ANG PAGTATALUMPATI

MGA LAYUNIN:


Matapos mabasa ang blog na ito, masisiguro ng bawat isa na:
 malalaman ang tunay na kahulugan ng pagtatalumpati
 mauunawaan ang kahalagahan ng talumpati sa paglinang ng kahusayan ng bawat isa sa tamang
pagsasalita
 magkakaroon ng sapat na kakayahan at lakas ng loob upang maging isang mabisang
mananalumpati

Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng
tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.
Kakaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw – araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang talumpati
ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May iba’t-ibang uri ng talumpati kaya nagkakaiba rin ang
paraan ng paghahanda.

Iba’t-ibang uri ng talumpati

1. Impromptu – ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas
ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita.

Narito ang ilang paalala sa biglaang pagtatalumpati.

· Maglaan ka ng oras sa paghahanda

Huminga nang malalim. Dahan-dahan tumayo at lumakad patungong tanghalan. Gamitin ang oras na ito sa
pagbuo ng mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas. Mag-isip din ng magandang panimula.

· Magkaroon ng tiwala sa sarili

Tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga tagapakinig. Tumindig nang maayos. Huwag ilalagay ang mga
kamay sa loob ng bulsa. Magsalita at kumilos nang may tiwala sa sarili

· Magsalita nang medyo mabagal

Ang pagsasalita sa mabagal na paraan ay nakatutulong sa iyo na mag-isip kung ano ang susunod mong
sasabihin. Nakakatutulong din ito para mabawasan ang iyong nerbyos.

· Magpokus
Magpokus sa paksa habang nagsasalita. Iwasang mag-isip ng negatibo dahil sa kawalan ng kahandaan.
Magsalita nang tuwiran sa mga tagapakinig at ibagay o iangkop ang sarili sa nakikitang reaksyon ng mga
tagapakinig. Panatilihing nakapokus ang paningin sa mga tagapakinig. Iwasang magpaligoy-ligoy sa
pagsasalita.

2. Extempore – ayon kay James M. Copeland(1964), ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng
extempore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng kahandaan sa pagbigkas. Ang paghahanda sa
ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong
paligsahan. Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati. Sa ibang
paligsahan, ang mananalumpati ay tinatanggal kung lalampas o kaya ay kulangin sa oras. Samakatwid, ang
pagpili ng materyal at ang pag-aayos ng panimula, katawan at ang konklusyon ay apektado sa itinakdang
oras. Ang ikatlong kosiderasyon ay ang pag-uulit ng paksa. Ibig ng lupon ng inampalan na makarinig sa mga
tungkol sa magkakaparehong paksa. Iminungkahi ni Copeland na mas maganda kung orihinal at maayos ang
organisasyon ng pagtalakay sa paksa.


3. Isinaulong talumpati – sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati.
Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado
ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.

4. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya- makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng
papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula,
katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.


MGA KASANGKAPAN NG TAGAPAGSALITA/MANANALUMPATI


Ang isang tagapagsalita o mananalumpati ay may mga kasangkapan ding ginagamit para maging
mabisa ang panghihikayat niya sa madla upang paniwalaan ang kanyang sinasabi o pangangatwirang
ibinibigay tungkol sa paksang tinatalakay.


Narito ang ilang kasangkapan na maaaring magamit para maging mabisa ang pagpapahayag ng
talumpati.


1. Tinig


Nakakatulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang ibagay ang tinig sa nilalaman
ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita, pagbibigay-diin sa
mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at
pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang magandang tinig ay madaling makaakit sa madla.
Iwasan ang matining na tinig o kaya ay garalgal na tinig na parang sirang plaka.


2. Tindig


Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang katawan. Sikaping maging
magaan ang katawan at nakarelaks. Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para makuha agad ang
atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitonng uri ng anyo ay nakapagpapahiwatig na handang-handa ang
tagapagsalita.


3. Galaw


Anng galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa pagsasalita o
pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga tagapakinig. Nasasaklaw ng galaw ang
mata, ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay nakatutulong sa paghahatid ng
mensahe.


4. Kumpas ng mga kamay


Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa pagbibigay-diin sa sinasabi. Halimbawa, karaniwang itinataas ang
hintuturo o braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinion o puntos ng talumati o pananalita. Ginagamit
din ang mga kumpas ng kamay para biigyan ng pagtutumbas ang ideya. Halimbawa, kung binabanggit ang
dalawang magkaibang katwiran ay maaaring itaas ang kanan at kaliwang kamay sa kumpas sa
pagpapatuloy ng diwa, imbis na “umm ,saka, bale” ang lumalabas sa tuwing may kailangang alalahanin sa
pananalita, ginagamit ang galaw ng kamay bilang di-verbal na komunikasyon. Kailangang tumpak, tiyak,
tiyak at maayos ang kumpas ng mga kamay. Ginagamit lamang ito bilang pantulong sa pananalita. Hindi
dapat makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA

1. Kahandaan


Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati sa panimula o
introduksyong bibibigkas ng tagapagsalita. Kung maganda amg panimula, makukuha agad ang atensyon ng
mga tagapakinig. May dalawang mahahalagang salik para sa panimula ng pananalita: (a) kilalanin ang
tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal. Layunin ng dalawang ito na
makapukaw ng atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang kanyang
tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa, pagtatanong at iba pang teknik o istratehiya para makuha
ang atensyon nila.
2. Kaalaman sa paksa


Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng pagbigkas o –
pagtatalakay na ginagawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang tinatalaky sa paraan ng
pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpreyasyon, paglalapat, paghahambing, pag-uulit ng padron at ang
pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling matuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil
mararamdaman ito sa kanyang tinig at ikinikilos.


3. Kahusayan sa pagsasalita


Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nililalaman ng kanyang
talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita,
wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalaga na maunawaan ng tagapakinig ang
mensahe kaya nararapat na ibigay ang lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful