You are on page 1of 2

Pangunang Lunas (First Aid)

1. Kung may malay ang pasyente, itanong kung saang bahagi siya nakagat o kung hindi ito maaari, hanapin ang bakas ng kagat. 2. linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon. Makatutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. 3. Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies. Gawin ito habang hinuhugasan ang bahaging nakagat. Ipinapayo ring pahiran ito ng alcohol, povidoneiodine (gaya ng Betadine) o anumang gamot pansugat. 4. Kung maaari, huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari at kanyang tirahan at numero sa telepono upang maging madali ang koordinasyon, lalo na't kailangang obserbahan ang kanyang alaga. 5. Agad na magpakunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center. Kung kinakailangan, ang malalalim na sugat ay tatahiin o tatanggalan ng mga patay na laman. Depende sa

sugat na natamo, maaari ring magbigay ng antibiotics at bakuna laban sa tetanus. 6. Karaniwang ibinibigay and Anti Rabies injection sa lahat ng nakagat. Ginagawa rin ito kapag ang pasyente ay nanggaling sa isang lugar kung saan endemic o madalas ang rabies, o kaya may hinala nang may rabies nga ang nakakagat na hayop. Rabies Immune Globulin (RIG) ang bakunang karaniwang ginagamit. Mga Dapat Tandaaan 1.Iparehistro at pabakunahan ang mga alagang hayop, lalo na ang mga aso 2. Lumayo at mag ingat sa mga lugar na maraming aso at pusa.

Ang Rabies ay dulot ng virus na may epekto sa central nervous system. Nagmumula ang virus na ito sa kagat o laway ng isang hayop na tagapagdala ng rabies. Bawat dapuan ng rabies ay tiyak na kamatayan ang sasapitin kung hindi mabibigyan ng agarang lunas.

Prepared by: Ma. Isabel B. Barredo IV-BSN 2014 St. Paul University Quezon City

Anu- ano ang mga paraan upang makasiguro na ang sakit ay tigdas? Bukod sa mga sintomas na nabanggit, mas makabubuting magpatingin sa doktor o kaya ay magpasuri sa laboratoryo. Ang pagsusuri sa laboratoryo ay kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng pagsusuri ng laway ng maysakit. Nakakahawa ba ang tigdas? Oo. Ang tigdas ay kadalasang nakukuha sa direktang pakikisalumuha sa taong maysakit.

Anu -ano ang komplikasyong maidudulot ng tigdas? Ang sakit na ito ay higit na delikado sa mga batang may edad 5 taon pababa at sa mga matatanda na may edad 20 pataas. Ilan sa mga komplikasyong dulot nito ay: Diarrhea o pagtatae impeksyon sa tainga pulmonya kombulsyon meninghitis komplikasyon sa utak

Ano ang tigdas?


Ang tigdas o measles sa Ingles ay isang delikadong sakit na kadalasang sanhi ng virus na tinatawag naMorbillivirus paramyxovirus. Ito ay may malaking ipangaka-iba sa tigdas hangin (german measles). Ano ang mga palantandaan o sintomas ng tigdas? Kadalasang inaabot ng hanggang 10 araw bago lumabas ang mga sintomas ng tigdas. Ito ay kadalasang may kasamang lagnat na hindi baba sa 38.8 C pagluluha ng mata Ubo at sipon. Ang pasyente ay nagkakaroon din ng mga maliliit na pantal na unang makikita sa likod ng mga tainga. Ang mga pantal na ito ay unti unting dumadami sa buong katawan.

Anu -ano ang maaring pangunahing lunas sa sakit na ito? Ang mga pasyente ay pinapayuhan na magpahinga o kaya ay uminom ng gamot laban sa lagnat o ubo. Higit na makabubuti kung ihihiwalay ang mga maysakit pang hindi sila direktang makahawa. Pinapayuhan din ang maysakit na uminom maraming tubig at kumain ng marami. Higit sa lahat, mas mabuti kung magpakonsulta sa pinakamalapit na doktor o health center sa inyong lugar.

Ano ang bakuna upang maiwasan ang sakit na ito? Ang bakuna laban sa tigdas ay tinatawag na measles mumps rubella vaccine o higit na kilala bilang MMR. Ito ay kadalasang ibinibigay sa mga bata bago mag-isang taong gulang. Ang sumunod o ang boosler para sa measles ay itinuturok sa bata kapag nasa pagitan ng 4 hanggang 6 na taong gulang. Mas makabubuti ang pagkonsulta sa pinakamalapit na health center.

Ang tigdas ay simpleng sakit lamang? Mali. Katulad ng nabanggit, ang tigdas ay isang delikadong sakit na maaaring magdulot ng komplikasyon.

Prepared by: Ma. Isabel B. Barredo IV-BSN 2014 St. Paul University Quezon City

You might also like