MGA ANTAS NG WIKA

* Pormal Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami.
* Di Pormal Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.

1.Ang BALBAL o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo
ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
2.Ang LALAWIGANIN ay mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. Ang mga
Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-kaniyang dila. Isang matibay na
indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin
naman Tagalog.
sa antas na ito mapapansing ang mga salita ay pawang konfaynd lamang sa probinsya o rehiyong pinanggalingan
nito. may mga salitang hindi maituturing na standard sapagkat limitado pa rin ang saklaw ng pinag gagamitan nito
3.Sa antas ng wika sa Pilipinas, naisakategorya ang wikang PAMBANSA bilang pangatlo, kaakibat ng balbal (una),
lalawiganin (pangalawa), at ng pampanitikan (pang-apat).
Ang kasaysayan ng wikang pambansa sa Pilipinas ay lubhang makulay at kontrobersyal. Gayumpaman, sa likod ng
mayamang kasaysayan at kawalan ng matibay na pagliliwanag sa saligang batas, naitala ang Wikang Pambansa
bilang Filipino.
Ang Filipino ay hango sa humigit kumulang na 90 diyalekto sa bansa. Gayumpaman, ang Tagalog ang siyang
sinasabing nagluwal nito. Ang Tagalog, sa panahon ng mga pagtatakda ng wikang pambansa ay ang siyang napili at
ang pinakamabilis namaintindihan ng halos buong Pilipinas.
4.Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang PAMPANITIKAN. Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa'y ginagamit
ang mga salita sa ibang pang kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma,
eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan ay ang "Kapatid na
babae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa
kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o kathang isip. Ito ay kadalasang
nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba
pang likhang-pampanitikan.
5. Ang Kolokyal ay isang uri ng impormal na salita kung saan ginagamit natin itong pang- araw - araw na
pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar , bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa
kung sino ang nagsasabi .
Halimbawa ng Kolokyal na Salita
1. Mayroon - meron 2. Dalawa - dalwa 3. Diyan - dyan 4. Kwarta-pera 5. Na saan - nasan 6. Paano - pano 7. Saakin-
sakin
8. Kailan-kelan 9. Ganoon-ganun 10.Puwede-pede 11.Kamusta-musta 12.At saka - tsaka 13.Kuwarto- kwarto
14.Pahingi- penge 15.Naroon- naron.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
1. Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na
pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
2. Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
3. Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
4. Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
5. Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa
kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring
nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.
6. Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.
1.) Ang pambasang wika, ayon sa 1986 Konstitusyon (Artikulo XIV, Seksiyon 6), ang naging pambansang
wika ng Pilipinas ay Filipino
2.) Ang WIKA ay kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't
ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at
panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit
ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng
mayoryang pangkat na gumagamit nito.

Teoryang Pangwika
 Teoryang Ding-dong
Ipinapalagay ng teoryang ito na kinakatawan ng isang ispesipikong tunog ang mga bagay sa kapaligiran.
 Teoryang Bow-wow
Para sa teoryang ito, ang mga tunog na nililikha ng mga bagay sa kapaligiran ay ginagaya ng tao at siyang
pinapangalanan.
 Teoryang Ta-ta
Ang “ta-ta” ay maihahalintulad sa paraan ng pagsasabi ng mga Pranses sa “goodbye” o paalam. Sa teoryang
ito, binibigyang-diin na ang pagkumpas o paggalaw ng kamay na sasabayan ng paglagitik ng dila bilang
paraan ng pagsasalita.
 Teoryang Pooh-pooh
Itinataguyod ng teorya na ang anumang sambitla ng mga nilalang bunga ng mga emosyon ay na ay
matumbasan ng mga pag-papakuhulugan sapagkat ang mga ito ay sariling likha niya.
 Teoryang Sumasalig sa Aramaic bilang Unang Wika
Ipinapalagay ng teoryang ito na ang kauna-unahang wika sa mundo ay ang Aramaic, na wika nga mga
Aramaean. Maliban ditto, pinaniniwalaan nila na ito ang orihinal na wika ng Biblia at ang wikang ginagamit
ni Hesus.
 Teoryang Yo-he-ho
Ipinapalagay ng teoryang ito nan a wika ang nalilikha ng tao kung siya ang nagbubuhat ng mabibigigat na
bagay. Kabilang dito ang mga tunog o salitang namumutawi sa bibig kung nag-eehersisyo.
 Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay
Nakatuon naman ang teoryang ito sa mga nililikhang tunog sa mga ritwal o selebrasdyong pampangkat.
 Teoryang Ukol sa Tore ni Babel
Matatagpuan ang salaysay ukol sa Tore ni Babel sa Lumang Tipan ng Biblia. Binabanggit ditto ang nililikang
tore ng mga tao sa Babilonia. Ang templong nagsilbi ring tore ay isang sagisag na kapalaluan at walang
hanggang pagnanasa ng tao. Ikinagalit ng Diyos ang ginagawang ito ng mga tao, kaya’t ginugulo niya ang
kanilang wika. Ang lunsod ay kilala bilang Lunsod ng Babel at Tore ni Babel naman ang templong –tore. Sa
ingles ito ang tinatawag na “Tower of Confusion.”
 Teoryang sa Wika ni Haring Psammitichus
Si Psammitichus ay hari ng sinaunang Ehipto, nagsagawa siya ng isang eksperimento sa pamamagitan ng
pagpapakuha at pagpapa-alaga sa dalawang sanggol sa isang lugar na walang maririnig na usapan ang
dalawa. Natuklasan diumano ng hari na ang kauna-unahang salitang kanilang nasambit ay “bekos” (Wikang
Phrygian para sa “bread” o tinapag.) Ipinalagay ng hari na bagamat walang wikang narinig ay matututunan
ng nilalang ang kayang likas na wika.

WIKA
Ito ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin
sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
DAYALEK (tinatawag ding ‘wikain’)
Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito
ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi
maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga
naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-Maynila sa taga-
Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal.
Ito ay wika na katulad rin ng bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan. Ito ay yaong unang wikang
kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan at pamayanan, lalawigan. Ito rin ang wikang unang kinagisnan,
naririnig at namumutawi sa bibig ng mgfa tao, ng mga magulang sa tahanan at sambayanan. Ito'y nagsisilbing
midyum ng komuunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing katutubong wika ay nabibilang.
Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa dayalekto. Ang varayti na tinatawag na wika ay m,as maraming aytem
kaysa sa dayalekto. Kaya't ang Filipino ay isang wika na bumubuo sa lahat ng dayalekto nito tulad sa Filipino sa
Metro Manila, Filipino sa Baguio o Filipino sa Metro Cebu.
Batay sa prestihiyo, ang wika ay may prestihiyong hindi makikita sa dayalekto. Kung ito ay pagbabatayan, ang
wikang Ingles halimbawa na ginagamit sa pormal na pagsulat ay istandard na Ingles samantalang dayalekto
lamang iyong hindi nagagamit ng gayon, bagamat sa pananaw ng linggwistika ay walang wikang mataas o mababa.
IDYOLEK
Kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay
nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal.
Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika.
Kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito
nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.
SOSYOLEK
Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na
barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante,
wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.

MAIKLING KASAYSAYAN NG WIKA
Noong ika-13 ng Nobyembre 1936, inilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na
pinili angTagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensiyahan ang pagpili sa Tagalog :
1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon
ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin
ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang
mga katutubong wikang Awstronesyo.
4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
Pilipinas.
Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog.
Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang
itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksiyon 3(2), na Tagalog/Pilipino
ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the
development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng
Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand
Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as
[Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other
languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon
[4]
ng 13 Mayo 1992, na ang Filipino “ang
katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong
urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin
idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang
ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang
Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao. Ididineklara ang
buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa
* Ang Doctrina Cristiana (1593) ang naging unang publikasyong naglalaman ng mga katesismong ginawa ni
Padre Juan de Plasencia.
* Si Tomas Pinpin ay ang Ama ng Limbagang Pilipino, siya ang kauna-unahang native naPilipino na naglathala
ng libro, "Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castilla" noong 1610 at isinulat sa Tagalog
na ortograpiya.
* Inilathala din ni Tomas Pinpin ang “Arte y Reglas de la Lengua Tagala” ni Francisco Blancas de san Jose
(tinaguriang Demosthenes ng Wikang Tagalog) at gumamit ng katutubong baybayin. Binubuo ito ng 117 pahina at
5 bahagi na naglalayong matuto ang mga Filipino sa Wikang Espanyol.
* Inilathala din ang Compedio de la Arte de la Lengua Tagala ni Francisco Blancas de San Jose
* Arte de la Lengua Tagala – ni Agustin de la Magdalena
* Vocabulario de Lengua Tagala ni Fray Pedro de San Buenaventura, ang kauna-unahang diksyonaryo sa
Pilipinas noong 1612.
* 1637 inilathala ni Tomas Pinpin ang Sucesos Felices, ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na binubuo ng
14 pahina

* Herman Costenoble- gumawa ng anim na artikulo tungkol sa mga salitang ugat na binubuo ng isang pantig
lamang (monosyllabic)
* Otto Scheerer- nagsulat ng mga aklat at babasahin tunkol sa wika sa hilagang Luzon, Kalinga, Ilongos, Isinai,
Isneg at Bontoc
*Carlos Everett Conant- may sampung pag-aaral na ginawa sa mga wika sa Pilipinas mula 1908-1916, kasama
ang pag-aaral sa ponolohiya ng Tirurui.
*Frank Blake- may 15 artikulo tungkol sa wika ng Pilipinas, 7 tungkol sa wikang Tagalog. Tinaguriang may
pinakamahalagang kontribusyon sa linggwistika sa Pilipinas sa panahon ng Amerikano
*Leonard Bloomfield- Tinaguriang pinakamagaling na naisagawang pag-aaral sa anumang wika sa Pilipinas,
malaki ang ambag ng pag-aaral niya sa morpolohiya at sintaks sa Tagalog at Ilokano
*Cecilio Lopez- Ama ng Linggwistika ng Pilipinas
(sanggunian: pahina 5 ng ‘Istruktura ng Wikang Filipino’ Book of Ma’am Teves)

BATAS NG WIKA

Atas ng Pangulo ng Pilipinas bilang 1041 – Ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31
(alinsunod sa kaarawan ni Manuel Quezon, Agosto 19, 1878)

Batas ng Komonwelt bilang 184- lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa(Komisyon sa Wikang Filipino sa
kasalukuyan

Kautusang Tagapagpaganap bilang 134- nagsasaad na ang Wikang Filipino ay batay sa Tagalog

Kautusang Pangkagawaran bilang 50, serye 1976- nagsasaad na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay dapat
tawaging Filipino

Artikulo XV ng Seksyon 7- nagsasabing ang Filipino ang dapat gamitin sa iba’t ibang pasilidad ng Surian ng
Wikang Pambansa

Batas Rizal o Republic Act no. 1425- nagsasaad na ituro ang buhay ni Rizal
Saligang Batas ng Pilipinas (1987)
Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Seksyon 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Seksyon 9. Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng
mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pagpapanatili
Atas ng Pangulo ng Pilipinas Proklamasyon blg. 12



Sanggunian: http://prezi.com/yqfmc7vc3ssp/mga-batas-pang-wika-1946-2009/

Virgilio S. Almario (Rio Alma) – punong komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino

















Quiz Bee
WIKA
Reviewer