You are on page 1of 1

Kape Muna

By: JEIL

Pag gising sa umaga. Maghahanap ng tasa. At ako'y magtitimpla. Tayo'y magkape muna. Gising na mahal. Nakahanda ang almusal. Iyong ipagdasal. Nakahaing kape at pandesal. Masarap ang iyong ngiti. Sabay ang kiliti. Ingay ng iyong tili. Ako'y hindi mabibingi. Pagkat ako'y naeengganyo. Nasasabik ang puso. Sana palaging ganito. Buhos ng bawat umaga ko. Ang sarap gumising. Halik sa iyong singsing. Nitong mahal mong magiting. Na sa iyo lang nakatingin.
Composed: 03~16~14

You might also like