You are on page 1of 10

27

Ang Prayle
at ang Filipino

Narinig ng may karamdamang Padre Fernandez
ang mainit na talumpati ni Isagani at ipinatawag niya
ito. Nagulat si Isagani dahil si Padre Fernandez ang
bukod-tanging kura na modelo sa mabuting ugali.
"Alam mo," sabi ni Padre Fernandez, "hanga ako
sa mga kabataang malayang nagpapahayag ng kanilang
saloobin. Hindi bale kung hindi tulad sa naiisip ko ang
kanilang sinasabi. Nabalitaan kung nagkatipon raw
kayo sa pansiterya kagabi. Hindi ka ba humingi ng
paumanhin?"
"Hindi po," sagot na mahinahon ng binata.
"Mabuti. Nangangahulugan na tinatanggap mong
lubusan ang lahat ng sinabi mo. Karapatan mong
magsalita ng naiisip mo tungkol sa mga Dominiko.
Kung tutuusin, hindi ka naman purong estudyante ng
unibersidad dahil iisang taon ka pa lamang dito. Pero
baka hindi ka na pabalikin dito dahil sa mga sinabi mo
raw."
Nanatiling nakatayo ang binata at matamang
pinakikinggan ang sinasabi ng iginagalang na propesor.

~124~
" S a walong taon kong pagtuturo dito sa
unibersidad ng higit-kumulang sa mga dalawang libo't
limang daang estudyante, naipunla ko sa kanilang
kaisipan ang katarungan at dignidad. M a y mga
pumupunang mga estudyante sa mga kasama kong
kura, may mga nagagalit, ngunit sa harapan ay mga
pakitang-tao ang napapansin. Ano sa palagay mo ang
dapat naming gawin?"
"Hindi lang po ang mga kabataan ang dapat na
•sihin. A n g pagiging ipokrito o mapagkunwari ay
natutuhan nila sa kanilang mga guro. Natutuhan nila
ito sa mga taong umalipin sa kanilang isipan. Sinasabi
po ng marami sa inyo na ang pagkakaroon ng malayang
: si pan ay pag-aalsa na raw sa simbahan at pamahalaan.
Lagi tuloy nabibingit sa pag-uusig at panganib ang
snumang magpahayag ng nasaisip."
Nabanggit ni Isagani na hindi tulad ng ibang pari
si Padre Fernandez dahil ito raw ay nagbigay sa mga
estudyante ng karapatang makapag-pahayag ng nasa
damdamin.
Pinag-usapan ng dalawa ang gusto ng mga
estudyante. "Simple lang, Padre Fernandez," sabi ni
Isagani, "Hangad naming tumupad sana kayo sa mga
obligasyon."
"Bakit, hindi ba kami tumutupad dito? Ano ang
nga dapat gawin namin?"
"Obligasyon ninyong itaguyod ang edukasyon,
paunlarin ang kabataan sa mga larangang pisikal,
ntelektuwal at moral, akayin kami upang marating
ang tagumpay."

~125~
"Bakit, hindi ba nga?"
"Mangilan-ngilan po. A n g higit na marami ay
nagwawalang-bahala. Maraming kura ang nagbabaon
sa amin sa kamangmangan. Malamang po ay para
hindi namin makita ang daang tungo sa kaunlaran."
Hindi agad makapagsalita ang pari at pinag-isip
ang sinasabi ni Isagani. "Sa amin isinisisi ang mga
pagkakamali dahil kami ang nakikita ninyo nang
malapitan. Kami ay umaalinsunod lamang sa utos, at
sapagkat pamahalaan ang may utos natural na parang
tupa kaming susunod," paliwanag ni Padre Fernandez.
Nagpaalam si Isagani na tutungo raw sa tanggapan
ng Kapitan Heneral para makita ang mga paskel.
Malungkot siyang tinanaw ng pari habang papalayo.
Hinangaan niya ang mga Hesuwitas na malamang ay<
naging gabay ni Isagani. Mali siya, dahil hindi ang
Hesuwitas ang gumabay kay Isagani upang manindigan
sa katotohanan. Likas na handog ito sa binata ng Diyos
ng katarungan.

Mga Tulong sa Pag-aaral

A. Talasalitaan
1. kung tutuusin
2. rrialayang isipan
3. gabay ng mga bata

~126~
iangsod. May mga barkong Aleman pa raw sa daungan.
-g mga estudyante raw, kaya napiit, ay mga
pndatahan.
Samantala ang K a p i t a n Heneral pala ay
•akikipagpulong sa mga opisyal ng simbahan—sa Kura
Probinsiyal, Bise Rektor ng Unibersidad at Padre Irene.
"May ilang dapat ipiit sa kulungan. Mayroon
ng dapat barilin para maging duguan ang mga
Unsangan. Pag nangyari ito, matatakot ang mga
kabataan at magtataguan na sila."
Sabi naman ng isa ay dapat munang pagalitan
g ang mga kabataan. Kapag may lalaban saka ipakita
sa madia na hindi maaari ang ganoon. A n g gwardia
dbil ang magpapakita sa kanila kung paano talaga ang
labanan.
"Layunin nating ipagtanggol ang kahihiyan at
tegridad ng Espana, kaya kapag may idineklarang
rUg-aalsa, ating dakpin ang lahat ng mayayaman at
may pinag-aralan."
Lahat ng napag-usapan sa pulong at mga payo ng
Kapitan Heneral ay ibinalita ni Padre Irene kay Kapitan
Tiago.
Nabalitaan ni Kapitan Tiago kay Padre Irene na
dinakip din si Basilio at sa sama ng loob ng matanda,
natuluyan itong namatay. Nangangatal na bumalik sa
simbahan ang pari, at doon sinalubong naman uli ng
kaguluhan.
May manggagawang nagsabing ang kaguluha'y
kagagawan ni Padre Salvi at may nagsabi namang
kagagawan ni Intsik QUiroga. Ang maestro platero na
nangingilag na tawaging duwag, ay nagkasiya na

~129~
29
Mga Huling Salita Ukol
Kay Kapitang Tiago

Magarbo ang paghahanda sa kamatayan ni
Kapitan Tiago. Tulad din ng mga karangyaang hilig
niya nang buhay pa, ganito rin sa pagkamatay niya.
Pinagbaha-bahagi ng mga iba't ibang sangay ng
simbahan ang kanyang naiwang yaman. Binawi niya
pala ang dalawang pisong ipamamana kay Basilio nang
malamang kasama ito ng kabataang may rebolusyong
layon.
Sinabi ng kura paroko kay Padre Irene na hindi
man lang nakapangumpisal si Kapitan Tiago. Sinagot
naman ni Padre Irene na kahit ganoon, hindi dapat
ipagkait sa matanda ang bendisyon at misa rekiyem
dahil kahit mga Intsik ay binibigyan nito, siya pa kaya
na malakas mag-abuloy sa simbahan.
Si Padre Irene, napag-alaman ng mga tao sa
bulung-bulungan, ang tagapangasiwa ng mga ari-arian
ni Kapitan Tiago. Kaya bilang parangal sa pumanaw
na kaibigan, siya ang umawit ng Dios Irae na sa halip
raw makalugod sa mga naroong nakikiramay ay lalo
pang nakapagpasakit ng ulo.

~132~
A n g katwirang ito ay hindi matanggap ni
Aristorenas. Matagal na rin naman siyang nagsasabong
nguni't walang nagkakagayon, at mabuti na ang
magkapatas sa huli, kung sakali.
Nakipagtalo si Don Primitivo sa wikang Latin
nguni't walang napala. Umiling lamang si Aristorenas,
lalo na nang banggitin ni D o n P r i m i t i v o ang
pagkakaroon ng isang talisaing may matalim na tari, at
kung ang magiging manok ni San Pedro ay bulik.
Nang tila wala pa ring mangyari ay ginamit ni
Don Primitivo ang paraang tanging makapagpapasuko
sa kalaban.
"Magkakasala ka sa D i y o s , Bigang Martin,
mahuhulog ka sa erehiya! H i n d i na ako makiki-
pagmonte sa iyo, hindi tayo magbabakas. Pinag-
aalinlanganan mo ang kapangyarihan ng Diyos. Iya'y
kasalanang hindi mapapatawad! Pinag-aalinlanganan
mo ang pagkakaroon ng Santisima Trinidad, ang tatlo
ay isa at ang isa ay tatlo! Mag-ingat ka! Hindi mo
pinaniniwalaang ang dalawang katawan, ang dalawang
pag-iisip, at ang dalawang kalooban ay maaaring
magkaroon ng iisa lamang na alaala! Mag-ingat ka!"*
Pinangatugan ng tuhod at namutla si Martin
Aristorenas. Si Quiroga naman na n a k i k i n i g sa
pagtatalo, ay lumapit kay Don Primitivo at inalok ng
isang mainam na tabako.
Maringal ang mga ritwal. Maraming insensong
sinunog. Sa karangyaan ng mga seremonya, di-iilan
ang nangarap na sana'y mamatay na rin sila at
magkaroon din ng mabonggang libing.

~134~
30
Si Juli

Sa pagkamatay ni Kapitan Tiago, nabaling ang
atensyon at usapan sa inampon na si Basilio. May mga
humahatol sa katauhan ng binata—di man lang daw
mag-antanda sa simbahan pag marumi na ang tubig at
mga iba pang mga pula.
Sa Tiyani'y napabalitang ang pinakamagaan na
iparurusa sa binata'y ang ito'y ipatapon, at kung
magkakagayon ay walang salang sa daan pa lamang ay
papatayin na. Hindi nasiyahan ang mga hindi mapag-
asa. Binanggit nila ang ukol sa mga pagbitay at
paglilitis-militar na maaaring mangyari.
Pinagbabatayan nila ang pangyayaring ang buwan ng
Enero'y madugo.
Enero nang magkagulo sa Kabite at ang mga
napagbintangan doon, gayong mga pari'y binitay sa
garote. Si B a s i l i o pa kayang walang kaibigan ni
tagapagtanggol ang hindi magkagayon?
"Sinabi ko na sa kanya!" ang himutok ng hukom
pamayapang tila ba malimit mangaral sa binata. "Sinabi
ko na sa kanya!"
" A n g mga nangyari'y siyang dapat asahan," ang
puna naman ni Hermana Penchang. "Magsisimba siya
at pag nakitang marumi ang agwa bendita'y hindi na

~136~
gagamitin sa pag-aantanda sapagka't may dalang
t daw! Iyan ang parusa sa kanya ng Diyos! Iyon
nararapat sa kanya. Aba, tila nagdadala ng sakit
agwa bendita; Aba! kabaligtaran pa nga!"
Isinalaysay pa ng manang kung paano nagamot
agwa bendita ang kanyang sakit na di-matunawan.
tiyan ito dapat ipahid samantalang inuusal ang
"tus Deus." Ipinayo niya ito sa mga kasama kung
aling magkakasakit ng disenterya o kung may salot
kakalat. Ipinagbilin niyang huwag lamang lilimuting
lin sa Kastila ang "Santus Deus".
"Santos Dios
Santo Fuerte
Santo immortal
Libranos, Senor, de las peste
Y de todo mall"

"Iyan ay isang kagamutang di magkakabula kapag
agwa bendita'y inihahaplos ninyo sa masakit na
agi ng katawan," ang patapos niyang wika.
May naniniwala ring ang pagkaaresto kay Basilio
di makatarungan. Ang paskel ay di gawa ng kabataan
di benggansa ng mga kura para maparusahan ang
a estudyante.
Litong-lito ang isip ni Juli sa pagkabilanggo ni
ilio. May nagmungkahi sa kanyang lumapit kay
re Camorra para humingi ng tulong, at ito'y
dulot ng pangingilabot sa dalaga. Naranasan na
a ang humingi ng tulong dito at alam niya kung ano
hinihintay na bayad ng pari. Naghahangad ang
ng kanyang kapurihan.

~137~
Pinagpilitan ni Hermana Bali ang paghingi ng
tulong kay Padre Camorra at pati ang mahistradong
sinangguni ay ganito rin ang payo. Naragdagan ang
mga kaba ng dalaga sa mga nababalitang mga pinatay
at pinahihirapan. Nalaman din niyang pinakawalan na
ang lahat ng estudyante liban kay Basilio na walang
padrino.
" W a l a kang kaluluwa, J u l i , " pamimilit ni
Hermana B a l i . "Matitiis mo bang mamatay ang
kasintahan mo gayong wala ka namang ginawa kahit
na ano sa kanyang pagkaligtas?"
" S i Padre Camorra lang ang makatutulong sa
iyo," sabi ng Mahistradong nilapitan nila.
Ayaw na ayaw ni Juli na lumapit sa bastos na
kurang kung tawagin ay El Cabayo. Pag naiisip lang
niya ang kura ay nanginginig na ang buo niyang
katawan.
"Huwag kang matakot Juli. Sasamahan kita," sabi
ni Hermana Bali. "Hindi mo ba nababasa sa aklat ni
Tandang Basio na ipinamimigay ng simbahan? Dapat
raw dinadalaw ng mga kadalagahan ang mga kura para
sabihin sa mga ito ang mga problema nila."
"Ikaw, Juli, ang dapat pumunta mismo kay Padre
Camorra para pagbigyan ang hiling mo," dugtong pa
ng mahistrado.
Hindi maunawaan ng mga iba pa ring kamag-
anak kung bakit ayaw makipagkita ang dalaga kay
Padre Camorra gayong balita raw nila ay mabait naman
ang kura.
Hindi na makatiis si Juli dahil lagi pa niyang
napapanaginip na pinahihirapan si Basilio sa kulungan.
"Tulungan mo ako, J u l i , tulungan mo ako.

~138~
pagsusumamo ng binata sa kanyang panaginip.
Pumunta siya kay Hermana Bali para pasama papuntang
kumbento.
Nag-atubili na naman uli pagdating doon at
nagyakag na uling umuwi. "Tayo na pong umuwi.
Ayaw ko na. Parang awa ninyo!" iyak niya kay
Hermana Bali.
"Huwag kang mag-eskandalo dito. Nagpasama-
sama ka, bago ngayon ayaw mong tumuloy. Panhik!"
"Huwag po, Hermana," hagulgol ng dalaga.
"O sige, kung ayaw mo. Hayaan mong ipatapon
si Basilio. Hayaan mong barilin siya ng mga gwardia
sibil sa bintang na pagtakas. Hayaan mong magkaluray-
luray ang katawan niya na wala siyang kalaban-laban."
N a p i l i t a n g umakyat sa kumbento si J u l i .
Kinagabihan nabalita sa bayan na ang dalaga'y tumalon
sa bintana ng kumbento. Si Hermana Bali ay parang
baliw na nagsisigaw sa lansangan. A n g kawawang
Lolo, si Tandang Celo, ay halos madurog ang dibdib
na tumungo sa kumbento para humingi ng katarungan.
Wala ni isa man siyang natagpuan doon.
Umuwi ang matandang nananangis na parang bata
sa lansangan. A n g panangis niya'y umaalingawngaw
sa katahimikan ng gabi. Napakagat-labi ang mga lalaki.
ang mga babai'y nangagdaop-palad samantalang ang
mga aso'y bahag ang mga buntot na nagsipasok sa
taguan.
Nang mag-iikawalo ng gabing yao'y nabalitang
mahigit sa pitong prayle ang nanggaling sa mga karatig-
bayan at nangagtipun-tipon sa kumbento upang
mangag-usap-usap. Nang sumunod na araw ay tuluyan

-140-