News and Public Affairs Program (00:08:00) Juan - Doppler

VOICEOVER/UPSOUND NOTES <<ANCHOR 1: DUNHILL>> <<ANCHOR 2: LALAINE>> <<REPORTER 1: ANNA>> <<REPORTER 2: DERLI>> <<OXFAM 1: ROXETTE>> <<OXFAM 2: KATE>> <<ELMER: RENCEL>> <<MONICA: NICA>> <<RAMON: DUNHILL>> <<GUS : NIKKO>> <<CALLER: JOANNE>> << FADE IN 20TH FOX CENTURY THEME SCORE>>

VO: Inihahandog po ng pinagsanib pwersang Juan at Doppler Productions ang isang Produksyon sa Audio Procedures and Cable Operations ng BC3A sa ilalim ng pagtuturo ni Romeo Rainier Balares… ANCHOR 1:Magandang Umaga po sa inyong lahat, ito ang programang naghahatid ng mga balita. Ako po si Dunhill Bernales ANCHOR 2: mga makabuluhang impormasyon na kailangan ng bawat Pilipino. Ako po si Lalaine Mercado. ANCHOR 1: Ito ang... ANCHOR 1 and 2: Balitaan Bente Kwatro Siyete… ANCHOR 1: Nagkagulo sa mahabang pila ang mga nagnanais kumuha ng emergency loan na ibinibigay ng Government Service Insurance System sa Quezon City sa mga nasalanta ng bagyong ‘Ondoy’. Alamin natin ang kaganapan doon, Nag-uulat live mula sa GSIS office, Quezon City Anna Oyong, Anna…

<<CROSSFADE TO NEWS THEME UP FOR 10 SECS AND UNDER>>

<<SCORE UP FOR 3 SECS THEN UNDER>> REPORTER 1: Yes. Dunhill nagkagulo nga ang mga aplikante ng loans dito sa tanggapan ng GSIS sa Quezon city matapos ang naturang problema sa computer system. Ayon sa GSIS ay kokolektahin na lamang umano ang mga application form at itetext na lamang ang mga aplikante sa estado ng kanilang aplikasyon. Samantala Dunhill, nagkaproblema din sa SSS at Pag-ibig Fund ukol sa dumaraming mga employers na hindi nagre-remit ng kontribusyon sa kanilang mga empleyado. Balik sayo, Dunhill… ANCHOR 1: Salamat Anna Oyong , Nag-uulat live sa Quezon City.

News and Public Affairs Program (00:08:00) Juan - Doppler
<<SCORE UP FOR 3 SECS THEN UNDER>>

REPORTER 1: Samantala sa ating Balitang Abroad, Narito si Derli Romana REPORTER 2: Yes Anna, Niyanig ng pangalawang malakas na lindol ang western Indonesia kahapon habang abala ang mga rescuers sa paghahanap ng mga survivor sa naunang naganap na lindol na may 7.6 magnitude noong Miyerkules at sinundan ng 6.8 magnitude. Pumatay ng mahigit sa 529 katao at nag-iwan ng malaking pinsala. Samantala, wala pang Pilipino na naiulat na nasawi o nasaktan sa naganap na mga lindol. ANCHOR 2: Salamat Derli… Kaugnay ng pananalasa ng bagyo ay makakausap natin ang dalawang OxFam expert kaugnay sa kritikal na isyu ng Climate Change sa pagbabalik yan ng Balitaan Bente kwatro siyete.. <<SCORING UP THEN OUT FADE IN TO GODSPELLS RADIO PLUG>> MUSIC 1 (Still by Reuben Morgan) UP FOR 5 SECS VO: You probably hear this on your church SEGUE TO MUSIC 2 (Holy is the Lord) UP FOR 8 SECS VO: But here in Radio DZJD we do play the best of Christian Contemporary music CROSSFADE TO MUSIC 3 (Shout to the Lord) UP FOR 5 SECS TO FADE OUT VO: Catch Godspells, Sundays at 9 am because His words is the best music. <<FADE IN NEWS THEME SCORE UP FOR 10 SECS. THEN UNDER>> ANCHOR 2: At nagbabalik ang Balitaan Bente kwatro Siyete ANCHOR 1: Kasama po natin live sa studio ngayong umaga ang dalawang Expert mula sa OxFam na si Kate Miguel at Roxette Nataba. Magandang Umaga po

News and Public Affairs Program (00:08:00) Juan - Doppler
OxFam1 and 2: Magandang umaga din, sa inyo Anchor 1: ahm, ms. Nataba paunahan ko na po kayo, maaari niyo bang bigyang linaw kung ano ba ang climate change? Oxfam1: ang climate change ay pagbabago-bago ng kondisyon ng ating panahon na kadalasang nagdudulot ng negatibong epekto tulad ng mahabang tag-init, mahaba at biglang tag-ulan at malakas na bagyo. Anchor 2: ang nangyayari po ba sa Pilipinas ay isang patotoo sa climate change? Oxfam2: yes, Lalaine ang mga madalas na malalakas na bagyo ay patunay nito. ANCHOR 1: oo nga po kasi itong nagdaang bagyo ay nagdulot ng matinding pagbaha at pagkasira ng mga bahay. ANCHOR 2: tama ka dunhill, maliban po sa pisikal na epekto ng climate change ano pa po ba ang mga maidudulot nito? Oxfam 1: ahm, ayon na rin sa pag-aaral ng oxfam ito ay may epekto sa ekonomiya, Oxfam 2: dito sa ating bansa, ang mga mahihirap ang higit na makakaramdam nito. Ang mga informal settlers natin na napipilitan na magpalipat-lipat ng tirahan na walang kasiguraduhan sa kaligtasan, lalo na ang mga sakit na maidudulot ng bagyo. Oxfam 1: bukod pa dun karamihan sa mga mahihirap ay di makatanggap ng sapat na tulong. ANCHOR 2: ating mga mahihirap na kababayan ang talagang maapektuhan ng climate change. Maraming salamat po. Oxfam 2: salamat din, ANCHOR 1: narinig niyo po ang mga dapat nating malaman sa climate change. Samantala, antabayanan ang SOCO team sa kanilang bagonh krimeng tinututukan magbabalik po ang Balitaan Bente Kwatro Siyete makalipas ang ilang paalala. <<FADE IN TO SMARTBRO AD UP FOR 30 secs THEN CROSSFADE TO SOCO THEME UNDER AND CROSSFADE TO DRAMATIC MUSIC>> ANCHOR 1: Nagbabalik po ang Balitaan Bente kwatro siyete, at sa ating tampok na kwentong krimen , narito si Gus Abelgas… GUS: Kamakailan lamang, unang araw ng Oktubre sumuko si

News and Public Affairs Program (00:08:00) Juan - Doppler
Elmer Salva sa salang Pagpatay sa kanyang asawa na si Monica Salva at sa kanyang kalaguyo na si Ramon Revilla. Narito ang pagsasadulang kwento ng krimen sa Scene of the Crime Operatives. Narito ang pagpapahayag ni Elmer matapos niyang sumuko… Narrator (Rencel): Nag-usap na kami dati... Ang sabi niya tinigilan niya na, hiniwalayan niya na lalaki niya, Hanggang numg isang gabi.. nahuli ko sila sa sarili naming kwarto. MONICA: Ahahhaha... Dahan dahan, ano ba? (SHIVERING) Nakikiliti ako diyan! RAMON: (MUSCULINE LAUGH) Halika muna kasi dito lalo tuloy ako nang-gigigil sayo eh... hmmmm... MONICA: (NAGULAT) Elmer? ELMER: Ang bababoy niyo! MONICA: (IN DENIAL) Nag-uusap lang kami ni Ramon, Elmer wala kaming ginagawa Nagpapaalam lang siya sa akin, RAMON: Oo Pare, totoo yon. ELMER: (GALIT) At sinong niloko mo tarantado ka! Wag mo akong mapare-pare... Dinig na dinig ko kayo sa pinto. At... Akala ko ba hiniwalayan mo na siya. Mga hayop kayo! Ang babababoy niyo! Nakakapanginig kayo ng laman! Mga animal! Narrator: Hindi na ako nakapag-pigil, kinuha ko ang baril sa aking tagiliran...(SAD AND SOBBING) Hanggang sa ayun nga po… (CRYING) Napatay ko silang dalawa. MONICA: (FRIGHTENED) Elmer, Huwag, Maawa ka... (CRYING) ELMER: (NERVOUS) Huwag pare, baka pumutok yan... GUS: Agad na sumuko ang suspek na si Ramon Revilla matapos ang nagawang krimen… aniya, inusig siya ng kanyang konsiyensya. Gayunpaman, hindi nailigtas nito si Elmer sa parusang habang buhay na pagkakabilanggo. At inyong natunghayan ang isa na namang kwento imbetsigasyon Scene of the Crime Operatives, ako po si Gus Abelgas, hanggang sa muli… ANCHOR 1: Sundan ang ilan pang kwentong krimen sa susunod na linggo, biyernes sa ganap na alas-siyete ng gabi. <<SFX: MULTIPLE GUNSHOT>>

<<FADE OUT DM MMUSIC>> <<SFX: WHISPERING, LAUGHING INSIDE THE ROOM>> <<SFX: DOOR OPEN>>

News and Public Affairs Program (00:08:00) Juan - Doppler

ANCHOR 2: Sa pagbabalik ng Balitaan Bente Kwatro Siyete… Abangan ang Boses ng Masa. <<AIRPLAY UP FOR 1 MINUTE TO OUT>> << SEGUE TO LIVELY MUSIC SCORE UP AND UNDER>> ANCHOR 1: Ito na po ang Boses ng Masa kung saan ang bida ay boses ng bawat Pilipino. Ang ating poll question para sa araw na ito ay … ANCHOR 2: kung satisfied ka ba sa naging action ng gobyerno nitong nagdaang pananalasa ng bagyong Ondoy at Pepeng? Anchor 1: ano kaya ang masasabi ng ating caller mula sa mandaluyong na si Joanne Agbuya. Hello po. Caller: magandang umaga po. Anchor 2: kumusta ka na? Hindi ka ba binaha? Caller: okay naman po, hindi pa naman po ganoon kalaki ung pinsala. Thank God po at okay po kami. Anchor 1: okay joanne ano ba masasabi mo sa ating poll question kung satisfied ka ba sa naging action ng gobyerno nitong nagdaang pananalasa ng bagyong Ondoy at Pepeng? Caller : medyo po Anchor 2: bakit medyo? Caller : kasi po pansin ko yung gobyerno hindi nakakatulong , yung mga politiko iilan lang ang nagdonate at tumulong yung iba po ata nagtitipid ng pera para sa pangangampanya. Kalimitan po mgaTV networks pa po yung madalas na tumutulong. Anchor 2: Salamat sa iyong opinyon mo Joanne, sana ang iyong hinaing ay naririnig ng mga pulitiko ANCHOR 1: At dito na po nagtatapos ang aming programa, sana ay nabusog kayo sa impormasyon hatid namain sa inyo ngayong umaga. Ito po ay hinatid sa atin ng Smart Broadband for fast internet connection na kasing bilis ng pagbabalita… Para sa mas mabilis na pagbabalita…Ako si Dunhill Bernales <<CROSSFADE LIVELY MUSIC TO NEWS THEME UP FOR 10 SECS. THEN UNDER>>

News and Public Affairs Program (00:08:00) Juan - Doppler
ANCHOR 2: mga sariwang impormasyon na kailangan ng bawat Pilipino… ako naman si Lalaine Mercado ANCHOR 1: At Ito ang… ANCHOR 1 and 2: Balitaan Bente Kwatro Siyete… <<SCORE UP AND OUT>>

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful