You are on page 1of 14

Grade VI /FILIPINO

FIRST GRADING PERIOD


I. Learning Competency
Natutukoy ang posisyon ng simuno at panaguri.
II. Topic
Pagtukoy sa Posisyon ng Simuno at Panaguri
Ipaawit sa mga mag-aaral ang kantang May Tatlong Bibe.








1. Ayon sa kantang ating inawit, sino sa mga bibe ang nagsabi ng
kwak,kwak?

Sagot: Ang lider ay nagsabi ng kwak! kwak!

2. Sino ang pinag-uusapan sa pangungusap ito, ng lider ay nagsabi ng
kwak! kwak!

Sagot: Ang lider.
3. Ano ang tawag sa bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan?

Sagot: Simuno
4. Ano naman ang tawag sa bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol
sa simuno?
Sagot: Panaguri

Suriing mabuti ang mga pangungusap na ito.

Ang lider ay nagsabi ng kwak! kwak!
Nagsabi ng kwak!kwak! ang lider.
5. Sa mga pangungusap na ito, saan matatagpuan ang simuno? Panaguri?
May tatlong bibe akong nakita
Mataba, malaki mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak,kwak
Kwak,kwak,kwak
Kwak,kwak,kwak
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak,kwak
III. Discussion
Basahin ang maikling talata:














Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang talata.

1. Anong ilog ang binanggit sa talata?
Sagot: Ang ilog na binaggit sa talata ay Ilog Pasig.
2. Ano ang posisyon ng simuno at panaguri sa pangungusap na ito?

3. Anu-ano ang mga nakukuha sa ilog?
Sagot: Napagkukunan nila ng isda, suso, hipon at iba pang
bagay ang Ilog Pasig.

4. Anu-ano ang pinag-uusapan sa pangungusap? Sa anong bahagi ng
pangungusap ang mga ito?

5. Ano sinasabi ng talata tungkol sa mga bagay na ito? Sa anong bahagi ng
pangungusap ito makikita?

6. Anu-ano ang ang posisyon ng simuno at panaguri sa pangungusap?

IV. Asessment
Ilog Pasig
Ang Ilog Pasig ang isa sa mga kilalang anyong tubig ng Pilipinas
noong unang panahon dahil sa naiiba nitong linis at ganda.
Napagkukunan ito ng mga isda, suso, hipon at iba pang bagay na
ibinebenta o kayay ginagawang ulam na mga mangingisda. Naging
kapaki-pakinabang ang ilog sapagkat dito kumukuha ng ikabubuhay
ang mga mamamayang nakatira malapit sa ilog. Ang Ilog Pasig ay
sadyang itinuring na malaking kayamanan ng mga taga-Maynila.
Sa mga nakalipas na panahon at sa patuloy na pagbabago sa
ating mundo, lubhang napabayaan ang ilog na siyang nagbibigay
buhay sa malaking bahagi ng Kamaynilaan. Naging pabaya ang
taong nakatira malapit sa ilog. Ginawa nila itong tapunan ng basura,
mga patay na hayop at dumi ngtao hanggang tuluyan ng maging
patay ang nasabing ilog.
Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin ang posisyon ng mga
nakasalungguhit na salita o parirala. Biligan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mundo ay umiikot sa sariling aksis sa loob ng 24 oras.
a. simuno b.panaguri
c. pantangi d. pang-uri

2. Ang araw ay sumisikat sa silangan. Alin ang panaguri?
a. Ang araw b. araw
c. sumisikat sa silangan d. sa silangan

3. Ang mga kabataan ngayon ay bihasa sa paggamit ng
mga makabagog gadgets. Ang simuno sa pangungusap ay
matatagpuan sa __________________.
a. unahan b. hulihan
c. gitna d. pangalawa

4. Ang pagbabayanihan ng mga Pilipinoay lumilitaw sa
panahon ng kagipitan. Ang panaguri ay ang ______________.
a. pagbabayanihan b. Ang pagbabayanihan
c. Pilipino d. ay lumilitaw sa panahon ng kagipitan

5. Masidhing nagpapraktis ang mga manlalaro sa palaruan.
Ang simuno ay ang _________________________.
a. nagpapapraktis b. manlalaro
c. palaruan d. masidhi

















Answer key:
1. a
2. c
3. a
4. d
5. b





































Grade VI /FILIPINO
FIRST GRADING PERIOD
I. Learning Competency
Natutukoy ang mga sunod-sunod na pangyayari.
II. Topic
Pagtukoy sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

Naranasan mo na ba ang magluto? Anong pagkain na ang iyong
nailuto?
Alamin natin ngayon ang paraan ninyo ng pagsasaing ng bigas.
Pagsunod-sunurin ang mga larawan sa tamang paraan ng pagsasaing.







_________ __________ ________







_________ _________


1. Alin sa mga larawan ang una mong ginawa?
2. Ano ang sumunod?
3. Bakit dapat sundin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasaing?
4. Ano ang mabuting dulot ng pagsunod sa mga panuto o direksyon ng
isang gawain?
6. Paano mo ito isinagawa ng may pag-iingat?


III. Discussion
Basahin ang sumusunod na kuwento :




Si Dagang Bukid at Dagang Bahay
Maagang umalis si Dagang Bukid patungo sa kanyang pasyalan.
Pinangakuan niya ang kanyang mga buwiwit na siya ay mag-uuwi ng
matatabang uhay ng palay upang sila ay may mahapunan. Sa bukid siya
naglalagi.
Samantala si dagang bahay ay ayaw kumilos. Hindi siya mahilig sa
paglilibot sa labas. Sa loob ng bahay-bahay ang pinupuntirya niya. Mga
nakatagong pagkaing ang inuumit at pinakikialaman niya.
Lingid sa kaalaman ng dalawang daga, nagpulong at nagbalak
ang mga magbubukid at mga may-ari ng bahay. Nilagyan nila ng bitag ng
daga ang mga pananim. Nilagyan din ng mga bitag ang kani-kanilang mga
bahay. Pinainan ng pamuksa ng daga ang mga bitag.
Binantayan ng mga magbubukid at mga may-ari ng bahay ang kanilang
mga bitag. Nagkaisa ang mga tao sa paglilinis ng kapaligiran. nagtulung-
tulong sila sa pagpuksa sa mga sumisira ng pananim at ng mga nakatagong
pagkain sa mga bahay.
Nahuli sa bitag si dagang bukid. Nahuli din sa bitag si dagang
bahay. Lahat ng mga dagang nahuli sa mga bitag kasama ang mga
bubuwit ay sama-samang nalibing sa mga hinukay na basurahan sa likod ng
bawat bakuran ng barangay.


A. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang mga sagot ayon sa pagkasunod-
sunod sa kwento.
1. Ano ang dalawang uri ng daga sa kuwento?
2. Saan-saan sila naglalagi?
3. Paano kumukuha ng pagkaing ang dalawang daga, Dagang Bukid?
Dagang Bahay?
4. Ano kayang bitag ang inihanda ng magbubukid? May ari ng mga bahay?
Bakit?
5. Paano maaring mapuksa ang mga mapanirang hayop tulad ng mga
daga?
6. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kung hindi sila
pinaghandaan ng bitag? Bakit?

Ganito ba ang inyong sagot.
1. Dagang Bahay at Dagang Bukid.
2. Sa bahay at sa bukid.
3. Dagang Bukid ang kumakain ng palay. Dagang Bahay kumakain ng mga
nakatagong mga pagkaing sa bahay.
4. Inihanda ng mga may-ari ng bahay ang mga bitag. Inihanda ng
magbubukid ang lasong pamuksa ng mga dagang bukid.
5. Mag-alaga ng pusa sa bahay dahil ito ay pumapatay ng daga.
6. Dadami at dadami pa ang daga.

B. Isalaysay na muli ang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.











Ganito ba ang pagkakasunod-sunod ng iyong pagkakuwento?
__________ Maagang umalis si Dagang Bukid
__________ Nagpulong ang mga may-ari ng bahay at bukid
__________ Naglagay ng mga bitag
__________ Binantayan ng mga may-ari ang kanilang bitag
__________ Nahuli sa bitag ang mga daga
__________ Nalibing sa hinukay na basurahan ang mga daga.

Panigabong Gawain:
Isulat sa isang malinis na papel ang iyong ginagawa bago pumasok sa
paaralan, ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
1. _______________________________________________
2. _______________________________________________
3. _______________________________________________
4. _______________________________________________
5. _______________________________________________

IV. Assessment
Basahin ng tahimik ang kuwento





KAY GANDA NG UMAGA
Huwebes, masayang masaya si Rico, magsusuot siya ng uniporme ng Boy
Scout. Isa siya sa mga magtataas ng bandila habang inaawit ang
Pambansang Awit sa umagang iyon. Nagmano siya sa kanyang ama at ina
at pumasok na sa paaralan. Habang naglalakd nakita ni Rico ang isang
matandang babing uugod-ugod hindi makatawid dahil sa sala-salabat na
mga sasakyan. Pinuntahan niya ang kinaroroonan ng matandang babe.
Lola, wika niya Halina po kayo ay kayoy aking itatawid sa may Simbahan
nang hindi po kayo at kayoy aking itatawid sa may simbahan ng hindi po
kayo mabundol ng sasakyan. Ako na po ang magdadala ng inyong bayong.
Salamat, iho wika ng matanda, sabay bigay ng tangang bayong.
Nandito na po tayo, lola. Ligtas na po kayo rito. Hindi na kayo mahahagip
ng mga sasakyan. Ngumiti ang matanda Pagpalain ka Anak ng Poong
Maykapal. Si Ricoy dali-daling pumasok sa paaralan aat naghanda na sa
pagtaas ng bandila. Kay ganda ng kanyang umaga!

Gunitain ang paghahagdan-hagdan ng pagsasalaysay ng kuwento ayon sa
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kuwento.







a



Gumising si Rico.



Anong
araw noon?
Ano ang
isinuot niya?
Anong
ginagawa ni
Rico bago
umalis?
Sino ang
nakita ni
Rico
Ano ang
kanyang
ginawa?
Ano ang
sinabi ng
matanda?

Answer Key:
1. Araw ng Huwebes.
2. Nagsuot siya ng uniporme ng Boy Scout.
3. Nagmamano siya sa kanyang ama at ina.
4. Nakita niya ang isang matanda.
5. Itinawid niya ang matanda papunta sa may simbahan.
6. Nagpasalamat ang matanda kay Rico.



















Grade VI /FILIPINO
FIRST GRADING PERIOD
I. Learning Competency
Nakikilala ang mga uri ng pangngalan.
II. Topic
Pagkilala sa mga Uri ng Pangngalan

Upang tiyak na makilala ang mga tao, bagay , lugar, hayop at mga
pangyayari sa ating paligid, kinakailangang mabigyan ito ng mga
pangalan.
Nabatid natin mula sa mga nakaraang talakayan na ang pangngalan
ay mga salita na nagbibigay ngalan sa tao, bagay, lugar, hayop at mga
pangyayari.
Narito ang ilang mga larawan upang masubok ang ating kakayahang
makilala ang mga nakikita natin sa ating paligid/pamayanan. Isulat sa ilalim
ng mga larawan ang kani-kaniyang pangalan.






___________________________ ___________________________ ___________________







_________________________ __________________________ _____________________
1. Nakilala niyo ba ang mga nasa larawan?
Sagot:
a. Marian Rivera
b. Araw ng Kalayaan
c. lapis
d. aso
e. Ang Alamat ng Pinya
2. Anu-anong mga pangngalan ang isinulat niyo gamit ang malaking titik?
Sagot:
Marian Rivera
Araw ng Kalayaan
Boracay
Alamat ng Pinya
3. Anu-ano namang mga pangngalan ang isinulat niyo gamit ang maliit na
titik?
lapis
aso
4. Ano ang tawag sa mga pangngalang isinusulat gamit ang malaking titik?
Sagot: Pangngalang Pantangi

5. . Ano ang tawag sa mga pangngalang isinusulat gamit ang maliit na titik?
Sagot: Pangngalang Pambalana

III. Discussion

Basahin ang maikling kwento. Kopyahin at suriing mabuti ang mga
pangngalang ginamit. Ikahon ang mga pangngalang ginamitan ng
malaking titik at bilugan ang mga pangngalang ginamitan ng maliit na titik.

























1. Sino ang mga tauhang nasa kwento?
2. Saan nakatira ang Haring Habal?
3. Sino ang mga nagpasya na tipunin ang mga dalaga
sa palasyo?
4. Bakit lubos na napamahal si Ester sa hari?
5. Ano ang naramdaman ng mga mamamayan
sa pagiging reyna ni Ester?
(Isusulat sa pisara ang mga kasagutan.)

6. Anu-ano ang mga pangngalang pantangi at pambalana
ang naibigay sa inyong mga sagot.
7. Ano ang kaibahan ng pangngalang pantangi at
pangngalang pambalana?


IV. Asessment
Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik
ng tamang sagot?
1. Ang mga sumusunod ay mga kagamitan na ginagamit ni Carlo sa
paaralan. Alin sa mga ito ang nasusulat sa pangngalang pantangi?
a. Mongol 2 b. krayola c. pambura d. ruler

Si Reyna Ester
Nang sumuway sa utos ng kaharian at maparusahan ng
kamatayan ang dating asawa ni Haring Habal na si Reyna Vasti,
naging balisa at malulungkutin ang hari. Napagpasyahan ng mga
pantas na tipunin ang mga dalaga sa palasyo upang makapili ng
panibagong kabiyak ang Haring Habal. Isa sa mga
kadalagahang napasama sa palasyo ay si Ester. Sadyang mabait
at may kakaibang ganda si Ester kung kayat nabighani ang hari
rito. Lubos na minahal ng hari si Ester dahilan upang ito ang
napiling maging reyna ng kaharian. Nagalak ang mga
mamamayan sa panibagong sayang naidulot ni Reyna Ester sa
kanilang hari.
2. Ang aklat ni Juan ay binili ng kanyang nanay at tatay sa National
Bookstore. Ang aklat ay pangngalang ______________.
a. lansakan b. pantangi c. pambalana d. di-lansakan

3. Ang lapis ay sa Mongol: ang sabon ay para sa _____________.
a. Colgate b. Sunsilk c. Safeguard d. Rexona

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
a. bayani b. artista c. boksingero d. Manny Pacquiao

5. Marian Rivera:______________
a. mang-aawit b. guro c. artista d. labandera































Answer Key:
1. a
2. c
3. c
4. d
5. c

You might also like