You are on page 1of 7

Komunikasyon sa Akedemikong Filipino

Pagsulat Pagsaling Wika Pagsusuri

ni Regine T. Valera

DHRS 123

Pamagat: New Yorker in Tondo May-akda: Marcelino Agana Jr. Sangunian: Seventh Stage Production House Buod: Isang Umaga may kumatok sa bahay nila Aling Atang. Nang mapagbuksan, tumambad sa harap niya ang isang pamilyar na mukha na may dala pang bulaklak. It o ay si Tony ang kababata ng kanyang anak na si Kikay. Hindi agad nakahuma si Tony pagkakita kay Aling atang iba na kasi ang ayos at gupit nito ngayon at hindi na katulad ng dati. Pagkatapos ng maikling kamustahan, hinanap ni Tony si Kikay. Sinabi ng ginang na natutulog pa ang anak dahil ang sabi nitoy sa New York daw hindi gumigising ang mga tao bago mag alas dose ng tanghali. Magpapaalam na sana si Tony nang pigilan siya ng ginang. Ang sabi nitoy hintayin na lang ang anak at itoy gigisingin na lang. Bago tuluyang umalis ipinaliwanag ng ginang na sa harap ng anak dapat na tawagin ang ginang na Mrs. Mendoza at si Kikay naman ay Francheska itoy ayon na rin sa kagustuhan ni Kikay. Pagkaalis ng ginang ay may kumatok na naman sa pinto. Nang pagbuksan ni Tony, isang lalaki

na naman

ang pumasok. Ito ay si Totoy isa pang kababata nila ni Kikay.

Nagkamustahan ang dalawa at napag-usapan nila ang pagbabago ni Kikay mula ng manggaling sa New York. Sinabi ni Tony dito ang mga sinabi ng ina ni Kikay sa kanya.Kung panong umastang isang amerikana si Kikay at ang pag-ayaw na nito sa palayaw nito. Natawa naman si Totoy dahil naaalala pa nito ang mga panahong nagbebenta pa ng puto sa kalsada si Kikay at kung paano nila itinulak ito sa kanal noon. Hindi ito makapaniwala sa biglaang pagbabago ng kanilang kababata.Naputol ang kanilang usapan sa biglaang pagkatok sa pinto. Pinagbuksan ni Totoy ang bagong bisita. Tumambad si Nena, isa pa nilang kababata. Sinabi nitong Pumunta rin ito upang bisitahin rin si Kikay. Lumabas naman si Aling Atang upang tignan ang mga bagong bisita. Matapos ang maikling kamustahan, tinawag ni Aling Atang si Totoy upang tulungan sa paghahanda ng merienda. Naiwan sina Tony at Nena sa sala. Tinanong ni Nena kung may nasabi na si Tony kay Kikay. Nagreklamo si Tony, sinabi nito na hindi nito kayang bawiin ang sikretong engagement nit okay Kikay gayong kararating pa lamang nito. Nainis si Nena ngunit sinuyo naman ito ni Tony. Sinabi nito na kailangan munang mapag-isa sila ni Kikay upang mapag-usapan nila ang kanilang paghihiwalay. Sumang-ayon naman si Nena at nagplano kung paano mapag-iisa sina Tony at Kikay. Pagkabalik nina Tony at Aling Atang ay sumunod naman ang paglabas ni Kikay. Binati ni Kikay ang kanyang mga bisita. Nagpaalam muli si Aling Atang para mamalengke at naiwan ang magkababata na tuloy naman ang

kuwentuhan. Nanibago man ang magkakaibigan sa mga pagbabago ni Kikay ay pinagkuwento ng mga ito si Kikay ng kanyang nagging buhay sa New York. Matapos iyon ay nagpaalam si Nena na lalabas saglit at nagpasama kay Totoy. Naiwan naman sina Kikay at Tony. Sinabi ni Tony na may mahalaga itong sasabihin kay Kikay. Bago pa man ituloy ni Tony ang sasabihin pinutol na ito ni Kikay at sinabing kalimutan na lamang ang lahat. Naguluhan si Tony. Ipinaliwanag naman ni Kikay na bata pa siya nung umayon siya kay Tony na magpakasal dito at ayaw na niyang pag-usapan pa iyon. Dinagdag pa niya na si Tony ay naengage sa isang babaeng nagngangalang Kikay ngunit wala na ang babaeng iyon. At ang nasa harap nito ngayon ay hindi na si Kikay kundi si Franchesca. At hindi niya matatanggap na maikasal sa isang taga- Tondo lamang. Nagalit si Tony at labis na nainsulto. Bumubuwelo na si Tony na aktong sasaktan ang dalaga nang biglang dumating sina Totoy at Nena. Nabigla sina Totoy sa naabutang eksena at tinanong kung bakit sila nag-aaway. Sinabi ni Kikay na napagusapan nila ni Tony na maging magkaibigan na lamang. Labis itong ikinatuwa ni Nina na ikinapagtaka naman nina Totoy at Kikay. Ipinagtapat ni Nena na matagal na ring engage sila ni Tony. Labis itong ikinabigla at ikinagalit ni Kikay kung kayat sinugod niya Nena at silay nagsuntukan. Napalakas ang suntok ni Nena kay Kikay at siya ay bumagsak sa sahig. Dinaluhan naman ito ni Tony at sinita si Nena sa nagawa. Ikinagalit ni Nena ang pagkampi ni Tony kay Kikay at sila ay nag-away. Ikinagalit naman ni

Totoy ang pagtrato ni Tony kay Nena at sila naman ang nag-away. Sinuntok ni Totoy si Tony at ito ay bumagsak din sa sahig. Niyaya na ni Nena si Totoy na umalis na ngunit bago iyon ay pinagtapat ng binata na mahal niya ang dalaga. Nang maiwan mag-isa sina Kikay at Tony nagsimula ang sumbatan nila sa isat isa. Bandang huli ay umiiyak na humingi ng tawad si Kikay kay Tony. Sinabi ni Kikay na wala na si Franchesca ang babaeng pumigil kay Kikay na sulatan si Tony at ang babaeng nasa harap ni Tony ng mga sandaling iyon ay si Kikay na. Dahil doon sila ay nagkabati at nagkabalikan na. Pagsusuri ng nilalaman: A. Mga nagsiganap Masasabi kong hindi naman naging masama ang nagging pagganap ng bawat tauhan ng istorya. May ilang karakter na masyadong

eksaherado ang pag-arte upang maging katawa-tawa ang eksena ngunit may ilang sumobra naman sa nararapat sa puntong nawala na ang komedya at hindi na naging nakakatawa. B. Iskrip Maganda naman ang pagkakasulat ng istorya at dayalog. Ito ay medaling maintindihan at masundan dahil ito ay istorya na maaaring nangyayari sa tunay na buhay. Ngunit may ilang eksena ng komedya na masyadong karaniwan na at hindi na nakakatawa para sa mga manonood.

C. Produksyon Maganda ang buong produksyon, ang mga ilaw at maging ang musika. Nakadagdag ang mga ito sa intensidad at komedya ng pagtatanghal. At maging ang mga kasuotan ay tama lama para sa bawat karakter. Bagamat nakakapagtaka ang nagging kasuotang ng pangunahing bidang si Kikay dahil tila walang koneksyon ang gown sa pagiging galling sa New York. Bisa A. Isip Nang Makita ko pa lamang ang titulo ng magiging pagtatanghal ay nagkaroon na ako ng ideya sa magiging istorya. Ang hindi lamang siguro inaashan ay isa pala itong komedya. B. Damdamin Hindi ko masasabi kung nagkaroon ng epekto sa aking damdamin ang nagging pagtatanghal ngunit masasani kong nagging mabisa naman ang pagganap ng mga pangunahing tauhan sa kanilang mga karakter at napatawa nila ang mga manonood. C. Kaasalan Naiparating ng istorya ng maayos ang mabuting aral na nais ipahiwatig nito. Ang nagiging resulta sa mga taong mabilis na nalilimutan ang sariling pinang-galingan at mas gusto pa ang isang dayuhang lugar.

Teorya ng Pagpapahalaga A. Romantisismo Ang istorya ay nagpamalas ng romantisismo dahil ito ay nagpakita ng pagmamahal ng isang lalake at babae, at ng babae sa lalake. Halimbawa na lamang nito ay nang sugurin ni Kikay si Nena nang dahil sa ayaw niyang mapunta rito si Tony. Isa pang halimbawa ay nang ipagtanggol ni Totoy si Nena laban kay Tony. B. Realismo Ito rin ay nagpakita ng realism dahil nagpakita ito ng mga tagpo na maaaring mangyari sa tunay na buhay katulad ng nang nagging pagbabago ni Kikay nang manggaling sa New York. At ang pagkakaroon ng relasyon ni Tony sa kaibigan ni Kikay na si Nena habang sila ay may relasyon pa. C. Simbolismo Ito ay napapalooban ng ilang simbolismo katulad ng mga peluka na maaaring nagpapahiwatig ng modernong istilo ng buhok, gown na nagpapahiwatig ng modernong pananamit na galling sa isang

dayuhang bansa at puto na maaaring nangangahulugan ng lokal at tradisyunal na makakain ng mga Pilipino.