You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

(St. Agatha at St. Anne)



Ika-7 ng Agosto, 2012
I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo
ang mga sumusunod:

A. Natutukoy ang mga ekspresyon sa pagbibigay ng payo o mungkahi.
B. Napahahalagahan ang paggamit ng mga ekspresyon sa pagbibigay ng payo o
mungkahi.
C. Nakasusulat at nakapagbbibigay ng payo o mungkahi gamit ang mga ekspresyon
sa pagbibigay nito.

II. PAKSANG ARALIN

MGA EKSPRESYON SA PAGBIBIGAY NG PAYO O MUNGKAHI


Sanggunian:
Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.
2010., Lipa City, Batangas.

Kagamitan:
Visual Aids

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Introduksiyon
1. Pagbabalik-aral
>>Magbalik-aral muna tayo, ano ang ating
tinalakay sa nakaraang pagkikita?
>>Tama! Ano ang ating natutunan sa
pabulang ating binasa?

>>Ano ang mahalagang kaisipan na
nakapaloob dito?
Mga Inaasahang Sagot

>>Binasa po natin ang pabulang, Ang
Mag-anak na Langgam
>>Nalaman po natin ang mahalagang
kaisipan na nakapaloob dito.
>>Inilalahad po ng pabula ang kaisipan
tungkol sa pagsunod sa magulang
upang makaiwas sa kapahamakan.

>>Tama! Ating ipagpapatuloy ang
pagtuklas sa mahahalagang kaisipang
nakapaloob sa pabulang, Ang Mag-anak
na Langgam.

2. Pagganyak
Kolaboratibong Gawain. Pagbubuo ng mga
mag-aaral ng limang grupo. Sasagutin ng
mga mag-aaral ang mga katanungan na
magpapapalalim ng kanilang kaalaman
tungkol sa aralin. Sa pagsagot, silay
magbibigay ng langgam na magsisilbing
tiket sa pagsagot; ang bawat tamang
kasagutan ay may kaukulang puntos. Ang
unang makaubos ng tiket ang siyang
magwawagi.

>> Anong katangian ng mga langgam ang
dapat tularan ng mga tao?





>> Kung ikaw si Bunsong Langgam,
maghihinanakit ka ba sa iyong Amang
Langgam kung ikaw ay pinaaalalahanan
nito? Bakit?

>> Tama ba ang naging reaksiyon ni
Amang Langgam sa sinapit ng kanyang
bunsong anak? Bakit?


>> Anong pangyayari ang nagbunsod
upang masuway ni Bunsong Langgam ang
mahigpit na bilin ng kanyang ama?


>>Totoo bang walang hinahangad na
masama ang isang magulang para sa
kanyang anak? Naniniwala ka ba rito?
Bakit?




















>> Ang pagiging mapag-imbak o
pagtitipon ng pagkain bilang
paghahanda kung sakaling magkaroon
ng di inaasahang pangyayari tulad ng
kakulangan sa pagkain o kayay bagyo
at unos.

>> Hindi po, dahil alam kong iniisip
lamang niya ang aking kaligtasan at
kapakanan.


>> Opo, sapagkat natural lamang sa
isang ama na malungkot at
makaramdam ng pighati sakaling may
mangyaring masama sa kanyang anak.

>> Naisipan niyang humanap ng mas
masarap na pagkain, nang makakita siya
ng kendi ay gumawa siya ng paraan
upang makuha ito kahit pa maaari
siyang mapahamak.
>>Opo, dahil walang magulang ang
magnanais na mapasama o mapahamak
ang anak sa kung ano pa mang paraan.
Isang halimbawa, nagagalit ang isang
magulang kapag may pagkakamali ang
anak, hindi dahil hindi niya ito mahal,


A. Interaksiyon
a. Talakayan hinggil sa paksa;
b. Interaksiyon ng guro sa mag-aaral
at ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral

>>Kung kayo si Bunsong Langgam, upang
hindi na mangyari sa inyo ang nangyari sa
kanya, ano ang inyong maipapayo sa mga
mambabasa?





>> Nasubukan niyo na rin bang humingi at
bigyan ng payo o mungkahi?Kanino kayo
kalimitang humihingi o nagbibigay ng
payo?
>> Tungkol saan ang karaniwang dahilan
ng paghinigo o pagbibigay ng payo?








>> Sa mga mas madalas na nagbibigay ng
payo, paano niyo nabibigyan ng payo o
mungkahi ang isang kaibigan na lumapit sa
inyo at naglahad ng kanyang suliranin?



>> Tama! Kailangan natin palakasin ang
kanilang loob. Ano pa?

>>Ano ang mga salitang iyon?

>> Tumpak! Kailangang gumamit tayo ng
mga tamang salita o ekspresyon sa
pagbibigay ng payo o mungkahi. Anu-ano
ang mga ito?
kundi dahil gusto niyang ituwid ang
pagkakamali nito.





>> Papayuhan ko po ang mga
mambabasa na makinig at sumunod sa
mga pangaral ng magulang sapagkat
itoy isang magandang gawain at ugali.
Ito ang magsisilbing gabay natin upang
maging maayos at maganda ang ating
buhay. Ang magulang ang siyang
nakakaalam ng lahat ng mabuti para sa
atin.
>> Opo. Karaniwan po ay sa mga
kaibigan.


>> Kadalasan po na humihingi ako ng
payo sa aking kaibigan kapag may
problema sa pamilya o kayay personal
na suliranin na gumugulo sa akin.
Itinatanong ko po kung anong dapat na
gawin para mabawasan ang aking mga
iniisip kung hindi man lubos na
masolusyonan ang aking problema.
Ganon din naman po sa pagbibigay ng
payo.
>> Pinag-uusapan po namin ang
problema, saka umiisip ng maaaring
paraan para gumaan ang pakiramdam
niya. Halimbawa po sasabihin na huwag
munang isipin ang problema dahil di
maglalaon ay malulutas din ito;
kailangan lamang ng lakas ng loob.
>> Dapat po yung mga gagamitin
nating salita ay hindi makakasakit sa
kanila.
>> Ito po yung mga tamang ekspresyon
sa pagbibigay ng payo o mungkahi.
>> Ang mga ito po ay ang mga
sumusunod:
Mabuti pay
Bakit indi pa








>> Tama! Ang mga ekspresyong ito ay
magagamit natin sa pagbibigay ng payo o
mungkahi.

B. Integrasyon

a. Pagpapahalaga
>> Paano natin pinahahalagahan ang mga
payo ng ating mga magulang o mga
kaibigan? Maglahad ng sariling karanasan
na may kauganayan sa kaisipang
nakapaloob sa binasang pabula.

b. Pag-uugnay
>> Araling Panlipunan: Anekdota ni Rizal,
Ang Munting Gamu-gamo.

c. Paglalahat
Paglalahat mula sa bawat grupo.
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng
payo o mungkahi?

d. Ebalwasyon
Humanap ng kapares o kapartner. Sumulat
ng maikling dayalogo ng isang sitwasyon
na may kaugnayan sa paghingi at
pagbibigay ng payo o mungkahi. Gumamit
ng tamang ekspresyon; isulat sa buong
papel at isadula sa harap ng klase.
Maaari naman
Sikapin na
Iwasang
Subuking
Kung ako ikaw
Mas mainam
Higit na mainam



IV. Takdang Aralin:

1. Pagpapatuloy ng gawain.
2. Ano ang Liham? Anu-ano ang mga bahagi nito?
3. Humanap o gumupit ng isang halimbawang liham na nagpapayo.

You might also like