You are on page 1of 13

I.

PANIMULAAng kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang


programang pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o
asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag-aaral sa
institusyong pang-edukasyonSa pagpili ng tatlong pangunahing pang-
estadong unibersidad sa Pilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU, ihahain
sa pag-aaral na ito kung bakit napakalaki ng bahaging
ginagampanan ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa wikang Filipino kaugnay sa pagpapanatili at
papapaunlad ng wikang Filipino.II. MGA LAYUNIN NG PAG-AARALAng pag-
aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na
katanungan

II. 1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad ang


kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino?2. Anu-ano ang
pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling
unibersidad sa programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman
sa wikang Filipino?3. Anu- ano ang pananaw at kaalaman ng mga
mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa kurikulum ng programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?4. Sa anong
paraan tumutugon para sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon
ang mga sumusunod:a. layunin ng programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa wikang Filipino. b. mga kurso o asignatura na
nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sana may malaking kinalaman sa wikang
Filipino.5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programang pangkolehiyo
sa tatlong piling unibersidad sa Pangkalahatang Edukasyon na inihain
ng CHED?6. Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga preperensyang
pangwika kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wiikang
Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyo
na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

III. III. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral


na may kabuuang bilang na pitumpu’t lima(75) na kumukuha ng
programang pangkolehiyo na B,A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A.
Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU).IV.
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIKAng mga mananaliksik ay gumagamit
ng deskriptibong pamamaraan. Nagamit ang pamamaraang ito
sapagkat inilarawan ang kasalukuyang ginagamit na kurikulum ng UP,
PUP, at PNU. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay kumunsulta
ang mga mananaliksik sa iba’t ibang silid-aklatan gaya sa Pambansang-
Aklatan, Ninoy Aquino Learning Resource Center at Silid-Aklatan ng
Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika upang makapangalap ng
mahalagang datos na may kaugnayan sa pag-aaral. Kumuha rin ng
mahalagang impormasyon sa websayt ng tatlong piling pang-
estadong Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling
mag-aaral na may kabuuang bilang na pitumpu’t lima(75) na
kumukuha ng programang pangkolehiyo na B,A. Filipino, B.A. Malikhaing
Pagsulat at B.A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in
Filipino (PNU).

IV. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIKAng

V. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIKAng mga mananaliksik ay gumagamit ng


deskriptibong pamamaraan. Nagamit ang pamamaraang ito sapagkat
inilarawan ang kasalukuyang ginagamit na kurikulum ng UP, PUP, at
PNU. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay kumunsulta ang mga
mananaliksik sa iba’t ibang silid-aklatan gaya sa Pambansang-Aklatan,
Ninoy Aquino Learning Resource Center at Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng
mga Wika at Linggwistika upang makapangalap ng mahalagang datos
na may kaugnayan sa pag-aaral. Kumuha rin ng mahalagang
impormasyon sa websayt ng tatlong piling pang-estadong unibersidad.
Humingi ng pahintulot sa pamamagitan ng pormal na liham ang mga
mananaliksik sa dekana at tagapangulo na nakasasakop sa mga
nabanggit na programang pangkolehiyo upang mapahintulutan na
makapagsarbey sa ilang piling mag-aaral namay bilang na dalawampu’t
lima (25) sa bawat unibersidad. May kabuuang pitumpu’t limang (75)
binahaginan ng talatanungan ng mga mananaliksik at maayos na
ipinaliwanag ang nilalaman nito sa mag-aaral.

VI. V. BUOD NG NATUKLASAN AT KONGKLUSYONMga Natukla

1. Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong


kanilang kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo.2. Malaki ang pananalig
ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP at PNU na magiging daan ang
programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at
B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa
Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunay na
mamamayang Pilipino.3. Higit na nakatuon ang mga nasabing
programa pangkolehiyo sa propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa
mga paaralan o ang tinatawag na guro.4. Ang isang mag-aaral ay
mapapabilang sa mga nabanggit na programang pangkolehiyo ay
malaki ang posibilidad na mapayabong ang kaniyang pagmamahal sa
wikang Filipino.

5. Pinakamabisang daan upang magkaroon ng kaalaman ang mag-


aaral tungkol sa nilalaman ng kurikulum ay ang pagbabahagi ng kopya
nito.6. Sa wika higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang
pangkolehiyo.7. Intelektwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng
mga asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang
pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling
Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa
PNU.8. Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensya
opisyal ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino

9. Ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa


sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang
wikang Filipino.10.Ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na
nakasulat sa wikang Filipino ay isa sa mabisang paraan upang lalo
pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

11.

Ang paggamit

ng Filipino sa pagsulat ng mga sulating pampanitikan ay isa sa


epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang
wikang Filipino.

12.

Ang pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin para lalong


mabatid ng maraming Pilipino isa sa mabisang paraan upang lalo pang
mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

13.

ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito ikinahihiya ay isa sa


epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang
wikang Filipino.

14.

ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang


dumami ang sanggunian ng mgs mag-aaral ay kailangan upang lalo
pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

15.

ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa mabisang


paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

16.
ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong
paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

17.

ang pagpapahayag ng kuru-kuro at saloobin gamit ang wikang Filipino


ay makatutulong upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang
Filipino

18.

ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa


wikang Filipino ay isang daan upang lalo pang mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino.

19.

ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na


wikang Filipino ang midyum ay isa sa epektibong paraan upang lalo
pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.Mga Kongklusyon1.
Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na
may malaking kinalaman sa wikang Filipino.Sa masusing pagsasarbey
ng mga mananaliksik

Mga Kongklusyon

1. Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na


may malaking kinalaman sa wikang Filipino.Sa masusing pagsasarbey
ng mga mananaliksik ay napag-alaman na kaya pinili ng mga mag-
aaral na pumasok o mapabilang sa programang pangkolehiyo ay
dahil ito ay kagustuhan nila. Naging malaya ang mga mag-aaral
ngayon sa pagpili ng kursong kanilang kukunin na hindi
kainakailangan ng impluwensiya ng magulang at ng ibang tao. Sa
kabilang banda, malaki rin ang nagging bahagdan ng mga mag-
aaral na napagsarhan o nawalan ng pagkakataon sa gusto nilang
kurso.

2.

Sa pagsarbey, sa kabuuan, nagiging instrumento upang maiangat


ang kamalayan ng mag-aaral bilang isang Pilipino ang programang
pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling
Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU
a ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34 mag-
aaral na may katumbas na 45.33%
Nangangahulugan na may pinakamalaking gampanin ang
programang pangkolehiyo sa tatlong piling pang-estadong
unibersidad sa kalakhang Maynila sa pag-angat sa kamalayan
bilang tunay na mamamayang Pilipino at sa pagmamahal sa wikang
Filipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na
makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito at
naniniwala din ang mga mag-aaral na magiging dalubhasa sila sa
wikang Filipino sa pamamagitan bg mga nabanggit na programang
pangkolehiyo sa pamamagitan ng paghasik ng kaalaman o pagiging
guro.3. Ang Pagkatuto – Napatunayan na sa wika talaga higit na
nakasentro ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo dahil
sa napakaraming mag-aaral ang tumugon nito.Naikintal ang
pagkatutong intelektwal sa mga mag-aaral ng programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wika.

4. Ang Pagtangkilik at Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Gawaing


Pang-unibersidad ng mga Mag-aaral na may Kinalaman sa
Pagpapaunlad Nito.Tinatangkilik ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng panonood ng mga palatuntunang Filipino,
pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino,
pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ikinahihiya, pagpapalimbag
ng maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang
sanggunian ng mga mag-aaral at pagtangkilik sa pelikukang
Pilipino.Gayundin, ginagamit ang wikang Filipino sa mga gawaing
pang-unibersidad gaya ng sa ulat at korespondensya opisyal,
pagsulat ng mga sulating pampanitikan, pagsasalin sa Filipino ng
mga banyagang sulatin, sa pagtatalumpati at sa pagpapahayag ng
mga kuru-kuro at saloobin. Samakatuwid, ang mga mag-aaral na
nasa ilalim ng programang pangkolehiyo na may malaking
kinalaman sa p-agpapaunlad ng wikang Filipino ay patuloy sa paggawa
ng mga epektibong paraan sa pagtangkilik at paggamit ng wikang
Filipino sa labas o sa loob ng unibersidad upang lalong mapanatili at
mapaunlad ito. 5. Ang Pagpapaunlad sa Wikang Filipino ng mga
Mag-aaral sa Aspetong SosyalAng pakikiisa sa mga kilos ang may
kaugnayan sa pagpapaunlad sa wikang Filipino at ang panonood
at pakikinig sa mga balita sa radio at telebisyon na wikang Filipino
ang balita sa radio at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay ilan
lamang sa mga epektibong paraan upang lalong mapanatili at
mapaunlad ang wikang Filipino sa aspetong sosyal.

VI. Rekomendasyon1. Mas mainam kung ang maraming bilang


Pilipinong mag-aaral ay kukuha ng kursong naaayon sa kanilang
kagustuhan na magiging daan sa pagpapaunlad ng kanilang saril .
Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang mas
magpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral sa
pangkasalukuyang panahon lalo na sa kaso ng pagpapanatili at
pagpapaunlad ng wikang Filipino.3. Higit na patatagin ang layunin
at kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino.4. Higit na
palaganapin ang mga pamamaraan at preperensyang pangwika na
lalong magtataguyodsa wikang Filipino.5. Higit na pahalagahan ng
mga mag-aaral ang mga Gawain na may kinalaman sa wikang
Filipino.6. Dapat pag-ibayuhin ng mga programang pangkolehiyo
na may malaking kinalaman sa wikang Filipino ang pangunguna
sa pagpapatatag at pagpapayabong ng wikang Filipino sa iba’t
ibang larangang pang-edukasyon.7. Maging matulungin ang mga
ahensya pang-edukasyon at pangwika sa patuloy na pagpapanatili at
pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong maging malakas ang
pwersa na gaganap sa usaping ito.8. Pantilihing tiyak, malinaw, at
umuugnay sa kasalukuyang pangangailangan ng panahon ang mga
program may malaking kinalaman sa wikang Filipino.9. Ito na ang
tamang pagkakataon upang paramihin ang mga programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino na
maaaring kabilangan ng mga Pilipinong mag-aaral pagtuntong sa
tersyarya. 10.Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa
pagpapahusay ng pananaliksik na ito ay tinatanggap ng mga
mananaliksik upang lalo pang tumibay ang kredibilidad nito.

KABANATA 1ANG SULIRANIN AT SANLIGANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

“Thought is the blossom; language the bud, action the fruit behind it.”-

Ralph Waldo Emerson

Malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang


pambansang identidad o kaakuhan, lalo na sa pagsabak sa proseso ng
globalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang ng
bansa para makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon.Ayon kay Dr.
Nita Buenaobra, malaki ang bahagi ng mga mamamayang Pilipino sa
pagtanggap sa Filipino bilang wikang umiiral sa bansa. Ang ibig sabihin
ng Filipino ngayon ay ang wikang nauunawaan ng lahat, simple,
madaling iakma o fleksibol at ekonomikal. Ang wikang Filipino ay isang
isyung sosyo-pulitikal, isang krusada na nangangailangan ng pag-unawa at
atensyon mula sa mamamayan at pinuno na nangunguna sa pagpapaunlad
nito bilang kaluluwa ng isang bansa (Medina, 2003:4).Subalit sa Pilipinas,
bunga ng globalisasyon, sa halip na paunlarin ang sariling wika, bakit unti-
unting humihina ang wikang Filipino? Sinabi ni Dr. Galileo Zafra, sa
larangan ng pananalita mahirap isipin na magkakaroon ng isang wikang
puro. Ang katotohanan, hihiram at hihiram ang tao mula ibang wika at
ito’y tinatanggap na sa kasalukuyan.

Sa mga bansang mauunlad, kahanga-hanga ang kanilang pagmamahal


sa kanilang wika. Sa bansang Hapon, ang mga pabatid sa trapiko ay
nasa wikang Nihongo. Halimabawa, ang tawag sa no right turn nila,

usetsu kinshi

, no left turn,

sasetsu kinshi

, no parking,

chuusa kinshi

. Ang kanilang dahilan, aralin mo ang wika namin kung nais mong alamin ang
nais naming sabihin. Nasa wika namin ang pag-unlad at wala sa iba. Sa
Malaysia, ang mga pabatid sa trapiko ay nasa wikang Bahasa Malaysia. Sa
kanilang bilihan ng mga libro, ang mga aklat ay nasa wika nila. Ang tawag
sa Silicon Valley nila ay Cyber Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, ay

Patra Jaya. Tayo, panay Ingles ang titulo, no left turn, no right turn,
dagdagan pa natin ng no swerving, no u-turn at no jay-walking (Turgo,
2004).Bilang mga mananaliksik, napakahalaga ng wikang Filipino. Sa
katunayan, malaki ang naitutulong ng sariling wika sa pagsusulong ng
kahusayang pang-akademya sa iba’t ibang paaralan at unibersidad dito
sa ating bansa, may mga programa na tumatalakay at nagtuturo ng
kahalagahan upang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino. May mga
programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino
sa iba’t ibang unibersidad dito sa Piliipinas. Nakapalobb ang kurikiulum
sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng mga kurso o
asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag aaral. Sa pagbibigay
kahulugan ni John Kerr sa kurikulum ay ganito ang isinasaad:

Curriculum defines as all learning which is planned and guided by the school,
whether it is carried on in groups or individually inside or outside the
school (Kelly, 1983:10).

Ang ito ni John Kerr ay sinuportahan at pinalawig sa aklat ni John


View Mode 19 / 102
Zoom
Ang ito ni John Kerr ay sinuportahan at pinalawig sa aklat ni John
Franklin Bobbitt na may pamagat na

The

Curriculum

. Ayon kay Bobbitt:

The idea of curriculum has its roots in the Latin word for a race-course and
explained curriculum as the source of deeds and experiences in which
children become the adults that they should be, for success in adult
society. Curriculum must be understood as encompassing not only
those experiences that take place within schools, but the entire scope
of formative experience both within and outside of schools. This includes
experiences that are not planned or directed, as well as experiences
that are intentionally directed (in or out of school) for the purposeful
formation of adult members of society.

Kasabay ang pagsisiyasat kung ito ay nakasasabay sa agos ng


kontemporaryong panahon. Kasangkot sa pananaliksik na ito ang pag-
alam kung nakatutugon ang bawat kursong nakapaloob sa kurikulum bilang
tulay upang mapanatili at lalo pang mapaunlad ang wikang Filipino. Gayundin
kung ito ay naaayon sa inilalabas na pamantayan ng Commission on
Higher Education (CHED).Ayon sa ipinalabas ng Commission on Higher
Education (CHED) Special Order No. 42 Series of 2003 na may paksang

Guidelines for the Formulation Of Policies and Standards of Academic


Programs

Sec. 4, Par. e, kung saan ang kurikulum ay dapat magtataglay ng: Kurikulum
deskripsyon: Kabilang dito ang:

kurikulum

Tiyak na paksang mapakikinabangan at makatutulong sa mga mag-aaral


at ibang suhestiyon o inihaing opsyon.

o
Suhestiyon sa iba pang paksang maaaring maging alternatibo na
magpapalawak sa programa.Sa pagpili ng tatlong pangunahing unibersidad
sa Pilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU ihahain ng pag-aaral na ito kung bakit
napakalaki ang bahaging ginagampanan ng kurikulum sa programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa larangan ng Wikang Filipino.

Kahalagahan at kaugnayan ng mga kurso

Katiyakan at kahalagahan ng kurso na nakatala sa balangkas ngo

Tiyak na paksang mapakikinabangan at makatutulong sa mga mag-aaral


at ibang suhestiyon o inihaing opsyon.

Suhestiyon sa iba pang paksang maaaring maging alternatibo na


magpapalawak sa programa.Sa pagpili ng tatlong pangunahing unibersidad sa
Pilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU ihahain ng pag-aaral na ito kung bakit napakalaki
ang bahaging ginagampanan ng kurikulum sa programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa larangan ng Wikang Filipino.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Sa kasaysayan ng kurikulum, ang unang aklat na inilathala noong 1918 tungkol sa


kurikulum ay nagpapaliwanag na ang kurikulum ay programa ng mga gawain
at mga karanasan kung saan ang mga bata ay lalaki at matututo sa kung
anong nararapat sa kanila sa ikauunlad ng lipunan (Bobbit, 1918).Idinagdag pa ni
Bobbit na ang mga nakukuhang karanasan sa loob at labas ng paaralan ay
nararapat na naiintindihan. Ang kurikulum ang nagiging kaagapay ng mga
mamamayan sa pakikihalubilo at pagkakaroon ng gampanin sa lipunan.
Nagkakaroon ng dalawang pormulasyon ayon sa nakikita niyang suliranin: (1)
Ang mga eksperto sa siyentipiko lamang ang makagagawa ng disenyo sa
paggawa ng mga kurikulum base sa katangian, dunong at kasanayan na
mayroon ang mag-aaral na kung saan ay makakatulong pa sa pagpapaunlad
nito. (2) Sa kanyang depenisyon na ang kurikulum ay ang mga karanasan o aral
na dapat niyang matutunan sa kung anumang dapat maging siya, ang kurikulum
ay nagiging tumpak ayon sa pansariling kagustuhan ng isang mag-aaral depende
sa realidad ng kanyang karanasan.

Ang kurikulum ay kalipunan ng mga kurso at mga programa na


inihahain ng institusyon tulad ng paaralan at unibersidad. Sa Estados Unidos, ang
kurikulum ay binubuo ng mga indibidwal sa bawat estado o batay sa
pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang pag-unlad ng kurikulum ay kahalintulad
ng kasaysayan ng Pilipinas kung saan naimpluwensyahan ng relihiyon, politika,
ekonomiya at mga isyung panlipunan.

Noong bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay nauna


nang makarating ang mga taga-Arabia, India, tsina, Indo-Tsina at Borneo kung saan
sinasabing sila’y mga sibilisado at may sariling sistema ng pagsulat, batas at
moral sa kanilang pamamahala.Ang mga Pilipino ay walang pormal na
metodong pagtuturo. Ang kanilang pagkatuto sa mga kaugalian, ideya at mga
bagong kaalaman ay hindi planado at walangsinunod na sistema.Samantalang sa
pagdating ng mga Kastila, ay nagsimula nang nagtatag ntg mga parochial
convent schools. Ang kanilang madalas na pinag-aaralan at binabasa ay mga
Kartilya, ang Katon at ang Katesismo. Ang Ang sistema ng kanilang pagkatuto
ay indibidwal na pagkakabisa.

Nagsimulang magkaroon ng mga pampublikong paaralan nang itatag ito


ng mga Amerikano. Ang kurikulum noon ay nakabase sa paniniwala at
tradisyon ng mga Amerikano. Tulad ng pagkakaroon ng mga babasahin
tungkol sa mg tanyag na personalidad sa Amerika at pagtuturo ng pagguhit ng mga
kabahayang may impluwensiya ng Amerika. Ingles din ang ginagamit sa pagtuturo
ng mga asignatura tulad ng Aritmetik, Heograpiya, Siyensya at Ingles.Ang
kurikulum ay nananatiling hiwa-hiwalay na asignatura at sinunod naman ay
sistemang pagrupong pagtuturo.Nagkaroon naman noong panahon ng Komonwelt
ng mga Amerikanong sundalong-guro na kung tawagin ay Thomasites. Ang
kurikulum ay umuunlad sa pagkakaroon ng kurso sa pagtatanim, pangangalakal,
negosyo at domestic science.

Binago ang kurikulum noong dumating ang mga Hapon na isinunod sa


kanilang kagustuhan sa pamamagitan ng pagtanggal sa wikang Ingles bilang
gamit sa pagtuturo sa halip ay ginamit ang Niponggo.

BALANGKAS TEORETIKAL

Naka-angkla ang pag-aaral na ito sa mga teoretikal na oryentasyon


tungkol sa kurikulum na inihain ng mga Amerikanong edukador at manunulat
na sina Lawrence Stenhouse, John Franklin Bobbit, Ralph W. Tyler at
Hilda Taba para lubos na maunawaan ang suliraning inilahad ng
mananaliksik.Sa aklat ni Bobbit na

The Curriculum,

tinalakay niya ang sentral na teorya ng kurikulum. Nakasulat sa aklat niya na:The
central theory of curriculum is simple. Human life, however varied, The central
theory of curriculum is simple. Human life, however varied, consists in the
performance of specific activities. Education that prepares for life is one that
prepares definitely and adequately for these specific activities. These will show
the abilities, attitudes, habits, appreciations and forms of knowledge that people
(students) need. These will be the objectives of he curriculum. They will be
numerous, definite and particularized. The curriculum will then be that series
of experiences which children and youth must have by way of obtaining those
objectives (1918:42).

Ayon kay Taba, Stenhouse at Tyler, may apat na gabay na sinusunod ang
pagbubuo at pagpaplano sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa pamamagitan
ng pag-oorganisa ng kurikulum. Ang apat na gabay ay maituturing na teorya at
praktika ng kurikulum. Lubos na mauunawaan ang mga gabay na teorya at
praktika tungkol sa kurikulum sa pagkakategorya ni Aristotle sa karunungan sa
tatlong disiplina: teoretikal, produktibo at praktikal. Ang mga gabay ay ang mga
sumusunod:

Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi.

Tumutukoy ito sa pagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang


pag-aaralan, metodo at konteksto sa epektibong proseso at pamamaraan.

Kurikulum bilang isang produkto.

Ang gabay na ito ay nakabase sa apat na pundamental na tanong ni Tyler na


may kinalaman sa teorya at praktika ng kurikulum na gamit sa edukasyon.
Ang mga tanong ay ang sumusunod:1. Anong layuning pang-edukasyon ang
gustong makamit?2. Anong mga karanasang pang-edukasyon ang maibabahagi
para makamit ang mga layunin?3. Paano maisasaayos ang mga karanasang
pang-edukasyon sa pagiging epektibo nito?4. Paano madedetermina kung
nakamit na ang mga layuning pang-edukasyon?

Base sa mga inihain ni Tyler na mga tanong ay nabuo niya ang konsepto sa
pagtingin sa kabuuang pananaw sa kurikulum.

PURPOSE

MEANS

ASSESSME

IDEAL

Pigura 1. Kabuuang Pananaw sa Kurikulum

Kasangkot din dito ang mga epektibong pamamaraan at hakbang sa


pagbubuo ng kurikulum ayon kay Taba. Nakasaad ang mga sumusunod: 1.
Pag-alam sa maaaring lamanin ng 1. Pag-alam sa maaaring lamanin ng
kurikulum2. Pagbuo ng matibay na layunin ng kurikulum3. Pagpili ng tiyak na
lalamanin ng kurikulum4. Pag-oorganisa ng lalamanin ng kurikulum5.
Pagbabatay sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum6. Pag-oorganisa sa
mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum7. Pagsasagawa ng mga
epektibong pamamaraan sa pagkatuto na lalamanin ng kurikulum

Kurikulum bilang proseso.

Ipinababatid nito na ang kurikulum ay hindi lamang pisikal na bagay kundi ito ay
ang interaksyon ng guro at mag-aaral sa loob ng silid-aralan at ang kanilang
pagpapalitan ng kaalaman. Sapamamagitan ng inihaing basehang prinsipyo sa
pagpaplano ng mga kurso sa kurikulum ni Stenhouse ay lubos na mauunawaan
kung bakit ito naging isang proseso. A. Sa pagpaplano:1. Prinsipyo sa
pamimili ng nilalaman – Ano ang dapat matutunan at maituro?2. Prinsipyo sa
pagpapa-unlad ng istratehiya sa pagtuturo – Paano ito dapat matutunan at maituro?
3. Prinsipyo sa pagbuo ng desisyon tungkol sa mabisang daloy ng pagtuturo at
pagkatuto4. Prinsipyo na kung saan ay aalamanin ang kahinaan at kalakasan ng
magtuturo at tuturuan gayundin kung paano nila tinatanggap ang tatlong
naunang prinsipyo. B. Sa emperikal na pag-aaral:1. Prinsipyo na kung saan ay
aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga mag-aaral2. Prinsipyo na kung saan
ay aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga guro

2. Prinsipyo na kung saan ay aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga


guro C. Sa relasyong pagpapatibay:1. Prinsipyo na kung saan ay iaayon ang
kurikulum sa iba’t ibang sitwasyon ng paaralan, mag-aaral, kapaligiran at
organisasyon2. Prinsipyo sa pag-alam sa maaaring maging epekto ng
kurikulum kung may magkakaibang konteksto, paniniwala at pagkakaunawa3.
Prinsipyo sa magiging layunin ng kurikulum

Kurikulum bilang praksis o pagganap.

Isinasaad na ang kurikulum ay mapapa unlad sa pamamagitan ng aksyon


at repleksyon. Hindi lamang simpleng plano ang kurikulum kundi ito’y
nakaugnay na matibay sa aktibong paglulunsad at pagsasagawa na ang
sentro ay ang marapat at mabisang aksyon ng implementasyon.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Sa sanaysay ni Dr. Florentino H. Hornedo,

Ang Wikang Filipino tungo sa Intelektwalisasyon

, higit na mababanaag ang doble-karang paggamit sa wikang Filipino.


Ayon sa kanya, dumadaan ang mga kabihasnan sa dalawang antas ng pag-
uunlad ng pag-iisip. Para sa pagpapahayag ng damdamin, ninanasa o
hangarin, ang Vital Thought o Diwang Buhay ang umiiral. Ngunit sa antas
ng pagpapahayag ng mapanimbang na pag-iisip o pagmumuni-muning
dulot ng mapanuring kamalayan, umiiral ang Reflexive Thought o Diwang
Malay. Kung gayon, magkakatotoo lamang ang puspusang paggamit ng ating
wika, kung itataas natin ito sa antas ng Diwang Malay. Ang pagkakaroon ng
isang laganap na Wikang Pambansa ay isang yaman at mahalaga.
Ngunit ang malawakang paggamit at pagpapayaman dito ay higit na dapat
bigyang tuon.Sa pang-akademikong pamamaraan ng pagpapayaman sa
wika, higit na dapat pagtuunan ang mga programang may kinalaman
dito. Sa pamamagitan lamang ng edukasyon maitataas ang sinasabi ni
Dr. Hornedo na Diwang Malay. Sa edukasyon, papasok na ang kurikulum
na sinabi ni Bobbit, ito ay ang paghahanda sa buhay dahil inihandang
tiyak ang matututunang

xxvii