You are on page 1of 1

" ISANG PATAK NG KAGANDAHAN

"
(NANAY) PAANO NA YAN WALA NA TAYONG PERANG NATITIRA SA BANGKO

(ANAK) HI!HELLO NANDITO NA PO AKO ANO PO ANG NANGYAYARI?

(TATAY) MABUTI NANDITO KA NA ANAK

(ANAK) BAKIT PO?

(NANAY) MAGMULA NGAYON,HINDI NA TAYO MAYAMAN WALA NA TAYONG PERA,WALA NA KAMING NEGOSYO
NG TATAY,AT LALO NA WALA NA RIN TAYONG PAMBILI NG ATING PAGKAIN..MAHIRAP NA TAYO NGAYONG ANAK
PASENSYA NA.

(ANAK) AYOKO! AYOKO! HUHUHU...

(NARRATOR) TUMAKBO AKO PAPUNTA SA AKING KUWARTO AT UMIYAK SA ISANG TABI AT BIGLA NA LANG
PUMASOK ANG KAIBIGAN NA KINAKAIINISAN KO DAHIL TINALO NYA AKO SA DEKLAMASYON NOONG
NAKARAANG ARAW AT SIYA RIN NGAYON ANG NANGUNGUNA SA AMING PAARALAN..GUSTO KO KASI NA AKO
LANG DAPAT ANG SIKAT AT PINUPURI NG MGA TAO.

(ANAK) O!BAKIT KA PUMASOK DITO?

(KAIBIGAN) SABI KASI NG MGA MAGULANG MO NA MAG-LARO TAYONG DALAWA

(ANAK) AYOKO NGA BLEH!

(KAIBIGAN) AKALA KO BA FRIENDS TAYO..

(ANAK) ANO?! FRIENDS?! FRIENDS BANG TAWAG KUNG TINALO MO AKO SA DEKLAMASYON AT PINAHIYA MO
AKO DAHIL IKAW NA ANG NANGUNGUNA SA KLASE? HUH?!

(KAIBIGAN) HINDI TOTOO YAN! HINDI NAMAN YAN ANG MGA DAHILAN..BAKIT PORKET TINALO KITA AT AKO ANG
NANGUNGUNA SA KLASE........

(ANAK) TUMAHIMIK KA NA NGA! UMALIS KA NA DITO! YOURE FAKE! FAKE! FAKE!

(NARRATOR)UMALIS NA ANG KAIBIGAN KO NA UMIIYAK AT BIGLANG NAKATULOG AKO

(BOSES) HOY! BATA! SUMAMA KA SA AKIN

(ANAK) SINO YAN?

(BOSES) SUMAMA KA NA NGA SA AKIN

(ANAK)SINO KA NGA BA?

(BOSES) Ako SI SATANAS,KUKUHAIN KITA DAHIL ISA KANG MASAMANG BATA..MASUSUNOG ANG IYONG
ESPIRITO AT HINDI KA NA MAKIKITA NG IYONG MAGULANG..DI BALE MASAYA RIN DOON DAHIL MARAMI RING
MGA ESPIRITO NA NASUNOG DOON HAHAHAHAHA

(ANAK){UMIIYAK} AYOKO AYOKO SUMAMA!

(BOSES) GANUN BA AYAW MONG SUMAMA? HALIKA ISASAMA NAKITA SA AKING LUGAR!

(ANAK) HUWAG HUWAG HUWAG! BITAWAN MO AKO AHHHHHHHHHHHHH!(SIGAW NG MALAKAS)

(NANAY) LEA LEA GISING

(ANAK) HAYYY MABUTI NA LANG GINISING MO AKO INAY..NAY PATAWARIN MO AKO

(NANAY) {NGUMITI HABANG HINIHIMASHIMAS ANG ULO NG ANAK} OK LANG YUN ANAK

(NARRATOR) KAYA MAGMULA NGAYON HINDI NA AKO MAGIGING MASAMANG BATA.MAGIGING ISANG BATA AKO
NA MARUNONG UMINTINDI SA MAGULANG AT ISANG BATA NG MARUNONG TUMANGGAP NG PAGKATALO.KAYA
DAPAT TAYONG MAGING BATANG MARUNONG TUMANGGAP NG KUNG ANO TAYO..O KAYO MAGAGAWA NYO RIN
BA?