You are on page 1of 5

Mga Malalaking Pangkat Etniko

Sa Luzon
1. Mga Tagalog
Ayon sa sensus noong taong 2000, ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat etniko
sa Pilipinas. Umaabot sa 16,054,000 ang kabuuang bilang ng mga Tagalog. Matatagpuan
sila sa mga lalawigan ng Bulaca, Nueba Ecija, Quezon, Aurora, Palawan, Oriental
Mindora, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas,
Metro Manila, Bataan, at Zambales. Ang mga Tagalog ang mga umaani ng
pinakamaraming palay o bigas sa buong bansa taon-taon. Kilala sa katalinuhan ang
pangkat na ito. Likas silang masayahin at kilala sa mahigpit na pagkaakbuklod-buklod ng
kanilang pamilya. Bahagi ng kanilang kultura ang mga awiting bayan tulad ng O Ilaw,
Leron Leron Sinta, at Magtanim ay Di Biro. Ilan sa mga prominenteng Pilipino na
nagmula sa pangkat etnikong Tagalog ay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel L.
Quezon, Tandang Sora, Francsco Balagtas, at Amado V. Hernandez.

2. Mga Ilokano
Ang mga Ilokano ang bumubuo ng ikatlong pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas.
Batay sa sensus ng taong 2000, may bilang na 5,915,000 ang mga Ilokano. Kilala ang mga
taong ito sa pagiging matipid, mahilog sa pakikipagsapalaran (adbenturero), at labis na
pagmamahal sa rehiyon na kanilang pinagmulan (regionalistic). Ang mga katangi-tanging
pag-uugaling ito ng mga Ilokano ay dulot ng kanilang pag-uugma ng sarili sa kanilang
kapaligiran. Pangunahing produkto nila ang tabako. Mahusay din sila sa paggawa ng
bagoong at burnay.

Ipinagmamalaki ng mga Ilokano ang ilan sa mga pinakamahuhusay nilang kababayan na
nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig. Ang ilan sa mga ito ay
sina Diego at Gabirela Silang, Ferdinand Marcos, Fidel Ramos, ang iginagalang na artista
na si Gloria Romero, at ang kauna-unahang Miss Universe ng Pilipinas na si Gloria Diaz.
Bahagi na ng mayamang kultura ng mga Ilokano ang mga pagkaing dinengdeng at tupig,
ang epikong Biag ni Lam-ang, at ang nga awiting Pamulinawen, Manang Biday, at ang Ti
Ayat Ti May Sa Nga Ubing. Matatagpuan nag mga Ilokano sa mga lalawigan ng Ilokos
Norte, Ilocos Sur, Isabela, Cagayan, Abra, La Union, Mt. Province, Pangasinan, Kalinga,
Apayao, Benguet, Nueva Vizcaya, at Quirino.

3. Mga Bikolano
Nasa ikalimang puwesto ang mga Bikolano sa talaan ng gma pangunahing pangkat
etniko sa Pilipinas kung pagbabatayan ang populasyon. Umaabot sa 4,469,000 abh
bilang ng mga Bikolano ayon sa sensus ng taong 2000. Lupain ng mga Bikolano ang mga
lalawigang bumubuo sa Rehiyon V tulad ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur,
Catanduanes, Mawsbate at Sorsogon.
Ang mga Bikolano ang pinakarelihiyosong pangkat etniko sa bansa. Mahilig sila sa mga
pagkaing may sili at gata. Ipinagmamalaki rin nila ang abaka at pili bilang mga
pangunahing produkto ng kanilang rehiyon. Marami ring mga magagandang tanawin
ang matatagpuan sa lupain ng mga Bikolano. Isa na rito ang Bulkang Mayon ng Albay na
kinikilala bilang Worlds Most Perfect Cone. Ang Sarung Banggi, na isang awiting bayan,
ay bahagi na ng mayamang kulturan ng mga Bikolano.

Ang mga bayaning sina Vicente Lucban at Wenceslao Q. Vinsons ay mga
pinagpipitanganang Bikolano. Ang dating senador at Kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon na si Raul Roco, ang bumago sa dating pamantayan ng pag-aartista sa
Pilipinas na si Nora Aunor, at ang nagwaging 4
th
Runner Up ng 2010 Miss Universe
Pageant na si Maria Venus Raj, ay tatlo sa napakaraming prominenteng Bikolano sa
bansa.

4. Mga Kapampangan
Matatagpuan ang mga Kapampangan sa lalawigan ng Pampanga at ilang bahagi ng
Tarlac at Nueva Ecija. Mahusay manumit ang mga Kapampangan. Katunayan nito ang
pamamayagpag ng maraming Kapampangan sa larangan ng pagmomodelo. Likas din ang
kagalingan ng mga Kapampangan sa pagnenegosyo, pagluluto, at paguukit ng ibat
ibang disenyo sa mga muwebles tulad ng sopa, mesa, aparador, at silya. Dahil sa
pananatili ng Clark Air Base nang mahabang panahon sa laalwigan ng Pampanga, nahilig
sa paggamit at pagkain ng mga produktong imported ang mga Kapampangan. Ang Atin
Cu Pung Singsing, na awiting bayan ng mga taga-Pampanga, ay inaawit pa maging ng
mga kabataan ngayon. Hindi maitatatuwang itoy bahagi na ng kulturang Pilipino. Apat
sa mga naging pangulo ng Pilipinas ay pawing mga Kapampangan. Ito ay sina Diosdado
Macapagal, Corazon C. Aquino, Gloria M. Arroyo, at Benigno Aquino III.

Sa Visayas
1. Mga Cebuano
Ang mga Cebuano ang dating pangunahing pangkat etniko ng Pilipinas. Sa ngayon, ayon
sa kinuhang sensus noong taong 2000, ang mga Cebuano ay nasa ikalawang puwesto na
lamang at may kabuuang bilang ng populasyon na 15,151,000. Matatagpuan ang mga
Cebuano sa mga lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental, Siquijor, at ilang lalawigan
sa Mindanao. Ipinagmaamlaki ng mga Cebuano, lalo na yaong mga lehitimong taga-
Cebu, ang mahalagang bahagi na ginampanan nila sa kasaysayan ng Pilipinas at ang
katotohanang halos kapantay nila sa kaunlaran nag Metro Manila.

Mahilig sa kasaysayan nag mga Cebuano. Bahagi na nag buhay nila ang pag-awit sa saliw
ng mga magaganda at mahuhusay na gitara na sila rin ang gumagawa. Sian dating
Pangulong Sergio Osmea Sr. at Carlos P. Garcia ay ilan lamang sa napakaraming
prominenteng tao ng pangkat etnikong Cebuano. Cebuano rin ang santong si Pedro
Calungsod.

2. Mga Ilonggo
Ang mga Ilonggo ang ikaapat sa pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas. Ang
kanilang populasyon ay umaabot sa 5,648,000 ayon sa sensus ng taong 2000. Sila ay
matatagpuan sa maga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros
Occidental. Kilala ang mga Ilonggo sa pagiging mahinahon at malumanay sa pagsasalita.
Malambing at magiliw nilang tinatanggap ang kanilang mga nagiging panauhin. Kilala rin
sila sa tawag na Hiligaynon.

Ang dating pangulong Manue Roxas ay ipinagmamalaki ng mga Ilonggo.

3. Mga Waray
Nasa ikapitong puwesto ang maga Waray sa talaan ng mga pangunahing pangkat etniko
sa Pilipinas. Binubuo ang pangkat ng may 2,243,000 na katao. Balwarte ng mga Waray
ang mga lalawigang Biliran, Silangang Samar, Hilagang Samar, Kanlurang Samar, at
Leyte. Kilala ang mga Waray sa pagkakaroon ng magandang pananaw sa buhay. Higit
nilang pinahahalagahan ang kasalukuyan kaysa sa hinaharap o nakaraan. Bahagi na ng
kulturang Waray ang awiting Lubi-Lubi. Isa sa kilalang anak ng Waray ay si Imelda R.
Marcos na dating Unang Ginang ng Bansa at naging gobernador ng National Capital
Region (NCR).

Mahalaga sa mga Waray ang paglalamay sa patay dahil naniniwal sila sa kabilang buhay.
Sa panahon ng pagluluksa, isinasagawa nila ang larao isang paraan ng pag-aayuno. Sa
panahon ng larao, kumakain lamang sila ng kaunting gulay at nagsusuot ng puting
damit. Ginugupit din nila ang kanilang buhok at pilik-mata.

Sa Mindanao
1. Muslim
Ang Muslim ang pinakamalaking pangkat ng mga di-Kristiyanong Pilipino. Kabilang sa
pangkat na ito ang Jama Mapun, Tausug, Yakan, Marano, Badjao, Samal, Bagobo, at ang
Maguindanaon. Itinuturing na pinakamatapang sa lahat ng mga pangkat etniko ang mga
Muslim sapagkat nabigo ang lahat ng mga dayuhan na sila ay masakop.
Katangi-tangi ang kulturang Muslim na wariy di binago ng makabagong panahon.
Ipinagmamapuri rin nila nag kanilang relihiyong Islam. Matatagpuan ang mga Muslim sa halos lahat ng
bahagi ng Mindanao at sa piling lugar ng Visayas at Luzon. Kahirapan at kaligatasan ng buhay ang
pangunahing dahilan kung bakit nilisan ng ilang Muslim ang Mindanao at namuhay sa ibang lugar tulad
ng Quiapo sa Lungsod ng Maynila.

Mga Maliliit na Pangkat Etniko (Minoryang Kultural)
Ang mga maliliit na pangkat etniko ay tinatawag ding minoryang kultural. Ang mga pangkat na
ito ay karaniwang matatagpuan sa mga malalayong lalawigan at mga liblib na pook. Maraming malilit na
pangkat etniko ang makikita sa ibat ibahang bahagi ng Pinas ngayon subalit sila ay maliit na bahagi
lamang ng kabuuang populasyon ng bansa.

Sa Luzon
1. Mga Negrito
Matatagpuan sa halos lahat ng panig ng Pilipinas ang mga Negrito ngunit higit ang bilang
nila sa Luzon. Tinatawag na Ita o Ayta ang mga Negrito sa Luzon, Ati sa Visayas, at Mamanua sa
Mindanao.
Ang iba pang mga katawagan sa Negrito ay Ibuked mga Negritong nakatira sa mga
lugar na malayo sa kapatagan; Ugsig sa lalawigan ng Cagayan; Dumagat sa mga lalawigan ng
Bulacan, Quezon at Rizal; at Batak sa Palawan.
Naglaho na nag mga katutubong wika ng Negrito dahil sa pakikisalamuha nila sa mga
taka-kapatagan. Nanatiling pangangaso, pangingisda at pangangalap ng bungangkahoy ang
pangunahing paraan ng paghahanap ng pagkain ng mga Negrito.
Ang mga Negrito ng Pinatubo at ang mga Ibuked ay may labis na pagkahilig sa pagkain
ng pulot. Ito, para sa kanila, ang pinaka-espesyal sa lahat ng pagkain. Kumakain di ng umok
(maliliit na pukyutan) at latak (pollen) na parehong nakukuha sa bahay-pukyutan ang mga
Negrito sa Pinatubo.
Labis ang pagpapahalaga ng mga Negrito sa kanilang pamilya. Ito ang pangunahing yunit
ng kanilang lipunan. Ang mga anak ng Negrito ay pinagkakalooban ng kanilang mga magulang ng
pantay na karapatan. Mahigpit din ang pag-uugnayan ng mga magulang at anak. Mahigpit na
ipinagbabawal sa mga Negrito ang pagkakaroon ng higit pa sa iisang asawa. Bawal din sa kanila
ang pagpapakasal sa malapit na kamag-anak. Datapwat sa mga Negrito ng Pinatubo, maaaring
magpakasal sa isang malapit na kamag-anak pagkatapos isagawa ang isang ritwal na tinatawag
nilang paghihiwalay ng dugo.
Simple lamang ang sistemang pulitikal ng mga Negrito. Ang pinakamatanda sa kanila ang
itinuturing nilang pinuno. Ang mga matatanda rin ang nagpapanatili ng katahimikan at
kapayapaan sa pamayanan. Ang kanilang mga bata s ay nabuo mula sa mga tradisyong minana
pa nila sa kanilang mga ninuno.
May pagpapahalaga at paggalang ang mga Negrito sa kalikasan. Ito ay dahil sa
paniniwala nilang may mga taglay na espiritu ang lahat ng bagay sa paligid.

2. Mga Tinguian
Naninirahan sa lalawigan ng Abra ang mga Tinguian. Sila ay nagtatanim ng palay sa mga
kapatagan at sa mga baytang-baytang na palayan. Mahilig sila sa pagtatatu at paggamit
ng mga kalumbiga o palamuti sa katawan. Iniitiman nila ang kanilang ngipin upang akitin
ang babae o lalaking naiibigan. Krimen para sa pangkat na ito ang kataksilan.
Pinagmumulta ang sinumang mahuling nagtataksil. Gayunpaman, kung kusa ang
paghihiwalay ng mag-asawa, walang anumang multang ipapataw.

Ang mga Tinguian ay naninirahan sa mga kubong yari sa kawayan na nasa lupa kapag
araw. Samantala, nananatili sila sa kanilang mga tahanan sa itaas ng puno kung gabi.

3. Mga Tagbanua
Matatagpuan ang pangkat etnikong Tagbanua sa lalawigan ng Palawan. Pinaniniwalang
nagmula sila sa Indonesia dahil medyo malaki sila at may matipunong pangagatawan.