You are on page 1of 25

ALAMAT NG DALAGANG-BUKID NOONG UNANG PANAHON AY MAY TATLONG DALAGANG MAGKAKAPATID NA PAWANG NAG-GAGANDAHAN.

ANG KANILANG MGA KANAYON AY LUBHANG NAGTATAKA KUNG BAKIT MAMULA-MULA ANG KUTIS NGA MAGKAKAPATID AT MANILAW-NILAW NAMAN ANG MAHAHABA NILANG BUHOK, GAYONG MULA
PAGKABATA AY KATULONG NA SILA SA MGA GAWAING BUKID NG KANILANG AMA NA SI RAMON.

HINDI INIINDA NG MAGKAKAPATID NA LALA, DADA AT SASA ANG NAKAPAPASONG INIT NG ARAW SAPAGKAT ITO AY NAGPAPAKINIS PA NGA NG KANILANG KUTIS. NAMAMANGHA AT NANANAGHILI SA GANDA NG MAGKAKAPATID ANG MGA DALAGA SA KANILANG NAYON. HUMAHANGA AT LIHIM NAMANG UMIIBIG ANG MARAMING KABINATAAN SA TATLONG DALAGA. ANG KABAITAN AT KASIPAGAN NG MGA ANAK NINA TARCILA AT RAMON AY PURING-PURI NG MGA KANAYON, AT DAHIL SILA'Y ANAK NG MAGBUBUKID KAYA BINANSAGAN NILA ANG MAGKAKAPATID NG "MGA DALAGANG-BUKID". KUNG MABABATID LANG NG MGA TAGAROON ANG KATOTOHANAN, MARAHIL HINDI NA SILA MAGTATAKA KUNG BAKIT NAMUMUKOD-TANGI ANG KAGANDAHAN NINA LALA, DADA AT SASA. LINGID SA LAHAT, SI TARCILA AY ISANG DIWATA. NANG UMIBIG SIYA SA TAGA-LUPANG SI RAMON, ANG KANYANG PAGKA-DIWATA'Y TINALIKDAN NIYANG LUBOS UPANG MAMUHAY BILANG GANAP NA TAO. BAGAMA'T
NAWALAN NG KAPANGYARIHAN AY NAGING MALIGAYA NAMAN ITO SA PILING NI RAMON AT NG KANILANG MGA ANAK.

SUBALIT ANG MAPAYAPA AT MATIWASAY NA PAMUMUHAY NG MGA TAGA-NAYON AY BIGLANG BINULABOG NG MASASAMANG-LOOB. NAHINTAKUTAN ANG LAHAT AT HINDI MAGAWANG LUMABAN SA MAGBABAGSIK NA TULISANG-DAGAT. NILIMAS ANG
KANILANG KABUHAYAN AT SAPILITANG DINALA SA TABING DAGAT ANG KADALAGAHANG NAPILI. KABILANG NA ROON SINA LALA, DADA AT SASA. HABANG HINIHINTAY ANG BANGKANG SASAKYAN NG MGA BIHAG UPANG MAKARATING SA SASAKYANG-DAGAT NA NASA LAOT AY WALANG TIGIL ANG PAG-IIYAKAN AT PAGMAMAKAAWA NG MGA INA.

TANGING SI TARCILA LANG ANG WALANG IMIK NGUNIT MALALIM ANG INIISIP. BAGAMA'T WALANG KAPANGYARIHAN AY NAGSIKAP PA RIN ITONG MAKIPAGUGNAYAN SA DATI NIYANG DAIGDIG... SUKDULANG HININGA NIYA AY MAPATID,
MAILIGTAS LAMANG ANG MGA MAHAL NA ANAK GAYUNDIN ANG NAYON NA KANYA NGAYONG TAHANAN! HINDI NAMAN NABIGO ANG DATING DIWATA SAPAGKAT ANG NAWALANG KAPANGYARIHAN AY MULING IBINALIK SA KANYA.

SA PAMAMAGITAN NG ISIP AY PINAGLAGABLAB NI TARCILA ANG BARKO NG MGA PIRATA. SA BILIS NG PANGYAYARI, ANG MGA TULISAN NAMAN NGAYON ANG NASINDAK AT SA PAGSABOG NG MGA BALA NA NAKASABIT SA KANILANG KATAWAN, SILA AY NAUBOS NANG WALA NAMANG KALABAN. NGUNIT ISANG SUGATANG PIRATA ANG NAGKAROON PA NG PAGKAKATAONG MAMARIL BAGO ITO BINAWIAN NG BUHAY. SA KASAWIANG-PALAD AY TINAMAAN ANG MAGKAKAPATID AT AGAW-BUHAY NA BUMAGSAK SA TUBIG. NAPASIGAW ANG NAGHIHNAGPIS NA INA! HINDI NITO MAATIM ANG NAKIKITANG PAGHIHINGALO NG MGA ANAK. BILANG DIWATA AY WALA SIYANG KAPANGYARIHANG MAGDUGTONG NG BUHAY, DATAPUWA ANG MAGBIGAY NG PANIBAGONG BUHAY SA BAGONG ANYO AY KANYANG MAGAGAWA. TUMINGIN MUNA SI TARCILA SA ASAWA AT... "RAMON, NANAISIN KO PA NA SILA'Y MAGBAGONG-ANYO KAYSA TULUYANG MAWALA NA SA ATIN." "NASA IYO ANG KAPASYAHAN. GAWIN MO ANG NARARAPAT." NABIGKAS NI TARCILA ANG MAHIWAGANG KATAGA BAGO NALAGUTAN NG HININGA SINA LALA, DADA AT SASA KAYA SA ISANG KISAPMATA ANG TATLONG DALAGA AY NAGING ISDA! MATAPOS MASAKSIHAN ANG KABABALAGHANG IYON AY SAKA PA LANG NALAMAN NG MGA KANAYON ANG PAGIGING "DIWATA" NI TARCILA. LAHAT AY NAGPASALAMAT SA NAGAWANG TULONG NI TARCILA AT NAKIRAMAY RIN SILA SA SINAPIT NG MGA ANAK NITO. NAGILALAS ANG LAHAT AT NAPATINGIN SA MGA ISDA, SA KAHANGAHANGA NITONG KULAY NA WARI'Y MAMULA-MULA KAYA SA HALIP NA MALUNGKOT AY KAGALAKAN ANG KANILANG NADAMA. SA ULING PAGKAKATAON ANG MGA ISDA AY NAGSALITA. "INA, AMA, HUWAG KAYONG MALULUNGKOT, NARIRITO LAMANG KAMI SA DAGAT. AMING INA, IPINAGMAMALAKI KA NAMIN. IKAW PALA AY ISANG DIWATA. MAHAL NAMIN KAYO NI AMA..." "PAALAM NA SA INYONG LAHAT, MGA KANAYON," ANG SABAY NA WIKA NINA LALA, DADA AT SASA - AT MARAHAN SILANG LUMANGOY PATUNGONG LAOT. "PAALAM NARIN SA INYO MGA DALAGANG-BUKID...!" ANG SAGOT NG KANILANG MGA KANAYON HABANG KUMAKAWAY. ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NASA DAGAT ANG MGA "DALAGANG-BUKID".

A LAMAT NG M ANGGA
NOONG ARAW ANG MGA PUNONG MANGGANG TANIM NI TANDANG ISKO AY PAREPAREHO LAMANG ANG BUNGA. ITO'Y MALILIIT AT ANG TAWAG DITO AY "PAHUTAN". MATAMIS KAPAG HINOG, KAYA GUSTONG-GUSTO NG MGA BATA ANG PAHUTAN.

MARAMI ANG NATUTUWA KAPAG PANAHON NG PAMUMUNGA, DAHIL ANG MATANDANG MAY-ARI AY HINDI MARAMOT. MINSAN, MAY MAGANDANG DALAGANG SA MANGGAHAN NI TANDANG ISKO AY DUMAAN. KUSANG LOOB NA INALOK ITO NG MGA HINOG NA MANGGA NI TANDANG ISKO. SA KASIYAHAN NG BINIBINI AY ITINANIM NITO ANG MGA BUTO NG PAHUTAN SA BUKID AT SA PAANAN NG BUNDOK. AGAD TUMUBO ANG DALAWANG BUTO AT PAGKARAAN LANG NG ILANG ARAW AY GANAP NA ITONG ISANG PUNO. LABIS NA NAGTAKA SI TANDANG ISKO SA
PAGKAKAROON NG PUNONG MANGGA SA HANGGANAN NG BUKID AT SA IBABA NG BATUHANG BUNDOK. BALAK SANANG PUTULIN NG MATANDA ANG DALAWANG PUNO, SUBALIT SA TUWING SIYA AY LUMALAPIT, WARI'Y MAY BUMUBULONG NG...

"HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN." DALA RIN NG PANGHIHINAYANG KAYA HINAYAAN NA LANG NITONG LUMAKI AT LALONG LUMAGO ANG DALAWANG PUNO NG MANGGA. MALAKING PAKINABANG TULOY ITO SA MGA MAGSASAKA AT KALABAW NA ROON AY SUMISILONG. ANG MADALAS MAGPAHINGA SA PUNONG MANGGANG NASA BUKID AY SI KALABAW, KAYA NAGKAROON SILA NG PAGKAKATAONG MAGKAUSAP PALAGI NG PUNO. "HULOG KA NG LANGIT SA AKIN, PUNONG MANGGA. DATI-RATI'Y INIT SA KATANGHALIANG TAPAT AY AKING TINITIIS, SUBALIT NANG IKAW AY SUMIBOL, PAGAL KONG KATAWAN AY BINIGYAN MO NG GINHAWA. KAYA KAPAG SA IYO AY MAY NAGTANGKANG PUMUTOL, HUMANDA SILA SA SUNGAY KONG MATUTULIS." "SALAMAT SA IY, KALABAW AT AKO AY IYONG IPAGTATANGGOL. NOON PA MAN AY HINAHANGAAN KO NA ANG IYONG KASIPAGAN, KASISIGAN AT KALAKASAN," NAHIHIYANG WIKA NG MANGGA. HINDI NAGTAGAL, SA DALAS NG KANILANG PAG-UUSAP AY NAGKAINTINDIHAN ANG KALABAW AT ANG PUNONG MANGGA. SAMANTALA, NAGKAROON NA RIN NG KAGUSTUHAN ANG PUNONG MANGGANG NASA PAANAN NG BUNDOK AT ITO AY SI "MANGGANG PAHUTAN" NA MALAPIT SA KANYANG KINATUTUBUAN.

SA PANAHON NG PAGLILIHI NI PAHUTAN AY PALAGING SUMISILONG SA LILIM NIYA ANG ISANG MAGSASAKANG MAY DALANG "PIKO" AT EWAN KUNG BAKIT GUSTONGGUSTO NG MANGGA NA TITIGAN ANG PIKO. SUMAPIT ANG ARAW NG PAMUMULAKLAK AT PAMUMUNGA PAREHONG PINAUSUKAN AT INALAGAAN NI TANDANG ISKO ANG MAGKAHIWALAY NA PUNO. ANG LAHAT NG MGA PUNONG MANGGA AY PAWANG NAGBUNGA. NANG BUMALIK ANG MATANDA UPANG ANIHIN ANG MGA BUNGA NG MANGGA, ITO AY LUBHANG NAGULAT. ANG DALAWANG PUNO NA HIWALAY SA KARAMIHAN AY MAGKAIBA NG HUGIS AT LAKI NG KANILANG MGA BUNGA. HINDI MAISIP NI TANDANG ISKO KUNG BAKIT NAGKAGANOON. MULI, ANG MAGANDANG DALAGA AY NAGBALIK, AT... "SAPAGKAT ANG MALALAKING MANGGA AY BUNGA NG PAGKAKAUNAWAAN NINA KALABAW AT PAHUTAN KAYA TATAWAGIN ITONG MANGGANG KALABAW. BAGAMA'T MAGKAWANGIS SA LAKI ANG MGA BUNGA NILA NG KABILANG PUNO AY MAY PAGKAKAIBA PA RIN SA HUGIS AT SA ANILANG SUKAT. DAHIL IPINAGLIHI ITO SA PIKO, KAYA MAKIKILALA ITO SA TAWAG NA MANGGANG PIKO." "BINIBINI, PAANO MO NASABI ANG BAGAY NA IYAN?" "SAPAGKAT AKO ANG DIWATA NG MGA PRUTAS", NGUMITI ANG DILAG AT BIGLANG NAWALA. ANG SINABI NG DIWATA AY PAULIT-ULIT DING IKINUKUWENTO NI TANDANG ISKO SA MGA NAMIMILI NG MANGGA. DATAPUWA'T HINDI NA MAHALAGA IYON KAHIT PAHUTAN, MANGGANG KALABAW O MANGGANG PIKO BASTA AG MGA ITO AY PAREPAREHONG MANGGA: PUSONG BIBITIN-BITIN MABANGONG AMUYIN, MASARAP KAININ, LALO NA'T HINOG.

A LAMAT NG D URIAN SA ISANG BAYAN SA MINDANAO AY MAY MATANDANG BABAE NA LALONG KILALA SA TAWAG NA TANDANG DURING. NAKATIRA SIYA SA PAANAN NG BUNDOK. ANG MALIIT
NIYANG KUBO AY NAKATAYO SA GITNA NG MALAWAK NIYANG BAKURAN NA NALILIGID NG MGA PUNO. SI TANDANG DURING AY KARANIWAN NANG GINAGAWANG KATATAKUTAN NG MGA INA SA KANILANG MALILIKOT NA MGA ANAK. SABI NILA AY LAHI ITO NG MANGKUKULAM KUNG KAYA DAPAT IWASAN. SI TANDANG DURING AY NASANAY NANG MAMUHAY NA NAG-IISA. MULA NANG MAMATAY ANG ASAWA AT MGA ANAK AY HINDI NA SIYA UMALIS SA PAANAN NG BUNDOK. TAHIMIK SIYANG TAO AT DAHIL MATANDA NA AY MAS IBIG PA NIYANG ASIKASUHIN NA LANG ANG MGA TANIM NA HALAMAN. MASUNGIT SI TANDANG DURING KAYA INIIWASAN NG MGA TAO. NOONG KAMAMATAY PALANG NG MGA MAHAL NIYA SA BUHAY AY MARAMI ANG NAG-ALOK NG TULONG NGUNIT TINANGGIHAN NIYA. SA GAYON AY UNTI-UNTI NA RING LUMAYO SA KANYA ANG MGA TAO HANGGANG MAGING PANAKOT NA LAMANG SIYA SA MAKUKULIT NA MGA BATA. ILANG TAON ANG NAGDAAN. ANG DATI AY MAKUKULIT NA MGA BATA AY MALALAKI NA NGUNIT SI TANDANG DURING AY GAYON PARIN. NAG-IISA SA KUBO SA PAANAN NG BUNDOK AT HINDI NAKI-SALAMUHA SA MGA TAO. ISANG GABI AY ITINABOY NG HANGING AMIHAN ANG ISANG KAKAIBANG AMOY SA KOMUNIDAD. HINDI NILA ALAM KUNG ANO ANG AMOY NA IYON AT KUNG SAAN GALING. NANATILI ANG AMOY NANG SUMUNOD PANG MGA ARAW AT PATINDI NANG PATINDI. NAGPASYA ANG MGA TAO NA HANAPIN ANG PINANGGALINGAN NG AMOY. NAGKAISA SILANG PUNTAHAN ANG KUBO NI TANDANG DURING NANG MA TIYAK NA DOON NANGGAGALING ANG AMOY. HINANAP NILA ANG MATANDA NGUNIT HINDI NILA ITO NAKITA. SA HALIP AY NABALING ANG PANSIN ILA SA ISANG PUNO NA ANG MGA BUNGA AY MAY MATITIGAS NA BALAT AT MATATALIM NA TINIK. DAHIL SOBRANG HINOY AY NAGSISIMULA NANG BUMUKA ANG MGA PRUTAS. ISANG LALAKI ANG UMAKYAT NG PUNO PARA KUMUHA NG BUNGA. NAGTAKIP SILA NG ILONG NANG BUKSAN ANG PRUTAS PERO PARE-PAREHO RING NASARAPAN SA LASA NG PRUTAS NA IYON. NAGSIPITAS SILA NG MGA BUNGA AT INIUWI SA KANI-KANILANG BAHAY. NANG MAY MAKASALUBONG SILANG ISANG MATANDA NA TAGAIBANG LUGAR AT ITINANONG KUNG ANO ANG DALA NILANG PRUTAS AY IISA ANG SAGOT NILA. "BUNGA NG TANIM NI TANDANG DURING 'YAN", SABI NILA. DURING YAN ANG PAGKAKAINTINDI SA KANILA NG MATANDA. KAYA NANG BIGYAN NILA ITO NG BUNGA AT ITANONG NG MGA KAKILALA KUNG ANO IYON AY SINABI NITONG ANG PANGALAN NG PRUTAS AY DURING YAN. KALAUNAN AY NAGIGING DURIAN.

A NG A LAMAT MAY

NG

S AMPAGITA

ISANG MAGANDANG HALAMANAN SA EDEN. SARI-SARING URI NG HALAMAN ANG MAKIKITA DITO. BAWA'T BULAKLAK DITO AY MAY ANGKING BANGO AT KAGANDAHAN. SA KABILA NITO AY MAYROONG NAMUMUKOD SA LAHAT. WALA ITONG BANGO AT SALAT PA SA GANDA. ITO ANG SAMPAGITA.

TAMPULAN

NG TUKSO ANG SAMPAGITA DAHIL SA WALA RAW ITONG SILBI, WALANG BULAKLAK NA MAGBIBIGAY KULAY SA KANYA. IYONG BULAKLAK NA MAY BANGO.

HOY, SAMPAGITA! HINDI KA NABABAGAY DITO. ANG PANGIT-PANGIT MO. TINGNAN MO AKO, MARAMI ANG NAWIWILI SA AKIN DAHIL SA AKING KAGANDAHAN AT KULAY. NAKAKAPAWI AKO NG KALUNGKUTAN. ANG PAGSIGAW NA TUKSO NI GUMAMELA. "AKO
ANG AMUYIN MO, SA BANGO AT SARAP NG AKING SAMYO, AKO ANG INIAALAY SA MAHAL NA BIRHEN KUNG SANTA KRUSAN. GINAGAWA RIN AKONG MAGANDANG KUWINTAS PARA SA INA NG LAGING SAKLOLO. MADALAS NA AKO AY HAGKAN NG MGA TAO," SABI NI MALIGWAS.

"AT AKO, AKO ANG SIMBOLO NG PAG-IBIG. AKO ANG PANG-ALIW SA MGA MAY TAMPO O GALIT. INIHAHANDOG DIN AKO SA MGA MAY KARAMDAMAN UPANG KAHIT PAANO AY MAISAN ANG KANILANG PAGHIHIRAP." WIKA NG ROSAS. DAHIL
SA MGA NARINIG AY LALONG NALUNGKOT ANG SAMPAGITA. LABIS NIYANG KINAHABAGAN ANG SARILI. UMIIYAK SIYA NANG LUMAPIT ANG MATANDANG TAGAPAG ALAGA NG HALAMAN.

"BAKIT

KA LUMULUHA, HALAMANG NG MATANDANG TAGAPAG-ALAGA.

SAMPAGITA?"

ANG NAAWANG TANONG

HINDI UMIMIK ANG SAMPAGITA. INIYUKO LAMANG NIYA ANG KANYANG PUNO. "HUWAG
MO SIYANG PANSININ," SAMBIT NG GUMAMELA. "HALIKA RITO SA ILALIM KO AT WALISIN MO ANG AKING MGA DAHONG TUYO. KAILANGANG MALINIS AKO PALAGI UPANG LUMAPIT SA AKIN ANG MGA TAO."

"PAGKATAPOS MO SA KANYA AY WALISIN MO RIN ANG AKING PALIGID. MARAMING PUPUNTA SA AKIN NGAYON DAHIL SA ARAW NG DALAW NGAYON NI ROMEO KAY JULIETA," ANG SABI NAMAN NI ROSAS. SUMUNOD ANG MATANDA SA KANILANG IPINAG-UUTOS. PAGKATAPOS NIYANG MAGLINIS AY MULING BINALIKAN ANG SAMPAGITA. "BAKIT
KAYA SA HALAMANANG ITO AY AKO LAMANG ANG WALANG GANDA AT BULAKLAK NA MABANGO?" ANG PANANANGIS NI SAMPAGITA.

LAKING

GULAT NI SAMPAGITA NANG BIGLANG MAGBAGO ANG ANYO NG MATANDA. NAGING ISANG NAPAKAGANDANG DIYOSA ITO. "AKO ANG DIYOSA NG MGA BULAKLAK. HUWAG KANG MANIMDIM, DAHIL SA IYONG KABABAANGLOOB AY PAGKAKALOOBAN KITA NG MGA BULAKLAK NA WALANG MAKAKATULAD SA BANGO AT GANDA.." WIKA NG DIYOSA.

PAGKUMPAS

NG DIYOSA SA HAWAK NIYANG MAHIWAGANG PATPAT, SUMABOG ANG MUMUNTING BITUIN SA DULO NITO. BAWA'T BITUIN AY DUMIKIT SA PUNO NI SAMPAGITA AT NAGING BULAKLAK NG SAMPAGITA, MAPUTI AT WALANG KASIMBANGO.

MULA NOON AY NATIGIL SA PANG-AAPI ANG MGA KAPWA NIYA HALAMAN AT SIYA AY NAGING MALIGAYANG-MALIGAYA NA. SA KASALUKUYANG PANAHON, ANG SAMPAGITA AY GINAGAMIT NA SA HALOS
LAHAT NG OKASYON AT DAHIL SA KANYANG WALANG KATULAD NA KABANGUHAN, ANG SAMPAGITA ANG TINAGURIANG PAMBANSANG BULAKLAK NG PILIPINAS

ALAMAT

NG

PALAY

ANG ATING MGA NINUNO AY MAY SARILING PARAAN NG PAMUMUHAY NOONG UNANG PANAHON. WALA SILANG SARILING MGA BAHAY. PALIPAT-LIPAT SILA NG TIRAHAN. KUNG SAAN SAGANA ANG PAGKAIN AY DOON SILA TITIGIL. TUMITIRA SILA SA LOOB NG MGA KWEBA. ANG IBA AY GUMAWA NG BAHAY SA ITAAS NG MALALAKING PUNO. ANG IBA AY NAGTIRIK NG BAHAY NA YARI SA KUGON. KABILANG SA GRUPONG NAGTATAYO NG BAHAY NA KUGON SINA BURNIK AT PAWAY. IISANG TAON PA LANG SILANG MAG-ASAWA AT PINAGDADALANTAO NI PAWAY ANG KANILANG UNANG SUPLING. "TUMIGIL
NA LANG TAYO SA ISANG LUGAR. MALAPIT NA AKONG MANGANGANAK KAYA KAILANGAN NATIN NG PIRMIHANG TITIRHAN," WIKA NI PAWAY.

NAUNAWAAN

NI BURNIK ANG ASAWA KAYA NAGHANAP SIYA NG LUGAR NA MASAGANA SA MGA TANIM NA PUNO AT MALAPIT SA ILOG PARA MAPANGISDAAN. NAGTAYO SIYA ROON NG ISANG MALIIT NA KUBONG GAWA SA KUGON.

PANSAMANTALA

AY MARAMING NAKUHANG PAGKAIN SI BURNIK. SAGANA ANG LUGAR SA MGA PRUTAS AT NAHUHULING ISDA. HABANG TUMATAGAL AY NAUUBOS ANG PINAGKUKUNAN NG MAKAKAIN NI BURNIK.

ISANG

ARAW, SA PAGHAHANAP NG PAGKAIN NI BURNIK AY NAKARATING SIYA SA LUGAR NA MARAMING TUMUTUBONG DAMO. KULAY GINTO ANG BUNGA NIYON.

ISANG KATUTUBO ANG NAGSABI NA MANGUHA SIYA NG MGA BUTIL NIYON, BAYUHIN HANGGANG LUMABAS ANG KULAY PUTING BUNGA AT PAGKATAPOS AY ILUTO. PALAY DAW ANG TAWAG DOON. TUWANG-TUWA SI BURNIK. NGAYON AY MAY TIYAK NA SILANG PAGKUKUNAN NG PAGKAIN. NAGTANIM SIYA NG MARAMING PALAY AT PAGKATAPOS AY ITINURO SA IBANG KATUTUBO KUNG PAANO IYON PARARAMIHIN. HANGGANG NGAYON ANG PAGTATANIM NG PALAY ANG HANAPBUHAY NG KARAMIHAN SA MGA MAGSASAKA.

ANAKPAWIS Isang tao, munting taong kahariay nasa bukid, May maliit na bakurang abot-tanaw ng silahis; Nagtatanod isang kubong kabahayay tila langit; Ang libangan, halamanang sa loobay nagtatalik; Sa maghapon, ang kawaksiy ang sariling mga bisig Munting tao, hamak lamang iyan ako, anakpawis. Sa kalapit na kaingin, diyan ako nagsusuyod, Isang kawal ng paggawang nakangiti kung mapagod; Ang ararong aking ugit, paduhapang kung humagod, Habang yaong kalabaw koy hinahabol sa pag-isod; Diyan unang nadama kong akoy anak sa pag-irog Sa pag-ibig akoy pusong nalalaang pabusabos! Sa may hulo ng bukirin, naroon ang isang sapa, Pakiwal pang gumigilid sa pilapil na mahaba; Doon ako nagsasakag ng pang-ulam na sagana, Biya, hipon, hitot dalag na sa putik ay naggala; Bawat isdang mahuli ko ay parakip ng Bathala, Kung tuhugin sa pagsuyoy pumapalag na biyaya! Sa duluhan, naron naman ang tumanang nakalatagl; Ang pakwan, nakagapang, at ang milon, nakausad; Kalabasay nanulay pa sa talusok na nagkalat Sa alalay ng masamyo at mahinhing hanging-gubat; Diyan ako pinagpalat nagging ganap na mapalad, Diyan kami nagsumpaan sa lilim ng isang balag! At sa tabon hayan lamang hindi lubhang kalayuan, Kung tanawin sa dampa ko: taas pantay-noo lamang; Diyan unang iniyupyop ang mukha ng Inang Bayan, Nang yurakan sa pahirap ng malupit na dayuhan; Diyan manding tinanggap ko ang halik ng aking hirang Nang itindig ko ang punit na bandilang aking tangan! Isang tao, munting taong kahariay nasa bukid, Ang maliit na bakuray abot-tanaw ng silahis; Kayamanan, isang kubong napupuspos ng pag-ibig; Ang sagisag, isang tabak ni Solimang nagngangalit; Maghapunan, sa katawan, dugong buhay ang natigis Munting tao, kung hamak man yan ako, anakpawis! By: Fernando Monleon

ITO ANG BAYAN KO


Ito ang bayan ko: Pitong libong pulong kupkop ng Bathala, ngunit dinuhagi at sinamantala ng mga banyaga; Lipi ng magiting na mapaghimagsik ang puso at diwa, Unang Republikang sa dulong silangay nagtamo ng laya; Ito ang bayan ko: sumilang sa dugot nabuhay sa luha At pinagsawaan ng lahat ng birot hampas ng tadhana! Ito ang bayan ko: Dagatan, lupaing may sapat na lawak, bundok na mamina, Bukiring matanim at maisdang dagat Sa lahat ng itong alay ng Bathala ay nagging marapat at maituturing na lupang hinirang at lubhang mapalad Ditto, ang ligaya sa lahat ng dakoy biyayang laganap, Ngunit kailangang dukalit hukayin ng sikhay at sipag. Ito ang bayan ko: Pinanday sa dusa ng mga dantaon, hinampas ng bagyo, Nilunod ng baha, niyanig ng lindol; Dinalaw ng salot, tinupok ng poot ng digmaang maapoy, Sinakop ng Prayle, inagaw ng Kano, dinahas ng Hapon; Ngunit patuloy ring ito ang bayan ko nakatindig ngayon, Sa bawat banyagay magiliw ang bating Kayo poy magtuloy. Ito ang bayan ko: Puso may sugatan ay bakal ang dibdib, Bawat naraanay isang karanasat isang pagtitiis Ito ang bayan ko Taas-noo ngayon sa pakikiharap sa buong daigdig, sapagkat sa kanyang sikap na sarili ay nakatindig Ito ang bayan ko: bunga ng nagdaang mga pagkaamis, matatag ang hakbang, patungo sa isang bukas na marikit. Ito ang bayn ko; Ang bayan koy ito.

LUHA
ni Rufino Alejandro Daloy, aking luha daloy aking luha, sa gabing malalim, sa iyong pag-agos, inanod mo lamang ang aking damdamin, Hugasan ang puso yaring abang pusong luray sa hilahil, Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin! Nang akoy musmos pa at bagong nunukad yaring kaisipan, May biling ganito si Amat si Ina bago sumahukay: Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay, Ang ikawy mabuyo sa gawang masamay dapat mong iwasan. Nang akoy lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak Ng kapalaluat ang aral ni Amat ni Inay hinamak; Sa maalong dagat ng buhay sa mundoy nag-isang lumayag, Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap! Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na nitong huli nay saka nakilalang alak na nanatay! Ang pinagbatayay dapat magpasasa sa kasalukuyat Isang Bahala na! ang tanging inyukol sa kinabukasan! Kaya naman ngayon sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi; Tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkaduhagit iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi! Daloy, aking luha dumaloy ka ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay; inanod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan, Nang yaring hirap kot susun-susong sakit ay gumaan-gaan! Daloy, aking luha dumaloy ka, dumaloy ka! Magsisi man ako ay huli naAng panahong nawaglit ay din a maibabalik! Kaya mga kabataan, huwag nyong tularan ang aking karanasang Ang kinahantungan ay kapighatian Kapighatiang patuloy kong pinagsisisihan! Daloy aking luha, dumaloy ka

INANG WIKA
ni Amado Hernandez Akoy ikakasal, sa aming tahanay masayang-masaya: may piging, tugtugan, awitan, sayawan.

Ang aking magiging kabiyak ng buhay ay isang binatang puti, binatang sibol sa kanluran: magandat makisig, marunong, mayaman tila pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan. Sa tanging sasakyan, nang kamiy lumulan, may natanaw ako sa tapat ng bahay na isang matandang babaing luhaan, waring tinatawag ang aking pangalan tila humihingi ng kaunting pagdamay; subalit sa gitna ng kaligayahan, siya ay hindi ko binati man lamang, siya ay hindi ko pinansin man lamang, habang ang sasakyan ay nagtutumulin hanggang sa simbahan. Maligaya kaming nagsiluhod kapwa sa harap ng Birhen, sa gintong dambana; pagkasaya-sayat ang mga kampana ay di-magkamayaw sa pagbabalita n gaming kasalan na pangmaharlika; ngunit ang larawan ng kaawa-awang matanday hindi ko matanggal sa diwa, mandiy malikmata; ang nag-uunahang luha ng kandila ay tila kanya ring tumutulong luha; gayon man sa piling ng kahanga-hangang kaisang-puso koy niwalang-bahala, sa gitna ng tuway nilimot kong pilit ang gayong hiwaga gaya ng liwanag ng buwang palaba na di masisira sa bahid ng ulap sa gabing payapa.

Natapos ang kasal, batian, kamayan, ngiting matatamis, birong maaanghang at saboy ng bigas sa amiy salubong pagbaba sa altar ngunit sino yaong aking natatanaw, matandang babaing nalugmok na biglat nawalan ng malay at lingid sa taong hindi magkamayaw. Ah! Siya rin yaong kanginay hindi ko pinansin man lamang. Nang saklolohan kot patakbong lapitan, nang kandungin ko na sa aking kandungan, ngumiting magiliw sa hapis ng kanyang pag-aagaw-buhay at saka nagwikang tigib-kapaitan: Anak ko, bunso kosalamatpaalam Ako ang ina mong sawing kapalaran! At ang kulang-palad ay napalungayngay. Sa bisig ko na rin namatay namatay! Noon ko natanong ang ina kong mahal, ang Inang wika kong sa akiy nagbigay ng lahat ng dangal, ang wikang tagalong na naiwang limot nang akoy matanghal, at itinakwil ko sa pagtatagumpay, ay isang babaing nabuhay sa dusat sa lungkot namatay, nang akoy pakasal sa Wikang Dayuhan.

Walang Ganiyanan
Alison Madamdamin Sige, isisi mo lahat sa pamahalaan Wala ka ba talagang ginawang kasalanan? Iisang presidente, milyon-milyong katao Iisang bansa, pero ibat ibang reklamo! Aasahan nalang ba natin ang namumuno? Tumingin ka sa salamin, tignan mo ang sarili mo; Wala ka bang bakas ng katamaran? May nagawa ka na ba para sa lupang sinilangan? Kung nakikita na nating may mali sa paligid, Ano pang silbi natin at tayoy may paat kamay? Palibhasay ang sandatay galaw ng bibig, Bulag ang mata; kita lang ang hirap ng buhay! Ito mismong pagdakdak ang walang tinutunguhan, Pagkatapos non, ano na? Tapos na ang gawain mo bilang mamamayan? Ang galing nga naman ng tinuturo sa kabataan! Tititigan nalang ba natin ang ginagawa nila? Hihintayin nalang ba natin ang pagbabago? Wag kang tumunganga diyan, kumilos ka! Wag ganiyan at meron pang pagasa.

Five Loaves of Bread She stood at the bar of justice A frightened creature wan and wild In form too small for a woman, In feature too old for a child. For a look so worn and pathetic Was stamped on her lovely face It seemed that years of suffering Was something time couldnt erase. Your name? asked the judge as he eyed her. Is Anna Ruiz, Sir, said the girl. And your age? asked the judge again, Then girl replied, Ive turned fifteen. Well Anna, Im sorry to say, That you have been charged today By your town baker who said, That you stole five loaves of bread Do you know that stealing is bad? And that you have displeased our God? Do you know that you could be jailed? And cannot be set free or bailed? Your Honor, I know it was wrong, But day in and out I walked along Looking for work so I could earn Even hard jobs, Im willing to learn.

But fates unkind, my father is dead, My mother is sick and lying in bed, My brothers and sisters missed six meals, They asked for food with eyes full of tears. What could I do to save them from death? I myself was losing my breath So I took the five loaves of bread, But Ill pay with services instead. There was silence in the courtroom, That was suddenly filled with gloom. The women wiped their tears away, They heaved a sigh and tried to pray. All dug into their pockets, And then brought out their wallets Sounds were heard of golden coins that fall Into boxes passed around the hall. The baker stood up and told the judge Your Honor, Im withdrawing my charge. A rich lady gave Anna a job That helped her and all that she loved.

MAN UPON THE CROSS


Upon the cross against the hills of the night They nailed the man, and while they speared his breast they made him drink the bile.

He bore the pains alone, alone But in the hallowed darkness saw Sweet Marys face upturned in grief below.

Tears filmed her eyes, but love chastened the tragic beauty of her face which neither death nor sorrow could erase.

He saw and feebly in the silence strove to speak a few remembered words: but now the whispers left his lips like tender birds.

His arms were cold and death was in his eyes; the streams of blood were dry upon the whiteness of his limbs.

His breath was like a wounded bird wanting to stay, to stay, bereft now Mary rose and treasuring his sorrow, left.

THE CITY IN THE SEA Lo! Death has reared himself a throne In a strange city lying alone Far down within the dim West, Where the good, the bad, and the worst and the best Have gone to their eternal rest. There shrines and palaces and towers (Time-eaten towers that tremble not) Resemble nothing that is ours Around, by lifting winds forgot Resignedly beneath the sky The melancholy waters lie.

No rays from the holy heaven come down On the long night-time of that town; But light from out the lurid sea Streams up the turrets silently Gleams up the pinnacles far and free Up domes up spires up kingly halls Up fanes up Babylon like walls Up shadowy long forgotten bowers Of sculptured ivy and stone flowers Up many and many marvelous shrine Whose wreathed friezes intertwine The viol, the violet, and the vine Resignedly beneath the sky The melancholy waters lie. So blend the turrets and shadow there That seem pendulous in the air

While from a proud tower in the town Death looks gigantically down.

There open fanes and gaping graves Yawn level with the luminous waves: But not the riches there that lie In each idols diamond eye Not the gaily-jeweled dead Tempt the waters from their bed: For no ripple curl, alas! Along the wilderness of glass No swellings tell that winds may be Upon some far-off happier sea No heaving hints that winds have been No seas less hideously serene.

But lo, a stir is in the air! The wave there is a movement there! As if the towers had thrust aside, In slightly sinking, the dull tide As if their tops had feebly given A void within the filmy Heaven. The waves have now a redder glow The hours are breathing faint and low And when, amid no earthly moans, Down, down that town shall settle hence, Hell, rising from a thousand thrones, Shall do it reverence.

A Tribute to Family
Michelle A. Moran

I don't know when it started, Or how it all began. But God created families, As only our Lord can. He was teaching what it means, To love, honor, and obey. He wanted a strong bond, That we don't see too much today. He wanted someone to hold us, And show respect for others. He wanted someone who'd be gentle, And so he created mothers. He wanted someone strong, A support filled with love. And so he created fathers, Sent from heaven up above. Brothers and sisters came next, With that, an instant friend. Someone to look up to, Someone on who to depend. When he put them all together, He was amazed at what he'd done. He had created a family, Mother, father, daughter, son. But look at the family, Created by only two. How many we've become, And all because of you. We have a lot to be thankful for, The memories through the years. The many times together, Full of laughter, full of tears. I don't know where we'd be today, If it weren't for the two of you. To show us strength, support, and love, Like only the two of you can do.

Family
Antony Smith

Family is, heaven sent from our father above, bonded by the power of love. No matter what family has each others back, when push comes to shove. Family is, understanding, never demanding, all for one and one for all, I will never leave you alone standing. Family is, one in itself, my love is your love, your pain is my pain, my wealth is your wealth, I promise to never leave you by yourself. Family is, the strongest team, the strongest unit; if love could be visualized, family would be the blue print. Family is, forgiveness and patience, it's sweeter than the sweetest fragrance, the power of family is a reflection of Gods compassion and magnificence. Family is, never turning our back, and never shames, lend my helping hand and not a finger pointing the blame. No matter what a family bond can never be broken, even through a nuclear explosion, if one of us lives we all live. Forever to eternity, we are family, my father, my mother, my sisters and me.

Antony-Tyrone Smith AKA Pen Dragon

A Family Is Like
Nicole M. O'Neil

A Family is like a circle the connection never ends and even if at times it breaks in time it always mends a family is like the stars somehow there always there families are those who help who support and always care A Family is like a book the endings never clear but through the pages of the book their love is always near A family is many things with endless words that show who they are and what they do and how they teach you so you know but dont be weary if it's broken or if through time its been so worn families are like thatthey're split up and always torn but even if this happens your family will always be they help define just who you are and will be apart of you eternally

TONGUE TWISTERS

Peter Piper picked a peck of pickled peppers. A peck of pickled peppers Peter Piper picked. If Peter Piper picked a peck of pickled peppers, Where's the peck of pickled peppers Peter Piper picked?

I saw Susie sitting in a shoe shine shop. Where she sits she shines, and where she shines she sits.

I wish to wish the wish you wish to wish, but if you wish the wish the witch wishes, I won't wish the wish you wish to wish.