You are on page 1of 2

BAN KI-MOON

Si Ban Ki-moon (Hangul: ; ipinanganak noong 13 Hunyo 1944) ay ang pangwalo at pangkasalukuyang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa. Bago naging Kalihim-Panlahat, si Ban ay naging diplomat ng Ministry of Foreign Affairsng Timog Korea at sa Nagkakaisang Bansa. Tumuloy siya sa serbisyong diplomatikosa taon ng kanyang pagtapos sa kolehiyo. Ang kanyang unang puwesto ay sa New Delhi. Pinamalas niya ang kakayahan sa pambanyagang minesteryo. Si Ban ang Ministrong Pambanyaga ng Republika ng Korea mula Enero 2004 hanggang Nobyembre 2006. Noong Pebrero 2006 ay nagsimula siyang mangampanya para sa puwesto ng Kalihim-Panlahat. Hindi inaasahang makuha ni Ban ang puwesto. Subalit dahil sa kanyang pagigiging pambanyagang ministro ng Korea, nagawa niyang maglakbay sa iba't-ibang mga bansang miyembro ng [[Konsehong Pang-seguridad ng Nagkakaisang mga Bansa, isang taktika na tumulong sa kanyang kampanya. Noong 13 Oktubre 2006, hinalal siya bilang pang-walong Kalihim-Panglahat ngPanglahat na Asemblea ng Nagkakaisang mga Bansa. Noong 1 Enero 2007, siya ang pumalit kay Kofi Annan, at nagpasagawa ng mga mahahalagang reporma sa pananatili ng kapayapaan at mga kagawain sa pagbibigay ng hanapbuhay ng Nagkakaisang mga Bansa. Si Ban ay pinahahalagahan ang pandaigdigang pag-init at paulit-ulit na pinababatid ito sa Pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush. Tumulong rin siya sa Kaguluhan sa Darfur, kung saan hinikayat niya si Omar al-Bashir, Pangulo ng Sudan, na payagang pumasok ang mga tropa para sa pananatili ng kapayapaan saSudan.

RON-RON ALLEN M. MANALAD