You are on page 1of 5

Kabanata II

Pansinin ang mga sumusunod na dayalog dahil ang mga sumusunod ay ang mismong
mga resulta ng mga impormasyon na nakuha mula sa mga respondente. Sa pag-aaral na
ito. Natuklasan ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

GRAP 1
“Ang distribusyon ng mga respondante ayon kursong kanilang kinukuha”

Sa grap na ito makikita na 15 sa mga respondante ay kumukuha ng


MARE (Marine Engineering). Pumapangalawa ay ang COE(College Of Education)
na merong 9 na respondente. Pangatlo ay ang kursong CPE na merong 7 respondante.
6 sa BSA, 5 sa FMA, 4 sa CE, Tatlong respondante sa ME at ang huli ay ang ECE na
meron lamang Iisang Respondante.

Ang iba sa mga respondante na aming pinasagutan ng surbey ay aming


mga kakilala at kaibigan. Gusto man sana naming na pasagutan ito sa ibang estudyante
ngunit hindi nila kami pinansin at ang iba naman ay tumanggi itong sagutan.
GRAP 2
“Ang distribusyon ng mga respondante ayon kanilang mga edad”

 Edad

Sa Grap makikita na ang pinaka-madami na aming pinagtanungan


ay may Edad na 17. Ang Sumusunod dito ay 10 na respondante na may edad na 18 anyos.
Sumusunod naman ang edad na 21 na merong 6 na respondante. Sa Edad na 16, 19 at 20
naman merong 5 respondante bawat isa. Ang huli ay nga edad na 22 anyos na merong 4.
Wala naman kaming natanungan na respondante na nasa 23 anyos pataas.

Ang naging problema sa pag-aalam naming sa kanilang edad ay


napakalaki, dahil ang iba sa mga respondante ay hindi sinasabi ang tunay nilang mga
edad. Ang iba naman dito ay madalas na sinasabi na “Hulaan mo?”. Dahil dito, Ang iba
sa mga respondante na hindi sinabi ang kanilang edad ay amin na lamang itinanong sa
aming kaibigan na impormante.
GRAP 3
“Ang distribusyon ng mga respondante ayon Kasarian”

Sa Grap na ito makikita na 29 ng mga respondante ay lalaki habang 21


naman dito ay mga babae. Ang iba sa aming pinasagutan n gaming surbey ay
Homoseksuwal o ang tinatawag nating mga “Tomboy” at “Bakla” dito naming
pinagpasyahan na ilagay na lamang sila sa tunay nilang mga kasarian. Ang “Tomboy” sa
babae at ang bakla naman sa lalake

Sa unang kita, makikita na talgang madami ang Lalake na aming


napagtanungan kaysa sa babae na meron lamang 21 na respondante. Ito ay dahil, kung
babalikan mo ang GRAP 1, Makikita mo dito na 15 sa mga respondante ay kumukuha ng
kursong MARE (Marine Engineering). Dahil halos 97% nang mga MARE students na
nag-aaral sa TIP ay mga lalake. Kaya 15 sa mga respondanteng aming pinag-tanungan ay
mga lalake.
“Ang Resulta ng aming Surbey”

Teybol 1. Nagbabasa sa lugar na maraming tao at magulo

OO Hindi
16 34
Sa mga respondante, 16 sa kanila ang nagsasabing nagbabasa sila sa
lugar na maraming tao at magulo habang 34 naman dito ang nagsasabing nagbabasa sila
sa mga lugar na tahimik at kakaonti lamang ang tao.

Teybol 2. Nagbabasa sa umaandar na sasakyan

OO Hindi
29 21
Sa mga respondante, 29 sa kanila ang nagsasabi na nagbabasa sila sa
umaandar sa sasakyan. Ang iba sa aming respondante ay nagsabi na kaya sila nagbabasa
sa sasakyan ay para makapagreview sa kanilang pagsusulit. Ang 21 naman sa mga
respondante ay sumagot ng hindi. Sa kadahilanan na hindi sila makapagbasa ng mabuti
dahil sa tugtog at ingay sa kanilang paligid. Ang iba naman ay nagsabi na lalabo ang
iyong mata kung ito’y iyong gagawin.

Teybol 3. Pumipili ng pwesto kung saan ay kumportable


OO Hindi
50 0

Lahat ng mga respondante ay sumagot ng OO. Alam naman natin na


dapat tayong magbasa kung saan tayo kumportable, Nakaupo man o Nakatayo. Pero sa
mga respondante sa amin ang nagsabi na, Kung minsan siya ay nagbabasang nakatayo sa
kadahilanan na ang kaniyang lugar na pinagbabasahan ay walang mauupuan.

Teybol 4. Bumabasa sa pamamagitan ng mata lamang


OO Hindi
40 10

40 sa aming mga respondante ay nagsagot ng OO, habang 10 naman


dito ang Hindi. Sinasabi ng iba sa mga respondante na sumagot ng OO na masmaganda
kung magbabasa ka lamang gamit ang mata, Dahil daw kung kasama pati bibig sa
pagbabasa, Madidisturbo mo ang iyong mga katabi. Ang Banat naman ng mga nagsagot
ng Hindi ay masmaiitindihan mo daw ang iyong binabasa kung ito’y iyong sinasalita
habang nagbabasa.
Teybol 5. Gumagamit ng darili bilang pantulong sa pagbasa.
OO Hindi
18 32
18 sa aming respondante ay ginagamit ang kanilang darili upang
tulungan silang magbasa. Habang 32 naman ang Hindi. Ang sinabi ng 3 sa aming
respondante ay masmaganda daw ang pagbabasa na ginagabayan ng iyong darili dahil
masmadali mong malalaman ang pagkasunod-sunod ng mga pangungusap na iyong
binabasa. Ang iba naman sa nagsagot ng Hindi ay sinasabing dahil masmabilis kang
makakabasa kung hindi ka gagamit ng darili sa pagbabasa.

Teybol 6. Sumusunod ang ulo sa bawat binabasa (pakaliwa, pakanan)


OO Hindi
17 33
Sa mga respondante, 17 sa kanila ang nagsabi na sumusunod ang
kanilang ulo tuwing sila ay nagbabasa. Ito daw ay kung malaki man ang librong iyong
binabasa, Halimbawa ay kung nagbabasa ka ng Diksyonaryong makapal. 33 naman sa
dito ang nagsagot ng Hindi, sa kadahilanan na panget daw sa paningin kung ikaw ay
magbabasa habang sumusunod ang iyong ulo.

Teybol 7. Inuunawa ng mabuti ang binabasa


OO Hindi
42 8
42 sa aming respondante ang nagsagot ng OO, habang 8 naman dito
ang nagsagot ng Hindi. Ang ibang nagsagot ng OO ay nagsasabi na “bale wala ang iyong
pagbabasa kung hindi mo naman iintindihin” ang sabi naman ng isa sa aming kagrupo ay
nagsabing “diba ito’y parang Reading without comprehension, Is like Eating without
Digestion. Tama ba?”. At tama ang kanilang mga sinabi dahil bale wala naman talga
kung ito’y hindi mo iintindihin.

Teybol 8. Pumipili ng babasahin sa wikang alam at mauunawaan.


OO Hindi
40 10
40 sa aming mga respondante ang nagnagsagot ng OO habang 10
naman ang sumagot ng Hindi.

Teybol 9. Bumabasa ng matulin ngunit may pag-uunawa


OO Hindi
37 13
37 sa aming mga respondante ay nagsagot ng OO habang 13
naman ang nagsagot ng Hindi

Teybol 10. Nagkakaroon ng positibong pananaw kahit ito ay di ganoong interisado.


OO Hindi
44 5
44 sa mga respondante ang sumagot ng OO habang 5 naman sa hindi.

You might also like