You are on page 1of 1

Justin P.

dela Cruz

Grade 8-SSC Guayabano

INFOMERCIAL

Ang Juan Luna Shrine ay matatagpuan sa Badoc , Ilocos Norte.Ito ay isang bagong gawa ng dalawang -palapag na bahay kung saan ipinanganak ang sikat at dakilang pintor na Filipino na ipinanganak noong Oktubre 24, 1857 ( Ang orihinal na bahay ay nasunog noong taong 1861 ) .Si Luna ay anak nina Joaquin Luna at Laureana Vovicio . Ang pangunahing pasukan ng Juan Luna Shrine ay bubukas papunta sa alkoba bago ang galerya ng pamilya.Ang mga larawan sa ding-ding ay makikita ang nasirang orihinal na bahay at kung paano ito binuo muli ng mga manggagawa.Sa family galleryay makikita ang mga lumang larawan ng pamilya Luna,kasama na rito ang anak ni Juan Luna na si Andres.Ang family gallery sa museo ay idinisplay ang mga household artifacts noong panahon ni Luna.Sa ibang bahagi ng bahay sa baba ay makikita ang dalawang malalaking obra ni Juan Luna,ang Spolarium at El Pacto de Sangre.Naroon din ang larawan ng kanyang asawa na si Paz Pardo de Tavera at ang pambansang bayani na si Jose Rizal.Sa ikalawang palapag ng bahay ay matatagpuan ang sala,kwarto,azotea at isang munting kapilya.Ang sala ay napalamutian ng mga magagandang accesorya.Ang malaking kwarto ay naglalaman ng may may apat na posting higaan na ginamit pa ni Luna.Sa harap ng azotea ay may isa pang kwarto doon na kung saan nag-uusap silang magkakapatid na lalaki.Sa may bakuran naman ay makikita ang monument n gating dakilang pintor.

You might also like