You are on page 1of 7

Novela/Dula

PagsasalingWika/Pagsusuri/Pagsulat

Pananaliksik, Filipino 2

ni Regine T. Valera HRS-212

Panggitnang Pag-aaral

I.

Pamagat: William Shakespeares: Romeo and Juliet

II.

May-akda: Si William Shakespeare (bininyagan Abril 26, 1564 namatay Abril

23, 1616) ay isang manunulat na Ingles. Maraming tao ang nagsasabing siya ay isa sa mga dakilang manunulat sa lahat ng panahon. Sumulat siya ng mga magagandang kwento ng trahedya, mga nakakatuwang komedya at walang katumbas na kasaysayang kwento ng Ingles. Ang kanyang mga tula at palabas ay patungkol sa mga nararamdam ng mga tao tulad ng pag-ibig, pagka-inggit, galit at marami pang iba. Siya ay pinagaaralan ng mga bata sa mga paaralan sa buong mundo. Sinulat niya ang kanyang mga likha sa pagitan ng1585 at 1613. III. Sangunian: Seventh Stage Production House IV. Lagom: Ang mga Capulet at mga Montague ay dalawang makapangyarihang pamilya na mahigpit na magkalaban. Sila ay parehong may tig-isang anak, si Romeo sa mga Montague at Juliet naman sa mga Capulet. Isang araw isinama si Romeo ng kanyang mga kaibigang sina Benvolio at Mercutio sa isang sayawan sa mga Capulet. Doon ay nagkatagpo sila ni

Juliet at nag-ibigan sa kanilang unang pagkikita. Nang sumunod nilang pagkikita ay inamin nila ang nararamdaman nilang pag-ibig sa isat isa at napagkasunduan nilang magpakasal. Nang sumunod na araw sila ay sekretong nagpakasal sa tulong na rin ng prayleng si Lawrence sa isiping ang kasal na iyon ay magdudulot sa pagkakabati ng magkaribal na pamilya. Nalaman ng pinsan ni Juliet na si Tybalt ang pagpuslit ni Romeo sa sayawan ng mga Capulet kayat hinamon niya ito sa isang duwelo. Dahil sa ito ay kamag-anak ng kanyang asawa ay tinanggihan ito ni Romeo. Sa ipinakitang kagaspangan ng ugali ni Tybalt at pagtanggi sa duwelo ni Romeo ay labis na ikinagalit ni Mercutio. Kung kayat tinanggap niya ang duwelo kapalit ni Romeo. Sa pag-awat ni Romeo sa away ng dalawa ay labis na napuruhan si Mercutio ng espada ni Tybalt na naging resulta ng kamatayan ng una. Sa pagkamatay ng matalik na kaibigan ay nabulag ng galit at paghihiganti si Romeo at inatake si Tybalt na ikinamatay nito. Ito ay nagdulot ng pagpapatapon ng prinsipe kay Romeo at

idineklarang na sa oras na siya ay magbalik ay iyon na ang kanyang huli. Kinagabihan ay sekretong nagpalipas ng gabi si Romeo sa kwarto ni Juliet upang guguling ang natitirang oras nila sa isat isa. Kinaumagahan ay ipinaalam ng ama ni Juliet na ipapakasal niya ang anak kay Paris at tinakot ito na kapag tumanggi ay itatakwil ang anak. Pumunta si Juliet kay Padre Lawrence para humingi ng tulong doon ay

binigyan siya ito ng gamot na magdudulot ng isang tila mahimbing na pagtulog sa loob ng apatnaput dalawang oras. Ipinangako ng prayle na magpapadala ng mensahero kay Romeo para maipaalam dito ang plano at magkasama sila sa oras na magising ang dalaga. Gabi bago ang kasal, ininom ni Juliet ang gamut at nang inakala ng lahat na siya ay namatay na dinala siya himlayan na pag aari ng pamilya. Sa kabilang banda naman, hindi nakarating kay Romeo ang

mensahero sa halip nabalitaan ni Romeo mula sa kanyang utusang si Balthazar ang kamatayan ni Juliet. Sa pagdadalamhati, bumili ng lason si Romeo at dumiretso sa himlayan ng labi ni Juliet. Doon ay naratnan niya si Paris na namimighati sa pagkawala ng dalaga. Nagkaroon ng laban sa pagitan ng dalawa, at namatay si Paris. Dahil sa paniniwalang wala na si Juliet ay ininom ni Romeo ang lason. Noon namay pagkagising ni Juliet. Sa pagkakita sa walang buhay na katawan ng binata ay labis na nanangis ang dalaga kung kayat kinuha niya ang punyal ng binata at sinaksak ang sarili. Di nagtagal ay dumating ang prinsipe at ang dalawang magkaribal na pamilya at nakita ang tatlong labi. Nakita nila si Padre Lawrence at doon ay isinalaysay nito sa lahat ang kuwento ng dalawang nag-ibigan. Dahil sa kamatayan ng pare-parehong anak napagkasunduan ng dalawang pamilya na magbati at tapusin ang matagal ng alitan sa pagitan ng dalawa

V.

Pagsusuri ng nilalaman: A. Mga nagsiganap Masasabi kong hindi naman naging masama ang nagging pagganap ng bawat tauhan ng istorya. May ilang karakter na hindi masyadong malinaw ang pagbigkas kung kayat minsan nagkakaroon ng pagkalito sa takbo ng istorya ngunit hindi naman masyadong nakabawas iyon sa ganda ng palabas. B. Iskrip Maganda naman ang pagkakasulat ng istorya at dayalog. Ito ay madaling maintindihan at masundan dahil ito ay istoryang patok sa maraming tao marahil sa kadahilanang ito ay may romantikong tema. C. Entablado Maliit ang entablado ngunit hindi ito naging hadlang sa isang magandang pagtatanghal. Masasabi ring maganda ang mga naging props at itoy naangkop sa naging takbo ng pagtatanghal. D. Teknikal Maganda ang buong produksyon, ang mga ilaw at maging ang musika. Nakadagdag ang mga ito sa intensidad at ganda ng pagtatanghal. Bagamat nagkaroon ng ilang problemang teknikal, ang kabuuan ay naging maganda.

VI.

Bisa A. Isip

Nang makita ko pa lamang ang titulo ng magiging pagtatanghal ay nagkaroon na ako ng ideya sa magiging istorya. Dahil ito ay isang kilalang istorya na naisalin na sa ibat ibang uri ng pagtatanghal katulad ng pelikula at sa teatro. B. Damdamin Hindi ko masasabi kung nagkaroon ng epekto sa aking damdamin ang naging pagtatanghal ngunit masasabi kong naging mabisa naman ang pagganap ng mga pangunahing tauhan sa kanilang mga karakter at nadala ang damdamin ng mga manonood. C. Kaasalan Naiparating ng istorya ng maayos ang aral na nais ipahiwatig nito. Ang nagiging resulta ng galit, paghihiganti, at pagkabigo sa pag-ibig. VII. Teorya ng Pagpapahalaga A. Romantisismo Ang istorya ay nagpamalas ng romantisismo dahil ito ay nagpakita ng wagas na pagmamahalan ng dalawang tao sa pamamagitan ng mga karakter nina Romeo at Juliet hanggang kamatayan. B. Realismo Ito rin ay nagpakita ng realismo dahil nagpakita ito ng mga tagpo na maaaring mangyari sa tunay na buhay katulad ng nang nagagawa ng galit at paghihiganti sa kapwa. C. Simbolismo

Ito ay napapalooban ng ilang simbolismo katulad ng karakter ng mga pangunahing tauhan na kumakatawan sa pagiging mapusok at pabigla-biglang desisyon ng mga kabataan na nagresulta ng trahedya sa istorya.

VIII.

Mensahe Masasabi kong ang Romeo and Juliet ay isang dulang mairerekomenda ko sa lahat. Dahil ito ay nagsasalaysay ng isang magandang istoryang sa unay magpapatawa, magpapasabik at magpapalungkot sa mga manonood. Ito ay may magandang aral na maiintindihan ng lahat.