You are on page 1of 2

Si Mangita at Si Larina, Isang Alamat sa Laguna de Bay

Maraming taon na ang nakalipas, sa pampang ng Laguna de Bay ay may naninirahang isang mahirap na mangingisda at ang kanyang pamilya. Maagang namatay ang asawa ng mangingisda kayat siya na ang nagpalaki sa dalawang anak nilang babae na sina Mangita at Larina. Kapwa napakaganda ng dalawang anak bagamat magkaibang-magkaiba ang kanikanilang mga katangian. Si Mangita ay kayumangging kaligatan at may mahaba at itim na itim na buhok. Mabait siya at mapagbigay kaya naman mahal na mahal siya ng lahat ng mga kakilala. Masipag din siya. Siya ang katu-katulong ng kanilang ama sa pananahi ng mga lambat at pagbibigkis sa mga sulong ginagamit sa gabi-gabing pangingisda. Masiyahin din si Mangita at ang kanyang mga dalisay na ngiti at nagbibigay-liwanag sa munti nilang kubo. Ang kapatid naman niyang si Larina ay maputi at nagtataglay ng mahaba at manilawnilaw na buhok. Subalit di tulad ng kapatid na si Mangita, si Larina ay ubod ng tamad at maghapon lamang nagsusuklay at nag-aayos ng mahaba niyang buhok. Malupit din siya at walang pagmamahal sa mga bagay na nabubuhay sa kanilang paligid. Madalas siyang nanghuhuli ng mga paruparong tinutusok hanggang mamatay saka ginagawang palamuti sa kanyang buhok. Minsay hindi agad namamatay ang paruparo at ikinatutuwa ni Larina ang makitang pumupusag-pusag pa ang kaawa-awang nilalang habang nakatuhog at nakapalamuti sa kanyang buhok. Pagkatapos nitoy nagtutungo siya sa lawa upang walang sawang pagmasdan ang kanyang kagandahan. Dahil sa magkaibang ugali ng magkapatid ay lalong hinangaan at minahal ng mga tao si Mangita samantalang iniwasan naman nila ang malupit at makasariling si Larina. Lalo namang lumaki ang inggit at selos na nadarama ni Larina kay Mangita dahil dito. Isang araw, isang matandang babaeng pulubi ang nagtungo sa kanilang kubo upang humingi ng kaunting kanin para sa kanyang maliit na mangkok. Abala noon si Larina sa pagsusuklay ng kaniyang buhok kayat hindi niya nagustuhan ang pang-aabala ng pulubi. Sinigawan niya ang pulubi. Hindi pa siya nagkasya at kanya rin itong itinulak palayo. Natumba ang matandang babae at nabagok ang ulo sa bato dahil sa tindi ng pagkakatulak. Narinig ni Mangita ang ingay at humahangos siyang lumabas mula sa pagsusulsi ng lambat. Maagap niyang tinulungan ang kaawa-awang pulubi. Ginamot din niya ang sugat nito at pinatigil ang pagdurugo. Pagkatapos ay sumandok siya ng kanin mula sa palayok at pinuno ang mangkok ng pulubi. Maraming-maraming salamat sa iyong kabutihan. Hindi ko malilimutan ang iyong kabaitan at pagiging maawain, ang sabi ng matandang babae kay Mangita bago siya dahan dahang lumakad paalis. Hindi niya kinibo si Larina na nooy natatawa at nanghamak pa sa kanya. Larina, hindi mo dapat ginawa iyon sa matanda. Kaawa-awa naman siya. Paalala ni Mangita kay Larina. Huwag kang magmagaling diyan, ang nakairap na sagot ni Larina dahil sa ipinagpapalagay nitong pakikialam sa kapatid. Isang araw, lumawas ang kanilang ama sa lungsod upang ipagbili ang mga huli niyang mga isda subalit sa kaniyang pagbalik ay nahawa siya ng sakit na laganap sa lungsod. Naratay ang kanilang ama at hindi na nalunasan ang kanyang karamdaman. Sa kanyang pagyaoy naiwan niyang lubos na ulila ang magkapatid. Dahil sa pagkamatay ng kanilang amay nag-isip si Mangita ng magagawa upang magkaroon siya nag pagkakakitaan para sa mga pangangailangan nilang magkapatid. Gumawa siya ng magagandang mga kagamitan mula sa mga kabibe na kanyang ipinagbibili. Subalit ang kinikita niyay halos hindi sapat ipambili man lang ng pagkain kayat nakiusap siya sa kanyang

kapatid. Larina, baka puwede mo akong tulungan na gumawa ng mga bagay na puwede nating ipagbili para kumita, ang sabi nito. Tulad ng dati, hindi tumulong si Larina at nagpatuloy lang sa pagsusuklay at pag-aaliw sa sarili. Napilitan si Mangita na magtrabaho ng magtrabaho upang may makain silang magkapatid. Dahil sa sobrang pagod ay nanghina ang kaniyang katawan kayat siyay madaling nahawa ng sakit na lumaganap sa bayan. Nang nakaratay na siyay nagmakaawa siya kay Larina na alagaan siya subalit dahil sa malaking galit nito sa kanya at dahil sa likas na kasamaan ng ugali niyay hinayaan lang niyang lumala ang kalagayan ng kapatid. Nang naghihingalo at malapit nang mamatay si Mangita ay bumalik ang matandang babaeng pulubi na may dalang supot ng mumunting buto ng halaman. Dumukot siya ng isa at isinubo kay Mangita. Nagsimulang bumuti ang kalagayan ng dalaga subalit dala ng p anghihinay hindi pa rin nito makayang alagaan ang sarili. Inihabilin ng matanda ang supot ng buto kay Larina. Subuan mo siya oras -oras hanggang sa pagbalik ko, sabi niya kay Larina bago umalis. Naiwan ang mga buto kay Larina subalit hindi niya binigyan si Mangita. Katunayan, sa laki ng inggit at muhi sa kapatid, hinangad niyang mamatay na si Mangita. Kaya, sa halip na alagaan ang kapatid, itinago ni Larina ang mga buto sa kanyang mahabang buhok. Dahil ditoy lalong lumala ang sakit ni Mangita at patulo y na humina nang humina ang paghinga. Agaw buhay na siya nang bumalik ang matandang babaeng pulubi. Bakit hindi siya gumaling? Sinubuan mo ba siya ng buto tulad ng bilin ko? tanong niya kay Larina. Oo! Heto pa nga ang supot, eh, sagot ni Larina habang ipinakikita ang supot na wala nang laman. Hinaluhog ng pulubi ang kubo at bakuran subalit wala siyang nakitang itinapon o itinagong buto. Muling tinanong ng pulubi si Larina. Sinubuan mo ba talaga ng buto si Mangita? na sinagot naman ng nayayamot ng si Larina ng Oo. Batid ng pulubi ang pagsisinungaling ni Larina kayat sa sandaling iyoy biglang nagliwanag sa kubo. Halos kasing tindi ng liwanag ng araw ang liwanag ang sumilaw kay Larina. Nang maglaho ang liwanag ay hindi na pulubi ang kaharap niya kundi isang magandang diwata. Kalong-kalong nito ang may sakit na si Mangita. Ako ang pulubing humingi ng kaunting kanin subalit ipinagtabuyan mo, sabi ng diwata. Ninais kong matalos kung ang kagandahan nang iyong mukhay siya ring ganda ng iyong puso subalit nagkamali ako. Si Mangita ay nakapasa sa aking pagsubok dahil sa malinis niyang puso kaya isasama ko siya sa aking tahanan sa pulo nitong lawa. Subalit ikaw ay masama kaya mula ngayon, luluhod ka habam-panahon sa ilalim ng lawa at magsusuklay upang masuyod nang walang katapusan ang mga butong itinago mo sa iyong buhok! ang galit na wika ng diwata sa nabiglang si Larina. Pumalakpak minsan ang diwata at pumasok ang ilang bulilit at hinatak patungo sa pusod ng lawa ang humihiyaw na si Larina. Halika, Bulong ng diwata kay Mangita, umuwi na tayo! At mula noon, doon na sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita at nabuhay silang masaya at mapayapa. Si Larina naman ay nasadlak sa ilalim ng lawa, walang tigil niyang sinusuyod ang kanyang buhok upang isa-isang matanggal ang mumunting butong itinago niya rito. Mula sa mga butong itoy sumibol ang mga luntiang halamang lumutang sa tubig at tinatawag na ngayong water lily. Tuwing malakas ang ulan at hangin, inaanod ang mga halamang ito sa Ilog Pasig. At sa tuwing nakikita ng mga tao ang mga halaman ay naaalala nila si Larina at ang kanyang kasamaang nagsadlak sa kanya sa kaawa-awang kalagayan.