You are on page 1of 1

Ang Hagupit ng Bagyong Yulanda

Ang Pilipinas ay madalas daanan ng mga bagyo, Dahil itoy malapit sa Dagat Pasikipiko. Pero, Sa nakaraang linggo, Dinaanan tayo ng isa sa mga pinakamalakas na bagyo sa taong 2013. Tunay ngang napakalakas ng bagyong Yulanda, mga tanawin at mga bahay, iniwanang sira-sira, Mga tao ay nagsiwalaan, mga gamit nasira sa isang linggo lamang, Mahigit 10,000 na tao ang namatay, at $865 milyong dolyar ang halaga ng mga nasira. Ang pinakaepiktado ng bagyong ito, ay ang Visayas, sapagkat dito pinakamalapit and mata ng bagyo. Sa sobrang lakas ng bagyo, halos di mo na makilala ang Visayas, parang tambakan ng basura na lamang siya, Mga yerong pakalat-kalat, Mga bahay na sira-sira, Mga kotsyeng nakataob, Mga bangkay ay makikita kung saan-saan. Halos ang buong mundo ang namigay ng donasyon, kahit papano, Naaalala parin tayo ng mundo. Pero, Ang problema lamang, ay saan ba napupunta ang perang ibinigay? Binubulsa ba? O totoong ginagamit para sa pagaayos?. Ayon sa ulat ng CNN, Kahit mahigit $200 milyong dolyar na ang ibinigay ng ibang bansa saatin, Ang DTI (Department of Trade and Industry) ay gumagawa ng Diskwento Caravan o ang pagbebenta ng mga pagkain sa nasalanta, imbis na ito ay ibigay na lang. Itoy nakakabigo, dahil, habang ang mga pamahalaan ng ibang mga bansa ay namimigay ng malalaking halaga ng tulong sa mga Pilipinong apektado ng bagyo, ang pamahalaan ng Pilipinas ay tila parang ayaw tulungan ang sarili nitong mga tao. Hindi lang ang pisikal na kapiligiran ang naapektohan ng bagyo, pati na rin ang kaisipan ng mga tao ay naapektohan. Ang mga tao sa Leyte na gutom na gutom, at unti-unting nawawalan na ng pag-asa ay wala nang magawa, at nagsisimula nang magnakaw. Napakatindi yung epekto ng Yolanda, Iniwan tayong sira-sira, at basag-basag. Pero, tuluyang nagtutulungan at nagkakaisa ang buong Pilipinas at ang ibat ibang mga bansa sa mundo, upang tumaas muli, at upang ayusin ang buong Pilipinas, nang tayoy bumalik sa pagiging kahanga-hanga.