INTRODUKSYON

ANG KOMPYUTER AT ANG MAGSASAKA

Paano magkakasaysay sa kabukiran ang pag-aaral tungkol sa mga kompyuter?

Mahirap buuhin sa isip, lalo kung biglaang ipapabuo sa imahinasyon—ang imahen ng isang tambak na kompyuter sa gitna ng pilapil, at si Juan na nagtatanim ng mais at naglalaro ng Counterstrike (Valve Software, 1999) o DOTA (Blizzard Entertainment, 2003) o kaya'y nakikipag-YMi (Yahoo!, 1998) o nagsusulat sa kanyang blog. Anong praktikal na silbi nga ba ang naibibigay ng teknolohiyang ito sa mga sektor na malayo sa galamay ng lungsod?

Hindi lang iisang beses kong nakabangga ang tanong/ mga tanong na ito. Sa mangilanngilang mga forum, lecture, kumperensiya, halos sa lahat ng akademikong interaksyong nalalahukan ko, sa bawat pagkakataong naibabahagi ko ang aking interes sa pag-aaral sa mga usaping may kaugnayan sa teknolohiya ng kompyuter at kulturang popular, palaging naihahayag ang ganitong saloobin mula sa mga kapwa iskolar sa loob ng unibersidad. Pinakauna marahil sa mga karanasang ito ay ang panahong

dinedepensahan ko ang salitang blog bilang salita ng taon sa Sawikaan 2005. Habang ibinabahagi ko ang potensyal ng anyong ito sa pagbabahagi ng impormasyon at mga

2

adbokasiya sa anyong mabilisan at interaktibo, lumitaw ang interogasyon sa konkretong silbi nito para sa mga rehiyong ni hindi naaabot ng mga linya ng Meralco.

Kailangang maging malinaw na hindi ko ito tinatrato bilang isang interogasyong walang saysay. Dahil totoong hindi masamang adhikain, kahanga-hanga pa ngang tunay ang tukuyin ang sitwasyong kinapapalooban ng mga sektor tulad ng mga magsasaka, sektor na madalas ay walang representasyon sa mga popular na materyal na nakalugar sa lungsod. Siguro'y mas magandang sabihing interesado akong bulatlatin kung saan

hinuhugot ang ganitong saloobin, at kung paano ito hinahanay ng mga kapwa iskolar sa kanilang sariling mga disiplina ng pag-aaral. Hindi lang iisang beses na hinanapan ang epekto ng intelektuwal na diskurso, lalo pa't nasa linya ng Humanidades (Araling Kultural, Panitikan, Wika, Malikhaing Pagsulat) ng mga mabilisan at praktikal/ napanghahawakang silbi. Na dapat ay magrerehistro sa kamalayang empirikal (dapat nakikita, naririnig, nahihipo, nalalasahan, at naaamoy) ang epekto ng isang ideolohikal na gawain (at muli, lalabas ang tanong na “gawain” nga ba ang mga proyektong nasa antas ng ideolohiya ang paggalaw?). Na, sa araw-araw na pakikipagsapalaran bilang bahagi ng akademya, mistulang bahagi ng bawat maliit na pagsusuri tungkol sa wika, panitikan, at malikhaing pagsulat ang direktang epekto nito sa mga sektor na tinatatakan bilang “nasasagilid”—na halimbawa'y kayang-kayang pababain sa isang iglap ng pagsusuri sa kasaysayan ng mga Manuvu o ng pag-aaral tungkol sa mga dalit at tanaga ang presyo ng mga batayang pangangailangan, na kaya nitong pataasin ang suweldo ng mga nagtatrabaho sa pabrika't puksain ang kontraktuwalisasyon sa SM o sa Jollibee, na kaya

3

nitong bawiin ang mga lupaing inagaw ng ating mga pambansang burgesya at ikalat ito sa hanay ng mga manggagawa't pesante.

Bilang isang taong minsan ay may pagkapikon, sumusulpot sa aking makulit na imahinasyon ang ilang mga “pambara” sa mga ganitong klaseng tanong. Gusto kong sabihin sa kanila, lagi ninyong pinamumukha na walang silbi ang ideolohiya, ang pagsusulat, ang pag-aaral ng popular na teknolohiya't kultura, pero kapag nagiging bayolente ang mga anak-anak ninyo, sinisisi ninyo ang paglalaro nila ng Counterstrike (Valve Software, 1999 ) o Resident Evil (Sony Playstation, 1996); pag may napapanood kayong teenager na nanggahasa ng kabarkada, sasabihin ninyong dahil iyon sa mga binabasa nilang FHM o Playboy, o Chika-chika o Playgirlii; kapag may napatay na kung sino, madaling sisisihin ang mga komiks at pelikulang may mga tauhang walang pinagkakaabalahan kundi ang makipagbarilan at magpasabog ng katawan ng taoiii. Kapag lumalabas sa mga survey na nabobobo na ang mga estudyanteng Pinoy, wala pang isang segundo bago ihayag na dahil iyan sa MTV-Internet Age. PERO, kapag magsasalita ang isang tao tungkol sa mga posibleng benepisyo ng isang popular na anyo—tulad nga ng blogging—may tendensiyang magsara agad ang mga tenga't mata bago pa umabot ang nagsasalita sa pinakaubod ng kanyang pagtalakay. Wala kasing silbi sa mga magsasaka. Kawawang mga magsasaka, biglang naaalala ng milyun-milyong iskolar kapag gustong mambara at ipakitang matalino sila, o kaya’y baka posible ngang tinatalakay pala sila pero napagsarhan na agad ng mga “intelektuwal” na panghuhusga. Kaya lang, bilang bahagi rin ng akademya, mas madalas kong napapa-behave ang sarili at pinipilit sumagot

4

sa mas mahinahon at obhetibong paraan.

Palagay ko, nagmumula ang ganitong lantad na “konsern” dahil sa mas naikakabit ang computers at ang pag-aaral tungkol dito sa usapin ng agham at hindi sa kultura. Dahil nasa linya ng agham at teknolohiya, mas iniimbestigahan ang materyal na bigat nito sa isang lipunan. Hindi madaling mahiraya nang agad-agad ang mga kultural na implikasyon ng ganitong teknolohiya’t midyum. Kaya naman sa mga unang

engkuwentro sa ganitong linya ng pagtatanong, palagi kong naiisip at naisasagot, “may kaugnayan bagaman hindi direkta.” Ngunit sa pag-uulit ng ganitong pagtatanong, hindi ko rin mapigilang isiping “bakit nga ba walang direktang epekto?” O kaya, bakit nga ba atat na atat ang maraming tao sa mga epektong nakikita, naririnig, naaamoy, nahihipo, nalalasahan nang agad-agad?

Hanggang saan nga ba kayang magpakilos ng mga ideolohikal na adhikain, tulad ng mga pag-aaral sa teknolohiya at ang kaugnayan nito sa kultura, at sa malikhaing pamamahayag? At bakit, sa aking sariling obserbasyon, tila naikakahon na agad ang paggamit ng teknolohiya ng kompyuter bilang isang teknolohiyang hinding-hindi magagamit ng mga naaaping sektor, gayong may posibilidad namang ang malaking bahagi ng pag-aaral sa akademya'y umaandar sa mga aktibidad na wala sa direktang dimensyon ng praktikal at mabilisang silbi?

5

ANG SARILI BILANG MANUNULAT, AKADEMISTA AT PANATIKO-INTELEKTUWAL

Higit na magiging malinaw ang pinanggagalingan ng mga problematisasyong ito kung maisasakonteksto ko sa aking sariling pag-iral: ako ay isang manunulat, estudyante, at guro ng panitikan na may tutok sa pag-aaral sa media, teknolohiya at kulturang popular. Bago o habang umiiral ako sa mga nabanggit na kategorya, ako rin ay isang geek, isang panatikong may pagkiling sa mga lokal at dayuhang TV series tulad ng TGIS (Zapata, 1995), Gimik (Dyogi, 1996), Palibhasa Lalake (1986), Chika-chika Chicks (1986), Mana-mana (ABS CBN, 1986), Captain Power (Goddard, 1987), Buffy the Vampire Slayer (Whedon, 1997), Bioman (Abe, 1984), Maskman (Ochiaei, 1987), Shaider (1984), Charmed (Burge, 1998), Smallville (Gough, 2001), at Super Twins (Zapata, 2007). Adik na adik din ako sa cartoons tulad ng Thundercats (Wolf, 1985), Futurama (Cohen, 1999), Spider-man and His Amazing Friends (Marks, 1981), X-men Evolution (2000), Justice League Unlimited (2004) at Danny Phantom (Hartman, 2004), maging sa Anime, na pinasimulan ng Dragonball Z (Nishio, 1989), at naipagpatuloy sa Ghost Fighter (Abe, 1992), Yaiba (Yuyama, 1993), Sailormoon (Satoh, Ikuhara, at Igarashi, 1992), mga pelikula ni Hayao Miyazaki, Gundam Wing (Ikeda, 1995), Gundam G (Imagawa, 1994), Naruto (Date, 2002), Full Metal Alchemist (Mizushima, 2003), at Bleach (Abe, 2004). Naging tagasubaybay din ako ng Pilipino Funny Komiks (Islas Filipinas Publications, Inc., 1978), Seksing Tapusan (Garcia, 1990), Pinoy Komiks (Marcelino, 1963), at Aliwan (Marcelino, 1963), at sa ngayon ay panaka-nakang bumibili

6

o humihiram ng mga dayuhang bersyon nito. Masasabi kong may pagkababad ako sa marami-raming popular na media. Hanggang sa ngayon, pinaniniwalaan kong ang aking mga unang hakbang sa pagiging manunulat at estudyante ng Malikhaing Pagsulat ay dito ko maiuugat sa paghanga sa napakaraming mga panoorin at babasahing ito.

Ang espasyo ng akademya ay isang espasyo ng mga kahon at kontradiksyon. Bilang estudyante'y tinuturuan tayo nitong umalpas sa mga personal at panlipunang harang at kahon. Paulit-ulit na sasabihin ng mga gurong nasa labas ng apat na sulok ng klasrum ang mga “tunay” na leksyon ng buhay. Upang matutunan ang “paglabas” na ito, tatambakan ang mga mag-aaral ng iba’t ibang babasahin (depende sa guro ang kapal o nipis nito) at “hihikayatin” (o, ire-require) ding bumili o manghiram ng mga “angkop” na aklat. Sa ilang pagkakataon, literal na palalabasin ng silid-aralan ang estudyanteng hindi nakapagpakopya ng babasahin para sa araw ng leksyon. Patuloy na ikakahon sa mga leksyon ng pagpapalaya ng guro ang kanyang mga nasasakupan, dadaan sa proseso ng pagtatasa sa anyo ng mga naiplanong quiz, seatwork, recitation, pagsusulit. Sa

pagtatapos ng semestre, umaasa ang estudyanteng mabibilugan ng guro ang numerong “1.0,” patunay na lubusang pumaloob ang bata sa kahon-kahong pamantayan upang maging namumukod-tangi.

Bilang estudyante ng Malikhaing Pagsulat, nakasisiguro akong lumang tugtugin na ang ganitong klase ng senaryo—sasabihin ng propesor na maging bukas ang isip at palaging lumabas sa mga nakasanayan nang materyal, pamantayan at sensibilidad;

7

pagdating sa mga palihan, sinasadya man o hindi'y may naididiing personal na estetika at pulitika. Dahil sa hawak ang kultural na kapital (ang klas kard, o CRS grade sa Sa ganitong pagkakahon din

kasalukuyan), madalas na magwawagi ang instruktor.

madalas umiiral ang sistema ng pagpapalimbag sa mga antolohiya, paglahok sa mga kompetisyon sa pagsusulat, at maging sa mga prestihiyosong writing workshop. Lahat ay binubuo ng mga kahong may kanya-kanyang kahingian upang makapasok ang isang taong nagnanais na mabigyan ng tatak na “manunulat.” Ito ang naging esensya ng aking thesis sa di-gradwadong antas, at sa loob ng ilang taon bilang gradwadong mag-aaral, tinangka kong maghanap pa ng mga dagdag na sagot sa problematisasyong ito.

Isa rin akong guro. Nagsimula akong maging opisyal na guro noong 2003 at hanggang sa ngayon ay guro pa rin. Sa loob ng maiksing panahon ng pagiging guro, nakapagturo ako sa loob ng dalawang akademikong institusyon. Pumasa ako sa mga kahingiang magdidikta na ako ay isang “matinong” guro. Tumutok ako sa disiplina ng Malikhaing Pagsulat, Panitikan at Kulturang Popular. Ang mga paboritong palabas na pinanonood ko, mga programang dati'y ine-enjoy ko lamang, ay magiging mga piyesang pangleksyon na. Matututunan at maituturo ko na ang konsepto ng “popular” ay

nagbabagu-bago depende sa kung sino ang magtatakda nito—mula sa simpleng gusto’t tinatangkilik ng nakararami, magiging instrumento ito ng pagpapanatili ng mga dominanteng puwersa’t kaayusan sa lipunan, o di kaya’y ang puwersang kokontra sa itinuturing na dominante, o kung hindi pa rin ay ang puwersang maglulusaw sa mga harang ng nakatatataas at nakabababa, at bubuo ng isang kulturang wala nang

8

kinikilalang harang ng ari, uri, lahi, espasyo, tinig, kapangyarihan at iba pa (Storey, 2006). Sa huli, maitatahing muli ang lahat ng ito sa salitang “popular,” sa dami, sa bilang ng tao, at uusbong ang posibilidad na ang mga inaaral bilang “popular” ay posibleng “anti-popular” pala, mga midyum na nararanasan at napoproseso lamang ng kakaunting bilang ng populasyon.

Sa sabay na pagtuturo at pag-aaral, muling maididiin ang napakaraming mga kahon at kontradiksyong naging mga palaman sa aking mga isinusulat na akda. Natutunan kong may nosyon sa kulturang popular bilang isang aspekto ng kulturang itinuturing bilang “mababa,” latak ng “mataas” na anyo ng kultura—ang kulturang itinatakda ng akademya. Sa kabilang banda, ang mismong pag-aaral ng kulturang

popular sa mga klase sa akademya, at ang pagbuo ng mga pag-aaral at mga malikhaing akdang may impluwensya nito, ay maaaring basahin hindi lamang bilang isang proseso ng lehitimisasyon mula sa isang naghaharing puwersa, kundi pagkilala din sa mismong mga butas ng institusyon at pagsuko sa kapangyarihan ng puwersang dati’y itinuturing bilang mababa. Ang tunggalian at pagkakasundo o/at pagkokompromiso ng Panig-

Kulturang Popular at Panig-Akademya ay nagdulot ng malaking interes sa akin, at bilang patunay ay nakabuo ako ng isang koleksyon ng mga malikhaing akdang pumapaksa rito—ang Dirty Pop Machines vs. Academia Nuts (2005). Ito rin ang naging paksa ng naisulat kong comics script na pinamagatan kong A Little Less Conversation, A Little Less Action (2005)iv, kung saan ginawang katatawanan ang bangayan ng mga “Popular” at mga “Iskolar.”

9

Dahil sa ganitong direksyon ng pag-aaral, pagsusulat at pagtuturo, nairekomenda ng isang kaibigan ang mga pag-aaral ni Henry Jenkins, isang iskolar sa Massachussets Institute of Technology na may pagtutok sa kulturang popular, at sa Media at Fan Studies. Sa pagbisita sa Weblog ni Prop. Jenkins (2007), nadiskubre ko ang terminong Aca-Fan (2007), isang terminong naglalarawan sa hybrid ng mga panatiko ng iba’t ibang popular na media na nakapaloob din sa istruktura ng akademya. Pagsasanib ng iskolar at geek, ng intelektuwal at personal na panlasa, ito ang esensya ng pagiging Aca-Fan. Sa

pagkakadiskubre ng termino at konseptong ito, lubos akong natuwa, dahil sa nalaman kong maraming taong nasa linya ng akademya ang umiiral sa mga prinsipyo ng ganitong tatak, at syempre’y bahagi ako ng grupong ito. Hindi ako nag-iisav.

At, kasabay ng lahat ng ito, sa gitna ng aking pagiging Aca-Fan na Manunulat, ako ay isang taong umiiral sa isang lipunang Pilipino. Sinasadya ko man o hindi, sa pagbababad sa akademya’t paglilimi sa mga kabalintunaang nararanasan ko dahil sa aking iba pang multiple na identidad, nababagabag ako ng mga isyu tulad ng enforced disappearances at extra-judicial killings. Kilala ko si Jovito Palparan at malay ako sa dami ng mga taong nawala o napatay sa ilalim ng kanyang pamamalagi sa AFP. Naniniwala akong ang Presidential Proclamation 1017 o ang deklarasyon ng State of National Emergency ay isang bersyon lamang ng Martial Law. Kasama akong

nadidismaya habang bumababa ang pondo para sa Edukasyon at tumataas namang lalo ang matrikula, at sa kabilang banda'y lalong binibigyan ng diin ang Gera laban sa

10

Terorismo, na mukhang alingawngaw lang din ng gerang kontra-terorismo na inilunsad ng US. Unti-unti kong naiintindihan ang katotohanan ng Pilipinas bilang isang

malapyudal at malakolonyal na bansa, at ang esensya ng pagbaklas sa sistemang Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo. Nailalapat ko ang aking mga

natututunan sa pagmamatyag sa latest developments ng Human Security Act, ng ZTE Broadband Deal at sa Cyber Education Project.

At oo, naaapektuhan din ako sa mga taong macho shit, sa mga mata-pobre, sa mga pasosyal, sa mga nagmamatalino, at sa iba pang mga kaugnay na personalidad at kuwento.

Ito ang mga kahon at harang na aking binubuno at pinipilit na magkasundo-sundo. Ito ang nakikita kong motibasyon sa paghahanap ng pinakamapagpalayang anyo ng malikhaing pamamahayag. hypertext. Sa ganitong motibasyon ko nakilala ang konsepto ng

ANG HYPERTEXT

Naimbento ni Theodore H. Nelson ang terminong hypertext noong 1960’s (Website: A Little History of the World Wide Web). Ito ang ginamit na termino para sa anumang mga simbolong nabuo sa pamamagitan ng electronic codes at nakikita sa

11

kompyuter skrin. Naging ekstensyon ng terminong ito ang hypermedia, na tumutukoy naman sa mga elementong binubuo rin ng electronic codes ngunit hindi nakikita bilang mga alphanumeric na simbolo—mga larawan, tunog, video at iba pa. Kasabay sa

pagkakabuo ng mga terminong ito ang pagkakabuo at pagpapaunlad ng teknolohiya ng kompyuter at Internet, at magiging makabuluhang konsepto pa rin sa pagkakauso ng World Wide Web noong 1994 (Website: The World Wide Web: Origins and Beyond)vi.

Maraming inobasyong taglay ang mga teknolohiyang nakabase sa hypertext. Sa pamamagitan ng E-mail, nakapagpapadala ng mga liham na may kasamang larawan at iba pang mga elemento sa isang iglap lang. Nakakapag-usap sa pamamagitan ng chat ang mga taong nasa magkabilang panig ng mundo. Sa pagpasok ng taong 1997,

nagkaroon na ng iba’t ibang software na nagbibigay ng kapasidad para sa mga ordinaryong indibidwal na gumawa ng kanilang sariling Website, isang kakayahang dati’y reserbado para sa mga corporate programmer na binabayaran ng malaking halaga. Maaaring magsulat ng term paper habang nagpi-print ng mga dokumento habang nagdadownload o/at nagpapatugtog ng mga paboritong kanta nang sabay-sabay, mga gawaing dati’y iniisa-isa ang prayoridad. At nagpapatuloy sa pag-unlad ang teknolohiyang

nakabase sa hypertext, lalong bumibilis ang mga kompyuter at Internet akses, lumalaki ang mga espasyong pinaglalagyan ng impormasyon. Madalas, nagiging mas mura at aksesibol din ang mga teknolohiyang ito sa pag-usad ng mga taon (Website: A Little History of the World Wide Web). Sa mga pag-aaral nina Nelson, George Landow at iba pang eksperto sa hypertext,

12

nakabuo sila ng mga katangiang taglay ng isang hypertext-based system, mga katangiang umaalingawngaw sa kultura ng mga taong lubog sa paggamit nito. Ang sistemang batay sa hypertext ay “non-linear, non hierarchical, borderless, object-oriented” (Website: Hypertext Paradigm) at “multivocal”. (Landow, 2000) Nilulusaw ng hypertext ang mga nakasanayang harang ng ari, uri, lahi, espasyo, at tinig. Nawawala ang mga kasanayang limitasyon ng oras at heograpiya sa pamamagitan ng E-mail, chatting, at mga katulad na aplikasyon. Pinapayagan ng napakaraming networking sites tulad ng Friendster

(Friendster Team, 2002), Multiply (VantagePoint Venture Partners, 2003), at Facebook (Zuckerberg, 2004) ang pagbuo ng napakaraming mga bagong pagkatao, mga pagkataong posibleng naiiba sa taong nabubuhay sa pisikal na realidad. Nabubuhay ang hypertext sa isang docuverse, isang mundo ng pinagtagni-tagning nodes, networks, hyperlinks, mga birtuwal na dokumentong walang tiyak na umpisa, gitna, wakas. Bilang implikasyon,

nakikita ang mundo bilang isang global villagevii, isang espasyong kinikilala ang pag-iral ng bawat nilalang, o bawat nilalang na may computer at Internet akses.

Sa pag-aaral ng hypertext at ng hypertext paradigm na ito, at ikukumpara ito sa isang sistemang nakalimbag o print-based, makikita ang malaking pagkakaiba ng una sa huli. Kung ang hypertext-based system ay non-linear, non hierarchical, borderless, object-oriented at multivocal, ang print-based system naman ay maaaring tingnan bilang linear, hierarchical, de-kahon at may mga harang, subjective at univocalviii sa iba't ibang lebel (Website: Print Paradigm). Magpapatotoo sa ganitong suri ang sariling danas ng Pilipinas sa pagpapakilala ng

13

unang palimbagan. Mula sa isang mayamang tradisyong oral—isang tradisyong walang konsepto ng tiyak na panahon o espasyo (isinasagawa sa iba’t ibang lugar at kung saan kailangan), bahagi ng araw-araw na pamumuhay, libreng bawasan, dagdagan at pagpapasa-pasahan (walang konsepto ng pag-aari)—ipinasok ng mga paring Dominikano ang mga unang makinang-palimbagan at inilimbag ang una nilang aklat na Doctrina Christiana en Lengua Espanola y Tagala (1583). Magkakaroon ng monopolyo sa

paglilimbag ng mga manuskrito at ipinamudmod sa mga Pilipino ang mga tekstong nakasentro sa pagpapalaganap ng kapangyarihan ng mga Espanyol sa anyo ng mga romansa metrikal, pasyon, nobena at sermon. Taong 1593 noon, maghihintay pa ang mga Pilipino nang hanggang ikalabingwalong siglo upang mabasa ang mga unang akdang kumokontra sa dominanteng kolonisador, sa anyo ng mga tekstong isinulat nina Francisco Baltazar at Jose Corazon De Jesus. (Agoncillo at Guerrero, 1977)

Kung hindi man babad ang isang tao sa kanyang kasaysayan, makikita pa rin niya ang sinasabing limitasyon ng isang nakalimbag na teksto sa pinakasimpleng pisikal na istruktura nito. Ang isang tipikal na libro, halimbawa, ay may tiyak na pagkakasunudsunod—may pabalat, fly leaf, cover page, table of contents, at iba pa. Kailangang

pasadahan ang isang pahina upang makapunta sa isa pa. Limitado rin ang laman ng isang libro—ang libro tungkol sa calculus ay hinding-hindi maglalaman ng balita tungkol kay Vic Sotto at Pia Guanio, at ang showbiz magazine naman ay hindi magtatalakay tungkol sa pagkuha ng value ng i o imaginary number gamit ang points sa isang bilog. Kung may mga detalyeng nakalagay sa isang libro na hindi sinasang-ayunan ng mambabasa, ang

14

tanging magagawa niya ay magreklamo sa guro o sa kamag-aral, pero wala siyang magagawa para aktuwal na baguhin ang laman ng binabasa niya, kasabay/kasama ang ilang libo o milyong kopya ng babasahing ito. Hindi rin madali para sa isang indibidwal na gumawa ng sarili niyang libro sa oras na hindi siya kontento sa mga librong nababasa niya, dahil sa simpleng dahilang mahal ang pagpapalimbag ng isang libro. Ang isang 100-page, two-color na libro'y maaaring umabot sa lampas dalawampung libong piso bilang pinakamurang halagaix. Kung gusto naman ng isang manunulat na magpalimbag ng libro sa isang kinikilalang institusyon, gaya ng nabanggit sa umpisa, kailangang sumunod at pumasa siya sa mga pamantayan ng “ganda” at pagiging “lehitimong” libro ng institusyong pinagbibigyan niya ng kanyang manuskrito. Kasama na sa proseso ang minsang pagpapabago ng estilo at maging ng nilalaman upang maging isang “katanggaptanggap” na publikasyon.

Sa isang hypertext-based system—isang simpleng Website, halimbawa— nawawala ang sense ng tiyak na pagkakasunud-sunod dahil sa pagiging hyperlinked ng bawat item. Hindi kailangang pasadahan ang lahat ng Webpage, maaaring i-click ang link ng item na nais lang mabasa. Windowed ang mga operating system na nagpapatakbo sa mga kompyuter, at posibleng magbukas ng maraming windows para sa iba't ibang aplikasyon kaya may posibilidad para sa sabay-sabay na pagtatrabaho. Kung sa print paradigm ay may papel na naglalaman ng mga teksto, may tinatawag si Landow na metadokumento (Website: Docuverse Paradigm), isang birtuwal na papel. Ang birtuwal na papel na ito, kung magiging istrikto sa teorya at hindi bubusisiin muna ang mga

15

teknikal na butas ng hypertext-based systems, ay tila walang umpisa, gitna at wakas dahil sa bawat pahina ay may hyperlink na nagkakabit sa iba pang pahina na magkakabit pa uli sa iba pang mas maraming mga pahina. Para itong isang multi-direksyunal na

dokumentong pinagkabit sa bawat at lahat ng posibleng mga birtuwal na “dulo.” Dahil sa pagiging hyperlinked ng sistemang ito, hindi na limitado sa iisang paksa lamang ang pagdanas dito. Kinakatawan ng metadokumentong ito ang lahat ng mga librong

posibleng kailangan ng gumagamit at pinagsama-sama sa isang user-friendly, interaktibo na presentasyon. Ang interaktibidad na ito ay hindi lamang limitado sa simpleng

mabilisang pagbabagtas sa mga entry sa anyong non-linear, kundi maging sa pagbibigay ng kakayahan sa mga mambabasa na maging manunulat rin nang sabay. Isang matingkad na halimbawa nito ay ang Wikipedia (Wales at Sanger, 2001), ang online encyclopedia kung saan ang sinumang may user account ay may kakayahang magpasok, magdagdag at magbawas ng encyclopedia entry nang walang bayad. Isa pa ay ang nabanggit na sa unang bahagi, ang blogging—isang anyo ng pagsusulat sa espasyo sa Internet na nagbibigay ng kakayahan sa sinumang may Internet akses na magsulat ng kanyang nais isulat, at “ipalimbag” ito sa isang pandaigdigang saklaw. Ang presensya ng mabilisang input at feedback sa impormasyon ay isang katangiang hindi pa kayang lubos na gayahin ng isang print-based system. Pinayagan ng Youtube (Google, Inc., 2005) na maging instant broadcasters ang isang taong walang control sa isang malakihang TV station, pero may mabilis na Internet akses at digital camera.

Isa pang biswal na manipestasyon ng demokratisasyon sa espasyo ng

16

pamamahayag ay ang Webcomics na Choose Your Own Carl ni Scott McCloud (2001). Sa tekstong ito, pinapapili ni McCloud ang kanyang mga tagasubaybay ng kung anong panel ang ilalagay niya upang mabuo ang kuwento ng bidang si Carl. Ang panel na may pinakamaraming boto ang idudugtong sa istoryang nagsisimula sa pagbilin ng nanay ni Carl na huwag magmaneho nang nakainom, at matatapos sa pagkamatay ni Carl.

1. Full Screen Capture ng Choose Your Own Carl, mula sa http://www.scottmccloud.com/comics/carl/3b/cyoc.html

17

2. Detail ng Choose Your Own Carl

ANG HYPERTEXT AT POPULAR NA MEDIA

Sa aking pag-aaral at pagtuturo ng Panitikan at Kulturang Popular, sa tulong na rin ng mga nauna nang pag-aaral dito, nakapaghanay ako ng iba't ibang klase ng popular na media at naipaghambing ito ayon sa mga sumusunod na kategorya:

18

1. Teknikal na deskripsyon; 2. Konsepto ng oras at panahon; 3. Ideyal na haba o durasyon ng pagdanas; 4. Lebel ng presentasyon, o kung gaano kakonkreto ang paghahatid ng impormasyon; 5. Empirical senses na tina-target.

Ang mga kategoryang ito ang ginamit sa paghahambing at pag-iiba ng mga sumusunod:

1. Ang pasulat/ print-based na teksto; 2. Isahang imahen tulad ng print ads at billboards; 3. Komiks/ Comics/ Graphic Novels/ Sequential Art, mga imaheng di-gumagalaw na nakahanay sa isang espasyo sa isang tiyak na pagkakasunodx; 4. Tunog at Tugtog; 5. Audio-visual; 6. Hypertextual.

19

TITIK TEKNIKAL NA DESKRIPSYON Binubuo ng mga titik na sumusunod sa partikular na anyo ng balarila. Ginagamit ang nakasulat na wika sa paghahatid ng ideya Wala. Maaaring basahin kahit kailan gusto; maaaring lumikha ng mahahabang tekstong nakapaloob sa mahahabang timeframe

IMAHEN (Still) Walang kaukulang sukat, karaniwang 2 dimensional, binubuo ng imahen at teksto, hindi gumagalaw

COMICS/ KOMIKS Binubuo ng mga larawan at iba pang imahen (titik) na nakahanay sa isang tiyak na pagkakasunudsunod. Binubuo ng “panels”

TUNOG/ TUGTOG Mga salitang nilapatan ng tono, nagkakaiba depende sa uri. Minsan ay puro tunog lamang at walang titik

AUDIOVISUAL Magkasabay na paggamit ng tunog at larawang nagpapalit-palit sa napakabilis na antas sa iisang espasyo (photoplay)

HYPERTEXTUAL Binubuo ng electronic codes na bumubuo ng iba't ibang multimedia elements sa computer screen. Hyperlinked ang halos lahat ng output

KONSEPTO NG ORAS O PANAHON

Maaaring Walang magamit nang limitasyon pangmatagalan, walang limitasyon sa oras ng pagdanas ng midyum na ito

Maaaring maging mahaba (classical music) o mas maiksi (pop music), pero malinaw ang pagdidiin sa umpisa at wakas, kailangang tapusin ang danas sa isang pakikinig Nag-iiba depende sa klase ng tugtog, karaniwang tatlo hanggang limang minuto kada isang kanta

May pressure na tapusin ang pagdanas sa iisang tiyak na panahon lamang, dahil dito'y mas mahirap ulitulitin o balikbalikan

Dahil sa pagiging konektado ng bawat hypertext-based form sa iba pa sa pamamagitan ng hyperlinks, perpetuwal na gumagalaw ang pagdanas, kaya “habambuhay” itong umiiral

IDEYAL NA HABA/ DURASYON

Walang limitasyon

Dahil sa walang Walang ideyal kalayaang dulot na haba ng paggalaw, kailangang maging mabilis ang presentasyon, dapat ay nasa iisang imahen na ang lahat ng kailangan Mas konkreto sa titik, sa tulong ng mga konkretong larawan May ilusyon ng paggalaw dahil sa paneled form, bagaman may mga puwang o gaps sa pagitan ng mga panel na pinupunuan ng mambabasa

Dalawang oras Hindi natatapos, o para sa full maaaring tapusin length at sampu anumang oras hanggang dalawampu para sa short films at TV shows

Hindi ganoon LEBEL NG PRESENTASYON kakonkreto. Nakabase sa tagatanggap ang imaheng mabubuo sa imahinasyon, pinupunuan ng imahinasyon ang lahat ng kulang/ puwang Mata, para sa EMPIRICAL SENSE NA TINA- pagproseso ng mga salita; TARGET nakadepende sa imahinasyon ang pagbuo ng imahen

Umaasa sa impact na magagawa ng kombinasyon ng mga titik at tunog. Pinupunuan pa rin ng tagapakinig ang biswal na kakulangan

Mas angat ang pagkakonkreto kesa sa naunang mga midyum dahil sa gayang-gaya ang paggalaw ng tunay na mundo

Kumpletongkumpleto, objectoriented, ibinibigay ang kung ano lang ang gusto ng gumagamit, maaaring baguhin ng gumagamit

Mata, para sa pagpoproseso ng mga konkretong imaheng isahan

Mata, upang iproseso ang mga imaheng nakahanay sa tiyak na pagkakasunudsunod

Tenga

Mata na Mata at tenga, may umaayon sa potensyal para sa iba mabilis na pang pandama pagpapalit ng imahen sa isang espasyo, at tenga

20

Pinatutunayan ng paghahambing sa mga midyum na ito ang mga puntong binibigyang-diin ng kritiko't manunulat na si Rolando B. Tolentino sa kanyang mga sanaysay na nasa Sa Loob at Labas ng Mall kong Sawi; Kaliluhan ang siyang Nangyayaring Hari (2001). Dito natumbok ni Tolentino ang pangangailangang

humiwalay sa mga linear at univocal na pamamahayag, ang pagkakaroon ng interaktibidad na tinatangkang taglayin ng mga nakasulat na teksto. Nagmimistulang totoo rin ang isa sa mga binibigyan ng pagdidiin sa mga sanaysay—na ang pasulat na midyum ang pinaka-“low tech” sa grupo. Low tech ang pasulat na midyum dahil sa ito ang pinakamababa sa antas ng pagiging konkreto, hinahayaan pa niyang iproseso ng tagatanggap (ang mambabasa) ang mga salita na posibleng may iba-ibang implikasyon.

Halimbawa, sa pangungusap na “namumukadkad ang bulaklak,” malakingmalaking puwang ang inilalaan nito sa imahinasyon ng taong makababasa, na posibleng tingnan bilang isang malaking-malaking puwang din sa hindi pagkakaintindihan. Ang “bulaklak” para sa isa ay rosas, samantalang “sunflower” naman sa iba. Pipiliting

irasyunalisa ito ng nakabasa sa pamamagitan ng pagsalin ng kanyang sarili sa set ng mga salitang ito, gagamitin niya ang kanyang sariling karanasan upang ipampuno sa mga kulang na impormasyon sa binasang pangungusap. Naaalala ko tuloy ang binanggit ng isang lalaking estudyante sa aming pagsusulit para sa Panitikan ng Pilipinas 19, tungkol sa pagbabasa niya ng aming readings. Sabi niya, tumigil siya sa pagbabasa noong umabot na siya sa mga tekstong may kaugnayan sa relasyong lalaki sa lalaki. Paano kasi’y kapag nagbabasa siya, iniisip niyang siya ang tauhang lalaki sa mga akdang

21

binabasa niya. Inililipat at inilalapat niya ang kanyang sarili sa kumpol-kumpol na mga salitang bumubuo ng aming readings.

Kung may larawan na kaakibat ang teksto, larawan ng kung sino ang mga bida, mababawasan na ang pag-extend ng sariling ginagawa sa pasulat na teksto. Ano pa kaya kung ihanay ang mga larawan at salita bilang mga panel sa komiks, o kaya’y lapatan ng tugtog, o gawin nang movie version ang nakasulat na kuwento? Sa huli, magwawagi ang mga hypertextual medium sa antas ng pagiging pinakakokonkreto’t pinakamabilis sa pagproseso ng impormasyon dahil taglay nito ang lahat ng elementong taglay ng mga midyum na pasulat hanggang audio-visual, at may malaking potensyal pa ito na pumasok pa nang mas malalim sa mga pandama dahil sa potensyal nito para sa mataas na lebel ng interactivity at bilis ng multimedia na presentasyon ng impormasyon.

Sa isang banda, bagaman low-tech daw ay kapansin-pansin naman ang pag-alis ng pasulat na teksto sa pakiramdam ng urgency o pagmamadali sa pagpoproseso ng mga impormasyon, hindi tulad ng awit o pelikulang may tiyak na umpisa at katapusan. Totoo rin na kung bilis ng pagproseso ng impormasyon ang batayan ng ganda, tunay na magwawagi ang hypertextual medium, dahil sa kapasidad nito para sa simultaneous multi-tasking at sa pagsasanib ng lahat ng multimedia elements na taglay ng mga midyum na kasabay niya. Kaya lang, kasabay din nito ang potensyal na panganib sa pagkaputol ng ugnayan sa tagatanggap at tagalikha ng mga teksto. May posibilidad na sa pagiging tunay na tiyak, obhetibo, at mabilisan ng anyong ito, magiging malabung-malabo rin ang

22

pagpapasok ng sarili sa mga pinoprosesong impormasyon sa teksto.

Ang pagiging

pinakamapagbigay sa usapin ng impomasyon, bilis at dami ng empirical senses/ pandamang tina-target ang isang posibleng dahilan kung bakit sa kasalukuyang mundo, madaling mainip ang isang tagapakinig o tagapanood sa anumang bagay na hindi niya nakikitaan ng malinaw at mabilisang silbi o katuturan sa kanyang sariling danas (o, sa ibang mga sektor tulad ng magsasaka, manggagawa, lumpen, kabataan, kababaihan, at iba pa).

HYPERTEXT, KASAYSAYAN, KULTURA

Print=Bad/ Hypertextual=Good.

Ito ang isang posibleng sintesis ng Parang sumasagot ang

paghahambing sa mga umiiral na anyo ng pamamahayag.

hypertext sa lahat ng kakulangan ng isang print-based system, isang sistemang may tiyak na sentro ng kontrol at may malaking posibilidad para sa pagsusulong ng makasariling interes.

Nabanggit na sa unang bahagi ang pagpasok ng mga unang makinang-palimbagan at ang implikasyon nito sa produksyon ng mga kahulugan. Dahil sa mga prayle ang may hawak ng mga makina, natural na hindi sila maglalabas ng mga babasahing tutuligsa sa kanilang mga pamamalakad. Noong naitayo ang mga unang pampublikong paaralan, nagkaroon ng mga textbuk na siyang naglaman ng mga “lehitimong” anyo ng panitikan,

23

kasabay ng pagtatayo ng ilan pang mga “lehitimong” espasyo, tulad ng unang closed theater system, kung saan lahat ng ipinapalabas sa loob ang siyang “lehitimo” at “tunay” na teatro. Lahat ng mga nasa labas ng pahina at espasyong ito ay hindi na tinitingnan bilang panitikan. Kaya naman ang mga pre-kolonyal na anyo ng malikhaing

pamamahayag—mga anyong oral, walang konsepto ng paglalagay ng sariling pangalan o tatak sa anumang akdang naisasagawa, nagbabagu-bago at may luwag sa pagdaragdag at pagbabawas, at bahagi ng araw-araw na pamumuhay—ay napalitan ng mga tekstong ang mga pangunahing layunin ay isulong ang kaluwalhatian ng kanilang mga pananakop (Fernandez, 1996). Sa loob ng matagal na panahon, naihiwalay sa araw-araw na

pagdanas ang panitikan at ito’y nagbago patungo sa isang disiplinang required upang magkamit ng mga kasanayang magbibigay ng mga administratibong posisyon, kasabay pa ng pagtuturo ng mga kaalamang nagsisilbi sa mga kolonisadorxi. Ang ganitong

oryentasyon din ang posibleng dahilan kung bakit may pananamlay ng interes sa panitikan, partikular na sa pagbabasa ng mga akdang nakalagay sa libroxii.

Ang hypertext din ang pinakarurok ng tinatawag ni Jenkins na participatory culture (2008). Sa kulturang pinangungunahan ng isang interaktibong anyo, may

pagbibigay-diin sa halaga ng tagatanggap bilang tagalikha rin. Hindi na lamang simpleng tagapanood o tagabasa ang odyens, may kalayaan siyang bumuo ng kanyang sariling mga pagpapakahulugan. Makikita ito sa pagsasagawa ng nitpicking (Jenkins, 2007), isang gawaing tinalakay din ni Jenkins sa kanyang Weblog, na tumutukoy sa mga pagkakataong hinihimay ng tagapanood ang kanyang palabas dahil sa nakukulangan siya

24

o nasosobrahan dito. Halimbawa'y ang paghihimay sa mga palabas na remake tulad ng Marimar (Bernal, 2007) at Zaido (Zapata, 2007). Ang mga nakapanood ng orihinal na palabas ay may mga detalyeng makikita o hindi makikita sa remake at mahuhusgahan nila ang pagiging maganda o pangit na palabas base rito. Ilan pang bakas ng

partisipatoryong kulturang ito ay ang pagkakaroon ng mga palabas na umaasa sa textvoting, ang mga babasahing tulad ng Choose Your Own Adventure (Bantam Dell Publishing Group, 1979-1998 )xiii, at mga programang alam na may nanonood sa kanila't “nakikipag-usap” pa sa mga tagapanood (tulad ng mga pambatang palabas na Dora the Explorer at Blue's Cluesxiv).

Makikita rin ang impluwensya ng sistemang hypertext sa kung paano binubuo ang isang palabas. Ang dating mga maiksing bilang ng episodo sa isang serye ay mapapalitan ng daan-daang episodong tila walang katapusan, tulad ng mga Anime na Naruto (Date, 2002) at Bleach (Abe, 2004). Gumagawa ng paraan ang mga manunulat at producer na dumisenyo ng palabas na may dinamikong cast, pwedeng palit-palitan ang artista nang hindi nagbabago ang daloy ng kuwento, halimbawa'y ang seryeng Lost (Bender, 2004), kung saan ang premise ay may eroplanong bumagsak sa isla at ang mga bida'y ang mga nakaligtas sa bumagsak na eroplano, kaya kahit may mawalang artista ay maaaring magpasok ng bago at sabihing isa pa ito sa pasaherong hindi agad nakita; presinto naman ang tagpo ng seryeng Oz (Fontana, 1997), kaya napakadaling magpasok at mag-alis ng mga artista dahil sa kalikasan ng institusyong ginawang paksa. Sa lokal na palabas, mapapansin ang pagpasok ng mga production number na mahabang-mahaba at tila hindi

25

natatapos—sikat na sikat para sa ganitong katangian ang mga programang SOP (1997)xv at ang ASAP (Manahan, 1995)xvi. At matagal-tagal na rin namang natatalakay ang pagusbong ng napakaraming mga bagay na mabilisan at “instant”—mga mabilisang pantawid-gutom, mga mabilisang micro-vacationxvii, mga instant salon na hindi na kailangan pang maligo ni maghugas ng buhok, at iba pang mga katulad na produkto.

Posibleng kainggitan ang hypertextual medium dahil sa taglay nitong katangiang borderless. Ngunit kung totoong malaya ito, bakit lumabas noong Setyembre 2007 ang balita tungkol sa pagpapahuli sa Web Master ng Website na boybastos.com (Eder, 2007), isang online forum ng mga taong mahilig sa mga biro at usapang sex? At bakit, sa pagtatatak sa hypertext bilang object-oriented, bakit tinatadtad ng pop-up advertisements ang ginagamit na Web browser? Bakit pinupuno ng Spam messages ang ating mga Email account? Kung talagang malayang-malaya, bakit may ilang mga online dating service tulad ng FilipinoFriendFinder.com (Various Inc., 1996) na nagbibigay ng mga espesyal na pribilehiyo sa mga taong may sapat na pambayad para sa Gold at Silver membership, samantalang pinipigilan namang pumasok sa ilang chatrooms ang mga kasaping nasa free membership lamang? Maraming pagkakataon na ring nag-click ang isang Internet User sa isang hyperlink at dinala siya sa isang window na may mensaheng “the page cannot be displayed,” isang teknikal na pagtatapos ng “walang katapusang” metadokumento. Ang mga anomalyang ito'y kumukuwestiyon sa teknikal na integridad ng isang hypertextual medium, na magdudulot ng duda sa mga kultural na implikasyon nito.

26

HYPERTEXT, CYBERPUNK, PAGSUSULAT

Sa librong A History of Webcomics (Campbell, 2006), tinalakay ang pagpasok ng comics na ina-upload sa Internet bilang mga anyong tumutugon sa limitasyon sa pagpapalimbag ng comics na print-based. Dahil sa hypertextual na kalikasan ng Internet, nakagamit ng multimedia elements ang maraming Webcomics upang bigyan ng boses ang mga isyung hindi napapansin daw sa mainstream media. Paborito nilang paksa ang pagtuligsa sa patriyarkiya at sexismo, buhay computer-geek, at pagkalaban sa komersyalisasyon ng mga espasyo ng pamamahayag at muling pang-aagaw ng mga elitistang grupo sa espasyo ng Internet, isang espasyong dapat sana'y libre para sa lahat. Nasa ibaba ang unang isyu ng Nerdcore (2004):

3. Unang isyu ng Nerdcore, mula sa http://www.piratejesus.com/nerdcore/001.html

27

Ang Argon Zark (Bjordahl, 1995) naman ay nagpapahayag sa parehong sentimiyento. Sa larawan, binabagtas ni Argon at ng kanyang kapareha ang mundo ng Cyberspace, kung saan pinupuna niya ang dami ng mga profit-oriented Website:

4. Panel # 60 ng Argon Zark, mula sa http://www.zark.com/pages2/az60.html

Sa artikulong Cyberpunk (Elmer-DeWitt, 1997), hinimay ang terminong Cyberpunk mula sa pagiging terminong ginagamit bilang pantukoy sa grupo ng 1980's Science Fiction writers, papunta sa grupo ng mga taong may kaalaman at kamalayan sa hypertext, at naglalayong gamitin ang potensyal nito patungo sa pagsasalibre ng impormasyon para sa nakararami. Kasama rin sa prinsipyo ng Cyberpunk ang

28

pagsusulong ng desentralisasyon, pagtatangkang lubusin ang anumang nakahaing teknolohiya sa pagpapalaya, at ang patuloy na pag-aaral at pag-iimbestiga sa mga bagong anyo at kaalaman upang manatiling mga makabuluhang elemento ng pagbabago sa mga sistemang may pagkiling sa kakaunting grupo ng tao lamang.

Nakatutuwang sa gitna ng pag-usbong ng maraming identidad, ng kawalan ng mga harang, ng posibilidad sa makaindibidwal at paloob na klase ng pag-iisip, may pagasa sa hypertextual medium, kung handa lamang ang gumagamit na magtakda ng mga layuning bagaman ituturing bilang kahon din ay kahong may linyang nakadirekta sa interes ng nakararami. Dito na pumapasok ang pagsingit ng mga paksang may

kaugnayan sa mga panlipunang tunggalian. Isa itong malaking hamon, lalo pa't ang mismong anyong ginagalawan ay nagtatalo sa mga puwersang kolektibo at pangindibidwal, at ang taong gumagamit ng hypertextual na anyong ito'y posibleng mahati rin sa mga puwersang personal at pulitikal, akademiko, popular at anti-popular.

Noong una kong nadiskubre ang mga pag-aaral sa hypertext at naipagkabit-kabit ito sa kultura ng pagpapalimbag, ng pagbabasa't pagtangkilik sa panitikan, parang may malaking bombilyang nagsindi sa aking tuktok. “Oo nga ano! Totoo nga!” Parang ganito ang nasabi ko sa aking sarili. Parang ang hypertext-based na anyo ang magbabalik sa malaya at mapagpalayang oral na tradisyong posibleng nasasagilid na sa kasalukuyan. Hindi ko minasama ang pagiging dayuhang anyo nito, lalo pa't nadiskubre kong sa kasaysayan natin ay marami ang gumamit ng dayuhang anyo ng pamamahayag upang

29

maglabas ng mga makabayang sentimiyento. Naaalala ko ang unang pagbabasa ko ng Dasalan at Tocsohan (Del Pilar, 1888), isang mapang-uyam na paglalaro sa konsepto ng dasal ng Espanyol, na itinago bilang mga maliit na prayer book/ pamphlet (Agoncillo at Guerrero, 1977); naaalala ko si Balagtas, at kung paano niya binago sa Florante at Laura (1838) ang mga romantikong kumbensyon ng anyong pinaghalawan, partikular ang pagiging kaibigan ng mga Morong sina Aladin at Flerida kina Laura at Florante, at ang hindi nila pagpapabinyag bilang Katolikoxviii; si Rizal din, na ipinamalas ang kanyang mga pagmumunimuni sa papel ng intelehensiya at ng armadong pakikibaka sa mga nobelang Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891), mga nobelang hindi naman sa Filipino unang naisulat pero hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ang mga panlipunang bigat at implikasyon; ang buhay ng mga manggagawa at rebelde sa mga akda sa wikang Ingles ni Manuel Arguilla (1940), na nagsimula muna sa mga kuwentong pinagbibidahan ng mga dalagang may malalaking suso. May puwang ang ating

kasaysayan sa paggamit ng dayuhang anyo bilang subersyon, ano't maiiba ang hypertextual na anyo?

Nirekomenda ng kaibigang si Adam David, isang manunulat na nageeksperimento sa mga hypertextual na pag-akda at iba pang alternatibong pagkatha (2006) ang aklat na Hamlet on the Holodeck ni Janet H. Murray, at tinalakay sa aklat ang posibilidad ng integrasyon ng panitikan at agham sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga pasulat na teksto sa mga anyong hypertextual tulad ng hypertext fiction at games (1997). Kasabay nito’y “ipinabasa” niya ang nalikhang mga naratibong nakalapat sa hypertextual

30

medium, ang Project Crumbs (David at Endaya, 2002).

Ang marami sa naratibo’y

tumatalakay sa buhay ng tagalungsod at hyperlinked ang halos lahat ng entries. Kaya kapag binasa, parang walang katapusan dahil sa patuloy itong nag-uugnay sa iba pang mga kuwento. Parang isang buhay na halimbawa ng intertextuality ang mga naratibong ito.

5. Detail ng Magnetic Prose Section ng Project Crumbs, mula sa http://indira.exultrade.com/crumbs/version1.0/magnets/index.htm

31

6. Detail ng Magnetic Prose Section ng Project Crumbs, mula sa http://indira.exultrade.com/crumbs/version1.0/magnets/index.htm

Ang window na nasa itaas (unang larawan) ay binubuo ng mga maliit na pangungusap, na pag na-click ay magbubukas sa mga maliit na kuwento (ikalawang larawan). kuwento. Maaari ring galawin ang mga pangungusap upang makabuo ng sariling

Naiisip ko ang mga kuwentong print-based na nabasa ko at naiisip kong may impluwensya ito ng panahong lubog sa hypertext. Kung hindi man, may potensyal silang maimapa sa mga anyong may kaugnayan dito. Magandang gamitin ang talinghaga ng pagbasa ng isang hard disk o optical drive upang maakses ang anumang klase ng

32

impormasyon—binabasa ngunit hindi direktang nahahawakan, konektado na hindi, may ugnayan kahit hindi pisikal.

Ganito ang ilan sa mga non-linear na nobelang tulad ng Mr. Palomar (Calvino, 1983) at Castle of Crossed Destinies (Calvino, 1977). Sa Mr. Palomar, tinatangkang bilangin, gawing tiyak, napanghahawakan o isakonkreto ng bida ang mga bagay na mahirap panghawakan o hindi binibilang ng “karaniwang” tao: dami ng alon, damo o buhangin; ang harang ng pagiging lalaki o babae; ang halaga ng buhay. Sa Castle of Crossed Destinies, nagkita-kita sa isang palasyo ang iba't ibang tauhan mula sa iba't ibang sulok ng mundo. Nawala ng kakayahan ang mga tauhang magsalita, habang ang isang tagapagsalaysay na may hawak na tarot cards ang humahabi ng kanilang mga kuwentong-buhay mula sa pagbibigay ng kahulugan sa inilalatag na mga baraha.

Sa maikling kuwentong Rashomon (Akutagawa, 1915), nabubuhay ang mga tauhang may kanya-kanyang bersyon ng katotohanan, at kanya-kanyang pagkuwestyon sa kung ano ang tinatawag na “realidad.” Hindi mahuli ang salarin sa isang pagpatay dahil sa bawat saksi ay may magkakaibang salaysay; hinagilap ng isang sundalo ang pinakamasarap na minatamis na kamote, at nang matagpuan ito sa isang nayon ay naumay siya sa dami ng matamis na pagkain; ninakawan ng isang manlalakbay ang babaeng nagnanakaw ng buhok mula sa libingan ng mga sundalo upang gawing peluka; pinatay ng taong-bayan ang isang ulilang nanggahasa at nakabuntis raw ng isang babae, pagkatapos ay madidiskubre nilang ang pinagbibintangan nila ay babae rin.

33

Sa mga kuwento ni Haruki Murakami, o sa mga kuwento niyang nabasa ko, naglalakbay ang mga tauhan sa mga mundong mahirap tantiyahin kung nasa mundo ba ng mga gising o mundo ng mga nananaginip. Mahirap mapaghiwalay ang “totoo” sa

“hindi totoo,” habang hinahanap ng mga tauhan ang solusyon sa mga hindi maipaliwanag na pagnanasang bumiyahe (Murakami, 2000), o sa di maipaliwanag na gutom, o sa paghahanap ng mga nawawalang pusa o naglalahong elepante, o sa kakaibang sakit ng damdamin sa pangungulila sa 100% perfect partner (Murakami, 1993).

Sinubok ng mga kuwentong “Mga Kuwentong Kapos” (Reyes, 1981), “Horoscope” (Guieb, 1999) at marami sa mga kuwento ni Rolando Tolentino tulad ng “Fastfood” (1999) at ng “Sa Kanto ng Annapolis at Aurora” (1993), ang aking kakayahan sa pagproseso ng mga salaysay na tagpi-tagpi, mga kuwentong parang hindi kuwento. Sa pagkatuto sa mga konseptong kaugnay ng hypertext, nae-excite akong magmapa ng mga kuwentong gaya ng kanilang mga naisulat, ilapat sa isang digital na anyo, at abangan ang reaksyon ng mga mambabasa. Sino sa labindalawang Zodiac Sign ang susundan nila? Anong depinisyon ng mga linyang Fastfood ang dapat nilang paniwalaan? Kung may pagkakataon ang tagabasang punuan ang mga patlang na iniwan sa ilang mga kuwentong nabanggit, anong bersyon ng kuwento ang kanilang isusulat?

Kapag inuulit-ulit kong basahin ang kuwentong “Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon” (Cleto, 1991), naaalala ko ang Webcomics na The Right Number (McCloud,

34

2003), naiisip kong pwede ring lapatan ng parehong estilo sa pagkukuwento ni McCloud ang kuwento ni Cleto. Maaaring gumamit ng mga panel na patuloy na nagzu-zoom in sa loob ng bawat isa upang maipakita ang pagpasok din sa “pagkabaliw” ng isang persona:

7. Screen Capture ng The Right Number ni McCloud, mula sa http://www.scottmccloud.com/comics2/trn/

Naiisip ko ang malaking potensyal ng pag-akda ng mga bagong kuwento sa panahong maraming bagong teknolohiya ang nasa aking mga kamay. Pero maraming pagbabantulot, dahil kinikilala ko hindi lamang ang kakayahan kundi ang limitasyon ng bawat kultural na tekstong tinatalakay; kinikilala ko ang mga tunggaliang panloob at panlabas na palaging tinitimbang sa pagbuo ng aking mga kuwento; kinilala ko na may mga bahagi ng konstruksyon ko bilang akademista, manunulat at Pilipino na hindi ko pa maiiwanan o maaalpasan, pero hindi masamang imbestigahan at tangkaing basagin para sa kapakanan ng artikulasyon ng mga usaping panlipunang madalas ay hindi napapaboran

35

sa terrain ng akademya, kulturang popular, sa mundo ng print at maging sa mundo ng hypertext.

PAGPAPAKA-HYPER SA ISANG LOW-TECH, PRINT-BASED NA DOMINASYON

Ihinaharap ko ang proyektong ito bilang isang personal na proyekto, at isang kahingian upang makatapos ako ng aking kursong masterado. Sa ganitong pagtingin, maraming-marami nang mahuhugot na implikasyon ang sinumang babasa rito.

Nagsasalita ako tungkol sa halaga at potensyal ng hypertext, pero sinasabi ko ring ito ang isang posibleng sanhi ng pagiging mainipin at materyalistiko ng maraming tao. Sinasabi kong makatutulong sa isang manunulat o artista ang kumawala sa mga pagkiling at pagkakahon ng isang print-based na sensibilidad, pero isinasapraktika ko ang mga impluwensya nito—paglalagay ng sariling tatak (pangalan ko) upang “mag-angkin” ng isang teksto; paghingi ng pagsang-ayon mula sa mga kasama sa akademya—mga potensyal na ahente ng paglilimita; paggamit ng mga taktika sa pagsusulat na sa malaking porsyento'y natutunan ko rin naman sa mismong institusyong kinakalaban ko.

Tinatangka kong maging mapagpalaya, magbigay ng boses sa mga sektor na hindi nabibigyan ng tinig, nang may pagkabatid na anumang teksto ang kathain ko sa ngayon, gaano man kaluwag sa usapin ng puwang at eksperimentasyon, ay magtatakda ng mga

36

harang. Masusukuban nito ang kung anuman ang kayang maabot ng aking imahinasyon, karanasan, sensibilidad. Lilitaw ang aking mga pagkukulang, ang aking mga pagkahilaw, ang aking mga hindi naiintindihan. Gusto kong maging malaya ang tagabasa sa

pagbibigay ng kanilang mga nais na kathaing kahulugan, pero ayokong umabot sa puntong magmumukhang pinapabayaan ko na rin ang aking responsibilidad bilang tagakatha ng kahulugan. Gusto kong maniwala at hindi maniwala sa aking sinasabi ang aking mga mambabasa. Gusto kong magsulat sila ng sarili nilang mga kuwento, kahit na alam kong baka mainis o mainggit ako sa mga tekstong kakathain nila. Gusto kong matalinuhan sa akin ang mambabasa, pero kasabay nito ay ayoko ring magmukhang sobrang nagmamatalino.

Siguro, ang mga nag-aangkla sa akin upang ipagpatuloy ang proyektong ito, sa gitna ng pagtatalo ng aking mga iba't ibang persona't impluwensya, ay ang pinakadalisay na pagnanasang kumatha. Ang paniniwala na may magagawa ang mga ideya, sa gitna ng napakaraming nailuluwal na mga bagong ahente ng pamamahayag. Naniniwala akong habang tinitimbang natin ang pinakaangkop na paraan ng pagsasaboses ng mga isyung panlipunan, patuloy na umaandar ang panahon. Hindi maghihintay sa atin ang mga suliranin ng bansa, ng ating mga kababayan, patuloy silang aandar kahit hindi tayo kumatha. Ayokong lumipas ang panahon at mapagbintangang hindi ko ginamit ang mga armas na kaya kong gamitin upang magtangkang magbigay ng boses, upang magtangkang magpasok ng pagbabago sa mga sistemang natimbang ko bilang mapanupil.

37

Nagkakaroon na ba ng paradigm shift mula nakalimbag patungong hypertextual? Posible. Dapat bang ibasura ang naunang anyo sa pagpasok ng bago? Hindi sa lahat ng oras. Bakit hindi hanapin ang balanse? Bakit hindi subukang gamitin kung ano ang tinataya bilang pinakaangkop? Siguro'y dito magandang tapusin ang mga pagbabantulot, sa pagkilala at pagdiin na may magagawa ang ating pagsusulat, at bahagi ito ng napakaraming mga pagkilos. Sinisikap at sisikapin kong hanapin ang pinakaepektibong paraan ng pagkatha, habang ipinagpapatuloy ang mga gawaing itinuturing ko bilang mapagpalaya, mapa-geek, estudyante, o guro man ako. Pipilitin kong maging hindi makasarili kahit gumagalaw ako sa mga espasyong ito ang ituturo bilang pinakamadaling lusot.

ANG MGA HYPER-KUWENTO

Ano ang pinakapositibong disposisyon sa pagbabalanse ng print-based at hypertext-based na mga kaalaman?

Nasa mga titik, sa mga “mabagal” na salita, narito ang pinakamalaking paglalaan ng espasyo para sa sariling paghihiraya, sa pag-extend ng sarili papunta sa teksto. Ang hypertextual, bagaman posibleng umaandar sa paglulusaw ng napakaraming mga kinikilalang harang, ay isang sistemang may mga butas din, may mga harang at kahon. Maaari, sa pagtatangkang batakin ang pasulat na teksto, sa pagiging malay sa mga

38

katangian at limitasyong taglay ng mga kaakibat nitong popular na midyum, maaaring makagawa ng balanseng naratibo. Naiintindihan ng naratibong ito ang pangangailangang sumabay at umayon sa mga kultural na implikasyon ng teknolohiya; ito'y mabusisi, sabay na nag-iimbestiga sa dinamiks ng anyo at nilalaman, handang sumailalim sa mga eksperimentasyon hanggang sa makuha ang pinakaangkop na paraan ng pamamahayag; naniniwala ito sa pagbibigay-tinig sa mga sektor na nasasagilid, at sa pagbabalik ng anumang umiiral na teknolohiya sa masa; may espesyal na paghahanap sa “bago,” ngunit may konsepto pa rin ng pagbabalik-tanaw; tatangkain nitong baliktarin ang

indibidwalistikong konsepto ng identidad at magtuturo ito ng pagmamapa ng sarili sa lipunan, kahit pa nasa isang kasalukuyang batbat ng paghihiwa-hiwalay at pagkalusaw; sapat ang pagbatak sa potensyal nito, na sa panahong kailanganin itong ilapat sa anumang bagong teknolohikal na sisidlan, nakamit na nito ang pinakamataas na antas ng kakayahang transpormatibo. Ganito ang antolohiya ng Hyper-kuwento na nais kong kathain.

Kakatawanin ng koleksyon ang mga imbestigasyon sa pinakilalang bagong sistema ng pamamahayag, kasama na ang mga personal na duda at pagdadalawang-isip tungkol sa saysay at implikasyon nito sa pagkatha ng isang lipunang Pilipino. Pangkalahatang layunin ng proyekto ang makabuo ng mga naratibong (kuwento, akda, istorya, o anumang tawag) sumusuri at tumatalakay sa isang lipunang Pilipinong nakalubog sa mundo ng hypertext. Bilang pangkalahatang framework na susundan ng mga naratibo sa koleksyon, tutugon ang proyekto sa mga anak-anakang layunin tulad ng:

39

1.

pagbibigay ng pamilyaridad sa mambabasa tungkol sa konsepto ng hypertext at mga implikasyon nito;

2.

makapaghandog ng isang makatwirang interpretasyon ng kung paano pinoproseso ng isang Pilipinong tauhan ang mga implikasyong nabanggit (ano nga bang mga pagbabago ang nararanasan ng isang Pilipino sa pagkakaroon ng updates sa usapin ng teknolohiya? naaapektuhan at sino ang hindi?); Sino ba ang

3.

sa abot ng makakaya, sa halos lahat ng paiba-ibang aspekto, makabuo ng mga naratibong taglay ang katangian ng isang hypertext system—accessible, mabilis/ madali, masaklaw, interaktibo, nakikipag-ugnay sa ibang media at sining, atbp., o/ at masuri ang mga katangiang ito;

4.

dahil sa nagpapakilala ng bagong paradigm, dapat ay makapagpakilala rin ng mga “bagong” kuwento;

5.

mabalanse ang mga “bagong” elemento sa mga gagamiting “lumang” elemento (kung mayroon man, at mukhang mayroon nga);

6.

makabuo ng mga tekstong may pag-uugat sa lipunang Pilipino hindi lamang ng kasalukuyan kundi ng nakaraan at ng posibleng hinaharap;

7.

magkaroon ng mga naratibong may kamalayang panlipunan pa rin (muli, malaki ang posibilidad na mayroon naman, binibigyan lamang ng diin);

8.

maituring ang mga naratibo bilang mga kuwentong naiintindihan, napapahalagahan at naiuugnay ng mambabasa sa sarili niyang danas (pagdidiin lamang uli ng ilang mga nabanggit na layunin, pagpapakita

40

lamang ng personal na ambisyon ng manunulat-mananaliksik—na bagaman tadtad sa teorya ang pagpapakilala’y huwag sanang maging kawangis ang eksekusyon, ang mismong mga kuwento); 9. gamitin bilang mga instrumento ang mga anyong partikular sa isang hypertext-based system (blog memes, blogs, drabble makers, fan fiction, games, atbp.); 10. masiyasat ang mga pagbabago sa kultura at ideyolohiya sa pagpapasok ng teknolohiyang naka-target sa paglusaw ng mga umiiral na nosyon ng

istruktura at (posible ring) kaayusan.

Ang mga layuning nabanggit ay isasalin sa koleksyon ng mga naratibo na mahahati sa tatlong bahagi: I. II. III. Ako ang Daigdig Aca-Fan/ Panatiko-Intelektuwal Transtextual

Ako ang Daigdig. Sa bahaging ito tinipon ang mga kuwentong-buhay ng iba't ibang mga tao. Ang mga kuwentong buhay na ito'y maiiksi, 100-300 salita, at sumasagot sa tatlong tanong: 1. Sino ka; 2. Sino/ kanino ka nakaugnay/ nakikiugnay; 3. Sa anong mundo ka umiiral.

41

Nagsilbing inspirasyon ang tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro Abadilla (1955) sa pagtipon ng mga kuwentong-buhay na ito. Gusto kong muling idiin ang sentimiyento ng pinaghugutang tula—na ang tao'y bahagi ng daigdig, at ang daigdig ay bahagi ng taong nagluluwal ng mga teksto. Kasabay nito, gusto kong ibalik ang

pakiramdam ng komunidad sa espasyo ng thesis na ito, kaya naman pati espasyo ng pagkatha ay ilalaan sa mga taong maaabot ng kampanya (sinimulan ang panawagan sa pamamagitan ng E-mail lamang). Ibig sabihin, sa mismong anyo’y ipapakita sa bahagi ito ng thesis na ang pagkatha’y maaaring tingnan bilang pag-aalis-pagbabalik-pagsisirapagbubuo ng mga sentro, na nagtatalo ang iba’t ibang mga salaysay na isinisiksik natin sa ating mga papel bilang mga tula, kuwento, o anumang klase ng akda. Hindi lilinawin kung kathang-isip o base sa aktuwal na karanasan ang mga ibinigay na salaysay. Hindi rin ibibigay ang tunay na pangalan ng nag-ambag, maliban kung isinulat nila ito. Habang may kakayahang tumayo nang mag-isa ang mga salaysay na ito, ginamit ko rin ang karamihan dito bilang inspirasyon sa iba pang mga bahagi ng proyekto.

Ilalapat ang bahaging ito sa anyong digital, tulad ng iba pang mga kuwento. Magkakaroon siya ng espesyal na interface kung saan ang bawat kuwentong-buhay ay sumusulpot sa isang random na sequence. Random, upang lalong mailarawan sa mas lantad na paraan ang pagiging sala-salabat ng ating mga kanya-kanyang salaysay, kasabay ng pag-iiba-iba ng antas ng halaga o prayoridad sa mga salaysay na ito. Magkakaroon din ng espasyo ang tagabasa na mag-ambag ng sariling kuwentong-buhay. Inaasahang magiging dire-diretso ang pagdaragdag ng mga kuwento, na siyang

42

mangangahulugang pagdagdag din ng mga akda sa iba pang bahagi ng thesis. Mabubuhay ang mga salaysay na ito nang lampas pa sa mga kuwentong-buhay na maikukulong sa mga papel ng thesis na ito.

Aca-Fan/ Panatiko-Intelektuwal.

Fan Fiction naman ang inspirasyon at

instrumento sa bahaging ito. Mga naratibong hinugot mula sa mga umiiral nang popular na teksto. Isa itong mahusay na paglalapat ng konsepto ng Aca-Fan na nabanggit sa unang bahagi, isang manipestasyon ng tekstong nagsimula bilang mga bagay-bagay na nagdulot ng anumang espesyal na bigat sa karanasan ng isang tao—posibleng dahil sa ito ang kinalikahang paboritong libro, o palabas sa TV, o kantang pinapakinggan sa radyo— at nang umabot sa yugto ng pag-aaral ay nadiskubreng may potensyal pa ang mga tekstong ito para sa mga akademikong (at posible ring panlipunang) pagsusuri at diskusyon.

Parang espadang may magkabilang patalim ang ganitong anyo.

Dahil sa

paghugot sa mga elementong kilala na at nakasanayan ng maraming tao, may malaking potensyal na dumami ang tagabasa ng kuwento. Halimbawa, kung magsusulat ang

sinumang manunulat ng mga tula o kuwentong base sa mga kanta ng bandang Eraserheadsxix, may malaking potensyal na basahin ito ng mga taong lumaki sa panahong naging sikat ang bandang ito. May posibilidad na mabasag na ng mga akdang nakabase sa nabanggit na pop icon ang inisyal na harang na nararanasan ng mga manunulat—ang harang ng paghatak sa mailap na atensyon ng kanyang mambabasa. Sa kabilang banda,

43

dahil nga sa hinugot sa mga popular na anyo, maaaring tingnan ito bilang kawalan ng orihinalidad—isang katangiang hinahanap kapag nagwo-workshop ng mga malikhaing akda. Kapag hindi nakagawa ng isang piyesang orihinal, mas malaki ang posibilidad na tingnan ang piyesa bilang “pangit,” “mababa,” o “latak.”

Ngayon, bakit tatahakin ang isang anyong naglalaro sa linya ng pagiging nakaaaliw at pagiging di-orihinal? Sapagkat para sa akin at sa iba pang nag-aaral ng anyong ito, may potensyal ng pagpapalaya ang fan fiction. Umiigpaw ito sa parehong pampanitikan at popular na canon: hindi ito sumusunod sa itinatakdang pamantayan ng producers sa usapin ng nililikhang panahon, tauhan, problematisasyon, at resolusyon para sa mga tagatangkilik ng nililikhang palabas. Ibig sabihin, maaaring lumikha ng mga bagong timeline, sitwasyon, at relasyon ang mga dating tagapanood lamang ng palabas. Binabasag ang inisyal na pagtingin sa fans ng isang popular na palabas bilang isang tatanga-tangang tagatanggap lamang, mga nilalang na walang ibang kayang gawin kundi ang kainin ang anumang ipinakakain sa kanila ng mga higanteng korporasyon ng mass media (Jenkins 1992)xx.

Samantala, lumalabas ang fan fiction sa mga naitakdang pamantayan ng “literariness” sa akademya. Inherent sa anyong ito ang pagtunggali, ang “resistance,” dahil na rin sa ang premise ng anyong ito’y paglusong sa mga posibilidad na hindinghindi lulusungin ng mga tagapaglikha ng mga popular na palabas na ito, dahil sa ilang mga “mas mahalagang konsiderasyon,” tulad ng pagbawi ng puhunan sa pamamagitan ng

44

paggamit ng mga nakapormula nang tauhan at plot points.

Pinakamatingkad ang

pagtunggali sa pagsasagawa ng mga relasyon ng iba’t ibang mga bidang tauhan. Sa iba’t ibang fansites at discussion boards sa Internet, ibinabahagi ang mga titik at larawan ng mga heterosexual na bidang tauhan, mga tauhang may taglay na kakaibang pisikal na lakas at kagila-gilalas na makaligtas-mundong kapangyarihan, na nasa magkakaibang antas ng relasyong homosexual. At kung susuriin ito sa espasyo ng akademya, maaari itong basahin bilang isang anyo ng pagbaligtad sa mga nakasanayang kahulugan, ang pagpapakilala na may espasyo sa ating kamalayan ang mga tauhang may kahangahangang lakas at mga katangian, at kasabay nito’y kinikilala ang sarili bilang bahagi ng isang sexual orientation o preference na mas madalas tinitingnan bilang “mahina,” “katawa-tawa” o “mali.”

Nilapatan ng reimbensyon ang fan fiction sa thesis na ito. Mula sa mas madalas na taktikang ginagamit sa paghabi ng ganitong genre—ang pagkukuwento ng mga salaysay ng romansa at pakikipagtalik sa pagitan ng mga popular na tauhan, ipinasok sa thesis na ito ang mga kuwentong nasa antas ng pagtalakay sa mga usaping hindi lamang sakop ng sexualidad, kundi ng mga tunggalian ng uri at usaping panlahi. Na, kung paniniwalaan ang konsepto ng Aca-Fan, ay may malaking posibilidad lalo na sa ginamit na batis—ang ilang sikat na Anime series na pumapaksa sa mga isyu ng korupsyon, gera, pananakop, pag-unlad laban sa pag-atras, at walang kamatayang pag-asa sa gitna ng mga napakalaking balakid.

45

Pinili bilang mga panimulang materyal ang mga sikat na Anime series na Card Captor Sakura (Asaka, 1998), kung saan halos lahat ng anim na salitang kuwento'y hinugot mula sa mga isinumiteng kuwentong-buhay sa “Ako ang Daigdig,” ang unang bahagi ng thesis; B'T X (Hamatsu, 1996), at pinaglaruan naman ang relasyon ng imahen ng tao sa imahen ng makina; Full Metal Alchemist (Mizushima, 2003), na ipinasok sa konteksto ng pulitika sa loob ng isang akademikong institusyon; Magic Knight Rayearth (Hirano, 1994), ang hindi nababanggit na tunggalian ng sex, kasarian at seksuwalidad; at Yu Yu Hakusho (Abe, 1992), na pinagbasehan ng huling kuwento sa bahaging ito ng koleksyon. Naniniwala akong ikatutuwa ng mga mambabasa ang pagbibigay-pugay sa mga sikat na palabas na nabanggit, at umaasa akong makatutulong ang paglalapat ng salik ng “aliw” na ito sa pagproseso ng mga pamilyar na (minsan ay itatrato na bilang palasak) na hinaing ng lipunang Pilipino.

Ang aking kuwentong “Pulang Rosas para kay Dennis,” bukod sa paggamit sa tauhang si Dennis/Kurama mula sa seryeng Yu Yu Hakusho (Abe, 1992), ay naglapat ng mga taktika sa pagkukuwentong nakuha mula sa lumang akdang Red Roses for Rebo (Guerrero, 1987). Ito'y isang akdang may espesyal na halagang malikhain, sentimental at pulitikal sa akin, at una itong naipakilala sa pag-sit in ko sa MP 110 class ni Prop. Reuel Aguila noong 2001.

Transtextual.

Bukod sa Aca-Fan at Participatory Culture, ginagamit din ni

Henry Jenkins ang terminong transmedia (2007). Pumapatungkol ito sa mga naratibong

46

tumatalon mula sa isang platform patungo sa iba pa.

Hindi lamang ito simpleng

adaptasyon ng istorya kundi pagpapatuloy ng mga salaysay na napipigilan o hindi naisalaysay sa naunang sisidlan nito.

Sa tulong ng mga digital na likhang-sining ni Piya Constantino, at sa paglalapat ng mga grapikong elemento’t mga titik sa anyong flash-based sa tulong naman ni Om Narayan Velasco, magiging mas malinaw sa tagabasa ng koleksyong ito ang direksyong nais nitong tahakin. Habang kinukuwestyon din mismo ng koleksyon ang limitasyon ng masyadong lantad na multimedia presentation, tinatangka pa rin nitong ilatag ang mga limitasyong ito sa midyum na mismong sinusuri (at minsan ay tinutuligsa rin) ng proyekto. Dito lulubus-lubusin ang paghaharap sa mga positibo at negatibong kakayahan ng isang interactive, hypertextual na anyo.

Binabasag ng ilan sa mga kuwentong ito ang mga harang ng linearity—isang manipestasyon ng pagkakaroon ng mga harang at hirarkiya—habang idinidiin pa rin ang pagnanais ng isang nilalang na magkaroon ng koneksyon o saysay sa mundong ginagalawan niya. May mga naratibong parang hindi naratibo, mas umaandar sa

pagpapakita ng mga imahen, sa paghihimay ng mga eksena, sa paglalaro sa mga anyo patungo sa imbestigasyon ng mga “ibig sabihin.” Ang kuwentong “Sa Kanto ng

Makabud at Mangga, may Eskuwela,” halimbawa, ay umaandar sa mga tauhang parang magkakahiwalay kahit na pinagtatahi-tahi naman ng kani-kanilang mga bersyon ng katotohanan, katotohanang pinalalabo o pinalilinaw ng libog; ang “Lunes, Alas-diyes ng

47

Umaga” at ang “Abot-talampakan ang mga Bituin sa Cagbalete” naman ay may magkaibang atake sa pagsusuri ng parehong usapin—ang isyu ng relasyon ng tao sa kanyang mundong batbat ng teknolohiya, at ang epekto ng unti-unting pagkawala ng control dito; mambubugbog sa napakaraming mga popular na imahen ang “Patayin sa Indak si Anastasha” habang ikinukuwento ang kuwento ng romansang hinaluan ng isang karaniwang science-fiction plot—ang pagsakop ng alien body snatchers—at paghahalong muli nito sa kontraktuwalisasyon at kawalan ng identidad; tinatangka namang pageksperimentuhan ng mga maiiksing salaysay sa “Maiksi ang Aking Pasensya” ang potensyal ng paghihimay ng iba’t ibang katotohanan sa pagkatha, sa interpretasyon, sa pagsasapraktika.

Malay ang mga naratibong ito sa mga kakayahan at limitasyon ng mga umiiral na anyo ng pagkukuwento, malay sa halaga at di-pagpapahalaga sa anyo ng pagsusulat mismo, kumukuwestyon ito sa mga kinikilalang bakas ng pagiging normal, maayos, karaniwan. Ito'y mga kuwentong magkakaroon ng ibang timpla sa paglapat sa kanilang hypertextual na pagpapatuloy.

ANG TAO AT ANG MEMORYA

May bago akong kinahuhumalingang palabas, ang Kyle XY (2006). Si Kyle ay isang taong genetically-engineered, at sa loob ng labing-anim na taon ay pinalaki siya sa

48

isang mala-bath tub na sisidlan. Dahil sa matagal na gestation period, naging lubos ang paglaki at paggana ng kanyang utak. Nakagagawa siya ng mga superhuman na gawain tulad ng pagtalon mula sa mataas na mga gusali, pagpasok sa nag-aapoy na bahay, pagbubuhat ng mga sementong sampung beses na mas mabigat sa kanya, bukod pa sa paglutas ng mga pinakakumplikadong mathematical problem. Ginawa si Kyle upang magamit ang kanyang utak bilang isang supercomputer.

Higit sa ano pang abilidad na taglay ng bidang ito, pinakainteresante ang kapasidad ng kanyang memorya. Lagpas pa sa pinakamalaking hard disk ang kanyang kakayahang magtago at magbalik-tanaw sa impormasyong tumatak sa nakalipas. Sa loob ng ilang segundo, gamit ang kanyang holographic memory ability, nagagawa ni Kyle na mamasyal sa mga bakas ng alaalang humulma sa kanyang kasalukuyan.

Ganito ang aking nakikitang direksyon ng proyektong ito.

Sa panahong

ipinapangalandakan ang walang hangganang kasalukuyan, ang panahong walang umpisa, gitna at wakas, sa panahong ang pinakamahabang nobela'y alikabok na lamang sa napakalaking elektronikong gunita, mas lalong matindi ang pangangailangang umaalala at maging bahagi ng panlipunang alaala. Ang pagmamapa ng sarili, ang pagsasatinig ng mga sektor na nilulunod ng bilis at dami ng hyper-reality immersed na mundo, dito nakasalalay ang pagiging mapagpalaya ng pag-akda sa panahon ng hypertext.

49

MGA NOTA
i ii

Yahoo Messenger, isang instant messaging application ng kompanyang Yahoo.

Ang FHM, Playboy, Chika-chika, at Playgirl ay mga babasahing gumagamit ng imahen ng sex bilang pambenta sa kanilang target audience. Ang FHM (Verlagsgruppe, 1985) at Playboy (Hefner, 1953) ay nakadirekta isang lalaking heterosexual na tagabasa, samantalang ang Chika-chika (walang tala) at Playgirl (Caldwell, 1973) ay sa heterosexual na babae o/ at sa homosexual na lalaki (na pinatutunayan ng mga eksena ng parehong lalaking nagtatalik sa anyo ng mga kuwento o larawan).

Sa katunayan, may isang punto sa kasaysayan ng produksyon ng comics/ komiks na nagbuo ng isang censorship committee—ang Comics Code Authority (CCA) sa US, at ang Comics Code ng Association of Publishers and Editors of Philippine Comics-Magazines (APEPCOM)—dahil sa ipinagpapalagay na nakasisira ng pag-iisip ng kabataan ang pagbabasa ng ganitong klase ng babasahin. Ang CCA ay may suporta ng US Senate, na nagpasulong pa ng isang malawakang pagsusunog ng comics-magazines noong 1960’s, samantalang ang APEPCOM naman ay sumusunod sa isang katolikong sensibilidad (Villegas, 2007).
iv v

iii

Nasa apendiks ng thesis ang kopya nito.

Sa sariling danas sa publikasyon, maraming mga publishing house na gumagawa ng mga popular na teksto—romansang nobela, ghost stories, chic lit, erotica, atbp.—ay nakikipag-ugnayan sa mga manunulat na nag-aaral sa akademikong institusyon; pinag-aaralan na sa mga paaralan ang mga tekstong dati’y tinatatakan bilang “pambobo o pangkatulong,” tulad ng ng mga iskolar na sina Soledad Reyes at Josephine Barrios (2001), at ang pag-aaral nila sa nobelang romansa; ang pagbuo ni Paolo Manalo ng koleksyong nakabase sa pagiging jologs, ang Jolography (2003), ang presensya ng mga kursong Game Studies sa ibang bansa, mga kursong nakatutok sa pag-aaral ng video games; ang mga koleksyong tulad ng Reading the Vampire Slayer: An Unofficial Critical Companion to Buffy and Angel, isang aklat ng mga kritika na ginawa ng mga panatiko ng mga TV series na Buffy the Vampire Slayer at Angel (Kaveney, 2001); ang pagdagdag ng mga module tungkol sa fandom, fan writing at mga kaugnay na paksa sa 2006 edition ng librong Introuction to Critical Theory and Pop Culture (Storey, 2006). Ayon din sa parehong dokumento, ang orihinal na disenyo ng World Wide Web Project ay nagsimula bilang isang network para sa eksperimentasyon ng mga eksperto sa larangan ng nuclear physics. Ang orihinal na pangalan ng network ay CERN, mula sa Conseil Europeen pour la Recherche Nucleaire, o European Council for Nuclear Reasearch. Bago naman magkaroon ng CERN, may ARPANET naman ng Advance Research Projects Agency, isang ahensya ng depensa sa US (Chapter 2 The Internet and World Wide Web).
vii vi

Unang ginamit ang terminong “global village” ni Marshall McLuhan sa kanyang mga librong The Gutenberg Galaxy” (Canada: University of Toronto Press, 1962) at Understanding Media: The Extension of Man (London: Routledge, 1964).

viii

Bagaman hindi lantarang sinasabi ang pagiging univocal ng isang nakalimbag na teksto, sa pag-aaral ng kasaysayan at popular na kultura ay makikita ang ganitong katangian, lalo kung ikukumpara sa isang hypertext-based system, na naipapaliwanag naman sa introduksyong ito. Ayon ito sa sariling danas ng pagpapalimbag, at ang presyong ito'y noong taong 2000 pa.

ix x

Hinalaw ang depinisyong ito sa panatiko at manunulat/ilustrador ng comics na si Scott McCloud (2003). Idinidiin niya sa unang bahagi ng kanyang libro na ang comics ay dapat bigyan ng kahulugan base sa anyo at hindi sa nilalaman, isang bagay na may paralelismo ang danas sa Pilipinas at Amerika. Marami mang pangalan, sa aktuwalidad ay walang pinagkaiba. Sa pagpasok ng public school system sa Pilipinas noong 1901, ipinasok sa espasyo ng paaralan ang

xi

50

pagbabasa ng mga teksto, mga tekstong batbat ng kultura at imaheng Amerikano. Ang ganitong oryentasyon sa pagpapabasa ng teksto, isang oryentasyong taglay din ng mga kolonisador na Espanyol, ang isa sa sinisisi sa pagkabura ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga katutubong anyo ng panitikan (Agoncillo at Guerrero, 1977), at posibleng dito rin maiuugat ang pagkabura ng pagiging natural at bahagi ng sariling identidad ang panitikan.
xii

Posibleng dahil ito sa institusyonalisasyon ng pagbabasa at pagsusulat ng panitikan, posible ring dahil sa mga kasabay nitong ibang mga anyo ng pamamahayag. Sa blog ni Dennis Villegas, ikinabit niya sa pagpasok ng Anime noong 1970’s ang pagbagsak ng industriya ng komiks, partikular ng Graphic Arts Services, Inc. o GASI (Villegas, 2008). Sa artikulo naman ni Aleks Krotoski, pinansin niyang bagaman may updates na sa teknolohiya ng pagkukuwento, mas naaakit pa rin ang tagabasa sa mga anyong tulad ng video games (Krotoski, 2008).

Ang librong ito’y sumikat dahil sa istrukturang non-linear nito. Maaaring pumili ang mambabasa ng mga alternatibong direksyon ng istorya depende sa kung ano ang pahina ang pipiliin niya. Sa Dora the Explorer (Chialtas, 2000), parang nakikipag-usap ang bidang si Dora sa camera/ tagapanood at nagpapatulong din siya sa iba’t ibang mga hamon tulad ng pagbibigay ng pangalan sa mga gamit sa eskuwela, paglusot sa iba’t ibang mga maze, atbp. Ganito rin ang format ng Blue’s Clues (Johnson, 1996), kung saan nagpapatulong ang taong si Steve sa mga tagapanood na malaman ang gusting gawin ng asong si Blue sa pamamagitan ng mga clue na minamarkahan ni Blue ng asul na paw print. Sa kanilang segment na Constellation of Stars, nagsisimulang kumanta ang mga senior host, pabata nang pabata hanggang sa umabot sa grupong Sugarpop, pagkatapos ay muling babalik sa mga naunang umawit para sa big finale.
xvi xvii xv xiv

xiii

Supahdance naman ang pinapalabas nila, kung saan lahat ng available na mananayaw ay ginagamit nila.

Sa artikulong Micro-vacations in a Micro-driven World (Website: Micro Vacations in a Micro-driven World), ipinagmamalaki ang pag-compress sa dating isa o dalawang buwang bakasyong ginagawa sa labas ng siyudad sa anyong hindi lalampas ng ilang araw at hindi kailangang lumabas ng siyudad o mismong tahanan.

May ekstensibong mga pagtalakay sa iba’t ibang pagbasa sa Florante at Laura, na mababasa sa aklat na Himalay (Chua at Cruz, 1988), partikular sa mga sanaysay na Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas (Santos, 1988) at Mga Tapyas ng Brilyanteng Florante at Laura (Cruz, 1988). Ito’y isang proyektong nasimulan ko na ilang taon na ang nakaraan, sa pag-uudyok ng kaibigang si Adam David, at hanggang sa ngayon ay tinatrabaho pa rin. Tinatawag ni Jenkins ang fans na may kritikal na pag-iisip at may kakayahang magbigay ng iba’t ibang interpretasyon sa mga popular na palabas na tinatangkilik nila bilang textual poachers (Jenkins, 1992).
xx xix

xviii

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful