Maliban sa kanilang pananampalataya, naakit ang mga tao dito dahil sa napakagandang tunog ng tatlong kampana na nasa kamapanaryo nito. Ang mga kampanang ito ay hindi lamang ginagamit sa pagsisimba at pagdadasal, ito rin ay naghuhudyat ng mga kalamidad o ang pagdating ng mga pirata. Si Pedro, ang kampanero, ay maagap na nagbibigay babala sa mga tao. Dahil dito, binalak ng mga pirata na nakawin ang mga kampana. Isang gabi na walang buwan, isinagawa ng pirata ang kanilang plano. Laking gulat ng mga ito nang hindi nila mahanap ang mga kampana sa kampanaryo. Sa ingay ng kanilang pagkabigla, nagising ang mga taong bayan at hinabol ng mga ito ang mga pirata. Subalit hindi na nila nakita ang kampana, maging si Pedro man. Hanggang isang araw, isang di karaniwang halaman ang tumubo sa likod ng simbahan. Nang ito ay namunga at nahinog, namangha ang lahat sapagkat ang mga ito ay hugis kampana. Kumpul-kumpol ang kulay pula na mga bunga nito. Isang ulyaning babae ang nakaalala ng mga pangyayari nang makita niya ang mga bunga ng puno. Napansing ni Pedro ang pagdating ng mga pirata pero hindi niya pinatunog ang mga kampana upang hindi mapahamak ang mga tao. Dali nitong ipinadausdos ang mga kampana subalit sa kasamaang palad ay sumabit ang paa nito sa lubid ng huling kampana kayat ito ay nahulog. Hindi na alam ng matanda kung saan dinala ni Pedro ang mga kampana, narinign lamang nito ang daing ni Pedro na Ma mahal ko ang mga kampana Wari nila, pula ang kulay ng bunga nito dahil ito ang dugo ni Pedro na siyang dumilig sa mga kampana. Mula noon, tinawag na nila puno na Makopa.
Talasalitaan: 1. 2. 3. 4. 5. dinarayo pinupuntahan naghuhudyat nagsesenyas namangha nabighani sa ganda ulyanin makalimutin daing- mahinang pagkasabi
Kaukulan: Pluma 4, pahina 137. Alma Dayag. Phoenix Publishing House. 2002