You are on page 1of 2

Lunas

Ang paggagamot sa
sakit na ito ay
depende sa kondisyon
ng karamdaman.
Kalimitanang
Metronidazole o
tetracycline ang
ginagamit sa paglunas
dito.
Kung mayroong kasamang pagsusuka, katulad sa
malalang kaso, kinakailangan na bigyan ang
pasyente ng gamut sa pamamagitan ng swero dahil
hindi nila kayang itolera ang gamot kung itoy
kanilang iinumin.
Ang mga gamut na lunas sa pagtatae ay hindi rin
ipinapayo dahil mas mapapalala pa nito ang
kundisyon ng pagtatae
Pagkatapos ng gamutan, ang dumi ay
kinakailangang masuri muli upang matiyak na wala
na ang impeksyon

Mga Komplikasyon kapag hindi nagamot
ang amebiyasis:
Kung mapapabayaan ang may amoebiasis ay
maaaring
matuyuan ng tubig sa katawan.
Magkanana sa atay. Kapag nakarating ang amoeba
sa atay nagkakaroon ng nana dito at ang may sakit
ay nakararamdam ng pananakit sa bandang itaas
ng kanangtiyan. Maaaring makarating ang
pananakit sakanang dibdib. Lalong tumitindi ang
pananakit kung naglalakad.

Kung ang tao na may ganitong palatandaan ay
umubong kulay kapeng likido,ang nana ay
nakarating nasa baga.








Paano ito maiiwasan???
Siguraduhing ang mga iniinom at kinakain ay
malinis
Iwasan ang pagkain ng mga hilaw at hindi
nabalatang prutas o gulay
Panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran
Magpraktis ng ligtas na pakikipagtalik kagaya ng
paggamit ng condom para sa oral o anal sex



















ANO ANG AMEBIYASIS???

Ang Amebiyasis o Amebic dysentery; Intestinal
amebiasis sa ingles ay dala ng maliliit na parasito,
ang amoeba na nakikita lamang kapag ginamitan
ng mikroskopyo.



Ang dumi ng taong may amoebiasis ay mayroong
milyon-milyong amoeba na kung mapapunta sa
kuhanan ng tubig o pagkain ay puwedeng
makahawa sa ibang tao
Ilan sa mga palatandaan nito ay salitang pagtatae at
pagtigas ng dumi (constipation) sa loob ng 5
hangang 10 araw.




Ano ang mga sanhi ng sakit na ito???
Kontaminadong tubig at pagkain
Maging sa maruming kapaligiran ay posibleng
makuha mula sa pag-inom, pagkain at direktang
kontak ng mga kamay sa maruruming bagay.
Pakikipagtalik sa pamamagitan ng oral o anal
sex ng walang proteksyon

Mga Sintomas
Pananakit ng tiyan
Pagtatae ng basa at hindi bababa sa 3-8 beses sa
isang araw
Malambot na dumi na may uhog at may dugo sa
mga malalang kaso
Matinding hapo o pagkapagod
Pananakit ng puwit tuwing dumurumi
Biglaang pagbaba ng timbang


Sa mga malalang kaso:
Paninigas ng tiyan
Pagtatae ng basa at may bahid ng dugo na hindi
bababa sa 10-20 beses sa isang araw
Lagnat
Pagsusuka

Pano malalaman na ang isang tao ay
positibo sa amebiyasis???
Pagsusuri ng dugo para sa presensya ng amebiyasis
Pagsusuri sa bituka sa pamamagitan ng
sigmoidoscopy
Pagsusuri ng dumi

You might also like