You are on page 1of 22

21

Sa Pagkahati ng Maynila

Sa dami ng naghahangad manood sa operetang
Pranses, maaga pa'y ubos na ang ticket. Ang mga
hindi nakabili ay nagkasiya na lang sa pag-aali-aligid
at panonood sa mga nakikita sa labas.
Ang Kastilang si Camaroncocido na tagapagbalita
ng mga itatanghal at tagakabit ng kartel sa dulaan at
ang kapatid sa hanap-buhay na si Tio Quiko ay nag-
uusap tungkol sa mga sang-ayon at di sang-ayon sa
itinatanghal.
D a h i l sa dalawang grupong nag-iiringan,
nagkaroon ng pulong at tuligsaan. May sumisigaw pa
ng insureksiyon at rebolusyon. Sa wakas ay ibinigay
din ang permiso sa pagtatanghal. Nabalita sa bawat
tahanan, sa mga opisina, halos lahat ay nag-aaral ng
mga salitang Pranses para madaling maunawaan ang
panonoorin.
Nagmemorya sila ng oui, sil vou plait, monsieur
at iba pang mga salita. Pati galaw halos ng mga Pranses
ay ginagaya rin.
Samantala, balisa naman ang mamamahayag na
Ben Zayb dahil sa siya ang pinagagawa ng sinopsis
ng pagtatanghal. Naalaala niya nang siya'y may
nagawang pagkakamali lang sa baybay ng pangalan

~100~
Dg isang soprano. Pinagsabihan siya ng mga kalabang
li) aryo ng ignorante, utak ipa, at kailangang magbasa
I £ mga dyaryong Italiano.
Kabilang si Padre Camorra sa nagsasabing wala
namang masama sa panoorin. Sang-ayon din sa kanya
si Ben Zayb, mga ayudante ng Heneral, mga klerk at
pasosyal na nais makapanood ng pranses na palabas.
Kabilang sa mga sumasalungat ang mga manang
na nagbibigay pahalaga sa kapurihan ng mga babae.
Nang umalis si Camaroncocido sa lugar ng tanghalan,
sa isang eskinita narinig niya ang pagbubulungan ni
> moun at ng isang sundalo. "Tandaan mo, ang
magiging hudyat ay isang putok," sabi ng mag-aalahas
sa sundalo. "Sabihin mo sa mga kasama mo na utos
an ng Kapitan Heneral. Kapag nagawa ninyo ang
otos, itataas ang inyong ranggo."
M u l i n g nakarinig si Camaroncocido ng
nagbubulungan sa iba namang eskinita. "Ang mga
prayle ang sundin natin. Mas malakas at
makapangyarihan. A n g Kapitan Heneral ay pinapalitan
at ipinadadala sa malayo."
Samantala sa labas ng teatro ay naroon si Tadeo
na nagmamalaki sa mga kababayan ng pagkakilala
niya sa mga importanteng mga tao.
Hangang-hanga naman ang probinsiyano.
Namalagi siyang nasa kaliwa ni Tadeo. Ipinakilalang
lahat sa kanya ni Tadeo ang mga dumarating at kung
hindi niya kilala'y umiisip na lamang ng pangalan at
vitakata ukol sa mga iyon.
Kung sinu-sinong mga tao ang ipinakilala niya
sa kasama. Bawa't isa'y binigyan niya ang kaugnayan
la sarili o kung di man ay pinatungkulan ng isang

~101~
pangyayaring lalo at lalong nakabilog sa ulo ng
tagalalawigang kasama.
"Hayun ang mananayaw, si Pepay," ang turo niya
nang makita naman ang dalaga. " H i n d i na iyan
nagsasayaw ngayon sapagka't pinagbawalan ng isang
ginoong kaibigan ko. Ssh! Tingnan mo ang taong iyong
may lapis at papel," at tinuro ang isang Kastila. "Iyon
ay si Ben Zayb. Siya'y isang magaling na manunulat
at kaibigan ko!"
"Siya nga! At ang pandak na iyong may maputing
balbas?"
"Iyon ang kawaning humirang sa tatlong anak na
babae, iyong tatlong kasama, na katulong niya sa
tanggapan, upang mapasama sa mga pinasasahod ng
Pamahalan. Napakatalino niyon. Kapag nagkamali'y
iba ang sinisisi. A n g ginugugol niya sa pamimili ay
salapi ng Pamahalaan. Matalino, oo, lubhang matalino."
May itinanong na muli ang probinsiyano nguni't
hindi siya pinansin ni Tadeo. Ang binata ay matamang
nakatingin kay Paulita Gomez na noo'y dumarating na
kapiling si A l i n g Victorina at si Juanito Pelaez. Isang
palko ang inihandog nitong huli sa mag-ale.
Patuloy ang sunud-sunod na pagdating ng mga
karwahe. Dumating ang mga Pranses na magsisiganap
at pumasok sa isang tanging pinto, kasunod ang
kanilang mga tagahangna.
Nang makapasok si Paulita sa dulaan ay
nagpatuloy sa pagkukuwento si Tadeo.
"Hoy! Kilala ko ang ginoong iyon! Si Padre Irene
na nakabalatkayo at may bigote. Kilala ko ang kanyang
ilong. Laban na laban pa naman siya sa pagtatanghal!"

~102~
Dumating sina Macaraig, Pecson, Sandoval at
Isagani at niyaya si Tadeong manood ng opereta.

Mga Tulong sa Pag-aaral

- Talasalitaan
1. grupong nag-iiringan
2. isang eskinita
3. mga ayudante ng heneral
4. nagkaroon ng tuligsaan

B. Ano ang itatanghal?

C. Anu-ano ang kuro-kuro tungkol dito?

~103~
22
Ang Pagtatanghal

A n g dulaa'y punong-puno ng mga taong sabik
makapanood ng palabas. Tatlo o apat na palko ang
natirang walang laman, gayong gabing-gabi na. A n g
pagsisimula ng palabas ay itinakda sa ikawalo't kalahati
nguni't labinlimang minuto na lamang ang kulang
upang mag-ikasiyam ay di pa itinataas ang tabing
pagka't di pa dumarating ang Kapitan-Heneral.
Inip na inip na ang mga tao kaya lumikha sila ng
sari-saring ingay at sumisigaw na itaas na ang tabing.
A n g lalong pinakamaingay ay mga artilyerong di
nasisiyahan sa tugtog ng orkestra.
Sa mga luklukang laan na may mangilan-ngilang
babai'y naghahari ang bulung-bulungan sa gitna ng
halakhaka't makapal na usok ng mga tabako. Pinag-
uusapan doon ang tungkol sa palabas. Iniisip nila na
kung ang Heneral ay nakipagkagalit sa prayle at kung
ang pagdalo n i y a ' y pagmamatigas o paglilibang
lamang.
A n g ibang mga lalaki'y nahuhumaling naman sa
pagtawag sa pansin ng mga dalaga. Umuupo silang tila
mga busto at buong pagmamalaking ipinamamalas ang
mga suot na brilyante, lalo na kung nararamdamang
sila ang pinagpapakuan ng tingin ng mga nakalarga-

~104~
bista. Minsa'y babatiin ng bating tila isang kabalyero
ang isang nagdaraang binibini at kapag malayo na'y
ibubulong sa katabing, " K a k u t y a - k u t y a siya at
nakaiinis!"
A n g binibini naman ay ngingiti sa bumati,
ipapaypay ang hawak na pamaypay at wiwikain sa
kasamang, "Napakamahangin. Nauulol sa pag-ibig!"

Bukod ang upuan para sa Kanyang Kamahalan,
mayroon ding wala pang laman na hindi malaman ng
mga tao kung kanino kaya inilalaan. Maingay na ang
mga tao dahil sa pagkainip. May pumapadyak sa sahig.
May pumapalo ng tungkod.
May pumasok na isang lalaki at naupo sa isang
upuang nakareserba. Pagdating ni Don Primitivo,
inaangkin ang upuang para daw sa kanya. Nang
nagmatigas ang lalaki dahil sa siya raw ang unang
dumating, nag-away, naggirian ang dalawa sa malaking
katuwaan ng mga tao. Dahil sa pagtatanggol ng lalaki
sa kanyang karapatan sa upuan kahit pa nagsumbong
ang don sa may-ari ng teatro, hinangaan siya ng mga
naroroon at pinalakpakan.
Tumigil ang gulo nang tumugtog ang Marcha
Real na nagpapahiwatig na dumating na ang Kanyang
Kamahalan. Tiningnan ng mga estudyante ang
mananayaw na si Pepay dahil ito nga ang pinagbilinan
nilang humikayat kay Don Custodio ukol sa kanilang
ipinatatayong akademia.
Nagkataong nagpaparunggitan sa harapan ni
Pepay ang Dakilang Tagapayo at ang kabangga niyang
si Don Manuel. Napangiti si Pepay sa sinasabi ng
dalawang lalaki at nang makita ito ni Macaraig, inakala

~105~
niyang hudyat ito na sumang-ayon na sa hinihiling
nila si Don Custodio.
Nakapagdulot ng malaking kasayahan sa mga
kabataan ang balita. .
Samantala ngitngit na ngitngit naman si Isagani
nang nakitang magkasamang nanonood si Paulita at si
Juanito. Nagulat siya dahil nauna pa ang dalaga. Ma>
usapan silang titingnan daw muna niya kung malaswa
o masining ang panoorin.
Itinaas ang telon at nagsimula na ang mga
mananayaw na Pranses. Galit na galit si Isagani sa
karibal at sa panonood ng mahal na mahal na si Paulita
na dati'y matapat na kasuyo.
Samantala hindi lubos ang ligaya ng mga
estudyante dahil ilalagay ang pamamahala ng
Akademya sa isang relihiyosong samahan, at ieentrega
raw ang mga sisingiling abuloy sa isang tesorerong
pinili ng mga mamamatnubay.

Mga Tulong sa Pag-aaral

Anu-anong eksena ang naganap sa lugar ng
pagtatanghalan? Sabihin ang palagay mo tungkol sa
sumusunod:
1. A n g pag-aagawan sa upuan
2. Si Paulita at Juanito
3. Si Pepay at Macaraig
4. A n g pagdating ng Kapitan Heneral

~106~
23
Pumanaw si Maria Clara

Maraming nakapansin na wala sa tanghalan si
Simoun at si Basilio. Matapos tubusin ni Basilio si Juli
Ia pagpapaalila, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at
ang pag-aalaga kay Kapitan Tiago. Kinumusta ni
Simoun kay Basilio ang matanda at napag-alaman niya
a sa pagkahulog nito sa bisyong opyo ay mahinang-
mahina na ito.
Nagtalo uli ang dalawa tungkol sa paghihimagsik
na ipinaglalaban ni Simoun at ng kinabukasan namang
ailalayon ni Basilio.
"Basilio, makinig ka. Mahalaga ang bawat sandali
sa ating mundo. Napansin kong ni hindi mo man
lamang nabuklat ang mga ibinigay kong babasahin sa
o. Tila wala ka yatang pagmamahal sa kalayaan
kahit kaunti man lamang."
Hindi nagustuhan ni Basilio ang tinuring ng mag-
lahas at siya'y napatindig na nanlalaki ang mata.
"Basilio, wala tayong panahon sa pagtatalo. Sa isang
udyat ko lang, sasabog na ang rebolusyon. Bukas na
kas din wala kang mapayapang lansangan na
dadaanan.
"Hindi ka na rin makapagtatapos sa Pamantasang
inapasukan dahil nakahanda na ang lahat. Sa

~107~
pagtatagumpay namin, lahat ng tumaiikod sa
ipinaglalaban ay ituturing na kaaway. A l i n ang pipiliin
mo ngayon, kamatayan o kinabukasan?"
Nakita ni Basilio na naglilingas ang mata ni
Simoun. Parang nakikini-kinita niya ang pagbaha ng
dugo sa mga lansangan. "Pagpaliwanagan pa po ninyo
ako," sabi niya kay Simoun.
"Tunay na ang pamahalaan ay nagpapasasa sa
kaban ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit ang
pagtatanghal ng mga malalaswang palabas ay
pinahihintulutan nila. A k o nga ang nag-utos na tulutan
ng Kapitan Heneral at ng mga pari ang pakanang
digmaan. Dalawang puwersa ang maglalaban,
dalawang lakas na magkakapingkian.
" A n g mga tulisan na pinamumunuan ni Cabesang
Tales ay nasa ibaba. Sila ang ating panlaban. Ang
kawalan mo ng paninindigan ay pagtuligsa mo sa amin
at sa pamahalaan. Hindi maaaring pumagitna ka
lamang sa dalawang batong nag-uumpugan."
"Saan ka papanig, sa amin o sa pamahalaan?"
"Kung sasama ako sa inyo, ano ang babalikatin
ko para sa grupo?"
"Ikaw ang magbubukas ng pinto ng monasteryo
at magtatakas kay Maria Clara."
"Pero, huli na po tayo. Pumanaw na siya,
kaninang alas sais. Binihisan na po siya."
"Iya'y isang kasinungalingan!" ang sigaw ni
Simoun namumutla at nanlilisik ang mga mata. "Hindi
totoo! Buhay si Maria Clara. Dapat siyang mabuhay!
Iya'y isang duwag na pagdadahilan! Hindi siya patay.
at ngayong gabi'y ililigtas ko siya o bukas ay masasawi
kayo!"

~108~
Ikinibit ni Basilio ang kanyang balikat.
"May ilang araw pa lamang na naglulubha siya.
Nagtungo ako sa kumbento upang makibalita. Tingnan
ninyo, narito ang liham ni Padre Salvi na dala ni Padre
Irene. Magdamag na nanangis si Kapitan Tiago at
hiningang-tawad ang larawan ng anak hanggang sa
mahimbing sa apyan. Ngayong gabi'y tinugtog ang
kanyang agunyas."
" A h , " ang bulalas ni Simoun at sinapo ng
dalawang palad ang mukha.
Naalaala niyang nakarinig nga siya ng tugtog ng
agunyas noong siya'y naglalakad sa may kumbento.
"Namatay!" ang bulong niyang tila nangangarap,
Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay
nang hindi nalalamang nabuhay ako para sa kanya...
namatay!"
Naramdaman niya ang tila isang unos na walang
ulan, ang isang bulkang ibig magsabog ng poot sa
kanyang dibdib. Mabilis niyang nilisan ang silid.
Narinig ni Basilio ang papalayo niyang yabag, at ang
isang timping sigaw na tulad ng sa isang naghihingalo.
Napatindig na namumutla si Basilio, nguni't narinig
niyang muli ang mga yabag na lumalayo hanggang sa
mawala.
"Kahabag-habag na lalaki!" ang bulong ni Basilio
at ang mga mata'y nahilam ng luha.
Habang tinatanaw ni Basilio ang tumatakbong
anino sa lansangan, nagbalik sa alaala niya ang dakilang
ragmamahalan ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara,
isinadlak sa dusa ang magkatipan, at nangibang bansa
ang lalaki. Nagbalik siya upang maghiganti. Pilit niyang
itinindig ang kasamaan at giniba ang kabutihan para

~109~
*
higit na makita ng mga mamamayan ang tunay na
sakit ng lipunan.
Si Maria Clara nama'y pumasok sa kumbento
dahil sa kabiguan sa pag-ibig at doon siya nagkasakit
at pinanawan ng buhay.
Maria Clara, alagad ng Diyos na sinasamba ng
isang nagmamahal na kaluluwa, matulog ka nang
mahimbing. Baunin sa iyong paghimlay ang masaya
mong kabataan. Mapalad ka at hindi mo na
mauulinigan man lamang ang taghoy ng mga
nangamatay sa kawalan ng katarungan. Mapalad ka
at may lumuha sa iyong paglisan. Humayo kang may
ngiti sa mga labi. Liparin mo ang sariwang hamog ng
gabi sa kalawakan, ang asul na ulap sa papawirin,
ang sapirang bulubundukin, ang esmeraldang
dalampasigan, ang nagtataasang puno ng kawayan,
ang mga ilug-ilugang nililiparan ng mga tutubi at
paruparong ligaw.
Sapagkat dakila ang iyong pag-ibig, maaalala at
mapapanaginipan ka namin sa katahimikan ng mga
kagubatan, sa awit ng dagat-dagatan, sa liwanag ng
sikat ng buwan. Para sa amin, ikaw Maria Clara ang
kalahatan ng katotohanan, ng kabutihan at ng
kagandahan na magsisilbing Haw sa pagdurusa ng
amirig abang katauhan, na tila nahirati na sa
kadiliman.

~110-
24
Mga Pangarap

Nakipagkayari si Isagani kay Paulita na magkikita
sila para pag-usapan ang hindi nila pagkakaunawaan.
Maaaring maganda o masama ang mangyayari sa
kanilang pag-iibigan. Kung maging matinik man ito,
nahahanda siyang tanggapin nang maluwag sa dibdib.
Ngunit nakapanghihinayang din ang kanilang
pagmamahalan kung mauuwi sa wala. Ginunita niya
ang kanilang mga pamamasyal sa mga peryahan, ang
mga misa de gallo, ang pagsisimba nang sabay, mga
ibang pinag-samahang karanasan.
Muling nalungkot nang maalaala ang panonood
ni Paulita sa teatro na hindi siya ang kasama. Binuo
sa sarili na oras na makita niya si Juanito ay masusuntok
niya ito.
Nasalubong niya sa paglalakad ang dalawang
pari na dating propesor niya, ngunit sa lalim ng kanyang
iniisip hindi man lang siya nakapagbigay-galang sa
mga ito. Hindi niya napansin ang lahat ng mga
nakakasalubong niya sa daan.
Nadaanan niya si Ben Zayb na may kausap at
narinig niyang maysakit daw si Simoun at ayaw
magpadalaw kaninuman. Kahit mga katulong ng

-112-
Kapitan Heneral ay di papasukin. Naisip ni Isagani na
mabuti pa ang mag-aalahas at ipinakukumusta ng
Kapitan Heneral habang ang mga sundalong sugatan
ay di man lang masilip nito.
Lalong tumindi ang kalungkutan ni Isagani nang
mapasaisip ang mga sinasapit ng mga kawawang
kababayan. Siya nga ay natapakan ni Pelaez ngunit
ang mas masama, napadpad lamang ang mga Kastila
sa dalampasigan, nawalan na ng kalayaan ang mga
mamamayan.
Hindi lamang sa maikling panahon na nakayuko
ang mga katutubo. Tila walang katapusan ang kanilang
pagkaalipin sa kamay ng mga dayuhan. May mga bansa
naman na pumupunta rin sa ibang bansa na hindi
inaagaw ang kalayaan at karangalan ang tinuntungang
bansa.
"Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa
ikararangal ng aking bayang tinubuan," naipangako
niya sa sarili. "Kung hindi man ako maging tagumpay
sa pag-ibig ng aking minamahal na babae, bibigyan ko
naman ng kabuluhan ang pananaw ng aking mga
kababayan."
Natanaw niyang dumarating ang karwahe ni
Donya Victorina at Paulita, at nakitang nakangiti sa
kanya ang dalaga.
"Kumusta ang ipinahahanap ko sa iyo, Isagani?"
bati ni Donya Victorina. "May balita ka na ba sa
esposo ko?"
"Wala po," pagsisinungaling ng binata.
"Ipabalita mo sa kanya na tatawag ako ng gwardia
sibil para ipahanap siya. Sabihin mong ipababaril ko

~ 113~
siya. Sampung taon na akong naghintay. Hindi siguro
masama na mag-asawa na ako u l i , " sabi ng Donya.
"Sino po naman ang mapalad na napupusuan
ninyo?" tanong ni Isagani.
"Sino pa kaya, e di si Juanito!"
Tuwang-tuwa si Isagani nang mabatid na si
Juanito pala ay napupusuan ni Donya Victorina at
hindi ng pamangkin nitong si Paulita. Nagkita ang
magkasintahan at sa katiwasayan ng binata na di pala
siya dapat manibugho, ay nasabi niya sa dalaga ang
sikreto ni Don Tiburcio.
Naihinga rin ni Isagani ang malaking pagmamahal
niya sa bayan. "Maswerteng bansa," sabi ni Paulita,
"na kahati ko sa pagtatangi mo."
"Paulita, lubos ang pagmamahal ko sa lalawigan
bago kita nakilala. Kaligayahan ko nang humimlay sa
l i l i m ng mga puno habang tinatanaw ko ang Dagat
P a s i p i k o at kalikasang kay ganda. T i y a k na
magugustuhan mong manirahan doon."
"Inaanyayahan mo ako sa iyong lalawigan? Hindi
ako sanay sa malayong paglalakbay."
"Huwag kang mabahala at malapit nang dumating
ang panahong madali kang maihahatid sa anumang
lugar na gusto mo.
"Hindi mo ba alam na nagkakaugnay na ang mga
tinig ng kabataan sa kanilang paninindigan? Iginigiit
naming tumindig ang Pilipinas sa tabi ng Espanya
bilang isang malayang bansa. Hindi dapat manatiling
kolonya lamang ang bansang aking sinilangan at
nilakhan."

~114-
"Paano kung mabigo kayo sa i p i n a k i -
kipaglaban?"
"Matutuwa pa rin kami kung may magsasabi sa
ibabaw ng aming mga bangkay na 'Diyan nalilibing
ang mga bayaning nagmahal sa aming kalayaan.'"

Mga Tulong sa Pag-aaral

A. Talasalitaan
1. matinik na relasyon
2. tumingi ang kalungkutan
3. bigyan ng kabuluhan
4. batid ang laman ng isip
5. hindi dapat manibugho

B. Mga Tanong
1. Ano ang mga gunita ni Isagani tungkol sa
sumusunod?
a. Siya at si Paulita
b. Ang maysakit na mag-aalahas
c. A n g mga sinapit ng mga kababayan
2. Ano ang balitang nakapaglubag ng loob sa
kanya?
3. Ipaliwanag ang huling talata.
4. Anong uri ng babae sa palagay mo, si Paulita?

-115-
25
Kasayahan at Kalungkutan

Wari'y nagsasaya ang mga binatang nagkakatipon
sa Pansiteriya M a c a n i s t a de Buen Gusto.
Ipinagdiriwang nila ang pagkasang-ayon ni Don
Custodio sa kanilang mungkahi kahit marami sa mga
pangakong ibinigay sa kanila ay napapako. Hirati na
sila sa mga Kastila na marikit magsalita ngunit
nambibilog lang ng kanilang mga ulo.
Iba't iba ang pinag-uusapan ng mga kabataang
nakaupo sa mga bilog na mesa, apat na katao sa bawat
mesa. May bumabanggit ng mga babaeng artista sa
teatro. May nagbubulungan tungkol sa pagkakasakit
ni Simoun.
Iba't iba pa ang bersyon tungkol dito—nagbigti
ang mag-aalahas, natagpuang sugatan at bugbog ang
katawan, may sumalakay daw sa mag-aalahas na ibig
maghiganti. Nasabi tuloy nilang haka-haka raw at
pakana lamang ng mga kura ang mga balita.
May nabasa silang nakasulat na tula sa isang
dingding ng restoran na tila sila'y binabalaan. Huwag
raw mag-iiwan ng kahit anong bagay sa kainan.
Pinagsaluhan ng labinlimang binata ang mga
handa ng Intsik—pansit langlang, sopas, at marami
pang iba. Nasabi ng isa na sana raw ay si Basilio, sa

~ 116-
halip na si Juanito, ang kanilang inanyayahan para
malaman nila ang ilang mga sekreto—tungkol sa
sakristan at sa madreng nawalang parang bula.
Habang nagkakaingay ang mga binata, tumayo si
Pecson, at ginaya ang isang paring Augustino sa
pagsesermon.
"Kung ang busog na bituka ay nagpupuri sa
Panginoon, ang gutom na bituka naman ay sa mga
kura." Ito ang mga banal na salita ni Don Custodio na
ipinahayag ni Ben Zayb sa pahayagang El Grito de la
Integridad.
" M g a Kapatid, nagsisimula nang bigyan-diin ang
mga kapintasang ibinabato ng mga pari. Walang araw
na pinuri ang mga nakasoot ng sotana at ang
korporasyong kinakatawan pila. Totoo ang mga salitang
pinupuri ng mga busog ang Panginoon, at pinupuri
ng mga gutom ang mga kura."
Sa pagtatawanan at pagbibiruan, nabanggit nila
ang tungkol sa mga kura. "Ang mga kura ang Simula
at wakas natin," sabi ni Pecson. "Sila ang alpa at
omega ng ating pananatili sa mundo.
"Mahalaga ang mga kura. Hindi ba ang kura ang
manlililok at ang Indio ang estatwang nilililok? Tatlong
daang taong patungo-tungo at pa-opo-opo. Tatlong
daang taong pang-aalipin at pagpapaalipin...."
Ibinalita ni Makaraig, na siyang pumili ng mga
pagkain, na may tatlo pang ulam na darating. A n g
lumpiyang-Intsik na ang lama'y baboy ay ipinatungkol
kay Padre Irene. A n g panyang na a l i m a n g o ' y
ipinatungkol sa mga prayle, kaya tinawag na panyang
na prayle.

-117-
A n g Ikaapat na ulam na pansit gisado ay
ipinatungkol ni Makaraig sa pamahalaan at sa bayan
pagka't aniya'y kinakain at nilalasa ng lahat tulad ng
pagtalima at paniniwala nila sa bayan at sa pamahalaan.
"Ipatungkol!" ang sigawan ng lahat.
"Tutol ako!" ani Isagani.
Itinaas ni Pecson ang isang buto ng manok at
sumigaw: "Igalang ang mga bata at ang mga nasawi!"
"Ipatungkol natin ang pansit kay Quiroga na isa
sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas," ani Isagani.
Ang lumpiyang ipinatutungkol kay Padre Irene
ay di lumabas na mabuti. Ang panyang na alimango
nama'y di pa luto kaya hinihilingan nila si Pecson ng
isang talumpati.
Si Pecson ay tumayo, nag-antanda, pinilit ang
kanyang tawang hangal at ginagad ang isang
predikador ng A g u s t i n o n g n o o ' y nababantog.
Pinatamaan ni Pecson ang mga prayle sa kanyang
talumpati.
"Mainam! Mainam!" anang mga kaharap.
"Sandali lang!" ang walang katawa-tawang wika
ni Isagani. "Dapat ninyong malamang kapag prayle na
ang pinag-uusapa'y may isa akong pinagpipitaganan!"
N a g s i m u l a nang sumaya si Sandoval kaya
umawit. Nagpatuloy si Pecson sa pagtatalumpati.
Kunwa'y inilalahad ang kabutihan ng mga prayle
bago'y isa-isang binabatikos ang mga pagmamalabis
ng mga ito.
" K u n g walang prayle at walang i n d i y o sa
Pilipinas, ano ang mangyayari sa kahabag-habag na
pamahalaang mapapaharap sa mga Intsik?" ang
pangwakas niyang pangungusap.

~118~
"Kakain ng panyang na alimango!" ani Isaganing
naiinip sa talumpati ni Pecson.
"Iyan ang dapat nating gawin! Tama na ang
talumpati!"
Habang tuloy-tuloy na kinakain ang sunod-sunod
na putaheng Intsik, may isang sumilip sa durungawan
at takot na bumulong sa mga kasama, " M a y
nagmamanman sa atin."
"Sino?" Patakbong nag-akyatan ang lahat para
silipin kung sino nga ang aninong nagmamanman.
Hindi sila makapaniwala nang malaman nilang ang
anino ay si Simoun na kanang kamay ng Kapitan
Heneral.

Mga Tulong sa Pag-aaral

A. Mga Tanong
1. B a k i t masaya ang mga kumakain sa
pansiteriya?
2. Ano ang palagay nila tungkol sa nawawalang
mag-alahas?
3. Anu-ano ang mga libak na iniuukol nila sa
mga nakasotana?
4. Ano ang ikinasindak nila sa huli?

~119-
26
Mga Paskel

Maagang bumangon si Basilio kinabukasan upang
tumungo sa pagamutan. Dadalaw siya sa kanyang
mga pasiyente, paroroon sa Pamantasan upang
pakialaman ang ukol sa kanyang licenciatura, at saka
pagkatapos ay magsasadya kay Macaraig upang
manghiram ng halagang magugugol niya sa pagkuha
ng kanyang grado.
May kaunti siyang naipong salapi at ang malaking
bahagi nito'y itutubos niya kay Juli at ipagpapagawa
ng isang munting dampang titirhan ng magnuno. Hindi
siya nangahas na dumulog kay Kapitan Tiago dahil sa
pangingilag na baka i t o ' y magpalagay na siya'y
nagpapauna sa manang binabanggit-banggit sa kanya.
Dahil sa pagkawili sa mga iniisip ay di napansin
ni Basilio ang mga pulutong ng mga nag-aaral na
papauwing galing sa mga paaralan sa loob ng Maynila
at ang tila natutubigang anyo ng ilan sa mga iyon.
Nang dumating siya sa San Juan de Dios at
tanungin ng mga kaibigan ukol sa isang paghihimagsik
ay napalundag siya sapagka't nagunita ang binalak ni
Simoun na hindi natuloy dahil sa isang sakunang
nangyari rito.

~ 120-
N a i b a l i t a agad kay B a s i l i o na maraming
;>:udyante ang pinaghuhuli dahil nadamay sa
:mabalitang himagsikan.
Nasalubong ni Basilio ang dalawang propesor na
•agtanong sa kanya kung nasa hapunan siya ng mga
kabinataan ng nagdaang gabi. Sinabi niyang hindi niya
maiwan noon si Kapitan Tiago.
Pinagsabihan siya ng dalawa na tumiwalag sa
Akademya dahil ang sinisising nagpaskel sa dingding
~g Pamantasan ay mga estudyante.
"May kinalaman po ba si Senyor Simoun?" tanong
ai Basilio.
"Bakit magkakaroon? Nasugatan si Simoun dahil
si isang mahiwagang kaaway. Nagpapagaling siya
•gayon sa kanyang bahay. May nagsabing kilala raw
aaman ang nagsimula ng gulo."
" A n g mga tulisan po ba ang utak ng pag-aalsa?"
"Walang binabanggit na tulisan. A n g nagplano
ng himagsikan ay mga estudyante."
"Bakit po sila sinisisi?"
"Hindi mo ba alam? Nakakuha ng mga paskel
ang mga gwardia sibil sa mismong dingding ng
Pamantasan." Wala raw gagawa ng mga paskel kundi
ang mga estudyanteng kasapi sa akademia.
Napag-alaman ni Basilio pag pasok niya sa
pagamutan na ang mga paskel daw ay nakita sa mga
pintuan ng unibersidad. Galit na galit raw ang Rektor
habang tinatanggal ang mga paskel para ipadala sa
Kapitan Heneral.
Ang mga paskel pala ay puno ng pananakot,
lad ng pagbitay sa mga maykapangyarihan,

~ 121 ~
pagsalakay sa mga gusaling pansimbahan at pagdanak
ng dugo sa buong kapaligiran.
M a b i l i s na kumalat ang mga opinyon ng
pamahalaan. Nanganib ang mga estudyante na bukod
sa pagtatakda ng oras ng pagtigil sa lansangan,
maraming patatalsiking mag-aaral at ipapakulong kahit
walang malay sa pagpapaskel.
" A l a m kaya ni Senyor Simoun ang mga
nangyayaring ito?" tanong ni Basilio sa sarili. "Kung
siya ang may kagagawan nito, humanda siya at
maninindigan ako!"
Lumabas si Basilio sa pagamutan para pumunta
sa Unibersidad kung saan niya uusisain kung
inaprubahan na ang sertipiko niya bilang isang
lisensiyadong duktor. Nagtaka ang binata nang sa halip
na mga maiingay at masisiglang mga mag-aaral ang
makikita sa may tarangkahan ng paaralan, mga gwardia
sibil ang nangakatayo roon.
Natutuwa si Tadeo na ipakukulong na raw silang
lahat. Mawawalan ng klase. Si Pelaez naman ay takot
na takot at iginigiit na wala siyang kinalaman sa
Akademya. Nabuhayan ng loob si Basilio nang marinig
niyang kausap ni Isagani ang isang kumpol na mga
estudyante. "Hindi tayo dapat magkawatak-watak.
Walang dapat humadlang sa ating layunin. Hindi lang
ngayon na may napipiit na kabataang nagtanggol sa
kalayaan. Dapat nating balikatin ang malaking layunin
ng kalayaan."
Nagtungo si Basilio sa tahanan ng kaibigang
Macaraig at nakita niya rito ang isang pulutong
na gwardia sibil. Kasama siyang dinakip at dinala sa
tanggapan ng Kapitan Heneral.

-122-