NGITING PIKIT

Sa gabing kumikislap ang pundidong pag-iisip Tumitilaok na ang sigaw ng panaginip Lulubog na ang naglalambot na langit Sa mukhang nakikitang nakatawang may sakit Sa tinding paglaglag sa mataas na hagdan Sumibol ang tinik mula sa kawalan Nagsugat ang mukhang tinatanaw ng langit Nagdurugo, sumasabay sa pamatay na awit Pagpikit ng mata’y di makita ang saya Nawalan ng pula ang dugo sa sinta Kumintab ang kislap ng ngiti sa paghiga Nawalang saysay ang dugong, sa langit nagpalamya Umagos ang luhang, ngiti ang ina Natamo ang saya sa pagdilim ng mata Tumahan man ang tawa’y rinig pa rin ang halakhak Sa pagpikit naalala ang siyang nagpapagalak Kumabog ang puso sa malambot na dingding Matigas na unang niyayakap ang ningning Bawat patak ng ningning sa pikit na pagngiti Nawawalan ng segundo ang bawat sandali Nangalay na ang mata sa lubos na paraiso Sumosobra na sa panaginip na nawaring bisyo Nagtanghal na ang bida sa kapal ng maskara Natanggal na ang nawawalang takip ng lampara Naibahid na ang pagdamdam sa gabing balot sa dilim Nadapa na ang simangot na naghatid ng lagim Wala ng natira sa salitang mawawaksi Panay pa rin ang pagsulat sa damdamin ng budhi Wala ng magawa ang mukhang nalilito Nagbigay windang sa langit Nagbigay ngiti sa’yo Bad Debt = P5

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful