You are on page 1of 23

Sabihin kung Tama o Mali ang mga pangungusap:

1. Magkakatulad ang mga relihiyon ng mga Pilipino. 2. Sumisimba ang mag-anak na Katoliko tuwing Linggo. 3. Nagtutungo sa mosque ang mga Muslim upang sumamba. 4. Biyernes ang araw ng pagsimba ng mga Sabadista. 5. Dapat igalang ang paraan ng pagsamba ng kapwa.

TALASALITAAN
Relihiyon- Isang anyo ng pagsamba. Saklaw nito ang isang sistema ng relihiyosong mga saloobin, paniniwala, at gawain; ang mga itoy maaaring personal, o kayay itinataguyod ng isang organisasyon. Kadalasan ang relihiyon ay nagsasangkot ng paniniwala sa Diyos o sa maraming diyos; o dinidiyos nito ang mga tao, mga bagay, mga mithiin, o mga puwersa. Nasasalig ang maraming relihiyon sa pag-aaral ng tao sa kalikasan; naroon din ang inihayag na relihiyon. Mayroong tunay na relihiyon at mayroon ding huwad na relihiyon. Anthropology(Antropolohiyang Panlipunan)- tawag sa pag-aaral ng relihiyon; Anthropologist.. Monoteismo- pananampalataya sa iisang Diyos; polytheismo ang kasalungat na kahulugan nito. Asetiko- ascetic, pagpapakumbaba.

Heresy- mga paniniwala na salungat sa itinuturo ng simbahan


Messiah- tagapagligtas B.C.E. Before the Common Era

B.C. Before Christ


A.D.- After Death

ARALIN 16: Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya

SHINTOISMO

Ito ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa Diyosa ng araw at iba pang Diyosa ng kalikasan. Ang Shinto ay nangangahulugang Daan o kaparaanan ng Diyos. Kami ang tawag nila sa mga Diyos na may kapangyarihan g likas at nananahan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at araw. Sinasamba rin nila ang mga namatay nilang mga ninuno. Nakasentro ang pagsamba nila sa mga templo at dambana.

Bunubuo ang kanilang paniniwala ng dasal,palakpak, pagaalay at gawaing pananampalataya.


Nagsasagawa ng pag-aalay ng Bigas, alak, tinapay na gawa sa bigas, isda, gulay, asin, tubig atbp. Ngunit ang karne ng hayop ay hindi pwedeng ialay, dahil sa pinagbabawal sa kanila ang mag-alis ng dugo sa banal na parte ng katawan. Kung noon ay mga lutong pagkain, ngayon naman ay mga hilaw na pagkain ang inaalay nila. Dahil dito ginawa na lang itong fiesta ng pasasalamat ng mga tagasunod ng relihiyon.

DID YOU KNOW?


The word Shinto is a Chinese word (shin tao) which means Way of the Gods. Only until the WWII when the followers of Shintoism move out to spread the religion to Bahrain, Arabian Desert, Vietnam, Korea and up to some parts of America.

HINDUISMO

Nagsimula sa Bansang India sa pamumuno ng mga Aryan Naniniwala ang mga hindu sa pagakakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal.

pagmamahal, paggalang at pag respeto sa lahat ng bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa.
Sumasamba sila sa ibat ibang uri at anyo ng Diyos Naniniwala sa Reinkarnasyon kung saan ang namatay na katawan ng Tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang. Karma, na ang magbibigay sayo ng gantimpala kung kabutihan ang iyong itinanim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Ang Tao ay dapat magsikap sa buhay at ito ay dapat na ialay niya sa Diyos anuman ang antas niya sa lipunan.

There are two general categories or branches of Hindui symbols. Hand gestures and the positioning of the body are called mudras while icons and drawings are called murti. just like of Buddhism

DID YOU KNOW?


Hinduism is the Third largest religion in the world.

- Sidharta Gautama,prinsipe sa India na piniling maging asetiko. Binuo ang relihiyong buddhismo noong ikaanim na siglo B.C.E. - DALAWANG PAGHAHATI ANG BUDDHISMO: 1. Mahayana Buddhism-kinilala bilang diyos si Buddha. Niyakap ito ng mga bansang China,Korea, Japan at Vietnam sa timogsilangang asya. 2. Theravada Buddhism- kinilala si Buddha bilang guro at banal na Tao. Kinilala sa ng mga bansang Sri Lanka,Myanmar,Thailand, Laos at Cambodia.

BUDDHISMO

Doktrina ng Buddhism:
1. Apat na Dakilang Katotohanan 2. Walong Dakilang Daan
.

DID YOU KNOW?


Buddhists don't believe they reach Nirvana through death but through enlightenment; that can sometimes take multiple reincarnations.

HAINISMO/JAINISM

Nagmula pa sa Antigong India


Ang nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahvir 599-527 B.C.) na sa edad na 30 ay naging asetiko. Sa loob ng 12 taon, naging aktibo siya sa paghahanap ng katotohanan at lubos na nakapagtamo ng kamulatan habang nagninilay-nilay. Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o hindi, ay may kaluluwa. Ang kadalisayan ay matatamo sa pamamagitan ng kaalaman at balanseng buhay.

Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa layuning pagninilay-nilay o meditasyon.

HAINISMO/JAINISM

Limang panata ang sinusunod ng mga Hain: Ahimsa (kawalang-karahasan) Satya (katotohanan) Asteya (katapatan) Brahmacharya (kabirhenan)

Aparigraha (karalitaan)
Moksa = Nirvana Vegetarian Bawal kumain ng karne, pumatay ng insekto, ang magnakaw, magsinungaling. Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, tinawag itong Bawal ang magkaroon ng ari arian at makipagtalik, Kailangang mapagtimpi at disiplinado ang mga Tao
The meaning of the mantra at the bottom Parasparopagraho Jivanam is "Live and Let Live (isabuhay)

Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa kata wan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito.

Sinimulan ang Sikhismo noong 1469 ni Guru Nanak Dev, sa pagsisikap na pagbuklurin ang mga Muslim at mga Hindu sa isang kapatiran. Matatagpuan sa India, Pakistan at ibang parte ng daigdig. Tinatawag ang mga nananampalataya nito bilang mga Sikh na umaabot sa 30 milyon mga tagasunod, kung kaya't ito ang ika-limang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ang kanilang bibliya ay tinatawag na Guru Granth Sahib Naniniwala sa reinkarnasyon at sa pagakyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas. 5 espesyal na kasuotan ang kailangang sundin ng mga Sikh: 1. Mahahabang buhok 2. Suklay 3. Damit Pangloob 4. Pulseras 5. Maliit na Kutsilyo

SIKHISMO
"There is no Hindu, there is no Muslim, so whose path shall I follow? I shall follow the path of God."

Khanda-Sikh national flagIndicating the integration of both spiritual and temporal sovereignty

DID YOU KNOW?

there are about 23 million Sikhs worldwide, making Sikhism the fifth largest religion in the world.

JUDAISMO

Ang Hudaismo ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang natalang pananampalatayang monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon.

Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga pananampalatayang Abraamiko, kasama na ang Kristyanismo at Islam. Sa ngayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang aranyang may pitong sanga, na tinatawag na menora. Sa Torah nakasentro ang mga turo Yahweh.

DID YOU KNOW?


Rosh Hashanah is the Jewish New Year and also the Judgment Day. The most common food custom of the Jews is the dipping of apples into honey, which is meant to signify wishes for a sweet new year.

Pinakamalaking bilang sa lahat ng relihiyon sa mundo. Relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo. Si Kristo ang ipinangakong mesiyas at tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Nagmula sa relihiyong judaismo mula sa lumang tipan hanggang sa mga aral ni moses. Pinagtibay ng Simbahang Katoliko ang Santisima Trinidad. DALAWANG PANINIWALA: 1. Ang pagkilala kay Hesus na anak ng diyos at; 2. Sa kanyang pagkabuhay na muli Bahagi ng paniniwala ay ang pagsunod sa 7 sakramento, pagsabuhay ng 10 utos ng diyos at mga kautusang nagmumula sa Papa sa Roma. Ang Papa ang pinakamataas at makapangyarihang pinuno ng Simbahang Katoliko.

KRISTIYANISMO

DID YOU KNOW?


In Catholicism there are patron saints for nearly everything including danger from water, protection against Whooping Cough, and protection against Witchcraft.

ISLAM

Katahimikan at Pagkakaisa

Ito ay ang relihiyon ng mga Muslim. Muslim ang tawag sa mga nilikha ni Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa kaniyang mga kautusan. Sinasabing pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig. Galing sa salitang arabik Salam, Kapayapaan, pagsunod at pagsuko sa diyos na si Muhammad. Si Muhammad nagtatag ng Islam, ang huling propetang pinadala ni Allah. Sinasabing mabait at mapagkakatiwalaan, Al Amin (Mapagkakatiwalaan) MGA PANINIWALA AT ARAL NG MGA ISLAM Koran ang banal na aklat na tunay na salita ni Allah sa pamamagitan ni Angel Gabriel. Isa lang ang Diyos na si Allah at si Muhammad ang kanilang Propeta. Hindi sila maaaring kumain ng baboy at hamon at uminom ng alak. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng 4 na asawa na muslim. Nais nilang magkaroon ng kapayapaan at pagkawalang gulo. Sina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad ang mga propeta ni Allah. LIMANG HALIGI NG ISLAM 1. IMAN o Shahada 3. ZAKAH o Zakat 2. SALAH o Salat 4. SAWM 5. HAJJ

DID YOU KNOW?


Place of Origin Founder Sacred Text Saudi Arabia Muslims believe in a chain of prophets starting with Adam. The Qur'an

Sacred Building Mosque Holy Places


Major Festivals

Mecca, Medina, Jerusalem


Ramadan, Eid-ul-Fitr, Eid-ul-Adha, Amon Jadid

Ipinalaganap ni Zoroastro noong ika-6 na siglo B.C. hanggang Ika-7 siglo A.D., isang mangangaral na taga-Persia. Ang buhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Ang taong mabubuti ay titira sa isang kahariang walang hanggan ang kaligayahan at kabutihan. Samantalang ang masama ay parurusahan magpakailanman.

ZOROASTRIANISMO

Pinamumunuan ni Ahura Mazda at si Ahriman naman ang nangagasiwa sa kasamaan.


Ang magiging wakas ng daigdig ay ang pagkatupok sa apoy. Ang mga pangaral ng relihiyong ito ay nakatala sa Zend-avesta.

Naging malaganap ang relihiyong ito sa Gitnang Silangan sa loob ng higit sa isang libong taon. Bagamat dinaig ng Islam hindi naman ito tuluyang naglaho. Magpahanggang sa ngayon marami pa rin ang mga naniniwala rito sa Iran, India, Canada, at Britain.
Pinaniniwalaang nakatatanda ito nang isa o higit pang libong taon sa iba pang mga relihiyon. Mula rito ang maraming pangunahing doktrinang pananampalataya gaya ng Diyos at diyablo, langit at impyerno,purgatoryo, kaluluwa ng tao,araw ng paghugukom at wakas ng mundo.

Called Faravahar, depicts national pride.

DID YOU KNOW?


When Alexander the Great took over Persia (modern Iran),he ordered to kill the Priests, burned books and even the followers of the religion in order for him to be respected and followed. They call him Alexander the Accursed.

Maraming mga bagay ang naging dahilan sa pagdami ng bagong mga grupong relihiyoso. Sinasabi ng iba na ang ibat ibang mga relihiyon ay ibat ibang paraan lamang ng paghaharap ng relihiyosong katotohanan. Ngunit kung ang kanilang mga turo at gawain ay ihahambing sa Bibliya, makikita na ang pagkakaiba-iba ng relihiyon ay dahilan sa pagsunod nila sa tao sa halip na makinig sa Diyos. Napakahalaga, kung gayon, na ating tiyakin na ang pagsamba natin ay talagang iniuukol sa tunay na Diyos, ang Maylalang ng langit at lupa, at na itoy nakalulugod sa kaniya.-LBFVSY

You might also like