You are on page 1of 5

Sa pananaw na humasismo, masusuri ang akda batay sa magagandang saloobin at damdaming

inilahad ng mga tauhan sa pangarap sa mga suliranin. Sa pamamagitan nito itinataas ang
karangalan ng tao bilang sentro ng akda.

Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang
sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras,
"Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang
kapalaran."
Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang
ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di
maikukubling kasaysayan.
Iba't ibang kahulugan ng Panitikan:

Ang panitikan ay nagmula sa salitang "titik", ibig sabihin ay letra. "Panitik" o pantitik na ang ibig
sabihin ay ginagamit sa pagbuo ng mga titik na magkakaroon ng buhay bilang mga salitang
magiging bahagi ng sistemang makabubuo sa iba't ibang anyo ng akda na maglalaman ng
kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. (see
http://sarisaringngiti.weebly.com/ for free Filipino reference)

(ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasay sayan ng isang bagay lahi o bansa)
Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga
tao.

Talaan ng buhay.


Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang bansa na nasusulat na makahulugan,
maganda at masining na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa ideya, damdamin at isipan ng tao
tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, galit, pagka-awa, paghihiganti at iba pa.

Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga
karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng wikang Filipino at
inoobserbahan ang mga tamang pagbaybay, paganism as mga panache,paggamit ng tamang uri
ng mga salita o masabi ang paramagnetism o ang reasonably..


Sapagkat dito natin naipapahayag ng ating mga kaisipan,saloobin,mga
ideya,kahusayan,talento,diwa at maibahagi ang ating mga kaalaman.

Ang panitikang Filipino ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng wikang Filipino at
inoobserbahan ang mga tamang pagbaybay,paggamit sa mga pananda,paggamit ng tamang uri
ng mga salita upang maipakita o masabi ang nararamdaman o ang reaksyon..

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang
binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang
binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

------------------------------

* Mga akdang tuluyan
o Alamat
o Anekdota
o Nobela
o Pabula
o Parabula
o Maikling kwento
o Dula
o Sanaysay
o Talambuhay
o Talumpati
o Balita
o kwentong bayan
* Mga akdang patula
o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay,
ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
+ Awit at Korido
+ Epiko
+ Balad
+ Sawikain
+ Salawikain
+ Bugtong
+ Kantahin
+ Tanaga



Another Answer:



Anyo at Uri ng Panitikan

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at
kuwentong-bayan.

b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at
hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng
mga tao.

c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang
kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging
istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito
ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at
lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral

e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit
nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang
moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang
hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.

f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro
ng may-akda.

i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki,
o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito

l. Balita

-SOURCE: http://www.pinoyhenyo.com/Uri_ng_Panitikan-20081010224915497.html


Another Answer:
ang uri ng panitikan ay..........

Tuluyan - ang mga akdang nasusulat sa normal na daloy ng mga pangungusap
Pabula - kwento tungkol sa mga hayop na nagsasalita
Parabula - Mga kwentong hinango sa bibliya
Nobela - akdang binubuo ng mga kabanata
Patula - ang mga akdang nasusulat na may himig at aliw
Dula - akdang pangtanghalan
Fiksyon - ang mga akdang likhang-isip
Pasalaysay - tulang nagkukuwento
Sanaysay- - isang uri ng akdang naglalahad.
Liriko - tulang inaawit
Alamat - kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
Di-fiksyon - akda hango sa tunay na pangyayari
Maikling-kuwento - ito'y binubuo ng 2,500 - 5,000 salita

Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap
sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng
mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at
lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.
Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang “Alegorya ng
Kuweba.” Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang
mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa „Mundo ng mga Ideya.‟ Ang
mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin
lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila‟y matuklasan.
Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang
katotohanan ay ang karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga, pandamdam, pang-
amoy at panlasa. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo‟y ipinanganak, taliwas sa
turo ng guro niyang si Plato. Ang isip ng tao ay tinagurian ni Aristotle na „Tabula Rasa‟ na ang
ibig sabihin ay blankong tableta. At bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay
isinusulat sa nasabing tableta. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.
Sa paglipas ng mga taon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo.
Kahit ako ay palo sa kaisipan ni Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagama‟t mali si Plato, may
binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo – ang pagtingin lampas sa realidad
na ating nakikita.
Sa tingin ko‟y may punto pareho ang dalawang paham. Sa aking pananaw, sa aninong tinuran ni
Plato, hindi ibig sabihi‟y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas
makapag-papalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba‟t ang batong ating nakikita ay binubuo
ng mga „atomos‟ na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Hindi ba‟t ang materya ay patuloy
na mahiwaga sa atin? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit
sa quark ay di pa rin natutuklasan. Kung titigil tayo sa mga bagay na ating nakikita lamang, wala
nang pag-unlad sa ating agham.
Sa ganang akin, ang hugis ng mga bagay na ating nakikita ay hugis ng kanilang gamit at ito‟y
buod ng relatibiti, ng ebolusyon ng pakikisalamuha sa iba pang materya. Alam kong mali ang
konsepto ni Plato sa kanyang rasyunalismo ngunit gusto kong sundan ang kanyang lohika – ang
pagtuklas sa mas malawak at makapagpapalayang na realidad.