P. 1
noli me tangere

noli me tangere

4.91

|Views: 99,683|Likes:

More info:

Published by: Aileen Grace Delima on Feb 21, 2008
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/24/2014

pdf

text

original

Buod

Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya
ito ng nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang
huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan
si Ibarra, Sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon.
Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay
higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.

Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si
Mang Tasyo ng mga tao. Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa
pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin
sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata
ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayon pa rin sa
kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit
ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang
payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.

Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero mahirap gawin
sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan.
Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan
ng isang uldog, magtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi
naman, ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitigas na
pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng
bayan at pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra.
Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na
ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang
babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay
hindi naghihirap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati – rati tinatangkilik tayo ng
relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya
hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman
at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng
pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.

Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na
siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na
sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay
na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa
kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay
sapat ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil
dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng
tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo
na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang
payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-
harian.

Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong
ang kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan
bang maapi upang maging mabutiing kristiyano at parumihin ang budhi upang
matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay
nakapagtataas ng ulo?

Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na "Sapagakat ang lupang
pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang
lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!" Mariing sinalungat naman ni
Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:"humalik pagkatapos nilang
patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat
mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang anak ay hindi nakaklimot!"

Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng
binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang
balak na papapatayo ng paaralan
. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng

ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra
ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya ang naipangakong handog sa
kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.

Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay
mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa dami ng
bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang
tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno
ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran
niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno
ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito
ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato
mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang
pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubong sa punlong iyon,
upang hindi na muling makabangon.

Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka
pakitang –tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtuturo ay magiging
kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.

Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon
ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga
itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na
natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing
kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman katulad ng umusig sa kanyang
ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga
anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->