You are on page 1of 74

Polytechnic University of the Philippines

Sta. Mesa, Manila


College of Business Administration



Ibat Ibang Uri at Anyo
ng Pagiging Bakla







G. Marvin R. Arriola
Filipino II

Ente, Jessica T.
Dionisio, Dianara
Escoto, Christian Julius
Estolas, Iana Kristine D.
Gacusana, Ayana Mae
Dahon ng Pagkilala
Ang grupo ay taos-pusong ipinapaabot ang pasasalamat sa mga
sumusunod na tao sa kanilang walang pagdadalawang-isip na pagtulong
upang maisagawa ng matagumapay ang pag-aaral at pananaliksik na ito.
Kay G. Marvin R. Arriola, ang aming kagalang-galang na propesor
sa Filipino 2 na nagsilbing tagapayo upang ipaalam sa amin ang tamang
hakbangin nang sa gayoy mabuo namin ang pag-aaral na ito ng tama at
wasto.
Sa bawat indibidwal na kalahok na siyang tumugon sa aming
sagutang papel (sarbey) upang makakalap ng pangunahing datos at sa
kanilang pagtulong upang malaman namin ng lubos ang bawat
damdamin, saloobin ng isang bakla na siyang aming paksa sa pag-aaral
na ito.
Sa kanya kanyang pamilya at kaibigan ng myembro ng grupong ito,
unang una sa tulong pang-pinansyal upang maisakatuparanang pag-aaral
at ikalawa sa suportang moral upang makapagsagawa kami ng maayos
na pag-aaral.
At higit sa lahat, sa Poong Maykapal na nagbigay ng lakas,
mabuting pangangatawan at gabay upang maisakatuparang ang lahat ng
ito.
Muli, maraming salamat!
Dahon ng Paghahandog
Ang pananaliksik na ito ay aming buong-pusonginihahandog sa
mga taong nagbigay inspirasyon upang maisakatuparan at matapos ito.
Unang una sa aming magulang, sa hindi pagsasawang pag-unawa
sa aming mga pangangailangan, higit sa lahat sa pagmamahal, nagsilbi
kayong inspirasyon sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito.
Sa aming tagapayo, Propesor Marvin R. Arriola na siyang nag-
udyok sa amin upang gawin ang pag-aaral na ito.
Higit sa lahat, sa mga respondante, mag-aaral ng Philippine
Normal University, sa mga kabataan ng Parish Youth Ministry, lalong lalo
sa mga bakla, ipinapabatid namin na para sa inyo ang pag-aaral na ito.
At sa Poong Maykapal na siyang pinag-aalayan namin ng
proyektong ito sa patuloy at walang humpay na pagbibigay basbas at
biyaya upang sa gayon matapos namin ito ng wasto at matagumpay.








Talaan ng Nilalaman
Dahon ng Pagkilalai
Dahon ng Paghahandog.....ii
Kabanata I.
Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan
I. Panimula
II. Kaligirang Kasaysayan.
III. Balangkas Teoretikal
IV. Balangkas Konseptual.
V. Paglalahad ng Suliranin
VI. Hipotesis.
VII. Kahalagahan ng Pag-aaral
VIII. Saklaw at Limitasyon.
IX. Katuturan ng mga Salitang Ginamit..
Kabanata II.
Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral
I. Banyagang Literatura.
II. Banyagang Pag-aaral
III. Lokal na Literatura
IV. Lokal na Pag-aaral

Kabanata III
Pamamaraang Ginamit
I. Pamaraang Ginamit
II. Populasyon at Bilang Nito
III. Paraan ng Pagpili ng Kalahok..
IV. Diskripsyon ng Kalahok.
V. Instrumentong Gagamitin...
VI. Paraan ng Pangangalap ng Datus..
VII. Uri ng Gagamiting Estadistika..
Kabanata IV
Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapahalaga sa mga Datos.
Kabanata V
Paglalagom, Natuklasan, kongklusyon at Rekomendasyon
Bibliograpiya.





Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligirang Kasaysayan
I. Panimula
Namulat ang kamalayan ng tao mula sa pagsilang hang-gang sa
paglaki; magsimulang mag-aral, matuto at sa lipunan na ginagalawan
natin ngayon, na dalawa lang ang kasarian ng tao: ito ay ang lalaki at
babae. Noon ay tahimik na nakakubli ang dam-damin ng tao, ngunit sa
patuloy na pag-inog ng mundo at pag-unlad ng kultura at siyensya,
nagkaroon ng panibagong kasarian na tinatawag natin ngayon na bakla.
Dito umiikot ang pag-aaral na tatalakayin ng grupo kung saan
aming bibigyang kahulugan ang ibat ibang uri at anyo ng isang bakla.
Mula sa edad na napagtanto nilang hindi ang pagi-ging lalaki ang
kasariang kanilang kinabibilangan. Kabilang din rito ang samut saring
hirap at sakit na pinagdaanan nila sa mga mapanghusgang mata ng tao at
kung paano nga ba nila ito nakayanan at napagtagumpayan. Kasama rin
sa pag-aaral ng grupo na sa kabila ng pagiging bakla nanaisin nga ba
nilang magkaroon ng asawat anak upang bumuo ng isang pamilya.
Sa pag-aaral na ito pinili ng grupo ang paksa dahil naniniwala
kaming maipapakita nito ang ibat ibang aspeto ng buhay ng mga bakla.
Naniniwala rin ang grupona ang kuwentong buhay ay kumikilala sa
kakayahan ng mga kalahok na unawain at bigyang-kahulugan ang mga
pangyayari sa kanilang buhay.
II. Kaligirang Kasaysayan
Ano nga ba ang isang bakla? Ayon kay Oriondo, ito daw ay
nanggaling sa salitang bakli na nangangahulugang bali o baluktot na
nagpapakita ng negatibong kahulugan ng pagkakaroon ng abnormal na
pagkilos bagay na hinahalintulad sa mga bakla dahil sila ay kilos babae,
sa halip na pangatawanan ang kanilang pagkalalake.
Ayon naman kay Neil Garcia, ang salitang bakla daw ay nagmula
sa salitang bayog na pangalan ng isang uri ng kawayan. Noong unang
panahon daw, sinasabing tinatawag na bayoguin ang mga lalakeng kilos
babae dahil sa pagiging malambot nila. Kalaunan ay nagbago daw ang
salitang ito at naging bakla.May nagsabi din na ang bakla ay hango sa
salitang bisaya na "bakol" na ang ibig sabihin ay "hindi pagtayo ng tuwid".
Iba-iba ang sinasabing puinagmulan ng salita, ngunit ating mapapansin na
malaki ang koneksyon ng kabaklaan at pagkilos na parang babae.
Sa panahon natin ngayon marami ng hindi tuwid ang pagtayo.
Bawat lingon natin ay mayroon ka nang matatanaw na bakla. Sa
kadahilanang dumarami na ang bakla nagkaroon ito ng ibat ibang uri na
siya namang naisip ng mananaliksik na gawing paksa. Ngunit masasabing
hindi rin lahat ay tanggap ng lipunan. Ang pag-aaral sa bakla ay maaaring
maging paraan para mas maintindihan natin sila. Halimbawa nito ayang
isang palabas sa Showtime na pogay. Layunin rin nila na maipaalam sa
sambayang Pilipino ang saloobin at talento ng mga bakla.
Sa pananaliksik na ito mas kikilalanin pa natin ang mga bakla;
simula sa panlabas nilang anyo hanggang kung paano sila tinanggap o
kung paano sila lumalaban sa karapatan nila bilang bakla. Mas
malalaman natin ang dahilan kung bakit nila pinili ang landas na ito. Ang
landas ng pagiging bakla.
III. Balangkas Teoretikal
Mga Pananaw Siyentipiko
Ayon kanila Rosario, Schrimshaw, Hunter, Braun (2006), "Ang
pagkabuo ng pagkakakilanlan sekswal ng mga lesbiyan, bakla o
biseksuwal ay magulo at kadalasang mahirap na proseso. Hindi gaya ng
ibang kasapi ng ibang maliliit na pangkat (hal. mga pangkat etniko at mga
lahing minorya), karamihan sa mga indibidwal na LGB ay hindi lumaki sa
isang pamayanan na mayroon katulad na huwaran na maaaring
matutunan nila ang kanilang pagkakakilanlan na nagpapalakas at
tumutulong sa ganoong pagkakakilanlan. Subalit, ang mga indibidwal na
LGB ay kadalasang lumalaki sa mga pamayanang ignorate o laban sa
homoseksuwalidad."
Ayon sa mga organisasyong siyentipiko gaya ng American
Psychological Association, American Psychiatric Association, American
Psychological Association, American Counseling Association, the National
Association of Social Workers, American Academy of
Pediatrics, American Association of School Administrators, American
Federation of Teachers,National Association of School Psychologists,
American Academy of Physician Assistants, at National Education
Association., ang homosekwal na orientasyon ng isang tao ay isang
normal na orientasyon at ito ay isang katangian na hindi na mababago.
Sa isang pagsasaliksik ng mga siyentipiko, ang sukat ng utak ng
mga lalaking homosekswal ay natagpuan na katulad ng sukat ng utak ng
mga babaeng heterosekswal. Ang isa pang pagkakapareho ang bilang ng
mga nerves (ugat) na nagdudugtong sa dalawang hemisphere ng utak ng
tao ay pareho sa bilang ng mga lalaking homosekswal at babaeng
heterosekswal
Bakla ni J. Neil Garcia- All bakla are homosexual, but not all
homosexual are bakla. Sapagkat ang pagiging homosekswal ay hindi
kinakailangan magpakita ng effeminacy. Ayon din kay Garcia, the bakla is
a male wholoses his maleness, and begins to turn into a femalesuch
transformation into another gender is never fully accomplished. Naipakita
ito sa pelikula kung saan kahit na bihis, kilos, at pangalan ni Gorio (naging
Glori) ay pambabae, lalaki pa rin ang turing ng mga tao sa kaniya. Kaya
naman sa palengke, pinatulan siya ng isang tindero sapagkat lalaki pa rin
ang turing nito sa bakla. Gayundin nang tanggihan siya bilang labandera
sapagkat babae ang hinahanap nila.


Mga Pananaw Relihiyoso
Ang mga iba't ibang sekta ay may iba't ibang pananaw tungkol sa
homoseksuwalidad at iba't ibang interpretasyon sa mga talatang
sinasabing nagbabawal sa homoseksuwalidad sa Bibliya o Quran at iba
pang aklat. Ayon sa iskolar na si Daniel A. Helminiak, ang Bibliya ay
maaaring ipakahulugan na literal o sa pamamagitan ng isang tamang
kontekstong historikal-kultural nito. Sa ilalim ng isang literal na pagbasa
nito, ang Bibliya ay pinapakahulugan ng mga konserbatibo na
kumokondena sa homoseksuwalidad at mga homoseksuwal. Sa ilalim
naman ng kontekstong historikal-kultural nito, ang Bibliya "ay hindi
sumasagot sa mga kasalukuyang tanong tungkol sa etikang seksuwal at
hindi kumokondena sa pakikipagtalik sa parehong kasarian o
orientasyong homoseksuwal gaya ng siyentipikong pagkakaunawa sa
konseptong ito sa kasalukuyang makabagong panahon." Ayon kay
Helminiak, walang sinabi si Hesus tungkol sa homoseksuwalidad. Para sa
mga liberal, ang kontekstong kultural ng mga talatang ito ay tumutukoy sa
pakikipagtalik na sangkot ang prostitusyon sa mga paganong templo ng
ibang kultura. Ayon naman sa mga sekularista, ang Bibliya ay hindi na
makabuluhan sa modernong panahon ngayon dahil ito ay hindi aklat
ng agham at gayundin ay sinasalungat ng
agham, kosmolohiya, arkeolohiya, biolohiya (ebolusyon), heolohiya at iba
pang sangay ng agham.

Konserbatibong Posisyon
Ang opisyal na doktrina ng Romano katoliko ay naglalarawan ng
homosekswalidad bilang "objectively disordered" ngunit ayon sa
katekismo ng Katoliko, ang "mga homosekswal ay dapat na tanggapin na
may paggalang, habag, at pagiging sensitibo. Ayon din sa katekismo, ang
mga homoseksuwal ay tinatawag na maging selibato (celibate- buhay na
walang asawa).
Liberal na Posisyon
Ang ilang mga liberal na relihiyon ay hindi tumuturing sa isang relasyong
homosekswal na isang kasalanan o imoral. Para sa mga liberal, ang
homoseksuwal na orientasyon ay hindi piniling pag-aasal at hindi
mababago ayon sa pananaw ng mga siyentipiko. Tinatanggap rin ng mga
liberal ang mga homoseksuwal dahil sila ay naniniwalang itinaguyod
ni Hesus ang panlipunang hustisya (social justice) at pagtataguyod sa
mga naaapi at itinakwil ng lipunan. Kabilang dito ang United Church of
Canada, Unitarian Universalist Association, Canadian Unitarian Council,
Episcopal Church (United States), United Church of Christ, Metropolitan
Community Church, mga ilang protestante, mga liberal na sekta
ng Hudaismo (Reform Judaism in North, Reconstructionist Judaism
etc.), Kristyanismo atIslam (Al-Fatiha Foundation), Wicca at iba pa.



V. Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay tungkol s ibat-ibang uri ng pagiging isang
bakla ay magbibigay kasagutan sa mga sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang ibat-ibang uri ng pagiging isang bakla?
2. Sa anong edad mas marami ang lalaking nalaman nila na isa pala
silang bakla?
3. Ano nga ba ang dahilan ng kanilang pagiging bakla?
4. Ano nga ba ang hirap na dinadanas nila sa mata ng mga tao ng
kinabibilangan nilang lipunan? Sa paanong paraan nila ito
nakayanan at nalagpasan?
5. Sa kabila ng pagiging bakla nila, nanaisin pa ba nila na magkaroon
ng asawat anak at bumuo ng isang pamilya?
VI. Hipotesis
Sa Pilipinas, sinasabing maraming mga bakla. Di man daw sila
nanganganak, patuloy pa rin ang pagdami nila.Sa telebisyon, sa mga
pelikula, sa parlor, sa palengke, sa school.Kahit saan ka lumingon,
imposibleng di ka makakita ng bakla.
Sa isang bansang binansagang konserbatibo at relihiyoso, kataka-
takang marami na ang nagsisipaglantaran at sumasali sa animoy
pederasyon ng makabagong sekswalidad sa katauhan ng kabaklaan.
Pero kahit na parami ng parami ang mga bakla, parang di pa rin
nagbabago ang pagkakakilanlan sa kanila: nakakatuwa, artistic, mahilig
magpaganda, pa-girl. Sa gitna ng mga simple at minsay kakatuwang
pagkakakilanlan sa mga bakla, talaga bang kilala natin sila?
Marami sa atiy hindi pa ganoon kaalam sa kung ano nga ba ang
mga uri nila? At ang iba pa nga ay hindi alam na may uri pala ang mga ito.
Ninais ng grupo na talakayin at pag-aralan ang paksa na ito sa halip ng
malawak na sakop at sa halip ng dami ng taong bumabatikos sa kanila.
Ano-ano nga ba ang naidudulot na epekto ng mga bakla sa atin?
Paano nga ba maipababatid ng pag-aaral na ito sa mga taong may
saradong pusot isipan kahit marinig pa lamang ang salitang kabaklaan?
At huli, sila nga ba ay may naitutulong sa pag-unlad ng bansang Pilipinas
o nakapagpapababa at nakapagpapadumi ng imahe ng ating lipunang
kinabibilangan?
VII. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang grupo ay nagsagawa ng pag-aaral upang sa pamamagitan nito
ma-ipabatid ang kahalagahan sa mga sumusunod:
Sa mga Mananaliksik
Sa paglipas ng panahon dumarami ang bilang ng bakla sa ating
lipunan, masasabi rin na hindi lamang at kami ang kauna-unahang grupo
na gumawa ng pananaliksik sa paksang ito. Ngunit sa pag-aaral na ito
mabibigyang-linaw pinagkaiba-iba ng mga sumusunod na uri at anyo ng
bakla.
Baklang Cross-dresser
Baklang Pasikreto
Baklang Babaylan
Baklang Transsexual
Pamintang Buo
Pamintang Durog
Sa mga Magulang at Mag-aaral
Batid sa ating kaalaman ang karanasan ng mga bakla, ito man ay
ang kanilang tagumpay o hindi, nais ipaabot ng grupo ang dalawang salik
na ito sa mga magulang at kapwa naming mag-aaral.
1. Pagkakapantay-pantay
Sabi nga ni Boy Abunda, Ang mga bakla ay hindi humihingi
ng equal rights kundi equal privileges sa trabaho, oportunidad, at kahit
respeto man lang sa mga nakakaintindi.
Lumantad ang mga bakla upang maging malaya sa tunay nilang
nararamdaman. Sa paglalantad nilang iyon na diumano, ang karapatan
nila ay kanilang isusulong sa abot ng kanilang makakaya sa laban.
Gayon man, silay ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga naghahari
na kalalakihan at pinapatay ang kanilang pag-asa sa pamamagitan ng
isang konstitusyon na wala ng pagkilalat pagtanggap sa kani-kanilang
karapatan at itoy nagsisilbi nilang balakid, tanda ng pagtakwil at lubos na
pagkondena na hindi pa-aawat na pangmamata.
Itoy isang mahirap na kalagayan ng bakla na nagsusumamo ng
pagtanggap sa lipunan. Tulad ng isang babae at lalake sila ay likha ng
Diyos na nangangailangan ng paggalang kung kayat bawat bakla ay may
karapatan na sila ay bigyang respeto.

2. Adbentaheng naidudulot sa atin
Sa kabilang banda, marami tayong kilalang bakla na hindi
man ipinanganak na astig at lalaking-lalaki ay buong-pusong
ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa buhay.
Halimbawa nalang rito ng ma-koronahan si Kevin Balot na
isang Pinay Transgender bilang 2012 Miss International Queen
kamakailan lamang. Si Ricky Reyes na may-ari ng 39 na salon, 3
Learning Institutes at ng prangkisang Reyes Haircutters. Si Joel Cruz na
may-ari sa likod ng sikat na pabangong Aficionado at iba pang Joel Cruz
perfumes. Pati na rin sina Vice Ganda, BB Gandang Hari, Allan K. at Boy
Abunda.
Ilan lamang sila sa mga baklang kayod-kabayo sa
pagiging breadwinners. Mga baklang career-oriented na wala mang
sariling pamilya ay pilit nagtatagumpay sa larangang kanilang
kinabibilangan.
Mga baklang nagsusunog ng kilay sa pag-aaral at nag-ti-
tiyaga sa pag-ta-trabaho mapatunayan lamang sa pamilya nila at sa
lipunang umaalipusta sa kanila na ang pagiging bakla ay hindi lamang
humihinto sa pagpaparlor, pagkendeng, pagmemake-up at pagbibihis
babae.
Higit sa lahat ng iyan, sila ay may abilidad na bigyang saya
at kulay ang lipunan.

VIII. Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay umiikot lamang sa mga nabanggit na
katanungan sa sarbey na sinagutan ng mga kalahok na siya ring tinuturing
na paksa ng pag-aaral na ito.
Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagbibigay-linaw sa pagkakaiba-iba
ng uri at anyo ng isang bakla.
Kasama din ng pag-aaral na ito kung ano ang edad mas madami
ang lalaki na nalaman nilang bakla pala sila.
Bahagi din sa pag-aaral na ito ang mga dahilan o kung ano ang
nagtulak sa kanila upang maging isa silang bakla.
Sumasagot din ang pag-aaral na ito sa tanong na kung ano nga ba
ang hirap na dinadanas nila sa mata ng mga tao ng kinabibilangan nilang
lipunan at sa paanong paraan nila ito nakayanan at nalagpasan.
Kabilang din sa pag-aaral na ito ay ang porsyento ng mga baklang
nagnanais magkaroon ng asawat anak at bumuo ng isang pamilya.
Sa loob ng mahigit dalawang buwan na pag-aaral at pananaliksik,
ipinapabatid ng grupo na saklaw din rito ang mga personal na kaalaman,
damdamin, saloobin at pahayag ng mga kalahok at ito ay nakuha sa
pamamagitan ng pinasagutan na survey questionaire na kung saan ito ay
tinipon at pinagsama-sama upang makakalap ng resulta.


IX. Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Abstinensya pag-iwas sa ano mang bagay na gusto mung iwasan.
Bahagdan iba pang tawag sa porsyento.
Bakla itinutiring pangatlong kasarian kung saan ang mga taong ito
ay nagkikilos babae.
Baklang Babaylan isang uri ng bakla na maituturing na chickboy,
pwede sa chicks at pwede sa boy.
Baklang Cross-dresser isang uri ng bakla na nagdadamit pang
babae.
Baklang Pamintang Buo isang uri ng bakla na buo ang kalooban na
hindi umamin kahit na anu pa man ang
mangyari.
Baklang Pamintang Durog isang uri ng baklang durog na durog na
ang kalooban sa katatanong ng
sambayanang Pilipinas tungkol sa
kanyang tunay na pagkatao.
Baklang Tranasexual isang uri ng bakla na ganap na ang
pagbabagong anyo. Hindi mo na
mapagkakamalan na dati syang lalaki.
Bakli nangangahulugang bali o baluktot.
Bakol salitang bisaya na ang ibig sabihin ay hindi pagtayo ng tuwid.
Bayog pangalan ng isang uri ng kawayan.
Bayoguin tawag sa mga lalaking nagkikilos babae dahil sa pagiging
malambot nila.
Breadwinners pangunahing nagbibigay ng pera o sustento sa
pamilya.
Bumayo dinikdik.
Career-oriented dedikado sa kanilang tinatahak na career.
Diborsiyo legal na pagpapawalang bisa ng kasal.
Equal privilege pagkakapantay-pantay ng pribelihiyo. Halimbawa
pribelihiyo ng isang manggagawa ng gobyerno ang
hindi pagpasok sa trabaho na hindi kinakaltasan ang
sahod, tinatawag naman itong privilege leave.
Equal rights pagkakapantay-pantay ng karapatan.
Heterosekswal naaakit sa ibang kasarian. Kumbaga ang lalaki ay naakit sa
babae at gayundin ang babae ay naaakit sa lalaki.
Kamalayan -ay isang katangian ng kaisipan. Nangangahulugan ito ng
pagiging gising, alisto, at tumutugon sa kapaligiran.
Kapilyuhan pagiging makulit o malikot.
Kayod-kabayo pagiging masipag o pursigido sa isang gawain o
trabaho.
Konserbatibo pananatiling tradisyonal at maingat sa pagbabago o
pagiging makabago, karaniwang may kaugnayan ito
sa pulitika at relihiyon.
Kritisismo paglalait sa isang tao o bagay.
Lumantad nagbunyag, lumabas, expose sa tunay na pagkatao o
tunay na sarili.
Masturbesyon sekswal na pagpapasigla ng sariling maselang bahagi ng
katawan.
Pag-inog pag-ikot
Pagkendeng pagkembot ng balakang sa mas grabeng paraan.
Pagkondena pagbawal, pagtanggi, pagtutol.
Parlor silid o isang lugar kung saan ginagawa ang pag-aayos ng
panlabas o pisikal na parte ng katawan tulad ng pag-gugupit
ng buhok, pag make up at marami pang iba.
Pederasyon isang grupo ng mga estado na may isang sentral na
pamahalaan ngunit may pagsasarili sa panloob na
affairs.
Pogay pinagsamang pogi at gay na nangangahulugang
gwapong bakla.
Porsyento ay nangangahulugan ng resulta kapag hinati mo ang
isang numero sa isang daan.
Psychotherephy isang paraang ng pagagamot ng problemang
psychological ng isang tao.
Radikal bago at naiiba sa kung ano ang tradisyunal o ordinaryo.
Sarbey ay isang proseso kung paano makakakuha ng isang datos o
impormasyon.
Sekswalidad Ito ay mga katangian o paglalarawan sa sarili na may
kaugnayan sa ating kasarian bilang lalaki o babae. Ito
ay tumutugon sa kabuuan ng isang tao.
Silahis nagkakagusto sa parehas na kasarian ngunit iba ito sa bakla.
Talahanayan ginagamit para makita ang klasipikasyon ng isang bagay.
















Kabanata II
Mga Kaugnay na Literatura sa Pag-aaral
I. Banyagang Literatura
Gay is Okay!
Should gays be treated with the same respect as all other people? Conservative
Christians and gay people are going at it again. They never seem to tire of this
war. Only few Christians have the guts to admit that they believe that all gays
should be treated with the same respect as any other people! It seems that only
a person with a number of gay and lesbian friends and acquaintances can realize
the importance of getting to know the people behind the labels and images
society makes; and their experience of building connections with people of many
different backgrounds and personal differences has been both challenging and
tremendously rewarding.

Why do some Christians seem to need a stereotypical enemy, bogeyman, or
group caricature that represents all that is wrong with the world? Perhaps they
also secretly fear that they themselves are not good enough for God, which they
themselves deserve to be punished in hell, that God does not really love them, or
that they cannot rely on such love since they most likely do not deserve it. This
fear may lead them to project this view of themselves as evil. Such people do not
seem to believe that Divine Love is unconditional, that there is no need for
anyone to earn it, and so they cannot trust in the surety of Divine Love nearly so
much as they rely on the certainty of Divine Judgment.
(2001, 04). Gay Is Okay. StudyMode.com. Retrieved 04, 2001.
Pagsasalin:
Ang Bakla ay Okay!
Dapat bang ang bakla ay tratuhin nang may parehong paggalang tulad ng
lahat ng iba pang mga tao. Ang mga konserbatibong mga Kristiyano at ang mga
bakla ay pinag-uusarpan muli ito. Hindi na natapos ang ganitong usapin. Kaunti
lamang sa mga Kristiyano ang may lakas ng loob na dapat din respetuhin ang
mga bakla tulad ng ibang tao. Ipinapakita rito na ang ibang mga tao na may mga
kaibigan na bakla ay malalaman ang kahalagan ng pagkilala sa likod ng kanilang
panlabas na kaanyuan. At ang paghubog ng kanilang koneksyon sa
pakikisalamuha sa mga tao ng ibat ibang katayuan at personal na pagkakaiba-
iba ng mga tao ay nagpapakita ng isang makabuluhang premyo.
Bakit kailangan ng mga kristiyano ng kaaway na nagrerepresenta ng
kanilang kamalian sa mundo. Marahil ang ibang mga kristiyano ay natatakot na
baka may pagkukulang pa sila sa Panginoon, dahil ditto, naiisip nilang kailangan
nilang magdusa sa impyerno, na hindi sila mahal ng Panginoon o di kayay di sila
masyadong umaasa na magkaroon ng pagmamahal dahil nga sa hindi sila
kararapat-dapat. Dahil dito ay maaari magbunga na ang kanilang mga sarili ay
mga masasamang tao. May mga tao na hindi naniniwala na ang pagmamahal ng
Diyos ay walang makakapigil, na walang ibang may karapatan dito at kaya hindi
sila maaaring pagkatiwalaan sa pag-ibig ng Diyos na halos umasa sila sa
katiyakan ng panghuhusga ng Diyos..
Growing Up Gay
"The unprecedented growth of the gay community in recent history has
transformed our culture and consciousness, creating radically new possibilities
for people to come out' and live more openly as homosexuals"(Herdt 2). Before
the 1969's Stonewall riot in New York, homosexuality was a taboo subject.
Research concerning homosexuality emphasized the etiology, treatment, and
psychological adjustment of homosexuals. Times have changed since 1969.
Homosexuals have gained great attention in arts, entertainment, media, and
politics. Yesterday's research on homosexuality has expanded to include trying to
understand the different experiences and situations of homosexuals (Ben-Ari 89-
90).
Despite the transition, little consideration has been given to understanding
the growing population of gay adolescents. 25% of American families are likely to
have a gay child (Hidalgo 24); In the United States, three million adolescents are
estimated to be homosexual. Yet, American society still ignores gay adolescents.
Majority of children are raised in heterosexual families, taught in heterosexual
establishments, and put in heterosexual peer groups. Gay adolescents often feel
forced by parents to pass as "heterosexually normal" (Herdt 2). As a result,
homosexual teens hide their sexual orientation and feelings, especially from their
parents. Limited research conducted on gay young adults on disclosure to
parents generally suggests that disclosure is a time of familial crisis and
emotional distress. Very few researchers argue that disclosure to parents results
in happiness, bringing parents and children closer (Ben-Ari 90).
(1999, 10).Growing Up Gay. StudyMode.com. Retrieved 10, 1999.
Pagsasalin:
Lumalagong mga Bakla
Ang walang ulirang paglago ng mga bakla sa komunidad sa kamakailang
kasaysayan ay binago ng aming kultura at malay, na lumilikha ng mga bagong
radikal na posibilidad para sa mga tao na lumabas at mabuhay nang higit pa
nang lantaran bilang homosekswal. Bago ang 1969 ni Stonewall, taga-New
York, ang homosekswalidad ay isang bawal na paksa. Ang pananaliksik ukol sa
homosekswallidad ay binigyang-diin ang pinagmulan, paggamot, at sikolohikal
na pag-aayos ng homosekswal. Sa pagbabago ng panahon simula noong 1969.
Ang homosekswalidad ay nagkamit ng mahusay na pansin sa sining, sa
larangan ng pang-aaliw, media, at pulitika. Ang pananaliksik ng kahapon sa
homosekswaliidad ay pinalawak upang maunawaan ang ibat ibang mga
karanasan at sitwasyon ng mga homosekswal.
Sa kabila ng mga pagbabago, maliit na pagsasaalang-alang lamang ang
ibinigay sa pag-unawa sa lumalaking populasyon ng baklang kabataan. 25% ng
mga Amerikanong pamilya ay malamang na mayroong isang bakla. Sa Estados
Unidos, 3,000,000 kabataan ay tinatantya na maging bakla. Ngunit, binabalewala
pa rin sa lipunan ng Amerikano ang mga baklang kabataan. Karamihan sa mga
kabataan ay nagiging bakla dahil sa ng heterosekswal na pamilya, nag-aral sa
mga heterosekswal na tao, at ilalagay sa heterosekswal na kaibigang grupo. Ang
mga baklang kabataan ay madalasna pinipilit ng mga magulang na pumasa
bilang heterosekswal na normal. Dahil dito, ang mga baklang kabataan ay
tinatago ang kanilang sekswal na oryentasyon at mga damdamin, lalo na sa
kanilang mga magulang. Ang limitadong pananaliksik na isinagawa sa mga
baklang bata at matanda sa pagsisiwalat sa mga magulang sa pangkalahatan ay
nagmumungkahi na ang pagsisiwalat ay isang oras ng krisis pampamilya at
emosyonal na pagkabalisa. Ang ilan sa mga mananaliksik na nagtatala ng pag-
amin ng mga heterosekswal na kabataan sa mga magulang na nagreresulta sa
kaligayahan, nagdadala sa mga magulang at mga anak na mas malapit.
II. Banyagang Pag-aaral
What Causes Homosexual Desire
If homosexual impulses are not inherited, what kinds of influences do
cause strong homosexual desires? No one answer is acceptable to all
researchers in the field. Important factors, however, seem to fall into four
categories. These are:
1. Homosexual experience:
any homosexual experience in childhood, especially if it is a first sexual
experience or with an adult
any homosexual contact with an adult, particularly with a relative or authority
figure.
2. Family abnormality, including the following:
a dominant, possessive, or rejecting mother
an absent, distant, or rejecting father
a sibling with homosexual tendencies, particularly one who molests a brother or
sister
the lack of a religious home environment
divorce, which often leads to sexual problems for both the children and the adults
parents who model unconventional sex roles
condoning homosexuality as a legitimate lifestyle welcoming homosexuals (e.g.,
co-workers, friends) into the family circle
3. Unusual sexual experience, particularly in early childhood:
precocious or excessive masturbation
exposure to pornography in childhood
or girls, sexual interaction with adult males
4. Cultural influences:
a visible and socially approved homosexual sub-culture that invites curiosity and
encourages exploration
pro-homosexual sex education
openly homosexual authority figures, such as teachers
legal toleration of homosexual acts
depictions of homosexuality as normal and/or desirable behavior


Can homosexuality be changed?
Certainly. As noted above, many people have turned away from
homosexuality - almost as many people call themselves "gay."
Clearly the easier problem to eliminate is homosexual behavior. Just as
many heterosexuals control their desires to engage in premarital or extramarital
sex, so some with homosexual desires discipline themselves to abstain from
homosexual contact.
One thing seems to stand out: Associations are all-important. Anyone who
wants to abstain from homosexual behavior should avoid the company of
practicing homosexuals. There are organizations including "ex-gay ministries,
"designed to help those who wish to reform their conduct. Psychotherapy claims
about a 30% cure rate, and religious commitment seems to be the most helpful
factor in avoiding homosexual habits.
Pagsasalin:
Ano ang Nagiging Sanhing Pagnanais na Maging Bakla?
Kung ang pag-udyok sa pagiging bakla ay hindi minana, ano ang mga uri ng
impluwensyang maaring nagtulak sa mga bakla para maglantad? Walang isa sa
mga sagot ay katanggap-tanggap sa lahat ng mga mananaliksik sa pag-aaral
tungkol dito. Ang mahahalagang mga kadahilanan, gayunpaman, ay tila na
bibilang sa apat na mga kategorya. Ang mga ito ay:
1. Karanasan ng Bakla:
Anumang karanasan ng bakla sa pagkabata, lalo na kung ito ay isang unang
seksuwal na karanasan o sa isang nakatatanda.
Anumang kauganayan ng isang bakla sa nakatatanda, lalo na sa isang
kamag-anak o mga katungkulan gaya ng pulis.
2. Kaalanganan ng pamilya, kabilangang sumusunod:
Isang nangingibabaw, mapang-angkin, o pagtanggi ng ina
Walang ama, malayo, o pagtanggi ng ama
Isang kapatid na may pag-asang maging bakla, lalo na ang isa na minolestiya
ng isang kapatid na lalaki o kapatid na babae.
Ang kakulangan ng isang relihiyosong kapaligiran
Diborsiyo, na madalas ay humahantong sa sekswal na mga problema para sa
parehong mga bata at mga matanda.
Mga magulang na nagiging modelo ng pagiging bakla at tomboy
Pagkalimot sa homosekswalidad bilang isang lehitimong pamumuhay,
nakakaengganyo ang homosekswal (hal, mga katrabaho, kaibigan) sa lupon
ng pamilya.
3. Hindi karaniwang sekswal na karanasan, lalo na sa unang bahagi ng
pagkabata:
Maagang umunlad o labis na masturbesyon
Pagkakalantad sa pornograpiya sa pagkabata
O mga batang babae, sekswal na pakikipag-ugnayan sa mga nakatatandang
lalaki.
4. Impluwensyang kultural:
Isang nakikita at panglipunan na naaprubahan ang bakla na pangkultura ng
mga imbitasyon sa pag-usisa at naghihikayat sa paggalugad.
Sang-ayon sa homosekswal na kasarian na pag-aaral.
Pagbubukas ng kaisipan tungkol sa mga homosekswal gaya ng guro.
Legal napagpapaubaya ng mga bakla sa gawain.
Paglalarawan ng homosekswalidad bilang normal at / o kanais-nais na pag-
uugali.
Maaari bang ang homosekswalidad ay magbago?
Tiyak. Tulad ng nabanggit sa itaas, maraming tao ang nagpalit ng
katauhan mula sa homosekswalidadkadalasang tinatawag na bakla
Malinaw na ang mas madaling problema upang maalis ay ang pag-uugali
ng mga bakla. Tulad ng maraming heterosekswal na kinokontrol ang kanilang
mga kagustuhan upang makisali sa pre-marital o sa labas ng kasalan ng
parehong kasarian, kaya ang ilan ay may baklang gusting disiplinahin ang
kanilang mga sarili upang mag-abstinensya mula sa kontak ng pagiging bakla.
Mukhang isang bagay ang sigurado: ang asosasyon ay ang mahalaga sa
lahat. Sinuman ng gustong mag-abstinensya mula sa pag-uugali ng bakla ay
dapat iwasan ang kumpanya ng pagsasanay ng homosekswal. Mayroong mga
organisasyon na kabilangang ex-gay ministries, na dinisenyo upang
makatulong sa mga nais maging mapabuti ang kanilang pag-uugali. Pinatunayan
ng Psychotherapy ang tungkol sa isang 30% ng lunas, at pangako sa relihiyon.
Mukhang ang pinaka-kapaki-pakinabang na kadahilanan sa pag-iwas na maging
bakla ay ang mga gawi.
III. Lokal na Literatura

IBA'T IBANG URI NG KABAKLAAN

Ni Anjoh Ding

Bakla, beki, bading, bek-bek, badap.. Kahit anu pa mang itawag sa
amin ganito na talaga kami. Ayon sa aking obserbasyon, maraming uri
ang kabaklaan. Pero kung kayo ang tatanungin kung anong klase kayo,
ano kayo sa mga sumusunod?
Cross-dresser: Kilala rin sa term na transvestite. Uri ng bakla na
kung saan sila ay nagbibihis pambabae. Hindi pa ganap ang kanilang
pagbabagong anyo, wala pa silang manika. Kuntento na sila sa packaging
tape.
Transsexual: Ganap na ang pagbabagong anyo. Hindi mo na
mapagkakamalan na dati syang lalaki. Marami silang pera, kaya nilang
lumipad papuntang Thailand upang ipatanggal si junjun at palitan ng
manika.
Pangkaraniwan: Bihis lalake pero mas babae pa kesa sa babae.
Marami silang kaibigan na babae. May allergy sa pukelya. Maraming
ganito sa panahon ngayon, mas pinipili nila ang ganoong anyo sa
personal nilang kadahilanan. Minsan na din silang naghahangad maging
dyosa. Maraming uri ang mga ganito.
Babaylan: Ito rin ay kilala sa tawag na Bi o Bisexual. Maituturing
na chickboy, pwede sa chicks at pwede sa boy. Ang hilig nya ay nasa
parehas na kasarian, walang siyang pinipili kung babae o lalaki ang gusto
nya. Kadalasan sila ay gwapo at maporma. Pagdating sa boogie-boogie,
mayroong tatlong klase ang babaylan.
Top - Sila ang mga bumabayo.
Bottom - Sila ang mga binabayo.
Middle - Pwede syang bumayo o kaya naman ay
magpabayo.
Paminta: Ang mga beki na pilit ikinukubli ang katotohanan kahit
ramdam na ramdam na ng sambayanang pilipinas ang totoo.
Nagkukulong sa masikip na kloseta. Ayaw magladlad dahil natatakot sa
maaaring mangyari. Mayroon itong dalawang uri, buo at durog.
Pamintang durog - Durog na durog na ang kanyang
kalooban sa katatanong ng sambayanang pilipinas tungkol sa kanyang
pagkatao, malapit na syang magladlad. Tumetyempo lang sya at inuunti-
unti ang mga pinagsasabihan ng sikreto. Mamamtay sya ng masaya at
nakaranas na makalanghap ng malinis na hangin.
Pamintang buo - Buo ang kanyang kalooban na hindi
umamin kahit na anu pa man ang mangyari. Kuntento sya na sarilinin ang
nararamdaman. Mamamatay siya ng suffocated, malungkot at walang
pinagsasabihan ng kanyang sikreto na sobrang obvious na.
IV. Lokal na Pag-aaral

Ang Konsepto ng Sekswal na Oryentasyon: Ang Kaugnayan nito sa
Buhay Sekswal, Buhay Pag-ibig at Buhay Pamilya ng mga Lalaki

RAMEL L. GUINOMMA
M.A. Sociology (November 2004)
Department of Sociology

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa konsepto ng sekswal na oryentasyon at
sa kaugnayan nito sa buhay sekswal at buhay pag-ibig ng mga lalaki. Tiningnan
din ang seks at pag-ibig kaugnay ng buhay pamilya ng mga lalaki. Binigyan ng
higit na pansin ang mga bakla at silahis upang ilarawan ang kanilang buhay
sekswal, buhay pag-ibig at pagpapakahulugan sa pamilya.
Ang pagiging bakla, silahis at heterosekswal na lalaki ay mga uri ng
sekswal na oryentasyon. Ang sekswal na oryentasyon ay tumutukoy sa kasarian
(babae, lalaki o pareho) na nagugustuhan ng isang tao. Bagamat ang sekswal na
oryentasyon ng isang tao ay maaaring magbago, karamihan sa mga tao na
kakilala ko ay hindi nagbabago ng sekswal na oryentasyon.
Ang sekswal na oryentasyon ng isang lalaki ay hiwalay na katangian sa
kanyang pagiging lalaki at pagkalalaki. Ang mga biyolohikal na lalaki ay
maaaring maging heterosekswal na lalaki, bakla o silahis. Ang mga
heterosekswal na lalaki, bakla at silahis ay nagkakaiba-iba rin sa
pagpapakahulugan sa pagkalalaki at sa pagsunod sa mga panlipunang
ekspektasyon kaugnay ng pagiging lalaki.
Batay sa mga literaturang nasuri, ipinapalagay na ang sekswal na
oryentasyon ng kalalakihan ay may malaking impluwensya sa kanilang buhay
sekswal at buhay pag-ibig. Sa partikular, ang isang heterosekswal na lalaki ay
malamang na ilimita ang kanyang sarili sa pakikipagtalik sa mga babae at
malamang na umibig sa mga babae na kanyang sekswal na nagugustuhan.
Ang isang bakla naman ay malamang na ilimita ang kanyang sarili sa
pakikipagtalik sa mga lalaki at malamang na umibig sa mga lalaki na kanyang
sekswal na nagugustuhan. Ang isang silahis ay maaaring bukas sa pakikipagtalik
sa mga babae at mga lalaki at maaaring umibig sa mga lalaki at mga babae na
kanyang sekswal na nagugustuhan.
Sa pag-aaral na ito pinili ko ang lapit ng kuwentong buhay dahil
naniniwala akong maipapakita ng lapit na ito ang kompleksidad at ang ibat ibang
aspeto ng buhay ng mga bakla at silahis. Naniniwala rin ako na ang lapit ng
kuwentong buhay ay kumikilala sa kakayahan ng mga kalahok na unawain at
bigyang-kahulugan ang mga pangyayari sa kanilang buhay.
Ang 12 kalahok ay ipinanganak na may aring panglalaki, may edad na
hindi bababa sa 25 taon, nasa wastong pag-iisip at hindi nakadarama ng sekswal
na atraksyon sa mga batang babae at/o lalaki na may edad 15 taon at pababa.
Tatlo ang mga heterosekswal na kalahok. Sila ay nagdadamit-lalaki at
walang pagnanais na maging babae. Isa lamang ang silahis o bisexual na
kalahok. Siya ay nagdadamit-lalaki at walang pagnanais na maging babae.
Isang kalahok ang maaaring silahis o maaaring bakla. Lima naman ang
mga bakla o homosekswal na kalahok. Silang anim ay nagdadamit-lalaki at
walang pagnanais na maging babae.
May isang bakla o homosekswal na kalahok na dating nagdadamit-babae
ngunit hanggang ngayon ay gumagamit pa rin ng foundation para sa kanyang
mukha. Ayon sa kanya, siya ay isang tunay na bakla. Sa aking pakiwari, wala
siyang matinding pagnanais na maging babae.
May isang bakla o homosekswal na kalahok na matindi ang pagnanais na
maging babae kaya nagawa niyang sumailalim sa sex reassignment surgery.
Siya ay nagdadamit-babae bago at pagkatapos ng kanyang matagumpay
naoperasyon. Ang pagtukoy ko sa kanya bilang homosekswal ay batay sa
kanyang orihinal na kasarian.
Mahalaga ang seks at pag-ibig sa buhay ng mga Pilipino dahil bahagi ang
mga ito ng reproduksyon ng tao. Dahil sa pagiging mahalagang salik ng
reproduksyon ng tao, ang seks at pag-ibig ay integral na bahagi rin ng
pagpapatuloy ng lipunang Pilipino. Ipinakita ng pag-aaral na ito na ang seks at
pag-ibig sa buhay ng mga lalaki ay mayroong kaugnayan sa pagbubuo ng
pamilya at sa panlipunang pagbabanghay.
Ang silahis o bisexual na lalaki na gustong bumuo ng pamilya na
mayroong ama, ina at anak ay magagawa ito kung pipiliin niyang
makipagrelasyon sa isang babae. Kung pipiliin niyang makipagrelasyon sa isang
lalaki, ibang anyo ng pamilya ang kanyang mabubuo, halimbawa isang pamilya
na mayroong dalawang ama at anak na maaaring inampon o sariling anak ng isa
sa kanila.
Sa piling ng babae, kailangan niyang pigilan ang homosekswal na bahagi
ng kanyang sekswal na oryentasyon. Sa piling ng lalaki, kailangan niyang pigilan
ang heterosekswal na bahagi ng kanyang sekswal na oryentasyon.
Ang mga bakla o homosekswal na lalaki na gustong bumuo/nakabuo ng
pamilya na mayroong ama, ina at anak ay magagawa/nagawa ito nang
pinipigilan ang kanilang sekswal na oryentasyon.
Ang mga bakla o homosekswal na lalaki na ayaw pigilan ang kanilang
sekswal na oryentasyon ay mayroong tatlong klase. Ang unang klase ay
kinabibilangan ng mga bakla na ayaw magkaroon ng sariling anak at sariling
pamilya. Ang ikalawang klase ay kinabibilangan ng mga bakla na gustong
magkaroon ng isang alternatibong pamilya, halimbawa isang pamilya na
mayroong dalawang ama at anak na maaaring inampon o sariling anak ng isa sa
kanila. Ang ikatlong klase ay makikita sa buhay ng isang bakla na namumuhay
bilang babae at itinuturing ang kanyang sarili at ang kanyang asawang lalaki
bilang bahagi ng kanyang sariling pamilya.
Ang mga heterosekswal na lalaki na gustong bumuo/nakabuo ng pamilya
na mayroong ama, ina at anak ay magagawa/nagawa ito nang hindi pinipigilan
ang kanilang sekswal na oryentasyon.
Ang mga kongklusyon na inihain ay hindi kumakatawan sa lahat ng uri ng
lalaki, halimbawa, hindi naisama sa pag-aaral na ito ang mga heterosekswal at
silahis o bisexual na lalaki na ayaw mag-asawa at ayaw magkaroon ng sariling
anak at pamilya. Hindi rin nito nabigyang-pansin ang lahat ng anyo ng pamilya
na makikita sa lipunang Pilipino, halimbawa, hindi naisama sa pag-aaral na ito
ang mga baklang ama na mayroong asawang babae at mga baklang ama na
mayroong asawang lalaki. Hindi rin masasagot ng pag-aaral na ito ang aktwal na
distribusyon sa kalalakihan ng mga anyo ng pamilya na tinalakay.












Kabanata III
Pamamaraang Ginamit
Sa kabanatang ito ay makikita natin ang mga pamamaraang ginamit
ng mga mananaliksik upang makakuha ng mga datos na makakatulong sa
pag-aaral at mapalawak pa ang napiling paksa.
I. Pamaraang Ginamit
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng paraang palarawan. Ito
ay nangangahulugan ng paghahanap ng katibayan na may sapat na
pagpapakahulugan o interpretasyon. Ang paraan na ito ay sa
paraang pagsa-sarbey na binubuo ng dalamput isang (21)
katanungan.
II. Populasyon at Bilang Nito
Ang sarbey ng grupo ay binubuo ng limampung kalahok o
ang mga magsasagot nito. Binubuo rin ito ng limampung mga lalaki
na may pusong babae.
III. Paraan ng Pagpili ng Kalahok
Ang pagpili ng mga kalahok ay kahit sinong lalaki na nasa
labinlimang taong gulang pataas at bukal sa loob ang pagsagot sa
mga katanungan. Ang mga mananaliksik ay namigay ng mga sarbey
sa: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Philippine Normal University
at sa Lungsod ng Kalookan at Quezon.
IV. Diskripsyon ng Kalahok
Ang pag-aaral na tungkol sa ibat ibang uri at anyo ng
pagiging bakla ay nagpasagot ng sarbey sa mga lalaki na naging
bakla mula sa ibat ibang lugar na pinuntahan ng mga mananaliksik
upang makatulong sa pagbibigay ng mga impormasyon na kailangan
namin sa pag-aaral na ito. Karamihan sa mga ito ay may gulang na
labing-pito pataas.
V. Instrumentong Ginamit
Ang pananaliksik ng grupo ay gagamit ng mga bagay na
makakatulong sa paghahanap ng mga datos na kailangan kagaya
ng mga libro, kompyuter at ang mga kalahok mismo na aming
binigyan ng sarbey.
VI. Paraan ng Pangangalap ng Datus
Ang pag-aaral ng grupo ay nangalap ng mga datos sa
internet. Kung saan nakakita ng ibat ibang pag-aaral na tungkol
din sa paksa, ang mga bakla. Nakakita din mga mananaliksik ng
mga artikulo , at ibang sabi-sabi tungkol sa mga bakla, negatibo man
ito o positibo.



VII. Uri ng Gagamiting Estadistika
Sa kadahilanang ang pag-aaral ng grupo ay gumamit ng
paraang pagsa-sarbey, ang bawat tanong ay ita-tali upang makuha
ang bilang ng mga kalahok na may pare-parehong sagot sa
naturang katanungan. Pagkatapos na mai-tali ang lahat ng ito ay
gagamitin namin ang pormulang nasa baba upang makuha namin
ang tamang bahagdan nito:

(x) bilang ng mga sumagot
Bahagdan(%)=------------------------------------------------ x 100
(y) kabuuanng kalahok












Kabanata IV
Paglalahad, Pagsusuri
At Pagpapahalagasa mga Datos
Sa kabanatang ito ay ilalahad at susuriin ang mga datos na nakuha
tungkol sa ibat ibang uri at anyo ng pagiging bakla. Ito ay matutugunan
sa pamamagitan ng ginawang sarbey mula sa ibat ibang kalahok.
Ibat ibang Uri at Anyo ng Pagiging Bakla

Ang sarbey ay binubuo ng dalamput isang katanungan ngunit
labingtatlo lamang dito ang mga katanungan na may mga pagpipilian at
ang iba naman ay mga katanungan na nangangailangan ng sarili nilang
mga kasagutan.
Talahanayan 1- Anong uri ka ng bakla?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Baklang Pasikreto


4

8%

Baklang Cross-Dresser


3

6%

Baklang Pangkaraniwan


24

48%

Baklang Babaylan


10

20%

Baklang Transesexual


1

2%

Pamintang Buo


1

2%

Pamintang Durog


3

6%

Iba pang Uri


3

6%

KABUUAN

49

98%


Makikita sa unang talahanayan ang ibat ibang klasipikasyon ng
isang bakla.
Ang may pinaka-malaking bahagdan ay ang baklang pangkaraniwan
na mayroong 24 na kalahok ang sumagot dito o 48% na bahagdan.
Sumunod naman dito ay ang baklang babaylan na may dami na 10 o 20%
na bahagdan. Ikatlo ay ang baklang pasikreto na may dami na 4 o 8%.
8%
6%
49%
21%
2%
2%
6%
6%
Uri ng Bakla
Baklang Pasikreto
Baklang Cross-Dresser
Baklang Pangkaraniwan
Baklang Babaylan
Baklang Transexual
Pamintang Buo
Pamintang Durog
Iba pang uri
Magkapantay naman ang baklang cross-dresser, pamintang durog at iba
pang uri na sila mismo ang nagtukoy na may tigta-tatlong dami o
katumbas ng 6% na bahagdan. Ang may pinakamababang dami naman ay
ang baklang transsexual at pamintang buo na may tig-isang dami o 2%
lamang.
Dahil sa ang baklang pangkaraniwan ang may pinakamarami,
maraming lalaki o bakla ang mas piniling maging simple lamang o natural
lang ang pagiging bakla nila na walang halong pangamba at totoo sa
sarili.
Talahanayan 2- Ilang taon ka noong nalaman mo sa sarili mo na isa
kang bakla?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

5-10 taong gulang

29

58%

11-15 taong gulang

16

32%

16-20 taong gulang

5

10%

21-25 taong gulang

0

0%

26 pataas

0

0%

KABUUAN

50

100%

Sa ikalawang talahanayan matutukoy kung anong edad nga ba mas
natuklasan ng mga bakla na ganap na bang bakla at ang edad na may
pinakamalaking bahagdan ay ang edad 5-10 taong gulang na may dami
na 29 o 58% na bahagdan. Sumunod dito ay ang 11-15 taong gulang na
may dami na 16 o 32% na bahagdan. Ikatlo naman ang 16-20 taong
gulang na may dami na 5 o 10% lamang. Ang 21-25 taong gulang at 26
pataas naman ay walang sagot na nakuha.
Makikita natin na mas maraming 5-10 taong gulang ay nagiging
bakla na ang isang lalaki. Malalaman dito na mula pagkabata ay alam na
merong naiiba sa pagkatao ng isang lalaki kahit di pa gaanung alam kung
ano ito.

58%
32%
10%
0% 0%
Edad
5-10 taong gulang
11-15 taong gulang
16-20 taong gulang
21-25taong gulang
26 pataas
Talahanayan 3- Alam na ba ng iyong mga magulang ang iyong
totoong pagkatao?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo, parehong nanay at
tatay

35

70%

Hindi, parehong nanay
at tatay

5

10%

Oo, nanay ko lamang

9

18%

Hindi, tatay ko lamang

0

0%

KABUUAN

49

98%


72%
10%
18%
0%
Alam na ba ng iyong mga magulang ang iyong
totoong pagkatao?
Oo, parehong nanay at tatay
Hindi, parehong nanay at tatay
Oo, nanay ko lamang
Hindi, tatay ko lamang
Dito sa ikatlong talahanayan pinakita kung nasasabi nga ba ng
isang lalaki ang pagiging bakla nito sa kanyang mga magulang.
Pinakamalaking bahagdan ang parehong alam ng nanay at tatay na
may dami na 35 o may 70% na bahagdan. Sumunod naman ang nanay
lang ang may alam na may dami na 9 o 18% na bahagdan. Ikatlo ang
hindi alam pareho ng nanay at tatay ang kanilang totoong pagkatao na
may dami 5 o may 10% na bahagdan. At wala namang may sagot na
hindi alam pareho ng magulang.
Makikita sa sarbey na alam ng parehong nanay at tatay ang
totoong pagkatao ang may pinakamataas. Ibig sabihin ay handang
magsabi ng nararamdaman ang mga bakla kahit ano pang sabihin ng
kanilang magulang na kasalungat naman ng may pinakamaliit na bahagdan
na hindi alam pareho ng mga magulang ang totoong pagkatao ng anak
dahil sa takot na kung anong maaaring sabihin at gawin ng mga ito.
Sumunod naman na mataas ang bahagdan ay ang nanay lamang ang
may alam dahil maraming lalaki ang natatakot na magsabi sa tatay dahil
maaaring itakwil ng tatay ang sariling anak sa pamilya at magkaroon ng
problema sa pagitan ng mag-ama. Kagaya na lamang sa pelikula ni Vice
Ganda na Praybeyt Benjamin na kung saan ay hindi gusto ng lolo na
isang bakla ang kanyang apo dahil nasa lahi ng mga sundalo ang kanilang
pamiya at nakakahiya sa mata ng ibang tao. Ganoon din sa totoong
buhay na maraming lalaki ang natatakot umamin sa kanilang tatay dahil
sa maaaring magawa nito sa kanya.
Talahanayan 4- Magkaiba ba ang pinapakita mong pagkatao sa pamilya
mo at sa ibang tao?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

14

28%

Hindi

36

72%

KABUUAN

50

100%



Sa talahanay na ito makikita kung magkaiba nga ba ang pakikitungo
ng mga bakla sa kanilang pamilya at sa ibang tao. Pinakamalaking
bahagdan ay ang nagsasabing hindi magkaiba ang pinapakitang pagkatao
28%
72%
Magkaiba ba ang pinapakita mong pagkatao sa
pamilya mo at sa ibang tao?
Oo
Hindi
na may dami na 36 o may katumbas na 72% na bahagdan. Labing-apat
naman o 28% ang nagsasabing magkaiba.
Talahanayan 5- Naranasan mo na bang makipag-relasyon sa isang
babae?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

15

30%

Hindi

35

70%

KABUUAN

50

100


Dito sa talahanayan na ito ay makikita na sa kabila ba ng pagiging
bakla ng isang lalaki ay nagkaroon nga ba ng kasintahan na babae.
Maraming nagsasabi na hindi nagkaroon ng kasintahan na babae ang
30%
70%
Naranasan mo na bang makipag-relasyon sa isang
babae?
Oo
Hindi
bakla na may dami na 35 o 70% dahil kung babalikan ang talahanayan 2
na kung saan ay tinanong kung anong edad nung nalaman ng lalaki ang
totoong gusto nito ay maraming nagsabi na nasa 5-10 taong gulang na
nung nalaman ng isang bakla na ito kaya nung dumating na ang tinatawag
na teenage stage na kung saan ay mararanasan mo ng magkaroon ng
taong mahal ay alam na nila kung ano ang gusto nila, at hindi ito babae.
Labinglima naman ang nagsabi na nagkaroon ng kasintahan na
babae ang ngayon ay bakla. Halimbawa ulit nito ay si Vice Ganda na
sinabing nagkaroon nang limang girlfriends noong bata pa at inamin na
kahit bakla siya ay nakaka-appreciate pa rin si Vice ng kagandahan ng
isang babae at kung manliligaw daw muli ay liligawan ang artistang si
Kaye Abad.
Talahanayan 6- Ngayong alam mo na isa kang bakla, nagkakagusto ka pa
ba sa isang babae?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

16

32%

Hindi

33

66%

KABUUAN

49

98%


Sa talahanayan na ito makikita kung nagkakagusto pa ba ang isang
bakla sa isang babae. 66% ang nagsabi na hindi na sila nagkakagusto sa
isang babae dahil sinasabi nilang hindi sila talo nito at kadalasan pa ngay
sinasabi nilang mas maganda pa kaysa sa isang babae ang bakla kayat
imposible para sa kanila na magkagusto muli sa babae.
32% naman ang nakapagsabing nagkakagusto pa sa isang babae.
Kung mapapansin natin, kulang ito ng 2%. At ang 2% na ito ay nagsagot ng
depende.
Talahanayan 7- Nakipagrelasyon ka na ba sa kapwa mo lalaki?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

25

50%

Hindi

25

50%

KABUUAN

50

100%
33%
67%
Ngayong alam mo na isa kang bakla, nagkakagusto ka pa
ba sa isang babae?
Oo
Hindi

Sa panahon na ito, marami ng makikitang bakla sa paligid na may
mga kasintahan na kapwa nila lalaki.
Sa aming sarbey na lumabas ay pantay lang ang bahagdan ng
mga sumagot ng oo at hindi sa katanungang, nakipagrelasyon ka na ba
sa kapwa mo lalaki? Dahil sa medyo tanggap na ng lipunan ang mga
bakla ay nagkakaroon na rin ng kalayaan ang mga bakla na mahalin ang
lalaking iniibig at makipagrelasyon dito.
Sa ibang bansa kagaya sa United States, Canada, Argentina, Belgium,
Brazil, Denmark, France, Iceland, Netherlands, New Zealand, etc. ay
pinapayagan ang same sex marriage na kung saan ay pupwedeng
magpakasal ang dalawang magkaparehas ng kasarian kaya may ibang
mga Pilipino ang pumupunta doon upang magpakasal dahill hindi pa
pinapayagan ang ganoong mga gawain dito sa Pilipinas.
50% 50%
Nakipagrelasyon ka na ba sa kapwa mo lalaki?
Oo
Hindi
Talahanayan 8- Nagkaroon ka na ba ng isang relasyon na kung saan
ay mahal ka rin ng lalaking mahal mo?

Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

22

44%

Hindi

27

54%

KABUUAN

49

98%


54% ang nagsasabi na hindi pa nagkakaroon ng karelasyon ang
bakla na kung saan ay parehas na nagmamahalan ng tunay ang
magkasintahan. Kung babalikan ang talahanayan 7 ay kalahati ang nagsabi
na hindi pa nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki ang ilan sa mga bakla.
Sa susunod na talahanayan ay makikita natin kung ano nga ba ang
pinoproblema ng isang bakla.
45%
55%
Nagkaroon ka na ba ng isang relasyon na kung saan
ay mahal ka rin ng lalaking mahal mo?
Oo
Hindi
Talahanayan 9- Ano ang kadalasang pinoproblema ng isang bakla?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Pagtrato sa kanila ng
kanilang pamilya

11

22%

Mga mapanghusgang
mata ng tao

32

64%

Lalaking minamahal

16

32%

Mga totoong kaibigan

6

12%

Pagtanggap sa iyo ng
lipunan

2

4%

KABUUAN

67

134%


16%
48%
24%
9%
3%
Ano ang kadalasang pinoproblema ng isang bakla?
Pagtrato ng kanilang pamilya
Mga mapanghusgang mata ng
tao
Lalaking Minamahal
Mga totoong kaibigan
Pagtanggap sa iyo ng lipunan
Kahit na anong saya sa mukha ang nakikita sa mga bakla, may
mga problema din itong tinatago. Ang may pinakamataas na bahagdan na
problema ng mga bakla ay ang mga mapanghusgang mata ng tao sa
paligid . Dahil nga sa sinasabi na isang kasalanan sa Diyos ang pag-iibang
kasarian ng tao, ay ibat ibang opinyon na ang lumalabas mula sa ibang
tao. Sumunod naman na pinakamataas ay ang problema nila sa lalaking
minamahal na may bahagdan na 32%. Dahil nga sa sinasabing ang lalaki
ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki ay hirap ng makahanap
ang isang bakla ng lalaking tunay na magmamahal sa kapwa din lalaki.
Kapag may isang bakla ang may karelasyon na lalaki ay iniisip agad na
binibigyan niya ito ng kahit anong gusto nito wag lang maiwan ng
minamahal.
May isang palabas noon na ang pamagat ay My husbands lover
na pinalabas sa GMA 7 na ang istorya ay ang asawa ng babae ay
mayroong karelasyon na lalaki rin at di magawang iwanan ng asawa ng
babae ang karelasyon nito dahil na rin sa matagal na ang nagging
relasyon nila at mahal pa rin ang isat isa. Patunay lamang ito na kahit
anong bagay ay handang hamakin ng pag-ibig kahit na bawal pa ito sa
mata ng ibang tao basta ang mahalaga ay ang pagmamahal isat isa.


Talahanayan 10- Nakaka-apekto ba ang iyong pagkatao sa iyong pag-
aaral?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

3

6%

Hindi

47

94%

KABUUAN

50

100%


94% ang nagsabing hindi nakaka-apekto ang pagkatao sa kanilang
pag-aaral at 6% naman ang nagsabing oo. Batay sa talahanayan, mas
marami ang may gusto na hindi pina papabayaan ang pag-aaral ano man
ang estado sa buhay. At isa itong paraan upang ipakita sa ibang tao na
kahit ang isang bakla, tanggap man ng lipunan o hindi, ay may
maipagmamalaki pa.

6%
94%
Nakaka-apekto ba angiyong pagkatao sa
iyong pag-aaral?
Oo
Hindi
Talahanayan 11- May pag-aalinlangan ka ba sa iyong pagiging bakla?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

7

14%

Hindi

43

86%

KABUUAN

50

100%


86% ang sigurado sa sarili na bakla na talaga at wala pag-
aalinlangan sa sarili sa tunay na pagkataong ipinapakita sa iba. 14% naman
ang may pag-aalinlangan pa sa sarili.


14%
86%
May pag-aalinlangan ka ba sa iyong
pagiging bakla?
Oo
Hindi
Talahanayan 12- Minsan na bang sumagi sa isip mo na bumalik sa
pagiging lalaki?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

12

24%

Hindi

38

76%

KABUUAN

50

100%


Makikita dito na kahit bakla na ang isang lalaki ay minsan ring
sumasagi sa isip na bumalik sa pagiging isang lalaki. Iyong ibang nagsagot
ng hindi ay natatakot sa kung anong sasabihin ng ibang tao kung bumalik
sa pagiging lalaki at sigurado na talaga na bakla ang kanilang kasarian
ano man ang mangyari.
24%
76%
Minsan na bang sumagi sa isip mo na
bumalik sa pagiging lalaki?
Oo
Hindi
Talahanayan 13- Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ipabago ang iyo
pisikal na kaanyuan, kukuhain mo ba ang oportunidad na ito?
Pagpipilian Kasagutan Dami Bahagdan

Oo

13

26%

Hindi

37

74%

KABUUAN

50

100%


74% ang nagsabing kahit bigyan ng oportunidad ang mga bakla na
baguhin ang kanilang pisikal na kaanyuan ay hindi ito babaguhin sa
kadahilanang ganoon ang pagkakalikha ng Diyos at iingatan ito.
26% naman ang nagsabing oo, kagaya na lamang ni Kevin Balot. Si
Kevin Balot ay aakalain mo talagang babae sa unang tingin dahil taglay
26%
74%
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na
ipabago ang iyo pisikal na kaanyuan,
kukuhain mo ba ang oportunidad na ito?
Oo
Hindi
niya ang mga pisikal na kaanyuan nito. Siya ang isa sa mga sikat na
bakla na iniidolo ng mga bakla dahil sa talino nito at nananalo pa ito sa
mga patimpalak para sa mga bakla sa ibang bansa.
Dumako naman tayo sa mga sariling sagot ng ating mga kalahok
patungkol sa isang katanungan.
Tanong #1: Ano ang nagtulak sa iyo upang maging isang bakla?
Karaniwan sagot dito ay nalalaman na lamang sa sarili at kusa na
lang itong lumalabas.
Sa isang game show ng GMA 7 na ayon daw sa isang pag-aaral na
ang mas nagtutulak daw sa isang lalaki na maging bakla ay ang mga
kapatid nitong babae dahil mas naiimpluwensyahan siya ng mga bagay na
ginagawa ng mga kapatid niyang babae. Isa ring dahilan na nakita namin
sa aming sarbey ay dahil hindi naging maganda ang resulta ng relasyon
ng isang lalaki sa babae kaya naging bakla ito.
Tanong#2: Sa paanong paraan mo ipinaalam sa mga magulang mo
ang iyong pagkatao?
Napapansin na lamang
Nakikita sa ikinikilos
Kinausap ang magulang
Iyan ang may maraming sagot sa sarbey sa katanungang ito. Dito ay
makikita natin kung gaano nga ba kakilala ng magulang ang kanyang
anak. Itong mga kasagutan na ito ang nagsasabi na kahit anong tago ang
gawin ng isang anak sa sariling mga magulang ay malalaman at
malalaman ito dahil sariling anak ito at dapat ay maging katuwang ng
mga anak ang kanilang magulang sa anumang bumabagabag sa kanilang
kalooban.
Tanong#3: Magkaiba ba ang pinapakita mong pagkatao sa pamilya mo
at sa ibang tao? Kung oo, paano?
Mas limitado ang pagkabakla sa bahay kaysa sa eskwela
Nagpapakalalaki ako kapag kaharap ang pamilya at medyo
malambot kapag kaibigan ang kasama
Bakla sa mga kaibigan pero lalaki sa harap ng magulang
Lalaki sa harap ng ama
Sa pamilya, nagkikilos lalaki
Batay sa mga sagot, halos parehas lang ang ibig sabihin ng mga sagot
sa katanungan na ito. Ibig sabihin ay ibang-iba nga talaga kumilos ang
isang bakla sa harap ng sariling magulang lalo nat hindi alam kung ano
talaga ang tunay na pagkatao. Bilang estudyante, iba rin ang pinapakitang
ugali sa harap ng magulang at sa ibang tao lalo na sa mga kaibigan.
Dahil sa kaibigan, mas nailalabas mo ang tunay mong sarili.
Tanong#4: Bilang isang bakla, ano-ano sa tingin mo ang adbentahe
mo sa lipunan?
Magdulot ng kasiyahan.
Nagpapakita ng fleksilidad sa pagtanggap ng mga kritisismo
Pagiging malikhain
Iyan ang ilan sa mga adbentahe ng mga bakla sa lipunan. Ang
magbigay ng kasiyahan na kahit may pinoproblema ay isinasantabi ito
mapakita lang na masaya rin sila. Aminin man natin o sa hindi, bihira
lamang ang baklang hindi palatawa at walang naiisip na kapilyuhan. Ang
madalas nating nakikita na bakla ay iyong masayahin at laging nakangiti
sa harap ng mga tao. Kahanga-hanga rin ang mga bakla padating sa
pagtanggap ng kritisismo. Isa ito sa mga dahilan kay lumakas ang kalooban ng
mga bakla. Ayaw din naman magpatalo ang bakla sa iba. Ang pagiging malikhain
naman ng bakla ay naipakita na rin sa mga naimbentong mga salita ng mga
bakla. Kaya nga rin magaling magpatawa ang isang bakla dahil marami itong
naiisip na kapilyuhan.
Tanong#5: Ano ang gagawin mo kung sakaling may babaeng
magkakagusto sa iyo?
Kakaibiganin. Gusto lang naman diba? Hindi naman magmamahal?
Siguro Ill give it a try kung may babaeng magmamalaki na kahit
ganyan siya, mahal ko yan
Matutuwa at magpapasalamat kasi nagkagusto pa rin kahit na alam ng
babae na isa akong bakla.
Didiretsuhin ang babae. Sasabihin na ayaw sa babae at ang gusto ay
lalaki
Wala. Kakausapin ko siya na hindi kami talo. Hindi kami bagay. Mas
maganda ako sa kanya.
May ibang bakla na kapag may babaeng nagkagusto ay natutuwa
dahil kahit na ganoon ang pagkataong kanilang ipinapakita ay mayroon
pa rin nagkakagusto na babae. Kagaya na lang ng una at pangalawang
sagot na nagpapakita na kanilang katuwaan kung sakaling may
magkagustong babae.
May iba naman na walang gagawin at tatapatin ito na hindi gusto
ang mga babae.
Tanong #6: Sino sa mga sikat na bakla ang iniidolo mo? Bakit?
Vice Ganda ay isang sikat na komedyante at isang permanenteng
hurado sa Showtime, isang popular na palabas sa ABS-CBN.
Ricky Reyes may-ari ng 39 na salon, 3 Learning Institute at ang
prangkisa ng Reyes Haircutters. Tinaguriang "Mader ng Ganda".
Boy Abunda isang mamamahayag, talent manager at personalidad sa
telebisyon.
Kevin Balot ang Pinoy transgender na nanalong 2012 Miss
International Queen.
Sa mga napiling sagot, ang pinaka-sikat talaga ngayon ay ang
komedyanteng si Vice Ganda na host ng palabas na Its Showtime at
Gandang Gabi Vice na talagang nakakapagbigay ng saya sa ibang tao
kaya ang nakaraang pelikula na Girl Boy Bakla Tomboy na naging entry
para sa MMFF ay nanguna.
Masasabi na kahit bakla si Vice Ganda ay marami na itong naabot sa
buhay na talagang maipagmamalaki at nagagamit ito para makatulong
sa ibang tao.
Tanong#7: Naniniwala ka ba sa isang liriko ng kanta na mas lalaki
pa sa lalaki ang bakla? Bakit?
Karamihan sa nagsagot ay kaya mas lalaki pa sa lalaki ang bakla
ay dahil kapag ang lalaki ay may desisyon sa buhay na hindi naging
maganda ang resulta ay tinatakbuhan ito o kaya ay iiwan na lang. May
mga bakla naman na kahit anong desisyon nila ay pinapanindigan pa rin
nila ang naging desisyon nila. Tulad nga ng sabi sa tanong#4 ay mas
sanay tumanggap ang mga bakla ng kritisismo kaysa lalaki. Masasabi na rin
na kapag ang lalaki ay masabihan lang ng masama ay makikipagaway na ito
o mahihinaan ng loob. Mas alam ng bakla kung paano haharapin ang
kritisismong ibinabato.
Pero hindi pa rin naman natin masasabi na mas lalaki pa sa lalaki
ang bakla dahil nakadepende pa rin ito sa kung sino ang gumaganap
nito.
Tanong#8: Nakikita mo ba ang sarili mo na magakakaroon ng asawat
anak gaya ng mga totoong lalaki sa hinaharap? Bakit?
Hindi, kasi wala akong planong mag-asawa pero gusto ko magka-
anak.
Oo, dahil naniniwala akong ang pagiging isang bakla ko ngayon ay
nagsisislbing pagsubok ng Panginoon upang maging matatag akong
Padre de Pamilya sa hinaharap.
Oo, para naman may makasama ako sa buhay.
Hindi, dahil ayokong tuksuhin ang aking magiging anak kung sakali
man.
Makikita naman dito ang ibat ibang opinyon ng mga kalahok. May
nagsabing oo, may nagsabing hindi. Isang magandang naging dahilan kung
bakit ayaw magka-anak ng isang bakla ay ayaw na tuksuhin lamang ito
dahil sa pagkatao ng nagpalaki sa bata. Masakit nga naming makita na
ang anak mo ay tinutukso ng mga kaibigan niya dahil sayo.
May isang episode noon sa Magpakailanman na palabas ni Mel
Tiangco na kung saan nag-ampon ang isang bakla ng anak. Inalagaan ng
bakla ang bata at noong paglaki nito ay tinutukso ng mga kaibigan ng
bata ang pagiging bakla ng tumayong magulang at anak. Pero kahit
ganoon may pagmamahal pa rin sa pagitan ng mag-ama kahit na hindi
tunay na anak ng bakla ang bata.
Walang nakakaalam kung gaano katagal ang pananatili sa mundong
ibabaw. Pero hindi bat maganda kung sa pagtanda mayroong nakakasama
sa buhay? Na may mag-aalaga sa atin? Pero hindi pa rin dapat husgahan
ang kagustuhan ng bakla. Tomboy man yan o normal na tao ay dapat
alam ang salitang Respeto na dapat may karapatan din, dahil tulad natin,
gusto lang rin ng mga bakla na maging masaya ang buhay. Huwag dapat
basta-basta na lang manghuhusga ng ibang tao dahil hindi natin alam
kung gaano karaming problema ang dumadating sa buhay ng isang bakla.
Pinagmulan:
http://www.headlinegl.com/kung-niligawan-ng-bading-si-toni-gonzagavice-ganda-
nagkaroon-ng-limang-girlfriends




















Kabanata V
Paglalagom, Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon
Paglalagom
Mga Natuklasan
Ang mga sumusunod ay natuklasan batay sa mga datos na
nalikom sa mga talatanungan.
1. Na nangunguna ang mga baklang pangkaraniwanna may pinakamataas
na bahagdan sa iba pang uri kung saan nagtataglay ito ng 48%.
Sinusundan ito ng Baklang babaylan na may bahagdan na 20%, ikatlo ay
ang baklang pasikreto, 8%; samantala nakakuha ng magkakatulad na
bahagdan ang mga baklang cross-dresser, pamintang durog at iba
pang uri na sila mismo ang nagtukoy, 6%.
2. Na ang uri ng Baklang Transsexual at Pamintang Buo naman ang may
pinakamaliit na bahagdan na may magkatulad na porsyento, 2%.
3. Na ang edad 5-10 ang may pinakamataas na bahagdan kung saan
nalaman nila na sila ay bakla, nagtataglay ito ng 58%.
4. Na ang sumunod sa edad na may pinakamataas na bilang ay ang 11-15
taong gulang. Sinusundan ito ng 16-20 taong gulang na may bahagdang
10%. Samantala ang 21-25 taong gulang at 26 pataas ay parehas na
nakakuha ng 0%.
5. Na 70% ng kalahok ang may parehong nanay at tatay na may alam na
sila ay bakla, sinusundan ng 18% kung saan nanay lamang nila ang may
alam, at 10% naman ang bahagdan na parehong nanay at tatay nila ang
hindi nakakaalam.
6. Na ang may pinakamalaking bahagdan ay ang nagsasabing hindi
magkaiba ang pinapakita nilang pagkatao sa kanilang pamilya at ibang
tao na may 72% na bahagdan samatala28% ang nagsasabing magkaiba.
7. Na may bahagdan na 70% ang nagsasabing sila ay hindi nakipagrelasyon
sa babae at 30% naman ang nakaranas.
8. Na 66% ng mga kalahok ay sinasabing sila ay hindi na nagkakagusto pa
sa mga babae at 32% naman ang oo. Samantala may bahagdan na 2%
ang sumagot ng depende.
9. Na may pantay na pagkakahati ang nagsabing kung sila ba ay
nakipagrelasyon sa lalaki; 50% an goo at 50% din ang hindi.
10. Na may bahagdan na 44% ng kalahok ang nagsasabing mahal sila ng
lalaking nakarelasyon nila.
11. Na ang mapanghusgang mata ng tao ang may pinakamataas na
bahagdan na pino-problema ng mga kalahok kung saan nakakuha ito ng
64%, sumunod ay ang lalaking minamahal na may 32%, ikatlo ay ang
pagtrato sa kanila ng kanilang pamilya na may 22%. Ikaapat ay ang
totoong kaibigan na nakakuha lamang ng 12% at 4% naman sa
pagtanggap sa kanila sa lipunan ang may pinakamababang bahagdan.
12. Na 94% ng mga kalahok ang nagsasabing hindi nakaaapekto ang
pagiging bakla nila sa kanilang pag-aaral at 6% naman ang nagsabing oo.
13. Na 86% ang nagsasabing sila ay hindi na nag-aalinlangan sa kanilang
pagiging bakla at 14% naman ng mga kalahok ang may pag-aalinlangan.
14. Na 76% ng mga kalahok ang nagsasabing hindi sumagi sa kanilang isip
na bumalik sa pagiging lalaki at 24% naman ang oo.
15. Na 74% ng mga kalahok ang nagsasabing hindi nila kukuhain ang
oportunidad na ipabago ang pisikal na kaanyuan, at 26% naman an goo.
16. Na naniniwala ang karamihan sa mga kalahok na kusa nilang
naramdaman na sila ay isang bakla.
17. Na sa paraan ng mga sumusunod kaya naipaalam nila ito sa kanilang
magulang; naramdamang kusa, nakita sa ikinikilos at pagsasabi sa
magulang nila na sila ay bakla.
18. Na karamihan sa mga kalahok ang nagsasabing limitado ang pagkabakla
nila sa bahay kaysa sa eskwela at mas nagpapakalalaki sila sa harap ng
kanilang pamilya.
19. Na ang adbentahe na isinagot ng mga kalahok ay ang magdulot ng
kasiyahan.
20. Na karamihan sa mga kalahok ang nagsasabing kakaibiganin nila ang
babae na magkakagusto sa kanila.
21. Na ang mga sumusunod ay ang madalas i-sagot sa mga baklang
kanilang iniidolo; Vice Ganda, Ricky Reyes, Boy Abunda at Kevin Balot.
22. Na karamihan sa mga bakla ang walang plano mag-asawa ngunit nais
magkaroon ng anak at ang iba naman ay natatakot sa kadahilanang sila
ay maaaring tuksuhin ng kanilang magiging anak. Samantala marami rin
ang nagnanais na magkaroon ng sariling pamilya upang may makasama
sa pagtanda at sa paniniwalang ito ay isa lamang pagsubok na bigay ng
Panginoon upang maging matatag na Padre de Pamilya sa hinaharap.
Kongklusyon
Ang pagwawakas sa pag-aaral na ito ay batay sa mga sumusunod
na natuklasan mula sa pagsa-sarbey.
1. Maraming bakla ang karaniwan lamang kung saan mas piniling maging
simple lamang o natural lang ang pagiging bakla nila na walang
halong pangamba at totoo sa sarili.
2. Nalalaman agad ng mga bakla sa edad pa lamang na 5-10 taong gulang
na sila ay hindi tunay na lalaki.
3. Karamihan sa mga bakla ay parehong nanay at tatay nila ang may alam
sa tunay nilang pagkatao at tanggap ito.
4. Masasabing magkatulad lamang ang ipinapakita ng mga bakla sa
kanilang pamilya at ibang tao at iilan lamang ang magkaiba.
5. Kaunti lamang ang mga baklang nakakaranas makipagrelasyon sa mga
babae ngunit may bilang pa din ang mga ninais na makipagrelasyon sa
kabila ng kanilang pagiging bakla.
6. Karamihan sa mga bakla ay ay hindi interesado sa pakikipagrelasyon sa
mga babae sa kadahilanang sila ay naniniwalang may pusong babae din
sila.
7. Kadalasan sa mga bakla ay hindi sila mahal ng mga lalaking
nakakarelasyon nila.
8. Mapanghusgang lipunan at mata ng tao ang talagang problema ng isang
bakla at kasunod nito ang lalaking kanilang nakakarelasyon.
9. Hindi naapektuhan ng pagiging bakla ang kanilang pag-aaral.
10. Marami sa mga bakla ang walang pag-aalinlangan sa kanilang pagkatao
at naniniwalang ito talaga nag nararapat at makakapagpasaya sa sarili
nila.
11. Hindi na nanaisin pa ng isang bakla ang bumalik sa dati nitong kasarian,
ang pagiging lalaki kung matapos nitong palayain ang kanilang sarili at
makapaglantad.
12. Hindi lahat ng bakla ay nagnanais magpabago ng pisikal na kaanyuan at
masasabing tanggap nila kung ano ang mayroon sila ngayon.
13. Nararamdamang kusa ng isang bakla ang kanilang tunay na kasarian at
pagkatao sa murang edad pa lamang.
14. Ang pagbibigay kasiyahan ang adbentaheng hindi mo maiaalis sa
pagiging bakla.
15. Masasabing mas lalaki pa sa lalaki ang isang bakla, isang liriko mula sa
kanta, sa kadahilanang sila ay mas responsable at may paninidigan,
ngunit ito ay nakadepende pa rin sa indibidwal na gumaganap nito.
16. Marami sa mga bakla ang natatakot na tumanda mag-isa sa kabila ng
pinili nilang maging isang bakla.
17. Marami sa mga bakla ang nagnanais na magkaroon ng anak ngunit ayaw
mag-asawa ng babae.
18. Marami sa mga bakla ang umi-idolo sa sumusunod; Vice Ganda, Boy
Abunda, Ricky Reyes at Kevin Balot dahil sa tagumpay na kanilang
narating at pagpapakita ng magandang imahe ng isang bakla.
Rekomendasyon
Batay sa kinalabasan at pagwawakas ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod
na mungkahi ay itinatagbilin:
1. Pagbibigay ng suporta ng pamahalaan sa mga bakla na makapagpatayo
ng negosyo maliban sa beauty parlor na makakatulong sa paglago ng
ekonomiya.
2. Pagkilala sa kakayahang makapagbigay ng serbisyo sa barangay at iba
pang departamento ng pamahalaan.
3. Pagkilala ng simbahan sa isyu ng moral para sa mga bakla
4. Hikayatin ang pamahalaan ng mamuhunan sa mga lalawigan ng negosyo
kung saan mapapakita ng mga bakla ang kanilang natatanging
kakayahan.
5. Hikayatin ang mga bakla na makatapos ng pag-aaral para mapalakas ang
kanilang pagkakataon na makapagtrabaho sa mga malaking kompanya.
6. Pagsuporta ng mga mamamayan at ng pamahalaan sa orgnisasyon ng
mga bakla.
7. Dapat natin tanggapin ang presensya ng mga bakla sa ating komunidad.
8. Iba iba ang mg bakla. Kahit anong uri pa yan may sarili silang
personalidad kaya dapat ay kilalanin pa rin natin sila ng mabuti.
9. Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa bawat isa mapa-babae man, lalake o
bakla. Kasama na rin ang mga tomboy.
10. Pagsasagawa ng mas malawak na pagaaral ukol sa naturang paksa
upang makumpirma o mapabuluaan ang mga natuklasan ng mga
mananaliksik.
Bibliograpiya
http://tl.answers.com/Q/Pinagmulan_ng_bakla
http://n5e.interaksyon.com/top/41CEF311DF0F4E4/1003/history-may-
bakla-nga-ba-na-kasapi-sa-katipunan
http://talaarawannibeki.blogspot.com/2011/07/sariling-sikap-sintomas-ng-
pagiging.html
http://kambakla.blogspot.com/2009/03/ang-mga-ambag-ng-kulturang-
bakla-sa.html
http://definitelyfilipino.com/blog/2011/11/24/sino-ang-tunay-na-bading/
http://1epm-pananaliksiksafilipino.blogspot.com/2009_02_01_archive.html
https://www.google.com.ph/search?newwindow=1&q=kahalagahan+ng+b
akla+sa+lipunan&oq=kahalagahan+ng+bakla+sa+lipuna&gs_l=serp.1.0.3
0i10.410954.430084.0.432072.47.38.7.0.0.2.1038.9793.12j10j4j3j2j5j1j1.3
8.0.ekp%2Ckpns%3D1000%2Ckpnr%3D120...0...1.1.32.serp..31.16.1614.
WQx7XcJmWto
http://www.scribd.com/doc/111381251/BEKIMON-Gay-Lingo-at-Ang-
Epekto-Nito-Sa-Lipunan#download
https://www.google.com.ph/search?newwindow=1&site=&source=hp&q=th
esis+tungkol+sa+mga+bakla&oq=thesis&gs_l=hp.1.0.35i39j0l9.7461.8740
.0.11429.6.6.0.0.0.0.150.554.3j3.6.0.ekp%2Ckpns%3D1000%2Ckpnr%3D
120...0...1.1.32.hp..1.5.404.oqhkphnhc0E
http://freelipino.blogspot.com/2009/05/bakla-ka-ba.html
http://1epm-pananaliksiksafilipino.blogspot.com/2009_02_01_archive.html
https://www.google.com.ph/search?newwindow=1&q=kahalagahan+ng+b
akla+sa+lipunan&oq=kahalagahan+ng+bakla&gs_l=serp.3.0.35i39.36024
67.3608456.0.3610647.16.15.1.0.0.1.260.1710.6j8j1.15.0.ekp%2Ckpns%
3D1000%2Ckpnr%3D120...0...1.1.32.serp..13.3.193.QSENGXh4uN8
http://trickshuh.wordpress.com/2012/07/31/ang-dapat-mabatid-ng-mga-
mamamayan/
http://definitelyfilipino.com/blog/2011/11/24/sino-ang-tunay-na-bading/
http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/17/si-intoy-syokoy-ng-kalye-
marino-review/
http://kambakla.blogspot.com/2009/03/ang-mga-ambag-ng-kulturang-
bakla-sa.html
http://www.studymode.com/search_results.php?query=gay&field%5B%5D
=title&field%5B%5D=paper&period=any&pages=0&pages_from=1&pages
_to=10&words=0&words_from=1&words_to=1500&match_mode=any&ex
act_query=&exclude_query=
http://www.godandscience.org/evolution/genetics_of_homosexuality.html
http://tl.wikipedia.org/wiki/Homoseksuwalidad
http://jarharpar.blogspot.com/2012/12/bakla-bakla-bakla.html
http://geoffreycruz.wordpress.com/2013/01/15/ang-bakla-bilang-bakla/
http://vinnicents.wordpress.com/2013/03/24/basta-magulang-gender-
performativity-ang-bakla-at-ang-kaayusan-ng-pamilya-sa-ang-tatay-kong-
nanay-ni-lino-brocka/

You might also like