You are on page 1of 2

SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL

San Jose, San Juan , Southern Leyte


PAGHANTONG NG BUWAN NG WIKA
“OPENING TALK”

Kagalang-galang na Punong Guro | Ginang Rachel R. Cuevas | Kagalang-galang na Pinuno ng Lupon ng


Asignaturang Pilipino | Ginang Simplecia E. Acebo | mga guro ng ating institusyon | mga kasamahan ko
sa Filipino Club. | Kagalang-galang na Lupon ng inampalan | Mga panauhin | Mga giliw ko’ng tagapakinig
| Sa inyo isang malugod na pag-bati.

Alinsunod sa Proklamasyon bilang: 1041 | na nilagdaan noong taong 1997| ang buong buwan ng Agosto
ay tinalagang Buwan ng Pagdiriwang sa Wikang Pambansa | at ang selebrasyong ito ay nagkataong
mapasabay sa ika- apat na raang Anibersaryo ng pagkatatag ng Municipalidad ng Baler | --Ang bayang
tinubuan ng dakilang ama ng Wikang Pambansa Pangulong Manuel Luis Quezon.

Marami ngayon ang nakapag-tanong sa akin? | Bakit ba “Baler” ang naitala sa Temang Pambansa para sa
nasabing selebrasyon? | Gaano ba kahalaga ang Baler sa kasaysayan? | At ano ba ang maiuugnay nito sa
Wikang Pambansa? | Mahirap mang isipin subalit, kung ating susuriin ay malaki ang nai-ambag nito sa
ating kasaysayan | Mula sa lugar na ito, nag-simula ang pag-sisikap ng mga Pilipino na Makamtan ang
tunay na kapayapaan sa bawat isa.

Ang Baler ay isang maliit na bayan sa Tayabas na siyang sinilangan ni Manuel Luis Quezon. | Sa murang
edad | dito naranasan niya ang kalupitang dulot ng karahasan | matapos tambangan at patayin ang
kanyang ama at kapatid ng armadong kalalakihan dahil sa kanilang katapatan sa Pamahalaang Espanyol. |
Ngunit ang karahasang ito ay hindi naging hadlang upang maipag-papatuloy nito ang kanyang mga
pangarap.

Sa pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano | ay ipinakita nito ang pagmamahal sa bayan matapos


umanib sa kilusang rebolusyonaryo na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo. | Sa pagtatapos ng Digmaan
ay pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral hanggang makatapos ng abogasya | at maglingkod sa
gobyerno hanggang sya ang maging piscal ng Mindoro at di kalauna’y naging piscal ng Tayabas. | Dito ay
wala syang inuurungan maging ang pinaka impluwensiyal na abogado at manlilimbag. | Noong panahon
na yun ay nasampahan nya ito ng DALAWAMPU’T LIMANG kasong estafa | hanggang sya ay tuluyang
magbitiw sa kanyang tungkulin.

Matapos ang kanyang pagbibitiw ay nanatili pa rin ang paglilingkod nya sa kanyang nasasakupan |
matapos iyong mahalal bilang Konsehal at kalaunan ay bilang Gobernador ng Tayabas. | . Dito nagsimula
ang pagkikipaglaban nya sa kapakanan ng mga Filipino | hanggang maiuwi nya ang Batas Jones na siyang
kumikilala sa kasarinlan ng Pilipinas.

Pumaimbulog pa ang pangalan ni Quezon sa larangan ng pulitika sa bansa, siya ay nahalal bilang Senador
| at naging Pangulo ng Senado | kinalaban ang mga malalaking tao at ipinaglaban ang katauhan ng mga
Filipino hanggang siya ay maging Pangulo ng Bansa. | At dito ay dineklara nya ang Wikang Tagalog ang
magiging Pambansang Wika ng mga Pilipino.
Ang Baler ay maituturing nating isang tuldok sa mata ng bawat isa | subalit ito ang nagbigay sa atin ng
kasarinlan , | kapayapaan | at pagkakaisa upang makamit natin ang tagumpay na siyang naghatid sa atin
upang maunawaan kung ano ba ang kahulugan ng isang buhay. Ang BUHAY FILIPINO.

Nawa’y maging huwaran ang lugar ng Baler sa bawat isa sa atin | gawin nating lugar ang ating sarili |
upang maprotektahan pa at mapaunlad ang mga legasiyang ipinamana ng ating mga kanunuan | huwag
nating ipag-baliwala ang isang maliit | at kakarampot na kayamanan | dahil mismong ito ay makakapag-
bigay daan sa atin tungo sa isang maunlad, | masagana, | progresibo | at magkaisang BANSA. | Mabuhay
po tayong lahat at mabuhay ang sambayanan… Maligayang panonood mga panauhin..

Agosto 2, 20 09