You are on page 1of 12

inihanda ni: J. Stephen D.V.

Mariano 4-Gluon

Mga laro na itinatanghal kapag may lamay ng patay. Nagsimula bilang paraan para bawasan ang sakit at lungkot pag may kaibigan o kamaganak na namatay.

Nagsimula sa Visayas.

Nanggaling sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan, tapos nangakong papakasalan niya ang binatang makakakuha nito.

Una, may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro.

Tapos, papaikutin ng matanda ang isang tabo.

Pag tumigil na yung tabo, pipiliin ang lalaking tinturo nito. Siya ay tatanungin ng isang babae tungkol sa mga parabula o salitang makahulagan.

Ito ang larong pumalit sa Karagatan. Pagalingan ito sa pagbigkas at pagdebate, pero kailangan may tugma / sa paraang patula. (Parang freestyle battle /
FlipTop sa kasalukuyan.)

Gumagamit ng mga biro, kasabihan, salawikain at taludtod galing sa banal na kasulatan.

Alo-divino tungkol sa Diyos at banal na bagay Historia-vino mga kuwento tungkol sa buhay ng Diyos, santo at anghel Alo-humano / alo-mano tungkol sa relasyon ng tao at Diyos (mga bayani, propeta, mitolohiya) Historia-mano kasaysayan ng tao o bansa Ley / lai tungkol sa batas ng lipunan Talinghaga parang bugtong (riddles) Binayabas tungkol sa kahit anong bagay na hindi kasama sa mga kategoryang binigay; madalas ginagamit ng mga bago pa lamang duplero (freestyle, para sa mga newbie)

KARAGATAN Mas nauna May matanda, babae at lalaki May isang paraan ng paglalaro

DUPLO Pinalitan ang karagatan Madalas dalawang lalaki ang naglalaban Maraming ibat ibang estilo

Parehong gumagamit ng kasabihan, parabula at makulay na lenguahe, at kumuha ng taludtod galing sa panitikan. Dahil dito, nakatulong sila sa pagunlad ng mga wikang Pilipino.

Ang Balagtasan ay ang pumalit sa Duplo at Karagatan. Isa din itong pagtatalo sa paraang patula. Inimbento ito nung panahon na ang Pilipinas ay sinakop ng Amerika. Pinangalanan para sa orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar: Balagtas.

Ang kasali ay magpapanggap bilang abogadong magkalaban sa isang korte. Ang Balagtasan ay parang debate, pero hindi pormal o seryoso. Nais pa rin nitong magbigay ng aliw, at paunlarin ang kaalaman at husay ng mga tao sa sariling wika. Ginagamit ito ng mga manunulat upang ipahayag ang kanilang opinyon sa mga isyung politikal.

You might also like