You are on page 1of 3

Kabanata 13

ANG MGA PAG-IBIG NI RIZAL

“Lagi na, si Rizal ay tinatalakay bilang isang lalaking may malalim na pag-ibig sa bayan,
subalit tulad din naman ng isang pangkaraniwang nilalang siya rin naman ay marunong
humanga at magmahal sa mga anak ni Eba.”

MGA BABAING NAGKAROON NG KAUGNAYAN KAY RIZAL:

JULIA (Abril, 1877; Los Baños, Laguna):


Dalagitang taga-Los Baños, Laguna na nakilala ni Rizal sa dalampasigan ng Ilog Dampalit noong
sya ay 16 na taong gulang pa lamang at ito ang babae na una niyang napagtuunan ng paghanga.

SEGUNDA KATIGBAK (Disyembre, 1877; Troso, Maynila):


Dalagitang taga-Lipa, Batangas na nakilala ni Rizal sa Troso, Maynila na sinasabing unang
niyang pag-ibig.

BB. L. (Pakil, Laguna):


Dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na pinaniniwalaang ang gurong si Jacinta Ibardo Laza na
nakatira sa bahay ni Nicolas Regalado na kaibigan ni Rizal. Sa dalagang ito pilit ibinabaling ni
Rizal ang kanyang atensyon para pawiin ang pangungulila kay Segunda.

LEONOR RIVERA:
Pinsan ni Rizal na binansagang “La Cuestion del Oriente” ng matalik na kaibigan ni Rizal na si
Jose Ma. Cecilio. Ito ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal at ang dalagang sinasabing
nais pakasalan ni Rizal at tanging babae sa kanyang buhay na tunay niyang minahal ng kakaiba
sa iba pang babaing kanyang inibig.

CONSUELO ORTIGA Y PEREZ (Madrid):


Isang babaeng Kastila na taga-Madrid na nakatagpo ni Rizal at pinaghandugan nito ng tula.

O-SEI-SAN (USUI-SEIKO) (Hapon):


Isang Haponesa na nakatagpo ni Rizal sa bansang Hapon, nang sya ay maanyayahan na maging
kasapi ng pasuguan ng Kastila sa bansang iyon. Siya ay pinaniniwalaang isa sa tatlong babaing
labis na minahal ni Rizal, na nagparanas sa kanya ng pinakaromantikong bahagi ng kanyang
buhay.

GERTRUDE BECKETT (Disyembre, 1888; Chalcott Crescent, London):


Dalagang taga-London na nagkaroon ng lihim na kaugnayan kay Rizal.

NELLY BOUSTED (Hulyo, 1889; Paris):


Sinasabing ang babaing may karakter na pinakamalapit sa karakter ni Rizal sa lahat ng
babaing nagkaroon ng kaugnayan sa kanya. Ito ang babaing may lahing Anglo-Pilipino na
minamahal din ni Antonio Luna.
JOSEPHINE BRACKEN (Dapitan):
Ang babaing lahing Irish na mula sa Hongkong na nagpunta ng Dapitan upang ipagamot ang
mata ng kanyang ama-amahan. Siya ay inangking asawa ni Rizal kahit walang pahintulot ng
simbahan dahil na rin sa pagtanggi ng Obispo ng Cebu na sila ay makasal. Ito ay tinawag
niyang “dulce estranghera” sa kanyang hinabing tula ng pamamaalam.

IBA PANG MGA TAUHANG NABANGGIT SA KABANATANG ITO SA BUHAY NI


RIZAL:

Vicente Abad: Ang lalaking pinakasalan ni Josephine Bracken pagkatapos ng dalawang taong
pagkamatay ni Rizal.

James Bracken: isang sundalong naglilingkod bilang private sa 28th Regiment of Foot na
syang tunay na ama ni Josephine Bracken.

George Taufer: Ang taong umampon kay Josephine Bracken na nabulag dahil sa syphilis.

Manuela Orlac: Kalaguyo ng isang pari. Ang babaing naging kasa-kasama ni Josephine ng
dumating siya sa Pilipinas.

Eduardo Bousted: Isang mayamang Anglo-Pilipino na nakapangasawa ng isang mayamang


Pilipina na taga-Maynila. Siya ang ama ni Nelly Bousted.

Marcel H. Del Pilar: Nakatunggali ni Rizal sa halalan para maging Responsible sa isang
komiteng mamamahala sa pagkakampanya para sa Pilipinas.

Galicano Apacible: Isa sa 90 Pilipinong naninirahan sa Madrid na siyang nangangampanya


para kay Rizal upang manalo sa halalan.

Henry Kipping: Isang Ingles na pumayag pakasalan ni Leonor Rivera dahil na rin sa kawalan
ng natatanggap na kalatas mula kay Rizal.

Jose Ma. Cecilio: Isang matalik na kaibigan ni Rizal na hinabilinan nya na laging babalitaan
sya ng mga pangyayari tungkol kay Leonor Rivera. Siya ang nagtaguri kay Leonor Rivera na “La
Cuestion del Oriente”.

Manuel Luz: Isang mayamang binatang taga Lipa, Batangas na nakatakdang pakasalan ni
Segunda Katigbak.

Paciano, Narcisa, Josefa at Trinidad Rizal: Mga kapatid ni Jose Rizal.


Kabanata 13

ANG MGA PAG-IBIG


NI RIZAL

Ipinasa ni:
Kenedy B. Morales
CEIT-BSECE RTU
at
Israel S. Meso
CEIT-BSECE RTU

Ipinasa kay:
Gng. Noguera
Guro ng History 3