyang pag-ibig kay Didang ngunit tumanggi muna si Didang dahil
masyado pang maaga at hindi pa raw sila lubos na magkakilala. Naimbita si
Lino sa kaarawan ni Ms Sanchez at magdadala raw siya ng kung anu-anong
pagkain. Nakita ni Lino at ni Bidong si Huli na namumugto ang mga mata.
Tinungo ni Lino si Aling Barang at kunyari ay kinamusta ito.Pinatuloy ni
Alingbarang si Lino at nasabing may sakit ang asawa na kanser.
Napagusapan rin ang anak niya na si Tirso at nasabing mabait raw ito at
masunurin kahit hindi na sila binalikan. Nasabi rin na may anak nasi Tirso na
3 [does that mean there are three kids or only one threeyearold kid?] ,
Umaasa sila na babalik baling araw si Tirso. Sinabi ni Lino na gumawa na raw
ng paraan ni Bidong upang makausap si Didang. Binigyan ni Lino ng 50 piso
si Bidong upang maumpisahan niya ang kanyang panunuyo. [I’m getting
confused with all these pairings]
Chapter 11

Nasabi ni Bidong na mataba raw ang lupa kaya’t malamang ay marami raw
silang maaani. Nasabi rin niya na kapag marami na raw silang ani ay ang
gobyerno na mismo ang lalapit sa kanila at lalagyan pa sila ng karatula.
Nasabi ni Lno na may mga katusuhan talaga ang mga tao sa gobyerno.
Sinabi rin ni Lino na pagkatapos ng mga 2-3 taon ay ipapaayos niya ang
kanilang kubo at patatayuan pa niya si Bidong ng sariling kubo kasama si
Huli at sa kanya naman si Didang. Sinabi naman ni Bidong n asana ay
nagging abogado na lamang si Lino para si Mis Sanchez ang kanyang
magiging katipan dahil iba siya sa mga babae. Si Ms Sanchez raw ay kakaiba
dahil mahal na mahal nito so Ernesto. Huwag raw niya hahayaan na matulad
si Ernesto kay Bidong na malupit ang kanang pangalawang ina. Dumalaw is
Lino kila Didang at itinanong king may halaga nga ba ito sa kanya. Sinabi ni
Didang na mayroon mga itong halaga dito ngunit kailangan panito na
malaman ang kahapon niya. Tinanong ni Lino kung may ipagbilin si Didang
at sinabi naman niya na iuwi daw ang Pinyahan sa kanila [huh?]. Dahil dito
naalala ni Lino si Ms Sanchez dahil sinabi rin niya ito. Nang hindi pa
nakalalayo si Lino ay biglang nahilo si Didang at umiyak. Nagtaka si Aling
Huwana at sinabi ni Didang na hindi raw niya natupad ang pangako nito sa
sarili na hindi na magmamahal muli. Natatakot siya na baka mawala si Lino
kapag ipinagtapat na niya ang totoo para malaman kung tapat nga ito sa
kanyang pag-ibig dahil mahal nga niya ito.

Chapter 12 – Munting Sabwatan

Sabado ng umaga ay nagtungo si Lino sa Pinyahan sapagkat kaarawan ni Ms.


Sancehz. Nais sana ni Lino tumulong sa paghahanda kung kaya’t inagahan
niya talaga ang pagpunta roon. Ngunit isang munting salu-salo lang pala ang
magaganap kasama ng ilang kaibigan ni Ms. Sanchez at mga kamag-anak.
Napag-isipan na lamang ni Lino na magtungo sa kumbento upang dalawin si
Padre Amando. Naabutan ni Lino si Ligon sa kumbento at doon sinabi sa
kanya na mabigat at mukhang may problema si Padre Amando kung kaya’t
mas makakabuti kung sa bahay na lamang nila Ms. Sanchez niya
kamustahin. Nalungkot si Lino at umalis ngunit imbis na kina Ms. Sanchez na
tumuloy kaagad ay kina Manang Ambrosia ito pumunta. Samantala, unti-unti
nang napupuno ang bahay nila Ms. Sanchez ng mga panauhin. Nang
pamansin ng isang grupo ng kababaihan si Linong dumating ay
nagsipuntahan ang mga ito sa isang silid na walang tao. Dito pinagusapan
nila na hindi karapat-dapat si Lino sa pagmamahal ni Ms. Sanchez. Ang
karapat-dapat para kay Ms. Sanchez ay si Koronel Roda. Napag-usapan nila
na kung talagang may utang na loob si Lino kina Ms. Sanchez, Aling Basiliaat
Padre Amandoay siya na mismo ang lalayo kay Ms. Sanchez. Nagbalak ang
apat na kababaihan upang iparamdam kay Lino na hindi siya nararapat kay
Ms. Sanchez. Binalak nila na ipaipasabi na lang sa asawa ni Ligon na malapit
rin jay Lino upanng hindi ito masaktan. Pansamantala, ang balak nila hindi
pansinin si Lino at ituring wala siya sa salu-salo upang maramdaman nito na
hindi siya nararapat doon. Napansin agadni Lino ang ginagawang paghamak
sa kanya kung kaya’t napagdesisyunan niya na umalis na kaagad. Hindi na
siya nagpaalam kay Ms. Sanchez upang hindo ito maabala at tatakas na lang
sana ngunit nakasalubong niya sina Padre Amando sa tarangkahan.
Nagpalusot si Lino na naiwan niya ang kanyang aramas na walang lisensya
sa ibabaw ng kanyang baul [what’s an aramas in the first place?]. Maaring
madisgrasya ito kung hindi niya agad ito babalikan. Kapani-panilwala na ang
istorya ni Lino kung hindi lang niya sinabi na dadaan pa siya ng kumbento
upang kina Padre na magpapalam [magpapaalam?]. Nagduda sa kanya ang
Padre ngunit hinayaan na rin niyang makaalis si Lino.

Chapter 14 – Suyuan sa Saluysoy

Pagbalik ni Lino sa Maruhat ay naabutan niya roon ang kanyang kaibigan na


si Albino. May balitang dala nito mula kay Don Tito at sinabi na hindi masaya
ang Don na siya na ang nagmamay-ari ng lupa at siya ay magiging balakid
sa mga plano ni Don Tito sa pagpapagawa ng patubig para sa asyenda.
[vague] Sinabi ni Lino na hindi niya maiiwan ang lupang iyon sapagkat iyon
ay pinagkaloob ni Padre Amando at balak niya ito palaguin. Sinabi ni Albino
na siya man ay gusting umalis sa poder [pader?] ni Don Tito at hindi lang
magawa dahil inaalalang mga bakang inaalagaan nito. Sinabi rin ni Albino na
ang tunay na pakay niya kay Lino ay na ialok siya ng Don na siya na ang
mamahala ng asyenda nila dito sa Maruhat o kaya maging lider ng
bodyguard ng anak ni Don Tito na tatakbo sa halalan. Ayaw ni Lino tanggapin
ang kahit na anuman doon sa alok sapagkat gusto niyang mamuhay ng
tahimik. Sinabi ni Albino na ang sasabihin niya sa Don ay na hahanapin niya
ng iba. Tumutol dito si Lino sapagkat wala naman siyang balak na hanapan
ng bodyguard ang anak ng Don ngunit ipinaliwanag ni Albino na dapat niya
itong gawin upang hindi pagtangkaan ang buhay niya. Ipinaliwanag ni Albino
na dapat numa sila makipaglaro sa Don upang hindi sila guluhin nito.
Samantala, habang nag-uusap ang dalawa, si Bidong ay nagpunta sa
saluysoy upang paliguan ang baka. Nakita niya si Huli na nagiigib ng tubig.
Inisip ni Bidong na ito na ang kanyang pagkakataon upang makausap niya si
Huli. Pinapitan niya ito at nagpakilala at tinanong kung bakit ito umiiyak.
Sinabi ni Huli na masama na ang kalagayan ng kanyang ama at sila rin ay
pinapaalis sa kanilang lupa ni Don Tito. Inalok ni Bidong si Huli na tanggapin
na ang limampung piso niya mula kay Lino ngunit tinanggihanito ng dalaga.
Sinabi rin ni Bidong na maari silang lumipat sa lupain nila Lino na hindi
naman malayo sa lupa nila dati. Hindi ito mapapagpasiyahan ni Huli kung
kaya’t hindi rin ito nakasagot. Bago umalis is Huli ay ipinagtapat ni Bidong na
iniibig niya ang dalaga at tinanong niya kung siya rin ba ay iniibig ng dalaga.
Ang naisagot lamang ng dalaga ay hindi na dapat iyon sinasabi pa na
lubhang ikinagalak naman ni Bidong.

Chapter 15 – Naligaw na Landas

Mas nauna si Bidong ng kaunti kay Lino sa kanilang kubo nang maratnan
niya ito na nakamasid sa labas at pasipot-sipot pa na akala mo’y tumama sa
huweteng. Biniro siya ni Lino na mambalato [huh?] naman ngunit hindi
naman pala siya nanalo. Tinanong niya kay Lino kung ano kaya ang
nararamdaman sa kanya ni Huli sapagkat nang tinanong niya ito ay hindi
siya sinagot ng diretso. Ipinaliwanag ni Lino na ganun talaga ang mga
dalagang Pilipina. Sumaya si Bidong at ipinagpaalam din niya kung maaari
bang makitira sa kanila si Huli kung sakali mang paalisin sila sa kanilang
tinitirahan ni Don Tito. Walang alinlangan na tinaggap ito ni Lino. Hwebes
ikapito ng gabi – ito ang oras na isasalaysay na ni Didang ang kanyang
buong kahapon. Dito rin niya malalaman kung si Didang nga ang babae para
sa kanya. Sa salas ng munting tahanan ni Aling Huwana, ikinwento ni Didang
ang pinagmulan ng kanyang ama at ina. Sa Maynila na siya bininyagan at
natapos ng primarya. Pagkatapos ay napilitan na silang lumipat sa bayan ng
kanyang ama sa baliwag. Naging kasawian nila ang pagkakaroon ng amang
manununggal at ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ina na
nagturo sa kanya kung paano maging matapang. Nag-asawa muli ang
kanyang ama na si Tiya Nona ngunit din a nito mapigil ang pananakit sa
kanya. Naisip ni Didang na umalis na sa Baliwag ngunit hindi man lang siya
hinanap ng kanyang ama. Sa Maynila, nagkaroon siya ng iba’t ibang trabaho
at kasamahan. Pati pagiging katulong ay pinasok niya ngunit hindi siya
masaya. Sa kagandahang taglay ni Didang, hindi maiwasan na mapatingin sa
kanya ang kanyang mag-amo na siya naming pinaseselosan ng asawa.
Natiyempuhan ni Didang ang isang trabaho sa isang Filipinang Mestisa. Mas
pinili niya ito bilang amo dahil inakala niya na mas mabait sila kaysa sa mga
among Intsik. Siya ay si donya Geronima Villarte y Salumbides o Donya
Memay. Itinuring siyang parang anak nito at hindi isang utusan. Aniya
pinagarap daw niya na magkaroon ng anak kahit na isa dahilan sa hindi
nakapag-asawa ang Donya. Nakilala ni Didang doon ang iba pang utusan na
sina Vilma na isang pipi at di naman bingi, Tiyang at ang kanyang anak na si
Sayas. Ipinakilala din ng Donya ang kanyang mga pamangkin na sina Bun,
chic, Lor at Pinay, at ipinakilala si Didang sa kanilang mundong ginagalawan.

Chapter 16 – Binyag ng Buhay

Madalas na Makita sa bahay ni Didang ang isang ahente ng mga alahas na


kinakausap ng Donya at kung minsan ay sa silid pa sila nag-uusap. Akala ni
Didang na kailangan maging sikreto dahil sa pagkakaalam niya’y bawal ang
usura. Napapansin din niya ang pagkaawa na tingin ni Vilma sa kanya na
hindi pa niya maintindihan. Minsan ay lumabas ang sina Donya Memay, si
Didang at ang apat na pamangkin at nagyaya na magpapahangin lamang sa
may Luneta. Pagkarating ay huminto ang sinasakyan sa likod ng Manila
Hotel. May sinalubong ng yakap at halik si Lor na isang lalaki doon na
naghatid sa kanila sa lantsang de-motor papunta sa malaking bapor. Doon ay
sinalubong sila ng mga Amerikano at isang mestisong bumbay. Ang kapitan
ng bapor ay si Ric na napaghalata na ni Didang na karelasyon ng Donya.
Ipinakilala si Didang doon. Nakakaintindi naman si didang ng Inggles ngunit
hirap na magsalita dala na rin siguro ng karalitaan. Sa bulwagan nagkaroon
sila ng sau-salo at may drinks pang kasama. Ipinakilala sa kanila si Mr. Bob
Evans na halatang patitipuhan si Didang [newword?].Sa dami ng nainom,
nayaya siyang sumayaw. Hindi na nakatanggi si Didang sapagkat medyo
nahihilo na siya. Naramdaman niyang unti-unting nawawakan siya ng malay.
Nagising siya ng kinaumagahan na walang saplot na damit at nakahiga sa
kama. Sinabi ng apat na ayos lang yan sapagkat dumadaan ang lahat ng tao
diyan. Doon nalaman ni Didang na pawing pagbabalat-kayo lamang ang
nakikita niya sa mga tao sa bahay. Ipinagtapat din ito sa kanya ni Chic.
Sinabi ni Lino na maaring ang pagkapipi ni Vilma ay dahil doon.

Chapter 17

Hatinggabi noon at naubos na halos higupin ni Didang at Lino ang tig-isang


tasa nila ng kape. Nang muli silang magharap ay ipinagpatuloy ni Didang
ang kanyang kasaysayan kay Lino. Ikinwento niya ang panghihikayat sa
kanya ni Chic, isang kaibigan na sumama sa Pinay, Bun at Lor upang maging
mga hostess sa tatlong nightclub ni Ric, na isang kapitan din ng barko.
Inilahad ni Lina ang maaring maging karanasan nito roon. Maraming payo at
mga kasabihan ang sinabi ni Chic kay Didang upang lalo itong mahikayat
maging isang hostess. Ayon kay Chic, maari siyang masawi sa kanyang
pagiging hostess ngunit ang ikasasawi niya ay naka-depende sa kanya
pagkat ang kasawian ay gaya rin ng anumang kasawian maari mong
kabuliran [newword?] saanman. Ani Chic, sa kabilang dako ay baka naman
hindi kasawian, kundi kapalaran pangam ang maaring matagpuan ni Didang
sapagkat siya’y maganda kaya’t mahahaling sa kanya ang mga taong
mayayayaman. Binulag din ni Chic si Didang sa mga materyalistikong bagay
na maaari nitong mabili kung makaipn na siya ng pera – at ang mga bagay
na iyon ang nakapanghikayat kay Didang na tanggapin ang trabaho.
Nagsimulang magtrabaho si Didang sa nightclub at naranasan niya ang
buhay ng isang hostess. Tumagal siya ng mahigit isang taon sa isang
nightclub sa Dewey Boulevard na pag-aari ni Ric. Kumita siya ng mahigit
tatlong libong piso at nakuha niya ang kahat ng kaniyang gustushin.
Nagpasiyang umuwi is Didang at dinalahilan ang pagkakaroon ng isang
‘Todos Los Santos’ upang madalaw ang libingan ng kanyang ina sa Baliwag,
ang kanyang lalawigan. Pagkauwi’y nabalitaan niyang wala na ang kaniyang
ama roon at maging ang kanyang maybahay. Madalas daw kasi mag-away
ang dalawa kaya’t naghiwalay. Di knalaunan ay namatay ang kanyang ama
dahil sa isang sugat na hindi gumaling. Nanirahan na lamang si Didang sa
isang kaibigan at mabilis siyang nagging popular sa mga tao roon dahil sa
mga pinagpapautang niya. Naging ninang siya sa mga sunud-sunod na
kasalan at ang ilang pinautang ay hindi na nagbabayad kaya’t minabuti na
lamang niya na umalis na lamang doon at tumungo muli sa Maynila, kanila
Maring na isang matalik na kaibigan at kasama sa trabaho noon.
Nakipagkuwentuhan ang dalawa at nalaman ni Didang na si Maring ay nadali
ng isang Intsik at nagkaanak. Tinulungan niyang makapasok si Didang sa
tindahang pag-aari ng Intsik na ama ng anak ni Miring. Mabilis napasok sa
trabaho si Didang at may magandang suweldo.

Chapter 18

Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang narinig ni Didang at Lino.


Pawang sa lugar nila Lino naggaling ang mga putok kaya’t mabilis na
sumakay si Lino sa kanyang kabayo at mabilis na pinatakbo ito. Pagkarating
ay hinanap kaagad si Bidong na nakasabi na mga taong may galit sa
kanilang dalawa ang mga nagpaputok ng baril. Buti na lamang na nakapunta
si Bidong sa kanilang dugout. Nagkakwentuhan ang dalawa at
napagpasiyahan na si Bidong ay pupunta sa Pinyahan upang siya ng
maghatid ng mga nahuli nitong pugo [vague]. Si Lino naman ay pupunta
kaila Aling Barang upang ialok parte ng kanilang lupa upang doon itayo muli
ang tahanan sapagkat pinaalis sila ni Don Tito sa kanilang lupain. Ikinagalak
ito ni Bidong sapagkat mas malalapit siya kay Huli. Nagpasalamat ng marami
si Aling Baring kahit na hindi pa ito sumasang-ayon sapagkat ipapaalam pa
niya iyon sa kanyang asawa. Nagbalik si Lino kay Bidong dahil siya muli ay
tutungo sa bahay ni Didang. Pinaalalahanan ni Lino na patayin ni Bidong ang
ilaw kapag siya ay nakalabas na.

Chapter 19

Nang dumating si Lino sa tahanan ni Didang ay pinagminindal muna ito ang


bisita bago muling isalaysay ang kasaysayan ng kaniyang buhay.
Ipinagpatuloy na ni Didang ang kanyang kasaysayan sa tindahan ni Chan
Lee, ang may-ari. Nasabi niyang noong mga nakailang araw sa
pagtratrabaho ay pinadadalhan siya ni Chan Lee ng mga mamahaling bagay.
Simula noon ay pamahal ng pamahal ang mga binigay nito kay Didang. Isang
araw ay pauwi na siya ng ipatawag ito sa kaniyang opisina. Nagpasama si
Didang ng isang ka-trabaho ngunit ayaw nitong sumama kaya’t mag-isa
itong umakyat. Nakita ni Didang na may kainan sa isang sulok ng opisina na
pang-dalawahan lamang. Sinabi ni Chan Lee na gusto lamang niya na may
makasamang babae sa araw na iyon dahil ginugunita niya ang relasyon niya
sa una niyang kasintahan. Kumain si Didang kahit na busog pa ito at siya’y
nasarapan. Sumunod ay ipinainom siya ng alak ngunit tinanggihan niya ito
kaya’t pinalitan ng tsaa. Inimon niya iyon at nakadama ng kakaiba sa
kanyang katawan. Ninais niyang makalabas ng pintuan ngunit hindi siya
makalabas at napagsamantalahan na ni Chan Lee. Linulong siya sa sa silid
na iyon ng mga 2 linggo, estema ni Didang. Sinundo siya ni Miring at
Mentang at siya’y inuwi. Nais magsumbong ni Didang ngunit pakiramdam
niyang walang maniniwala sapagkat walang nakakita sa kanya. Hindi
nalauna’y [is this a word?] nalaman niyang siya’y nagdadalantao at kasabay
nito’y may balitang dala si Ka Nga na umalis papuntang Amerika sa Chan Lee
at hindi nagsabi kung kalian babalik. Iniwanan na laman ito ng sobre na
naglalaman ng limang libong piso. Napagdesisyunan ni Didang na bubuhayin
niya ang bata sa kanyang sinapupunanat aalis sa lugar na iyon at hindi na
babalik. Sumakay ng bus na waking katiyakan kung saan pupunta. Napunta
siya sa bandang Luzon at nakitira sa isang kakilalang nakilala niya sa bus.
Siya si Flora na may tatlo pang kapatid. Ikinwento niya maging ang buhay ng
mga iyon at sinabing nakitira siya sa bunsong kapatid na si Lumeng, na may
asawang tsuper. Sinasabing sila ang pinakamayaman sa magkakapatid. Dun
na niya ipinanganak ang kanyang anak na babae na napakaganda. Ngunit
ilang buwan lamang ay kinuha na siya ng Diyos kahit na ibinibigay niya lahat
ng kanyang pagmamahal dito. Ginawa niyang ninang si Lumeng kaya’t mag-
kumare at kumpadre ang kanilang turingan. Isang araw ay narinig ni Didang
ang pag-uusap ng kanyang kumpadre at si Lumeng. Narinig niyang gusto
siya makasalo ng hepe sa trabaho ng kanyang kumpadre at hindi raw ito
makatanggi dahil sakanya nakasalalay ang kinabukasan nilang mag-anak.
Nagpaalam kinaumagahan si Didang kay Lumeng at sinabing babalik ito ng
Maynila kahit hindi naman. Sumakay siya ng bus paibaba at makarating sa
Nayon ng Maruhat, kung nasaan siya ngayon. Doon niya nakilala si Tiya
Huwana na kumupkop sa kanya dahil mag-isa rin ito sa buhay. Nagkakilala
sila ni Lino nang isang araw pagkatapos magpunta sa Pinyahan ay bumaba
siya ni Tiya Huwana sa tapat ng tahanan nito. Mula sa pangyayari sa buhay
ni Didang na iyon ay nalalaman na lahat ni Lino. Sa kabila ng kasaysayan ni
Didang ay tinanggap pa rin ni Lino si Didang at handing ibigay ang lahat ng
kanyang pagmamahal. Binigyanpa ng kaunting palugit ni Didang si Lino
upang mag-isip sa magiging desisyon nito dahil akala nito’y naaawa lamang
ito sa kanya. Dapat ay ipagtatapat na ni Lino ang tungkol naman sa kanyang
buhay ngunit tila alam na lahat nito ni Didang at handa siyang tanggapin
hung ano o sino man si Lino.

Chapter 20 – Mga Kasunduan

Madaling araw na ng makaraiting si Didang at si Lino sa kubo. Nagpalakad-


lakad lamang sila sakay ng kabayo. Sila ay nagkwekwentuhan tungkol sa
mga nangyari kay Didang sa kanyang pagpunta sa Maynila. Ikinwento rin
niya ang mga masasaya at mga masasalimuot na mga pangyayayari sa
kanyang pagpunta roon.

Chapter 21 – Bidong
Sa kabanatang ito, inutusan ni Benigno Sityar si Bidong na patayin si Lino
dahil sa mga lupain na binigay sa kanya ni Amando. Noong una, inaya ni
Benigno si Lino para maging bodyguard niya ngunit humindi si Lino’t pinasa
niya ang hikayat na ito kay Bidong. Sa mga panahong ito, nangngampanya
siya para maging gobernador ng kanilang lugar.

Chapter 22-25

[messy chapter]

Bago umalis sina Salina, Mina at Beba sa tahanan ni Ms. Sanchez, naipasya
ng dalaga nadumalaw sa gabi sa babo [what?] at ulila ng yumaong Gabriel
Manalastas ng Maruhat. Nagpasama si Miss Sanchez kay Ignacio at
sinalubong sila ng isang may-bahay ng malayong kamag-anak ni Manalastas.
Nakatawag ng pansinsi Huli kay Ms. Sanchez sa lubhang pagkaliksa [again,
huh?] nito. Kinausap ni Ms Sanchez si Huli at nagabot ng isang sobre at
nakiusap kung pwede sila dumalaw sa Pinyahan pagkatapos ng parasal.
Nasabi ni Huli na si Lino ang gumagastos salahat para sa kanila at matagal
na rin nila itong di nakikita simula pa nung libing ng ama. Tinanong din ni Ms
Sanchez kung nasan si Bidong at nasabi ni Huli na di naraw nila ito nakikita
sapagkat takot ito sa ina at nagtanggi raw itong maging bodyguard ni Sityar
ngunit gusto na niya magkaroon ng sarining hanapbuhay. Nagtaka si Ms
Sanchez kung bakit napalapit ang loob ni Lino kay Don Tito at baka
ipagdamdam ng kanilang pari. Naratnan ni Ms Sanchez sa Amando at
naibalita ang pagdalaw nito sa balaw ng yumaong kapitbahay ni Lino sa
Maruhat at ibinalita rin ang mga nasabi ni Huli. Nagdamdam si Aling Basilia
kay Lino sa nabalitaan dahil bakit ang sarili niyang anak ay di mabisita.
Naisip ni Ms Sanchez na pagpaaralin sina sina erni at Ernesto sa Maynila
upang magkolehiyo dahil may matinding hinanakit si Ernesto sa ama niya.
Nasabi ni Amando na may nahahalata siya kay Abogado Ligon dahil tuwing
nasasabi niya ang di pagdalaw ni Lino ay iniilasan [iniiwasan?] ang mga mata
niya at naisip niya na balang araw, maaari niyang maanyayahan si Ligon sa
isang confecionarion [what?] at doon masasabi niya ang lahat. Nasabi ni
Amando na may kumalat raw na balita sa Maruhat na di umano’y nagpadala
raw siya ng malaking halagang panlimos sa mga dukha na ipinamudmod
daw ni Bidong dahil hindi naman daw ito totoo. [again, things are very
messy]. Binabalak lang daw niya iyon gawin ngunit di pa niya nagagawa at
wala siyang balak na salawin si Don Tito at si Lino lang ang
makakapagpaliwanag sa kanya. Naalala ni Ms Sanchez na may palatuntunan
sa Aogsto 19 sa kaarawan ng yumaong pangulong Quezon sa bibigkas si
Ernesto ng malaking talumpati sa wikang tagalong at naisip na kung dalhin si
Lino ng sulat na paanyahan ay dumalo kaya ito upang marinig ang kanyang
anak? Dito magkakausap rin si Pari Amando at Lino. Sa tahanan ni Don Tito
sa tanggapan ng brain trust na lihim na tinaguriang Camara Negra ng Benog
for Government Movement. Nasabi ni Benog kay Bidong na kung gagawin
niya ang lahat ng nais ni Benog ay bibigyan niya ito ng mahiwagang susi na
mahihingan niya ng lahat ng kanyang ibig at galing raw ang susi na ito sa
Amerika at kapag nahawak niya ito, makukuha ang lahat ng kailangan at
parang lampara ni Aladdin, ngunit nagtaka si Biding sa susing ito at nasabi ni
Benog na ang susing ito ay salapi dahil ang salapi ang nakapagbibili ng lahat
ng nais ng tao. Nasabi ni Benog na pag nanalo siya bilang gobernador ng
bayan ay gagawin niyang…[I omitted this part because it simply made no
sense…] . Tinanong ni Bidong kung ano talaga ang iuutos ni Benog sa kanya
at ito naman ay kanyang ibinulong at binigyan ng 24 oras upang mag-isip at
pumanig ito. Dumating naman si Luisito ng brain trust na may dalang limang
sandatahang lalaki sa tanggapan ni Benog. Nasabi rito ni Benog na binigyan
niya si Bidongng 24 hrs at ipinahanda kay Luisito ang plano at nasabi na di
dapat mangyari ang anumang mangyari kundi sa Pinyahan at pinaputol sa
kanya ang anumang pagtatalastasan kaninoman dahil mapanganib na
malaman ni Lino ang kanilang pinag-uusapan at sumang-ayon naman si
Luisito.

Chapter 26

Dinala bigla si Bidong sa isang silid na may rehas na bintana na bakal at


mayroong siyang dalawang kasambilang tagabantay. Nagbalik si Benog at si
Luisito sa tanggapan ng Brain Trust. Nadatnan nila si Pedrito at Abundio
doon. Sinabi ni Abundio kay Benog na malapit na ang halalan at kailangan na
nila ng plataporma. Pinag-usapan din nila ang kanilang mga plano para sa
halalan. Hindi sila seryoso sa kanilang mga plano at ang gusto lamang nila
ay ang manalo. Magtakipsilim na nang dumating si Ms. Sanchez sa kanilang
tahanan mila sa paaralan. Kasama niya sina Erni at Ernesto. Naratnan din
nila si Aling Ambrosia na maghahatid ng labada. Si Aling Basilia at si Ignacia
ay di pa dumadating. Si Ms Sanchez at si Aling Ambrosia ay walang tigil saa
pagkukuwentuhan. Bago umalis ay may iniabot si Ms Sanchez kay Aling
Ambrosia na liham na may pangalang G. Lino Rivera sa labas. Ang liham na
ito ay para kay Luring. Nakasaad sa sulat ang isang liham ng pag-iimbita
dahil magtatalumpati daw si Ernesto sa wikang tagalong. Si Albino ang
nagdala ng sulat na it kay Lino. Nag-uusap din sila tungkol dito ngunit agad
na din umalis si Albino. Nang magpapahinga si Ms Sanchez, tila balisa siya at
di makatulog. Nasa isip niya si Didang at ang paglayo ni Lino. Sinabi niya sa
sarili na tiyak na di rin matitiis ni Lino na huwag makita si Ernesto sa
palatuntunan sa Biernes ng hapon. Hatinggabi na ng nakatulog si Ms
Sanchez at matamlay ang kanyang paggising sa umaga.

Chapter 27

Patuloy ang pagkatamlay ni Ms Sanchez ng umagang iyon. Ngunit gumaan


ang loob niya kapag naiisip niya si Huli na talaga naming isang magiliw na
bata. Ayon sa kanya, importante ang paganyaya sa imbitasyon ni Ms
Sanchez sa kanya. Nag-alala din siya na baka sumama ang loob ni Didang sa
hindi niya pagpunta sa hindi niyang minindal. Hindi din natahimik ang
kalooban ni Lino dahil sa pagtakas ni Bidong na sadyang kahina-hinala.
Napagpasiyahan niya na dapat niyang unahin ang kapakanan ni Bidong
sapagkat buhay at hindi puso ang nakataya dito. Magiika-apat na ng hapon
ng makarating si Lino sa Linggo ng Wika. Maraming tao doon at lahat sila ay
nag-uusap. Matapos ang ilang oras, duamting na ang oras ng pagpapakilala
kay Ernesto. Nabuhayan ang kanyang loob na malaman niya na naroon ang
kanyang ma. Napatuloy na siya sa kanyang talumpati na talaga namang
pinalakpakan ng mga tao. Sa kabilang dako, si Lino ay iniisip pa rin si Bidong.
Nakarinig siya ng isang putok ng baril na pagkaraan ay sinundan pa.
Kinabahan siya at agad bumaba ng kabayo. Nakita niya ang bangkay ni Lino.

Chapters 30-31

Nakatanaw sina Lino at albino sa malaking liwanag sa dako ng bukid ni Lino


sa Maruhat. Madaling tumakbo ang dalawa at nakita nila na nasunog na ang
mga kubo nila pati na rin ang kay Huli. Tumigil sila sa may dalawang
kilometrong layo mula sa mga kubo. Iniwan ni Lino si Albino sa isang tabi at
binigyan niya ito ng baril. Siguradong-sigurado siya na doon dadaan ang
kanilang mga kalaban. Muling nangabayo so Lino hanggang nakita niya ang
kanyang kalabaw na may nakasakay na isang lalaki. Pinaputukan ito ni Lino
at nakita niyang nahulog ito. May tatlong lalaki pang dumating at sila’y
binaril din ni Lino. Narinig din niyang nagpaputok si Albino. Mamaya ay
dumating na rin si Albino sa kanyang tabi. Nilapitan niya ang lalaki at
tinapatan siya ng flashlight. Ngunit sinabi ni Albino na mas ligtas kung
maghihintay silo ng umaga.
Nang sumunod na umaga, dumating si Albino kasama ang pangulo ng
Maruhat. Muli nila nilapitan ang lalaking nahulog mula sa kalabaw ni Lino. Ito
ay namukhaan ng kanilang pangulo at sinabi naang lalaking iyon ay ang
pinuno ng Hukbalahap. Ipiinaliwanag ng kanilang pangulo na matagal na
nilang sinusubukan hulihin ito ngunit hindi nila magawa. Mamaya ay
dumating sina Amando at Ligon. Agad naman silang nilapitan nina Albino at
Lino. Sumama sila kay Ligon at kanilang tinalakay ang mga kaso ng
Hukbalahap. Sinabi ng abogado na walang kaso na ipapataw kina Lino at
Albino at silaay pinasasalamatan ng maraming tao sa pagpatay ng mga
Hukbalahap.
Mahigit na isang lingo bago dumating muli sina Lino at Albino sa Maruhat.
Kasabay nito ang balita na nabawasan ng isang kagawad si Benigno Sityar,
pagka’t may apat na araw nang patay si Luisito dahil ito raw ay naubusan ng
dugo.
Nang pumunta si Lino kay Aling Barang, nabalitaan nito na may sakit si Ms.
Sanchez. Napatungo si Lino ng saglit. At kanyang nakita si Huli na anak ni
Aling barang na nagmumuni-muni. Nag-usap silang dalawa. Ipinaliwanag ni
Lino na mahalaga si Huli kay Bidong na siyang kasintahan ng dalaga.
Ipinakiusap ni Huli kay Lino na lagging dalawin si Ms. Sanchez. May-may’y
umalis na ang mag-ina upang pumunta sa Pinyahan at alagaan ang may
sakit na dalaga.
Matapos ng pagpaalam si Lino, pinuntahan naman niya si Aling Huwana, ina
ni Didang. Malayo pa lang ay nakita na siya ni Lino. Kanyang sinabi na umalis
si Didang noong umagamatapos na hintayin si Lino ng pagkatagal-tagal.
Agad-agad naman itong sinundan ni Lino patungo sa may bayan.
Samantalang sa Pinyahan, palubha na ng palubha ang sitwasyon ni Ms
Sanchez. Ayaw niyang kumain, magpatulong kung kanino lang, tumanggap
ng bisita o magpagamot. Tuluyan na siyang nawawalan ng pag-asa.
Isang araw dumating si Amando sa bahay niya. Ito ay dahil napagpasiyahan
nila na kunin si Ernesto at dalhin sa isang kolehiyo sa Maynila. Noong una ay
ayaw pumayag si Erestina ngunit siya ay pinilit ni Ernesto kung kaya’t
pumayag na siya. Nang ihatid ni Padre Amando ang mga bata sa Maynila,
nagdala siya ng isang mahusay na doctor sa Pnyahan. Napansin ng doctor na
ayaw magpagaling si Ms Sanchez. Natuklas niya ang sakit: coronary
thrombosis at angina pectoris.
Nagulat si Padre Amando sa kanyang narinig. Agad niyang pinuntahan si
Ligon at ipinakiusap na hanapin si Lino. Ilang araw niyang hinanap si Lino
hanggang matagpuan niya itong nagtratrabaho sa Grace Park sa may
Kalookan. Ipinaliwanag ni Lino ang pagkawala ni Didang at ng ilang araw
niya itong hinanap. Nailibot na niya ang buong Maynila hanggang sa Dewey
Boulevard, sa Pasay, sa Polo, sa Quezon City. Ipinaliwanag naman ng
abogado ang nangyari kay Ms Sanchez. Tumungo silang dalawa sa Pinyahan.
Pagkarating nila sa kumbento, nakita nila si Felix na isang sacristan. Sinabi ni
Felix na si Padre Amando ay nasa bahay ni Ms Sanchez. Nang nakita ni Felix
na madumi si Lino, pinahiram niya ito ng damit at agad-agad silang pumunta
sa bahay ni Ms Sanchez.
Laking tuwa ni Amando nang dumating si Lino. Inutusan niya itong pumasok
sa kuwarto ni Ms Sanchez. Nag-usap silang matagal ni Lino. Sila’y humingi ng
patawad sa isa’t isa, sa lahat ng kakulangan na hindi nila naibigay, o sa mga
salitang hindi nila nasabi. Sila’y nagpasalamat din sa maraming pangyayari
na nakaukit sa kanilang mga puso. At pagpatong ng ika-walo ng gabi ibinigay
ni Ms Sanchez ang huling hibla ng kanyang buhay.

You might also like