Ang Talambuhay ni Alvin Yapan

Si Alvin B. Yapan ay kuwentista at filmmaker. Ang kanyang mga kuwento ay nagwagi na sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1997, 2002, 2003) at National Commission for Culture and the Arts (2005). Ang una niyang koleksiyon ng kuwento, ang At Nabulag ang Tagapagsalaysay ay kabilang sa Ubod New Authors Series at ang kanyang nobelang Ang Sandali ng mga Mata ay nagkamit ng National Book Award for Best Novel noong 2006. Naging fellow siya sa ika-26, -33, at -48 UP National Writers Workshop. Bilang filmmaker, ang kanyang short film, Rolyo, ay nagwagi ng best short film sa Cinemalaya at Urian Awards noong 2007. Co-director naman siya ng Huling Pasada (kasama si Paul Sta. Ana) na nagkamit ng Best Cinematography sa Cinemalaya 2008. Ang una niyang full length film na Ang Panggagahasa kay Fe ay nagwagi ng Special Jury Award sa Cinemalaya 2009 at Feature Film Gold Award sa 33rd Cairo International Film Festival (2009). Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Pamantasang Ateneo de Manila habang tinatapos ang kanyang doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas. Dalawang bahagi ang aking panayam sa email sa kanya. Ang una ay noong ika-9 at 10, at ang ikalawa ay noong ika-11 at 18 ng Pebrero 2010.

Related Interests