P. 1
TATSULOK by BAMBOO

TATSULOK by BAMBOO

5.0

|Views: 6,874|Likes:
Published by ninayuri20

More info:

Published by: ninayuri20 on Nov 03, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/02/2013

pdf

text

original

Pangkatang Proyekto sa Filipino

[TATSULOK-BAMBOO]

Pinasa ng Pangkat IV:
Niña Cañares Erika Santos Bernard Aquino Charlotte Cabatian Remjen Francisco Katrine Sanvictores

ESEP-3

PAMAGAT: “Tatsulok”
Sumisimbolo ang tatsulok sa "socio-political structure" dito sa Pilipinas. Ipinapakita nito na kung sino ang may impluwensya at kapangyarihan sa batas ang siyang nasa taas ng tatsulok. Habang mga nasa ibaba ng tatsulok ay ang nakararaming naghihirap na di nakakaranas ng hustisya. Ipinapakita lang ng pamagat na ito ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga mahihirap at mayayaman at ang pagkontrol ng mga may kapangyarihan sa mga dukha.

KUMANTA: “Bamboo”
Isa sa mga Filipino alternative rock na banda ang Bamboo. Nabuo ito noong 2002 na kinabibilangan ng dating miyembro ng bandang Rivermaya na sina Francisco "Bamboo" Mañalac at Nathan Azarcon, at ng mga kasapi ng Passage Band na sina Ira Cruz at Vic Mercado. Inilabas ng Bamboo ang kanilang unang album na As the Music Plays noong Pebrero 2004. Ito ay nanalo ng iba't ibang gantimpala sa Awit Awards, NU107 Rock Awards, at MTV Pilipinas 2004. Ang kanilang pangalawang album, Light Peace Love ay inilabas noong 2005 at binubuo ng sampung kanta. Ang album na ito ay medyo iba ang estilo kaysa sa una nilang album. We Stand Alone Together ang kanilang pangatlong album na inilabas sa taong 2007. Ang ilang kanta rito ay binuhay na awit ng Buklod at ni Paul Simon. Ito rin ay may bersiyong karaniwan sa mga kanta nilang sumikat sa nakaraang album tulad ng "Mr. Clay", "These Days", at "Hallelujah". Kabilang sa album na ito ang remake nila ng “Tatsulok” ng Buklod. Ang Bamboo ay naging parte rin ng kampanya ng UNICEF, Days of Peace na kasama si Gary Valenciano. Nakipagsanib din sila sa MILF para

magbigay ng serbisyo sa mga komunidad na laging apektado ng hidwaan sa Mindanao.

KOPYA NG KANTA
Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan At baka tamaan pa ng mga balang ligaw Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao At ang dating munting bukid, ngayo'y sementeryo Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di syang dahilan Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok Di matatapos itong gulo

KWENTONG ISINASALAYSAY
Ang “Tatsulok” ay orihinal na inawit ng grupong Buklod at inilabas ito sa panahon ng Total War Policy ni Pangulong Corazon Aquino. Ang “all-outwar policy” na ito ni Aquino ang susugpo sa mga rebelde subalit sa rebolusyon ay may mga nadamay na sibilyan. Ang kantang ito ay nagsasalaysay tungkol sa away-militar at ang ugat ng mga pag-aaway sa ating bansa. Noong sumisikat pa lang ang kantang ito, ang ala-ala ng mga anticommunist vigilante groups ay sariwa pa sa isipan ng mga tao, lalo na sa pagsulpot ng ibang grupo gaya ng Alsa Masa at iba pang “death squads”. Parehong insidente ng death squads ang lumaganap kasabay ng extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Arroyo. Ang mga napatay na ito ay binansagang: “NPA Supporters”. Sa bandang huli, sinasabi ng kanta sa atin na ang pagtatalo ay hindi lamang sa pagitan ng NPA at ng rehimeng Aquino noon (pula’t dilaw). Ang ugat ng pagaaway-away na ito ay kahirapan, ang “social pyramid”. MAYAMAN

MAHIRAP

BISANG PANGKAISIPAN
Pinapahatid sa ating mga isipan ng kantang tatsulok na kailangan ay mamulat tayo lalo na ang mahihirap na tao, na hindi palagi na lang ang mahihirap ang naapi at laging nasa baba at ang makapangyarihan o mayayaman ang laging nasa tuktok. Ipinamumulat ng kantang ito sa atin ang status ngating lipunan noon hanggang ngayon. Muling nitong binuksan ang isip ng kabataan ng bagong henerasyon.

BISANG PANDAMDAMIN
Pagkainis at pagkagalit ang una mong mararamdaman kapag narinig at naintindihan mo ang gustong ipahiwatig ng kanta. Pagkainis sa mga taong umaabuso sa kanilang kapangyarihan at patuloy na nagpapahirap sa mga taong hirap na sa buhay. Pagkainis din sa mga taong nagsasawalang bahala sa sakit ng ating lipunan. Pagkagalit naman sa mga mayayaman na walang ginawa kung hindi magpayaman pa at gamitin ang kanilang impluwensya upang manatiling nasa tuktok ng tatsulok. Mararamdaman mo rin sa kantang ito ang pagkalungkot dahil sa mga mamamayang walang magawa kundi sumunod na lang sa agos ng buhay kung saan ang mahirap ang laging talo.

BISANG PANGKAASALAN
Kamulatan sa pangit na sistema ng ating pamahalaan ang maiiwan sa atin ng kantang ito. Ipinaparating lang sa atin ng kanta na gawin natin ang lahat mabaliktad lang ang tatsulok sa ating lipunan. Binibuhay din ng kantang ito ang ating nasyonalismo. Kailangan nating ipagpatuloy ang pagmamahal sa ating bansa upang mapaunlad ito at maiwasan ang di pagkakaisa. Dahil ang pagkakaisa ang kailangan natin upang magamot ang sakit ng ating bansang Pilipinas. Masugpo sana natin ang ugat ng lahat:

kahirapan.

REAKSYON
Kanta
Malakas ang naging “impact” ng kantang ito lalo na sa kabataan. Sobrang makahulugan at “striking” ang pinapahiwatig ng bawat salita. Napakaganda ng kanta dahil naging bukas ito sa paglalahad sa kung ano ang nangyayari sa ating lipunan at sa sistema ng hustisya. Sa ingles, “straightforward” ang nilalaman ng kanta.

Kumanta
Magaling ang “remake” ng Bamboo sa orihinal na kanta ng Buklod, pero napansin naming na ang intro ng kanta ay katunog ng Hallelujah. Napakinggan ng aming grupo ang orihinal na umawit nito, at napansin din naming na wala na ang strumming at background na plawta. Ang pagkakakanta ni Bamboo ay nagpakita ng matinding emosyon na katulad ng galit ng unang kumanta nito. Ang remake ng Tatsulok ay nagpangibabaw ng socio-political songwriting at performances ng mga banda ng henerasyong ito.

Video ng Kanta
Masasabi namin na maganda ang video ng kanta dahil naipakita dito ang mga emosyon na ipinapahatid ng kanta at naipahatid ng video na ito ang sitwasyon sa lipunan natin. Isa itong kantang makabayan. At ang mga ganitong kanta ay bibihira. Maganda ang special effects ng video. Kahit na “black- and white” ay maganda ito. Talagang mararamdaman mo ang mensahe ng kanta lalo na kung mapapanuod ang video.

Tunog at Tugtog
Galit ang nangingibababaw sa tunog ng "Tasulok". Ipinahihiwatig lang nito ang galit sa ating lipunan na kung saan walang hustisya para sa mga lugmok sa kahirapan. Maganda ang pagkakanta ni Bamboo Mañalac. Naririnig natin sa kanyang boses ang pagkainis sa mga umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Medyo mabilis ang pagkakakanta sa awitin na

nagpapakita ng galit at pagkadismaya sa mga may kapangyarihan. Ipinaparamdam ng tunog ng kantang ito na kailangan nating gumawa ng aksyon upang matuldukan ang walang katapusang pagdurusa ng mga mahihirap. Ang mga instrumentong ginamit sa kanta ay lalong nagpapadagdag sa emosyong gustong iparating ng kanta sa mga nakakakinig.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->