You are on page 1of 529

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] GAME OF LOVE (completed)


[TOTALPARTS] 89
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
"DON'T PLAY THE GAME IF YOU AREN'T WILLING TO LOSE"
Sa laro ng pagibig, willing ka ba itaya ang lahat para sa taong mahal mo? Will you win or
lose? ;)
PS. Maiinis kayo kaya ihanda niyo na ang sarili niyo :)
Book 2 is also completed :) Still in Love ang title.
-------------------------------------------
*******************************************
[1] GAME OF LOVE
*******************************************
Hello! :) Thanks for giving this story a shot! Just want to inform the readers that the book 2
is already up. Baka kasi matapos niyo and maghintay kayo ng maghintay sa book 2 without knowing
that it's already published. STILL IN LOVE po ang title ng book 2. you can check it on my works
afterwards :)
HOW TO VOTE:
Click the Vote button on the upper right hand corner :)
Wala pong plot yung story na to and the updates and the happenings in the story was made by
impulse lang. Hope that you'll enjoy this story :) Feel free to express your opinions by
posting your comments below. ^^,
Please visit my website for more information about my stories. You can also find the softcopies
here. http://ainetanstories.weebly.com/
---------------------------------------
PROLOGUE

Lahat naman ng tao, nawawala sa sarili kapag nagmamahal.

Handa kang gawin ang lahat para sa taong mahal mo. Gagawin mo ang lahat para mapasaya siya at
sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.

Paano kapag ang isang masaya at halos perpektong buhay ay pinaglaruan ng tadhana?

Paano kapag dumating ang araw na ang taong pinakamamahal mo, ayaw na sayo. Ipaglalaban mo pa
din ba?

"If you can't afford to lose, don't even think of starting to play the game"

Love is a game. May nananalo at may natatalo. Nasa sayo na iyon kung paano mo lalaruin.
Kailangan mo lang lumaban ng patas.



~ Game of Love
*******************************************
[2] CHAPTER 1: Date
*******************************************
CHAPTER 1: Date
June 29: Pinakaaantay kong araw ^___^ Anniversary namin yan ni Zeke ee. Kaso May 29 palang
ngayon. Which means... 11th monthsary namen and still counting. Ang saya ko lang talaga and
excited din ako at the same time.

I woke up by 8:00. May date din kasi kame ni Zeke ngayon ^___^ susunduin niya ako dito sa bahay
mamaya before lunch time. Naligo and nag-ayos nako para mamaya. It took me 2 hours din kasi, I
curled my hair pa and naglagay ng konting makeup. Syempre gusto ko din naman maging maganda
diba? Ang gwapo kaya ng boyfriend ko :"> Nagugutom na din naman ako kaya lumabas na ako ng room
ko and nagbabalak kumaen. Then I saw my Kuya Hiroshi in our living room.

"Zaoshang kuya!" (zaoshang - good morning)
"Zaoshang. Kumaen kana princess?"
"Not yet kuya. I'm hungry na nga ee" then nag pout ako. Paawa effect :))))
"I'll cook pancakes for you and we will eat together, okay?"
"Opo kuya. Ang gwapo mo talaga kahit kailan and ang baet pa! Xiexie!" (xiexie- thank you)
"Binobola mo na naman ako. Alam ko naman na gwapo ako e. Di mo na kailangan sabihin pa yun"
then nagsmile siya.
"Yabang mo kuya! haha ^_^ joke lang! Sige kuya luto ka na. Kumakalam na sikmura ko ee."

Bait talaga ni kuya. Siya na gwapo! Anyway, gwapo naman talaga yun ee. Tangkad pa. ^_^ Siya si
Axel Hiroshi Tan. Di ko alam kung bakit pang japanese name niya kahit chinese kami but I still
like it. He's 18 years old and he's Single. Di ko nga alam kung bakit walang girlfriend yan ee.
Gwapo and mabaet naman siya. Sweet pa. Ang over protective din niya kaya lagot sa kanya si Zeke
pag sinaktan niya ko. Haha!

"Princess, let's eat."

I went to the kitchen and kumain na. Saraaaaap naman neto! Madame ako makakain and sure yan.
Dami pa naman niya niluto.

"KUYAAA! ANG SARAAAP!"
"I know! Kelan ba naging di masarap luto ko? And don't shout. Nakakabasag ng eardrums. Dahan
dahan lang princess ah. Mabulunan ka nyan"
"Thank you ulit kuya!"
"You're always welcome princess"

Kumain lang ako ng kumain hanggang sa maubos ko lahat. Di naman ako PG ee. Sadyang masarap lang
magluto si kuya and gutom din ako. Pumunta na ko sa sala then nakipagkwentuhan lang ako kay
kuya. Pampalipas oras. Tagal ni Zeke dumating ee. =_=

*ding dong*

I have a feeling na si Zeke na to ^__^ Pumunta ko sa gate and di ako nagkamali, si Zeke nga.
May dala siyang bouquet ng rose. KYAAAH! kinikilig ako! I hugged him. Di ko naman siya namiss e
ano? Well, namiss ko din naman siya pero sakto lang, hindi sobra. Natuwa lang kasi talaga ako.

"Happy monthsary babe." and he gave me the bouquet of rose.
"Happy monthsary din babe. Thank you for this. Pasok ka muna."

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Naupo muna siya dun sa sofa sa tabi ni kuya Hiroshi. Alam ko
na mangyayari, magkekwento na naman tong kuya ko >.< daldal niyan ee. Haha!

"Oh Zeke. Andito ka pala. May date kayo ni princess?"
"Yea." -Zeke. Tipid sumagot >___<
"Akyat muna ako ah. Lagay ko lang ito sa room ko."

I went to my room and nilagay ko yung bouquet dun sa table and nag retouch ng konti. Then
bumaba na din ako agad.

"Kuya, alis na po kami ah. I'll be back by 6 o'clock. Don't worry."

Yea, hanggang 6 lang. Di ako pwede magpagabi kasi lagot ako sa parents ko. May deal kasi kami
na dapat by 6 nasa bahay nako pag umalis ako with Zeke. Bawal pa daw kasi talaga ko mag-
boyfriend kasi bata pa daw ako >.< Pero pinagbigyan lang nila dahil sa grades ko kaya ayun,
dapat may limit pa din daw.

"Hey Zeke! Take care of my sister." - Kuya Hiroshi
"Don't worry Hiroshi. I won't let anything bad happen to her." KYAAAAH :"> Nakakakilig naman
to.

Then we left. Nag taxi lang kami papuntang Greenbelt. Yun kasi yung mall na malapit samin. Dun
kame magla-lunch and manunuod daw ng movie.

We're here na sa Greenbelt. Naglalakad lakad lang muna kame and holding hands pa.

"What do you want to eat?"-Zeke
"Um, I want coffee."
"For lunch?! Charel, What's wrong with you? Coffee?! Kelan mo pa ginustong uminom ng coffee for
lunch?!"

UH OH. Galit na siya >.< bigla naman nagbago mood neto. Tsk. Ang bilis niya magalit ngayon.
Okay naman siya kanina ee. Di pa naman kasi ako gutom. Bipolar babe ko >.<

"Joke lang po. Nagalit ka naman agad. Um, where do you want to eat ba? Dun na lang tayo"
"Kain tayo sa DADS. Gusto ko kumaen ka ng madame." OH NO!. Pano yan? Busog pa ko ee.
"Busog pa ako Zeke. Dami ko nakain kanina ee."
"You already know that we have a date then magpapakabusog ka? Gusto ko din naman na masulit
tong time na I can be with you. Kung ganun lang pala, let's go. Uwi na lang tayo. Wala na ako
sa mood."
"Zeke, sorry. I really want to spend this day with you. Kain na lang tayo sa ibang place."
"No. Let's buy coffee na lang if that's what you want." Bipolar talaga yung babe ko.
"Okay. Di ka nga galit?"
"Di nga."
"Sure?"
"Yea."
"Weh? Di nga?"
"Oo nga. Stop being stupid Charel. Ang panget tingnan. Nakakahiya."

Baket nakakahiya ba ako? Kinahihiya niya ako?! Grabe naman! Proud na proud ako na siya
boyfriend ko tapos ganun? Grabe naman. Bahala na nga. Ang importante, he's not mad. Baka kasi
nakakainis lang talaga ako kaya ganyan reaction niya.

We walked to Starbucks and he ordered coffee jelly. Parehas kame. After that, nagikot ikot
nalang kame. He has ticket na daw for the both of us and mamaya pa daw 3 o'clock yun ee.
Kakalakad namin, nakarating kame ng Glorietta, Mall din yun. Katabi lang halos ng Greenbelt and
andameng tao. May show din kasi ngayon.

"Babe?"
"Oh?"
"Nothing."

Ano ba naman tong taong to. Nanahimik. Feeling ko galit pa din siya. >.< No Charel, di galit
yun. Inis lang siguro pero wala naman ata? Nagstay lang kami dito sa Glorietta and umupo lang
muna kame. Then suddenly hinila ako ni Zeke. Nu kaya problema neto?

"Tara na"

Tumatakbo lang kami. Di ko din alam kung bakit bigla kaming tumakbo. May mga kaaway ba siya na
nandito? Imposible, kahit madami pa sila, kaya niya naman sarili niya ee.

"Zeke! Wait!"

Di sumasagot. Tuloy lang kami sa pagtakbo buti nalang at naka flats ako. Then nagstop kame sa
tapat ng parking lot. Grabe. Hingal na hingal ako.

"Hay salamat. Naka layo din. Mafelle. Okay ka lang?"

Uh? Mafelle? May ibang girl si Zeke?! >.< Lagot siya sakin! Papabugbog ko siya kay kuya. Then
humarap siya sakin.

"SINO KA?!" sabay pa kami nagsalita.
"Bigla mo kaya ako hinila!! Sino ka ba?! Kidnapper ka no?! KIDNAPPER!!!"

Sumisigaw ako ngayon. Badtrip to! Baka di ako makauwi sa bahay neto ee. Bigla pa ako hinila.
Badtrip to ah. Nagtinginan na yung mga tao samin then bigla niya akong ---- hinalikan!

O________O

>////<

-__________-

"Ano ka ba babe?! Nakakahiya sa kanila oh. Bigla ka na lang sumisigaw dyan. Pagpasensyahan niyo
na tong girlfriend ko. Makulit talaga to ee."

Babe mo mukha mo! Nakakainis ka! I don't even know you. Di ko lang yan masabe kasi nahihiya din
ako.

Natahimik ako dun sa ginawa niya. Ninakaw niya yung first kiss ko >.< nakakainis naman tapos
ganun pa sinabe niya. Nahihiya and naiirita tuloy ako. Nakakahiya yung ginawa niya. Naiiyak
ako. WAAAAH! Tapos nung wala na yung mga attention nung tao samin, bigla siyang tumakbo at
iniwan ako dito. Badtrip yung lalaking yun ah. Pag nahanap ko siya, I'll make sure na mananagot
siya kay Zeke.

Bigla na lang tumulo luha ko ngayon. Nakakainis. Ni hindi nga ako nagpapahalik kay Zeke tapos
siya nanakawin yung first kiss ko ng ganun ganun lang? Nakakainis talaga! Pinunasan ko na lang
yung luha ko at naglakad nako pabalik dun sa pinagstayan namin ni Zeke kanina.

"San ka galing?! Sino yung lalaking humila sayo kanina?!" -Zeke

Galit na naman siya. Galit na galit.

"Ah, e kasi Zeke, di ko kilala yun. Bigla lang nya ko hinila at--"
"Charel, magtapat ka nga sa kin, may iba ka na bang lalaki? Lumalandi ka na ngayon?!"

*slap!*

Bigla ko siyang sinampal at umalis na ako. Nakakainis kasi ganun na nga nangyari sakin tapos
sasabihan pa niya ako ng ganun?! Badtrip talaga. Uuwi na lang ako. Sumakay na ako ng taxi
pauwi. Pagdating ko sa bahay nakita ko si kuya Hiroshi sa living room.

"Princess, are you okay? Ang aga mo ata masyado nakauwi? Wala pang 3 o'clock ah?"
"I'm okay lang kuya. Anu ka ba? Don't worry. Akyat na ko. I'm sleepy."

'I'm okay', yan ang sinabi ko kahit hindi naman talaga. Di din ako makatingin kay kuya dahil
naiiyak ako and dumiretso na lang ako sa kwarto ko. I took a bath. 3 palang pala. I just slept
and when I wake up. Im hungry na naman. 6:00 naman na pala ee. Bumaba na ko kasi magdidinner
na.

"Kuya, let's eat na. Im hungry" I need to show kuya that I'm okay.
"Di ka ba pinakain ni Zeke ha?! Ginutom ka ba nun?! Lagot sakin yun!"
"Kuya naman! Di niya ako ginutom no! Kain na lang tayo." Tumawa nalang ako para mukha akong
okay.

After magdinner, pumasok na ako sa room ko and nag computer. Nag-online ako sa facebook, He's
online pero di naman nya ko pinapansin. Bahala siya diyan! Galit ako sa kanya. Dapat siya una
mag-approach sakin. Di siya chix. Ay joke. Nakakainis kasi siya ee. Itutulog ko na lang ulit
ito. Para mawala na yung inis ko.
*******************************************
[3] CHAPTER 2: My life
*******************************************
CHAPTER 2: My Life


"Princess, wake up."
"Antok pa ko kuya."
"Charel, wake up. Tanghali na oh." That voice. Could that be--
"Zeke?" Then I checked kung siya nga.
"Good morning babe" He's smiling. So di na siya galit. No, galit pa din ako sa kanya.
"Princess, iwan ko na kayo dito ah"

Aish. Iniwan na ako ni kuya >____< Bahala siya, di ko pa din siya papansinin. May kasalanan
siya sakin. Bahala siya sa buhay niya! Nakakainis kasi ginawa niya eh. Sobra! Nagtakip nalang
ako ng unan sa mukha ulit. Matutulog nalang ako.

"Di ka pa din ba babangon?"
"No. So just leave!"
"No. I don't want to."
"I said leave!"

Ang kulit naman ng taong to. Nakakainis na uh. Umagang umaga naninira na ng araw >.< I feel na
naglalakad na siya. Yey! At last, aalis na din siya. Then suddenly, nahiga siya sa tabi ko.

"I'll sleep with you."
"I don't want to. Just leave me alone!"

Ayaw niya pa din umalis >.< Bahala siya sa buhay niya. Di ko pa din siya papansinin. Matutulog
na lang ako. Kaso di na ako makatulog kasi naman ee. Nakakailang kaya! Kaya babangon nalang
ako.

Dumiretso na ako ng CR. Maliligo na ko. Paglabas ko, he's-- sleeping? Tulog nga ba talaga to?
Nilapitan ko siya. Mukha namang tulog ee. Titigan ko nga. Gwapo niya talaga! Pero grabe! Di ko
pa din siya matiis, love ko masyado ee. It's been 1 week na din simula nung nag-away kame and I
miss him so much.

"Tama na yan. Baka matunaw ako. Ganun ba talaga ako kagwapo?" then he smiled.

Nagulat ako dun. Gising pala siya. Nagtutulog tulugan lang. Bigla ako nahiya. Kase naman ee.

"YABANG MO!" then I pushed him.
"You're blushing." he laughed then nagserious face na siya.
"Babe, I'm sorry okay? I didn't mean to say that. Nabigla lang ako nun kasi baka may iba ka na.
Nagseselos ako pag lumalapit ka sa iba. Gusto ko akin ka lang. By the way, I cooked something
for you. Peace offering ko yan. Kainin mo na before pa lumamig ng tuluyan."

KYAAAH! Siya na sweet! Pancakes yung niluto niya. Dinala niya talaga sa room ko ah.

"At kelan ka pa natuto magluto? Baka naman si kuya pinagluto mo nito."
"Hey Charel! Just it eat okay. I cooked that so you should eat it."

Tumunog tiyan ko. Aish gutom na ako. Kakainin ko na nga. Wala naman siguro tong lason ee. Well,
I'm eating it now. Masarap naman pero mas masarap kung si kuya yung nagluto. Haha ^____^

"So, am I forgiven?"-Zeke
"Hmmmmmmm."
"Please? I'm waiting for your answer."
"Sige na nga."

Then he hugged me. Ganyan naman lage ee. Mag-aaway kame tapos magbabati din kaagad. Syempre,
hindi niya daw kaya na galit ako sa kanya and ako, hindi ko kaya na matagal kaming hindi
maguusap. Natapos na ko kumain so bumaba na kami sa living room.

"Charel, I really can't stay for long. I really need to go."
"Why?" then I pouted.
"Basketball practice." tss. yan na naman ang basketball practice na yan. Nakakaselos na.
"Sige, ingat ka babe. By the way, thank you for the breakfast"
"You're welcome. I love you!" then he kissed me on the cheeks.
"I love you too."

Hinatid ko na lang siya sa gate then pumasok na ako pagkaalis niya.

Boring na naman to -_______- 1 week to go and may class na naman kami. Di ko naman masulit yung
natitirang days with him kasi he needs to attend his basketball practice. Kakailanganin ko na
naman magaral ng mabuti kasi graduating na. Di na pwedeng pa easy easy lang.

Nagaral na lang ako para may alam na ako sa mga ilelesson namin. Kailangan ko magvaledictorian
ee. Di ako pwede malamangan. I need to have a good image sa school because I want to make my
Mom and Dad proud.

Sabe nga nila, madami daw na-iinggit saken ee. Kase daw:

1. Matalino daw ako. Simula elementary lagi ako first honor. Di ko pwede iturn down sina Mommy
and Daddy. Masyadong mataas expectations nila sakin. Because of my grades, madami din nag-aask
sakin ng help kaya minsan natutulungan ko sila, minsan hindi. Kaya ayun, madami nagagalit
sakin. Pero konti lang din yung friends ko. I'm really not the type na mahilig magsocialize.
Ako nga din pala yung nilalaban sa mga quiz bee.

2. Maganda daw ako and boyfriend ko pa ang hottie na si Zeke Fraser Lopez. Sikat kasi siya sa
school. Galing magbasketball nun ee tapos gwapo pa. Kaso minsan lang kame magbonding pag may
pasok na. Kailangan kasi niya magpractice lagi. Dami pa naman may gusto dun. Swerte ko daw kasi
ako nagustuhan niya.

Almost perfect na nga daw buhay ko ee kasi nasa akin na daw lahat. Yaman, talino, ganda and
gwapong boyfriend. Di lang nila alam na mahirap maging ako. Kailangan ko kasi ma-impress lahat.
Di ako pwede gumawa ng kalokohan kasi masisira ang name ng parents ko. Hirap kaya nun. But
still, kailangan ko maging the best.

Eto pa, I'm always with my kuya Hiroshi lang. Lumaki ako with him and yung mga katulong sa
bahay. Kailangan kasi ng parents ko mag-out of town lagi kasi kailangan nilang puntahan yung
mga branches ng business namin sa different countries. Then kung uuwi sila dito, maximum na
yung 1 week :(

Ayan ang buhay ni Jin Charel Tan. My life. My happy but complicated life.
*******************************************
[4] CHAPTER 3: First day
*******************************************
CHAPTER 3: First Day
June 13. First day of class ngayon. Ready na ako para pumasok sa school. Nandito lang ako sa
sala, nanonood ng tv. Inaantay ko na lang si KL dumating dito sa bahay. Sabay kasi kami papasok
ee. Tagal ko na siya di nakikita and nakakabonding >.< Wala kasi siya dito buong summer
vacation kasi nagstay siya sa Korea with her parents. Excited na ako makita siya. Sobrang
namiss ko yun ee.

Kylie Lariza Gonzales: KL for short. She's 15 years of age. She's my bestfriend since 1st year
highschool. Half-Filipino and Half-Korean. May pagka-boyish lang siya ng onti pag kumilos.
Single. Maganda naman siya ee. Sobrang kulit din niya. Especially pag may gwapo. Grabe kiligin
yan and ang dami niyang crush pero di halata sa kanya. Di siya bobo and di din siya matalino.
Average lang. Siya yung taong kasama ko sa lahat ng bagay. Kalokohan man yan or hindi. Pati sa
pag-aaral kaso minsan tamad siya.

*ding dong*

Sana siya na yan. Si kuya na nag-open nung door and pinapasok siya. Si KL na nga.

"KL!" then I hugged her ng sobrang higpit.
"Annyeong! Gwenchana-yo?" -KL (annyeong-hello; gwechana-yo?Are you okay?)
"Gwenchana. Hey! stop speaking Hangul. Nag nonosebleed ako. Saglit ka lang nagstay dun, nahawa
ka na sa kanila. By the way, I missed you so much." (gwenchana-i'm okay)

Nakakahawa si KL. Kasi naman nagsasalita siya ng korean minsan kaya ayun natututo ako sa kanya.

"Okay. Namiss din kita ^_^ Let's go. Baka malate tayo neto ee."
"Girls, hatid ko na kayo" -kuya hiroshi.
"Sige ba kuya! Thank you!"

Hinatid na kame ni kuya sa school.

In just a few minutes, andito na kami agad sa school. Bilis magdrive ng kuya ko ee ^_^

"Xiexie kuya!"
"You're welcome princess. Be good okay?"
"Yes kuya. ^_^"

Naglakad lakad na kami papunta sa room namin. Daming tao. Nag titingin tingin na din ako in
case na makita ko si Zeke ^___^ then I bumped into someone.

"Hey! Watch where you're going!" -sabi nung nakabangga ko.
"Sorry. Ikaw pala yan Mika."
"Whatever. Kaya naman pala. Yung walking danger zone pala nandito. Next time, mag-ingat ka
naman! Ang aga aga sinisira mo na araw ko. By the way, BEWARE. Matatalo kita this time." then
she laughed. An evil laugh. Nakakabanas lang.
"Okay. Don't worry, hindi ako papatalo."
"Okay. I have no time to talk to losers like the two of you. Ayoko magsayang ng oras kausap
kayo. Bye!"

Ayaw magsayang ng oras ee kinausap mo nga kame. Baliw din ata to e! Wahahahaha!

Ang aga aga nagtataray si Mika. Siya si Mikaela Valdez. Siya yung kaagaw ko lagi sa lahat ng
bagay. Sa honor, kay Zeke. Lahat nalang gusto niya sa kanya. Malas lang di ko classmate si
Zeke. Guess what? classmate niya >.< Di ko nga alam kung bakit ang laki ng galit ng taong to
sakin ee. Siguro dahil mas matalino ako sa kanya and boyfriend ko si Zeke. Lagi kasi siya
second ee. Well, mas maganda siya saken, matalino, popular and mayaman. Pero lamang pa din ako
sa kanya.

"Tara na Jin, wag mo na pansinin yung si Mika. Inggit lang sayo yun. Malate pa tayo neto eh."-
KL
"Yea. Tama ka. Let's go."

Just in time lang yung dating namin sa room. Di pa nagiistart si Mam. Inaayos pa lang niya yung
seating arrangement.

"Good morning ma'am! ^_^" -KL
"Good morning. Ms. Tan, you will sit in that chair and Ms. Gonzales, you will be sitting
there." tinuro niya yung mga seats namen.

Pansin ko lang, alphabetical yung seating arrangement namin. By two's yung seats ee. Wala pa
kong katabi. Si Zeke naman, di ko pa nakikita. Tinataguan ba ko nun? Di naman siguro :) di niya
gagawin yun ano. Di naman kame nagaway ee.

Nakakaantok >.< Makikipagdaldalan na lang muna ko sa mga classmates ko. Dami nilang kwento kaya
sobrang ingay sa room. Buti na lang mabait yung teacher namin and pinabayaan lang kame
magingay.

Pag tingin ko sa upuan sa tabi ko, may nakaupo na. Feeling ko new student to. Tahimik ee. Ang
iingay ng mga kaklase ko kaya! Nakatungo lang siya. Parang natutulog. Gusto ko gisingin kaso
baka magalit. Wag na lang :)))

"Good morning class!"

blah blah blah. Di na ko nakikinig, di naman lesson yun ee. Orientation pa lang kasi ngayon.
Ayun, umupo na din ng maayos yung katabi ko. Tinitingnan ko siya. Nakasideview ee. Mukha naman
siyang gwapo. Sana sideview na lang siya lage. Hahaha! Joke! Then tumingin siya saken. Napansin
ata niya na nakatingin ako sa kanya.

"IKAW?!" sabay pa kame nagsalita. Actually, napasigaw kame.
*******************************************
[5] CHAPTER 4 and 5.
*******************************************
CHAPTER 4: Gabriel Vincent Teppei

"IKAW?!" sabay pa kame nagsalita. Actually, napasigaw.
"Is there any problem Ms.Tan and Mr. Teppei?"
"Nothing ma'am" sabe nya.

Badtrip naman to. Guess what?! Yung bastos na guy pa yung katabi ko. Yung guy na nagnakaw ng
first kiss ko >.< lagot siya sakin. Pasalamat siya ayoko magkagulo. Kung hindi, uupakan ko
talaga to. As in now na, pero chill lang Jin. Chill.

"You are so dead." bulong ko.

Siguro naman alam niya na kung bakit. Aba di sumasagot ah. Ang sungit. Sipain ko kaya to!
Hahahaha :))))) ang evil ko. Then--

"Shit! KABAYO KA BA?!" hala. Lagot sumigaw siya >.< Kailangan talaga sumigaw?!
"The two of you, get out of this room now! I'll talk to the both of you after class."

Kinuha niya yung gamit niya and lumabas kaagad. Lumabas na din ako. Badtrip naman to oh.
Sumigaw pa kasi ee. First time ko mapalabas ng teacher. At dahil lang sa kanya?! Grabe ah? May
dala dala atang malas tong taong to ee.

Sinusundan ko lang siya. Tae! Ang bilis niya maglakad. Parang hinahabol ee.

"Ui. Antayin mo naman ako!"

Tuloy tuloy pa din siya sa paglalakad. Di pa din talaga niya ako pinapansin. Tatakbo na nga
ako, bilis talaga ee. Susundan ko lang siya. Pipikunin ko to! Wahahaha!

Naglakad siya papunta dun sa likod ng school. Tas nahiga dun sa tabi ng puno and wait.
Matutulog ata siya.

At last. Nahabol ko din siya.

"Hoy panget! Pansinin mo naman ako."

Di pa din siya namamansin. Aba ang sunget! Meron ba to? Daig niya pa babaeng nagmemenopose ah?!
Haha! Nakakairita yung mga masusungit kahit kelan.

Umupo nalang ako dun malapit sa kanya. Nanahimik na lang ako. Sayang lang boses ko kapag
dumaldal ako dito tas wala naman akong kausap kasi tulog yung kasama ko. Ayoko naman isipin ng
mga tao dito na baliw ako. Nakakahiya yun.

Mga 15 minutes na din nakalipas. Siguro tulog na to. Tinitingnan ko lang siya. Ang cute niya
tingnan pag tulog. Mukha siyang inosenteng bata. Gwapo naman siya ee. Maputi, matangos yung
ilong. Medyo mahaba yung buhok niya tapos may ilang piercing siya sa tenga. Nagmumukha tuloy
siyang gangster. Feeling ko nga gangster to ee. Ewan ko lang. Ni hindi ko pa nga alam pangalan
niya eh. Ang alam ko lang yung last name niya. Tep.. Anu nga pa yun? Nalimutan ko na.

Basta naiinis pa din ako sakanya. Guluhin ko kaya ito habang natutulog para mainis? Haha! wag
na nga lang. Kawawa naman ee.

Bored na talaga ako and dahil dun nagsisimula na akong antukin. Napilitan lang naman ako sundan
to ngayon kasi di ko alam kung san ako pupunta. Di naman pwede na puntahan ko si Zeke kasi may
klase siya. Boring din pag magisa ka lang pero mas boring pag yung kasama mo ganito. Tulog
tapos masungit pa.

*Babe calling...*

Ayun oh. Tumatawag na babe ko ^_^ Siguro wala na silang teacher.

"Hello?"
[ Where are you? wala ka dito sa room niyo. Napadaan kasi ako and I saw KL then I ask her kung
asan ka. Pinagalitan ka daw kaya pinalabas kayo ng room ]
"Uh. Yea. Dito ako sa likod ng school ngayon. Wala ka bang class?"
[ Meron. La pa kame teacher ngayon. Go back to your class. Baka mapagalitan ka niyan ]
"Opo. Sige, bye."

Then I hung up. Gusto ko na talaga siya makita >.< Dapat kasi magclassmate na lang kame ee. Di
kasi nagaaral ng mabuti kaya di kame nagkakasama sa isang section ee. Tsk.
Tumingin ako kay panget na gangster. I noticed na nagigising na din siya.

"Hey you!" sabe ko.
"Whaaat?!" at last, nagsalita na din. kaso mukhang galit. haha :))) sarap siguro asarin nito.
Mukhang pikon ee.
"Were gonna be late sa next class naten. Tara na. Kung ayaw mo, bahala ka na."

Di naman siya tumatayo. Baka di siya aattend ng next class so naglakad na ako. Then napansin ko
na nakasunod na siya. Then bumalik na kame sa room.

Ang awkward lang kasi siya pa din katabi ko. Kung ano kasi yung seating arrangement sa una,
ganun na sa buong school year. Ang panget tuloy.

Tahimik lang kameng dalawa. Di kame nagpapansinan. Di ako sanay ng di dumadaldal ee, gusto ko
ng kausap! >.<

*Lunch time:

"Jin! May papakilala ko sayo."-KL
"Don't shout. Sakit sa eardrums bessy ee. Sino?"
"Kala mo naman di ka din pala sigaw. Well, this is Steven Santos and Spencer Reyes. Classmates
din natin sila. Guys, meet Jin Charel Tan. Ang genius sa room."
"Aish. I'm not genius okay?"
"Di ka naman mukhang genius ee. Don't worry. Di namin iisipin na ganun ka."
"Okay. Hi sainyo." then I smiled.

Ang friendly talaga ni KL kaya ang daming friends pero siyempre, wala naman daw papalit sakin
bilang bestfriend niya.

"Let's eat lunch together." -Steven
"SURE!"-KL
"Una na kayo sa canteen. Sunod na lang kame. May aantayin pa kame ee." -Spencer

We walked na papuntang canteen. How I wish kasama ko din si Zeke. Okay, sorry na. Mukha na
akong Zeke. Kasi naman masyado siya nagpapamiss >.< Di naman kame pwedeng magsabay ng lunch nun
kasi di sabay yung time ng lunch namin. Kaya pag-uwian lang kame pwede magkita.

Andito na kame sa canteen kaya naghanap na kame ng seat ni KL and naupo.

"Jin! Gwapo nila nu?! Haha!"
"Who?"
"Spencer and Steven. Crush ko na nga si Spencer ee."
"Yea. Bilis mo naman magkacrush dun. Pero mas gwapo pa rin si Zeke dun nu! ^_^"
"Hay nako Jin. Oo na, Ikaw na may gwapong boyfriend. Ako na wala >.< Yan na pala sila." sabay
turo dun sa kung nasaan sina Spencer.

Umupo na din sila sa tabe namen. Kasama nila si panget na gangster. Haha. Di ko kasi alam name
nun ee. Yun na lang tatawag ko sa kanya. Mukha naman gangster yun ee and panget din kasi ugali
niya eh.

"Jin, I think kilala mo naman na siya." -Steven.

I nodded kahit di ko kilala yun. Well, I know him by face pero by name hindi.

"KL, meet Gabriel Vincent Teppei"-Steven.

Ah. ayun pala name niya. Teppei. Japanese ba yun? Di naman siya ganun ka mukhang Japanese ee.

"Hi Gabriel! kailangan talaga full name?! Hahaha!" -KL
"Call me Gab. I don't want people to call me Gabriel."-sabe ni panget na ganster.

Baket si KL kinakausap niya >.< ako hindi. Anyway, I don't care.

"Okay Gab. Tara bili na tayo ng mga food naten."

Ah. So ayaw niya na tinatawag na Gabriel. Yun itatawag ko sakanya! Wahaha. Iinisin ko siya ng
bonggang bongga! :)))

Tumayo kame and bumili na ng food then kumaen. Tahimik lang ako the whole time. Nakakailang ee.
Di ko pa kasi sila close.

Napansin ko lang, si Gab tahimik din. Tapos yung 3 nagdadaldalan na. Kala mo ang tagal na nila
magkakakilala.

Natapos na din yung lunch and yung last class namen. Uwian na, makikita ko na si Zeke ko.
Yehey!

"Jin, uwi na ko ah. Sabay nako kina Spencer. Hatid daw nila ako ee."- KL
"Sure. Ingat ka uh. Babye!"

While I was walking palabas ng building ng school, nakasalubong ko yung teacher namin kaninang
umaga. Wrong timing naman oh, papagalitan pa ko. Dinelay pa yung pagkikita namin ni Zeke.

"Ms. Tan, where is Mr. Teppei? I need to talk to the both of you." - Si Mrs. Cruz.
"I don't know ma'am. Can I leave now? I really need to go."
"Mr. Teppei, come here"

Sumunod naman siya. Buti na lang nakita siya. Ayoko naman na ako lang magisa papagalitan nu.

"The two of you will stay in the detention room for 2 hours. Siguro naman, magtitino na kayo."

Whaaaaat?! Detention? Pano na kame magkikita ni Zeke. Anu ba naman to >.< Nakakainis. First day
na first day ee.

CHAPTER 5: Detention
Naglakad na kame papuntang detention. This is your entire fault Gabriel Vincent Teppei. First
time ko ma-detention :(((( WAAAH! kasi naman ee. Simula ng dumating yang Gab na yan minalas na
ako. Malas talaga siya kahit kelan!

*Babe calling..*

"Babe. Di ako makakasabay sayo pauwi. Sorry."
"Okay"

He hung up.

Aish. Ganun na lang yun? Okay?! What's wrong with Zeke? Ang cold niya. Nakakainis! Badtrip na
nga ako ee. Ni di man lang niya tinanong kung bakit di ako makakasabay sa kanya. May iba na ba
siyang gusto? No. Imposible yun. Mahal ako nun ee. Baka wala lang siya sa mood. Iintindihin ko
na lang siya.

Asa detention room na kami. Yung nagbabantay samin na teacher yung masungit pa. Ang tahimik
dito grabe >.< Nakakabinging katahimikan to.

"Gab" bulong ko
"Why?" ui. di ata to nagsungit.
"Di ka nabobored?"
"No. Don't talk to me. I'm gonna sleep."

Badtrip naman oh. Tutulugan pa ako. Waaaaaah! Mamamatay ako dito. Di ko kaya yung katahimikan.
Ang daldal ko pa naman >.<

Bawal din magcellphone. Ano ba naman yan! Matutulog na nga lang din ako.

I tried to sleep but I can't. Di kasi ako inaantok.

Ah! Alam ko na. Magbabasa na lang ako ng book.


***


"Hey, wake up."

I opened my eyes and click!

"WAAAAH! delete mo yan! Ui panget! Delete mo yan"
"NO!" then he laughed. First time to tumawa.

Hinabol ko si Gab. Pinicturan niya ako ee. Nakakainis naman yun! Di ko namalayan na nakatulog
pala ako. Wala na din tao dito. Kaming dalawa na lang. Napagod na ako kakahabol sa kanya so
umupo muna ko.

"Gab. Delete that!"
"No. Ayaw."
"Para kang bata!
"I don't care. Tara uwi na tayo. Tayo na lang tao dito. Tagal mo kasi magising ee."
"Ee di mo kasi ako agad ginising."
"Sarap ng tulog mo ee. Tumutulo laway! Hahaha"
"Di naman ee!" Tss. Di naman tumutulo laway ko pag natutulog ee >.<
"Let's go."
"Ayaw. Delete mo muna yan!"
"A-YO-KO. bahala ka. Alis nako. Bye!"

Biglang dumilim. Natatakot ako.

"Ui Gab! Antayin mo ko."

hinabol ko siya and kumapit sa braso niya. Natatakot kasi talaga ako lalo na sa dilim. Baka may
mumu! >.< scary. O.o

"Akala ko ba ayaw mo?" then he laughed.
"Ayoko nga. Natatakot lang talaga ko kasi pinatay na yung ilaw"
"Hala! Nakita mo yun sa dulo? May dumaan na nakaputi!" serious siya.
"Wala naman ee!"
"May mumu! Ramdam ko" badtrip naman to, nanakot pa. Tas biglang humangin.
"Eh! Gab naman. Wag naman ganyan oh. Please. Natatakot na talaga ako"

Naiiyak na ko. Takutin na ko sa lahat wag lang sa multo >.< tumatawa lang siya. Aba! Pagtawanan
ba naman ako. Di kaya nakakatuwa.

Tuloy tuloy lang kame sa paglalakad hanggang sa nakarating na din kame sa labas ng school.
Bumitaw na din ako ng kapit sa kanya.

"Sige, uwi na ako. Babye!"
"Gab. Favor naman oh." kumapit ulit ako sa braso niya.
"What is it?"
"Hatid mo ako sa bahay. Madilim kasi dun sa dadaanan ko ee. Nakakatakot. Sige naman na oh."
"Hm. Ayoko."
"Please!" tas nagpapa-awa face na ako.
"Di bagay sayo. Ang panget mo!" then he laughed
"Oo na. Panget na, basta hatid mo ako. Please!"
"Sige na nga. Kawawa ka naman ee."

Naglakad na kame pauwi.

Mabait naman pala si Gab kahit papano ee. May pagka makulit din pala siya kaso siguro di lang
siya ganun ka showy or dahil siguro sa kakakilala pa lang namin. May pagka masungit lang siguro
siya. Mukha namang nature niya na yung pagsusungit ee.

Ang awkward ngayon. Walang nagsasalita kahit isa samin. I need to break the silence.

"Gab? Gangster ka ba?" ano ba naman. Mali Jin! Ang panget ng tanong mo.
"No."
"Ah."

Awkward silence ulit >.<

"Sige Gab, dito nalang ako. Thank you. ^_^"

Andito na din kami sa tapat ng bahay namin at last. Malapit lang naman to sa school ee. Mga
10-15 minutes walk lang.

"Okay. Bye."
"Ingat ka ah. Thank you ulet."

Then he left. Ang tahimik niya na nung pauwi kame. Ano kaya iniisip nun. Baka nahihiya? Di
naman siguro. Kanina naman ang kulit niya ee.

Pumasok na ako sa bahay.

"Hi kuya!"
"How's your day princess? Late ka ata nakauwi ngayon?" -kuya
"Kasi kuya..."
"Why? Is there a problem? Inaway ka ba ni Zeke?!"
"No kuya. I'll tell you but please satin lang to."
"BUNTIS KAAA?!" anu ba naman to si kuya. OA na masyado.
"Hindi kuya ah! Kasi... kasi nadetention ako. Please dont tell mom and dad about this. Lagot
ako sa kanila neto ee >.< "
"Akala ko naman kung ano na. Okay princess. Papalagpasin ko to ngayon but I dont want na maulit
eto okay? I won't ask na din kung baket because I know you're tired. Just eat dinner and rest
okay?"
"Thank you kuya." then I hugged him.

Kumain na ako ng dinner and naligo then nagpahinga pagtapos.
*******************************************
[6] Gab's POV
*******************************************
Si Gabriel Vincent Teppei yung nasa picture sa side :)
Gab's POV
I'm Gabriel Vincent Teppei. 17. Incoming 4th year highschool student. Masungit ako pagdating sa
mga babae. Ayoko sa kanila, masyadong silang nakakainis. Basta! -_____- Masaya din ako kasama
pero pag kasama lang sina Steven and Spencer. Bestfriends ko yung mga yun. Sa kanila ko lang
napapakita kung sino talaga ako.

Andito ako ngayon sa Glorietta. Sinamahan ko si Mafelle kasi susundan niya daw yung crush niya
na si Zeke. Para kasing detective -______- Alam lahat ng ginagawa nung crush niya.

Pucha! Ang dameng tao. May show kasi. Di ako sanay sa mga ganitong lugar. Di ako mahilig
pumunta sa mga mall. Pangatlong beses ko pa lang ata pumunta dito. Mas gugustuhin ko pa sa
bahay kesa ditto.

Pansin ko lang din na kanina pa may sumusunod sakin. Nakita ko yung babaeng stalker ko tapos
nung tumingin ako sa kanya, kinindatan pa ko. Shit! Badtrip talaga yung babaeng yun. Kahit san
ako pumunta sumusunod. Kailangan ko na talaga lumipat ng school para lang malayo dun.

Hinila ko si Mafelle para matakasan na yung stalker ko. I know na sinasamahan ko si Mafelle na
istalk yung lalakeng gusto niya pero pag ako na yung iniistalk, ayoko na. Kahit kasi anong
pilit ko sa babaeng to, di naman pwede. Papatayin ako ng tatay neto.

Tumatakbo lang ako. Takbo hanggang sa pinakamabilis na kaya ko.

"Zeke!"

Grabe naman tong babaeng to. Ganun ba talaga siya ka obsessed dun sa lalaking yun?! Di ko lang
siya pinansin. Tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating kame sa may parking lot.
Hiningal ako dun ah.

"Hay salamat. Naka layo din. Mafelle. Okay ka lang?"

Di kasi siya nagsasalita ee. Pagharap ko di ko kilala yung kasama ko amp.

"SINO KA?!" sabay pa kame nagsalita. Mali ako ng nahila putek -______-

"bigla mo kaya ako hinila!! Sino ka ba?! Kidnapper kano?! WAAAAAAH! KIDNAPPER!!!"

shit! nakakahiya! di ako kidnapper. Hinalikan ko nga para manahimik, ang ingay kasi.

"ano ka ba babe?! Nakakahiya sa kanila oh. Bigla ka na lang sumisigaw dyan. Pagpasensyahan niyo
na po itong girlfriend ko. Makulit talaga to ee."

Natahimik nga siya sa ginawa ko. Yan na lang ang nasabi ko kasi pinagtitinginan nila kami.

Iwan ko na nga to. Pagtingin ko sa kanya -- t-teka, naiiyak siya. Iwan ko na to, magkagulo pa
ulit mamaya total di naman na nakatingin mga tao samin.

Tumakbo na lang ako pabalik dun sa pinagiwan ko kay Mafelle.

Paguwi ko ng bahay, pumasok ako agad ng room ko and nahiga. Di ko makalimutan yung nangyari
kanina. Siya yung unang babaeng hinalikan ko. Napilitan lang ako gawin yun dahil nakakahiya.
Ayoko naman na isipin nilang kidnapper ako. Bahala na. Di naman na kame magkikita nun kaya
kakalimutan ko na.

*First day of school:

Transferee ako sa school na to. Ang reason kung bakit ako lumipat? Yung stalker ko. Ayoko kasi
ng may sunod ng sunod sakin. Nakakairita!

Malaki din yung school. Parang yung school ko lang dati. Okay na to. Kasama ko naman yung
dalawa kong bestfriend. Si Spencer at si Steven.

Naglalakad lang kame papunta sa room namin. Pinagtitinginan kame ng mga babae. Nakakainis. Alam
ko naman na gwapo kame pero di na nila kailangan pa na ipamukha yun samen. Umaandar na naman
tuloy kayabangan ko. Eto namang si Spencer nagha-hi pa dun sa mga babae. Si Steven naman
kinikindatan kaya naman pala.

Pagdating namin sa room, tinuro nung teacher kung saan kame uupo. Tumungo nalang ako pag-upo
ko. Inaantok pa ko. Di ko din naman katabi sina Spencer and Steven. Ang daya putek. Ako pa yung
nahiwalay -_______-

Nakakairita ang ingay nung babae sa tabi ko. Ang daldal. Di tuloy ako makatulog. Ang sarap niya
sigawan.

Umayos nako ng upo nung nagsasalita na teacher namen. Pansin ko lang kanina pa nakatingin sakin
tong katabi ko. Tsk. Subukan nya lang din na istalk ako. Lagot to sakin. Pagtingin ko sa katabi
ko. Nagulat ako.

"IKAW?!" Sabay pa kame nagsalita.

Nakakainis. Sa lahat ng taong pwede kong makatabi, siya pa. Yung babaeng hinalikan ko nun -
______- akala ko pa naman di na kami magkikita neto.

Tinanong kame nung teacher kung may problema daw ba. Sinabe ko na lang na wala. Kasi ayoko ng
gulo. Bago lang ako dito e. Baka mamaya magkaroon ako agad ng madaming kaaway.

''you are so dead''

Ano bang problema netong babaeng to?! Ang papansin ah! Baliw ata to e. Di ko na nga lang siya
papansinin.

"Shit! KABAYO KA BA?!"

nakakabanas putek! Bigla ba naman akong sipain. Sakit nun ah. Kala mo kabayo kung sumipa.
Nakulangan ata talaga to sa pansin o baka baliw talaga siya.

Pinalabas kame ng teacher dahil sa kanya. Malas! First day pa naman.

Naglakad lang ako at naisip ko na pumunta na lang dun sa likod ng school. Sunod lang siya ng
sunod. Nagsasalita din siya pero ayoko pansinin. Naiinis ako sa kanya.

Naghanap ako ng place na pwede ko matulugan. Nakakita ako ng puno at medyo malilim dun kaya dun
na lang ako pumunta. Sinusundan niya pa din ako. Salita siya ng salita. Ang ingay. Nahiga ako
dun sa may lilim at sinubukan kong matulog. Kinakausap nya ko pero di ko siya papansinin. Di
ako makakatulog sa ingay netong babaeng to.

Tumahimik na din siya pero di naman din ako makatulog. Nawala na antok ko.


Tinitingnan ko siya habang nakapikit para di nya halata. Nakatingin din siya sakin. Maganda
siya. Mukha siyang inosente pero may pagkamaarte. Mahaba din yung buhok nya.

Maya maya may kausap na siya sa phone. Parang may balak na siya bumalik sa room. Mga 30 minutes
na din ata kame nandito.

Kunwari nagising nalang ako. Niyaya niya ako na bumalik na kame sa room kaya ayun, sumunod na
lang ako.

Nandito na ako sa room ngayon. Ang bagal ng oras. Nakakaboring naman mga teacher dito.
Nagkekwento pa ng tungkol sa buhay nila. Pakialam ko ba dun? Pumasok ako para magaral hindi
para making sa kwento ng buhay nila -_______-

Pansin ko lang, tahimik lang siya. Parang ang ingay neto kanina ah? Tahimik lang din naman ako.
Wala ako makausap at isa pa di din naman ako madaldal.

Nung lunch, niyaya ako nina Steven na sabay daw kame maglunch. Sumama lang ako sa kanila.
Pagdating namin sa canteen, dun kame papunta sa table kung san nakaupo si ewan. Di ko alam
pangalan nung babaeng yun. Di ko naman alam na kasabay namen yung kabayo na yun. Kung alam ko
lang, di ako sumama sa kanila. Kaso nandito na kaya wala na kong magawa.

Nung uwian naman, nabadtrip pa ako. Nakita pa ako nung teacher na nagalit samen. Pinadetention
pa kame. Uwing uwi na ako e. Nakakainis. Kasalanan to lahat nung kabayong yun.

Natulog lang ako sa detention room. Sakto naman na pag gising ko, pwede na kame umuwi. Aalis na
ako nun pero napansin ko na yung kabayo tulog pa din. Sarap siguro pagtripan neto. Pinabayaan
ko lang siya matulog pero nung magsasara na yung school, ginising ko na din sya.

*click*

Pinicturan ko nga. Nakakatawa itsura niya pag bagong gising. Mukhang bata na ewan.

Hinabol niya lang ako at nung napagod siya, umupo na lang siya. Kawawa naman to. Mabagal kasi
tumakbo.

Pinapadelete niya sakin yung picture. E kung ayaw ko, bakit ba?! Ipakalat ko kaya to sa buong
school? Gawin kong pangblackmail sa kanya. Oo, alam ko na ang sama ng ugali ko. Ang sarap niya
kasi asarin kasi pikon siya.

Iwan ko na nga to. Nagugutom na ko, gusto ko na kumaen.

Paglabas ko ng room. Biglang dumilim. Nagulat naman ako dun. Pinatayan na siguro kami ng ilaw.

"Ui Gab! Antayin mo ko." sabe niya sabay kapit sa braso ko.

Tinakot ko lang siya. Nakakatawa naman to. Takot pala sa multo. Tapos natakot ata siya ng sobra
kasi biglang humangin kaya napahigpit ng kapit sakin. Kala mo linta. Grr. Nananantsing lang ata
to ee. Pagbigyan ko na lang, kawawa naman, mukhang iiyak na.

Naglakad lang kame hanggang sa makalabas kame ng school. Paglabas namen ng school, nagpaawa
effect yung kabayo. Gusto magpahatid pauwi. Ayoko nga siya samahan. Nagugutom na ko e. Naawa na
din ako kaya pinagbigyan ko na pero di ko siya papansinin. Syempre, babae pa din yun baka may
mangyari dito ako pa masisi.

Habang naglalakad, tinanong niya ko kung gangster ba ko. Nakakagulat naman tanong ng babaeng
to. Bigla magsasalita tas yun pa itatanong. Anak ng kwek kwek naman. Di naman ako gangster ee.
Ayaw na ayaw ko na sinasabihan na gangster. Porket ba may piercing sa tenga, gangster na?!
Sinagot ko naman yung tanong niya at sinabe na hindi.

Di ko lang masabi sa kanya na 'I'm sorry' kasi di ko alam. Di ako sanay ng nagsosorry at isa
pa, quits na kame. Ihahatid ko naman siya e, diba?

"Sige Gab dito na lang ako. Thank you."

Nginitian niya naman ako. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Maganda siya kapag nakangiti.
Tss. Bakit ba ako nagagandahan sa kanya?! Wala lang yun!

Umalis na din ako kaagad. Ni hindi man lang nagalok ng pagkain. Tsk -___- Pagtapos ko siya
ihatid. Oo nga pala, di pa din ako nagsosorry sa kanya. Di ko alam kung pano. Hayaan ko na nga
yun.
*******************************************
[7] CHAPTER 6: First time
*******************************************
CHAPTER 6: First Time


Jin's POV

It's been a week since nagstart yung classes. Di pa din kame nagkikita ng babe ko. Busy daw
kasi siya. I miss him so much and even though I wanted to see him, I can't. Hahayaan ko na lang
muna siya. Ayoko kasi na masakal siya sakin. Ayoko din naman na mag-away kami. Ang layo na ng
narating namin kaya di kame pwede mag-away and magbreak ng dahil lang dito.

Nandito na ako sa classroom namin ngayon. Wala daw kaming teacher sa next subject kaya ang
gugulo ng classmates ko. Bored na ko =_= Si KL kasi di ako yung kausap. Busy masyado dun kay
Spencer niya. Haha :)))) Sabagay, crush niya kasi. Di ko lang alam kung alam na ni Spencer yun.
Eto namang katabi kong panget, natutulog na naman. Kala mo laging puyat ee. Ano ba ginagawa
neto pag gabi? Tsk. Hilig matulog. Wala tuloy makausap. Okay naman na kasi kami neto ee. Nag-
uusap na kami ng maayos kahit papano.

Grabe. Kung nakakamatay lang ang pagkaboring, I'd be dead right now. Text ko nga babe ko. Hihi.
Tingnan ko lang kung magrereply yun.

To: Babe
I miss you Mr. Lopez. I love you :*

* 1 new message *

From: Babe
Same here. Wait. I'll call you.

Bilis magreply uh? Wala sigurong teacher to. Tatawag pa siya. Antayin ko nga.

* Babe calling... *

"Hi Zeke!"
[ Cut tayo ng class ]
"Ano naman pumasok sa isip mo and you want to cut class? Namiss mo ko ano? Haha!"
[ Yea. I know that you also miss me. So, let's go? ]
"Yea. Sobrang namiss kita! Kaso Zeke, I can't"
[ Why? Don't you want to be with me? ]
"Zeke, it's not like that okay? I really want to but I need to attend class."
[ Kung ayaw may dahilan, kung gusto, may paraan ]
"Zeke naman, please don't be like this."
[ Do you want to be with me or not? ]
"I want to kaso--"
[ Then let's go. Antayin kita sa gate ng school. Now. ]

Then he hung up. Waaaah! Panu to? >.< Na-iipit ako between studies and lovelife. Alam ko na,
aask ko na lang si KL for advice.

"Kylieee!"
"What?"
"Zeke wants me to cut class and be with him. Ottoke?" (ottoke- what will I do)
"It's your choice Jin. It's either you'll attend class or go with him. Think of the possible
consequences of the actions na gagawin mo okay? Ikaw ba? Ano ba gusto mo?"
"I want to attend class but magagalit yun pag di ko siya sinipot"
"Nasaan ba siya?"
"Sabe niya aantayin niya ako sa gate. As in now na >.<"
"What?! Ikaw? What do you want? Eto lang masasabi ko. Nagiging B.I. na boyfriend mo Jin. He's
not like that naman dati ee."
"Namiss niya lang daw ako. Di na kasi kami nakakapag kita ee."
"But Jin, di naman valid reason yun para magcut kayong dalawa ng class. If he really wants to
be with you, gagawa siya ng way. Hindi yung ganyan."
"Bahala na. Basta alam ko, kailangan ko siya puntahan. Pag hinanap ako ng teacher, sabihin mo
na lang na may LBM ako ah. Haha! Gotta go. Bye!"

Napilitan lang ako kaya sasama ako kay Zeke. Gusto ko din naman siya kasama ee.

Kinakabahan ako ngayon >.< First time ko tong gagawin sa buong buhay ko. I'm doing this for him
kasi I love him and I know that my family will kill me pag nalaman nila to pero bahala na nga.

Pumunta na lang ako dun sa gate. I saw him there. Smoking. First time ko siya nakitang
magsmoke. Ano bang nangyayari sa kanya bakit ganun siya? He seems different. But still, I know
na siya pa din yung Zeke na mahal ko. Yung Zeke na mahal ako. Aish. Basta baka pagod lang siya
or what.

Kinuha ko yung cigarette and inapakan.

"What the hell is wrong with you?!" galit siya. Dapat ako nagagalit e!
"Since when ka pa nagsosmoke? Di mo naman yan ginagawa dati ah!"
"None of your business. Di kita asawa"

'none of your business. Di kita asawa' those words. Awch. Saket nun men! Oo nga naman, tama
siya. Di niya nga ako asawa pero dapat di niya ako ginaganito. Bigla siyang nagbago. What's
with you Zeke Fraser Lopez? Asan na yung Zeke na sweet and di bad-tempered? And daming gumugulo
sa isip ko. Iintindihin ko na nga lang siya hanggang kaya ko. Ayoko mawala siya sakin.

"Tama ka. Hindi mo nga ako asawa. Pero Zeke, girlfriend mo ako!! I care for you. Ano ba?!"
"I know. Let's go. Walang mangyayari kung mag-aaway lang tayo."
"San tayo pupunta?"
"At my house. Tara."

Inakbayan niya ako and naglakad papunta dun sa sakayan ng trike. Malapit lang naman bahay nila
ee. Tamad lang siguro to maglakad

Pagdating sa bahay nila, dumeretso na kami sa room niya.

"Pili ka na lang ng movies na gusto mo panuorin. Movie marathon tayo. I'll order pizza na lang.
Is that okay with you?"
"Sure."

Pumili na ako ng movies. Ang dame nyang dvd's dito. Final destination 1-3 yung kinuha ko.
Dumating na yung pizza and nagstart na kami manuod. Ang saya. Nakakamiss yung ganito. Nakahug
lang siya sakin habang nanunuod. Everything feels so right.

"Zeke?"
"Hm?"
"Ang bilis ng panahon no? 9 days na lang anniversary na natin"
"Yea. And I'll make that day special for you"

KYAAAAH! Kinikilig ako. Ano kaya binabalak niya? First boyfriend ko siya kaya ang saya saya ko
talaga. Siyempre, tumagal kame ng ganito.

Nanuod lang kami hanggang sa matapos. Sa kanila na din ako naglunch. Mga 2 na din natapos lahat
ng yun.

Hinatid niya ako pauwi sa bahay nung mga 3 o'clock na para di halatang nagcut ako ng class.
Hanggang 3 kasi pasok namin. Wag lang talaga sila magsusumbong kay kuya kung hindi, I am so
dead. Haha! May pagkastrict pa naman si kuya Hiroshi.

Andito na kami sa tapat ng house namin. Grabe, ang saya ng day na to. Naging worth it naman
yung pagcut ng class.

"I need to go. I love you babe. By the way, I'm gonna be busy these coming days kaya di muna
tayo makakalabas ulit." then he kissed me sa forehead.
"I love you too. Okay lang, I understand. Ingat ka sa paguwi. Bye!"

Paguwi ko ng bahay. Naligo ako and ayun, wala na akong magawa. Bored na ako ulit. Alam ko na,
tatawagan ko na lang si KL. Kailangan ko din pala magcopy ng notes sa kanya.

[ Hello Jin ]
" Hello! where are you? Bakit parang ang ingay? "
[ Dito sa bahay namin. Andito sina Spencer. Punta ka din. Ang saya dito ]
" Feeling ko nga. Sige sige. I'll be there. Pacopy din pala ako ng notes ah"
[ Sure. Antayin ka namin dito ]

I went to to Kuya Hiroshi's room to ask permission. Di kasi ako pwede umalis ng bahay without
his permission ee. Mabaet naman si Kuya kaya alam kong papayagan ako nito.

* knock knock *

"Pasok."
"Hi kuya."
"Hi princess. Is there anything wrong?"
"Nothing kuya. Pwede po ba ako pumunta kina KL ngayon?"
"Sure. Be back by dinner, okay?"
"Yes kuya. Zai jian!" (zai jian - bye)

Diba? Baet ng kuya ko. Ni hindi na nga tinanong yung reason ee. Sabagay, kina KL lang naman
kasi punta ko. Ee parang kapatid na namin yun ee. Kaya lagi ako pinapayagan kapag siya yung
kasama ko.

Pumunta na ako sa bahay nina KL. 3 houses away lang yung bahay nila sa bahay namin. Ang lapit
diba? Haha!

* ding dong *

Si KL yung nag-open ng gate. Ang ingay nga nila ee. Rinig dito sa labas. Sabagay, pwede naman
sila magingay kasi si KL and yung katulong lang nila yung nandito. Yung parents kasi niya sa
Korea nagi-stay.

"Jin, tara pasok ka! Tagal mo dumating"
"Thanks. Bilis kaya. Wala pang 10 minutes oh."
"Oo na. Haha!"

Pagpasok namin, I saw them playing playstation. Tekken pa nga yung game ee. Nakakatuwa lang
sila panuorin. Para silang mga bata. Si Steven and si Spencer yung naglalaro. Si Gab naman,
tahimik lang.

" KL, pahiram muna ko ng notebook mo. Pakopya."
" Sure. Bilisan mo para makapaglaro na tayo agad"

Konti lang din pala yung nalesson ee. Kala ko naman madami. At dahil don, mabilis ako natapos
sa ginagawa ko.

"Game! Sali ako! Gusto ko din maglaro ee" -ako
"Truth or dare tayo. Ui guys, agree kayo?" -KL
"Sure." -Steven
"Sige, game ako dyan!" - Spencer
"Ayaw ko. Kayo na lang." - Gab
"Ang KJ mo Gab! Walang KJ. Minsan lang to ee. Dumating lang dito si Jin nahiya ka na! Hahaha!
May gusto ka ata sa kanya ee." - KL.

Nagtawanan sila. Ee. Ano problema ng mga to? Pinagtitripan kame >.< the hell! Kay Zeke lang
ako. Hahaha! Sorry siya!

"Para patunayan sa inyo na wala akong gusto sa kabayong yan, osige laro tayo"
"KABAYO?! ako? Mukhang kabayo?! Baka ikaw yun! Gusto mo ba mamatay ng maaga?! Ha?!"
"Hey Jin, chill. Masyado kang hot ee." - Spencer
"I know. Haha! laro na nga lang tayo"

We all laugh except dun sa panget na yun. Lakas ng loob kong sabihin na hot ako. Sabagay, Hot
naman ako ee. Sexy pa. haha! Joke lang. Ang feeler ko na. Pero masasabi ko lang, mas hot pa din
si Zeke ko.
*******************************************
[8] CHAPTER 7: Truth or Dare?
*******************************************
Si Steven Santos yung nasa picture sa side :)

CHAPTER 7: Truth or Dare?


Steven's POV

Andito kaming lima sa bahay ni KL ngayon. Malaki din yung bahay nila. Kaso siya lang at yung
katulong nila yung nandito kaya ang tahimik. Sa bahay kasi namin maingay. Kasi yung kapatid ko
maingay.

Naglaro lang kame kanina ni Spencer ng tekken. Si KL and Gab naman nanunuod lang samen and
magkausap din sila. Infairness nakikipagusap na din sa mga babae tong si Gab. Ang bitter kasi
niyan. Galit sa lahat ng babae.

Napansin ko lang na si KL may kausap na sa phone. Tingin ko si Jin yung kausap niya.

Ilang minute lang nakakalipas, dumating si Jin dito. Naka shorts at tshirt lang siya. Ang sexy
din pala neto kaso medyo flat. Haha. Kung wala lang tong boyfriend, niligawan ko na to. Pero
wag na lang. Mas gusto ko yung mga hot na babae. Mukha kasing inosente to.

Nagyaya si KL na mag truth or dare. Pumayag ako kasi gusto ko sila mapagtripan. Lalo na tong si
Spencer. May gusto daw kasi siya kay KL. Kaso mukhang wala namang gusto si KL sa kanya. Ang
boyish ng babaeng yun. One of the boys kaya sarap pakisamahan. Tomboy nga ata to. Di ko malaman
kung bakit nagustuhan ni Spencer to e madame namang mga sexy na babae sa paligid.

"Sige guys, kuha muna ako ng bote and kuha na din ako ng snacks." -KL

Pumunta na siya sa kitchen nila. Nakakainis tong si Gab. Nanahimik na simula nung dumating tong
si Jin. May gusto ba siya sa babaeng yun?! Di naman kasi siya nagkekwento. Kaso imposible din
yun. Kung may gusto siya sa babaeng yun, di niya yun susungitan.

"Oi Gab! Okay ka lang?"
"Yea."

Bumalik na si KL na may dalang bote pati junkfoods at naka can na drinks. Siguro madame silang
stock na ganun dito. Ayos to ah? Saya tumambay dito men.

"Oh game. Ganito. Kung kanino tumapat yung takip ng bote, siya yung tatanungin and magspispin
ulit para malaman kung sino yung magtatanong. Basta walang mga follow up na tanong and gagawin.
Okay? And one more thing, lahat ng mangyayari and sasabihin natin hanggang dito lang.
Understand?" - KL
"Game na. Dame mo pang sinasabi e!" -Spencer
"Oi Spencer, tigilan mo ko ah. Batukan kaya kita?!" -KL
"Tama na nga yan KL and Spencer. Start na tayo." -Jin

Nagspin na yung bottle. Unang tumapat kay Jin.

"First blood! Haha. Spin mo na ulit." sabe ko.

Tumapat kay KL yung bote.

"Okay. Um, truth or dare?" -KL
"Truth."
"Tutal di ko pa natatanong to sayo. Sino first kiss mo?" -KL

Parang nahihirapan si Jin sagutin yung tanong. Bakit kaya? Ang simple lang kaya ng tanong na
yun. Sabagay, ako nga di ko alam sino first kiss ko ee. Haha! Ang dame kasi nila na nahalikan
ko na, di ko talaga matandaan kung sino.

"Um. Kasi.. Si ano.. Ee! Dare na nga lang!"
"Ang daya naman! Wala! Bawal magpalit." - Spencer
"Oo nga. Bawal." -ako
"Anu ba yan! Si ano. Ee. Ayoko sabihin." -Jin
"Ang dame mo namang arte. Ang tagal. Ang simple lang ng tanong di mo pa masagot." -Gab

Isipin mo yun. Nagsalita na din si Gab.

"Sige na nga. Si ano. Kase naman e! Si Gab" tas sumimangot siya

Shit! Si Gab?! Pano naging siya? Kaya siguro naiilang si Gab sa kanya and galit si Jin sa
kanya. Pero pano? Matagal na ba sila magkakilala? Ang gulo nila.

O_O - mukha naming lahat
>.< - mukha ni Jin

Tiningnan ko si Gab. Mukhang gulat din siya. Sa totoo nyan, lahat kami nagulat.

"Jin, seryoso ka?! Bat di ko alam to?" -KL
"Ee kasi. Wala! Basta! Spin the bottle na nga ulit." -Jin

Halata namang ayaw magkwento nitong si Jin. Ano kaya meron sa dalawang to?

Nagspin na ulit yung bottle. Sakin tumapat and si KL yung magtatanong.

"Dare. syempre para may thrill diba?" -ako
"Whatever. Hm, kain ka ng 3 sili. Wait, kuha lang ako." -KL

Shit men! Hirap ng pinapagawa niya. Imba men! Di ko ata kaya. Di naman ako mahilig sa
maanghang. Gagantihan ko talaga tong babaeng to pag natapat na siya yung magdedare.

"Eto na. Eat it. Eto din pala water oh." Sabe ni KL tapos inabutan niya ako ng baso.
"Sh*t!!! T*ng*na! Ang anghang!"

Shit! Bwiset! Bitin pa yung tubig kaya dumeretso agad ako sa kusina para uminom pa ng maraming
tubig.

Nagspin na ako nung bottle and kay KL na nga tumapat. Wahaha! Lagot talaga sakin to. Tapos ako
yung magtatanong.

"Okay. Dare." -KL
"Kain ka din ng 3 sili! Hahahaha!" -ako
"Okay. Ayun lang ba? Wait kuha lang ako." -KL

Pagbalik niya may dala na siyang 3 sili and isang basong tubig. Then kinain niya yung sili and
nginuya. Then uminom siya ng tubig. Grabe tong babaeng to! Kakaiba! Tao ba yan?!

"Done." -KL
"Grabe ka naman! Di ka man lang na anghangan?!" -ako
"Na anghangan. Sanay naman ako sa spicy foods ee." -KL

Oo nga pala. Korean to. Sanay sa maanghang. Kaya ang lakas ng loob e. Tsk.

Nagspin na ulit ng bottle. Tumapat kay Gab at ako naman magtatanong. Haha. Gusto nila pahirapan
ah? Ako pa. Game na game ako dyan, papahirapan ko sila.

"Truth ako" -Gab

Takte! Dapat nagdare na lang to e. Dapat magisip ako ng mahirap na tanong.

"Gab, ikwento mo samin kung bakit ayaw mo sa mga babae."
"Really? You hate girls?! Bakit di ko ramdam? Haha" -KL
"Ako, ramdam na ramdam ko. >.< " -Jin
"Pwede bang magdare na lang?" -Gab
"Osige ba." -ako

Chance ko na to. Wahaha! *grin* May masama akong binabalak.

"Madaya! Dapat bawal magpalit! Unfair sakin!" -Jin
"Ee kasi yung magtatanong sayo, di pumayag kaya ganun. Haha" -ako
"Ang daya niyo Steven!" -Jin
"Sorry ka babes. Haha" -ako

Hm, osige na. Eto na. sasabihin ko na.

"Wala ng bawian to Gab ah" -ako
"Yea. Sure" -Gab
"Ligawan mo yung girl na gusto mo and dapat maging girlfriend mo siya" -ako
"Ayos yun pre!" -Spencer
"Sh*t pre! Ang hirap naman niyan!" -Gab
"Sabe mo walang bawian diba? Edi ayan na. Walang basagan ng trip dude. Haha!" -ako
"Tss. Oo na. Bigyan nyo lang ako ng oras." -Gab
"Good. Okay spin the bottle na ulit." -KL

Tumapat naman kay KL yung bote and si Spencer magtatanong.

"Dare! para may thrill. Yung mahirap ah! Ang dali ng pinagawa niyo kanina" -KL

Kakaiba talaga tong babaeng to. Bilib ako sa kanya.

"Ano ba pwede? kiss mo sa cheeks yung lalaki dito satin na crush mo." -ako
"Ang daya naman! Para na akong nagtruth and nagdare niyan ee!" -KL
"Okay lang yan KL. Kaya mo yan." -Jin
"Madali na nga yan ee." -Spencer
"Osige na nga. Gagawin ko na" -KL

Tumayo at umikot ikot muna si KL saming lahat and kiniss niya ako. Shit men! Pano na tong si
Spencer?! Baka magalit sakin to. Sabagay, di ko naman pinagiinteresan tong tomboy na to e.

"Yuck! Kadiri! Haha!" -KL
"Yuck ka dyan. Mas yuck ka! Akala ko tomboy ka?! Tas ikikiss mo ko?! Kadiri ka! Putek!" -ako
"Not my problem. Haha" -KL

If I know, nadown tong si Spencer. Tsk. Di ko naman kasalanan na ganun ako kagwapo e. Haha!
Pero bat ako? Tae! Dapat si Spencer na lang. Feeling ko kaya ayun dare ni Spencer is para
malaman niya yung crush ni KL dito.

"Tss. Nakakatawa kayo! Hahaha! Spin na ulit." -Spencer

Naman kasi tong babaeng to ee. Bahala na nga.

Nagspin na yung bottle and natapat kay Spencer and si Gab magtatanong.

"Dare ako pre" -Spencer
"Same dare na pinagawa mo kay KL" -Gab
"Anoooo?!" -Spencer
"Wag na maarte pre. Gawin mo na lang." -Gab
"Tsk. Okay" -Spencer

Tumayo na siya and lumapit kay KL tapos hinalikan siya sa pisngi. Mukhang gulat na gulat si KL.
Si Spencer naman walang reaction. Parang wala lang sa kanya. Ayaw lang magpahalata nito.

"Okay na. Spin na ulit." -ako
"WAAAAAAH! You like my bestfriend?! Kylieeee! May nagkagusto din sayo at last! Haha" -Jin

Wala pa bang nagkakagusto dito kay KL?! Grabe naman yun. Maganda naman siya kahit papano.

"Tss. Wala yun. Haha. Spin niyo na nga" -Spencer

Nagspin na yung bottle and kay Jin tumapat. Ako naman yung magtatanong.

"Truth" -Jin
"Grabe ka naman! Ayaw mag consequence? Truth lagi ee." -ako
"Eh ganun talaga. Ang hirap ng dare niyo e! Haha! Okay lang yan. Truth na lang." -Jin

Kailangan ko ng mahirap na tanong. Hm, ano kayang pwede? Ah, alam ko na.

"Kung bibigyan ka ng chance maging boyfriend si Gab, papayag ka ba?" tanong ko.
"Pre! Anong klaseng tanong ba yan?!" -Gab
"Ako?! With that panget na bastos na gangster?! Hell no! Ayoko nga" -Jin
"Asa ka namang type kita! Di nu! At ilang beses ko ba sasabihin na di ako gangster?! At isa pa,
mas panget ka no! Akala mo kung sino kang maganda at di ako bastos. Wag kang assuming dyan!" -
Gab.

Galit na si Gab. Ano ba namang tanong to? Mali ako ng tanong amp.

"Whatever." -Jin.
"Hey guys. Chill. Laro lang to. Ano ba?" -Spencer
"Tama na nga to. Uwi na lang tayo. Tara." -Gab
"Guys naman. Wag ganyan. Please lang oh. Nagpaprepare pa naman ako ng dinner para satin. Kaen
muna kayo." -KL
"Ako na lang yung aalis. Hinahanap na din ako ni kuya ee. Bye guys!" -Jin

Then tumakbo na siya palabas.

Kasalanan ko din kung bakit ganito. Tsk. Lalo ko pinag-away yung dalawa. Naguguilty tuloy ako.
Pero kahit na, di ko naman alam na ganun mangyayari e.

"Tara guys, kain na tayo para makauwi na din kayo." -KL

Kumain na din kame. Adobo yung ulam. Masarap naman. Madami ako makakain neto.

Ang tahimik lang. Lahat ata wala sa mood. Ang fail naman ng araw na to oh. Ang iinit ng ulo
nila. Shit! I need to break the silence.

"Masarap ba yung food?" -KL
"Onaman. Ayos pala to e. Pwede ba laging ganito? Dito kami senyo magstay and kakain? Haha!
Busog kame lagi neto" -ako
"Sure. Welcome kayo dito nu! Kayo pa." -KL

Tumingin yung 2 sakin ng masama. Ano na naman ginawa ko?! Pakshet naman oh!

"Oh?! Bakit?" tanong ko.

Umiwas lang din naman sila ng tingin.

"Anu meron? May problema ba?" -KL
"Wala" -Spencer

May topak na naman talaga tong dalawa kong bestfriend. Hay nako. Nagsusungit na naman.

Natapos din kame kumain. Feeling ko kailangan na namin agad umalis. E busog na busog ako.
Kailangan ko magpahinga muna.

"KL, thank you ah. Kailangan na namin umalis. Pasensya na sa kanina. -Gab
"Oo nga. Thank you ah." -Spencer
"Ui guys, dito muna tayo. Pahinga lang saglit." -ako.

Tiningnan naman nila ako ng masama

"Ay sige KL, next time na lang ulit. Babye!" -ako
"Sige sige. Babye. Ingat kayo ah." -KL
"Sige. Bye"

KL's POV

Then they left.

Badtrip silang lahat. At ayun yung dahilan kung bakit gusto na nila agad umuwi. At ako naman,
eto naguguluhan na.

Pumasok na ako ng room ko and nagpahinga. Ang dameng pumapasok sa isip ko.

Una, first kiss ni Jin si Gab?! How? Ee 1 week palang naman sila magkakilala.

Alam na kaya ni Zeke yun? Bakit hindi si Zeke first kiss niya? Kung di pa to alam ni Zeke, pano
na pag nalaman niya? Malaking gulo to.

May gusto na kaya si Gab kay Jin? Pano na yun? Love triangle na?

Ano ba yan, pati problema ng iba pinoproblema ko din >.<

Eto pa, Gusto ba talaga ako ni Spencer? Baka for fun lang? Baka para lang may ma-isagot siya.
Ang gulo >.< Basta di niya pwede malaman na may gusto ako sa kanya.

* lub dub. lub dub. lub dub *

Ang lakas ng tibok ng puso ko kanina lalo na ngayon.

Inlove na ba ako? No. Hindi pwede to. Crush lang yan.

Bakit nga ba si Steven yung sinabi ko na crush ko?

1 reason: Ayoko malaman ni Spencer na crush ko siya. Baka layuan niya ako. Kasi alam ko din na
di ako lalayuan ni Steven kahit crush ko pa siya dahil sanay naman yun na madami nagkakagusto
sa kanya e.

Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon >.< hay. It has been a long day. Kailangan ko na
magpahinga. Dadating din yung time na masasagot mga katanungan ko.
*******************************************
[9] CHAPTER 8: Whaaat?!
*******************************************
Si Jin Charel Tan yung nasa picture sa side :)

CHAPTER 8: Whaaat?!


Jin's POV

Andito na ako sa room ngayon. Last subject na to and uwian na. Ang tahimik lang ngayon.
Nakakabinging katahimikan. Ano ba meron sa mga tao ngayon? Actually di naman talaga tahimik ee.
Nakakapanibago lang kasi. Kaming lima na magkakasama kahapon halos di umiimik. Ee usually, kame
pa yung talagang ma-iingay ee. Di kame nagsabay sabay maglunch kanina. Badtrip sa isat isa ee.

Yung katabi ko naman, di man lang ako kinausap kahit 1 word lang. Ang boring tuloy.

Mapapanis na laway ko dito oh >.< Kase kase.. Kasalanan ko naman ee. Nagalit ako agad sa kanya.
Di ko naman kasi talaga siya iinsultuhin ee. Nabigla lang ako and napagtripan ko lang siya. Di
ko naman expected na wala sa mood yun. Kausapin ko na nga to.

"May sasabihin pala ako sayo."

Sabay kame nagsalita. Teka, parehas ba kami ng iniisip neto?

"Sige, you go first." -ako
"No. Ikaw na. Ladies first"
"Um, kasi. I want to say sorry. You know? About what happened yesterday. I didn't mean to say
that naman ee. Sorry talaga Gabriel"
"Nagsosorry ka ba or nang-iinis?!"
"Uh. Nagsosorry?"
"Edi wag mo kong tawagin na Gabriel, pwede? G-A-B. Gab. Gab hindi Gabriel."
"Okay. Ano pala yung sasabihin mo?"
"Wala yun. Don't mind that."
"Ang unfair mo. Tell me na kasi."
"Ang hirap kasi sabihin. Nakakahiya"
"Kaya mo yan"
"Kasi.."
"Ano?"
"Okay. Class dismissed" -teacher
"Sige, uwi na ako."

Hinawakan ko siya sa braso.

"Ang daya mo. Dali na. Sabihin mo na sakin. Di ako tatawa or what."
"Tsk. Sige na nga. Gusto ko magsorry. Ayun lang"
"Tss. Yun lang pala. Ganun ba talaga kahirap magsorry?"

Medyo napatawa ako. Kasi naman e! haha :))) Ganun ba talaga kahirap magsorry?

"Oo. Para sakin kasi hindi ako yung tipo ng tao na nagsosorry."
"Grabe ka naman. Tara uwi na nga tayo. Sabay na tayo palabas ng gate. Iniwan na tayo nina KL."

Naglakad na kami hanggang sa makalabas ng gate ng school.

"Sige Gab. Ba---"

Bigla niya akong hinila ang takbo lang siya ng takbo. Ano ba meron sa lalaking to?! Ang hilig
niya manghila and tumakbo ah?! Hinila niya lang ako and nagtago kami tapos tinakpan niya yung
bibig ko.

"Ssshhh. Wag ka gagawa ng kahit na anong ingay kahit ngayon lang." bulong niya.

Grabe naman! Bakit ang ingay ingay ko ba?! Di naman ah! >___<

After mga 5 minutes, tinanggal niya din yung kamay niya sa bibig ko.

"Hay salamat!" -Gab
"Ano bang meron? Bakit tayo biglang tumakbo?"
"Ah. Wala yun." then he smiled. "dahil sa nanahimik ka, ililibre kita. Ano bang gusto mo?"
"Cake! Haha! Tara na. Ililibre mo pa ako ee. Sakto gutom ako. Haha."
"Sige. Di ba magagalit boyfriend mo nito?"
"Hm. Di naman siguro. Sasabihin ko lang na classmate kita. Tara. Dun tayo sa cake store malapit
sa bahay namin."

Naglakad lang kami. Nandito na kame ulit sa tapat ng school. Biglang may kumapit sa braso ko
kaya napatingin ako kung sino.

"Zeke? Hi! Ikaw pala yan"
"Sino to?! Lumalandi ka na naman?!" -Zeke
"Pre, wag mo naman ganyanin yung babae." -Gab

*blag*

Sinuntok ni Zeke si Gab >.< ano ba naman to?! Panira ng araw.

"Ano ba Zeke?! Classmate ko lang siya! Tara na Gab"

Tinulungan ko makatayo si Gab. Hinila ko na siya and umalis na agad. Nakakabwisit naman kasi
tong si Zeke e. Ang sakit niya magsalita.

Naglakad lang kami hanggang sa makalayo na. Naiiyak na naman ako.

"Sorry Gab. Nadamay ka pa." nakatungo ako and nagpipigil ng iyak.
"Tara. Let's go somewhere else."

Hinila niya lang ako and sumakay kame ng trike.

Pagbaba namin ng trike, nasa tapat kame ng isang malaking bahay. Halos kasing laki lang din
siya ng bahay namin. Nagdoorbell siya and may lumabas na isang babae tapos binuksan yung gate.

"Good Afternoon sir Gab" sabe nung babae. Siguro bahay nila to.

Pumasok na kame and umupo lang kami sa sofa nila.

"Di kita pwede pauwiin na mukhang umiyak ka kaya dinala kita ditto. Baka mamaya ako pa masisi
kung bakit ganyan mukha mo." -Gab
"Gab. I'm sorry. I'm really sorry."

Hinawakan ko yung cut dun banda sa labi niya.

"Aray! Putek! Okay lang ako. Ano ba?! Wag na wag mo hahawakan yung mukha ko pwede ba?! Saglit
lang, may kukunin lang ako."

Pagbalik nya, may dala na siyang first aid kit. And tiningnan niya yung mukha niya sa salamin.

"Shit! Sinira nung gag*ng yun yung mukha ko."

Naguiguilty ako >.<

"Gab. Ako na lang gagamot. Kasalanan ko naman ee."
"Buti alam mo."

Kinuha ko na yung kit and ginamot yung sugat niya.

Ang gwapo niya. Kaso panira yung cut niya sa labi. And it's all my fault.

"Dahan dahan lang naman!"
"Sorry naman po."
"KUYAAAAAA!" sabe nung girl. Mukhang ka age niya lang.

Then lumapit samin yung girl. Galing siya sa 2nd floor. Kapatid siguro to ni Gab.

"What happened to your face kuya?! Who is she? Siya ba yung girl na sinasabi mong gusto mo? I
dont like her. Pinapapanget niya yung mukha ng gwapo kong kuya e!" tapos nagpout siya, ang cute
niya.
"Mafelle! Dun ka na nga sa kwarto mo! Ang ingay mo."
"Oopsie. Sorry kuya!" nag peace sign siya then she ran paakyat sa 2nd floor ng bahay nila.

Ang awkward. Tahimik lang kaming dalawa. Tapos ko na din gamutin yung sugat niya.

"Gab. I need to go. May pupuntahan pa ko ee."

Hinatid niya na ako dun sa labas ng bahay nila.

"Pagpasensyahan mo na kapatid ko. Madaldal kasi talaga yun. Hatid na kita sainyo."
"Okay lang. No need. Kaya ko na sarili ko."
"Are you sure?"
"Yep. Sige Gab. Sorry ulit sa kanina uh? Bye!"
"Sige. Ingat ka."

Naglakad na ako papunta sa bahay ni Zeke. Malapit lang dito sa bahay nina Gab yung bahay nila
kaya naisipan ko na puntahan siya.

At last, andito na ako sa tapat ng bahay nila.

*ding dong*

Nagbukas yung gate and yung katulong nila yung lumabas.

"Kayo po pala yan mam. Pasok po kayo."

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. And umupo muna ako dun sa sofa.

"May gusto po ba kayo mam?"
"Nothing. Thanks. Si Zeke?"
"Nasa garden po ata mam.

Pumunta ako dun sa garden. I saw him there. Smoking. With a girl. Di ko alam kung sino.
Nakatalikod kasi yung girl ee. And tumatawa siya. He seems to be happy with that girl.
Ang sakit. Parang may kumukurot sa puso ko. Bakit may kasama siyang iba? Naiiyak na naman ako.
Kailangan ko tong pigilan.

Lumapit ako sa kanila and--

"Mika?" -ako
"Um. Hi Jin? What brought you here?" - Mika
"I think I should be the one asking you that question."
"Schoolwork."
"Really? You guys are smoking. Since when did smoking become a schoolwork?!"
"Well, were just relaxing and we will continue later. Anyway, why am I explaining to you?"
"Hey Charel. Let's talk. Mika, let's do the schoolwork tomorrow." -Zeke
"Sure. Sige Jin and Zeke. Bye!" then she smiled.
"Wait Mika! Hatid na kita sa gate. Jin, stay here."

Then they left.

Ano ako aso?! Stay here?! Ayos makapagutos uh?

Si Mikaela Valdez. Nandito sa bahay ni Zeke. Schoolwork daw. Nakakainis. Umiiyak na naman ako.
Schoolwork pero nagssmoke sila. Oo. Nagseselos ako. Kasi naman may kasama siyang ibang babae.
Di kasi kapani-paniwala ee >.< And maka-asta kala mo anghel. Sarap niya sabunutan e! Ganun ata
talaga pag mahal mo yung isang tao, masakit. At hanggang tumatagal ang isang relationship, mas
lalong dumadami ang problema. Pero diba? Yun yung nagpapatibay sa isang relasyon? Kaya dapat
kayanin namin to.


Maya maya, bumalik na din si Zeke.

"Jin, let's talk. Dun tayo sa room ko."

Nauna na siya lumakad and sumunod lang ako.

"So, what brought you here?" -Zeke
"I want to say sorry. About what happened earlier."
"And?"
"That's it. May kasalanan ka din sakin and sa kanya."
"I know. Im sorry babe." then he hugged me
"Ganun na lang ba kadali para sayo yun Zeke? Sorry and okay na lahat?!" kumalas ako sa hug.
"No. I promise. Babawi ako sayo."
"I want you to say sorry kay Gab then okay na tayo after that."
"What?! No way. Naaapakan pride ko dun."
"Please?"
"Lalaki ako Jin. Di ganun kadali yun. But I can do it for you. In one condition."
"What is it?"
"Lalayuan mo siya. Tutal ako naman ang boyfriend mo. Dapat ako lang ang lalaking kinakausap mo.
Naiintindihan mo?"
"Okay. Deal"
"Thank you"

He hugged me and I hugged him back.

Nagstay lang ako sa bahay nila and nagpalipas oras.

* Kuya Hiroshi calling... *

[ where are you? ]
"Kuya. Why did you call? Nandito ako sa bahay nina Zeke."
[ it's already 7 o'clock. Wait for me there. Susunduin kita. Now. ]

Then he hung up. Pagtingin ko sa time sa phone ko, 7:13 na. Lagot ako kay kuya neto. Di ko
namalayan na 7 na pala. Ang bilis ng oras kapag kasama ko si Zeke >.< bakit ganun?

"Zeke. Baba na tayo. Papunta na dito si Kuya ngayon. Papagalitan ako nun."
"Tara."

Pumunta na kami dun sa labas ng gate and maya maya may nagstop na car sa tapat namin. Kotse ni
kuya yun. Then lumabas sa kotse si--

"Mommy?!"
"Tita?!" - Zeke
"Yes. Get in the car Charel! Now!" -Mom

Uh oh. Nakakagulat naman. Andito na pala sina mommy sa Philippines. Di man lang nagpasabi and
natimingan pa na late ako uuwi >.< lagot ako nito.

Pumasok na ako sa loob ng kotse. And umalis na kaagad kami.

"We will talk later Charel." -Daddy

Waaaaah! Sobrang lagot ako neto >.< ang masasabi ko lang, I AM SO DEAD T_____T
*******************************************
[10] CHAPTER 9: I Won't Give Up
*******************************************
CHAPTER 9: I Won't Give Up


Nakarating na din kame sa bahay. Napansin ko lang na madameng nakahandang pagkain dun sa
lamesa. Dinner time na din kasi.

"Princess. Magbihis kana para makakain na tayo." -Kuya
"Kuya. Kinakabahan ako." Sabay kumapit ako sa braso ni kuya
"I know. Dapat kasi sumusunod ka na lang sa mga sinasabi ko. Ayan tuloy, tingnan mo kung anong
nangyari. Sige na princess, magbihis ka na."

Pumunta na ako sa room ko and nagmadaling magbihis. Alam kong mapapagalitan ako ng sobra mamaya
kaya ayokong dagdagan pa yung galit nina mommy sakin.

Itetext ko muna si Zeke. In case na kunin nila sakin yung phone ko.

To: Babe
Zeke, kita na lang tayo sa school bukas. Baka di na kita matext ee. Goodnight babe. I love
you :*

*1 new message*

From: Babe
Okay.

Tsk. Mabilis nga nagreply, 'okay' lang naman yung sagot >.< Sa hinaba haba ng text ko eto lang
reply nya?! Kahit 'i love you' or 'good night' man lang wala. Nakakatampo tuloy. Hayaan ko na
nga. Baba na lang ako para makakain na. Ikakain ko na lang to.

"Andyan ka na pala Charel. Let's eat." -Mommy

Umupo na ako and kumain. Ang sasarap ng food . For sure madami akong makakain neto. Ganito lagi
tuwing dumadating sina Mommy and Daddy.

"Hiroshi, how's school?" -Dad
"I'm doing good dad. Medyo hirap lang magadjust pero okay naman. Madame na din akong kaibigan."
"It's good to hear that. Just keep it up. How about you my princess?" -Dad
"Honey, stop treating our daughter like a baby. Masyado mo kasing iniispoil kaya di na
sumusunod sa rules dito sa bahay" -Mom

Awch. Di naman ganun yun ee >.<

"Mom, it's not like that. Dad, I'm doing good naman po sa school. I'm having fun and still
learning at the same time. You don't have anything to worry about my studies."
"Well, okay princess. If that's how it goes, I'm happy for you." -Dad

Kumain na ako and inubos na yung food ko.

"Mom, Dad, Kuya. Mauna na po ako. Magaaral pa po ako ee. If you need anything, puntahan niyo
lang po ako sa room ko or ipatawag niyo lang po ako."
"Okay. Make sure that you really will study, okay?" -Mom
"Yes mommy."

Pumasok na ako sa room ko and nagbasa. Aish. Bakit ganun si mommy? Nakakainis! Alam kong may
kasalanan ako pero di niya naman ako dapat ginaganun. Nawalan tuloy ako ng gana kumain >.< ang
sasarap pa naman ng food.

Mga 1 hour na din ako nagaaral. Inaantok na tuloy ako. Kakatamad din kaya.

*knock knock*

Pumasok si Ate Neng. Siya yung katulong namin dito sa bahay.

"Jin, pinapatawag ka ng parents mo. Punta ka daw sa office nila. Ngayon na."
"Sige po."

Then umalis na siya.

Eto na talaga, kinakabahan na ako. Breathe in, breathe out. Kaya ko to. Fighting!

Pumunta na ako dun sa tapat ng office nina mommy. Kinakabahan na talaga ako. Feeling ko
magcocollapse ako. Nakakatakot kasi si Mommy ee >.< Eto na talaga. Inhale, exhale.

*knock knock*

"Come in."

Pumasok na ako and umupo dun sa sofa. Umupo na din naman dun sina mom and dad.

"Princess." -daddy
"Yes daddy?"
"Your mom and I wants you to break up with that guy. We mean Zeke." -Daddy
"But mom, dad why?! He's been a good boyfriend to me. He didn't even cheated or hurt me. Why so
sudden naman po?"
"We don't want him for you. Nagiging bad influence siya sayo Charel. At isa pa, you are just a
young lady, hindi mo pa dapat sineseryoso ang ganung mga bagay. We are giving you an option:
Break up with him or else--" -Mom
"Or else what mommy? Palilipatin nyo ako ng school? Igagrounded nyo ako? Mom, that won't change
my mind!"
"Then you'll suffer. From now on, kukunin namin lahat ng gadgets mo. We won't even let you go
to school and go home by yourself. Ipapasundo na kita sa driver natin. Di ka na din namin
bibigyan ng allowance kaya you will bring packed lunch everyday." -Mom
"Dad, mom. How could you do this? Sobra sobrang pahirap naman to."

I started crying.

"We are very sorry Charel. If this is the only way to make you leave that guy, gagawin namin.
We will put things back to normal kapag naghiwalay na kayo. We are doing this for your own
good." -Dad
"I hate you mom and dad! You don't love me!"

Humahagulgol na ako sa iyak.

*slaaap!*

Sinampal ako ni mommy :'( first time niya tong ginawa sakin.

"We are doing this because we love you Charel! Now, kung ayaw mo sumunod, then maghihirap ka!"
-Mom.

Galit na galit si mommy.

Tumakbo na ako papunta sa room ko. And umiyak ako. Di ko expected na ganun yung mangyayari.
Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Oo, alam kong spoiled ako kay daddy pero di ko naman tinetake advantage yun ee.

Ano ba meron kina mom and dad?! Nalate lang ako ng uwi tapos ganun agad?! Grabe naman sila. Di
naman sila ganun dati ee.

Paano na kame ni Zeke nito? Basta, di pwede. Kakayanin namin to. Di ako mag gigive up. Mamaya
magbago isip nina mommy ee.

Bahala na. Di pa din ako titigil kahit magsuffer ako. Kakayanin ko to.
*******************************************
[11] CHAPTER 10: Consequences
*******************************************
CHAPTER 10: Consequences


Di ko namalayan. Nakatulog pala ako at pag gising ko umaga na. Pagtingin ko sa orasan,
4 am. Wednesday. June 22.

Malapit na talaga mag 29. Kaso bakit ganun? Sobrang bagal ng oras? Bakit di na lang mag 29
agad? Gusto ko na malaman yung surprise or kung ano mang mangyayari sa araw na yon. Excited na
talaga ako.

Ang aga aga ang dame ko ng iniisip. Matutulog na nga muna ako. Masyado pang maaga.
I tried to sleep pero di na ako makatulog. Ang dami kasing thoughts na pumapasok sa isip ko.
Bahala na nga. Ayoko na matulog. I'm gonna check my phone na lang kung may mga texts. Di pa
naman nila kinukuha ee.

I checked my drawer pero wala dun. Ang alam ko dun ko nilagay yun ee. I searched all over the
room pero wala. Nagpahinga na muna ako kakahanap, nakakapagod kaya. I noticed na pati laptop ko
wala na. Well, nasesense ko na kung ano yung nangyari. Kinuha nila lahat while I'm asleep. I
checked my wallet. In case na pati money ko kinuha na din and ayun, I'm left with nothing >.<
wala na talaga. I can't do anything about it naman because this is my choice. Kailangan ko tong
panindigan.

Naligo na lang ako and dahil by 5:30, tapos na ako. I curled my hair using a curling iron and
naglagay ng konting makeup. First time ko papasok sa school ng ganito.

Natapos na din ako by 6:15. Bumaba na ako and kumain ng breakfast.

"Good morning Charel. Just get that pink lunchbox." -mom
"Okay mommy. I'm leaving now. Bye!"
"No. I'll be the one to send you to school. Let's go."

First time akong hinatid ni mommy papuntang school. Siya yung nagdrive ng car and in five
minutes, nasa school na ako.

"Bye mom!"
"Bye sweetheart. Take care!"

Then she left.

Naglakad na ako papunta sa room. Pagpasok ko, wala pa si KL. Ano kaya meron dun sa babaeng yun?
Maaga naman yun lagi pumasok ee.

Naupo na lang ako and nagbasa ng libro. Malapit na magstart yung class ee. Pero wala pa din
siya.

"Ui Gab!"
"Oh?!"
"Ang aga aga ang sungit mo. Unli ka?"
"Oo, bakit?"
"Patawag."
"Oh." sabay abot sakin ng phone nya.

Dinial ko yung number ni KL.

[ hello. Sino to? ]
"Kylie!!! Jin to. Asan ka na? "
[ bahay. E ikaw? ] cold naman sumagot neto.
"School. Bakit di ka pa pumapasok? "
[ balita ko kasi dapat sabay tayo papasok diba? Kanina pa ko nag-aantay dito oh ]
" Sorry! I'll explain later. Pasok ka na. Sorry talaga!"

Nalimutan ko na kasabay ko pala siya dapat ngayon. Ano ba yan! Pag nalate siya, ako pa may
kasalanan. Sorry talaga Kylie >.< magagalit sakin yun.

Just in time lang yung dating ni KL. Kasabay niya lang yung teacher namin.

Blah blah blah. Ayun, natapos din yung 3 naming subject and lunch na.

"Jin! Nakakainis ka!! Alam mo bang nakailang tawag ako sayo?! Kahit isa di mo sinagot. Muntikan
pa tuloy akong malate!" -KL
"Sorry! Kasi kinuha ni mommy lahat ng gadgets ko kagabi. Di tuloy ako nakatext. Sorry talaga
bessy!"
"WALAAA! Walang sorry sorry!"

Si Spencer. Para naman kabute to! Biglang sumusulpot.

"Hoy Spencer! Gusto mo mamatay ng maaga?!" tanong ko kay Spencer
"Gusto niya yan! Go Jin! Kaya mo yan! Haha" - KL
"Weh? Kaya mo? Hahaha---aray! Shit! Bitaw!!!" -Spencer

Hinila ko yung buhok niya. Di niya dapat ako minamaliit!

"Ano? Di ko kaya?! Haha!"
"Shit naman! Bitaw na! Putek! Masakit! Batukan mo na ako, wag mo lang hahawakan buhok ko!!!
Bitaw!"

Hinila ko bigla buhok niya tapos binitawan.

"There! Hahahaha! Ang panget mo na!"

Kumuha siya ng salamin tapos tiningnan buhok niya.

"Shit men! Ang tagal tagal ko inayos to tapos guguluhin mo lang?! Pasalamat ka babae ka kung
hindi pinatulan na kita!"
"Thank you! Haha. Tara na Kylie!"

Pinagtitinginan na kami sa room ee. Nakakahiya. Hinila ko si Kylie and pumunta na sa canteen.
Naghanap na ako ng mauupuan tapos si KL bumili na ng food nya.

"Bilib ako sayo Jin!" -Steven

Mga kabute ba tong magkakaibigan na to? Bigla na lang silang sumusulpot ee. Di niya kasama si
Spencer. Si Gab lang.

"Haha! Oo nga! First time may gumawa kay Spencer nun." -Gab.

Woah! Si Gab ba talaga yan? Di ba nasapian ng alien yun? Di masungit e.

"Haha! Ganun talaga. Sinusubukan niya ko e."
"Ui guys. Andito na pala kayo. Uso kasi umupo diba?" -KL

Umupo na sila. Dumating na din si Spencer and umupo din. Nakaayos na yung buhok niya. Bakit ba
kasi kailangan pa nila na itaas pa yung mga buhok nila diba?

"Oh pre! Musta naman ang masabunutan? Haha!" -Steven.
"Tss. Tigilan niyo nga ako." -Spencer

Spencer's POV

Kumain na kami.

Sobrang badtrip ko lang talaga kanina. Siya pa lang yung babaeng gumawa nun sakin. Nakakahiya
lang kasi nakita yun ng mga classmates namin. Pero ngayon, okay na ako.

Nung natapos kami kumain, nagsabi si Gab na aalis na muna siya pero bigla niyang hinila si Jin.
Nasesense ko na talaga na merong kakaiba dito sa dalawa pero ayaw lang talaga nila aminin. Kung
sabagay, kahit naman di nila aminin, obvious naman na masyado.

"San sila pupunta?" -KL
"Aba malay ko! Ako ba si Gab?! Ha? Ha? --Aray! Putek! Kanina pa kayong magbestfriend ah! Mga
sadista . Amp!" -Spencer

Bwiset! Batukan ba naman ako! Kung di ko lang talaga mahal to, ginantihan ko na to!

"Sagutin mo kasi ng maayos pre! Ikaw naman KL, sagutin mo na kasi-- putek! Uso mambatok?!" -
Steven
"Haha! Buti nga sayo! Ngayon alam mo na feeling ng mabatukan niyan babaeng yan! Diba masakit?
Tsk" -ako
"Hoy kayong dalawa! Tigil tigilan niyo ko ah! Uupakan ko talaga kayo." -KL
"Oo na. Tss. Teka, san nga ba talaga pupunta mga yon?" -ako
"Baka magdedate. Haha!" -Steven.

Feeling ko nga din. Magkakalovelife na din bestfriend ko! Haha. Baka sakaling mabawasan
pagkamasungit niya pag nagkataon.

Gab's POV

"Pre, alis na ko" -ako

Tumayo ako, kinuha yung gamit ni Jin at hinila siya palabas ng school.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" -Jin
"Kailangan natin magusap"
"About what?"
"Basta, sumama ka na lang."
"Jin!" may tumawag sa kanya kaya napalingon kame.

Yung lalaking sumapak sakin kahapon. Badtrip naman to oh. Hinila ko si Jin. Iiwas na lang ako
sa gulo.

"Wait. Gab, bitawan mo ako." binitawan ko siya.
"Zeke." -Jin

Zeke pala pangalan nun. Lumapit siya dun sa Zeke tapos may binulong siya.

"Ayoko!" -Zeke
"Please." -Jin

Aalis na sana ako.

"Hey. You! Let's talk" sabi nung Zeke at lumapit sakin.
"Ano yun?"
"Sorry." -Zeke.
"Okay." tapos tumalikod na ako.
"Ano ba Zeke! Umayos ka nga! Gab! Wait." -Jin
"Jin, tungkol sa mga nangyari kahapon, okay na sakin yun. Diba pre?"-ako
"Yea. Ano ba Charel? Okay na yun." -Zeke
"Osige . Sabe niyo ee. Uh Gab, sa room nalang tayo magusap ah? Bye!" -Jin

Tapos naglakad na sila nung Zeke. Nakaholding hands pa sila. Siya siguro yung boyfriend ni Jin.
Parang nakita ko na to dati. Di ko lang talaga maalala kung saan. At isa pa, pakealam ko ba?
Babalik na nga lang ako sa classroom.

"Oh pre? Busted ka?" -Steven
"Manahimik ka nga!"

Nilapitan ako nina Spencer and Steven.

"Ano nangyari? Kwento." -Spencer.

Putek! Mga kalalaking tao ang chismoso.

"Wala! Umupo na nga kayo! Walang nangyari."
"Asan si Jin?" -KL
"Aba malay ko! Bakit ba ako tinatanong niyo?"
"Balita ko kasi hinila mo siya kanina diba? Ano ginawa mo dun? Bakit wala pa dito?" -KL
"Wala. Kasama niya boyfriend niya."
"Good afternoon class." -teacher

Buti na lang talaga dumating yung teacher. Kung hindi, natadtad ako dito ng tanong.
Di ako nakikinig dun sa teacher. Alam ko naman na yung tinuturo niya. Di na din pumasok si Jin.
Ang tahimik tuloy, walang maingay.

Nakakainis, di ko pa nasasabi sa kanya yung gusto kong sabihin. Lage na lang kasi dumadating
yung Zeke na yun. Tsk.

Nung uwian, naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Jin.

"Gab, ano yung sasabihin mo?" -Jin
"Bukas na lang. Uwi na ako. Ge"
"Sige. Babye."

Naglakad na ako pauwi and nung malapit nako sa bahay, nakita ko na naman yung Zeke. May
kasamang girl. Baka si Jin lang yun. Grabe naman yung dalawang yun, walang kasawaan sa isa't
isa.

Pagpasok ko ng bahay, dumeretso na ako ng kwarto ko at maya maya may pumasok.

"Hi kuyaaaaa!"

Si Mafelle. Kapatid kong isip bata na sobrang maingay -_______- 1 taon lang agwat namin kaya
kapag kasama ko siya, mukhang girlfriend ko lang. Ano na naman kaya kailangan nito?

"Oh? Bakit?"
"Si kuya naman oh! Ang sungit na naman." tas nagpacute pa siya.
"Ano sasabihin mo?"
"Itatanong ko lang sana kung kamusta na kayo nung girl na nagugustuhan mo. Alam niya na ba na
gusto mo siya? Nililigawan mo na ba?"
"Hindi pa. Basta dadalhin ko na lang siya dito sa bahay pag girlfriend ko na siya."
"Osige kuya. Byiiiiiieeee! Gagawa pa ko ng homeworks ee."

Hay salamat. Kala ko magtatagal pa sa kwarto ko. Ayoko ng maingay -_______-

Oo nga naman, paano ko siya maliligawan kung natotorpe ako para sabihin sa kanya yung
nararamdaman ko at di din ako makahanap ng tyempo? Tsk.
*******************************************
[12] CHAPTER 11: Mission
*******************************************
CHAPTER 11: Mission


Jin's POV

I spent my time with Zeke which made me cut class again. Kung hindi ako pinaghigpitan, edi sana
di ko ginagawa to diba? Nagenjoy ako kasama siya. Kumain kami at nagkwentuhan. Naexplain ko na
din sa kanya yung dahilan kung bakit hindi na ako magkakaroon ng communication with him. Ang
sabi niya lang ay kakayanin namin to. Busy din naman daw kasi siya. Ay oo nga pala, di pa ko
nakakapag-explain kay KL. Magtatampo na naman yun.

Bumalik na kami sa school ng 2 o'clock. Just in case na maaga dumating si mommy or kung sino
mang magsusundo sakin. Hinintay ko lang lumabas sina KL. Nung uwian, si Gab yung unang lumabas.
Tinanong ko siya sa kung anong sasabihin niya pero sabi niya lang naman, bukas niya na
sasabihin.

"Bessy!" tawag ko kay KL.
"Hi Jin. Bakit di ka pumasok sa last subject?"
"Uh. Cutting?"
"Don't state the obvious Jin."
"Sabi ko nga po. Ayun, lumabas kami ni Zeke. May kwento pa ako diba?"
"Yea. Game. Kwento."

Naglakad na kami at nagstart na ako magkwento.

"Kinonfiscate kasi nina mommy and daddy lahat ng gadgets ko. Pati nga allowance ee. Bawal ko
din gamitin yung mga phones sa bahay kaya hindi kita matext or matawagan. Feeling ko nga, di
din ako pwede magsama or tumanggap ng bisita."
"Bakit ganun? Ang sama naman nun. May ginawa kang kalokohan ano?"
"Kahapon kasi napastay ako sa bahay nina Zeke hanggang 7. Hindi ko kasi namalayan yung oras
tapos nagkataon pa na dumating din sina Mommy that day. Kung minamalas ka nga naman."
"Oo nga. Ang malas mo bessy. Comfort" then she hugged me.
"Okay lang yun. It's my choice din naman."
"Choice? What do you mean?"
"Kasi gusto nila maghiwalay kami ni Zeke. Bad influence daw kasi siya sakin. Pinapili nila ako.
If I choose to be with Zeke, I will suffer. Kapag nakipagbreak daw ako kay Zeke, then nasakin
pa din lahat."
"Jin, don't get me wrong ah? If I were you, makikipaghiwalay ako kay Zeke kasi totoo naman na
nagiging bad influence siya sayo. Like today, nagcut ka ng class dahil sa kanya."
"Sina mommy na may kasalanan nun. Ginrounded nila ako ee."
"But Jin, nagcut ka na dati pa kahit hindi pa dumating parents mo."
"Oo na bessy. Ikaw na tama. Ayun na pala si Kuya."

Naglakad kami papunta kay Kuya.

"Hi Kuya Axel! Namiss kita! Sorry hindi na ko nakakapunta sa bahay nyo ah!" -KL
"Okay lang. Sabay ka na samin pauwi." -kuya
"Sige po."

Tahimik lang kami dun sa kotse. Hinatid na namin si KL at dumeretso na pauwi. Pagpasok ko ng
bahay, hinanap ko agad sina Daddy.

"Kuya, asan sina Mommy?" tanong ko.
"May mga inasikaso lang sa office nila dito. Aalis na din sila bukas papuntang China."
"Ang bilis naman nun kuya. Akala ko pa naman tatagal sila ng 1 week dito kasi diba?
Magbibirthday na ako?"
"I don't know Princess, babalik naman siguro sila next week."
"Sige kuya. magpapahinga na muna ako."

Pumunta na ako ng room ko. Nakaramdam din naman ako ng antok kaya natulog ako.

"Jin, wake up."

I opened my one eye and checked kung sino.

"Dad, I'm sleepy. I want to sleep more."
"Ayaw mo kumain ng dinner baby?"
"Ayaw ko po Dad. Inaantok po talaga ako. Bukas na lang po ako kakain."
"Baby, hindi tayo dito magdidinner. We're going to meet a client and ininvite tayo for dinner.
We need you there."
"Sige na nga daddy."
"Nilagay ko na yung dress na isusuot mo sa closet. Mag-ayos ka na. In 1 hour dapat okay ka na.
Sige baby, alis na muna ako."

Bumangon na ako and I checked the time. 5:45. Halos 2 hours na din pala ako natutulog. Naligo
na ako at nag-ayos. Kailangan maging decent ako tingnan. Nakakahiya dun sa client nina Daddy.
Pagkakita ko nung dress, nagustuhan ko agad. Mukha siyang goddess dress, white and gold yung
color. Pagdating ko naman sa office nina Mommy, nandun na si kuya Hiroshi. Ang gwapo niya
talaga.

"You look very beautiful princess." -kuya
"Thank you kuya."
"Nandito ka na pala Charel. Let's go." -Mom

Umalis na kami at tumigil kami sa isang familiar na bahay na ikinagulat ko naman.

"Gab's house?!"
"What did you say Charel?" -Mom
"Nothing mommy."
"Tara, pumasok na tayo." -Dad


Gab's POV

Bumalik na dito si Dad sa Pinas. Puro kasi siya trabaho kaya lagi siyang wala. Pinagbihis nila
ako ng formal. Ano meron? Sabi niya, niyaya niya ng dinner yung friend niya. Business daw yung
pag-uusapan. Tss. Bakit pati ako damay? Ano ba kinalaman ko sa business niya? -___- puro naman
business lang alam niya. Kaya siya iniwan ng nanay ko e. Pero kahit na ganun, galit pa din ako
sa nanay ko dahil iniwan niya kame. Dumating na din naman dito yung bisita at nagulat ako dahil
sina Jin yung dumating.

"Hello Mr. Tan." -Dad
"Hello Mr. Teppei. These are my kids. Charel and Axel." -sabi nung tatay ni Jin
"Well, this is Gabriel and Mafelle. Well, parang kagaya lang dati. Nagmeet ang families natin.
So let's eat?" -Dad

Nakilala ko na pala si Jin dati pero bakit hindi ko matandaan? Psh, ewan -___- Ang ganda ni
Jin. Nakakagulat lang din kasi nagmatch pa yung color ng suot naming dalawa. Pagkatapos kumain,
dumeretso sila sa office ni Dad dito sa bahay at naiwan kaming apat dito sa may sala.

"Hi! Diba ikaw yung pumunta dito kahapon? Ikaw yung girlfriend ni kuya?!" -Mafelle.

Ano ba naman tong si Mafelle. Ang isip bata. Putek! Ang daldal pa -___-

"Um, ako nga pero hindi ako yung girlfriend ng kuya mo." -Jin
"Sayang naman. Sana ikaw na lang girlfriend ni kuya." -Mafelle
"Mafelle!" -ako
"Sorry kuya. I'm just stating my opinions." -Mafelle
"So you've been here Jin?" -kuya ni Jin.
"Kuya kasi he's my classmate. Gumawa kami ng schoolwork dito yesterday." -Jin
"Ikaw si Axel diba?" tanong ko
"Yes. Why?" -Axel
"Pwede ko ba muna mahiram si Jin?" -ako
"Sure."

Niyaya ko si Jin papunta dun sa may pool banda. Umupo ako sa gilid ng pool at ganun din naman
ang ginawa niya.

"Ano pala yung sasabihin mo?" tanong ni Jin
"Tutal may kasalanan ka pa naman sa akin. May gusto akong hingin sayo."
"Hey! Wag naman ganun. I'm your friend. Ask something from me because I'm your friend and not
because may kasalanan ako sayo."
"Sige."
"So, what is it?"
"Magpapatulong sana ako sayo. Seryoso ako kaya wag mo ako pagtatawanan."
"About? Sige. Promise."
"May gusto akong babae. Patulong naman ako sa kanya."
"Sure. Sino ba siya?"
"Ayun nga, hindi ko kilala badtrip. Nakikita ko lang siya sa school."
"Ay ganun? Sige. Tutulungan kita makilala siya pero sa panliligaw hindi na uh."
"Ge. Mission mo yan."
"Yea. Sure. Ano ka ba? Wala yun. Para san pa na naging friend mo ako diba?"

Ayos naman pala kausap tong babaeng to e.

"Ang ganda mo ngayon."
"Hoy Gabriel! Tigilan mo ko ah! Binobola mo pa ako porket pumayag ako!" binasa niya ako ng
konting tubig.
"Hindi kaya. Nagsasabi lang ako ng totoo. Pinupuri ka na, ayaw mo pa. Bahala ka nga dyan. Ang
panget mo."
"Gusto mo bang tulungan pa kita ha?! Laitin ba naman ako?!"
"Pinupuri kita tapos sasabihin mong binobola kita at ngayong nilait kita, nagagalit ka. Baliw
ka ba?"
"Hindi. Sabagay. Ikaw din. Ang gwapo mo ngayon."
"Alam ko naman yun. Hindi mo na kailangan sabihin"
"Yabang mo!"
"May ipagyayabang naman kasi."
"Ikaw na! Haha!"

Nagtawanan lang kami.

"I told you that they look good together."

Napalingon kami sa nagsalita, si dad. Ano na naman ba to? -___- Tumayo na kami.

"Dad, anong sinasabi mo?" -ako
"Well, since mukha namang they know and get along with each other, bakit hindi natin ituloy
yung plan natin?" -mom ni Jin.
"Mom, what are you talking about? What plan?" -Jin
"That the two of you will marry each other in the future." -dad
"HINDI!" sabay pa kami ni Jin.
"Dad, may girlfriend na ako." -ako
"Mom, Dad, I also have a boyfriend." -Jin
"I told you to break up with that guy, didn't I?" -mom niya.

Nakita ko na nakasimangot si Jin. Kailangan ko malusutan to. Alam kong ayaw namin parehas nito.

"Gabriel, wala ka pa namang naiintroduce sakin na girl. And well, mukha namang okay kayo ni
Charel. Why not try?" -dad
"Ayoko. Wag ka magalala dad. Malapit ko na siya ipakilala sayo." -ako
"Well, let's see what will happen. But you know, the two of you should try and see if it will
work. Wala namang mawawala sa inyo. You will just have to try." -dad niya
"That's a good idea. Well, let's go. Pumasok na tayo sa loob." -dad

Pumasok na kami. Ang tahimik tuloy -___- dami nilang alam amp.

"Jin, sana hindi to makarating sa school." bulong ko
"Don't worry, parehas lang tayong may ayaw nito."

Yung kuya naman ni Jin at yung kapatid ko, nagkakatuwaan.

"Well, I can see that we have two couples here. How old is Mafelle na ba?" -mom niya
"Well, she's 16." -dad
"And Axel is 18. Pwede. But I think, we can talk about this next time, right? We really need to
go now." -mom niya
"Sure. So goodbye for now?" -dad
"Yes. Charel and Axel, let's go." -mom niya

Mafelle's POV

Umalis na sila >___< Alam ko na, magkekwento na lang ako kay kuya kong masungit!

"Kuyaaaa!" -Mafelle
"oh?" ang sungit talaga >___<
"I have good news. Diba sabi mo, tigilan ko na si Zeke?"
"oh bakit?"
"Titigilan ko na siya kuya! Diba good news yun?"
"Oo. May sasabihin ka pa? Matutulog na ako"
"Not yet kuya! Listen kasi muna! Pleaaasssee!"
"Ge"
"Another good news. I like Axel na! And he will be my husband in the future and you will be
Charel's husband and we will be a big happy family!!!"
"Tigilan mo na nga yan Mafelle. Hindi ko gusto yun. Kung gusto mo, kayo na lang nung Axel mo.
Wag mo na ako idamay." galit si kuya :(
"But kuya.. She's pretty and mabait din naman siya uh?"
"Alam ko pero hindi ko siya gusto. Kung wala ka nang sasabihin, pwede lumabas ka na?!"
"I HATE YOU GABRIEL VINCENT TEPPEI! You don't love me! WAAAAH!"

Tumakbo ako papunta sa room ko. Bakit ka ganun kuya? Ang sungit mo tapos inaway mo pa ako >___<
Bakit?! Maganda naman at mabait si Charel ah?! Tapos magagalit siya dahil sa sinabi ko. Ang
saya nga nila kanina nung tinitingnan ko sila. Nagtatawanan tapos ganun? I hate you kuya!

Basta ako I like Axel ^___^ mas gwapo siya kay Zeke at mas mabait pa. Hindi kagaya ni Kuya and
Zeke na masungit tapos hindi namamansin. Sino kaya yung gusto ni Kuya? Lagot sakin yun kapag
nalaman ko kung sino! Nako, dapat si Charel mapangasawa ni kuya kasi bagay sila!

Matutulog na nga lang ako. Badtrip kasi si Kuya ee >___< Ang saya saya ko tapos panira siya ng
moment. Bakit ko nga ba tinatawag na kuya yun? Pwede namang hindi. Kasi magkalapit lang kami ng
age at parehas naman kaming 4th year highschool ngayon. Magkaiba lang kami ng school ee. Bahala
na nga! I'm gonna sleep na.
*******************************************
[13] CHAPTER 12: Rumors
*******************************************
CHAPTER 12: Rumors


Jin's POV

"Sweetheart wake up." -mom
"What time is it mommy?"
"7:30"

Whaaat?! Napabangon ako sa kama. Hala! Late na ako >___<

"Don't worry dear. Inexcuse ka na namin sa mga classes mo for today. Pumasok ka na lang after
lunch."
"Bakit mommy? Ano meron? Nalimutan ko na ngayon pala yung alis niyo."
"It's okay. Mag-ayos ka na and pupunta na tayo ng airport."
"Sige mommy"

Naligo na ako at nagbihis. Naka uniform na ako para pagkahatid namin kina mommy, diretso na ko
ng school. Anytime naman pwede bumyahe sina mommy but they would rather fly early kasi sobrang
busy daw sila. Bumaba na ako para kumain. Nauna na sila kumain kaya wala akong kasabay. Mga
around 9 na nang pumunta na kami ng airport.

* In the airport *

"Mom, when will you come back?" tanong ko
"Soon. But I think it will be on thursday night." sagot ni mommy
"But mom, that's my birthday. How about the party that you promised me?"
"Baby, your mom and I are very busy. We will try our best to be here on the day of your
birthday. But about the party, we are not sure about it. We're very sorry." -dad

Nanahimik na lang ako. Nagpromise sila tapos inuna pa nila yung business sakin? Ang sama naman
nun. Naaappreciate ko naman na they will try to come back on the day of my birthday, but still
pinangarap ko yung party na to kasi I'm turning 16.

"Charel, please be a good daughter. Don't be stubborn. Just break up with Zeke. And for you
Axel, be a good kuya okay?" -mom
"Mom, I can't, I love him."
"Then still, you will suffer. We are very sorry sweetheart, but we are just doing this for your
own good." -mom
"Mom, Dad. Ako na bahala kay Princess. Don't worry po." -kuya
"Okay. We're leaving now. Bye." -dad

I hugged mom and dad. Even though naiinis ako sa kanila, still sila pa din parents ko. Then
they left. Mga 10 na din.

"Jin, let's go. Kaen na tayo then ihahatid na kita sa school niyo." -kuya
"Ang aga pa kuya."
"It's okay Jin. At least I know that you're in school. By the way, maghihigpit ako sayo
princess. I need to do my responsibilities. I'm sorry."
"It's okay kuya. I understand. Alam ko naman na kapag hindi ka sumunod sa kanila, ikaw naman
yung mahihirapan."
"It's good that you understand. Let's go."

Gab's POV

First time umabsent ng babaeng yun. Ang tahimik tuloy dahil walang maingay sa tabi ko.

"Hoy KL!" -ako
"Hoy ka din!"
"Bestfriend mo?"
"Aba malay ko."
"Tawagan mo naman."
"Ikaw pre ah! Napaghahalataan ka." -Steven
"Ano? Tigilan niyo ko."
"May gusto ka sa bestfriend ko?! Sabi ko na nga ba e!" -KL
"Wala! May inutos kasi ako sa kanya. Hindi niya pa nagagawa."
"Ano yuuuun? Tell meeeee!" -KL
"Ayoko."
"Ang damot! Share na kasi!!!"
"Ayoko."
"Bahala ka nga dyan! Maghanap ka ng kausap mo. Oi Steven tsaka Spencer! Wag niyo kakausapin yan
ah?"

Edi okay -___- Tinatamad ako dumaldal e. Bakit ba? Nakakainis kaya silang mga babae. Ang ingay.
Pero narealize ko, nakakamiss din pala kapag nakasanayan mo na tapos biglang mawawala. Tutal
naman wala pang teacher. Tawagan ko nga to. May number niya naman ako dati pa. Hindi ko lang
talaga siya tinetext kasi nakakatamad magtext. Kung tawag naman, ayoko nga. Araw araw naman
kami nagkikita nun. Sawa na ako sa boses niya. Tinatawagan ko na siya. Ano ba naman tong
babaeng to! Ang tagal sumagot.

[ hello? Sino to? ]
"Gab. Asan ka? Di ka papasok?"
[ papasok. Dito sa mcdo. Kumakain. Bakit? Miss mo na ako? Haha! ]
"spell ASA"
[ Joke lang naman e. Paano mo nakuha number ko? ]
"Basta. Ang dami mong tanong. Bye!"

Binabaan ko na siya. Dumating na din yung teacher namin. Blah blah blah. Ang boring naman
magturo ng teacher na to. Nakakaantok -___- At last! Natapos na din. Papunta na kami ng canteen
nang makasalubong namin si Jin.

"Hi guys! Bessy, pahiram ako ng notes." -Jin
"Eto oh." sabay inabot ni KL yung notebook niya.
"Sige guys! Kita na lang tayo sa room. Kain na kayo. Babye!"

*Sa room. After lunch*

"Bakit wala ka kanina?" tanong ko kay Jin
"Hinatid namin parents ko sa airport."
"Ah. Yung mission mo."
"Oo na. Excited?!"
"Hindi. Ang alam ko kasi makikinabang ka din dito kapag girlfriend ko na siya."
"Bakit? Ano mapapala ko dun?"
"Kasi nga diba? Para di nila tayo ipakasal sa isa't isa."
"Ah. Oo nga tama ka. Ang galing mo Gab."
"Alam ko."
"Whaaaat?! Si Jin and si Gab magpapakasal?!"

Napatingin kaming dalawa ni Jin dun sa kanan namin. Mga chismosa. Amp! Sh*t! Problema na naman
to -___-

"What are you saying Ms. Velasquez?" -teacher
"Nothing ma'am."

Uwian na din namin.

"Jin! Ano yung sinabi nun kanina? Magpapakasal kayo ni Gab?! Waaaah! Seryoso?!" -KL
"Wala yun. Ano ba kayo? Mga chismosa kasi. Namali lang sila ng rinig." -Jin
"Oi Gab. Kayo ba ni Jin?" tanong ni Spencer
"Hindi. Badtrip nga eh."
"Sigurado ka boy?" -Steven
"Oo. Tara. Uwi na tayo."

Nagsiuwian na kami. Nakakainis talaga mga babae! Napaka-ingay na, chismosa pa -___-
*******************************************
[14] CHAPTER 13: Anniversary
*******************************************
CHAPTER 13: Anniversary


Jin's POV

June 29 na. Anniversary na namin :) Ano kaya yung surprise niya? Sabi niya kasi he will make
this day special for me. Ako na talaga itong sobrang excited :"> Ang ganda ng aura ko ngayon
kaya sana wala nang sumira.

Nandito kami ngayon sa canteen. Kakatapos lang namin maglunch at nagkekwentuhan lang kami. Mag
1:30 na din naman kaya bumalik na kami sa room at habang naglalakad kami sa hallway,
nakasalubong namin si Mika.

"Hi there Jin. I heard that you're going to marry someone. Alam niya na ba to? OMG! Feeling ko
hindi pa! Ano kaya magiging reaction niya pag nalaman niya? Haha!" -Mika
"What the hell are you talking about Mika? That's not true."
"Whatever. I don't care if it's true or not. Kumakalat na yung news about dun. Kawawa naman
yung good girl image mo. Two timer ka pala."
"I'm not. Tama na, hindi na nakakatuwa."
"Whatever you say my dear. Ciao!"

Naglakad na siya papalayo. Ano na naman ba to? Ang alam ko tahimik na yung news about dun ah?
Nakakainis naman to. Lagot ako kapag nalaman to ni Zeke. What will happen to us? Shizz. Anniv
pa naman namin ngayon. Yung good aura, nawala na -__-

"Nakakainis talaga yung Mikaela na yun! Kahit kelan talaga sinisira niya araw ko!" -KL
"Pati araw ko sinisira niya. Hay nako bessy! Ang sarap niyang sabunutan. Feeling mabait."
"Tara na nga. Wag mo na intindihin yun. Palibhasa kasi lamang ka sa kanya and yun lang naiisip
niyang gawin para inisin ka. Inggit lang yun!"
"Siguro nga."

Naglakad na kami papunta sa room. Blah blah blah. At natapos na din ang last subject. Excited
na akong makita si Zeke!

"Jin, sabay na tayo lumabas. May sasabihin ako sayo." -Gab
"Sure."
"Yung babae kanina, anong pangalan niya?" -Gab
"Sino?"
"Yung kumausap sayo nung pabalik na tayo ng room."
"Ah yung malditang babae na yun? Bakit pala?"
"Maldita? Mas mukha ngang mabait sayo yun e. Gusto ko lang malaman."
"Mas mabait?! Ang sama sama ng ugali nun e! Pakitang tao niya lang yun."
"Oo na. Sabihin mo na lang kasi yung pangalan niya"
"Mikaela Valdez. Why? Type mo ba?"
"Siya yung babaeng sinasabi ko sayo na gusto ko. Tulungan mo ako makilala siya"
"Of all people, bakit siya pa? Ang sama sama ng ugali nun e."
"Basta tulungan mo nalang ako. Mission mo yun diba?"
"I can't promise you but I'll try. Sabagay, kapag naging girlfriend mo yun, lulubayan niya na
si Zeke."
"Ge"

Nagpatuloy lang kame sa paglalakad.

"Ayun pala boyfriend mo pati si Mikaela. Close pala sila."
"I don't know."

Tsk. Nakakainis naman yun. Kasama niya na naman yung babaeng yon. At mas lalong nakakainis kasi
naninigarilyo sila. Siguro siya yung nagturo kay Zeke magsmoke.

Gab's POV

"Hi Zeke. Let's go?" -Jin
"So siya pala ang fianc mo." -Zeke
"What are you talking about? You're my boyfriend and he's not my fiancee." -Jin
"Me? Your boyfriend? You must be kidding me. I already have someone I love and I don't even
like you" -Zeke
"What are you talking about? How about our anniversary? It's today, right?" -Jin
"You know Jin, to tell you the truth. I didn't love nor like you. It was all just a game kaya
tigilan mo na ako. I am happy courting Mika. Don't interfere." -Zeke
"No. You're kidding me, right? It's not a good joke Zeke. Tigilan mo na." -Jin
"I'm not joking. You need a proof? Watch me." -Zeke

Hinila ni Zeke si Mikaela at alam kong hahalikan niya kaya pinatalikod ko si Jin at nilapat
yung noo niya sa dibdib ko. Hindi niya to pwedeng makita. Naaawa na ako sa kanya. Alam kong
naiiyak na siya at pinipigilan niya lang. Naiinis ako sa Zeke na to. Pinaglaruan niya si Jin ng
ganun katagal? G*go ba siya?! Masyadong mabait si Jin para ganituhin.

"Gab, let's go. I want to go home." bulong ni Jin.

Hinila ko na siya at naglakad na kami. Binilisan ko lang ang lakad hanggang sa makarating kami
sa bahay nila.

"Tara, let's go inside." -Jin

Pumasok lang kame at dumeretso sa room niya. Wala ata yung kuya niya dito.

"Thank you Gab."
"Saan?"
"Basta thank you." ngumiti naman siya ng pilit
"Wala yun."
"Gab, okay lang ba na magdrama ako sayo?"
"Ge lang"
"Bakit ganun Gab? I love him so much and I know that he loves me too. I just can't understand
why is he acting like this. Okay naman kami. At sa lahat ng tao, bakit si Mika pa? Ang sakit
Gab. Ginawa niya sakin to sa anniversary pa namin. Ang hindi ko matanggap, game lang pala yun
lahat. Hindi naman pwede na dahil lang yun dun sa marriage thingy diba? Kasi ang babaw."

Nagstart na siya umiyak and ako, nakikinig lang sa kanya.

"Gab? Should I let him go? Kasi sabi niya di niya ko minahal or even like man lang. Hindi ko
alam kung bakit ganito. Kahit sinabe niya na ganun, I know that he did loved me. Bakit naman
kasi biglang ayaw na niya? Naiinis ako sa kanya. Gusto ko na tapusin lahat ng meron kami but
still, I want him in my life. Madami na akong isinacrifice just to be with him. Siya yung
happiness ko Gab. I don't know what to do. Ang sakit sakit."
"Jin, makinig ka sa akin. Wala akong alam pagdating dyan pero kung mahal ka talaga niya, hindi
niya gagawin sayo yun. Tingin ko kailangan mo din malaman yung dahilan kung bakit niya nagawa
yun. Nasa sayo pa din naman yan."
"Thank you Gab ah?"
"Wala yun"

Biglang may pumasok.

"Princess?" -Axel
"I'm here kuya." -Jin
"Bakit wala ka na sa school mo?! Diba ang usapan susunduin kita everyday hanggang sa maghiwalay
kayo nung g*gong Zeke na yun?!" -Axel
"Kuya, wala na kami. Are you happy now? Si Gab na naghatid sakin dito."
"That's good. Niloloko ka lang ng lalaking yun. I saw him with another girl."
"I know that kuya."
"Pag nakita ko yung g*gong yun, mapapatay ko talaga siya!"
"Kuya, hayaan mo na."
"Sige princess, let's talk later. Maiwan ko na muna kayo. Gab, ikaw muna bahala kay princess,
okay?"
"Ge."

Lumabas na yung kuya niya.

"Jin? Tutulungan mo pa din ako sa kanya diba?"
"Yea."
"Oo nga pala, kailangan ko na umalis. Bye!"

Tumakbo na ako palabas ng bahay nila at umuwi na. Pagdating ko ng bahay, nandun yung parents ni
Jin. Akala ko ba nasa ibang bansa sila? Baka bumalik na agad. Pero parang di naman to alam ni
Jin ah? Bakit kaya sila nandito?

"Hello Mr. and Mrs. Tan. Hinahanap niyo po ba si dad?" tanong ko
"Just call us tito and tita. No Gabriel, we are here to talk to you." -mom niya

Hala. Putek. Sana wag about dun sa kasal na sinasabi nila -___-

"Gab nalang itawag niyo sakin. Ano po ba yun?"
"Pwede mo ba kontakin lahat ng close friends ni Jin? Yung talagang malapit lang sa kanya. I
need to talk to them tonight and tell them na di to pwedeng malaman ni Jin."
"Sige po tita. Punta po muna ako sa room ko."

Pumunta na ako sa room ko. Grabe kinabahan ako dun ah. Nakahinga na din ako ng maayos. Kala ko
naman kung ano. Bakit kaya? Ano meron kay Jin? Sina Spencer, Steven at KL lang yung tinawagan
ko. Wala naman nang ibang kaclose si Jin na kilala ko din. Nagpalit na ako ng damit at bumaba
na.

Maya maya, nagdatingan na din naman sila. Pati kuya ni Jin at si Mafelle nandito na din. So
birthday niya pala bukas? Tungkol kasi dun yung pinagusapan namin. Gusto kasi siya sorpresahin
ng parents niya. Sana matuwa siya ng sobra para naman matabunan yung lungkot na meron siya
ngayon.
*******************************************
[15] CHAPTER 14.1: Bittersweet Sixteen (part 1)
*******************************************
CHAPTER 14.1: Bittersweet Sixteen (part 1)


Jin's POV

I woke up na malungkot pa din :( Hindi ko matanggap na wala na kame ni Zeke. It's my first time
na mabroken hearted. Ang hirap pala. In just accepting the fact that I'm madly inlove with him
and all this time, game lang yun? It really hurts me. But still, I want to know his
explanation. Aish. Bahala na. Hindi dapat ako malungkot kasi it's my sweet sixteen. Ay hindi
pala sweet. Bitter! Oo tama, bitter ako pero bitter-bitteran. Naligo na ako at nagprepare for
school.

"Zao shang princess. Here's your allowance and your phone." (zao shang- good morning)
"Thank you kuya. By the way, I'm going out with my friends later. Niyaya ako nina KL. Okay lang
ba kuya? Di naman kasi dadating sina Mommy ee. "
"Sure. Di ka naman na grounded."
"Really kuya? Is that the only reason?"
"Yea. Why? Should there be any other reason?"
"Wala naman po. Sige kuya. Alis na ako. Zai jian!" (zai jian-bye)

Feel ko mag chinese ngayon. Tss, wag na nga lang. Hindi bagay. Bakit ganun? Hindi ako ginreet
ni kuya and parang nalimutan niya kung ano meron ngayon. Lumabas na ako ng bahay at nagulat ako
sa nakita ko.

"Gab?"
"Nagulat ka ba? Good morning."
"Good morning din. Uh? Why are you here?"
"Susunduin ka. Mission mo diba?"
"Aish. Kala ko naman kung ano. Tara na nga."

Hinatid lang kami sa school ng driver niya. Oo, may driver siya. Sosyal! Hahaha! Nakarating na
kami ng school at kahit si KL, hindi man lang naalala. Parang ordinary day lang. Ang sama naman
nito. Natapos din yung buong day at uwian na. Gagala kami sa mall! Yippie!

"Jin-ah!!!" -KL
"Wae?" (wae?- why?)
"Happy birthdaaaay!" then she hugged me.
"Waaaah! Kala ko di mo na naalala bessy!"
"Ako? Makakalimutan yun? No!"
"Birthday mo pala?" -Spencer
"Ay hindi Spencer! Kaya nga siya ginreet diba?" -Steven
"Sabi ko nga. Happy birthday!" -Spencer
"Happy beerday! Haha!" -Steven
"Tutal birthday mo, next time nalang yung mission. Tara gala tayo, libre ko." -Gab
"Oi pre! Ikaw ba talaga yan? Daya naman! Hindi kami makakasama ni Spencer dyan. May
importantanteng lakad pa kami." -Steven
"Saan naman?" tanong ko
"Manchichicks! Joke lang. Para sa business ng parents namin. Importante talaga to Jin e.
Pasensya na, bawi na lang kami next time. Promise!" -Spencer
"Sure. Okay lang basta babawi kayo. Promise niyo yan. Edi pano yan? 3 na lang tayo?"
"Oo, tara." -Gab

Pumunta kami ng Greenbelt at kumain sa W Grill. Favorite ko talaga steak nila dito. Tapos may
bullride pa! Kaso pang gabi lang pwede. Bar kasi siya pag gabi na ee. May mga drinks din and
nagrequest ako ng isang shot ng tequila gold. Pumayag naman yung manlilibre tapos sila din ni
KL nag shot din. Galante pala tong si Gab.

"Tara. Punta tayo sa David's papaayusan kita Jin! Para hindi ka naman mukhang losyang! Bibilhan
na din kita ng shoes! Galante din ako ngayon ee. Kaya sulitin mo na" -KL
"Sigurado ka?" tanong ko
"Yea! Tara!" -KL

Pumunta na kami ng David's salon and nagpa-ayos na ako. Naka messy updo siya pero ang ganda
tingnan. Nilagyan na din ako ng make-up. Syempre, si KL nagpaayos din kaya naman paglabas
namin, pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Tara hanap na tayo ng gown! Pati ikaw din Gab, maghanap ka na!" -KL
"Para saan naman?"
"Kasi ganito. Jin, basta sshh ka lang ah. Wag mo sabihin kina Spencer and Steven to."
"Sure."
"Isusurprise ka sana nila ng engrandeng dinner sa isang hotel. That's the reason why di sila
sumama kasi inaayos pa nila."
"Di na surprise yon. Ang daldal mo e." -Gab
"Ee. Wag ka na mangealam Gab."
"Kaya naman pala. Nakakatuwa naman yun. Tara na nga, hanap na tayo."

Naghanap na ako ng gown and yung napili ko is gold na gown. Ang ganda kasi ee. May kamahalan
pero okay lang naman daw kay KL. Di lang naman daw kasi siya yung gumastos para dun dahil
pinagambagan nila yun. Si KL naman, black na gown yung pinili nya. Si Gab, tinernohan yung
sakin para daw may escort ako. Kawawa daw kasi ako. Namili na din kami ng shoes. Grabe super
enjoy tong day na to. Sagot naman nila lahat kaya okay lang. Sabagay. Rich kids.

Pagkatapos namin mamili, pumunta kami sa bahay nina Gab at nagbihis. Then piniringan nila ako.
Naramdaman ko na lang na nasa car na kame at nagstop na din. Andito na kami sa place.
Nakapiring pa din ako. Inalalayan nila ako and when they removed the blindfold and opened my
eyes, naamaze ako sa nakita ko.

"Wow! It's amazing." bulong ko.
"I'm glad you like it. I'm going to be your prince for today and you are my princess. Sh*t!
Panget. Di bagay. Di ko kaya magpakasweet. Tara na nga!"
"Okay na sana e. Binawi mo pa" sabay pout
"Wag mong gawin yan, hindi bagay sayo. Mukha kang duck"

Kumapit na lang ako sa braso niya. Konti pa lang yung tao. Halos puro kamag anak pa lang and
business partners nila yung nandito. Naggigreet lang sila sakin ng happy birthday then sina
mommy na yung kausap nila. Yea, andito na din sina mommy. Nakakatuwa. It really was a big
surprise. Ball yung theme. Parang debut lang.

Sina KL, Steven and Spencer, hindi ko pa nakikita simula nung natanggal yung blindfold ko.
Nagtingin tingin ako sa paligid.

"Hinahanap mo si Zeke?" tanong ni Gab
"No. I'm looking for KL. Have you seen her?"
"Wag ka magalala. Kasama nun sina Steven at Spencer. Mamaya pa sila makakarating."

Naglakad ako papunta kina mommy and I hugged them.

"Mom, dad. Thank you."
"I know you'll like it. Jin and Gab. Kayo na muna magwelcome sa mga bisita." -mommy
"Sige po tita" -Gab

Pumunta na kame dun banda sa entrance. Nagstart na din magdatingan yung mga schoolmates ko.

"Jin!" -KL
"Hi bessy! Tagal mo dumating!"
"Di naman e. Kawawa si Steven. Walang partner." -KL
"Oo na! Ako na walang partner. Abangan nyo. Magkakagirlfriend din ako." -Steven
"Edi Spencer, partner kayo ni KL? Ayiiie!"
"Oo. Kasi pag di ako pinartneran neto, lagot siya sakin! Ayaw kasi ni Steven e!" -KL
"No choice ako! Napilitan" *pak!* "Sh*t! Ano ba?! Nasisira look ko e!" -Spencer
"Ayan napapala mo! Napilitan?! Ikaw. Tss. Gustong gusto mo nga ata e." -KL
"Hindi kaya ikaw yung may gusto bessy?" pangaasar ko kay KL
"Shut up Jin! Haha! Tara na nga! Later ulit bessy" -KL

Umalis na sila. Ang daming bisita. Yung iba, di ko naman talaga kilala kasi kilala ko lang sila
sa mukha. Pero okay lang. May mga dalang regalo naman sila e.

"Zeke?!" -ako
"Happy birthday Charel" then he hugged me.
"Uh. Thanks. Hi Mika."
"Hi. Happy birthday." tas nakipagbeso beso siya sakin tapos bumulong "infairness, di mukhang
cheap yung party mo."

Ngumiti nalang ako. Pilit na ngiti. Nakakabwisit. Magpartner si Mika and Zeke.

"Sige Jin. Mauna na kami." -Mika
"Chill Jin" bulong sakin ni Gab
"Yea. Sure."

Nagpatuloy lang kami ni Gab sa pagwewelcome ng mga bisita. Then nung mga 7:30. Pinapunta na
kami ni Mommy dun sa may harapan.

"This party is a celebration of three reasons: the 16th birthday of my daughter Charel, the
partnership of Tan and Teppei Corporation and the possible engagement of my daughter Charel to
Gab, the son of Mr. Teppei. Hope you'll enjoy the party." -mom

Nagulat ako dun. Ako engaged?! With Gab?! NO! Halatang sina KL pati yung mga bisita ay nagulat
sa narinig nila. Nakakahiya naman oh >___<

"Wala akong alam dito" bulong sakin ni Gab.

Medyo lumayo muna kaming dalawa ni Gab at pumunta kami sa garden para walang tao. Nasa pool
side kasi yung party.

"Bakit ganun Gab? Hindi dapat ganito. Gawan mo ng paraan. Tutal possible pa naman na hindi
matuloy."
"Susubukan ko. Wag mo nalang isipin yun."
"Thank you Gab. May kabaitan ka din pala ano?" sabay yakap sa kanya
"Sinasabi mo ba na hindi ako mabait?! Nang-iinsulto ka ba o nagpapasalamat?"
"No. I'm saying thank you. Haha. Wag ka muna kumalas. Feel ko pa ee."
"Ingat ka, baka mainlove ka sakin nyan. Haha!"

Kakalas na sana ako sa pagkakahug pero hinigpitan niya naman pagkakahug niya sakin.

"Ehem."

Kumalas na kaming dalawa sa pagkakahug at napatingin kami dun sa nagsalita.

"Nakaistorbo ata kami. Sorry uh." -si Mika. Kasama niya si Zeke.
"Okay lang" -Gab
"Ang bilis mo naman pinalitan si Zeke." -Mika
"Don't act like alam mo yung nangyayari. At una palang, hindi ako yung nang-agaw ng boyfriend
ng iba." sagot ko na ikinainis niya naman
"Charel, can we talk? Gab, pahiram muna ako sakanya for a while." -Zeke
"Siguraduhin mo lang na ibabalik mo siya sakin ng maayos. Kung hindi, alam mo na ang
mangyayari" -Gab
"Ee pano kung bawiin ko siya sayo?" -Zeke
"Tingnan na lang natin" -Gab

Lumayo na kami ni Zeke sa kanila. Naiwan silang dawala ni Mika doon. Kailangan na gumawa ng
move ni Gab kay Mika. Kami naman ni Zeke, pumunta sa room ko.

"So, you're engaged?" tanong ni Zeke
"Uh, not really."
"I'm sorry Charel."
"Ganun lang ba kadali yun para sayo Zeke? I'm sorry? All this time, game lang pala para sayo
yun. Bakit mo ginawa sakin yun? Naguguluhan ako. I want to know the reason."
"Alam kong di madadala sa sorry lahat ng ginawa ko pero sincere ako sa pagsosorry ko Charel.
Ayoko na sabihin yung reason kasi lalo ka lang masasaktan."
"Zeke, I'm begging you. Tell me the reason. Saktan mo na ako kesa naman umasa pa ako na pwede
pa. I don't want to let you go Zeke."
"Jin. You should let go. Gusto mo malaman lahat? Sige. Siguro nga nagustuhan kita kahit papano.
Nageenjoy ako kasama ka pero all this time, hinihiling ko na sana ikaw si Mika."

Pinilit kong ngumiti kahit naiiyak na ako.

"So, she's the reason huh?"
"Yes. I'm sorry Jin. It all started with a bet. If I will be able to be with you for a year,
she will let me court her. At first, laro laro lang yun sakin pero habang tumatagal nagustuhan
kita pero alam kong hindi dapat dahil ayokong masaktan ka ng sobra. Kaya nung mga summer na,
sinimulan ko na dumistansya sayo para masanay ka na. I'm really sorry."
"Thank you Zeke for telling me the truth. Sabi nila, pag mahal mo ang isang tao, you should
fight for it. I want to. So tell me, are you happy being with her? Coz if you are, I'm letting
you go. Even though I'm happy being with you."
"I am happy."
"So, that's it. I'm letting you go Zeke Fraser Lopez. Thank you for everything. Basta, I'm
still here for you. I'm still hoping that someday, may chance pa din tayo."
"Thank you Jin. I'm so sorry for everything."
"It's okay. At least malinaw na sakin ang lahat. Can I hug you? For the last time?"

Niyakap niya naman ako. Mga 5 minutes din kaming ganun. Gusto ko lang din sulitin yung moment
with him. Tuloy tuloy lang akong umiiyak. Masakit kasi ee. But I need to let go kahit gaano pa
kahirap yun.

"Magayos ka na, para makababa na tayo. Mananagot ako sa fianc mo nyan e." -Zeke
"Kasalanan mo kaya to Zeke!"

Nag-ayos naman na ako at bumaba na kami pabalik ng garden.

Gab's POV

Naiwan kami ni Mika dito sa garden pero parehas kaming hindi nagsasalita.

Naaawa ako kay Jin kasi sinaktan siya ng gag*ng Zeke na yun. Mabait siya masyado. Hindi ko nga
alam kung paano niya kinakaya e. Alam kong pinipigilan niya lang na umiyak at alam kong
nasasaktan siya ng sobra. Yun na din ang dahilan kaya ko siya pinoprotektahan. Tutal, kaibigan
niya naman ako.

"Gab nga pala."
"Ow. hey, Jin's fianc huh? Well, goodluck with her."
"Hindi ko siya fiance. Hindi ko nga gusto yun."
"Really? You sure with that? Sa nakita namin, mukhang nagkakadevelopan na kayo."
"Wala yun."
"Talaga lang huh? Okay."
"Boyfriend mo si Zeke?"
"No, he's courting me and I have no plans naman na maging girlfriend niya for now. Ikaw? Do you
have a girlfriend?"
"Wala."
"I can be. Haha." Sabay lapit sakin.
"Pinagloloko mo ba ako?"
"No. You can court me if you want to. But in one condition. You like me, don't you?"
"Hindi naman pero kailangan kita. Ano yun?"
"Ligawan mo si Jin then bigla mo na lang siya iwasan. I really love seeing her suffer and
getting everything that she have. Hahaha!"
"Fck! Wag mo ako igaya kay Zeke na nadadaan sa ganyan. Gusto sana kita kaso sa ugali mong yan,
wag nalang. Tigilan mo na si Jin!"
"Whatever. But still, if you need me. That will be my condition."

Sh*t! Ang sama pala ng ugali ng babaeng to. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw ni Jin sa kanya.
Kailangan ko din protektahan si Jin sa kanya.

"Pabalik na sila. Satin lang napagusapan natin ah? Nice meeting you Gab."

Pabalik na sina Jin dito. Pagdating nila, umalis na din agad sina Zeke and Mika.

"It's over Gab. How about you? Mukhang nagkausap na kayo ni Mika. How is it?"
"Hindi ko siya gusto. Mukhang kailangan nating subukan."
"Whaaat?! Ee Gab. Akala ko gagawa ka ng way."
"Hindi na. Magingat ka sa kanya. Guguluhin niya buhay mo"
"Really? Dont worry. Hindi ako magpapaapi no!"
"Buti naman. Umiyak ka ano? May ginawa ba siyang masama sayo?!"
"Wala Gab. Okay na kami. I let go of him. Okay na yun. Sige Gab, let's try if magwowork. I
really need someone who will be with me right now. Tara na?"
"Thank you Gab. For everything." bulong niya.

Bumalik na sa pool area. Nagsisimula na kumain yung mga bisita kaya umupo na din naman kami
para makakain.

"Ako na lang kukuha ng pagkain natin." Sabi ko
"Sige. thanks!"

Kumuha na ako ng pagkain at dinamihan ko yung pagkain niya. Kailangan niya magpataba kasi
nangangayayat na siya. Sa totoo lang, sexy siya pero mas bagay sa kanya kung may mga taba din
siya sa katawan.

"Oh. Ubusin mo yan."
"Are you serious?! Ang dami kaya nito!"
"Kainin mo na lang. Kapag hindi mo yan naubos, lagot ka sakin."
"Why? What will you do?"
"Hahalikan kita."
"Di mo kaya yun! Oi ikaw ah! Di mo ko madadala diyan sa pananakot mo!"
"Kaya ko"
"Gab, nakakahalata na ako. Pinagnanasahan mo ako ano?"
"Spell ASA Jin? Basta, kailangan mo ubusin yan!"
"Tss. Oo na. "

Kumain na kami. Halos maubos niya na din yung food niya. Ako naman naubos ko na.

"Gab, busog na ko. Di ko na kaya. Busog na busog na ko."
"Kunwari ka pa. Gusto mo lang ng kiss. Magsabi ka lang kung gusto mo, pagbibigyan naman kita"
*pak* "Sh*t! Bakit mo ko binatukan?!"
"Ang hangin mo e! Asa ka naman na gusto ko. Tss. To prove you na hindi, uubusin ko to. But
still, in one condition."
"Ano?"
"Samahan mo ako uminom mamaya."
"Ng tubig? Eto oh. Sabay tayo uminom."

Tiningnan niya naman ako ng masama.

"Oo na. Alam ko na kung ano yung gusto mo. Sige, kahit di mo na ubusin yan, okay lang.
Sasamahan pa din kita."
"Good. Haha!"
"Tonight, we will start opening the gifts for the birthday celebrant. We chose 16 people who
are really close with Charel. Let us start with her bestfriend Kylie." -MC

Pumunta naman si KL dun sa harapan.

"Bestfriend! Hello! Well, eto gift ko sayo. Puppy! Haha! Alagaan mo ito ah? I know you like
pets. Ikaw na din bahala sa name. I love you!"

Sumunod naman si Spencer na binigyan siya ng sapatos at si Steven na binigyan siya ng pabango.
Napasama naman si Zeke na binigyan siya ng kwintas.

Ako na ang sunod kaya pumunta na ako sa harap.

"Jin, gagampanan ko na talaga ang pagiging fianc mo. Eto oh, kabayo na stufftoy. Eto naisip ko
na ibigay sayo dahil nung sinipa mo ko para kang kabayo. Ang sakit. Haha!"

Binigay ko naman sa kanya yung stufftoy at umupo na ulit.

"Gab. Ang sama mo!" sinuntok niya ko sa braso "Sabihin ba naman yung tungkol dun?"
"Ganun talaga maganda kong fiancee"
"Pinanindigan na talaga ah? Well, paninindigan ko na din. Wala namang masamang itry."
"Ge"

Nagtuloy tuloy lang magbigay ng regalo sa kanya at yung parents niya yung nahuli.

"Baby, our gift for you is not here. Just check it outside later okay?" -tito
"Here's the key Charel." -tita

Mukhang kotse yung regalo nila sa kanya.

"Thank you mommy and daddy!"

Pumunta naman siya dun sa harap at nagsalita.

"Thank you for all of the gifts, I really appreciate your efforts."

Pagtapos nun, nagstart na yung sayawan. May iba din na nagiinuman na. May mobile bar kasi dito.
Madami na din nag-uuwian. Halos puro galling sa school naming yung natira pero madami pa din.
Bigla namang nag slow dance.

"Charel, let's dance" -Zeke
"Sure."

Ang extra talaga ng lalaking to. Eto namang si Jin pumayag. Pinapanood ko lang sila.
*******************************************
[16] CHAPTER 14.2: Bittersweet Sixteen (part 2)
*******************************************
CHAPTER 14.2: Bittersweet Sixteen (part 2)

Jin's POV

Eto ako, niyaya ni Zeke sumayaw. Ako na ata ang pinaka masayang tao tonight sa Earth. I want
him to be my first dance and luckily, siya nga. Kasayaw ko siya ngayon. Ang saya saya ko
talaga. Nakapatong yung kamay ko sa shoulders niya and yung kamay niya nasa waist ko. I'm
really enjoying this moment. Kahit papano, nakumpleto ang birthday ko.

"Can I kiss you?" tanong ni Zeke
"Um, sure."

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. I don't care kung ano pa man yung sabihin nila. I want
this and maybe this will be the first and last time that he'll kiss me. First time niya ginawa
sakin to.

"Thank you Charel."
"For what?"
"For everything. Inspite of what I have done, you're still accepting me. I'm sorry. Make that
kiss serve as goodbye."
"No Zeke. Don't say goodbye. I'm still hoping na marerealize mo din na mahal mo ako, na tayo
talaga, na ako lang at hindi si Mika."
"Jin, I'm really sorry pero siya talaga. I tried to love you but it's no use."

Hinawakan niya yung mukha ko. Naiiyak na kasi ako :'(

"Don't cry Jin. You deserve someone better than me"
"Tama. I deserve someone better than you but you are my happiness. I love you. Desperate na
ako. I want you back. Promise, magiging mas okay na girlfriend ako sayo."
"Sorry Jin. Soon, you'll be able to move on and you'll realize that I'm right. Makakahanap ka
pa ng mas better sakin. Trust me Jin."
"But Zeke.."
"Enough of this. Wag mo sayangin yung luha mo sakin. Be with Gab. I know na aalagaan ka niya.
Tara."

Then hinand over niya naman ako kay Gab.

"Pre, ikaw na bahala sa kanya. Alagaan mo siya." -Zeke
"Wag ka magalala. Di ko gagawin sa kanya yung ginawa mo." -Gab.

Umalis na si Zeke at sila naman ni Mika yung sumayaw. They really look good together.

"Let's dance?" -Gab
"Sure."

Sumayaw na kami ni Gab. Slow dance pa din naman. Habang sumasayaw kami, tinititigan ko si Gab.
Gwapo naman si Gab kahit lagi siyang seryoso. May mga piercings kasi sa tenga kaya napagkamalan
ko na gangster. Si Zeke kasi, more of a cutie type.

"Natutunaw ako."
"Ang yabang mo! If I know, naiilang ka lang din kasi ang ganda nung kasayaw mo. Kanina ka pa di
mapakali dyan."
"Oo, naiilang ako kasi ngayon lang ako sumayaw ng ganito"
"Hahahahahaha! Seryoso ka?! Weh? Di nga?"
"Oo. Wag mo nga akong pagtawanan"
"Hindi kasi kapani paniwala e! Kaya pala hindi ka mapakali dyan."
"Tss. Musta pala kayo ni Zeke. Nakita ko yung ginawa niyo kanina"
"Wala yun. Goodbye kiss lang naman yun. Wala na kame but I'm still hoping na may chance pa kaso
malabo na daw. Bahala na. Magmomove on na ako. Ayoko na umasa. Masasaktan lang ako."
"Buti naman at naliwanagan ka na"
"Yea. Uh Gab, tara na. I dont like what I'm seeing"

Gab's POV

Napatingin ako dun sa kung saan siya nakatingin. Hinalikan kasi ni Zeke si Mika habang magkayap
sila. Hindi man lang sila nahiya -___-

"Tara. San mo gusto pumunta?" tanong ko
"Sa drinks station. Diba sabe mo sasamahan mo ako?"
"Ge"

Pagbibigyan ko na lang muna siya ngayon. Tutal nandito naman kami sa bahay nila kaya okay lang
na malasing siya. Ako na lang bahala magpaliwanag sa parents niya. Puro tequila yung iniinom
niya at ang dami niya na ding nainom.

"Jin, tama na yan."
"Gab, pagbigyan mo ako magpakalasing. Ngayon lang. Ang sakit sakit ee. Di ko na kaya. Don't
they look good together? Bagay talaga sila."
"Jin."
"Gab, bakit ganun? First time ko mainlove at sa wrong guy pa? Ayoko na. Bwisit lahat ng mga
lalaki! Manloloko silang lahat! Ang malas ko talaga! San ba ako nagkulang Gab? Ginawa ko naman
lahat to make him happy"
"Jin. Siya yung may problema."
"I don't know Gab. Ayoko na mainlove! Bwisit kayong lahat na mga lalaki!"
"Wag mo lahatin. Hindi ako kagaya nila"
"Tss. Wala kayong pinagkaiba! Mabait lang kayo tapos sasaktan niyo din kame."
"Hindi lahat Jin. Papatunayan ko sayo yan. Poprotektahan kita sa kanila. Sisiguraduhin ko na
wala nang mananakit pa sayo."
"Thank you Gab for being my friend."
"What happened to my sister Gab? Why is she crying?" -Axel
"Kuyaaa! Bakit mo siya pinaiyak? Mahiya ka naman!" -Mafelle
"Iniiyakan niya si Zeke. Wag na kayo magalala"
"Dont worry kuya. I'm okay" -Jin
"Maiwan na namin kayo. Ikaw na bahala sa kanya Gab" -Axel
"Oo nga kuya! Alagaan mo si Jin!" -Mafelle
"Ge"

Lumayo na sila. Uminom lang ulit si Jin. Pinipigilan ko pero ayaw niya naman magpapigil kaya
pinabayaan ko na lang.

"Bessy! Okay ka lang?! Gab, ano nangyari dito?" tanong ni KL
"Nagpipilit uminom kaya pinagbigyan ko na."
"Oi ikaw Gab! Mamaya may masama kang binabalak dyan ah!" -Steven
"Di ako kagaya mo Steven. Wag mo ako itulad sayo." sagot ko
"Oo na! Binibiro ka lang. Pashot na din!" sabi ni Steven sabay shot.
"Buti pa ako, di umiinom." -Spencer
"Aba, dapat lang! Lagot ka sakin pag uminom ka!" -KL
"Pasimple ka pa pre! Umiinom ka din naman. Wag na mahiya." -Steven
"Oh KL. Inom ka na din. Ikaw din Spencer."

Inabutan ko sila ng shot glass. Uminom din naman sila.

"Guys, let's dance! Woohoo! Haha! Let's go Gab!" -Jin.

Nagpacute pa siya. Hinila niya naman ako. Muntik pa siya matumba kaya inalalayan ko.

"Guys, let's dance! The song is really good! Party Party! Woohoo! " -Jin.

Pumunta na kami dun sa dancefloor. Sina Spencer, Steven and KL sumunod na din naman. Sumasayaw
lang si Jin. Naging alalay pa ko dito kasi baka bigla siyang matumba -___- Sabihin pa nila na
hindi ko to binabanatayan. Managot pa ako sa kuya neto.

"Gab, thank you for always being there when I need you."
"Ge. Ganyan ka ba pag nalalasing? Nageenglish?"
"I'm not drunk. I just want to speak english. Who cares anyway?"
"Gab! she's already drunk. Ipasok mo na kaya siya? Nageenglish na oh. Ganyan kasi yan pag
lasing na." - KL
"I'M NOT DRUNK!!" -Jin
"Tara na sa loob, Jin."
"No, I don't want to. Let's party! Can't you see? I'm enjoying this. Don't be such a killjoy,
okay?"
"Ge"

Pagbigyan ko na nga. Mukhang kaya niya pa naman. Nakayakap siya sakin ngayon.

"Uh. Gab. I want to.. Hihi. I really want to uh.."
"Ano?"

Nilapit naman niya yung mukha niya ng sobrang lapit sakin.
*******************************************
[17] CHAPTER 15: Birthday
*******************************************
CHAPTER 15: Birthday


Jin's POV

Nagising ako dahil may nagbukas ng bintana. Ang sakit sa mata ng sinag ng araw! Nakahiga at
nakapikit pa din ako ngayon.

"Pasara ng bintana kuya! Matutulog pa ako. Teka, anong oras na ba?"
"Kuya ka dyan! Hoy Jin! 10:30 na!"

Shizz! 10:30 na pala. Whaaat?! 10:30?! May pasok pa ako! Bigla akong napabangon.

"10:30?! Late na ako! Argg! Sakit sa ulo! Hoy Gab! Bakit ka nandito?"

Humiga na lang ako ulit. Ang sakit ng ulo ko. Marami ata akong nainom. Ang naaalala ko lang,
sumayaw kami ni Gab after kong uminom.

"Hindi ako umuwi ng bahay. Dito ako natulog. Badtrip ka kasi! Wag na daw tayo pumasok sabi ni
tita"
"Ako pa nakakabadtrip ah?! Wala nga akong ginagawa sayo dyan! Ikaw yung nakakabadtrip! Ang aga
aga ginugulo mo tulog ko! E hindi naman pala tayo papasok!"
"Oo! Ikaw naman talaga! At ako pa ha?! Ayos ka din e no?! Pagtapos mong sukahan yung damit ko
kagabe ikaw pa may gana magalit?! Hoy babae! Bagong--"
"Sinukahan kita?!"
"Oo!"
"Wait! Hindi ko maalala! Kwento mo!"
"Ayoko nga! Maiinis lang ako!"
"Pwede naman di magsigawan diba? Sigaw ka ng sigaw dyan! Sige na kwento mo na! Pati yung mga
iba pang nangyari kagabe"
"Parang ikaw hindi sumisigaw ah?! Sige na nga. Putek! Nakakarindi ka!"

*flashback*

Gab's POV

"Uh. Gab. I want to..Hihi! I really want to uh.."
"Ano?"


Nilapit naman niya yung mukha niya ng sobrang lapit sakin.

"I want to--"

Sh*t! Putek! T*ngna! Kung sineswerte ka nga ba naman oh! Sinukahan ba naman ako! Bullsh*t!
Kadiri! Tumakbo papunta samin si Axel at binuhat niya si Jin.

"Aish. Sorry about my sister. Tara, pumasok ka na din at magbihis." -Axel

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Pumasok din sina Mafelle, Steven, Spencer, at KL. Yung kuya
naman ni Jin, dinala na siya sa kwarto niya at pagbaba niya, may dala na din siyang polo at
pants.

"KL, pakitulungan naman ako kay Jin. Ikaw na bahala magbihis sa kanya." -Axel
"Sige kuya."
"Gab oh" sabi ni Axel sabay abot sakin ng damit
"Salamat pre."

Nagbihis na ako at bumalik na sa party. Sina KL naman, bumalik na din. Natutulog na daw si Jin.
Hindi pa kasi tapos yung party. Magkakasama kami ngayon nina Steven, Axel at Spencer at
nagiinuman kami. Sina KL at Mafelle naman, sumasayaw.

"Hiroshi, alis na kami." -Zeke.
"Ang g*go mo Zeke! How dare you do that to my sister?!" sabi ni Axel sabay suntok kay Zeke
"Minahal ka niya! Pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo siya! At ang lakas pa ng loob mo pumunta
dito sa bahay!"

Susuntukin pa sana ulit ni Axel si Zeke pero inawat na namin siya. Tumayo na din naman si Zeke
at inalalayan naman siya ni Mika.

"Hiroshi. I'm sorry. I know I deserve this. Don't worry, iiwasan ko na siya" -Zeke
"Dapat lang! Wag na wag mo nang guguluhin ang buhay niya!"

Pagkatapos nun, umalis na sila ni Mika. Nagtuloy tuloy lang kami sa paginom hanggang sa may mga
tama na kami.

"Oh mga pre! Uwi na ko! May amats na e!" -Steven
"Ako din!" -Spencer
"Sige mga pre. Sa susunod ulit!" -Hiroshi

Nagsialisan na sila. Si KL, sumabay na kina Spencer. Si Mafelle naman, sumabay pauwi sa dad ko.
Nagsiuwian na din kanina yung iba pang mga bisita.

"Oi Gab, dito ka na matulog ah." -Axel
"Ge"

Pumasok na kami sa kwarto ni Hiroshi at doon ako natulog.

*end of flashback*

Jin's POV

Ano ba naman yung nagawa ko? Nakakahiya >___<

"Sorry Gab! Hindi ko sinasadya."
"Ge, okay lang. Pasalamat ka fianc kita. Kung hindi, magagalit ako sayo."
"Tss. Para namang ginusto ko maging fianc mo! Feel mo na ano?"
"Diba nga paninindigan na natin to?"
"Yup. Pero Gab, it will still be Zeke. Sobrang mahal ko siya."
"Alam ko. Dont worry, hindi naman kita gusto. Tinutulungan lang kita"
"Thank you Gab."
"Eto na si Kabs oh."
"Ano yung Kabs?"
"Kabayo! Hahaha!"

*pak!*

Tawanan daw ba ako? Sinapak ko nga -___-

"Sh*t! Bakit mo ko sinapak?"
"Sinong kabayo?!"
"IKAW! Hahaha!"
"Sige tawa pa! Bwiset! Dyan ka na nga! Nakakainis ka!"

Lalabas na sana ako ng kwarto nun pero hinila niya ko.

"Joke lang. Sige, di ka na kabayo. Iba na lang tatawag ko sayo. Nagsstart sa letter H"
"Ee ano?! Horse! Bwiset! Dyan ka na nga! Ang aga aga sinisira mo araw ko!"
"Horse daw oh! Hahahaha! Pfft. Honey dapat yun e! Hahahaha!"

Nakakabanas! Makalabas na nga ng kwarto. Maiwan ka dyan! Lumabas na ako ng room ko at dumeretso
sa kitchen. Kumuha ako ng gamot para sa sakit ng ulo at ininom yun.

"Ui kabs!"
"Tsk. Bahala ka dyan"
"Sige na, di na. Babe na lang tatawag ko sayo."
"Ayoko ng babe. Jin itawag mo sakin. Yung babe kasi pang baboy. Di ako baboy."
"Ge, kabs na lang! Hahaha!"
"You wanna die? You gangster!"
"Sh*t! Wag na wag mo kong tatawaging gangster!!"
"Gangster! Gangster! Gangster! Gang--"

Bigla niya ko hinila papalapit sa kanya. Konti na lang layo ng mukha namin sa isa't isa at
nakahawak siya sa mukha ko.

*lub dub. lub dub. lub dub*

"Sinong gangster?"
"Wala po"
"Wala ka pala e. Wag mo kong tawaging gangster at hindi na din kita tatawaging kabs. Sa susunod
na tatawagin mo akong gangster, hahalikan kita"
"Oo na."

Pumunta na siya sa sala. Sumunod na lang din ako dun. Masyado siyang at home ah?

"Jin, birthday ni Steven sa Sunday. Magpapakain siya. Punta tayo"
"Sa sunday agad?! Magsasabi muna ko kina mama."
"Ipinagpaalam na kita, pumayag na."
"Ow. Thanks. Ano gift natin sa kanya?"
"Di na kailangan ng regalo nun. Wag mo na isipin yung regalo."
"Ah. Okay"

*July 2: Steven's Birthday

Steven's POV

Birthday ko na naman. Wish ko? Maging girlfriend ko siya. Sino siya? Si Jeraldine Tan.
Kamaganak ba to ni Jin? Parehas sila ng apelyido e. Napaka hard-to-get kasi nito.

Papunta ako sa bahay nila ngayon. Susunduin ko siya. Ipapakilala ko kasi siya kina Gab. Tutal,
mamayang gabi pa naman yun, makakapagdate pa kame. Tinawagan ko naman siya dahil nandito na ako
sa labas ng bahay nila.

[ oh bakit na naman? ]
"Labas ka. Andito ako sa labas ng bahay niyo"
[ Sige. Wait ]

Binaba niya na. Ang tagal lumabas! 5 minutes na oh! Siguro nagpaganda para sakin!

"Pasok." -Jeraldine

Pumasok na ako sa bahay nila at umupo sa sofa.

"Pupunta ka mamaya ah?" -ako
"Eh kung ayoko?"
"Papakidnap kita. I really want you to be there babe."
"Babe mo mukha mo! Dun ka na sa mga chicks mo. Wag mo na ako isama sa kanila. At ako?!
Papakidnap mo? You must be kidding."
"I'm serious."
"I know you can't"
"I can."
"You can't"
"I can. Bahala ka. Mamaya nasa room na kita."
"Tss. Whatever. Kaya ko naman ipagtanggol sarili ko kaya you can't."
"Tingnan na lang natin"
"Okay. Basta ayoko pumunta. Tinatamad ako e."
"Edi wag. Basta be prepared. Okay. Alis na ko uh. Bye sweetie!"
"Lul! Wag mo ko tawaging sweetie! Alis na nga!"
"Pwede magblush! Haha."
"Asa ka namang kinikilig ako! Just go."
"Okay."

Umalis na ako. Tindi ng babaeng yun. Kakaiba siya sa mga naging girlfriend ko. Hindi kasi siya
nagpapadala agad sa mga sinasabe ng mga lalaki. Yung iba kasi, landiin mo lang, bumibigay na.
Kaya niya din ipagtanggol yung sarili niya.

Pagdating ko ng bahay, tinawagan ko yung mga tropa ko at pinapunta sila dito sa bahay.
Magpapatulong ako sa kanila kay Aine. Hindi siya madala sa matinong usapan kaya gagawin ko na
lang yung ayaw niya. Tinawagan ko din si Jin para magdala ng damit para sa kanya dahil baka
nakapambahay lang na damit yun.

2 o'clock na ng hapon. Nandito na kami malapit sa bahay ni Aine. Ipapakidnap ko siya.
Nasaktuhan pa na nasa labas siya ng bahay. Pinatulog na lang siya ng mga kasama ko dahil
pumapalag siya. Dinala lang naming siya sa guest room ng bahay ko. Pagkatapos naman nun,
pumunta ako ng mall para mag grocery at saka naman bumalik sa bahay at nakita ko naman na
gising na siya.

"Sabi ko sayo, kaya ko"
"Whatever. Kung hindi ako pinatulog, hindi nila ko kakayanin."
"Basta wag ka aalis dito kahit ngayon lang"
"Oo na"
"Mag pool party nalang kaya ako?"
"Wala akong dalang damit"
"Edi bili tayo"
"Wag na. Punta nalang tayo sa bahay namin para makakuha ako ng damit"
"Sige"

Pumunta kami sa bahay nila at bumalik din kami agad. Hindi ko inaasahan na papayag din siya.
Siguro pinagbigyan niya na lang din ako. Tinawagan ko na din naman sina Gab na magdala ng damit
nila pagpunta nila dito. Pagbalik namin, nagsimula na din naman silang magdatingan.

"HAAAAPPY BIRTHDAY TO YOU!"

Nagswimming lang kami. Si Jeraldine naman hindi pa nagbibihis. Si KL at Jin naman yung nagihaw
ng barbeque.

"Babe! Bihis ka na!" sigaw ko
"Ayoko nga! Pagpapantasyahan mo lang katawan ko e"
"ASA ka!"
"Okay"
"Ui, sorry na!"
"Bahala ka sa buhay mo! Dun ka na sa mga chicks mo!"
"Selos ka?"
"No. Why would I?"
"Guys! Si Jeraldine nga pala, girlfriend ko"

*boog*

"Anong girlfriend ka diyan?! Hi guys, Im Jeraldine. Just call me Aine" pagpapakilala niya
"GIRLFRIEND KA NI STEVEN?!!"
"Hindi ah! Hoy Steven! Sabihin mo nga kung ano mo ko"
"Siya yung nililigawan ko"

Halata naman na nagulat siya sa sinabi ko. Nabigla ata? Akala niya siguro lahat ng ginagawa ko
sa kanya laro laro lang.

"Tigilan mo ko Steven!" -Aine
"Sinasabe ko lang naman yung totoo ah?" sagot ko
"AYIIEEEE!" pang aasar nila
"Bahala na. Sige guys, bihis muna ko" -Aine.

Pumasok lang naman siya ng bahay at pagbalik niya, bihis na siya.

"Babe! Mamaya na kayo magluto. Swimming na din kayo! Ikaw din Aine!" -Spencer
"Sige babe! Later na lang. Tapusin muna namin to. Paubos na e!" -KL
"Luto na pala e! Tara kain! SUGOD!" -ako

*pak!*

"Anong kain? Mamaya na kayo kumain pag luto na lahat! Lugi ako! Tatakaw niyo e!" -KL
"Oo nga! Ang tatakaw niyo! Mamaya na kayo kumain" -Jin

Naghintay lang naman kami matapos yung niluluto nila at nagsikain na.

"Ang lalakas niyo talaga kumain" sabi ko
"Nagsalita ang hindi!" -Gab
"Oo na!" -ako

Pagkatapos kumain, nagswimming na kaming lahat.

Pansin ko na may kakaiba kina Spencer at KL. Babe ba naman tawagan? Sina Gab at Jin naman
nagbabasaan. Ang saya nila ah? Sana ganyan na lang din kasi kami ng babaeng to kaso malabo ata
yun -___-

"Tara mga pre! Inom tayo" pagyayaya ko
"Okay ka lang Steven? May pasok pa kaya tayo bukas" -Jin
"Di naman tayo magpapakalasing e"
"Hoy kabayo! Wag mo na balaking uminom! Pahirap ka e!" -Gab
"Oo na! Papapak nalang kami ng pulutan niyo"

Nagsimula na din naman maginuman. Beer lang naman to at isa pa, konti lang binili ko. Alam ko
namang may pasok pa kami bukas.

"Hoy Spencer at KL. Kayo na ba?" tanong ko
"HINDI AH!!" pagdedepensa nilang dalawa
"Ano yung babe?" tanong ni Gab
"Oo nga bessy" -Jin
"Ah, eh wala yun. Trip lang namin" -KL
"Oo na lang" -Gab
"E ikaw Gab? Ano na nangyari dun sa dare namin sayo?" -KL
"Eto sinisumulan ko pa lang" -Gab
"Kanino? Diba ayaw mo na kay Mika?" -Jin
"Ganun na nga" -Gab
"Si Mika pala type mo pre e! Pano ba yan? Mukhang hindi mo magagawa yung dare?"
"Diba nga sabi ko sinisimulan ko pa lang?" -Gab
"Kanino nga?" -Jin
"Ang manhid mo Kabs! edi sayo!" -Gab

Hindi na nagsalita si Jin pero napansin ko na namula siya.

"Waaaah! Bessy! Ikaw pala gusto ni Gab e!" -KL
"Ewan!" -Jin
"Ui kinikilig na yan!" pangaasar ni Spencer
"Di kaya!" -Jin
"Pwede sumali?" -Aine
"Sure babe!" sagot ko
"Ikaw Aine? Kailan mo sasagutin si Steven? Saktong sakto oh. Birthday niya! Birthday gift mo na
sa kanya yun!" -Spencer
"Nanliligaw ba? Hay nako guys! Di nanliligaw yan! At kahit manligaw man, ayoko. Dun na siya sa
mga babae niya" -Aine

Sakit nun men. Ganun ba talaga tingin niya sakin? Babae kaya yung lumalapit sakin. At isa pa,
seryoso ako sa kanya.

"Nanliligaw ako. Manhid ka lang talaga"
"Nanliligaw naman pala!" -Gab
"Tigilan niyo na nga to guys!" -Aine

Nagpatuloy lang kami sa pag-inom hanggang sa maubos lahat ng beer na binili ko. Nagsibihis na
din sila kasi gabi na at kailangan na nila umuwi.

"Sige mga pre! Uwi na kame ni Kabs!" -Gab
"Kabs ka dyan!" -Jin
"Jin pala" -Gab
"Kami din ni babe uuwi na" -Spencer
"Thank you Steven ah? Happy birthday ulit" -KL
"Sige guys. Bye! Nice meeting you. Til next time" -Aine
"Ge pre. Salamat sa pagpunta"
"BYE!" -sila

Kami na lang ni Aine yung nandito ngayon. Time ko na to para kausapin siya.

"Tayong dalawa na lang nandito oh"

*pak*

"Oi Steven Santos! Kung ano man yang binabalak mo, tigilan mo na! Wag mo ako itulad sa mga
babae mo!"
"Niloloko ka lang e. Galit agad. Joke lang babe. Pahug nga!"
"Sapak gusto mo?"
"Kiss. Sige boss. Hindi na"
"Gusto ko na umuwi, hatid mo na ako"
"Gusto mo lang ako kasama e!"
"Kikindat kindat ka pa diyan! Gusto mo tusukin ko yang mata mo?!"
"Okay lang. Basta ba aalagaan mo ko pag nabulag ako"
"Bwiset! Kung ayaw mo ako ihatid, edi wag! Ang dami mo pang satsat! Uuwi na lang ako magisa!
Dyan ka na nga!"

Kinuha niya naman yung gamit niya at lumabas na ng bahay. Kinuha ko naman agad yung susi ng
sasakyan ko at sinundan siya.

"Oh sakay na!"
"Ayoko nga"
"Pag napahamak ka kasalanan ko pa e"
"Sige na nga"

Hinatid ko na lang naman siya. Nasa tapat na kami ng bahay nila ngayon at nasa loob pa din kami
ng sasakyan ko.

"Thanks"
"Welcome. Kiss ko?"
"Anong kiss?"
"Birthday gift ko"
"Ah. Kiss ba gusto mo? Sige lapit ka dito"
"Pagbibigyan mo ko?"
"Oo. Bilis. Baka magbago pa isip ko"

Nilapit ko sa kanya mukha ko at--

"Araaay!"
"Yan bagay sayo! Hahaha! Sige Steven. Bye! Thank you"

Lumabas na siya ng sasakyan. Kinurot niya labi ko -___- Sakit nun ah! Madami nagkakandarapa sa
lips na to tapos kukurutin niya lang? Grabe talaga yung babaeng yun. Ang sadista.

"Sige babe. Babye!"
"Sige babe. Bye!"

Pumasok naman agad siya sa bahay nila. Wait! Tinawag niya kong babe! Haha! Okay na to.
Magandang birthday gift na to para sakin. Ayos!
*******************************************
[18] CHAPTER 16: I think Im in love with her.
*******************************************
CHAPTER 16: I Think I'm In Love With Her


Jin's POV

I have finally realized that my relationship with Zeke is finally over. As of now, nasa moving
on process na ako. At last, nagsink-in na din sakin lahat ng katotohanan. Na mahal niya talaga
si Mika. May pagkabitter ako and I think it's normal to feel that way diba? It's been three
months since nagbreak kami. First week of october na ngayon.

Kaming dalawa ni Gab, away bati pa din. Lagi niya akong tinatawag na kabs kaya naiinis ako lagi
sa kanya. Pero pag good mood naman ako, pinapabayaan ko na. Minsan naman honey tawagan namin.
We're friends period. No more any other feelings.

Si Spencer at KL naman, kala mo in a relationship na. Babe kasi yung tawagan nila. They're
friends pero alam namin na malapit na maging sila. Steven at Aine, hindi ko na alam. Hindi na
kasi namin nakikita si Aine. Pero as usual, si Steven madami pa ding babae. Si Kuya, walang pa
ding lovelife pero mukhang nagkakamabutihan na sila ni Mafelle kasi napapadalas pagpunta ni
Mafelle sa bahay. Si Zeke at Mika, hindi ko alam. Pero nangunguna si Mika ngayon pagdating sa
grades. Lahat ba naman inaagaw sakin.

Nandito ako sa classroom ngayon. Last subject na namin to at uwian na. Yung teacher namin,
nagkekwento ng tungkol sa fieldtrip.

"Okay class. The fieldtrip will be held on October 21, Friday. That is the day before your
sembreak so I'm hoping na lahat kayo makakapunta. Well, ang destination natin is Tagaytay.
Pupunta din tayo sa Canyon Woods para sa mga activities dahil gusto din namin na magkaroon ng
team building kaya isinabay na sa fieldtrip nyo"

Fieldtrip tapos may team building? Hindi ba dapat nageenjoy na lang kami? Tapos sa Tagaytay
pupunta? Tinitipid ata kami ee.

"But before niyo isipin ang tungkol sa fieldtrip, isipin niyo muna ang exams. It will be on
October 12-14. It's next week so dapat magsimula na kayo magaral. Class dismissed"

Lumabas na yung teacher namin. Yung mga classmates din namin, nagsisiuwian na.

"Ui gab, what do you think?"
"Saan?"
"Sa fieldtrip"
"Okay lang."

Ang walang kwenta naman sumagot nito. Ang moody niya. Minsan sweet tapos minsan ang sungit >__<

"Bessy, gutom na kami!" -KL
"Bakit ako ang hinahanapan niyo?"
"Libre! Libre! Libre!" -Spencer.
"Okay lang kayo? Ayoko nga."
"Magfishball na nga lang tayo. KKB!" -KL
"Anong KKB bessy"
"Kanya kanyang bayad. Tara. Mura lang naman yun e!" -KL
"Osige na nga!" -sila

Lumabas na kami ng school. Ang saya ng kwentuhan nung tatlo. Nung malapit na kami dun sa
nagtitinda ng fishball, nakita ko si Mika at Zeke na kumakain dun. Kailan pa nahilig kumain ng
ganyan si Zeke? Taghirap na ba siya? Kumapit ako sa braso ni Gab.

"Gab" bulong ko.
"oh?"
"Ayoko na kumain."

Gab's POV

Napatingin ako dun sa tindahan ng fishball at alam ko na kung bakit ayaw niya na kumain. Pilit
na namin siyang nilalayo kay Zeke para naman makapag move-on na siya. Sa tingin ko naman,
umiiwas na din si Zeke sa kanya.

"Tara na! Dun na lang tayo sa bahay nina kabs" sabi ko
"Malapit na tayo pre oh. Dito na lang." -Spencer
"Oo nga tara! Kina Jin na lang tayo." -KL
"Bakit? Manlilibre ka ba? Kung hindi, dito na lang para tipid" -Steven
"Ang yaman yaman mo Steven e! Kelan ka pa nagkuripot?" -KL
"Sige na, sagot ko na lahat. Dun na lang tayo"

Wala akong magawa. Kailangan ako na lang manlibre para mapapayag lang mga to na dun na lang
kina kabs kumaen.

"Osige ba! Tara! Sugod! Gutom na ko! Haha!" -Steven
"Ako din kaya. Kala niyo kayo lang?" -KL
"Tara na nga. Ang bagal niyo. Gutom nako" -Spencer

Naglakad na kami papunta sa bahay nila. Sina Spencer, KL at Steven naman tumakbo. Di halatang
gutom nga sila. Hinawakan ko kamay ni Jin at tumakbo na din. Syempre. Chance ko na din to sa
kanya. Unti unti na din akong nagkakagusto sa kanya. Hindi ko din maiwasan kasi mabait naman
siya. Alam ko na pag ako kasama niya, maaalagaan siya. Hindi din naman nagtagal at nakarating
na din kami sa bahay nina kabs.

"Tara guys, pasok na tayo." -Jin

Pagpasok namin, umupo sila sa sofa.

"Gab, samahan mo ko kumuha ng food sa kitchen." -Jin
"Ge"

Wala akong magagawa, di ko naman matanggihan tong kabayo na to.

"Kuya?" -Mafelle

Bakit nandito kapatid ko? -__-

"Hi Gab. I invited her here for snacks" -Axel

Ayoko na mapalapit siya sa kuya ni Jin. Hindi dahil sa ayoko sa kanya pero dahil sa ayoko na
magkagusto siya kay Axel. Ayoko na umasa na naman siya sa wala kagaya ng nangyari sa kanya at
kay Zeke.

"Sorry di ako nagpaalam sayo kuya. Niyaya kasi ako ni Axel na pumunta dito. Ipagluluto niya daw
ako ng pancakes. Sorry na" -Mafelle
"Bahala ka Mafelle. Sa ngayon, pagbibigyan kita pero ayoko na maulit to. Ayoko na pumupunta ka
kung saan ng hindi nagpapaalam sakin. Sorry Axel, hindi ko nacontrol temper ko" -ako
"It's okay. Naiintindihan kita dahil ganyan din naman ako kay Jin. Sige na, lulutuan ko na lang
din kayo. Dun na muna kayo sa living room"

Naghintay lang kaming lahat sa living room at nanuod ng tv.

"Guys, okay na food niyo. Kain na kayo. Sorry pancakes lang tong naluto ko. Wala kaming stock
ng grocery pa dito. Kanya kanyang hugas ah"
"At last!" -Steven

Tumakbo naman agad sila dun. Napaghahalataang mga matatakaw. Kumakain lang kami dito lahat.

"Thank you pre! Kahit first time kita nakilala. Bilib ako sayo. Sarap mo magluto. Jin, thank
you ah! Babye!" -Steven
"Hoy Steven! Bumalik ka dito!" -KL

Tinakasan kami -___- Tamad kasi maglinis yun. Ang yaman nun e. Ang daming katulong.

"Sino ngayon maghuhugas? Aba wag kame ni Kuya! Sagot na namin pagkain nyo e" -Jin
"Botohan na lang!" -Spencer
"Sige!"
"At ang nanalo at maghuhugas ng plato ay si.. Spencer" -Axel
"Sh*t! Baket ako? Okay lang kayo? Di ako marunong maghugas ng plato!" -Spencer
"Tulungan na nga kita!" -KL

Nagpalipas lang naman kami ng oras dito sa bahay nina Jin.

"Guys, kailangan ko na umuwi" -KL
"Tara, hatid na kita" -Spencer.
"Uwi na din kami ni Mafelle" Sabi ko
"Sige. Ingat kayo."
"Babye kuya Axel!" -KL
"Sige."

In a few minutes, nakarating na din kami sa bahay. Naeexcite na ako sa fieldtrip. Ano kaya mga
mangayayari? Kaso exam muna dapat isipin ko. Okay lang yun. Matalino naman ako. Kayang kaya
yun.

There's only 1 thing I can say: I THINK IM IN LOVE WITH JIN CHAREL TAN.
*******************************************
[19] CHAPTER 17: Their POV's
*******************************************
CHAPTER 17: Their POV's


Mikaela's POV

All I wanted in my life is to be the best and whoever gets in my way will suffer. I don't effin
care kung masaktan sila as long as masaya ako sa ginagawa ko.

I'm Mikaela Valdez. 16. Describe myself? Hm. 3 words: Gorgeous, Sexy and Smart. In one word:
Perfect.

Well, nakakainis na ba? I know na masyado kong mahal ang sarili ko but that's how it is. You
should love yourself first before others. If you don't like me, then don't. I'm not forcing
everyone to like me. I don't really have friends because I don't want to be involved with so
many people. I'm famous in our school so I don't like making friends because they're just
social climbers. I only make friends with people ONLY when I need them. I'm choosy, right?

There's this one girl that I really hate. Jin Charel Tan is the name. The reason why? Simple.
She's trying to steal everything that were supposed to be mine. One of those is my ranking in
school. I'm always on the top during my elementary years but when that girl transferred in our
school, I became second. Another thing is the guy that I like. He is Zeke Fraser Lopez. We've
been friend since childhood and he's been liking me for years but since that girl came,
nagkacrush na si Zeke sa kanya.

*flashback*

Way back in 2nd year highschool. Last day of class.

"Mika, I really like her. She's pretty. What do you think?" -Zeke.
"Sino? Siya ba?" sabi ko sabay turo dun sa girl.
"Oo. Wag ka magturo. Baka mahalata niya"
"Jin name niya. I know her. Siya yung sinasabi ko sayo na umaagaw sa place ko."
"So matalino pala siya. Mika, help me get to know her."
"What?! Zeke. How about me? Akala ko ba love mo ako?"
"Mika, crush ko lang naman siya. Ikaw pa din ang love ko at alam mo yan. Ayaw mo lang kasi
talaga ako pagbigyan na ligawan ka"
"Zeke. It takes time."

She's really taking away everything from me! Even Zeke?! I hate her!

"Zeke? Diba sabi mo sakin, you are willing to do everything for me?"
"Yea. Why?"
"I want you to court Jin and be her boyfriend."
"Bakit ko naman gagawin yun? What will I get in return from doing that?"
"I hate her Zeke. I really do. Please help me. You will be able to get to know her and at the
same time, pagbibigyan na kita ligawan ako after that. Pero gusto ko, maging kayo for 1 year."
"Mahirap para sakin yan kasi matagal yun. Why do you hate her anyway?"
"Zeke, I want to be the valedictorian. Kapag naging kayo at nagbreak, she will be affected and
mawawala focus niya sa studies. In that case, ako na ang magiging first sa rank. Mabebenefit ka
naman dito. Sige na Zeke. Please help me"
"For you, I'll do it. Don't worry Mika, you'll be the valedictorian and I'll make sure that it
will happen"
"Thank you Zeke"

*end of flashback*

The reason why I'm confident enough na magiging sila? It's because I heard that Jin likes Zeke.
Well, enough of this. The plan worked. Nangunguna ako ngayon sa rankings and at the same time,
I have Zeke. I got everything back. Back to where it should be. And for her, she deserves to be
miserable and I'll make it even worse. Hahahaha!

As of now, Zeke is courting me. Sasagutin ko din siya pero hindi pa ngayon. Madami pa akong
plano. I know that he can wait for me ee. He loves me so much. Masaya naman siya kasi I'm like
her girlfriend even though walang commitments.

Honestly, I feel sorry for Jin but I can't let her win so I'm doing this to her. I should be
the best I also feel sorry for Gab. I know that Jin is just using him to move on. Jin also has
a dark side. I know that he still loves Zeke until now. So, I'll steal everything from her,
even Gab.

Zeke's POV

Wala na kami ni Jin. It has been 3 months since we broke up. Alam ko na madaming nagagalit
sakin dahil sa nagawa ko kay Jin lalo na yung kuya niya. Tinuring na din kasi nila ko na parte
ng pamilya nila pero nagawan ko pa din sila ng hindi maganda. Sinaktan ko ang prinsesa ng
family nila and I'm really sorry for that.

I never wanted to hurt her. Siguro dahil din yun sa bata pa ako nun pero ngayon alam ko na yung
tama sa mali. Hindi ko man ginusto saktan siya pero nagawa ko pa din. Nung niligawan ko siya,
gusto ko talaga siya nun. She's pretty, cheerful and nice. I'm secretly admiring her. But that
time, I'm in love with Mika. Siguro masama siya pero kahit ganun pa man ang ugali niya na
nakikita ng mga tao, mabait siya. Ayaw niya lang talaga ng nalalamangan. Nung nabigyan ako ng
opportunity to get to know Jin, I grabbed it.

Nung naging kami ni Jin, mas lalo ko siyang nagustuhan pero alam kong hindi dapat dahil naging
boyfriend lang niya ako dahil sa laro. I tried to love her but it's no use. It will still be
Mika. Madali lang mahalin si Jin. Siguro dahil sa mas matagal ko ng kilala si Mika kaya wala
talaga. Ako lang ang meron si Mika kaya hindi ko siya pwedeng basta basta iwan na lang.

The whole time na kami ni Jin, lagi din kaming lumalabas nun ni Mika ng patago. May mga times
na nahuhuli kami ni Jin pero pinapalabas lang namin na dahil sa school yun kaya kami nagkikita.
Nung summer, nagsimula na akong maging cold kay Jin at umiwas. Lagi na din akong nagagalit nun
sa kanya. Ginagawa ko lang din naman yun para masanay na siya dahil alam kong napamahal na
talaga siya sakin. First boyfriend niya kasi ako. Nung nalaman ko yung tungkol sa kanila ni
Gab, ginamit ko yun na dahilan para makipagbreak sa kanya.

Anniversary namin nung nakipaghiwalay ako sa kanya. Ang sama sama ko dahil sinabi ko sa kanya
na pinaglaruan ko lang siya. Hindi kasi siya papayag makipaghiwalay kapag naging gentle pa din
ako sa kanya. Masyado siyang fragile para saktan ko ng ganun.

Nung birthday niya, nagkaroon ako ng chance na sabihin sa kanya lahat. Ayun na siguro ang
pinakatamang nagawa ko sa kanya. Tinapos na din naming lahat ng meron kami. Alam ko naman na
aalagaan siya ni Gab. Mukha kasing may gusto sa kanya yun. I just hope na maging masaya na si
Jin sa kanya.

*******************************************
[20] CHAPTER 18: Kasi mahal kita
*******************************************
CHAPTER 18: Kasi Mahal Kita!


Mafelle's POV

Nakaonline silang magbabarkada sa facebook ngayon. Sina kuya, Steven at Spencer. Online din
kami ni Jin. Napagtripan nga naming na asarin sila na bakla ee ^___^ Kaso sila naman, mga
pikon. Nainis sila samin kaya nagout tuloy sila. Magbabar daw sila kasama si Lolo Axel pati si
Zeke. Gusto din namin sumama ni Jin pero ayaw nila kami pasamahin kasi pang boys lang daw yun.
Ang daya talaga nila >___< Pero nung tumagal, niyaya na nila si Jin at KL pati din si Aine
tapos ako hindi :( WAAAAAH! They are so mean!

Pinagalitan din ako ni kuya at sinabihan na hindi ako pwede dun dahil 16 pa lang daw ako. Sina
Jin din naman 16 lang ah? Bakit kapag ako hindi pwede? :( Ang over protective naman kasi ni
kuya ee.

Dahil nga sa may lakad sila, wala na akong ibang makausap. Naghihintay lang tuloy ako dito sa
harap ng laptop hanggang antukin. Ang tagal kasi umuwi ni kuya. Wala tuloy akong kasama dito sa
bahay.

Jin's POV

Ang pipikon din pala ng mga magbestfriend na yun. Sinabihan lang sila ng 'gay' nagalit agad.
Galit tuloy sakin si Gab. At eto namang si Steven nagyaya mag bar kaya aalis sila. Niyaya pa
nila si Zeke pati si kuya. Paano yun? Galit si kuya kay Zeke. Baka kung anong gawin niya kay
Zeke nyan ee >___< Kailangan ko sumama. Ayoko masaktan si Zeke kaya nagpumilit ako. At luckily,
pumayag si Steven na isama kami.

Nung pagpayag niya, nagout na ako agad sa facebook at nagbihis na. Umalis na kasi si kuya at si
Spencer na yung susundo sakin dahil susunduin niya din si KL. Nag mini skirt ako at sleeveless
na top. Nagdala na din ako ng jacket.

In a few minutes, dumating na din si Spencer kasama si KL. Saglit lang din naman at nakarating
na kami sa Greenbelt. Nandito na si kuya, Aine, Steven, Zeke at Gab. Nilapitan ko agad si Gab
at kumapit sa braso niya.

"Honey! Sorry na. Bati na tayo oh. Please" sabi ko

Tinanggal niya naman yung pagkakakapit ko sa braso niya. Galit talaga siya sakin kahit
nilalambing ko na. Ang sungit pa. Bahala nga siya diyan. Pumasok kami sa W-Grill at umorder na
sila agad ng drinks at dahil mabait sila, sila daw gagastos sa lahat.

***

Madami na din kaming nainom. May pasok pa naman kami bukas. Si Zeke, Steven pati Aine sumasayaw
sa dance floor. Si kuya naman hindi ko alam kung saan pumunta. Baka naghahanap ng chicks yun.
Si KL naman, nagiikot sa mga table, nakikipagkilala ata siya. Ako, si Spencer at si Gab lang
yung nandito naiwan sa table. Hindi nga sila nagsasalita ee. Ang sasama ng aura nila.

Pagtingin ko kay KL, hinihila siya nung mga lalaki. Nababastos na ata siya. Pagtingin ko kay
Spencer, nakakatakot. Kitang kita na galit siya. Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at
pumunta sa kung nasaan si KL. Malapit lang yung table na yun dito samin e.

Spencer's POV

T*ng*na! Bwisit yun ah! Nakita ko si KL na binabastos. G*go pala sila e! Ginagalit nila ako!
Pinuntahan ko agad si KL at sinuntok yung lalaki. May 2 pang kasama. Tss. Kaya ko naman sila.

"T*ng*na pre! Amin to! Wag mo agawin!" -guy 1
"G*go pala kayo e! Girlfriend ko tong binabastos niyo!" sagot ko
"Oh ano naman ngayon? Di mo ba kami kilala?" -guy 2
"Ayaw mo na ata masikatan ng araw e! Pati laruan namin inaagaw mo!" -guy 3
"Baka gusto mo masaktan?!" -guy 1
"Pakealam ko naman sa kung sino kayo?"
"Aba g*go pala to e! Turuan natin ng leksyon!" -guy 1

Pinagsusuntok ko naman yung mga lalaki. Anong tingin nila sakin? WEAK?! Asa -___-

"Pasensya na pre! Tama na!" -guy 2
"Alis!" sigaw ko

Tumakbo naman sila palabas. Si Gab, ni hindi na lumapit dito. Sabagay, alam niya naman na kaya
ko sila.

"Ano KL?! Paano kung hindi ako dumating?! Tingin mo kaya mo sarili mo?! Baka kung ano na nagawa
sayo ng mga g*gong yun! Sa susunod nga, wag ka lalayo sakin! Andito naman ako? Lumalandi ka
pa!" sabi ko
"Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng malandi! Una palang, hindi kita boyfriend! Wala kang
karapatan!"
"Tara, ihahatid na kita pauwi"
"Bitawan mo nga ako!"

Nagpupumiglas siya pero hindi niya kaya yung lakas ko. Kinaladkad ko siya papunta dun sa
parking lot at ipinasok agad sa sasakyan. Pinaandar ko na din agad yung kotse ko.

"Ibaba mo ako! Wag mo akong pakealam sa mga gusto kong gawin!"
"Ano ba KL?! Pinoprotektahan lang naman kita!"
"Bakit ba? Hindi naman kita inuutusan na gawin yun ah?! Bakit mo ba kailangan gawin lahat ng to
tapos ngayon isusumbat mo sakin?!"
"Kasi mahal kita!"

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Hinatid ko na lang siya sa bahay nila at bumalik na din agad
sa bar.

Gab's POV

Hindi ko inaasahan na magkakagulo dito. Lalo na at si Spencer pa yung napaaway dahil bihira
naman yun magalit. Mga 30 minutes din simula nung umalis sila ni KL at nakabalik din siya agad
dito.

"Gab, tara sayaw tayo" -Jin
"Okay! Back to me. Bahala ka na nga diyan! Kung ayaw mo, edi wag!" -Jin

Hindi ko siya pinansin kasi naiinis pa din ako sa kanya. Habang sumasayaw siya, pinapanood ko
lang siya. Nakainom kasi at baka mamaya bigla siyang matumba dun. Hindi din nagtagal at nakita
ko na kasayaw niya si Zeke. Si Zeke na naman! Namumuro na sakin yan! Pano siya makakamoveon?
Tinutulungan na namin siya pero siya pa din tong lapit ng lapit kay Zeke. Bullsh*t naman oh!

"Pre, okay ka lang? Papakalasing ka ata dyan ah? Alis na kami ni Aine" -Steven
"Ge pre. Ingat"

Maya maya, nakita ko na nakayakap na si Jin sa kanya. Malapitan nga -___-

"Tara Jin" sabi ko sabay hila sa kanya
"Bitawan mo ko" -Jin
"Tara na" hinigpitan ko pa yung pagkapit ko sa braso niya.
"Ano ba Gab! Nasasaktan ako!" -Jin
"Bitawan mo na pre. Nasasaktan na e" -Zeke
"Labas ka dito. Tara na Jin. Sasama ka o kakaladkarin kita palabas?"
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako. Ano ba?!" -Jin

Tinanggal ni Zeke yung pagkakakapit ko sa braso ni Jin. Suntukin ko to e! Lagi na lang siya
umeextra!

"Pare, kung ayaw wag mo pilitin. Tara na Charel" -Zeke

Pagkahila niya kay Jin, sinuntok ko naman siya. Ginagalit niya ako ah?!

"E g*go ka pala Zeke e! Sasaktan saktan mo tapos ngayong na sakin na siya, aagawin mo ng ganun
ganun lang?! Wag ka na pumapel sa buhay niya!"

Napahiga siya sa sahig sa pagkakasuntok ko at tinulungan naman siya ni Jin. Hinila ko naman si
Jin at hinalikan. Gusto ko akin lang siya.

"Bastos!" -Jin

Sinampal ako ni Jin. Nagulat naman ako sa ginawa niya

"Sorry Jin. Hindi.. ko sinasadya" sabi ko

Bigla naman akong sinuntok netong Zeke na to.

"G*go ka pala e! Binabastos mo na si Charel! Akala ko pa naman poprotektahan mo siya tapos
ganito lang?! Ni hindi ko hinalikan yan nung kami tapos ikaw gagawin mo lang ng ganun ganun
yon?!" -Zeke
"T*ng*na! Wag ka na umextra sa buhay namin! Masaya na kami!"
"Pre, awat na." -Spencer
"E g*go to e!"

Susuntukin ko pa sana siya kaso inawat na din ako ng kuya ni Jin.

"Tama na Gab. Gumagawa kayo ng eskandalo dito" -Axel
"E g*go kasi yang Zeke na yan e!"
"Tama na Gab. Zeke, ikaw na muna maghatid kay Jin" -Axel
"Ge. Ako na bahala sa kanya" -Zeke

Umalis na sila at hindi din nagtagal, lumabas na din kami. Nagiinit dugo ko sa Zeke na yun!
Sh*t! Pati si Jin alam kong galit na sakin. Bwisit na buhay to! Sarap Magwala!

"Gab, siguro mas maganda na umuwi ka na. Lasing ka na e" -Axel
"Ge pre. Pasensya sa abala!"

Umalis na ako dun at nagdrive pauwi. Kaya ko pa naman e.

Jin's POV

Umalis na kami dun sa bar. Ang sama ng loob ko. Hindi ko ineexpect na magagawa ni Gab sakin
yun. Siguro dahil sa sobrang kalasingan pero hindi niya pa din dapat ginawa yun. Kinocomfort
lang naman ako nun ni Zeke tapos bigla siyang dumating at nagkagulo na. Nandito na kami sa
tapat ng bahay ngayon pero nasa loob pa kami ng sasakyan.

"Charel sorry" sabi ni Zeke
"For what?"
"Ipinagkatiwala kita sa kanya. Hindi ko alam na magagawa niya sayo yun"
"Hindi ko din inakalang magagawa niya yun. Sorry din. Nagkapasa ka pa tuloy oh"
"Okay lang ako. Pasa lang yan. Isipin mo yung sarili mo"
"Wala to Zeke. Okay lang ako. Thank you ah?"
"Wala yun. Siguro kung di tayo naghiwalay, di ka nasasaktan ng ganito."
"Zeke. Tama na. Wag mo na ibalik yung tapos na"
"I'm sorry Charel. Tingin ko kailangan na kitang tuluyan na iwasan."
"Ano ka ba Zeke? Okay na yun. Tanggap ko naman na. Wag mo naman akong iiwasan."
"I need to Jin. It's for your sake. Siguro pag naka move on ka na, we can start a new
friendship."
"Sige Zeke. Put don't ignore me okay?"
"I wont. Sige na, magpahinga ka na."
"Zeke, can I hug you?"
"Sure"
"Thank you" bulong ko habang nakayakap sa kanya "Sige Zeke. Goodnight. Babye!"
"Bye Charel"

Pumasok na ako sa loob ng bahay, nagbihis at nagpahinga na. Habang nakahiga ako, ang daming
gumugulo sa isip ko. Zeke is acting nice towards me that it makes me fall for him even more.
Namimiss ko lang yung kung ano kami dati. Naisip ko din yung nasabi ni Mika sakin sa facebook
na ang sama ng ugali ko kasi I'm using Gab just to move on. Am I using him? Hindi naman diba?
Possible ba na kaya ganun si Gab sakin kasi mahal na niya ako? Maybe I should try loving him
back para wala nang nasasaktan. Nahihirapan na din ako sa ganito e. I know that someday, I will
also learn to love him.
*******************************************
[21] CHAPTER 19: A day with him.
*******************************************
Chapter 19: A Day With Him


KL's POV

I can't believe that he loves me. Nakakagulat din kasi. Hindi ko naman inaakala na may gusto
talaga sakin si Spencer. Nagtatawagan lang naman kami ng 'babe' for fun e. Hindi ko alam na may
gusto na pala siya sakin.

Nandito ako ngayon sa canteen kasama si Jin. Lunch break namin ngayon.

"Bessy, narinig mo ba lahat kahapon? Ang sama ko ba?" tanong ko
"Oo. Medyo lang naman. Ikaw kasi bessy e. Pinagtanggol ka na ng tao, sinabihan mo pa ng masama
ayan nagalit tuloy"
"Sorry naman, may tama na kasi ako nun. I have kwento pala pero secret lang to ah?"
"Kelan ko ba pinagkalat secret mo?"
"Sinabihan niya ako na mahal nya daw ako"
"Ano sabi mo?"
"Wala! Nashock ako bessy. Nakakakilig pala!"
"I'm happy for you bessy. So, what's your plan?"
"Plan? Wala. Ganito pa din kung pano kami magturingan pero hindi ko muna papansinin yun masyado
ngayon. Ayoko na magkwento. Si Gab nga pala?"
"Ewan ko dun"
"Ay bitter ka?"
"Bakit naman ako magiging bitter?"
"Wala lang. Ano ba kasi nangyari kagabe? LQ kayo?"
"Hindi. Nainis lang ako sa ginawa nya."
"Ano ba ginawa nya?"
"Ano.. Basta bessy!"
"Ang daya mo Jin. Hindi ka na nagseshare"
"Sige na nga. Hinalikan niya ko. Nakaka--"
"KYAAAAAAH!!! OMO! Seryoso?"
"Ay hindi joke lang"
"Hindi nga?!"
"Totoo. Nakakainis! Kasi naman ee"
"Bakit?"
"Lasing siya nun. Nakakatakot siya kagabe. Nagaway sila ni Zeke. Nagsuntukan sila"
"Hala! Dahil sayo? Haba ng hair mo te!"
"Oo. Basta bessy mahirap iexplain. Ayoko na ikwento."
"Sige na nga Jin"
"Alam mo, gusto ko na makipagbati kay Gab kasi nagsorry naman na siya kagabi din pero hindi ko
lang talaga maintindihan kung bakit kailangan niya pang gawin yun"
"Ee, baka kasi gusto niya sa kanya ka lang?"
"Bakit? Di niya naman ako girlfriend uh?"
"Fianc mo yun Jin. Syempre, nakakahiya naman sa kanya. Alam ng iba na fianc mo yun tapos
andun si Zeke. Maiinsecure yun. Pano na lang kung may nakakita sa inyo diba?"
"Hay nako. Bahala na bessy. Hindi ko naman matiis yun . Makikipagayos na ako"

Ang bait talaga nitong babaeng to. Kaya naman di ko talaga lubos maisip kung bakit sinaktan
siya ni Zeke. Nakita ko naman yung magbebestfriend na papasok ng canteen.

"Jin, ayan na pala honey mo ee. Kausapin mo na."
"Pano ka? Wag na lang. Mamaya na. Katabi ko naman yun"
"Osige"

Jin's POV

*Last subject. Sa loob ng classroom*

Katabi ko na ngayon si Gabpero hindi ko siya kinakausap. At dahil masungit din ang taong to,
hindi niya din ako kinakausap. Ayoko din siya kausapin. Bahala siya dyan!

Ang tahimik. 30 minutes na lang at uwian na. Ang bagal ng oras. Nakakatamad! Bored na ako.
Nakikinig naman ako sa tinuturo ng teacher namin pero nakakaantok. Alam nyo yun? 1:30 ba naman
klase namen sa kanya at history subject pa. Nakakaantok kaya yun. Sobrang hirap labanan yung
antok. Mapapapikit na nga ako ee. Malamig kasi sa room. Tulugan ko kaya tong teacher ko?
Kailangan makinig. Kailangan magvaledictorian! Konting sakripisyo lang. Alam ko na. Kakausapin
ko na nga si Gab.

"Gabriel"

Tiningnan niya lang naman ako ng nakakatakot >__< Sipain ko kaya ulit to? Hahaha! Dinedemonyo
na naman ako e >:) Eto na. 1,2,3! *yaaah!*

"Sh*t! KABAYO KA TALAGA E ANO?!" sigaw ni Gab
"Mr. Teppei and Ms. Tan, please get ouf of the room. NOW!" -teacher
"but Maam--"
"No more but's Ms. Tan. Now, go"

Sabi ko na nga lalabas na ee. Nakakahiya. shizz. Pag tingin ko, wala na yung kasama ko. Iniwan
ako. Lumabas na ako ng room at nakita ko siyang nakasandal lang sa wall. Alam kong magsusungit
na naman to kaya aalis na lang ako.

"Honey"

Ho-- honey?! Hindi siya galit? Boses ni Gab yun ee. Baka naman imagination ko lang yun. Di ko
na lang papansinin.

"Honey! Jin!"

Totoo nga na siya yung tumawag sakin. Lumingon ako at bigla niya akong hinila. Saan na naman
kaya ako balak dalhin neto? Pumunta kami sa canteen.

"Anong problema mo?" tanong ko
"Ikaw ata may problema dyan e"
"Aba, ako pa uh?"
"Oo. Sino kaya yung kabayo na bigla biglang naninipa?"
"Sino din ba yung taong di namamansin?"
"Ilang beses ko ba kasing sasabihin sayo na wag mo kong tatawagin na Gabriel?"
"Oo na. Tsk. Wala kasi ako magawa kanina"
"Tsk"

KATAHIMIKAN. Wala na ako masabe ee.

"Jin, camping tayo."
"Huh? okay ka lang? Pagtapos nalang ng exam. Exams na next week ee."
"Gusto ko sa friday na. Babalik din naman tayo agad e"
"Seryoso ka?!"
"Oo"
"Saan naman?"
"Baguio"
"Okay ka lang talaga? Ang layo nun. Mga 6-8 hours away yun dito. At isa pa, baka di naman din
ako payagan nina Mommy."
"Okay lang ako. Kaya nga bukas tayo aalis pagtapos ng klase. Ipagpapaalam kita. Ako bahala.
Isasama na din natin kuya mo para payagan ka."
"Sige, ikaw bahala. Ipagpaalam mo na ako mamaya para if ever, makapamili na tayo agad ng mga
kakailanganin"
"Ge. Tara uwi na tayo"

Nagiging gala ako ng dahil kay Gab e. Goodluck naman kung papayagan ako nina Mommy and Daddy
diba?

Eto kame ngayon ni Gab, magkaholding hands palabas ng school. How I wish siya nalang si Zeke.
Mali! Hindi pwede. Sabi ko nga I will try to love him diba?

Pagdating namin sa bahay, dumeretso ako agad sa kwarto ko at naligo kaya natagalan ako. Naka
shorts at sleeveless at jacket lang ako. After ko magbihis, bumaba na din ako.

"Pumayag na parents mo. Natawagan ko na din sina KL. Pumayag na din sila" -Gab

Nandito kami sa sala ngayon. Nandito din si kuya. Nakapagbihis na nga din si Gab e.

"Kuya? Pano niya napapayag sina mommy agad? Di nga kuya? Totoo?" tanong ko
"Yes princess. Sige na. Kayo na bahala bumili ng mga kailangan."
"Thank you kuya!"
"Mauna na ako umalis sainyo ah? May pupuntahan pa ako. May susi ka naman Jin diba? Baka gabihin
ako." -kuya
"Yup kuya. Dont worry. Di naman aalis katulong natin dito ee. Sige kuya. Babye! Tara Gab, alis
na din tayo"
"Magbihis ka"
"Okay naman to ah? Tara na"
"Ge. Bahala ka"

Lumabas na kami ng bahay at dumeretso sa Landmark. Namili kami ng mga kakailanganin sa camping
at nag grocery na din. Nagyaya naman si Gab na kumain kami bago umalis. Pansin ko lang,
pinagtitinginan kame. Gwapo ata masyado ng kasama ko? Maporma pa. Nagulat ako ng bigla akong
inakbayan ni Gab.

"Bakit?" -tanong ko
"Gusto ko lang. Bawal ba?"
"Okay lang naman. Gab, kanina ka pa nila pinagtitinginan"
"Ikaw tinitingnan nila. Dapat kasi nagpantalon ka e. Kaya kita inakbayan kasi may mga lalaking
kanina pa nakatingin sayo. Ayun oh"

Napatingin ako dun sa side na tiningnan niya and nakita ko yung 3 panget na lalake. Mga 25 na
siguro sila tapos yung isa biglang kumindat. Ew! Kadiri naman yun.

"Gab, pahug ah?"

Hinug ko siya agad. Siyempre para isipin na boyfriend ko siya. Then may narinig ako.

"Pre, may boyfriend pala yan e" guy 1
"tara na nga" guy 2
"Girl, may girlfriend si kuyang naka blue" girl 1
"Oo nga. Infairness maganda yung girlfriend. Bagay sila" girl 2
"Mas bagay kame nun" girl 3

Napalingon ako dun sa side nung nagsalita at nagtingin tingin na din. Si Gab lang yung nakablue
na natatanaw ko. Siya na gwapo.

"Sabi ko sayo pinagtitinginan ka din ee" sabi ko
"Syempre. Sa gwapo kong to? Swerte mo fianc mo ko"
"Oo na. Ikaw na gwapo. Yabang mo!"
"Parehas lang tayong pinagtitinginan. Bilisan mo na kumain para makauwi na tayo."
"Yes boss"

Pagkatapos naming kumain, umuwi na din naman kami. Siya na naguwi ng mga gamit at nasakin yung
food kasi si kuya daw magluluto. Napagod ako ngayong araw na to. Kaya paguwi ko, ginawa ko na
agad homeworks ko para makatulog na. Excited na ako para bukas.
*******************************************
[22] CHAPTER 20.1: Camping
*******************************************
Chapter 20.1:Camping


Gab's POV

Umabsent ako ngayon dahil doon sa camping. Aasikasuhin ko lang yung mga kakailanganin. Bihira
naman ako kung umabsent kaya okay lang naman siguro umabsent.

Tinawagan ko si Tito para dun sa lugar. May camping site kasi siya at exclusive lang yun para
sa members kaya yun ang naisip ko na puntahan dahil kaunti lang taong pumupunta doon. Pang
recreational activities din kasi yung lugar. Pumayag naman si tito na libre na lang kami kaya
wala ng problema. Sana lang maging maayos yung lahat. Ayoko na pumalpak pa to.

4 o'clock na din. Sigurado ako na nakauwi na din sila. Dito naman kami sa bahay magkikita kaya
wala ng problema. Hihintayin ko na lang sila. Hindi rin naman nagtagal at nagsidatingan na
sila. May mga kanya kanya din silang dalang sasakyan. Sina Steven, Aine, KL, Spencer, Axel, Jin
pati si Mafelle yung kasama.

Si Mafelle sumabay sa sasakyan ni Spencer. Si Steven malamang si Aine yung kasama. Kasama naman
ni Axel si KL at kasama ko naman sa sasakyan si Jin.

The whole time na nagdadrive ako, kaen at tulog lang yung ginawa netong kasama ko. Ang sarap ng
buhay niya ah? Mga 12 midnight na kami dumating sa Baguio. May bahay kami dito kaya dito muna
kami matutulog dahil mga pagod silang lahat.

"Hay salamat! Nakarating din!" sabi ni Mafelle
"Apat lang yung kwarto dito. Si Jin at Mafelle na magkasama sa kwarto tapos si Aine at KL na
yung sa isa" sabi ko
"Dapat ako kasama ni Aine e!" pagrereklamo ni Steven

*pak!*

"Hoy Steven! Tigilan mo ako ah!" -Aine
"Ayos kasi pre! Tayo nalang magsama sa isang room" -Spencer
"Sh*t pre! Wag mo ko babaklain!" -Steven
"Parang di ka naman mabiro! Hahaha!" -Spencer
"Sige na. Magpahinga na tayo para maaga magising bukas at makapag gala" -Axel
"Goodnight guys!" -Jin
"Goodnight"

Magkakasama kaming apat na lalaki ngayon dito sa kwarto at kausap ko sila tungkol sa mga plano
ko bukas ng gabi.

Mafelle's POV

Maaga kami nagsigising at pagbaba naming mga babae sa sala, nandun na sina kuya. Kami na lang
ata yung hinihintay nila.

"Tara, kaen na tayo" -Axel

Nagsipuntahan na kame dun sa lamesa at kumain.

"Saraaaap!" sabi ko
"Ang ingay mo Mafelle" -kuya

Ang sungit talaga ni kuya kahit kalian >___< Hindi na talaga siya nagbago. Pagkatapos namin
kumain, nagsiligo na kami at umalis.

Pumunta na kami sa camping site ni Tito. Nagstart na sila magset up ng tent. Medyo natagalan
din sila. Mamaya magbubunutan kami para malaman kung sino kasama namin sa tent. Sana kasama ko
si Axel. Haha! Ang saya nun ^___^ Mga 10 am na din naman ng matapos sila. Maghohorse back
riding na daw kami. Naglalakad na kami ngayon papunta dun. Kasabay ko maglakad si Axel. Hihi.
Ang saya saya ko ^___^

"Nagustuhan mo yung food?" -Axel
"Yup. Ang sarap mo magluto ee! Ano pala yung food para mamaya sa lunch and dinner?"
"Buti naman nagustuhan mo. For lunch? Nagluto ako ng adobo. Yung sa dinner naman, magfifishing
daw mamaya. Then yung mahuhuli na mga isda, yun kakainin natin."
"Ah. Nakakatuwa naman yun! Um, kuya, gay ka ba?"
"Ha? Ako gay?! Di ah! Bakit mo natanong?"
"Ah. Haha. Wala naman po :) wala ka kasing girlfriend ee"
"Magkakaroon din yan. Hopefully soon. Nililigawan ko palang siya"
"Ah. Kuya? Pwede mo ako idescribe? Kung ano tingin mo sakin"
"Hm. Si Mafelle? Siya yung taong makulit, sobrang hyper tapos mabilis din magbago yung mood.
Maingay din pero cute naman"
"Talaga? Thank you! Natuwa naman ako sa mga sinabe mo kuya. Baka mamaya you like me na uh?"
"Well, I do like you. Pinapakita mo kasi kung sino ka talaga"
"Really? I like you too!"

He smiled. He likes me! Kyaaaaah! >///< Nakakatuwa naman yun! Si Zeke kasi dati, di ako
pinapansin. Well, pinansin niya naman ako kaso paasa lang talaga siya. Sinabi niya na he likes
me pero after nun umiwas na siya. Feeling ko naman di ganun si Axel kasi sobrang bait niya.
Hindi kaya ako yung nililigawan niya? Kasi kung oo, sasagutin ko na siya agad! Pero hindi dapat
magmadali kasi baka maturn off siya sakin. Contented na ako sa sinabe niya na gusto niya ako
^___^

Nandito na pala kami sa may mga horses. Yung sakin na pinili ko, yung white na kabayo na pink
yung buhok. Ang cute kasi! Naghorseback riding kami at pagdating ng 12pm, nagstop na din kame
at bumalik sa may camping site para kumain.
*******************************************
[23] CHAPTER 20.2: Surprise
*******************************************
Chapter 20.2: Surprise


Steven's POV

Nageenjoy ako sa camping na to. Syempre kasama ko si Aine. Minsan lang din kasi kami magkita.
Welcome na welcome siya sa barkada namin.

"Steven, tara usap tayo. May sasabihin ako sayo" bulong ni Aine

Tumayo na kami agad. Syempre pag di ko sinunod to, magagalit. Siya boss e.

"San kayo pupunta?" tanong ni Spencer
"Maguusap" sagot ko
"Ano ka ba pre, hayaan mo sila magusap. Extra ka e" -Gab
"Sige na. Ako na extra!" -Spencer
"Sige guys, alis muna kame. Dont worry babe, babalik din naman kame e" sabi ko
"Sinong babe?" tanong ni KL
"Si Spencer! Babe ko! Bakit ba?" sagot ko
"Uso baklaan?" -Jin
"Whatever!" -ako (pang gay na boses)
"Gay ka nga" -Aine
"Tara na nga! Sige pre. Balik din kame agad"

Nauna naman siyang naglakad at sumunod lang ako. Tumigil siya sa may playground at umupo sa
swing. Ganun na lang din naman yung ginawa ko.

"Steven, sorry" -Aine
"Saan?"
"Because I'm leaving"
"Wag mo nga akong pinagloloko Aine"
"No Steven. I'm telling you the truth. I need to go and stay in China for good"
"Bakit naman? Hindi pwede yun Aine! Ayoko! Hindi ako papayag."
"Business matters. Kailangan ako ng parents ko dun"
"Pano ako? Iiwan mo ako?"
"I need to. I do love you Steven but I really need to go. Kaya kita pilit na iniiwasan at ayaw
ko na magpakasweet sayo dahil kapag ginawa ko yun, mahihirapan tayo parehas"
"Aine, wag naman ganito oh"

Umupo ako dun sa harap niya at hinawakan yung kamay niya.

"I'm sorry Steven. I really need to. Just move on. Magmomove on na din naman ako pagdating ko
dun. Kalimutan na lang natin yung isa't isa. Please don't make this even harder for the both of
us. Alam kong mahirap but we need to let go now"
"Aine, all my life, sayo lang ako nagseryoso tapos ganito pa? Hindi ka pwede umalis"
"I'm sorry. Hindi mo na ako mapipigilan Steven. Birthday mo pa lang, alam ko na yung tungkol
dito at pinagisipan ko din to ng mabuti. I'm really leaving"
"Kelan?"
"This coming friday. 12 pm yung flight ko"
"Sh*t! Bakit 12? Exam naming yun! Hindi na lang ako mageexam"
"Steven, take the exam for me. Gusto ko makakuha ka ng passing grades"
"Pano ka? Di na kita makikita nun!"
"Okay lang. If ever, try mo humabol. Wag na nga tayo magdrama. Naiiyak lang ako"
"Ano gusto mo magsaya tayo?!"
"Oo. Enjoyin na lang natin itong camping na to. Para sa pagalis ko, may mga happy memories
akong maibabaon."
"Kung yun ang gusto mo. Sige"
"Thank you Steven. Tumayo ka na nga dyan"

Tinulungan niya naman akong tumayo. Pagkatayo naming dalawa, hinawakan ko siya sa bewang at
hinila siya papalapit sakin.

"I love you Aine"
"I love you too Steven"

Hahalikan ko na sana siya ng biglang may umextra -___-

"ehem"

Pagtingin namin. Si Spencer.

"Hahahahahhahahahaha!" -Spencer
"Panira ka ng moment pre!" sabi ko
"Kaya pala kayo umalis. Ikaw Steven ah? Dumadamoves ka dyan! Hahaha!"
"Sh*t pre! Ang wrong timing mo talaga! Lagot ka sakin!"

Hinabol ko lang siya. Lagot talaga to sakin pag naabutan ko siya!

"Tama na nga yan guys. Balik na tayo dun" -Aine

Naglakad na siya pabalik at sumunod na lang kame. Nakakaasar! Makakaisa na ako e! Nakaisa naman
na ako dati pero hindi niya naman ginusto yun, stolen yun e. Ngayon sana okay na, nasira pa -
___-

"Oi pre. Tahimik ka lang sa nakita mo ah?"
"Oo na. Sinira ko moment niyo e. Hindi ko naman alam na ganun."
"Salamat pre"
"Ge"

Bumalik na kami dito sa tent. Magzizipline daw e. Ang saya neto. By two's kaya kasama ko si
Aine. Si Mafelle, kinontrata agad si Axel. Si Gab, malamang si Jin kasama nun.

"Ang daya! Wala akong kasama! Loner na naman ako. Takot ako sa heights!" -KL
"Ako sasama sayo" -Spencer
"Ayoko nga"
"Ikaw bahala"

Natapos na sina Gab pati Axel. Si KL naman ngayon. Huli kasi kami ni Aine.

"Sige na nga. Samahan mo na ako" -KL
"Kala ko ba ayaw mo?" -Spencer
"Sige na! Bilis!" -KL

Natapos din kaming lahat. Akala ko, pagkatapos nung zipline magpapansinan na sina KL at Spencer
pero hindi pa din pala. Bumalik din naman kami sa tent at kinuha yung mga kailangan para sa
fishing. Kaming mga lalaki yung nagfishing. Si Gab naman humiwalay dahil aasikasuhin niya yung
surprise niya kay Jin. Yung mga babae, nagpaiwan sa tent. Pagkatapos magfishing, bumalik na din
naman kame. 6 na din ng gabe e. Yung mga babae naman yung magluluto nito. Pagkatapos nun,
pinuntahan na naming si Gab Mga 6 na isda lanahil tutulungan naming siya.

Jin's POV

Nandito kami ngayon sa tent at kakatapos lang namin magluto. Saan kaya nagpunta yung boys? Ang
tagal nila ah? Sabe nila samin may kukunin lang sila sa bahay nina Gab. Malapit lang naman yun
dito. Hindi pa tuloy kami makakaen. Gutom na ako ee.

Maya maya, may lumapit sakin na bata at binigyan ako ng blue na rose.

"Ate, I love you daw po"

Tatanungin ko sana kung sino nagpasabi pero bigla siyang tumakbo. Hindi naman nagtagal at may
iba pang bata na lumapit sakin at ganun din yung ginawa. At ngayon, 12 blue roses na yung hawak
ko. Anong gimik ba to? Maya maya, si Gab naman yung dumating. May hawak na bouquet of blue
roses at binigay iyon sakin.

"Honey, sana magustuhan mo ang gagawin ko. Nakakahiya pero gagawin ko para sayo"

Biglang dumating naman sina kuya, Steven at Spencer. Tumugtog yung 'No Other' by Super Junior.
Sumayaw sila. KYAAAAAH! >///< bakit ang gwapo masyado ni Gab kapag sumasayaw? Habang sumasayaw
sila, dumadami ng dumadami yung nanonood samin. Kasi di lang naman kami nagcacamping dito
ngayon. Tapos yung ibang babae naman tumitili tapos sinasabi pa 'crush ko yun oh'.

Pagkatapos nila sumayaw, lumapit agad sakin si Gab at hinawakan niya yung kamay ko.

"I love you Jin. I really do. Can you be my girlfriend?"

Ano daw? G-girlfriend?! Hala >__< Ano isasagot ko? Naalala ko bigla yung dun sa dare sa kanya
nina Steven.

"Gab, It's just a dare. Hindi mo naman kailangan gawin talaga yun e"
"Dare? Jin, seryoso ako dito. Nagkataon lang na nagustuhan kita. Ginagawa ko to kasi mahal kita
hindi dahil dun sa pesteng dare na yun"
"Gab, I'm really sorry. Im not yet ready. Ayoko pa masaktan ulit."
"Jin, hindi kita sasaktan kagaya ng ginawa sayo ni Zeke. Wag mo ako itulad sa kanya"
"Gab. Please give me more time to think. I'll give you my answer sa Christmas ball ng school.
I'm not yet ready for another relationship right now. Hope you understand"
"Dont worry Jin. I'm willing to wait. I'll give you more time. Sana nagustuhan mo"
"I did. Thank you"
"All of you, I want you to meet my fiancee!" pasigaw na sinabe ni Gab
"Gab!"

Yung mga tao naman napa 'congrats' tapos nagsibalikan na sila sa mga ginagawa nila.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko
"Para naman hindi ako mapahiya. Pinagtitinginan nila tayo oh"
"Kaya pala. Tara na guys, kaen na tayo."
"Bessyyyyyy! Kayo na sweet!" -KL
"Hindi ko to expected"
"Sana ganyan din si Spencer" bulong ni KL
"Dont worry bessy, maghintay ka lang"
"As if naman bessy. Asa na lang ako sa wala. Tara kaen na tayo"

KL's POV

Sina Jin at Gab na talaga sweet. Sana talaga si Spencer ganun din kaso hindi ko na inaasahan
yun. Ayoko magexpect kasi nakaka turn down lang yun. Mas maganda pa din yung surprise diba?

Kumakain na kami ngayon. Nagkakamay kami ni Jin at kuya Hiroshi kumain. Yung iba naman naka
spoon and fork. Mga rich kids ee! Hindi ata naturuan magkamay?

"Magkamay din kaya kayo?" sabi ko
"Hindi kami marunong KL" -Mafelle
"Sige na guys, turuan namin kayo" -Jin
"Sige na nga!" -Spencer

Tinuruan namin sila. Halatang mga hirap na hirap ee. Nakakatuwa sila panuorin.

"Ang hirap naman nito" Pagrereklamo ni Steven
"Wag ka na reklamador. Okay na yan para naman matuto tayo" -Aine

***

10 pm na. Magbubunutan na kami ng kasama sa tent. Girls yung bubunot ee. Si Jin at Gab
magkasama. Swerte! Si Mafelle at Axel din. Crush ni Mafelle si kuya Hiroshi ee. Nabunot ni
Aine, si Spencer. So kasama ko, si Steven. Ayos to! Buti hindi si Spencer nabunot ko.

Lumapit naman sakin si Aine.

"KL, favor. Palit tayo ng kasama sa tent" -Aine
"Ayaw"
"Please! Malapit na kasi ako umalis. I want to spend more time with Steven"
"Sige na nga"
"Thank you KL!"

So kamusta naman yun? Ang awkward naman nito para sakin >__<
*******************************************
[24] CHAPTER 20.3: Reminisce
*******************************************
Si Steven at si Aine yung nasa picture sa side :)

Chapter 20.3: Reminisce


KL's POV

Badtrip! Bakit kasi pumayag pa ako e. Tsk. Aalis na si Aine? Saan pupunta? Hindi ko natanong
yun ah? Bahala na nga. Malalaman ko din yun. Gumawa lang kami ng bonfire at nagkwentuhan ng
nakakatakot para pampalipas oras lang. 1 am na din naman kaya nagsipasukan na sila sa mga tent
nila at ako naman, nagpaiwan lang sa labas. Ayoko pa kasi pumasok sa tent dahil si Spencer na
naman makakasama ko. Pero dahil sa sobrang lamig dito sa labas, napilitan na din ako na
pumasok.

"KL" pabulong na sinabe ni Spencer
"Oh?"
"Sorry"
"For what?"
"Sa ginawa ko sayo sa bar. Ayoko ng ganito. Pansinin mo na ako oh"
"Naiilang lang din naman kasi ako"
"Bakit naman?"
"Ewan ko. Tulog na nga tayo"
"Goodnight babe"
"Goodnight din babe"

Nahiga na lang naman ako para makatulog na pero hindi nagtagal, may naramdaman akong gumagapang
sa paa ko. Napabangon naman ako bigla. Bwisit na ipis yan! Pinatay naman ni Spencer yung ipis.
Shizz. Ayoko na tuloy matulog dahil baka mamaya, ahas na yung gumagapang sa paa ko e! Scary!

"Thank you" sabi ko
"Saan?"
"Sa pagpatay sa ipis"
"Wala yun"
"Ayoko na matulog dito. Doon na lang tayo sa kotse mo"
"Hindi pwede. Camping nga diba?"
"Sabi ko nga po. Wag na tayo matulog"
"Antok na ako e. Goodnight na babe"
"Matutulog na nga lang din ako"

Nakahiga na ako ngayon. Hindi rin naman ako makatulog dahil sa ipis. Inaantok na ako kanina
pero nawala yung antok ko nung makita ko yung ipis nay un. Yung katabi ko naman, ang sarap na
ng tulog. Tinitingnan ko lang siya ngayon. Ang gwapo niya. Ang sarap niya titigan.

Sana totoo na lang yung sinabe niya na mahal niya ako. Nakainom kasi siya nun kaya wala yung
utak niya sa katinuan. Mahirap tuloy maniwala. Ang dami daming thoughts na tuloy pumapasok sa
isip ko. Mas lalo akong hindi makakatulog nito.

Steven's POV

Nakasama ko si Aine sa tent. Buti na lang at napilit niya si KL. Baka kasi eto na din yung
huling beses na makakasama ko siya. Susulitin na ang last night na makakasama siya! Oh! Wag
kayong magisip ng kakaiba dyan. Wala akong gagawing kalokohan sa babaeng to. Papatayin ako nito
e! Sadistang Amazona kasi! -___-

Nakasandal lang siya sa balikat ko ngayon at ako naman, nakaakbay sa kanya. Nagkekwentuhan lang
kami tungkol sa unang pagkikita namin at sa iba pang mga bagay bagay. Kumbaga nagrereminisce
kami.

*flashback*

3rd year highschool kami. Hindi pa kami nakakalipat sa school nina Jin at first day of class
ngayon. Kasama ko sina Ryan, Arman, Pap at Ced. Hindi ko kasi kasama sina Gab at Spencer nun.
Nakatambay lang kami nang may Makita kaming grupo ng babae na nakatingin kami. Limang babae din
sila noon.

"Pre, type ata tayo nung mga babae oh" -Arman
"Oo nga. Lapitan na natin. Chicks oh. Gaganda e" -Pap
"Ikaw na lumapit Ryan. Mukhang ikaw type nun" -Ced
"Oo nga. Kailangan makuha natin mga celphone number nila. Tagiisa tayo"
"Oi Steven, ikaw dun sa nakaearphones. Matinik ka sa chicks diba? Mukhang mahirap kausapin" -
Ryan
"Tss. Yan lang ba? Kaya ko yan"
"Pano pag di mo nakuha?" -Pap
"Motor mo pare. Bago yun diba? Bigay mo para sa barkada" -Arman
"Sh*t men! Wag yun. Hindi ko pa nga magamit dahil wala pa kong lisensya, ibibigay ko na sa
inyo? Daya!"
"Kaya mo naman diba?" -Ryan
"Sige. Deal. Bigyan niyo ko ng isang buwan. Lugi naman ako sa inyo nyan e!"
"Sige pre. 1 month ah?" -Arman
"Deal"

Sh*t! Imba men! Motor ko pa. Bahala na nga. Kaya ko naman to e. Madali lang para sakin yan.
Nilapitan naman namin sila at m yung mga number nung babae. My turn.

"Hi miss. Can I get your number?"
"Excuse me?" napatingin siya sakin at tinanggal niya yung earphones nya.
"I said, can I get your number?"
"Number your face!" binalik niya na yung earphones niya.

Papahirapan ata ako nito ah? Pagtingin ko sa barkada ko, nagtatawanan sila. Kinorner ko siya.
Nakasandal kasi siya sa wall. Nakahawak ako sa shoulders niya tapos nilapit ko yung mukha ko sa
kanya.

"Give me your number or I'll kiss you"

Tiningnan niya lang ako ng masama. Aba! Kakaiba to ah. Di tinatablan ng charm ko? Nilapit ko
yung mukha ko sa mukha niya.

"P*tang*na ang sakit!" -ako

Tumakbo naman siya palayo. Tuhudin ba naman ako. Sakit nun ah! Siya palang gumagawa sakin nun.
Nilapitan din naman ako agad nina Pap.

"Mukhang matatalo ka pre ah?" -Pap
"Makukuha ko din number nyan"
"May 1 month ka pa naman e. Tara na nga" -Ced

Pumunta na kami sa room. Orientation lang naman yung meron kaya nagcutting ako. Pumunta na
lang ako sa rooftop ng school at may nakita ako doon na mga 10 na lalaki.

"Ano meron dito pre?" tanong ko
"Ah. Naghiganti lang kame dun sa nakatapon ng juice sa leader namin" guy 1

Tiningnan ko kung sino. Babae na may mahabang buhok. Hindi ko naman makita yung mukha niya
dahil natatakpan ng buhok niya yung mukha niya at nakatungo pa siya. Nakatali yung kamay niya
tapos may dalawang lalaking nakahawak sa kanya. Hahalikan ata siya nung leader nila. Nasabi ko
na leader nila yun kasi nagchicheer sila na 'go leader'. Aba, ayos panuorin to ah? May
kababalaghan din palang nangyayari na ganito sa school na to.

Nung pagangat ng mukha nung babae, nagulat ako dahil siya yung babaeng amazona kanina. Yung
napakasungit na babae. Makakaganti na din ako. Napatingin din siya sakin tapos inirapan niya
lang ako. Pinipilit niya lumaban pero hindi niya kaya dahil na din sa madami sila. Nung
sinubukan na siyang galawin nung lalake, pumalag siya kaya lalo nainis yung leader nila. Hindi
ko alam kung bakit pero naaawa ako sa kanya.

"Itigil niyo nga to!" sigaw ko
"Walang basagan ng trip pare" sagot nung leader nila.
"Babae yan pre! Maawa naman kayo"
"Wala kang pakealam. Kung ayaw mo ng gulo, pabayaan mo kame dito"
"Sinabing tigilan niyo siya!"

Sinuntok ko yung mga may hawak sa kanya at hinila siya. Tatakbo na sana ako kasama siya pero
ayaw niya naman sumama kaya nasuntok tuloy ako nung leader nila. Aba! Hindi ata ako papayag na
apihin nila kaya gumanti ako. Isa lang ako dito pero kailangan ko kayanin. Naaawa ako sa
babaeng yun. Nakipagsuntukan ako. Nung nakahanap ako ng tyempo na pwede umalis, binuhat ko yung
babae at saka tumakbo papalayo.

"Ano ba?! Ibaba mo nga ako!"
"Ano ba kasing kasalanan yung ginawa mo sa kanila?! Muntik ka na magahasa dun kung hindi ako
dumating!"
"Hindi ko kailangan ng tulong mo!"
"Bahala ka na nga dyan! Ikaw na tinulungan, ikaw pa may gana magalit"

Tumalikod na ako at saka naglakad. Nakakabanas yung babaeng yun. Pagkatapos mo tulungan, hindi
man lang marunong magpasalamat at siya pa may gana magalit.

"Thank you"

Napalingon ako at lumapit sa kanya.

"Anong sabi mo?" tanong ko
"Wala"
"Ulitin mo nga bilis"
"Sabi ko thank you"
"You're welcome"
"May dugo yung mukha mo" inabutan niya ako ng panyo.
"Salamat dito ah?"
"Thank you ulit. Sorry kung nagalit pa ako. Nahihiya lang kasi ako sa nakita mo. By the way,
I'm Jeraldine. Just call me Aine"
"I'm Steven"

Sa huli, nakilala ko pa siya at nakuha ko din yung number niya. Ganun kami nagkakilala. Man
hater siya kaya naman pala ganun siya makipagusap sakin. Naging magkaibigan din naman kami nun
at hindi nagtagal, nagkagusto ako sa kanya.

*end of flashback*

Nagtuloy tuloy lang naman kami sa pagkekwentuhan hanggang sa nakatulog siya at natulog na din
ako. Pagkagising namin, nagliligpit na sila ng gamit kaya tumulong na din kami sa pagliligpit.
Pagkatapos naman magligpit ng gamit, pumunta na muna kami sa bahay nina Gab para kumain at
bumalik na din sa mga kanya kanya naming bahay. Hinatid ko na si Aine sa bahay nila at nandito
kami ngayon sa tapat ng gate nila.

"Thank you Steven. Hindi ko alam kung kalian pa tayo ulit magkikita. Mamimiss kita"
"Ako din. Papasabugin ko na lang yung NAIA para hindi ka matuloy"
"Ang kulit mo Steven! Tama na nga yan. Please respect my decision na lang"
"Ano pa nga ba magagawa ko? Ikaw boss e."
"Thank you talaga ha? Napagtyagaan mo ugali ko"
"Ikaw pa. Alam mo naman na gagawin ko lahat para sayo"
"Wag masyadong sweet dahil baka mamiss ko"
"Okay lang yun para naman bumalik ka agad"

Akala ko hahampasin niya na naman ako pero bigla niya kong hinalikan na ikinagulat ko naman
dahil hindi ko naisip na magagawa niya yun.

"Sige Steven, I'll text you na lang. Pasok na ako uh? I love you"
"Pwede isa pa? Haha! I love you too Aine"

*pak*

"Ayoko nga! Sige na bye na"

Pumasok na siya sa bahay nila. Siguro ako na ang pinakamasaya ngayon dahil nasulit ko yung
camping na yun. Hindi ko naman siya mapigilan. Rerespetuhin ko na lang yung desisyon niya. Ayaw
ko man pero kailangan.
*******************************************
[25] CHAPTER 21: Malas.
*******************************************
Chapter 21: Malas


Jin's POV
October 11, Tuesday.

Exams na naming bukas. Pahirap talaga sa buhay kapag exams na dahil kailangan talagang magaral.
3 subjects yung exam naming bukas. Nandito na ako sa bahay ngayon at kakauwi ko lang. Nakahiga
ako ngayon at nagbabasa ng notes ko.

*fiancee calling...*

"Hello?"
[ Labas tayo. Lilibre kita. ]
"Nagrereview ako ee. Hindi pwede"
[ Ganun? Ge ]

Binabaan niya na ako. Ayos to ah? Wala ba siyang balak magreview? Kapag siya bumagsak ewan ko
na lang. Bahala na nga siya. Problema niya na yun. Hindi ko problema kapag bumagsak siya.

*Babe calling...*

Huh? Babe? Sinong babe? Sagutin ko nga. Wala naman akong babe ngayon ah?

"hello? Sino to?"
[ di mo na ako agad kilala? ]
"Sabihin mo na lang kaya kung sino ka"
[ Zeke. Dinelete mo na siguro number ko ]
"Hindi ah. Hindi ko lang kasi maidentify kung sino. By the way, bakit ka napatawag?"
[ Papasama sana ako sayo sa Glorietta. Let's have fun just like the old times ]

Just like the old times? Anong problema ni Zeke? Biglang ata siyang nagyaya? Makikipagbalikan
kaya siya? Kaso Malabo naman yun.

"Ganun ba? Wait, dyan ka lang. Magpapaalam muna ako kay kuya kung pwede ako gumala"
[ sure ]

Iniwan ko yung phone ko sa bed ko at lumabas ng kwarto ko and dumeretso sa room ni kuya
Hiroshi.

"Hello kuya!"

Mukhang nagulat sina kuya sakin. May kasama kasi siyang girl. Well, wala namang girlfriend si
kuya kaya imposible na girlfriend niya yun.

"You should knock first before ka pumasok" -kuya
"Baoqian. Ta shi shui?" ( Sorry. Who is she? )
"Ta de Jessica. Wo de tong xue" ( She's Jessica. My Classmate )
"Hao le. Ta de piao liang" ( Okay. She's pretty )"
"Hi! I'm Jessica."
"I'm Jin. Nice meeting you po"
"So, bakit ka pala napasugod dito sa room ko?" -kuya
"Pwede ba ako lumabas kuya? Hanggang 6 pm lang. Promise"
"Okay. Make sure to be here by 6 okay? If not, di na kita papayagan"
"Yes kuya. Xiexie!" (Xiexie - thank you)

Ganun kami ni kuya kapag ayaw namin paintindi sa iba yung pinaguusapan namin. Nagchachinese
kame. Alien language daw kasi kami lang nagkakaintindihan kapag ganun. Bumalik na din naman ako
agad sa kwarto ko.

"Pinayagan na ako. Saan tayo magkikita?"
[ Nandito na ako sa Glo. Sa may tapat na lang ng Mcdo ]
"Ah. Itetext na lang kita. Bye! See you!"

I hung up. Nagbihis na ako kaagad. 4 na din kasi ee. Kailangan sulitin dahil minsan lang to.
Pagkadating ko sa Glo, nakita ko siya dun sa tapat ng Mcdo.

"Zeke!"
"Jin. Thanks dumating ka, wala kasi akong kasama"
"Wala yun. Swerte ko lang na pumayag si kuya"
"Alam ba na ako kasama mo?"
"Hindi. Hindi ako papayagan kapag ikaw kasama ko ano. Hindi mo ata kasama si Mika?"
"Dapat kasama ko yun kaso hindi ata ako sinipot kaya tinawagan kita"
"Kaya naman pala. Tara na nga. Saan tayo unang pupunta?"
"Subway, my treat. Let's go"

Sakto! Gutom na din ako. Inintertwine niya yung kamay niya sa kamay ko. Hindi na ako pumalag.
Minsan lang naman kasi ito at namimiss ko na talaga siya. Naglakad kami ng naka holding hands.
Just like what we usually do nung kame pa.

Gab's POV

Nandito ako sa Glorietta ngayon kasama si Mafelle. Magshopping daw kasi siya. Ayoko naman na
pabayaan siya magisa kaya sinamahan ko na. Naglalakad lang kame nang makita ko si Mika.

"Hi Gab. Who is she? Girlfriend mo?" -Mika
"Hiiiiiii! I'm Mafelle! Kapatid niya ako" -Mafelle
"Mukha lang kayong magkaage" -Mika
"I know right! Konti lang difference ng age namin ni kuya. 1 year lang. Ui, mukhang madami kang
pinamili ah? Shopaholic ka din?" -Mafelle
"Uh, yea" -Mika
"Parehas tayo. Mukhang makakaclose kita! Tara, sama ka samin ni kuya" -Mafelle
"Tara na Mafelle, baka may lakad pa siya"
"Dont worry, wala naman. Tara. Sama na ako sa inyo. Mukhang masaya kasama tong kapatid mo. By
the way, I'm Mika." -Mika

Dahil sa kaingayan ni Mafelle, kasama tuloy namin tong babaeng to -___- Ang close close nila
tingnan ng kapatid ko. Akala mo naman matagal na sila magkakilala. Tsk. Ayoko maging kaibigan
ni Mafelle yan. Hindi ko naman masabe na umiwas dahil baka sabihin niya na ang sama ko.

Mikaela's POV

I'm now with Gab and her sister Mafelle. Well, I admit it. I like Mafelle because she's nice.
She's really different from her brother. For sure, Mafelle and I will get along well with each
other. Katext ko ngayon si Zeke and he told me na nasa subway daw siya with Jin. Tss. Ang dali
naman utuin ng babaeng yun. Grabe uh? Isang tawag lang ni Zeke pumapayag na agad siya. Kawawa
naman yun pag dumating ako. Maiiwan sa ere! Since I'm with Gab, I come up with a plan.
Guguluhin ko buhay nila. Bakit ba? May angal kayo? Even though meron, you can't stop me.

"Hi Gab." sabay kapit sa braso niya
"..." tinanggal niya pagkakakapit ko sa braso niya
"Grabe ka naman Gab! Kakapit lang sayo e" -ako
"Kuya ang mean mo. Pagbigyan mo na si Mika. Wala naman si Jin ee" -Maf

The best ka talaga Mafelle. Kumapit ako sa braso niya at hindi na din naman siya pumalag.
Niyaya ko na lang din naman sila kumain sa same place kung nasaan ngayon sina Zeke and Jin.
Pumunta na kami dun sa subway and gotcha! Jin and Zeke were there. Tiningnan ko si Gab. He
seems mad and for sure, magaaway sila.

"Oh my gosh Jin! How dare you date my boyfriend behind my back?! I thought you're my friend.
Wala lang yung fiancee mo, lumandi ka na!" -ako

I got all the attention of the people here. For sure, Jin was embarrassed. Magdadrama pa ako
lalo! Nagtingin tingin siya sa paligid at mukhang nahiya na. Pinagbubulungan din kasi siya ee.
Poor Jin.

"Thats not true. Mali ka lang ng akala Mika." -Jin
"Not true?! You're already caught in the act and you're still denying it? Nasasaktan ako sa
ginawa mo. I treated you like a friend and yet I got this in return?"

I started crying. Well, this is what you call DRAMA.

"Gab, naniniwala ka sa kanya? Zeke, iexplain mo naman sa kanila oh" -Jin

*slap!*

"I hate you Jin!" -ako

Then I walked out of that store. Sumunod naman si Zeke sakin. As usual, napagiiwanan na naman
si Jin. Tumakbo na ako at sumunod lang si Zeke sakin hanggang sa makarating ako sa parking lot
kung saan nakapark kotse ko.

"Hahahahahaha! Nakakatawa sila!" sabi ko
"Why did you do that?!"
"Well, I just want to. Why? Is there anything wrong with that?"
"Tigilan mo na si Jin. You already have me. Pati sa academics talo mo na din siya. Hindi pa ba
sapat sayo yun?!"
"Zeke? Dont tell me that you love her and not me"
"I don't love her. Maawa ka naman sa tao. Pinahiya mo oh. Ang dami daming nakarinig sayo.
Sinaktan mo pa!"
"Tss. I dont care. Ano magagalit ka? Edi layuan mo na din ako!"
"No. I'll always be here for you Mika. Alam kong ganyan talaga ugali mo but I know na may
goodness pa sa heart mo kaya sana tigilan mo na siya"
"Okay. Whatever"

Tss. Kala ko iiwan niya na din ako e. Well, it seems like Zeke can't do that to me. He loves me
too much for him to do that.

Jin's POV

"Gab" hinawakan ko wrist nya.
"Ewan ko sayo Jin. Bahala ka na. Tara na Mafelle."

Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa wrist nya. Ano ba yan? Lahat na lang ba iiwan ako? Ang
hirap naman nito oh. Sinundan ko lang siya. Ang bilis niya maglakad. At kung minamalas ka nga
naman oh, umulan pa. Sinundan ko lang siya kahit umuulan. Tumakbo na sila ee. At sa sobrang
kamalasan ko, nadapa ako. As in sumubsob ako. Buti yung mukha ko di nagasgasan.

"Need a hand?"

Kumapit ako dun sa kamay nung lalaking nagsalita. Tinulungan niya akong tumayo.

"Thanks"

Pagbitaw niya sakin, natumba ako. Ang sakit ng ankle ko. Binuhat niya naman ako. Yung buhat na
parang kinakasal kaya pati tuloy siya nabasa sa ulan.

"Let's go to the hospital to check if napilayan ka"
"No thanks. I'm okay. Ibaba mo na lang ako. Kaya ko na umuwi magisa." -ako
"But miss, mukhang napilayan ka. Hatid na lang kita sa bahay nyo. I can't leave you here like
that"

Grabe makaconcern to ah? Mukha namang mabait kaya pumayag na lang ako. Dinala niya ako sa
sasakyan niya. Mukhang mayaman. Gwapo pa niya. Naka polo siya and pants. Ganda din ng sasakyan
niya. Red na BMW Convertible. Siya na talaga mayaman. Isinakay niya ko sa sasakyan niya. Tinuro
ko lang yung way papunta sa bahay namin. Ang tahimik lang naming dalawa. Sobrang nakakailang.
Alam ko na. Itetext ko si kuya na abangan ako sa labas ng bahay. Pagdating namin sa tapat ng
bahay, nandun na si kuya.

"What happened to my sister? And who are you?" -kuya
"Well, let's just say that I'm someone who wants to help. She fell and I think she hurt her
herself" sagot nung lalaki
"Thank you ah?"
"Glad to help"

Umalis na siya agad. Wait! Hindi ko man lang natanong pangalan niya. Bahala na nga. Thankful
ako dun kay mystery guy. Binuhat din ako ni kuya at dinala sa room ko. Dun ako nagpatuyo ng
buhok at tinulungan na din ako ni kuya na mawala yung sakit nung paa ko. Badtrip naman kasi.
Ang malas ko ngayong araw. Hindi ko din namalayan na nakatulog pala ako. Pagtingin ko sa phone
ko may 30 missed calls and 10 texts. Kanino naman kaya galing? Pagtingin ko, kay Zeke and kay
Gab.

*Babe calling...*

"Po?"
[ Bakit hindi mo sinasagot? Galit ka ba dahil iniwan kita kanina? Sorry Charel ]
"Wala po yun. Okay lang ako. Nakatulog kasi ako ee"
[ Sorry sa ginawa sayo ni Mika. Hindi ko naman expected na mangyayari yun. I want to say sorry
in her behalf ]
"Okay lang yun. Hayaan mo na. Sige po. Bye"
[ Iniiwasan mo ba ako? ]
"Hindi po. Kailangan ko pa magreview ee. Sige babye"
[ bye ]

Bakit kapag siya nagsosorry okay na agad? Pero naiinis pa din talaga ako sa ginawa sakin kanina
ni Mika. Ipinahiya niya ako. At sinabe pa niya na kaibigan ko siya? Tsk. Kelan pa kami naging
friends?

*fiancee calling...*

"Sorry Gab"
[ bakit hindi ka sumasagot?! Akala ko naman kung ano na nangyari sayo! ]
"Pwede wag sumigaw? Sakit sa tenga e"
[ Ge ]
"So, bati na tayo?"
[ Oo. Sorry iniwan kita. Nainis kasi talaga ako nun. ]
"Okay lang po. Sorry din"
[ Ge. Sige na, magaral ka na ]
"Okay. Ikaw din"
[ I love you ]
"ha--"

Binabaan ako -___- tss. If I know nagkecare ka lang. Wait! Anong sabi niya? 'I love you'? Mahal
niya na ako? Baka nagkamali lang ako ng rinig. Kakalimutan ko na lang.

*******************************************
[26] CHAPTER 22: Sorry
*******************************************
Chapter 22: Sorry


Jin's POV

"Jin, wake up. Its 7:00 already" -kuya Hiroshi
"Kuya, ang sama ng pakiramdam ko. Ayoko pumasok"
"Jin, you need to take your exams no matter what"

Wait! Ano daw?! Exams?! Hala! Nakalimutan ko! May exam pala kami ngayon! Napabangon tuloy ako
agad.

"Thanks kuya. May gamot ka po ba sa sakit ng ulo?"
"Meron. Sige na maligo ka na, then punta ka ng kitchen para makakain ka at makainom ng gamot"
"Sige kuya"

Nagulat naman ako dun. 8:00 pasok ko ee. Sakit talaga ng ulo ko >__< para akong magkakasakit.
Hindi pa naman ako nakakareview ng maayos. Nakatulog din kasi ako agad kagabi tapos konti pa
lang narereview ko. Nagready naman na ako para sa pagpasok at nagpahatid ako kay kuya sa
school. Buti na lang, pagdating ko sa school, konti pa lang ng students sa classroom namin.

Review. Memorize. Review. Memorize.

"Aaaaaah! Ang ingay! Pwede manahimik kayo?! Kung ayaw niyo mag-aral, 'wag niyo ako idamay!"
sigaw ko

Nanahimik nga sila. Nakakaasar kasi dahil walang pumapasok sa isip ko dahil sa kaingayan nila.
Sakit na nga ng ulo ko, sasabayan pa nila!

"Chill"

Pagtingin ko si Gab. Nakatungo lang siya.

"Hindi ka magrereview?" tanong ko
"Nag-aral na ko. Kaya ko naman yung exam"
"Sige, ikaw na matalino"

Nagaral na lang ako at hindi rin naman nagtagal, dumating na din yung teacher namin tapos
inayos yung seats namin. English, Filipino and History yung mga ie-exam namin ngayon. History
yung problema ko. Ang hirap kasi dahil puro memorization. Pagkabigay sakin ng test paper,
pakiramdam ko dudugo yung utak ko. History yung unang exam at wala man lang choices pero kinaya
ko naman kahit papano. English naman yung next at madali naman yung exam kahit papano.

Recess na naming ngayon. Magkakasama kami ng barkada papuntang canteen. Teka lang, ako ba
pinagtitinginan nila o yung mga kasama ko? Gagwapo kasi nilang tatlo. Meaning, si Gab, Steven
at Spencer.

"Gab?"
"Oh?"
"Pinagtitinginan nila tayo. Naiilang ako"
"Hayaan mo lang sila. Hindi ka naman nila kaya patayin sa tingin nila at isa pa, nandito naman
ako para protektahan ka"

Nagpakacheesy pa! Hahaha! Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at pagpasok namin ng canteen, may
nagpplay na video. Nagulat at nahiya ako at the same time nang makita ko yung video na
nagpplay. Yung nangyari kahapon sa subway, may video. Sinetup ako?!

"SINO NAGPLAY NG VIDEO NA YAN?!"

Natahimik lahat ng tao sa paligid dahil sa pagsigaw ni Gab. Galit na galit na naman siya.
Nakaintertwine yung fingers namin ngayon at ramdam kong galit talaga siya kasi humihigpit yung
pagkakahawak niya sa kamay ko.

"So, there's the flirt! Dating my boyfriend and her fianc at the same time huh? Ako ang
nagplay Gab. So what is it to you?" -Mika
"Ang sama ng ugali mo Mika!" -KL
"Shut up! I'm not talking to you! I'm talking to Gab. So sweety, is there anything wrong? You
look really really mad" -Mika
"Ang landi mo! Ang kapal din ng mukha mo tawaging sweety si Gab sa harap namin!"-KL
"I said I'm not talking to you." -Mika

Sasaktan na sana siya ni KL pero pinigilan siya ni Spencer at hinila na palabas ng canteen. Si
Gab naman, binitawan na yung kamay ko tapos nilift niya yung fist niya na parang gusto niyang
suntukin si Mika.

"Gab" -ako

Binaba niya naman yung kamao niya. Alam kong pinipigilan niya lang yung sarili niya. Hinawakan
niya sa magkabilang braso si Mika ng sobrang higpit.

"Ano ba?! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" -Mika
"Subukan mo lang gumawa ulit ng kalokohan at hindi ko na alam kung anong pwedeng magawa ko
sayo"

Nanlilisik mga mata ni Gab. Nakakatakot siya kapag ganito siya. Makikita mo din sa mukha ni
Mika yung takot.

"I'm not scared" -Mika
"Bitawan mo siya!"

Napalingon ako dun sa nagsalita, si Zeke. Papalapit na siya dito samin. Binitawan naman siya ni
Gab pero sa sobrang lakas ni Gab, napaupo si Mika sa sahig. Hinila na din ako ni Gab palabas.
Ang sakit ng pagkakahawak niya sakin.

*boog*

Sinuntok ni Zeke si Gab.

"How dare you touch Mika!" -Zeke

*boog*

Sinuntok din ni Gab si Zeke.

"Bagay lang yan sayo. Alam kong ikaw ang nagsimula ng gulong to dahil kung hindi ka nakipagkita
kay Jin, hindi mangyayari yung nangyari kahapon" -Gab

Hinila na ako ulit ni Gab papalabas ng canteen. Pagkalabas namin ng canteen, binitawan niya na
ako at naglakad siya ng magisa kaya hinabol ko siya.

"Ano ba Gab?! Ano bang problema mo?! Pati sakin nagagalit ka na din?! Wala naman akong ginawa
sayo ah?!"
"Jin! Wala?! Sana kung hindi ka nakikipagkita sa g*gong Zeke na yun, walang gulo ngayon! Kailan
ba magiging ako Jin? Diba sinabihan ka na namin na kalimutan na siya?! Tinutulungan na kita
pero ikaw pa din yung may ayaw! Ginawa ko na lahat para sayo Jin! Sana naman pagbigyan mo ako.
Hindi yung puro Zeke ka na walang ginawa kung hindi saktan ka at kapag sinasaktan ka ni Mika,
walang ginawa kung hindi tingnan ka lang na nasasaktan. F*ck! Bahala na!"

Tinuloy niya na paglalakad niya at ako naman, naiwan dito. Naiiyak na ako. Tama si Gab. Hindi
ko naaappreciate yung mga ginagawa niya. Dahil kay Zeke, nasasaktan lang ako. Alam kong ang
laki ng kasalanan ko kay Gab dahil sa mga pinag gagawa ko.

"Jin, tara na. Oh eto panyo. Baka mamaya isipin pa nila pinaiyak kita. Bawas pogi points yun
sakin" -Steven
"Baliw ka talaga Steven. Tara na nga."

Kinuha ko yung panyo na inabot niya at pinunasan yung luha ko. Pagdating namin sa room, tahimik
lang si Gab. Hanggang sa natapos yung exam naming ganun pa din siya.

"Tara, hatid na kita" -Gab
"Okay lang ako Gab. Hindi na kailangan"
"Wag na matigas ang ulo. Masakit daw ulo mo sabi ng kuya mo. Di ka man lang nagsabi sakin para
alam ko"
"Wala to"

Hinawakan niya yung noo ko.

"Inaapoy ka na ng lagnat. Tara na, iuuwi na kita sa inyo para makapagpahinga ka na"

Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya at hinatid na niya ako sa bahay. Pumasok na din kami
agad ng kwarto ko pagdating sa bahay.

"Saglit lang. Babalik din ako. Magbihis ka na at magpahinga" -Gab

Ganun nga ang ginawa ko at pagbalik niya may dala siyang bowl na may laman na tubig pati towel.
Nilapag niya muna yun sa table sa kwarto ko at umalis ulit. Pagbalik niya naman, may dala na
siyang food at gamot.

"Kumain ka na muna para makainom ka na ng gamot"

Ginawa ko na lang naman yung mga sinasabe niya at nagpahinga na.

"Gab, thank you"
"Wala to. Kasalanan ko din naman kung bakit ka nagkasakit. Kung hindi kita iniwan kahapon,
hindi ka--"
"Hindi yun Gab. Sa nangyari kanina. Tama ka. Tinulungan mo ako na maka move-on pero ako pa din
yung pilit na lumalapit sa kanya. Sorry talaga"

Tumulo na yung luha ko. Di ko mapigilan kasi. Pinunasan niya din naman yun.

"Sshh. Hayaan mo na yun. Magpahinga ka na lang. Hindi ako galit. Matulog ka na lang para bukas
okay ka na"
"Thank you"

Nagpahinga na lang naman ako at hindi din nagtagal at umuwi na din naman siya. Medyo umayos na
yung pakiramdam ko and its all because of Gab.

*******************************************
[27] CHAPTER 23: Goodbye
*******************************************
Chapter 23: Goodbye


Aine's POV

Thursday night, October 13. Bukas na ang flight ko papuntang China. Ayoko man umalis pero
kailangan. Wala akong magawa pero sumunod na lang. Nalulugi na ang company ng parents ko at ako
lang daw ang makakapagsalba sa company namin.

Engaged na ako sa taong hindi ko man lang kilala o nakikita. I need to be there para gampanan
ang pagiging fianc niya. Kailangan ko din pumirma ng contract na papakasalan ko yung guy na
yun. Whoever he is -__-

Actually, hindi naman talaga ako busy. It's just an excuse para hindi makipagkita kay
Steven.Why? baka pigilan niya lang ako at dahil dun baka hindi lang matuloy ang pagalis ko.
Kapag nakasama ko pa kasi yun, mas magkakaroon ng memories kaya mas mahirap umalis. Kaya eto
ako, mas pinili na di na lang siya makita.

Prepared na lahat para sa pagalis ko bukas. Ayoko talaga umalis :( ang hirap! Gusto ko makita
si Steven bago ako umalis pero hindi pwede. Maya maya darating na dito sa bahay yung fiancee ko
daw at sabay kami pupuntang China bukas.

*Steven calling...*

"Hello Steven."
[ Wag ka na tumuloy bukas ]
"I need to. Ilang beses na natin to napagusapan diba? Hindi na magbabago isip ko"
[ Magkita tayo ngayon ]
"Ano ka ba? May exam ka pa bukas. Magaral ka na lang. Gusto ko maipasa mo yung exams mo para
sakin"
[ Pupuntahan kita bukas. Pipilitin kong makita ka bukas kahit sandali lang]
"Kahit hindi na. Pwede naman tayo magkaroon pa din ng contact. Tatawag naman ako"
[ Basta susubukan ko pa din ]
"Sige Steven. Matutulog na ako. Goodnight"
[ Goodnight. I love you]

I hung up. Ayoko na makausap pa siya. Nasasaktan lang ako lalo. Sana nga pwede ko pa siya
matawagan kapag nandun na ako kaso ako na mismo ang lalayo. Pipiliin ko na wala na lang
communication para makalimutan ko na siya and makalimutan niya din ako.

*ding dong*

Siguro andyan na siya. Pagopen ko nung gate, puro men in black yung nakita ko. Kala mo
kidnappers. Pero ang decent nila tingnan. Nasaan na fiancee ko dito? Maya maya umopen yung door
ng car. I saw a very decent guy wearing shades at naka coat pa. Then lumabas na siya sa car and
pumasok ng bahay.

Hindi ko lang siya kinakausap. Kumuha lang ako ng juice and snacks. Pagbalik ko, nakaupo lang
siya dun, texting. Tinanggal niya yung shades niya and I saw a really handsome guy. As in
gwapo! Hindi! Ayoko sa kanya dahil si Steven ang gusto ko! Hindi ako pwede mainlove sa gwapong
nilalang na to. Hindi ako madadaan sa kagwapuhan na yan.

"Remember me?" tanong niya
"Excuse me?"
"Let me introduce myself. I'm Paolo Ferrer"

Paolo Ferrer? Familiar yung name. Hindi ko lang talaga maalala.

"I'm Jeraldine Tan"
"I know. I've known you for years"
"Excuse me? I don't even know you"
"I'm the first person who called you Aine. Do I need to say more?"

Siya? Of all people, bakit siya pa? Siya yung batang hinahabol habol ko noon. Ang best friend
ko na iniwan ako sa ere. Iniwan niya ako noon dahil sa family niya. Ang lalaking sinundan ko pa
kung saan man sila pumunta pero wala akong napala. Itinaboy niya lang ako at sinabe na hindi
niya ako kilala. Siya ang reason kung bakit naging man hater ako.

"Ikaw? Ang fiancee ko? You must be joking"
"Sad to say but I'm your fianc and that's how it is planned. Hindi ko ginusto to"
"Para namang ginusto ko din to. Parehas lang tayo na may ayaw kaya wag ka na magreklamo dyan"
"Okay. Now, can I have your phone?"
"Why?"
"One of my tasks"

Binigay ko sakanya yung phone ko. Wala naman ako magagawa ee. Kailangan ko na lang sumunod.
Utos to ni mommy for sure.

***

October 14, Friday. Nandito na ako sa airport. Isang oras na lang at flight ko na.

"Can I have my phone. Just for a while?" tanong ko
"Sure"

Binigay niya naman sakin phone ko. Itetext ko si Steven.

To: Steven
I'll wait for you.

Ang tagal niya at wala pa ring reply. Kapag dumating siya dito, hindi na talaga ako tutuloy sa
China. Ayoko sumama kay Paolo. I waited but there's no sign of Steven.

Steven's POV

Huling araw na ng exams namin ngayon at heto ako inaantay ang test paper ng last subject na
kailangan kong pagexaman. Nagaral ako kagabi kaya alam kong masasagutan ko to agad. Kailangan
ko maabutan si Aine. Pagkabigay sakin ng test paper, nabadtrip lang ako. Ang hirap ng exam!
Sh*t! Kailangan ko maipasa to para kay Aine. Kailangan ko din siyang maabutan. Hindi rin kasi
kami papayagan na magpasa ng test paper na di nasagutan lahat kaya kailangan sagutan ko to.

Pagkatapos ko magexam, tiningnan ko agad yung oras. 11:45?! Sh*t! Kailangan ko umabot!
Pinaandar ko na lang ng mabilis yung motor ko at pagdating ko ng airport, 12:00 na.Hinanap ko
si Aine pero hindi ko siya nakita. Tiningnan ko phone ko at nagulat ako ng may text siya.

From: Aine
I'll wait for you.

Sh*t! Kanina pa pala yung text niya. Sinubukan ko siyang tawagan pero di siya sumasagot. Cannot
be reached na yung phone niya. Nagtanong ako sa babae sa may concierge.

"Miss. Nakaalis na po ba ang plane papuntang China ng 12 o'clock?"
"Yes sir. Kakaalis lang po"
"Sh*t!"

Hindi ko siya naabutan. Hindi man lang ako nakapagbye -___-

"Sir, are you Steven Santos?"
"Oo, bakit?"
"May babae pong nagpapabigay ng letter"

Binigay sakin yung letter at binasa ko agad yun.

Steven,
Pinilit kong antayin ka. Sana dumating ka ng maaga, di na sana ako tumuloy. I'm really
sorry. I don't know if makakabalik pa ako. Goodbye.
-Aine

Pagtapos ko basahin yun, sobrang galit at lungkot ang naramdaman ko. Sinisisi ko ang sarili ko.
Sh*t! Bahala na! Tutal wala na din naman siya, magloloko na lang ako ulit. Ibabalik ko na ang
dating Steven Santos.

Spencer's POV

Tinawagan kami ni Steven at pinapunta kame sa bar. Aba! Alam ko na drama nitong taong to.
Mukhang binusted na ni Aine. Tss. Mga babae talaga! Paasa masyado. Sabay kame pumunta ni Gab sa
bar tapos nakita naming si Steven, may kahalikan na naman na babae. Ano ba problema netong
taong to? Mukhang lasing na.

"Pre" sabay tapik sa kanya
"Oi pre. Upo kayo dito. Chick ko nga pala" -Steven
"Hello guys. I'm Shiela. Magusap muna kayo. I'll be right back" -girl
"Asan na si Aine?" -Gab
"Iniwan niya na ako. Nakakatawa diba? Parang nung kelan lang okay kami" -Steven
"Saan pumunta? Bakit?"
"China. Bahala na! Di na babalik yun. Alam mo yun pre? Minsan lang ako magseryoso sa isang
babae, iniwan pa ko. Ibabalik ko na ang dating Steven na nakilala niyo"
"Tama na pre. Lasing ka lang" -Gab
"Tss. Di ako lasing. Tara, labas muna tayo. Yosi"

Lumabas siya at nagyosi. Sumunod lang kame. Hindi naman kami nagyoyosi nitong si Gab. Good boy
ata kame.

"Uwi na tayo pre" pagyayaya ko
"Ayoko pa. Ano ba?! Inom na lang tayo! Wag kayong KJ! Minsan lang to" -Steven
"Tara Spencer, inom na lang din tayo" -Gab
"Seryoso ka dude?"
"Oo. Lasingin na lang natin".

Ano ba to? Napainom pa kame ng wala sa oras. Bad trip! Nilasing na lang namin si Steven. Ayaw
paawat e. Nung hindi pa siya masyado nalalasing, ayun may kasayaw na babae. Ayos to ah?
Chickboy talaga! Maya maya, naglalandian na sila. Tsk. Grabe talaga tong si Steven pagdating sa
babae, ayaw paawat.

*boog*

"Dude, girlfriend ko yang nilalandi mo e!" -guy
"Bakit?! Sino ka ba?" -Steven
"None of your business! Tara na!" tapos hinila nung guy yung kasayaw ni Steven

Inawat namin si Steven. Pinagsusuntok niya yung lalaki kahit wala namang kasalanan sa kanya. Si
Steven pa nga may kasalanan. Landiin ba naman yung babaeng may boyfriend?! Nako naman.

"Sige na. Umalis ka na! Pagpasensyahan mo na tong kaibigan namin" -Gab

Umalis na yung lalaki. Nabugbog ng sobra e. Siguro dun niya binuhos lahat ng problema at galit
nya.

"Pre, tara na" -ako
"Inom pa tayo" -Steven
"Ge lang. Hayaan muna natin siya Spencer" -Gab

Pinainom lang namin siya hanggang sa gusto niya. Hinihintay lang namin na malasing siya ng
sobra at saka naming siya hinatid pauwi. Hindi namin to pwede iwanan dun. Mabubugbog lang to
dun. Sana maging okay na din to. Balik sa dati na naman siya e. Bad boy na naman. Si Aine lang
nagpatino dito tapos iniwan pa. Mga tao nga naman talaga, dumadating tapos aalis din kaya dapat
habang andyan pa, pinapahalagahan na.

*******************************************
[28] CHAPTER 24.1: Dinner ( part 1 )
*******************************************
Chapter 24.1: Dinner (part 1)


Jin's POV

Natapos na din kami sa exams. Mahirap pero kinaya naman kahit papano. Alam ko naman na mapapasa
ko yun pero hindi ko lang sure kung talagang matataas yung magiging scores ko.

Nandito ako ngayon sa car. Papunta kaming airport ngayon dahil susunduin namin sina Mommy.
Nasabi ko na ba na may car na din ako? Yun yung gift sakin nina mommy nung birthday ko pero
hindi pa ako marunong magdrive kaya hindi ko din magamit. Pero ngayon, yung car ko yung ginamit
at si kuya lang yung nagdadrive. Traffic din ngayon. Wala akong magawa dito. Matawagan nga si
Gab.

"Honey!"
[ oh? ]
"Wala sa mood? Sige babye na nga."
[ Hindi. Asar kasi tong si Steven e ]
"Bakit? Ano meron kay Steven? Ang ingay dyan ah? Asan ka ba?"
[ Bar. Nangchichicks kaxjrslydyclxkdlg ]
"ha?"

Bigla naman naputol yung tawag. Nanchichicks?! Sila?! Grabe talaga yung mga yun.

*1 new message*

From: fiancee
Si Steven yung nangchichicks hindi ako. Ikaw lang yung nagiisang chick ko.

KYAAAAAAH! Bakit ako kinikilg? :"> badtrip naman to oh. Naaasar ako kanina tapos bigla akong
pinakilig. Mareplyan nga.

To: fiancee
Talagang may ganun? Haha! Sige po ingat ka ;)

Then send. And at last, after 1,000,000 years, nandito na kami sa airport. Joke lang. 2 hours
lang naman. Haha! Hinihintay na lang naming yung arrival ng plane naming ngayon. Excited na ako
makita sina Mommy and Daddy. Hindi rin naman nagtagal at nakita ko na sila. Tumakbo ako papunta
sa kanila and I hugged them.

"I miss you Mommy. I miss you daddy"
"Namiss ka din namin baby" -daddy
"Let's go home. Napagod kami sa byahe. Sa bahay na tayo magusap" -mommy
"Sige po"

Umuwi na din kami kaagad. Pagkadating sa bahay, si kuya muna kinausap nila and now its my turn.

"Hi mommy. Hi daddy"
"Hello. So kamusta ka naman Charel?" tanong ni mommy
"Okay naman po mommy. Im doing good naman sa school. Kailangan lang po bumawi ng konti."
"So dapat magaral ka pa ng mabuti nyan baby. How are you and Gab?" -daddy
"Okay lang din daddy. Hindi niya naman po ako inaaway"
"Buti naman kung ganun. By the way, may dinner tayo tomorrow with Gab's family dito sa bahay so
prepare for that. Okay? I'll buy you a dress tomorrow so wala ka na din poproblemahin" -mommy
"Thanks mommy. Um, dark blue na dress mommy ah? Thank you!"
"Okay baby. Don't worry. Go to sleep na. It's 12 midnight already" -daddy
"Sige po. Goodnight!"

Kiniss ko sila sa cheeks at pumasok na sa room ko para makapagayos at makatulog na.

Gab's POV

Nandito ako sa bahay nina Jin ngayon. Kinausap kasi ako ni tita tungkol sa dinner mamayang
gabi. Hindi naman makakasama dad ko kasi wala sa Pinas ngayon kaya kaming dalawa lang ni
Mafelle yung pupunta mamaya.

Nandito ako sa kwarto ni Jin ngayon. Sabi kasi ni tita, dito daw muna ko kasi malamig sa kwarto
niya. Pano ba naman, grabe magaircon tapos balot na balot naman. Ako na din daw gumising sa
kanya. Natutuwa ako panuorin siya matulog. Ang likot kasi e. Buti hindi to nahuhulog sa kama?

Nakahiga din ako sa kama niya ngayon. Nandun naman siya sa kabilang side kaya okay lang.
Tinititigan ko siya. Ang lapit ng mukha niya sakin ngayon. Halikan ko kaya to? Sarap niya
talaga titigan. Maya maya, nagsimula na din naman siya magising.

"Good morning" bati ko sa kanya sabay ngiti
"WAAAH!---"

*blag!*

Tawang tawa ako sa kanya! Nagulat ata siya sakin kaya nahulog sa kama.

"Fvck! Masakit!"
"Bwisit ka! Nakakainis ka! Nahulog tuloy ako sa kama! Ang aga aga ginugulo mo na ako! May balak
kang gawin habang tulog ako ano?! Nakakainis ka talaga!"

Sinabunutan niya lang naman ako -___- Pagkatapos naman nun, umupo lang siya sa kama niya. Naka
indian sit tapos nakapout. Mukha tuloy siyang bata.

"Hala! Oi! Wag kang umiyak dyan. Lagot ako kay tita!"
"I hate you!"
"Wala naman akong balak gawin sayo at isa pa, hindi ko din naman alam na mahuhulog ka. Ngingiti
na yan"
"Ahahahahhahahahhaha!--- ui tama na! Hahaha! Ui Gab! Tama na kase-- hahahaha!"

Kiniliti ko siya. Malakas pala kiliti neto e! Ngayon ko lang nalaman. Nagulat naman kami ng
biglang bumukas yung pinto.

O__O <-- mukha naming lahat

"Teka! Mali kayo ng iniisip!" sabi ko

O__O <-- yan pa din mukha nilang tatlo
-___- <-- mukha namin ni Jin

Nakita nila na nakapatong ako kay Jin tapos si Jin nakahiga. Kinikiliti ko kasi siya. Tsk. Ang
sama naman oh -____- napalayo naman ako agad kay Jin.

"Bibigyan nyo na ako ng apo?" masayang tanong ni tito

*pak*

Binatukan naman siya ni tita.

"Ano ba iniisip mo?! Apo ka dyan. Ang bata pa ng anak natin!" -tita

Lagot na -___- galit na galit yung boses at itsura ni tita.

"Mommy, mali kayo ng iniisip!" pagdedepensa ni Jin
"Kinikiliti ko lang siya tita. Sorry po!" sabi ko

Nagulat kami ng biglang tumawa si tita at napunta lahat ng attention sa kanya.

"Ano ba kayo? Joke lang yun! Natutuwa ako at okay kayong dalawa. Ituloy tuloy niyo lang yan" -
tita
"Ma naman!" -Axel
"Sige na. Tara na nga. Naistorbo yata natin sila. Tuloy niyo lang yan okay? Baba na lang kayo
mamaya para makakain na tayo" -tita

Lumabas na din sina tita, tito at Axel. Natahimik naman kami ni Jin dito.

"Sorry kay Mommy"
"Okay lang"
"Sorry talaga. Nakakahiya tuloy"
"Okay lang yun. Sige na magayos ka na para makakain ka na"

Naligo na ata siya. Pumasok kasi siya ng CR tapos 30 minutes na hindi pa din siya lumalabas.
Ang tagal naman maligo nito. Pagkabukas niya ng pinto ng CR, nagulat ata siya sakin at saka
siya sumigaw.

"Aaaaaaah! Labas!"

Lumabas na din ako agad. Pano ba naman, naka towel lang siya. Hindi ko naman alam na nakaganun
lang yun. Hinintay ko na lang siya sa labas ng kwarto niya. Hindi rin naman nagtagal at lumabas
na siya ng kwarto niya. Pumunta na lang naman kami sa living room dahil nandun sina tita.

"Sige tita, tito, Axel. Uwi na po ako" pagpapaalam ko
"Dito ka na maglunch" -tito
"Sige po. Thank you na lang. Wala kasi kasabay maglunch si Mafelle"
"Ganun ba? Sige iho. Magingat ka" -tita
"Sige po"

Hinatid naman ako ni Jin hanggang sa gate nila.

"Sige Jin. Uwi na ko"
"Sige po. See you later. Ingat"
"Walang kiss?"

Tinaasan niya lang naman ako ng kilay.

"Sabi ko nga wala"

Pumasok na ako sa sasakyan ko at saka nagdrive pauwi. At sa kamalasan nga naman, nakakain na
pala si Mafelle. Hindi pa nagtira ng pagkain. Gutom na ko e -___-

"Hoy Mafelle!"
"Maka hoy ka naman! Oh bakit kuya?"
"Magbihis ka. Bibili tayo ng susuotin mamaya. Bilis. Nagugutom na ko"
"Bakit? Ano meron?"
"Wag ka na magtanong! Bilisan mo na lang!"
"Oo na! Kailangan talaga sumigaw? Maguutos ka na lang e!"

Umalis na lang naman kami at saka pumunta sa mall para sa mga kailangan mamaya.

*******************************************
[29] CHAPTER 24.2: Dinner ( part 2 )
*******************************************
Si Jessica at Axel yung nasa picture sa side :)

Chapter 24.2: Dinner (part 2)


Axel's POV

Nakaready na lahat para sa dinner mamaya. 6 na ng gabi. 7 pa naman yung dinner e. Ang tagal
nung taong hinihintay ko. Nagbihis at nagayos na ako. Wala na din naman akong magawa kaya
itetext ko na lang siya.

To: panget <3
Panget! What time ka pupunta dito?

Tagal magreply :| Mapuntahan na nga lang si Jin.

*knock knock*

"Pasok"
"Hi Princess. Bakt hindi ka pa nagbibihis?"
"Magbibihis pa lang ako kuya. Nagayos pa ako ee. Anyway, ang gwapo mo ngayon! Ano meron?
Pinablack mo na ulit buhok mo oh"
"Wala. Bawal ba maging gwapo? Ngayon lang? So ibig sabihin panget ako? Edi panget ka din! Gusto
ko lang ipablack ulit"
"Tss. Kuya naman e! Ibig sabihin ko dun, gwapo ka pero mas gwapo ka ngayon. Mas bagay sayo pag
ganyan hair mo"
"Ganun talaga! Ako pa. Sige na magbihis ka na"

Pumasok na naman siya sa CR para magbihis. At nagreply na din naman si panget.

From: panget <3
Mamaya po. Wala akong masuot na damit ee >.< nakakahiya sa parents mo pag mukha akong ewan

Hindi niya naman kailangan magpaganda talaga e.

To: panget <3
Di mo na kailangan magpaganda. Maganda ka na. Just Be yourself.

* 1 new message*

From: panget <3
sige po. See you!

"Kuyaaaa! Nakangiti ka dyan? Haha! Nababaliw ka na ata e?" pangaasar ni Jin
"Masaya lang si kuya"
"Bakit nga? Di ka kasi nagsasabi e. Tatampo na ko sayo!"
"Sige na nga. Surprise sana pero sasabihin ko na sayo. Ipapakilala ko na kina Mom and Dad yung
girl na gusto ko"
"Weh? Di nga kuya? Sinoooo?!"
"Yun ang surprise princess. Basta magugustuhan mo siya"
"Daya naman ee. Si Mafelle yun ano?"
"Secret. Tara na. Bihis ka na e. Baba na tayo"
"Sige kuya"

Nagstay lang naman kami sa living room. 6:45 na din e. Ang tagal niya -___-

*ding dong*

"Kuya ako na magbubukas ng pinto ah? Baka sina Gab yun"

Pagbukas niya nung pinto, hindi naman si panget yung dumating. Sina Gab at Mafelle yung
dumating.

"Hi Axel! Hi Jin!" bati ni Mafelle
"Hi din" sagot ko

Umupo lang muna kami sa sofa at nagkwentuhan lang.

"It seems like kumpleto na tayo lahat. So, let's eat?" -Mom

Lumapit ako kay Mom and Dad at sinabe na hintayin namin yung bisita ko at pumayag naman sila.
Tagal kasi nung babaeng yun. Pumunta naman ako sa labas ng bahay para matawagan siya.

*panget <3 calling...*

"Tatawagan na din sana kita. Ang tagal mo"
[ Sorry panget. Natapunan kasi ng juice yung suot ko kanina kaya natagalan ]
"Okay lang. Asan ka na?"
[ I'm on my way na po. Wait mo ko ah? ]
"Oo naman. Magingat sila sayo. Ang clumsy mo pa naman"
[ Oo na. Ako na clumsy. Sige po. See you! ]
"Sure"

Binabaan niya naman ako. Kahit kalian talaga pahamak yung babaeng yun.

*flashback*

First day of class. 1st sem ng first year ko sa college.

Nandito na ako sa school. Nagstart na yung orientation nung teacher. Nakikinig na lang ako para
syempre naman may alam ako tungkol dito. Wala pa naman akong kakilala na dito din nagaaral. May
student naman na late na dumating. First day na first day, late.

"Good morning ma'am" -girl
"May I see your I.D.?"
"Here ma'am"
"So you are Ms. Viray. Please sit beside that blonde-haired guy"

Nagmamadali naman siya maglakad papunta dito at sa kasamaang palad, nadapa siya at lumanding
sakin -___-

"Ayyiiiieee!" pangtutukso ng mga kaklase ko

Bigla naman siyang napatayo at umupo dun sa tabi ko. Paano ba naman? Ang clumsy.

"Sorry" -bulong niya
"Okay lang" sagot ko
"Sorry talaga. Di ko naman alam na madadapa ako e"
"Okay nga lang. By the way, I'm Hiroshi"
"I'm Jessica"
"Nice meeting you"

*Lunch time*

"Panget! Sabay tayo maglunch" -Jessica
"...."
"Back to you Jessica"
"Bakit? Sino ba kausap mo?"
"Yung wall. Diba ikaw lang naman kasama ko? Edi ikaw!"
"Sabi mo kasi panget"
"Bakit gwapo ka? Sabagay, gwapo ka pero panget ka pa din kasi mas bagay sayo pag black hair ka"
"Edi panget ka din"
"Alam ko na! Panget na lang tawagan natin!"
"Sige"

Sabay kami naglunch at nakaaksidente na naman siya -___- Ang clumsy talaga.

"Sorry kuya! Sorry talaga. Di ko sinasadya" -Jessica
"Ano gagawin ko ngayon? Ang dumi ko na tingnan oh!"
"Kuya, wag ka na magalit. Eto 1000, bili ka na lang po ng bagong damit"
"Okay ka naman pala kausap e. Thanks"

Umalis naman na yung lalaki pagkatapos makuha yung pera.

"Anong nangyari?" tanong ko
"Nalagyan ng ice cream yung damit niya kasi may kinukuha ako sa bag tapos nahulog yung ice
cream. Cone na lang natira. Gusto mo? hihi. Pwede pa yan"
"Ayoko nga. Ang hirap mo naman kasama. Mapapaaway ako sayo neto e. Bye na nga! Alis na ako"
"Ui panget. Wag naman ganyan. Wala nga akong kaibigan kahit dati pa e. Ayaw nila ako kaibiganin
kasi nakakaaksidente ako lagi. Pati ba naman ikaw? Sorry na oh. Magiingat na ako basta wag mo
lang ako iwan"
"Sige na nga. Magingat ka kasi panget. Nakakaaksidente ka lage e"
"Opo! Thank you"

Ang lapad ng ngiti nya. Nakonsensya naman ako dito sa panget na to. Kawawa naman kaya sasamahan
ko na lang.

*end of flashback*

Simula nun, unti unti na akong nagkagusto sa kanya. Siya si Jessica Viray. 17 years old. Well,
maganda, mabait, makulit, pasaway, clumsy, may pagka childish din naman. Kaya ko siguro siya
nagustuhan kasi para din siyang si Jin.

*panget <3 calling...*

[ andito na ako sa tapat ng bahay niyo ]
"Sige hintayin mo lang ako"

Inend call ko na tapos tumakbo papunta sa gate. I saw her there. Ang ganda niya talaga kahit
simple lang siya.

"Okay lang ba? Sabe mo just be myself ee" tanong niya
"Yea. Maganda ka pa din kahit simple lang suot mo"
"Weh? Trip mo na naman ako e. Hindi nga?"
"Oo nga. Tara na nga. Hinihintay ka na nila"

Pumasok na kami sa loob ng bahay at ipinakilala siya sa kanila.

"I would like you to meet Jessica" pagpapakilala ko sa kanya
"Girlfriend mo?" tanong ni Mafelle
"Nope, classmate"
"Hello. I'm Jessica" pagpapakilala niya
"So, let's eat?" -Dad

Pumunta na kami sa may dining table at kumain. Hanggang sa matapos kaming kumain, tahimik lang
lahat.

"Jessica, iha. We want to talk to you later" -Mom
"Sige po Mrs. Tan"
"Just call us tita and tito, okay?" -Dad
"Sige po"
"Kuya, siya yung girl na kasama mo sa room mo nun diba?" tanong ni Jin
"Yeah"
"Girlfriend mo siya kuya?"
"Hindi niya ako girlfriend Jin" -Jessica
"Ganun ba? Diba ikaw yung nagugustuhan ni kuya? Ay.. Oopsie. Sige kuya. Punta muna kame sa
garden ni Gab"
"Tara. Dun tayo sa may pool" pagyayaya ko kay Jessica

Naglakad kami papunta sa pool area at umupo kami sa gilid ng pool.

"Sorry about my sister" pabulong na sinabe ko
"Panget, tumingin ka nga sakin"
"Ayaw"
"Para kang bata"

Hinawakan niya yung mukha ko at inihinarap sa kanya.

"Ikaw ah! May gusto ka pala sakin!" - Jessica
"Wala ah!"
"Ay ganun ba? Sayang naman. Crush pa naman kita. Seryoso ako ngayon. Pwede mo naman sabihin,
nahiya ka pa"
"Oo na! May gusto ako sayo"
"Yiiie! Crush niya ako! Hahaha!"
"Para namang di mo alam yun dati pa"
"Niloloko ka lang e. Alam mo naman din naman na crush kita e"
"Alam kong joke lang yun"
"I'm serious! Crush talaga kita. Nagpapakasweet lang ako sayo kaya ganun. Ee kasi baka mailang
ka pag nalaman mo na totoo. Ganun kasi kayong mga lalaki"
"Not all. I'm not one of them"
"Edi gay ka? Hahahahaha!"
"Hindi"
"Ui panget, kinakabahan ako sa parents mo. Baka ayaw nila sakin"
"I know na gusto ka nila. Trust me"
"Sige na nga"
"Panget, seryoso ako. May sasabihin ako sayo. Tingin ka sakin ng deretso"
"Pano kung ayaw ko?"

Hinawakan ko mukha niya tapos inilapit ko din yung mukha ko sa kanya.

"Please listen Jessica"
"Ayaw ko"
"Panget! Hahalikan kita! Makinig ka muna!"
"Asar naman oh. Sige. Ano sasabihin mo?"
"Wag ka tatawa ah?"
"Sige"
"Panget. I really like you. I want you to be my girlfriend, if papayag ka"
"Ahahahahhahahhahahha!"

Sabe ko wag tatawa e -___- Hindi ko naman makausap ng matino to oh. Tumayo naman siya at
pumwesto sa likod ko.

"Panget. Wag ka muna titingin" sabi niya
"Araaaaaay!"
"Sorry! Ano ginawa mo sa buhok mo? Pinablack mo na. Ang gwapo mo ngayon. Di ka na tuloy si
panget"
"Ayaw mo ba? Ipapablonde ko na lang ulit"
"I like it"
"Talaga?"
"Yes"
"Yes talaga?"
"Yes"
"Ah"
"Yes panget! Yes!"

Problema nitong babaeng to? Baliw baliwan na naman? Hinug niya ako galing sa likod.

"Ang slow mo panget. Payag na ko maging girlfriend mo"
"TALAGA?!"
"Sige. Wag na lang. Ayaw mo ata e"

Tumayo siya kaya hinila ko siya paupo.

"Gusto. Upo ka dito sa harap ko panget tapos tumalikod ka" utos ko

Sumunod naman siya. Kinuha ko yung box sa bulsa ko at kinuha ko yung necklace na binili ko para
sa kanya. Yung necklace, may heart pendant tapos may nakaengrave dun na PANGET. Sinuot ko sa
kanya yun.

"Ayan na. Sana magustuhan mo"
"I really like it. Thank you panget"

Bigla niya naman akong niyakap.

"LIAR! AKALA KO BA CLASSMATE?! PAASA KA AXEL! SABE MO YOU LIKE ME TAPOS MAY IBA KA PALANG
GUSTO!!!"

Napalingon kami dun sa nagsalita.
*******************************************
[30] CHAPTER 24.3: Dinner ( part 3 )
*******************************************
Si Mafelle Teppei yung nasa picture sa gilid :)

Chapter 24.3: Dinner (part 3)


Mafelle's POV

Napasigaw ako ng wala sa oras. Hindi ko na kasi kaya pa makita at marinig pa yung pinaguusapan
nila. Naiiyak ako. Narinig ko lahat ng pinagusapan nilang dalawa. Nung una ko pa lang na makita
si Jessica, may ibang kutob na ako na hindi maganda at hindi nga ako nagkamali. Sinundan ko
sila nung pumunta sila sa may pool area kasi curious ako sa mga paguusapan nila. Hindi ko din
naman kasi maiwasan kasi niyaya siya ni Axel sa dinner na dapat family lang namin at family
nila yung kasali.

Lumapit sina Axel at Jessica sakin. Alam ko na nagulat sila sa naisigaw ko pero hindi ba dapat
ako yung magulat? Niloko niya ako. Sinabi niya sakin na gusto niya ako pero may gusto pala
siyang iba. Pinaasa niya ako sa wala. Bakit ba kailangan na lahat ng nagugustuhan ko, pinapaasa
lang ako? Nung una, si Zeke at ngayon, si Axel naman?

"Mafelle, sorry" -Axel
"Panget? Ano nangyayari?" tanong ni Jessica

Aalis na sana ako pero hinawakan ni Axel yung kamay ko kaya natigilan ako.

"I'll explain everything to you later panget. Mafelle, please listen to me first" -Axel
"Bitawan mo ako!! Ayoko na makinig sa mga sasabihin mo! Puro kasinungalingan lang naman yan e!"
"Hindi ako nagsinungaling sayo" binitawan niya yung kamay ko at kalmado lang siya.
"Hindi?! Sigurado ka ba na hindi? Bakit mo ako sinabihan na gusto mo ako pero siya naman pala
yung gusto mo? Ano ba to para sayo ha? Lokohan? Sinabi mo pa kanina na hindi mo siya girlfriend
pero doon din naman pala punta nun! Narinig ko lahat kaya wag mo akong lokohin dahil hindi ako
tanga!"
"Mafelle, mali ka ng pagkakaintindi. I did say that I like you pero hanggang kapatid lang yun.
Hindi ko alam kung bakit pinagisipan mo ng kung ano ano"
"Alam mo, kung nililinaw mo lang sana sakin, hindi sana ako umasa. Kapatid? Lahat ng sweetness
na pinakita mo, wala lang yun sayo?"
"Ganun talaga ako. Sorry, nagkamali ka lang talaga ng pagkakaintindi"
"Nakakainis ka! I hate you! For sure, nahalata mo na may gusto ako sayo pero pinaasa mo pa din
ako. Imposibleng hindi mo yun napansin!"

*slap!*

Sinampal ko siya! Hindi ko na napigilan. Nadala na din ng sobrang galit.

"Sampalin mo lang ako hanggang sa gusto mo"
"Panget" -Jessica
"Hayaan mo lang siya. Kasalanan ko naman e"

*slap!*

Sasampalin ko pa sana siya ulit pero hinawakan ni Jessica yung wrist ko.

"Sorry ha? Hindi ko kaya na nakikitang sinasaktan mo siya sa harap ko. Alam mo Mafelle, hindi
niya naman kassalanan na umasa ka. Ganyan talaga siya sa lahat" -Jessica

Kalmado lang si Jessica. Bakit ba ang bait niya? Yun ba ang nagustuhan ni Axel sa kanya? Mabait
din naman ako ah?

"Wala kang alam kaya wag ka ngang mangialam! Isa ka pa e! Malandi ka! Mangaagaw ka! Inagaw mo
sakin si Axel!"

Sinampal ko si Jessica. Kung galit ako kay Axel, mas galit ako sa kanya.

"Ano ba?! Pinayagan kita na saktan ako pero kapag siya na yung sasaktan mo, hindi na ako
papayag dun! Wala siyang kinalaman dito kaya wag mo siyang idamay. Ni hindi siya nagalit sayo.
At isa pa, hindi kita pinaasa!" -Axel

Galit na siya. Kalmado lang siya kanina. Hindi ko na din napigilan at talagang umiyak na ako.
Tumakbo ako papunta sa garden kung nasaan si kuya.

"Kuya, uwi na tayo" pagyayaya ko kay kuya
"Maaga pa"
"Kung ayaw mo, bigay mo sakin yung susi. Uuwi ako magisa"

Inabot naman sakin ni kuya yung susi niya. Dumeretso ako kung san naka-park yung kotse at ako
yung nagdrive sa sasakyan pauwi. Pagkadating ko ng bahay, pumunta ako sa kwarto ko at doon ako
umiyak.

Galit na sakin si Axel dahil sa babaeng yun! Sobrang sakit ng ginawa nila sakin. Lagi na lang
nila akong pinapaasa. Nakakasawa na. Don't I deserve to be happy? Ganito ba talaga kasakit yun?
Ayoko ng ganito. Wala akong magawa kundi umiyak. Na tanggapin na wala ng mangyayari samin at
iba yung mahal niya. Ang sakit isipin na pagkatapos ka niyang sabihin ng "I like you", iiwan ka
na lang niya sa ere. Damn! Bakit niya ginawa sakin to? Bakit niya ko pinaniwala sa pesteng
kasinungalingan na yun? Mahal ko na siya ee.

Akala ko siya na yung lalaking para sakin pero nagkamali ako. I hate love. Napaka unfair niya.
Bakit hindi na lang ako? Ano bang meron sa kanya na wala sakin? Ano bang nagagawa niya na hindi
ko nagagawa? Ano bang katangian niya na wala sakin? Ganun ba talaga niya ka-mahal yung taong
yun at pinili niya na saktan ako? Ganito na ba ako kawalang kwenta para sayo ha? AXEL? Bakit
ginanito mo ko? Bakit? Akala ko iba ka. Akala ko hindi ka katulad nila. Akala ko kaya mo kong
mahalin. Argh! Kaya pala maraming namamatay sa maling akala. Siguro kung may namamatay man dun,
double dead na siguro ako.

Puro ako galit! Naiinis ako. Puno na ng galit yung puso ko pero kahit ganun mahal ko pa din
siya. Mahal ko pa rin ang taong nagpaniwala sakin sa kasinungalingan at hindi ko magawang
lumayo sa kanya dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin yung
sakit na nakikita silang masaya habang ako andito sa gilid nasasaktan.

Yung Jessica na yun! Mangaagaw siya! Oo. Alam ko naman na hindi ako dapat nagagalit sa kanya.
Wala naman siyang kasalanan talaga sakin. Mabait siya, maganda, simple, hindi ganun ka isip
bata. Ano nga ba namang laban ko sakanya diba? Hindi ko din naman sinasadya na masampal siya
kanina. Tama din naman siya. Hindi ako pinaasa ni Axel dahil ako yung umasa. Siguro nga ganun
talaga siya sa lahat. Ang over protective niya din kasi lalo na kay Jin. Ganun talaga pero
hindi pa din ako susuko.

Hindi pala porket sinabihan ka ng "I LIKE YOU", may nararamdaman na siya sayo. Magkaiba pa rin
pala talaga ang "I LIKE YOU" sa "I LOVE YOU".
*******************************************
[31] CHAPTER 24.4: Dinner ( part 4 )
*******************************************
Chapter 24.4: Dinner (part 4)


Axel's POV

Naka-alis na si Mafelle dito sa bahay. Hindi ko sinasadya na masigawan siya kanina. Nagalit
lang naman ako kasi pati si Jessica nadamay. Wala naman siyang ginawa kay Mafelle kaya hindi
dapat siya nasaktan. Para din siyang si Jin. Ang fragile niya. Hindi ko kakayanin na saktan
siya.

Hindi ko naman din alam na may gusto sakin si Mafelle. Tinuturing ko lang naman siya na parang
si Jin lalo na ngayon na pinagkakasundo ng mga magulang namin sina Jin at Gab at mukha namang
mauuwi din sa kasalan yun kaya parang kapatid ko na din siya. Hindi ko naman inaasahan na
magugustuhan niya ako. Nung sinabi kong gusto ko siya, totoo yun. Nagkamali lang talaga siya ng
intindi. Gusto ko siya kasi bilang kapatid. Inisip niya pala na may gusto ako sa kanya na higit
pa sa kaibigan.

Nandito pa kami ngayon ni Jessica sa pool area banda. Hinawakan ko naman yung mukha ni Jessica.
Namula kasi dahil sa pagkakasampal sa kanya.

"I'm sorry. Nadamay ka pa"
"Okay lang naman ako. Dont worry, wala naman akong inis o kahit ano ee"
"I'm glad to hear that. Ayan, hindi na mapula pisngi mo"
"Thanks"
"Ready ka na ba? Punta na tayo kina Dad"
"Kinakabahan ako. Natatakot ako sa sasabihin nila. Paano kung--"
"Nandito lang ako so don't worry okay?"

Hinawakan ko yung kamay niya at saka kami pumunta sa office nina dad.

"Ready?" tanong ko

Nginitian niya lang ako at saka naman kami pumasok. Nakakapit lang siya sa braso ko.

"Mom and Dad, I'd like you to meet my girlfriend Jessica"
"We like her" -Mom
"Since when mo pa siya kilala Hiroshi?" -Dad
"Last year dad. Well, we're in the same section last year and also with this year"
"Sabihan mo kami iha kapag may ginawang kalokohan to. Mananagot siya samin" -Dad
"Wag po kayong magalala. I'll let you know po" -Jessica

Nagtuloy tuloy lang yung kwentuhan namin kasama sila.

Gab's POV

Pagkatapos kumain, niyaya ko si Jin na magusap kami. Umupo lang kami dito sa upuan sa garden
nila at tumingin sa langit.

"Wala masyadong stars ano? Sayang naman" -Jin
"Bakit? Anong meron dun?"
"Gusto ko kasi yung kapag tumitingin sa langit, madaming stars, mas maliwanag"
"Yun lang pala. Oi, ang ganda mo ngayon"
"Ngayon lang?"
"Oo"
"Ang sama mo!"
"Joke lang. Maganda ka naman palagi. Lalo na kapag bagong gising ka"
"Insulto ba yan?"
"Hindi. Natatawa kasi ako sayo kanina. Nahulog ka kasi ang likot mo matulog"
"Kung hindi ako nagulat sa pagmumukha mo, hindi ako mahuhulog. Kasalanan mo yun"
"Ang sarap mo titigan kasi"
"Tapos nahuli pa tayo nina Mommy. Ang sama kaya nun!"
"Kung hindi ka bumusangot, hindi sana kita kiniliti. Sinabunutan mo na nga ako nun e"
"Sorry! Hahaha! Hayaan mo na nga yun!"

Natahimik naman kaya nagisip ako ng pwede sabihin.

"May sagot ka na ba?" tanong ko
"Ha? Saan?"
"Dun sa.. Sh*t wag na nga. Hayaan mo na"

Asar naman to oh. Ang slow -___-

"Sensya na. Slow ako ee. By the way, thank you pala"
"Saan?"
"Sa pagaaalaga sakin nung may sakit ako. Thank you talaga"
"Wala yun. Ako din naman may kasalanan e"
"Sorry sa lahat"
"Ano?"
"Sorry. Sorry talaga"
"Oi, wag ka iiyak!-- Aray!"

Binatukan ako -___- Ang hilig talaga manakit ng kabayong to.

"Baliw ka ba? Bakit naman ako iiyak?!"
"Wala. Bakit ka nga ba nagsosorry?"
"Sorry kasi puro na lang ako Zeke. Hindi ko na inisip yung nararamdaman mo. Alam ko naman na
gusto mo ako tulungan at gusto mo maka move on na ako at makalimutan siya pero ako din yung
gumagawa ng dahilan para hindi magawa yun. Gusto ko na din naman siya makalimutan kaso hindi ko
mapigilan yung sarili ko na umiwas kapag kailangan niya ako. Gab, gusto ko na talaga mag move
on. Nagsisimula na mawala yung feelings ko sa kanya. Please help me. Pag nagstart na yung
sembreak, gagawin ko ang lahat, makalimutan lang siya"
"Makaka-hindi ba ako sayo?"

Niyakap niya naman ako.

"Thank you Gab. I promise you that I'll do my best"
"Wag ka magalala. Gagawin ko lahat para makalimutan mo siya"

Kumalas na siya sa pagkakayakap niya sakin.

"May alam akong lugar. Maganda doon. Dun ka magsisimula magmoveon"
"Sige ba! For sure papayagan naman ako. Ikaw at si bessy naman makakasama ko e. Honey!
Pahuuuuuug!"

Niyakap niya naman ako ng sobrang higpit.

"Thank you talaga sa lahat ah? Sobrang swerte ko na nakilala kita"
"Gwapo na ako, sweet pa!"
"Sweet daw! Parang hindi naman pero pagbibigyan kita"
"Hindi ako makahinga! Higpit mo yumakap"
"Masaya lang ako. May sasabihin ako kaya wag ka magulo. Once ko lang to sasabihin"
"Ano?"
"Gabriel Vincent Teppei, I want to love you"

Nakayakap pa din siya sakin. Natigilan naman kami ng biglang dumating si Mafelle

"Kuya, uwi na tayo" -Mafelle
"Maaga pa" -ako
"Kung ayaw mo, bigay mo sakin yung susi. Uuwi ako magisa"

Inabot ko sa kanya yung susi ng bahay at ng kotse.

"Gab, I think kailangan mo siya sundan"
"Bakit? Gusto niya na umuwi e. Gusto ko pa maiwan dito"
"Mukhang may problema yung kapatid mo ee. Hindi yun uuwi agad kung wala namang problema. Sundan
mo na lang siya"
"Ge"
"Hatid na kita sa labas"

Umuwi na lang naman ako at pagdating ko ng bahay, pinuntahan ko agad si Mafelle. Nakahiga siya
sa higaan niya at umiiyak. Tinanong ko siya sa nangyari at kinwento niya din naman. Hindi ko
naman magawa magalit kay Hiroshi dahil alam ko naman na yung kapatid ko din yung may kasalanan.
Sinubukan ko siyang pagsabihan noon pero hindi siya nakinig. Hinintay ko na lang naman siya
makatulog at saka ako nagpahinga.
*******************************************
[32] CHAPTER 25.1: Whaaaat?!
*******************************************
Si JX / Xander Jace Villanueva yung nasa picture sa gilid :)

Chapter 25.1: Whaaaat?!


Jin's POV

Monday ngayon at bigayan na ng results ng exams namin. At sa Friday naman, fieldtrip na!
Nakaka-excite. Ipopost daw sa bulletin board mamaya yung top and bottom students sa exams. Ako
naman, hoping na mas mataas ako kay Mika. Hindi kasi ako masyado nakapagreview nung exams.
Nandito kami sa canteen ngayon dahil wala kaming class. Busy kasi mga teachers dahil dun sa
exams kaya ganun pero kailangan pumasok para sa attendance kaya nagsipasukan kami.

Nakwento na samin ni Steven yung tungkol kay Aine. Umalis na pala siya ng hindi samin
nagpapaalam. Hindi na madrama si Steven ngayon pero balik na naman siya sa dati niyang ugali.
Madami na naman siyang babae.

"Pre, girlfriend ko nga pala oh. Si Ericka" -Steven
"Hi!" sabi namin
"Hello! Nice meeting you guys. Bye sweetie! See you later!" -Ericka
"Bye sweetie!" -Steven

Ang bilis naman niya napalitan si Aine. Kung sabagay, naglalaro lang naman siya.

"Sorry Jin! 1st ako sa ranking. Bawi ka na lang next time. Hahahah! I'm still in the lead and
be careful, you might end up losing" -Mika
"Hoy Mika! Kung mang-iinis ka lang, wag mo na kami lapitan!" -KL
"Nagsalita naman ang kaibigan mong tomboy Jin!"

Sasapakin na sana siya ni bessy kaso pinigilan lang ni Spencer. Umalis na din naman agad sina
Mika at Zeke. Kasama niya kasi si Zeke.

"Ano ka ba babe. Wag mo patulan yun" -Spencer
"Oo na. Subukan niya lang ulit asarin si Jin sa harap ko!" -KL
"Chill bessy. Okay lang ako" sabi ko
"Pre, gimik tayo mamaya!" pagyayaya ni Steven
"Spencer, subukan mo lang" -Kylie
"Pano ba yan dude? Hindi ako pwede. Magagalit si boss" -Spencer
"Wag mo idamay si Gab" sabi ko
"Oo nga pre. Every night ka na ata umiinom. Awat na" -Gab
"Kayo kaya saktan ng ganun? At isa pa, nalaman ko na may iba din siyang lalaki" -Steven
"Baka naman kaibigan niya lang dude?" -Gab
"Imposible. Basta two timer siya" -Steven
"Naging kayo ba? Iba ka makareact diyan e" -KL
"Basta parang kami na din nun" -Steven
"Alam mo Steven, imbis na magpaka bitter ka dyan, why not ask her? Sundan mo siya. Alam naman
namin na mahal mo yun kaya ka ganyan" sabi ko
"Hindi ko mahal yun. Salamat Jin! That's a good idea!" -Steven

Yayakapin niya pa sana ako kaso hinarang siya ni Gab.

"Sorry dude. Sige pre. Alis na ako! Nag-attendance naman na e. Papa-book ako ng flight
papuntang China. Susundan ko siya" -Steven

Umalis na din siya agad.

"Tara guys, tingnan na nga natin results ng exams natin" -pagyayaya ko

Naglakad na kami papunta dun. Tama nga si Mika, mas mataas siya sakin. Babawi talaga ako.
Masyado lang ako naapektuhan sa nangyari samin ni Zeke kaya ganito.

"Guys, uwi na kami ni babe, wala naman na klase e" -Spencer
"Sige ingat kayo. Bye!" -ako
"Samahan mo ko sa school ni Mafelle, susunduin ko siya" -Gab
"Sure" sagot ko

Mafelle's POV

"Maf! may gwapo na guy na nagaabang dun sa gate ng school" sabi ng classmate ko
"Ano naman mapapala ko dun? Hindi naman siya si Axel" sagot ko
"Tingnan mo muna kasi!"
"Tara na nga. Ang kulit mo ee!"

Naglakad na kami papunta dun sa gate.

"Ayun oh. Yung lalaking nakablack" turo ng classmate ko
"Hindi ko nga makita yung mukha e! Pano ko malalaman kung gwapo? Axel?"

Lumingon yung lalaki. Si Axel nga. Tinawag ko siya kasi kahawig ni Axel at hindi nga ako
nagkamali. Bakit naman kaya siya nandito?

"Kanina pa kita hinihintay. Let's talk" sabi niya
"Ikaw Maf ah? Hindi ka man lang nagsasabi na may kakilala ka na kasing gwapo niya. Sinolo mo!
Hahaha! Sige kita na lang tayo sa room mamaya. Babye!" -classmate ko

Naglakad lang siya papunta dun sa place na walang tao. Sumunod na lang naman ako. Gusto ko din
kasi siya makausap.

"Mafelle. Please listen to me. I want to make things clear for the both of us"
"Go. Makikinig ako"
"I'm sorry at nasigawan kita. Ayoko kasi na nasasaktan siya. Hindi ko sinasadya na masabihan ka
ng ganun"
"Hayaan mo na lang. Sorry din kasi nasampal ko siya. Sobrang galit lang kasi ako nun"
"Oo nga pala, tungkol dun sa I like you--"
"Wag mo na ulitin yun. Naiintindihan ko na. Iba ang "I like you" sa "I love you." Nagkamali
lang ako ng pagkakaintindi. Inisipan ko ng ibang dahilan yung sinabi mo"

Nag-start na tumulo yung luha ko. Inabutan niya ako ng panyo pero hindi ko kinuha.

"Mafelle, sana mapatawad mo ako. Kung gusto mo, lalayo na lang ako sayo"
"Wag naman ganun oh. Gusto ko yung kagaya pa din tayo ng dati. Yung ikaw lolo ko tapos ako yung
bata. Ayoko na magbago yun. Ayoko na layuan mo ako"
"Sigurado ka ba diyan bata?"

Nag-nod lang ako at tumigil na din sa pagiyak.

"So, okay na tayo?" tanong niya
"Yup"

Bigla naman tumunog yung cellphone niya kaya kinuha niya yun at sinagot yung tawag sa kanya.

"Bakit panget? .. Ah oo, okay na kami .. Sige punta na lang ako diyan maya maya .. Sige, I love
you panget"

Binaba niya na naman pagkatapos nun.

"Si Jessica?"
"Oo. I need to go but before that, I want to ask something from you"
"Ano yun lolo?"
"Sana matanggap mo kami ni panget at sana wag na siya madamay dito"
"Sige. Makakaasa ka"
"Bye bata!"
"Bye lolo"

Umalis na siya at naiwan ako dito magisa. Hindi ko naman mapigilan na hindi umiyak. 'Sana
matanggap mo kami ni panget' yan yung naiisip ko ngayon. Sana nga ganun lang yun kadali. Hindi
naman na ako galit kay Jessica ee. Hindi ko lang talaga matanggap na may girlfriend na si Axel
at kapatid lang ako para sa kanya. Ang hirap mag move on pero alam ko na someday, darating din
siya. Ang lalaking mamahalin din ako at hindi ako paaasahin.

"Mafelle, panyo oh"

Napatingin ako sa nagsalita. Si JX. Classmate ko siya pero hindi ko kinakausap kahit pa na
parehas kami ng ugali. Ngumiti lang siya at pinunasan yung luha ko.

"Thank you JX"
"Napapansin ko na iba ka ngayon ah? Basta kapag kailangan mo ng iiyakan, nandito lang ako. Iko-
comfort kita!"

Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Siya si Xander Jace Villanueva. JX for short. Hindi ko
lang talaga siya nakikilala pa pero mabait din pala siya.

"Nakita kita na may kausap. Siya ba nagpaiyak sayo? Tara! Sugurin natin yun!"
"Hahaha! Wag na ano ka ba?"
"Tao"
"Ako rin! Haha!"

Ang cute din talaga ni JX. Ang isip bata ee. Ang cute niya din magsalita. Dapat pala noon ko pa
siya kinaibigan.

"Alam ko na! Libre kita ng lunch basta wag ka na iiyak ah? Ako laging magpoprotekta sayo. Ako
na lang din maghahatid sundo sayo. Lagi kasi kitang nakikita na magisa kapag pumapasok e"
"JX, bakit mo to ginagawa?"
"Ah.. Eh.. Kasi.."
"Ano?"

Nag-blush naman siya bigla. Ang cute niya talaga pero syempre mas cute ako!

"Crush kita ee" pabulong na sagot niya

Tumungo naman siya. Nahihiya ata? Ako, crush niya? Hindi ko alam yun ah? Pero dahil mabait
siya, sasamahan ko siya palagi ^___^

"Crush mo ako? Bakit ako?"
"Kasi ang bait mo tapos ipinapakita mo kung sino ka talaga. Hindi kagaya ng iba na
nagpapaimpress lang"
"Ah. Wait! Lilibre mo ako ng lunch diba? Tapos ihahatid mo ako pauwi?"
"Sige ba. Everyday pa kung gusto mo pero yung libre ng lunch hindi. Ngayon lang yun. Jace na
lang itawag mo sakin"
"Sige. Itetext ko na lang si kuya na wag ako sunduin"

Dahil kay Jace, gumaan yung loob ko kahit papano. Ang saya niya pala kasama. Comfortable ako
kasama siya at masaya ako na dahil kahit papano, may mga tao din palang gusto ako protektahan
at hindi ko lang napapansin.

Jin's POV

Nandito kami ngayon sa car ni Gab at papunta kami sa school ni Mafelle.

"Hindi na daw pala natin kailangan sunduin si Mafelle" sabi ni Gab
"San tayo pupunta ngayon?"
"Mcdo. Libre kita"
"Sige. Sabi mo yan ah? Gutom na din ako ee"

Pumunta na kami sa Mcdo at naghanap ng mauupuan.

"Gab, wait ah? Cr lang ako. Hanap ka na muna ng mauupuan"

Nagcr ako at pagbalik ko dun sa pinagiwanan ko kay Gab, wala na siya. Hinanap ko siya. Nakita
ko na may babae na nakakapit sa braso niya at nakaakbay naman siya dun sa girl. May kausap sila
na isang lalaki.

"Con-con, siya yung boyfriend ko! Sabi ko sayo dadating siya ee" sabi nung babae

B-b-boyfriend? Si Gab, may girlfriend na? Whaaaat?! Totoo ba to?!
*******************************************
[33] CHAPTER 25.2: Psh -___-
*******************************************
Chapter 25.2: Psh -___-


Gab's POV

Nandito kami ngayon sa Mcdo at naghahanap ng mauupuan. Dami kasing tao -___- May biglang humila
sakin na babae at inilagay yung kamay ko sa balikat niya na parang nakaakbay tapos kumapit siya
sakin.

"Kuya, makiride ka na lang po. Please" bulong niya

Psh -___- anong kalokohan ba to? Lumapit kami dun sa isang lalaki.

"Con-con, siya yung boyfriend ko! Sabi ko sayo dadating siya ee"

Boyfriend? Ako?! Ano na naman bang gulo tong pinasok ko -___-

"I'm Chase. Pinsan niya"
"Gab"

Si Jin yun ah! San siya pupunta? Lagot na. Nakita niya ata. Sh*t naman kasi e. Daming alam ng
babaeng to. Wala ba tong magawa sa buhay niya? Aalis na sana ako pero humigpit pa yung kapit
nitong babae sakin. Pagbibigyan ko na lang. Kawawa e. Maiintindihan naman siguro ako ni Jin.
May phone call naman yung Chase at pagkatapos niya sagutin, umalis na siya.

"Thank you kuya! Kailangan ko lang talaga ng help mo. By the way, I'm Jewel"
"Akala ko ba Mitchie pangalan mo?"
"Michelly Jewel. Jewel nalang itawag mo sakin"
"Ah. Ge"
"Ang sungit mo naman!"
"Ui Gab diba? Gab name mo? Tama ba?"
"Oo"
"Kukunin ko number mo. Kailangan ko na kasi umalis e. Itetext na lang kita"
"Ayoko nga ibigay -___- Hoy ikaw! Nagalit yung fiance ko dahil sayo. Iniwan ako dito. Ikaw
magpaliwanag sa kanya"
"F-Fiance? May fiance ka na? Ee parang ka age lang kita e"
"Ayoko na magpaliwanag sayo basta kailangan mo kami pag ayusin"
"Pwede next time na lang?"

Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Sige na nga. Bukas? Kailangan ko lang kasi talaga umalis na. Promise! Kapag hindi kita
tinulungan pasalvage mo na ako!"
"Sige. Kaya ko gawin yun kaya magingat ka"
"Sige kuya! Thank you ulit! Babye!"

Nagbigayan lang kami ng cellphone number at umalis na siya. Badtrip naman oh. Paano na kami ni
Jin nito? Umuwi na ako at pagtingin ko sa phone ko may dalawang text.

From: honey.
Hindi ka nagsasabi may girlfriend ka pala! Haha! Sinungaling. Wag mo ko kakausapin.

From: Jewel
Mitchelly Jewel to. Promise kuya! Tutulungan kita sa fiancee mo. Sorry talaga.

Sinubukan ko naman tawagan si Jin pero hindi siya sumasagot. Kapag hindi talaga kami nagkaayos
ni Jin, papatayin ko talaga yung babaeng yun -___-

*The next day*

Nandito ako ngayon sa Mcdo kung saan ko nakilala yung Jewel na yun. Ang tagal dumating. Mukhang
hindi pa ata ako sisiputin ah? Galit sakin si Jin at ayaw niya ako kausapin. Ni hindi nga
pumasok yun kanina ee. Hindi din siya nagrereply o sumasagot sa mga text at tawag ko. Badtrip
naman to oh. -___- Pinipilit ko na nga na hindi magsungit e. Subukan niya lang talaga hindi
sumipot. Papasalvage ko talaga siya at ilalagay sa drum at sesementuhin saka ko itatapon sa
Ilog Pasig.

"Hi kuya, can we get your number? You're soooo cute kasi e!" girl 1
"Hey kuyang gwapo. Mamansin ka naman. Don't make sungit with us" girl 2
"Oo nga kuya pogi. You''re so handsome pa naman. It will be sayang if you won't be our
boyfriend" girl 3

Ang aarte. Parang namang may panlaban sila kay Jin. Ang kukulit -___- Hindi pa nakuntento at
tinabihan pa ko.

"Pwede wag kayo dito sa tabi ko? May hinihintay ako" sabi ko
"Sino hinihintay mo? Your girlfriend? She won't come na. Just hang out with us na lang. Hayaan
mo na siya" -girl 2
"Hindi. Ayoko" sagot ko
"Ay wala palang girlfriend girls. Well, I can be your girlfriend naman ee. We're perfect. Coz
I'm gorgeous and sexy. We're so bagay, you know?" girl 1

Tiningnan ko siya ng masama.

"You're so handsome talaga! Just make me your girlfriend. We're so bagay naman and kahit
masungit ka, I can deal with that naman" girl 2
"Back off you bitches! He's my boyfriend"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Mika pala.

"What did you say? Bitch? Kami?" girl 1
"Yes. Why? What's wrong with that? Sluts!" -Mika

Sasampalin sana siya nung isang babae pero napigilan niya.

"Don't ever dare slapping me! Baka gusto mo ingudngod ko yang mga mukha niyo sa lupa? Let's go
Gab" -Mika

Hinila ako ni Mika at habang naglalakad kami, bigla siyang sinabunutan nung babae.

"Yan bagay sayo!" girl 4

Sinampal naman siya ni Mika.

"How dare you do that to me?! You know what?! Ang papanget niyo na nga, ang lakas pa ng loob
niyo lumandi! Back off! Just leave! Or gusto niyo pa masaktan lahat?!" -Mika
"As if kaya mo kami. We're like four here and one ka lang oh" -girl 2

Kinuha niya yung kinakain na ice cream nung bata and pinunas dun sa damit nung isa.

"You deserve that bitch!" -Mika
"Eeew! This is so like gross! OMG! Let's go na nga girls!" -girl 2

Nagsialisan na yung mga babae. Nakakatakot pala tong si Mika. Sabagay, maganda siya kaya bagay
sa kanya ang magtaray ng ganun.

"Here my dear, just buy ice cream nalang ulit" -Mika

Binigyan niya ng 100 yung bata at hinila niya ako palabas ng Mcdo.

"You alright Gab?" tanong ni Mika
"Oo"
"Hey, what's with the face? Ang sungit ah? Di ka ba sinipot ni Jin? Haha!"

Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Okay okay. I'm just kidding, wag ka magalit. Ano meron? May inaantay ka?"

"Oo"
"Sino?"
"Wala ka na dun"
"Ang sungit mo talaga ano? After kitang tulungan diyan"
"Hindi ko naman kailangan ng tulong mo"
"Whatever! You're just lucky na dumating ako. Well, ingat na lang ulit sa mga kagaya nila. Bye!
Zeke is waiting for me e"

Umalis na siya at hindi rin naman nagtagal at dumating na yung babaeng yun.

"Ui Gab, sorry! Nalate ako. Tumakbo lang kasi ako papunta dito ee. So let's go? May car ka
naman diba? Pagod na ako"
"Ge"

Pumunta na kami kung saan nakapark yung sasakyan ko at dumeretso sa bahay nina Jin. Nagdoorbell
ako at si Axel yung nagbukas nung gate.

"Oh Gab, why are you here? Sino siya?" tanong ni Axel
"Ah. Si Jewel. Kakilala ko" sagot ko
"Hi, Im Jewel"
"Si Jin?" tanong ko
"Nasa kwarto niya. Puntahan niyo na lang dun"

Pumasok na kami at dumeretso sa kwarto niya. Pagkakatok namin, binuksan niya naman yun agad.

"Jin" sabi ko
"Hi! Ikaw pala si Jin, Im Jewel" pagpapakilala ni Jewel
"Ah, yung girlfriend niya" sagot naman ni Jin
"Nope. Hindi niya ako girlfriend. Please listen to me first. I'll be the one to explain what
happened yesterday" -Jewel
"Okay? Upo muna kayo" -Jin

Umupo na kami dun sa may sofa niya sa kwarto.

"Kasi ganito yun, sinasabi ko dun sa cousin ko na I have a boyfriend pero ayaw niya maniwala
kaya nung nakita ko si Gab magisa, hinila ko siya kasi akala ko wala siyang kasama, I don't
know naman na may fiancee na siya. Sorry" -Jewel
"Okay lang yun. Jewel right? Nice meeting you" -Jin
"Okay na tayo?" tanong ko
"Oo na" -Jin
"It's good to know na okay na kayo. Uwi na ako para makapag-usap kayo ah? Malapit lang naman
yung place na to sa bahay namin ee" -Jewel

Hinatid na namin siya ni Jin dun sa may sakayan at may nagsundo naman sa kanya na nakasasakyan
din. Yun yung pinsan niya na nakilala ko kahapon. Pagkatapos nun, bumalik na din kami sa bahay
ni Jin.

"Bakit hindi ka pumasok kanina?" tanong ko
"10:30 na ako nagising ee. 12 naman yung uwian kaya hindi na ako pumasok"
"Hindi ka na talaga galit sakin?"
"Hindi na. Kalimutan na natin yun. Akala ko lang kasi talaga laro lang yung ginagawa mo sakin
at may girlfriend ka. Nasabihan tuloy kita na sinungaling. Pasensya na"
"Okay lang"


Nagkwentuhan lang kami pagkatapos nun at saka ako umuwi. Mabuti naman at nagkaayos na kaming
dalawa ni Jin.
*******************************************
[34] CHAPTER 26: Letting go
*******************************************
Chapter 26: Letting Go


Steven's POV

Pagkatapos ng sinabi ni Jin na puntahan ko si Aine sa China, umalis na ako agad ng school at
nagpabook agad ng plane ticket. Mamayang 6 ng gabi yung flight ko at 4 hours yung byahe papunta
dun kaya 10 na din ako ng gabi makakarating dun. Nakapunta naman na ako dun dati pa kaya alam
ko kung saan siya nakatira at doon ako pupunta mamaya. Gustong gusto ko na talaga makausap yung
babaeng yun. Umuwi ako agad ng bahay para makapagimpake agad at dumeretso sa opisina ni Dad.

"Dad, Im going to China tonight. I need money" sabi ko
"Okay. I'll deposit the money in your bank account later" sagot ni Dad
"Thanks"

Umalis na din ako agad sa office niya. Ganun lang naman siya kadaling kausapin pagdating sa
pera kaya madali para sakin lahat. Hihingi lang ako at pagbibigyan niya din ako agad. Pumunta
muna ako sa isang restaurant para kumain bago pumunta ng airport.

"Hey babe"

Napatingin ako sa tumawag sakin. Familiar yung mukha pero hindi ko naman maalala kung sino
siya.

"Hey" sabi ko
"Don't you remember me?"
"Actually no"
"Stop kidding around babe. I'm Joyce. Duh? Lagi ka kaya nasa condo unit ko. Anyway, bakit pala
hindi mo na ako pinupuntahan? I missed you"
"Busy. I miss you too babe"
"So let's hang out tonight?"
"Next time. Pupuntahan na lang kita pag may time ako"
"Sure. Well, I need to go. Bye! Call me okay?"
"Sure"

Hinalikan niya naman ako at saka siya umalis. Umalis na din naman ako para magwithdraw at
pumunta ng airport. Naghintay na lang ako. 2 hours pa bago yung flight ko.

Gusto ko na talaga siya makita ulit. Hindi naman ako bitter e. Galit lang talaga ako sa kung
paano niya ako iniwan kaya ganun ako magreact kapag nababanggit siya. Gusto ko na din maging
malinaw yung tungkol samin. Ayoko na matapos na lang yun lahat doon. Na aalis na lang siya at
hindi na babalik. Lalo na nalaman ko pa na may kasama siyang lalaki paaalis niya.

***

At last nandito na din ako sa China. 10 na ng gabi. Sumakay ako ng taxi papunta sa bahay nila.
At pagdoorbell ko doon, may lumabas na guard.

"Ni xu yao shen me, xian sheng? Ni you mei you yue hui?" sabi nung guard (What do you need sir?
Do you have any appointments?)

Putek! Wala akong maintindihan! -___-

"Excuse me? I can't understand you" sabi ko
"What brought you here sir? Do you have any appointment with Mrs. Tan?"
"I'm looking for Jeraldine Tan. I'm her friend. Is she here?"
"Im sorry sir. Ms. Tan is already sleeping and Mrs. Tan said that if you want to talk to her
daughter, you need to have an appointment first"
"But I need to talk to her now! Let me in! Papasukin niyo ako!"

Pinigilan lang nila ako. Kaya ko naman sila lahat e! Ayoko lang gumawa ng gulo.

"Sir, if you will not stop, we're going to call the police. Please just make an appointment"
"Aineeee! Lumabas ka dyan!" sigaw ko

May lumabas na babae. Mukhang nanay ni Aine.

"Zhe daodi shi zen me hui shi?" sabi nung babae (What is going on here?)
"I'm Steven Santos ma'am, I need to talk to Aine. I'm her boyfriend"
"Aine? My daughter. You couldn't be her boyfriend, that's impossible! She's already engaged
with somebody else so please leave now"

Natigilan ako dun. Engaged na agad siya?! T*ng*na! Kelan pa? Ilang araw pa lang siya nandito
ah? Wala pang isang linggo tapos engaged na agad siya?! Sh*t naman oh!

Umuwi na lang ako pagkatapos nun at naghanap ng hotel. Dito ako nagstay sa Shangrila Hotel.
Natulog na din ako agad. Pagkagising ko, inalam ko agad yung branches ng restaurants nila at
meron din pala sila dito sa hotel na to. Pumunta na lang ako dun sa restaurant dito sa hotel.
Gustong gusto ko na talaga siya makausap. Pagpasok ko, lumapit ako agad dun sa mukhang manager
nila.

"Excuse me, is Jeraldine Tan here?" tanong ko
"Who are you? She's my fiance. What do you need? You can tell--"

Sinuntok ko naman agad yung lalaki.

"Hey what's your --"

Sinuntok ko pa siya ulit ng isa pang beses.

"Boyfriend niya ako! Umalis siya sa Pinas para lang sayo?! Sh*t! Akin siya!"

Pinagsusuntok ko siya. Fiancee pala uh? Wala namang binatbat sakin e. Ni hindi nga siya
makabawi ng suntok. Inaawat na nila ako pero hindi ako magpapaawat. Wala akong pakealam kung
magkagulo pa sila dito.

"Papuntahin niyo dito si Aine!"

Aine's POV

"Da niang, you zuo cuo shi wai. Wo jue de you ren zhao ni" sabi nung isa sa mga staff (Maam,
there's something wrong outside. I think someone is looking for you)
"Zou ba" sagot ko (Let's go)

Pumunta na lang ako agad dun sa may nagkakagulo. Wait! Si Steven? O__O Anong ginagawa niya dito
sa China? Nilapitan ko agad si Paolo dahil binubugbog siya ni Steven.

"Steven tama na! Ano ba?! Wag ka nga gumawa ng iskandalo dito! Nakakahiya!"

Tumayo naman siya at tinulungan ko tumayo si Paolo. Huhulihin na sana siya ng mga guards pero
pinigilan ko.

"Bu yao dai bu ta. Wo zhi dao ta" sabi ko (No. Don't arrest him. I know him)
"Ni ken ding daniang ma?" -guard (Are you sure ma'am?)
"Shi" (yes)

Nilapitan ko naman kaagad si Steven.

"Ano bang problema mo Steven?!" tanong ko
"Kailangan kitang makausap" sagot ni Steven
"Kailangan talaga nating magusap. Sumunod ka sakin"

Naiinis ako. Gumawa pa siya ng gulo dito. Nakakahiya sa mga customers namin. Hindi ko lang
talaga maisip kung paano niya ko nahanap. Naglakad ako papunta dun sa pinagsstayan namin ni
Paolo dito sa hotel at pumasok. Sumunod lang din naman siya. Nakatayo lang siya. Umupo naman
ako dun sa may sofa.

"Bakit ka nandito?" tanong ko
"Sino siya?"
"Si Paolo. Childhood friend ko. Why?"
"Wag ka ngang magsinungaling pa Aine! Alam kong fianc mo siya!"
"Alam mo naman na pala e. Bakit ka pa nagtanong?"
"Aine. Gusto ko maayos na kung ano mang problema meron tayo ngayon. Ibalik na natin yung dati"

Ang hirap naman magexplain oh >__< sobrang hirap. Ayoko masaktan siya. Mahal ko pa din siya
kaso hindi na pwede, hindi dapat.

"Aine" pabulong na sinabi niya
"Steven tama na. Ayoko na umasa ka pa. Tapusin na natin yung satin. Gusto mo malaman yung
totoo? Oo, fiance ko siya and he's the reason why I'm here. I'm doing this for our business. I
need to do this kahit ayoko"
"Aine, kaya tulungan ng company ni Dad yung company niyo. Hindi mo naman to kailangan pang
gawin. Ako tutulong sayo"
"Hindi ganun kadali yun. May contract na at naka sign na ako. Hindi na mababawi yun. Tama na
Steven. Kahit ano pang gawin mo wala nang magbabago. Matagal na akong engaged sa kanya. Hindi
pa man ko nakakaalis ng Pinas, engaged na ako"
"Ano yung satin?! Laro na lang ba yun para sayo?! Niloko mo ako Aine. Tinwo-time mo ako. Alam
mo palang engaged ka, bakit mo pa ginawa yun?!"
"Hindi. Seryoso ako dun satin. Ginawa ko yun kasi ayoko magsisi. Ayoko na pagsisihan ko na lang
dahil hindi ko nasabi sayo na mahal kita. Steven, mahirap yung decision na ginawa ko. Ayoko man
gawin pero iniwan kita dahil kailangan. At isa pa, hindi kita niloko at mas lalong, hindi kita
tinwo-time"
"Sana sinabi mo sakin lahat. Sana hindi ka naglihim. Hindi sana ako umasa"
"Sorry"
"May magagawa pa ba ang sorry mo?!"
"Wala. Pero Steven, don't be like this. Gusto ko back to normal lang tayo. Friends?"
"Sana nga ganun lang yun kadali kaso hindi. Sige, I'll let go. Susubukan kong ibalik sa dati
yung pagkakaibigan natin pero hindi ako makakasiguro na ganun nga"
"Thank you Steven"

Niyakap ko siya pero tinulak niya lang ako.

"Aine, tama na please. Wag mo na akong lapitan. Iiwas na ako. Susubukan ko na hindi maging
bitter. Ikaw una kong sineryoso e kaso --"
"Sorry Steven. Tama na. Alam kong kasalanan ko. Dapat hindi ko na sinabi sayo yung nararamdaman
ko. I'm very sorry"

Nagsimula na tumulo yung luha ko. Alam ko naman kasi na kasalanan ko talaga lahat ee. Pinaasa
ko lang siya. Inisip ko lang yung sarili ko noon. Niyakap niya naman ako ng sobrang higpit.

"Sshh. Wag ka na umiyak. Okay lang ako. Wag mo sisihin sarili mo. Sige Aine, aalis na ako dito
sa China at hindi na kita guguluhin. Sana wag ka na lang din bumalik sa Pilipinas para okay na
lahat"

Bigla naming bumukas yung pinto kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya. Si Paolo pala yung
dumating.

"Dude, sorry about your face" -Steven
"It's okay. I know everything about the two of you. We really don't like this but we need to do
this for everyone" sabi ni Paolo
"Sige, alis na ako. Goodluck na lang sa inyo"

Umalis na siya at mas lalo akong naiyak sa pagalis niya. Kinomfort lang ako ni Paolo.

Goodbye Steven. I love you so much but I really need to leave you :( Sorry. I really need to do
this. I'm sorry for loving and hurting you. Bakit ba kasi hindi ko masabi sayo lahat ng yan?
Sobrang hirap magsabi ng goodbye sa taong pinakamamahal mo. But because you need you, you have
to do so. We need to leave each other and start again with our new lives. We need to let go
even though we still want to hold on.
*******************************************
[35] CHAPTER 27.1: Fieldtrip
*******************************************
Si Mikaela Valdez yung nasa picture sa side :)

Chapter 27.1: Fieldtrip


Mikaela's POV

It's 8 o'clock in the morning and we're already here in our school. Why? Fieldtrip. Fieldtrip
na naging team building activity. Venue? Amansinaya Mountain Resort. Ang loser! -___-
Nakakatamad yung ganito. Our section is in the same bus with Jin's section. Jin is here, KL is
here, Gab and Spencer we're also here. Wala lang si Steven. Balita ko dun sa lalaking dun,
napagiwanan ng girl. Kawawa naman! Hahaha! Anyway, who cares right? That's none of my business.

Pagkadating namin sa venue, it doesn't look cheap naman. It's a resort and adventure camp.
Great! I'm really not prepared for this kind of activities. After maglunch, dumeretso na kami
doon sa place kung saan pinapagather yung lahat and in a while, magsstart na yung mga
activities. I'm excited. I have evil plans na naman kasi. Well, actually hindi pa planado
gagawin ko pero as usual, I have the plan to ruin Jin's day.

"Zeke" tawag ko kay Zeke
"Why?"
"Do you still like Jin?"
"Anong klaseng tanong ba naman yan Mika? I'm with you and I'm courting you. Anong kinalaman ni
Jin dito?"
"I just want to know. I need to make sure"
"I still like her but you're the one I love. So there's nothing to worry about"
"Okay"
"I love you Mikaela Valdez"
"I love you too"

He hugged me after that. I'm starting to get annoyed. Why do they like her? When will it just
be me? That is one of the reasons why I want to make her life miserable even though I have
Zeke. I'm the antagonist in her life and I know that I have a lot of haters because of my
attitude but I don't effin care. As long as Zeke is with me and he loves me, that would be
enough to survive. No one can bring me down.

Nagsimula na yung program. I'm the one in charge for the program kaya alam ko lahat ng gagawin
for today. Amazing race yung unang gagawin and while that is happening, may ibang gagawin yung
maiiwan.

"Okay. Gather round. Kailangan na namin yung 4 representatives from each section now. Pumunta
kayo ngayon dito sa stage para makabunot ng partners niyo" -teacher

Nagpuntahan na kami na mga representatives. 2 boys and 2 girls per section. Yung sa section
nina Jin, yung players is sina Jin, Gab, KL and Spencer. Yung samin naman, ako, Zeke, Anet and
Lenvin.

"Lahat ng girls, bumunot na kayo para malaman kung sino magiging partner niyo"

Bumunot na ako. Gab will be my partner. I'm lucky that I'm with Gab but I'm also unlucky
because Jin is with Zeke. Of all people, why does it have to be Zeke? I'm starting to get
jealous. Zeke still likes her so I can't help it. Bahala na! Aagawin ko na lang si Gab kay Jin.
Pwede naman yun diba?

"Well, ganito ang gagawin niyo. Kailangan niyo magikot ikot sa buong place to find the 25 flags
na same as the color na assigned sa inyo. The first pair to arrive here with all the flags will
be the winner. But listen, wag kayo pumunta sa latter part ng mountain because its really
dangerous there. If by 5pm hindi niyo pa nacollect lahat, bumalik na kayo. Mahirap ang way
pabalik dito kapag madilim na. May 1 backpack kami na ibinigay sa inyo. Nandyan na lahat ng
kakailanganin niyo. So it's up to you kung paano kayo didiskarte. Understand? Then start!"

Gab's POV

Sa lahat ng pwede kong makasama, bakit tong babaeng to pa -___- Subukan niya lang maginarte
ngayon at iiwanan ko siya. Lalo na't badtrip ako kasi si Jin at Zeke yung magkasama. Nagiikot
na kami dito ngayon. Nakarating na ako dito dati kaya alam ko na yung mga daan dito pero yung
sa bundok na banda na malayo, hindi ko pa napuntahan. Delikado kasi dun at bawal talaga
puntahan yung lugar na yun. Nagsimula na kami maghanap. 1 pm na din kaya kailangan bilisan. 4
hours lang yung binigay na oras at sobrang lawak pa naman dito. Nagikot ikot na kami at hindi
rin naman nagtagal, nakahanap na kami ng isa.

"Hoy Mika! Tigilan mo nga yan" sabi ko
"What?! I'm not doing anything wrong. Mas pinapahirapan ko lang yung ibang team para tayo
manalo"
"Ibang team? Team lang ni Jin yang pinapahirapan mo sa ginagawa mo e. Umayos ka nga! Iiwanan
kita dito kapag nainis ako"
"Maayos naman ako e! Tara na nga!"

Badtrip naman tong babaeng to. Lahat na lang ng nadadaanan namin na may flag, ginugulo kaya
kailangan ko pa ayusin. 4 pm na din at nakaka 24 na flags na din kami. 1 na lang kulang at
ngayon, narating na din namin yung falls. Pinakadulo na din ito nung lugar. Konti na lang at
restricted area na. Asan na nga ba yung babaeng yun? Bigla na lang nawawala. Kapag nawala siya
dito, problema ko pa -___- Buti nalang si Zeke kahit papano maaasahan. Alam kong hindi niya
pababayaan si Jin.

"Gab! Eto na! I found the last one!"
"Buti naman. Gusto ko na bumalik doon. Pagod na ko"
"Ako din kaya. Sakit na ng paa ko oh. Magsusugat na"
"Tara na"

Hinila ko na lang siya para mabilis. Alam ko naman na kahit papano yung daan pabalik kasi
tinandaan ko.

"Aray!" -Mika
"Hoy bilisan mo nga!"
"Ang sakit ng paa ko. Natapilok ako. Hindi ko na kaya bumalik. Buhatin mo na lang ako pabalik
oh. Hindi ko talaga kaya"
"Ayoko nga"
"Edi hintayin mo na mawala sakit ng paa ko. Ang hirap kaya maglakad"

Sh*t! Ang arte ng babaeng to. Nakakainis. May iba pa ba akong choice? Gusto ko na bumalik kaya
binuhat ko na lang siya. Ang bigat niya kahit payatot naman. Hindi rin nagtagal at nakita ko na
yung camp. Malapit na din kami.

"Gab!"
"Oh?"
"May sasabihin ako sayo"
"Ano?"
"Joke lang na masakit yung paa ko. Hahaha!"

Binagsak ko siya bigla kaya napaupo siya dun sa lupa.

"Aray naman! Pwede naman magsabi diba?! Nakakainis ka!"
"Okay ge"

Pinahirapan pa ako. Naglakad na ako palayo. Sumunod lang siya.

"Okay! Seems like we already have a winner! Mikaela and Gab! Let's just wait for the other
students and by 6 o'clock, uuwi na din tayo lahat!" -teacher

5:30 na. 30 minutes na lang. Onti onti nang nagdadatingan yung mga kasali.

"Mukhang andito na ang lahat. One team na lang ang natitira. Ang tandem na Zeke and Jin na lang
ang hinihintay" -teacher

Asan na ba sila? Maya maya uuwi na e. Sila na lang hinihintay.

"Gab, asan na sina Jin? Kanina ko pa tinatawagan, cannot be reached yung phone" -KL
"Walang signal doon" sagot ko
"Hanapin na natin sila" -Spencer
"Ang dilim na dun oh. Ang labo na payagan pa tayo. Hintayin na lang natin. Kinakabahan na nga
ako e" -KL

Naghintay lang kami. 6:30 na din. Bakit wala pa din sila?! Nakakainit ng ulo! Paano kung may
nangyari na masama sa kanila?!

"And well, mukhang naiinip na ang lahat, uuwi na tayo. Kami na lang ang maiiwan para hintayin
sila. Students, please get on the bus now para makaalis na" -teacher

KL's POV

"Ma'am, pano naman sina Jin?! Di pa ba sila ipapahanap?!" tanong ko
"Ms. Gonzales, let's wait until 7 o'clock. Please pumunta na kayo sa bus at kami na ang
maghihintay sa kanila" -teacher
"Ma'am magpapaiwan na lang kami dito. Hihintayin namin dumating si Jin"
"How about the transportation? Wala kayong masasakyan pabalik" -teacher
"Kami na po bahala Ma'am" -Spencer
"Okay. You can stay" -teacher
"I'm also staying Ma'am" -Mika

Buti na lang at pinayagan kami. Super worried na ako kay Jin. Baka kung ano na nangyari sa
kanila ni Zeke. Paano na yun?

"Tinawagan ko na si Steven para sa transpo. Papunta na siya" -Spencer
"Buti naman naisip mo yun?" pangaasar ko
"Di naman ako bobo. Bahala ka nga dyan!"
"Ui babe, sorry na! Joke lang yun!"
"Kiss muna!"
"Kiss mo mukha mo!"
"Sir ano ba?! Hindi pa ba kayo gagawa ng way para mahanap sila?! Paano kung ano na nangyari sa
kanila?!" -Gab
"Mr. Teppei. Maghintay lang po tayo hanggang 7 at kapag hindi pa sila dumating, kami na ang
maghahanap sa kanila" -teacher

Alam ko kung gaano nagwoworry si Gab. Mas nagwoworry naman ako kasi bestfriend ko yun pero
ayoko mag panic kasi wala naman magbabago kapag nagpanic pa ee.

"Guys, I'm sorry. I think it's my fault" -Mika

Hinawakan ni Gab si Mika sa magkabilang balikat.

"Ito tatandaan mo Mika! Kapag may nangyaring masama kay Jin, mananagot ka sakin! Hindi ko
papalagpasin to!" -Gab
"Kahit kailan talaga Mika, gusto mo maging magulo buhay ni Jin ano? Ayan! Nawawala na si Zeke
at si Jin. Masaya ka na?!" sabi ko
"Sorry na nga diba?! Hindi ko naman sinasabi na ako may kasalanan ah? Baka lang naman kasi yung
flag binato ko dun sa may restricted area! Nasa kanila na yun kung kukunin nila! Ginawa ko lang
yun para kami yung manalo. So chill pwede! Pati naman ako nagwoworry e! Hindi lang kayo!" -Mika
"Chill guys. Walang mangyayari kung magaaway away kayo" -Spencer.

Nanahimik na din lahat. Lahat kami wala sa mood. Maya maya nagsimula na sila maghanap. Gusto
man naming sumama pero hindi kami pinayagan. 10 na din ng gabi ng makabalik sila pero wala sina
Jin at Zeke.

"Sir, I'm sorry. Masyado na pong delikado kung maghahanap pa kami. Hindi na po kami makalayo
dahil mahirap ang daan pabalik. Puro fog na din po kasi. I'm sorry sir. Itutuloy na lang po
namin ang paghahanap sa kanila bukas ng umaga" -Staff
"Sh*t! Kung hindi niyo kaya, ako maghahanap sa kanila!" -Gab
"Marunong ba kayong maghanap?! Yung boyfriend ko nandun! Walang kwenta naman kayo oh! Hanapin
niyo sila! Madaming pwedeng mangyari sa kanila doon na hindi maganda! Hindi kayo pwede tumigil
hanggang hindi niyo sila nahahanap!" -Mika
"Sorry sir, mam. Ginawa na po namin lahat ng makakaya namin pero no signs of them. Bukas na
bukas hahanapin agad namin sila"

Sinubukan ni Gab na magpumilit pero hindi talaga siya pinayagan kaya wala na kaming nagawa. Si
Mika din naman nagwawala na dito. Kailangan talaga naming hintayin na sumikat ang araw. I just
really hope na safe sila.
*******************************************
[36] CHAPTER 27.2 and 27.3:
*******************************************
Si Zeke Fraser Lopez yung nasa picture sa gilid :)

Chapter 27.2: Under the Rain


Zeke's POV

Nakaka 24 flags na kami ngayon. Narating na din namin yung falls. 1 more flag to go. 5 na din
kaya feeling ko talo na din kami dahil siguradong marami na yung nakabalik doon sa camp at baka
nga kami na lang yung hinihintay.

"At last, nakarating din tayo sa falls. Wait. Magiikot ikot muna ako ah? Babalik ako dito agad.
Promise!" -Jin
"Jin!"
"Kaya ko to Zeke! Hindi ako lalayo!"

I checked my phone, walang signal. Ano ba namang klaseng lugar to? Magiikot na lang muna ako at
baka sakaling mahanap ko yung isa pang flag. Sabi naman ni Jin hindi siya lalayo e. Naghanap
ako ng flag pero wala akong makita. Bahala na kung hindi namin matapos. Hahanapin ko na lang si
Jin para makabalik na kami. Madilim na din kasi.

"JIIIIIINNNN!" sigaw ko

Naghanap ako ng naghanap. 6:30 na din. Baka kung ano na nangyare sa babaeng yun. Kahit kailan
talaga pinagaalala niya ako.

"JIIIIINNN!"

Naglakad lakad pa ako dun sa way na dinaanan niya at nakita ko yung huling flag na nasa
restricted area. Hindi kaya pumunta siya dito?!

"JIIIINNNN!"

Kailangan ko na pasukin yung restricted area. Kinakabahan ako. Baka kung ano na nangyari dun.
Ang likot pa naman nun.

"JII-- JIIINNN!"

Nakita ko siya sa restricted area. Nahulog sa isang pit at wala siyang malay. Hindi naman
masyado malalim yung pit pero kailangan ko siya mailabas agad. Pano ko ba siya iaangat dyan?
Natataranta na ko!

"CHAAARRREEELLL! GUMISING KA DYAN!"

Sumigaw lang ako ng sumigaw hanggang sa magkamalay na siya.

"Zeke? Zeke? Tulungan mo ko dito Zeke" naiiyak na siya
"Wag ka magalala Charel. Ilalabas kita dyan. Hindi kita pababayaan"

Tiningnan ko yung bag na binigay samin at may nakita naman ako na lubid dun. Buti na lang at
mayroon nun dito. Tinulungan ko siya na makaakyat at binuhat ko siya. Kailangan na namin
makabalik sa camp. 8 na pala ng gabi. Ni hindi ko man lang namalayan. Alam kong nagaalala na
sila samin.

"Awch" -Jin
"Okay ka lang?"
"Yup. Thanks ah?"
"Charel, Sakay ka na dito sa likod ko"
"Kaya ko pa naman maglakad ee. Thanks na lang"
"Wag ka na mailang. Alam kong masama pagkakabagsak mo dun. Para mabilis na din tayo makabalik
sa camp"
"Zeke.."
"Sige na. Okay lang ako"

Pinasakay ko siya sa likod ko at binuhat. In-on ko na yung flashlight agad.

"Anong nangyari Zeke?"
"Naubusan na ng battery yung flashlight"
"Sige na Zeke, ibaba mo na ako. Magtulungan na lang tayo pabalik. Kaya ko naman maglakad.
Pilitin natin makabalik Zeke. Nagwoworry na sila satin"

Hindi ko ibinaba si Jin. Alam kong nahihirapan siya. Kanina kasi napaupo siya e. Hindi kaya ng
katawan niya yung nangyari sa kanya.

"Okay lang Jin. Bubuhatin lang kita. Pipilitin ko na makabalik tayo dun"
"Thank you Zeke"

Naglakad lakad lang ako. Sobrang dilim na at wala akong makita.

"Charel, can I have your phone? Madilim kasi. Wala akong makita"
"Naiwan ko sa camp. Yung phone mo?"

Tiningnan ko yung phone ko sa bulsa ko at pagtingin ko, dead batt. Kung minamalas ka nga naman
-___- Ang dilim na e. Kailangan naming makabalik.

"Zeke. Wag mo na pilitin. Mahirap na. Baka mamaya may maaksidente pa satin kapag pinilit natin"

Hindi ako nakinig sa kanya. Nagpatuloy pa din ako sa paglalakad ng biglang natumba ako. Napatid
ako ng sanga ng puno. Ang dilim kasi talaga at puro puna pa. Ni hindi ko na makita yung moon
dahil natatakpan ng puno.

"Uh, Zeke?"
"Sorry Charel"

Bigla akong napaupo. Ang sama ng pagkakatumba namin at masakit na yung paa ko. May sugat ata.
Sumabit kasi dun sa kahoy na naging dahilan ng pagkapatid ko.

"Charel, I'm sorry. Hindi ko kaya tumayo ngayon. Injured na din ako"
"Zeke, I warned you! Sabi ko sayo wag mo na ituloy. Tingnan mo tuloy nangyari sayo!"
"Gusto ko lang maibalik ka na sa camp. Paano kung masama yung pagkakabagsak mo at napilay ka?!
Ayoko may masamang mangyari sayo Charel!"
"Naiintindihan ko naman yun ee. Ikaw lang din naman yung iniisip ko"

Natahimik lang kaming dalawa.

"Mukhang wala nang makakatulong satin dito. I think we will spend the night with each other sa
madilim na gubat na to" sabi ko
"No choice. Antayin na lang natin magumaga. I know na tutulungan tayo nina KL"

Sumandal na lang kami sa isang puno. 10 na din ng gabi. Wala na kaming magawa. Parehas kami na
injured.

"Charel, kamusta naman kayo ni Gab?"
"Si Gab? Okay naman. Friends"
"Hindi ka niya nililigawan?"
"Sabi niya naman he will wait for me e. Kayo ni Mika?"
"I'm courting her"
"Zeke. Sorry. Kasalanan ko kung bakit tayo nastuck dito ngayon. Kung hindi ako pumunta sa
restricted area hindi--"
"Bakit ka nga ba pumunta doon?"
"Doon ko kasi nakita yung last na flag kaya pinuntahan ko at sa kamalasan ko, yung inapakan ko
pala, hukay yun tapos pagkagising ko, nandun ka na at sumisigaw. I'm sorry Zeke. It's my fault.
Sorry talaga."

I hugged her. Feeling ko alam ko na ang may kasalanan nito. Si Mika lang naman ang pwedeng
gumawa nito. Nadadamay pa siya sa mga kalokohan ni Mika. Kumalas na kami sa hug at natahimik na
naman. I need to break the silence.

"Charel, Galit ka pa din ba sakin?"
"Honestly, hindi naman ako nagalit sayo e. Masama lang loob ko nun pero hayaan mo na. Tutal
matagal naman na tapos yun"
"I want to know why"
"Alam mo naman na ikaw first love ko diba? Hindi ko expected na ganun ang mangyayari satin.
Perfect na kasi lahat ee tapos nalaman ko na ganun pala, na game lang lahat. You don't need to
say sorry anymore. Napatawad na kita"
"Thank you Charel"
"Wait.. May a-a-ahas gumagapang sa paa ko. ano gagawin ko?"
"Wag ka gagalaw. Manahimik ka lang"

Nanahimik lang siya at nung tumagal, nawala na din yung ahas. Nakakatakot naman to. Masyadong
delikado dito. Napatingin ako sa kanya. Namumutla at nanginginig na.

"Charel! Anong nangyayari sayo?!"
"Z-z-zeke. Ang lamig!"

Hinubad ko yung jacket ko at isinuot sa kanya. Niyakap ko na lang din siya. Kailangan niya
mainitan. Babae pa din siya. Ayoko naman na magkasakit to. Maya maya napansin ko na nakatulog
na din siya. 12 na din pala. Matutulog na din ako. Nagising naman kaming dalawa ng biglang
umulan.

"Anong nangyayari?! Zeke! Umuulan!"
"Alam ko"
"Paano ka? Share na tayo dito sa jacket mo"
"Okay lang ako Jin. Sige lang. Sayo na muna yan. Kahit naman anong pilit natin, mababasa tayo.
Ang hirap kasi parehas tayo hindi makatayo at makalakad ngayon"

Sobrang lamig ngayon at puro fog na din. Kung malas nga naman kami oh. Basang basa na kami
parehas. Nilalamig na din ako pero alam kong mas kailangan ni Jin yung jacket kaya sa kanya na
muna yun. Sumandal na lang ako kay Jin at niyakap siya. Nakakaramdam na din kasi ako ng sama ng
pakiramdam.

"Zeke. Ang taas ng lagnat mo!"
"Okay lang ako Jin. Wag ka magalala"

Hinubad niya yung jacket at inabot sakin.

"Suotin mo to. Ang lakas na masyado ng ulan. Ayoko na mas lalo pang lumala yung sakit mo.
Kasalanan ko din naman kung bakit ka nagkasakit e. Okay na din naman ako"

Kinuha ko yung jacket at itinabi na muna.

"Ano bang ginagawa mo Zeke! Isuot mo yun!"
"Ayoko"
"Wag ka ngang pasaway!"

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko.

"Z-zeke.."
"Charel, don't leave me. I wanna be with you. I want you to be mine once again. Just for
tonight. I know that I'm being selfish at mali itong ginagawa ko pero Charel. I'm asking you to
be mine again even just for tonight"
"Hindi kita iiwan Zeke. Ano bang sinasabi mo? Are you serious?"
"I'm serious Charel. Just tonight at pagsikat ng araw, kahit iwasan mo na ako ulit. I really
missed the old times"
"Zeke.."
"Please Jin--"
"Payag na ako Zeke"

Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Alam kong mali itong gagawin namin. I'm courting Mika at may
kung ano sila ni Gab.

"I love you Jin and this time totoo na to"

I kissed her in the forehead then down to her nose and lips. Isang bagay na hindi ko nagawa
dati dahil ayoko agawin sa kanya ang first kiss niya. I kissed her passionately and she
responded. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumigil.

"Is there something wrong? Im so--"
"No Zeke. It's just that namiss ko lahat bigla. Sana totoo na lang lahat yun"
"Don't worry Jin. After tonight, I'll let you move on. Sorry nasaktan kita. I love you Charel"
I said while cupping her face.
"What?! You-- Zeke. Tama na. Ayoko na mafall pa lalo sayo"
"I'm just telling you the truth Charel"

The truth. I think I love her but not to the extent na nahigitan yung feelings na meron ako
para kay Mika. I'm not using her para makapaglibang tonight. I really want her. I want her back
pero ayoko na masira pa ang lahat. Alam ko na si Gab ang makakapagpasaya sa kanya at alam ko
din na mas magiging masaya kami ni Mika. Dahil una pa lang, si Mika na talaga yung gusto ko at
sasaktan ko lang si Jin. I kissed her again at nung alam kong sumusobra na, I stopped. Ayoko na
gumawa ng kasalanan. Ayoko na may mangyari pa samin. Ayoko itake advantage siya. Tuloy tuloy pa
din ang malakas na ulan. I just hugged her para hindi kami lamigin parehas and she hugged me
back.

"Zeke"
"Hm?"
"I don't want them to know about what happened tonight"
"Don't worry, this will be a secret"
"Thanks"
"Thank you Charel for giving me the opportunity to be in your life. Thank you for being mine
again even just for a while"

She just smiled. Hinawakan niya yung forehead ko.

"Ano ba naman yang lagnat mo! Hindi pa din nawawala. Kung ano ano tuloy nagiging side effects.
Kung ano ano na sinasabi mo oh"

Hinawakan ko yung mukha niya.

"Charel. Lahat ng sinabi ko sayo tonight, totoo"
"Sana nga Zeke. Sana matagal mo na narealize yun. Sana dati pa"
"I'm really sorry Jin."
"Matulog na nga tayo"

Ipinikit ko na lang yung mga mata ko para naman makatulog na din siya.

I'm really sorry Charel. Hindi ko kaya pantayan yung love na ibinigay mo sakin. May feelings
nga ako sayo. Siguro nga nadevelop din ako sayo kahit papano pero wala akong magagawa. Mika
will always be the one I love and no one can ever replace her.

Jin's POV

I think tulog na din si Zeke pero ako kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog. Tumila na din
ang ulan at stucked pa rin kami dito.

I really miss Zeke. Kahit anong pag momove on ang gawin ko, siya pa din talaga. Talagang hindi
maaalis yung feelings ko sa kanya. Siguro pwede pero there's a little pa din na matitira.
Pumayag ako maging girlfriend niya tonight. I grabbed the opportunity when he asked me at
sinabi niya pa na love niya ako. I know na sincere siya sa sinabi niya. I can see it in his
face and I can feel it. I just can't understand him. Bakit niya pa kailangang sabihin yun
sakin? Alam naman niya na nagmomove on na ako at pinipilit ko kalimutan ang feelings ko sa
kanya.

The whole night. nagrereminisce lang ako. Happy memories. Dahil simula sa pag gising namin,
kakalimutan ko na si Zeke kasama ng lahat ng memories ko na kasama siya and Gab will help me
and I'm thankful for that.


Chapter 27.3: Rescued

Gab's POV

Nandito na kami sa room na sinabi nilang tutuluyan muna namin. Hindi pa din ako mapakali. 12 na
din ng madaling araw ngayon. Pakiramdam ko wala akong kwenta. Ni hindi ko man lang siya
maibalik dito ngayon. Lumabas ako ng kwarto at tumayo muna dito sa balcony. Ang lakas ng ulan.
Panigurado basang basa na siya sa ulan ngayon. Sana lang talaga ligtas siya.

"Hey Gab. Ano na kaya ginagawa nila dun ano? Just the two of them in the middle of the forest
and it's raining pa. For sure nilalamig na sila dun" sabi ni Mika
"F*ck! Alam mo Mika, kung wala ka namang sasabihing maganda, mas maganda pang manahimik ka na
lang at baka masaktan pa kita"
"Hey chill. I'm just asking. Ang laki ng problema mo ah?!"
"Malaki na nga kaya wag mo na dagdagan! Ngayon, kung ayaw mo masaktan, lumayo ka na habang
hindi pa ako napupuno ng galit!"
"Okay okay. Aalis na nga. Pero isipin mo yung sinabi ko"

Umalis na siya. Badtrip yung babaeng yun -___- pinapainit niya ulo ko. Pero may point din siya.
Ano na nga kayang ginagawa nila dun? Malamig, umuulan at sila lang dalawa.

*Imagination*

"Zeke, laro tayo. Wala naman magawa ee. habulin mo ko! Hahaha!" -Jin
"Mahuhuli din kita Jin. Antayin mo lang ako! Hahaha!" -Zeke

*end of imagination*

Hindi hindi. Hindi naman ganun si Jin. Hindi niya gagawin yun. Pano kaya kung..

*imagination*

"Jin, mahal pa kita. Alam kong mahal mo pa din ako. Wag na tayo magpakita sa kanila. Runaway
with me" -Zeke
"I will Zeke. I really love you!" -Jin

*end of imagination*

Hindi hindi! Malabo din yun. Hindi nga nila alam daan pabalik e at madilim na. E kung..

*imagination*

"Zeke. Nilalamig ako" -Jin
"Hug kita gusto mo?" -Zeke
"Sige"
"Nilalamig ka pa din ba? Gusto mo para mawala yung lamig, ikiss kita?"
---kiss---

*end of imagination*

Sh*t! Ano ba to?! Kung ano ano naiisip ko -___- hindi nila gagawin yun. Imposible. Alam kong
hindi gagawin ni Jin yun! May tiwala ako sa kanya. Nagiinit lang ulo ko sa mga naiisip ko.
Bahala na!

"Gab"
"Oh?!"
"Highblood? Sigawan ba naman ako?! Andyan na si Steven. Puntahan natin"
"Ge"

Nasigawan ko pa tuloy si KL. Sumunod na ako at nakita namin si Steven.

"Ano nangyari pre? Asan na si Jin?" tanong ni Steven
"Nawawala. Bukas pa daw siya hahanapin" sagot ni KL
"Siya lang magisa?! Baka ano na nangyari dun!" -Steven
"Kasama niya si Zeke" -Spencer
"Bakit niya kasama yun?! Bakit hindi ikaw kasama niya Gab?" -Steven
"Explain namin sayo mamaya. Pasok na tayo. Umuulan oh. Ang lamig dito" -KL

Pumasok na kami dun sa kwarto.

"Oh, bakit nandito din yan kasama niyo?" -Steven
"Bakit? May angal ka?" -Mika
"Jinojoke ka lang babes e" -Steven
"Wag mo ko matawag tawag na babes. Si Zeke lang pwede tumawag sakin nyan!" -Mika
"Tara na nga. Wag ka na makipagtalo pa dyan kay Mika" -KL

Kinwento naman ni KL lahat kay Steven at pagkatapos nun, nagpahinga na din sila. Ako naman,
walang balak matulog.

"KL"
"Oh?"
"Pasensya sa inasta ko kanina. Badtrip lang talaga ako"
"Okay lang yun. Naiintindihan ko naman comdition mo ee. Sige Gab, tulog na ako. Pahinga ka na
din"

***

"Ui Gab"

Nakapikit pa din ako. Inaantok pa ako e.

"Gab!"
Bigla namang may pumalo sakin kaya dumilat na ako.

"Oh? Bakit mo ako pinalo?!"
"Balita ko kasi aalis na sila maya maya. Di ka ba sasama?"
"Ha?"

Tiningnan niya lang naman ako. Si Mika pala yung kausap ko. Napabangon ako bigla at dumeretso
sa cr. Ginawa ko na dun lahat ng kailangan kong gawin at saka ako lumabas. Nawala sa isip ko na
hahanapin pala namin sina Jin.

"Gab. Dalhin mo to oh" -Mika

Binibigyan niya ako ng sandwich at bottled water.

"Ano gagawin ko dito?"
"Sige titigan mo lang. Hindi ka pa kaya nagbebreakfast. Problema pa yun mamaya pag may nangyari
sayo"
"Thanks"
"You're welcome"

Naisip ko na mabait naman pala si Mika kahit papano. Mahilig lang talaga siya manginis.
Nagsimula na kaming maghanap. Medyo madilim pa ngayon. 5:30 pa lang pala. Si KL lang yung
naiwan sa camp. 8 na din ngayon ng umaga at narating na namin yung falls pero hindi pa din
namin sila nakikita.

"Papasukin na natin yung restricted area ngayon. Magingat po kayo. Sobrang delikado ng lugar na
papasukin natin" sabi nung lalaki

Nagsimula na kaming maghanap ulit. Malayo na din yung narating namin pero wala pa din sila.
Nasaan na kaya yung mga yun?

"Ui guys, san kayo pupunta?" -Mika
"Maghahanap sa kabilang side" -Spencer
"Delikado daw diba? Mamaya ano pa mangyari" -Mika
"Di ka naman namin pinapasama ah? Dun ka na sumama sa kanila" -Steven
"Ui. Sama ako sainyo! Wait niyo ako!" -Mika

Sumunod si Mika at kumapit lang sa braso ko. Hindi rin nagtagal at nakita ko na sila pero hindi
ko nagustuhan yung inabutan ko. Nakayakap si Jin kay Zeke at nakasandal naman si Zeke sa
balikat niya. Hindi ako galit. Ayoko lang talaga sa nakikita ko. Lalapitan na sana sila ni Mika
pero hinila ko si Mika. Napayakap tuloy siya sakin. Niyakap ko na lang siya at pumikit.

"Dito ka muna pwede?" tanong ko
"Gab. Bakit mo ako niyakap?"
"Sandali lang Mika. Ngayon lang"

Tahimik lang naman siya. Napapahigpit yung yakap ko sa kanya. Nilalabas ko kasi yung galit ko
sa kanya e. Ayoko kasi sumabog na lang dito sa inis.

"Gab. Di-ako-maka-hinga"

Kumalas naman na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Alam kong ayaw mo sa nakikita mo. We're in the same situation right now. I know na magiging
okay din kayo. I tried to steal you away from Jin but I can feel that it won't work so I'll
just let the two of you together but I can't promise na hindi ko na siya guguluhin. Guuuys!
Andito sila oh!"

Nagsipuntahan na din sina Steven at Spencer dito. Sumunod na din yung ibang mga taga rescue.
Nandito lang ako sa malayo sa kanila. Ayoko na lumapit.

Jin's POV

"Jin, Zeke, gumising na kayo"

Pagdilat ko, si Spencer yung nakita ko. Siya yung gumigising samin. Si Zeke, tulog pa din.

"Zeke, gising na" sabi ko

Nagising na din naman siya tapos pinuntahan agad siya ni Mika at inalalayan siya na makatayo.
Tinulungan na lang din siya ni Steven.

"Jin, kaya mo ba tumayo?" tanong ni Spencer
"Hindi ee. Masakit katawan ko"
"Sakay ka na lang sa likod ko ah?"

Umupo naman siya sa harap ko at saka niya ako binuhat. Nauna na kami umalis. Si Zeke ginagamot
pa yung sugat niya at naiwan din dun si Steven. Si Gab nakasunod lang samin.

"Spencer, ano problema ni Gab? Bakit ganun mukha nun? Hindi maexplain" tanong ko
"Wag ka na magtaka. Sa nakita niya kanina, asahan mo na ganun magiging reaction nun"
"Ha? Di ko maintindihan"
"Jin, wag ka magpakamanhid. Mahal ka niyang bestfriend ko at panigurado nagseselos yan. Makita
ba naman na nakayakap ka kay Zeke e"
"Ee kasi nagkasakit si Zeke dahil sakin"
"Jin, kay Gab mo na lang iexplain yan. Wag sakin"

Natahimik na lang ako. Manhid ba talaga ako? Hindi naman diba? Alam ko naman na may feelings
siya sakin pero hindi ko siya maintindihan kahit anong gawin ko. Pagbalik namin sa camp,
sinalubong kami agad ni bessy. Iniupo na lang muna nila ako sa may sofa para makapagpahinga.

"Jin, what happened? Okay ka lang ba? Nagworry ako sayo ng sobra" -KL
"Okay lang ako bessy. Don't worry. Masakit lang ng konti yung katawan ko pero okay naman na
ako"
"Buti naman. Si Steven?" -KL
"Pasunod na yun. Nauna lang kami" -Spencer
"Problema mo Gab?" -KL
"Wala" sagot ni Gab

Badtrip nga si Gab. Kasalanan ko na naman ba? >__< Maya maya may dumating din na doctor para
icheck yung condition ko. Ang sabi naman ng doctor, effect lang daw to nung pagkahulog ko at
baka bukas, mawala na din yung sakit. Pagkadating ni Steven, sumakay na kami sa sasakyan niya
at umuwi.

***
Pagkagising ko, nandito na ako sa bahay at nasa kwarto ko na ako. Si Gab naman, katabi ko na sa
kama at mahimbing yung tulog niya.

"Gab, I'm sorry" pabulong na sinabi ko

Napansin ko din naman na nagigising na siya.

"Gising ka na pala. Sige alis na ako. Hinintay ko lang magising ka"

Bumangon siya pero hinila ko siya kaya napaupo siya sa kama.

"Oh? Bakit?" tanong niya
"Dito ka lang. May paguusapan tayo"
"Wala naman dapat pagusapan. Ge alis na ko"

Tumayo siya ulit at palabas na siya ng pinto.

"Ano ba Gab?! Kausapin mo naman ako oh. May sasabihin ako. May nangyari samin kagabi ni Zeke"

Natigilan siya sa sinabi ko tapos humarap siya at lumapit pabalik sakin. Hinawakan niya ako sa
magkabilang balikat at inalog alog ako. Kitang kita yung galit sa mga mata niya.

"Anong ginawa niya sayo?!" galit na galit na tanong ni Gab
"Bitawan mo kaya muna ako!"

Binitawan niya ako at naupo dun sa gilid ng kama ko.

"ARAAAAAAAAY! F*ck! Ang sakit!"
"Hahaha! Ang cute mo honey!"

Kinurot ko kasi yung pisngi niya pero binitawan ko na din.

"Anong nangyari?" tanong niya ulit
"Wala"
"Tss"
"Gab! Sorry! Mageexplain ako"
"Sorry saan? Explain ang ano?"
"Kasi kaya mo kami nakita na ganun kanina kasi--"
"Hayaan mo na yun"
"Patapusin mo kaya muna ako?!"
"Ge"
"Kasi nagkasakit siya dahil sakin. Kaya mo kami nakita na ganun kasi nilalamig siya kagabi at
kung hindi niya din ako inalagaan, ako naman yung nagkasakit"
"Ah"

Badtrip naman tong taong to. Bakit ba ang sungit?

"Honey! Magmomove on na ako promise!"
"Dapat lang"
"Bakit ba ang sungit mo? Para kang babaeng nagmemenopause e"
"Wala lang"
"Asar ka naman Gab ee"
"Nakakaasar ka din"
"Panget ka! Panget!"
"Mas panget ka"
"Masunget!"
"Manhid ka naman"
"Ano? Ako manhid?"
"Oo"
"Oo na! Manhid na ako."
"Okay"

Ano ba problema ng taong to? Ang sungit talaga >__<

"Hoy babae!"
"Ako?"
"Hindi hindi. Ako yung babae"
"Gay ka pala Gab e!"
"Gay?!"
"Oo! Hahaha! Gay si Gab! Hahaha!"

Lumapit siya sakin at hinawakan yung mukha ko tapos nilapit niya yung mukha niya sakin.
Umuurong tuloy ako pero hindi ako makakilos ng maayos.

"Sinong bakla?"
"Ikaw!"

Mas nilapit niya pa yung mukha niya. Magkadikit na ilong namin ngayon. Bakit ang bilis ng tibok
ng puso ko?! Feeling ko namumula ako.

"Namumula ka. Mukha kang kamatis . Okay na ba katawan mo? May swimming tayo sa Monday diba?
Sabi ko sayo, babakasyon tayo kasama ang barkada"

Tumayo ako. Okay na pala ako kahit papano ee. Masakit lang ng konti yung waist ko.

"Okay na pala ako. Sa Monday? Sige"
"Good. Uwi na ako ah? 6 na ng gabi oh"
"6?! Ang tagal ko pala natulog"
"Buti alam mo. Sige kita na lang tayo sa monday. Bye!"

Lumabas na siya sa room ko. Dumeretso na din ako sa CR para maligo at saka naman ako nagpahinga
na ng tuluyan.

Bakasyon na at mag momove on na talaga ako. Tanggap ko naman na sina Zeke at Mika na talaga.
And from now on, gagampanan ko na ang pagiging fiancee ni Gab. Ayoko na mahirapan pa siya ng
dahil pa sakin. Lagi na lang ako iniisip niya ee. Di ko na iniisip yung nararamdaman niya sa
mga actions na ginagawa ko. From now on, I will do my best para mahalin ka din Gabriel Vincent
Teppei.
*******************************************
[37] CHAPTER 28.1 and 28.2
*******************************************
Chapter 28.1: Mika - Zeke Moment


Mikaela's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nina Zeke. Why? Because I'll be taking care of him. Nagworry din
kasi talaga ako sa kanya. I really wonder what happened to the both of them last night when
they were stuck there but no matter what I do, useless. Wala siyang sinasabi tungkol dun and I
hate it!

"Babe, punta tayo sa resort namin later" pagyayaya ko
"Ano meron?"
"I want to enjoy. Vacation. We can stay there for a week"
"Okay. Sure"
"We'll use my car. I'll drive"
"Kaya ko naman magdrive ah?"
"Gusto ko naman na maexperience na ako nagdadrive for the two of us"
"Okay. If you insist"
"Thanks babe. Let's go there by 5 pm. 3 hours away from here yun"
"Sure babe. I'll pack up para makapunta na tayo sa condo mo"

Nagayos na siya ng mga dadalhin niya. 1 week stay? That would be fun and exciting as well kasi
sasagutin ko na siya. I'm just waiting for him to ask me. Pagkatapos niya magayos ng dadalhin,
we went straight to my condo. Nagtaxi lang kami. Sa 22nd floor yung condo ko. So here we are
waiting for the elevator.

"Girl, that guy was so like gwapo" girl 1
"I know right. Ngayon ko lang siya nakita dito. Maybe we should ask his phone number. What do
you think?" girl 2

Napalingon ako dun sa girls na nagsasalita. Nakakaasar ah? Nakatingin talaga kay Zeke.

"Shiz. Those girls we're annoying" pabulong na sinabi ko

Hiniwakan ni Zeke yung waist ko at hinila ako palapit sa kanya then he kissed me in the cheeks
at saka naman siya umakbay sakin.

"Dont mind them babe. I'm yours" -Zeke

Tumingin ako dun sa mga girls. Tinaasan ko ng kilay then roll eyes.

"Sasabihin ko pa naman na bagay sila kaso ang taray nung babae. Kala mo kung sinong maganda.
Maputi lang naman siya at matangkad" pagpaparinig nung isang girl
"Excuse me? Are you talking about me?" tanong ko
"Dont argue with them. They don't deserve your time"

Hindi ko na lang sila pinansin at hindi na rin naman nagtagal at nagopen na din yung elevator
at saka kami dumeretso sa unit ko.

"Babe?" -Zeke
"Yes?"
"I love you and I'll always be yours"
"Good to hear that. I love you too babe"

I packed my things. Madami din akong dalang damit. I have my car with me naman and we're
staying there for a week kaya madami talaga akong dala. Pagkatapos ko ayusin yung gamit ko,
dumeretso na kami sa parking lot. And there goes my baby. A black and pink BMW Convertible.

***

At last! Were here na sa beach resort. My father manages this resort. More on resorts yung
business ng family namin. This resort has a golf course kaya sobrang lawak and usually, rich
people lang din yung pumupunta dito. Pumunta na kami ni Zeke dun sa room na lagi kong
pinagsstayan. May jacuzzi yun sa loob ee. Inayos na namin yung gamit namin at nagbihis. I'm
wearing two piece and short shorts. Si Zeke naman, topless and beach shorts. Dumeretso naman
kami agad sa beach. Spell hot? Z-E-K-E and M-I-K-A! Haha! Pinagtitinginan kami ng mga tao dito.
Ngayon lang ba sila nakakita ng perfect couple like us?

Konti na lang naliligo dun sa dagat. More on pools na yung mga tao. Gabi na din kasi. It's 9
o'clock in the evening already. Hinila ko si Zeke dun sa dagat at dun kami nagstay sa mga
hangang shoulders na namin yung tubig. Nagswim lang kaming dalawa. Ang saya kasi gabi ee. I
really don't like na magswimming sa dagat pag maaraw. Feeling ko sobrang umiitim ako.

"Babe. Is this yours?" tanong ni Zeke

Waaaaah! OMG! Topless na pala ako >///< Hawak hawak niya yung halter neck na suot ko.
Nakakahiya. Kinuha ko din yun agad at sinuot. Ang luwag ata ng pagkakatali ko. Shiz. I know na
namumula ako ngayon.

"Babe. What's wrong? You're blushing" -Zeke
"I feel embarassed"
"It's okay babe. Ako lang naman nakakita nyan e"
"Pervert!"
"Joke lang. Don't worry. Wala akong nakita. Hahaha!"
"Waaaah! I hate you Zeke!"
"You can't hate me. I know you love me"

He kissed me and I found myself kissing him back.

"I want you to be my girlfriend Mikaela Valdez if you will allow it"
"Matatanggihan ko ba?"
"So that means?"
"Yes Zeke Fraser Lopez, sinasagot na kita"

He hugged me and I kissed him. It's official. October 22 is the date.


Chapter 28.2: 1st Day


Jin's POV

Ngayon na yung alis namin papunta dun sa beach resort. Hinihintay ko na lang na dumating sina
bessy dito sa bahay.

*beep beep*

"Kuya Hiroshi! Alis na ako ah! Nandito na ata sila. Zai jian!" (Zai jian - Bye)
"Take care princess!"
"Ikaw din kuya!"

Nagsisigawan kami ni kuya. Nandito kasi ako sa labas at si kuya nasa kitchen. Lumabas si Gab
dun sa van tapos tinulungan ako sa gamit ko at saka kami umalis. Si Spencer yung nagdadrive. Si
bessy, nandun sa front seat. Tapos dito sa likod, yung pwesto namin is: Ako - Gab - Steven.
Sabi nila mga 3 to 4 hours daw yung biyahe so pahinga na lang daw muna kami. Kinuha ko yung
chips ko sa bag. Buti na lang nagdala ako. Sarap kasi kumain pag nasa biyahe.

"Oh guys, chips oh" sabi ko
"Thanks" -KL

Si KL sinusubuan ng chips si Spencer. Ang sweet!

"Balita ko kasi nakakainggit diba? Nagpapakasweet kayo diyan" -Steven
"Bitter ka kasi!" sabay na sinabi namin ni bessy

Nagsikainan lang kami tapos nagpahinga na din pagtapos. Si KL, natulog na. Si Steven naman
nagsasight seeing. Si Gab nakasandal sa balikat ko at tulog na din yata. Nagsasight seeing lang
din naman ako. Syempre, si Spencer, nagdadrive pa din.

"Honey ang bango mo" pabulong na sinabi ni Gab
"Matulog ka na nga lang diyan" sagot ko

Mas mabango naman siya ee. Nagulat ako nang bigla niyang hinalikan yung leeg ko.

"Ano bang problema mo?!" tanong ko

Hindi lang naman siya sumagot. Nagpapakasweet na naman siya ee. Mas gusto ko pa yata kapag
masungit siya. Nakakailang kasi dahil na din siguro sa nangyari samin ni Zeke na hanggang
ngayon, hindi pa din ako nakakaget over.

"Bahala ka nga! Dun ka!" pagtataboy ko sa kanya
"Honey naman, wag ka na magalit" nginitian pa ko
"Che! Ewan ko sayo!"
"Masungit pala gusto mo ah? Okay"

***

"Hoy gising! Hoy ano ba?! Tinutulugan mo balikat ko. Hindi ako makaalis!"
"Wag ka magulo! Natutulog ako" sabi ko
"Ano ba?!"

Nakita ko si Gab. Mukhang badtrip. Badtrip na din ako. Ang sarap sarap ng tulog ko iniistorbo.
Magsusungit siya diba? Okay, bahala siya. Lumabas na din ako ng van tapos kinuha yung mga gamit
ko. Dinala na din namin yun dun sa room na pagsstayan namin. Si Gab kasama ko sa room. Si KL at
Spencer naman magkasama tapos si Steven magisa. Yun na kasi ang napagusapan.

"Bessy, pwede tayo na lang magkasama sa room?" tanong ko kay KL
"A-YAW! Minsan lang to e. Bonding din namin ni Spencer to. Napagusapan na din to diba? Bakit
nga pala?"
"W-wala. Never mind. Sige, okay lang"
"Sige Jin magbihis ka na din. Laro tayo volleyball pagkabihis natin"
"Sure"

Pumunta na ako ulit doon sa room namin at nagbihis na. Nagsuot na ako ng swimsuit tapos shorts
then t-shirt at ganun din naman suot ni bessy. Si Spencer at Steven, naka beach shorts tas
topless. Si Gab, naka v-neck shirt then beach shorts.

"Guys, laro tayo! Volleyball!" -KL
"Ayoko. Mangchichicks pa ko. Daming chicks oh! Ayos to! Sama kayo pre?" -Steven
"Go ako diyan! Ako pa!" -Spencer
"Ako din" -Gab
"Sige, kami na lang maglalaro dito. Tayo na nga lang Jin" -KL

Umalis na din sila. Nagtopless na din naman si Gab. Edi mangchicks sila. Who cares? Ay si KL
pala dahil na din kay Spencer.

"Highblood bessy?" tanong ko
"Oo! Bakit ikaw hindi?"
"Hindi. Bakit naman? Chill ka lang bessy. Ikaw din naman gusto nun e"
"Ewan ko lang. Laro na nga lang tayo!"

Naglaro lang kami ni KL. Mainit at kami ay bilad na sa araw. 2 pm pa lang naman kasi pero hindi
naman sobrang init. Medyo ineexaggerate ko lang. Masama lang kasi talaga gising ko. Lahat naman
yata ganito kapag bagong gising tapos nabadtrip diba? Alam niyo yung iritable na ewan? Gusto ko
tuloy ng ice cream siomai! Yan lang nagpapasaya sakin.

"Kain tayo ng siomai bessy. Pagod na ako ee. 1 hour na din yata tayo naglalaro" sabi ko
"Sure. Siomai gusto mo?! Saan ka makakahanap nun dito? Alam ko na, ice cream na lang. Favorite
mo yun diba? Tapos mainit pa kaya perfect yun!"
"Sige"

Naglakad lakad na kami at nagtingin tingin sa stalls na may ice cream. Nakita ko sina Gab
malapit sa isang stall dito ng ice cream kaya niyaya ko si KL dun.

"Bessy, dito na lang tayo!" sabi ko
"Ayoko dito. Nakikita ko sila dito ee"
"That's the point! Spy tayo kunwari. Sige na bessy!"
"Sige na nga!"

Naka-shades naman kami ngayon kaya hindi naman siguro kami mahahalata. Bumili na kami ng ice
cream. Cookies and cream yung flavor. Parehas namin favorite to ni bessy.

"Ansarap!" sabi ko
"Sshh ka lang Jin. Ang ingay mo ee"
"Sorry naman bessy"

Gab's POV

Nandito kami ngayon sa beach at naghahanap ng chicks. Sila lang pala, wag na akong idamay.
Kalokohan na naman to ni Steven at dinamay lang kami. Ganito talaga gawain niya kapag
nagpupunta sa beach tapos idedevirginize niya kaya ang daming babaeng may galit sa kanya pero
mas madami naman yung mga pilit na naghahabol. Nakaupo lang kami ngayon sa sand ng biglang may
napadaan na mga babae. 6 sila at magaganda at sexy din naman.

"Hello girls. Wanna hang out with us?" tanong ni Steven
"What do you think girls?" -girl 1
"Sure" -girl 2
"Why not?" -girl 3
"I would love to" -girl 4
"Let's go. Wala naman tayong ginagawa" -girl 5
"Sure thing" -girl 6

Nagpakilala naman sila isa isa. Sina Ghel, Crizabelle, Hannah, Audrey, Ayessa at Diane sila.
Tumabi sakin sina Ayessa at Diane. Kay Steven naman sina Ghel at Audrey at kay Spencer, sina
Hannah at Crizabelle. Nagkekwentuhan lang kami. Masaya naman sila kasama kahit papano pero para
sakin, mas masaya kapag si Jin yung kasama ko. Si Steven, mukhang tsinachansingan na yung
dalawang babae. Si Spencer naman nakikipag kwentuhan lang at ganun din naman ako.

"Ansarap!"

Napatingin ako doon sa pwesto na may nagsalita dahil pamilyar yung boses. Nakita ko naman si
Jin na nakashades. Mukhang pasimple pa kami nilang binabantayan kaya gagawa ako ng pwedeng
kainisan ni Jin kaya inakbayan ko si Ayessa.

"Ang daya mo naman. Siya inakbayan mo tapos ako hindi?" pagrereklamo ni Diane

Inakbayan ko na lang din siya. Mga babae talaga oh.

"Tara Gab. Swimming tayo!" -Ayessa
"Oo nga! Tara!" -Diane
"Kayo na lang" sagot ko
"Oo nga! Swimming tayo!" -Crizabelle
"That's a good idea!" -Aubrey

Hinihila lang nila kami. Sina Steven at Spencer tumayo na.

"Hey you! Let's go!" -Ghel
"Yea. Let's have fun!" -Hannah
"Kayo na lang" -ako
"Pre, wag kang KJ!" -Spencer
"Oo nga dude. Chicks na nagyayaya sayo oh. Kailangan pa ba na si Ji--" -Steven
"Oo na!" sagot ko

Tumayo na ako tapos lumingon kina Jin at saka ako ngumisi. Nakita ko naman na nainis siya.
Naglakad na kami papuntang dagat at nagswimming. Napansin ko din na hindi pa din umaalis doon
sina Jin at KL. Umahon na din ako agad. Sumunod din naman sila. Nandito na kami ulit malapit
kina Jin. Hiningi nila cellphone number namin. Binigay namin syempre pero yung number na
inimbento lang namin. Ganito gawain namin kapag may nanghihingi ng number namin. Ayaw kasi
namin ng may naghahabol samin. Nagkiss sa cheeks ko yung dalawang babae. Goodbye kiss daw.
Nakita ko din naman sina Jin na umalis na.

"Hey Gab? You alright?" -Diane
"Oo"
"Alis na kami ah? Nice meeting you guys. We'll just text you" -Crizabelle

Umalis na din naman sila at naiwan na kaming tatlo ulit dito.

"Oh pre? Ayos ba?" -Steven
"Oo pre! Ang gaganda nun e!" -Spencer
"Hahaha! Oh, 5 na din pala. Balik na tayo kina KL. Namimiss ko na yung babaeng yun. Baka mamaya
galit na naman yun" -Spencer
"Nakita ko silang dalawa. Kakaalis alis lang din nila" sabi ko
"Seryoso ka dude?" -Spencer
"Oo"
"Lagot kayo! Huling huli na nanchichicks e!" -Steven
"Ewan" -Spencer
"Okay lang yan pare. Madami pang mas sexy at mas lamang kay KL at kay Jin" -Steven
"G*go! Haha! Tigilan mo ko! Mahal ko yun!" -Spencer
"Oo nga. Madami pa"
"Ayun naman yun pre! Nagagaya ka na sakin. Ayos yan!" -Steven
"Haha! Ulul! Wag mo ko itulad sayo g*go!"
"Tss. Makag*go ka naman pare! Pare-parehas lang tayo" -Steven
"Tara na nga! Kawawa na naman ako dun kay KL e!" -Spencer

Naglakad na kami pabalik doon sa room na pinagstayan namin. Nakasalubong din namin sina KL at
Jin.

"San kayo pupunta?" tanong ni Steven sa kanila
"Bar" -KL
"Sige. Sama na kami" -Spencer
"Aga pa ah?" -Steven
"Bukas na yun. Madilim na e. Hindi din naman kami magtatagal dun" -KL
"Tara!" -Steven

Pumunta na kami dun sa bar. Ang sosyal ng resort na to. May bar pa talaga. Maganda din kahit
papano. May drinks station tapos maraming disco lights na abot hanggang dun malapit sa dagat
kaya madami din tao dun. Napansin ko na naginom na yung dalawa kaya uminom na din kami ni
Spencer. Humiwalay si Steven samin. Maghahanap daw ng susunod na biktima niya. Sina Jin at KL
naman humiwalay din. Ayaw daw nila kami kasama kaya nandito kami ni Spencer sa lugar kung saan
makikita din namin yung dalawa. Nasa drinks station sila banda e. Mga 8 na din ng gabi. Madami
na din kaming naiinom pero wala pa namang tama.

"Dude, meet Micah, my girl" -Steven
"Hi" -Micah
"Hi" sabi naming dalawa ni Spencer
"Sige pre. Pinakilala ko lang siya sa inyo. Sayaw muna kami dun ah" -Steven

Umalis na din naman silang dalawa kaagad at pagtingin ko dun sa pwesto nina Jin, bagsak na si
KL at wala na doon si Jin.

"Pre puntahan mo na si KL dun. Papuntahin mo na sa kwarto para makatulog" sabi ko
"Tara" -Spencer

Nilapitan naman namin si KL at saka ko tinanong kung nasaan si Jin pero hindi niya daw alam
kaya hinanap ko na siya. Hinanap ko si Jin dun sa mga nagsasayaw pero wala siya doon. Halos
inikot ko na yung bar pero wala siya.

Jin's POV

Madami na din akong nainom at medyo nahihilo na ako. Naghahanap ako nglugar kung saan pwede ako
sumuka. Nasusuka na din kasi ako. Pagkatapos ko sumuka, napansin ko na may tatlong lalaki na
papalapit sakin. Naglakad lang ako papalayo sa kanila pero sunod sila ng sunod.

"Yaaaah! Why are you following me?" tanong ko
"We just want to be friends. I'm Kenneth, he's Rudy and he's Elwin"

Hindi ko na lang naman sila pinansin at naglakad na lang ako ulit.

"Hoy miss! Wag kang pakipot! Sumama ka na samin!"

Natakot ako sa kanila kaya tumakbo ako palayo at paglingon ko, nakita ko na hinahabol nila ako.
Tumakbo lang ako ng tumakbo at sa kasamaang palad, nadapa ako.

"Awch!"

Na-sprain ata ako. Ang sakit ng ankle ko at hindi ako makatayo. Paano na ako nito? >__<
Natatakot ako sa kanila dahil baka kung anong gawin nila sakin.

"Pakipot ka pa. Alam naman namin na gusto mo kami e" -guy 1
"Oo nga. Ang dami mo pang arte! Papahuli ka din naman" -guy 2
"Hawakan niyo na yan! Ako muna sa kanya!" -guy 3

Lumapit sakin yung isang lalaki tapos tumungo na lang ako. Naiiyak ako ngayon.

"Zeke" yan na lang ang nasabi ko.

Siya kasi ang laging dumadating kapag nasa pahamak ako. Siya yung superhero ko noong kami pa
pero ngayon, alam ko na hindi siya darating. Wala akong magawa kung hindi umiyak dahil walang
tutulong sakin dito. Nagulat naman ako ng makarinig ako ng mga suntok pero hindi pa din ako
tumitingin at nakatungo pa din ako.

"ALIS!"

Nakapikit pa din ako at umiiyak. Natatakot ako. May bigla namang yumakap sakin.

"Wag ka na umiyak. Nandito na ako. Wag ka nang matakot. Ligtas ka na"
"Zeke?"

Napatingin ako sa yumakap sakin. Si Gab pala. Binitawan niya naman ako at alam ko na hindi na
maganda yung mood niya. Binuhat niya lang ako at dinala niya na ako sa kwarto namin at pinaupo
sa kama.

"Wag kang aalis dito"


Pagbalik niya, may dala na siyang ice at towel. Umupo lang din siya sa kama at tinulungan niya
na mawala yung sakit sa paa ko at pagkatapos nun, niyakap ko siya ng sobrang higpit pero pilit
siyang kumakawala.

"Just let me hug you for a while. Sorry kasi napagkamalan kita na si Zeke. Thank you din for
saving me. I know na iniisip mo na sinasabi ko lang to dahil sa niligtas mo ako pero I'm really
sincere Gab"

Pagkatapos ko magsalita, tinulak niya na lang naman ako para makawala siya sa hug.

"Magpahinga ka na. Masyado nang maraming nangyari ngayon. Bukas na lang tayo magusap kapag okay
na tayo parehas"

Umalis na lang naman siya at pagkatapos nun ay nagpahinga na lang ako.
*******************************************
[38] CHAPTER 28.3 and 28.4:
*******************************************
Chapter 28.3: I'm Choosing..


Gab's POV

Pagkagising ko, ang sakit ng ulo ko. Naparami yata yung nainom ko kagabi. Si Jin naman
nakayakap na sakin. Aba! Gawin ba naman akong unan?

"Hoy gumising ka diyan!" sabi ko

Napadilat naman siya tapos tumingin sakin at bigla siyang bumangon. Nagulat yata.

"Anong nangyari?! Ba-ba-bakit wala kang damit?!" tanong niya
"Wala akong ginawa sayo. Ikaw nga tong nakayakap sakin kanina e"
"Wag ka ding feeling diyan! Hindi kita pinagpapantasyahan ano!"
"May sinabi ba ako?"
"Wala!"
"Ikaw ah? Napaghahalataan ka!"
"Che! Ewan ko sayo!"

Tumayo na siya at nag-ayos. Nakahiga pa din naman ako dito.

"San ka pupunta?" tanong ko
"None of your business!"
"Pagkatapos kita iligtas kagabi ganun igaganti mo sakin?"
"Ha?"
"Yung muntik ka na--"
"Wait! Naaalala ko na. Thank you"

Lumapit naman siya sakin tapos niyakap ako.

"Thank you Gab!"
"Ge. Oi babae, may ibibigay ako sayo"
"Ano?"

Kinuha ko yung anklet na binili ko kahapon tapos isinuot ko sa kanya.

"Unang regalo ko yan sayo kaya kapag nawala yan, lagot ka sakin"
"Anong una? Madami ka na kaya nabigay sa--"
"Patapusin mo kasi muna ako. Unang regalo ko yan na walang occasion at ako gumawa niyan.
Nagpatulong lang ako kaya kapag nawala yan, lagot ka talaga sakin"
"Opo. Bumangon ka na diyan. Nagugutom na ako ee. Kain muna tayo"
"Ge"

Nag-ayos na ako para naman makalabas na kami at makakain. Paglabas namin ng kwarto,
nakasalubong namin sina Steven pati Micah ba yun? Basta yung chick niya kagabi.

"Oh pre? Kakagising niyo lang?" tanong ko
"Oo pare e!" -Steven
"Hi! You're Jin right? So girlfriend ka pala ni Gab" -Micah
"Ako nga si Jin pero hindi niya ako girlfriend" -Jin
"If you say so. By the way, I really need to go. I'm heading back to Manila. So, I hope to see
you guys again" -Micah
"Sure! Bye!" -Jin
"Bye babe!" -Micah

Umalis na din naman si Micah at naiwan kaming tatlo dito.

"Oh pre? Nakascore ka?" tanong ko
"Ako pa!" - Steven
"Anong pinaguusapan niyo? Hindi ako makaconnect!" -Jin
"Boys talk" -ako
"Okay. Tara! Kain na tayo!" -Jin

Naghanap na kami ng pwede kainan at pagkatapos kumain, hinanap na namin sina KL at Spencer.
Buti na lang at hindi maaraw. Makulimlim ngayon at mukhang uulan.

"Paiwan na lang ako dito sa beach. Magsiswimming na ako" -Jin
"Ge"

Hinanap lang naman namin sila ni Steven.

"Pre. Imba! Ayos kagabi! Nagenjoy ako! Tagal ko na din di ulit ginagawa yun" -Steven
"Alam ko na yang kwento mo dude"
"Kayo pala ni Jin? Musta? Balita ko isa lang daw higaan ah? May nangyari ba?"
"G*go! Wala! Badtrip nga ako kagabi e puro Zeke na lang"
"Okay lang yan pre! Iseduce mo kasi. Gumaya ka sakin"
"Lul! Ayoko nga! Ikaw na lang. Ayun pala sina KL oh"

Ayoko nga magaya sa kanya. Hindi ko naman gaganunin si Jin dahil nirerespeto ko yun. Lumapit na
kami sa kung nasaan sina KL at Spencer. Ang sweet putek! Sana ganyan din kami ni Jin. Hindi din
naman sila ni KL e. Ayaw pa kasi sagutin nitong babaeng to. Alam naman ng lahat na may gusto
sila sa isa't isa. Kahit di man nila aminin, halata naman.

"Si Jin?" -KL
"Swimming" sagot ko
"Tawagin mo dito. Dito na lang tayo sa pool" -Spencer
"Oo nga pre! Daming chicks oh!" -Steven
"Oo nga!" -Spencer
"Chicks ka diyan! Gusto mo ingudngod ko yang mukha mo sa semento?!" -KL
"Joke lang babe!" -Spencer
"Sige pre. Punta na ako doon"

Nagpunta lang ako sa kung saan ko huling nakita si Jin pero wala siya doon. Saan na naman kaya
nagpupu-punta yung babaeng yun? Nagikot ikot lang din muna ako baka kasi may binili yun.

Jin's POV

Nagpaiwan na lang ako dito sa beach at naglakad lakad lang at saka ko nagswimming. Atat na atat
na kasi ako magswimming sa dagat dahil may pool naman sa bahay kaya mas gusto ko sa beach.
Papunta lang ako ng papunta doon sa malalim. Medyo maalon at mukha ding uulan. Okay lang kasi
marunong naman ako lumangoy kahit papano. Ang saya kaya! Nandito na ako sa medyo malalim nang
bigla akong pinulikat.

"He-- help! T--tulungan niyo-- ako!"

***

"Z-Zeke?"
"Charel, okay ka na ba?"

Pumikit ako ulit tapos dumilat dahil baka mali yung nakikita ko.

"Ikaw ba talaga yan Zeke?"
"Yea. May masakit ba sayo?"
"Okay lang. Pinulikat lang ako pero okay lang ako. Z-Zeke! Ano ba?!"

Binuhat niya ako bigla.

"Zeke. Iwan mo na lang ako dito. Okay na ako"
"Ayoko. Saan ba room mo? Dadalhin na kita doon at baka mamaya ano pa mangyari sayo. Ayoko
mapahamak ka"
"I-I'm okay. Ibaba mo na ako"
"Wag na matigas ang ulo Charel"
"Sige na nga"

Napatigil siya bigla at napatingin ako doon sa tinitingnan niya. Si Mika at si Gab, magkasama.
Bigla namang lumapit si Gab samin.

"Ako na bahala sa kanya. Ibigay mo na siya sakin" -Gab
"Ayoko. Ako na bahala sa kanya. Ayoko na siya ibalik pa sayo. Lagi na lang siya napapahamak" -
Zeke

Nakita ko na nagclose yung fists ni Gab tapos napatingin ako sa kanilang dalawa. May galit
parehas sa mga mukha nila. Nakakatakot yung aura nilang dalawa.

"Sabi ko ibigay mo siya sakin" -Gab
"What if I dont?" -Zeke
"Give-Her-To-Me" -Gab
"What is going on here? What's up with the two of you?" -Mika
"I don't want to. Let her choose kung kanino siya sasama." -Zeke
"Ano ba?! Am I invisible here?! Zeke! OMG! Why are you acting like that?! I'm your girlfriend.
You're both annoying! Bahala nga kayo diyan!" -Mika

G-girlfriend? Sila na? Kailan pa? Ang sakit naman nun. Sinabihan ako ni Zeke na love niya ako
pero iba naman yung kasama niya. Ang sakit </3

"Stop nagging Mika!" -Zeke
"What the hell?! How dare you say that to me?!" -Mika
"Now Jin, choose. Is it Gab? Or me?" -Zeke

Nagwalk out naman si Mika at iniwan kaming tatlo dito. Bakit nila ako pinapapili? Ayaw na ayaw
ko ng pinapapili ako. Pinilit ko bumaba sa pagkakabuhat sakin ni Zeke at muntik na akong
matumba pero parehas nila akong inalalayan. Hawak nila ngayon yung wrist ko. Si Zeke sa kanan
at si Gab sa kaliwa. Parehas nila akong hinihila.

"Jin, I'm begging you" -Gab

Kitang kita ko yung lungkot at galit sa mukha ni Gab.

"Charel, let's start again" -Zeke
"Ayoko mamili. Kaya ko na yung sarili ko kaya bitawan niyo na ako"

Wala pa ding bumibitaw sa kanila. I guess I really need to choose now.

"I'm sorry but I'm choosing Gab"

Binitawan na ni Zeke yung wrist ko at naglakad na palayo. Susundan ko pa sana siya pero
pinigilan ako ni Gab. Pinipilit ko kumawala sa pagkakahawak niya sa wrist ko pero ayaw niya
akong bitawan.

"Jin, wag mong gawin to sakin"

Natigilan naman ako dun sa sinabi niya. Bigla niya naman akong hinila at niyakap ng sobrang
higpit.

"Wag mo akong iwanan Jin"
"I won't leave you Gab"
"Salamat sa pagpili mo sakin. Akala ko talaga siya na yung pipiliin mo. Wag ka magalala dahil
hindi ka magsisisi na pinili mo ako"
"Alam ko yun Gab"
"Tara na. Hinahanap ka na nila"

Nagnod na lang ako. Kiniss niya ako sa forehead tapos binuhat. Bumalik na kami sa room at
tinawagan niya na lang sina KL para pumunta dito. Kumuha na lang ulit ng ice si Gab para sa paa
ko.

"Ayan, okay na ba?" -Gab
"Okay na. Thank you"
"Ipagpahinga mo na lang muna yan Jin" -Spencer
"Oo nga. Manchichicks muna kamI!" -Steven
"Hoy Steven! Tigilan mo nga yang si Spencer! Dinadamay mo pa sa kalokohan mo e!" -KL
"Nagpapasama lang ako e! Wag ka magalala. Ikaw lang naman gusto niyan" -Steven
"Che! Dun na nga kayo!" -KL
"Sige na guys. have fun. Okay lang ako dito. Magpapahinga na lang ako dito"
"Sigurado ka diyan?" -Gab
"Opo. Sige na. Dito na lang muna ako. Palock na lang ng pinto ah!"
"I'll stay with her. Kayo na bahala dun" -KL

Umalis na sila at naiwan kami ni bessy dito. May TV at Wifi naman kaya kahit papano hindi kami
mabobore. Nanood na lang kami ng tv at kwentuhan din.

Steven's POV

"Woah! Daming chicks pare! Sagana ako nito!" sabi ko
"Tama na pre. Nakascore ka na dun sa chick mo kagabi e. MagkaAIDS ka niyan!" -Spencer
"Prepared to men! Haha! Girl hunting tayo ulit!"
"Wag niyo na ako idamay diyan. May Jin na ko" -Gab
"Dude. Di uso KJ dito!"
"Sige na nga!" -Gab

Nakaupo lang kami sa sand ngayon kagaya ng ginawa namin kahapon at nagkekwentuhan lang kami.
Naghihintay ng dadaan na chicks.

"Kuya, pwede ba mahingi number niyong tatlo? Let's hang out and have fun! I'm with my friends
oh"

Napalingon kami dun sa nagsalita. Bakla pala. Boses babae kasi amp! Nakakaloko. Sampu silang
magkakasama.

"Syokoy pare!" -Spencer
"Ninja moves!" -Gab
"Sige. 1, 2,--"

Tumakbo na sila agad. P*tang*na naman oh. Tatakbo na sana ako kaso kinapitan ako nung tatlo sa
kanila -___-

"Wala kang ligtas samin kuya! Okay lang yan! Ikaw naman yung type namin e!" -gay1
"Letche! Hoy! Bitawan niyo ko! Spencer! Gab! Hoy! Tulungan niyo ko dito!"
"Ang hot mo naman kuya! Tara! Sama ka na samin!" -gay2
"P*tang*na! Isama niyo mga mukha niyo! Ang papanget niyo!"
"Wag ka na pakipot kuya. We know you like us!" -gay3
"Sh*t! Hoy baklang pangit na mukhang sinabugan ng munggo! Wag niyo ko hipuan! Letche! Tigilan
niyo ko!"
"Tara na kasi kuya! Babayaran ka namin, magkano ba? 3,000?" -gay4
"P*tang*na niyo! Hindi ako callboy! Pakawalan niyo ko dito!!"
"Kulang ba? Triplehen na namin!" -gay5
"F*ck! Bullsh*t! Tigilan niyo ko! Ang papanget niyo!"
"Dalhin niyo na siya girls!" -gay6

Binuhat nila ako at hinila! T*ng*na! Hindi naman ako galit sa bakla pero ayoko talaga sa mga
ganitong bakla!

"RRRRAAAPPPEEEEE!" sigaw ko
"What the hell?! Ang ingay! Could you please shut the f*ck up?!" -girl

Aba! Ang taray ng babaeng to! Hindi na lang ako tulungan dito!

"Hoy miss tulungan mo ako dito!"

Itinaas niya lang yung sunglasses niya at tinaasan ako ng kilay atsaka inirapan. F*ck! Hindi
man lang ba niya ako tutulungan?!

"Whatever miss! Wala kaming care sayo!" -gay7
"Tara na mga baklush!" -gay8
"RRRAAAPPPEEEEEE!!!"
"Hey! The 10 worst gay faces here in the world. Could you just stop that?! I'm in a middle of a
conversation here and you gays were really noisy! It annoys me to hell!" -girl
"And who dare you para sabihan kami ng ganyan?" -gay9
"Worst gay faces? Baka gusto mo maganun yung mukha mo?!" -gay10
"Really?! Whats wrong with that?! You frog looking gay?" -girl
"Girls! Get her!" -gay3

Binuhat niya yung upuan tapos binato dun sa mga bakla at kumuha pa siya ng tubo na nakakalat
lang dun tapos lumapit samin.

"Now. Let that ugly guy go and go save your lives!"

Ugly guy?! Ako ba tinutukoy niya! E g*go pala tong babaeng to e! Halikan ko kaya to para
manahimik?! Binitawan na din naman ako nung mga bakla tapos yung babae naman, tumalikod na.
Tumakbo ako papunta sa kanya tapos inakbayan siya.

"Hi miss. Thanks for that. May I know your name?"

Tinanggal niya yung pagkakaakbay ko sa kanya at humarap sakin.

"Hey you!"
"Why babes?!"
"Are you out of your mind?! You really wanna die huh? I saved you from those ugly gays because
you're loud and annoying and I can't stand it! And now you're calling me babes?! You do need a
lesson"

*boog*

"You deserve that! Remember this. Even though you are handsome and rich, you're not gonna get
everything that you want. You think I'm like those cheap girls here huh? Well I'm not and I
don't have time for you! So back off!"

Umalis na siya. Sakit nun ah?! Suntukin ba naman ako? Napaupo tuloy ako dito. Parang lalaki
kung sumuntok e. Ang taray ah? Naalala ko na naman tuloy si Aine. Kaugaling kaugali niya yung
babae na yun. Sh*t! Bakit ba naalala ko na naman yun? -___- Tumayo na ako at hinanap sina Gab
at Spencer. Nakita ko naman sila doon sa likod ng isang stall at nagtatawanan.

"Pre! Anong nangyari sa charm mo? Di yata umepekto sa babaeng yun! Haha!" -Spencer
"Hahaha! Oo nga! Pero nakakatawa talag yung-- yung rape! Hahahahahahaha! Rape daw oh! Wala ka
palang panlaban sa bakla e! Hahaha!" -Gab
"G*go! Ang dami kaya nila! Kayo kaya dun! May kasalanan pa pala kayo sakin! Hoy! Bumalik kayo
dito!"

Tinakbuhan nila ako ulit at nung mapagod ako, tumigil na ako.

"Pre! Patulong nga pala ako" -Gab
"Saan?" -Spencer
"Gusto ko surpresahin si Jin ng dinner" -Gab
"Sige. Tawagan ko si KL para matulungan tayo"

Tinawagan ko na si KL. Nasagot din naman niya agad.

[ Oh? Napatawag ka? ]
"Punta ka dito bilis! Emergency! Naaksidente si Spencer!"
[ Ha?! Seryoso ka?! Wait! Gisingin ko lang si Jin ]
"Tulog ba? Wag mo na gisingin. Ikaw na lang pumunta dito. Bilisan mo. Sa tapat ng clinic ng
resort"
[ Sige! ]

Binabaan niya na ako ng phone.

"Oh. Ayos na pre!" -Steven
"Mga trip mo din dude e ano?! Kawawa naman babe ko. Pinagmadali mo!" -Spencer
"Ayan kasi pinagtitripan mo" -Gab
"Hahaha! Okay lang yun! Siya naman pagtitripan e! Hahaha-- Araay!"

Batukan ba naman ako? -___-

"Ayan napapala mo! Oh? Anong meron?" -KL
"Patulong. Susurpresahin ko si Jin ng dinner. Kailangan ko ng info" -Gab
"Sure! Para sa bestfriend ko e" -KL
"Sabihin mo na bilis!" -Spencer
"Atat masyado?! Um. Mga gusto niya ba? Gusto niya ng roses na blue at light pink. Tapos sa
food, favorite niya yung lasagna at siomai pati na din seafood na soup tapos ice cream na
cookies and cream ah! Wag mo kakalimutan yung iced tea. Favorite niya yun! Haha! Okay na ba
yan?" -KL

Ang haba haba ng sinabi -___-

"Salamat pre! Tulungan niyo ako ah?" -Gab
"Sure! Matutuwa si bessy nito" -KL

KL's POV

Si Jin na may sweet na fiance at ako na wala! Nakakatuwa si Gab. Ang hilig niya sorpresahin si
Jin. Sana ganyan din si Spencer kaso ang labo naman nun kaya wag na lang. Nandito na ako ulit
sa room ni Jin. Sila na daw bahala dun sa iba pa na kailangan ee. Pinatulong lang nila ako sa
decorations. Nagising na din si Jin. At last! 5 na ng hapon e! Ilang oras na siyang natutulog.

"Ay bessy, nakatulog ako. Pasensya na!"
"Okay lang. Sige Jin, alis na ako ah? Punta ka pala sa room namin mamaya. Mga 7pm. Doon daw
tayo magdidinner sabi nila Spencer ee"
"Sure"
"Sige bye Jin!"

Lumabas na ako ng room nila at dumeretso na doon sa room namin. Doon kasi sinetup yung dinner
dahil walang ibang place na pwede.

"Oi! Ililibre niyo pa ako ng cake! Tara na! Nagugutom na ako e!" sabi ko

I love cakes! Lalo na kapag chocolate. I'm drooling and craving! Kanina pa!

"Tara na KL. Libre na kita" -Gab

Nilibre na lang naman ako ni Gab ng cake at bumalik na sa room namin para tapusin yung mga
kailangan pang ayusin.


Chapter 28.4: I have fallen for you him


Gab's POV

Nandito kami ngayon sa kwarto nila KL. Dito kasi namin inayos yung para sa dinner naming dalawa
ni Jin. Para na din naman makapagusap kaming dalawa. 6:30 na ngayon at 7 ko pinapunta dito si
Jin. Naghintay kami ng 2 hours pero wala pa din siya. Nasan na ba yung babaeng yun?!

"Wait mo lang Gab. Tinatawagan ko na siya" -KL
"Ano na naman ba nangyari kay Jin?" -Spencer
"Kaya ayoko ng ganito e!'' -Steven
"She's not picking up Gab" -KL
"Sige hahanapin ko siya. Dito na lang muna kayo baka bigla siyang dumating"

Lumabas ako agad ng kwarto nila at pumunta sa kwarto namin pero pagpasok ko, wala siya dun at
naiwan lang yung phone niya sa kama. Hinanap ko siya sa buong resort pero hindi ko talaga siya
mahanap. Baka kung ano na naman nangyari sa kanya. Pumunta ako sa may beach side at doon
naghanap hanap pero natigilan ako sa nakita ko.

Jin's POV

6:30 na din ng gabi kaya nagayos na ako para pumunta sa room nina KL. Nagugutom na din ako ee.
Naka shorts at sleeveless lang ako ngayon. Paalis na ako nang mapansin ko na nawawala na yung
anklet na bigay sakin ni Gab. Hala! Asan na yun? >__< Hinanap ko sa room pero wala kaya
pinuntahan ko yung mga nadaanan ko kanina. Nakaabot ako sa may beach banda at naghanap doon sa
sand. Naiiyak na ako. Kung kailan ko naman binibigyang halaga yung mga bagay bagay at saka
naman nawawala :( Lagot ako kay Gab nito kapag hindi ko nahanap ee.

"Looking for something?"

Napatingin ako dun sa nagsalita.

"Zeke? Bakit ka nandito?" tanong ko
"Masama ba gumala dito sa resort na to? 8:30 na ah? Wala ka bang kasama? Mamaya ano pa mangyari
sayo. Samahan na kita"
"Wag na. Ako na lang. May hinahanap din kasi ako. Sige bye!"
"Ito ba?"

Hawak niya yung anklet. Bakit nasa kanya yun? Paano niya nakuha yun?!

"Oo! Akin yan! Paano napunta sayo yan?! Bigay mo sakin!"

Tinaas niya yung kamay niya para hindi ko maabot. Bakit ba kasi ang tangkad niya e!

"I found it. Kaya akin na to"
"Akin yan e! Ui! Bigay mo sakin yan!"
"Sorry ka. Finders keepers"
"Ano ba Zeke?! Wala akong panahon makipaglaro pa sayo!" niyakap niya naman ako.
"I'm not playing with you Charel"
"Tigilan mo na to Zeke. Si Gab na yung pinili ko. Don't mess things up again. May girlfriend ka
na diba? Kayo na ni Mika at okay na kami ni Gab. Wag mo naman na sana guluhin yun.
Pinaglalaruan mo lahat and I'm tired of your games! Tama na Zeke. Ayoko na. Pagod na pagod na
ako. Wag mo na paglaruan yung feelings ko"
"I'm not Charel. Just let me hug you. Just now. After this, I'll stop"
"Ga-- Gab!" tinulak ko si Zeke palayo "Akin na nga to!"

Tumakbo ako para sundan si Gab. Nakita niya kami ni Zeke na ganito. Kitang kita ko yung galit
sa mukha niya. Dun siya dumeretso sa room nina KL. Puro kalabog yung naririnig ko sa labas.
Pagpasok ko ng room, nagandahan ako sa pagkakaayos pero ginulo niya yun lahat.

"Sige bessy, maiwan muna namin kayo" -KL

Lumabas sina KL, Steven at Spencer at naiwan kaming dalawa ni Gab dito.

"Gab tama na"

Lumapit ako at niyakap siya sa likod.

"I'm sorry. Please let me explain first"
"Tama na Jin! Pagod na pagod na ako sa inaasta mo! Sh*t! Akala ko ba ako yung pinili mo?!
Ganito na lang ba tayo palagi? Kapag nandyan si Zeke, iiwanan mo na lang ako? Sawang sawa na
ako. Ayoko na!"

Kumalas siya sa hug tapos humarap siya sakin.

"Hindi ko na yata kaya maghintay. Ikaw na ang nagbibigay ng dahilan para tumigil ako. Hindi
naman porket mahal kita, kakayanin ko lahat ng ginagawa mo. Napapagod din ako at nasasaktan.
Ginagawa ko lahat mapasaya ka lang pero wala e, siya pa din talaga. Hindi ko yata makakayang
pantayan siya. I give up Jin. Ayoko na"

Tapos naglakad na siya palabas ng pinto.

"Gab. Dont leave me. I.. I.." natigilan siya
"You're what? You're sorry? I dont need your sorry"
"I.. I think I have fallen for you too" napalingon siya
"Gab, yung nakita mo kanina wala lang yun! Tinataboy ko na siya pero ayaw niya makinig. Kaya
lang naman ako nandun kasi hinanap ko yung anklet. Ayoko na magalit ka sakin kaya ko hinanap
yun nung napansin ko na nawawala. Coincidence naman na nakuha niya yun"
"Okay lang. Could you just say it once again?"
"Ang alin?"
"Tsk. Wag na nga! Tara na! Balik na tayo ng Makati. Ayoko na dito!"
"Ui ano muna yun? Paano to?! Sayang?"
"Wala. Hayaan mo na yan. Tara na nga. Punta na tayo sa kwarto natin at magayos"

Inakbayan niya ako tapos pumunta na kami sa room. Tinawagan niya na din naman sina bessy at
pumayag na din naman sila na umuwi na kami. Si Steven yung nagdrive pauwi tapos kami ni Gab,
magkatabi pa din. Nakasandal lang ako sa balikat niya at sina bessy naman, nasa likod namin at
nagkukulitan.

Iba yung naramdaman ko kanina na sinabi niya na ayaw niya na. Para bang ayoko na mawala pa siya
sa buhay ko kaya sinabi ko na sa kanya yung sa tingin ko na nararamdaman ko para naman maging
malinaw yung lahat. I guess, I have fallen for him.
*******************************************
[39] CHAPTER 29: KL's Birthday
*******************************************
Chapter 29: KL's Birthday


KL's POV

October 28 na. Anong meron? Beerday ko! Nakakatuwa. Excited na ako sa pwedeng mangyari. Well,
I'm not expecting anything naman. Sanay na ako sa usual na nangyayari kapag birthday ko.
Nandito ako sa sasakyan ngayon kasama si Jin pati na din sina Paula, VAL at Cherry. Elementary
classmates namin sila. Saan kami pupunta? Sa kids foundation. Tutulong kami dun. Ganun lagi
kapag birthday ko ee. I really love kids. Pagkadating namin doon, nagsimula na agad kaming
pakainin yung mga bata. Nakakatuwa sila panuorin. How I wish na may kapatid din ako na bata.
Actually meron naman talaga akong kapatid pero ang alam ng lahat, only child lang ako. Kahit si
Jin, hindi alam yun.

*flashback*

10 years ago.

It was my 7th birthday. Our family was staying in Korea. We we're now in a mall to have dinner.
My parents we're really busy with their work so they weren't able to prepare a birthday party
for me but it's okay.

"Kylie, we will just buy a chocolate cake okay? Just stay here and take care of your brother.
We will be back in a few minutes" Mom said
"Umma, I want a big chocolate cake!"
"Don't worry Kylie. We will buy a big chocolate cake for you" -Daddy
"Gomawo appa, umma. Saranghae!" (Thank you dad, mom. I love you!)
"Nado saranghae Kylie" (We love you too Kylie) -Mom and Dad

They hugged me. I'm here in the playground with John Paolo Gonzales. My cute little brother. He
is just 4 years old. We can't play here because we might get lost and our parents told us to
stay here. Do you wonder why we are using English when we talk? It's because our parents want
us to talk in English and not in Korean.

"Pao, noona will just buy ice cream. Just stay here, okay?" (Noona-older sister)
"Yes noona. I want a chocolate ice cream!"
"Okay. Just wait for me here"

I went to a nearby ice cream store. I bought two ice creams. One for me and the other one is
for Paolo. When I went back to where Paolo is staying, he's not there. I searched for him
everywhere but I can't find him. So I just sat on the chair and waited.

"Kylie, where is Paolo?" -Mommy
"Umma, Appa. I can't find him. He's gone"
"Just stay here okay? We will look for him!" -Dad

I waited. I think I'm waiting for almost an hour and my parents we're still not here. Waaaaaah!
Umma, Appa! Dont leave me here :'( When they got back, we went straight to our house and they
locked me in my room.

***

After 1 month, I heard that my brother was kidnapped and the kidnappers doesn't want to give
him back. My parents we're always blaming me because of that. They made me live in the
Philippines together with my nanny.

*end of flashback*

Until now, hindi pa din nahahanap si Paolo. Galit pa din sakin ang parents ko. Pinoprovide lang
nila lahat ng kailangan ko at every summer ko lang sila nakikita. Nasanay na din ako sa ganito.
Alam ko naman na kasalanan ko lahat. Kasalanan ko kung bakit nawala yung kapatid ko at kung
bakit ganun sina Mommy and Daddy sakin pero wala na akong magagawa. I'm still sorry for John
Paolo Gonzales :(

That could probably be the reason kung bakit malapit ako sa mga bata. I'm still longing for my
little brother. Dahil na nga din sa namimiss ko na si Pao.

"KL, okay ka lang?" -Paula
"Yea. Why?"
"Kanina ka pa tulala diyan oh" -Cherry
"Wala yun. May naalala lang ako. Wag niyo na pansinin"
"By the way, I think may tumatawag sayo. Nagriring phone mo kanina pa ee. Hindi mo yata
napapansin" -VAL
"Sorry naman! Wait, check ko lang"

Kinuha ko yung phone ko at may 5 missed calls at isang text galing lahat kay Spencer. Ano na
namang problema nun? Tiningnan ko yung text niya.

From: Spencer
Babe, samahan mo ko. Nuod tayo movie.

Anong meron? Alam niya naman na birthday ko diba? Baka magpalibre lang to e! Hayaan ko na nga.

*Spencer calling...*

"Oh? Problema mo Spencer?"
[ Wala. Bawal na ba tawagan ka? ]
"Pwede. Bakit ka tumawag?"
[ Sungit ah? Meron ka? ]
"Sapak?! Gusto mo?! Bahala ka nga diyan!"
[ Joke lang e. Oo nga pala, nuod tayo movie. Libre-- ]
"Hindi kita ililibre!"
[ Patapusin mo kasi muna ako! ]
"Oo na. Ano ba kasi yun?"
[ Libre ko. May ticket na kasi ako pero wala akong kasama ]
"Sige ba! Dapat pati food!"
[ Ayoko nga. Libre na ticket pati pagkain pa. Dapat nga ikaw nanlilibre kasi-- ]
"KKB sa food! What time yung movie?"
[ Ayaw mo lang manlibre e! 4. Bilisan mo. 3 na oh ]
"Excited? Sige na nga. Bye babe!"
[ Sige babe. See you! ]

I hung up. 3 na pala. Sana lang hindi traffic papunta dun.

"Guys! Uwi na tayo. May lakad pa ako ee"
"Ha? Bakit naman?" -Paula
"Oo nga. Dati inaabot tayo ng hanggang 6 dito ee" -VAL
"Ee kasi may lakad pa ako"
"Saan? Sama kami!" -Cherry
"Ha? Hala! Di pwede"
"Ano ba kayo guys! Baka may date yan. Tara na uwi na tayo" -Jin
"Sige na nga" -Paula, Cherry, VAL

Lifesaver talaga si Jin! Muntikan na ako dun ah? Hindi ko naman sila pwede isama ee.

***

Nandito na ako ngayon sa Glorietta 4 at kasama ko na si Spencer. Bumili na din siya ng food
namin dalawa. Naks! Nakalibre ako. Hahaha! Paranormal Activity 3 yung papanuorin namin.
Nakakatuwa to. Nakakatakot e!

***

Malapit lapit na din matapos yung movie. At ako naman, imbis na matakot, natatawa. Paano ba
naman kasi, nakakapit si Spencer sa braso ko tapos kitang kita na natatakot na siya. Nagyaya
siya manood ng scary na movie tapos matatakot. Hahaha! Pero actually kinikilig ako na ganito
kami kasi parang kami kahit hindi naman. Okay na ako sa ganitong klase ng relationship. Ayoko
kasi ulit masaktan kasi mahirap ee. Nageenjoy naman ako na ganito kami at isa pa, ayoko na
kasi umasa sa wala.

"Spencer, are you gay? Umamin ka nga!"
"Gay? Sigurado ka na bakla ako?"
"Oo! Hahaha!"

Nilapit niya ng sobrang lapit yung mukha niya sakin. He cupped my face at nakatitig lang ako sa
kanya. Kinikilig yata ako? >///<

"Bakla ako?"
"...."
"Oh bakit hindi ka makasagot diyan?"
"...."

Kinurot niya yung ilong ko.

"Aray!"
"Namumula ka na diyan oh"
"Hala! Di naman ee"

Biglang namang nagopen yung lights.

"Anong nangyari?" tanong ko
"Tapos na yung movie. Masyado ka kasi kinilig! Ayaw mo pa kasi ako ligawan!"

*pak!*

"Ako lalaki?! Chicks ka? Di naman diba? Kinilig ka diyan? Asa ka oi!"

Bigla namang nagring yung phone ni Spencer.

"Hello?.. Ah.. Wrong timing ka pare!.. Oo!.. Nagaway kayo ni Jin?.. Wait! Sige punta na lang
ako diyan"

Binaba niya na yung phone.

"Anong nangyari? Bakit narinig ko pangalan ni Jin?" tanong ko
"Ah. Nagaway daw sila. Pupuntahan ko na si Gab ah? Ge bye!"

Tumakbo na siya. Asar to ah?! Iwanan ba naman ako dito? Pagkatapos niya akong pakiligin,
biglang ganun?! Nakakaasar talaga yun -___- Tinawagan ko si Jin pero hindi niya sinasagot yung
phone niya kaya hinayaan ko na lang muna dahil baka gusto niya mapagisa. Umuwi na lang muna
ako. I checked my facebook account at sobrang daming wall posts. Puro happy birthday at kinilig
naman ako dahil sa ibang posts na yung nakalagay ay "Je T'aime -Spencer Reyes" Siya na talaga
sweet :"> Bakit ngayon lang siya nagpakasweet ng ganito?! 16th birthday ko pa. Yehey! Sweet 16
nga naman oh!

Jin's POV

Pagkatapos namin pumunta sa foundation, dumeretso ako sa park sa village namin. Pinareserve
kasi namin yung park for the whole day. Mahal din yun ah? Syempre, gagastos kami for a special
purpose. Actually, si Spencer lang yung gumastos. Ang yaman e! Kasama ko ngayon sina Gab, kuya
Hiroshi at Jessica. Inayos namin yung place tapos lahat ng gusto ni KL, nandito. Gusto kasi
siya isurprise ni Spencer. Minsan lang daw kasi magbirthday si KL para naman daw worth it yung
sweet 16 niya. After 3 hours, natapos din kami sa pagaayos.

"Honey! Tawagan mo na si Spencer!" sabi ko
"Oo na! Mas naeexcite ka pa sa kanila e" -Gab
"Ee kasi nakakakilig!"
"Kapag ako naman nagsurprise, hindi ka kinikilig. Sinisira mo lang lahat" bulong ni Gab
"Ano?"
"Wala!"

Bubulong na lang siya yung maririnig ko pa. Kinikilig din naman ako pag ganun siya ah?
Naaappreciate ko din kahit papano yun. Sinisira ko ba lahat? Hindi naman ah? Masaya lang talaga
ako para kay bessy. Baka yung plano na kunwari nagaway kami, magkatotoo pa e! Tinawagan niya na
si Spencer.

"Pre.. Okay na dito.. Wrong timing ba? Pasensya na.. Siguro ang sweet niyo.. Sige punta ka na
lang dito para makita mo yung ginawa namin. Bye!" -Gab
"Oh. Anu daw?" tanong ko
"Wala ka na dun"
"Asar ka Gab! Ang sungit sungit mo talaga kahit kelan!!"
"Okay"

Nakakainis naman oh! Ang sungit ng taong yun pero kahit ganun pa man, isa siya sa mga taong
mahalaga sakin. Hindi ko lang talaga alam kung talagang na-fall na ako sa kanya o infatuation
lang yun kasi alam kong may feelings pa din ako kay Zeke. Kapag nalaman niya to, alam kong
magagalit siya pero yun yung totoo e. Iniiwasan ko lang talaga si Zeke dahil sila na ni Mika
kaya ganun ang inasta ko sa harap ni Zeke. I feel sorry for Gab kasi naguguluhan pa din ako sa
feelings ko. All I know for now is important si Gab sakin and I don't want to lose him.

Hindi din nagtagal at dumating na si Spencer. Chineck niya na lahat at mukhang okay naman.
Matutuwa si bessy nito. Ako naeexcite para sa bestfriend ko ee!

"Hoy babae. Tawagan mo na si KL" -Gab
"Makapagutos ka ah? Boss kita?!"

Hindi niya lang naman ako pinansin at tinalikuran lang ako. Nakakainis naman yung taong yun.
Dinial ko na yung number ni bessy at sinagot niya naman agad.

[ Jin! Anong nangyari? Nagaway daw kayo ni Gab? ]
"Oo. Nakakaasar nga e! Inis na inis na ako!"
[ Asan ka? Pupuntahan kita ]
"Dito sa park sa loob ng village natin. Anyway, sa back entrance ka dumaan. Sarado kasi lahat
ng gates at isa lang yung open. Sige bessy. Bye! See you!"

Tapos na din ang lahat ng kailangan naming gawin. Nagbye na ako kay Spencer agad at tumakbo
paalis kasi maiinis lang ako pag nagstay pa ako dito. Sina kuya at Jessica kasi kanina pa
umalis kaya kami ni Gab yung naiwan dito. Habang naglalakad ako, napansin ko na may sumusunod
sakin. Binilisan ko na lang yung lakad at sa kamalasan, sa dead end ako napunta. Huminga ako ng
malalim at nagulat ako dahil may yumakap sakin at tinakpan yung bibig ko. Pagtingin ko, si Gab
lang naman. Akala ko naman kung sino na.

"Hon, pagpasensyahan mo na dahil sinungitan kita kanina" sabi niya
"Okay. Sige, bye"

Naglakad na ako pero hinila niya ako at niyakap.

"Bitawan mo nga ako! Ano ba?!" sabi ko

Naiinis kasi talaga ako sa kanya. Bigla namang may humila sakin at sinapak siya.

"Okay ka lang ba?" tanong nung lalaki
"IKAW?!" sabay na sinabi namin nung lalaki

Tinulungan ko na makatayo si Gab.

"He's my friend" sabi ko
"Akala ko may ginagawa siyang kalokohan sayo. If that's the case, I'll be leaving then. Sorry
for what I've done. Bye" -guy
"Wait--"

Hinila naman na ako ni Gab. Sumakay na din yung lalaki sa sasakyan niya. Sayang naman dahil
hindi ko natanong yung pangalan niya. Siya yung tumulong sakin at naghatid sakin pauwi nung
nadapa ako dahil iniwan ako ni Gab. Yung time na, nasetup kami ni Mika para magkagulo lahat.
Sayang at hindi ko man lang siya nakilala. Pumunta na kami sa bahay ni Gab at inayos ko yung
mukha niya. Nagkapasa kasi and it's all my fault. Paano ba naman kasi ee. Nakakainis siya
kanina. Pero ngayon, okay na kami.

KL's POV

Nung tumawag si Jin, nag-madali ako agad na puntahan siya. Tumakbo ako papunta dun sa park kaya
hingal na hingal ako pero pagdating ko sa park, sobrang dilim at back gate lang talaga yung
open. Bakit kaya walang ilaw?

"Jin? Asan ka?"

Biglang nagopen yung lights. Ang ganda! May mga lights yung mga puno. Sa walkway naman papunta
dun sa mababang flatform dito sa likod ng park, may rose petals na pink at pink candles sa
gilid na nagseserve as guide sa walkway. Hindi ganun kaliwanag sa place pero maganda talaga. Sa
dulo ng walkway papunta sa mababang flatform, doon nakatayo si Spencer at may hawak na maliit
na cake na may candle na number 1.

Pagkalapit ko sa kanya, nginitian niya ako. Yung smile pa na gustong gusto ko. KYAAAH! >///<
Kinikilig ako. Hindi ko expected na may ganito na surprise para sakin. Hinipan ko na lang naman
yung cake at saka niya hinawakan yung kamay ko at pumunta kami doon sa flatform. Madaming cake
sa table at puro chocolate cake pa na may mga candle na may number from 2-16. Hinipan ko lahat
yun at saka ko siya niyakap.

Sobrang saya ko kasi for the first time, naging surprise yung birthday ko. Nasanay kasi ako na
nagpupunta lang sa kids foundation tapos pag gabi kakain lang ng dinner kasama si Jin at kuya
Axel ee.

"Gutom ka na babe?" tanong ni Spencer
"Yea. Ito lang kakainin natin?"
"No"

Biglang nagopen yung lights at lumiwanag na. May mga nakita akong food stalls at nandoon yung
mga favorite kong kainin. Ganito lang yung gusto ko. Ayoko nung romantic dinner na planado
talaga lahat at kailangan maging perfect. Nagsimula na kami magikot at kumain. Nageenjoy ako.
For sure si Jin ang nagsabi sa kanya ng lahat ng to. Pagkatapos namin kumain, pinaupo niya muna
ako dahil may gagawin daw siya.

"Nageenjoy ka naman ba?" -Spencer
"Sobra. Thank you babe"
"May ipapakita ako at pinagpractice-an ko pa talaga to. Nakakahiya man pero para sayo, gagawin
ko basta wag mo akong tatawanan"

Nagnod na lang naman ako at saka siya kumanta na sinabayan niya ng sayaw.

"Gom sema-ri-ga, han chi-be-yi-so. Appa gom, omma gom, ae-gi gom. Appa gommun tung-tung-hae.
Omma gommun nal-shin-hae. Ae-gi gommun na bul-gwi-yo-wo. Hishuk hishuk cha-ran-da"

Korean version yun ng 3 bears. Yun yung sinasayaw namin nina Jin nung highschool pa kami ee.
Ako nagturo kay Jin nun at mukhang tinuro niya din yun kay Spencer. Kung alam niya lang gaano
ako kasaya ngayon. Hinila niya ako papunta sa tabi niya.

"Let's dance together?" -Spencer
"Sure"

Sabay naman naming kinanta at sinayaw yun. Nakakatuwa! Para lang kaming bata.

"Ang saya! Nagenjoy ako Spencer. Thank you! Pahuuuuug!"

Lumapit ako sa kanya at hinug ko siya ng sobrang higpit.

"Thank you babe for everything you've done for tonight. Sobrang na-surprise ako. In-aral mo pa
talaga yung sayaw na yun para sakin. Thank you" sabi ko
"Ikaw pa"

Kumalas na ako sa hug at hinila niya naman ako papunta dun sa may duyan at doon kami humiga.

"Sana ganito na lang tayo palagi ano?" sabi niya
"What do you mean na ganito palagi?"
"Just give me a chance to be your boyfriend KL. I'll make sure na magiging masaya ka"
"Spencer.."
"I can wait. Hindi naman kita minamadali"
"Hindi kasi yun Spencer ee. Pwede naman tayo, kaso takot ako"
"Takot na masaktan ba? Wag ka magalala, kapag nasaktan kita, ako na mismo yung lalayo sayo. I
want you to be happy at kung hindi ko man kaya yun, I'll leave you pero alam ko naman na kaya
ko, I will always be here with you KL"
"Spencer.."
"Just give me a chance"
"Pagiisipan ko muna ah? Alam ko naman na hindi mo ako sasaktan kaso ayoko madaliin"
"It's up to you babe. Tara na, may ibibigay pa ako sayo"

Dinala niya ako dun sa may flatform ulit tapos may kinuha siya na bouquet of rose. Pink yung
pinang-wrap sa rose pero white roses siya. Ang sabi niya naman, made of chocolate yun kaya
kainin ko na lang daw paguwi ko sa bahay.

"Gusto mo na bang umuwi?"
"Yup. Pero paano pala yung cakes? Hindi pa tayo nakakakain"
"Ipapahatid ko sa bahay niyo yan mamaya at sa bahay mo na lang kainin. 1 cake a day lang ah?
Baka mamaya ubusin mo sa isang kainan e. Tara na"

Naglakad lang kami papunta sa bahay dahil malapit lang naman yun sa park. Pagkauwi ko, may
dumating din naman agad na car tapos hinatid yung lahat ng cakes dito. Umuwi na din naman si
Spencer pagkatapos nun. Nagayos na lang naman ako at nagpahinga na. Naalala ko na naman yung
nangyari dati.

*flashback*

3rd year highschool.

Nagkagusto ako sa isang guy named Ceasar. Classmate ko siya nun. Yun yung time na hindi pa ako
lumilipat sa school ni Jin. I have this friend named Jane and nagkakailangan kami dahil kay
Ceasar. Ex niya kasi yun. Close kami ni Jane dati pero dahil naging close ako kay Ceasar
nagkaroon ng gap saming dalawa ni Jane. Sabi lang naman ni Jane, okay lang naman daw kung close
kami ni Ceasar dahil na nga din sa wala na daw sila.

Naging close kami ni Ceasar dahil sa pagkahilig namin sumayaw sa Korean dances at dahil na din
sa nagpapaturo ako sa kanya mag gitara. Gusto ko kasi talaga matutong mag gitara. Tinuruan niya
ako at hindi ko namalayan na nagkakagusto na pala ako sa kanya. Mas naging close pa kami nung
mga March na. Akala mo nga kami na ee. Sa kanya lang naman kasi ako naging ganun kasweet. Hindi
pa din naman kasi ako nagkakaboyfriend. Masaya kami sa isa't isa at sinabi niya pa na love niya
ako at sa tingin ko, in love na din ako sa kanya.

Pagdating ng summer, bigla na lang siyang naging cold sakin. I asked him why pero wala naman
daw. Malapit kasi siya sa girls at minsan nagseselos na ako. Pero hindi naman sapat na dahilan
yun para maging cold siya sakin. Dahil na din sa pagiging cold niya, tinigilan ko na yung
pagiging sweet sa kanya dahil hindi na din naman siya ganun sakin. I asked him kung love or
like niya ako and he answered na like lang daw yun. It really hurts kasi umasa ako. Nahirapan
din ako na magmove on simula nun, hindi na ako ulit nagtiwala sa mga sinasabi ng mga lalaki.

*end of flashback*

Siya yung dahilan kung bakit ayoko sagutin si Spencer agad. Natatakot lang talaga ako na maulit
na naman yung ganun. Mabilis yung mga pangyayari ee. Ang complicated talaga ng word na LOVE
>__< Pero hindi ko na lang siguro ibabase yung sagot ko sa nangyari sakin dati kaya pagiisipan
ko ng mabuti yung magiging sagot ko.
*******************************************
[40] CHAPTER 30: It's a disaster.
*******************************************
Chapter 30: It's A Disaster


Jin's POV

November 2. Maaga ako nagising ngayon. Sinasanay ko na kasi yung sarili ko na gumising ng maaga
ulit dahil simula bukas, may pasok na kami. Excited din ako sa mga pwedeng mangyari dahil
nangalahati na yung schoolyear. Pagkatapos ko naman gawin ng lahat ng kailangan kong gawin,
nagonline ako sa facebook. Online sina Aine at Zeke ngayon. Madami din namang ibang online.
Kausapin ko na nga lang si Zeke :) Nagpost na lang ako sa wall niya.

Jin Charel Tan: Hi Zeke ^__^
Zeke Fraser Lopez: hi
J: musta ka naman?
Z: okay naman. Ikaw? Kayo ni Gab?
J: okay lang din naman. Kayo ni Mika?
Z: I dont know
J: Bawiin kaya kita sa kanya?
Z: Haha.
J: Joke lang po :) hahaha. Ayoko naman ng gulo.
Gab Teppei: -___-
J: Hala! Gab! Joke lang yun!

Nagalit na naman sakin si Gab. Joke nga lang yun ee. Hindi na sila parehas nagreply sa comment
ko. Kasalanan ko na naman to ngayon? Naguguluhan na kasi talaga ako. Syempre, importante sakin
si Gab pero mahal ko pa si Zeke hanggang ngayon at mahalaga siya sakin. Napansin ko naman na
nagstatus si Zeke.

Zeke Fraser Lopez: Kasi naman.. -___-
Mafelle Teppei: SUNTUKAN na! JOKELENG! :)))
Z: K.
Jin Charel Tan: Joke lang naman yun ee. Sorry Zeke, nadadamay ka pa.
Gab Teppei: ZEKE , WAG NA WAG MONG SUSUNGITAN KAPATID KO. AKO LANG MAY KARAPATAN.
Z: Hindi naman a? =__=
J: Gab. wag mo naman awayin si Zeke :|
Mafelle Teppei: AW! SORRY -___- Nagdagdag pa ko ng problema. Eng!!!!!
G: MAG SAMA KAYO
J: alam mo Gab! ang aga aga ang sungit mo!
Mafelle Teppei: Kuya, chill lang please
G: SH*T! Alam mo Jin, hindi ko mapigilan magselos. MAHAL KASI KITA!
J: Kasi ewan ko :( di ko alam. magulo >.<
Mikaela Valdez: -___-

Hala. Pano na to? Ang gulo na and its all my fault -___- Hindi naman ako pinapansin ni Gab
kahit anong tawag, text, chat ko, wala talaga :( Nagstatus na din naman si Gab.

Gab Teppei: Tara inum tayo :)) Wala akong pakealam kahit maaga pa. Sagot ko lahat! Steven
Santos at Spencer Reyes, tara
Jin Charel Tan: Ano ba Gab?! pupuntahan kita sa bahay niyo!
G: WAG
J: pupunta ako diyan!
G: Hindi pwede. Kung mapilit ka talaga, bahala ka walang tao sa bahay -___-
J: Edi maghihintay ako sa labas.

Kailangan ko maayos tong gulong ginawa ko. Pupuntahan ko pa din si Gab kahit may tao man sa
bahay nila or wala. Kasalanan ko naman kaya I should be the only one suffering. Ayoko makadamay
pa ng iba. Pati si Mafelle nadadamay at magiinuman pa sila. Aish! Bakit ko nga ba sinabi yun
kay Zeke? Joke lang naman kasi talaga yun. Kami lang naman online ni Zeke nung una tapos
biglang nagonline na din sina Mafelle, Gab at Mika. Wrong timing din kasi. Minsan na nga lang
kami magusap nun ee.

Nalulungkot ako ngayon at naiinis kaya pinuntahan ko si Poofles sa kwarto ni kuya at dinala sa
room ko. Si Poofles yung aso na binigay sakin ni KL nung birthday ko at malaki na siya.
Everytime na malungkot ako, siya yung pinupuntahan ko.

"Poofles. Bakit ganun? Naguguluhan na ako"
"*bark*"

Nilaro ko na lang si Poofles at pagkatapos nun, binalik ko na siya sa room ni kuya. Kay kuya ko
kasi yun pinapaalagaan. Kinuha ko na yung susi ng kotse ko at pumunta ako sa parking lot ng
bahay namin at saka pinuntahan yung bahay nina Gab tutal malapit lang naman yun dito. Marunong
naman na ako magdrive pero yung saktong bilis lang at first time ko din magdadrive ng ako lang
magisa.

*screech*

Napatigil ako. Muntik na ako makabangga ng tao at dahil sa pagiwas ko, muntik na din ako
mabunggo sa puno. Nasubsob pa ko sa steering wheel ng sasakyan ko. Lumabas ako agad sa sasakyan
ko para icheck kung anong nangyari. Sinave pala ni Gab yung tao at inakbayan niya pa.
Napalingon sakin si Gab pero umiwas lang siya ng tingin. Sa labas lang sila ng gate nagstay.
May hinihintay yata. Pumasok na lang ako sa car ko.

Si Gab? Nanchichicks na din?! E wala na pala ako dapat problemahin dito e. May chick na pala
siya. Quits lang kami. May ginawa akong di maganda at siya din naman. Tiningnan ko yung girl,
siya yung chicks ni Steven sa resort. Oo! Siya nga. Hindi ko lang alam yung pangalan. Maya maya
may isang motor na dumating at pagtingin ko si Steven. May car din na nakasunod at si Spencer
yung nandoon. Inakbayan na din ni Steven yung girl at pumasok na sila bahay nila Gab.

Lumabas na din ako ng kotse at nandito sa labas ng bahay nina Gab. Nakaupo lang ako sa gilid at
hinihintay ko na may lumabas. Tinatawagan ko ng tinawagan si Gab pero hindi niya sinasagot.
Tinadtad ko din siya ng text pero walang reply. Alam ko na! Itetext ko si Mafelle!

To: Mafelle Teppei
Mafelle, nandito ako sa labas ng bahay niyo.

Naghintay ako ng reply pero wala at hindi din naman nagtagal, may nagbukas ng gate nina Gab at
si Mafelle yun.

"Jin, pasok ka"
"Dito na lang ako sa labas"
"Sige. Jin, kausapin mo si kuya. Nakakatakot siya. Ang sungit sungit niya na naman sakin"
"Pinipilit kong kausapin pero hindi naman ako pinapansin"
"Hala ka! Lambingin mo na lang. Baka kulang sa lambing si Kuya. Seloso e "
"Kanina ko pa ginagawa yun at hindi naman dapat kasi siya nagseselos. Di naman kami"
"Hindi nga po kayo pero may feelings ka naman sa kanya"
"Hindi ko alam kung meron. Naguguluhan din ako"
"See! Jin, pagisipan mo yan ng mabuti. Mas nahihirapan kasi si kuya e"
"I will"
"Sige, maiwan muna kita dito"

Pumasok na siya sa bahay nila at naghintay na lang ako sa kotse. 12pm na din pala at gutom na
ako. Bored na talaga ako dito pero maghihintay pa din ako. Mga isang oras pa ang lumipas at
lumabas na sila kaya lumabas na din ako sa car ko. Agad kong nilapitan si Gab at hinawakan yung
wrist niya.

"Gab. Let's talk" sabiko
"Sino siya?" -girl
"Fiancee niya yan babe" -Steven
"Hi. I'm Audrey, Steven's girlfriend" -girl
"Hindi ko siya kilala" -Gab

Tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa kanya pero hinawakan ko ulit yung wrist niya.

"Gab wag naman ganito oh. I'm sorry" sabi ko
"Jin" -Spencer

Nginitian ko na lang si Spencer. Tinanggal niya naman ulit yung pagkakahawak ko sa wrist niya.

"Sino ka ba ha? Hindi kita kilala! Umalis ka na dito kung ayaw mong tumawag pa ko ng pulis para
paalisin ka!" -Gab
"Gab wag naman ganito oh"
"Ano bang nangyayari guys?" -Audrey
"Tara na Audrey. Hayaan na natin sila" -Steven
"Gab kausapin mo naman ako oh"
"Hindi kita kilala. Wag na wag ka nang magpapakita dito. Tara na" -Gab

Nagready naman na sila na umalis.

"Jin, hayaan mo muna siya" -Spencer
"Spencer! Wag mo na kausapin yan. Tara na" -Gab
"Sorry Jin. Gotta go" -Spencer

Nginitian ko si Spencer at saka na sila umalis. Tumulo na lang luha ko dito. Bakit ganun si
Gab? Ayaw niya na ako makita? Sige. Bahala siya pero I won't give up.

"Hey, are you okay? What happened? Nakita ko kayo nagaaway ni Gab" -girl
"Excuse me?"
"I'm Nikka. Neighbor nila ako. Niloko ka din ba ni Gab? He's really mean"
"What do you mean?"
"Mahirap iexplain and I don't trust you kaya hindi ako magkekwento. Sundan natin sila?"
"Ha?"
"I'll drive for you. I know where they're going. Tara."
"Ha? Ah. Sige"

Sumakay na ako sa car ko at siya yung nagdrive. Nakarating kami sa market market. Mall yun na
malapit lang din sa village na tinitirhan namin. Nagpark na kami agad at hinila niya ako
papunta sa Giligans. Diba inuman to? Maglalasing nga sila -___-

"Let's drink" -Nikka
"Ha? Di pa ko kumakain e"
"Tara na nga. Let's eat. Mamaya na lang tayo uminom"

Hinila niya ako papunta sa Mcdo at kumain kami. Ang dami kong nakain dahil sa gutom na nga ako.
Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami ulit dun sa Giligans. Umorder siya ng dalawang bote ng
beer.

"Do we really need to drink?" tanong ko
"Yea. Hindi naman tayo pwedeng tumambay dito ng hindi umiinom. Inom ka lang. Sagot ko na. Gusto
ko magspy kay Gab"
"Okay"

Steven's POV

Nandito kami ngayon sa Giligans. Problemado tong si Gab e. Ano pa ba gagawin namin? Dadamayan.
Beer yung inorder namin at pulutan malamang. Tanghaling tapat nagiinom kami. Hindi naman namin
pwede iwanan si Gab dito.

"Pre. Ano ba nangyari sa inyo ni Jin?" -Spencer
"Hindi ko siya kilala" -Gab
"Dude. Si Jin? Imposible!"
"Uminom na lang tayo" -Gab
"Hey! Sino ba yung girl kanina? Fiancee mo talaga siya ano? Kawawa naman. Pinuntahan ka pa
tapos ganun lang" -Audrey
"Audrey"
"Wag ka umasta na may alam ka. Manahimik ka na lang diyan!" -Gab
"Okay!" -Audrey

Nagpatuloy lang kami sa paginom. Nagcocontrol lang din kami ng inom ni Spencer. Si Gab yung
madami na talagang nainom.

***

5 na ng hapon. Ang tagal na pala naming umiinom. Si Gab naman mukhang lasing na. Kami ni
Spencer, may tama na pero kaya pa naman. Tuloy tuloy pa din naman sa paginom si Gab. Ayaw
paawat.

"Wait! Si Jin yun diba?" -Audrey
"Baka namamalik mata ka lang?"
"Oo nga. Baka kahawig niya lang. Imposibleng nandito yun" -Spencer
"No. It's really her. I'll check" -Audrey

Pumunta si Audrey sa may ladies CR. Mga 10 minutes na din siyang nandun. Ano na kaya nangyayari
doon? Ang tagal niya.

"Wait! diba si-- wala"
"Sino pare?" -Spencer
"Wala pre. Sandali lang. Babalik din ako agad"

Pinuntahan ko sila sa ladies CR. Nakita ko kasi si Nikka na papunta doon. Si Nikka yung
kapitbahay nina Gab na pinagtripan namin. Bakit nandito yun? Sinusundan niya na naman ba si
Gab? Palibhasa, baliw na baliw kay Gab yun. Naghintay lang ako sa labas ng CR. Maya maya
lumabas si Audrey.

"It really is her. Nagvomit siya. I think she's drunk" -Audrey

Pumasok ako sa ladies CR at binuhat siya papunta sa kung saan nakapark yung sasakyan niya.
Sumunod din naman sina Nikka at Audrey. Hinila ko naman si Nikka para kausapin.

"Bakit ka nandito? Bakit kasama mo si Jin?" tanong ko
"Gusto niya sundan si Gab at sinamahan ko lang. Ako na nga nagdrive papunta e. I'm just trying
to help her" -Nikka
"Move on Nikka. Tigilan mo na si Gab. Fiancee ni Gab si Jin"

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"No. No! That can't be! You're lying! Akin lang si Gab!"
"Yung sa inyo ni Gab, pustahan lang lahat yun kaya tigilan mo na siya. Si Jin ang mahal niya.
Wala ka na magagawa dun"
"No! Thats not true! That bitch! I'm gonna kill her!"

Pupuntahan niya na sana si Jin pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso
para hindi siya makawala.

"Aray! Nasasaktan ako!"
"Wag na wag mo sasaktan si Jin dahil kami yung makakalaban mo"
"I hate that girl! Okay. As long as hindi nagpapakita yang Jin na yan sakin. Let go. I'm going
home"

Binitawan ko naman siya at sumakay na din siya ng taxi pauwi. Bumalik na agad ako sa kung saan
nakapark yung car ni Jin.

"Where's the other girl?" -Audrey
"Umuwi na siya. Ikaw na muna maghatid pauwi kay Jin. Dalhin mo na lang sa bahay niyo. Antayin
mo na mawala tama niya at saka mo ihatid sa bahay nila"
"Why will I do that?! Di ko naman kaano ano to ah?"
"Babe, fiance siya ni Gab. Pupuntahan na lang kita sa bahay niyo kapag naihatid na namin pauwi
si Gab"
"No. Let's do it this way. Ikaw maguwi kay Jin at ako nang bahala sa motor mo. Ipapadala ko na
lang sa bahay niyo. Kami na ni Spencer bahala kay Gab"
"Babe"
"Well. It's up to you. Ayoko nga ihatid yan"
"Sh*t! Ikaw na bahala. Ako na maguuwi sa kanya. Magkita na lang tayo sa bahay niyo"
"Okay. Bye babe!"

Bumalik na si Audrey doon sa Giligans at naiwan ako dito. Bakit ba kasi naglalasing tong
babaeng to? Simula kailan pa to natuto magdrive? Hinatid ko na si Jin sa bahay nila. Sinalubong
din naman ako agad ng kuya niya at saka ko siya iniwan doon. Dumeretso na lang din naman ako sa
bahay ni Audrey. Hihiwalayan ko na din yung babaeng yun ngayon. Masyado na siyang maraming
nalalaman. Para na din tigilan niya na ako.

Audrey's POV

Bumalik ako sa Giligans para puntahan doon sina Spencer at Gab.

"Spencer, tulungan mo ako dalhin si Gab sa kotse niya. Iuuwi ko na siya. Hinatid na ni Steven
si Jin sa bahay nila kaya ako na bahala sa kanya" sabi ko

Nagbayad na kami at saka umalis doon. Tinulungan niya ako para dalhin si Gab sa kotse niya. Dun
na lang namin pinaupo si Gab sa back seat.

"Thanks. Dont worry. Ako na bahala sa kaibigan mo" sabi ko
"Sige, tatawagan ko na lang kapatid niya para maabangan siya sa labas"

Pumasok na ako sa kotse at hinatid na siya pauwi. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nina
Gab. Tutal natext na ni Spencer yung kapatid nito, mas mapapadali trabaho ko. Lumabas na ako ng
car at binuksan yung pintuan sa back seat.

"Hey Gab. Bangon na diyan" hindi naman siya bumangon "Hoy! Bumangon ka nga! Papahirapan mo pa
ako e!"

Aish! Ayaw pa din bumangon. Asar naman to oh! Hinila ko siya para mapaupo. Nakahiga kasi siya
but instead na mahila ko siya, hinila niya ako kaya ngayon nandito ako sa taas niya. Niyakap
niya ako.

"Honey, dito ka lang"
"Hey. Let go!"

Tinutulak ko siya pero mas lalo niya pa hinigpitan yakap niya sakin. Nakakaasar naman tong
lasing na to oh. Gusto ko na makita si Steven e!

"Wag ka magulo. Dito muna tayo"

Tiningnan ko siya. Gwapo naman siya at mukhang lasing na lasing na. Napagkakamalan niya na ako
si Jin e. Sasakyan ko na lang yung gusto niya.

"Sige honey, dito lang ako. Umupo na muna tayo para maisara ko door ng car mo"

Aba! Sumunod naman. Okay din naman pala kausap to e. Lasing kasi. Haha! Umupo na din ako sa
back seat at sinarado yung door.

"I love you. I want you. Wag mo ako iiwan. Promise me that" sabi niya

He cupped my face. Nakakatuwa naman to oh. Pati bestfriend ng boyfriend ko makukuha ko pa ata.

"Dont worry honey. I'll be here. Hindi kita iiwan. I love you too"

Nilapit niya yung mukha niya sakin and he kissed me. Ewan ko pero nagrespond ako sa kisses
niya. He is a good kisser. After minutes of kissing, he stopped.

"Why honey? Is there anything wrong? Why did you stop?" tanong ko
"Thank you for choosing me"

He kissed me again. Just like earlier, I kissed him back. I don't know pero nageenjoy ako. Kung
pwede ko lang sulutin to at hindi na ibalik sa fiancee niya, gagawin ko. Biglang may nagbukas
nung pinto pero tuloy pa din siya sa paghalik sakin. I stopped and pushed him. Paglingon ko,
yung kapatid niya.

"What's wrong?" -Gab
"Leave my kuya alone! Nilalandi mo kuya ko! Alis!" -Mafelle

Lumabas din naman ako agad ng car ni Gab at inayos yung damit ko at saka umalis.

Jin's POV

Nagising ako at pag gising ko, nakahiga na ako sa kama ko. Anong nangyari? Ang sakit ng ulo ko.
Alam ko na. Nalasing ako tapos nagsuka pero hindi ko na alam yung nangyari sakin. Siguro
hinatid nila ako dito sa bahay. Nino naman? Wala namang nakaka-kilalang iba sakin. So siguro,
wala namang nangyaring masama sakin diba?

Naligo na lang ako at nagonline agad baka sakaling online si Gab. And luckily, he is online.
Nagwall post naman ako sa kanya.

Jin Charel Tan: Gab :(
Gab Teppei: Oh, hi honey. Kamusta kayo ni Zeke?
Steven Santos: bitter pa rin dude?
G: Hindi ako bitter pero mas better ako sa kanya
J: Nangiinis ka ba?
G: Naiinis ka ba? Yo Steven, totoo yun pare. Bye na nga.
J: Hindi. Pinuntahan pa kita sa inyo pero hindi mo naman ako kinausap tapos iniiwasan mo pa
ako.
G: Ge bye honey. Ingat lang
J: Iniinsulto mo ako. Ano ba Gab?! Sorry na nga diba?
S: Hahaha. ewan ko sayo Gab. May hang over ka pa ata eh? xD
J: I hate you! Bahala ka na nga! Pagod na akong lambingin ka. Hindi naman ako dapat ganito sayo
ee. Wag mo akong kakausapin bukas!
G: K.
S: Oi Jin! Pakatino ka nga. Kapag nandyan si zeke nalilimutan mo yung mga pangako mo. Ano ba
yan -_-
J: Anong pangako?
S: Na kakalimutan mo na si Zeke. Pero ano yang ginagawa mo, diba? -_-
J: wala akong maalala na ganung promise.

Meron nga ba? Wala akong maalala na ganung promise ee >__< Hay. Ano ba naman to oh. Basta bukas
hindi ko siya kakausapin. Nakakainis kasi siya! At may nabasa pa ako na status naman ni Mika.

Mikaela Valdez: I really don't know what's Zeke Fraser Lopez' problem is.. It's so annoying eh
-__- Hello? I'm the girlfriend here.
Steven Santos: Friend lang pala eh :P
Mikaela: Duh? obvious naman ang pagkakaiba ng friend sa girlfriend
Steven: Kaya nga.. babaeng friend :P
Mikaela: -___- You're so epal Steven.
Mafelle Teppei: Why ate mika?
Mikaela: Kasi naman I'm so annoyed sa kinikilos ni Zeke.
Mafelle: Why? Ano pong meron? Yung kaninang umaga? O.o
Mikaela: That's one pero urgghh. >___<
Mafelle: WHY? O.o Ya alryt?
Mikaela: Yeah I'm alright.. I'm not gonna lose anyway.
Mafelle: Yeah! :) Haha. Ikaw pa!

Pati ba naman ganyan nababasa ko din >__< Oo na! My fault. Nagkakagulo na naman dahil sakin.
Kasalanan bang mainlove? Hindi naman diba? :( Naglogout na lang ako at humiga. Ayoko na kumain
dahil wala akong gana. Matutulog na lang ako. Goodluck na lang sakin bukas. Samin pala.
*******************************************
[41] CHAPTER 31: It's.. just for fun.
*******************************************
Chapter 31: It's just for fun


Jin's POV

Kakarating ko lang ngayon sa school. Hinatid ako ni kuya dahil wala akong kasabay papasok. Si
bessy kasi sinundo ni Spencer. Ayaw naman na ni kuya na magdrive ako. Naglakad lakad lang ako
sa school tapos nakita ko si Gab na may kasamang girls at naglalandian pa ah? Nagpatuloy lang
ako sa paglalakad nang makabangga ako.

"Araay!" sabi ko
"Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo"

Napatingin ako dun sa nagsasalita. Si Zeke pala.

"Zeke. Okay ka lang? Mukhang ang--"

Bigla niya naman akong hinug sandali at tumigil din.

"Charel"
"Po?"
"I'm sorry"
"Sorry saan?"
"Basta. Sige bye! Andyan na si Mika"

Nginitian niya na lang naman ako at umalis. Sorry saan? Mukha namang okay na sila ni Mika.
Dumeretso na lang ako sa room namin at pagdating dun, tumungo na lang ako.

Ano bang problema ng mga tao ngayon? Or should I say ano bang problema ni Gab? Why did he
change all of a sudden? Ang sungit sa girls nun diba? Ewan. Bakit ko ba pinipilit makipagbati
dun? Kung ayaw niya, edi wag! Sino ba siya? Fiancee ko? Hindi naman kami official.

Mikaela's POV

Puro bad vibes na lang ang nangyari nung sembreak. Simula nung naging kami ni Zeke, puro na
lang away. Mas gusto ko pa nung di kami dahil hindi kami nagaaway.

I really hate Jin. I want to kill her but I can't. Ayoko maging killer. Duh? Ayoko maging
criminal just because of her. Si Jin lang naman kasi yung reason kung bakit kami nagaaway ni
Zeke. Bakit kasi pumapapel pa siya sa buhay namin? Ang landi kasi tapos ito namang boyfriend
ko, ang landi din. Nakakainis -___- Magsama sila! Hindi pala. Ayoko! Zeke is mine. Ayoko ng may
kahati or kaagaw. I'll make your life miserable Jin Charel Tan. I really will.

*ding dong*

I opened the door and I saw Zeke holding a huge stufftoy and a bouquet of roses. Sweet! Peace
offering niya siguro. Dami niyang kasalanan sakin e.

"Babe. I'm sorry" -Zeke
"Sorry?! That's all? I need some explanations"

Pinapasok ko na siya sa condo unit ko. May mga dapat din kasi ako sabihin sa kanya.

"Can I start explaining?"
"Go on"
"This is how it goes. Jin is just nothing. I don't like nor love her. She's just a toy.
Pinagtitripan ko lang siya at madali naman siya magpadala. That's it"
"What about me? Toy? Zeke, I'm your girlfriend here and you should know that. Hindi ka na dapat
nakikipaglandian sa Jin na yun!"
"Okay, I'll stop. Magkaaway na sila ngayon. I did that for you. You want revenge right? That's
it. Magkaaway na sila"
"Kahit na! Ayoko na lumalapit ka kay Jin!"
"Dont worry babe. I'm yours, okay? Iiwas na ako. Wag ka lang magalit"
"You sure 'bout that?"
"Yea"
"Good. Anyway, I also have something to tell you"
"What is it?"
"Magmomodel ako. Okay lang naman diba?"
"If that's what you want then go for it"
"Thanks babe"
"Pasok na tayo?"
"Sige"

Kinuha ko na yung gamit ko at dumeretso na kami sa parking lot kung saan nakapark yung car niya
at pumunta na kami sa school. In just a few minutes, nasa school na din kami agad dahil na din
sa hindi traffic.

"Babe, I'll talk to Jin first. Okay lang naman diba?" tanong ni Zeke
"Actually, no"

Nakita ko si Gab pati si Jin. Si Gab naman, may kasamang girls. What's with Gab? May away nga
pala sila ni Jin. Pagawayin ko pa kaya lalo?

"Fine. Puntahan mo na siya. I'll stay here"

Pinuntahan niya na si Jin at ako naman lumapit kay Gab.

"Hey. Back off. He's my boyfriend" pagtataboy ko sa mga kasama niya

Nagsialisan din naman yung girls na kasama ni Gab. Well, that's good. Takot sila sakin e lalo
na at kilala din ako dito sa school.

"Diba girlfriend ni Zeke yun? Sila na ni Gab? OMG! I can't believe this!" -girl 1
"Like yea! Wait! diba that's Zeke. He's with Jin. Exchange partners?" -girl 2
"Yea right! Ang alam ko fiancee ni Jin si Gab. Anyway, hayaan na natin. Gab said na he's
single. So pwede tayo!" -girl 3
"I know right! Come on girls. Let's go na nga!" -girl 4

Stupid fangirls. They're making a big fuss out of small things. Do they really like Gab that
much? I really hate those kind of people!

"Oh? Anong problema mo?" -Gab
"Look at that. Jin and Zeke"
"Oh? Ano naman ngayon?"
"What's wrong with you Gab? Wala na kayo?"
"Naging kami ba?"
"No but--"
"Tigilan mo na. Wala na akong pakialam kung makipaglandian siya sa iba. May girlfriend na din
ako kaya sayang lang effort mo"
"What?! Then who's the lucky girl?"
"Audrey"
"Okay? I dont know her. Pakilala mo sakin ah?"
"Ge bye"

Iwanan daw ba ako dito? -___- Audrey? Who the hell is she?! Anyway, that's not important
anymore. Poor Jin. Palapit na din dito si Zeke. Nilapitan ko na din siya at inakbayan niya
naman ako at dumeretso na din kami sa room.

Zeke and I we're okay and Jin is suffering. It seems like I am lucky huh? Everything is going
according to my plans without me doing anything.

Jin's POV

Nandito na kami lahat sa room. Katabi ko si Gab syempre pero tahimik kami parehas.

"Okay class. You have a new classmate" -Ms. Mendoza
"Sana chicks!" -Steven
"Sana gwapooooo!" -girl classmates ko.
"Please come in" -Ms. Mendoza

May pumasok na girl. She's pretty pero mukhang tahimik siiya. Kakaibiganin ko to.

"She's a late transferee. Please introduce yourself Ms. Cuevas" -Ms. Mendoza
"Hello. I'm Zia Alaine Cuevas. 17. You can call me Zia. Nice meeting you all"
"Ms. Cuevas, you can sit on the vacant chair there"

Tinuro niya naman yung seat sa tabi ni KL. Okay, sila na magkatabi. Ang daya >__< Binigyan lang
din kami ng free time ng prof namin kaya walang klase. Nilapitan ko sina KL at Zia.
Nagkekwentuhan sila at naiinggit ako. Wala kasi akong makausap. Sina Spencer naman nagboboys
talk. Break na daw sila nung Audrey. Narinig ko lang.

"Hi Zia! I'm Jin"
"Hi! Ikaw pala yung Jin. Narinig ko name mo kanina nung papasok ako dito ee. Pinagkekwentuhan
ka ng ibang students"
"Anong sabi?!" -KL
"Kawawa ka naman daw. May girlfriend na daw yung fiancee mo" -Zia
"ANO?!" -KL

Nagulat ako sa sinabi ni Zia. Lahat naman sila natahimik sa sinabi ni KL. Napasigaw kasi siya
e. Tumayo si KL sa kinauupuan niya tapos lumapit kay Gab.

"Hoy Gab!"
"Oh?"
"Totoo ba?! May girlfriend ka na? At hindi si Jin yun?"
"Oo"

*boog*

"Ayos ka din Gab e ano?! Niloloko mo lang bestfriend ko! Fiancee mo siya tapos ganun? Akala ko
pa naman mahal mo siya!"
"It's just for fun"

*boog*

"Ang gago mo Gab! Wala ka ding pinagkaiba kay Zeke e! Mas malala ka pa! Magsorry ka nga kay
Jin!"
"Hindi ako marunong magsorry at isa pa wala akong dapat ipagsorry"

*boog*

"Bessy, tama na" pagawat ko
"Pero Jin! Niloloko ka lang niya!" -KL
"It's okay"

Nagsmile na lang ako at hinila si bessy papunta sa CR. Sumunod din naman samin si Zia.

"Jin, sorry. Hindi ko na dapat sinabi. Nagkagulo lang tuloy kayo" -Zia
"Ano ka ba Zia? Tama lang na sinabi mo kay Jin yun! Ngayon alam niya na. Nakakainis talaga!
Kulang pa yung suntok ko sa kanya!" -KL
"Okay lang yun. Mas maganda ngayon na alam ko diba? Hayaan na lang natin. Si Zeke pa rin naman
talaga para sakin e. Hindi naman ako affected doon"
"Sure ka bessy?" -KL
"Oo naman"

Ngumiti na lang naman ako at niyaya sila na bumalik sa room. Nagkayayaan kami na gumala kaya
mamaya, pupunta kami sa Glorietta para daw bonding namin kasama si Zia. Kasama din namin sina
Steven at Spencer. Nagannounce din naman na papauwiin na kami kaya umalis na kami agad. Pinauna
ko naman sina Spencer, Steven, KL at Zia sa Glorietta at susunod na lang ako. Gusto ko kasi
mapagisa muna. Umupo ako sa may bench dito malapit sa parking lot ng school.

Bakit ganun si Gab? Nagrerewind sa utak ko yung sinabi niya na parang sirang plaka lang. "It's
just for fun" Tss. Buti na lang di ako nainlove sa kanya. Hindi ko lang matanggap yung may
girlfriend siya e. Who could that be? Nakakacurious kasi kung sino. I wanna know para naman
hindi ako magmukhang walang alam. Bumalik na yung dating Gab. Ganun siya kasungit sakin dati
nung unang magkakilala kami kaya sanay na ako. Yung Gabriel Vincent Teppei na cool at snob.
Bakit ko nga ba iniisip yun? Diba dapat hayaan ko na lang? Wala na din naman ako dapat
ipagsorry siguro diba? Kasi for fun lang naman yun lahat sa kanya kaya wala na akong problema.

Tatayo na sana ako nang may biglang humila sakin tapos tumigil kami sa kung nasaan nakapark
yung car ni Gab.

"Ganyan na ba talaga ang fiancee mo Jin?" tanong ni Mika
"Bakit mo ako dinala dito?"
"Para makita mo yung kalokohan niya. Kawawa ka naman. You have nothing. Pinaglalaruan ka lang
nila. Kung ako sayo, just get lost"
"Mika. Gagraduate ako sa school na to and I'll make sure na ako ang magiging valedictorian"
"Whatever Jin. Bye!"

Umalis na siya. Ano ang nakita ko? Gab kissing Audrey. Yes, si Audrey na ex-girlfriend ni
Steven. Well, hindi naman sila magaaway ni Steven kasi pinaglaruan lang naman ni Steven yung
Audrey. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. I don't know pero gulat na gulat ako. Siguro siya
yung girlfriend ni Gab. Kaya siguro nakaakbay siya dun kay Audrey kahapon. Secret relationship
siguro? I don't know. Aalis na sana ako nang biglang may tumawag sakin at si Audrey lang pala.

"Hi Audrey. Dito ka din nagaaral?" tanong ko
"No. Pinuntahan ko lang dito boyfriend ko. I think you saw us. Pasensya na ha? Ganun talaga
kami e. Sanay na ako."
"Ha?"
"Kissing him even in public. Hahaha! San ka pupunta? Uuwi ka na din ba?"
"Ah. No, pupunta pa akong Glorietta"
"We're also going there. Sabay ka na samin"
"No thanks. Ayoko na makaistorbo sa inyo"
"Sige na. Vince! Diba okay lang sayo sumabay siya?"

Vince? I think he's referring to Gab. Nagnod si Gab ee. Sabagay, Gabriel Vincent. Vince. Hinila
niya ako papasok ng sasakyan at syempre, sa back seat ako nakaupo. Nung nagdadrive si Gab,
nakakapit sa balikat niya si Audrey. Sweet nila ah? Infairness.

"Um Jin, so di ka pala fiancee ni Vince nu? Akala ko fiancee ka niya" -Audrey
"Ah. Hindi. Yung sa kahapon--"
"Don't explain. Alam ko na. Si Steven yung gusto mo. Inexplain na sakin ni Gab yun"
"Ah"

Si Steven?! Kailan pa ko nagkagusto kay Steven? Puro kasinungalingan yung alam ni Audrey or
it's just me na naloloko? And at last, nandito na kami. Humiwalay na ako. Pumunta ako sa
timezone kasi nandun daw sila. Pagdating ko dun, naglalaro sila ng basketball. Naki join na din
ako. Masaya pala kasama si Zia. Tahimik lang daw siya sa school. Pero paglabas ng school, dun
na siya nagiging makulit. Nakakatuwa lang.

***

Mga 12 na din ng tanghali. Nagyaya sila kumain at nandito kami ngayon sa foodcourt ng Landmark.
Sa may KFC banda kami kumain. Nakaupo kami dun sa mataas na table. Bale yung pwesto namin is
ganito:
Steven - Spencer
Ako - Zia - KL

Tapos nagkekwentuhan lang kami. Ang ingay nga namin kaya medyo nakakahiya pero okay lang dahil
hindi masyado madami tao. Weekday din kasi.

"Guys. Namamalikmata lang ba ako o talagang sina Gab at Audrey yun?" -Steven
"Ha? San pre?" -Spencer

Tinuro naman ni Steven kung san sila nakaupo. Malapit lang din dito samin.

"Wait lang guys" -Zia

Tumayo si Zia sa kinauupuan niya tapos lumapit doon kina Gab. As in malapit. Tiningnan niya
talaga yung mukha. Halata namang gulat si Gab.

"Diba ikaw si Gab? I'm Zia"
"And who the hell are you to interrupt us?" -Audrey
"I'm Jin's friend. We just want to say hi. Nandun sila oh"
"Umalis na tayo dito" -Gab

Tumayo si Gab at hinila si Audrey. Sumunod naman si Zia at hinarangan sila.

"Hep. Saan kayo pupunta? Di mo man lang ba ipapakilala yang kasama mo samin?"

Tumayo naman sina Steven at lumapit dun. Sumunod na lang ako.

"Steven" -Audrey
"So dinedate mo pala ex ko? Siya ba yung girlfriend mo? Kailan pa kayo?" -Steven
"Matagal na. Madami pa kaming gagawin. Aalis na kami" -Gab
"Gab" -Spencer
"Magusap na lang tayo mamaya" -Gab

Umalis na din sila. Matagal na sila? Gaano katagal na yung matagal na sinasabi niya?
Naguguluhan na ako >__<

"Jin, okay ka lang?" -Steven
"Oo naman. E ikaw?"
"Ano ka ba? Pinaglaruan ko lang yun. Di ako affected. Iniisip lang kita" -Steven
"Oo nga Jin. Pasensya na. Di din namin alam ni Steven kung anong nangyayari kay Gab. Bigla na
lang siyang naging ganyan" -Spencer
"Hayaan niyo na nga yung manlolokong yun. Hindi siya deserving kay Jin" -KL
"Oo nga naman! Ang panget naman nung babae! Mukhang pokpok. Kala mo naman kung sinong maganda.
Sexy lang siya e!" -Zia

Nagtawanan na lang naman kami dahil sa sinabi ni Zia. Nagdecide naman sila na magsiuwian na. Si
Zia, sinundo ng driver niya. Si bessy sumabay kay Spencer. Si Steven naman, isinasabay ako pero
ayoko pa umuwi. Nagstay muna ako dito sa Glorietta. Umupo lang ako dun sa may pwedeng upuan.
Ayoko pa kasi umuwi e. Wala naman akong gagawin sa bahay. Napansin ko lang ah? May nagkakagulo
na girls dun tapos lahat sila parang puro "KYAAAH! ANG GWAPO NIYA TALAGA!" yung sinasabi. Hilig
nila sa gwapo. Gwapo nga ang sama naman ng ugali. Edi wala din diba?

Maya maya may humila sakin. Hala! May mga nakasunod na babae. Ano ba naman to oh? >__< Dinala
niya ako sa boys CR at nilock niya pa. WAAAAAAAH! Help me! Bakit ako nandito? -___- Badtrip
naman tong lalaking to oh. Ganda pa naman pumorma. Tinanggal niya yung shades niya at nagulat
ako sa kung sino siya.

"Sorry. I really need your help. Wait! Diba ikaw yung--" -guy
"Ako nga. Lagi na lang kita nakakasalubong"
"Coincidence. Anyway, can you help me? Kailangan kong matakasan yung mga babaeng nakasunod e"
"How?"
"Punta ka sa car ko. Please get my things there. Nandun kasi yung mga pang disguise ko. Okay
lang ba?"
"Okay. Plate number ng car mo at susi na din"

Binigyan niya ako ng instructions. Paglabas ko ng CR, dinumog nila ako tapos puro tanong. Hindi
ko na lang pinansin. Dere deretso lang ako sa pgalalakad.

"Miss. Girlfriend ka ba niya?" -girl 1
"No. I dont know him. Bigla niya lang akong hinila"
"Buti naman! Samin lang siya" -girl 2

Edi sainyo. Ano ba meron dun at pinagkakaguluhan nila? Pumunta na ako dun sa parking lot at
kinuha yung mga gamit niya. And kagaya ng sinabi niya, magdisguise din daw ako as lalake dahil
may extra clothes daw siya. Mukha na tuloy akong tomboy ngayon. Bumalik na ako sa CR. Di nga
ako nahalata nung mga babae. Nagbihis na siya at nagmukha na siyang nerd pero gwapo pa din.
Lumabas kami na parang wala lang. Dere deretso lang kami. Tapos sabi niya tumakbo kami kasi
susunod daw yung mga yun samin. Tumakbo kami papunta sa parking lot. Pinapasok niya agad ako sa
car niya at pinaandar niya agad yun. Tahimik lang kami sa sasakyan the whole time. Nagstop kami
sa isang condominium. Lumabas agad siya at pinagbuksan ako ng door. Siya na gentleman. May
ganun pa din pala ano?

"Tara" sabi niya
"Ha? Ako?"
"Yes"

Ang gwapo niya! Wag lang siya magi-smile! Naaattract ako! >.< Lumabas na ako ng car.
Nakadisguise pa din kami tapos pumunta kami sa 30th floor. Pumasok kami sa isang unit.
Penthouse suite. Ang yaman ah? Tas ang lawak nung unit niya.

"Ikaw lang magisa nakatira dito?" tanong ko
"Yes. Upo ka muna. Kukuha lang ako ng makakain mo"

Pumunta na siya sa may kitchen. Ako naman, nagayos na. Tinanggal ko na yung pang disguise ko.
Maya maya bumalik na din siya at may dalang juice at sandwich. Nakaayos na din siya.

"Kain ka na. By the way, thank you. Kung hindi dahil sayo, hindi ko sila natakasan"
"Bakit ka ba nila pinagkakaguluhan? Dahil gwapo ka ganun?"
"I'm a model. Nakashades na ako. I don't know kung paano nila ako namukhaan"
"Ah. Model ka pala. Hindi ko alam. Haha! Di ko nga alam kahit pangalan mo e"
"I'm Terrence Martinez. 17."
"17 ka pa lang?! Akala ko mga 20 ka na. I'm Jin Charel Tan. Just call me Jin"
"Mukha akong matanda?"
"No. It's just that I never thought na halos kaage lang kita. Edi 4th year highschool ka palang
din?"
"Yes. Home study lang ako"
"Ang galing naman nun"

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga sarili namin. Nagbigayan na din kami ng cellphone
numbers. Rich kid pala talaga siya. They own this condominium kaya pala ganito kalaki unit
niya. Hindi ko na namalayan ang oras at inabot ako ng 5pm sa kanila. Kwentuhan lang naman
ginawa namin, kumain and nanuod ng tv. Bilis ng oras.

***

Hinatid niya na ako sa tapat ng bahay namin. Nandito kami ngayon sa labas ng gate.

"Ayaw mo pumasok muna?" tanong ko
"No thanks. It's okay. Thanks again Jin"
"You're welcome Terrence. Hope na we will be able to see each other again"
"Sure. I'll just call you. I need to go now. Bye"
"Bye"

Umalis na siya. Pumasok na din naman ako sa loob ng bahay at nagpahinga na. Kumain na din ako
ng dinner para makatulog na.

*2 new messages*

From: Terrence :)
Good night Jin. Thank you for your help. Take care, okay?

Replyan ko nga.

To: Terrence :)
Ikaw din. Nice meeting you. Good night.

Then sent! Check ko naman kung sino yung isa pang nagtext. Unknown number.

From: 0906----100
I'll be watching you Jin. Good night.

Kinabahan ako bigla. Ang creepy lang. Parang sa horror movies. Nakakatakot! May name ko pa
talaga ee. Bahala na nga. Matutulog na lang ako. Masyado ng mahaba yung day na to para sakin.
Sobrang daming nangyari.
*******************************************
[42] CHAPTER 32: The Unknown Number
*******************************************
Chapter 32: The Unknown Number


Jin's POV

Weekends na din pero hindi pa din kami nagpapansinan ni Gab. Hindi ko na din naman kasi
ipinipilit makipagbati sa kanya. I'm starting to hate him dahil niloko niya lang ako. Bakit
ganun? Bakit parang ang love sakanila laro laro lang? Ganun ba talaga yun? Once pa lang naman
talaga ako nainlove kaya hindi ko pa yun masyado maintindihan. Once pa nga lang at sa maling
tao pa and now, I know it's time for me to move on. Drama ba? Okay. Enough of the drama na nga.
Hahaha! Nandito ako sa mall ngayon. Magkikita kami ngayon dito ni bessy. Manlilibre daw siya.
Pagkatapos ng ilang minutes ng paghihintay, dumating din siya.

"Besyyyyy! I have kwento!" -KL
"Feeling ko nga. Ano ba yun?"
"Hanap muna tayo ng kakainan. San mo ba gusto?"
"kahit saan"
"Fro-yo gusto mo?"
"Sure"

Pumunta kami sa White Hat at bumili ng frozen yogurt.

KL's POV

Nandito kami ngayon sa White Hat. Nilibre ko siya ng fro-yo. Syempre masaya ako ee.

"Bessy, I'm already taken"
"Seryoso?!"
"I'm dead serious! Kami na ni babe. Kakatuwa nga ee. Nauna pa kami sa inyo ni.. Ay, mali.
Hahaha! Never mind"
"Okay lang yun bessy. So paano nangyari?"

*flashback*

Friday night. Nandito ako sa bahay ngayon at nandito din si Spencer. Dinalhan niya ako ng cake
at chocolates. Pinapataba niya ako e. Hahaha! Sabi niya, mamaya ko na daw buksan. Magluto daw
muna ako ng food. Ako yung magluluto ng food kasi pinag dayoff ko muna yung katulong namin. At
eto ako ngayon, nasa kitchen. Ano niluluto ko? Ramyeon or ramen. Hindi ako marunong magluto e.
Ito yung pinakamadali. Bigla naman may yumakap sakin galing sa likod ko.

"Ano ba?! Gusto mo masapak?" tanong ko
"Nilalambing ka lang e"
"Nakakagulat kaya! At saka isa pa hindi pa tayo ano! Kaya hindi pwede!"
"tsk"

Tinuloy ko lang magluto at pagkatapos ko magluto, niyaya ko na siyang kumain. Pumunta na siya
doon sa table at kumain na kami. Guess what? Yung 16 cakes na binigay niya sakin, naubos ko na.
Ganun ako kahilig sa cake. Hindi naman kasi ganun kalalaki yung mga cake na yun ee.

"Open mo na yung cake. Kainin na natin" -Spencer
"Sige"

Kinuha ko na sa ref yung cake. Si Spencer naman pumunta na dun sa sala. Pagopen ko nung cake,
nabigla ako. Seryoso to? Tumakbo ako sa sala para ihug si Spencer.

"Spencer, thank you! Thank you talaga!"
"Anong sagot mo?"

Sagot? Ah. Oo nga pala. May tanong dun sa cake. "Will you be my girlfriend Kylie Lariza
Espinosa Gonzales?" Ayan yung nakalagay sa cake.

"Will you be my girlfriend?" -Spencer
"Yes babe"

Hinug niya ako ng mahigpit.

"I can't promise na hindi kita masasaktan but I'll do everything to make you happy"

Kumalas siya sa hug at kiniss ako sa forehead. KYAAAAAAH! Kinikilig ako >///< Nafifeel ko na
ang init sa mukha ko.

"Babe, you're blushing! Para ka ng kamatis dyan. Hahahahaha!"

*pak!*

"Araay! Bakit mo ko hinampas?"
"Nangiinis ka e! Sige binabawi ko na sagot ko. No na lang"
"Joke lang babe. Ikaw naman hindi mabiro"
"Kasi naman ikaw e! Inaasar pa ako"
"Di na babe. I love you!"
"Tara na nga. Kainin na natin yung cake"

Pumunta na ako ulit sa dining table para islice yung cake tapos dinala ko sa living room.

"Yayain kaya natin sina Jin? Overnight tayo dito ngayon sa bahay?" tanong ko
"Sige lang"

Niyaya ko naman yung buong barkada except for Gab pero lahat sila hindi naman pwede kaya
hinayaan ko na lang.

"Babe, lahat sila di pwede e" sabi ko
"Edi tayo na lang dalawa?" nag evil smile pa siya

*pak!*

"Kung ano mang binabalak mo, wag mo na susubukan. Mapapatay kita!"
"Bakit? May binabalak ba ako? Wala naman e. Ikaw ah? Ikaw ata may binabalak dyan e!"
"Nakakainis ka!"

Naghabulan kami sa loob ng bahay tapos nung napagod na ako, tumigil na din ako. Ako may
binabalak sa kanya? No way! Asa naman siya!

*end of flashback*

"At ayun nga yung nangyari bessy"
"E pano yun? Saan siya natulog? Sa kwarto mo?"
"Hindi nu! Dun sa guest room sa bahay"
"Kala ko sa kwarto mo e. Ikaw na may lovelife bessy! Ako na wala!"
"Hay nako Jin. Bwisit kasi si--"
"Hayaan mo na yun bessy"
"Sige na nga. Pero alam mo, hindi ko talaga maisip kung bakit bigla siyang naging ganun. Kasi
Jin, nung nasa beach tayo, nakikita ko naman na sincere talaga siya sayo e. I really don't know
kung anong nangyari"
"Bahala na. Okay na din yan habang hindi pa ako naiinlove sa kanya"
"Sabagay. Tara na nga. Magikot ikot na lang muna tayo"

Nagikot ikot lang kami sa mall. Nililibang ko lang si Jin just to cheer her up. I might not see
it physically pero alam kong apektado siya kahit papano. Siguro oo, hindi pa siya naiinlove kay
Gab pero alam kong malapit na. Kaso ito namang si Gab biglang nagbago. Hay, mga lalake talaga
oh. Subukan lang talaga ni Spencer na ganunin ako. Ililibing ko siya ng buhay. I'm serious!
Kaya ko yun ano! Hahaha! JOKE! Labs ko yun e. After namin magikot ikot, nagtakeout kami ng food
sa greenwich at umuwi na. Nagtaxi lang kami pauwi at pagbaba namin ng taxi, I noticed a
familiar car sa tapat ng bahay nina Jin. Hindi ba kay Gab yun? May lumabas dun sa car. Okay.
Kill me now! Nakakita ako ng anghel galing sa langit na papalapit samin. Akala ko si Gab pero
hindi pala. Nagkataon lang na parehas sila ng kotse ni Gab.

"Hi Jin" -guy

Nagkiss siya sa cheeks ni Jin. OMO! Sino siya?

"Terrence? Why are you here?" -Jin

Niremove nung guy yung shades niya. And well, ang gwapo niya talaga! Si Jin na swerte! Terrence
pala yung name.

"Well, I just dropped by to check on you. Bawal ba?" -Terrence
"Pwede naman. Pasok ka kaya muna? By the way, she's KL. My bestfriend" -Jin
"Hi KL. I'm Terrence. No, thanks. May photoshoot pa kasi ako. Yayayain sana kita magdinner
mamaya pero hindi na lang siguro ngayon. Maybe next time" -Terrence
"Hm. Ganun ba? Dinner? Para san?" -Jin
"Duh? Jin. Baka nanliligaw sayo? Ayiie!" -KL
"Actually no. It's just to thank her --"

Nagring naman yung phone ni Terrence kaya sinagot niya naman agad.

"Jin, I need to go. I'll just call you, okay? Nice meeting you KL. Bye"

Umalis na siya. Kami naman ni Jin pumasok na sa bahay nila at saka kami dumeretso sa room ni
Jin.

Jin's POV

I'm not expecting na nandoon si Terrence sa labas ng bahay. Ni hindi niya kasi ako tinext or
tinawagan kanina. Nakilala na din siya ni bessy. Hulaan ko, magtatanong to ng madami about kay
Terrence. Nandito na kami ngayon sa room ko at kumakain ng lasagna. Nagtakeout kami ng food ee.

*1 new message*

From: 0906----100
Nice shirt Jin.

Ang creepy na talaga! Sino ba kasi tong nagtetext sakin? E si KL and Terrence lang naman
nakasama ko kanina. Kakatakot naman to oh. Nice shirt? I checked my shirt. Yung nakaprint dun
is si spongebob. Ano problema kay Spongebob? Cute naman ah? Pinakita ko kay KL yung text nung
unknown number pati yung una pa na text nun.

"Jin, may mga napagbibigyan ka ba ng number mo?"
"Wala naman. Nakakatakot kasi e"
"Since kelan ka pa tinetext nito?"
"Twice palang nagtext yan. Yung unang time na nagtext yan is nung thursday"
"May napagbigyan ka ba ng number mo nung thursday?"
"Si Terrence lang pero tinext din ako ni Terrence nung thursday. Imposibleng siya yan"
"Jin. Possible na si Terrence to. I don't know pero magingat ka kay Terrence. Parang there's
something na hindi maganda sa kanya kahit mukha naman siyang mabait. Kasi binigay mo number mo
kay Terrence tapos that day lang din nagsimula ito magtext"
"Ee iba naman number ni Terrence e"
"We don't know. Malay mo dalawa phone nun. And Jin, eto pa. I'll be watching you yung first
text niya. Ee kanina, nandun si Terrence sa labas ng bahay niyo. Ni hindi ka nga ata tinext nun
e"
"Hindi nga"
"So possible na siya to and nice shirt? Si Terrence lang naman nakakita sayo na iba diba?"
"Oo. Pero--"
"Basta ingat ka kay Terrence. Wag ka magtitiwala agad kahit kakakilala mo palang sa kanya even
though mabait pa siya"
"Matagal ko na siyang nakikita. A month ago, lagi kaming nagmemeet at nililigtas niya ako lagi.
Mukha namang mabait"
"Ikwento mo sakin lahat bessy"

Kinwento ko naman kay KL lahat. Kung ano nangyari at kung paano kami nagkakilala.

"Nakakatakot si Terrence bessy. Lagi siyang dumadating kapag nasa alanganin ka. Basta ingat ka
lang talaga. I have a feeling na siya yan"
"Sige bessy. Thanks"
"Wala yun. Ay Jin, uwi na ko ah? Text ka nalang"
"Sige"

Hinatid ko na si bessy sa gate at bumalik na ako agad sa room ko at nagisip isip. Possible nga
na si Terrence yung unknown number pero ayoko magisip ng masama kay Terrence. Ang bait niya
kasi e. I tried calling the unknown number pero nakaka 9 missed calls na ako at hindi naman
sumasagot. Hindi kaya si Terrence talaga to? May photoshoot siya diba? Edi busy siya at di niya
masasagot? 1 last call na lang. Kapag hindi niya to sinagot. Titigilan ko na pagtawag dito. At
last, sinagot din niya.

"Hello? Who are you?"
[ ... ]
"Terrence. Kung ikaw yan, magpakilala ka na oh"
[ ... ]
"Ui. Sino ka ba?"

Bigla akong binabaan. Sino kaya siya?

*1 new message*

From: Terrence :)
I'm busy. I'll call you later, okay?

Si Terrence nga kaya yun? Hindi ko naman kinocontact si Terrence ah? Bakit nagtext siya ng
ganun? Napaghahalataan ko na si Terrence talaga yung unknown number. At dahil dun, iiwasan ko
muna siya. Someday, malalaman ko din kung sino ka talaga Terrence Martinez at kung bakit bigla
ka na lang dumating sa buhay ko.
*******************************************
[43] CHAPTER 33: In the park.
*******************************************
Chapter 33: In The Park


Mafelle's POV

Weekends ngayon. Nandito ako sa park sa village naming at nakaupo ako sa swing. Kasama ko si
JX. Umalis lang siya sandal dahil may bibilhin daw siya.

Si JX ang palaging nandyan para sakin. Siya yung nagpaintindi sakin na hindi lang dapat kina
Axel umiikot yung mundo ko. Kami ni Axel, okay na. Pinipilit ko nung una yung sarili ko sa
kanya kahit may Jessica na siya pero kahit anong pilit ang gawin ko, wala talaga. Ipinapamukha
niya sakin na hanggang kapatid lang talaga turing niya sakin. Si Jessica at ako naman, okay na
din. Nakipagbati na ako sa kanya. Inaaway ko kasi siya ng inaaway but I realized na sobrang
bait niya. Ni hindi niya nga ako pinapatulan e. Even though mas matanda siya sakin at pwede
niya itake advantage yun. She's really nice. Parang matatakot ka na saktan siya dahil sa
kabaitan niya. Ayun siguro ang nagustuhan ni Axel sa kanya and also the reason why ang over
protective ni Axel sa kanya. Speaking of Axel, nakikita ko siya or maybe namamalik mata lang
ako?

"Bata" -Axel
"Ikaw talaga yan lolo?"
"Yes. Anong ginagawa mo dito? Ikaw lang magisa?"
"Ah.. Eh.. Wala lang. Nagpapahangin lang. Ako lang? Ah.. Oo"
"Samahan na kita?

Umupo siya dun sa isa pang swing at nakatingin lang ako sa kanya.

"Lolo?"
"hm?"
"Wala ka bang pupuntahan?"
"Wala naman. Dito din talaga sa park yung punta ko. Nakita kita kaya sinamahan kita"

KYAAAAAAH >///< Pinapakilig niya na naman ako tapos nagsmile pa siya.

"Ganun ba? Nakakamiss yung times na ganito tayo lolo ano?"
"Mafelle, ayan na naman tayo e. Sabi ko nga sayo hanggang kapatid lang--"
"Yung turing mo sakin? Alam ko naman yun lolo. Don't worry. Tanggap ko na yun. Namimiss ko lang
kasi talaga"
"Mabuti naman kung ganun"
"Kamusta naman kayo ni Jessica?"
"Okay naman. Nagiging busy na kami sa school"
"Buti naman. Lolo, pwede ba kita mahug kahit saglit lang?"
"Sure"

Tumayo kami then hinug ko siya ng sobrang higpit.

"ehem"

Napakalas kami sa hug ni Lolo tapos nakita namin si Jessica.

"Panget, let's talk" -Jessica

Lumayo lang si Jessica ng konti. Sumunod naman si Axel.

"Mafelle! Eto oh, ice cream!" -JX
"Thank you Jace. Kanina ka pa nandito?"
"Yup. Nakita ko yung hug"
"Ganun ba? Upo na muna tayo sa swing Jace"

Medyo malapit lang sila dito samin kaya rinig ko yung pinaguusapan nila. Tumahimik na lang muna
ako at nakinig sa usapan nila.

"Panget naman e! Nakakasawa na. Lagi na lang may mga babaeng umaaligid sayo tapos ineentertain
mo. Ayoko lang ng may nakakaaway kaya hinahayaan ko na lang. Bakit ba kasi kailangan maging
mabait ka masyado sa kanila?"
"Ano ka ba? Ayoko naman maging snob. Ikaw lang naman e. Wala kang dapat ipagalala"
"Kahit na. Ayoko na makikita ka pang lumalapit kay Mafelle. Oo, okay na kami pero hindi ko pa
din maiwasan magselos"
"Sige. Lalayo na ako sa kanya para sayo. Susubukan ko na din na umiwas sa ibang babae pero
ayoko magpromise"
"Thank you panget. Sige una na ako. Punta ka na lang sa bahay"

Umalis na si Jessica. Si Axel naman lumapit sakin.

"Mafelle" -Axel
"Narinig ko lahat lolo. No need to explain. Alis na kami. Tara na Jace"

Hinila ko si Jace. Naiiyak na ako e. Si Jace naman tumigil at hinila ako kaya napahug ako sa
kanya. Hinug niya naman ako ng mahigpit.

"Iiyak mo lang crush. Okay lang yan. Nandito lang ako. Poprotektahan kita" -JX
"Bakit ganun Jace? Ang possesive ni Jessica? Gusto niya sa kanya lang si Axel? Wala naman
kaming ginagawa ni Axel ah? Bawal na ba magusap kami? Bawal ba na maghug kami? E kapatid lang
naman turing saken ni Axel ee. Bakit ganun?"

Humahagulgol na ako sa pagiyak. Kasi naman ayoko na malayo sakin si Axel e. Okay na nga na na
kay Jessica siya kaso papaiwasin pa :(

"Bakit ganun Jace? Pagod na pagod na ako. Ang hirap hirap na"
"Don't worry Mafelle. Andito pa ako para sayo. Nandito lang ako lagi para sayo. To make you
happy, smile and protect you"
"Thank you Jace. Thank you talaga"

Kumalas siya sa hug. Hinawakan niya yung mukha ko tapos pinunasan yung luha ko. Then ifinorm na
smile yung lips ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Ayan. Dapat ganyan palagi. Dapat lagi ka lang nakasmile"
"Thank you talaga Jace. Lagi kang nandyan para sakin"
"You're always welcome. Please give me a chance Mafelle. I won't hurt nor make you cry. Just
let me court you"
"Jace naman"
"Just a chance. I'll help you get over him para naman hindi ka na masaktan"
"Jace kasi hanggang friends lang talaga e"
"Then I'll just be your friend. Kahit naman friends lang tayo, poprotektahan pa din kita at
papasayahin. Basta nandito pa din ako para sayo"
"Sorry"
"No need to say sorry. Okay lang naman e. Hindi na ako ulit magtatanong ng ganun sayo. Don't
worry. Kalimutan mo nalang yun"
"Pero--"
"Tara hatid na kita sa bahay niyo"

Hinila niya lang ako. Hindi ako maka get over sa sinabi niya. Wala kasi talaga akong maramdaman
na feelings para sa kanya ee. Bahala na si batman. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay.

"Sige Mafelle. Babye! Ingat ka ah?"
"Ikaw din"

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Alam kong wala na naman dito si kuya. Simula nung nagaway sila
ni Jin, lagi na siyang wala dito sa bahay.

*crash!*

Hala! May nabasag! Nagmadali ako pumunta sa kwarto ni kuya dahil doon galing yung ingay at
nakita ko na may basag na baso.

"Hala kuya! Anong nangyari?" tanong ko
"Wala"
"Ate Joy! Pakilinis naman po yung kalat dito sa kwarto ni kuya!"

Si Ate Joy yung katulong namin. Bago lang siya. Pinalayas kasi ni kuya yung katulong namin
dati. Maya maya, dumating na si Ate Joy dito sa kwarto at nilinis yung kalat. Umalos din naman
siya kaagad pagkatapos.

"Mafelle. Pakuha nung bote ng vodka dun sa ref"
"Pero kuya"

Lasing na kasi si kuya. Hindi naman siya siguro magbabasag ng baso kung hindi siya lasing ee.
Pero ang dami na ng nainom ni kuya. Ang baho niya na nga e. Amoy alak pati yung kwarto niya
ganun din.

"Kunin mo na!"
"Si-sige kuya"
"Dalhan mo din ako ng baso"

Nakakatakot na si kuya >__< bakit ba siya ganun? Para na siyang monster. Sinunod ko na lang
yung inutos niya sakin at bumalik din ako agad sa kwarto niya.

"Kuya? Bakit ka ba nagpapakalasing?"
"Wala lang. Gusto ko lang"
"Dahil ba kay Jin?"
"Di ko kilala yun"
"Hala kuya. Bakit ka ganyan?"
"Ganito talaga ako"
"Kuya naman e. Si Jin? Diba fiancee mo siya?"
"She's just a toy"
"Kuya"
"Lumabas ka na lang ng kwarto ko. Ang dami mong tanong"

Lumabas na ako ng kwarto ni kuya tapos dumeretso ako sa room ko. Nakakainis si kuya. Bakit ba
ganun siya? Ngayon lang naman siya ulit naglasing. Ang dami niya ng nainom e. Buti na lang
walang pasok bukas. Nagiba talaga siya. Oo, alam kong masungit siya at masama magalit pero iba
kasi ngayon ee. Una, nung wednesday, I saw him na may ginagawang kalokohan sa car niya. May
babae siyang kahalikan. Nakainom din siya nun. Tapos kagabe naman, may nakita ulit akong babae.
Ibang girl naman, kahalikan niya din sa kwarto. Nagkakataon lang na nahuhuli ko si kuya sa
kalokohan niya. Hindi ganun ang kuya ko. Nasaniban na ba siya ng bad spirit?

Naaawa na ako kay Ate Jin. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Syempre dapat si kuya
kakampihan ko pero para kasing mali na yung ginagawa niya e. Pag si Ate Jin naman, magagalit si
kuya sakin. Gusto ko din malaman lahat. Gusto ko malaman kung bakit ganun si kuya. Nahihirapan
din ako e >__< kailan ko ba malalaman? Hindi naman matino kausap si kuya ee. I really need to
know.
*******************************************
[44] CHAPTER 34: The Promise
*******************************************
Picture ni Risa Hayashi sa gilid :)
Chapter 34: The Promise


Steven's POV

Bored na ako. Nandito lang naman ako sa bahay at walang magawa. Makapag facebook na nga lang.
Sigurado akong madaming friend requests. Pagbukas ko, 57 friend requests, 15 messages, 132
notifications. Anong bang nangyari sa facebook ko at binabaha ng notifs, friend requests at
messages? Inaccept ko lahat ng friend requests. As usual, puro babae. Yung mga nakikilala ko
kung saan saan. Messages. Puro sa girls galing. Wala man lang galing kay Aine -___- psh.
Notifications. Puro lahat galing sa GAME OF LOVE na group. Tss. Bakit ba nasali ako dito?
Tinatadtad ako ng notifs nito e. Nagscan na lang ako dun sa group. Nakita ko naman na nagpost
sa group si Aine.

Aine Tan: ang sama ni Gab Teppei. Sabe niya pag may nagleave group, isang kiss daw >.< hala!
bakit ganun?

Aba! G*go pala to si Gab e. Makapagcomment nga.

Steven Santos: sus pauso ka Gab. away gusto mo?
Gab Teppei: di kita uurungan.
S: baliw ka ah?! Wag mo idadamay si aine sa mga kalokohan mo ah? Patusin mo na lahat ng ex ko
wag lang siya. Hindi na kita kilala gab. laki na ng pinagbago mo pre.
A: okay. stop this guys.
Mafelle Teppei: Bakit ba masyado niyong inaaway si kuya? Siya lang ba may kasalanan dito? Bakit
puro si Jin nalang kinakampihan niyo! Palibhasa hindi kayo ang pinapaasa! Hmp! Wag niyo awayin
kuya ko! -___- Mga wala naman kayong alam!
S: Wag niya rin dadamay si Aine. Labas siya dito eh. lokohin niyo na lahat ng tao wag lang si
Jeraldine Tan dahil ako talaga babangga sa inyo kahit kaibigan ko pa kayo!
G: SINAKTAN KO BA SI AINE MO? Hindi ko naman siya hinahawakan ah. saksak mo sa baga mo -___-
S: Kaya nga bago mo pa masaktan iniiwasan ko na. Alam ko naman na si Jin pa rin mahal mo kaya
kung idadamay mo lang si Aine sa kalokohan mo, wag mo nang subukan. Hindi siya panakip butas!
A: ano ba naman yan?! stop it na nga. wag niyo na awayin si Steven.
M: Kasi naman e -___- Inaaway niya si kuya! -___-
G: Alam mo Steven, masyado kang mapapel. Alam mo naman na nagbibiruan kami dito tapos
sineseryoso mo -___-
S: Kung ikaw nga dyan eh. Sa biruan din nina jin at zeke kyo nag away diba?
G: Ayun lang ba alam mo? Hindi na ako nagtataka. Paano mo naman pala malalaman kung puro babae
lang naman inaatupag mo :)
A: Hey guys! Cut it out!
S: Palibhasa kasi mas bitter ka pa sakin. Hindi mo nga inaalam yung saloobin ni jin eh. kaya
pati yung taong mahal ko dadamay mo pa. Pati mga ex ko syosyotain mo pa. Ano ka tiga pulot ng
basura ko?
G: Bitter? Sino mas bitter satin? Wala nga akong pakealam sa mga babaeng yan. Wala na akong
problema kung seseryosohin nila -___- Taong mahal mo? Iba naman shinosyota mo -___-
S: Bakit possible bang maging kame? sa ngayon? tss.
G: Tss -__- Hindi ako manghuhula. Tanong mo kay spencer!
S: k.

Nababadtrip lang ako dito kaya hindi ko na pinatagal. Naglog out na din ako pagkatapos nun.
Nakakainis. Sa lahat ng lalandiin niya, bakit kailangang kasama pa si Aine? At eto namang si
Aine, sinasakyan din yung trip niya. Tss. Ewan! Unti unti ko na nakakalimutan si Aine e.
Tanggap ko na yung sa fiancee niya pero hindi ko pa din talaga maiwasang mainis sa ginagawa ni
Gab. Mukhang naging mas malala pa siya sakin e. Nagkakaroon na ng gap saming tatlo nina Spencer
at Gab dahil sa ginagawa ni Gab. Kami na lang tuloy palagi ni Spencer magkasama.

3rd person's POV

Tuesday night. Si Gab ay nasa kwarto niya ngayon at nakainom na naman. Kakatapos niya lang din
manigarilyo. Nakahiga siya sa kanyang kama nang biglang tumawag sa kanya ang tatay niya. Mukha
namang seryosong bagay ang pinaguusapan nila. Pagkatapos nila magusap ng tatay niya ay bumangon
siya sa kanyang kama at lumabas siya ng kanyang kwarto para puntahan si Mafelle.

"Mafelle, aalis na ako bukas" sabi ni Gab
"Kuya? Saan ka naman pupunta?"
"Japan. Doon na ako titira"
"Kuya! Bakit doon ka na titira? Diba pumapasok ka pa? Paano yun? Sasama na lang ako sayo.
Ayokong maiwan dito"
"Pumasok ka. Titigil muna ako sa pagaaral. Tutulungan ko si dad doon"
"Bakit naman biglaan kuya? Si Dad? Magkakasama kayo doon?"
"No. Si Dad nasa China kasama parents ni Jin. Sige na. Aalis muna ako. Magpapabook muna ako ng
flight"

Lalabas na sana ng kwarto ni Mafelle si Gab pero natigilan siya sa sinabe ni Mafelle.

"Paano si Jin? Iiwan mo na lang siya ng ganun?"
"Tapos na yung samin ni Jin. Kaya niya na ang sarili niya. Hindi siya bata at wala akong
responsibilidad sa kanya"

Tuluyan na din namang lumabas sa kwarto ni Mafelle si Gab. Naligo at nagayos naman si Gab para
pumunta sa airport at magpabook ng ticket papuntang Japan.

***

Nakabalik na si Gab sa kanilang bahay galing sa airport. Dala dala na niya ang plane ticket
papuntang Japan. 6:00 am flight ang pinabook niya. Nagayos na siya ng kanyang gamit nang
biglang pumasok si Mafelle sa kanyang kwarto.

"Kuya, kailangan mo ba talagang umalis? Wag na lang oh"
"Oo. Kailangan kong tulungan si Dad sa business niya"
"Bakit? Nalulugi na ba ang company kuya?"
"Hindi. Sige na Mafelle, bumalik ka na sa kwarto mo"
"Dito lang muna ako kuya"
"Ikaw bahala"

Nagpatuloy lang sa pagliligpit ng gamit niya si Gab.

"Kuya, bakit ang konti ng damit na dala mo?"
"May mga damit naman tayo sa bahay natin doon diba? Kaya okay na to"
"Kelan ka babalik kuya? Kelan tayo ulit magkikita?"
"Basta Mafelle. Bukas ko na lang sasagutin lahat ng mga tanong mo. Magpahinga ka na. 2am,
pupunta na ako sa airport. Hahatid mo naman ang kuya mo diba?"

Niyakap ni Mafelle ang kanyang kuya.

"Kuya. After a long time, nagsmile ka na din. Last question kuya? Masaya ka ba sa gagawin mo?
Nakangiti ka na e"
"Don't worry Mafelle. Masaya ang kuya sa gagawin niya. May kikitain akong babae doon,
kikilalanin ko at magsisimula ako ulit"
"Kuya.. Kailangan mo ba talaga gawin yan?"

Kumalas na sa hug si Mafelle.

"Oo Mafelle. Kailangan at gusto ko itong gagawin ko. Naaalala mo pa ba si Risa?"
"Yup"
"Siya yung kikitain ko dun. Alam mo naman kung gaano ako kasaya kapag kasama ko siya diba?"
"Pero.."
"Matulog ka na nga. Bukas na lang tayo ulit magusap"

Sumunod naman si Mafelle sa utos ng kanyang kuya.

Mafelle's POV

Nandito na kami sa airport. 6am pa naman ang flight ni kuya pero 3am pa lang ngayon at nandito
na kami.

"Mafelle"
"Bakit kuya?"
"Ikaw na ang bahala kay Jin ah? Message mo lang ako sa facebook kung ano nang nangyayari sa
kanya"
"Makakaasa ka kuya pero iniisip ko pa din kung bakit kailangan mo pang makipagkita kay Risa. Ee
si Jin naman na yung gusto mo"
"Tama ka dyan. Gusto ko si Jin pero mahal ko si Risa. Masaya kami sa isa't isa"
"Ang daya mo naman kuya e! Basta pupuntahan kita doon sa December"
"Sige. Wala naman na din akong dapat pa balikan dito e"
"Si.. Ay, oo nga pala. Gusto mo lang siya. Iba ang love mo"
"Ngayon alam mo na"

Nagkwentuhan lang kami ni kuya the whole time. Nakakamiss yung kuya ko na mabait at sweet tapos
palaging nakangiti. Simula kasi lumipat sina Risa sa Japan, naging ganun na si kuya. Masungit,
tahimik at seryoso. Dati naman ang bait ni kuya e.

*flashback*

12 years old pa lang si kuya at ako naman 11 years old. Nasa park kami sa village namin.
Nandito kami palagi naglalaro ng habulan. Kaming 3 nina kuya at Risa. Si Risa Hayashi. She's
half japanese, half korean pero sa Philippines siya ipinanganak at tumira. 11 years old din
siya nun at kapit bahay naming siya.

Naiwan sila sa park noon. Nakaupo sila sa may swing at ako naman nagtatago dito sa likod ng
puno. Nakita ko kasi na nakayakap si kuya kay Risa e. Nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila.

"Eto oh. Rose para sayo! Pwede na kita maging girlfriend nyan?" -Gab
"Pero Gab, bata pa tayo at hindi kasi pwede dahil aalis na kami bukas. Pupunta na kami sa Japan
at hindi na kami babalik" -Risa
"Hindi pwede!Bawiin mo yang sinabe mo! Dito ka lang. Magiging girlfriend pa kita"
"Kailangan na talaga namin umalis bukas Gab e"
"Hindi ako papayag. Hindi pwede"

Hinawakan ni kuya yung kamay ni Risa tapos nakipag holding hands siya.

"Hindi ka pwedeng bumitaw. Hindi din kita bibitawan. Love mo naman ako diba?"
"Oo naman Gab. Love kita"
"Love din kita Risa! Kapag inilayo ka nila sakin, hahanapin kita kapag kaya ko na magisa tapos
magiging girlfriend kita at magpapakasal tayo. Pangako yan"
"Sige Gab. Dapat tayo magpapakasal sa isat isa ha? Promise mo yan. Hindi ka pwedeng mainlove sa
iba at dapat sakin lang"
"Promise yan Risa"

Narinig ko lahat yun. Nauna na lang ako umuwi tapos maya maya nasa bahay na din sila. Holding
hands pa din. Dumating na yung mommy ni Risa dahil uuwi na sila kasi gabi na. Pinaglalayo sila
ni Daddy tsaka ng mommy ni Risa pero ayaw nila bumitaw sa isat isa. Kinabukasan..

"Daddy. Di ba pupunta dito sina Risa?" -Gab
"Oo nga Daddy" sabi ko
"Wala na sila. Aalis na sila papuntang Japan" -daddy
"Daddy! Pupuntahan ko si Risa! Puntahan natin siya!" -Gab
"Hindi. Dito ka lang" -daddy
"WAAAAAAAAH! Risaaaaaa! Daddy! Puntahan natin siya! WAAAAH!"

Doon ko unang nakita na umiiyak si kuya. Nalungtkot na din tuloy ako. Simula noon, lagi nang
umiiyak si kuya at nagwawala.

*end of flashback*

Doon na nagsimula maging masungit si kuya. Si Risa lang ang nagpapasaya sa kanya e. At ngayon,
alam ko na magiging masaya siya kay Risa. Na ngingiti siya ulit at tatawa kagaya ng dati. Si
Jin kasi, nagawang pangitiin siya ulit pero anong ginawa ni Jin? Sinaktan niya lang si kuya.
Kaya ngayon, hahayaan ko na lang si kuya na maging masaya.

***

Tinatawag na yung mga kasama sa flight ng 6am going to Japan.

"Mafelle. Aalis na ako. Bye!"
"Bye kuya"

Niyakap niya ako tapos bumulong siya.

"Alagaan mo si Jin para sakin"

Pati sa last minute ng pagstay niya dito, si Jin pa din naisip niya. Goodbye kuya Gab. Sana
mahanap mo na ang happiness mo sa Japan.
*******************************************
[45] CHAPTER 35.1: My new boyfriend?
*******************************************
Chapter 35.1: My New Boyfriend


Jin's POV

Monday. November 14. Nandito ako sa room ngayon. Maaga ako pumasok dahil maaga din kasi ako
natapos kumilos. Konti pa lang yung tao dito sa room. Lahat kasi nakakalat sa hallway.
Inaabangan yung exchange student. Magiging classmate namin for 2 weeks yung exchange student e.
Bale parang 10 days lang. Hindi na ako masyado naeexcite. Paano ba naman, makakasama naman
namin sa room yun.

Ilang araw na din na hindi pumapasok si Gab. Simula nung wednesday, absent siya. I heard from
some girl na nasa Japan daw siya and to confirm that, I asked Mafelle at totoo nga. Doon na daw
si Gab titira. Medyo malungkot ngayon. Important si Gab sakin e. Nakakagulat lang kasi bigla
siyang nawala nang wala man lang pasabi. Sabagay, hindi na namin siya kinakausap dahil sa
nagiba siya. Naging mas malala pa siya kay Steven. Nung wednesday night. Same day nung alis
niya, nakita ko sa facebook na he's in a relationship with Risa Hayashi. Maganda yung girl at
mukhang japanese. Well, I hope na maging masaya sila ni Gab :)

Anyway, wala akong katabi ngayon pero okay lang yun, may mga nakakausap pa din naman ako pero
hinahanap hanap ko pa din yung pagsusungit ni Gab. Ano ba naman yan oh? Bakit ba naiisip ko
siya? -___- Maya maya nagsipasukan na din yung mga classmates ko. Dumating na kasi yung prof
namin kasama pa yung principal.

"Good morning. I want you to meet Terrence Martinez. He is the exchange student. Starting today
until next week, friday, he will be your classmate. So I expect you to treat him good. Okay.
Goodbye" -principal

Pumasok na si Terrence at naka civilian siya. Woah! Ganda talaga lagi ng porma nitong taong to.
Kala mo may photoshoot everyday e.

"KYAAAAAH! Ang gwapo niya. Siya yung model diba?" -classmates ko na girls.
"Mr. Martinez, you can sit on the vacant seat there"

Tinuro ni mam yung vacant seat sa tabi ko which is seat ni Gab. At ito namang si Terrence
nagulat pa at kumaway sakin. Nginitian ko na lang siya. Lumapit na din naman siya sakin at
umupo sa tabi ko.

"Hi Jin"
"Hi"

Naglesson lang yung teacher namin. Nakikinig din naman siya at nagtatake ng notes. Ang bagal ng
oras. Natapos na din yung first class. Nakakatuwa naman tong si Terrence. Masipag din pala
magaral e.

***

Kakalabas lang ng teacher namin at lunch na. Gutom na ako ee!

"Jin, let's eat together" -Terrence
"Sure"

Nagsilapitan naman yung mga classmates ko na babae sa kanya.

"Hi Terrence! Model ka diba?" -Kesiah
"Oo nga! Magkakilala na ba kayo ni Jin dati pa? Mukhang close na kayo e" -Vashti
"Taga saang school ka? Gusto mo sabay ka na samin maglunch?" -Letriz
"Wait. Easy lang guys. Okay? Isa lang ako" -Terrence
"So, magkwento ka naman about sa sarili mo" -Ariane
"Okay. I'm Terrence. Yes, I'm a model. I really don't go to school, just home study. Si Jin?
Yes, I've known her for almost a month. I really don't give personal details. So I guess that's
it" -Terrence
"Daya naman nun!" -Tiffany
"Guys, wag niyo na siya kulitin"
"Bakit? Girlfriend ka ba?! Hindi naman ah? Kakilala mo na siya tapos ipagdadamot mo pa. Don't
be selfish Jin. Gusto lang din naman namin siyang makilala e" -Kesiah

Inakbayan ako ni Terrence tapos inilapit sa kanya. Kinuha niya din yung kamay ko at
inintertwine niya yung fingers naming saka niya itinaas para makita nila.

"She is my girlfriend. Now, if you can go, just leave. I want some quiet time with my girl"
"Your girl?" -Steven

Hindi ko namalayan na nandyan na pala sa tabi namin sina Steven, Spencer, Zia and KL.

"Kasi ganito--"
"Yes. She's my girl. May problema?" -Terrence
"Ang yabang mo pare ah?" -Steven
"So?" -Terrence
"Steven" awat ni Spencer
"Ano ba?! Si Terrence kasi at ako--"
"Kami na kaya kung may problema kayo dun, I have nothing to do with it" -Terrence
"Ano ba Terrence?! Guys, hindi kami okay? It's just for fun para lang layuan siya ng girls.
Don't worry guys"
"Ge. Una na kami sa canteen. Sunod na lang kayo" -Spencer

Nauna na lumabas ng room siba Steven at Spencer.

"Hey Terrence. Ikaw ba talaga yung nameet ko?" -KL
"Yes" -Terrence
"Nice. You're attitude is different from last time ah?" -KL
"Not in a good mood because of those girls" -Terrence
"Okay. I see. She's Zia, our friend" -KL
"Nice meeting you Zia" -Terrence
"Nice meeting you too Terrence. Sige Jin, alis na kami. Gutom na e" -Zia
"Sige guys. Bye!"

Kame na lang natira ni Terrence dito sa classroom ngayon.

"Here. Let's eat"

Siomai yung baon niya. WAAAAAAH! I wanna eat na tuloy! Kumain lang kami.

"Jin?"
"hm?"
"Sorry about sa ugali ko kanina. Naging rude ako towards your friends"
"It's okay. Wag na sana maulit. And bakit mo pala ginawa yun? Pwede mo naman sabihin na taken
ka na ha?"
"It's because I also want to be with you. So para tigilan na nila ako, ikaw nalang. Since
friends naman tayo diba? Just for 2 weeks. Don't worry because after that its over"
"Ee kasi.."
"Please?"
"Sige na nga. Since lagi mo akong tinutulungan, papayag na ako"
"Thank you Jin. So, you really like the food huh?"
"Yep. Favorite ko to"
"Me either. Sige lang, pakabusog ka"

Kumaen lang ako. Siya naman tinititigan ako tapos nakasmile pa. Nakakailang >__<

"Oh bakit? May problema ba?"
"Ee kasi Terrence, wag mo ko titigan"
"Ganda mo kasi e"
"Hoy ikaw Terrence! Tigilan mo ko. Kinikilig ako. Asar ka!" sabay palo sa kanya.
"Aray! Masakit ah?"
"Sorry! sige, ubusin ko to ah? Okay lang naman diba?"
"Sure"
"Xie xie!" (Thank you)
"Bu keqi" (You're welcome)
"Marunong ka magchinese?"
"Shi" (Yes)
"Kakatuwa naman yun! Pano?"
"I studied abroad just to learn how"
"Nice"

Marunong pala siya magchinese. Ang galing naman nun! Pwede pala kami magusap ng Chinese? JOKE!
Hindi ako masyado marunong ee. Yung basic lang. Dito naman kasi ako pinalaki sa Philippines at
sinanay ako sa tagalog.

***

Uwian na din. Agad akong hinila palabas nina Steven at Spencer. Naiwan tuloy doon sa loob si
Terrence. For sure pinagkakauluhan na yun dun.

"Bakit Steven? Spencer?"
"Ayaw namin na napapalapit ka dyan sa Terrence na yan. Mukhang may panget na balak sayo yan e"
-Steven
"Steven naman. Mabait siya. Don't worry okay? He is nice. Matagal ko na siyang kilala"
"Jin. Baka masaktan ka na naman nyan" -Spencer
"Spencer naman e. Di naman ako magpapaloko"
"Ikaw bahala Jin. Sige alis na kami" -Steven

Dineadma ko nalang yung mga sinabe nila. Mabait si Terrence at hindi siya masama. Pumasok na
ako sa classroom at hindi nga ako nagkamali. Pinagkakaguluhan na siya. Nakita din naman niya
ako kaagad at nilapitan niya ako.

"Jin. Alis na tayo dito" -Terrence
"Tara"

Lumabas na kami ng room. Isinuot niya naman yung shades niya tapos nagcap na din siya at
inakbayan niya lang ako. Nakasalubong naman namin sina Mika at Zeke.

"Hey Jin" -Mika
"Mika, let's go" -Zeke
"No. I want to talk to her. So Jin, may bago ka na naman pala?" -Mika
"Tigilan mo nga ako Mika"
"Mikaela Valdez?" -Terrence

Tinaasan lang siya ng kilay ni Mika. Ito namang si Terrence tinanggal yung shades niya.

"Terrence?! What are you doing here?" -Mika
"Magkakilala kayo?" sabay pa namin na tanong ni Zeke
"Yes. She's also a model. Nagphotoshoot na ako once na kasama siya. Exchange student ako dito"
-Terrence
"So, ikaw pala yung tinutukoy ng mga girls kanina na gwapong exchange student at boyfriend daw
ni Jin" -Mika
"No. Di yan--"
"That's true. Were leaving. Bye" -Terrence

Hinila lang ako ni Terrence papunta dun sa car niya. Hindi niya na suot yung shades at cap niya
pero okay lang sa kanya. Mga students tuloy sa school pinagkakaguluhan siya. Pinagbuksan niya
ako ng pinto ng car at pumasok na din. Ganun din naman siya tapos dinrive niya na.Nagring phone
niya at sinagot niya naman agad yun.

"Manager? What?! Okay I'm on my way there.. Bye" -Terrence
"Anong nangyari?"
"Emergency daw. May problema dun sa isang model. Okay lang ba sayo na dumaan muna tayo dun?"
"Sure"

Nagdrive siya papunta sa isang restaurant. Pagkadating doon, pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang
gentleman talaga nito. Pumasok kami sa restaurant at umupo kami sa kung saan nakaupo yung
dalawang girl at isang boy. Ang ganda nung isang girl. Mukha din siyang model. Nagorder din
naman kame ng drinks lang. Siguro saglit lang sila maguusap.

"Manager, Mr. Cruz, Tiffany, I'd like you to meet Jin. My girlfriend"

Tiningnan ako nung girl at saka tinarayan. Siya siguro si Tiffany.

"Why is she here? We will talk about business. She's not supposed to be here" -Tiffany
"Terrence, I think I need to go" bulong ko

Tumayo na ako tapos hinila naman ako ni Terrence kaya napaupo din ako agad.

"She's staying here. Let's discuss it now" -Terrence
"Tiffany doesn't want to have the photoshoot with you Terrence" -Mr. Cruz
"Then don't. I'm not forcing her" -Terrence
"Enough. Wer'e leaving. I am so not gonna have the photoshoot with you even if they'll pay me
twice as much as your pay. Let's go" -Tiffany

Tumayo na si Tiffany pati Mr. Cruz at saka umalis.

"Terrence! What are you doing?! You need her" -Manager
"I can find someone to replace her by Wednesday. Don't worry" -Terrence
"You should" -Manager
"What if.." -Terrence

Tumingin silang dalawa sakin na parang may binabalak sila na masama.

"Is there something wrong?" tanong ko
"Please stand Jin" -Manager

Binigyan ko si Terrence ng 'what-is-happening-look' tapos nginitian niya lang ako. Tumayo na
ako at tumayo din yung manager ni Terrence.

"Well, you are tall. Umikot ka nga Jin" -manage

Ginawa ko naman. Ano bang binabalak nila? >__<

"You're also sexy and beautiful as well" -manager
"What is the meaning of this?"
"Please sit down. You will be Terrence's partner for the photoshoot on Wednesday. You look good
together. Perfect" -Manager
"W-why me? I can't do it"
"Dont worry Jin, magsusuot ka lang naman ng mga dress and you'll just smile. We will just act
like a couple and that's it. Kikita ka ng malaki dito" -Terrence
"No. I dont want to"
"If you dont want to be a model, it's alright. Just help us on Wednesday. We really need you
for that project" -Manager
"Please?" -Terrence
"Hm, just for wednesday? Hindi na mauulit?"
"Yes" -Terrence
"Sige na nga"
"Great. Now, ipapakilala kita sa client namin to know if papayag sila na you will be the one to
be with Terrence in that magazine" -Manager
"Magazine?"
"Yes" -Manager

***

Nandito na kami ngayon sa mall, kailangan ko daw magayos muna kasi ipapakilala ako dun sa
incharge sa cover ng magazine. Kailangan daw kasi magmukha talaga akong model. Si Terrence ang
kasama ko ngayon. Si Manager naman, kinocontact pa yung mga taga magazine. Pinagtitinginan kami
ngayon. Nakashades na din ako ngayon ee. Si Terrence, ganun din para daw hindi kami
pagkaguluhan. Naghahanap na ako ng dress ngayon. At ayun. Woah! Ganda nung dress. Simple but
elegant. Tube lang siya tapos may silver na ribbon. Baby pink yung color. Kinuha ko na yung
dress.

"Terrence, what do you think? Bagay ba to sakin?"
"Magaling ka pala pumili ng dress. Why not try it and let see if the dress suits you"

Nagring naman bigla yung phone ko. Si kuya yung tumatawag. Lagot >__< Hindi pala ako
nakapagpaalam sa kanya.

"Hello kuya!"
[ where are you? May mga bisita ka ]
"Ha? Sino kuya?"
[ sina Steven ]
"Hala kuya. Pakisabi baka gabihin ako ng uwi"
[ Jin! San ka ba pumunta ha?! Di ka na nagsasabe ah?!
"Hala kuya. Wag ka magalit. I'm with Terrence. He's my friend"
[ Hindi ko siya kilala. Umuwi ka na dito ngayon ]
"Kuya naman e. Nandito lang ako sa Greenbelt. Mabaet naman siya ee. Kasi kuya--"
[ Jin! ]
"Kuya naman e"
[ Why are you with that guy? Di ka man lang nagpapasabi na may lakad ka ]
"Kasi kuya niyaya niya ako magmodel. Sa wednesday lang yun kuya at hindi na mauulit. I've
always been wanting to do this. Payagan mo na ako kuya. Pretty please"
[ okay. Basta hindi ka magsusuot ng revealing na clothes okay? ]
"Shi. Xiexie!" (Yes. Thank you)
[ And one more thing, dalhin mo dito sa bahay yang Terrence na yan mamaya ]
"Opo. Sige kuya. Babye! I'll call you na lang later"
[ okay. Take care ]

Naghung up na si kuya. Yehey! Pinayagan ako. Matagal ko na kasi dream yun pero kahit hindi
naman matupad, okay lang sakin. Once in a lifetime opportunity to.

"Pinagalitan ka?" -Terrence
"Yeah. Pumayag na din si kuya basta pupunta ka sa bahay mamaya"
"Sure"
"Sige. Susukat ko na to ah?"

Pumasok na ako sa fitting room. Sinuot ko na. Ang ganda niya tingnan sakin. Fitted siya kaso
maiksi. Lumabas ako sa dressing room para makita ni Terrence.

"So what do you think?"
"Good. It looks really good on you. So you like it?"
"I do. Pero hindi ba maiksi masyado?"
"No. It's just right"
"Sige na nga. Ito na lang"

Pumasok na ako ulit sa dressing room para magbihis ulit at saka lumabas. Pipili pa kasi kami ng
shoes. Naghanap ako ng pumps na kacolor nung dress at nakahanap din ako agad kaya binili na
namin yun. Nung nasa counter na kami para magbayad, nagpapacute kay Terrence yung babae sa
counter.

"Hi! Diba ikaw si Terrence Martinez? Yung model?"
"Yes. Pwede mo ba bilisan? We're in a rush"
"KYAAAAH! Gwapo ka nga talaga!"

Pumunta na ako sa CR para magbihis. Kasama ko na ngayon si Manager. Siya yung nagaayos sakin at
paglabas ko sa cubicle ng CR, pinagtitinginan ako ng mga babae.

"Miss, model ka?" -girl 1
"Um--"
"I don't want my model to talk to you. So go!" -Manager

Nagsialisan naman yung mga babae. Si manager naman, nilagyan ako ng konting makeup. Maayos
naman yung buhok ko kaya okay naman tingnan. Nakalugay lang yung hair ko ngayon. Pagtingin ko
sa salamin. Woah! Ang ganda ko kahit simple lang.

"Manager? Bakit ganun? Tinataboy mo sila?"
"Mahirap kasi kapag masyado kang mabait dahil pagkakaguluhan ka nila. Natuto na ako kay
Terrence. Ganun kasi kami dati so we changed"
"Kaya naman pala"
"So, there. You're perfect. Let's go?"

Nagnod lang ako at paglabas namin ng CR, bumungad din naman samin si Terrence.

"Terrence, sunod na lang kayo. I'll go first" -Manager

Umalis na si manager. Kami naman nandito pa din. Hinawakan niya kamay ko at inintertwine nya
yung fingers namin.

"You're perfect. Girlfriend kita diba? So, tara?" -Terrence

Ako? Girlfriend niya? Hala! >___<

"Never mind. Tara na nga"

Naglakad lakad lang kami at magka holding hands pa din. Yung mga tao pinagtitinginan kame tapos
sinasabi nila na mukha kaming model at bagay kami. Nakarating na din kami sa parking lot. As
usual, pinagopen niya ako ng door.

***

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay. Nagustuhan ako ng mga taga magazine. Sabi nila mas
maganda daw ako kay Tiffany. Naflatter naman ako dun :) Syempre diba? Professional model na si
Tiffany e. Nagenjoy ako ng sobra. Parang dream come true kasi talaga. Pinapakilig din ako
palagi ni Terrence >///< Waaaaah! He's beyond perfect na kasi. Saan ka pa diba? Ingat lang
talaga dahil baka mainlove ako sa kanya. Nakadress pa din ako at papasok na kami sa bahay.

*ding dong*

Si kuya yung nagopen ng gate.

"Pasok"

Waaaaaaah! Nakakatakot yung boses ni kuya >__< lagot ako nito.
*******************************************
[46] CHAPTER 35.2: The Photoshoot
*******************************************
Chapter 35.2: The Photoshoot


Jin's POV

Pumasok na kami ni Terrence at umupo sa sofa. Hawak niya yung kamay ko.

"Jin, go to your room first. We'll talk. Tawagin na lang kita mamaya at magbihis ka na.
Masyadong sexy yung damit mo" -kuya
"Sige kuya"

Tumayo na ako at dumeretso sa room ko. Sinunod ko na lang si kuya. Ayoko kasi mapagalitan e.
Nakakatakot din kasi kapag nagagalit si kuya. Nagbihis na ako at nagpahinga lang muna. Ano kaya
pinaguusapan nila? After 15 minutes, tinawag na din ako ni kuya. Uuwi na daw si Terrence.
Hinatid ko naman si Terrence sa gate.

"Thanks for your time Jin"
"Thank you din bf"

For fun lang naman kasi kaya bf tawag ko. For 2 weeks lang naman e.

"Goodnight"

Kiniss niya ako sa cheeks at umalis na. Pumasok na din naman ako sa bahay at umupo sa sofa.
Kakausapin din daw kasi ako ni kuya.

Axel's POV

Nakausap ko si Terrence. Mabait siya pero mas gugustuhin ko na wag na lang siya magbigay ng
reasons for Jin to love him. Mahirap na. Ayoko na nasasaktan ang kapatid ko. Anong pinagusapan
namin ni Terrence? Kung paano sila nagmeet at yung mga tungkol kay Terrence. It is because I
really need to know. Niyaya niya si Jin na magmodel pero isang beses lang naman kaya pumayag na
ako. Napagusapan din namin yung tungkol sa pagpapanggap nila na magboyfriend para daw hindi
masyado guluhin ng mga babae si Terrence. Pumayag na din ako dahil kahit papano, nagpaalam
sakin si Terrence at dalawang linggo lang naman daw.

"Kuya, duboqi" (duboqi-sorry)
"It's okay. Gusto ko lang na next time, magsabi ka muna sakin. Alam ko na lahat. Sinabi na
sakin ni Terrence"
"Opo kuya. Sorry talaga at thank you din"
"No problem princess. Sige na magpahinga ka na. Goodnight"
"Goodnight kuya"

****

Wednesday. November 16.

Jin's POV

Day na ng photoshoot. Excited ako. First time e! Hindi kami pumasok ni Terrence ngayon. After
lunch kasi yung photoshoot at 11 am na. I'm just waiting for him to fetch me up. Wala na din si
kuya dito. May pasok siya. Yung katulong lang namin natira dito.

*beep beep*

"Auntie, alis na po ako"
"Sige ingat ka iha"

Auntie kasi tawag ko sa katulong namin. Mas matanda kasi siya samin at parang nanay na din
namin siya ni kuya. Lumabas na ako ng bahay at siya nga. Naghihintay lang siya dun sa labas.
Motor yung dala niya. Cool! Siya na may motor at kotse. Naka shorts at v-neck shirt pero iba
yung dating. Ang gwapo niya talaga! Magaling siya magdala ng damit. Waaaaah! Hindi ako pwede
magkacrush sa kanya! Umalis naman na kami. Buti na lang nakashorts ako at hindi skirt.

"Kapit ka ng mabuti" -Terrence
"Opo"

Ginawa ko naman yun. Syempre, ayoko maaksidente. Nakakatakot ee. Halos nakayakap na talaga ako
sa kanya ngayon. Nagstart na siya paandarin yun.

"Kumain ka na ba?" -Terrence
"Breakfast lang"
"Let's have lunch together"
"Sure"
"Saan mo ba gusto kumain?"
"Kahit saan. Haha! Libre mo ba?"
"Of course. Count this as a date. Girlfriend kita diba?"
"Um, yea?"
"Good. I'll just call you Charel from now on"
"Ha? Bakit Charel?"
"Diba part ng name mo yun?"
"Yup"

At last, nandito na kami sa building kung saan magphophotoshoot. Medyo malayo din to sa Makati.
Kumain na lang kami at pagkatapos, pumunta kami sa 15th floor. Hinihintay na din pala nila kami
dun. Inayusan na kami kaagad. Kinulot nila yung hair ko tapos minake up-an. Pinagbihis na din
kami. Naka black na suit siya. Gwapo niya talaga! Ako naman, nakablack na dress tapos may pink
na ribbon. Kinuhanan muna kami ng solo pictures tapos ngayon, yung kaming dalawa naman.

"Act like a couple here. Walang magiinarte" -photographer

Sumunod lang naman kami sa mga utos niya. Syempre. Ayaw din namin na mapagalitan. Nakailang
bihis na din kami. 4:00 na pala. Ang bilis ng oras. Nakakapagod nga talaga to kahit sabihin mo
na magpopose ka lang. Pinagbreak muna kami at dahil wala naman akong ginagawa, tatawagan ko
muna si KL. Uwian na nung mga yun e.

[ hello? Jin? Oh? Bakit ka napatawag? ]
"Wala! Namiss kita bessy"
[ Bakit pala hindi ka pumasok? ]
"Diba nga may photoshoot? Nasabi ko na sayo yun kahapon"
[ Oo nga pala. Musta naman? Tapos na ba? ]
"Hindi pa e. Break lang saglit"
[ Enjoy naman? ]
"Yep. Sige bessy, tawag na kami e. I'll call you later na lang. Love you!"
[ love you too bessy ]

Miss ko na si KL. Hindi na kasi kami masyado nakakapagusap dahil si Terrence yung lagi kong
kasama. Nagbihis na kami ulit. Red na gown yung suot ko ngayon. Ang ganda kaso masyadong sexy
yata? Kita kasi yung sa may gilid ng bewang tapos open yung likod. Mahirap iexplain pero
maganda talaga siya. Minakeupan nila ako ulit and this time, dark makeup na tapos nakatali na
yung buhok ko. Pagtingin ko sa salamin, nagulat ako dahil hindi yung sarili ko yung nakikita
ko. Parang iba akong tao. Si Terrence naman, ang gwapo! Crush ko na talaga siya! Boyfriend
material kasi siya. Naka white na coat and slacks tapos nakared na polo sa loob. Swerte ko na
naging gf ako nito kahit for fun lang. Kagaya ng ginawa naming kanina, solo pictures muna at
kaming dalawa naman ngayon. Nakaka10 shots na kami. Alam kong namumula ako ngayon. Asar kasi.
Ang lapit ng mukha niya lagi sakin. KYAAAAAH! Kinikilig ako!

"You're blushing" -Terrence
"Hayaan mo lang yan. Wag mo pansinin"
"Pwede bang mas ilapit niyo pa yung mukha niyo sa isat isa? Yung magkadikit na yung tip ng nose
niyo. Act like newlyweds. Last shot na to" -photographer

Kanina couple, ngayon newlyweds?! Grabe >///< di ko keri. Kikiligin ako lalo nito e.

"Okay ka lang?" -Terrence

Nagnod lang ako tapos ginawa na yung inuutos samin. KYAAAAH! Ang lapit masyado ng mukha niya.
Gwapo siya ng malayuan pero mas gwapo siya ng malapitan.

*click*

"One more" -photographer

*smack*

*click*

"Perfect. Pwede na kayo magbihis. Good work everyone!" -photographer

Kiniss niya ako.. sa lips. Lumayo na lang ako kaagad at pumunta sa CR. Shocked pa din ako.
Bakit niya ginawa yun? >__< Nagbihis na ako tapos naghilamos at pumunta kay Manager ng
makapagayos na ako.

"Manager, alis na ako" sabi ko
"Marunong ka ba umuwi magisa?" -manager
"Hindi ee"
"Okay ka lang ba Jin?"

Nagnod lang ako tapos umupo.

"Charel" -Terrence

Umupo sa tabi ko si Terrence. Tumayo ako pero hinila niya ako para mapaupo ulit.

"Sorry. I didn't do that because I just want to.I did that because the photographer wants that.
I'm sorry" -Terrence
"Hayaan mo na. Tapos na e"
"Galit ka ba?"
"No. Uwi na tayo. Gusto ko na umuwi"
"Sige. Papaalam muna ako kay Manager"

Hind naman ako galit e. Nabigla lang talaga ako kaya ganun yung reaction ko. Pagod na din kasi
ako kaya gusto ko na umuwi.

"Ayaw mo ba magdinner muna? Niyayaya nila tayo to join them for dinner"
"Uwi na lang tayo Terrence. Masama pakiramdam ko e"
"Tara"

Nasa parking lot na kami ng biglang magring yung phone ko. Tinatawagan na ako ni kuya. Baka
nagaalala nay un.

"Hello kuya?"
[ Nasaan ka na? ]
"Eto po uuwi na"
[ Sige. Ingat ka ha? ]
"Sige kuya. I love you!"
[ I love you too princess ]

I hung up. For sure nagwoworry na yun si kuya. Sumakay na ako sa motor at umalis na kami.
Madilim na sa daan dahil 6:30 na. Mapuno din yung daan. Saan kaya to? Ayoko na din tanungin si
Terrence.

"Nagenjoy ka ba?" -Terrence
"Yup. Thank you Terrence. This is a dream come true to me"
"Wala yun. Thank you din Charel for helping me. Kung hindi ka pumayag na maging partner ko,
hindi ko makukuha tong project na to"
"Wala yun"

Kung alam niya lang kung gaano ako kathankful. Gustong gusto ko talaga to e at ngayon na
naexperience ko na, parang gusto ko pa makaulit in the future.

"Terrence, may tumatawid!"

*blag!*

****

KL's POV

1:00 na ng madaling araw. Nandito kami sa hospital ngayon. Kasama ko si kuya Hiroshi, Steven,
Zia Spencer, Mafelle. Dumating din dito yung manager daw ni Terrence. Bakit? Naaksidente sina
Terrence at Jin. Nasa emergency room pa din sila at hinihintay na lang namin yung doctor.

"Doc, kamusta na ang kapatid ko?" -Kuya hiroshi
"Okay na po silang dalawa. Masama ang pagkakabagok ng babae. I'm sorry to say this but she's in
coma. We don't know kung kailan siya magigising. Sa lalaki naman, kailangan na lang nating
hintayin na magising siya at pwede na siya irelease sa hospital. Ililipat na din sila sa mga
kwarto nila. Sige po"

***

2am na. Nandito na kami sa room ni Jin. Same room lang sila ni Terrence. Bakit ba nangyari to
kay Jin? Baka matagalan pa daw bago siya magising. Bakit si Terrence okay na? Nagising na din
siya tapos si Jin hindi pa :(

"KL, magsiuwian na kayo. Ako na lang ang magbabantay kay Jin" -kuya Hiroshi.
"Sige lang kuya, dito muna kami. Maya maya na kami uuwi"
"Labas muna ako. I'll call our parents first"
"Sige po"

Lumabas na si kuya Hiroshi, si Mafelle naman sumabay na sa kanya palabas at uuwi na daw siya
anong oras na din naman kasi.

"Hoy Terrence! Kasalanan mo to e!" -Steven
"I'm sorry. Parehas naman kami na nakahelmet non. Hindi ko alam kung bakit nainjure siya ng
sobra. I'm really sorry. Hindi naman ako nagpatakbo ng mabilis. May bata kasi na biglang
tumawid and I lost control" -Terrence
"Alam mo ba na natanggal yung helmet niya tapos tumama yung ulo niya sa bato?! Ha?! Tingnan mo
nangyari sa kanya!" -Spencer
"Guys. Tama na yan. It's an accident. Walang may kasalanan" -Zia
"Pag si Jin talaga hindi nagising sa loob ng isang linggo, mapapatay kita!" -Steven
"Ano ba guys?! Wala namang itutulong yang pagaaway niyo e! Tigilan niyo na nga!"

Nanahimik din sila. Ganyan na nga condition ni Jin, nagawa pa nilang magaway -___- Pagbalik ni
kuya Hiroshi, nagsiuwian na din kami. May pasok pa kasi. Ayaw naman ni kuya Hiroshi na umabsent
kami dahil lang dun.

Axel's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto nina Jin. Kasama ko yung manager ni Terrence sa pagbabantay. Kaso
ito namang manager niya, puro phone calls ginagawa. Wala naman akong sinisisi dito sa
pangyayari e. Walang may kasalanan. It's just an accident at walang may gusto nito. Ang kwento
sakin, nung naaksidente daw sila, natanggal yung helmet na suot ni Jin kaya masama yung
pagkakabagok niya at tumama pa yung ulo niya sa bato kaya ganun. Hinihintay ko lang na magising
si Jin. Sana nga bukas magising na siya e.

Sana hindi ko na lang pinayagan si Jin magmodel. Hindi pa siguro nangyari sa kanya to pero
ayoko din naman siya pigilan. Pangarap niya yun e. Once in a lifetime opportunity kasi sa kanya
to pero wala na akong magagawa, nangyari na. Natawagan ko na din naman sina mom and dad at uuwi
na din daw sila dito by saturday. Masyado daw kasi silang busy sa business. Nakakainis. Puro na
lang business. Inuna pa yun kesa kay Jin.

"Axel, I'm leaving. Ikaw na muna bahala sa kanila" -manager

4am na. Ayoko pa matulog. Gusto ko nandito lang ako at pag gising ni Princess, gusto ko na ako
yung una niyang makikita.

"Axel. I'm very sorry" -Terrence

Lumapit ako kay Terrence. Gising pa din pala siya. Akala ko tulog na ulit.

"It's okay. Wag mo sisihin yung sarili mo. Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sa kanya.
Aksidente yung nangyari"
"I wanted to protect her pero ipinahamak ko siya. I really like your sister. Sana ako na lang
ang nasa lugar niya at hindi siya. It's all my fault. Sorry"
"Terrence"
"Axel, don't worry. Hihintayin ko lang na magising siya. Then after that, lalayuan ko na siya.
Ayoko na mapahamak pa siya dahil sakin"
"No Terrence, it's okay. You can be with her. Kaysa naman iba na naman ang magkagusto sa kanya
at paglalaruan ang feelings niya"
"I'm really sorry. Babawi ako. Sana ako na lang talaga at hindi siya. Parang nung naguusap
kame, ang saya saya niya kasi daw natupad na yung isa sa dreams niya. But look at her now,
natutulog and we don't even know kung kailan siya magigising"
"Terrence. Gigising din siya. We just need to wait"
"Kailangan niya magising as soon as possible"
"Sige na, magpahinga ka na para mairelease ka na sa hospital na to bukas at kailangan mo akong
tulungan magbantay kay Jin"
"Okay"

Umupo na muna ako ulit sa sofa dito sa room nila. Alam kong magigising din agad si Jin. Malakas
siya at hindi siya susuko. Hindi pwedeng ganyan na lang siya. Hindi pwedeng matulog na lang
siya ng matagal. Alam kaya ito ni Gab? Pupunta kaya siya pagkatapos niyang paglaruan ang
feelings ni Jin at lokohin? Si Mafelle na ang nagsosorry para sa kanya. Pakiramdam ko, malabo
na pumunta yun. Dahil nga dun sa Risa ba yun? Tsk. Lumapit ako kay Jin. Tiningnan ko lang siya.

"Princess, be strong okay? Gigising ka naman agad diba? Andito lang si kuya. Babantayan kita.
Namimiss na kita princess. Gumising ka na dyan. Madaming nagaalala sayo e"

Kiniss ko siya sa forehead at saka umupo ulit.
*******************************************
[47] CHAPTER 36: He's back
*******************************************
Chapter 36: He's Back


Gab's POV

Thursday, November 17

Pumunta ako ng Japan. Bakit? Para tupadin ang pangako ko kay Risa. Masyado na akong nadistract
sa mga bagay bagay at nawala sa isip ko yun. Ngayon, natupad ko na din iyon. Girlfriend ko na
siya ngayon. Ang bilis ba? May feelings naman din kasi ako kay Risa kahit papano. Mabait naman
si Risa at sweet pa din siya kagaya ng dati, nagmatured na din ang isip niya, although may
times na isip bata pa din siya. Halos walang pinagbago si Risa. Gumanda lang siya lalo.

Nandito kami ngayon sa apartment na tinitirhan niya. Siya lang yung nakatira dito at malaki
yung place. Yung parents niya naman, nasa bahay nila. Why siya nakahiwalay? She's trying to be
independent. 4 am na dito at 3 am sa Philippines ngayon. Gising pa din kame ni Risa at
nagkukulitan. Masyado namin namiss ang isat isa. Dito ako matutulog ngayon. Niyakap niya ako.

"I love you babe. Promise me that you'll never leave me no matter what happens okay? Please
promise me that" -Risa
"I love you too babe. Don't worry. I promised you something right? I won't break it"

Ito ang isa pang mahirap kay Risa. Mahirap din siya saktan kasi sobrang bait niya. Nagring
naman yung phone ko. Tumatawag si Mafelle. Anong oras na ah? Bakit naman kaya gising pa to?

"Babe, I have to answer this call first" sabi ko

Pumunta muna ako doon sa kwarto ni Risa at nilock ko yung pinto.

"Oh bakit gising ka pa?"
[ kuyaaaaa! Emergency! ]
"Anong nangyari?"
[ Si- si Jin kasi naaksidente. Hala kuya! Comatosed daw siya. Pwede daw na hindi na siya
magising. Hala pano yun kuya? Kakauwi ko lang kasi galing sa hospital ]
"Relax ka lang Mafelle. Magpahinga ka na at pumasok. Wala naman na akong pakealam sa kanya kaya
wag mo na akong tawagan kung tungkol lang sa kanya. Ge"

Binabaan ko na siya. Sh*t! Bakit ba ganun ang sinabe ko? Sabi ko magiging mabait na ako sa
kanya at kakalimutan lahat ng mayroon ako sa Pinas at magbabagong buhay na. Hindi ko alam kung
maiintindihan ako nina Steven. Gusto ko din kasi maging masaya. Nakakapagod din yung buhay ko
doon at sawang sawa na ako. Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ko na si Risa.

"Babe, let's sleep"
"Okay"

Pumasok na kami sa room niya. Share kami sa kama tutal malaki yung kama niya. Hinintay ko lang
siya makatulog. Hindi naman kasi ako makatulog -___- Madami akong iniisip. Kamusta na kaya si
Jin? Isang lingo pa lang ako nawala pero madami ng nangyare. Naaksidente siya. Bakit ba kasi
iniwan ko siya doon? -___- Kung nandoon ako, hindi dapat nangyari sa kanya yun. Pero kung
nandoon naman ako, mas lalo naman siyang masasaktan. Ayoko ipakita sa kanya na mahina ako. Kaya
ko lang naman pinag gagawa yung bagay na yun ay para masaktan din siya at maramdaman yung mga
pinaparamdam niya sakin. Yun bang lahat ng efforts mo, walang kwenta.

Tumayo na ako. Uuwi ako sa Pinas. Kailangan kong puntahan si Jin. Kailangan kong makita na okay
siya. Hindi pwedeng matulog na lang siya ng matagal dun. Kailangan niya magising. Kailangan din
managot nung gumawa sa kanya nito. Nagiwan ako ng letter para kay Risa. Alam ko na
maiintindihan niya ako. Gusto ko si Risa pero mas matimbang na si Jin para sakin ngayon. Ano
ang nakasulat? Sikreto muna yun sa ngayon pero sa susunod, malalamn niyo din.

***

Nandito na ako ngayon sa Pinas. Ayoko na may makaalam na nandito na ako kahit pa si Dad at si
Mafelle. Si Risa lang ang nakakaalam nito. Hindi pa ako handa para magpakita sa kanila. Gusto
ko lang talaga makita si Jin. Nagpunta ako kaagad dun sa condo unit ko. Binilhan ako ni dad
dati pero sa bahay ako tumitira para may kasama si Mafelle. Inayos ko na din agad ang gamit ko.

****

Axel's POV

Nandito pa din ako sa ospital. 5 pm na ngayon. Magiisang araw na din na hindi nagigising si
Jin. Ang hirap palang maghintay sa taong hindi mo alam kung magigising pa o hindi pero alam ko
na kakayanin ni Jin to at kahit matagal pa yan, magigising siya. Hindi naman ako agad susuko at
alam kong ganun din si princess. Si Terrence naman, nakalabas na ng hospital kaninang tanghali.
Babalik daw siya dito mamayang gabi para makapagpahinga at makauwi na din daw ako.

Maya maya dumating na din dito si panget. Niyaya niya muna akong kumain at pinabantay muna
namin sa nurse si Jin. Pagbalik naming, nandoon na sina KL.

"Oh KL, andito na pala kayo" sabi ko
"Opo kuya. Kakarating lang din namin" -KL
"Gusto ka daw kausapin ng doctor Axel" -Steven
"Ah. Sige, puntahan ko na lang yung doctor"

Ako lang magisa yung umalis sa room para kausapin yung doctor. Bad news din naman. Tinawagan ko
na ang parents namin para ipaalam sa kanila ang nangyayari. Bumalik na din ako kaagad sa room
ni Jin pagkatapos ko makausap sina dad. Nagsilapitan din naman agad sila sakin.

"Anong nangyari lolo?" -Mafelle
"Anong sabi?" -Spencer

KL's POV

Nandito na ako sa hospital ngayon kasama sina Spencer, Steven, Mafelle pati Jessica. Si Zia
hindi nakasama samin. Hinihintay lang namin bumalik si Kuya Hiroshi. Kinausap niya kasi yung
doctor. Sana naman good news na. Pagkabalik niya, tinadtad agad siya ng tanong kung ano daw
ang sabi ng doctor.

"Malala daw talaga ang pagkakabagok ni Jin. Kapag hindi daw siya nagising in 3 days, mukhang
malabo na daw na magising pa siya sa condition niya ngayon. Puro machines na lang kasi ang
bumubuhay sa kanya but don't lose hope. Magigising si Jin diba?"

Napaupo ako. Nalungkot naman ako dun. Hindi pala. Parang nawalan ako ng pagasa :( Magising ka
na kasi bessy! Hindi pwede na ganyan ka na lang! Lumapit ako kay Jin.

"Jin naman e! Gumising ka na dyan! Hindi pwedeng ganyan ka na lang forever! Wag mo na hintayin
pa yung 3 days! Jin naman e! Wag naman ganyan"

Naiiyak na ako :( Hindi ko kasi matanggap e. Nilapitan ako ni Spencer at Kuya Hiroshi para
icheerup ako at para marelax din ako. Pinaupo na lang muna nila ako.

"Okay lang yan Babe. Magigising siya. Wag ka magalala" -Spencer
"Paano kung hindi?! May magagawa ka ba kapag hindi?! Diba wala?!"
"Kasalanan kasi to nung Terrence na yun! Bubugbugin ko talaga yun pag nakita ko! Mananagot siya
sa ginawa niya kay Jin" -Steven
"Guys, relax lang. Masyado kayong pessimistic. Isipin niyo na lang na kakayanin niya yan. Kung
malulungkot at magagalit kayo dyan, ano sa tingin niyo magiging reaction nun kung nakikita niya
kayo? E parang sa sinasabe niyo kasi sumusuko na kayo e" -Jessica
"Oo nga. Tama si Jessica" -Mafelle.
"Ipagpray nalang natin na maging okay na siya. Basta within 3 days, magigising din siya. Wag
kayo magalala" -Axel

Tama nga naman sila. Malulungkot si Jin kung alam niya na ganito kami. Sorry bessy.

"Mafelle. Alam na ba ni Gab yung nangyari kay Jin?" tanong ko
"Alam niya na. Sabe niya, wala daw siyang pakialam kay Jin"

Nanahimik na lang ako. Naiinis ako e! Biglaan na lang umalis yung Gab na yun tapos ngayon,
parang wala lang sa kanya si Jin? Kapag nakita ko talaga yung Gab na yun, masasaktan talaga
siya sakin!

***

Biglang may pumasok sa pinto. Babae na naka all black tapos red na red na lipstick. Ano ba to?!
Libing para magsuot ng ganyan?!

"Hello?" -Mika
"Bakit ka nandito?! At isa pa, nangiinsulto ka ba?!"
"Sorry about this. Wala kasi talaga akong maisuot. Bakit? Bawal na ba dumalaw kay Jin?"
"Umalis ka na nga! Wag ka na makigulo dito"

Biglang may pumasok sa pinto. Si Zeke naman.

"Pati ikaw nandito din?" -Spencer
"I just want to see Charel. That's all. After that, I'll leave" -Zeke
"Hoy Zeke. Kausapin mo nga yang girlfriend mo. Gumagawa ng gulo dito" -Steven
"Mika, just go" -Zeke
"Why would I?! Bawal-- okay. I'm leaving!" -Mika

Nakatingin kasi ng masama sa kanya si Zeke. Buti naman umalis na siya. Nakakainis e.

"Sorry about her. Wag niyo sana masamain ang pagpunta ko dito. Nabalitaan ko kasi ang nangyari
sa kanya. Axel, sorry about your sister. I hope na magising na siya agad" -Zeke

Lumapit si Zeke kay Jin. Hinawakan niya yung kamay ni Jin tapos kiniss niya sa forehead. Kahit
papano naman may kabaitan pa tong si Zeke. Si Mika lang talaga yung dahilan kung bakit nagiging
masama din siya.

"Axel, thanks for allowing me to come here. Pasensya na sa ginawa ni Mika. Wala akong alam
doon. I'll be leaving then" -Zeke
"Sige Zeke. Sana makabalik ka dito para bisitahin ulit siya" -Axel
"I will"

Tapos lumabas na siya.

"Who's that girl?" -Jessica
"Si Mika yun ate Jessica. Yun yung girl na gustong gusto na nagsasuffer si Jin"
"Ang sama naman ng ugali nun" -Jessica
"Hayaan mo na yun panget" -Axel

***

Mag na-nine na din ng gabe. Maya maya uuwi na kami dahil may pasok pa bukas.

"Lolo, uwi na ako ah? Gabi na e. Baka pala hindi ako makapunta dito bukas" -Mafelle
"Same village lang tayo diba? Sabay na tayo umuwi. Uuwi na din naman ako" -Jessica
"Yea. Sure" -Mafelle
"Spencer, kayo muna magbantay kay Jin. Hatid ko muna sila sa labas" -Axel

Maya maya, may pumasok sa pinto na nakashades at cap. Si Terrence lang pala. Gwapo pa din kahit
simple lang yung suot niya at kahit may bandage siya sa noo. May dala din siyang fruits pati
flowers. Yung flowers nilagay niya sa side table ng bed ni Jin tapos yung fruits dun sa dining
table.

"Steven. Itigil mo na kung ano man ang binabalak mo" warning ko kay Steven
"Oo na. Chilled naman ako e" -Steven
"Pre, pwede bawasan to?" -Spencer
"Sige lang. Para talaga sa mga bisita niya yan" -Terrence
"Oh. Pwede pala e. Kaen tayo! Haha!" -Spencer

Terrence's POV

Nagusap kami ni Axel na magsasalitan kami sa pagbabantay kay Jin. Na ako na lang magbabantay sa
kanya kapag gabi at siya naman kapag umaga. Nasa hospital na ako ngayon. Pagkadating ko, wala
si Axel pero nandito naman sina Steven, Spencer and KL.

"Are there any news about Jin?" tanong ko
"Nakausap ni kuya Hiroshi yung doctor kanina. Ang sabi, within 3 days, kapag hindi nagising si
Jin, mukhang wala na daw pagasa na magising pa siya. Puro machines na kasi yung bumubuhay sa
kanya" -KL
"At kasalanan mo yun" -Steven
"Sorry. Wala namang may gusto mangyari to diba? Gusto ko si Jin. I do even think that I love
her at ayoko masaktan siya. Kung pwede lang na ako yung nasa condition niya, gagawin ko yun" -
Terrence
"May gusto ka kay Jin?!" -KL
"Alam mo KL, that doesn't matter. Ito lang tandaan mo Terrence. Kapag si Jin--" -Steven
"I know. Hindi mo na kailangan ulitin. Magigising siya kaya wag ka magalala. Alam kong gigising
siya"

Biglang pumasok sa room si Axel.

"Oh Terrence, nandito ka na pala. Anong nangyayari dito?" -Axel
"Sinabi lang namin sa kanya yung balita tungkol kay Jin" -Spencer
"Aalis na din kame kuya. Gusto man namin magstay, pero may pasok pa bukas e" -KL
"Sasabay na ako sa inyo. Si Terrence lang yung magbabantay kay Jin ngayon" -Axel
"Alagaan mo si Jin ah?" -Spencer
"I will. Don't worry"
"Sige alis na kami" -Axel

Ako na lang magisa ang naiwan dito pero okay lang dahil si Charel naman ang babantayan ko. Alam
ko na malaki galit sakin ni Steven. Kaibigan siya ni Jin kaya naiintindihan ko siya. Kahit ako
naman e, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kailangan niya magising in 2 days time. Hindi
pwedeng matulog na lang siya dyan.

Lumapit ako sa kanya. Naglagay ako ng upuan sa gilid ng bed niya para doon lang ako umupo.
Gusto ko nasa tabi ko lang siya. Hawak ko ang kamay niya ngayon. Jin, please be strong. Nandito
lang kami at hihintayin namin ang pag gising mo.

Gab's POV

Tinawagan ako kanina ni Mafelle para sabihin yung balita tungkol kay Jin. 3 days?! Paano siya
magigising agad sa loob ng 3 days?! Paano kung mag give up ang parents ni Jin?! Edi wala na? At
isa pa, kapag lumipas ang tatlong araw, Malabo na magising pa siya? Kalokohan -___- Kailangang
gumising ni Jin. Bumalik na ako at poprotektahan ko siya at hindi ko siya hahayaang mapahamak
at masaktan pa ulit.

***

3am na. Nandito ako ngayon sa hospital. Nagtanong na din ako sa nurse para malaman kung sino
ang nagbabantay sa kanya. Isang lalaki daw at pakiramdam ko na hindi si Axel yun. Pumunta na
ako sa kwarto niya at pagbukas ko ng pinto, may lalaking natutulog doon sa upuan sa tabi niya.
Buti naman at walang ibang tao. Nakadisguise din naman ako e. Lumapit ako kay Jin. Yung lalaki
hawak yung kamay niya. Sino ba siya? Bakit siya nandito at bakit grabe makadikit kay Jin?! -
___- Sobrang namiss ko siya at nahihirapan ako na makita siya na nahihirapan din. Nagulat ako
ng biglang may nagbukas ng pinto. Si Axel lang pala. Napaaga yata ang balik niya. Buti hindi ko
tinanggal yung disguise ko. Naglakad na ako palabas ng room ni Jin, pero bago pa man ako
makalabas pinigilan ako ni Axel. Hinawakan niya ako sa braso.

"Sino ka? Bakit ka nandito?" -Axel

Tinanggal ko yung pagkakakapit niya sa braso ko tapos umalis na. Hindi na din ako babalik sa
hospital para hindi sila magtaka. Okay na sakin na nakita ko si Jin.

Axel's POV

Sino naman kaya yung tao na yun? Hindi kaya nagbabalak siya na patayin si Jin? Mukha kasing
hahawakan niya na yung sa oxygen ni Jin. Nagulat din siya nung makita niya ako. Bakit din kasi
pupunta siya dito ng tulog ang lahat? Ginising ko naman agad si Terrence. Nakatulog kasi siya
sa tabi ni Jin.

"Sorry. I fell asleep. Anong meron?" -Terrence
"May pumasok dito kanina. Hindi mo ba namalayan?"
"Hindi. Sino naman?"
"Nakamask siya, nakashades at cap. Kailangan nating bantayan si Jin. Mukhang may masamang
binabalak ang lalaking yun"
"Pasensya na talaga. Hindi na ako pwedeng makatulog dito sa susunod. Babantayan ko na ng maigi
si Jin"
"Sige. Sa susunod, babalik din ako ng mas maaga. Kailangan magsalitan talaga tayo sa
pagbabantay dahil baka ano pang mangyari"

Sino kaya yun? Hindi kaya si Gab? Imposible naman kasi. Nasa Japan siya at kung siya man yun,
hindi niya kayang gawan ng ganun si Jin at hindi niya na kakailanganin pang takpan yung mukha
niya. Simula ngayon, kailangan na naming siyang bantayan ng maigi.
*******************************************
[48] CHAPTER 37: The decision
*******************************************
Chapter 37: The Decision


Axel's POV

Saturday morning. November 19. Nandito pa din ako sa hospital. Kasama ko si Terrence dito
ngayon. Hindi na din naman bumalik yung lalaki. Siguro dahil nahuli ko siya. Hinihintay lang
namin ang pagdating nina KL para sila naman ang magbantay. Uuwi din kasi si Terrence at ako
naman, susunduin sa airport ang parents ko. Mga 8 na din ng umaga ng dumating si Jessica dito.

"Hi Panget. Hi Terrence. Wala pa din bang balita kay Jin?" -Jessica
"Wala pa nga e. Magtithree days na mamaya"
"Don't worry panget. Magigising din siya"
"I hope so"

Hindi din naman nagtagal at dumating na si KL.

"Nagising na ba siya?" -KL
"Hindi pa din" -Terrence
"Don't worry. Wag tayo mawalan ng hope. She will wake up"
"Sana nga kuya" -KL

***

"Sige uwi na muna ako, babalik din ako mamayang hapon" -Terrence
"Ako din. Mag na9 na e. Kayo na muna bahala kay Jin ah?"
"Sige panget. Ingat kayo" -Jessica

Lumabas na kame parehas sa room ni Jin. Si Terrence pumunta na sa kotse niya at ganun din naman
ako. Nagmadali na din akong pumunta sa airport. Hinihintay ko na lang ang pagdating nila. Hindi
rin nagtagal at nakita ko na sila. Lumapit din naman sila agad sakin.

"Axel. How is Charel?" -Dad
"Di pa din siya nagigising dad"
"Kawawa naman ang dalaga ko" -Mom
"Let's eat first" -Dad
"Dad, don't you want to go to the hospital first?"
"Axel, Jin can wait. Let's eat first, okay?" -Mom

Sumakay na kami sa sasakyan ko at pumunta sa restaurant na gusto nilang kainan. Nakakainis.
Nagawa pa nilang unahin to kaysa kay princess. Hindi ba pwedeng unahin siya?! Makapaghihintay
naman ang pagkain e -___- may mga kainan naman sa hospital. Ganyan ba talaga epekto ng business
sa kanila? Nandito na kami ngayon sa restaurant. Kumain na sila at nag coffee lang ako.

"Axel. Listen. Your mom and I have something really important to tell you" -Dad
"What is it?"
"Just in case na hindi magising si Jin. We will cut the life supporter. We can't--" -Mom
"No! Mom, Dad! How could you do that?! No! You can't kill her! She can't die!"
"Axel. Pinagusapan na namin to ng mom mo. Kagaya nga ng sinabi mo, after 3 days kapag hindi
siya nagising, it is now impossible for her to wake up" -Dad
"Just be prepared Axel. I know that it's hard to let go of her but we need to be prepared so
that hindi na tayo masyadong mahihirapan" -Mom
"Jin will wake up. You can't do this. Anak niyo siya diba? Bakit parang ang dali lang para sa
inyo na sabihin yan?!"
"Axel! Parents mo pa din kame! Wag mo kami pagtataasan ng boses!" -Dad
"Whether you like it or not, that is our decision. Kailangan mo nang ihanda ang sarili mo for
the worse. We are still hoping na gigising siya. Mahirap din ito para samin pero mas
papahirapan lang natin si Jin kapag ipinilit pa natin" -Mom
"I don't know"
"We're sorry Axel. We just want you to be prepared for everything" -Dad
"I can't believe that you can do this Dad"
"Were very sorry Axel"

***

Nandito na kami sa hospital. Nagsilabasan muna sina KL para masolo namin si Jin. Si Mommy
nakasandal ngayon sa balikat ni Dad at umiiyak. si Dad naman alam kong nahihirapan na pero
pinipigilan niya lang na umiyak. Alam kong gustong maging strong ni Dad para samin.

"Jin, I don't know na possible na mangyari to sayo. Please wake up our baby girl. Nandito na si
Mommy" -Mom
"Charel, nandito na din si Daddy. Please be strong okay? Mahirap kasi na nakikita ka namin na
ganyan. Maraming naghihintay sa pag gising mo baby" -Dad
"Mom, Dad"

Tumayo ako para yakapin sila. I need to comfort them. I know na nasa point na sila na gusto na
nilang sumuko na lang pero hindi pa din ako susuko. I'm still hoping na gigising siya kahit na
matagal pa yan.

"We love you princess. Please wake up. Nandito na kami oh. Wag mo naman kami masyadong
paghintayin ng matagal oh"

Naiiyak na din ako. First time ko nakita na umiyak ng sobra si Mommy. Si Dad naman, hindi na
rin napigilan na maiyak. Alam kong nahihirapan na sila. Although they've decided to let go of
Jin kapag hindi siya nagising agad, alam ko na hindi nila kaya yun but they are preparing
themselves sa mga possible na mangyari.

"Tama na nga tong drama. Magigising si Jin. Hindi natin siya agad igigiveup. Hindi pa nga tapos
ang 3 days e" -Mom

Pinunasan naman ni Dad yung luha ni Mommy tapos umupo na sila dun sa may couch. Lumabas na ako
para icheck yung mga nandito na sa hospital. Si Mafelle, KL, Steven, Spencer, Jessica, Zia.
Sila lang yung nandito para kay Jin. Si Gab kaya? Wala ba talagang balak magpakita yun?
Pagkatapos niyang g*guhin yung kapatid ko? -___-

***

7 na ng gabi. Kakadating lang din ulit ni Terrence. Nagdala siya ulit ng flowers para kay Jin.
May dala din siyang food para makakain ang lahat. Dumating na din dito si Zeke at sabi niya,
magsstay siya dito hanggang madaling araw at ganun din naman sina KL. Kumakain kaming lahat
nang biglang may mapansin si KL.

"Hala! Steven tumawag kayo ng doctor!! May problema kay Jin! Dali!" -KL

Nagmadali naman si Steven na tumawag ng doctor at pinalabas muna kaming lahat. Nagkaroon kasi
ng problema sa heartbeat niya. I just hope na she will survive this.

"Waaaaaah! Jin naman e" -KL

Umiiyak si KL ngayon. Kinocomfort naman siya ni Spencer at Steven. Si Terrence, Mafelle, sina
mom and dad pati Jessica naman, nagdadasal. Maya maya, lumabas na ang doctor sa room ni Jin.
Nagsilapitan din naman kaming lahat.

"Kayo po ba ang parents ng pasyente?" -doctor
"Kami nga po. Ano na po bang nangyari? Kamusta na siya" -Mom and Dad
"Nagkaroon ng problema sa heartbeat ng pasyente. We thought that she won't survive this but
luckily, she did. Okay na po siya ngayon. Alam niyo na din naman siguro ang tungkol sa brain
failure ng pasyente. Ngayon pa lang po, sinasabe ko na. Mukhang malabo pa na magising ang
pasyente. There are only a few cases na nagigising pa ang pasyente at kadalasan, nagkakaroon pa
ng amnesia. Yung iba inaabot ng 10-20 years before magising" -doctor
"Doc, what are our options?" -Dad
"It's either, euthanasia where tatanggalin niyo na ang mga machines na bumubuhay sa kanya or
just let her stay in that state. I'm very sorry Sir, Mam but those are the only options that
you have. Sige po"

Umalis na yung doctor. Pumasok na kami lahat ulit sa room. Patuloy pa din sa pagiyak si KL.
Nandoon siya ngayon sa tabi ni Jin.

"Jin naman kasi e! Gumising ka na dyan! Hindi pwede na ganyan ka na lang! Wag ka naman ganyan
oh. Gumising ka na please! Lumaban ka Jin!" -KL

Pinuntahan ko naman sina Mom and Dad. Naguusap kasi sila sa labas. Pagkakita sakin ni Mommy,
niyakap niya agad ako. Umiiyak siya.

"We're very sorry Axel. Labag man to sa loob namin but were giving up. Ayaw na namin mahirapan
pa ang kapatid mo" -Mom
"Mom, please don't do this!"
"Axel, nanay ako. Sobrang hirap para sakin to. Mahal na mahal ko ang kapatid mo but seeing her
in that state na binubuhay lang siya ng madaming machines, mahirap. Nasasaktan ako para sa
kanya and every time na nakikita ko ang mukha niya, kitang kita ko na nahihirapan siya. Ayoko
na mahirapan pa siya" -Mom

Umiyak na ako. Hindi ko na napigilan.

"Ma, paano na si Jin? Papatayin niyo siya sa gagawin niyo. I don't want her to die. I won't let
that happen. Please don't give up!"
"Axel--" -Dad
"Dad! Wag! Wag nyo na ituloy. Kahit maghintay pa tayo ng 10 years, kakayanin natin to Dad.
Maawa kayo kay Jin"
"Axel. We made our decision and that decision is final" -Dad

Naiwan lang muna ako dito sa labas. Sina Mom and Dad, pumasok na sa room ni Jin para kausapin
sila about sa decision nila. Alam ko na kung paano sila magrereact. Pero wala na kaming
magagawa. Sila naman ang masusunod :( Paano na si Jin? Hindi ko matanggap. Imemercy killing
nila si Jin para hindi na siya mahirapan? Ayoko! Lumalaban naman si Jin diba? Kaya nga hindi
siya tuluyan na nawala kanina e. Kailangan niya magising. Sign na ba yung pag I love you niya
sakin bago siya maaksidente? Bakit naman ganun? Kailangan makasama muna namin siya bago niya
kami iwan. Oo, natupad na yung pangarap niya na magmodel, pero hindi talaga pwede to!

I really can't understand my parents. Bakit naman kasi sila nagarrive sa ganun na decision e -
___- Hindi ba nila mahal si Jin? Of course, mahal nila. Alam kong nasasaktan sila pero bakit?
Why are they giving up on her? Dahil ba sa work? Hindi naman siguro diba? Hay.

Pumasok na ako sa room at nagiiyakan sila. Ang lungkot ng atmosphere dito -___- Anyway, bukas
ng gabi nila puputulin yung life supporter ni Jin. We are not expecting na may mga bisita.
Gusto lang namin, yung mga malalapit na tao lang samin yung nandito.

"Axel, umuwi na muna tayo. Hayaan mo muna na sila magbantay dito. Magpahinga ka muna para
makabalik tayo dito bukas ng madaling araw" -Mom
"Sige po Mommy. Kausapin ko lang muna si Terrence"

Nilapitan ko si Terrence na nakaupo lang dun sa couch at nakatungo.

"Terrence, ikaw muna maiwan dito ah? aalis muna kami"
"Sige"

Umalis na kami at umuwi para magpahinga. Napansin ko lang na puro calls ang narereceive ng
parents ko. For sure, work related lahat ng yun.

KL's POV

Jin :( Kinausap ako personally ng parents niya at kung bakit ganun ang naging decision nila.
They are giving up on her. Why? Ayaw na daw kasi nila umasa lang tutal malabo naman na magising
daw siya. Ayaw lang nila patagalin pa yung paghihirap ni Jin. Sabagay, kahit ako nahihirapan
para sa kanya e. Kapag nakita mo kasi sya, mukhang hirap na siya pero pinipilit niya pa
lumaban. At ito ako ngayon, pinipilit na huminahon. Kanina pa kasi ako umiiyak. Hindi ko
matanggap yung gagawin nila kay Jin pero wala akong magagawa. I need to accept and respect
their decision.

Minsan kasi, kailangan mo nang maglet go kapag mahirap na. Even though gusto mo pa maghold on,
wala na talaga e. That's life. Everything happens for a reason. I know that God has a better
plan. Sign na ba ng pagalis niya yun? Nag I love you kasi siya sakin nung last time na nakausap
ko siya. Hindi naman kasi yun basta basta naga I love you e. Bakit ganun? Nagpahiwatig pala
siya at ngayon ko lang narealize.

I'm still hoping na gigising pa din si Jin before pa man putulin yung life supporter niya. She
needs to. But now, I need to let go of her. Pinipilit ko na tanggapin yung mangyayari sa kanya
ngayon pa lang.

Terrence's POV

Pakatapos ko malaman ang decision ng parents ni Jin. Puro lungkot at galit lang ang naramdaman
ko. Galit ako sa sarili ko. Kasalanan ko to e! Kung hindi dahil sa katangahan ko, hindi kami
dapat naaksidente. Hindi dapat siya ganyan ngayon. Lungkot kasi hindi ko matanggap. Hindi ko
kaya mawala si Jin. Oo, napapamahal na ako sa kanya. Kung pwede lang na ako na lang at wag na
siya kaso malabo yun.

Ako na lang ang nandito sa room ngayon. Lumapit ako kay Jin at hinawakan ko yung kamay niya.

"Charel, please don't be like this. Alam ko na pinipilit mo lumaban kaya nga nagsurvive ka
kanina diba kasi gusto mo pa mabuhay. Jin, kapag hindi ka nagising bukas ng gabi, tatanggalin
na nila ang life support mo. Gusto mo ba yun? Gusto mo pa mabuhay diba? Please Jin, I'm begging
you to wake up. Kung sila sumuko na sayo at tinanggap na yung fact na bukas mamamatay ka na,
ako hindi. I won't give up on you. Even if it takes 10 or 20 years, I'm still willing to wait.
They did gave up on you pero alam kong it took them a lot of courage to arrive with that
decision. Jin, please wake up"

Biglang nagbukas yung pinto. Nandyan na pala sina KL.

"Steven. Magusap tayo. Yung tayong dalawa lang" sabi ko
"Let's go" -Steven
*******************************************
[49] CHAPTER 38: Goodbye
*******************************************
Chapter 38: Goodbye


Steven's POV

Nandito kami ni Terrence ngayon sa isang abandoned building sa Antipolo. Kaming dalawa lang.
Gusto niya daw kasi akong makausap.

"Oh? Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko
"Let's drink"
"G*go ka ba?! Dadalhin mo ako dito para lang maglasing?! Bugbugin kaya kita dyan para makatulog
ka agad?"
"Wag ka magmadali. Dadating din tayo dyan"
"Wag mo ko idamay sa paglalasing mo. Ikaw na lang. Walang magdadrive mamaya"
"Ge"

Makakapaghiganti na ako sa ginawa niya kay Jin. Kung alam lang nila kung gaano kalaki ang galit
ko sa lalaking to. Bilang na ang oras ni Jin nang dahil sa kanya. Hinayaan ko lang siya na
magpakalasing dun. Naka isang bote din siya ng black label. Tss. Lakas din pala uminom nito e.

"Ano? Okay ka na?" tanong ko
"Sige na. Bugbugin mo na ko. Yun naman ang gusto mo diba? Alam ko na malaki galit mo sakin.
She'll be dead by tomorrow"
"Ang dami mong satsat!"

Pinagsusuntok ko siya at hindi siya lumalaban.

"Kapag natuluyan si Jin, mapapatay talaga kita!"
"Hindi ko naman sinasadya diba? Mahal ko si Jin!" -Terrence

Naubo siya dun. Puro dugo na din siya. Nakarami na din kasi ako ng suntok at sipa sa kanya.
Tinigilan ko na din naman siya.

"Mahal mo si Jin?! Kailan pa?"
"Matagal na dude. Kung pwede lang talaga na ako na lang at hindi siya"

Inabot ko yung kamay ko sa kanya para tulungan siya makatayo pero tumayo siya magisa. Tinapik
niya yung balikat ko.

"Pasensya na pre. Hindi ko nagawang protektahan si Jin. Wag ka magalala. Pagkatapos nito, hindi
niyo na ako makikita pa"
"Siguraduhin mo lang. Tara na nga"

Axel's POV

Sunday. November 20. 4:00 pm

This is the day. She should wake up. By 9 pm, puputulin na nila ang life supporter niya. Si
Terrence at ako lang yung nandito sa hospital. Kung kailan naman last day niya, ayaw pa nila
magsipuntahan -___-

"Terrence. Bakit nga pala may pasa ka? Anong nangyari dyan? Si Steven ba?"
"Hindi. Napaaway lang kagabi. Wag mo na pansinin to. Ang importante, si Jin"
"Kaya nga. Kailangan niya magising bago mag nine"
"Nasaan na nga pala sina tita?"
"Inaayos pa yung para sa mamaya"

Biglang may dumating. Si Mafelle.

"Lolo" -Mafelle
"Hindi ba pupunta si Gab dito?"
"Hindi ko nga siya macontact e. Pero sabi niya lang sakin nung pinaalam ko yung nangyari kay
Jin, wala na daw talaga siyang pakialam" -Mafelle
"Ang sama nun ah?!" -Terrence
"Hayaan mo na Terrence. Wala tayong magagawa"

***

8 pm na. Nandito na silang lahat kahit si Zeke nandito din. Sina Mom and Dad na lang ang
hinihintay. Biglang may pumasok na sa door. Naka all black na babae.

"Condolence" -girl
"Hoy Mika! Hindi pa siya patay! Kung ayaw mo mamatay, umalis ka na dito!" -KL
"Chill lang babe" -Spencer
"Anong chill yang sinasabi mo? Nakakainis kaya yang babaeng yan!" -KL
"Ano ba Mika? Umalis ka na dito!" -Zeke
"Babe. I also want to see my mortal enemy bago siya mamatay. Sayang. Hindi niya pa nababawi
lahat ng inagaw ko sa kanya" -Mika

Nilapitan siya ni Steven at kinaladkad palabas.

"Sorry about her" -Zeke
"Hayaan niyo na. Hindi kaya siya yung nagbalak ipapatay si Jin?"
"Ha?!" -silang lahat
"What do you mean lolo?" -Mafelle
"Nung thursday night, may nakita akong lalaki na nakatakip yung mukha. I caught him na
tatanggalin yung oxygen ni Jin"
"Nakakainis talaga yung Mika na yun! Kalbuhin ko yun e! Buti dumating ka agad" -KL
"I don't think na si Mika yun. I know she's mean pero di niya kakayanin pumatay" -Zeke
"Paano mo nasabi? We saw and heard her. Wasn't that enough for us na isipin na siya yung
nagpautos na ipapatay si Jin?" -Terrence
"Guys, I think Zeke is right. Parang di naman kaya nun na gumawa ng ganun" -Jessica
"I also agree with Jessica" -Zia
"Hindi naman ba bumalik yung gusto pumatay sa kanya?" -Spencer
"Hindi na"
"Buti naman kung ganun kuya" -KL

Nagopen yung door.

"Umalis na si Mika" -Steven
"Dapat lang! Nakakainis pagmumukha nun e!" -KL

Hindi rin nagtagal at dumating na din sina Mom and Dad at may dala na food.

"Here. Have some snacks first then after that proceed na tayo" -Mom

Binigyan nila kami ng food. Nagstay lang muna kami sa labas kasi gusto daw nila ng alone time
with Jin. Maya maya pumasok na ako sa room para samahan sina Mom and Dad. I saw them crying.

"Mom, Dad"
"Hindi na siya lumaban Axel e. Kasi kung lumalaban pa din siya, she should be awake by now.
Diba? I'm gonna miss her" -Mom
"Jin, we love you. It's just that ayaw ka na namin makita pa na nahihirapan. Mahirap baby e. We
know na lumalaban ka. Pero bakit ganun hindi ka pa din nagigising? Please give a sign. Give us
a sign para di namin to ituloy" -Dad
"Dad, wag niyo na lang po ituloy"
"Nakapagdecide na kami. That won't change" -Dad
"But what if magising sya bukas?"
"Narinig mo ang doctor Axel. It's impossible for her to wake up. Kailangan mo din pumasok.
Hindi pwedeng sa kanya lang umiikot ang buhay natin. We should start a new life. Walang
mangyayari satin kapag naghintay lang tayo sa kanya" -Mom
"Mom, how could you say that? Love niyo si princess diba?"
"We do and we're doing this for her. You don't know kung anong hirap nito para sakin. Ako ang
nagluwal sa kanya. It really hurts for a mother like me and seeing her suffering makes it even
more difficult for me" -Mom
"We need to stop this. Baka kung saan pa mapunta to at magkaaway lang kayo ng mommy mo. Lalabas
na kami para tawagin ang doctor. Tawagin mo na sila para makapagpaalam na kay Jin" -Dad

Lumabas na sina Dad and Mom.

"Jin. I'm sorry. Hindi ko sila maconvince para hindi na nila ituloy to. I'm really sorry. I
love you princess. I'll always will"

Kiniss ko siya sa forehead at lumabas na para tawagin sila na mag goodbye na kay Jin. Si KL ang
unang lumapit kay Jin.

"Bessy naman e! Akala ko ba wala tayong iwanan? Gumising ka na. May konting oras pa oh! Sorry
ah? Sumuko na din kasi ako. Thank you sa lahat ng memories. Hinding hindi kita makakalimutan. I
love you Jin! Mamimiss kita!" -KL

Umupo na si KL at umiyak. Kinomfort naman siya ni Spencer. Si Zeke naman yung sunod na lumapit
kay Jin.

"Charel. Ano ba?! Wake up! You can't just sleep there! Diba sabi mo babawiin mo ako kay Mika?
Gagawin mo pa yun diba? Gumising ka na dyan! But Jin, if you won't be able to wake up, I want
to say thank you and sorry. You have been a good girlfriend to me. Sorry, niloko kita. I know
na I'm already forgiven but I'm still sorry for that. I'll never ever forget you Charel" -Zeke

Kiniss niya si Charel sa forehead tapos umupo na din. Si Steven at Spencer naman yung next na
lumapit kay Jin.

"Ano ba naman yan? Saglit pa lang tayo nagkakakilala aalis ka na? Ingat ka dun ah? Kung saan ka
man mapunta. Thank you sa lahat" -Spencer
"Hoy Spencer! Anong kung saan mapunta?! Malamang sa langit yun!" -KL
"Wag ka ngang magulo! Nagdadrama ako dito!" -Spencer
"Oo na!" -KL
"Jin, thank you at naging good friend ka samin kaso niloko ka lang ng naturingan na bestfriend
namin. Basta ingat ka ah? Mamimiss kita" -Spencer
"Oi Jin! Bakit ayaw mo gumising ha?! Ano ba gusto mo? Bugbugin ko may gawa sayo nito? Wag ka
magalala dahil nabugbog ko na! At yung Gab na yun, hindi man lang nagawang magpakita dito.
Kapag nakita ko yun, papatayin ko siya para sayo. Thank you pala ha? Ang bait bait mo kasi kaya
inuna ka tuloy. Dapat tinularan mo ako na masamang damo e. Pero syempre joke lang yun. Mamimiss
kita. Sana maging masaya ka na sa afterlife" -Steven

Umupo na din sila. Si Terrence naman yung next. Hinawakan niya yung kamay ni Jin.

"Charel, hindi mo man lang ako binigyan ng chance na ligawan ka oh. Why are you being unfair?
Natupad lang yung pangarap mo magmodel, iniwan mo na kami. You should be alive and I should be
the one suffering. I'm really sorry for making you be in that state. Thank you for the little
time na nakasama kita and for that time, naramdaman ko na napasaya kita. I love you Charel. I'm
gonna miss you"

Kiniss niya din sa forehead si Jin at dumating na din naman sina Mom and Dad na kasama na yung
doctor.

"Okay na po ba?" -doctor
"Yes doc. Gawin na natin bago pa magbago ang isip ko" -Mom
"Pwede niyo na pong tanggalin ang life supporter niya Ma'am" -doctor

Nagiiyakan na ngayon. Hinawakan na ni Mommy yung life supporter niya.

"I'm sorry baby" -mom

Hinintay namin na tanggalin pero binitawan niya din naman.

"I can't. Hindi ko kaya hon. Hindi ko kaya patayin ang anak natin" -Mom
"Hon, you should be the one to do that" -Dad
"Okay. I'll try"

Hinawakan na ulit ni Mom yung life supporter tapos pumikit siya.

"I'm sorry Jin. Tatanggalin ko na. We love you" -Mom

*blag*

Natigilan si Mommy dahil may sumira ng pinto. Nakalock kasi e. Lahat naman kami napatingin dun
sa pinto at nagulat sa nakita namin. Si Gab.

"Am I late?"

Gab's POV

"Just in time" -Steven

Sinuntok naman ako agad ni Steven. Bagay lang sakin yun dahil sa ginawa ko kay Jin. Inaasahan
ko na talaga yung suntok na yun. Pero ang importante ngayon, nakaabot ako at hindi pa
natatanggal ang life supporter niya. Ni hindi ko man lang alam na may euthanasia pala na
mangyayari. Kung hindi dahil kay Zia, hindi ko pa malalaman.

"What are you doing here? Buti may guts ka pa na pumunta dito?" -KL
"Hindi na importante yan ngayon. Ang importante, si Jin"

Lumapit ako kina tito at tita.

"Sir, Maam. Please. Wag niyo na pong ituloy"
"We have decided Gab. We're sorry. Just say your goodbyes to Jin now. Walang makakapag pabago
ng isip namin" -Tito

Tumingin ako kay Jin. Kita ko sa mukha niya na nahihirapan na siya. Hinawakan ko ang kamay
niya. Hindi ko namamalayan na may tumulo na luha sa mata ko.

"Jin.."

Humarap ako ulit sa Mom and Dad niya.

"Hindi. Hindi ko kaya magpaalam sa kanya. Ito na lang ang kaya kong gawin para sa kanya sa
ngayon ang magmakaawa sa inyo"
"Hindi na magbabago ang isip namin Gab" -tita

Lumuhod ako at hawak ko pa din ang kamay ni Jin.

"Mr. and Mrs. Tan, nagmamakaawa ako. Wag niyo na po ituloy to"
"Tumayo ka na dyan. Ni hindi ko nga napabago ang isip nila, ikaw pa kaya?" -Axel
"Hindi! Hindi ako papayag na mamatay na lang siya ng ganito! Hindi niyo to pwedeng gawin Ma'am,
Sir. Ngayon pa lang nagsosorry na ako sa sasabihin ko. Alam ko na kawalan ng respeto itong
sasabihin ko pero sa tingin ko kailangan ko tong sabihin sa inyo. Magulang kayo, you should
love her unconditionally. Hindi kokinekwestyon yung pagmamahal niyo sa kanya. Pero kung mahal
niyo talaga siya, hindi kayo susuko ng ganito kabilis. Wala pang isang lingo simula ng
maaksidente siya pero sumusuko na kayo? Isipin niyo na lang yung mararamdaman ni Jin. Sagutin
niyo po ako, ano sa tingin niyo ang mararamdaman niya sa gagawin niyo?"
"Wala kang karapatan! In the first place, niloko at sinaktan mo siya! Who are you para isumbat
samin to?!" -tito
"Yes sir, niloko at sinaktan ko siya. Ginawa ko yun at pinagsisisihan ko yun ngayon. Tama po
kayo. Wala akong karapatan pero ayoko na mamatay siya ng ganito kaya ko ito ginagawa ngayon.
Mahal ko po ang anak niyo. Wala akong pakialam kung abutin pa ako ng ilang taon sa kahihintay
para magising siya pero handa akong maghintay. Ako ang magbabantay sa kanya. Kinakain ko na
yung pride ko para lang sa kanya"
"I can't believe you can do this but nothing can stop us from doing this" -tita

Tiningnan ko si Jin.

"Tingnan niyo si Jin. Alam kong mahirap makita na nahihirapan siya ng ganyan pero paano siya
lalaban kung yung mga taong nasa paligid niya, sinusukuan na siya? Alam ko na lumalaban siya
kasi kung hindi, nung naaksidente pa lang sila, dapat namatay na siya. Mahal ko ang anak niyo
at mahirap din po sakin na makita siya na ganyan pero kahit ganun pa man, hindi ako susuko.
Alam kong magigising siya. Hindi man ngayon o bukas pero magigising din siya. Wag kayong sumuko
sa kanya. Lumalaban siya kaya sana wag natin siyang bigyan ng rason para sumuko na din"
"Doc, ipapacancel na namin yung euthanasia. Thank you. You may go now" -tito

Hindi ko na napigilan na umiyak. Hindi dahil sa malungkot ako dahil kay Jin kung hindi dahil sa
Masaya ako na hindi na nila itutuloy yun.

"Tumayo ka na dyan iho" -tita

Tumayo ako tapos niyakap sila.

"Salamat po at napabago ko ang isip niyo. Wag kayong magalala, aalagaan ko siya ng mabuti. If
you dont mind po, pwede ko po ba siyang kausapin magisa?"
"Sige iho. Let's go everyone. Hayaan muna natin sila" -tita

Lumabas na din sila.

"Hon! Naconvince ko sila na wag na ituloy yung euthanasia. Ngayon kailangan mo lumaban at
gumising dyan. I'll always be here to guard, care and love you"
*******************************************
[50] CHAPTER 39: Love Triangle
*******************************************
Chapter 39: Love Triangle


Gab's POV

Iniwan na muna nila ako para masolo si Jin.

"Hon! Naconvince ko sila na wag na ituloy yung euthanasia. Ngayon kailangan mo lumaban at
gumising dyan. I'll always be here to guard, care and love you"

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Nandito na ako. Hindi na kita papahirapan o sasaktan ulit. Hindi ko din papayagan na masaktan
ka pa. Alam mo ba, akala ko di ko mapapapayag yung parents mo. Ginawa ko lahat ng makakaya ko
at napapayag ko din sila. Kaya ikaw kabayo, gumising ka na. Tagal na ng tulog mo e. Di ka ba
napapagod? Magpapakasal pa tayo kaya kailangan mo agad gumising dyan. Isa pa, gusto mo maging
valedictorian. Hindi pwedeng matulog ka na lang dyan. Marami ka nang namiss na lessons oh. Sige
ka, pag nalamangan ka ni Mika, wala na"

Biglang may nagbukas ng pinto. Paglingon ko, sina tito and tita. Nilapitan ko din naman muna
sila.

"Gab, were leaving. Ikaw na bahala kay Jin ah? Pinapaubaya na namin siya sayo. Please don't
hurt her ever again. We'll be heading to China by tomorrow morning. Masyado na kaming matagal
nawala sa work and the business is really not doing well. So, you take care of her, okay?" -
tita
"Yes tita. Sana maging okay na ang business. Wag kayong magalala, aalagaan ko siya at hindi na
sasaktan"
"Aasahan namin yan Gab. Anyway, you should go to school too. Hindi naman pwedeng nandito ka na
lang. Nandito naman si Terrence. He will take care of her" -tito
"Sige tito"
"Bye Gab"
"Bye. Ingat kayo"

Lumabas na sila. Nagsipasukan na din naman sila KL. Umupo lang muna sila sa sofa. Wala na sina
Jessica, Zeke at si Zia ba yun?

"Hoy Gab! We need to talk" -KL
"Alam ko. Mafelle, umuwi ka na"
"Pero kuya--" -Mafelle
"MAFELLE!"
"Oo na! Sabi ko na nga po e. Uuwi na" -Mafelle

Lumabas na si Mafelle. Sina Spencer, Steven, KL, Axel at ako na lang yung naiwan dito. Pati
yung Terrence ba yun? Umupo na din ako sa may couch para naman makapagusap kami ng maayos.

"Gab. Saan ka ba nagpunta ha?! Bigla ka na lang nawala tapos ngayon naman bigla ka na lang
sumulpot. Daig mo pa yung mushroom" -KL
"Japan. May inasikaso lang ako sa business doon"
"Business nga ba o girlfriend?" -Steven
"Sino nga ba si Risa?" -Spencer
"Hindi na importante na malaman niyo pa kung sino siya. Naging girlfriend ko siya nung nandoon
ako pero wala na kami ngayon"
"Ang dami mong babae pre! Ano ba nangyari sayo ha?! Bigla kang nagbago. Hindi ka na yung Gab na
nakilala namin" -Spencer
"Nagbago ako dahil sa kanya. Gusto ko iparamdam sa kanya yung pinaparamdam niya sakin. Mahal ko
si Jin at mahirap para sakin na gawin sa kanya yun. Yun din yung dahilan kung bakit ginusto ko
na pumunta na lang ng Japan. Ginusto kong iwan at kalimutan lahat ng meron ako diro pero
bumalik ako para sa kanya"
"Bakit ngayon lang? Pinahirapan mo pa siya!" -Terrence
"Kung sino ka man, pwede ka na umalis sa buhay ni Jin dahil nandito na ako. Wag ka na pumapel
dahil sakin si Jin. Sa totoo lang, nung Thursday pa ako nandito"
"Bakit hindi ka pumunta? I was the one who is there for her when you're gone. I'll stay in her
life as long as I want whether you like it or not. Let's see kung kanino siya sasama but for
now, kailangan muna nating magtulungan para sa kanya" -Terrence
"Buti alam mo. Hindi pa ako handa na magpakita sa kanila kaya hindi muna ako pumunta pero
nandito na ako kaya hindi na din mahalaga yun"
"So, ikaw yung nakita ko? Pero bakit gusto mo siyang patayin?" -Axel
"Ako nga yun pero siya papatayin ko? Hindi ko kaya yun. Nagkataon lang na nakita mo na ganun.
Hindi ko siya kaya gawan ng ganun. Mamamatay muna ako bago may gumawa nun sa kanya"
"Mabuti na yung malinaw" -Axel
"But I have a question for Terrence and Gab, sino nga ba yung unknown number na nagtetext kay
Jin?" -KL
"Ako yun. Binabantayan ko lang siya ng patago. Pero nung nakaalis na ako papuntang Japan, wala
naman na nagtext sa kanya diba?"
"Ikaw pala yun. We thought its Terrence" -KL
"Why will I do that such thing kung pwede ko naman siyang puntahan sa bahay nila? At isa pa,
lagi naman kaming magkasama" -Terrence
"Mukha namang nasagot na lahat ng tanong niyo diba?" -Steven
"Yes. It's 10 pm na din. We need to go home. May pasok pa bukas. Gab, magpasabi ka na sa school
dahil baka ma drop ka na" -KL
"Sige. Papasok na ako ulit bukas" -Gab
"Kailangan ko din pumasok bukas. So Terrence, okay lang naman diba?" -Axel
"Ako na bahala kay Jin. Ako na lang din magbabantay sa kanya tonight then pagpunta niyo dito
after class, doon na lang ako uuwi" -Terrence
"Thanks dude. Big help ka" -Spencer
"No problem. Ipinagbilin din naman siya sakin nina tito and tita e" -Terrence

Nakikipag pagalingan din pala sakin tong Terrence na to ah? -___-

Terrence's POV

Nagsiuwian na sila at kaming dalawa na lang ni Gab yung nandito. 12 midnight na din. Parehas
kami nakaupo sa couch at umiinom kami ng coffee.

"So, bigla ka na lang dadating para bawiin sakin si Jin?" sabi ko
"Why? Is she yours? Kailan pa siya naging sayo? She's my fiancee"
"Really? She told me that you're not. I just want to let you know that I'm now her boyfriend
and they all know that"

Nakita ko naman na nagclose yung fist niya.

"Boyfriend pala. Sige tingnan na lang natin kung sino pipiliin niya kapag nagising na siya"
"Let's see. Hindi ka pa ba uuwi?"
"Uuwi na kaya alagaan mo siya"
"Don't worry. I've always been taking care of her while you're gone"

Lumabas na din siya kaagad ng room ni Jin. Alam ko na naiinis na sakin yun. Tama naman diba? I
was the one who is taking care of her while he's away. Iniwan niya si Jin at ako ang laging
kasama ni Jin. I love her kaya hindi ko siya basta na lang ibabalik doon sa lalaking yun. Am I
that confident na ako pipiliin ni Jin? Yes. After what he did to her? I dont think that he will
choose Gab. After all, napalapit na sakin si Jin.

***

June 21, Monday: 8am

Nandito pa din ako sa room ni Jin at binabantayan siya. Tinawagan ko na din si Manager para
pumunta dito at dalhan ako ng pagkain at damit. Dito na lang ako maliligo para mabantayan ko
talaga siya. Ayoko kasi iwanan siya. Baka may kung sinong pumasok dito na may balak na masama
sa kanya. Nakaupo ako ngayon sa tabi ng bed niya. I'm holding her hand and still waiting for
her to wake up.

"T-Terrence?"

May mahinang boses na nagsabi ng pangalan ko. Pagtingin ko sa pinto, wala namang tao tapos
biglang humigpit yung kapit ng kamay sakin ni Jin. Si Jin! Pagtingin ko kay Jin, gising na siya
at nakangiti pa.

"Wait lang Charel! I'll call the doctor!"

***

Nakausap na namin yung doctor and he told us that we're lucky dahil sa nagising pa siya. Based
sa results ng tests sa kanya kanina, maganda na daw ang condition niya Jin. Pwede na nga daw
siya makalabas bukas after ng mga examinations na gagawin sa kanya. Tinanggal na din yung
machines at oxygen na nakakabit sa kanya. Dextrose na lang.

Tinawagan ko na din naman agad si Manager para magmadali na pumunta dito at magdala ng soup
para kay Jin.

Jin's POV

Pagkadilat ko, nagtingin tingin muna ako. Nasa hospital pala ako. Naalala ko na naaksidente
pala kami. Una kong hinanap si Terrence. I want to know if he's okay and luckily, he is.
Tumawag din naman siya ng doctor at bumalik agad.

"Terrence. I'm so happy na ikaw yung unang nakita ko. Akala ko kung ano nang nangyari sayo e"
"Charel. I'm also happy na nagising ka na. Akala namin hindi ka na magigising. Wag ka magalala
sakin, I'm okay. I'm really worried about you"
"Don't worry Terrence. I'm okay. Malakas naman ako ah? What do you mean na hindi ako
magigising? Ano ka ba naman? Ako pa!"
"Supposed to be, tatanggalin na ang life supporter mo kagabi. Buti na lang at hindi natuloy. Do
you know how many days ka nang natutulog? Ang sabi pa nga samin ng doctor, it's impossible for
you to wake up"
"Why? Ilang days na ba? Anong date na ba ngayon?"
"November 21"

November 16 kami naaksidente. Halos 5 days?! Ang tagal ko pala bago nagising.

"Kaya pala. Thank you ah? Feeling ko ikaw yung laging nandito para bantayan ako"
"Oo naman. Yung kuya mo din, nandito palagi pero kailangan niya nang pumasok ngayon. Sina KL,
pumupunta dito after class"
"Nakakatuwa naman yun. How about Mom and Dad?"
"Sina tita? Nakaalis na sila ngayon pabalik ng China. Umuwi sila dito nung Saturday"
"Sayang naman hindi ko sila nakita. Anyway, wag mo muna sasabihin sa kanila na gising na ako
ah? Gusto ko kasi surprise e"
"Sure. Just recover fast. Maya maya, andito na din si Manager para makakain ka na"
"Ano ka ba? Okay na ako. Ang lakas ko kaya! Hindi ko nga alam kung bakit pero hindi man lang
ako nagugutom. Para bang ang healthy healthy ko"
"It's good to know that. Oh. Ayan na pala yung doctor"

Totoo naman e. Para akong narecharge. Ang gaan na ng feeling ko. Hindi ko ramdam na naaksidente
pala ako. Dumating na din yung doctor. May mga tests pa kasi e! Hindi ko naman kailangan yun.
Kaya ko naman na to.

"Ms. Tan, kaya mo bang tumayo?" -doctor
"Syempre naman doc. Tara na po"

Inalalayan ako ni Terrence para makatayo. And there, kaya ko naman! Hindi ko na kailangan pang
mag wheelchair.

"Ayaw mo magwheelchair Charel?" -Terrence
"Aish! Ayoko ng pinaparamdam sakin na may sakit ako. Kaya ko naman maglakad ah? Hindi naman ako
paralyzed e!"

Nagstep lang muna ako ng kaunti.

"See. Kaya ko naman diba? Ikaw talaga! Ui, wag mo sasabihin sa kanila muna ha?"
"Opo mam"
"Mam ka dyan!"
"Tara na Ms. Tan" -doctor

Nagnod naman ako.

***

Natapos na din lahat ng tests. Nandito na ako at pabalik na ng room. Kasama ko yung nurse.
Inaalalayan niya ako dahil baka mabinat daw ako.

"Nurse? Anong oras na po ba?"
"2:30 pm"
"Thank you"

Pagpasok ko ng room, iniwan na din kami ng nurse. Nandoon na si Manager. Si Terrence din naman
tapos nakabihis na siya. Gwapo niya talaga!

"Manager!"
"Charel. It's good that you're already awake" -Manager
"Syempre naman po. Ako pa!"
"Kain ka na Charel" -Terrence
"Sige. Nakaramdam na ako ng gutom e"
"Sige. Maiwan ko na kayo. Marami pa akong kailangang asikasuhin e. Hinintay ko lang talaga na
makita ka Charel" -manager
"Thanks manager. Sige po ingat ka"
"Bye"

Umalis na si Manager. Kami na lang ni Terrence yung nandito. Umupo kami sa couch.

"Ito, soup na may gulay. May siomai din dito. Favorite mo yun diba?" -Terrence
"Yep! Pwedeng siomai nalang yung kainin ko?"
"Charel! No. Kailangan itong soup muna"
"Sige na nga"
"Susubuan kita Charel ah?"
"Baliw ka talaga! Dadaanin mo pa ako sa ngiti mo"
"Sige na para madami kang makain"
"Sige na nga daddy!"
"Daddy ka dyan! Hindi mo ko daddy! Boyfriend mo ako"
"Sabi ko nga po boyfie! Babe, dali! Tomguts na ko"
"Excited. Ito na nga oh"

Hinipan niya muna yung soup. Mainit kasi e.

"Say aaah!"
"Aaah.. Yum yum yum! Saraaap!"

KYAAAAAH >///< Ang gwapo ng boyfriend ko at ang caring pa! Kinikilig ako dito. Hahaha! Para
lang kaming magasawa e! Swerte ko naman sa kanya.

"Babe? Okay ka lang ba? Namumula ka? Nabulunan ka ba?" -Terrence
"Ha? A-ako?! H-hindi ah. O-okay lang ako. Namumula?!"

Napatungo naman ako sa sinabe niya. Hala! Namumula pala ako. Kinikilig kasi ako e >///< Siya
kasi! Hinawakan niya yung chin ko tapos itinaas. Ayoko tumingin sa kanya kaya tumingin ako sa
side para hindi ko makita yung mukha niya.

"Hala babe! Mas lalo kang namula. Are you sure that you're okay? What do you need? Should I
call the doctor?"
"No need na babe. Ee kasi.. kinikilg ako"

Iniharap niya yung mukha ko sa kanya tapos tumingin na ako sa kanya. He's smiling.

"Natatawa ako sayo. Ang pula mo na oh. You should get used to it, okay? I'm planning to do this
more often"

Inilapit niya yung mukha niya sakin. Hinawakan niya yung cheeks ko tapos ngayon magkadikit na
yung tip ng nose namin then kiniss niya ako sa forehead.

"Kumain ka na nga babe. Wag ka na kiligin okay? You'll get used to it"

Nag nod na lang ako. Naiinlove na ata ako sa kanya e! Ni hindi ko na hinahanap si Zeke kasi.
Gusto ko si Terrence lang yung kasama ko.

Terrence's POV

Pumunta dito si manager para dalhan kami ng pagkain ni Charel kanina at para na din sa damit
ko. Sinabihan niya na din ako tungkol sa pagpunta ko sa Korea para doon ituloy ang modeling
career ko and I'll be leaving this coming Sunday dawn. Just enough to spend more time with
Charel. Babalik naman ako e kaso sa January pa. Matagal din akong mawawala kaya habang nandito
pa ako, I want to make Charel happy. Natapos na din kumain si Jin. Mukha namang busog na busog
siya.

*burp*

"Oops. Sorry. Nabusog talaga ako. Thank you Terrence!"
"You're always welcome"

Nilapitan niya ako at saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Thank you dahil dumating ka sa buhay ko. I'm always happy because of you. I just hope that you
wouldn't leave me. Sana ganito na lang palagi kasaya. Ano ba yan? Naiiyak na ako. Nakakainis
naman e. Bakit pakiramdam ko, aalis ka din?"

I also hope that we can always stay like this but I can't tell her that I'm leaving. I just
want to make her happy while I can. Kumalas ako sa hug at hinawakan siya sa balikat.

"Charel. You're welcome and always will be. Masaya din ako dahil nakilala kita. I've always
wanted to tell you this. I think that you should know because I might regret not telling you
how I feel. I love you Jin Charel Tan. Ayoko ng may mananakit sayo. Sorry, I can't give you a
formal relationship. Alam mo naman na busy ako diba? Mahirap"
"It's okay. Kahit naman yung relationship natin is ganito lang, okay na ako ee. I know na by
Friday tapos na din to. Thank you talaga"

Pinunasan ko yung luha niya.

"Don't cry. You should be happy. I don't want to see you crying"
"I am happy. Tears of joy kaya to! Masyado lang akong masaya"
"Always smile okay? You look ugly whenever you're crying"
"Opo! Wait-- Bakit may pasa ka sa gilid ng labi mo? What happened?"

Hinawakan ko yung pasa ko.

"Ah. Ito ba? Wala to. Hayaan mo na yan"
"Alam ko na. Ikikiss ko para mawala na"

Then kiniss niya yung sa may pasa ko ng matagal. Bigla naman siyang napatigil at mukhang gulat
na gulat. Nakatingin siya sa pinto kaya napalingon din naman ako.

"Gab?" -Jin
*******************************************
[51] CHAPTER 40: Everything is cleared.
*******************************************
Chapter 40: Everything Is Cleared


Gab's POV

Pagkatapos ng klase namin, nagmadali ako na pumunta sa ospital. May dala din akong damit para
doon na magbihis. Gusto ko nang makita si Jin. Gusto ako yung una niyang makikita pagkagising
niya. Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto niya, nagulat ako sa nakita ko. Magkahalikan sila?! At
gising na pala si Jin! Bakit hindi man lang sinabi sakin to ni Terrence? Competition ba talaga
gusto niya?! Gusto niya na naman solohin si Jin kaya hindi niya sinabi samin na gising na siya.
Sige, kung competition gusto niya, handa ako doon. Hindi ako papayag na magpatalo. Pagtapos
halikan ni Jin si Terrence, halata namang nagulat siya sa nakita niya.

"Gab?" -Jin

Pinilit ko na pigilan yung galit at inis ko. Kunwari wala na lang akong nakita. Lumapit ako
kaagad sa kanila.

"Jin. Buti naman at nagising ka na" sabi ko

Tiningnan ko si Terrence.

"Pwede ko ba siyang makausap? Yung kaming dalawa lang"

Tiningnan lang naman ni Terrence si Jin at nagnod si Jin. So kailangan talaga nagpapaalam pa? -
___- Tumayo na si Terrence sa kinauupuan niya at lumapit kay Jin.

"I'll stay outside your room. Just call me if something goes wrong, okay?" -Terrence
"Sige babe" -Jin

BABE?! -___- oo nga pala. Sila na. Nawala lang ako saglit, nagkaboyfriend na siya. Ang unfair
nga naman ng buhay oh. Bakit kahit anong hirap yung ginawa ko para sa kanya nun, worthless?
Pero yung Terrence na yun, ang bilis. Saan ba ako nagkulang sa kanya?

"Sige na. Sabihin mo na mga sasabihin mo" -Jin
"Jin, do you really love Terrence?"

Napansin ko naman na nagulat siya sa tanong ko.

"Kailangan ko ba talaga magexplain sayo about samin?"
"Jin, gusto ko malaman lahat. Saan ba ako nagkulang? Ginawa ko lahat para mapasaya ka. Nawala
lang ako saglit at kayo na pag balik ko"
"Tanong mo din sa sarili mo yan Gab. Ano nga bang mga ginawa mo sakin bago ka umalis? Yung
relationship mo sa Japan, si Audrey at yung pagiwas mo. Gab, gusto ko din malaman lahat noon
pero ngayon, kahit hindi ko na malaman, okay lang"
"Sasabihin ko sayo lahat. Makinig ka lang sakin. Gusto ko malaman mo yung totoo"
"Okay. I will listen"
"Sorry sa pagiwas ko. Alam ko na kabaklaan yung ginawa ko dahil tinakbuhan kita. Nasasaktan din
ako. Ginawa ko lahat para pasayahin ka at para makalimutan mo si Zeke. Nakakapagod din pala
yung umasa. Pero alam mo kung ano yung isa sa kinagalit ko? Yung sinabe mo kay Zeke na aagawin
mo siya kay Mika. Alam ko din na joke lang yun sayo pero iba yung dating sakin dahil alam ko na
mahal mo pa siya kaya naman kapag ginusto mo, gagawin mo. Siguro naman alam mo na mahal kita
diba? O hindi mo alam? Doon na ako nagdesisyon na umiwas at umalis na lang para maramdaman mo
yung pinaparamdam mo sakin"
"E ang--"
"Patapusin mo muna ako Jin. Mahirap para sakin yung ginawa ko sayo. Hindi ko naman gusto si
Audrey pero gusto ko makita mo na kaya kong iwasan at saktan ka. Hindi mo man yun nakikita pero
nahihirapan din ako kapag nakikita ko na nasasaktan ka. Hindi ko kayang makita ka na nasasaktan
at nahihirapan dahil sakin. Tuwing kasama ko si Audrey, iniisip ko na sana ikaw yung nasa
posisyon niya. Tinigilan ko na din siya nun at dun na ako nabigyan ng opportunity na pumunta sa
Japan"
"Gab. I'm sorry"
"Okay lang Jin. Gusto ko lang na malaman mo lahat para maliwanagan ka na"
"Sige. Continue. Nakikinig lang ako"
"Ayun nga, pumunta ako ng Japan ng walang pasabi sa inyo. Si Mafelle lang nakakaalam na umalis
ako. Ginusto kong kalimutan lahat ng mayroon ako dito at magsimula ng bagong buhay doon kasama
si Risa. Hinintay niya yung pagpunta ko doon. Naging Masaya ako na kasama siya kaso, ikaw din
ang naaalala ko sa kanya dahil sa kaugali mo siya. Siguro kung hindi ka naaksidente, hindi na
ako bumalik dito. Akala ko aalagaan ka ni Terrence pero siya pa ang rason kung bakit ka
naaksidente. Nung nalaman ko na naaksidente ka, bumalik ako agad dito pero hindi ako nagpakita
agad sa kanila dahil wala akong mukhang ihaharap sa kanila pagkatapos ng ginawa ko sayo"
"Ganun pala yung nangyari nun"
"Pinuntahan kita kaagad dito ng patago at kagabi, akala ko hindi na ako aabot. Nawalan kasi ako
ng phone nun. Buti na lang at may nakapagsabe sakin na tatanggalin na ang life supporter mo.
Dumating ako in time at ginawa ko ang lahat para pigilan sila. Ayaw nila magpapigil dahil kahit
si Axel hindi sila napigilan pero ginawa ko yung makakaya ko at pumayag din sila sa huli at
nagising ka na din"

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Sobrang namiss ko si Jin.

"Siguro naman alam mo na yung about tungkol sa ginawa ko kagabi diba?"
"Actually hindi. Walang nakapagsabi sakin nun"
"Ano?!"
"Hey don't shout. Ang sakit sa tenga oh"

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin.

"Hindi sinabe ni Terrence yung ginawa mo"

Nagsara yung kamao ko. Kaya pala hindi niya sinabe samin na nagising na si Jin kasi gusto niya
maging maganda tingin sa kanya nj Jin. Ginagalit niya talaga ako. Hinawakan ni Jin yung kamao
ko at binuksan yun.

"Gab, ayoko ng gulo o kahit anong away between the two of you. Wag ka na magalit sa kanya. Just
let it pass, okay? Ang important ngayon, alam ko na lahat"

Ngumiti lang naman siya at niyakap ako ulit ng mahigpit. Naririnig ko naman na nagsimula na
siyang umiyak.

"Thank you Gab sa ginawa mo para sakin. Thank you din kasi nilinaw mo na lahat. Kung hindi
dahil sayo, wala na sana ako ngayon dito. Xie xie!"

Kakalas na sana ako sa pagkakayakap niya pero ayaw niya bumitaw.

"Just let me hug you for a while. Gusto ko muna yung ganito. Sobrang namiss kita Gab. Ang bango
mo pa din talaga. Bumalik ka talaga para sakin. Sorry ah? Naging manhid ako. Iniisip ko lang
yung sarili ko. Hindi ko iniisip na may nasasaktan na iba"
"Okay lang. Oo nga pala, alam mo ba na ako yung nagtetext sayo?"

Tinulak niya ako. Pinunasan niya yung luha niya tapos pinagpapalo ako.

"Ang sama mo! Nakakainis ka! Nagdadrama ako dito tapos sisirain mo! Ikaw lang pala yun! Tinakot
mo ako. Ang creepy mo kaya magtext! Nakakainis ka talaga!"

Niyakap ko siya.

"Ginawa ko lang naman yun para malaman mo na kahit iniiwasan kita, nandito pa din ako at
binabantayan ka. Ayoko kasi na mapahamak ka. Nakakainis lang na si Terrence pa yung naisip mo
na nagtetext sayo nun"

Kumalas ako sa yakap. Nakakainis kasi talaga -___- Mukha na siyang Terrence. Naalala ko na
naman yung nakita ko kanina.

"Nagtampo siya oh!"

Hinawakan niya yung mukha ko tapos nilapit yung mukha niya sakin.

*smack*

O__O <-- mukha niya

"Ayan na. Hindi na ako nagtatampo sayo"
"Nakakainis ka! Bakit mo ko kiniss?! Hindi mo ba alam na may boyfriend na ako?"
"Okay. Ge"

Yan na lang yung nasabe ko. Talagang sinabe niya pa sakin yun ah?

"Hoy kabayo. Tumayo ka nga! Bilis!"

Tumayo na ako at sumunod din naman siya sa sinabi ko.

"Galit ka ba Gab?"
"Ikaw kabayo. Makipagbreak ka na dun sa Terrence na yun-- ARAAAAY! bakit mo na naman ako
sinipa?!"
"Kabayo pala ha?! Ayoko nga makipagbreak!"
"Ge"

Lalabas na sana ako ng kwarto niya pero pinigilan niya ako.

"Gab, hanggang friday na lang. After that, our relationship is over"

Tiningnan ko siya.

"Bakit sa friday pa? Pwede naman na ngayon na diba? Baka mamaya hindi pa makipag hiwalay sayo
yun!"
"He will. Nagselos ka naman agad? Yung samin, laro laro lang yun at talagang hanggang friday na
lang yun. After that, it's over. Konting tiis lang. Im just trying to help him"
"Okay"
"Gab naman ee"
"Okay na. Hayaan mo na yun. Okay lang sakin. Hanggang friday lang ah?"
"Opo. Gab! Pahug ulit!"

Nilapitan ko siya at niyakap. Mabuti naman at okay na kaming dalawa at ngayon, aayusin ko na.
Hindi ako papayag na mapunta siya kay Terrence. Bigla namang bumukas yung pinto. Alam ko na si
Terrence yun nakayakap pa din ako kay Jin.

"Ehem. Excuse me?" -Terrence
"Yes boyfie?" -Jin
"Hindi ba makakapaghintay yan? Istorbo ah?"
"Gab naman e" -Jin
"Tinext ako nina KL. Kinakamusta ka nila" -Terrence
"Tell them na hindi muna nag--" -Jin
"Ako na bahala sa kanila. Alis na ako. Hoy Terrence, alagaan mo si Jin"
"Sure" -Terrence

Lumabas na ako ng kwarto. Mas gugustuhin ko pa na umalis na lang. Naiinis na ako e. Mamaya
hindi ko pa mapigilan at mabugbog ko pa yun. Istorbo e -___- Bahala na total ilang araw na lang
naman at matatapos na sila. Competition pala ha? Hindi ako papatalo. Jin is mine.
*******************************************
[52] CHAPTER 41: Competition.
*******************************************
Chapter 41: Competition


Jin's POV

November 23. Wednesday.

Nakalabas na ako sa hospital kahapon. Alam na din nilang lahat na nakalabas na ako ng hospital
kaso ayoko muna magpakita sa kanila. Syempre. Magpapamiss muna ako. Hindi ko din kasi sila
pinapapunta sa hospital nung nandoon pa ako. Pero ngayon, papasok na ako. Kailangan kong
humabol sa lessons. Halos 1 week din akong hindi nakapasok e. Nandito ako ngayon sa sasakyan ni
Terrence. Sabay kami pumasok. Nagpark na siya at nagshades. Mahirap na kasi ee. Nagmadali
kaming pumunta sa room. Wala pa masyadong tao dahil maaga pa. Maya maya dumating sina KL,
Spencer at Steven.

"Bessyyyyy!" -KL

Tumakbo siya papunta sakin tapos hinug ako. I hugged her back.

"Namiss kita KL! Pacopy ako ng notes ah? Thanks!"
"Sure. Namiss din kita ng sobra. I'm happy na okay ka na"
"Ui Spencer and Steven, namiss ko kayo!"

Ihuhug ko sana sila kaso humarang si Gab.

"Ako hindi mo namiss?" -Gab
"Syempre naman namiss kita!"

Ihuhug ko na din sana si Gab kaso hinila ako ni Terrence. Bawal na ba manghug ngayon?

"Tara babe. Let's sit down" -Terrence

Dumating na din yung teacher namin.

"Mr. Teppei, Mr. Martinez and Ms. Tan. Please sit on the three chairs there at the back" sabi
nung teacher

Sumunod na lang kami. Yung pwesto namin is:
Terrence - ako -Gab

Ang awkward diba? Napagitnaan ako ni babe at honey. Pati kasi sa facebook nagtatalo sila e >__<
last night kasi online kaming tatlo. Ang gulo lang. Pinapahirapan nila ako. Nagstart na
magdiscuss yung teacher. Magpapacopy daw muna. Kuha ng notebook and pen. Wala akong ballpen -
___- badtrip.

"May extra pen kayo?"
"Ito oh" -Gab and Terrence

Sabay pa sila nagabot ng ballpen. Kinuha ko na lang yung ballpen na galing kay Terrence. Nakita
ko naman si Terrence na nagsmirk. Ano to? Competition? Bakit ba ganun silang dalawa? Kagabi pa
sila ah? Ayaw paawat?

"Thanks guys. Hindi naman pwedeng dalawang pen gamitin ko at the same time diba?"

Pagkatapos naming magcopy, magpapa activity naman daw at pinapakuha kami ng 1 whole sheet of
paper.

"Honey oh" -Gab
"Babe oh" -Terrence
"May paper naman ako e. Pero sige, thank you na din"

Kinuha ko yung bigay ni Gab dahil nauna siya. Nakita ko naman na nagsmirk si Gab. Iniinis ata
nila yung isa't isa e? Sa activity na gagawin naming, pagpapasa pasahan yung papel namin tapos
isusulat mo yung gusto at ayaw namin sa taong yun. No hard feelings lang daw. Values subject
kasi to. Nagstart na. Kaming tatlo muna yung nagpalit palit ng papers. Ako muna yung pinasulat
nila sa papers nila tapos sila naman nagexchange. Problema nila? Ayaw daw kasi nila makita ko
yung isusulat nila para surprise at pagkatapos nun, pinass na namin yung papers namin sa
kabilang table.

"Oooooh!" -classmates namin

Tumingin sila saming tatlo. Anong meron? Bakit sa bawat pagpasa ng paper namin, ganun yung
reaction nila? Para kasi silang gulat na ewan tapos titingin samin. Ano kaya nakalagay sa paper
naming tatlo? Nasa table na nina Spencer at Steven yung paper namin. Tumingin sila samin.

"Away na yan!" -Steven
"Ayun kasi yun e! Hahaha!" -Spencer

Tahimik lang yung dalawa kong katabi. Tapos ito, nabalik na samin yung paper namin at binabasa
na. Bakit ganito? Wala man lang matino na nakalagay sa paper ko >__< Sa harap nakalagay "i love
you honey! -Gab" tapos sa likod naman, "i love you babe! -Terrence" Parehas pa malaki yung
pagkakasulat tapos puro side comments na ng mga classmates ko yung nakalagay sa paligid. Kaya
pala sila nakatingin samin kanina. Lagot talaga tong dalawang to sakin. Tiningnan ko silang
dalawa ng masama.

"Anong trip niyong dalawa? Patingin nga ng paper niyo" sabi ko
"Ayoko nga" -Gab
"Ayoko din" -Terrence
"Bahala nga kayo. Wag niyo akong kakausapin"

Inabot naman nila agad yung paper nila. Okay naman pala sila kausap e. Ang arte pa. Una kong
tiningnan yung paper ni Terrence. Aba! Ang laki din ng sulat. Nakalagay dun "Jin is mine! Wag
ka na pumapel sa buhay namin. Fiancee ko siya! -Gab" tapos puro side comments lang din ng mga
classmates ko nakalagay. Merong "Bagay talaga kayo ni Jin", "Charence ako!" Meron din na "Crush
na crush kita Terrence". Pagtingin ko nung kay Gab, malaki din yung nakasulat "Jin is mine! Ako
boyfriend niya. Wag ka na makigulo! -Terrence" then side comments din. Tapos yung iba
nakalagay, "gwapo mo talaga Gab!" then may "Jin-Gab ako!" then "Jiriel pa din ako".

Hala! Anong trip ng dalawang to?! Pagumpugin ko kaya sila? Pagtingin ko sa kanilang dalawa.
Parehas sila nakaiwas ng tingin sakin.

"Kayong dalawa talaga! Kaya pala pinagtitinginan tayo e. Asar kayo"

***

Tahimik lang the whole time. Buti naman tumigil din silang dalawa. Ang awkward tuloy.
Naguguluhan lang ako sa kanila e. Naguguluhan ako sa feelings ko >__< sobrang gulong gulo na
ako. Ang alam ko kasi, si Zeke yung love ko pero nag momove on na ako sa kanya at unti Unti
unti ng nawawala yung feelings ko sa kanya. We're friends. Si Terrence, crush ko siya. Ideal
boyfriend kasi siya. Siya din yung talagang nagpapasaya sakin nung wala si Gab. Si Gab naman,
importante siya sakin. Ayoko na mawala siya sa buhay ko lalo na ngayon na nandito na siya ulit.
Feelings? Hindi ko siya love nor crush parang special someone ko siya.

Magulo ba masyado utak ko? Pasensya na >__< Hindi ko din maintindihan sarili ko ee. Naguguluhan
na talaga ako. Ayoko din naman ng pinapapili ako. Ayoko mamili dahil ayoko na may mawala sakin.

*Lunch time*

"Sabay na tayo maglunch" -Gab and Terrence

Ito na naman sila. Nagsisimula na naman.

"Sige. Sasabay ako sa inyong dalawa. Tara"

Pumunta na kami sa canteen. Aba! Prepared silang dalawa. Parehas sila na may dalang baon na
food. May hindi talaga ako alam sa dalawang to e. Ako din kaya! May baon na food! Wahaha! Akala
nila sila lang ah? Nagstart na ako kumain at pinapanood nila ako.

"Ayaw niyo kumain?"
"Ito honey oh. Kainin mo to, maganda to para sa katawan mo" -Gab
"Babe, ito siomai oh. Favorite mo yan diba? Ito pa pala. Vegetables para maging malakas ka
agad" -Terrence
"Wait! Ang dami ah? May baon naman ako e. Pero sige, kakainin ko yan pero pwede kumain din
kayo? At isa pa. May tanong ako"
"Ano?" -gab and terrence
"Is there any conpetition going on or what? Para kasing--"
"Tara dude! Kaen na tayo. Gutom na ako e" -Terrence
"Oo nga! Ako din, gutom na" -Gab
"So wala kayong balak sagutin yung tanong ko?"
"Kumain ka na lang honey" -Gab
"Pakabusog ka babe" -Terrence

Sabi ko nga, wala silang balak sagutin yung tanong ko. Kakain na nga lang ako.

"Ow. May love triangle pala dito"

Pagtingin ko sa nagsalita. Si Mika lang pala at kasama niya si Zeke. Nakatingin sakin si Zeke.
Alam ko na pumunta siya sa hospital. He still cares for me. Gusto ko siya ihug!

"Mika. What do you want?" -Terrence
"Wala naman. Bakit? Bawal ba na batiin ko ang rival ko? Akala ko mamamatay ka na e. Sayang
hindi natuloy" -Mika
"Ano ba Mika?!" -Gab
"Babe, let's go. Sorry about her Jin. It's good to know that you recovered" -Zeke

Hinawakan siya ni Zeke na parang hihilain na siya pero nagpumiglas si Mika.

"Ano ba?! May sasabihin lang ako. Ang over protective niyo masyado sa kanya ah? Anyway, I'm
still happy that you survived. May aawayin pa din ako. Good luck pala sa exams this december.
Hope na malamangan mo ako. Okay! Bye!" -Mika

Umalis na sila. Tinuloy ko lang yung pagkain ko at hindi na ako nagcomment about sa sinabe
niya.

***

Friday, November 25.

Si Gab at Terrence? Ganun pa din, tuloy pa din sila sa competition thingy nila. Sila pa ding
dalawa katabi ko e. Basta ako, enjoy lang. Ayoko na muna mamorblema. Uwian na ngayon. Nandito
pa kami sa room. Si KL, hindi pumasok ngayon. Tinanghali daw kasi ng gising at tinamad na
pumasok.

"Babe, let's go" -Terrence

Aalis na sana kami kaso pinigilan ako ni Gab.

"Jin" -Gab
"Wait lang Terrence ah? Kausapin ko muna si Gab"

Hinila ko si Gab papunta dun sa isang sulok ng room.

"Baka ano na naman mangyari sayo dahil sa kasama mo yang Terrence na yan. Hindi ko na hahayaang
mangyari yun ulit"
"Gab naman e. Lalabas lang naman kami sandali and last day na din to ng relationship namin.
Hayaan mo na pwede?"
"Ge ikaw bahala. Pero kapag may nangyari sayo, mananagot talaga sakin yan"
"Opo. Don't worry, hindi niya ako pababayaan. Sige. Bye!"

Lumapit na ako kay Terrence at hinila na siya palabas ng room. Pinagtitinginan na naman siya.
Hindi kasi siya nagshades. Last day niya naman na daw kasi sa school na to.

"Terrence! Diba ikaw yung model. Pa autograph naman oh" -girl 1
"Ako din!" -girl 2
"Me too! Ang gwapo mo talaga! Hindi lang sa magazines, pati in person" -girl 3
"Pwede magpapicture kami kasama mo?" -girl 4
"Okay. Take it easy girls. Mahina ang kalaban. Here" -Terrence

Pinagpipirmahan niya na yung paper nung mga girls.

"Ay. Jin, papicturan naman kami. Thanks" -girl 5
"Sure"

*click*

"Thank you Terrence! Thank you din Jin!" -girl 1
"Sige. Bye girls"

Naglakad na kami ulit.

"KYAAAAAH! nginitian niya ko. Baka may gusto na sakin yun. Buti nagayos ako" -girl1

Inakbayan ako ni Terrence.

"Oi loka! Girlfriend niya ata si Jin! Inakbayan niya oh. Feeler ka! Hahaha!" girl2

Natawa naman ako dun sa mga narinig ko. Sabagay, gwapo kasi ng boyfie ko. Kanina nga sa room,
nagpapicture ng nagpapicture mga classmates kong babae sa kanya e. Sikat kasi yata siya? Di
naman kasi ako mahilig sa magazines at tv. Pumunta na kami sa parking lot. Madaming tao
lumalapit sa kanya. Gusto magpa authograph and papicture pero sinasabe niya na lang na
nagmamadali siya kaya yung iba nakikita ko na pinipicturan kami together. Sumakay na kami sa
car niya at pinaandar na yun. Saan kami pupunta? Kay manager. Ibibigay kasi yung pay ko para
dun sa pagmomodel ko and after nun, magdidinner kami ni Terrence. Sulitin na daw namin yung
last day.

Gab's POV

Nasaan kami ngayon? Nandito sa sasakyan ni Steven. Wala kasi kamig dalang sasakyan ni Spencer
kaya car niya gagamitin. Susundan namin si Jin. Mamaya kasi ano pang gawin nung Terrence na yun
at mapahamak siya. Nung pagalis kasi kanina nina Jin, nasa room pa din sina Spencer. Magbabar
dapat kami kaya hinintay nila ko. Buti nga napapayag ko sila na samahan ako. Wala din naman daw
kasi silang tiwala dun sa Terrence na yun. Saan kaya sila pupunta? Magdedate? -___- Simula
naman bukas, akin na ulit si Jin. Pagbibigyan ko na lang. Traffic. Ano ba yan? Kita pa din
namin yung car ni Terrence.

*blag*

"Putek! Pare! Binangga ata sasakyan ko" -Steven

Lumabas si Steven sa sasakyan niya at pumunta dun sa may nakabangga sa kanya. Nagsimula na
umandar yung mga sasakyan. Hindi na namin masusundan sina Jin kaya lumabas na din kami ni
Spencer ng sasakyan. Babae pala yung driver ng nakabangga sa kanya. Naka red na bmw
convertibleat chicks pa. Ganda e! Nakaskirt at sleeveless na damit at heels pero syempre, mas
maganda pa din si Jin.

Steven's POV

Badtrip! May bumangga sa sasakyan ko. Lumabas ako kaagad para tingnan yung kotse ko. Sh*t! Yung
likod ng kotse ko! Lagot talaga tong bumangga. Lumabas din ng kotse niya yung babae. Maganda
yung sasakyan at maganda din yung driver.

"Sorry! Sorry!" -girl

May lumapit din naman samin na pulis.

"Ano po bang nangyari dito?" -pulis
"I bumped onto his car. Hey! I'm sorry, okay? I didn't do it on purpose" -girl
"Tsk. Anong sorry? Oi ikaw kuya. Paguusapan namin to sa presinto"
"No! Please don't! I'll be dead if my parents will find out about this. I'll pay you for all
the damages! We can talk about this naman kuya"
"Dude. chicks naman oh. Pagbigyan mo na" -Spencer

Pagtingin ko sa babae, siya yung babae sa beach. Yung nagligtas sakin sa mga bakla. Yung
babaeng malakas manuntok at kaugali ni Aine.

"Y-you! You're the guy in the beach!" -girl
"Ako nga. Hindi ka nagkakamali. Ngayon kuyang pulis, tuloy tayo sa presinto"

Tinatarayan pa ako. Masakit kaya yung suntok niya sakin. Ako naman babawi ngayon.

"Ma'am may I know your name? Pati yung sa inyo din sir" -pulis
"Maeghan Fernandez"
"Steven Santos"

***

Nandito na kami ngayon sa presinto. Pinaguusap kami nitong mataray na babaeng to. Nakwento na
kasi niya kung bakit nabangga niya kotse ko. Maeghan pala pangalan niya ah. Ang arte ng
pangalan.

"Hey! I'll pay for this. I really don't want my dad to know that I'm here. For sure, he's now
looking for me" -Maeghan
"Hindi! Texting while driving? Psh. Ayoko"
"I'm not! That's an important message. Hey the two of you. Convince your friend here"
"Pre! Pagbigyan mo na. Chicks naman e" -Gab
"Oo nga naman" -Spencer
"Okay. Magexplain ka in tagalog"
"What?! You really want me to do that? I'm having a really hard time speaking in Tagalog but--
okay. Ito na. I will speak in tagalog na"
"Pure tagalog"
"You're so demanding! Okay. Kuya, wag niyo na po ako kasuhan.. Um, It's so hard! Babayaran na
lang kita? Please. Hey! It's hard. I feel like my nose is going to bleed"
"Pagbigyan mo na kasi pre" -Gab
"Thank you. Anyway, what's your name?" -Maeghan
"He's Gab and I'm Spencer" -Spencer
"I'm really in a rush. I'm so dead by now. Don't worry, I'll pay. I also got my car damaged
right? My car needs repair too"
"Okay. Sige kuya, kami na lang bahala magusap dito"
"Sure kayo Sir Steven? Alam na ng dad niyo yung tungkol dito" -police
"Yes. Tell my dad that it's okay"

Lumabas na kami. Ang laki kaya ng connection ng dad ko sa mga police. Akala ni Maeghan ah?
Pasalamat siya kina Gab.

"Thank you guys. So, let's see each other tomorrow in the repair shop? I really need to go now"
-Maeghan
"Pangalan mo ulit?"
"Maeghan"
"cellphone number"
"Do you really need to know that?! No! I'm not giving you my number!"
"So, kailangan ko ba tumawag ulit ng police?"
"Okay. Here. 0917----085"

Dinial ko yung number niya para malaman kung number niya talaga yun.

"So, can I go?"
"Ge. Siguraduhin mo lang na pupunt ka bukas. Tandaan mo, kaya kitang ipahuli agad"
"Alright! You don't need to threaten me anymore. Bye!"

Sumakay na siya ng taxi. Nakakatawa talaga siya. Inis na inis e.

"Oh pre! May bago ka na naman ulit lalandiin ah?" -Gab
"G*go! LUL! Tigilan mo nga ako"
"Mas g*go ka pare! Hahaha!" -Gab
"Pero chicks yun ah? Sexy e!" -Spencer
"Oo nga! Ayos yun. Parang si Aine yun e! Ganun mga type mo diba?" -Gab
"Manahimik nga kayo. Pero sige. Tingnan natin kung hanggang saan yung babaeng yun"

Pagtitripan ko to. Sabagay. Mas gusto ko kasi yung mga kagaya ni Maeghan na mataray. Sexy naman
at maganda e. Ayos to! Pagtitripan ko to bukas. Pero subukan niya lang talaga na hindi
magpakita. Lagot to sakin.

"Pre! Uwi na tayo. 6 na oh. Tagal nyong dalawa nagtalo e!" -Spencer

Umuwi na kami. Tinext ko naman si Maeghan. Ang taray e pero tyaga tyaga lang. Makukuha ko din
siya.

Gab's POV

Nakauwi na din kami. Tinawagan ko si Jin at sabi niya, nakauwi na din siya. Buti naman at
walang ginawang hindi maganda yung lalaking yun sa kanya.

*0905----272 calling..*

Sino naman kaya to?

"Sino ka?"
[ Terrence to pre ]
"oh bakit?"
[ pwede sakin muna si Jin? Just for tommorow ]
"ayoko nga"
[ just for tomorrow. After that, sayo na siya ]
"Paano naman ako nakakasiguro dun?"
[ I'm leaving on sunday. Punta na akong korea ]
"Ayoko pa din"
[ Gab, just for tomorrow. I'm begging you. Just one day ]
"Sige. Bukas lang at hindi ko kayo papakialaman bukas. Siguraduhin mo lang na walang
mangyayaring hindi maganda kay Jin"
[ dont worry. Thanks dude ]
"ge"

Binabaan ko na siya. Bakit ako pumayag? Last naman na yun kaya pinagbigyan ko na. Wala naman
siguro siyang gagawin na hindi maganda kay Jin diba? Mahal niya din yun e. Kahit hindi ko pa
din gusto, pumayag ako. Akin naman na si Jin pagalis nun. Isang araw na lang Gab at maibabalik
na sayo si Jin.
*******************************************
[53] CHAPTER 42: Date
*******************************************
Chapter 42: Date


Jin's POV

10 am na ngayon ng umaga at nakabihis na ako. Nakadress and flat shoes ako at nagcurl din ako
ng hair. Excited na ako. May date kami ngayon ni Terrence. Nakakatuwa nga ee. Model yung kadate
ko at hindi ko alam kung saan ako balak dalhin ng taong to. Syempre, kailangan maganda ako. Ang
gwapo kaya ng kasama ko kaya nagayos ako.

*beep beep*

For sure si Terrence na yun. Tinext niya kasi ako na papunta na siya. Nagmadali naman akong
bumaba.

"Kuya! Alis na ako ah? Babye! I'll text you na lang!"
"Ingat ka okay?" -kuya
"Opo"

Paglabas ko ng gate, si Terrence yung bumungad sakin. Ang bango niya! Ano kaya pabango nito?
Ang gwapo niya din! Naka grey shirt then leather jacket siya tapos naka jeans and shades.
Simple lang pero magaling talaga siya magdala ng damit.

"Babe" -Terrence
"Hello babe. Gwapo ah? Haha! San mo balak pumunta?"
"Mall"
"E? Seryoso ka?! Pagkakaguluhan ka nila"
"Kasama naman kita e. Magmumukha na girlfriend kita"
"Sige na nga"
"Charel, I want to make you happy today so let's enjoy this day, okay?"
"Opo"
"Let's go?"

Nagnod lang ako. Pinagbuksan niya din naman ako ng car door at pumasok na din siya sa sasakyan.
Nilapit niya yung mukha niya sakin at ikinabit niya yung seatbelt ko at saka siya nagdrive.
Itetext ko nga si Gab. Hindi kasi ako tinetext nun simula kanina pa. Lagi kasi siyang nagtetext
ng 'good morning' e.

To: fiancee
Good morning :)

***

Ang layo na ng narating namin. Mall ba talaga pupuntahan namin nito?

"Terrence, mall ba talaga pupuntahan natin?"
"No"
"Saan ba? Ang layo na natin oh"
"You'll see once we get there. Matulog ka na lang muna baka naiinip ka na"
"Sige na nga"

Hm, matutulog na nga lang. Nabobored na ako dito e. Ang tahimik kasi ni babe. Si Gab, hindi man
lang nagreply. Si Terrence kasama ko kaya dapat wala sa isip ko si Gab.

***

"Babe, wake up"

Pagdilat ko ng mata ko, nakapark na yung sasakyan.

"Nasaan tayo?"
"EK"
"EK? Enchanted Kingdom?"
"Oo babe"
"Weh? Trip mo naman. Paano naman tayo makakarating sa EK?"

Pagsilip ko sa window ng sasakyan, EK nga. Wow! First time ko pumunta dito e. Hindi kasi kami
pumupunta dito. Sina Mom and Dad kasi busy pero si kuya nakapunta na kasama yung friends niya.

"Nananaginip ba ako?"

Pinisil ni Terrence yung cheeks ko.

"Aray naman! Thank you babe! First time ko makapunta dito e"
"Really? If that's the case, let's go inside now para masulit mo"

Lumabas na siya ng car at pinagopen ako ng door. Nagsuot na din naman ako ng shades. Akala niya
siya lang may shades ah? Ako din kaya. Hindi naman ganun kaaraw e. Sakto lang. Ganda ng weather
ngayon. Hinawakan niya yung kamay ko at pumasok na kami sa loob. Ang daming tao. Weekends din
kasi e. Ang ganda dito!

"Babe? After natin sakyan lahat ng rides, uwi na tayo ah? Gusto ko dun natin ituloy sa bahay
yung date natin" sabi ko
"Sure"

Una naming sasakyan yung anchor's away. Takot ako sa mga ganitong rides pero sasakay ako para
maenjoy ko talaga. Medyo mahaba na yung pila. Ito na, nakaupo na kami. Nandito kami sa dulo.
Nagsisisigaw lang ako the whole time at nagtatago sa balikat ni Terrence. Nakakalula talaga
>__<

"Babe, doon naman tayo oh" sabi ko

Tinuro ko yung extreme ride. Gusto ko kasi matry. Parang ang saya kasi nun e. Ang taas. May
thrill! Hahaha! Hinila ko papunta dun si Terrence at pumasok na kami. Kailangan hubarin yung
shades kaya naman dun kami pumwesto sa hindi kami masyado makikita ng tao. Mahirap na.

"Waaaaah!" sigaw ko
"Paakyat pa nga lang e. Hahaha! Nakakatawa ka talaga babe"
"Ee kasi nakakalula na tumingin sa baba at -- WAAAAAAAAAH!"

Natapos na kaagad. Grabe! Parang naiwan yung kaluluwa ko sa taas! Nakakalula talaga pero kahit
ganun, nagenjoy ako. Nagsuot na kami ulit ng shades. Tiningnan na namin yung doon sa may booth
na may pictures.

"HAHAHAHAHAHAHA! Babe oh! HAHAHAHAHA! Sakit sa tyan! HAHAHA!"

*pak!*

"Nakakainis ka! Oo na! Alam kong ang panget ng itsura ko! Ikaw ba naman magulat tapos nalulula
diba? Nakakainis ka! Bahala ka nga dyan"
"Ui girl! Si Terrence yun diba? Yung model? KYAAAAH! Kasabay natin siyasa ride!" girl 1
"E nasaan na sya? Tara hanapin natin!" girl 2

Hinila ako agad ni Terrence at lumayo. Napunta naman kami sa log jam. Nakakatuwa to. May
tubig :) Pagkatapos nung ride, nabasa kami ng konti pero okay lang. Nakita ko din yung picture
naming. Ang panget talaga >__< bakit kasi may picture pa e! Si Terrence kahit na ganun, gwapo
pa din e. Umupo muna kami ni Terrence sa may bench. Papatuyo lang saglit. Hindi ako prepared sa
ganitong klase na date. Buti na lang naka maong na shorts ako sa loob. Kanina din kasi tinanong
niya ako kung gusto ko daw bumili ng damit. Umayaw lang ako.

"Babe?" -Terrence
"Po?"
"Nakakatawa talaga yung mukha mo kanina! HAHAHA!"
"Bahala ka nga! Wag mo ko kausapin"
"Joke lang babe. Pero kasi nakaka--"
"ANO?!"
"Nakakainlove ka"

Ayan na naman yung smile niya >///<! Ang gwapo niya talaga! Kahit naka shades pa siya. May mga
napapadaan na girls. Makatingin naman kay Terrence. Siya na talaga gwapo! Hahaha!

"Babe, gutom ka na?" tanong niya
"Hm, sakto lang"
"Bili muna ako ng snacks ah?"
"Sige babe"
"Hindi ka sasama?"
"Hindi po. Dito muna ko. Sumasakit na paa ko e"
"Okay. Wag ka aalis dyan ah? Just call me if something bad happens"
"Opo"

Umalis na siya. Ang dami ko pang gusto masakyan e. 2:30 pm na din pala. Tumatagal kami dahil sa
pila sa rides. Hirap pala sa ganito. May bigla namang tumabi sakin na dalawang lalaki at
pinagitnaan ako. Hayaan ko na nga lang. Wala naman siguro silang gagawing masama diba?

"Hi babe. Ang ganda mo naman. By the way, I'm James"
"Ako naman pala si Jerome"

Hindi ko lang sila pinapansin.

"Ano pala name mo pati cellphone number mo?" -Jerome

Tatayo na sana ako pero hinawakan nung James yung kamay ko.

"Kinakausap ka lang miss e. Bawal ba yun? Saglit lang naman e. Mukha namang wala kang kasama" -
James
"Ano ba?! Let go of me!"
"Miss, may problema ba dito?" -guy

Tsk! Ano ba to? Nakashades pa! Shizz. Kasama ata nila >__<

"Ano?! Kasama ka din nila?! Ano ba?! I said let go!"
"Bitawan niyo siya!" -guy

Tinanggal nung guy yung shades niya at bigla naman akong binitawan nung James.

"Gab? Sorry po! Aalis na kami. Miss pasensya na. Sorry sa abala!" -Jerome

Umalis na din sila agad. Gab? Ee? Gab din pangalan?

"Miss, are you alright?" -guy

Tinalikuran ko na lang siya. For sure kasabwat nung mga yun to. May mga ganito sa balita e
tapos pag sumakay na ako sa gusto nila, kikidnapin nila ko.

"Magingat ka dito. Mahirap magisa. Nakaganyan ka pa. Ang iksi ng damit mo. Kung ako sayo, wag
mo hayaan na magisa ka lang. Kung hindi, mabibiktima ka ng mga kagaya nila. Nagkalat sila dito"
-guy

Lumingon ako dun sa guy.

"Paano mo naman nalaman lahat ng yan? For sure kasama ka ng mga yun kaya alam mo. Well, sorry
pero hindi niyo ako maloloko"
"I'm the son of one of the investors in this amusement park. Well, I think may hinihintay ka.
Pwede kita samahan maghintay sa kanya"
"Wag na. I don't need your help. Pwede ka na umalis"

Umupo na lang ako ulit dun sa may upuan. Tinext ko na si Terrence na bilisan niya. Yung Gab
naman, nakatayo. Nakadistansya lang siya ng konti sakin. Buti naman alam niya kung saan siya
lulugar. Nakatingin ako sa kanya. Gwapo siya at mukhang mayaman. Mukha din siyang mahilig sa
gulo at masungit. Matangkad at maputi. Feeling ko kaugali lang din siya ni Gab. Napatingin
naman siya sakin kaya umiwas ako agad ng tingin.

"Hey look at that 4 guys. Kagaya rin sila nung nauna kaya dapat, wag ka umalis magisa. Delikado
lalo na't babae ka" -Gab
"Paano mo nalalaman lahat to? Umamin ka nga. Kasamahan ka nila ano?"
"No. Kagaya nga ng sinabe ko. Anak ako ng isa sa investors dito sa lugar na to. Ayoko na ulit
ulitin"
"Weh? E anong pangalan mo?"
"Ayoko nga sabihin. Basta Gab"
"Kasamahan ka nga talaga nila"
"Gabriel Vincent Lee. Hindi mo man lang ba ako papaupuin?"

Grabeng coincidence naman yun! Last name lang nagdiffer O__O

"Sige na. Umupo ka na. Thank you pala"
"Ge"
"Hey! Dun ka sa dulo ng upuan!"
"Para namang gusto ko na katabi ka. Nandito lang ako kasi naaawa ako sayo"

Mala-Gab nga yung ugali. Masungit e. Tagal naman ni Terrence >__< Sana naman walang bad na
nangyari dun. Baka kasi mamaya pinagkaguluhan na yun e.

"You are?" -Gab
"Jin. Jin Charel Tan"
"Your name sounds familiar"
"Really? Okay po"

Weh? Familiar talaga? Baka may kapangalan din ako? Hahaha! Hindi naman siguro. Tiningnan ko
lang ulit siya. Hm, kailangan ko lang maalala yung mukha niya. Just in case lang na makita ko
siya ulit in the future. Nakita ko na si Terrence na papalapit dito at may dalang pizza. Gutom
na ako!

"Hi babe. Sorry natagalan. Vince?!" -Terrence
"Ui pre! Ikaw pala kasama nito?" -Gab
"Magkakila kayo?!"
"Yes. We're friends. Model din siya" -Terrence
"Ah. Nice. Small world"

Vince pala tawag sa kanya at hindi Gab. Speaking of Gab, hindi talaga siya nagreply. Nagstart
na akong kumain. Isang buo binili ni Terrence e. Yung dalawa naman, naguusap

***

Natapos na akong kumain :) 3:15 na din pala.

"Let's go babe?" -Terrence.

Nagnod naman ako.

"Sige Pre. Alis na kami" -Terrence
"Bye Gab! Thanks ulit"
"Ge" -Gab

Naglakad na kami. Sa rio grande rapids kami next na sasakay. Ang haba ng pila at ang init pa
dito sa loob >__<

"Ganun ba talaga yun? Ang sungit? Nagbye lang ako e" tanong ko
"Ayaw niya ng Gab. Gusto niya Vincent or Vince"
"Bakit naman?"
"I also don't know the reason why"

Ang arte naman pala nun! Hahaha! Ang sungit din niya. Hayaan ko na nga.

***

Nakasakay na din kami! Basang basa ako >__< Si Terrence naman hindi masyado kasi nakajacket e.
Kailangan ko na talaga magbihis. Hinila ako ni Terrence sa isang shop at binilhan ng tshirt.
Pumasok na din naman ako agad sa CR para magbihis. Naka shorts at tshirt na lang ako ngayon. No
choice.

"Babe! Space Shuttle tayo! Hahaha! Parang ang exciting nun e!" sabi ko

Pumunta na kami dun at pumila. Mahaba yung pila e. At ito na, next na kami. Pagpasok namin, dun
kami sa may dulo pumwesto. Mas masaya daw kasi doon. Pinahubad samin yung shades namin kaya
hinubad namin. Ang saya kahit nakakalula ng sobra. Hawak ni Terrence yung kamay ko the whole
time. Nakababa na kami at kinuha yung gamit namin

"OMG! That's Terrence diba? Yung model?" girl1
"Papicture tayo dali!" girl2
"KYAAAAH! kasabay natin siya sa ride! Habulin natin! Tara na girls!" girl3

Bigla akong hinila ni Terrence at tumakbo kami. Paglingon ko, ang dami nila na nakasunod.
Magbabarkada siguro sila.

"Saan tayo pupunta?"
"Uuwi na. Nakita na ng mga tao mukha ko. Let's go!"

Hindi na namin nasuot yung shades namin tapos tumakbo lang kami papunta sa exit at dumeretso sa
car niya.

"Pasok! Dali!" -Terrence

Pumasok na din naman ako kaagad. Maaabutan na kasi nila kami. Nagmadali naman siya paandarin
yung car niya. Ewan ko kung bakit pero nagenjoy ako kakatakbo. Weird but true. Ganito pala
feeling kapag sikat ka na ano? Nakakatuwa lang. Feeling ko sikat na din ako. 4 pm na din pala.
Ang aga namin napaalis doon e. Hindi pa ko nakakasakay ng carousel pati ferris wheel. Basta
next na balik ko dito, yun yung sasakyan ko kaagad.

***

Nandito na kami sa kwarto ko sa bahay. Nakabihis na din ako ng pangtulog. Anong oras na? 7:30
ng gabi. 2 hours lang naman yung byahe e. Kumain din kasi kami bago umuwi.

"Babe? Sorry. Hindi kita masyado napasaya. Mali ata ako ng napagdalhan na place sayo"
"Ano ka ba Terrence? Buo na yung araw ko. Sobrang saya ko. First time ko nakapunta ng EK tapos
yung pagtakbo dun sa fans mo, nagenjoy ko yun. Sobrang saya ko kaya"
"Really?"
"Yup"
"Thank you Charel. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon"
"Thank you? Ako dapat nagsasabi nyan sayo e. Thank you babe! I know last day na to ng
relationship natin. Extended na nga e. Ang saya saya ko. Nafeel ko yung feeling ng maging taken
ulit"
"Thank you also for letting me be your boyfriend"
"Wala po yun. Ikaw pa! Nagenjoy naman ako even though ang saglit lang yun"
"Can I hug you?"
"Sure"

Hinug niya ako ng sobrang higpit na para bang hindi na mauulit to. Puro thank you din yung mga
sinasabe niya.

"Terrence? Wag ka basta basta mawawala ah?"

Hinigpitan niya lalo yung pagkakahug niya sakin.

"I love you Jin Charel Tan. Tara na. Magpahinga ka na. Alam kong napagod ka"
"Sige po"

Humiga na ako at tinabihan niya naman ako. Pinikit ko na yung mga mata ko. I'm so happy. Ayoko
na nga matapos tong day na to e. Para lang panaginip but it's true. Sana ganito na lang kasaya
palagi. Yung walang ibang iniisip at magsasaya ka lang. Sana pag gising ko bukas, maganda pa
din yung mga mangyayari.

"Babe? Wag kang mawawala ha? Dyan ka lang sa tabi ko ah?" sabi ko habang nakapikit
"Matulog ka na. Nandito lang ako. Goodnight Charel. Sweet dreams. I love you"

Ang peaceful ng feeling :) Naka decide na ako. I want to be with Terrence. Bukas sasabihin ko
na sa kanya na siya yung napili ko. I feel sorry for Gab. I know that he did his best pero mas
naging masaya ako with Terrence. We will still be friends pa rin naman diba? Kay Zeke naman,
nakakamove on na ako e. This time, I'm letting go of him and magsstart na ako ng new life :)
Tama na nga yung kakaisip. matutulog na ako. Goodnight!

Terrence's POV
My last date with her is ruined but I think nagenjoy siya and I'm happy to know that. We
enjoyed this day and I'm ready to go. Nakatitig lang ako sa kanya ngayon at nilalaro yung buhok
niya hanggang sa makatulog siya. I'm surely gonna miss her. When she asked me not to leave her,
hindi na ako nakasagot dahil alam ko na kahit ayaw ko, I still need to leave her. Gusto ko
umalis ng alam ko na masaya siya. Babalik naman ako para sa kanya e. Kumuha ako ng pen and
paper at sumulat ng short message for her. I left it at the table beside her bed and left.

Babalik ako at pagbalik ko, kukunin ko si Jin. At sana sa pagbabalik ko, maabutan ko pa siya.
Sana lang hindi pa sila ni Gab. Goodbye Charel.

Jin's POV

Ang ganda ng gising ko. Ang sarap ng tulog ko e. Ang aga ko din nagising. 8 am. Dumeretso na
ako ng CR para magtoothbrush, maghilamos at magayos ng konti. Bababa na sana ako para kumain
ng mapansin ko na may letter sa table sa tabi ng bed ko kaya kinuha ko yun at binasa.

'Charel, I'm sorry that I wasn't able to say goodbye to you. I went to a place far away to
pursue my modeling career. Always smile, okay? :) I'll be back pero matatagalan pa yun. Be with
Gab because he loves you. I'm gonna miss you Charel! I love you! -Terrence'

Iniwan niya din ako pero wala naman akong magagawa. I just need to accept the fact that he left
me for good. It doesn't hurt. Hindi naman ako inlove pa sakanya e pero mamimiss ko siya and
I'll be waiting na makabalik siya. Ang sabi niya, 'Be with Gab'. Is that a sign na mali yung
decision ko at dapat si Gab yung pinili ko? Well, I think so. From now on, I'll be with Gab.
Final na talaga to! He loves me and I know that he will never leave me. He's willing to wait
nga daw diba? Gabriel Vincent Teppei, I'm choosing you.
*******************************************
[54] CHAPTER 43: Move on from the past :)
*******************************************
Chapter 43: Move on from the past


Steven's POV

Saturday, November 26

Nandito na ako ngayon sa may car repair shop. Pinapaayos na yung sasakyan ko. Nandito na din si
Maeghan at may kausap sa phone. Model yata siya. May mga photoshoot kasi ako na naririnig sa
kanya. Naiinis na nga ko sa babaeng to e. English ng english. Sarap sapakin e! Dumudugo na
ilong ko sa kanya. Nakakaintindi naman ako kaso yung sa kanya, ang arte pakinggan. Buti talaga
babae siya at maganda din siya dahil kung hindi, nasapak ko na talaga yan.

"Hoy babae" tawag ko sa kanya
"Why? What's your problem?"
"Punta tayong mall"

Hinawakan ko yung wrist niya.

"Let go! I am so not gonna go there with you. I'd rather stay here than go out with you"
"Ang arte mo. Tara! Kasama yan sa ginawa mong kalokohan"
"Duh? Kalokohan? The hell?! I didn't do anything. It's just the car right? Nothing more"
"Sasapakin na kita e! Manahimik ka nga!"

Pinasakay ko siya sa sasakyan ko. Madaming sasakyan sa bahay e. Collection ng tatay ko kaya
pati ako nakikinabang. Pumunta na kami sa mall. Tinext ko na din sina KL, Spencer at Gab na
pumunta sa mall. Si Zia din dapat kaso may lakad siya ngayon. Medyo malayo din yung repair shop
sa mall kung saan kami magkikita kaya naman sakto lang yung dating namin dun dahil malapit na
din daw sina KL. Pumasok muna kami sa Shakeys. Dun kami magkikita. Lunch time na din kasi at
gutom na ako.

"Why did you bring me here? You really don't need to bring me out on a date. I don't like you
so you should stop this" -Maeghan
"Bakit? Gusto ba kita? Hindi naman ah? Para saan pa na table for 5 yung kinuha ko kung date to?
Wag ka ngang feeling. Kala mo naman ang ganda mo"
"Whatever"

Nakita ko na din naman sina KL na papasok. Pagdating nila, umupo na din sila. Katabi ni KL si
Maeghan tapos katabi ko yung dalawa.

"Hello!. I'm KL"
"Maeghan"
"This is Ga--"
"You don't need to tell me who they are. I met them yesterday duh?" -Maeghan

***

Pagkatapos namin kumain, humiwalay na muna sina Maeghan at KL. Kaming tatlo naman, nandito sa
timezone at maglalaro ng basketball.

"Pre. May gusto ka ba dun?" -Spencer
"Wala. Trip ko lang siya. Asa naman kayo na magugustuhan ko yun"
"Sus. Babae mo na naman" -Gab
"Hindi pa kayo nasanay?"
"Sanay naman. Pero pre, wala ka na ba talagang plano magbago?" -Spencer
"Asa ka pa dude. Wala ng pagasa yan" -Gab
"Wag niyo na talaga asahan"
"Paano kaya kapag biglang bumalik si Aine?" -Gab
"Hindi na babalik yun. Hayaan niyo na nga siya!"
"Pero mahal mo? Hahaha!" -Spencer
"Hindi. Laro na nga tayo"

Si Aine? Hindi na babalik yun dito. Masaya na siya dun. Mas pinili niya doon kaya doon na lang
siya. Basta pagtitripan ko muna si Maeghan. Makukuha ko din siya kahit na gaano pa siya
kataray. May thrill kasi kapag ganun. Mas nakakaexcite kapag pa hard-to-get yung babae.

*****

December 2, Friday 7 pm.

Mikaela's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nina Zeke. Dito kasi ako nagdinner.

"Babe?" sabi ko
"Oh?"
"What do you want to do on your birthday?"
"I don't know"
"Sleepover kaya? Hm, inuman na lang pala dito sa bahay niyo"
"Who would come? Alam mo naman na ikaw lang palagi kong kasama diba?"

Sabagay. Ako nga lang pala laging nakakasama niya bukod sa basketball team.

"Why not invite Jin and her friends?"
"Ano na naman bang binabalak mo Mika? Kawawain na naman si Jin?"
"No. It's not like that. Ano ba naman yan Zeke? Ganun ba talaga tingin mo sakin?"
"I know you. You really like seeing her suffering"
"Zeke naman! I want you to enjoy and that's it. Well, let's try inviting them. Kapag hindi
pwede then hindi natin ipipilit"
"Ikaw bahala"
"Sige Zeke. I need to go. I'll go here tomorrow na lang. Wag ka na magalit sakin okay? I'll try
to be nice this time. I love you babe"

Lumapit naman siya sakin at kiniss ako sa cheeks.

"I love you too"

Dinrive ko yung sasakyan ko papunta dito kaya naman hindi na ako nagpahatid sa kanya. Pagdating
ko ng condo unit ko, tinawagan ko naman sila. Niyaya ko si KL pero ayaw niya. What do I expect
from her? To join us? Ang laki ng galit sakin nun e. Anyway, hindi naman siya kailangan doon.
Ang importante, Jin and Gab will be there. Sina Spencer and Steven naman, napapayag ko na. Ayun
pang mga yun. Sina Jin and Gab na lang yung kulang. I dialed Jin's number.

[ hello? Napatawag ka ata Mika? ]
"No. I didn't call you. Don't state the obvious!"
[ Anong kailangan mo? ]
"I want to invite you at Zeke's birthday tomorrow night. You know? Let's hang out together,
have some drinks. That's it"
[ I dont know. I'm not sure if I can come. I'll try ]
"Lame reason. Sabihin mo na lang kasi kung ayaw mo"
[ I really want to come basta pupunta ako dyan bukas kapag pinayagan ako ]
"I need to know now kung if you're coming or not"
[ Pupunta kami. Bye ]

What the f*ck?! Binabaan ako?! Si Gab pala kasama niya ngayon. So I think pupunta nga talaga
sila. Well okay na yun. At least kahit 6 lang kami, that would be fun for me.
Tinext ko na sina Spencer and Steven na pumunta ng mga 10pm at tinext ko sina Jin and Gab na
pumunta ng dinner time. Syempre dapat kami munang apat. Let's see kung anong mangyayari bukas.

Gab's POV

Nandito ako kina Jin ngayon. Wala pa kasi si Axel kaya sinamahan ko siya. Nandito kami sa gild
ng pool at nakaupo. Nakaupo sa gilid. Nagkekwentuhan kaming dalawa. Wala na din dito si
Terrence at sabi niya, hindi niya na kami guguluhin ni Jin habang wala siya dito. Alam ko naman
na babalik din siya. Alam ko din na second choice lang ako pero okay lang. Sinabe na sakin
lahat ni Jin. Malas lang ni Terrence at umalis siya.

Mabilis kasi magkagusto si Jin sa iba at ayaw niya ng iniiwanan siya. Takot siyang magisa kaya
hindi na ako nagtataka kung bakit nagustuhan niya si Terrence. Alam ko na malakas dating nun at
mas mabait sakin. Madali kasi mahalin si Jin kaya hindi ko siya masisisi na nagustuhan siya ni
Terrence. Basta ang importante ngayon, okay na kami ni Jin.

"Lalim ng iniisip mo Gab ah?" -Jin
"Wag ka ngang magulo dyan kabs!"
"Sabing hindi ako kabayo e!"
"Araaaaay! Put-- sabing wag mo hahawakan buhok ko e! Kakapalit ko pa lang ng hairstyle e!
Nakakainis ka talaga horsey!"
"Hindi ako kabayo! Bwiset! Nakakainis ka! Gangster! Gangster! Sama sama mo! Spell gangster? G-
A-B-R-I-E-L. Gabriel! Wahaha!"
"Ano ba?! Sinabeng wag na wag mo akong tatawagin na ganun at Gab ang pangalan ko!"

Nasigawan ko tuloy ng wala sa oras. Ayoko na ginugulo yung buhok ko -___- Gangster? Madami
akong piercings pero hindi ako gangster. Ayaw na ayaw ko din na tinatawag ako na Gabriel.

"Oh? Bakit natahimik ka?!" tanong ko
"Galit ka?"
"Hindi!"
"E bakit ka sumisigaw ha?! Dapat ako yung nagagalit sayo e! Hindi naman ako kabayo pero kabs ka
ng kabs dyan. Nakakainis ka talaga!"
"Hindi ka nga kabayo pero kung umasta ka naman ganun kaya kabayo ka pa din"
"Sabing hindi ako kabayo e!"

*splash!*

Tinulak ako sa pool -___-

"Hahaha! Buti nga sayo! Pero hindi ko naman sinasadya e. Bleeh!"

Aba. Nagaasar ba siya? Hilain ko nga din dito sa pool.

*splash*

Akala niya ah? Wala pa naman akong dalang damit at nakauniform pa ako -___-

"Bakit mo ako hinila?!" tanong niya
"Tinulak mo ako e"
"Nakakainis ka Gab"
"Mahal mo naman"
"Anong sabi mo?!"
"Bingi! Sabi ko mukha kang kabayo."
"Waaaaaah!--"

Inilublob ko siya sa tubig. Sasabunutan ako nito e pero iniahon ko din naman agad siya. Malunod
to mamaya. Baka mapatay ako ng kuya nito.

"Ang sama mo Gab"
"Masama ka din naman e. Ang sadista mo. Gustong gusto mo na nasasaktan ako"
"Hindi naman ah?"
"Pero mahal mo?"
"Ha? Sino? Si Zeke? Oo naman"
"Okay"
"Joke lang honey!"

Ayoko nga siya pansinin. Bahala siya dyan. Zeke na naman -___- Hinawakan niya yung mukha ko
tapos nilapit yung mukha niya. Magkadikit na yung dulo ng ilong namin ngayon. Naglambing pa.
Halikan ko to e.

"Ang cute mo magselos honey! Ano ka ba naman? Wala na yung kay Zeke. Niloloko lang kita. I
love.. Hahaha! Ahon na tayo"

Nagsimula na siya lumakad. Hinila ko siya tapos humawak sa bewang niya.

"Ano yun? Nabitin ako e. Sabihin mo na sakin. Wag ka na mahiya"
"Ah! Yung. I love?"
"Oo"
"I love.."

Bigla naman nagring yung cellphone niya -___- Panira ng moment

"Wait! I need to answer that call. Ahon na tayo"

Nagmadali siya puntahan yung phone niya. Hindi ba siya nilalamig? Ang lakas ng hangin tapos
naka maikling shorts at sleeveless lang siya. Umahon na din ako kaagad at lumapit sa kanya
sabay niyakap ko siya galing sa likod.

[ hello? Napatawag ka ata Mika? ]
"No. I didn't call you. Don't state the obvious!"
[ Anong kailangan mo? ]
"I want to invite you at Zeke's birthday tomorrow night. You know? Let's hang out together,
have some drinks. That's it"
[ I dont know. I'm not sure if I can come. I'll try ]
"Lame reason. Sabihin mo na lang kasi kung ayaw mo"
[ I really want to come basta pupunta ako dyan bukas kapag pinayagan ako ]
"I need to know now kung if you're coming or not"

Nakikinig ako sa pinagusapan nila. Ang walang kwenta naman ng sinasabi kaya inagaw ko yung
phone niya.

[ Pupunta kami. Bye ]

Binabaan ko naman agad. Istorbo e -___- Si Mika lang naman pala.

"Gab naman. Bitaw nga. Bakit binabaan mo at sinabe na pupunta tayo? Hindi pa nga ako
pinapayagan ni kuya e"
"Ayoko nga. Payakap lang e. Istorbo kasi satin. Ako bahala. Makakapunta tayo"
"Ay ganun?"
"Magbihis ka na nga. Nanginginig ka na oh. Tara"
"E paano ka?"
"Damit ng kuya mo"

Pumunta na kami sa kwarto ni Axel para kumuha ng damit at dumeretso sa room niya para
makapagbihis na kami.

"Payakap nga hon. Namiss ko to e" sabi ko
"Ayoko nga. Hug mo mga fans mo. Ang dami nila na may gusto sayo oh. Nababasa ko sa facebook e.
Hahaha!"
"Pinapamigay mo na ako?"
"Hindi naman sa ganun. Hahaha!"

Humiga na lang ako sa kama niya. Sarap humiga e.

"Ano ginagawa mo dyan?! Bumangon ka nga!"

Hinihila hila niya ako.

"Matutulog muna ako. Ge"

Nagtakip ako ng comforter. Naka on na din kasi yung aircon kaya masarap matulog. Inaantok na
din ako.

"Yaaaaaaaaah! Hahaha!"
"Sh*t! Ang bigat mo Jin! Alis! Babangon na ako"

Daganan ba naman ako ng hindi ko alam -___- Ang bigat niya pa naman. Kabayo talaga. Umalis din
naman siya kaya bumangon na ako. Bigla naman nagvibrate yung phone ko. Nandito kasi yung gamit
ko sa kwarto niya e.

From: Axel
Ikaw na muna bahala kay Jin ah? Alagaan mo si princess. Malelate ako ng uwi.

Reply.

To: Axel
Don't worry. Ako na bahala. Ge.

Sent!

"Hon, tara na at magluto tayo ng pagkain. Malelate ng uwi kuya mo"
"Ay daya naman ni kuya! Ikaw yung tinext. Hindi ako"
"Nagtampo ka pa. Sige na. Sunod ka na lang sa baba"

Bumaba na ako at nagluto.

***

9:00 na din at natapos na akong magluto. Anong niluto ko? Sinigang. Galing ko diba? Marunong
naman ako magluto e. Tamad lang talaga pero dahil si Jin naman ang kakain, okay lang. Naayos ko
na yung pagkain sa lamesa kaya kumain na kami.

"Gab? Kailan ka pa natuto magluto?"
"Tagal na. Kumain ka na nga lang"
"SARAAAAAAP! Binili mo lang ata to sa labas e. Hahaha!"
"Manahimik ka nga. Kumain ka na lang. Lalaitin mo pa e"

Jin's POV

12 am na at hindi pa din dumadating si kuya. Ang tagal niya. May katulong naman kami e. May
magoopen pa din ng pinto para sa kanya mamaya. Si Gab? Nakatulog dito sa kwarto ko. Nakahiga
lang kami kanina e tapos biglang pagtingin ko sakanya, tulog na.

Ang gwapo ni Gab habang tulog. Mukha siyang inosente. Okay na din kami. Start kami ulit sa
umpisa at masaya kami ngayon. Away bati pa din pero mas sweet kami ngayon sa isa't isa. Si
Terrence, wala na akong balita sa kanya. Tama lang din yun. I'm with Gab so dapat hindi na
iniintindi yun. Move on from the past :) Nakatitig ako ngayon kay Gab. Mas gwapo siya ngayon
dahil sa new hairstyle niya tapos marunong pa pala siya magluto kaya nakakainlove.

"Baka mainlove ka nyan" -Gab

Dumilat siya bigla. Akala ko tulog siya >__< nakakahiya.

"Matulog ka na nga. Goodnight honey" -Gab
"Goodnight din honey"

Matutulog na nga ako. Goodnight!
*******************************************
[55] CHAPTER 44.1: Zeke's birthday (part 1)
*******************************************
Chapter 44.1: Zeke's Birthday (part 1)


Jin's POV

December 3.

Ang ganda ng gising ko. Wala nang problema at iniintindi e. Natatahimik na buhay ko kaya sana
wag na guluhin ulit. Excited na ako para sa mangyayari mamaya. Tagal ko na kasing hindi
nakikita si Zeke. Hindi ko na kasi sila nakakasalubong ni Mika sa school e. Naka move on na
yata ako. Hindi na din kasi ako naghahabol pa kay Zeke. Doon na lang siya kay Mika at okay na
ako kay Gab. Alam ko din naman na yun ang gustong mangyari ng lahat at nangyayari na yung gusto
nila.

Nasaan na nga ba si Gab? Umuwi siya sa bahay nila kagabi pag dating ni kuya. Ayaw niya daw kasi
na magisa lang si Mafelle. Pupunta din naman siya dito mamaya e. Mga 5 siguro ng hapon tapos
pupunta kami kina Mika. Sino sino kaya mga pupunta? Baka naman konti lang? Hindi naman kasi
mahilig makipagkaibigan si Zeke e. Ewan ko lang ngayon kung nagbago na si Zeke. Kasi dati, kung
sino lang gusto niya kausapin, ayun lang talaga pero kung naging friendly man siya ngayon, edi
much better :)

Bumaba na ako para makapag breakfast. Nandito pala si Jessica. Ang pretty niya talaga. Mukha
siyang doll at bagay sila ni kuya :) Nagpablack pa nga ng hair si kuya para sa kanya e.
Namimiss ko na yung blonde na hair ni kuya.

"Hello Jessica"
"Hi Jin" -Jessica
"Zaoshang kuya!" (good morning)
"Zaoshang princess. Kain ka na, okay? May date kami ni panget e" -kuya
"Kayo na may date kuya! Anyway, I'll text na lang later kung gagabihin ako"
"As long as youre with Gab, alam ko naman na magiging safe ka. Sige princess, alis na kami
Zaijian!" -kuya (Zaijian -bye)
"Bye Jin!" -Jessica
"Bye kuya. Bye jessica"

Umalis na sila kaya wala na naman akong kasama dito. Yung katulong na lang. Sina kuya and
Jessica? Ang sweet talaga nila. Hindi ko pa sila nakikitang magaway. Ang swerte nila sa isa't
isa :) Sana ganyan din kasweet magiging boyfriend ko. Boyfriend?! Ano bang iniisip ko? Wala pa
kong plano mag boyfriend for now. I just want to enjoy kung anong meron ako kasi hindi ko alam
kung hanggang kalian yun. Hindi din naman kasi porket pinili ko si Gab, magiging boyfriend ko
agad and same with Terrence. Kahit siya pinili ko at nandito siya ngayon, hindi ako papayag na
maging girlfriend niya ako kaagad.

*cellphone ringing..*

Waaaah! Phone ko yun! May tumatawag. Baka si Gab na yun! Tumakbo ako papunta ng room ko at
sinagot agad yung call.

"hello Gab?"
[ I'm not Gab ]
"Zeke, ikaw pala yan. Sorry, akala ko si Gab e"
[ okay lang. Pupunta ka mamaya? ]
"Yup. Why?"
[ wag ka na pumunta. Mukhang may binabalak si Mika na hindi maganda ]
"Zeke? Kailan ka pa naging concerned sa pagaway sakin ni Mika?"
[ Simula nung naaksidente ka ]
"Pupunta ako. Gusto na din kita makita e. Oo nga pala. Anong gusto mong gift?"
[ gift? Wag ka pumunta mamaya. That's it ]
"Zeke naman e!"
[ Ge bye! ]

Binabaan niya ako. Ano ba naman yan? Gusto ko pumunta pero yung gusto niya, wag ako pumunta.
Tuparin ko na lang kaya?

*Mika calling..*

"hello? Bakit ka napatawag Mika?"
[ I just want to make sure that you will come ]
"but Mika.."
[ Dont tell me na hindi. Duh?! Jin! What the hell? Wala ka na ba talagang isang salita ngayon
or is it just because may gusto ka pa sa boyfriend ko kaya ayaw mo pumunta?! Di pa din makamove
on? Loser ]
"It's not like that. Kasi.."
[ then come ]
"but.."

Binabaan din ako. Ano ba naman yan?! Pupunta pa ba ako? Ayoko naman ipakita na hindi pa ako
nakamove on pero gusto ko maibigay kay Zeke yung gusto niya. Ang gulo naman oh. I need to
decide. Mahirap na baka mamaya magulo na naman isip ko.

***

5 pm na. Nandito ako ngayon sa room ko. Si Gab naman, nasa living room at hinihintay ako.
Nakapagdecide na ako. Pupunta kami. Nagshorts, sleeveless and jacket lang ako. Kasi naman, sa
bahay lang naman yung punta pero yung suot ko naman, parang sa mall yung punta ko. Pagkatapos
ko magayos, pinuntahan ko na si Gab sa living room at nakita ko siya na nagtetext. Sino naman
kaya katext niya? Bihira lang naman siya magtext e. I wonder who but that's none of my
business. Privacy naman kasi.

"Bakit ganyan suot mo?!" -Gab
"Anong problema sa suot ko?"
"Magpants ka"
"A-YO-KO!"
"Bahala ka nga"
"Ah. Okay"

Magsusungit pa. Ayoko na magpalit e. Okay naman yung suot ko kasi at maarte lang talaga siya.
Sumakay na kami sa sasakyan niya. Tahimik lang siya. Gusto niya magsungit? Fine. Nakarating din
kami agad sa bahay nina Zeke. Ang tagal ko na din na hindi nakakapunta dito. Mukha namang
walang pinagbago.

*ding dong*

Pinagbuksan kami ng katulong nina Zeke at pinapasok. Nakita ko din naman sina Zeke at Mika na
nakaupo sa sofa sa living room.

"Hey Jin. You came. It's so good to see you. Hi there Gab" -Mika
"Yea. Hi Zeke"

Umiwas lang siya ng tingin. Galit yan kapag ganyan o kaya naiinis. Hindi ko na natupad yung
gusto niya tapos wala pa akong dalang gift. Nakakahiya sa kanya. Magsisix pm na kaya naman
nagyaya na si Mika kumain. Ano yung food? Lasagna. Madalas namin kainin ni Zeke to nung kami pa
e. Happy memories. That's all I have now. Kumain na kami. Katabi ko si Gab at katapat ko naman
si Zeke na katabi naman si Mika. Kumakain lang kami. Ang tahimik.

"Hello? Mananahimik na lang kayo dyan? Duh? This time is for our bonding. Problema niyo? Ikaw
Jin? May problema ka?" -Mika
"Wala. Baka sila meron"
"Meron nga ba?" -Mika

Wala namng sumagot sa tanong niya na halatang ikinainis niya.

"What the hell?! Am I invisible here? Nakakainis naman oh. Bahala nga kayo dyan! Tara Jin, dun
tayo sa living room" -Mika
"Ha?! Ah. S-sige"

Dinala na lang namin yung food namin ni Mika sa living room at dun kami kumain.

"Hey Jin. Do you know what's going on with those two?"
"Ha? Hindi ko din alam e. Nagaway ba kayo ni Zeke?"
"No. Shizz. Hayaan na nga natin silang dalawa. They're so topakin and I really hate it. You
know what Jin? Let's be friends for tonight. I'm sincere this time. Ayoko muna ng gulo between
the two of us for the sake of Zeke"
"Sure. Wala namang problema sakin yun Mika e"
"Good. Wait"

Umalis siya at pumunta dun kina Zeke. Nakakapanibago siya. Mukha namang may plans na naman siya
e. Prepared naman na ako dun. Tumayo na din naman ako at pumunta sa kitchen para iligpit yung
pinagkainan ko. Pagdating ko dun, wala na sina Mika at Zeke doon. Siguro naguusap sila. Si Gab,
busy magtext. Sino naman kaya katext niya? Iba din yung gamit niya na phone. That's none of my
business so hindi ko na dapat alamin yun pero gusto ko talaga malaman. Kasi parang ang sipag
niya magtext. Hindi naman siya ganun ee. Dumaan lang ako sa harap niya at hinawakan niya yung
wrist ko.

"Oh bakit?" tanong ko
"Nainis lang ako kanina. Tara na nga. Wag mo na ako sungitan"
"Sige po"

Pumunta na kami sa living room at umupo muna sa sofa. Ano na kaya nangyayari kina Mika? Mukhang
natagalan yata?

"Gab?"
"oh?"
"Wala naman po. Bakit kaya wala pa yung iba?"
"ewan ko"
"Sunget naman. Hindi ba pwede sumagot ng mas mahaba?"
"Okay"

Kahit kailan talaga ang moody ng taong to. Minsan ang sweet tapos biglang magsusungit na naman.
Ganyan talga siya kaya wala akong magagawa. Nakatingin lang ako sa kanya. Nagtetext pa din kaso
mukhang naiinis na siya. Ano kayang meron? Tinabihan ko siya. Hindi kasi kami magkatabi kanina
e.

"Honey? Okay ka lang? Badtrip ka yata? Para kasing naiinis ka na sa katext mo e"
"Ha? Hindi ah. Ako may katext? Wala"
"E bakit--"
"Wag na magtanong honey. Okay lang ako. Wag mo na akong pansinin. Naglalaro kasi ako tapos
hindi ko matapos tapos yung level"
"Weh? Patingin nung game. Tatry ko. Akin na phone mo dali"
"Ayoko nga. Alam mo ba yung word na privacy?!"
"Galit? Mag ggames lang e. Anong connect nun sa privacy?"

Bigla din naman dumating sina Zeke at Mika kaso hiwalay sila ng upo. Bali yung pwesto namin
ngayon is: Mika - Gab - ako - Zeke. May problema siguro sila. Hindi na nga ako magtatanong.
Privacy daw kasi -___-

"Guys. Let's watch a horror movie. Then I'll go get some drinks. Sleepover na lang kaya tayo
dito? That would be fun! Hindi na kasi makakapunta yung iba e. Is that okay with you guys?" -
Mika
"Okay lang sakin" -Gab

Tumingin naman sakin si Zeke. Horror movie kasi. Alam niya na matatakutin ako e. Ngumiti na
lang ako sa kanya.

"Okay lang sakin" -Zeke
"How about you Jin?" -Mika
"Sure. Sleepover? Wala akong dalang gamit dito"
"Don't worry. Bumili na ako ng mga kailangan mo and yung sa damit naman, I have clothes there.
Besides, okay naman yang suot mo e" -Mika
"Ah. Sige"

Nagsimula na kaming manuod ng movie. May bote naman ng the bar sa table tapos may junkfoods
din. Umiinom lang kami at pasahan lang. Hindi ko alam yung title ng movie. Nakakatakot talaga
at ayoko manuod pero hindi ko maiwasan na hindi tumingin kaya nakatakip na lang ako ng mata.
Kumakain na nga lang ako dito para mabawasan yung takot ko e.

"Charel, okay ka lang?" -Zeke
"Hindi. Natatakot na ako" bulong ko
"Sandal ka na lang ulit sakin kagaya ng dati"
"Sure ka? Di ba magagalit--"
"Just do it para naman mabawasan takot mo"

Ginawa ko naman yung sinabe niya. Kapag natatakot kasi ako dati. Lagi lang akong nagtatago sa
balikat niya. Ang broad kasi ng shoulders niya e.

"Mukhang may pinaguusapan kayo ah? Uso magshare guys. Ang sweet niyo na dyan ah? Hindi naman
kayo lalanggamin nyan?" -Mika

Napaayos ako ng upo at napatakip ako agad ng mata ko. Nakakatakot kasi biglang lumabas yung
multo sa tv. Ayaw na ayaw ko talaga ng horror movies. Hindi na naman ako makakatulog nito.

"Hey Jin, what's your problem?" -Mika
"Ah-eh kasi--"
"She's scared. Tama na yan. Let's stop watching that movie" -Zeke
"Ang KJ mo Zeke ah?" -Mika
"Hayaan mo na Mika. Uminom na lang tayo" -Gab

Inoff na nila yung tv. Nakakahiya sa kanila. Panira pa ako e.

"So guys, let's play a game na lang. Magsasabi ako ng isang phrase then kung sino meron nun,
iinom ng isang shot. Okay ba? Kung ayaw, then dare yung gagawin tapos spin the bottle para sa
magbibigay ng next phrase" -Mika
"Go. Ikaw na magbigay ng phrase Mika" -Zeke
"Okay. May brother" -Mika
"Ako meron. Ang daya naman. Ako agad una"

Ininom ko na lang yung isang shot. Panget talaga ng lasa ng alak. Pero dahil ayaw ko na magpaka
kj, iinom ako. Nagspin na ako ng bottle at kay mika tumapat.

"Okay. My turn again. So ganito, kung ilan meron sa name niyo na letter na yun, ganun kadaming
shots din iinumin. Padamihan ng letter 'E' sa name. 2 sakin" -Mika
"4 sakin" -Zeke
"1 sakin"
"4 din sakin" -Gab
"Then gab and Zeke, kayo yung iinom. Tag 4 shots" -Mika

Uminom din naman sila. Ang dami nun. Ang sakit kaya sa tyan ng alak.

***

Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalaro. Mga 9 na din ng gabi. Naka 2 bote na kami ng the bar.
Puro sila shot at walang nagdedare. Madami na nga din akong nainom e. Nahihilo na ako but I'm
not drunk. Ang tibay nga nila e.

"Guys. dare naman tayo! Dami na nating nainom oh. So, game?" -Mika
"Ge lang" -Gab

Unang tumapat? Kay Gab. Dare niya? Kiss sa lips.

"Pwede bang iba na lang?" -Gab
"Bawal KJ. For sure may mga first kiss na tayong lahat so walang mawawala" -Mika
"Walang kj? Sigurado ka dyan Mika? May boyfriend ka" -Gab
"We broke up. It doesn't matter anymore" -Zeke

Nagbreak na sila?! O__O! Pwede ba magpakaKJ na lang dito? Hindi ko kaya yun e. Kiniss niya si
Mika. Waaaah! Hindi ko kaya to! Sakin naman tumapat at si Mika ulit yung magdedare ang daya
naman oh >__<

"Now. Let's see. Walang kj so dapat gawin mo to. Kiss mo din sa lips yung guy na mahal mo for
now" -Mika
"Ha? Wala akong love sa kanila"
"Impossible" -Mika
"Gawin mo na lang" -Gab

Napatingin ako kay Gab. Kilala niya na siguro yung pipiliin ko diba? Pero bakit siya ganun?
Sino? Si Zeke. Siya yung kiniss ko pero sa cheeks lang. Si Zeke naman nginitian lang ako at
pagtingin ko kay Gab, umiwas lang siya ng tingin. Nakasmile naman si Mika.

"Daya naman oh. Katamad naman maglaro kapag ganyan" -Mika

Bigla naman nagring yung phone ni Gab.

"Saglit lang" -Gab

Lumabas muna ng bahay si Gab. Si Zeke naman, pumunta muna ng room niya. May kukunin lang daw.

"Are you happy now? Zeke and I broke up. Anyway, favor naman Jin" -Mika
"Ha? Ano yun?"
"Puntahan mo naman si Zeke. I know na may problema kayo. Ayusin niyo na yun. Mukha kasing
nabadtrip siya kanina pagdating mo e"
"Ah. Oo. Sure ka?"
"Yes. Zeke and I were friends naman. Sige lang. Usap lang kayo"
"Sige"

Kailangan ko din talagang makausap si Zeke kaya pinuntahan ko siya sa room niya. Nagchange pala
siya ng clothes. Niyaya niya naman ako sa garden para doon kami makapagusap ng maayos.

"Zeke. Galit ka ba sakin?"
"No. Ayoko lang na pumunta ka. Alam ko na may pinaplano na naman si Mika pero sa ngayon, mukha
namang wala. Pinagtalunan din namin to kanina e"
"Kaya ba kayo nagbreak?"
"Oo. Ang babaw diba? Ginagawa niya lang kung ano yung gusto niya at dahil sayo, nagtalo na
naman kami"
"Sorry"
"No need to say sorry Charel. We're still friends. We're gonna be okay"
"Kahit na. Sorry talaga. Dapat pala hindi na talaga ako pumunta. Ayoko kasi ipakita na may
feelings pa ako sayo kaya pumunta ako"
"But you do have feelings for me don't you? Dont lie. Kilala kita"
"Yes. Ang hirap magmove on pero malapit na talaga. Just a little more time"

Nahihilo na talaga ako. Gusto ko na humiga at magpahinga >__< feeling ko babagsak na ako.
Napahawak ako sa ulo ko.

"Are you alright?"
"Yup. Nahihilo lang talaga"

Inalalayan naman niya ako tapos bigla niya akong hinug.

"Ayan kasi iinom inom ka tapos hindi mo naman pala kaya. Sa susunod, wag ka na uminom kapag
alam mong hindi mo kakayanin"
"Ee kasi--"
"Sshh. Don't explain anymore. You're already drunk"
"I'm not. Kalas na sa hug. Baka ano na naman isipin nila kapag nakita nila tayo e"
"As you wish Charel. Namiss lang kita. I really thought that you'll be gone but I'm very happy
that you're not"

Kumalas na siya sa hug and he cupped my face.

"Be with Gab, okay? Mukha namang okay kayo and I know that he loves you and hindi ka niya
sasaktan kagaya ng ginawa ko sayo. I saw how he stopped your parents nung nasa hospital kayo"

He kissed my forehead and I hugged him.

"Thanks Zeke. I will. Nagsisimula na ako ngayon with Gab. Ang sungit lang kasi niya pero kaya
ko naman yun. Thanks ulit sa lahat ah?"
"Wala yun. Tara na at baka hinahanap na nila tayo. Balik na tayo sa loob"

Bumalik na kami pero wala silang dalawa. Anong nangyari?

*bzzt bzzt*

Phone ko nagvibrate. May nagtext.

From: fiancee
Enjoy ka dyan. Babalik ako dyan bukas ng umaga para sunduin ka. I'm with Mika. May pinuntahan
lang kami na emergency. Bye!

Pinabasa ko naman kay Zeke yung text ni Gab. Sabi naman ni Zeke, tawagan ko daw. Tinawagan ko
pero hindi macontact yung phone. Anong emergency naman kaya yun?

"He's not picking up"
"I'll try calling Mika. Cannot be reached. Hayaan na muna siguro natin sila Charel. Just stay
at my house tonight. Susunduin ka naman daw niya dito bukas e"
"Sige. Kasi naman si kuya umalis at bukas pa yung balik. Hindi tuloy ako makauwi. Wala din
akong kasama sa bahay"
"Let's just have some time together. Wag mo na muna isipin yung mga problema okay?"
"Sige Zeke"

*******************************************
[56] CHAPTER 44.2: Zeke's birthday (part 2)
*******************************************
Chapter 44.2: Zeke's Birthday (part 2)


Jin's POV

Kami lang naiwan dito ni Zeke at kumain lang kami at nanood kami ng Kung Fu Panda. Time Check:
12 am at tapos na yung movie. At dahil kumain kami, nagkaroon ng mga hugasan at kalat. Naglinis
kami at ako naghugas ng plates. Ang sipag ko! Hahaha! Hindi ko to ginagawa sa bahay.
Nagsipasukan na din kami sa mga rooms naming pagkatapos. Syempre hiwalay kami ng room. Hindi
kami pwede magsama sa room ano at madami din naman kasing kwarto sa bahay nila e. Nagtoothbrush
at hilamos na ako at saka humiga na. In-on ko na din yung aircon at open lang yung lights.
Ayoko ng nakapatay yung ilaw. Natatakot kasi talaga ako. Naaalala ko yung dun sa movie na
pinapanuod nila kanina. Nakakatakot yung mukha >__<

"WAAAAAAAH!"

Nagtaklob ako bigla ng comforter at pumikit lang ako. Bigla kasing nagbrownout. Hala naman >__<
waaah! Paano na ako? Natatakot ako baka mamaya may mumu dito. Nasaan na ba si Zeke? Ayoko
magisa dito. Baka kasi tulog na yun ngayon e. 1 na yata? Baka mamaya may kumalabit na sakin na
mumu. Ako lang din kasi magisa dito. Kuyaaaa! Hindi din ako makatext. Nakakatakot kasi magilaw
kapag madilim dahil baka kung ano pa yun makita ko. Pipikit na lang talaga ako.

Biglang may naramdaman akong humawak sa braso ko. Imagination ko lang yun Jin. Wala naman na
akong nararamdaman na mumu e. Waaaah! Hinawakan ako ulit. Iiyak na talaga ako :'( Natatakot na
ako ng sobra dito e. Biglang tinanggal yung takip na comforter.

"Waaaaaah! Layuan mo ako!"

Umiiyak na ako. Natatakot na ko ng sobra. Nakapikit pa din ako ngayon. Bigla akong hinawakan sa
shoulders para iupo. Pinagpapalo ko naman yung nasa tabi ko.

"Layuan mo akong multo ka!"
"HAHAHAHAHAHAHA! Charel! It's me, Zeke"

Napadilat ako tapos pinagpapalo siya. Pinunasan ko na din yung luha ko. Natakot kasi talaga ako
e. Sobrang matatakutin ako sa multo. Sobrang lawak pa naman ng imagination ko.

*blag*

Bigla akong napayakap kay Zeke. Kung ano anong sounds na naririnig ko e.

"Zeke naman e. Tinakot mo ako. Alam mo naman na takot na takot ako sa ganito e. Wag mo ako
iiwan ah? Natatakot ako e"
"Don't worry Charel, I'm here. Wag ka na matakot. Maghanap na muna tayo ng flashlight"

Kumalas na ako sa hug.

"Wala ba kayong generator?" tanong ko
"Walang gas kaya magtitiis muna tayo sa ganito. Tara"
"Ha? Saan pupunta?"
"Sa baba?"
"Wag na. Dito na lang muna tayo"
"Sige. Ako na lang yung bababa. Dito ka muna ha?"

Kumapit ako sa braso niya.

"Wag mo ko iiwan. Sasama na lang ako"

Bumaba na kami. Nakakapit lang ako sa braso niya. Pumunta naman siya sa kung saan nakapark yung
sasakyan niya.

"Problema mo Zeke?"
"Si Mika. Ginamit yung sasakyan ko"
"Hindi mo naman yata gagamitin e"
"Pupunta tayo sa gas station. Mukhang matagal pa tong brownout"
"Edi lakarin na lang naten. Malapit lang naman yun e"
"Hintayin mo ko dito. Kukunin ko lang yung susi ng bahay"
"Sasama ako"
"Ano ba Jin?! Stop acting like a child! Saglit lang yun!"

Bumitaw na ako sa braso niya. Nainis na siya sakin e. Napagsabihan pa ko ng stop acting like a
child. Umalis na siya papasok ng bahay at nandito lang sa labas ng bahay pero nasa loob naman
ng gate. Umupo na lang ako sa may hagdan at tumungo. Natatakot ako e. Maya maya may gumagapang
sa paa ko kaya napatayo ako agad.

"Awch!"

Umupo na lang ako. Ang sakit. Nadapa ako -___- May ipis kasi e. Mukha namang wala akong sugat
e.

"Tara na"

Tumayo na ako at saka kami lumabas. Malapit lang naman yung gas station dito kaso sa labas pa
yun ng village.

Zeke's POV

Pauwi na kami ngayon. Wala din kaming napala -___- Hindi ko alam na nagsara na pala yung gas
station na yun kahapon lang. Asar. Kasama ko si Charel pero hindi na siya kumapit sa braso ko
simula nung napagsabihan ko siya. Medyo nauuna ako maglakad ngayon at alam ko naman na
nakasunod lang siya sakin.

"Charel, sumabay ka sakin sa paglalakad. Mamaya may biglang kumuha sayo dyan. Nagkalat pa naman
mga g*go sa mundo ngayon"
"Sige lang. Nandito lang naman ako sa likod mo e"
'"Charel!"
"Sige na. Wag mo na ako intindihin. Okay lang naman ako e"
"Stop-Ano ba?! Magingat ka nga!"

Muntik na siya masagasaan. Ang g*go nung driver ng sasakyan. T*ng*na! Ang lawak ng daan e.
Nananadya ba yun? -___- Hawak ko pa din siya sa balikat ngayon. Buti na lang lumingon ako nung
may napansin akong ilaw. Halata namang gulat din siya.

"S-sorry" pabulong na sinabe niya
"Ano pang magagawa ng sorry mo ha? Paano kung nasagasaan ka?! Sinabe na kasing dito ka sa tabi
ko diba?! Tara na nga!"
"Zeke"

Hindi ko lang siya pinansin. Hawak ko yung kamay niya. Naiinis ako -___- Hindi ko siya magawang
protektahan. Muntik na talaga yun. Hinila ko siya at tumakbo kami. Bigla kasing bumuhos yung
malakas na ulan. Kaya pala sobrang dilim kanina kasi uulan. Kung malas ka nga naman talaga oh.
Pagdating ng bahay, umupo na muna kami sa sofa sa sala at kumuha ako ng kandila at sinindihan
yun. Hinubad ko yung shirt ko. Hinubad niya naman yung jacket niya. Basang basa din siya.

"Magbihis ka nga! Ui Zeke!"
"Basa ako at ikaw naman, may jacket ka pala. Bakit hindi mo sinuot ng maayos?"
"Walang hood"
"Tara sa kwarto. Dun tayo"
"H-ha? Pwede namang dito na lang tayo ah?"
"Hindi pwede. Dun na lang tayo"
"A-anong gagawin?"
"Alam mo na yun"

Nanlaki yung mata niya tapos kinuha niya yung jacket niya at itinakip sa kanya.

"Wag ka ngang magisip ng kung ano! Dun tayo sa kwarto! Hindi ka pwede dito magbihis. Tara na
nga"

Hinila ko na lang siya. Kung ano ano iniisip niya. Porket kaming dalawa lang dito at madilim?
Hindi ko naman siya gagawan ng kalokohan. Pumasok kami sa kwarto ko at kumuha ako ng dalawang
shirt at towel.

"oh" sabi ko sabay abot sa kanya ng tshirt at towel
"Anong gagawin ko dito?"
"Kainin mo"
"Zeke naman!"
"Common sense Charel. Magbihis ka. Ayun CR oh"
"Ang dilim. Dito na lang ako magbibihis. Talikod ka na lang. Wag kang titingin ah?"
"Ah. Ge"

Pumwesto siya dun sa corner at nagbihis. Ang haba nung damit ko sakanya. Natakpan na yung
shorts niya e. Tinali niya din yung buhok niya. Ang puti ng legs -___- T*ng*na! Wag mo
pagnasahan. May tama na nga talaga ko ng alak. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Kiniss ko
yung leeg niya.

"A-ano ba Zeke?! Layuan mo nga ako. At isa pa, magbihis ka nga! Amoy alak ka oh. Lasing ka na
ata e"
"S-sorry"
"Okay lang"

Napalayo din naman ako sa kanya. Nagsuot na din ako ng shirt.

"Gusto ko na matulog Zeke. Dito na lang ako matutulog ah? Ayoko dun sa kabila. Nakakatakot.
Wala akong kasama dun e"
"Sige. Pahinga ka na"

Humiga na siya dun sa kama. Humiga na din naman ako. Magkaharap lang kami ngayon

"Zeke, wag ka aalis ah? Natatakot ako. Dyan ka lang hanggang sa makatulog ako"
"Sige. Matulog ka na okay?"

Nginitian niya lang ako at pumikit na siya. Hindi naman ako makatulog. Kulang pa yata ako sa
inom e. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakakamiss din talaga siya. Mika and I broke up but it
doesn't mean na pwede pa kami ni Jin. Gusto ko na maging masaya na lang siya kay Gab kasi alam
ko na mahal siya nun e. Pinapanuod ko lang siya. Pinipigilan ko lang sarili ko. Mamaya ano pa
magawa ko dito e. Alam niyo ba na may needs din kaming mga lalaki? Mahirap magpigil ah? Tapos
gusto niya na nandito lang ako? Hindi ko yata kakayanin yun magdamag. Tatayo na sana ako pero
pinigilan niya yung kamay ko. Gising pa pala siya. Akala ko naman tulog na siya.

"Akala ko ba dito ka lang? Iiwan mo yata ako e"
"No. I thought that you're already sleeping"

Humiga na lang ako ulit at kiniss siya sa forehead.

"Matulog na nga tayo. Goodnight Charel"
"Goodnight Zeke"

Humiga ako ng nakatalikod sa kanya para hindi ko din makita yung mukha niya. Mahihirapan ako
matulog kapag nakikita ko siya e. Naramdaman ko din naman na lumapit siya ng konti sakin.
Natatakot nga pala to. Sobrang matatakutin e.

"Happy birthday Zeke"

Gab's POV

Nandito kami ni Mika ngayon sa isang lugar na hindi matao. Hindi ko alam kung saan to.
Pinasunod lang ako ni Mika sa sasakyan na ginagamit niya e.

"Here. Let's drink" -Mika

Inabutan niya ako ng in-can na beer tapos uminom lang din siya.

"Sige lang. Ilabas mo lang lahat. Pwede ka magingay dito. Wala kang maiistorbo. Dito ako
pumupunta kapag gusto ko maglabas ng sama ng loob" -Mika

Tumingin ako kay Mika. Seryoso lang siya. Masama man yung ugali niya pero alam ko na may
kabaitan din siya at hindi yun nakikita ng iba.

"Go. Ayaw mo? Edi ako na lang muna ha? Nakakainis! I really want to kill you Jin! Hey Gab.
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kaya wag kang magagalit sakin"
"Sige lang"
"Bakit ganun ha?! She's always the best. When will it be me huh? I really really love Zeke but
we broke up all because of her. It's not right to blame her because it's not her fault that
Zeke still likes her. Ang sakit lang kasi e. Ang babaw ng reason for us to break up. We broke
up just because I invited her to his birthday. Is it wrong to invite her over? Yes, I want to
make her jealous of us but look at what happened. It's over. You know what Gab? I'm so jealous
of her. She has everything. A family that cares, friends that love her and you. Even Zeke cares
for her. Pero ako? I have my family pero wala silang pakialam kung magexcel ako sa school or
what. I have all the material things that I want pero yung love and care, wala. Zeke is all I
have and yet kahati ko pa din si Jin sa kanya. Aish. This is so not me. The great Mikaela
Valdez nagdadrama? This is so embarassing"

Ininom niya lang yung beer niya. Isipin mo yun? May mga problema din siya pero hindi mo
mahahalata sa kanya yun. Ang makikita mo lang sa kanya, yung pagiging malakas niya pero marami
din siyang problema.

"Mika, iiyak mo lang yan kung gusto mo"

Tumingin siya sakin at natawa.

"Are you kidding me? Do you expect me to cry in front of you? Well, you're wrong about that.
Well there, I'm done. Nalabas ko na lahat ng sama ng loob ko. It's your turn"
"Wala naman akong sama ng loob"
"You can't fool me Gab! Ikaw nga ang nagyaya na umalis doon diba?"
"Pwede bang manahimik ka na lang? Gusto ko ng katahimikan"
"As you wish"

Nagyaya nga ako na umalis doon dahil sa nakita ko. Nakita ko lahat ng ginagawa nila kanina.
Hindi ko man narinig pero nakita ko at hindi ko gusto yun. Nalingat lang ako saglit, lumandi na
naman siya. Alam ko na hindi ko dapat naiisip na ganun siya pero hindi ko mapigilan. Lagi niya
kasing sinasabe na naka move on na siya pero ano na naman yung nakita ko? Pwede ba ipaliwanag
yun? Wag na lang pala. Hindi ko na kailangan ng paliwanag niya. Tanggap ko naman na takbuhan
niya lang ako pero kapag napagod na talaga ako, iiwan ko din siya.

"You do really love Jin, don't you?"
"Tinatanong pa ba yan?"
"She's really lucky to have you but why is she like that? Ginagawa ka lang niyang takbuhan
kapag iniiwanan siya at kapag wala na siyang malalapitan"
"MIKA!"
"Don't worry. I know my limitations. You want more?"

Inabutan niya lang ako ng isa pang can ng beer.

***

3 na ng madaling araw at hindi namin namalayan yung oras. Nandito kami ngayon sa back seat ng
sasakyan ko. Kakaubos lang namin ng lahat ng dala niyang beer. Tuloy tuloy lang kami sa
pagkekwentuhan. Malalaman mo naman na mabait si Mika kapag nakilala mo siya. Masama man siya
pero sa mga itinuturing niya lang na kaaway.

Mika's POV

Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan ni Gab. Well, he shared something about Jin and I also
shared something about myself and Zeke. I know that I'm earning his trust and vice versa. Gab
is really nice. I really just can't understand what's wrong with him and ginaganun siya ni Jin
at siya naman pumapayag doon. That girl is really getting on my nerves. She's a flirt. She
wants all the attention pero ayaw naman pala niya ng iniiwan siya ng mga tao. No wonder Gab
wants to give up on her. About the drama earlier, just like what I've said, DRAMA! kaartehan ko
lang yun >:) Gusto ko kasi magopen up si Gab sakin but everything that I've said is true. I'm
really not the type kasi na mahilig magopen up except na lang if I trust that person.

Ubos na namin lahat ng dala kong drinks. May tama na din yata ako? Medyo nahihilo na ako e >__<
shizz. Hindi dapat ako uminom ng madami e. Yung kasama ko naman, mukhang may tama na din. I
think it's time for my plan. Ang makuha si Gab. >:)

"Gab, help me move on"

Hinawakan ko yung mukha niya para iharap sa mukha ko.

"Let's help each other. You'll help me move on and at the same time, malilimutan mo din si Jin.
Nakita mo naman yung kanina diba? Okay na sila then I think it's okay lang din naman kung
maging tayo diba? Hindi pala. I don't care kung maging tayo man or hindi. Just please be with
me. Gusto ko lagi kang nandyan for me"
"Mika, gusto kita tulungan pero--"
"Then you will always be with me and help me move on?"
"Susubukan ko"

I kissed him. I don't know why but he kissed me back. Kumuha ako ng picture using my phone.
Nakuha ko na yung gusto ko. Nagsisimula na ako sa plans ko. I suddenly stopped

"Hindi ko napigilan"
"It's okay Gab. I think si Jin ang naiisip mo while doing that. Right?"
"Hindi talaga dapat ako uminom ng madami"
"You're a good kisser anyway"
"Kailangan mo ba talaga ipaalam sakin yan?"
"Not really. Magpawala ka na ng tama mo. Sleep if you want to"
"Ayoko matulog. Ikaw na lang"
"Ayoko din e. Um, Gab? Can I see your phone?"

Nilabas niya yung phone niya.

"No, not that. Your other phone. The one that you're using to text me"
"Oh"
"Thanks"

Yea right. Nagkakatext kami ni Gab. He's using a different phone and sim nga lang to text me. I
think, hindi ito alam ni Jin. Gab and I were starting to develop our friendship and now, sina
Jin and Zeke lang yung walang alam. I checked his phone. Inbox, sent items pati call log. Risa
Hayashi. This girl's name is familiar. Sino nga ba siya? I remember na. Gab's girl in Japan.
I'm so great talaga! So, hindi lang ako nakakatext ni Gab dito? Si Risa din and kausap niya pa
kanina. So she's the girl na tumawag kay Gab kanina.

*1 new message*

Basahin ko nga. He let me see his phone so I think pwede basahin mga texts diba?

From: Risa Hayashi.
Sure. Goodnight babe. I'll sleep na ha? Its 4am here na. Stop drinking okay? I love you :*

So may other business si Gab at hindi lang si Jin? Or is it just this girl?

"Who is Risa Hayashi in your life Gab?"

Mukha namang nagulat siya sa tanong ko at naging seryoso yung facial expression niya. Kinukuha
niya sakin yung phone niya pero ayoko ibigay.

"Ibalik mo na sakin phone ko Mika!"
"I don't want to. Answer me first"
"Ex. Akin na phone ko"
"Nagtext pala si Risa"

Inabot ko na sa kanya yung phone niya. Mukhang may kalokohan din itong si Gab ah? Hahaha! Hindi
ko lang nabasa yung sent items. Sayang. Maybe next time.

"Kung may mga nabasa ka man, kalimutan mo na lang"
"Don't worry. You're now my friend. You can trust me"

Nanahimik na lang siya. It looks like ang inaakala ng iba na mabait na Gab ay may kalokohan din
pala? Hindi lang pala ako yung masama dito e. Poor Jin. Napapaligiran ng mga taong hindi naman
totoo sa kanya.

***

Ang dameng naishare sakin ni Gab about Risa and him but it's a secret. I also have Risa's
number and I think magkakasundo kami. 6am na and we're on our way back to Zeke's house. Ano
kaya madadatnan namin dun? Ano kaya nangyari sa kanila for the whole night? Only the two of
them in one house. Si Zeke pa naman mahilig din sa kiss yun. Siguro he kissed Jin. OMG!
Impossible but it's still possible. Bahala na nga. Pinark ko na yung car ni Zeke. Hiniram ko
lang naman muna e. Pagpasok namin ng bahay, wala namang kalat. Dumeretso ako agad sa room ni
Zeke.

B-bakit walang suot na top si Zeke? And iba na yung suot na top ni Jin? Shirt pa ni Zeke. Don't
tell me na m-may nangyari sa kanila last night? Pagtingin ko kay Gab, pababa na siya ng stairs.
Nakita niya naman siguro yun. Wala kasi silang comforter and the aircon is off. Magaaway sila
ni Jin nito for sure! Kame ni Zeke? Susuyuin ako nyan. WTH?! Susuyuin? Where did I get that
word? Well, lalambingin pala. Lumapit ako sa kanila.

"Hey Jin!"

Jin's POV

Pagdilat ko, nakita ko agad si Zeke na topless O__O Kagabi may damit pa yan ah?! Then si Mika.
nasa tabi na ng higaan.

"Magbihis ka na. Gab is waiting for you downstairs"
"Ah-eh S-sige"

Kinuha ko agad yung damit ko dun sa may table at nagbihis agad tapos naghimalos at toothbrush.
Kinuha ko na din yung gamit ko at saka ako bumaba. Pagkakita sakin ni Gab, umiwas lang siya
agad ng tingin at lumabas na agad ng bahay nina Zeke at pumasok sa car niya. Sumunod na lang
ako. Hindi niya pinapaandar yung engine ng car niya. Tahimik lang siya at emotionless. He looks
like Gab na nameet ko noon.

"May nangyari ba?" tanong niya
"Ha? A-anong sinasabe mo?"
"Jin wag mo akong lokohin! May nangyari ba?!"
"A-ano bang sinasabe mo? Hindi kita maintindihan"

Galit siya. Ang dark ng aura niya. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang sinasabe niya? Bigla
niya akong hinawakan sa mukha at hinalikan.

*slap!*

"What's wrong with you Gab?!"
"Matutulog ka katabi niya at kung ano pa man yung nangyari sa inyo kagabi tapos simpleng halik
lang, ganyan ka makareact? Hindi ka ba talaga marunong makontento sa isang lalaki?!"
"H-how dare you say that to me? Wala kang alam kaya don't talk to me like alam mo yung
nangyari. Bahala ka nga!"

Bababa na sana ako pero bigla niyang pinaandar yung sasakyan ng mabilis. Pagkadating sa tapat
ng bahay, nagmadali akong lumabas ng sasakyan niya at pumasok ng bahay at saka nagkulong sa
kwarto. I can't believe it. Ganun pala kababaw ang tingin niya sakin. Well, bahala siya. Galit
ako sa kanya.

*******************************************
[57] CHAPTER 44.3: Zeke's birthday (part 3)
*******************************************
Chapter 44.3: Zeke's Birthday (part 3)


Gab's POV

Sh*t! Badtrip! -___- Bakit ko nga ba sinabe sa kanya yun?! Bakit ko na naman ba siya
hinalikan?! F*ck! Arg! Hindi ko na naman nacontrol galit ko! T*ngn*ng alak yan! Nandito pa din
ako ngayon sa tapat ng bahay nina Jin. Kailangan ko siyang makausap. Lumabas ako ng sasakyan at
nag doorbell. Bigla din naman lumabas si Axel.

"Gab. Anong problema?"
"Kailangan ko kausapin si Jin! Kailangan ko magsorry! Papasukin mo ko"
"Ano na naman bang ginawa mo sa kanya?! Kaya pala dere deretso sa kwarto niya"
"Nasabihan ko siya ng hindi maganda! Kailangan ko siyang makausap. Papasukin mo ko! JIIIINNNN!
Lumabas ka dyan!"

Nagpipilit akong pumasok ng bahay nila pero pinipigilan ako ni Axel. Nagulat naman ako ng bigla
akong sinuntok ni Axel.

"That's for hurting my sister. Umuwi ka na! Bumalik ka kapag hindi ka na amoy alak"

Sinarhan niya na ako ng gate. Sakit din nun ah? Nasuntok pa ko ng wala sa oras. Sabagay, bagay
lang to sakin. Mali din naman kasi ginawa ko e. Sumakay na ako ulit sa sasakyan ko at umuwi.
Tinawagan ko si Steven at Spencer para pumunta dito sa bahay. Pumayag din naman sila.

Problemado na naman ako ngayon. Lagi na lang kami nagaaway ni Jin. Lagi ko na lang siya
sinasaktan. Siguro nga mas maganda na wala ako. Baka sakaling masaya pa si Jin. Pero hindi ko
kaya dahil iniisip ko pa lang na iiwan ko siya, hindi ko na kaya. Ayaw niya ng iniiwan siya.
Ang sama ko. Padalos dalos ako sa sinasabe ko. Hindi dapat ako nagsalita ng hindi ko alam pero
hindi ko maiwasang magselos. Sabihin na natin na hindi ko siya girlfriend pero fiance ko siya.
Hindi man legal sa papel yun, seryoso na kaming dalawa dun. Sino ba naman kasi hindi maiinis sa
nakita ko diba? -___- Sila lang din dalawa yung nasa bahay buong gabe. Diba maiisip mo din na
nagawa nila yun? Lalo na't mukhang may feelings pa sila sa isat isa.

Gusto ko ipagdamot si Jin. Muntik na siyang maagaw sakin ni Terrence noon at ayoko na maagaw
siya ulit ni Zeke ngayon. Mahal ko yung babaeng yun e. Kung pwede ko lang pakasalan yun, ginawa
ko na.

*ding dong*

Pagdating nila, dumeretso lang kami sa kwarto at nagdala din ako ng alak.

"Shot?" pagaalok ko
"Sige lang pre. Aga pa oh. Ano bang nangyari?" -Spencer
"Nagaway na naman kayo ni Jin ano?" -Steven
"Oo. Inom na lang tayo. Tamad na ako magkwento. Damayan niyo na lang ako"
"Hindi ako pwede pre. May date pa ko kasama si Maeghan mamaya" -Steven
"Ikaw ba yan pre? Hahaha! Kelan ka pa tumanggi sa inuman? Wala naman dito si Aine ah? Nagbago
ka na ulit?" -Spencer
"G*go! Tara na nga! Shot! Wag kayo magalala. Malapit ko na makuha yung Maeghan na yun. Just
wait and see" -Steven
"G*go ka din! Makamura ka ah! Hahaha! Edi ibig sabihin nyan magtitino ka na?" -Spencer
"Ayoko. Tingnan mo nangyayari kay Gab ngayon. Ayoko matulad dyan. Dapat kasi nakikipaglokohan
ka lang. Hahaha!" -Steven
"T*ngn*! sana nga ganun lang kadali yun! Kaso tingin mo kaya ko lokohin si Jin?!"
"Oo nga naman. Tropa natin yun pre" -Spencer
"Chill! Sabe ko nga hindi diba? Maghanap ka na lang ng ibang chick pare! Daming pwede e. Si
Nikka? Si Audrey! Hahaha! Andyan lang yan oh!" -Steven
"Tingin mo papatulan ko yun?"
"Pinatulan mo nga dati diba?" -Steven
"Bakit ba ako pinaguusapan dito?"
"Ikaw may problema e!" -Spencer
"Si KL nga pala at ikaw? Kamusta? Nakascore ka na? Hahaha!" -Steven
"Lul! Edi nabugbog ako dun? Sadista din yun e!" -Spencer
"Dapat kasi hindi kayo nagpapaunder! Hahaha!" -Steven
"Hindi naman ah? Oo nga pala pre. Si Aine nakakausap ko sa facebook ah? Balita ko nilalandi mo
pa din?" -Spencer
"Hayaan niyo yun. Titigilan ko na yun. May Maeghan na ko. Yun na yung bago kong seseryosohin.
Ayoko sa mga hindi ako kaya ipaglaban!" -Steven
"Ano ka pre? Babae para ipaglaban? Patawa ka ba? Bitter ka pa din talaga" -Spencer
"Uminom na nga lang tayo. Oi Gab! Pagubos nito uuwi na din ako ah?" -Steven
"Ako din" -Spencer
"Ge lang"

***

9 na din ng umaga. Naubos na din namin yung iniinom namin kaya umuwi na sila. Magpapahinga na
din pala ko dahil kailangan ko pang puntahan si Jin mamaya. Paghatid ko ko kina Spencer at
Steven sa baba, nandun yung lalaki na palaging kasama ni Mafelle at nagkukulitan sila.

"Hoy ikaw! Anong pangalan mo?" tanong ko
"Ah- eh JX po kuya Gab" sagot nung lalaki
"Sa facebook ang sweet niyo ng kapatid ko, pati dito ba naman?"
"Kuya naman e! Wala naman kaming ginagawa ni JX na masama e!" -Mafelle
"Manahimik ka Mafelle! Hindi ikaw yung kausap ko. Ikaw naman JX, ayaw ko na makita ka pa ulit
dito sa bahay. Hindi kita gusto para sa kapatid ko. Mukha kang isip bata"
"Sorry kuya Gab" -JX
"Wag mo akong tatawagin na kuya"

Umakyat na ako ng hagdan pero mukhang wala pa din balak umalis yung JX na yun.

"Aalis ka ba o kakaladkarin kita palabas ng pamamahay namin?"
"Kuya, I hate you! Porket nakainom ka lang ganyan ka na! Kung may problema ka naman, wag mo na
ako idamay lalo na yung ibang tao na wala namang kinalaman dun! Wag mo samin ibuntong yung
galit mo!" -Mafelle
"Sige na Maf, aalis na ko. Bye!" -JX

Buti naman at umalis na siya. Pumasok na ako sa kwarto ko. Hindi din naman nagtagal at pumasok
dito si Mafelle.

"I hate you kuya! Kung ikaw hindi masaya, sana naman hayaan mo ako sumaya. Friends lang naman
kami e. Siya na nga lang natatakbuhan ko kapag may problema ako, pinaalis mo pa! Ang sama sama
mo kuya! Ang selfish mo! Hindi lang naman ikaw may karapatan maging masaya dito!"

Lumabas din siya agad sa kwarto ko pagkasabi niya nun. Selfish na kung selfish pero ginagawa ko
lang naman yun para din sa kanya dahil ayaw ko na masaktan siya ulit kaya pinoprotektahan ko
siya sa kanila. Bahala na nga! Sh*t! Matutulog na nga lang ako.

Jin's POV

Niyaya ko si KL na pumunta dito sa bahay. Mga 4 na din ng hapon. Gusto ko kasi ng makakausap.
Nandito kami ngayon sa room ko at nagkekwento ako sa kanya.

"Jin naman! Si Mika yan. What do you expect? Tingin ko planado niya lahat yan para magaway kayo
ni Gab. Imposible kasing hindi e" -KL
"Mukha namang okay si Mika kagabi e. Wala naman siyang ginawang masama sakin kagabi except lang
dun sa dare na binigay niya. Yung kay Gab lang talaga nakakainis"
"Si Gab? Oo. Nakakainis din siya. Wala siyang karapatan na sabihan ka ng ganun. Okay, let's say
na may pagkaflirt ka pero we all know na hindi ka ganun"
"Kaya nga. Ang sakit lang kasi isipin na ganun yung tingin niya sakin. Sinabe ko na naka move
on na ako kasi malapit na talaga bessy. Yung feelings naman kasi, mahirap na tanggalin yun kasi
first love ko siya. At isa pa, wala naman kaming ginawa ni Zeke for the whole night"
"Wala nga ba talaga? Ee yung kiss niya sayo?"
"I don't know pero bessy, hindi naman ako gumawa ng kahit ano. Natatakot lang talaga ako
kagabi. Alam mo naman kung gaano ako katakot sa mga mumu diba?"
"Yea. Umiiyak ka pa nga sa sobrang takot e. Naiintindihan ko naman yun pero dapat din kasi
hindi si Zeke yung kiniss mo. Mas lalo mo lang pinrove kay Mika na talo ka dahil sa ginawa mo,
nagmukha talaga na may feelings ka pa"
"Oo na. Mali na yun. You know what bessy? Ihave a feeling namay tinatago sakin si Gab. Yung
phone niya kasi ayaw niya ipahiram and in good terms sila ni Mika"
"Maybe you should go ask him about that matter"
"How? Magkaaway kaya kami nun"
"Alam kong pupunta yun dito bessy. Hindi ka matitiis nun. Just wait. Kagaya nga ng sabe ni kuya
Hiroshi, nagpipilit siyang pumasok kanina kasi gusto ka nun makausap"
"Sige na nga. Hay, bahala na talaga!"
"I need to go na pala bessy. May puntahan pa kami ni Spencer e. See you tomorrow!"
"Sure. Thanks bessy"
"You're welcome. Para san ba na naging bestfriend mo ako diba?"

Hinatid ko na siya hanggang sa labas ng gate. Nandoon nap ala si Spencer tapos kasama niya pa
si Gab.

"Hi Jin. Ayusin niyo na yan ni Gab ah? Haha! Sige bye!" -Spencer
"Bye Jin! I told you, darating siya" -KL

Nagnod lang ako at sumakay na sila sa car ni Spencer. Papasok na din naman sana ako ng bahay
nung biglang lumapit si Gab.

"Wait. Magusap tayo" -Gab
"Bahala ka dyan"

Sinaraduhan ko siya ng gate pero inipit niya yung braso niya kaya binuksan ko ulit.

"Araaay! Sh*t!"
"Hala! Hala! Sorry!"
"Pwede na akong pumasok?"
"Ayoko. Umuwi ka na nga sa inyo"
"Aray. Nainjure yata braso ko. Kailangan mo to gamutin"
"Pumunta ka na lang sa hospital. Doon mo ipagamot. Bibigyan na lang kita ng pera"
"Jin naman. Kausapin mo naman ako oh"
"May dapat pa bang pagusapan?"
"Oo. Magpapaliwanag ako"
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo Gab"
"Please?"
"Oh. Nandito ka na pala ulit Gab. Hindi ka na ba lasing?" -kuya
"Kuya naman"
"Hindi na. Pwede naman ako pumasok diba?" -Gab
"Sure" -kuya
"Kuya naman e!"
"Princess, gusto ko magkaayos kayo. Give him a chance to explain. Nasa room ko lang ako.
Puntahan mo ako doon if may ginawa siya sayo" -kuya

Hinayaan ko na pumasok si Gab sa bahay at dumeretso ako sa kwarto ko. Nandoon din si Poofles,
yung aso ko. Pagpasok namin ni Gab sa room ko, nilaro niya agad si poofles. Hindi yata siya
tinatahol?

"Ano pala pangalan nito?" -Gab
"Poofles"
"Hello poofles. Kakausapin ko lang amo mo ah? Sana mapatawad niya na ko ano?"
"Hindi yan tao kaya hindi yan sasagot"

*barf*

"Wait lang. Ibibigay ko muna siya kay kuya"

Binuhat ko si Poofles at dinala sa room ni kuya.

*knock knock*

Naririnig ko sila. Nagtatalo yata? Si Jessica kasi nandito din. Inopen ni kuya yung door.

"Bakit princess?"
"Sayo muna si poofles. Kuya may problem ba kayo ni Jessica?"
"Ah. Nagseselos yata sa mga napapalapit saken e. Ayaw niya kasi sabihin pero maaayos din namin
to. Sige na princess, maguusap muna kami"
"Pwede maghi kay Jessica?"

Pinapasok ako ni kuya sa room niya. Lumapit din naman ako kay Jessica.

"Hello! Sabihin mo lang kay kuya yung problema, makikinig sayo yan. Love ka nyan e. Sige po,
bye" bulong ko sa kanya

Lumabas na din ako ng room ni kuya at bumalik sa room ko. Nakaupo siya sa couch at umupo naman
ako sa bed.

"Oh dali. Magexplain ka na. Pasalamat ka nandyan si kuya"
"May sugat ka sa tuhod. Gamutin muna natin yan. Saan mo nakuha yan? Kahapon wala pa yan ah? Si
Zeke ba may gawa nyan?!"
"It's none of your business. Kung wala ka naman nang sasabihin, umalis ka na lang"
"Honey naman, nagsusungit ka na din ngayon? Meron ka siguro--"
"Wala! Umalis ka na nga lang!"
"Joke lang e"
"Hindi nakakatawa"
"Sorry sa kanina. Hindi dapat kita hinalikan at hindi dapat kita sinabihan ng ganun. Nabigla
lang kasi ako sa nakita ko"
"Wala ka kasing tiwala e. Naka move on na ako. Well, maybe I can't say na naka move on na pero
malapit na. Ganun ba talaga kababaw tingin mo sakin para gawin ko yun?"
"Lasing ako nun. Hindi ko sinasadya"
"E kung may nangyari nga at lasing din ako at sinabe kong hindi sinasadya?"
"Ibang usapan na yun Jin. Sorry na honey"
"Ewan"
"Honey naman e"
"Oo na"
"Okay na tayo?"
"Hindi"
"Sorry na. Ayoko lang naman kasi na nagkakaganito tayo"
"May hindi pa ba ako alam tungkol sayo Gab? May tinatago ka ba? Diba usapan magiging open tayo
sa isa't isa?"
"Tungkol dyan--"
"Yung sa phone? Bakit ayaw mo ipahiram? Nagalit ka pa nga diba?"
"Ang totoo nyan"
"Ano?"
"Nakakatext ko si Risa"
"Risa Hayashi?"
"Oo. Hindi pa ako nagbubura ng text. Tingnan mo na lang"

Inabot niya sakin yung phone niya. Tiningnan ko yung mga texts.

"Wag ka na pala magtaka dahil nakakatext ko si Mika pero nitong linggo lang. Basahin mo lang
lahat para wala ka ng tanong"

Binasa ko yung mga texts. Puro si Risa yung laman ng inbox niya. Gusto niya pala pumunta dito
sa Pinas pero ayaw ni Gab. Mukha ngang inlove talaga si Risa kay Gab dahil nagsasabi siya ng 'I
love you' kay Gab pero yung mga reply ni Gab, puro 'k' lang tapos yung iba naiinis siya kasi
nagpipilit si Risa. May mga nabasa din ako na tungkol sakin. Na flirt ako at kung ano ano dahil
nga sa nakikita daw ni Risa sa facebook pero pinagtatanggol ako ni Gab. Yung texts naman ni
Mika, puro about sa party pero bihira lang yung reply ni Gab. Pinagsasabihan niya din si Mika.

"Friends kayo ni Mika?"
"Oo. Wag ka magalala dahil hindi ko na siya itetext"
"Okay lang naman kahit itext mo e. Mukha namang walang kang tinatago about sa inyo. Gusto
palang pumunta dito ni Risa"
"Oo"
"Oh Gab"

Binalik ko na sa kanya yung phone niya at niyakap ko siya.

"Thank you Gab. Pinagtatanggol mo ako sa kanila. Thank you talaga"
"So, okay na tayo?"

Nagnod na lang ako at kumalas sa hug.

"Pero Jin, gusto ko malaman kung anong nangyari habang wala kami dun"
"Ha? Wala naman nangyari e. Nagbrownout, nabasa kami ng ulan. Ayun lang naman e"
"Wala na talagang iba?"
"Wala na po"

Ayoko na sabihin yung sa kiss na yun dahil wala na yun para sakin. Baka kapag nalaman pa niya,
magulo lang ulit lahat. Tutal tapos naman na e. Sabi pa nga sakin ni Zeke, 'be with Gab'.

"Gab? Anong emergency yung meron kagabi? Mukha namang wala e. Naglasing ka lang"
"Ang totoo nyan, nagselos na naman kasi ako"
"Bakit naman? Dahil ba dun sa nung nanonood ng movie?"
"Isa na yun pero yung sa garden kasi"
"Gab naman e! Alam mo ba, sabe niya sakin nun na 'be with Gab' tapos pagseselosan mo at yung
hug? Inalalayan niya lang naman ako at natuwa lang ako sa mga sinabe niya tungkol satin kaya ko
siya hinug. Ayun lang naman yun"

Kinurot ko yung pisngi niya.

"Ang cute mo talaga magselos Gab! Alamin mo muna kasi lahat. Nagrereact ka kasi agad e. Just
trust me, okay?"
"Psh. Oo na"
"Ayan na naman yung pagsusungit mo eh!"
"Hug mo kasi ako"
"Ayoko nga. Bleeeeh"

Bigla niya naman akong niyakap galing sa likod. Yung mukha niya nasa leeg ko ngayon at
nararamdaman ko yung paghinga niya ee.

"I love you. Sana lagi na lang tayong ganito, yung walang pinagtatalunan. Oo nga pala, malapit
na yung Christmas ball. Sana may desisyon ka na" sabi niya

Oo nga pala. Malapit na. After exams, Christmas ball na din. Decided na ako at sana kung ano
man ang maging decision ko, maging happy sana lahat at suportahan na lang. Biglang kumalas sa
pagkakahug niya sakin si Gab.

"May first aid kit ka ba dito? Gamutin nga natin yang sugat mo. Mananagot talaga sakin si Zeke
kapag nakita ko yun"
"Ano ka ba naman? Ang liit na sugat lang nyan"
"Kahit na"

Kinuha ko na yung first aid kit. Ginamot niya din naman yung sugat ko.

"A-araaay! Ui masakit! Ano ba?!"
"Bagay lang yan sayo-- ARAAAAAY! Sh*t! Bakit mo ako sinabunutan?! Nagulo tuloy buhok ko"
"Pakialam ko sa buhok mo? Bagay pala sakin ah? Sumbong kita kay kuya e!"
"Psh. Ginagamot ko na nga sugat mo e"
"Nananadya ka e! Dinidiin mo para masaktan ako!"
"Hindi naman e. Oh okay na. Kiss ko?"
"Gusto mo kiss?"
"Oo"
"Aba! Ngumiti pa? Tawagin mo si poofles, siya ikiss mo! Hahaha!"
"Bahala ka nga dyan"
"O kaya si Mika ulit ikiss mo! Joke!"
"Ewan"
"Joke nga lang honey e. Hug na lang kita!"
"Talaga?"
"Joke lang ulit!"
"Hon?"
"Po?"
"Magbihis ka. May pupuntahan tayo"
"Ha? Saan naman?"
"Basta magbihis ka. Yung maayos ah? Wag ka magshoshorts. Mag pants ka"
"Ha? Ah. Sige"

Nagbihis na lang ako. Hindi ko din alam kung saan pupunta e. Nagsuot lang ako ng pants,
sleeveless and jacket. Yung jacket ko ngayon may hood na para prepared kapag umulan. Paglabas
ko ng CR, papasok pa lang siya ulit ng room ko. Siguro ipinagpaalam ako kay kuya.

"Tara?"
"Sige"

Sumakay na kami sa car niya. Yung dinadaanan namin, papunta sa bahay nila pero hindi kami
tumigil sa bahay nila. Tumigil kami sa tapat ng bahay ni Zeke.

"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ko

Hindi lang naman siya sumagot. Lumabas lang siya ng car niya kaya lumabas na din ako. Sakto
naman na lumabas din si Zeke ng bahay nila.

"Oh Gab. Nandito na pala kayo" -Zeke
"Ikaw na muna bahala sa kanya" -Gab
"Ha? Anong nangyayari?" tanong ko
"Thanks dude" -Zeke
"Ge"

Nagulat ako ng biglang sinuntok ni Gab si Zeke.

"Nasugatan si Jin. Siguro naman alam mo yun diba? Ayoko na masusugatan siya o kahit malamukan
man lang. Alagaan mo siya. Magkita na lang tayo ulit dito mamaya" -Gab
"Sige. Aalagaan ko siya. Wag ka magalala" -Zeke

Umalis na si Gab >__< A-anong nangyayari?

*******************************************
[58] CHAPTER 44.4: Zeke's birthday (part 4)
*******************************************
Chapter 44.4: Zeke's Birthday (part 4)


Gab's POV

Sino may sabing pinaubaya ko si Jin doon sa Zeke na yun? ASA! Jin is mine. Hindi ko siya
ibibigay or ipapaubaya sa iba. Hindi naman siya gamit e. Nandito ako ngayon kina Steven.
Nandito din ngayon sina Spencer, KL at Maeghan. Si Zia kasi, lumipat ulit ng school. Kasama na
siya sa barkada kaso umalis ulit. Si Jin, hinayaan ko muna kay Zeke. Gusto daw kasi ni Zeke na
makasama si Jin kahit ngayon lang. Saglit lang naman daw. Tinawagan kasi ako kanina ni Zeke.
Dahil na din sa sinabe ni Jin na pagkatiwalaan ko siya, pinayagan ko na. Nasa kanya na lang yun
kapag sinira niya. Si Zeke, wala naman nang problema. Gusto niya na si Jin mapunta sakin kaya
walang dapat ipagalala. Foodtrip lang kami ngayon. Pinakapaboritong gawin nina Steven at
Spencer tapos tatakbo na lang kapag may mga dapat linisin. Galing nila ano?

"Oi pre! Tahimik mo yata dyan? Wala lang si Jin, nagpapakasenti ka na. Hindi mo kami gayahin ni
Maeghan oh" -Steven

Binatukan naman siya ni Maeghan.

"Gayahin? Hey Steven Santos, even though I'm your girlfriend, I will not allow you to be that
sweet. Hindi bagay! Hahaha!" -Maeghan
"Aray naman babe! Kailangan talaga may batok? Hindi ba pwedeng kiss na lang? At isa pa,
magtagalog ka naman! Dumudugo na ilong ko sayo oh" -Steven
"Ikiskis ko kaya yang mukha mo sa wall. Alright! I'm trying na kaya. Don't worry babe, I'll get
used to it din naman" -Maeghan
"Nilalanggam na kayo dyan oh. Ikaw babe? Ayaw mo man lang ako lambingin?" sabe ni Spencer sabay
yakap kay KL
"Ayoko nga. Ang panget mo kasi babe" -KL
"Ang gwapo ko kaya! Ang hot ko pa nga oh. Kaya ka nga nainlove sakin diba? Umangal sasapakin
ko!" -Spencer

Sinapak naman siya ni KL.

"Ako may angal! Bakit? Sasapakin mo ako? Ang yabang mo ah? Nakakainis! May bagyo na nga tapos
dadagdagan mo pa! Mamaya may hurricane na. Yabang niyong dalawa ni Steven! Magbestfriend nga
kayo!" -KL
"Syempre hindi kita sasapakin. Matitiis ba kita? Tingin mo kaya kitang saktan?" -Spencer
"Tama na yan! Makaalis na nga lang dito. Mangchichicks na din ako" sabe ko
"HAHAHAHAHA! Lul pare! Pustahan hindi mo kaya yun!" -Steven
"Oo nga! Hahaha! Pupusta pa ko ng 5k oh!" -Spencer
"Subukan mo lang talaga Gab! Paguuntugin ko mga ulo niyo nina Steven at Spencer!" -KL
"Wait. OP ako! Who's the girl ba na Gab likes?" -Maeghan
"Si Jin. Oo nga pala. Di mo pa siya nakikilala" -KL
"Wag na nga lang!"
"Oo nga pala, kailan naging kayo ni Steven?" -KL
"Just a while ago" -Maeghan
"Dude! Kala ko hindi mo makukuha e! Hahaha! Naging kayo din! Pero seryoso na ba yan Steven?
Wala na si Aine sayo?" -Spencer
"Natahimik na sa China yun. Hayaan niyo na siya. Masaya siya dun sa fianc niya, masaya na din
ako kay Maeghan" -Steven
"So you're just using me? I hate you Steven! Were done. Ayoko na" -Maeghan
"Babe naman. Syempre seryoso ako sayo. Kayo kasi e! Bakit pa kasi napasok si Aine dito? Walang
kwenta naman yun!" -Steven
"Well that's good. You should be serious or I'll kill you!" -Maeghan
"Oo na" -Steven
"KISSSSSS!" -Spencer
"No way!" -Maeghan
"Wag pilitin. Mamaya na lang pag kami na lang dalawa! Hahaha! Nahihiya e" -Steven
"Shut up Steven!" -Maeghan
"Ayan kasi Steven. Oi ikaw Spencer. Magtino tino ka din ah?" -KL
"Syempre naman babe" -Spencer

Ang sweet ng mga tao dito -___- Darating din kami ni Jin sa ganyan. Hintayin lang nila.

"Oo nga pala Gab. Nasaan na si bessy? Diba pumunta ka sa kanila? Pinapasok ka ba?" -KL
"Kasama si Zeke. Oo. Okay na kami"
"Ay pinagpalit na kay Zeke" -Steven
"Sakit nun pre! Tayo na lang yung couple. Ayoko na kay KL, hindi naman siya sweet pagdating
sakin e" -Spencer
"Kaya pala. May tiwala ka na dapat sa kanya. Wala namang ginagawa yun na iba e. Sige Spence.
Dyan ka na kay Gab. Magsama kayo!" -KL

Niyakap ako bigla ni Spencer kaya tinulak ko siya agad.

"G*go! Hindi tayo talo. Oi! Dun ka! Ayoko sayo!" pagtataboy ko sa kanya
"Break na tayo honey?" -Spencer
"Lul! Haha! Tigilan mo ko Spencer dahil baka pumatol ako ng tuluyan sayo!"
"Hahaha! Tara na Gab. Pakasal na tayo. Oh dali ikaw yung pari Steven!" -Spencer
"Pwesto dito! Bilis" -Steven

Nakikipaglokohan na lang ako. Syempre. Ayoko naman maging kj at para lang din masaya. Pumwesto
na kami dun sa harap ni Steven tapos kaharap ko si Spencer.

"You may now kiss the bride!" -Steven
"Teka. Sino ba bride satin?" -Spencer
"Ikaw! Hahaha! Ayoko maging bride"
"Ikaw na lang. Ayoko din e" -Spencer
"Tayong dalawa na nga lang!"
"Dali na. Kiss na! Hahaha!" -Maeghan

Natatawa talaga ako sa ginagawa namin. Nakakamiss makipagkulitan ng ganito kina Spencer at
Steven. Nilapit na namin mukha namin sa isat isa.

"Pwe! Kadiri! G*go ka Steven! Bakit mo ako tinulak?!" -Spencer
"Lagot ka samin ngayon!" -Gab
"HAHAHAHAHAHAHA!" -Maeghan at KL

Nagsitakbuhan lang kami sa loob ng bahay pero nung napagod na, tumigil na din kami.

"Dumikit talaga yun?" -KL
"Oo ata e!" -Maeghan
"Oo. Para kay KL lang tong lips ko Gab e. Inunahan mo pa siya" -Spencer
"Ee ang bakla mo kasi"
"Gay ka dyan? Kiss kaya kita ulit?" -Spencer
"Tara. Kiss din kita ulit! Hahaha!"
"Tama na yan pre! Matuluyan talaga kayong dalawa nyan" -Steven
"Oo nga. Baliw kasi si Spence e" -KL
"Baliw sayo Kylie Lariza Gonzales" -Spencer
"Hoy Spencer! Tigilan mo nga ako! Nakakainis. Kinikilig ako! Hahaha!" -KL

Nagkatuwaan lang kami. Sayang at wala si Jin. Inaalagaan naman yun ngayon ni Zeke paniguardo at
may tiwala ako sa kanilang dalawa.

Zeke's POV

Kasama ko ngayon si Jin. Nandito kami ngayon sa timezone sa Glorietta. I just want her to
enjoy. Bawi na din sa mga ginawa kong masama sa kanya dati. Inirequest ko kasi to kay Gab at
pumayag din naman siya. Pagkatapos din naman kasi nito, iiwas na ako sa kanya. Makikipagayos na
kasi ako kay Mika.

"Charel?"
"Hm?"
"Nasugatan ka diba? Bakit hindi mo sinabe sakin?"
"Ha? Ayoko na kasi makadagdag. Ayoko din naman kasi na sabihan mo pa din ako ng isip bata.
Maliit na sugat lang naman yun ee. Hayaan mo na"
"Paano ka nagkasugat? Ni hindi ko man lang nakita yun. Sorry Charel"
"Okay lang yun. Nung iniwan mo kasi ako, may gumapang sa paa ko tapos syempre nagreact ako
tapos nadapa ako"
"Ikaw talaga. Basketball tayo?"
"Ha? Hindi ako marunong. Nagpapaturo kasi ako sayo dati e. Ayaw mo ko turuan"
"Laro lang naman to e. Sige na. Kaya mo yan"
"Palibhasa kasi, MVP ka ng school sa basketball"
"Tara na nga"

Inakbayan ko siya at naglakad na kami papunta doon sa may basketball na laro at naglaro.
Nakikita ko naman kay Jin na nageenjoy siya.

"Yehey! Nakashoot din ako"
"Buti naman. Nageenjoy ka ba?"
"Yup. Nakakatuwa naman to"
"Pataasan tayo ng score?"
"Wag na! Madaya! Magaling ka magbasketball e. Lugi ako"
"Ikaw talaga"

Naglaro lang kami ng naglaro hanggang sa mapagod siya. Syempre, nageenjoy naman siya sa
nilalaro niya e kaya pinagbigyan ko na. Nakakatuwa kasi siya panoorin.

"Tara. Nuod tayo ng movie. We're just in time" sabi ko
"Ha? Ee. Wag na. Bibili ka pa ng tickets e. Ang daming tao"
"May tickets na ko. Bumili na ako kanina. Tara bili na tayo ng food"

Pumunta kami sa taters para bumili ng popcorn. Umoorder na si Charel ngayon. Nilapitan ko na
lang muna siya.

"Wait lang Charel. Puntahan mo na lang ako dun sa may smoking area"

Pumunta na ako dun para magsmoke. Nagssmoke naman talaga ako kahit nung hindi pa kami
nagbebreak ni Jin. Bihira lang kaya hindi niya nalalaman. Maya maya, may biglang humila ng
cigar ko at tinapakan.

"Ano ba?! Charel, ang bilis mo yata?"
"Wag ka nga magsmoke. Player ka pa naman ng school tapos may bisyo ka. Alam mo dapat
nagbabubblegum ka na lang e"
"Minsan lang naman to"
"Zeke naman. Nung tayo pa, hindi kita nakikitang nagssmoke tapos nung kayo na ni Mika,
nagkaganyan ka na"
"Hindi naman ganun yun. Tara na nga"

Kumaen na muna ako ng candy at hinila ko na lang siya papasok sa loob ng sinehan. Comedy yung
papanoorin namin. Nagsimula na din naman yung movie. Biglang may bakla na tumabi sakin -___-
Aayoko sa kanila. Lapitin kasi ako ng mga bakla. Tsk.

"Kuya pogi, pwede ba namin makuha number mo? Magisa ka lang ba?" bulong sakin nung katabi ko

Umakbay naman ako kay Jin para naman makita nila na may kasama ako.

"Nilalamig ka ba babe? Akin na yang kamay mo" sabe ko sabay hila ng kamay niya
"Z-Zeke. A-anong ginagawa mo?"

Nilapit ko yung mukha ko sa tenga niya at bumulong.

"May nangungulit kasi sa tabi ko. I don't want to ruin this date kaya hindi tayo aalis kahit
gusto ko na umalis dito. Sakyan mo na lang muna Charel ah?"
"Ha? Sige"

Buti naman tinigil na nila yung pangungulit. Hingin ba naman number ko? -___- Bigla naman
sumandal sa balikat ko yung bakla. Nakakainis na. Ayoko na dito. Lalabas na talaga ako.

"Let's go Charel"
"Ha? Malapit na matapos yung movie oh"
"I said let's go!"

Hinila ko siya palabas ng sinehan. Naiinis ako e. Mamaya iba na gawin ng baklang yun sakin e.
Nakakainis kasi yung mga bakla na kagaya nun. Okay naman yung iba e.

"Anong nangyari Zeke?"
"Ah. Nabadtrip kasi ako dun sa katabi ko. Tara. Kain na tayo para makauwi na. Sorry, hindi ka
ata nagenjoy"
"Ha? Nagenjoy ako. Okay lang naman. Gutom na din naman ako. Tara. Mcdo tayo ha?"
"Ayaw mo sa restaurant?"
"Ayaw. Gusto ko kasi ng ice cream ng Mcdo tapos fries. Okay lang naman diba?"
"Oo"

Pumunta na kami sa Mcdo. Matakaw din to kumain e. Lalo na pag gusto niya ng food.

"Ano gusto mo? Sabihin mo lang lahat"
"Sure ka Zeke?"
"Oo"
"Hm, burger meal na lang. Yung nakaupsize ha tapos mamaya, gusto ko din kumain ng Strawberry
mcdip. Hahaha!"
"Hindi ka naman gutom niyan?"
"Hindi. Sabi mo kasi okay lang e. Hahaha!"

Umorder na ako at siya naman, naghanap ng pagpepwestuhan namin. Umorder lang ako ng kagaya ng
gusto niya.

"Gaya gaya ka ng order Zeke!"
"Ano ngayon?"
"Sunget mo naman. Gusto ko lang naman ng mcdo fries e. Haha--*chomp chomp*"
"Hahahahahaha!"

Sinubuan ko bigla ng fries. Gusto niya daw e. Tatawa pa kasi. Ayaw na lang kumain.

"Bad mo Zeke"
"I'm not Charel. Kumain ka na nga lang."
"Sige na nga"

Kumain lang kami. Pagkatapos namin ubusin yung kinakain namin, binilhan ko na siya ng ice cream
na gusto niya. Kumain na lang din ako.

"Ang cute mo talaga kumaen ng ice cream sa cone Zeke"
"Wala na. Ayoko na kumain. Nahiya na ako"
"Arte nito!"
"Ikaw kasi pinapansin mo pa"
"Sige na. Hindi na. Kinukulit ka lang e! Pwe! Ang sunget!"

Natapos din kami kumain ng ice cream. Pinunasan ko yung gilid ng bibig niya kasi naman ang
kalat kumain. Bigla naman siyang tumungo.

"Ui Charel? May problema ba? Okay ka lang?"

Nag 'ok-sign' lang naman siya pero nakatungo pa din.

"Anong nangyayari sayo? Wag ka nga tumungo"
"Kasi.."

Pagtingin niya sakin namumula siya. Kinilig? Namumula kasi talaga siya kapag kinikilig e.

"Ikaw kasi e!"
"Tara na nga Charel. Ang babaw lang nun para kiligin ka"
"Sige na nga"

Pumunta na kami sa parking lot. Uuwi na kasi kami. Past 8 na din ng gabe. Baka hinahanap na to
ni Axel. Habang pauwi kami, tinext ko na si Gab na pumunta na din sa bahay para pagdating namin
doon, makauwi na din agad si Jin. Pagtigil ng sasakyan ko sa tapat ng bahay, nandoon na si Gab.
Pagtingin ko naman kay Jin, tulog na.

"Oh pre. Thanks ah? Pinayagan mo ko na makasama si Jin"
"Wala yun. Pinagod mo yata?"
"Hindi naman. Sige na, ikaw na gumising sa kanya"

Jin's POV

"Honey gising na. Uuwi na tayo"

Pagdilat ko ng mata ko, si Gab agad yung nakita ko. Napangiti din naman ako dun. Ang gwapo kaya
niya.

"Uwi na tayo Jin"
"Sige po"

*boog*

"Awch!"
"Hindi ka kasi nagiingat. Inaantok ka pa yata e"

Inaantok nga >__< gusto ko na matulog. Nauntog pa tuloy ako dun sa sasakyan. Paglabas,
nilapitan ko agad si Zeke.

"Thanks Zeke. Nagenjoy ako. Sana ikaw din. Happy birthday ulit"
"Welcome. Thank you din Charel. Sige na, uwi na kayo. Mukhang napagod ka e. Bye"
"Sige po. Babye!"

Pumasok na kami sa sasakyan ni Gab at umuwi. Tahimik lang kami the whole time. Pagtapat naman
ng kotse sa bahay, agad naman akong bumaba.

"Tara Gab. Pasok ka muna"
"Hindi na Jin. Dito na lang ako. Kailangan ko na din umuwi. Mamaya kasi magkita na naman si
Mafelle pati yung JX na yun"
"Ang over protective mo talaga na kapatid. Siguro ganoon ka din ka protective kapag nagkaanak
ka na ano?"
"Ayoko sa mga bata"
"Ang cute kaya ng mga bata"
"Masyado silang magulo at maingay. Oo nga pala, nagenjoy ka ba?"
"Yup"
"Good. Sige uwi na ko"
"Wait lang Gab. May tanong ako"
"Ano?"
"Bakit ka pumayag na makasama ko si Zeke? Hindi ka ba natatakot na baka bumalik yung feelings
ko sa kanya? Kasi diba--"
"I trust you. Sige na. Magpahinga ka na. Napagod ka e. Uwi na ako. Bye"
"Sige po. Bye"

Umuwi na siya. Pumasok na din naman ako ng bahay. Nakakatuwa naman, it's a good start for me
and Gab. May trust na e :) Love na lang yung kulang at alam kong darating din kami dun. Just
wait and see.

*******************************************
[59] CHAPTER 45: Preparations.
*******************************************
Chapter 45: Preparations


Jin's POV

December 16, Friday.

Ang bilis ng araw. Natapos na din yung exams naming tapos ngayon, pinapasok lang kami para sa
mga announcements. Bukas na kasi yung Christmas party and Christmas ball ng school.
Nakakaexcite. 1 pm pa lang ngayon pero pinauwi na din kami kaagad. Nandito kami ni KL sa mall.
Maghahanap kami ng susuotin. Hinihintay lang din namin si Maeghan. First time ko siyang
mamimeet today. Siya kasi yung date ni Steven bukas. Kadate ko? Syempre yung fianc ko <3 tapos
si KL, si Spencer naman. Nakakatuwa nga ee. Ang okay na ng lahat ngayon :) wala ng mga
problema.

Maya maya may lumapit samin na girl. Ang ganda niya kahit nakashades. Ang slim niya kasi at
mukha siyang model. Matangkad lang siya sakin ng konti at sobrang puti niya talaga!
Nakakaamaze! Tinanggal niya din yung shades niya. Ang ganda niya talaga!

"Bessy, siya pala si Maeghan. Maeghan, siya si Jin" -KL
"Hi. Nice meeting you Jin. You're pretty. Bagay kayo ni Gab" -Maeghan
"Thanks. Ikaw din! Model ka ba? Kasi mukha ka talagang model e"
"Um, yes. I'm a model. That's why I really need to wear sunglasses. I just need to act normal
so people won't notice me. So let's look for your dresses or gown? What do you want to wear
ba?" -Maeghan
"Since pwede naman daw na magdress, dress na lang. Ikaw ba Maeghan? Meron ka na bang isusuot?"
-KL
"Yup, I have one na. If you want, let's go to the dress shop where I always buy my dresses" -
Maeghan
"Tara. Doon na lang"

Sumakay na kami sa car ni Maeghan. Nagtaxi lang kasi kami ni bessy papunta dito e. Hindi rin
naman pala ganun kalayo yung dress shop na yun. Pagpasok namin, designer boutique pala talaga
siya. Ang ganda. Ang daming gowns and dresses.

"Hello tita. I brought my friends here. They need a dress for a christmas ball that were going
to attend tomorrow. You can give them big discounts naman diba?" -Maeghan
"Of course. Hello girls, do you want me to choose dresses that will suit you?"
"Sure po" -KL

Pinagsukat niya kami ng pinagsukat ng mga dress.

"Jin, you look good with that dress" -Maeghan
"Thanks"

Nakasuot ako ng pink na dress ngayon. I tried wearing this dress lang kasi sabi nga nila bagay
sakin. Hindi naman kasi ako mahilig sa pink pero dahil bagay sakin, ito na lang yung kukunin
ko. Si KL naman, dark blue na dress yung napili niya. Bagay din talaga sa kanya yung dress na
pinasukat sa kanya. Ang galing ng tita ni Maeghan.

"So, decided na kayo sa mga kukunin niyo na dress?" tita ni Maeghan
"Ah. Opo. Ito na lang yung kukunin namin" -KL

Nagbayad na kami at umalis. Bumalik naman kami sa mall. Maghahanap kami ng pangregalo sa mga
nabunot namin sa exchange gift. Hindi na kami bumili ng shoes kasi may mga shoes na kami na
babagay sa suot namin.

Yung exchange gift kasi samin, may wish list. Yun bang, sa bunutan, codename lang daw na
cartoons tapos nakalagay dun yung 3 things na gusto namin makuha. Minimum samin is 500. Mga
classmate ko kasi pasosyal! Hahaha! Bawal din namin paalam sa iba yung nabunot namin para may
thrill. Yung nabunot ko, si Bullseye. Wait? Diba yun yung kabayo sa toy story? Si Gab siguro to
>__< Boy kasi nakalagay e. Ang sama talaga nun kahit kailan. Pero kung hindi man siya to, edi
maganda!

Humiwalay muna ako kay KL at Maeghan para maghanap ng ipangreregalo ko tapos magkikita na lang
kami later. Pabango na lang ireregalo ko. Pumunta ako dun sa may Lacoste. Sosyal ako magbigay
ng regalo e ^__^ magki-Christmas naman kasi. Doon na ako bumili ng pabango. May nagustuhan ako
dun e. Pagkatapos naman nun, tinawagan ko na si KL. Sabe naman nila, kita na lang kame sa KFC.
Maya maya naman, dumating na dito sina KL at Maeghan. Nakita ko na stufftoy yung dala ni KL.
Ang laki kasi e. Sobrang obvious even though nakabalot na siya.

Umorder na din naman kami agad. Inorder ko? Monster meal. Matakaw ako ngayon e. Binigyan din
naman kasi ako ng pera ni Mommy kaya okay lang na maging magastos. Foodcourt tong kinainan
namin e. Bale sa tapat lang kami ng KFC. Ang daming tao dahil Friday nga kasi. Accidentally ko
naman na nakita sina Steven, Gab at Spencer na may kasamang tatlong girls. B-bakit may kasama
silang girls? O__O

"Um, girls. Malabo lang ba yung mata ko o sina Gab talaga yung nakikita ko? Tingin kayo sa
likod niyo" sabe ko
"Si Spencer yun ah?! Aba! Nangchichix siya ngayon?! Uupakan ko talaga yun. Pati yung babae
niya!" -KL
"Aish! That Steven! I'm gonna kill him! As in now! Let's go" -Maeghan

Pinuntahan nila sina Steven tapos inaway yung mga boyfriend nila. Naiwan lang ako dito at
pinapanood sila. Wala naman kasi akong dapat ireklamo e. Hindi ko boyfriend yun si Gab. Tinuloy
ko na lang pagkain ko dito. May mashed potato pa ako e. Hindi ko pa nakakain.

"Miss, pwede umupo dito?"

Pagtingin ko sa nagsalita. Si Gab. Why is he so gwapo? Ano ba yan? Nagkakagusto na ko kay Gab!

"Ah-eh. S-sure"
"Yung mga babae doon, nagpapicture lang. Wag ka na magalit honey ah?"
"Ha? Bakit ka nageexplain? Galit ba ako? Di naman ah? At isa pa. hindi mo naman kailangan
magexplain e. D naman kita-- UI AKIN YAN!"

Kinuha nya yung kinakain ko at siya yung kumain -___- Ang galling!

"Akin na lang to ah?"
"May magagawa pa ba ako? Nakainan mo na kaya"

Maya maya dumating na yung mga lovers, mukhang okay na sila.

"Nakakainis yung mga babaeng yun. Tara na nga uwi na tayo. Bessy, sabay na lang pala ako kay
Spence ah? May car na dala e. Sige! Bye guys" -KL
"Bye. Ingat kayo"
"Kayo din"-Spencer
"Kami din Jin. Uwi na kami. Bye!" -Steven
"Sige. Ingat din kayo. Nice meeting you Maeghan"
"Nice meeting you too. See you tomorrow" -Maeghan

Umalis na sila at kami na lang ni Gab naiwan dito. Bigla niya akong hinila papunta dun sa
counter.

"Bili mo ako ng kinakaen mo kanina" -Gab
"Okay ka lang?"
"Sige na kasi honey"
"Ang isip bata mo!"
"Ge wag na lang. Tara"

Hinila niya na lang ako papunta doon sa kung saan nakapark sasakyan niya. Nagsungit na naman.
Ang moody ng taong to. Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa nakarating na sa tapat ng
bahay namin. Lalabas na sana ako kaso pinigilan niya ko.

"Kiss ko?" -Gab
"Ha? Ah-eh"
"Joke lang. Yung sagot mo bukas sa Christmas ball ah?"
"Opo. Decided na ako. Sige honey. Thank you sa paghatid. Babye!"
"Bye"

Nagpahinga na lang ako pagtapos. Yes. I'm decided. Goodluck with the results :)

*******************************************
[60] CHAPTER 46: Christmas Party
*******************************************
Chapter 46: Christmas Party


Jin's POV

December 17, Saturday.

Yehey! Christmas party na tapos mamaya Christmas ball na :) Dito nga lang sa school grounds
yung party mamayang gabi e pero mukhang masaya naman. Nandito na ako ngayon sa room. Konti pa
lang yung tao e. Si kuya yung naghatid sakin papasok. Hanggang 11am lang yung Christmas party
naming at 7am pa lang naman ngayon. 7:30 start e. Katamad na nga pumasok kasi saglit lang din
naman kami papasok pero sayang naman kapag hindi ka pumasok. Yung food namin mamaya is galing
sa kenny rogers. Inorder na lang para daw hindi hassle.

***

Nagstart na kami kumain. Nakacircle yung chairs namin. Katabi ko si Gab. Grabe tong taong to.
Wala man lang kahit anong dala. Kawawa naman reregaluhan nito.

"Honey oh"

Gusto niya ko subuan ng chicken. Ano ba naman yan? >__< para naman kami na sa ginagawa niya e.
Sinubo ko na lang yun. Syempre, mamaya ang sungit na naman niya e.

"Ayyyiiiiieeee!"

Yung mga classmate namin, nagaasar pa.

"Jin, Kailan mo ba sasagutin si Gab? Ang tagal tagal na namin hinihintay na maging kayo e"
tanong ni Joanna
"Ha? Ah-eh"
"Jin Charel Tan! Paging paging. Hinahanap ka ni Zeke Fraser Lopez" sabe ni Karl
"Panira ka naman Karl e! Nakakainis ka talaga!" sabe ni Ian

Tumingin ako kay Gab pero umiwas lang siya ng tingin. Lumabas na ako ng room namin para
puntahan si Zeke. Mga classmate ko, nagaabang din dito.

"Zeke, doon tayo" sabi ko
"Tara"

Pumunta kami doon sa kung saan konti lang yung tao. Nakakailang naman kasi kung doon kami sa
tapat ng room.

"Charel, here's my gift for you" sabay abot niya aakin ng malaking stufftoy na white
"Thanks"
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman. Until now, alam mo pa din yung gusto ko. Dagdag na naman to sa collection ko ng
stufftoys. So, lalaki siya. Ano name?"
"Chaser"
"Chaser? Bakit Chaser?"
"Charel-Fraser. Hahaha! Weird pero okay na yun"
"Cute nga ee. Wala akong gift sayo Zeke"
"It's okay"
"Hug na lang kita!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. He hugged me back din naman. Natuwa lang din kasi ako. Ang cute
nung stufftoy.

"Ehem"

Kumalas kami sa hug. Pagtingin naming, si Mika.

"Uso maglandian dito sa hallway? Go get a room!" sabi ni Mika at dumeretso na din sa paglalakad
"So hindi pa din pala kayo okay ni Mika?" tanong ko
"Ganun na nga. Magiging okay din kami hopefully. Sige na. Balik ka na sa room niyo. Baka
hinahanap ka na nila"
"Sige Zeke. Thanks ulit dito ah?"
"You're always welcome Charel"

Bumalik na ako sa room namin.

Gab's POV

Pagbalik niya dito sa classroom, may dalang malaking stufftoy. Psh -___- Mas special naman yung
ibibigay ko sa kanya pero mamaya na lang sa Christmas ball yun.

"Ui Gab"
"oh?"
"sungit"
"k"

Hayaan na. Susungitan ko na lang muna siya. Mamayang gabi na ako magpapakasweet.

"Chaser, ang sungit talaga ni honey ano?"

Ano daw?! Chaser? Yun yata tawag kapag pinagsama pangalan nila e -___- Kausapin daw ba yung
stufftoy? Naunahan lang ako ni Zeke magbigay ng regalo pero sisiguraduhin ko na special para
kay Jin ang araw na to. Just wait and see.

***

Nagsimula na magbigayan ng regalo. Codename ko? Bullseye. Wala lang. Kabayo kasi yun e.
Pangasar kay Jin. Siguro naman napanuod niya yung toy story diba? At ayan na. Si Jin na yung
magbibigay ng gift.

"Sino si bullseye?" tanong niya
"Ako" sagot ko
"Ang sama mo talaga Gab. Oh ito gift mo"

Tumayo na ako.

"Sino dito si Spongebob?" tanong ko
"Me!" sagot ni KL

Si KL lang pala. Paborito niya yata si Spongebob e.

***

Natapos na din yung party. Nag laro lang din kami kanina pero wala namang kakaibang nangyari
kaya ayoko na ikwento. Nandito na kami ni Jin ngayon sa tapat ng bahay nila.

"Pasok ka muna Gab"
"Dito na lang ako. Susunduin kita dito mamayang 6. Dapat maganda ka"
"Opo. Don't worry"
"Sige. Alis na ko. Bye"

Hinalikan niya naman ako sa pisngi.

"Bye Gab. Ingat ka"
"Sige"

Pakiramdam ko may magandang mangyayari mamaya. Wag na lang sana umepal yung Zeke na yun.
*******************************************
[61] CHAPTER 47.1: Christmas Ball (part 1)
*******************************************
Chapter 47.1: Christmas Ball (part 1)


Jin's POV

This is it! Christmas ball, here I come ^__^ excited na kasi talaga ako sa kung anong mga
mangyayari. Feeling ko kasi talaga, masaya tong day na to. Anong oras na? 4:30. In 1 and a half
hours susunduin na ako dito ni Gab. Inaayusan na ako ngayon. Si Jessica nagaayos sakin. Hahaha!
Libre lang daw. Magaling kasi siya magayos e.

*knock knock*

"Pasok"

Si Kuya lang pala. Nakabihis din siya. Siguro may date sila ni Jessica. Tuwing 13 kasi
Monthsary nila ni kuya. October 13 naging sila. 2 months na din pala sila.

"Kuya, may lalad kayo mamaya?" tanong ko
"Meron princess. Magdedate kami. Hindi nakapagdate nung 13 e"
"Kayo na kuya! E ako kuya? Kapag may boyfriend na, pwede makipagdate lagi?"
"Bawal"
"Joke lang kuya!"
"Oo na. Chineck ko lang kayo dito ni panget. Balik ako ulit mamaya"

Umalis na si kuya. Pero bago siya lumabas ng room, nagnakaw ng kiss si kuya kay Jessica. Kulit
ni kuya. Hahaha! Sweet nilang dalawa nyan lag. Di lang nila ipinapakita sa iba yun.

"Jessica, ang sweet niyo ni Kuya!"
"Sweet? Hindi naman. Minsan lang yan. Pero ganyan naman talaga kasi si panget e. Siguro nga,
kung hindi ka niya kapatid, pinagseselosan na kita! Hahaha!"
"Ang selosa mo pala. Hahaha!"
"Kasi naman ang daming may gusto sa kuya mo kaya hindi ko maiwasan tapos nature pa sa kanya
yung pagiging sweet. Mahirap na kapag may naging malapit sa kanya diba? Pero marunong na din
naman siya dumistansya kaya okay na"
"Sabagay. Tama ka dun. Pero ingatan mo si Kuya ah? Love na love ka nun e"
"Oo naman. Don't worry Jin"

Buti pa talaga sila ni Kuya. Ang ganda ng love story. Ako kaya? Lagi akong hindi nag sasucceed
pagdating sa lovelife e >__< Sana sa susunod, maging okay na.

***

6 pm na pero wala pa si Gab. Usually kapag mga ganito, nandito na siya ee. Never pa siyang
hindi dumating on time. Ano na kaya nangyari dun? Ayos na ako lahat lahat. Sina kuya, umalis
na. Don't tell me na hindi siya dadating? Walang maghahatid sakin. Ayoko pa naman magdrive ng
car.

*1 new message*

From: fiancee
Hindi ako makakapunta. Pahatid ka na lang kay Axel. Sorry. Emergency. Enjoy ka na lang sa
party. Ge.

WAAAAAAAAHHHH! Paano na ako nito T___T wala akong kasabay. Huhuhu :(( si Zeke! Tama! Baka hindi
pa umaalis sa bahay nila yun. Ay, wag na lang pala >__< nakakahiya naman sa kanya. Ako na lang
nga. Magdadrive na lang ako. Bahala na. Wala naman siguro ako masasagasaan diba? Kinuha ko na
yung keys ko at lumabas ng bahay pero nagulat naman ako paglabas ko.

"Hello Jin. You look really beautiful tonight"

Nilapitan ko siya at hinug ng mahigpit.

"Akala ko hindi ka talaga makakapunta e! Nakakainis ka Gab! I hate you!"
"I love you"

Tinanggal niya pagkakahug ko sa kanya sabay abot sakin ng bouquet of blue roses na dala niya.

"Thank you dito Gab. Wait. Ipapasok ko muna to"

Nagnod lang siya. Papasok na sana ako ng matapilok ako dun sa stairs sa gate >___< pero nasalo
niya ako.

"Waaaaaah! Thanks Gab"
"You're welcome Jin. Don't be afraid to fall cause I'm always here to catch you"

Tumayo ako agad at pumasok sa bahay. Nakakakilig kasi yung sinabe niya >///< Mamaya kasi mamula
na naman ako e. Bakit ba ang sweet niya tonight? Sana lagi na lang siyang ganun. Inilagay ko na
muna sa room ko yung bouquet at nilock na yung bahay at gate saka lumabas. Pinagbuksan niya
naman ako ng door ng sasakyan. There really is something wrong with this guy. Napossess ata ng
good spirit! Hahaha! Pagpasok niya ng sasakyan, hinawakan niya yung kamay ko at nagstart na
magdrive. Bale nagdadrive siya while holding my hand. Okay! Siya na kaya magdrive with one
hand.

Nakapink din si Gab ngayon. V-neck na pink nga lang tapos white na pants. May coat din siya na
white din pero hindi niya pa sinusuot. Nakasabit lang dito sa loob ng car niya. Nalaman niya
siguro yung color ng isusuot ko. Ang gwapo ni honey. Gwapo naman talaga siya e. Bagay sa kanya
yung maging sweet pero mas bagay sa kanya na masungit. Pero siyempre, mas gusto ko na sweet
siya.

Pagdating namin sa school, ipinark niya na agad yung car niya at pagkastop, lumabas agad siya
ng car niya at pinagbuksan ako ng pinto tsaka niya nilock yung sasakyan. Inalok niya naman yung
braso niya para kapitan ko. Kumapit na lang din naman ako. I don't want to spoil the mood.
Maganda na ee :) Paglapit namin sa entrance, kita ko na yung mga tao. Para sa mga 4th yr lang
itong party e. Ang bobongga ng suot! Ako simple lang. Nakakakaba tuloy. Napahigpit tuloy kapit
ko kay Gab. Inilapit niya naman yung mukha niya sa tenga ko at bumulong.

"Don't worry, para sakin ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Wag ka kabahan honey. Nandito naman
ako e. Hindi kita iiwan"

KYAAAAAAAAHHHH! >///< Ano bang nakain ng taong to?! Bakit sya ganun? Hahaha! Kinikilig ako.
Shizz. Pagpasok namin sa entrance, may photo section muna. Kaya nagpapicture na kami at
dumeretso na para makahanap ng uupuan namin. Maganda yung place. Dito siya sa may likod mg
school. Black and silver yung motif tapos may stage at madami ding lights. Mahirap iexplain
basta maganda yung pagkakaayos.

Nakita ko na sina Zeke at Mika pero nakahiwalay sila. Tampuhan pa din yata? Naka black na coat
si Zeke then may polo sa loob and vest. As always, maganda porma niya. Si Mika naman, naka red
na dress na may tail. Ang sexy niya. Nasaan na nga ba sina KL at Spencer? Sina Maeghan at
Steven din. Hindi ko pa nakikita e.

"Jin! Gab!"

Napalingon kami sa tumawag samin. Sina KL pala at magkakasama na silang apat. Lumapit kami sa
kanila at umupo na din. Pang 6 persons per table e. Nakared si Maeghan. Parehas naman na naka
black na suit yung dalawang lalaki. Nagstart na yung program. Maiksing program lang naman yun
tapos kainan na daw at party na. Kulit nga kasi parang nasa prom lang kami. Sabi nila magiikot
na sila para mamili ng star of the night at magaaward sila after kumain. For sure, si Mika yung
mapipili. Pwede din daw kami magpasok ng hard drinks pero mamaya na daw pag nagsasayaw na at
dapat daw ilimit yung paginom. Bawal daw malasing kasi lagot sa disciplinary office sa january.
Nagstart na maglagay ng food sa mga table. Parang kami na yung bahala magdivide nung food
saming 6.

"Okay! Akin to lahat!" -Spencer

*pak!*

"Aray naman babe! Bakit mo ko binatukan?!" -Spencer
"Katakawan mo Spencer! Bawas bawasan mo nga!" -KL
"Let's eat na lang guys. Gutom na ko e"
"Ako din. Mamaya si Maeghan pa kainin ko. Hahaha!" -Steven
"What did you say?! You wanna die Steven?" -Maeghan
"Joke lang babe e. I love you!" -Steven
"Tama na nga yan. Gutom na din ako e. Kain na tayo" -Gab

Kumain lang kami. Ang sarap ng food at nabusog ako ng sobra. Hindi rin nagtagal at nagserve
sila ng cake na black forest. May cherry pa sa taas kaso hindi ako kumakaen ng cherry e. Hindi
ko gusto yung lasa.

"Guys. Alam niyo ba yung tungkol dun sa stem ng cherry? Kapag nakaya mo iknot yung stem nun
using your tongue, ibig sabihin good kisser ka" -Steven
"Ano ba naman yang mga tinuturo mo Steven?!" -Maeghan
"Totoo naman yun babe e. Gusto mo isample ko pa e! Haha! Alam mo naman na good kisser ako e! Ay
si Gab na lang pala. Siya yung expert dito!" -Steven
"Kaya nga! Gab! Sample naman!" -Spencer
"Ayoko nga" -Gab
"Sige na Gab!" -KL
"Ge"

Isinubo niya yung stem nung cherry tapos maya maya, paglabas niya sa bibig niya, naka knot na.
Astig!

"Idol talaga kita dude!" -Spencer
"Hindi ako naniniwala sa mga ganyan" sabi ko
"Sample-an mo nga Gab! Para malaman niya na totoo" -Steven

Biglang hinawakan ni Gab yung mukha ko tapos inilapit yung mukha niya sakin kaya tumungo ako
pero pinipigilan niya. Kiniss niya naman ako sa forehead.

"Ano ba naman kayo? That can wait. Hindi ko naman gagawin kay Jin yun e. I respect her. Diba
honey? Wag ka magalala. Hindi kita pipilitin sa isang bagay na ayaw mo" -Gab
"Anong nakain mo pare? Gumaganyan ka na ngayon. Ang cheesy mo! Di bagay!" -Steven
"Kaya nga! Asan na ba yung tahimik at nagsusungit na Gab?" -Spencer
"Ngayon lang to. Bukas hindi na" -Gab
"Pagbigyan! Hahaha! Kaen na tayo. Ui babe! Akin na lang yung cake mo!" -KL
"Ayoko nga! Akin to e! Okay ka lang? Bahala ka dyan!" -Spencer
"Sige na! Pleeaasseeeee!" -KL
"A-YO-KO! Paborito ko na din to ngayon. Nakakahawa ka e!" -Spencer
"Ikaw din Spencer?! Hahahaha! Ang cheesy niyo mga pre! Hindi bagay sa inyo! Ang gay! Tara na
nga. Kumain na tayo" -Steven

Kumain na lang kame. Ang sarap nung cake :) favorite ni KL to.

"Hon?" -Gab
"Ha? Bakit?"
"Say aah"
"Ha?"
"Dali na!"
"Aah?--*chomp chomp"

Sinubuan niya ako ng cake. Ang sweet niya talaga ngayon. Nakakapanibago.

"Hope na naenjoy niyo yung food. Nakapili na kami ng star of the night. Yung mga tatawagin
namin, please come here sa stage" -MC
"Ms. Mikaela Valdez and Mr. Gabriel Vincent Teppei will be the first couple. We decided na
kumuha pa ng isa pang couple"
"Nice one dude! Hahaha!" -Steven

Umakyat na sila sa stag at kinuhaan ng picture. Ang cool nila tingnan together.

"Mr. Zeke Fraser Lopez and Ms. Jin Charel Tan, please come here sa stage"

A-ano daw?! Kasama ako? O__O Si Zeke pa yung partner ko? Baliktad! Kay Mika dapat siya e! Hala
naman! Umakyat na din kami sa stage at pinicturan kaming dalawa. Then kaming apat. Kami yung
pinaglead sa start ng sayaw. Sabi mamaya na daw kami makipagsayaw sa iba. Dapat kung sino daw
partner namin, sila na daw muna kaya wala akong choice. Actually, okay lang din naman sakin e.
Awkward lang >__< Kasayaw ko na ngayon si Zeke. Tahimik lang siya. Nakakailang nga e. Lalo na
at sina Gab at Mika andyan din.

"Ang ganda mo ngayon Charel"
"Ngayon lang?"
"Lagi ka naman maganda pero mas maganda ka ngayon. Simple but elegant"

Hinubad niya yung coat niya at ipinatong sa balikat ko.

"Masyado din revealing yung damit mo. Ngayon lang kita nakita na ganyan pero bagay naman e.
Sayo muna yang coat ko. Balik mo na lang mamaya"
"Thanks. Anyway, okay na ba kayo ni Mika?"
"Not yet. Ayaw niya akong kausapin. So, I'll give her space muna"
"Ang tagal na din nun ah?"
"Yea. Hayaan mo na"

Nagpatuloy lang kami sa pagsayaw. Napapansin ko na din na nakatingin sina Gab at Mika samin ni
Zeke kaya medyo dumistansya kami ng konti. Mamaya gulo na naman to e. Mahirap na. Okay na kami
ni Gab e. Yung mga ibang schoolmates namin, sumasayaw na din. Slow dance muna kasi e. Maya na
daw yung pang party na sayaw.

"Charel. If ever, will you give me a chance to be your boyfriend again?" tanong ni Zeke
"Ha? Ah-eh"
"Charel! Magingat ka naman"

Bigla akong hinila ni Zeke. Natapilok kasi ako e. Kung saan saan kasi ako nakatingin. Buti na
lang naalalayan niya ako ng maayos. Magkalapit na yung mukha namin. Bigla naman siyang nagnakaw
ng kiss O___O

"Take care of yourself. Yung tungkol sa kanina, wag mo na isipin yun. Masestress ka lang"
"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?!"

Napatingin kame sa nagsalita. Si Gab at kasama niya si Mika.

"Zeke, we really need to talk. As in now!" -Mika

Hala. Ito yung iniiwasan ko na mangyari ee. Lagot na. Sira na naman yung mood.

*******************************************
[62] CHAPTER 47.2: Christmas Ball (part 2)
*******************************************
Chapter 47.2: Christmas Ball (part 2)


Zeke's POV

"Charel. If ever, will you give me a chance to be your boyfriend again?" tanong ko
"Ha? Ah-eh"

Alam ko naman na hindi niya alam yung isasagot niya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya.
I'm not expecting a 'yes' from her.

"Charel! Magingat ka naman"

Bigla ko siyang hinila papalapit sakin. Kung saan saan kasi nakatingin kaya natapilok -___-
Nagulat siya ng bigla akong nagnakaw ng halik sa kanya. I don't see anything wrong with that.
Besides, she's single and so do I. Wala namang mali doon. Except na lang kung hindi niya
ginusto. Namiss ko din kasi siya. I like her and I admire her for her personality.

"Take care of yourself. Yung tungkol sa kanina, wag mo na isipin yun. Masestress ka lang"

Alam kong naguluhan siya sa tanong ko kanina at sa kiss kaya ko sinabe yun. Kapag hindi na kami
nagwork ni Mika, baka ligawan ko siya ulit kaya dapat bilis bilisan na din ni Gab dahil baka
maunahan ko pa siya.

"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?!"

Napatingin ako sa nagsalita. Alam ko na si Gab yun.

"Zeke, we really need to talk. As in now!" -Mika

Nagnod na lang ako at hinila ako ni Mika.

"Zeke!"

Paglingon ko, bumungad sakin yung kamao ni Gab. Nginitian ko lang si Charel. I deserve this.
Ang gago ko e. Hinalikan ko yung pinaka mamahal niyang fiance. Lumapit ako kay Gab at
bumulong.

"Be sure na bibilisan mo dahil baka maunahan pa kita sa kanya. Tandaan mo, fianc ka niya in
words at wala kayong singsing kaya pwede ko siya maagaw anytime I want"

Pagtingin ko sa kanya, naka sarado na yung kamao niya. Ineexpect ko na din na masuntok niya
ulit pero hindi niya yun ginawa. Lumakad na siya palayo at sinundan din siya ni Charel.

"Zeke, let's go! May dapat pa tayong pagusapan" -Mika

Hinawakan ko yung kamay ni Mika at hinila siya papunta sa parking lot ng school kung saan
nakapark yung kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok din naman siya. Ayoko na
magusap kami sa labas ng kotse. May makarinig pa samin e. Pumasok na din naman ako sa loob ng
kotse.

"Now, could you explain to me kung ano yung nakita ko?!" -Mika
"I kissed her. Why? Ano naman sayo yun?"
"What do you mean na ano naman sakin yun?! Zeke! Nagseselos ako!"
"Selos? You shouldn't be acting like that. Remember, you broke up with me"
"Yes, I did. But how could you do that?! I thought that you love me"
"I do. Ayaw mo akong kausapin diba? Why did you want to talk to me all of a sudden?"
"You really do? Then explain why did you kiss her! Alam mo na nandyan lang kami ni Gab. Hindi
mo ba naisip na may magseselos or what? Gusto na kitang kausapin noon pa lang but I want you to
suffer first. Kaninang umaga pa ako nagseselos. Lagi ko na lang kayo nakikita ni Jin na
magkasama! I know that you want me back and I also do. Hindi mo na kailangan na pagselosin pa
ako kasi matagal na akong nagseselos"
"Explain? Mukha namang nakuha mo na kung bakit ko ginawa yun e. That is to make you jealous.
Besides that, I also want to kiss her"
"So, hindi lang pala ako ang antagonist dito. Ikaw din pala. Cause you're using her just to
make me jealous. You know what Zeke, masama din pala yung ugali mo. Hindi lang talaga halata.
You're still the same old Zeke that I knew. Hahaha!"
"I didn't use her. Mika, I love you but I still like her. Kung hinalikan ko man siya, ginusto
ko yun at hindi lang para pagselosin ka. Tandaan mo Mika, I can fall for her. Hindi lang sayo
umiikot ang mundo ko"
"How could you? I want you back. Hindi ko na hihintayin pa na ikaw yung magsabi sakin nyan.
Hindi ko na din hihintayin pa na mafall ka sa Jin na yun. I'm sorry for dumping and avoiding
you. I really missed you"
"So do I babe. I love you. Don't worry, it will always be you"
"I love you too and could you please stay away from that girl or I'll ruin her night"
"If you say so"
"Let's go. We need to buy some drinks"

Inistart ko na yung engine ng car at pumunta sa convenience store para bumili ng maiinom.
Tanduay ice na lang yung binili namin ni Mika. Kaming dalawa lang naman iinom and we don't have
plans on getting drunk. After that, bumalik na din kami sa party. Ganun lang kame ni Mika. Siya
yung nasusunod pero kapag ayoko sa ginagawa niya, ako yung masusunod. Madali din naman kaming
dalawa kausap e. Yung coat ko pala nakay Charel pa. Hintayin ko na nga lang na ibalik niya
sakin.

Jin's POV

Ito na yung kinatatakutan ko >__< Masaya na tapos magugulo pa. Bakit ba kasi ganun si Zeke?
Bakit ba ginagawa niya pang complicated ang mga bagay bagay. Naguguluhan lang ako lalo ee.
Hinila ni Mika si Zeke at maguusap sila. Bigla namang tinawag ni Gab si Zeke at sinuntok.
Nginitian lang ako ni Zeke so I guess, he's okay. Lumapit naman si Zeke kay Gab at may binulong
na nakapagpasama ng aura ni Gab. Nakakatakot na naman siya. Umalis na si Gab nun at sinundan ko
siya. It's a big misunderstanding. Hindi ko ginusto yung kiss na yun! Nabigla lang din ako.
Kailangan ko magexplain sa kanya. Ayoko masira na naman tong gabi na to.

"Gab! Ui Gab! Hintayin mo ako!"

Ang hirap maglakad in heels. Ang bilis naman maglakad ng taong yun! Pumasok siya sa loob ng
school. Hala! Madilim kaya doon! Nakakatakot pero hindi ako dapat magpadala sa takot dahil
kailangan ko makausap si Gab. Kahit natatakot ako, papasok pa din ako. Pumasok na ako sa loob
ng school. Ang hirap dahil wala akong makita.

"Gab? Gab? Nasaan ka na?"

Bigla namang may gust of wind. Hala! Biglang lumamig >__< wag naman akong takutin oh. Natatakot
na ako kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Psst"

May sumitsit. May mumu >__< Waaaaah! Hindi! Baka si Gab yun pero malabo. Galit yun sakin kaya
hindi mangtitrip yun. Minumulto ako! Kailangan ko na makalabas dito! Ayoko na! Hindi ko kaya.
Tumakbo ako pero bigla akong natapilok.

"Awch!"

Ang sakit ng paa ko. Umupo na lang muna ako dito. Kaya ayoko mag heels e, masakit pag
natatapilok kaso kailangan lang talaga kasi party to.

"Psst"

Waaaaaah! Ayan na naman yung mumu! >__< magdadasal ako! Tumungo ako. Lord! Ilayo niyo ako sa
bad spirits dito. Natatakot na ako. Please save me!

"Jin"
"Waaaaaah! Layuan mo akong multo ka! Isusumbong kita sa kuya ko! Lagot ka dun!"
"Edi lalayo"

Boses ni Gab yun diba? Nandito si Gab!

"Gab. Dito ka lang. Wag mo ako iiwan. Natatakot na ako"
"Layuan kita sabe mo diba? Edi heto na"
"Joke lang yun. Ui sige naman na oh at isa pa, kailangan ko magexplain"
"Wala ka naman dapat ipaliwanag e. Hindi mo ako boyfriend. At isa pa, wala ka naman ng pakialam
sa kung ano man yung problema ko"
"Pero fianc kita!"
"Ano naman ngayon?"
"May pakialam ako"
"Tss"
"Gab naman e. Pakinggan mo naman ako"
"Kagaya ng sinabe ko. Wala kang dapat ipaliwanag sakin. Ge, aalis na ako"
"Gab"

Bigla namang may kumalabog.

"Gab! Waaaaah! Ano yun?"
"Sinaraduhan na tayo"
"Hindi tayo pwede ma stuck dito. May phone ka bang dala dyan? Tawagan mo sina KL"
"Wala"
"Edi tayong dalawa lang dito tapos bukas pa tayo makakalabas dito? Waaaaah!"
"Ang ingay mo"
"Sige. Mananahimik na ako basta dito ka lang"
"Kung ayaw ko, may magagawa ka ba?"
"Iiwan mo na din ba ako?"
"Kung pwede lang Jin, matagal ko na yun ginawa"
"Ayoko na malayo pa sayo Gab. Ayoko na mawala ka sakin. Importante ka sakin e. May feelings na
ako para sayo Gab"
"Ayan na naman tayo Jin e. Sasabihin mo na naman na importante ako sayo at may feelings ka
tapos ano? Kapag nilapitan ka ni Zeke, magbabago na naman lahat?"
"Hindi naman ganun yun Gab e. Magulo lang kasi talaga. Naguguluhan na ako"
"Jin, make up your mind. Alam mo, ikaw yung pinakamagulong taong nakilala ko. Kung wala naman
na talaga, wag mo na ako paasahin. Tapusin na natin to ngayon na. Pagod na ako sa ganito"
"Please listen Gab. Gusto ko magexplain. Zeke is for Mika. Alam ko naman yun. Tanggap ko na
sila kaya nag move on na ako. Ngayon, naka move on na talaga ako, gusto ko magstart ulit sa
umpisa"
"Paano? Nakita naman namin lahat ng nangyari kanina. Ano ba? Manhid ka ba talaga? Nagugustuhan
ka na ni Zeke at wala na sila ni Mika. Pwede ka niya ligawan ulit"
"Malabo yun. Alam kong mahal niya si Mika kaya hindi niya gagawin yun. Yung kiss kanina? Hindi
ko ginusto yun. Nagulat din ako dun. Oo, tinanong niya ako kanina kung magbibigay ako ng second
chance kapag niligawan niya ako ulit. I made up my mind pero naguluhan na naman ako dahil doon"
"Tama na Jin. Ayoko na makinig sa mga paliwanag mo. Paulit ulit na lang tayo. Sawang sawa na
ako"
"Gab"

Biglang lumuhod sa harap ko si Gab at may nilabas siya na singsing.

"Jin Charel Tan. I'm here in front of you to ask you a question. I've waited for a long time to
ask you this and I think this is the right time. Will you be my girl and be my fiancee?"
"Gab.."
"Kailangan ko ng sagot mo ngayon Jin. Sabihin mo lang na hindi at tapos na lahat. Hindi na kita
kukulitin pa. Wag ka magalala, I'll still be here for you. Hindi kita pinepressure. No hard
feelings. Tatanggapin ko kung ano man maging sagot mo"
"Gab.. Naguguluhan pa ako.
"Sa tingin ko binigyan na kita ng mahabang oras para pagisipan to at sa nakikita ko ngayon,
alam ko na yung sagot mo"

Tumayo na siya sa pagkakaluhod niya at ngumiti.

"Hindi ako galit. Ngayon alam ko na kung saan ako dapat lumugar"

Lumapit siya sakin at kiniss ako sa forehead.

"Pinapakawalan na kita Jin. Hindi mo na ako fianc ngayon. Sana maging masaya ka na. I love you
Jin"

Tumalikod na siya at naglakad. Bakit ganun? Nasasaktan ako ng sobra sa mga sinabe niya? Ang
sakit nung mga sinabe niya sakin.

"Gab! Wait! Ayoko na itigil lang natin to ng hindi ko nasasabi yung gusto ko sabihin"

Napalingon siya at humarap sakin. Sakto na para makita ko yung mukha niya.

"Gab, thank you. I'm sorry dahil nagsuffer ka ng sobra dahil sakin. You loved me pero hindi ko
nasuklian yun. Gab, gusto ko ng magandang closure at hindi yung ganito. Kagaya ng sinabe mo,
nagaagree ako dun. Lets end this and start a new life"
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo Jin"
"Yes Gab. But before you leave, I want you to know my answer. Hindi ko pa nasasagot yung tanong
mo diba?"
"Oo"

Huminga ako ng malalim.

"Gab, it's a..

*******************************************
[63] CHAPTER 47.3: Christmas Ball (part 3)
*******************************************
Chapter 47.3: Christmas Ball (part 3)


Gab's POV

"Gab, it's a.. no"

Nilapitan ko si Jin. Alam ko na nung una pa lang na NO ang sagot niya. Ang sakit. Pagkatapos ng
lahat ng sakripisyo at paghihirap ko sa kanya, NO pa din yung sagot niya. Ganun naman kapag
nagmamahal diba? Gagawin mo lahat para sa taong mahal mo kaya hindi ko siya masisisi. Nagmahal
lang din siya at hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya. Nginitian niya lang ako at alam ko na
masaya siya kaya Masaya na din ako para sa kanya. Naiintindihan ko siya kahit mahirap.

"Gab, I--"
"Kung magsosorry ka, wag mo na ituloy. Naiintindihan ko naman"
"I really need to tell you this"
"Sabi ko wag ka ng mag sorry"
"But Gab!"
"Jin"
"Pwede manahimik ka muna? Patapusin mo muna kasi ako at isa pa, ngumiti ka nga dyan! Bawal
bitter dito! Hahaha! Grabe natatawa ako! Hahahaha!"
"Hindi ako bitter"
"At hindi mo rin talaga kailangan maging bitter ano"
"Ge"
"Sungit mo naman. Sasabihin ko na yung sasabihin ko. Gab, it's a NO"
"Kailangan ulit ulitin?"

*pak!*

"Patapusin mo kaya muna ako?!"
"Makapalo ka! Paluin din kita dyan mamaya e! Ang sadista mo!"
"Whatever Gab. Patapusin mo muna kasi ako, pwede? It's a NO. NO kasi I don't want you to let go
of me"
"Paaasahin mo lang ako ganun?"
"Wait lang kasi! Gab, NO din kasi hindi ka na aasa pa. NO kasi I'm still your fiance. Gab,
It's a pleasure to be your girlfriend. I want to start again and this time, I want to satart
again with you. Let's start again together. I'm done. Ayaw mo kasi ako patapusin, nagrereact ka
aga--"

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. At last, it's official. She's mine. Lumuhod ako ulit sa
harap niya at kinuha yung singsing.

"Ui. Anong ginagawa mo?! Bakit ka nakaluhod dyan? Tumayo ka nga!"
"Jin Charel Tan, will you be my girlfriend?"
"Yes Gabriel Vincent Teppei. It's a Yes!"

Sinuot ko sa kanya yung singsing at tumayo. Bigla niya naman akong niyakap.

"I love you Gabriel Vincent Teppei"
"I love you too Jin Charel Tan"

Kumalas na siya sa hug.

"Now we're stuck here. Gumawa ka ng way para makalabas tayo dito. Nakakatakot"
"Sige. Pero bago yun, hubarin mo muna yang suot mo"
"ANO?!"
"Yang coat! Itong coat ko yung suotin mo. Ibalik mo sa kanya yan"
"Ah"

Hinubad ko yung suot ko na coat at pinasuot sa kanya.

"Tara na?" Pagyayaya ko
"Ha? Saan tayo pupunta? Ee nastuck nga tayo dito diba?"
"Basta tara"

Hinila ko siya papunta doon sa may pintuan.

"Don't tell me na sisirain mo yan?!"
"Hindi"

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko.

"Adik ka Gab! May phone ka pala! Sinungaling"
"Ayaw mo lumabas? Sige. Hindi ko na lang sila tatawagan"
"Gusto. Sige na. Tawagan mo na"

Tinawagan ko na si Steven para sabihan na ipabukas yung pintuan dito sa school. Maya maya
dumating na din naman siya.

"Kayong dalawa talaga! Hindi kayo makapaghintay! Gumagawa siguro kayo ng kababalaghan dyan ano?
Dilim oh. Tsk tsk tsk. Hindi kayo gumagaya sakin, sa bahay ginagawa yun" -Steven
"G*go! Hindi ako katulad mo! Nasaraduhan lang kami dito. Tara na nga!" sabe ko

Bumalik na kami sa kung saan kami nakaupo.

"Saan kayo galing?" -KL
"Doon sa loob ng school, may ginawang kalokohan! Hahahaha!" -Steven
"Kayong dalawa ha!" -Spencer
"Ui wala kaming ginagawang masama!" -Jin
"May nangyari habang nasa loob kami ng school" sabe ko
"OMG! What happened?!" -Maeghan
"Besyyyy! Waaaaah! Anong nangyari?!" -KL
"Ha? Wala naman nangyari e" -Jin
"Kami na"
"KYAAAAAAAAAH!" -KL and Maeghan
"Ayos!" -Steven
"Wag na kayo magtanong kung paano. Tara, sayaw tayo"
"Gab? Okay ka lang?" -Jin
"Oo"

Hinila ko si Jin. Slow dance pa din naman e. Hindi ko pa siya naisasayaw e -___- Nakayakap siya
sakin ngayon.

"Akala ko wala na talaga e"
"What do you mean Gab? Honey pala"
"Ang slow mo talaga. Akala ko NO na talaga yung sagot mo"
"Sorry naman. Slow talaga e. Alam mo ba na tawang tawa ako sayo kanina? Ayaw mo muna kasi ako
patapusin e. Muntik na tuloy magbago isip ko. Hahahaha!"
"Ganyan ka naman talaga e. Pinaglalaruan mo feelings ko. Bahala ka nga dyan"

Kumalas ako sa pagkakahug niya.

"Nagtampo ka naman agad. Susungitan mo na naman ako?"
"Joke lang. Tampo tampuhan lang yun. Pinagtitripan mo kasi ako"
"Sorry na"
"Okay lang. Ge"
"Aalis ka na?"
"Oo"
"Iiwan mo ako?"
"Hindi kita iiwan. May tatawagan lang ako. Babalik din ako agad. Upo ka muna"

Nagnod lang naman siya. Umupo na siya doon sa pwesto naming kanina. Wala din doon sina KL kaya
siya lang yung naiwan.

"Saglit lang talaga to Jin. Important kasi e"
"Okay lang. Take your time"

Umalis na ako. Tatawagan ko kasi si Maf dahil may ipapaayos ako. Surprise para kay Jin.

Jin's POV

December 17. It's official. Gab is now my boyfriend. After all the trials, we end up together
pa din. I just hope na maging happy kami at sana walang mga away, tampuhan, selosan. Kasi ako,
naka move on na and this time, it's true :) Zeke and I were friends.

Nandito ako ngayon magisa. Nakikita ko dito yung dalawang couples. Sina Maeghan at Steven pati
sina Spencer at KL. Ang sweet :) Wala na samin ngayon yung malamig ang pasko. Hahaha! Mali
yata? Kasi never pa naman natapat yung pasko sa summer e. So talagang malamig yung pasko,
diba? :)

"Oh. Magisa ka yata Jin? Hahaha! Napagiiwanan na ba?"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Mika lang pala at kasama niya si Zeke.

"Well, hi there Mika. Yes, alone"
"I pity you. Anyway, Zeke and I were together again. So, don't ever dare stealing him away from
me. Tapos na yung landian days niyo. Poor Jin. You don't have anyone na and it seems like Gab
gave up on you na" -Mika
"Mika, stop it" -Zeke
"Zeke, kinakausap ko lang naman siya e. I'm not doing anything wrong. So, as I was saying,
kawawa ka naman. Wala ka na ngang Zeke, wala ka pang Gab. Hintayin mo na lang magbalik si
Terrence! Hahaha!" -Mika
"Hindi niya gagawin yun Mika" -Gab
"Ow Gab! Hahaha! You're there na pala" -Mika
"Oo. Sana naman tigilan mo na si Jin. She's my girl. Girlfriend ko na siya ngayon" -Gab
"Well, buti naman nadala ka sa sinabe ko Gab" -Zeke
"Kahit hindi mo sinabe yun, magiging kami pa din" -Gab
"So, let's have a drink? I mean the four of us. Let's celebrate! What do you think?" -Mika
"Hindi na" -Gab
"Sure" sabe ko
"Sigurado ka Jin?" -Gab
"Yes"

Kumuha na ng drinks sina Mika at umupo na din sa tabi namin at saka kami uminom.

KL's POV

OMG! I still can't believe it! At last, Jin and Gab we're together. I'm so happy for my
bestfriend and for Gab na din. Lahat ng hardworks ni Gab, nag pay off na. Edi sila na sweet!
Hahahaha! Ang kulit nung dalawang yun since dumating sila e :) Nagpapakasweet si Gab. No wonder
why sinagot na siya ni Jin. Joke! Hahaha! Kami kaya nitong si Spencer? Kami yata may pinaka
magandang relationship saming magbabarkada kasi hindi kami nagaaway. Saktong asaran at kulitan
lang. But there's one thing na ayaw ko sa kanya. Ang close niya sa girls >__< well, not at all
girls. Actually, kay Mafelle lang ako nagseselos. Yung kapatid ni Gab. Bihira kasi ako
magonline tapos nakikita ko sa facebook na ang close nila. I know na hindi dapat ako magselos
pero hindi ko maiwasan. Almost ka age lang din naman namin si Mafelle. So, pwede pa din sila
diba? >__< Kapag hindi siya tumigil, hihiwalayan ko siya. Hay, ewan. Bahala na! Kasayaw ko siya
ngayon. Wala, tahimik lang kami. Hindi na ako umiimik.

"Babe" -Spencer
"oh?"
"May problema ba tayo?"
"Tanong mo sa sarili mo yan"
"Spencer, may problema ba? Oh. Tinanong ko na"
"Ngayon, sagutin mo yung tanong mo"
"Babe naman e. Ano bang meron?"
"Nakakatampo kasi Spence e. May time na online ako pati si Maf tapos wala na. Hindi mo na ako
biglang pinansin tapos siya pinapansin mo"
"Pati ba naman bata pinagseselosan mo?!"
"She's not a little girl anymore Spencer! She's 16. She's older than Jin and me pa nga e. Isip
bata lang siya!"
"Ano naman ngayon?"
"Ewan ko sayo Spencer! Can't you get my point? Nagseselos ako. I know na makulit siya at mas
may sense kausap compared to me so I can't help it! Hindi porket isip bata yun, hindi na siya
magkakagusto sayo! Bahala ka nga dyan! Nakakainis ka!"

Umalis na ako. Nakakatampo kasi talaga yun e. Parang kinakampihan niya pa yun! Napuno na din
kasi ako. Ang manhid naman niya para hindi yun mapansin.

"Babe. Kylie, sorry na"
"You know what Spencer, ewan ko na. I don't really think that we should talk tonight. Mainit
yung ulo ko so walang akong magandang masasabi ngayon"
"Pwede ka naman yata magonline lagi e. Wala kasi akong makausap at lagi siyang online kaya
kausap ko siya palagi"
"That's not a valid reason. Ewan ko na sayo"

Bigla niya akong niyakap.

"Iiwas na ako okay? Wag ka na magselos babe. Ikaw naman love ko e"
"Binola pa ko"
"Totoo naman yun e"
"Sige Spencer. But once na magkaganun ulit, ayoko na. I know that I'm being selfish pero kasi
kapag naging mapagbigay ako masyado, baka maagawan ako. So ipagdadamot kita"
"Ikaw talaga babe. Don't worry okay? I love you"
"Bahala ka dyan"
"Walang I love you too?"
"Wala. Hindi pa tayo ganun ka okay. Pero kakausapin na kita"
"Bibigyan na lang kita ng madaming cake"
"Wag na! Ayoko nun"
"E anong gusto mo?"
"Wala. Tara na nga. Wag ka na mamorblema dyan"

Okay na kami kahit papano pero nakakatampo talaga >__<

Steven's POV

Kasayaw ko si Maeghan ngayon. Okay naman kami. Seryoso naman kami sa isa't isa e.

*bzzt bzzt*

May nagtext. Hayaan ko na nga lang muna. Hindi naman siguro importante yun.

"It seems like you have a text message. Why don't you check it out?" -Maeghan

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko at tiningnan kung sino yung nagtext.

From: Aine
Hello Steven :) Can I call you now? Namiss kita e.

Hindi ko lang pinansin yung text at nilagay na ulit yung phone ko sa bulsa ko. Pagkatapos ng
ilang buwan, ngayon lang niya ako tinext at gusto pa niya akong tawagan. Ano ba pumasok sa isip
ng babaeng yun? Hindi pa ba sila kasal nung fianc niya na yun? -______-

"So, who is it? Some of your girls na naman ba?"
"Ah. Wala yun"
"Then why do you look different? Have you seen a ghost or what? It seems like you're affected
with that text message"
"Wag mo nga akong englishin ng englishin. Nakaka nosebleed"
"As if hindi ka pa nasanay. Can I see your phone?"
"Ayoko"
"So it's a secret huh? You're making me see your phone before. What's the matter? Sino ba kasi
yun?"
"Wala sabi e"

Sapilitan niyang kinuha yung phone ko at tiningnan kung sino yung nagtext.

"I see. So it's Aine huh? Your ex?"
"Hindi ko siya ex. Hindi naman naging kami"
"So what's the big deal? You don't even want to tell me who texted you. Siya pa din ba Steven?
Siguro you have feelings for her pa ano?"
"Wala na"
"Then why are you reacting that way?"
"Wala lang. Wala ka na dun"
"Wala na ako dun? I'm your girlfriend Steven! I think may feelings ka pa sakanya or if not, you
haven't moved on from the past. I want to talk to her"
"Akin na phone ko. Hindi mo na siya kailangan pang kausapin"
"Why not?"
"Basta hindi mo siya kakausapin!"
"Steven, alam niya naman siguro that we're together right? Then why is she acting that way? I
want to talk to her. I want to make sure na walang siyang intentions of being close to you
again"
"Tayo ang kakausap sa kanya. Tara"

Hinila ko siya papunta sa lugar na tahimik. Ipapakausap ko na siya kay Aine para naman
makampante na siya at ako na din. Tinext ko na din siya na tawagan ako. Maya maya tumawag na
siya. Ni-loudspeaker ko naman yung phone para marinig ni Maeghan.

[ Steven! Hello! Nakakatuwa naman pumayag ka na tawagan kita. I miss you ]
"Ah. Ayun ba? Wala yun. Bakit mo pala gusto tumawag?"
[ Well, magiging busy na kasi ako with our business dito sa China so gusto na kita igreet agad
ng Merry Christmas. Ngayon ko lang din kasi nahawakan yung phone ko na to. Ayaw kasi nila na
magkaroon pa ako ng contact sayo e ]
"Ah. Ayun lang ba?"
[ Why are you being so cold Steven? Hindi ka naman ganyan dati ah? ]
"Madami na nagbago Jeraldine"
[ Jeraldine? Nasan na yung Aine? Diba yun yung tawag mo sakin? ]
"Kagaya ng sinabe ko, madami na ang nagbago"
[ Pati ba feelings mo sakin nagbago na? ]

Natigilan ako dun at napatingin ako kay Maeghan.

"Oo. Nagbago na"
[ Is it because of Maeghan? Steven, yung feelings ko for you, hindi pa din nagbabago ]
"Ano naman ngayon? Oo, dahil nga sa kanya. Siguro naman alam mo na kami na diba?"
[ So its true? Kayo na nga. Seryoso ka ba sa kanya? ]
"Oo at mahal ko siya"
[ Awch yun ah? Hindi ba pwede na ako pa din? ]
"May fianc ka na. Pinili mo siya kaya dapat panindigan mo"
[ Kaya ngae. Dapat pala ikaw na lang yung pinili ko kasi--]
"Stop it Aine! Anyway, this is Maeghan, Steven's girlfriend. Youstill love my boyfriend huh?!
Could you please stop calling or texting him? From now on, he will change his phone number. He
is mine! So goodbye Aine! Get lost!"

Binabaan ni Maeghan si Aine. Ano bang problema ni Aine? Bakit ba ganun siya? Pinakawalan niya
ako. Kawalan niya yun ngayon.

"Just buy a new sim card. I don't want you having any communication with her, okay?"
"Sige. Wag ka na magselos babe"
"What if bumalik siya dito at papiliin ka niya. You will choose me over her right?"
"Oo kaya wala kang dapat ipagalala"

Hinalikan ko siya.

"I love you babe. Tara na nga. Bumili na tayo ng drinks at bumalik na sa party"

Nagnod lang naman siya. Napaisip ako doon. Paano nga kung bumalik si Aine at kailangan ko
pumili? Hindi ko siya pipiliin. Si Maeghan na yung pipiliin ko. Tapos na kami ni Aine kaya wala
na siyang dapat pang balikan dito.

Mika's POV

Pagkakuha namin ng drinks doon sa car ni Zeke, pumwesto na din kami doon sa may table kung
nasaan sina Jin at Gab. Ang pwesto namin ngayon is: Zeke-ako-Gab-Jin.

"So, let's get drunk?" pagyayaya ko
"Hindi pwede, may lakad pa kami ni Jin" -Gab
"Today lang naging kayo Jin diba? Cool. Date agad"
"Ah. Ngayon nga nagging kami. Ha? Date?" -Jin

Ang clueless naman ni Jin kahit kelan. She's too innocent kahit hindi naman.

"Oo. May pupuntahan tayo mamaya" -Gab
"Well, that's cool. Let's see if pwede tayong makapag double date next time. Well, that will
only happen if kayo pa din ni Gab by that time. Diba Jin?"
"Ha? Ah-eh. Oo. Tatagal naman kami siguro ni Gab" -Jin
"Sana nga tumagal kayo Jin" -Zeke
"Well, let's see in the future na lang. So, matatalo mo na siguro ako sa academics nyan Jin?
Kasi you have your inspiration na e"
"Let's see na lang Mika" -Jin
"By the way Gab, may ipapakita pala ako sayo na picture. Wait lang Jin and Zeke ah? Baka
magselos kayo e. Hahahaha! Kidding"

Kinuha ko yung phone ko at pinakita ko kay Gab yung picture naming dalawa. Remember? May
picture ako na kinuha while he's kissing me.

"Ano to Mika?" -Gab
"Picture. Duh?"
"Delete mo yan" -Gab
"As you wish. Gusto mo ikaw pa yung magdelete e"
"Ikaw na lang" -Gab

Dinelete ko na yung picture. Pinapaalala ko lang naman sa kanya na may kalokohan din siyang
nagawa at hindi lang si Jin yung gumagawa ng kalokohan sa kanila >:)

"Zeke, ito na pala yung coat mo. Thank you ah?" -Jin
"Welcome Charel" -Zeke
"Nakakatampo naman yan Zeke. Pinahiram mo siya ng coat mo tapos ako hindi?"
"Revealing kasi yung suot niya" -Zeke
"Ako din naman ah? Mas revealing nga yung sakin e"
"Here. Isusuot ko sayo" -Zeke
"Wag na lang. Nagtampo na ako"
"Babe, wag ka na magtampo oh" -Zeke
"Kiss ko muna?"
"Okay" -Zeke

Zeke kissed me in the lips and in front of Jin. Let's see how she will react.

"What's with the face Jin? You also want a kiss? Hahaha! I have a dare just to prove that you
two were really in a relationship now. Gawin niyo nga din yung ginawa namin"
"Ha? Wag na" -Jin
"Why? What's wrong Jin?"
"Alam mo Mika, gagawin ko sa kanya yun pero hindi sa ganitong klaseng lugar" -Gab
"Whatever Gab! Oh, nagchange na sila ng music. Let's party! Come on Zeke. Sige Jin and Gab. Til
next time. Were leaving"

Bago pa man kami umalis, binulungan ko si Gab.

"You do really think na idedelete ko yun? Madami pa akong copies nun. Ilalabas ko na lang sa
time na talagang masaya si Jin"

Tumalikod na ako pero hinawakan ni Gab yung wrist ko.

"Ano ba Gab?! Nasasaktan ako!"
"Bitawan mo siya Gab!" -Zeke
"It's okay Zeke"
"Wag mo akong susubukan" -Gab
"I'll do what I want Gab-- Aray! Ang higpit ah?!"
"Bitawan mo siya pare!" -Zeke
"Gab, anong nangyayari? May problema ba?" -Jin
"Ang manhid mo talaga Jin ano? Hindi ko talaga maintindihan kung ano nagustuhan sayo ni Gab.
Now Gab, let go of my wrist! I'll do what you want! Just let go!"
"Binabalaan kita Mika" -Gab

Kita ko kay Gab na galit siya. Nag roll eyes na lang ako sa kanya at binitawan niya na din yung
wrist ko. Ang sakit nun ah? Parang gusto niya baliin yung buto ko e. Mapanakit kapag nagagalit
si Gab. Kawawa naman si Jin sa kanya. Hahaha! And what am I? Uto uto? Of course gagawin ko pa
din yung gusto ko. I am Mikaela Valdez. Kapag ginusto ko, gagawin ko. Sorry na lang sa mga
masasaktan. I don't effin' care kung masaktan sila. All that's important now is Zeke is with
me. I really love this guy kaya and I am happy. Ayun lang naman ang gusto ko. Next time na ko
manggugulo sa buhay ni Jin >:)

*******************************************
[64] CHAPTER 48: Surprised!
*******************************************
Chapter 48: Surprised!


Mafelle's POV

Galit ako kay kuya kaya dapat pumalpak itong pinpaayos niya sakin. I'm so mean. Hahaha! Pero
syempre joke lang yun ^__^ kakawawain ako nun e! Ang bad kasi ni kuya! Nagpost ng story sa
Wattpad tapos tungkol sakin. Waaaaaaah! T___T ang bad niya. Ginawa niya akong baliw dun e >__<
Hindi naman ako baliw diba? Nakakahiya.

Nasaan ako ngayon? Nandito sa may pool side banda sa bahay. Kasama ko si bestfriend JX! Aawayin
ko siya kapag inaway niya din bestfriend ko >__< kasi ang hirap naman nitong inutos niya kaya
kailangan ko ng tulong. Anong mapapala ko sa pag gawa ko nito? PANDAAAAA! Bibigyan niya daw ako
ng stufftoy na panda tapos bibilhan niya din ako ng chocolates ^__^ Yeheyyyy!

"Ui bestfriend, tingin mo okay na to? Pasado na ba? Kasi baka magreklamo si kuya at sabihin
niya na panget. Ang sungit pa naman nun kapag naiinis"
"Bestfriend, okay na yan"
"Sure ka?"
"Oo"
"Talaga? Sige bestfriend! Kasi naman gabi na tapos sabi ni kuya ako na bahala. Yung gusto ko
hindi ko naman magawa dahil wala naman ng mabibilhan dito"
"Ikaw talaga! Okay na yan. Pwede na ba ako umuwi?"
"Wag muna. Dito ka muna. Tara muna tayo ng tv"
"Spongebob! Tara!"

Nanuod lang kami ng tv. Hinihintay ko din kasi yung tawag ni kuya. Ang panget kasi talaga nung
ginawa ko >__< Biglaan naman kasi ee. Maya maya nagring na din naman yung phone ko.

[ hoy okay na pinapagawa ko? ]
"Maka hoy ka naman kuya! Okay na kaso panget yata? Ewan ko lang"
[ Basta yung pagkain na lang importante ]
"Oo na!"
[ bye ]

Binabaan niya na ako. Ang sungit talaga nung taong yun! Di tumatalab pagkaisip bata ko e >__<
bahala siya dyan. WAAAAAAAAH! Umulan T__T paano na yan? Papatayin ako ni kuya nito e!

"Bestfriend! Tulungan mo ako dito dali!"

Tinulungan din naman ako agad ni JX sa mga gamit. Sayang lahat ng inayos ko. I'm so gonna die :
( papatayin ako ni kuya! WAAAAAAH!

Jin's POV

Pagkatapos ng phone call ni Gab, nagbye na siya kina Spencer.

"Let's go?" -Gab
"Ha? Saan tayo pupunta?"
"Basta" -Gab
"It's raining. Hiramin mo muna tong coat ko Charel para parehas kayo na hindi mababasa" -Zeke
"Xie xie! Ibabalik ko na lang to sayo sa susunod Zeke. Thanks ulit!"
"You're always welcome Charel" -Zeke
"Tara na nga"

Tumakbo kame ni Gab papunta sa kung nasaan yung sasakyan niya. Tahimik na naman siya >___<
nakakabinging katahimikan na naman. Problema na naman nya? Tumigil siya sa tapat ng bahay nila.
Si Mafelle yung sumalubong samin at may dalang payong. Si Gab, hindi na nagpayong at dumeretso
lang sa loob.

"Anong ginagawa nyan dito Mafelle?" -Gab
"Ah--eh kasi ano kuya. Tinulungan niya ako" -Mafelle
"Tapos na diba? Pwede ka na umalis" -Gab
"Sorry po kuya" sabe nung lalaki na mukhang kaage lang ni Mafelle. Kaage ko din pala
"Wag mo akong tawaging kuya. Hoy Mafelle. Paalisin mo na yan dito" -Gab
"Pero kuya" -Mafelle
"Papaalisin mo siya o ako magpapaalis sa kanya?!" -Gab
"Gab! Ano ba?" pagsisita ko sa kanya

Pumunta na si Gab sa room niya at naiwan na lang kaming tatlo dito.

"WAAAAAAH! Bestfriend sorry" -Mafelle
"Okay lang yun bestfriend"
"Pagpasensyahan mo na si Gab ah? Masungit talaga yun. Ang sama din ng ugali nun ee. Parang
namumukhaan kita. Ikaw ba yung JX ba yun?" tanong ko
"Ako nga po. Diba ikaw si Jin? Ang ganda mo po in person"
"Ngee. Thanks. Nice meeting you. Sorry ulit kay Gab. Wag ka na kaya muna umuwi? Malakas pa ulan
e"
"Okay lang po ako" -JX
"Sure ka dyan ah? Sige puntahan ko na siya ah? Ingat ka"

Umakyat na ako second floor ng bahay nila at kumatok sa room ni Gab. Wala namang sumasagot kaya
binuksan ko yung pinto. Hindi naman kasi nakalock e.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" -Gab

Isinara ko ulit yung pinto. Bale hindi ako pumasok sa room niya. Nakita ko siya na topless. May
abs >__< Nagwowork out na din siya? Ang hot niya palaaa! Erase. Erase! Ano ba yang naiisip ko?
Kakalimutan ko na yun! Waaaaaaaah! Kasi naman bakit siya topless e. Nagbibihis yata siya.

"Alam kong nandyan ka pa sa labas. Pumasok ka na" boses ni Gab yun

Kagaya ng sinabe niya, pumasok na ako. Naka shorts at v-neck shirt na lang siya ngayon.

"Sorry. Bigla akong pumasok"
"May nakita ka ba? Wala naman diba? Kaya walang problema"
"Bat ka namumula dyan Jin?"
"Ha? Namumula? Ako? Hindi naman e!"
"Tara na nga. Lumabas na tayo. Kain muna tayo. Konnti lang kinaen mo kanina e"

Hinila niya ako palabas ng room niya. Kinausap niya muna si Mafelle kaya hinayaan ko muna siya.
Ang lakas ng ulan. Sarap maligo! Hahaha! Alam ko na!

"Let's eat?" pagyayaya niya
"Gab! Tara! Ligo tayo sa ulan"
"Ayoko"
"Edi ako na lang"

Hinubad ko yung shoes ko at nagpaulan. Ang saya! ^___^ Ang lamig ee. Maya maya nagpaulan na din
si Gab.

"Anong trip mo?" -Gab
"Gusto ko kasi maligo sa ulan. Alam mo ba? Gusto ko na pag may nagpropose sakin, habang
naliligo sa ulan doon siya magpopropose? Pero since, ikaw naman na fianc at boyfriend ko, no
need na yun"
"Ah. Okay"
"Sungit mo honey!"

Nagtatatakbo lang ako. Ang saya kasi talaga e :) Bigla akong hinila ni Gab at binuhat tapos
tumalon siya bigla sa pool kasama ko. Ang lakas ng trip. Umuulan na, maliligo pa sa pool. In-on
din yung parang falls dun sa pool nila. Ang cool nga nun ee. Hinila niya ako sa may falls banda
at umupo. May upuan kasi doon pero nasa pool pa din kami.

"Akin na yang singsing dali!" utos niya
"Ha?"

Hinila niya yung kamay ko at kinuha yung ring.

"Ui! Ano ba ginagawa mo? Akin na yan!"

Natapik ko yung kamay niya kaya nahulog yung ring sa pool. Hala >__< bigla naman siyang sumisid
at hinanap yun. Ang bad ko. Nakakahiya! Saglit lang at nahanap niya din agad yung ring at saka
siya umupo ulit sa tabi ko.

"Sorry Gab. Ikaw kasi e"
"Tumingin ka nga sakin ng deretso Jin"

Ginawa ko naman yung utos niya.

"Jin Charel Tan, will you be my girlfriend and marry me?"
"Marry agad?!"
"Sumagot ka na nga lang!"
"Oo na. It's a yes" Sabay suot sakin nung singsing.
"Ayan na. Natupad na yung gusto mo na proposal. Happy?"

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. I'm really happy kasi inulit niya pa talaga para lang
masunod yung gusto ko. Yung pinapakita sakin ngayon ni Gab is yung other side niya. Yung sweet
at hindi masungit.

"I'm really happy Gab. Xie xie!"
"Wag mo nga ako intsikin dyan! Hindi ko naiintindihan. Gusto ko Japanese"

Kumalas ako sa hug at tinalikuran siya. Nakakainis kasi >__<

"Kung gusto mo sa Japanese, edi doon ka kay Risa. Japanese yun diba?"
"Selos ka naman?"
"Asa ka namang nagseselos ako"
"Pwede mo naman aminin kung nagseselos ka e. Tayo lang naman dalawa dito"
"Feeler ka! Hindi naman e"

Hinawakan niya yung balikat ko para iharap ako sa kanya pero hindi pa din ako tumitingin sa
kanya.

"Tumingin ka nga sakin hon" utos niya
"Ayoko nga"

Hinawakan niya yung mukha para iharap sa kanya. Ang lakas niya masyado. Hindi ako makaiwas ng
tingin.

"Hon naman. Maghahanap pa ba ako ng iba e ikaw na yung nandito sa tabi ko? At isa pa, ang tagal
kong hinintay to kaya hindi na kita papakawalan. Siguro naman pwede ko ng gawin to diba?"

He kissed me >///<

"Jin. So-sorry"
"I-It's okay. It's just that-- You startled me"
"Pwede isa pa?"
"Hoy Gabriel! Hindi porket tayo na, pwede mo yun gawin kapag ginusto mo!"

Umahon na siya sa pool. Iwan daw ba ako dito? Ayan na naman siya sa pagsusungit niya e. Ang
moody niya naman masyado >__< Umahon na lang din ako sa pool at nagpaulan pa din dito.

"Jinnnn! Sorry! Pinakealaman ko na yung gamit mo. Kanina pa kasi may tawag ng tawag. Baka
importante kaya kinuha ko na" -Mafelle
"Okay lang. Thanks Mafelle"
"Sure"

Pumunta muna ako sa may silong para tingnan kung sino yung tumawag. Si mommy pala. Agad ko
naman na sinagot yung tawag.

[ Charel, where are you? ]
"Bakit mommy?"
[ Just answer my question ]
"Dito po kina Gab"
[ Wait for me. I'm on my way there ]
"Mommy bakit ka pupunta--"

*toot toot toot*

Binabaan ako >__< Anong meron at nagmamadali si Mommy? Bakit nandito na siya agad sa Pinas? Ang
alam ko kasi sa 24 pa sila makakauwi. Napaaga yata?

"Jin, towel oh. Baka lamigin ka" -Mafelle
"Thank you"

Brrrr. Ang lamig nga. Magpapatuyo na ako dahil baka dumating na si mommy e. Mapagalitan pa ako
>__<

"Oh"

Napatingin ako sa nagsalita. Pagtalikod ko, bumungad sakin yung isang plastic ng.. Ano nga ba
laman nun?

"A-ano to?"
"Plastic?"
"Gab naman e! I mean ano laman nyan?"
"Pagkain. Aalis ka na yata e. Narinig ko usapan niyo ni tita. Kakain pa sana tayo kaso mukhang
emergency yun. Kainin mo na lang sa bahay niyo"
"Thank you Gab"

Kinuha ko yung plastic na hawak niya at hindi rin nagtagal at may nag doorbell. For sure si
mommy na yun. At hindi nga ako nagkamali. Pagkakita ko kay mommy, agad ko siyang hinug.

"Hi Gab. Jin needs to go with me. It's an emergency" -mom
"Is it Dad? What happened?"
"I'll explain it to you later, okay? For now, we really need to go. Gab, thank you for taking
care of Jin. We really need to go. Bye"

Hinila na ako ni Mommy palabas.

"Ma! Yung gamit ko naiwan ko sa loob. Kukunin ko lang"
"We don't have time for that. We really need to leave now"
"But mommy--"
"Charel! Get in the car! Now!"

Sumunod na lang ako. Mukha kasing emergency at problemado si mommy. Ihahatid naman siguro ni
Gab yung gamit ko sa bahay e. Pinaandar na ni mommy yung car. Car ko pala tong gamit nya. Buti
nalaman niya kung nasaan yung keys ko. Ang bilis nya magpatakbo >__< nakakatakot. Pagdating
namin sa tapat ng bahay, nandun yung assistant niya at may hawak na maleta.

"Wag ka na bumaba baby" sabi ni mommy

Inilagay ng assistant niya yung maleta dun sa likod ng car at sumakay na din ulit sa car.

"Mommy, what's happening? Hindi ko maintindihan"
"I don't have time to explain for now. Mamaya na lang, okay?"

Nagdrive na siya papunta sa isang hotel. Nandito kami ngayon sa mandarin hotel sa makati. Dere
deretso na lang kami sa pagpasok hanggang makarating doon sa isang hotel room. Pagkadating dun,
kinaen ko na lang yung pinadala sakin ni Gab na pagkain. Siomai pala to. Ang sarap :) Si mommy,
may kausap sa phone. Yung assistant niya yata.

"Mommy, you want?"
"No, thanks baby. Now, listen to me okay?"
"Yes mommy"
"I know that this is really urgent and surprising but i decided to stay in Korea with you"
"Just the two of us? Why?"
"Yes baby"
"How about Daddy? And kuya as well"
"Hiroshi can take care of himself so I really don't have to worry about him. Well, about your
dad. I want to stay away from him"
"Are we staying there? For how long? Mom, why is this so urgent? No. We can't mommy!"
"We need to. You'll understand when we get back here in the Philippines. How long? I don't know
yet. All that is important now is for us to leave this country"
"Mom, you did engaged in a fight with dad, am I right?"
"I did. I won't let you know the reason for now but I will tell you at the right time okay?
Please bear with me Charel. I'm really having a hard time"
"I don't have any other choice mommy. I need to be with you because you need me"

*knock knock*

Napatingin ako sa door. Pumasok yung isa pang assistant ni mommy.

"Ma'am, your plane ticket is ready. Your flight is scheduled. It's 4 o'clock in the morning"
"Thank you"

Anong oras na ba? 12 am na >__< 4 hours na lang.

"Charel, baby. Change your clothes and have some rest. You still have time to sleep"
"Mom, can I use your phone to text my friends?"
"No. I think it's better for the two of us if they will not know where were going"
"But mom--"
"I'm sorry Jin"

Paano na to? Biglaan na nga akong mawawala, hindi pa nila alam kung saan ako pupunta? Sina KL,
si Gab? Waaaaaaah! Ang hirap naman oh. Paano kapag tumagal kami dun? Hindi pwede. I really
don't know what's happening. Wala naman akong choice. Goodbye muna sa lahat ngayon ganun? It's
hard but I need to sacrifice. No facebook, no phone. I'lldo this for my mom and I guess it's
for my sake too. I'm gonna miss them.

*******************************************
[65] CHAPTER 49: Before Christmas.
*******************************************
Chapter 49: Before Christmas


Jin's POV

December 24, Saturday.

Christmas na bukas. Nasaan ako? Nandito pa din sa Korea. Wala pa yatang plans si mommy na
bumalik sa Pinas kaya wala akong magagawa. She's my mom. Ayoko naman na iwan siya dito. Lalo na
ngayon na alam kong nahihirapan na siya. Mag 1 week na din kaming nandito pero hindi man lang
ako nakapaglibot. I prefer staying here sa hotel. Malamig din kasi sa labas dahil may snow.
Puro nood na lang ng tv ang ginagawa ko dito. The reason why we are staying here? Hindi ko pa
din alam. I will found out daw pagbalik sa Philippines. Dapat daw kasi na kay Daddy ko na
malaman yung reason but I still don't know when we will be back in the Philippines. Sana by
this week na.

I miss Daddy, kuya Hiroshi, Gab, KL pati na din ang buong barkada. Kamusta na kaya sila? Sana
happy ang Christmas nila kasi happy naman ako kahit nandito ako ee. Napalapit na yung loob ko
kay Mommy simula nung pumunta kami dito.

"Mommy?"
"Yes Charel?"
"Can I go out today?"
"Sure. I've been waiting for you to ask me that question. Do you want me to come with you or do
you prefer going out alone?"
"Kahit ako na lang magisa mommy. I can take care of myself"
"Okay. Get dressed and I'll give you money, okay?"
"Yes mommy"

Nagbihis na ako. Binigyan din naman ako ni Mommy ng pera and at the same time, ng cellphone.
But the problem is, hindi ko kabisado mga number nila kaya useless din to. Para lang talaga
pangcall kay Mommy in case of emergency. 8am pa lang ngayon at kailangan kong makabalik sa
hotel by 9pm. Matagal tagal na din yun at madami na akong magagawa. Pero there's one thing na
gusto ko talaga gawin. Ang makita si Terrence. Why? Wala namang reason. Nagsisimula na kasi
siyang sumikat dito sa Korea. May on-going nga siya na palabas at may movie na din siyang
nagawa. Gusto ko lang siya icongratulate pero kahit hindi ko siya makausap, okay lang.

Pumunta muna ako sa isang restaurant para kumain. Ang hirap lang kasi English lang yung
naiintindihan ko >__< Hirap magenglish mga tao dito e. After ko kumain, dumeretso ako sa isang
tv station. Nandoon daw kasi si Terrence. Pagdating ko, ang daming tao. Lahat sila inaabangan
si Terrence? Sikat na talaga siya! Ang galing! Sana kapag nakita ko siya, hindi niya na ako
iwasan. Hindi niya kasi ako pinapansin sa facebook. Lumapit ako sa isang girl at nagtanong.

"Excuse me, are you waiting for Terrence?"
"Yes. He is handsome. Are you American?"
"No. I'm a Filipino"
"Terrence is a Filipino too. It's good that I know English. I can talk to you"
"Me either. Goodbye. Nice meeting you"
"Okay"

May iba din naman pala na nakakapag english sa kanila. Kausapin ko kaya yung guard? Mukhang
pinoy e.

"Excuse me. Are you a Filipino?"
"Pinoy ka din?"
"Opo. Si Terrence po ba pwede kong makausap. Kilala ko siya personally"
"Alam mo, lahat halos dito na pinoy, sinasabe yan. Kaya miss, itigil mo na yan. Wala kang
mapapala dito"
"Kilala niya talaga ako kuya! Sabihin nyo si Jin Charel Tan. Kilala ako nun"
"Umalis ka na. Ayaw namin magsayang ng oras. Hindi mo kami maloloko"

Umalis na lang ako. Ang hirap naman pala dito >__< Ang labo yata na makausap ko in person si
Terrence. Sayang naman. Sabagay, sikat kasi siya.

"Awch! Ang init!" natapunan ako ng coffee
"Jeoso hamnida"
"It's okay. I'm leaving"

Aalis na sana ako pero bigla akong hinila nung lalaki na nakatapon sakin ng coffee tapos
pumasok kami sa entrance. Agad naman kaming pinapasok ng guard tapos dumeretso kami sa isang
dressing room.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko
"Pinoy ka?"
"Yes. Ikaw din?"
"Yes. Let me introduce myself. I'm AJ Martinez"
"I'm Jin. Kaano ano mo si Terrence Martinez?"
"Cousin. So Fan ka din niya?"
"No. I know him personally. Believe it or not"
"Miss, wala kang maloloko dyan"
"I'm not lying. You can ask him of you want to"
"Okay. But I still don't believe you. Here, go change your clothes"
"Thank you"

Nagbihis na ako. AJ Martinez at pinsan siya ni Terrence. Sikat din ba sya? Sabagay, parang
narinig ko na yung name niya. Ang gwapo din ng pinsan ni Terrence ah? Infairness. Paglabas ko
ng CR. Nakita ko naman na kakalabas lang nung manager ni Terrence. Sayang >__< Hindi ko
naabutan.

"Diba mamager ni Terrence yun AJ?"
"Yes. So, Since maganda ka naman at may kasalanan ako sayo. Do you want to have some coffee
with me? My treat"
"Binola mo pa ako. Sure"

Nagkwentuhan lang kami. Singer pala si AJ dito and at the same time, lumalabas din sa mga
movies. Sikat din pala siya. Medyo tahimik lang siya. Ako na yung nagtatanong para may
mapagusapan lang kami.

"AJ, I really need to go. Just in case na makausap mo si Terrence, here's my number and sinulat
ko na din dyan yung place kung saan ako nagsstay. Thank you talaga for your time. It's nice
meeting you here"
"Nice meeting you too. Pwede naman kita tawagan some other time diba? Maybe we could go out
together?"
"Sure. Okay. I'm leaving. Bye bye!"

Aalis na sana ako pero hinawakan niya yung wrist ko.

"Wear this. Nakita ka ng mga tao kanina. Mahirap na dahil baka maisip pa nila na girlfriend
kita. Gusto mo ba ipahatid na kita?"
"Thanks. Wag na lang. May iba pa akong pupuntahan"

Sinuot ko yung cap na binigay niya sakin at umalis na. Gagala pa ako :) Gusto ko din naman
magenjoy kahit papano.

Gab's POV

Nasaan na ba yung babaeng yun? -___- biglaan na lang siyang nawawala. Ni hindi man lang
nagpapasabi kung saan siya pumunta. Naiwan niya kasi yung gamit niya dito sa bahay nun pati na
din yung coat ni Zeke. Pag punta ko sa bahay nila kinabukasa, wala siya doon. Si tito pati si
Axel lang. Alam nila na umalis talaga sina Jin at tita. Hindi lang talaga nila alam kung saan.
Yung dahilan din kung bakit sila umalis, alam ko na. Namimiss ko na yung kabayong yun. Wala na
akong mapagtripan dito. Nandito kasi ako ngayon sa Japan. Dito kami magchristmas. Babalik din
kami sa 28. Sana pagbalik ko, nandoon na si Jin.

Nandito kame ngayon sa bahay namin sa Japan. Dito nga din nagsstay ngayon si Risa pero okay
lang. Wala namang problema yun. Okay naman kami, friends. Anong ginagawa ko ngayon? Nandito sa
kwarto ko at matutulog. Wala akong magawa. Ayoko naman gumala. Wala ako masyadong maintindihan
sa mga sinasabe ng tao dito. Biglang may nagbukas ng pinto at tumabi sakin. Kilala ko na kung
sino yun.

"Babe! Don't sleep. You're keep on sleeping. Let's go out together okay? Or you want to go to
the bar? Let's go"
"Risa, I want to sleep and I also want to go to the bar but it's too early. Nakakatamad"
"Did you just speak in English?! Woah! Galing galing!"
"Alis na. Matutulog ako"
"Then I'll also sleep here"
"Ikaw bahala. Wag ka lang maingay"
"Okay. Promise me first that we'll go out together later okay? And you need to help me improve
in speaking tagalog"
"Ge"

Ano ba naman to oh? Nakakatamad -___- Bahala nga siya. Matutulog na lang ako.

***

"Babe! Wake up! It's already 5pm"

Pagdilat ko ng mata ko, si Risa agad nakita ko. Nandito pa din pala siya.

"Get up na babe! Its gabi na in a few minutes"

Bumangon na ako. Nakabihis na pala siya. Naka skirt at longsleeves tapos rubber shoes.

"What do you think? Does this outfit looks good on me?"
"Saan ba punta mo?"
"We'll go out together right? Get dressed na din babe"
"Ge. Hintayin mo na lang ako sa labas"
"Okay!"

Naligo na ako at nagbihis. Gusto ko magbar para uminom. Bored na din ako dito. Sayang wala sina
Steven. Manchichicks na naman yun panigurado. Ganun naman si Steven e. Hindi naman nagbago yun.
Sa harap lang siguro ng iba. Pagktapos ko magayos, lumabas na rin ako sa kwarto ko.

"Kuyaaaaaa! Sasama ako!" -Mafelle
"Wag na. Dyan ka na lang. Date namin to"
"Talaga kuyaaaa? Mas bagay kayo ni Risa kaysa kay Jin" -Mafelle
"Really? Bagay kami? Thats cool! Hey babe. Bagay tayo! Hahaha!" -Risa
"Tara na nga"
"Bye Maffiiiiieeee!" -Risa

Pumasok na kame sa kotse at nagdrive papunta sa gusto niyang puntahan. Kailangan din namin
umuwi ng 10 ng gabi.

"Babe! I miss you! You don't know how long I've waited for you to get back"
"Risa, tinupad ko lang yun. Namiss din kita"
"You really missed me?"
"Ayaw mo? Edi wag"
"I want! If I'm going to say I love you, would you also say I love you too?"
"Pwede din?"
"Mahal kita Gab!"
"Mahal mo talaga ako?"
"Yep! Sobra! Gab, you should teach me more Tagalog words okay? So when I get there in the
Philippines, it won't be hard for me"
"Napagusapan na natin to diba? Hindi ka pupunta dun"
"I want to! I want to meet Jin and also Spencer and Steven. They're both gwapo!"
"Next time. Hintayin mo na lang na payagan kita"
"Yes sir!"

Pagdating namin sa bar, umorder lang kami ng drinks at uminom.

"Hindi ka iinom?"
"Ayaw ko. I'm a good girl. It's not a nice when a girl is drinking. That's all for you babe!"
"Para ka talagang si Jin. Mas mabait ka lang ng konti"
"Let's not talk about Jin. I'm the one beside you. Gab, just for the days that you're still
here. Could it be me? I know that you and Jin were together but--"
"Naiintindihan ko. I'll be nicer"

Ininom ko na muna yung drinks at sumayaw kami pagkatapos. Sumama din muna siya sa mga kaibigan
niya dahil nandito din sila. Ako naman, uminom lang ulit.

Risa's POV

I'm with my friends na. I left Gab muna. Maybe he wants to be alone. I don't want to make him
mad at me kasi he said that he'll be nicer :) I really love Gab but I also know my place. He
has a girlfriend already and it's Jin. She's pretty and smart and she's also nice but I think
that I'm better than her. Gab loves her and I can't do anything about it.

I know Mikaela Valdez already. She's really pretty and she's also nice. We get along well with
each other. He is Gab's friend daw. I'm really looking forward on getting to know her
personally :)

I spent my time with my friends lang and when I discovered that its 10pm already, I went back
inside and checked on Gab. She's with 3 other girls and they're all pretty.

"Gab, let's go? Tito will be looking for us na"
"Who are you? How did you know Gab? Hey Gab, we thought you're alone" girl1
"Hey you! If you don't want to ruin your night, just get lost" girl2
"What if I don't want to? Gab, let's go na!"

I'm about to hold Gab's hand but one of the 3 girls blocked my way.

"Leave!" girl3
"I don't want to. The three of you should be leaving"
"It's you or the three of us. Let's go outside?" girl1

I went out with the three girls. I think Gab is drunk. Maybe these girls made him drink
something. What happened? >__< why are there so many boys here?

"You girls are cowards" I said
"Hey you guys! Get her for me!" girl2

I ran and tried to fight. I'm good at taekwondo but there are four guys so it's really hard. I
ended up being caught.

"Hey! Let go of me! You really are making me mad. You girls are bitches! Flirts"

*slap!*

"How dare you say that!" girl3
"That guy wants us" girl1
"You sure? You are ugly!"

*slap!*

"Guys, you know what to do to that girl. You'll receive your prize later" girl2

They left. It's just me and the four guys who are here.

"You are sexy huh?" guy1
"Let go of me!"
"Hey! Don't ever dare touch her or you'll die! Let go!" -Gab
"So you have a lifesaver huh?" guy2
"Gab! You're drunk! No! Don't!"
"Let's see. We will let go of her if you'll win" guy3
"Bring it on" -Gab

They started fighting >__<

"Stop it! Please! I'm begging you! Stop it!"

Gab was beaten by them and this is all my fault. He's full of blood.

"Stop it! Please! I'm begging you!"
"Let's go. We shouldn't be caught!" guy4

They let go of me. I went towards Gab.

"Gab. Why did you do that?" I started crying
"It's for you Risa. Kasalanan ko din naman e. Sorry" then he smiled
"Let's go home okay?"

I helped him get up and brought him to the car. I drove the car as fast as I could. Luckily,
when we get back in the house, Gab's father and Mafelle wasn't there. We went straight to his
room. I helped him wash up.

"Ikuha mo ko ng shirt"
"O-okay"

I went to the closet and get a shirt. When I looked at him, he's already topless.

"Risa, come here"
"Here, wear this shirt. I'll leave first"

When I was about to leave, he hold onto my wrist. He pulled me then he hugged me. I also hugged
him back.

"I'm sorry Gab. This is all my fault"
"Don't blame yourself okay? I did it because I love you"
"You're drunk. It is Jin who you're thinking and not me. I'll go get some coffee for you"
"I'm not drunk. You heard me right? You're a one special girl to me. Gagawin ko ulit yun para
ilagtas ka pag may nangyari ulit na katulad nun"
"Gab. Stop it. I'll--"

O__O He kissed me.

"You.. You.."
"I kissed you"
"G-Gab. Why did you?"
"Can I have some coffee?"
"O-okay"

I went out of his room. Gab is for Jin. I can't fall for him even more. He's just drunk! He
loves Jin. I can't ruin their relationship. Just forget about it. I'm just dreaming! I'm wide
awake! Why did he do that? I'm special to him? Gab, why are you like this? >__< you're making
things difficult and complicated.

*******************************************
[66] CHAPTER 50: Missing you.
*******************************************
Chapter 50: Missing you


Jin's POV

December 30, Friday.

Halos 10 days na din kami nagsstay dito >__< mukhang wala pa din plano si Mommy na umuwi. Miss
ko na si Gab pati si KL! Si kuya Hiroshi, si daddy and si poofles din! Waaaaaaah! I wanna go
home na :( Sobrang bored na ako dito. Hindi naman ako makagala na din kasi sobrang lamig. Hindi
ko kaya magtagal sa labas kaya nandito lang ako sa hotel. Nanunuod ng tv palagi o kaya
nagtetext. Ganun lang.

Malungkot yung naging Christmas ko. First time na hindi ko kasama yung buong family ko in
Christmas. Ni hindi ko pa din alam kung ano ang nangyari pero gusto ko na talagang malaman.
Binigyan ako ng gift ni Mommy. Sabe niya, pwede ko tawagan yung gusto kong tawagan pero isa
lang. Bawal pala kausapin si kuya and Daddy :( Hindi ko tuloy nafeel na Christmas. Yung
tinawagan ko? Si Gab. Namimiss ko na yun e pero hindi ko siya macontact. Nakailang tries ako
pero wala talaga kaya ang tinawagan ko, si KL. Mga 30 minutes din kaming magkausap sa phone.
Nagkamustahan lang kami. Pupunta nga daw sana siya dito nung Christmas kaso hindi din natuloy.
Hindi ko na din sinabe sa kanya kung nasaan ako dahil yun ang condition sakin ni mommy. Nalaman
ko din na nasa Japan si Gab and Mafelle tapos nandoon din si Risa. Ano na lang mangyayari?
Nakakaselos naman kasi for sure, kinukulit na siya ni Risa. Paaano naman ako? Bahala na. Tiwala
lang.

Si Terrence naman, hindi ko pa nakikita. Okay lang naman kahit hindi. No big deal. Isa pa,
kapag nalaman to ni Gab, iisipin niya na may something pa din ako para kay Terrence kahit wala
naman. He's just my friend and I want to congratulate him with his success right now. That's
all and nothing more. Si AJ naman which is cousin ni Terrence, tumatawag sakin minsan. Alam
niya na magkakilala talaga kami ni Terrence in person pero ayaw daw ni Terrence makipagkita or
kahit makipagusap man lang. Iniiwasan talaga ako nun. Kasi sa facebook, hindi niya din talaga
ako pinapansin e.

Faithful ako kay Gab at sana siya din. Sana wala siyang ginagawang kalokohan doon sa Japan kasi
ako, kahit madaming gwapo dito, hindi ko na lang pinapansin dahil love ko yung masungit na
nilalang na yun. Ano ba yan? >__< lalo ko lang siya namimiss.

*knock knock*

Pumasok si Mommy sa room ko. Lagi nga siyang busy kahit nandito kami e. Siguro kakausapin niya
ako dahil may importante siyang sasabihin.

"Charel, I have a surprise for you"
"What is it mommy?"
"We're going back to the Philippines tomorrow. Alam kong nalulungkot ka na dito. I don't want
you to be sad so even though ayoko pa bumalik, we will. I know that you miss your dad and your
kuya"

Bigla kong hinug si Mommy :)

"Thank you Mommy! Akala ko tatagal pa tayo dito e. I'm very happy na babalik na tayo. Thank you
po talaga"
"You're welcome my princess"

*bzzt bzzt bzzt bzzt*

"Mommy, I think someone is calling you? Sagutin niyo na po"

Nakita ko sa mukha ni Mommy na nagaalinlangan pa siya na sagutin yung tawag. Naging busy din
kasi siya dito at hindi pa kami nagbabonding. Puro business kasi inaasikaso niya pero
naiintindihan ko naman yun kahit papano.

"I'm really sorry Charel. Babawi ako next time okay? Sabay tayo magdinner later"
"Sure mommy"

Lumabas na ng room si Mommy. Naexcite ako bigla ^__^ babalik na kami! Makikita ko na sila ulit!

*AJ calling..*

"hello?"
[ Tara! Gala tayo! Yayayain ko si Terrence! Sasabihin ko sa kanya na hindi ka kasama para
magkita na kayo. Diba dapat boyfriend mo na yun? Ituloy niyo na! ]
"Ha? H-hindi ah! At isa pa, may boyfriend na ako"
[ hiwalayan mo na! Kayo na lang ni Terrence kasi kailangan magka girlfriend si Terrence para
manalo ako sa pustahan ]
"Ayoko. Love ko yung boyfriend ko. Madami naman iba dyan AJ e!"
[ For sure naman mas gwapo si Terrence dun ]
"Hay nako AJ. It doesn't matter. Anyway, babalik na ko sa Philippines bukas"
[ really? Ingat ka dun. Dinner tayo mamaya. My treat! ]
"I can't. Thanks na lang. Bye bye na!"
[ Byiiiiieeeee! ]

In-end call ko na. Ang kulit talaga ni AJ. Akala ko talaga nung una serious type siya tapos
habang tumatagal, nagiging makulit siya. Nakakatuwa lang kasi may pagkaisip bata siya kaso
minsan, wala na sa lugar. Ako? Makikipagkita kay Terrence? Wag na lang. Siya na yung umiiwas
kasi e at isa pa, ayoko naman na isipin pa ni AJ na may something pa ako para kay Terrence. Kay
Gab lang kaya ako :) hahaha!

Gab's POV

Nandito na ako ulit sa Pinas. Buti nga hindi kami nagtagal dun. Ang g*go ko! Dapat sakin
pinapatay e! Ang sama sama ko kay Jin. Ang dami kong kasalanan sa kanya. Kakasimula pa lang
namin pero hindi na ako nagtitino. Sh*t! Bakit ba kasi magkaugali sila e. Kaugaling kaugali ni
Risa si Jin. Mas mabait nga lang si Risa at mas palaban kaysa kay Jin pero halos parehas lang
talaga sila. Tuwing kasama ko si Risa, si Jin yung nasa isip ko. Minsan tuloy pag tumitingin
ako kay Risa, si Jin na nakikita ko -___- Nahalikan ko pa tuloy si Risa at dahil dun, umasa na
naman siya. T*ng*na kasi! Hindi deserve ni Jin yung kagaya ko. Dahil lang sa pagkakamiss ko sa
kanya, kung ano anong kalokohan ginagawa ko! Bakit ba kasi umaalis yung babaeng yun ng hindi
nagpapasabe tapos hindi namin lahat alam kung saan siya pumunta. Sinubukan niya din pala ako
tawagan kaso wala naman ako dito nun. Badtrip!

*bzzt bzzt*

From: Spencer
Pre, punta tayo kina Steven. Bar daw tayo mamaya kasama si KL pati si Maeghan. Ge!

Pupunta pa ba ko? Iinggitin lang ako ng mga yun dahil kasama nila mga girlfriend nila e.

*Steven calling..*

[ Pre! Alam ko iniisip mo! Hindi ka na naman siguro pupunta ano? Oi pumunta ka! Hindi uso KJ
pare Mangchicks ka na lang! ]
"LUL! Iinggitin nyo lang ako. Tinatamad ako pumunta!"
[ Sus. Sige na! ]
"oo na nga! Ge"

Binabaan ko na siya. Nakakatamad naman oh. No choice. Pupunta na lang ako dun. Nagbihis na ako
at nagayos. 5 na din kasi ng hapon. Pupunta pa nga ba talaga ko? Bahala na! Kukulitin pa ko ng
mga yun. Inom lang din naman gagawin ko dun. Wala na kong plano mangchicks! Pagkatapos ko
magayos, kinuha ko na yung susi ng sasakyan ko at pumunta sa kung saan nakapark sasakyan ko.

"Kuyaaaaaaa! Saan ka pupunta?" -Mafelle
"Wala ka na dun"
"Magbabar kayo? Sama akoooooo!"
"Bawal bata dun"
"Kuya! Hindi naman na ako bata e. Sasama ako!"
"Wag na. Ano pa mangyari sayo dun"
"Sige na! Puhleeeaaasssee! Minsan lang kuya e. Ako date mo. Hindi si Jin. Dali na!"
"Ayoko nga. Ang panget mo kaya! Ang layo mo kay Jin"
"Nakakainis ka kuyaaaaa! Makapanglait wagas?! Makapanget ka naman! Kung panget ako, panget ka
din kasi magkapatid tayo e! Ayoko na nga lang sumama! Bad ka e"
"K"
"Sungeeeeeeeeeeeeet!"

Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta sa bahay nina Steven. Pagdating ko dun, ipinark ko na
yung sasakyan ko sa labas. Paglabas ko, may humarang na limang lalaki sa harap ko. May dalang
mga kahoy. Problema ng mga to?! Gusto ba nila ng gulo? Hindi ko na lang sila pinansin at
dumerederetso na lang.

"Oi ikaw!" guy 1
"Hoy pare!" guy2

Hinawakan ako nung isa sa balikat. Sinamaan ko lang sila ng tingin at dumeretso na.

"Aba g*go to ah?!" guy 3

Sh*t! Bigla akong sinuntok. Ano ba problema ng mga to?

"T*ng*na! Ano ba mga problema niyo ha?!" tanong ko
"Ikaw ang problema namin. Hindi ba nangaagaw ka ng girlfriend ng iba?" guy4
"Wag mo na subukan pang ideny kung ayaw mong masaktan" guy5
"Wala akong alam sa mga sinasabi niyo" sabay talikod sa kanila

May humawak naman sa balikat ko at iniharap ako sa kanya sabay sinuntok. Napahawak naman ako sa
labi ko tapos tiningnan ko sila at saka ako ngumisi.

"Ano naman ngayon kung mangaagaw ako? Nahalikan ko pa nga e"

*boog!*

"G*go ka pala pre! Edi kung nagtitino ka, hindi ka sana nasasaktan ngayon? Ano? Weak ka pala e!
Di ka lalaban dyan?!" guy 2
"Ako weak? Bakit? Gusto niyo talaga ng gulo? Papatulan ko kayo ng malaman niyo kung sino yung
weak"
"Aba naghahamon ka ah?! Sige ba!"

Nagpasuntok lang muna ako sa kanila. Hanggang sa magmukha akong mahina.
Hahampasin pa sana ako nung isang lalaki gamit yung hawak niyang kahoy pero inagaw ko yun at
inihampas sa kanya tapos yun na din ang ginamit ko para doon sa iba. Hindi nagtagal at
napatumba ko silang lima.

"Ano? Sino ngayon ang weak?! Sabihin niyo dun sa nagutos sa inyo na sa susunod, mamili siya ng
kakalabanin at sabihin nyo na ang duwag niya!"

*pak!*

Biglang may 3 na malakas na hampas sa likod ko na ikinabagsak ko naman. Pagtingin ko kung sino,
mukhang kasamahan nung 5.

"Ako ang nagpautos. Ano ngayon? Ano?! Bumangon ka dyan Steven Santos"

T*ng*na! Sabe ko na e! Kalokohan na naman to ni Steven. Nambabae na naman siguro yun! pagharap
ko sa kanya para makita niya yung mukha ko, nagulat siya.

"Mga bugok! Ang bobobo niyo! Mali pa kayo ng kinalaban! Hindi yan yun! Mga tanga! At ikaw
naman, mukhang kaibigan ka din naman niya, tutuluyan na kita para malaman ng kaibigan mo na
mali siya ng kinalaban"

Bumunot siya ng baril at itinutok sakin.

"Anong nangyayari dito?!"

May nagsalitang lalaki galing doon sa likod niya na may mga ilan pang kasama. Hindi din
nagatagal at lumabas din sina Steven kaya naman nagmadali na silang 6 na umalis. May nakita
akong lalaki sa harap ko. Si Zeke pala kasama yung mga kasamahan niya sa basketball team.
Inabot niya yung kamay niya para tulungan ako makatayo pero tumayo nalang ako magisa ko. Sh*t!
Sakit ng likod ko.

"Pre, mauna na kayo uwi. Maiiwan na ko dito" sabi ni Zeke dun sa mga kasama niya

Lumapit din naman sina KL sakin at pumasok na kami sa bahay ni Steven.

"Okay ka lang pre? Ano bang nangyari?" tanong ni Steven
"Mukha ba kong okay? T*ngna! Bakit hindi mo itanong yan sa sarili mo? Ano na naman ba kasing
kalokohan ginawa mo?" sagot ko
"Wala akong maalala. Haha!" -Steven
"Gab, ano ba kasi talagang nangyari? Gamutin na natin yang sugat mo sa mukha oh" -KL
"Okay lang ako. Umamin ka nga! Nambabae ka na naman Steven ano?"
"What?! Hey Steven! You wanna die?" -Maeghan
"Hindi ah. Ano ka ba? Iisipin na naman ni Maeghan na nambababae ako nyan e" -Steven
"Shiz. Let's talk Steven" sabi ni Maeghan sabay hila kay Steven papunta sa labas.

Si Zeke, Spencer, KL at ako yung naiwan dito sa living room.

"Pre, salamat pala" sabi ko kay Zeke
"Okay lang yun dude. Si Charel pala? Nakabalik na ba?"
"Hindi pa" sagot ko
"Zeke. Since nakabihis ka din naman, sama ka na samin sa bar. Okay ka naman na Gab diba? Tara!"
-Spencer

*pak!*

"Araaaay naman babe! Bakit mo ko binatukan?!" -Spencer
"Baliw ka ba?! Alam mong ganyan na lagay ni Gab, puro bar pa yung nasa isip mo!" -KL
"Okay lang ako KL. Tuloy tayo sa bar"
"Wait! May concealer akong dala dito. Maghilamos ka na muna tapos lagyan natin ng concealer
yang mga pasa mo para hindi halata"

KL's POV

Sinamahan ko si Gab sa may CR para makapaghilamos siya at nilagyan ko ng concealer mga pasa
niya sa mukha. Naaawa ako kay Gab! Dahil kasi sa mga kalokohan ni Steven, nadamay pa siya.
Lagot si Steven kay Jin pagbalik nun! Nakakawawa yung fianc slash boyfriend niya. Paghawak ko
sa likod ni Gab, mukha namang nasaktan siya ng sobra.

"Gab. Sandali lang. Pwede makita yung likod mo?"

Nagnod lang naman si Gab. Pagtingin ko, may malakong pasa. Awch >.< ang sakit nun! Okay lang
talaga siya? Ang tibay naman ng katawan nito.

"Wag na lang kaya tayo tumuloy sa bar?" pagsa-suggest ko
"Ano ka ba KL? Wala yan. Ayoko naman masira yung lakad niyo dahil sakin. Tara na"

Nauna na siya maglakad pero hinawakan ko yung braso niya para magtanong kung sure siya at sabi
niya naman, oo daw. Pagbalik namin sa living room, nandoon na din sina Steven and Maeghan.
Mukhang okay naman sila. Nadaan siguro sa paglalambing ni Steven yun. Nagayos lang kami saglit
at pumunta na din kami sa bar.

Si Gab, uminom pero konti lang. Ganun din naman si Zeke at ako. Sina Spencer, Steven at
Maeghan, sumasayaw. Hinayaan ko na lang si Spencer magpakasaya. Alam niya naman siguro
limitations niya. Wag lang siya magpapakita ng kalokohan niya sakin. Medyo awkward lang din
dito ngayon kasi sina Zeke at Gab, si Jin yung topic. Magkasundo ba talaga sila? Sana oo para
okay na pero sa nakikita ko ngayon, mukha namang magkasundo sila. Speaking of Jin, namimiss ko
na siya >__< sana bumalik na sila kasi nagchecheck ako kay kuya Hiroshi pero wala pa din daw
siya. Hindi na nga siya nagenjoy nung Christmas e. Sana naman this time, magenjoy na siya. Miss
na namin siya.


*******************************************
[67] CHAPTER 51: Last day of the year.
*******************************************
Chapter 51: Last Day of the Year


Jin's POV

December 31. Saturday.

Kakarating lang namin dito sa Pinas. Mamaya sa new year's eve buo na yung family namin. Ang
saya diba? Bukas na lang ako makikipagkita kina Gab pati sa buong barkada. Ang dami ko agad
plans kasi ang tagal ko din na nawala ee. Nandito pa kami ngayon ni Mommy sa restaurant. 1 pa
lang ng hapon. Lunch daw muna para pagdating sa bahay, magpapahinga na lang. Pagkatapos kumain,
umuwi na kami sa bahay. Mga 2 na din kami nakarating at nandoon sina Daddy at kuya sa may
living room. May kasama sila na isa pang lalaki. Hindi ko pa makita yung mukha kasi
nakatalikod.

"Kuyaaaaaaa!"
"Princess"

Tumakbo ako papunta kay kuya at niyakap siya.

"Namiss kita kuya. Ikaw din daddy, namiss kita!" lumapit din ako kay Daddy para mayakap ko
siya.
"Baby, I want you to meet Vince" -Daddy
"Vince?! B-bakit nandito yan daddy?!"
"Kilala niyo na pala ang isa't isa dati pa?" -Daddy
"Yes daddy. Sino ba siya? Bakit kasama niyo siya dito?"
"He's your brother Charel" -Daddy
"No daddy! Si kuya Hiroshi lang kapatid ko!"
"Princess, wala na tayo magagawa. We just need to accept the fact na may half brother tayo" -
kuya
"Kaya pala ganun si Mommy dahil pala dito. I hate you Daddy!"

Umakyat na ako ng stairs. Sinundan naman ako ni Mommy at niyakap ko siya.
"Sorry mommy. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bigla na lang tayo umalis. I know na naging
mahirap sayo yun at mommy, I also feel the same. Hindi ko matanggap dahil halos ka-age ko pa
siya
"Charel, andyan na yan. We don't have anything to do with it. I know it's hard for us but if
your kuya had already accepted him then I know that you will also do"
"I don't know Mommy. Tanggap mo na ba mommy? Diba hindi pa naman? Please don't pretend na okay
lang sayo when in fact it's not"
"Charel, tanggap ko na at sana ikaw din"
"It's hard kasi Mommy. Don't tell me na titira din siya dito sa bahay. No! I dont want to.
Hindi ako papayag!"
"Wala na siyang family. Ang dad mo na lang. Intindihin mo na lang okay?"
"Bahala na mommy. Sige po, pasok na ko sa room ko"

Pagpasok ko sa room ko, mas lalong hindi ko nagustuhan yung nangyayari. Naiba na yung ayos ng
room ko. May 2 beds na tapos may mga gamit na ng lalaki. Don't tell me na kay Vince to?! No!
Argh! Nakakainis! Si Gabriel Vincent Lee. Yung guy na nameet ko nun sa EK na friend ni Terrence
is my half brother. Nagbihis na ako at humiga. Nakita ko agad si Chaser pati yung horse na
stufftoy na bigay sakin ni Gab. Hinug ko nalang sila parehas. Naiiyak kasi ako. Niloko niya si
Mommy at ibig sabihin bago pa ako ipanganak, nageexist na yang Vince na yan! Nakakainis!
Nagtakip ako ng unan tapos sumigaw.

"I hate youuuuuuuu! Nakakainis kayoooo!"
"Alam mo Jin, kahit ubusin mo pa boses mo kakasigaw dyan, wala ka ng magagawa. Kung ayaw mo
sakin, wala akong magagawa. Nagulat din ako nung nalaman ko na kapatid pala kita"

Tinanggal ko yung unan tapos umupo. Siya naman humiga dun sa isa pang bed. So kasama ko nga
talaga siya sa room. Pwede naman siya dun sa room ni Kuya e! Porket mas malaki lang room ko,
dito na din siya? Nakakainis naman.

"Wala na akong magagawa. Nandito na e pero sana wag mo guluhin yung buhay ko. Wala na lang
pakealamanan"
"Okay. Cellphone mo pala. Yung coat nung kaibigan mo nasa dresser na. Hinatid yan dito nung
isang lalaki"
"Ah. Thanks"
"Ge"

Natulog na siya doon. Ako naman, nilakasan yung aircon. Bahala siya kapag nilamig siya. Gusto
ko malamig e. Matutulog naman siya e. Ako din naman matutulog na. I checked my phone. Hindi pa
din namamatay pero lowbat na. Ang dami ding text. Chinarge ko yung phone ko at nagstart magbasa
ng texts.

From: Zeke
Charel, text me pag nakabalik ka na. Merry Christmas! :]

Tagal na nito. Rereplyan ko nga.

To: Zeke
Nakabalik na po ako. Kunin mo na lang bukas yung coat mo dito. Thanks ulit!

Pagkasend ko, nagbasa basa na din ako ng iba pang texts. Halos puro greetings lang din ng Merry
Christmas. Yung iba naman gm's lang kaya hindi ko na binasa. May mga texts din si KL. Puro "I
miss you Jin", "I miss you bessy", "bogoshipda", "balik ka na". Alam niya naman siguro na wala
akong phone pero nakakatuwa kasi nageeffort pa din siya na itext ako :) rereplyan ko nga.

To: KL :)
KL! Kylie! Bessy! Nakabalik na ako :) Kita tayo bukas ah? Kahit mamaya pala pwede na. Belated
happy monthsary pala sa inyo ni Spencer. Nado bogoshipda! Saranghae!"

Sinend ko na. May text din dito si Spencer.

From: Spencer ni KL
Namimiss ka na ni KL. Bumalik ka na nga! Ako yung kinukulit e.

Ang kulit talaga ng dalawang to. Mareplyan nga din.

To: Spencer ni KL
Spencer! Wala lang :) nandito na ako. Hindi ka na kukulitin ni KL. Namiss ko kayo!

May mga texts din sina Steven at Maeghan.

From: Steven
Dameng chicks ni Gab oh. Balik ka na!

From: Maeghan
Mangchichicks daw si Gab pag hindi ka pa bumalik. I miss you girl! :)

Replyan ko nga silang dalawa. Mangchichicks pala ha? Baliw talaga sila.

To: Steven; Maeghan
Hayaan niyo lang siya mangchicks :)) Namiss ko kayo! Kita tayo next time ah? ^_^

May text din si Mika. Isipin mo yun?

From: Mikaela
Hey Jin! Bumalik ka na. I missed ruining your life. Ciao!

Namiss siguro ako ni Mika? May text din si Jessica pero hindi ko na nireplyan. For sure pupunta
yun dito mamaya :) May text din si Mafelle. Kagabi lang to ah?

From: Mafelle ^__^
Jiiiinnnn! Waaaaaaah! >__< nabugbog si kuya! Sisihin mo si Steven! Bad kasi nadamay pa tuloy si
kuya! Umuwi din dito si kuya na nakainom. Miss ka na daw niya. Paulit ulit na. Nakakarindi!

Hala? >__< Nabugbog si Gab dahil kay Steven? Ano na kaya nangyari dun? Gusto ko na siya makita.
Miss na miss ko na si honey :( Nagbasa lang ako ng nagbasa ng texts pero may kulang. Wala man
lang text si Gab kahit isa. Ang tamad talaga magtext nun. Kahit isang text man lang wala,
maitext nga.

To: honey
Uso kasi magtext Gab >.< Nakabalik na pala ako. Namiss kita! I love you! :*

Then sent! Siguro naman nakabalik na sila dito galing Japan diba? Gustong gusto ko siya makita!
Sobrang namiss ko siya >__<

*bzzt bzzt*

From: honey
Tatawag ako

*honey calling..*

"Gab!"
[ oh? ]
"Grabe ka naman! Masungit pa din? Magbabagong taon na oh. Wala ka pa din bang balak magbabago?
[ Ewan. Oi namiss kita ]
"Namiss din kita honey!"
[ Punta ko dyan mamaya ]
"Wag na. Bukas na lang"
[ Okay. Ge bye ]

*toot toot toot*

Problema ng taong yun? Grabe sa kasungitan ah? Binabaan pa ako. Ang sama naman oh. Bahala nga
siya dyan. Matutulog na lang ako. Inaantok na din naman ako e. Nagset na din ako ng alarm para
gumising. 4:30 ako gigising. Antok na talaga ako.

***

*alarm clock ringing..*

"Jin! Alarm mo!"

Dinilat ko yung mata ko tapos pinatay yung alarm. Nakakatamad pa bumangon. Pagtingin ko kay
Vince, natulog pa ulit. Antukin pala siya? Bumangon na ako at dumeretso sa CR. Nagtoothbrush at
hilamos ako para mawala yung antok ko. May tao sa sofa dito sa kwarto. Sino kaya to? Paglapit
ko, si Gab. Napangiti naman ako dun. Natutulog siya tapos nakaheadset. Siguro hindi niya
narinig yung alarm ko. Ang gwapo ni honey. Sabi ko bukas na siya pumunta dito, pumunta pa din
siya ngayon. Namiss niya din ako for sure dahil kapag hindi, lagot siya sakin! Nilapit ko yung
mukha ko sa mukha niya. May mga pasa siya at may cut din sa lips niya. Ang sakit siguro nun.
Gwapo pa din naman siya e. Tinrace ko yung mga pasa niya sa mukha. Bigla niya akong hinila kaya
napaupo ako sa lap niya. Gising siya the whole time? O__O Grabe naman trip nito!

"Alam mo nang may pasa, ginagalaw mo pa. Masakit kaya"
"Sorry. Akala ko kasi tulog ka e. Namiss kita honey! Sobrang namiss"
"Talaga?"
"Yup"
"Kiss ko?"
"Ayoko nga!"
"Damot. Magbihis ka na. May pupuntahan tayo"
"Ha? Saan naman?"
"Wag ka na magtanong pa basta magdedate tayo. Alam na to ng parents mo. Magbihis ka na bilis.
Wag ka magsoshorts"
"Opo boss!"

Kumuha na ako ng damit ko. Nag longsleeves ako tapos skirt.

"Ano yang suot mo? Magpants ka nga"
"Ang arte mo Gab. Ayaw mo ng nakashorts ako tapos ngayon na nagskirt ako, ayaw mo pa din. Ayoko
naman magmukhang panget. First date natin to simula naging tayo tapos ganun pa"
"Pangalawa na to. Una yung sa bahay namin. Maganda ka na kaya hindi mo na kailangan pa
magpaganda. Titingnan ng mga lalaki yang legs mo. Ayoko ng ibang may tumitingin sayo. Dapat ako
lang kasi akin ka"
"Oo na. Magbibihis na ako. Magpapants na lang ako"
"Good" nakita ko na ngumiti siya
"Ngumiti ka talaga Gab?! Nakakatuwa naman! Hahaha!"
"Ang ingay naman. Kung gusto niyo magkulitan, doon kayo sa labas" -Vince
"Ano ba Vince?! Nakakainis ka na ah!"
"Hayaan mo na. Magbihis ka na, wag na lang pala. Tara na nga"

Hinila ako ni Gab palabas ng room ko at dumeretso kami sa office nina Mommy dito sa bahay. Okay
na kaya sila ni Daddy?

"Excuse me tita, tito. Aalis na kami" -Gab
"Take care of her Gab okay? Prinsesa namin yan" -Dad
"Sige tito"
"Bye mommy, bye daddy"

Pagbaba namin sa stairs, nandoon si kuya sa living room.

"Gab, ikaw na bahala kay Princess ah? Lagot ka sakin kapag nasugatan yan" -kuya
"Kuya naman e!"
"Wag ka magalala Axel" -Gab

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa car ni Gab. Ipinagopen niya pa ako ng door.

"Saan tayo pupunta Gab?"
"Sa puso ko. Hindi ko pa alam"
"Ha? Nagdadrive ka dyan pero hindi mo alam?"
"Oo. Nagugutom ka na ba?"
"Hindi pa naman"
"Saan mo gusto kumain?"
"Gusto ko ng.. Ayoko pa kumain honey"
"Sigurado ka?"
"Yup"
"Okay"

Pumunta kami sa SM. Nagpark muna siya ng sasakyan at hinila niya ako papunta sa Toy Kingdom.
Bibili kami ng laruan? Naghanap lang siya ng stufftoy. Hawak niya yung kamay ko at hila hila
niya lang ako. May kinuha siya na dalawang bear. Isang boy tapos isang girl. Ang cute! Pink and
blue yung color. Kasing laki din siya ni Chaser. Nagbayad na siya at pagkatapos nun, bumili
siya ng pizza at bumalik kami sa sasakyan. Pumunta kami sa isang unfamiliar place. Somewhere in
Global City dito sa Taguig pero hindi pa ako nakakapunta dito. Condominium siya actually.
Umakyat kami sa 17th floor at pumasok sa isang unit. Kay Gab ba to?

"Gab? Sayo ba to? I mean yung unit na to?"
"Oo. Bakit?"
"Wala lang"
"Kain na tayo. Nagugutom na ko"

Kumain lang kami at nagkwentuhan. Nagkwento ako sa kanya tungkol sa mga nangyari sa Korea at
sinungitan niya ako pagkatapos nun. Terrence na naman daw kasi pero ipinaintindi ko naman sa
kanya kaya naging okay din naman yung mood nya.

"May kasalanan ako sayo hon" sabi ni Gab
"Ha? Hindi ko maintindihan. Bakit? Nanchicks ka ba nung wala ako? Tinext sakin nina Steven yun.
Okay lang naman e"
"Hindi kasi yun Jin"
"Then tell me"

Nagkwento siya about sa mga nangyari sa Japan nung nandoon siya. Yung nabugbog siya dun, yung
pagtuturo niya kay Risa pati yung sa kiss sinabe niya na din. Sinabe niya din sakin yung reason
kung bakit niya nagawa yun. Masakit lang. I know na naaalala niya ako kay Risa pero iba kasi e.
Hindi kaya nagustuhan niya lang ako dahil sa kaugali ko si Risa? Pero imposible pa din yun kasi
kung si Risa yung gusto niya, hindi na siya bumalik dito at madami na din kaming pinagdaanan
kaya imposible yun. Yung sa nangyari sa Japan sa kanila ni Risa, forgiven na agad siya. Well,
once lang naman yun at nakainom siya. Basta hindi na pwede maulit yun. Pumunta ako dun sa may
window banda, tanaw kasi yung view. Biglang may yumakap galing sa likod ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadya"
"Okay lang yun Gab. Tapos na ee. Forgiven ka na"
"Ano pala gusto mo ipangalan dun sa anak natin?"
"Ano?! Anak natin?! Grabe naman! Hindi pa nga tayo kinakasal, anak na agad?! Hoy ikaw Gab! Kung
may pinaplano kang masama, wag mo na ituloy!"
" Wala naman e. Yung stufftoy. Anong ipapangalan mo? Kunwari anak natin yun, ano ipapangalan
mo?"

Humiwalay siya sa pagkakahug sakin tapos humiga sa higaan. Nandito kasi kami sa loob nung
bedroom ngayon.

"Hm? Ano ba magandang name? Boy and girl naman yung stufftoy diba? Gabriel nalang yung sa boy"
"Ayoko nga. Ang panget"
"Tinanong mo pa ko kung kokontrahin mo din naman! Edi ikaw na lang magisip ng name diba?"
"Nakakatamad magisip ng pangalan. Ikaw na lang"
"Kokontrahin mo lang din naman kasi e. Edi wag na lang!"
"Di na. Dali! Isip na"
"Excited?! Hm? Jin and Gab nalang. Hahahaha! Sakin si Gab tapos sayo si Jin. Oh diba? Okay na
yun ah? Kapag kumontra ka, uupakan kita"
"Bakit? Sino ba may sabe na ibibigay ko sayo yun? Akin yun parehas e"
"Nakakainis ka!"

Lumapit ako sa kanya at pinagpapalo siya. Sinabunutan ko din! Nakakainis kasi >__< napapahiya
pa ako. Hindi na lang siya umagree!

"Aray Jin! Putek na yan! Masakit! Yung pasa ko. T*ng*na!"
"Ikaw kasi e!"
"Masyado ka naman mapanakit. Sadista! Gustong gusto mo talaga na nakikita akong nasasaktan e"
"Di naman e. Halika nga dito, hug nalang kita. Wag na magtampo Gab"

Umupo siya at hinug niya ako ng mahigpit.

"Namiss kita kabs"
"Ang sama mo! Hindi ako kabayo!" sabay hampas sa kanya sa likod
"Sh*t! T*ng*na!"

Napadapa siya. Namimilipit siya sa sakit. Mahina lang naman paghampas ko sa kanya ah? Actually
medyo malakas pero grabe naman siya makareact dyan! Pinagtitripan ako nito! Bahala siya dyan.
Pwede na siyang pang best actor. Gusto ko na kasi maniwala dahil parang may masakit talaga sa
kanya.

"Wag naman ganyan Gab oh. Best actor ka na. Ihahug and kiss na lang kita. Bumangon ka na dyan
oh"

Hindi niya ako pinapansin. Galit na siya sakin. Sinaktan ko siya. Ganun ba talaga kasakit yun?
Inangat ko yung shirt niya dahil baka napalakas talaga pagpalo ko pero naawa ako sa kanya ng
makita ko yung likod niya. Awch >__< WAAAAAAAAH! Ang bad ko. May pasa siya sa likod. Ang laki
na nga tapos hinampas ko pa.

"Hala. Ano gagawin ko dito? Gab naman e! Di mo sinabe na may pasa ka sa likod. Sorry"
"Hayaan mo na lang. Mawawala din to"
"Galit ka? Sorry talaga!"
"Hindi. Okay lang ako"
"Gusto mo punta tayo sa hospital? Malapit lang St. Luke's dito oh. Pacheck up na natin yan.
Baka kung ano na yan"
"Wala lang to. Hayaan mo na nga"

Unti unti siyang umayos ng upo. Tinulungan ko naman siya sabay yakap.

"Sorry honey. Hindi ko talaga alam. Dapat inaalagaan kita ngayon tapos sinaktan pa kita. Lagot
talaga sakin si Steven kapag nakita ko yun! Siya may kasalanan nito e!"
"Hayaan mo na. Pinatulan ko din naman yung mga may gawa nito at isa pa, kung si Steven man yung
nandun, baka mas malala pa nangyari sa kanya. Okay lang naman ako"
"Alam kong hindi"
"Basta nandito ka lang sa tabi ko, okay lang ako"

Humiga na kami parehas. Ginawa kong unan yung braso niya tapos nagkwento lang ako sa kanya
tungkol kay Vince. Naiinis ako dahil para siyang si Gab. Yung ugali ni Gab nung kakakilala ko
pa sa kanya, ganun din yung ugali ni Vince nung nakilala ko siya. Masungit tapos kontra pa lagi
sa mga ginagawa ko. Parang yung kanina lang. Sinita niya kami ni Gab. Room ko naman yun.

***

"Hon, gising. May fireworks na oh"

Pagkadilat ko ng mata ko, nakita ko agad yung mukha ni Gab. Katabi ko pa din siya. Umupo na din
ako.

"Ang bigat ng ulo mo. Masyado ka na yatang matalino. Nangalay yung kamay ko"
"Sorry naman. Ikaw kasi e! Ginusto mo din naman yun! Kunwari ka pa"

Hinila niya ako patayo at lumapit kami doon sa may window para mas makita pa yung fireworks.
Ang ganda ^__^

"Halika nga dito" -Gab

Hinawakan niya yung waist ko at hinila ako papalapit sa kanya. Kinikilig ako >///<

"Happy new year honey. Namumula ka na oh" bulong niya

Sinuntok suntok ko yung dibdib niya. Ang tigas! May muscles.

"Nakakainis ka Gab!"

Hinila niya pa ako ng mas malapit then he kissed me. I kissed him back pero natigilan ako ng
may narinig ako na nagriring na phone.

"Wag mo pansinin. Phone ko yun" sabi niya
"Sagutin mo. Baka mamaya importante yun e"
"Nakakainis naman na cellphone yan. Istorbo"

Kinuha niya yung phone niya.

"Ah. Kasama ko siya tita.. Sorry po.. Sige, ihahatid ko na lang siya sa inyo.. Ganun po ba?
Sasabihin ko na lang.. Sorry po ulit. Bye tita"
"Sino yun? Si mommy ba?"
"Oo. Kanina ka pa daw tinatawagan hindi ka sumasagot. Nagaalala na sila sayo"
"Nakasilent pala yung phone ko"
"Ipapasundo ka pala dito. Tatawagan na lang ako ulit kapag nandito na sundo mo"
"Ah. Sige"
"Halika nga dito hon"

Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya dun sa gilid ng bed kaya umupo ako sa tabi niya.

"I love you Jin Charel Tan Teppei"
"Teppei agad?"
"Dun din naman mapupunta yun. Wag ka na maarte"
"Oo na. Thank you pala Gab ah? Nag-enjoy ako. I love you!"

Kiniss ko siya sa cheeks at hinug ko ulit siya. Ang sarap niya ihug kaso ayoko masyado higpitan
kasi yung likod niya e.

"Pakiss ulit"
"Hoy ikaw Gab! Sumusobra ka --"

Bigla niya na lang akong hinawakan sa mukha and he kissed me again. I stopped. Nag ooverboard
na kasi siya.

"S-sorry Jin. Hindi ko sinasadya"
"O-okay lang. Hindi kasi ako sanay"
"Mag-ayos ka na ng gamit mo. Maya maya nandito na din yung sundo mo"

Nagnod lang naman ako at kinuha yung gamit ko saka kami pumunta sa lobby. Nakita ko naman agad
dun si Vince. Bakit siya yung sumundo? Pwede naman na si kuya Hiroshi.

"You're here. Let's go?" -Vince
"Si Gab na lang maghahatid sakin. Mauna ka na. Tara Gab"

Hinawakan ni Vince yung wrist ko at hinila ako.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako. Kay Gab na ako sasabay. Sabay pa rin naman tayo darating sa bahay
e"
"Sakin ka sasabay sa ayaw at sa gusto mo. Napagutusan lang din ako. Tara na" -Vince
"Gab"
"Sige na Jin. Sa kanya ka na sumabay. Susunod ako. May ibibigay pa ko sayo diba?" -Gab
"Gab naman e"
"Wag nang pasaway Jin. Pre, sige na. Ingatan mo yan" -Gab

Umalis na si Gab. Ito namang si Vince, hawak pa din yung wrist ko.

"Pwede mo na ko bitawan. Kaya ko maglakad magisa"

Pumunta na kami sa kung nasaan yung car niya. Red na bmw yung car niya. Pinagopen niya naman
ako ng car door tapos tsaka siya nagdrive pauwi.

"Nag-enjoy ka sa date niyo ng boyfriend mo?" tanong ni Vince
"Pakialam mo naman kung nagenjoy ako o hindi? Enjoy na sana kaso panira ka"
"I'm trying to be nice here. I also want to know you more. I know that it's hard for you to get
along with me pero sana naman bigyan mo ko ng opportunity na makilala ka"
"Alam mo, okay na kasi nung wala ka e. Dumating ka pa. Hindi ka naman pinipilit maging mabait.
Kung ayaw mo, wag mo na pilitin"
"Just at least try para naman makilala mo din ako. Magkakasama na din tayo in one house and it
will be awkward kung ganito tayo palagi"
"Oo na. Susubukan ko pero sana maintindihan mo na hindi ko pa yun magawa ngayon agad. Give me
time naman para matanggap ko muna yung nangyari"
"Okay. I dont have any problem with that. Gutom ka na ba?"
"Oo. Bakit may food ka dyan?"
"Oh. Chocolate"
"Thanks"

Okay naman si Vince e. Ako lang talaga yung nagmamatigas. Hindi ko pa din naman kasi tanggap
yung nangyari but as time goes by, matatanggap ko din naman yun. Gwapo si Vince. Mas gwapo
siya kay kuya pero mas matangkad lang si kuya. Mukha namang mabait din si Vince kaso mukhang
may pagka masungit din. Matututunan ko din na pakisamahan siya ng maayos. Pagdating namin sa
tapat ng bahay, nandun na din naman si Gab kaya lumapit ako agad sa kanya. Si Vince, hinihintay
lang ako sa labas.

"Jin, pakisamahan mo na lang. okay? Ito na si Gab. Alagaan mo. Bye"
"Bye. Ingat sa pagdadrive ah?"

Inabot niya sakin yung isang stufftoy at kiniss niya ako sa forehead at umalis na siya. Kami
naman ni Vince pumasok na sa bahay. Kumain na lang din ako at nagayos. Pagod din ako at
inaantok e. May lakad daw kami bukas ng tanghali kaya dapat matulog na din ako. 2:30 ng
madaling araw na kasi. Pagcheck ko sa phone ko, may mga texts. Ang dami pero puro gm. Natuwa
ako sa text ni Gab.

From: honey
Text mo ako pag matutulog ka na. Namiss kita agad. Tatawag ako sayo bago ka matulog.

Hindi na ako nagreply. Ako na lang yung tumawag.

"Matutulog na po ako. Goodnight"
[ Nakakainis. Hindi ko nasulit kanina ]
"Baliw. Sige na. Matulog ka na din ah? See you on January 3 :) I love you Gab!"
[ Ge. I love you Jin. Goodnight ]

In-end call ko na.

"Goodnight Jin" -Vince
"Goodnight"

Kahit papano, masasabi ko na one of the happiest days din to sa life ko kahit may hindi
magandang nangyari. Nagsimula ang year na to ng masaya. I just hope na tuloy tuloy na.

*******************************************
[68] CHAPTER 52: Confused.
*******************************************
Chapter 52: Confused


Jin's POV

January 3. Tuesday.

Nakabihis na ako. Excited ako pumasok e. 6:30 pa lang pero 7:30 pa yung class. Papasok na lang
ako agad. Si kuya naman, nakaalis na. Susunduin niya pa daw si Jessica. Yiiiie! Edi sila na
sweet! Ako kaya susunduin ni Gab? Asa naman ako! Half day lang din ako papasok. Medyo okay na
sina Mommy and Daddy e. Out of town na naman sila para sa business. March pa daw balik nila
tapos mamaya na yung alis nila. Hindi ko man lang nasulit yung time na nandito si Daddy.

"Mommy, Daddy. Papasok na po ako"
"Wait baby, ihahatid ka na ni Vince" -Dad
"No, thanks daddy. Lalakarin ko na lang. Malapit naman yung school ee"
"Charel, sabay na kayo ni Vince. Doon din naman siya papasok" -Mommy
"What?! Mommy! NO! Ayoko!"
"Sit-in lang siya. Naisip namin na mas maganda kung pumapasok na din siya compare sa home study
lang. Then if he's busy, hindi na niya kailangan pumasok. Isn't that great? Mas makikilala niyo
pa isa't isa. Andito na pala siya. Ingat kayo okay?" -Mommy

Nakakainis naman. Sit in? Akala ko ba nagmomodel siya at nagaasikaso din siya sa mga business
namin dito sa Philippines? Bakit kailangan niya pa pumasok? Doon na lang siya sa bahay -___-

"Ingat kayo ah? Ingatan mo siya Vince okay?" -Mommy
"Sabay na din kayo mamaya. Maglalunch tayo together" -Daddy

Pagpasok namin sa car, kinausap niya agad ako. Ang aga aga ang panget na ng araw ko.

"Smile? Ang panget mo na oh"
"Paano ako mag-iismile? Ang aga aga sinira mo agad araw ko!"
"Jin. Kapatid mo naman ako diba? Just try?"
"That's the point. Kapatid kita"
"Alam ko na hindi mo pa din matanggap pero pwede ba na umayos ka naman?"
"Maayos naman ako ah? Okay. Let's have a deal. Just pretend na hindi kita kilala pagdating
natin sa room. Just endure it. Ayoko na pakikialaman mo ako habang nasa school. Starting bukas
yan and in return, I'll be nice"
"Deal"

Ang sama ko >__< Hinding hindi ako to. Mukha naman siyang mabait talaga e. First impression ko
nga sa kanya masungit pero baka sa mga hindi niya lang kilala yun kasi gusto ko din malaman
kung paano niya ko pakikisamahan. Natatanggap ko naman na siya kahit papano pero hindi ko pa
din maiwasan mainsecure. Mas gwapo kasi siya kay kuya at mukha din siyang matalino. He's half
korean and half Chinese. Ayaw niya na maging Tan kasi gusto niya na dala dala niya yung last
name ng mom niya. Pagkapark niya ng car, sabe niya siya na lang magdadala ng gamit ko kaya
pumayag na lang ako. Naka civilian siya at ako naka uniform. Pinagtitinginan siya ng mga
students. Sabagay, kasabayan niya si Terrence sa pagmomodel.

"Sikat ka ata ah?" bulong ko
"Hindi. Mas sikat si Terrence sakin. Bihira lang ako magmodel. Hindi ko na din kailangan ng
disguise kagaya niya. Tara na"
"Sunod ka na lang sakin ah?"

Naglakad na lang ako at sumunod lang siya.

"Ano meron doon? May pinagkakaguluhan oh!" girl 1
"Sabi nila, model daw" girl 2
"New student siguro?" girl 3
"Gwapo daw siya e! Puntahan natin dali!" girl 4

Paglingon ko, nawala na si Vince?! May nagkukumpulan din na tao malapit dito. Naiwan siguro
siya. Ano ba naman yan? >__< ang hirap naman oh. Nagmadali ako pumunta kay Vince tapos
nakisiksik ako sa kanila at hinila siya. Tumakbo na lang kami kasi mahirap na. Puro rumors na
naman to.

"Hey! Watch where you're going!" si Mika
"Sorry. Let's go Vince"
"Hey Jin. Wait" -Mika
"Bakit? May kailangan ka?"
"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kanya? Nanggaling ka lang sa korea, pagbalik mo, may
dala ka nang korean. I really can't believe it. When will you ever change? Hindi talaga
makuntento?" -Mika
"Mika, enough. Charel, sorry about kay Mika. Sige na, umalis na kayo" -Zeke

Lalakad na sana ako pero hinila ako ni Vince kaya nadulas ako pero sinalo niya ako pati ni
Zeke.

"Just look how careless you are" -Mika
"Miss, if you don't have anything nice to say, tigilan mo na siya dahil ako ang makakalaban mo"
-Vince
"I pity Gab. May bago ka na namang tagapagtanggol. You are one of a kind Jin. At ikaw, who are
you para pagsabihan ako ng ganyan?" -Mika
"Mika, tara na nga! Tigilan mo na nga si Charel!" -Zeke
"I'm Vince Lee" -Vince
"Vince Lee. Model ng clothing line?" -Mika
"Yes. We better get going" -Vince

Si Vince na yung unang naglakad. Siya na ngayon may hawak sa kamay ko.

"Iba na naman dinedate ni Jin? Kawawa naman si Gab" girl 1
"Dapat pala ako na lang naging girlfriend ni Gab. Niloloko na naman siya ni Jin" girl 2
"Ang landi talaga. Kala mo kung sinong maganda" girl 3
"Ang gwapo kaya ng kasama niya!" girl 4
"Dati si Terrence, iba naman ngayon. Si Vince Lee yun diba? Yung model?" -girl 5

Naiiyak ako :'( ang sasakit naman nila magsalita.

"Dito na tayo Vince"

Pagkapasok sa room, wala pang tao. Bigla niya naman akong hinila at niyakap.

"Vince, ano ba?"
"Alam kong naiiyak ka. This is all my fault kaya ka nasasabihan ng kung ano ano. Iiwas na ako
bukas since I know the consequences. Iiyak mo lang. Nandito lang ako"
"Ayoko nga. Di pa tayo close"
"Anong hindi close? Magiging close din tayo. Kapatid mo naman ako diba? Wag ka na ngang
maginarte dyan. Kung naiiyak ka, iiyak mo. Masakit sa dibdib yan kapag hindi mo nilabas.
Makikinig ako"
"Kasi Vince, ang sakit nila magsalita. Hindi naman ako malandi e. Nakakainis na. Ang judgmental
nila. Konting mali na kilos mo, kung ano ano sasabihin nila. Hindi naman ako robot. Nasasaktan
din naman ako"

Tuloy tuloy lang ako sa pagiyak. Mas lalo namang humigpit yung yakap niya sakin. Napayakap na
din ako sa kanya tuloy.

"Thank you ah? I know na kakakilala pa lang natin pero andyan ka na agad. Alam ko naging
masungit ako sayo. Sorry" sabi ko
"It's okay. Tama si tita. Kailangan nga kitang protektahan"
"Enough! Hoy ikaw Jin, ginag*go mo ba si Gab?!" -Steven

Napahiwalay naman ako agad kay Vince. Tipong susuntukin na ni Steven si Vince pero pinigilan ni
Gab. Lumapit agad si Gab at KL sakin. Magkakasabay sila dumating dito.

"Sige na Vince. Ako na bahala sa kanila" -Gab
"Bessy, ano bang nangyayari? Bakit ka umiiyak? Sino siya?" -KL
"Ka-" -Gab
"Kaibigan ko siya. New friend. Transferee siya dito" sagot ko
"Ikaw na kumausap sa kanila KL. may paguusapan lang kami ni Jin" -Gab
"Ikaw na din bahala kay Vince ah? Baka bugbugin yan ni Steven e"
"Don't worry"

Hinila ako ni Gab palabas ng room. Ang higpit ng kapit niya sa wrist ko. Nasasaktan na ako. Ano
na naman bang problema?

"Aray Gab! Masakit"
"Anong nangyari? Bakit mo siya iniiyakan? Pwede mo naman akong tawagan kung may problema ka
ha?!"
"Di mo na kailangan malaman"
"Ano ba ako sayo? Panakip butas kapag wala kang matakbuhan?!"

*slap*

"Ganun ba talagang klaseng babae tingin mo sakin Gab? Kapatid ko yun! Pinagsabihan ako ng kung
ano ano ng mga tao dahil sa kasama ko siya. Nasaktan ako kaya kinomfort niya ako. Nakakainis
ka! Kung ganito lang din naman tayo, tama na. Pinalagpas ko yung sa inyo ni Risa kahit masakit
pero kapatid ko yun e! Bakit ba ang big deal sayo nun ha?! Ayoko na! Tama na!"

Naglakad na ako pero bigla na lang may yumakap sakin. Nasasaktan din kasi ako :( Ako itong
loyal sa kanya nung nasa Korea ako tapos gumawa siya ng kalokohan pero hinayaan ko lang tapos
ganito kaliit na bagay, pinapalaki niya. Umiiyak na naman tuloy ako ngayon :'(

"Jin. Nagseselos ako"
"Bitaw"

Bumitaw din naman siya agad at dumeretso na ako sa room pagtapos. Umupo ako agad sa upuan ko at
tumungo.

"Bessy, okay ka lang?" -KL
"Bessy, maya na lang tayo magusap. Gusto ko muna makapagisip"

Dumating na din yung teacher namin. Pinapunta niya naman sa harap si Vince para magpakilala.

"I'm Vincent Lee. It's nice to be here"

Pagkatapos nun, may mga kumakausap sa kanya pero sinusungitan niya lang. Masungit nga talaga
siya. Sa piling tao lang siya nakikisama. Inexplain din samin ng teacher na sa 3rd week of
January, may exams na ulit then the following week, intramurals naman. Inaabangan naming doon
lagi yung basketball game. Daming supporters ni Zeke and Im one of them :) Natapos yung class
ng hindi nagpapakita si Gab. Ano na ba yung nangyari dun >__< kasalanan ko to e. Since wala pa
namang teacher, tatawagan ko nga siya. Agad niya naman sinagot.

[ Okay ka na? ]
"Asan ka ba? Pupuntahan kita"
[ Basta. Hindi ka na galit sakin? ]
"Hindi na. Bumalik ka na nga dito. Wala akong makausap e"
[ Makikipagbreak ka pa din ba? Sorry. Hindi ko kaya ng wala ka. Kung ikaw kaya mo, ako hindi ]
"Bumalik ka na nga lang dito"
[ Hindi ako babalik hanggang hindi mo sinasabe na tayo pa din ]
"Oo na. Tayo pa din"
[ Napilitan ]
"Hindi kaya. Bumalik ka na dito. In 5 minutes, pag wala ka pa dito, break na talaga tayo"

*toot toot toot*

Binabaan ako? Ang sama talaga nun. Magsusungit na naman siguro yun. Hindi ko din naman kaya
kapag wala siya e. Nafall na talaga ako sa kanya. Love na love ko yung masungit na nilalang na
yun ee.

"Bessy, anong break? Nagaway kayo ni Gab?" -KL
"Ha? H-hindi ah! Joke lang yun"
"Akala ko naman kung ano e. Pakilala mo naman sakin yang gwapo na yan! Dude siya! Crush ko na
bessy! Swerte mo! Ikaw unang nakilala niya. Para ngang kayo nun kanina. Selos siguro si Gab
kaya hindi pumasok. Hahaha!"
"Baliw ka KL! Hahaha! Tara pakilala kita"

Hinila ko si KL dun kay Vince.

"Vince"
"oh?"
"May papakilala ko sayo"
"Ge"
"Si KL pala, bestfriend ko"
"Ah"
"Nice meeting you Vince!" -KL
"okay"

Hinila ko na ulit si KL pabalik sa upuan ko. Ang sungit naman nun kay bessy tapos pati ako
sinungitan na. Ganun nga yata talaga siya. Pinapakisamahan niya lang ako kahit papano naman
gumaan na loob ko sa kanya.

"Bessy. Ang sungit naman nun! Bakit sayo kanina ang sweet niya? Kayo ah! May something sa inyo"
pangaasar ni KL
"Wala kaya! Ano ka ba naman? Friends lang yun."
"Okay. Ayan na pala si Gab e. Usap na kayo. Dun na muna ko kina Babe. Byiiiie!"

Pagupo ni Gab, hingal na hingal siya. Di ko lang siya pinansin. Babaan ba naman ako?

"Sabe ko na hindi mo ko matitiis e. Tingnan mo tumawag ka oh"
"Sobra na 5 minutes"
"Pinilit ko makarating dito ng mabilis. Ang arte mo. Dami mong alam"
"Nakakainis ka"
"Okay. Ayoko ng lumalapit ka pa dun sa lalaking yun. Nagseselos ako"
"Kapatid ko lang yun"
"Kahit na"
"Ang labo mo Gab. Nung una gusto mo magkasundo kami. Ngayon, gusto mo naman na iwasan ko. Ang
gulo mo din ano? At isa pa, we'll act like friends. Don't worry okay?"
"Oo na. Sabihan mo sina Steven na kapatid mo yan dahil baka mabugbog yan ng wala sa oras.
Magsisi ka pa"
"Ayoko nga. Tinatago ko nga yun tapos sasabihin naman. Kasama mo naman sila lagi e. Ikaw na
lang kumausap"
"Oo na"
"Thank you honey!"
"Ge"
"Gab, kasali ka sa basketball ah? Kalaban natin ibang sections. Sa intrams yan. Marunong ka
naman diba?" si Mark, yung classmate namin
"Oo pero ayoko sumali" -Gab
"Wag ka kj pare. Sumali ka na. Payag ka naman Jin diba?" -Mark
"Ha? Bakit ako? Sakin ayos lang"
"Okay lang naman pala kay Jin e. Sali ka na. Kasali din naman sina Spencer at Steven. Thanks
Jin! Loveyou!" -Mark

Umalis na si Mark. Basketball? Let's see. Nakakatuwa naman yun :) excited na tuloy ako.
pagtingin ko kay Gab, nakatungo na naman. Antok?

"Ui honey. Inaantok ka?"
"Oo. Wag ka maingay. Istorbo"
"Sungit"

Nung Recess, kasabay namin si Vince kumain. Sinabe ko na din sa kanila na kapatid ko siya. No
choice e. Mahirap na dahil baka ano pa gawin nina Steven sa kanya.

"Babe, dito ka nga sakin tumingin" -Spencer
"Ang gwapo kasi nya! Hindi ako makapaniwala, kapatid mo pala siya Jin. Punta ko lagi sa inyo
ha?" -KL
"Pinagpapalit ka na dude" -Steven
"Hoy KL!" -Spencer

*pak*

"Ayan bagay sayo! Maka hoy ka dyan!" -KL
"Makabatok ka naman! Batukan din kaya kita dyan?" -Spencer
"Kaya mo?!" -KL
"OO!" -Spencer
"Kayong dalawa awat na nga! Dito pa kayo magtatalo e"
"Pero bessy, pwede ako pumunta sa inyo lagi? Kahit sa room mo lang" -KL
"Ayoko. Maingay" -Vince
"Bakit? Maaapektuhan ka ba dun crush?" -KL
"Para matapos na, wag ka na lang pumunta sa kanila. Isang room lang sila ni Jin. Nagseselos na
si Spencer oh" -Gab
"Sorry babe!" -KL
"Oo na lang. Pasalamat ka hindi kita matiis" -Spencer
"Hoy! Nilalanggam na kayo dito. Ino-OP niyo ko. Wala lang dito si Maeghan e! Makapaghanap nga
ng chicks mamaya" -Steven
"Ayan ka na naman Steven. Kala ko ba nagbago ka na?"
"Minsan lang e! Hahaha! Basta hindi kayo magsusumbong kay Maeghan" -Steven

Nakakamiss naman talaga yung ganito na nagkukulitan. Kaso itong kapatid ko, masungit. Hindi
nakikiride at wala kaming magagawa. Pagkatapos kumain, nagbihis na ako ng civilian at dumeretso
na kami agad sa kung nasaan sina mommy. Aalis na naman sila. Mamimiss ko na naman sila ng
sobra. Naglalakad na kami ngayon palabas ng school. Ang bango naman nitong si Vince. Siya
nagdadala ulit ng gamit ko e. Sabi niya wag daw ako magpaapekto kasi hindi naman daw totoo mga
sinasabe nila kaya go lang.

"Vince!"

Napalingon kame dun sa tumawag kay Vince. Si Zeke. Tumakbo papunta samin si Zeke.

"Hi Charel. Oo nga pala Vince, sumali ka na ba sa basketball team ng section niyo?" -Zeke
"Hindi pa. Bakit?" -Vince
"Samin ka na lang sumali. Sit-in student ka naman kaya pwede ka sumali sa group ko. Kulang kasi
kami ng isang player" -Zeke
"Wait lang ah? Matagal na ba kayo magkakilala?" tanong ko
"Oo Charel. Nakalaban ko na din siya dati sa mga laro. Magaling kasi siya kaya kailangan namin
siya" -Zeke
"Ganun pala yun. Small world naman"
"So ano Vince?" -Zeke
"Sige. Sasali ako" -Vince
"Oo nga pala Zeke, yung coat mo nasakin pa. Punta ka na lang sa bahay mamayang uwian. Di ko
nadala e"
"Sure. Di na din ako magtatanong kung bakit kayo laging magkasama. Sige alis na ko. Hinihintay
na ako ni Mika" -Zeke

Umalis na siya. Kami naman ni Vince pumunta na sa kung nasaan nakapark sasakyan niya. Grabe mga
tingin ng tao kanina. Parang gusto nila akong tunawin porket gwapo lang si Vince e. Parang
ganun lang din sila dati nung naging close kame ni Gab. Mga tao nga naman talaga.

***

Nandito na kami sa bahay ngayon. Si kuya Hiroshi, nasa school. After namin ihatid sina Mommy sa
airport, bumalik na din siya sa school. Bale kaming dalawa lang ni Vince yung nandito. At ayun
na naman siya, tulog. Ang antukin niya pala. Ipinagkatiwala ako nina Mommy and Daddy kay Vince.
Siya daw magbantay sakin dahil busy si kuya and dahil same school lang naman daw kami ni Vince.
Naiintindihan ko sina Mommy. Gusto lang nila ako protektahan at gusto lang nila maging close
kami ni Vince. Maya maya dumating na din naman si Zeke. Nandito lang din siya sa room namin ni
Vince pero iniwan muna kami ni Vince kasi bibili lang daw siya ng drinks.

"Katabi mo pala matulog si Chaser" -Zeke
"Oo naman. Alam mo naman na mahilig ako sa stufftoys diba? Yung coat mo nga pala"
"Maya mo na lang ibigay. Mag-iistay din naman muna ako dito. Kakausapin ko pa si Vince. Namiss
ko to Charel. Yung ganito, nasa room mo tayo tapos mamaya magkukulitan na naman"
"Zeke"
"Hayaan mo na nga. Si poofles pala nasaan?"
"Nandoon sa may pool area banda. Gusto mo siya makita?"
"Sure"

Pumunta kami doon sa kung nasaan si Poofles. Nilaro lang din naman siya ni Zeke. Ang kulit nga
nila e. Parang gustong gusto siya ni poofles.

"Gusto mo ilabas natin siya?" -Zeke
"Wag na Zeke"
"Okay. Ikaw bahala"

Binalik niya na si poofles sa cage niya. Bigla naman siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Zeke.."
"Just for 3 minutes Charel. Namiss lang kita"
"Zeke. Ano na naman ba to?"
"Kung sabihin ko na kaya ko igive-up si Mika para sayo, will you still accept me?"
"Zeke naman. Masaya na kayo ni Mika. Ganun din naman ako kay Gab. Bakit ba bigla ka na namang
bumabalik? Tama na oh. Mahal ko si Gab. Yung satin tapos na yun e"
"Hindi ko na kaya ugali ni Mika. She's too much. Makikipagbreak na din ako sa kanya. Hinihintay
ko na lang na siya yung umayaw and I'm planning to court you again. Alam ko na okay na kayo ni
Gab. Ayoko na sana makigulo pa but I need you Charel. I want you back"

Bigla siyang kumalas sa hug. Hinawakan niya gamit ng left hand niya yung waist ko at nakahawak
naman sa mukha ko yung right hand niya. He pulled me closer and kiniss niya ako sa gilid ng
lips. Nashock ako sa binulong niya.

"Just give me another chance and this time, I promise you that you'll be happy. I can't promise
na hindi ka masasaktan pero gagawin ko lahat for you. Just another chance Charel. I love you.
Andyan na pala si Vince. Tara"

Nginitian niya na lang ako at umalis. He left me dumb founded. Masyado akong nagulat sa mga
sinabe niya. Ano na naman ba gusto niya? Bahala na nga >.< basta si Gab pa din yung gusto ko at
sigurado ako dun.

"Charel? Tulala ka dyan? Wag mo na nga isipin yun"

Ginulo niya yung buhok ko at hinila ako papasok.

"Zeke. Sa labas na lang siguro tayo magusap?" -Vince
"Sure" -Zeke
"Kukunin ko muna yung coat mo. Wait lang ah?"

Umakyat na ako sa room ko, kinuha yung coat niya at nagmadali na bumalik.

"Aaaaaahhhhh!"

Nadulas ako. Buti na lang at nasalo ako ni Zeke. Ang lapit ng mukha niya sakin. Ano ba yan? Ang
gwapo pa din talaga niya.

"Wag ka matakot mafall ulit kasi sasaluin naman kita"

Ngumiti lang siya at itinayo ako. Pagkatapos nun, umalis na sila.

***

Matutulog na ako. 10 pa lang pero gusto ko na matulog. Parang sobrang dami ng nangyari sa araw
na to. Nakakapagod. Yakap yakap ko ngayon si Gab, yung teddy bear. Gabriel na lang itatawag ko
sa kanya. Naguguluhan ako. Ano ba naman to? Alam ko na magulo talaga isip ko ever since.
Masyado akong nadadala sa kasweetan ng isang tao pero iba ngayon ee. Alam ko na si Gab naman
talaga yung love at gusto ko pero naguguluhan pa din ako. Maya maya pumasok na din naman si
Vince sa room at humiga na din siya agad.

"Jin?"
"Bakit?"
"Kung mahal mo si Gab, hindi ka na dapat naguguluhan ngayon at dapat hindi mo na pinapansin
yung mga ginagawa sayo ni Zeke. Isn't it obvious? Gusto ka ni Zeke. Nakita at narinig ko din
yung pinagusapan niyo kanina. Nakausap ko din siya kanina"

So alam niya? Nakakahiya naman to oh.

"Kung naguguluhan ka, mamili ka na lang. Hindi yung alam mong gusto mo din si Zeke pero si Gab
yung sinasamahan mo. Sana wag mo na paasahin si Zeke kung wala naman talaga. Make up your mind
Jin. Goodnight"

May point si Vince. Si Gab yung gusto ko pero hindi ko kaya na saktan si Zeke. Hindi ko alam
kung paano sasabihin sa kanya na wala na at hindi na pwede. Madami na kaming pinagdaanan ni
Gab. Ayoko na dahil lang sa ganun, igigive up ko na naman siya. Gugulo na naman yung lahat.
Matutulog na nga lang ako.

*******************************************
[69] CHAPTER 53: Selos.
*******************************************
Chapter 53: Selos


Jin's POV

January 22, Sunday.

Nandito ako sa room ngayon ni kuya at nilalaro ko si poofles. Si kuya at si Jessica naman,
gumagawa ng scrapbook dahil project nila. Ang cute nilang tingnan! ^__^

"Mali kasi! Ang panget tuloy! Hindi ka talaga marunong magdesign kahit kailan" -Jessica
"Edi hindi na ako marunong! Ikaw na yung magaling sa ganito" -kuya
"Panget naman ee! Joke lang yun. Sige na, tutulungan na kita. Hindi na kita papakialaman. Sorry
na kasi"
"Wala na nagtatampo na ko sayo"
"Hug na lang kita panget! Yiiie. Hindi na magagalit yan"
"Gusto ko kiss"
"Baliw ka panget! Mahiya ka naman. Andito si Jin oh"
"Edi paalisin natin"
"Bad ka kuya! Sasabihin ko pa naman na ang sweet niyo tapos papaalisin mo ko" sabi ko

Nakakatampo kasi >.< ang bad ni kuya. Papaalisin pa ako para lang sa kiss. Nakakainis!

"Joke lang princess. Dito ka lang. Wag na magalit kay kuya, okay? Dali na panget. Asan na kiss
ko?"
"Ayoko nga panget! Patampo tampo ka dyan. Ang arte mo. Bakla ka ba?!"
"Gusto mo patunayan ko sayo na hindi?"
"Kuya, lalabas muna ako ah? Enjoy kayo! Byieeee!"

Kagaya ng sinabe ko, lumabas ako ng room ni kuya. Istorbo na ako sa kanila e :) Ang sweet at
ang cute nila na couple. Hindi naman kasi masungit si kuya. Kami kaya ni Gab? Ang labo! Hahaha!
Wag na lang ^__^ ang sungit nun ee. Pumunta na lang ako sa room namin ni Vince. Nakita ko siya
doon na busy sa pagtatype kaya lumapit ako.

"Ano yang ginagawa mo?"
"Mga isesend ko kay Dad. Business matters. Ako kasi yung pinapaasikaso niya"
"Hindi ka ba nahihirapan? Student tapos nagmomodel ka pa tapos yan pa? Why not tell Daddy na
focus ka muna sa studies?"
"Well, I will since graduating na tayo. Hindi din naman ganun kahirap. Yung sa business naman
ako lang yung parang assistant. Meron namang in-charge talaga"
"Ganun? Okay. Pahiram nitong gitara mo ah?"
"Ge. Ingatan mo baka masira"
"Para namang sisirain ko to!"
"Sinasabe ko lang"

Kinuha ko yung gitara niya at sinubukan kong tumugtog. Hindi talaga ako marunong! Okay na kami
ni Vince pero hindi pa din alam ng mga taga school na kapatid ko siya. Ayoko kasi sabihin.
Sabay kami pumapasok at umuuwi kaya madaming students ang naiinis at sinasabihan ako ng flirt
pero binabalewala ko nalang. Dahil na din sa okay na kami ni Vince, sinusungitan niya na din
ako paminsan minsan.

"Hoy! Ano ba yang ginagawa mo?! Sisirain mo gitara ko e! Kung gusto mo, maghahanap ako ng
magtuturo sayo. Wag mo sirain! Putek na yan!" -Vince
"Grabe ah?! Makasigaw ka naman! Ayoko na nito. Kakain na lang ako. Gusto mo din?"
"Ge lang"

Lumabas na ako ng room at pumunta sa kitchen. Wala naman akong mahanap na food dahil puro meat
laman ng ref. Out of stock na mga junkfoods at softdrinks. Alam ko na! Since bored na ako, mag
gogrocery na lang ako. Pumunta ako agad sa room ni kuya para magpaalam at humingi ng pera pang
grocery. Makakagala din ako! Yayayain ko si Vince. Gagawin ko siyang taga bitbit!
Bwahahaha :))) Nagulat naman ako pagbukas ko ng pinto sa kwarto ni kuya.

"Oopsie. Hihihi! hello kuya! Byiiie!"

Sinara ko kaagad yung pinto. Ang wrong timing ko palagi >__< Nakakahiya kay Jessica! Nakita ko
kasi si kuya na ikikiss na si Jessica tapos natigilan pagbukas ko ng pinto.

"Anong kailangan mo?" tanong ni kuya
"Galit ka kuya? Sorry. Waaah! Kuya sayang. Sorry talaga!"
"Okay lang princess" sabay gulo niya sa buhok ko "Ano ba kailangan mo?"
"Mag gogrocery ako kuya. Wala na kasing food sa ref e"
"Wait. Oh ito pera. Gala na lang kayo ni Vince pagtapos"
"Thank you!"
"May kailangan ka pa?"
"Wala na po"
"Ingat ka princess ah? Lagot sakin yung Vince na yun kapag napahamak ka. Kailangan mo pasamahin
sayo yun"
"Opo panget! Hahaha! Pagaya lang ng tawagan niyo. bye kuyaaaa!"

Bumalik na ako sa room namin. Naglalaptop pa din si Vince.

"Vince!"
"Oh?"
"Wag ka gagawa ng facebook ah? Baka magaway lang lalo si KL at Spencer dahil sayo e!"
"Ano namang kinalaman ko sa kanila?"
"Crush ka kaya ni bessy"
"Hindi ko siya gusto. Wala akong nagugustuhan na babae sa school"
"Don't tell me na gay ka?!"
"Gusto mo patunayan ko sayo na hindi?"
"Hoy! Kapatid mo ko. Anong patunayan ka dyan?!"
"Gusto mo talaga malaman kung gay ako o lalaki?"

Palapit siya ng palapit kaya paatras ako ng paatras. Ano bang trip niya?

"Yaaaaaaaah!"
"Sh*t! Bakit mo ako sinipa?! Kabayo ka ba?!"
"Is that you Gab?"
"Anong trip mo? Bahala ka nga dyan"
"E kasi ikaw e! Pinagtitripan mo ko! Nasipa ka tuloy! Buti nga sayo! Ui, samahan mo ako mag
grocery. Magbihis ka na!"
"Ayoko nga"
"Sige na! Lagot ka kay kuya kapag hindi mo ako sinamahan!"
"A-yo-ko"
"Nakakainis ka naman e! Dali na! Ang arte mo naman! Bakla ka nga siguro--"
"Tara na nga!"
"Thank you Vince"
"Doon ka nga. Layuan mo ko"

Pumunta kami sa Landmark. Pero bago kami mag grocery, kumain muna kami sa Greenwich. Tahimik
lang siya. Hindi niya ako kinakausap. Masungit na siguro siya sa lagay na yan. Masakit ba
talaga ako manipa? Hindi naman ah? Pinagtitripan niya kasi ako e. Yan tuloy napala niya. Maya
maya nagring yung phone niya kaya kinausap niya naman yung tumatawag sa kanya pero mukhang
importante yung tawag na yun. Yung mga tao nga ngayon pinagtitinginan siya tapos kinukuhanan ng
picture. Ano kaya itsura nila pag nagact ako na girlfriend niya?

"Sino yun?" tanong ko
"Tumawag yung manager ko. Kailangan niya daw ako makausap ngayon. Kailangan ko din talaga
puntahan kaya iiwan na kita dito. Magcab ka na lang pauwi"
"Sosyal! Cab talaga? Hindi taxi? Hahaha!"
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo Jin"
"Ui pre! Paalis ka na? Saan punta mo?" si Zeke. Bigla bigla na lang sumusulpot.
"Tinawagan ako ng manager ko. May lakad ka ba? Kung wala samahan mo na lang si Jin. Pwede ba?"
"Wala. Sige pre"

Umalis na si Vince at naiwan kami dito ni Zeke.

"Wala kang kasama?" tanong ko sa kanya
"Obvious ba?"
"Si Mika?"
"Busy sa pagmomodel. Tara? Ano ba balak mong gawin?"
"Grocery. Wala na kasi kaming stock ng food sa bahay kaya ayun"
"Samahan na kita. Anong balak mong gawin pagkatapos?"
"Wala naman. Uwi na din"
"Let's watch a movie?"
"Ha? Ah-eh.."
"Ih, oh, uh? Don't worry. Ako na magpapaalam kay Axel para sayo"
"Sige. Wait lang. Tumatawag si Gab. Wag ka maingay"

Dumistansya muna ako kay Zeke ng kaunti. Gulo na naman kasi kapag nalaman to ni Gab kaya hindi
ko na lang sasabihin. Wala naman kaming gagawin na masama ee.

[ Asan ka? Pwede ako pumunta sa inyo? ]
"Bawal po ee. Wala ako sa bahay honey. Nandito ako sa mall. Mag gogrocery lang tapos-- ui! Akin
na yan!" kinuha ni Zeke yung phone ko.
"Oh pre. Paano ba yan? Kasama ko si Charel ngayon. Magdedate kami. Manonood din kami ng movie
pagkatapos mag grocery. Sakin muna siya ha? Balita ko may basketball practice ka e. Wag ka
magalala, iingatan ko siya. Bye!"

Ibinaba na ni Zeke yung phone. Pinakialaman niya pa yung phone ko at nilagay sa bulsa niya. Ano
bang trip nito? Magaaway kami ni Gab sa ginagawa niya e >__<

"Bakit mo ginawa yun?!"
"Para pagselosin siya?"
"Ang bad mo Zeke! Magaaway kami nyan e"
"Don't worry. Ako na bahala kay Gab"
"Give me my phone"
"Ayoko"
"Akin na sabi e!"
"A-YO-KO!"
"Bahala ka nga dyan!"

Naggrocery lang kami at siya na nagoffer magdala nung mga pinamili para dalhin sa car niya. Ang
dami ngang nabili e. Kuha kasi siya ng kuha ng food. Pumapayat na daw kasi ako kaya kailangan
ko daw kumain ng madami.

"Get in" nandito na kami ngayon sa carpark
"Akala ko manonood pa ng movie?"
"So gusto mo manuod ng movie kasama ako?" lumapit siya sakin
"Hoy! Asa ka! Hindi ah! Sayang kasi. Makakalibre ako ng movie"
"Gusto mo lang ako kasama e"
"Ewan ko sayo Zeke. Tara na nga!"

Sumakay na ako sa sasakyan niya. Tahimik lang ako. Nakakahiya. Nagmukha pa tuloy na gusto ko
siya kasama.

"Charel. Can I ask a favor?"
"Ano yun?"
"Gusto ko gawin mo yung kagaya ng ginagawa mo dati bukas sa game. Yung may cardboard na may
nakasulat na 'Go Zeke!' tapos sisigaw ka ng 'Go number 29" 29 kasi ulit yung pinalagay ko na
number sa jersey ko"
"Zeke. Alam mo naman na kami ni Gab diba?"
"Aasahan ko yan ah?"

Nanahimik na lang ako. Anong gagawin ko? Hindi naman pwede na gawin ko yun dahil si Gab yung
boyfriend ko. Bakit pa kasi ginagawang complicated mga bagay bagay e. Nagstop kami sa isang
covered basketball court. Bakit kami nandito? Hinila niya ako palabas at isinama paupo sa isang
bench. Ang dami ding nanonood. May naglalaro pala dito. Wait! O__O Si Gab yun diba? B-bakit
topless siya?! Nandito din sina Spencer at Steven. Practice game siguro? Wala kasi dito sina KL
at Maeghan. Pinanood lang namin sila maglaro. Magaling siya. First time kong makita maglaro si
Gab ng basketball. Mukhang nakita na kami ni Gab kaya kumaway ako pero parang wala lang siyang
nakita. Simula nun, wala ng nagshoot na bola galing sa kanya. Nagrereklamo na din yung mga
kalaro niya dahil sa hindi na siya nakakapagshoot kaya nagbreak muna sila. May babae na nagabot
kay Gab ng tubig at inabutan din siya ng damit saka sinuot niya. Bakit iba yung nagbabantay kay
Gab?! Dapat ako yun e >__<

"Charel, gusto mo ng drinks? Bibilhan kita"
"Ha? Sure. Thanks"

Nandoon si Gab sa kabilang side ng court. Nagstart na ulit maglaro yung mga kasama niya pero
hindi muna siya naglaro. Nakikipagtawanan pa siya doon sa babae. Pinag seselos niya ba ako?
Nakakainis ah! -___- Hindi nagtagal at dumating na din si Zeke at inabutan ako ng in-can na
coke saka siya umupo ulit sa tabi ko.

"Thanks Zeke"
"Welcome Charel. I-good luck mo ako sa game bukas ah? Kailangan ko manalo. Don't worry. Sa
unang game, hindi sina Gab kalaban namin kaya pwede mo ako icheer"
"Ah. Ganun ba? Sige"

Pagtingin ko sa kabila, nakaakbay na si Gab doon sa girl tapos nakikipagtawanan at nakatingin
sakin. Nang iinsulto ba siya?! Harap harapan magpaselos ah?!

"Pinagseselos ka yata Charel ah?"
"Kaya nga! Nakakainis. Hayaan mo siya. Bahala siya sa buhay niya"

Bigla naman akong inakbayan ni Zeke tapos inilapit niya yung mukha niya sa tenga ko tapos
bumulong.

"Makiride ka lang. He should also have a taste of his own medicine"

Kiniss niya ako sa tenga kaya nakiliti ako. At kagaya ng sinabe ni Zeke, umarte lang ako kaso
parang walang effect kay Gab dahil mas lalo pa siyang nagpakasweet dun sa girl. Nagtake pa sila
ng pictures. Nakakainis ah?! Dapat nga naiinis na siya ngayon e! Ayoko na! Hindi ko na to kaya
pang makita.

"Zeke, uwi na ako. Walang effect yung ginagawa natin sa kanya e. Tara na"

Nagulat naman ako sa ginawa ni Zeke. Kinurot niya yung magkabilang pisngi ko tapos nakipag
nose-to-nose sakin at saka niya ako hinila patayo. Hindi ko na nakita yung reaction ni Gab pero
pagpasok namin sa sasakyan, tawa ng tawa si Zeke. Baliw ba siya?

"Bakit ka tawa ng tawa dyan?" tanong ko
"HAHAHAHAHA! nakita mo ba yung itsura niya sa ginawa ko?! HAHAHAHA! Inis na inis. Biglang
iniwan yung babaeng kasama niya"
"Baliw ka talaga Zeke! Ang lakas ng trip mo!"
"Pinagseselos ka kasi niya e. Siya din naman pala talo sa huli. Hahaha!"
"Tara na nga! Gusto ko na umuwi. Nagtatampo pa din ako sa kanya"
"Yes babe. Ihahatid na kita sa palasyo mo. Prinsesa ka dun e. Syempre. Ako pa din yung prinsipe
mo"
"Baliw ka talaga!"
"Pero mahal mo?"
"Ha?"
"Never mind"

Pagkadating sa bahay, tinulungan niya akong ipasok sa loob ng bahay yung mga pinamili ko at
saka ko siya hinatid sa gate. Mga 5:30 na din pala ng hapon. Ang bilis ng oras.

"Ito na pala phone mo Charel. Wait, may tumatawag. Oh pre! Ikaw pala.. Oo, kasama ko pa.
Nandito nga kami sa kwarto niya ngayon e.."
"Akin na nga yan Zeke! Baliw ka!"
"Narinig mo naman yun diba? Sige na. Busy kami dito. Bye!"

Ibinaba niya na at saka inabot sakin yung phone ko.

"Don't worry, nagseselos yun kaya tinatawagan ka. Hintayin mo lang mamayang gabi dahil kung
hindi ka tatawagan nyan, pupuntahan ka niya pero nagenjoy ako ngayon ah? Hahaha! Ang kulit pala
nun magselos?! Hahahahaha!"
"Ang lakas ng trip mo Zeke!"
"Ganun talaga babe"
"Babe ka dyan!"
"Ayaw pa? Uwi na ko. Bye. I love you!"

Kiniss niya ako sa cheeks at nagmadali na pumasok sa sasakyan niya at umalis. Parang ganito
lang kami dati ah? Kaso dati, tinatakbuhan niya ako pero ngayon may car na siya. Ang kulit
talaga nun.

***

10 na ng gabi pero hindi pa din tumatawag o pumupunta dito si Gab. Galit na siguro yun>__< Si
Zeke kasi pinagtripan pa siya. Inaantok na ako. Nakahiga na ako ngayon at hinihintay ko lang
yung tawag niya. Si Vince kasi ang aga natulog. May game nga pala sila bukas kaya kailangan
niya magrecharge ng energy. Parang cellphone lang ah? Speaking of cellphone. Tumatawag na si
honey! ^__^

[ Oi babae, matulog ka na. Kung saan saan ka pa busy dyan ]
"Ikaw nga yun e. Hindi mo ako tinatawagan"
[ Anong ginagawa mo ngayon? ]
"Kausap ka. Nakahiga na ako e. Hinihintay ko lang talaga tawag mo"
[ Baka naman tawag ng iba hinihintay mo? ]
"Nagseselos ka ba?"
[ Bakit naman ako magseselos? Bye na. Matutulog na ako ]
"Masyado kang halata"
[ Hindi nga ako nagseselos ]
"Hindi ko naman sinasabe na halatang nagseselos ka e. Selos ka nga talaga. Hindi naman kasi yun
tapos sasabihin mo na hindi ka nagseselos. Aminin mo na kasi honey"
[ Oi! Icheer mo ako bukas ah? Goodnight. I love you! Bye ]

*toot toot toot*

Ayos din siya ah? Bigla ba naman akong babaan. Bahala siya dyan. Hayaan ko na nga. Magtetext
din yan. I waited. 30 minutes na pero wala pa ding text. Ui, may nagtext.

From: Zeke
Goodnight babe! Hahaha!

Hindi naman si Gab e >__< Akaala ko si Gab na. Alam ko na. Magtetext sakin si Gab nito sa
gagawin ko.

To: Zeke; honey
Goodnight din babe! Hahaha :*

Ayan! Hahaha! Kunwari na wrong send. Tingnan ko na lang kung hindi pa din siya magtetext.
Tumatawag na si Gab.

[ Matulog ka na nga! Kung sino sino pa pinagtetext mo dyan! Ge ]

*toot toot toot*

Natatawa ako kay honey. Nagseselos siya for sure! Ang cute niya pa naman magselos. Pagalit
galit kunwari. Nagtext din naman si Zeke.

From: Zeke
Babe talaga? Gusto mo na ako ulit? Tinatawagan kita kaso busy. Kausap mo siguro si Gab. Tulog
na ko ah? I love you.

Mareplyan nga.

To: Zeke
Baliw! Hindi ano :)) Sinadya ko yun! Goodnight na po. Matutulog na ko. Wag ka na magreply ^__^

Sent. *yawn* antok na talaga ako. Matutulog na ako. Big day ahead!
*******************************************
[70] CHAPTER 54: The Game.
*******************************************
Chapter 54: The Game


Jin's POV

January 23, Monday.

Nandito na ako ngayon sa school. Ang ganda ng gising ko kaya feeling ko na maganda din tong day
na to. Well, hopefully Pwede kami na hindi pumasok ngayon pero madami pa din yung mga
nagsipasok na students. Basketball game lang din kasi yung inaabangan nila. 4 sections lang
yung may laban. Ngayon yung game pati sa friday. Magisa lang ako pumasok. Si Vince kasi maaga
umalis ng bahay dahil nga sa game nila mamaya. Magkateam sila ni Zeke kaya manonood ako. I want
to watch Vince and Zeke. Si Gab, nagtext ng maaga pa. Hindi ko daw siya makikita kaya abangan
ko na lang daw siya sa laro nila mamaya. Excited tuloy ako! Magaling siya ee. Sana lang hindi
siya madistract. 8 am pa lang ngayon at 8:30 yung start ng game nina Zeke. Sana manalo sila at
manalo din sina Gab mamaya para maglaban sila sa championship. Kaso magaling talaga si Zeke so
goodluck sa kanila. Kasama ko ngayon si bessy at nandito na kami sa basketball court ng school.
Punuan na nga ee. Ang daming girls tapos puro Zeke yung mga banners nila. Meron din kay Vince?!
Grabe naman! New student pa lang siya pero may fans na siya.

"Bessy"
"Bakit Jin?"
"Pwede favor? Sige na! Please!"
"Ano yun?"
"May ginawa kasi akong banner para kay Zeke. Nagrequest kasi siya. Pwede ikaw humawak?"
"Sorry bessy. Meron din ako para kay Vince. Siya ichicheer ko e! Ikaw na lang humawak. Ayiiiie!
Muling ibalik ang tamis ng pagibig"
"Baliw ka! Kinanta mo pa! Hindi ano! Friend ko pa din naman siya at isa pa, si Gab yung mas
sinusuportahan ko"
"Oo na! Ako din kaya. May banner din ako para kay Spencer! Hahaha! Magseselos na naman yun e.
Parang siya hindi nangchichicks. Ang sarap kaya nila paguntugin ni Steven. Ang dami nilang
babae. Buti pa si Gab, hindi nageentertain, masungit nga lang"
"Adik ka talaga Kylie!"
"Hindi kaya ako nagdadrugs!"
"Oo na! Hahaha!"

Pumwesto na yung cheering squad ng school namin sa gitna dahil may presentation sila. Nanalo
din sila last week doon sa competition ng mga high schools e. Si Mika yung cheerleader.
Exempted nga sila sa lahat ng exams dahil doon sa pagkapanalo nila e. For sure, lamang na naman
sakin si Mika. Nagstart na sila. Ang galing talaga nila. Nakakainggit! Hindi kasi ako marunong
sa mga ganun kaya walang pagasa. Hahaha! After nung presentation nila, nagstart na magsilabasan
yung players kaya umingay yung buong place. Puro tilian ng mga babae at lalaki! Well, mga gay
actually. Ang gwapo ni Zeke! Kyaaaah :"> Nakataas yung buhok niya. Haba kasi ng bangs tapos
ayaw ipaputol. Nakita ko pa si Mika na lumapit kay Zeke tapos nagkiss sila. Bulgaran e.
Nagstart na yung 1st quarter. Puro pagchicheer lang yung maririnig mo pati tili at sigaw. Bale
parang nagpapalakasan lang sila. Dami din nagchicheer para sa kalaban nina Zeke ee. May gwapo
din kasi sa kalaban nila, magaling pa yun magbasketball. Ang tight ng laban pero lamang pa din
yung team nina Zeke. Napansin ko din na magaling si Vince. Ang puti niya! Payatot nga lang.
Hahaha! Nakita ko si Zeke na napatingin dito tapos ngumiti siya. Ang gwapooooo! Wait lang! May
boyfriend ako! Hindi pwede! Pero kinikilig ako e >///< Hindi ko mapigilan. Hawak hawak ko kasi
yung banner.

"Ayiiiiie! Kinikilig oh. Nginitian ka lang, ngiting ngiti ka na din dyan. Pero mahal mo?"
"Baliw ka KL! Napangiti lang ako. Mahal? Sino?"
"Si Zeke?"
"Hindi ah! Friends lang talaga"
"That's good"

Nanood lang kami. Natapos yung game ng mga 10:30. Nanalo sina Zeke. 65-42 yung score. Ang laki
ng lamang nina Zeke. Mukha ngang may possibility na mag MVP din si Vince. Halos kasi sa kanila
ni Zeke galing yung mga shoot tapos puro 3 points pa. After nung game, pumunta kami sa bahay ni
KL at doon kami naglunch. Maaga pa naman kasi at mamaya pang 2 yung game nina Gab. Mga 1 na
lang kami babalik doon.

"Ang galing ni Vince! Nakakainlove! Shet! Bessy, kapag nagbreak kami ni Spence, ilakad mo ako
kay Vince. Ako yung manliligaw! Hahaha!"
"KL! Grabe ka! He is gay kaya"
"Si Vince?! Seryoso?! Kaya pala--"
"Joke lang. Hahaha! Wala kasi siyang magustuhan sa school pero hindi naman siya gay"
"Akala ko talaga gay e"
"Hindi ah. Mukha lang. Hahaha!"
"Pero bessy buti okay na kayo ni Vince?"
"Kaya nga. Kaso nung naging okay kami, dun din siya nagstart maging masungit. Pakitang tao lang
yung mabait para siguro tanggapin ko siya pero hayaan na natin"

Nakareceive ako ng texts. Galing kay Zeke yung isa tapos kay Gab yung isa.

From: Zeke
Charel, hindi mo man lang ba ako icocongratulate? Nainspire din kasi ako dahil sayo. Thank you
sa banner.

Nireplyan ko siya.

To: Zeke
Congrats ^__^ you're welcome.

Then sent. Binasa ko naman yung text ni Gab.

From: honey
Hon. Manood ka ah? Kapag wala ka dun, lagot ka talaga sakin! Wag ka tatabi sa lalaki. Ge. I
love you.

Reply. :)

To: honey
Yes sir! I'll be there honey ^__^ good luck sa inyo. Fighting! I love you too :*

Sent! Buti naman naalala niya pa na itext ako. Ang tamad kasi nyan magtext. Gusto niya tawag
tapos bigla akong bababaan. Ang bait diba?

***

Bumalik na din kami sa school. Nakita ko yung team nina Gab. May mga girls na nakapaligid sa
kanila. Nakikipagtawanan pa siya! Akala ko ba busy siya? Bakit hindi niya ako itext para
mapuntahan ko siya diba? Maitext nga.

To: honey
Busy pala ah? Busy makipagtawanan sa mga babae. Great.

Pagkasend ko, hinila ko si bessy para makapunta kami sa place na hindi niya ako makikita pero
makikita ko siya. Pagkabasa niya ng text, napansin ko na naghanap hanap siya pero parang may
sinabe yung teammate niya kaya hindi niya na pinansin. Nakakainis talaga >__<

"Bessy! Nakita mo yun? Pinagkakaguluhan sila ng girls. Nakakainis!"
"Ano ka ba? Okay nga dahil mas sisikat si Spencer. Si Steven sagana na naman sa chicks kaso
yung iba hindi chicks! Hahaha! At isa pa alam ko naman na takot sakin si Spence kaya hinahayaan
ko na lang"
"Ay ganun? Si Maeghan ba hindi pupunta?"
"May pasok daw. Ayan na, maya maya mag-iistart na. Hanap na tayo ng mauupuan"

Nagstart na yung game. Nakita na din ni Gab kung nasaan kami nakapwesto. Si KL, chinicheer sina
Steven at Spencer. Nagchicheer pa din ako kay Gab kahit naiinis ako. Mamaya matalo pa sila e.
Magaling pa naman si Gab. Gusto ko kasi makalaban nina Gab sina Zeke. Ang galing nung tatlo.
First time ko lang sila makitang maglaro pero nabilib ako sa kanila. Nanalo nga sila ee. 69-52.
Kitang kita na ang saya nila.

"Ang galing nila! Nakakabilib. Ang hot ni Spence kapag naglalaro. Tara bessy, puntahan natin
sila" -KL
"Ha? Ah-eh. Uuwi na ako e. Inaantok ako. Sige bessy una na ko. Babye!"
"Sige. Ingat ka"

Nauna na ako umalis. Ang bilis ko tuloy maglakad. Uuwi na ako. Nakakainis kasi binabalewala na
lang niya ako ngayon.

"Hi Miss. Badtrip ka yata? Gusto mo pasayahin ka namin?" guy 1
"Kaya nga miss. For sure mageenjoy ka. Mukha namang magisa ka lang" guy 2

Hindi ko lang sila pinansin. Naglakad lang ako ng mabilis tapos tumakbo. Nakakatakot naman oh
>__< Badtrip na ako sasabayan pa ng ganito.

"Miss kinakausap ka pa namin. Hintayin mo naman kami" guy 3

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa kaya ko. Nagiba na nga ako ng way papunta sa bahay pero
naabutan pa din nila ako. Nahawakan ako sa braso nung isa.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"
"Sasama ka lang naman samin e. Hindi naman tayo magtatagal" guy2
"Ayoko nga! Kadiri kayo! Yaaaah!"

Sinipa ko yung lalaki na nakahawak sa braso ko tapos tumakbo ulit kaso nadapa ako >__< ang
sakit!

"Tingnan mo nga naman oh. Sumama ka na lang kasi samin. Nasugatan ka pa tuloy" guy1
"G*go pala kayo e! Bitawan mo siya!"
"Bakit sino ka--" guy3

Nagsuntukan lang sila.

"Aba! G*go ka din pala e. Sino ka ba?! Upakan na natin to pre" guy1

Nagsuntukan lang sila doon >__<

"Tama na!" sigaw ko

Biglang may pumito. Yung security guard dito sa village. Buti na lang dumating siya. Nabugbog
na siya ee. Tumakbo na din yung tatlong lalaki.

"Ano ka ba naman?! Bakit ka nakipagbugbugan?! May pasa ka tuloy. Ang panget mo na"
"Yan pa din iniisip mo? Hindi ba dapat nagpapasalamat ka na lang dahil dumating ako? Muntikan
ka na dun"
"Thank you. Pero kasi may pasa ka oh"
"Okay lang yun. Basta ikaw"
"Zeke naman! Wag ka na magpaka cheesy dyan. Tara na nga. Punta tayo sa bahay. Gagamutin ko yang
sugat mo"

Nauna na ako maglakad sa kanya. Alam ko naman na nakasunod siya. Bigla siyang sumabay sa
paglalakad sakin tapos inintertwine niya yung fingers naming pero tinanggal ko naman at binalik
niya ulit tapos ayaw niya na pakawalan.

"Baka may makakita satin ng ganito. Gulo na naman to Zeke"
"Okay lang yun. Para magbreak na kayo ni Gab pati kami ni Mika. Para tayong dalawa na lang
ulit"
"Baliw ka Zeke"
"Hindi ah"

Pagdating namin sa bahay, umakyat na kami sa room ko at hinayaan ko siya na makaupo muna.

"Zeke, maghilamos ka muna para malinisan yung sugat mo. May towel sa CR. Kuhanin ko lang yung
first aid kit. Wag ka lalabas ah? Nandito na kasi si kuya. Baka mamaya ano pa isipin nun"
"Okay Charel"

Kinuha ko na lang yung first aid kit tapos pagbalik ko, nakahilamos na siya. Umupo kami sa sofa
sa room ko at sinimulan ko na gamutin yung sugat niya. May pasa siya sa gilid ng lips tapos may
cut din siya sa lips. Pero ang gwapo pa din niya.

"Ayan. Tapos na"
"Thanks Charel"
"Welcome po! Thank you ulit"
"You're always welcome. Pikit ka muna. May surprise ako sayo"
"Ano yun?"
"Pikit ka muna"

Kagaya ng sinabe niya, pumikit ako. Bigla niyang hinalikan yung gilid ng lips ko kaya napadilat
ako.

"Baliw ka talaga Zeke! Bakit mo ko hinali--"

O__O Si Gab. B-bakit siya nandito?!

"Oh Gab, nandito ka na pala. Sige Charel, aalis na ako"

Tumayo na si Zeke at naglakad pero hinawakan siya sa braso ni Gab.

"Layuan mo girlfriend ko. May girlfriend ka din kaya mas maganda kung dun ka na lang sa kanya"
-Gab
"Gusto ko siya kaya gagawin ko yung gusto ko. Tingnan na lang natin kung sino yung pipiliin
niya sa huli. Ganito na lang. Whoever wins sa championship, sa kanya si Jin"

Biglang sinuntok ni Gab si Zeke.

"ZEKE!" napasigaw ako

Lalapitan ko pa sana si Zeke kaso natakot ako kay Gab. Nakakatakot siya >__< Tumayo na si Zeke
tapos lumabas ng room ko. Si Gab naman lumapit sakin pero nagulat ako nung sinuntok niya yung
wall. Ang lakas!

"Gab.."
"Hindi ko alam sasabihin ko sayo Jin. Nakakasawa na"
"Gab naman ee. Yung nakita mo, hindi ko alam na ganun yung mangyayari. Kung bakit kasama ko
siya, may reason yun. Nabugbog siya dahil sakin. Kung hindi dahil sa kanya baka kung ano na
nangyari sakin. Tinulungan ko lang naman siya gamutin yung sugat niya e. Sorry"
"JIN!"

Sinigawan niya ako kaya natahimik ako. Natatakot ako sa kanya >__< Kasalanan ko to. Hindi ko
naman talaga alam na gagawin ni Zeke yun.

"Alis nako"

Naglakad na si Gab palabas ng room ko pero hinabol ko siya at niyakap siya sa likod.

"Gab, wag naman ganito oh. Ayusin na natin to okay? Ayoko na nagagalit ka sakin"
"Bitaw"
"Ayoko. Hindi ako bibitaw hanggang hindi mo ako kinakausap ng maayos."
"Bitaw sabi e"
"Ayoko!"
"Kapag sinabi ko na bitawan mo ko, gawin mo!"

Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa floor. Tumama pa ako dun sa dulo ng table kaya nasaktan
ako. Tumayo na lang ako at humiga tapos nagtakip ng comforter.

"Jin, sorry"
"Umalis ka na! Iwanan mo na lang ako dito"
"Hindi ko sinasadya. Dito lang ako hanggang hindi tayo nagkakaayos"

Hinayaan ko na lang siya. Naiinis ako! Alam ko naman na hindi maganda yung nakita niya pero
hindi ako makapaniwala na nasaktan niya ako. Bigla niyang tinanggal yung takip na comforter
sakin tapos pinwersa niya ako para umupo. Kinuha niya yung first aid kit tapos nilagyan niya ng
band aid yung sugat ko sa tuhod.

"Sa susunod kasi magingat ka. Kapag galit na ako, hayaan mo na lang ako kasi masasaktan lang
kita. Hintayin mo muna na makapagpalamig ako. Okay lang naman sakin na kasama mo siya. Ayoko
lang naman na may ibang humahalik sayo kasi ako lang pwede. Wag ka magalala, ipapanalo ko yung
game sa friday"
"Paano kapag natalo kayo?"
"Kailangan namin manalo. Pero kapag pinapili ka, sino pipiliin mo? Wag ka magalala. Ano man
yung sagot mo, okay lang sakin. Gusto ko lang malaman yung totoo"
"Ikaw naman pipiliin ko kaya kailangan mo manalo sa friday. May kasalanan ka pa sakin Gab! Baka
akala mo porket may kasalanan din ako, babalewalain ko na yun"
"Nagsorry na ako"
"Hindi kaya!"
"Oo kaya"
"Nagsorry ka? Sa pangiisnob mo ng text ko kanina? Masyado ka kasing busy sa mga babae dun
kanina"
"Parang yun lang"
"lang?!"
"Nagseselos ka hon ano?" ngumiti siya tapos nilalapit niya yung mukha niya sakin
"Anong selos. Hoy hindi ah!"
"Bakit hindi ka makatingin sakin?"
"Ano sa tingin mo madadaan mo ako sa ganyan?! Kahapon ka pa ah? Nakakainis ka na!"
"Nagseselos nga"
"Hindi kaya!"
"Sandali lang. May tumatawag sakin"

Nakipagusap lang siya sa harap ko. Ang tipid nga niya sumagot e. Kahit kailan talaga tamad siya
makipagusap.

"Sino yun?"
"Babae ko. Nakakainis na nga e. Tawag ng tawag"
"Chicks pala ah! Layas! Umalis ka dito!"

Pinagtutulakan ko siya palabas. Chicks pala ha?! Paguntugin ko sila ng mga chicks niya e!

"Masyado ka namang halata magselos. Si Mafelle lang yun. Magcecelebrate daw kami e. Sasama
ka?"
"Wag na. Dito na lang ako. Puntahan mo na si Mafelle. Ingat ka"
"Kiss ko?"
"Ayoko nga"
"Ayoko din naman talaga. May ibang humalik kasi sayo ngayon. Sa susunod na lang. I love you
Jin"
"I love you Gab. Hug na lang kita"
"Amoy pawis ako"
"Hindi naman e. Ang bango mo nga oh. Dali pahug. Ayaw mo? Edi wag"
"Sige na nga"

Hinug ko siya tapos hinatid sa labas ng gate at pumasok na din ako ulit sa bahay. Pagpasok ko
sa room ko, may text yung phone ko. I checked kung sino.

From: 010-2947-1865
See you soon Jin Charel Tan :)

Sino naman kaya to? May mystery guy na naman. I wonder who this person is.

*******************************************
[71] CHAPTER 55: They're back!
*******************************************
Chapter 55: They're Back


Aine's POV

January 27, Friday.

I'm totally back :) Nagbabalik ako to get everything that was supposed to be mine. Para sa mga
hindi nakakaalala sakin, ako lang naman si Jeraldine Tan. Girlfriend ni Steven Santos. No,
hindi pala girlfriend nor ex. Dati niyang niligawan. What happened to me in China? You'll
figure it out but not now. What's important is seeing Steven and his model girlfriend. Alam ko
lahat ng nangyayari kay Steven because I hired a private investigator to watch out for him and
to inform me sa mga ginagawa niya. It has been months since I left and now nandito na ako sa
airport sa Philippines. Naglalakad na papunta sa may loading area. I'm going to take cab going
to a hotel. Wala na kasi yung house namin. It was already sold para daw wala na akong balikan.
Bigla naman may nakabangga sakin na isang lalaki.

"Hey! Watch where you're going!"
"Sorry miss"

Tinanggal ko yung shades ko and checked if he is really Terrence Martinez. Yung actor and model
sa Korea.

"Are you Terrence Martinez?" tanong ko
"Yea"
"Here's my calling card. I own a chain of restaurants all over Asia. If you're interested in
modeling for us, just call me"
"Sure. Miss if you're not busy, can I talk to you for a while?"
"Sure"

Pumunta kami sa isang coffee shop dito sa airport. Maaga pa kaya wala pa halos tao dito.
Pinagkaguluhan na siguro to kung madaming tao.

"Let me introduce myself. I'm Jeraldine Tan. Just call me Aine"
"Your name sounds familiar. I think I've heard it before"
"Really? Maybe because of the restaurants I'm managing"
"If by chance, do you know someone named Steven Santos?"
"Yes. How did you know him? He's a friend of mine"
"So you also know Jin?"
"Definitely. So you also know them huh?"
"Well yes"
"What a small world. It's really a coincidence of us bumping into each other in this airport
and for the two of us knowing the same persons"
"I think so"

Nagkwentuhan lang kami about him and Jin. I also met his manager which is good because we
agreed na magmomodel para sa restaurant namin si Terrence. Hinatid niya na lang din ako sa
Mandarin Oriental hotel dito sa Makati. Sa Makati din naman pala siya nag-iistay. Sa isang
condominium near this hotel. Sinabihan ko na din siya na wag ipapaalam na nandito ako sa
Philippines. Gusto ko din isurprise sina Steven pero hindi pa sa ngayon.Hahanap pa ako ng
magandang tyempo and I'm still preparing for my comeback. I don't want to mess things up this
time. Just wait and see Steven and Maeghan. Mag enjoy na sila dahil malapit na akong manggulo
but for now, mag oobserve muna ako sa kanila without them noticing. May game pala sina Steven
later. I'll be there. Since I really look different now, hindi nila ako mahahalata. Let's see
what will happen :) I've been waiting for a long time just to see him.

Jin's POV

This is it. Ngayon na yung championship game. Makakalaban na ng team nina Gab yung team nina
Zeke. Sana manalo sina Gab. Alam kong kakayanin nila manalo dahil magaling siya pati na din
sina Spencer and Steven. Nandito na kami ngayon sa court at kasama ko sina Maeghan at KL. Pwede
kasi yung mga outsiders kaya nakapasok si Maeghan.

"Excuse me miss. What time will the game start?" tanong ng isang babae
"2" sagot ko
"Xie xie" (thank you)
"Chinese ka?"
"Yes.Anyway, will Steven Santos be playing today?"
"Yes"
"Okay"

Ang ganda niya. Blonde yung hair niya and naka porma siya. Mukha siyang model kagaya ni Maeghan
kaso mas maputi lang si Maeghan.

"Excuse me miss. Are you one of Steven's girls or maybe his ex? You really do like him huh?
Following him even in his school. You really are desperate" -Maeghan
"Maeghan, wag ka gumawa ng scene dito" -KL
"Whatever you say miss. Let's just say that I'm one of the important persons in his life. Don't
worry, I just want to take a look and leave. You.. are really a possessive girlfriend. Oh,
there he is, I'm leaving"

Umalis na yung girl. Si Maeghan mukhang nainis at baka magaway sila ni Steven dahil doon sa
girl. Ang dami kasing babae ni Steven e. Nagstart na yung game. Dumami lalo yung mga supporters
ni Gab. Madami na naman magkakacrush nito kay honey pero okay lang dahil hindi niya sila
pinapansin. Ang galing talaga ni Vince maglaro. Buti na lang magaling din yung tatlong
magbestfriend kaya may laban pa din. For sure sila na yung mananalo nito. Mga nasa 2nd quarter
na ng laro ng may biglang tumawag sakin. Nagulat ako dahil number yun ni Terrence. Sinabihan ko
muna sina bessy na may sasagutin lang ako na call at lumabas na muna sa court.

[ hello Charel ]
"T-Terrence?"
[ Yes. I'm back. Nagulat ka ba? ]
"Yea. Hindi ko din ineexpect na tatawag ka. Akala ko umiiwas ka sakin"
[ Actually, I used to do that before while I was in Korea. Ayoko kasi makigulo sa inyo ni Gab
and I'm also busy with promotions ]
"Kaya pala. Bakit ka pala napatawag?"
[ Something urgent came up. I'm on my way to your school. Kailangan ka namin ni manager. It's
for the magazine. I'll be there in 5 minutes ]
"Ha? Bakit ang bilis? Hindi ba pwedeng mamaya na lang? Kailangan ko pa magstay dito"
[ If that's because of your exams, kami na bahala magexcuse sayo. Wala ka nang kailangan
isipin ]
"May basketball game kasi si Gab. Kailangan ko magstay dito"
[ It's just a basketball game. This is important. I'll hang up. Let's meet in the front gate of
the school. Bye ]
"Pero-- *toot toot toot"

Waaah! T__T Gusto ko manuod ng game ee. Paano ba to? Baka magalit sakin si Gab pero kasi may
contract din naman ako sa company nina Terrence. Ano ba naman yan? Bahala na nga. Pumunta na
lang ako ulit dun sa court.

"Bessy, kailangan ko na umalis. Importante kasi e. Kayo na bahala kay Gab ah? Kayo na kumausap
sa kanya. Sabihin niyo na lang na mageexplain ako mamaya. Tawagan niyo na lang ako kapag may
balita ah? Bye!"
"Jin! Lagot kami dun. Magagalit yun!" -KL
"Sorry talaga. Importante kasi to. Kayo na bahala"

Tumakbo na ako palabas ng school at hinintay ko sila sa labas. May nagstop na grey na van sa
harap ko at pagbukas ng pinto, nakita ko si Terrence. Gumwapo siya lalo.

"Get in"
"Terrence, pure business naman to diba? After nito makakaalis na ako right?"
"Yes. Pure business. Set aside na muna yung feelings ko sayo. Don't worry. Ininform na din ni
manager yung kuya mo"

Pumasok na ako sa van. Parang nagbago na din si Terrence. Mukhang sikat na sikat na siya. Well,
hindi mukha, totoo talaga. Mukha din siyang pagod. Tahimik nga lang siya e. Usually kapag
ganito, kinakausap niya ako. Sabagay, may mga guards siya e. Nakakailang naman kung maririnig
nila lahat ng paguusapan namin. Pumunta lang kami sa building ng company. Halos 30 minutes din
yung byahe. May mga fans na nagaabang sa kanya at ilang reporters din. Sabagay, kilala siya sa
Korea at sumisikat na din yung mga artista sa Korea dito sa Philippines.

"Wear this" sabay abot niya sakin ng shades
"Wait lang Terrence. Tumatawag kasi sakin si KL"
"You can answer that later"
"Pero kasi.."

Kinuha niya yung phone ko at nilagay sa bulsa niya. Isinuot niya din sakin yung shades at
inayos ng konti yung buhok ko saka kami lumabas sa van. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad
hanggang sa makarating sa dressing room. Nakalagay nga din name ko dun sa labas e. Nagbago na
din talaga si Terrence. Priority niya na talaga yung career niya. Sabagay, nagsisimula pa lang
siya. Sayang naman kung sasayangin nya. Pagdating namin, inayusan agad ako nung mga hair
stylists at make-up artist. Binigay na din naman sakin ni Terrence yung phone ko. Pagcheck ko,
naka 5 missed calls na galing kay KL at may text.

From: Kylie
Bessy, nagkaproblema kay Gab. Nasprain daw yung ankle niya dahil nagkatamaan sila ni Zeke. Ayaw
na siya paglaruin kaya galit na galit siya. Mukhang talo sila.

Hala >__< kailangan ko bumalik dun! Kailangan ako ni Gab.

"Terrence, emergency. Kailangan ko na bumalik sa school"
"No Jin. We need you here. In one hour, matatapos din tayo. Don't worry, after this makakauwi
ka na" -Manager
"Pero po kasi.. Kailangan ko talaga pumunta dun. Nagtext po kasi yung--"

Inagaw sakin ni Manager phone ko tapos binasa yung text.

"Hindi naman malala yung nangyari sa kanya. Sakin muna tong phone mo. I'll give it back to you
kapag natapos na tayo"
"Wait lang manager. Patawag muna ako"

Tinawagan ko naman agad si KL at dahil sa hindi siya sumasagot, tinext ko na lang na sila na
bahala kay Gab at itext nila ako kapag okay na siya. Sinabi ko na din na hindi ko hawak phone
ko. Pagtapos ko magtext, binigay ko na yung phone ko kay manager.

"Here's the script. Nandyan na lahat ng possible questions. Tandaan mo yan dahil kailangan mo
sumagot ng maayos. Kapag tinanong ka at wala dyan, si Terrence na bahalang magcover sayo. This
is your dream. Gusto mo magmodel diba? Here it goes. Kapag nagustuhan ka ng company, pwede ka
nila pasikatin just like Terrence. Kailangan mo lang sumunod and sometimes, you need to give up
on some things para lang sa dream mo" -Manager
"Manager, tatapusin ko lang yung nasimulan ko then I'll stop. Wala na po akong plano na
magproceed pa"
"Well, okay. Nandyan yung magazine. Just check on it na lang. Anyway, you really look good sa
mga pictures. See you later" umalis na si Manager
"Charel, sorry about her. Naging strict na siya unlike before" -Terrence
"Kaya nga. Malaki din pinagbago mo. Ganito pala kahirap kapag may mga nirarush ano? For sure
sobra ka ding nahirapan"
"Ganun talaga. Sayang yung opprtunity. Naging busy na din ako. Dapat ihiwalay mo yung time para
sa iba sa time sa work. Don't worry. This will be your last and I'll take care of the rest"
"Thank you Terrence"

Pagkatapos namin ayusan, nagbihis na kami tapos nagproceed sa interview. Ang hirap talaga ng
ganito. Natapos kami ng mga 4:30 na kaya nagmadali na ako umuwi. Naginsist si Terrence na
ihatid ako kaya pumayag na ako. Nagtext na din sakin sina KL na okay na daw si Gab kaso natalo
lang daw sila kina Zeke. Kaya ngayon, sa bahay ako nina Gab nagpahatid. Pagdating sa tapat ng
bahay ni Gab, lumabas na ako agad pero lumabas din si Terrence at hinila ako tapos bigla niya
akong hinug.

"Namiss kita Charel. Don't worry, hindi ako manggugulo sa inyo ni Gab. Sana lang hindi ka niya
saktan dahil kukunin kita sa kanya"
"Dito pa talaga kayo naglandian sa tapat ng bahay namin ah?"

Bigla akong humiwalay kay Terrence. Si Gab kasi biglang dumating. Masasabihan na naman ako ng
flirt or kung ano ano. Wala naman akong ginagawang masama.

"Gab, mali ka ng iniisip" sabi ko
"Sige Charel, Gab. I'm leaving" -Terrence

Pagkaalis ni Terrence, kumapit ako agad kay Gab pero tinapik niya lang yung kamay ko. Galit na
naman siya sakin >__<

"Doon na tayo sa loob magusap" -Gab

Pumasok na si Gab sa loob ng bahay at dumeretso sa room niya kaya sumunod na lang din ako.
Nakasalubong ko din naman si Mafelle.

"Hi Jin"
"Hello Mafelle"
"Away na naman kayo ni kuya?"
"Oo ee. Sige kausapin ko na muna ah?"
"Sige. Sana maayos niyo na. Ako kasi sinusungitan ee"

Pagpasok ko sa room niya uminom lang siya ng beer na naka in-can. Yun pala yung binili niya
kaya siya lumabas.

"Honey naman e. Mali ka ng pagkakaintindi. Nakita mo naman diba? Hindi ako nakahug sa kanya?
Siya lang naman yun? Nagmadali nga ako makabalik dito para lang sayo kasi nagaalala ako sayo e"
"Okay lang ako"
"Gab naman ee. Nagkaproblema daw sayo kanina. Hindi ka na daw nakapaglaro kaya natalo kayo.
Sorry wala ako dun"

Nagulat ako kay Gab kasi bigla niyang sinuntok yung salamin sa room niya. Ang lakas kaya dumugo
yung kamay niya.

"Wag ka naman ganyan Gab oh. Natatakot ako sayo"
"Ganito na lang ba tayo palagi Jin? Lagi na lang away bati? Nakakasawa na. Hindi ba pwedeng
umiwas ka kay Terrence pati kay Zeke?"
"Pwede na--"
"Pwede pala e. Sana naman gawin mo. Sh*t! Nakakainis!"
"Gamutin ko na yang sugat mo. Wag ka na mainis oh"
"Bigla kang nawala kanina. Dahil ba bigla siyang tumawag sayo kaya nagmadali ka na lang
puntahan siya?"
"Hindi yun ganun. Naalala mo nagmodel ako para sa isang magazine? Ininterview kami kanina.
Mamaya nasa tv na yun"
"Kaya pala nakaayos ka. Burahin mo na yang make-up mo. Hindi bagay sayo"

Pumunta ako sa CR sa room ni Gab tapos naghilamos. Yung itsura ko, ibang iba kay Jin na simple
lang. Nakakapanibago. After maghilamos, tinabihan ko si Gab. Nandoon kasi siya sa gilid ng bed
niya. Umiinom pa din siya ng beer. Nagulat naman ako kasi bigla niya akong niyakap.

"Ang payat mo pala honey? Payat na kabayo"
"Ang sama mo Gab!"
"Nilalambing ka lang e. Oo nga pala, nandyan na maya maya sa baba si Vince"
"Ha? Bakit siya nandito?"
"Pinasundo kita. Hindi kita mahahatid ngayon. Kita na lang tayo sa monday"
"Sige po. I love you Gab"
"I love you"

Paglabas ko sa gate nina Gab, nandoon na si Vince kaya sumakay na ako sa car niya at umuwi na
kami pero pagpasok ko sa bahay, nandoon si Zeke.

"Oh pre. Bakit ka nandito?" -Vince
"Dahil kay Jin. Pwede ba magusap muna kami sa room niyo?"
"Sure" -Vince

Pumasok kaming dalawa ni Zeke sa room ko at umupo kami sa sofa.

"Paano ba yan Charel nanalo ako?"
"Zeke, alam mo naman na may boyfriend ako diba? Hindi naman to laro laro lang na kapag gusto
yung isang bagay, makukuha mo na lang. Love ko si Gab"
"Chill. Wag ka magalit. Niloloko lang kita. Hindi ko aagawan yun. Alam ko na taken ka kaya
hihintayin ko na maging single ka ulit"
"Hindi naman ako galit e. Zeke, I have a favor to ask you"
"Sure. Anything for you. What is it?"
"Pwede wag ka na pumunta dito sa bahay? Nagaaway kami ni Gab dahil dito ee. Please?"
"Okay. Pupunta pa din ako dito kapag may kailangan ako kay Vince. In return, can I also ask a
favor?"
"Ano ba yun?"
"Hayaan mo lang na gawin ko yung mga gusto ko gawin para sayo. Tanggapin mo yung binibigay ko
sayo. I just want to prove something this time. I know I shouldn't be asking this but for you
to be prepared, sinasabe ko na. Sige Charel, alis na ako. That's all I want to say. Bye"

Lumabas na si Zeke agad sa room ko. Ano na naman ba pinaplano niya? >__<

*******************************************
[72] CHAPTER 56: February 13.
*******************************************
Chapter 56: February 13


Jin's POV

February 13, Monday.

Nandito ako ngayon sa bahay at kakauwi lang namin ni Vince galing sa school. Pupunta dito
mamaya si Gab dahil dito siya magdidinner. Tutulungan niya daw magluto si kuya. Si Jessica
naman, hindi niyaya ni kuya kasi daw may plano siya para bukas. Practice na din daw ni kuya to
para bukas. Hindi ko maintindihan mga pinagsasabi niya. Ang bilis ng oras. Parang nung nakaraan
January lang tapos February na ngayon tapos next month, gagraduate na kami. Excited na ako
magcollege. Sa February 17 din pala 2nd monthsary namin ni honey and at the same time, JS Prom
din. Sa friday na yun. May damit na nga ako kaya mas lalo akong naeexcite.

*flashback*

February 8.

Uwian na naming at kasama ko si Gab kasi ihahatid niya ako pauwi. Naglalakad kami ng may
napansin kami na nagkakagulo. Maya maya naman, nakasalubomg namin sina KL, Steven at Spencer.

"Bessy!" -KL
"Bakit? Wag ka sumigaw. Ano meron?"
"Sikat ka na! Artista ka na bessy! I'm proud of you!" -KL
"Ha? Bakit?"
"Nandito sina Terrence pati yung manager niya pati yung kumukuha daw ng artista. Ewan ko ba" -
Spencer
"Ayos Jin! Payakap! Baka hindi na kita mayakap sa susunod!" -Steven

Yayakapin sana ako ni Steven kaso humarang si Gab.

"Akin lang yan dude. Hindi mo pwede yakapin yan" -Gab
"Pumunta ka na doon bessy, hinahanap ka nila. Kakausapin ka daw" -KL
"Sige bessy"
"Goodluck! Una na kami uwi ah? Balitaan mo na lang kami" -KL

Hawak ni Gab yung kamay ko nung lumapit kami sa kanila. Pagkakita ko sa kanila, may nagpicture
>__< Ang sakit sa mata ng flash. Lumapit naman sakin si Terrence at kiniss ako sa cheeks kaya
tinulak siya ni Gab.

"Alamin mo kung saan ka dapat lumugar kung ayaw mo ng gulo" -Gab

Naramdaman ko na humigpit yung pagkakahawak ni Gab sa kamay ko. Hinawakan ko ng isa ko pang
kamay yung kamay niya para mabawasan inis niya. Tumingin naman siya sakin tapos ngumiti ng
pilit.

"Let's go. Nauna na sila umalis. Sumunod na lang tayo" -Terrence

Nauna na maglakad si Terrence at isasama naming si Gab dahil hindi niya na daw ako kaya
ipagkatiwala sa iba dahil baka maagaw ako. Yung pwesto namin sa sasakyan is: Terrence - ako -
Gab. Ang awkward lang nung papunta kami doon kaya nanahimik lang ako. Si Gab naman, nilalaro
laro yung kamay ko.

"Charel" -Terrence
"Business ang pinunta namin. Kung hindi yan tungkol doon, wag mo siya kausapin" -Gab
"Possessive? Wag ka magalala. Masosolo ko din siya" -Terrence
"Kung makukuha mo siya sakin" -Gab
"Ano ba?! Tama na pwede?" pagawat ko sa kanila

Nanahimik na lang din naman sila at pagdating doon, nagmadali din naman kami pumasok at
dumeretso lang kami sa isang room. Inexplain nila sakin na nagustuhan daw ako nung company.
Gusto daw nila ako gawing artista at iteam up kay Terrence. Sabi nga nila pwede din daw si Gab
magartista pero umayaw siya.

"So what do you think Ms. Tan?"

Napatingin ako kay Gab at nagsmile lang siya. Edi ibig sabihin, kung ano man decision ko, okay
lang sa kanya diba?

"I'm sorry. I don't think that I will be the best one to team up with Terrence" sabi ko
"But the two of you look perfect together"
"I'm really sorry, I can't"
"Okay. Just in case that you changed your mind, please contact us immediately"
"I will. Thank you"

Umalis na kami. Nagusap naman kami ni Gab tungkol sa pagayaw ko nung nasa bahay na kami.

"Gusto mo maging model diba? Bakit hindi ka pumayag?"
"Alam ko na tatanggapin mo yung magiging decision ko kasi once in a lifetime opportunity yun
pero syempre, naisip kita. Ayoko naman na masira tayo dahil dun. Masaya naman ako sa kung anong
meron ako ngayon kaya wag ka gagawa ng dahilan para pagsisihan ko yung decision ko"
"Ako pa. Buti alam mo?"
"Syempre naman! Baliw ka talaga"

*End of flashback*

That's what happened. Happy ako sa kanya at feeling ko, hindi ko pagsisisihan yung nagging
decision ko :) Nung dumating si Gab, nagluto lang sila ni kuya at ako yung tagatikim . Hahaha!
Ang sasarap nga ng niluto nila ee ^__^ pwede na sila magtayo ng restaurant. Siguro kapag naging
asawa ko si Gab, siya yung nasa bahay kasi siya yung marunong magluto kasi ako hindi
marunong :))) hahaha! Nagenjoy ako tonight at sana bukas din. Valentines Day ee ^__^
*******************************************
[73] GAME OF LOVE: Valentines Special
*******************************************
GAME OF LOVE: Valentines Special

Continuation po ito ng story :) Hiniwalay lang dahil sa mahaba ito. It consists of 6 parts.
Baka kasi kulangin yung 100 parts ng book kapag isinama ko pa dun ee ^____^ Hope na magustuhan
niyo to. Check my works, open nyo yung GAME OF LOVE: Valentines Special. ayan yung
continuation :) wala pa kasi atang mga nakakabasa ^____^ baka iniisip niyo na di ako
nagaupdate. hahaha!
http://www.wattpad.com/3594925-game-of-love-valentines-special
ayan yung url :)

Sa mga hindi pa nakakabasa ng last chapter, that is "CHAPTER 56: February 13", basahin niyo na
po muna yun before reading this. Kasi parang eto lang yung mga nangyari by Feb.14 sa story ee.

Nagupdate din pala ako ngayon kahit di pa nareach yung quota. Birthday kasi ni Gab. HAPPY
BIRTHDAY GAB TEPPEI! Hahaha! XD

Oo nga pala, nagupgrade na naman ang wattpad :) nasa baba na yung vote. So ayan, after niyo
basahin, dun na lang kayo magvote ^___^ syempre, like and comment na din para Masaya. Be a fan
na din po. Thank you sa 600 fans! Hahaha! Please keep on supporting me and my works. :)

105 votes pa din guys sa lahat ng parts nun ah? nakakatampo kasi >.< nagupdate ako kahit 60
votes pa lang yung last update. bigla kasing nagupgrade si watty so siguro, hindi niyo na alam
kung nasan yung vote. basta nasa baba lang yun. click niyo na lang after niyo basahin ah?

-Aine
*******************************************
[74] GAME OF LOVE: Valentines Special (parts 1-6)
*******************************************
A/N:
Para to sa mga di pa nakakabasa :) for sure, madameng hindi nakakaalam na nagaupdate ako.
Nakahiwalay lang talaga so eto. pinost ko na dito para mabasa nyo din :) enjoy!
======================================
A Day to Remember

Jin's POV

Yay! February 14 ^__^ Valentines Day. For sure ibang iba valentines ko ngayon kasi si Gab na
yung boyfriend ko :) I'm not expecting really big. Kagaya nga ng sinabi niya sakin dati, hindi
daw importante yung valentines day, ang importante magkasama kami at pwede naman daw naming
gawing Valentines Day ang araw araw. Nandito na ako sa classroom at kasama ko si Gab. May mga
booths kasi dito ngayon at tinatamad si Gab magikot kaya dito na lang daw kami.

"Gab naman! Last year na natin to sa school kaya hindi masusulit kapag hindi tayo magiikot. May
mga booths doon oh"
"Para saan pa? Marriage booth? Ikakasal din naman tayo sa susunod. Hindi na kailangan ng
ganyan"
"Ang KJ mo! Ako na lang aalis magisa!"

Tumayo ako pero hinila niya ako kaya napaupo ako ulit.

"Wag ka aalis. Baka mamaya kung sino pa humila sayo tapos dalhin ka sa marriage booth. Hindi
ako papayag"
"Samahan mo kasi ako. Saglit lang tayo. Gusto ko sa marriage booth tayo!"
"Ayoko. Dito na lang tayo"

Bigla niya akong niyakap tapos pinatagilid niya ako ng onti. Isinandal niya yung ulo niya sa
likod ko at natulog -___- Ang galing niya!

"Ang sweet niyo dyan ah?
-Steven
"Anong sweet dito? Tinutulugan lang ako"
"Sabi ko nga wala. Maiwan ko na kayo. Maghahanap pa ako ng chicks! Haha!"

Umalis na si Steven. Bigla namang humigpit yung yakap sakin ni Gab. Ang taba ng tyan ko ee >__<

"Honey ang bango mo"
pabulong na sinabe niya
"Ui wag mo nga ako amoy amoyin dyan. Naiilang ako. Layo!"
"Ayaw ko"
"Tayo! Gala tayo dito sa school dali. Pinagbigyan na kita e"
"Sige na nga"

Hinila ko siya patayo pero may bigla namang pumasok sa room na mga students din at mga in
charge sa booth.

"Nandito po ba si Jin?"
tanong nung lalaki
"Nandito. Bakit?"
sagot nung classmate ko
"May gusto lang pong mangserenade sayo"

Umupo na lang kami ni Gab. Katabi ko pa din siya ngayon.

"Kaya pala ayaw mo umalis ako. May plano ka palang ganito honey"
bulong ko kay Gab
"Labas muna ko"
-Gab
"Ang daya naman e"
"Kita na lang tayo sa ground floor"

Tumayo na siya at iniwan ako dito. Nagstart naman na kumanta. First time kong marinig yung
kanta pero may part ng lyrics na tumatak sakin.

~ Im tired of broken promises. We had too many second chances ~

Imposibleng si Gab yung may gawa nito. Sino naman kaya? Natapos na din yung song kaya naman
tinanong ko na siya kung sino yung nagparequest ng song na yun.

"Gusto mo po talaga malaman?"
"Yup"

Nagulat ako nung pumasok si Zeke na may dalang bouquet ng blue roses.

"Happy Valentines day Charel"
sabay abot sakin ng bouquet
"Happy valentines din Zeke"
"Sayang hindi kita madate pero sana nagustuhan mo yung ginawa ko"
"Nagustuhan ko. Thank you pala dito ah? Gustong gusto ko yung color"
"Youre always welcome. Puntahan mo na si Gab, baka magaway na naman kayo"
"Since when ka pa naging concerned samin ni Gab? Parang ang alam ko trip na trip mo inisin yun
ah?"
"Just for today. I dont want to ruin your valentines. For sure may date kayo"
"Actually, hindi ko din talaga alam. Sige puntahan ko na siya ah?"
"I'll come with you"
"Okay, if you insist"

Nilagay ko muna yung bouquet sa table ko at umalis na sa room. Kasama ko ngayon si Zeke na
naglalakad sa hallway. At kagaya lang din last year, madami pa din nagbibigay sa kanya ng
chocolates at puro girls na younger levels. Ang dami talagang may crush sa taong to pero
pinapagawa niya, pinapadala niya lang sa room nila yung binibigay. Ang tamad talaga magdala.

"Hearthrob pa din ah?"
"Ganun talaga Charel :) Kaso madami ng dumagdag at hindi na lang ako, sina Vince pati yung
tatlong magbestfriend. May kaagaw tuloy ako sa mga regalo nila"
"Tatlong magbestfriend? Sina Gab?"
"Oo pero okay lang naman yun"

Naglakad na kami hanggang sa makarating sa ground floor, nandoon kasi sa field yung mga booths.
Ang dami ngang tao kasi walang class. Whole day ganito.

"Ayun boyfriend mo oh. Nasa marriage booth"
-Zeke

Lumapit kami dun. Feeling ko hinila lang si Gab kasi mukhang ayaw niya sa ginagawa niya. Ni
hindi man lang ngumingiti sa picture.

"Hinila lang siguro yan. Hahaha! Tingnan mo mukha oh! Inis na inis"
-Zeke
"Gwapo pa din naman siya e"
"Mas gwapo ako"
"Oo na. Alam ko naman na mas gwapo ka pero kahit na, kay Gab pa din ako"
"I know"

Napansin ko naman na nakita na kame ni Gab. Umiwas lang siya ng tingin tapos ngumiti na sa
picture. Ang lapit niya pa doon sa babae -___- Kilig na kilig naman yung girl. Ayan na naman
siya. Pinagseselos na naman ako -___-

"Selos yata to e. Tara Charel, magmarriage booth din tayo"
"P-pero! Ui Zeke!"
"Para quits lang. Pinagseselos ka niya diba? Pagselosin din natin"
"Baliw ka! Paano mo nasabe na pinagseselos ako nun?"
"It's too obvious Charel. He's always like that. Let's go"

Pagtapos nina Gab doon, hinila ako ni Zeke tapos pinagsuot ako ng veil at siya naman, yung
coat. Medyo inayos niya din yung buhok ko at kagaya lang ng talagang kinakasal, nagsuot din
kami ng ring sa isa't isa. Hindi ko lang matingnan si Gab kasi alam ko na maiinis yun. Nung
magpipicture na, hinila ni Zeke yung waist ko kaya napalapit ako sa kanya tapos pinagdikit niya
yung tip ng nose namin. Ang gwapo talaga niya *O*

"Ayiiiiiie!"
pangaasar ng mga students
"Zeke. Please. Ayoko na may kung ano na namang masabi sakin"
"Okay"

Dumistansya na siya ng kaunti at hinubad na yung mga pinasuot samin. Yung mga ring naman, samin
na daw yun. Hinubad ko na lang at nilagay sa bulsa ng skirt ko.

"*clap clap clap* Great! Marriage booth huh?"
-Mika
"Mika, don't do this" -Zeke
"Don't do what? State a fact? Whatever Zeke! Hey Jin Charel Tan! You're such a flirt. Hindi ka
pa ba contented sa boyfriend mo at pati boyfriend ko nilalandi mo? Mahiya ka naman. Lahat na
lang ba ng popular type of guys dito lalandiin mo?"
-Mika
"Mika tama na! Let's go"
-Zeke

Lumapit si Zeke kay Mika tapos hinawakan siya sa braso.

"Let me go!"
-Mika
"If you'll not stop this--"
-Zeke
"Then what? We're over? Tinatakot mo ba ako Zeke? I don't care. Dapat malaman nila yung ugali
ng babaeng to"
-Mika
"Let's go Mika!"
-Zeke
"No. Everyone, listen! Is this your candidate for valedictorian? You do reallt think na mabait
siya? Well, nagkakamali kayong lahat. She may be nice but she's also mean. Inaagaw niya yung
boyfriend ko. Now what Jin? Mananahimik ka na lang dyan? Pretending to be the nice girl and
making me the bad girl here?"
-Mika
"Mika.."
"What? Speechless because its true? Too embarassed sa mga pinag gagawa mo?"
-Mika

Nakakahiya >__< Wala na akong mukhang ihaharap. Hindi ako makapagsalita dito. Hindi naman totoo
yun e.

"Tigilan mo na to Mika. Hindi mo kilala si Jin kaya wag ka magsalita na parang alam mo lahat.
Nagtetake advantage ka kasi hindi ka niya pinapatulan. Lahat naman ng sinasabi mo hindi totoo.
Nakakahiya ka Mika"
-Gab
"How dare you! Arg! Let's go Zeke!"
-Mika

Napatingin ako kay Gab at nginitian niya lang ako sabay hinila ako sa lugar kung saan walang
makakakita samin. Nung nagstop kami, bigla niya akong niyakap.

"Umiyak ka kung gusto mo. Alam mo naman na hindi totoo yun kaya wag ka magpaapekto. Nandito
lang ako okay? Makikinig ako"

Nagstart na ako umiyak. Hindi naman kasi totoo yung sinasabe ni Mika ee :'(

"Gab *huk* Hindi ka naman naniniwala sa mga sinasabe niya diba?"
"Hindi"
"Ang sama sama ni Mika. Ever since na dumating ako sa school na to, wala na siyang ginawa kung
hindi inisin at guluhin yung buhay ko. Hindi naman totoo yung *huk* sinasabe niya ee"

Kinomfort lang ako ni Gab hanggang sa maging okay na ako at saka kami bumalik sa room. Naglaro
lang ako sa phone ko nun ng temple run tapos siya din. Parehas kami na naka iphone ni Gab ee.
Pataasan daw kami ng score ^__^

"Oh. Paano ba yan Jin? 3 million?"
"Ang daya naman Gab ee >__< Hindi ako maka 1 million. Ang hirap!"
"Practice lang hon"
"Si kuya din naglalaro nito kaso parehas kami mahina pero nakaka 1 million siya"
"Ano ngayon?"
"Ang sama mo! Nagkekwento ako tapos ganun lang sagot mo. Ayoko na nga!"
"Ikaw bahala"

Naglaro at nagkulitan lang kami ni Gab hanggang sa maguwian na. Si bessy, naiwan pa sa room. Si
Steven naman ang aga umuwi at lunch time pa lang umalis na ng school. Si Spencer naman hindi
pumasok. Kawawa naman si bessy >__< Nauna na kami uwi ni Gab kasi sabi ni bessy, hahanapin niya
pa yung ipod niya. Nawawala daw kaya mauna na kami umalis dahil baka may lakad pa kami. Ang
dame ko ngang dala pauwi ee. Lahat kasi ng mga ipapabigay nila kay Vince, sakin pinapabigay
dahil hindi siya pumasok. Dagdag pa yung mga flowers at chocolates na bigay sakin ng ibang
students. Si Gab hindi pa ako binibigyan ng kahit ano pero okay lang. Madami din dala si Gab.
Madaming nagbibigay sa kanya ng letters tapos may mga chocolates. May nagbigay nga ng cake sa
kanya ee. Edi siya na yung isa sa mga hearthrob sa school. Hinatid lang ako ni Gab pauwi. Sabi
niya uuwi na din daw muna siya at susunduin niya ako dito sa bahay ng 5 pm. Pinayagan na din
naman ako ni kuya umalis dahil may lakad daw siya. Ang alam ko, may surprise siya kay Jessica
tapos pinagipunan niya talaga yun.

Pagpasok ko ng kwarto ko, nakita ko si Vince na tulog na naman. Ang antukin talaga. Nilagay ko
na lang sa room yung para sa kanya. Naghanap ako ng isusuot na damit. Gusto ko maging maganda
pero ayoko naman ma over dressed. In the end, nagskirt ako tapos sleeveless at jacket then
nagflats lang ako. Pagkasundo niya sakin, pumunta lang kami sa park. Wala din siyang dalang
flowers or kung ano. Effortless? Maya maya pinaupo niya ako sa isang bench tapos bigla siyang
kumuha ng gitara. May mga taong nagsilapitan at may classmate din ako na nandito at may dalang
videocam.

"Jin, sana magustuhan mo to. Simple lang pero pinaghandaan ko talaga to para sayo"

~ You're insecure
Don't know what for
You're turning heads when you walk through the door
Don't need make up
To cover up
Being the way that you are is enough
Everyone else in the room can see it
Everyone else but you
Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know
Oh Oh
You don't know you're beautiful~

Habang kumakanta siya, dumadami din naman yung mga tao. Napapangiti ako sa ginagawa niya. Ang
ganda ng boses niya ee.

~ If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know
Oh oh
You don't know you're beautiful
Oh oh
That what makes you beautiful
So c-come on
You got it wrong
To prove I'm right I put it in a song
I don't know why
You're being shy
And turn away when I look into your eyes
Everyone else in the room can see it
Everyone else but you
Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know
Oh oh
You don't know you're beautiful~

May mga nagbibigay na sakin ng balloons na puro heart-shaped tapos sa bawat balloon, may
nakadikit na note. May isang letter bawat balloon.

~ If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know
Oh oh
You don't know you're beautiful
Oh oh
That's what makes you beautiful
Nana Nana Nana Nana
Nana Nana Nana Nana
Nana Nana Nana Nana~

Lumapit pa siya sakin tapos hinawakan yung kamay ko tapos kumanta siya ulit. Kyaaaaaaah! >///<
kinikilig na ako dito!

~Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know
Oh Oh
You don't know you're beautiful~

I know na ang simple lang ng ginagawa niya sakin ngayon unlike sa mga past surprises pero ito
yung pinaka sweet para sakin. Feeling ko ng namumula na ako dito e :">

~ Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it aint hard to tell
You don't know
Oh oh
You don't know you're beautiful
If only you saw what I can see
You'll understand why I want you so desperately
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know
Oh Oh
You don't know you're beautiful
Oh oh
You don't know you're beautiful
Oh oh
That's what makes you beautiful~

Pagkatapos niya kumanta, lumapit ako sa kanya para yakapin siya. Yung mga tao naman,
nagpalakpakan.

"Thank you honey. Nagustuhan ko talaga"
"Namumula ka na nga e. Paano ba yan? May kiss na ako sayo nito mamaya"
"Baliw ka talaga!"

Nung naghiwalay na kami sa pagkakahug, unti unti ng nagalisan yung mga tao pero nakakarinig ako
ng mga side comments like "Ang sweet naman", "Sana ganyan din boyfriend ko", "Bagay na bagay
sila", "Ang gwapo niya! Ang galing pa kumanta". Nagstart na kami maglakad at kumain kami ng
streetfoods. Ang sarap nga ee. Bihira lang ako kumain ng ganito. Bubusugin niya ata ako sa
ganito ee. After namin kumain, naghanap lang kami ng mauupuan ulit. Ang daming tao dito ee. Mga
6 na din kasi. May dumaan na nagtitinda ng balot tapos bumili siya ng dalawa. Binigay niya
sakin yung isa.

"Hindi ako marunong kumain nito. First time ko pa lang kumain nito ee"
"First time ko lang din Jin. Sabi kasi nila masarap kaya sabay natin tikman. Dont worry,
tutulungan na lang kita"
"Marunong ka kumain nito?"
"Oo"
"Paano? E diba first time mo pa lang kumain nito?"
"Nakikita ko mga team mates ko sa basketball na kumakain"
"Aray! Ang sama mo honey!"
kinrack niya kasi yung balot sa noo ko >__<
"Okay lang yan"

Tinuruan niya lang ako kumain. Yung sisiw hindi namin kinain. Ang sarap pala nito. Nakakatuwa
kasi parehas kami na first time palang makakain nun.

"Tara. Uwi na tayo. Ipagluluto kita ng dinner"
"Sure ka Gab?"
"Oo. Tara na bago pa magbgo isip ko"

Pumunta na kami sa kung saan nakapark yung sasakyan niya tapos pagpasok namin sa bahay, nagulat
ako sa nakita ko dahil may life size na teddy bear sa living room.

"Sayo galing to honey?"
tanong ko kay Gab
"Hindi. Tingnan mo kung kanino galing"
"Kay Terrence"
"Wala pa din yan sa mga ginawa ko para sayo ngayong araw na to. Sige, maghahanap muna ako ng
pwede lutuin dito"
"Sige lang po"

Naghintay lang ako na maluto yung food na niluto niya at saka kami kumain. Carbonara yung
niluto niya. Isa yun sa mga favorite ko e. Pagkatapos namin kumain, dumeretso kami sa room ko.
Wala si Vince dito ee. Baka gumala.

"Honey. Picture tayo! Please!"
"Kiss muna"
"Ayoko! Dali na kasi!"
"Oo na"

Nagpicture lang kame. Puro nakangiti siya sa pictures. Kinonvince ko din siya na picturan ng
solo na nakasmile siya. Ang gwapo niya tapos ang cute!

"Pinagbigyan na kita. Kiss ko dali"
"Ayaw! Sa cheeks lang"
"Ge"
"Pikit ka dali!"

Sumunod naman siya tapos nung ikikiss ko na siya sa cheeks, bigla niyang ginalaw yung ulo niya.
Sa lips tuloy tumama >__<

"Naisahan kita dun! Hahaha! Isa pa nga"
"Ayaw! Dinadaya mo ako e!"
"Halika nga dito"

Bigla niya kong hinila ng sobrang lapit. Ang gwapo ni Gab! Nagsmile pa siya >///<

"Stay still"
utos niya

Hinawakan niya ako sa mukha tapos unti unti niyang nilapit yung mukha niya and he kissed me.

"Happy valentines Jin. I love you"
"Happy valentines din honey. Sobrang saya ko. Mas love kita. Super inlove na ako sayo"
"Dapat lang. Isa pa ngang kiss! Last na"
"GAB!"
"Joke lang"

This year has the best and memorable valentines day for me :) I'm really happy na nakilala at
naging boyfriend ko si Gabriel Vincent Teppei. Who would have thought that this guy would be my
boyfriend? I guess that's what life is all about. Hindi mo malalaman kung sino yung darating at
magpapasaya sayo but I'm really grateful na nameet ko siya. How I wish na hanggang sa dumating
kame sa tamang age, kami pa din. I really love you Gabriel Vincent Teppei :*
--------------------------------------------------------
The Ending and Beginning

Mika's POV

Nasaan ako ngayon? Nandito sa bahay nina Zeke. Nasa loob kami ng room niya at sabi niya, may
kailanga kaming pagusapan. I guess that we really need to talk. Valentines day na valentines
day nagaaway kami. Last year was fun even though hindi kami because we dated without Jin
knowing anything. But now that Zeke and I were together, it's a mess.

"Why did you do that?!"
-Zeke
"Do what? Yung pagpapahiya sa flirt na yun? I don't see anything wrong with that! Lahat naman
ng sinabe ko totoo"
"Mika naman!"
"Tandaan mo Zeke, I am still your girlfriend. Don't tell me na ipagtaanggol mo na naman yung
babaeng yun?!"
"Mali ka naman kasi talaga!"
"Whatever!"

Lumabas na lang ako sa bahay nila at sumandal sa car ko na nakapark sa harap ng bahay nila.
Nakakainis! Lahat na lang talaga kailangan nasa babaeng yun?! Talo man ako sa kanya ngayon but
she will definitely lose in the end. Planado ko na ang lahat. Sisirain ko ang pinakamasayang
araw mo Jin Charel Tan. Am I that mean? Mabait pa nga ako sa lagay na to. Mabait naman talaga
ako ah? Hindi lang talaga ako nagpapatalo.

"Hi Miss. Are you alone?"

Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko siya kilala -___- Ang panget niya pa.

"I'm with my boyfriend so back off"
"Wala naman e. Tara miss, tayo na lang magdate"

Bigla siyang kumapit sa braso ko kaya sinampal ko siya. Eew -___-

"Stay away from me! Ang panget mo! Mahiya ka naman sa itsura mo! Act according to your looks.
Nakakasuka. Pwede ka na ngang ibaon sa lupa"
"Pakipot ka pa. Ang dame mong arte!"

May tumigil na van sa harap ko tapos hinila niya ako kaya pumalag ako. Nilagyan niya ako ng
panyo sa mukha na may matapang na amoy. Pinilit kong magpumiglas pero wala talaga.

***

Pagkagising ko, nasa bed na ako sa bahay ni Zeke. What happened? Nakita ko si Zeke na nakaharap
sa salamin at may pasa siya. Umupo na din naman ko.

"What happened Zeke?"
"I saved you. Muntik ka ng makidnap"
"Really? Thanks"
"Okay ka na?"
"Yea. How about you?"
"Okay lang ako"
"Zeke, we really need to talk"
"We really need to. Flowers pala"
"Talagang may plano ka bigyan ako ng flowers or ngayon mo lang to naalala?"
"That's really for you. I'm planning to have a dinner with you actually"
"Really? Tuloy pa ba tayo? I'm hungry"
"Yea. Let's go"

Hinila niya ako palabas ng room niya at dinala papasok sa car niya.

"Wait lang Zeke. I really can't go out like this. Nakauniform pa ako and I don't even know kung
maayos ako tingnan or what! Nakakahiya! Wala man lang akong make-up and whatsoever!"
"You look beautiful even without make-up. Konting ayos lang sa buhok mo, okay na"
"I need to change my clothes. It's unfair! Nakaporma ka e. Don't worry, may clothes naman ako
sa car ko so I'll get it so I can change"

Lumabas ako ng car niya at kinuha sa sasakyan ko yung mga kailangan ko at saka ako nagayos.Ni
hindi ko alam kung saan kami pupunta. I need to be prepared and may plan din ako tonight so
kailangan ko maging maganda ako. I really need to look stunning. Zeke is too handsome. Para
naman yung mga may plano tumingin sa kanya, hindi ako ijajudge diba? After ko magayos, ibinalik
ko na muna yung gamit ko sa car at pinark ko na din yung car ko sa loob ng gate nina Zeke saka
ako pumasok sa car ni Zeke.

"You look.."
"What now Zeke?"
"Perfect"

He smiled and so do I. Nagdrive siya papunta sa isang hotel. Nandito kami sa Dusit Thani sa
Makati. Nakapagpareserve na din pala siya ng room. Pagdating doon, nakaset na yung dinner
namin. Well, it's really good compared to our date last year. Kumain lang kami at nagkwentuhan
ng konti. Good mood lang muna. I really don't want to ruin everything. Mamaya ko na sasabihin
yung mga dapat kong sabihin. After namin kumain, lumapit siya sakin at hinila ako patayo then
he hugged me tight.

"Babe, I have something to give you"

May kinuha siya sa bulsa niya and sinuot yun sakin. It's a necklace with a heart pendant.
Binigay ko na din sa kanya yung gift ko. Watch yung binigay ko sa kanya. I know that he really
wanted that watch. Kasi nasa mall kami kahapon and napansin ko na parang nagustuhan niya so I
bought it without him knowing.

"You like it babe?"
I asked
"Akala ko ba panget to? Sabi mo kahapon"
"Akala mo lang. It really looks good on you kaya. Sinabi ko lang yun kasi gusto ko na magbigay
ng gift sayo at ayan yung naisip ko"
"Thanks for this"
"Thank you din for the necklace. I love it"
"I'm happy na nagustuhan mo"
"Zeke, we really need to talk about the two of us"
"Sure. Ano ba yun?"
"Jin"
"What about her?"
"I know na may feelings ka na talaga for her. I also know na pumupunta ka sa bahay nila and
lumalabas kayong dalawa even if its just incidental na nagkikita kayo"
"About that--"
"You don't need to explain Zeke. I understand. Yes, I'm really jealous and yung nangyari
kaninang umaga? It's my way of fighting back. I know that it's also my fault on why you are
like that. Making you court her and being her boyfriend. It's really possible for you to fall
for her and now that you do, I can't blame you anymore"
"Mika, alam mo na mahal kita at ginawa ko lahat yun para sayo"
"I know that. In the start of our relationship, okay naman lahat but as time passes, napapansin
ko na may gusto ka sa kanya. I know that you love the two of us but you can't do that. Not
because I'm your girlfriend and I want you to love only me. You're making it hard for yourself
loving two persons at the same time. I don't want this"
"So what do you want?"
"Let's break up. I know na hinihintay mo lang din to kasi ayaw mo na masaktan ako. So here it
is, I'm giving you your freedom"
"Mika.."
"Why? You're not expecting na mangyayari to? So do I Zeke. I don't want to make things
complicated so I arrived at this decision. I love you Zeke. I really do. Thank you and goodbye"

Lumapit ako kay Zeke and gave him a peck on the lips and left. Nagmadali ako na lumabas ng
hotel at tumawag ng taxi papunta sa bahay nila. Pagdating ko naman sa bahay nila, umalis na din
naman ako together with my car. Nagdrive lang din naman ako ng mabilis papunta sa place kung
saan ko dinala si Gab but before going there, bumili ako ng alak. Uminom lang ako doon and
nagstay sa loob ng car ko.

Nakakainis! Kung alam lang ni Jin kung gaano ako nasasaktan ngayon! It's all her fault! Why
does she have to be so nice and innocent?! I really want to kill her right now. I know that
it's also my fault. Kung hindi naging sila, Zeke wouldn't know who she really is. It should
only be me na nagugustuhan ni Zeke if it wasn't for her! She really needs to pay for this! I
dialled Risa Hayashi's number and luckily, she answered.

[ Why? what's wrong Mikaela? ]
"I need you. You need to go here in the Philippines as soon as you can!"
[ What's the rush all about? Of course, I will definitely go there. Don't worry my dear ]
"If you dont want to lose Gab, you should be here soon. You need to ruin their relationship or
you'll lose eveything!"
[ What?! I won't let her take away Gab from me! I dont want to lose him! I won't let that
happen! I'll go there as soon as I can, I promise. Are you drunk? ]
"It doesn't matter anymore. Jin stole my boyfriend from me. She needs to pay for that. I'll
wait til you get here. You need to be prepared. I need revenge. I can't let this pass away. I
know that you know how I feel. Please help me Risa"
[ I will help you Mikaela. Don't worry okay? ]
"Thank you Risa. I'll call you next time okay? Bye"
[ Okay. Bye bye! ]

I hung up. Just wait and see Jin. Hintayin mo lang ang pagdating ni Risa at makakabawi din ako.
Kaya lubos lubosin mo na mga masasayang araw mo >:) I noticed that Gab is calling me. What
happened? What's wrong with this guy?

[ Nasaan ka? ]
"Why? You missed me?"
[ Nasaan ka sabi! ]
"Secret. If you're going to see me, I'm gonna tell you where am I. But it's impossible because
for sure, you are with Jin"
[ Pupuntahan kita ]
"You kidding me?! Hahaha! Wala ba kayong date?"
[ Tapos na ]
"Puntahan mo ako kung saan kita dinala dati. I'll wait"
[ Ge ]

It seems like palpak ang date nina Jin and Gab ah? Could it possibly be because of Terrence?
Hahaha! I waited. Naubos na din yung iniinom ko. Aish! Ang init! Maya maya may kumakatok sa
pinto ng car ko so I opened the door.

"Babe? Why-- How did you know that I'm here?"
"Let's go. Lasing ka na"
"I'm not! Just leave! I don't need you"
"Yaaah! Put me down!"

Bigla niya akong binitawan.

"Zeke. You are so mean! How dare you leave me for that kind of girl? She's just a nuisance in
our life"

I started crying. He hugged me.

"I didnt leave you. You're the one who let me go. I'll bring you home. Wag ka na maglalasing ng
ganito dahil baka kung anong mangyari sayo sa susunod. Kung magiging ganito ka lang, I think
its better na hindi ka nakipagbreak. Prove to me na you are better than Jin. Hindi mahina yung
Mika na kilala ko, hindi siya umiinom at umiiyak dahil lang sa badtrip siya"
"Thanks for that. Don't worry. This will be the last time. This is the end of us and the
beginning of my revenge"
-------------------------------------------------------
My Valentine <3

KL's POV

Another valentines day na naman at para sakin, halloween to. Hahaha! But this year is
different. First valentines day ko ito na may boyfriend. I'm not expecting anything kasi ayoko
madisappoint. As long as matino at hindi nangchichicks yung magaling kong boyfriend, okay na
sakin yun :) Pumasok ako sa school magisa. Hindi naman na kami nagsasabay ni Jin dahil sa
kasabay niya si Vince o kaya si Gab tapos yung napakabait ko na boyfriend, ni hindi man lang
nagtetext sakin. Sarap upakan! Hindi man lang magpasabi na hindi niya ako masusundo papasok.
Nandito na sa school sina Jin, Gab pati si Steven pagdating ko at si Spencer wala. Nakakainis
talaga. Nagkalat yung mga couples. Lahat may mga roses.

"Bessy!"
"Bakit KL?"
"Nakita niyo si Spence?"
"Hindi e. Ui namiss niya. Ayiiie!"
"Baliw ka Jin. Hindi ah! Hindi kasi siya nagtetext"
"Ang sama naman nun bessy"
"Kaya nga bessy e. Lagot talaga sakin yung lalaking yun! Mabubugbog siya ngayong valentines
day"
"Chill lang bessy. Sige doon muna ako kay Gab ah? Cheer up na ah?"
"Sige"

Edi ako na yung loner -___- Ang sama lang e. Si Steven na lang kaya samahan ko. Tama! Wala
naman kasama yan e.

"Steven"
"Oh?"
"Sama ako sayo. Wala akong kasama e"
"Ayoko nga. Mangchichicks pa ako. Wala ako mahahanap pag nakadikit ka sakin. Ge"

Loner na talaga ako >__< Si Vince hindi pumasok e. Wala talaga akong kasama :(
Nagkaroon ng announcement na walang classes today pero may mga booths daw. Yung mga marriage
booth, serenading booth and whatsoever. Umuwi na lang kaya ako? Wag pala >__< baka hindi ako
palabasin ng guard. Natapos yung day ng walang kahit anong paramdam ni Spencer, hindi pa naman
tapos yung day kasi 3 pm pa lang. Tinetext at tinatawagan ko siya kaso hindi naman sumasagot.
Nananadya yata to e! Lagot talaga siya sakin. Kung alam niya lang na mamatay na ko sa
pagkabored. Sina Jin at Gab kasi, ayoko na istorbohin. Ang panget naman kung didikit pa ko ng
didikit sa kanila diba? Si Steven naman, hindi ako pinapansin. Parang iniiwasan ako ng mga tao
ngayon. Naubos na lahat ng tao sa room at ako na lang yung nandito. Nawawala kasi yung ipod ko
at kailangan kong hanapin. Naglalaro lang ako kanina e. baka kung saan ko nailagay. Bigla
namang sinara ng mga classmate kong lalaki yung pinto kaya naiwan ako dito magisa sa loob.
Tinry ko iopen pero hawak hawak nila yung door knob sa labas. Anong bang trip nila ha?!
Nakakainis na ah?! -___-

"KL! Nasakin pala ipod mo! Bukas ko na ibabalik. Hahaha!"
sigaw nung classmate ko
"Oo na! Buksan niyo nga tong pinto! Nakakainis naman e! Anong trip niyo ha?!"
"Sorry! Hahaha! Hindi ka namin palalabasin hanggang hindi pumupunta dito yung magaling mong
boyfriend. Paano ba naman, nakita ng kaibigan ko na kasama yung girlfriend ko kanina. Paano ba
yan? Dyan ka muna"
"Pakialam ko dun sa lalaking yun? Hindi ko naman kasalanan na nambababae yun ah? Bakit pati ako
dinadamay niyo?! Kung gusto mo ipod ko, sayo na lang yan, palabasin mo lang ako dito kung hindi
sisirain ko tong pinto!"
"Kung kaya mo. Big offense yan. Baka maexpel ka"

Arg! Nakakainis! Hayaan ko na nga lang sila. Mapapagod din sila dyan. Imposibleng hindi din
sila umalis. Dito na lang ako sa room. Dala ko naman yung phone ko. Dito na lang ako maglalaro.
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yun na mambabae! Pati ako nadadamay sa kalokohan niya.
Babae pala ah?! Pwes. Kapag nakita ko siya, makikipag break na ako. Kaya pala hindi sinasagot
yung tawag ko kasi nakikipagdate?! Lakas ng loob niya ah?! Paguntugin ko sila ng babae niya e!
Subukan niya lang talaga magpakita sakin. Naglaro lang ako pero lumipas yung dalawang oras na
nakabantay pa din sila sa pinto. Ano sa tingin nila? Tatawagan ko si Spencer?! Asa naman! Buti
kung si Jin yun. Tama. Si Jin na lang yung tatawagan ko. Dinial ko yung number ni Jin. Buti na
lang at agad niya sinagot.

"Yaaah! Jin-ah! Ottoke? Nilock nila ko dito sa room. I need your help. Palli! Punta ka dito as
soon as possible. Please!"
(Ottoke-what will I do; palli-faster)
[ A-ano? Hindi ko narinig. Ang hina ng signal. Palowbat na din ako. Sorry bessy. I'll call you
later paguwi ko. Byiiie! ]

*toot toot toot*

Ang sama sama naman ng araw na to! Nakakainis! Palowbat na din ako. Ano ba naman yan? -___-
Kung malas ka nga naman oh.

"Hoy! Kayo dyan! Pagbuksan niyo na nga ako! Hindi dadating yung hinihintay niyo! Wag niyo ako
idamay dito!"
sigaw ko
"Edi hindi ka din makakalabas dyan. Pasensyahan"

Nakakabanas na ah?! Uwing uwi na ako kanina pang umaga tapos ganito pa? Kapag ako nakalabas
dito, lagot talaga sila sakin! Makakatikim talaga sila ng suntok! Maya maya nakita ko na
tumatawag sakin si Spencer pero ayoko sagutin. Tawag siya ng tawag kaya nagpoprompt yung phone
ko na low battery kaya sinagot ko na.

"Oh? Napatawag ka?"
[ Sorry babe. May pinuntahan ako kanina. Nasaan ka? ]
"Pinuntahan? Baka nakipagdate ka?!"
[ o-- *toot toot toot*]

At tuluyan nang namatay yung phone ko! May pinuntahan daw? Sinungaling! Putulin ko dila niya e!
Mga reasons niya na hindi kapani paniwala. Huli na nga siya e. Buti na lang nalaman ko sa mga
classmate ko. Pinagmumukha niya akong tanga ee -___- Maya maya inopen naman na nung mga
classmate ko yung pinto kaya naman kinuha ko agad yung gamit ko at hinabol sila. Umikot lang
sila ng umikot sa school. Lagot sila kapag naabutan ko sila. Pumasok sila sa gym ng school kaya
sumunod ako. Ang dilim shiz. Trip na trip nila ako ah? Biglang bumukas yung lights. O___O Anon
a naman to? Kaartehan na naman -___- May mga balloons na pink, red at white na nakakalat lang
sa floor tapos may table sa gitna. May candle sa gitna nung table na color pink. Ang ganda. Ano
to? Pakulo ni Spencer? Hindi ako natuwa. Kailangan pa ako ilock sa room tapos balewalain. Pwede
naman na surprise nalang deretso. Ang arte! Hinila ako nung classmate kong babae papunta sa
table at pinaupo niya ako. Merong chocolate na cake sa gitna na heart shaped at may red iced
tea na drinks. Maya maya nagdatingan yung mga classmate kong lalaki. Isa isa sila tapos
binigyan nila ako ng rose. Si Spencer yung nahuli at may dalang isang bouquet ng roses. Siya
yung pang 12. Ang daya! Siya nakaporma tapos ako naka uniform! Medyo diniliman lang yung
lights. Iniwan nila kaming dalawa dito.

"Anong kalokohan to Spencer?"
"Hindi mo ba nagustuhan?"
"Gusto. Pero sana naman--"
"Gusto pala e. Arte pa"
"Anong maarte?! Batukan kaya kita dyan?! May kasalanan ka pa kaya sakin!"
"Oo na. Bukas ko na lang pagbabayaran lahat ng kasalanan ko pwede?"
"Sige. Sana naman hindi mo na ako ginanun! Snob snob tapos pati sina Jin yata dinamay mo.
Kinulong mo pa ako sa room"
"E saan mo gusto na ikulong ka? Sa preso? Sa cr?"
"Hindi!"
"Ayun naman pala e. Wag ka magalala. Nakakulong ka naman sa puso ko"
"Hoy tigilan mo nga ako sa mga banat mo! Hindi mo ako madadala sa ganyan"
"Okay. Kumain na nga lang tayo. Nagugutom na ako. Nakakainis. Nahawa ako sayo. Mahilig na din
ako sa cake!"
"At sinisisi mo pa ko?! Aish! Lagot ka sakin Spencer!"

Pinunasan niya ako ng icing ng cake sa mukha tapos tumakbo takbo siya kaya hinabol ko.
Naghabulan kami doon kahit ang daming balloons sa floor. Nagpuputukan tuloy. Nung nahuli ko
siya pinunasan ko din siya ng icing sa mukha! Hahaha! Buti nga sa kanya!

"Oh ayan nakaganti ka na. Kumain na tayo para makauwi ka na din"
"Opo"

Umupo na kami ulit at kumain.

"Ah mashta!"
(mashta-delicious)
"Hoy Lariza. Tigil tigilan mo nga ako sa alien na language mo. Wala akong maintindihan"
"Oo na! Panira ka talaga kahit kelan. Ang sarap mo upakan"
"Pagkatapos ko paghirapan to, gusto mo pa ako upakan? Alam mo ba na ako nagpalobo lahat ng
balloons na yan para naman masabi mo na nageffort ako tapos ganun lang? Tss. Alam ko na hindi
siya kasing ganda kagaya nung surprise ko sayo nung birthday mo pero sana naman maappreciate
mo"

Tumayo ako at hinug ko siya.

"Naappreciate ko po. Thank you babe"
"Ang ganda mo pala babe kapag malapitan? Akala ko panget ka! Hahaha!"

Binatukan ko nga -___-

"Aray! Bakit mo ako binatukan?!"
"Panira ka talaga ng moment. Minsan lang nga ako maging sweet sayo tapos sisirain mo pa.
Nakakainis ka talaga Spence. Ayoko na nga"

Umupo na lang ako ulit.

"Sorry na Babe. Oo nga pala. Diba nakakaintindi ka naman ng korean?"
"Oo. Bakit?"
"Pakinggan mo to"

May nagplay na Korean na kanta. Nanahimik lang kame hanggang sa matapos yung song. Ang ganda :)

Now Playing: My Valentine by Taecyeon and Nickhun

"Naghanap pa talaga ako ng song para sayo. Nagustuhan mo ba?"
"Yup. Thank you Spencer"
"You're always welcome babe. Pero ang ganda mo talaga"
"Joke yan?"
"Hindi ah. Totoo yun"
"Gwapo ka din"
"Alam ko. Hahaha!"
"Pero bakit ang dami mong chicks?"
"Sila kasi lumalapit sakin"
"Tss. Yabang. Edi ikaw na gwapo!"
"Ayaw mo na gwapo ako?"
"Gusto"
"Yun naman pala e"

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan :) Ang kulit nga ni Spence ee. Ang sweet! Nakakainis.
Pinapakilig niya ako. Nung matapos kami kumain, iniwan na lang namin yung place. May mga
maglilinis na daw ng kalat namin dun. Umuwi kami sa bahay pero naglakad lang kami para mas
makapagkwentuhan. Sinadya niya din daw na hindi dalhin yung car niya. Pagdating namen sa bahay,
dumeretso kami ni Spence dun sa living room. Dalawa lang kami dito ni Auntie ee. Siya yung
nagalaga sakin since bata pa ako. Sabi nya lulutuan nya kami ng food ni Spencer kaso hindi din
naman daw magtatagal si Spence kaya hindi na lang nagluto.

"Lariza, doon tayo sa kwarto mo. Walang privacy dito"
"Bakit sa room ko pa?"
"Basta"
"Sige na nga. Tara"

Umakyat kami sa room ko. Nahihiya siguro siya magpakasweet kapag nandyan si Auntie. Pagbigyan
na nga.

"Hay salamat"
"Ano bang problema mo? Bakit kailangan dito pa sa room ko?"
"Nakakahiya kaya dun. Hindi ko magawa gusto ko"
"Gusto?"
"Oo"

Niyakap niya ako galing sa lukod. Yung ulo niya nakapatong sa balikat ko. Ang bango niya!
Hahaha!

"Babe? Pakiss"
"Ayoko nga! Okay ka lang?"
"Okay lang ako. Dali na. Minsan lang e. Valentines naman oh. Pagbigyan mo na ako"
"Ayoko"

Kumalas siya sa paghug sakin tapos pumwesto sa harap ko. Yung tingin niya sakin ay parang yung
tipong may binabalak siya na masama >__<

"Hoy Spencer umayos ka! Uupakan talaga kita!"
"Ayaw mo madala sa matinong usapan ah? Pwes pipilitin kita. Hindi mo ako matatakot dyan KL.
Lalaki pa din ako. Kaya kita patulan kapag ginusto ko"
"Hoy. Umayos ka! Sinasabe ko sayo! Sisigaw ako ng rape"
"Kaya mo ba?"
ngumisi siya

Lakad. Atras. Lakad. Atras. Lakad. Atras. Nandito na ako ngayon sa pinto at wala na akong
maatrasan. Hinawakan niya yung magkabila kong braso at nilapit yung mukha niya sakin. Waaah!

"Sisigaw talaga ako!"
"Edi sumigaw ka"
"Waaah!"

Hindi pa din siya tumigil at mas lalo pang lumapit sakin. Ang lapit ng mukha niya! Kinikilig
ako Shiz >///< Ang gwapo kasi!

"Paano ba yan? Mukhang walang tutulong sayo. Isang kiss lang naman ayaw pa ako pagbigyan. Ayaw
mo yun? Ako naman first kiss mo"
"Ayoko! Aaah!"

*blag*

O___O

"Anong nangyari sayo KL? Kayong dalawa ha?"
si Auntie -___-

Bigla akong tumayo. Natulak kasi ako. Hindi pala nakalock yung pinto kaya pagbukas ni Auntie,
naitulak ako kay Spencer. Nahalikan niya tuloy ako >__< Asar!

"Auntie. Wala lang po yung nakita niyo"
sabi ko
"Magpapanggap na lang ako na walang makita. Maiwan ko na kayo dyan. Akala ko kasi may kung ano
ng nangyari dahil sumigaw ka. Sige ipagpatuloy niyo na yan"

Lumabas si Auntie sa room ko at tumayo naman si Spencer tapos tawa siya ng tawa! Nakakainis -
___-

"Hoy! Tumigil ka nga sa kakatawa dyan!"
"Ang pula mo. HAHAHAHAHA! Aminin mo! Kinilig ka ano?! HAHAHAHAHA!"

Tiningnan ko sarili ko sa salamin. Ang pula ko nga >__< tawa lang siya ng tawa at nandoon siya
sa kama ko.

"Lagot ka sakin Spencer!"

Tumakbo ako papunta sa kanya tapos pinagpapalo siya at sinabunutan.

"Nakakainis ka talaga! Tawa ka pa dyan?! Gusto mong patayin na kita?! Nakakahiya kay Auntie!
Nakakainis ka talagaaaa!"
"A-araay! Pakshet! Bitawan mo buhok ko! Aray! Putek! Masakit ah?!"
"Ano tatawa ka pa?! Ha!"
"Hindi na! Bitaw!"

Binitawan ko siya. Nakita ko na natatawa pa din siya. Nakakainis!

"Aminin mo kasi na kinilig ka. Pft. Hahahahahaha! Di ko talaga kaya pigilan! Nakakatawa yung
mukha mo kanina!"
"Ang sama mo! Nakakainis ka! Oo na! Ano naman sayo yun? Porket kasi ikaw kung sino sino na
nahalikan mo dati"
"Past is past. Importante yung kung ano meron ngayon. Ikaw naman na yung mahal ko diba? At isa
pa. Seryoso ako sayo at yung sa kanila larolang. Kung alam mo lang na ang saya ko ngayon"
"Bwiset! Mga salita mo! Wag mo ako pakikiligin! Mananakit ako!"
"Oo na! Kawawa ako sayo. Pasalamat ka masyado kitang mahal kaya hindi kita masaktan! Hahaha!
Ayan ka na naman! Hoy. Wag ka nga kiligin dyan"

*pak!*

"Bakit mo na naman ako pinalo?!"
"Sabing wag mo ako pakiligin e!"
"Oo na. I love you Kylie Lariza Gonzales"
"I love you too babe"
"Oh. Baka kiligin ka na naman?! Hahaha!"
"Gusto mo talaga masaktan?!"
"Hindi na po"
"Good"

Nagkulitan lang kami. This is the first valentines na may boyfriend ako and its really great.
Sobrang saya ko :) super memorable sakin yung valentines na to.
----------------------------------------------------
The Ruined Date

Maeghan's POV

Valentines Day. Am I expecting something? Hell no. Why? Steven is always busy or maybe he is
not? He doesn't even go online on facebook and when he does, hindi pa kami sabay and he's
always looking for chicks. Tss. Where am I? Nandito sa labas ng bahay. Susunduin niya daw ako.
Date daw. It's 3pm pa lang naman. For sure, nagcutting yun. May nagstop na car sa harap ko at
may lumabas na guy at pinilit ako ipasok sa car.

"Who are you?! Let me go!"

Sinuntok ako sa tyan. Nakakapanghina >__< They forced me to get in the car.

"Who are you?! What do you want?! Money? I can give you a lot! Just let me go!"
"Ang ingay mo! Manahimik ka!"

Piniringan nila ako at tinalian yung kamay ko. Pakana ba to ni Steven?! If yes, he is so dead!
Naramdaman ko na tumigil yung sasakyan. Nakapiring pa din ako. Pinaupo nila ako at tinanggal
yung tali sa kamay ko kaya tinanggal ko yung piring ko and I found myself in a garden. Well,
not really a garden but it's a park na maraming puno and its decorated with lights and a dinner
table in front, its perfect for a valentines date. I saw Steven coming this way and he's
holding a rose and he gave that to me. Is he trying to save? Ni hindi man lang magdala ng
bouquet?

*boog!*

"Ano ba yan?! Bakit mo ako sinuntok?!"
"Ipakidnap ba naman ako?! They hurt me! You deserve that"
"Ikaw naman babe. Para maiba naman"
"Maiba your face. It's not funny"
"Oo na. Hindi man lang magthank you"
"Well, thank you"

All I can say is, I really love Steven. He may not be like the perfect boyfriend but with his
efforts for tonight, I can see that he is sincere. I just hope na wala ng manggulo sa
relationship namin.

Steven's POV

Matapos ko iset-up lahat ng ito para sa kanya, suntok ang napala ko -___- Nakakainis na nga.
Kapag hindi ako nagtetext, text siya ng text ng 'babe' Masyado niya na ba ako namiss? Ang gwapo
ko kasi! Kumain lang kami at pagtapos namin kumain, may tumawag sa kanya at kinausap niya muna
saka siya bumalik.

"Sino yung tumawag?"
tanong ko
"My dad. He wants me to go to California"
"Aalis ka? Kailan ka babalik?"
"If ever na sumama ako, I don't know when I will be back. He wants us to live there. I don't
want to leave you just like what Aine did"
"Akala ko may plano ka din umalis"
"I'm not like her na iiwan ka na lang. I'm different, okay? Kaya ikaw, magtino ka na at hindi
puro chicks inaatupag mo. I'm a possesive girlfriend, don't you know that? Ayoko na may other
girls na lumalapit sayo. I'm staying for good"
"Paano kapag pinilit ka?"
"I'll still stay. No matter what happens, I won't leave you. I love you so much babe and I
missed you"
"I miss you too and--"
"Ehem. Don't tell me na love mo siya?"

Napatingin kami sa nagsalita. Nagulat ako nang makita ko si Aine. Nandito na pala siya.
Nginitian niya lang kami at hinawakan agad ni Maeghan yung kamay ko. Nagbago si Aine. Hindi na
siya yung kagaya ng dati na simple lang. May make-up na siya ngayon at black yung buhok na
kulot. Nung huling beses na nakita ko facebook account niya, blonde yung buhok niya. Lumapit
siya samin at nginitian niya si Maeghan.

"Nice seeing you again Maeghan. For you to know Steven, we've met once in your school during
the basketball game. You really are a possesive girlfriend Maeghan"
-Aine
"That's you?!"
-Maeghan
"Nandoon ka nung game?"
"Yes. I think walang sinabe sayo yung girlfriend mo na hinahanap kita. I'm finally back Steven
and this time, I'm here to stay"
-Aine
"Maeghan bakit hindi mo sinabe sakin na nakita mo siya?"
"I thought that she's one of your girls and should I tell you that if I found out that she's
Aine?! What am I? Tagaalaga sayo and when she's back, ibabalik kita sa kanya?! No way! I won't
let her take you away from me!"
-Maeghan
"Hindi ko na to patatagalin Steven Santos. You need to choose between that girl and me. I need
your answer now. If you choose her, I'll leave. Hindi ko na kayo guguluhin"
-Aine
"Steven, don't do this"
-Maeghan

Ganun ba talaga ko kagwapo para pag agawan nila? -___- Kailangan ko mamili. Hindi ko din
maintindihan yung sarili ko. Alam ko na mahal ko si Maeghan pero nung makita ko si Aine, parang
nawala lahat. Sh*t! Nakakabakla putek! Si Maeghan na nandito nung wala si Aine at hindi ako
iniwan at hindi ako iiwan kahit kailangan niya na pumunta sa ibang lugar o si Aine na iniwan
ako dahil dun sa lalaki niya at bumalik lang ngayon.

"Matanong ko lang Aine, bakit ka nandito? Ikakasal ka na diba?" tanong ko
"Sinubukan namin kung magwowork pero hindi. Ang usapan namin is pagnafall ako sa kanya within 3
months, itutuloy yung kasal kaso hindi. He gave up and let me go. Hindi niya na pinilit but
still, okay na yung business ng family ko. So I'm taking you back. I know na malaki yung
kasalanan ko sayo. Ako na yung manliligaw ngayon and I'm asking for a second chance"
-Aine
"Steven tandaan mo iniwan ka niya! Paano kung iwan ka niya ulit?! Don't let yourself be
confused. We're okay, right? She's just a nuisance! Don't mind her!"
-Maeghan

Kailangan ko magdesisyon kahit alam ko na may masasaktan. Tatanggapin ko na lang lahat ng
mangyayari pagkatapos ng desisyon ko.

"Sorry Maeghan, si Aine yung pipiliin ko"

*slap!*

"Great choice huh?! You deserve that slap! I gave you everything but what did I get in return?!
This is how you pay me back?! You will regret your decision and when that time comes, you won't
be able to contact me because I'll be deleting my facebook account. Goodbye Steven Santos"
-Maeghan

Umalis siya ng umiiyak. Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako ni Aine.

"You chose me. Wag mo na siyang sundan dahil baka masampal ka lang ulit. Kawawa naman yung
mukha mo. I missed you so much Steven Santos"
-Aine

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Thank you kasi ako yung pinili mo. Alam ko na iniwan at nasaktan kita but in spite of what I
have done, ako pa din yung pinili mo. Thank you"
"Ang drama mo Aine!"

*pak!*

"Panira ka ng moment! Nakakainis!"
"Panira ka din kaya ng date"
"So ayaw mo na nandito ako ngayon?! Nakigulo lang ako pero hindi ko sinira"
"Parehas lang yun"
"Ayos ka din ano?! Hindi mo man lang ba ako namiss? Inaaway mo pa ako!"
"Namiss"
"Ayun pala e! May sasakyan ka? Punta tayo sa hotel"
"Anong gagawin natin don?! Ikaw Aine ah! Pinagnanasahan mo ako"
"Hoy wag kang feeling! Wala akong gagawin sayo. Kukunin ko yung gamit ko sa hotel at titira ako
sa bahay mo. Magastos kapag sa hotel ako nagstay"
"Ayoko nga! Okay ka lang?! Paano na ako makakapangchicks kung nandoon ka?! May bahay ka naman,
doon ka na lang"
"Chicks? Okay lang sakin magdala ka ng babae sa bahay mo. Makikitira lang ako dun kaya hindi
kita pakikialaman. Hindi ako possesive kagaya nung kasama mo kanina. Isa pa, at the end of the
day, alam ko naman na ako yung gusto mo kaya I don't have anything to worry about. Wala na din
yung bahay namin, binenta na"
"Sino may sabi na ikaw yung gusto ko?"
"So hindi mo ako gusto? So yung babae na yun kanina yung gusto mo ha?! Edi sana siya na lang
pinili mo! Bahala ka nga dyan, babalik na ko sa China!"
"Joke lang yun babe!"
"Babe mo mukha mo! Che! Aalis na ko!"
"Kapag umalis ka, hindi na kita patitirahin sa bahay"
"So payag ka na doon ako tumira?"
"Oo"
"Ang dami mong arte, papayag ka din naman pala! Tara na nga"

Aine's POV

We're on our way to Steven's house. Nag check out na ako sa hotel. From now on, doon na ko
titira sa bahay niya. I'm so happy na ako yung pinili niya. Hindi din naman naging useless yung
pagbabalik ko. Naghanda pa talaga ako para sa comeback na to. Nagpaganda pa ako kasi kung hindi
ko babaguhin yung itsura ko, ano na lang yung panlaban ko sa babae na yun diba? Alam ko din na
ang sama ng ginawa ko. Dahil sa pagbabalik ko, nakasira ako ng isang relationship at nakasakit
ako ng ibang tao pero ganun yata talaga kapag love mo yung isang tao, you will do everything
for that person.

Pagdating namin sa bahay nina Steven, dinala niya agad sa room yung mga gamit ko. Nagtingin
tingin lang din naman ako dito. Halos wala ding nabago. Sabagay, ilang months lang naman ako
nawala at hindi naman isang taon. Pumunta na din ako sa room na pinagdalhan niya ng gamit ko.
Sa kwarto niya -___-

"Hoy Steven! Room mo ito diba? Bakit same room tayo? Doon ako sa ibang room"
"Ayoko nga. Ano ka dito bisita?"
"Oo, bakit?"
"Bisita daw, baka bwisita" pabulong niya pang sinabe
"Bubulong bulong ka pa dyan, rinig naman! Dali! Doon ako sa kabilang room. Wala naman ibang
nakatira dito e"
"Meron kaya. May multo kayang nakatira dito"
"Ang dami mong alam! Basta doon ako sa ibang room"
"Wala na yun. Ginawa ko ng stock room yun. Ako lang naman pati yung katulong ang nakatira dito
kaya hindi kailangan ng maraming kwarto. Wala kang choice. Tabi tayo matutulog"
"Ayoko nga. Sa sofa na lang ako matutulog"
"Ikaw bahala"

Kumuha na ako ng damit at towel para makaligo at makapagpahinga at pagkatapos nun, dumeretso
ako sa living room. Nakita ko si Steven na kumakain ng pizza.

"Penge nga!"
sabay kuha
"Ano ba?! Akin lang to! Umorder ka na lang ng pagkain mo"
"Ayoko nga! Ang damot mo Steven. Nagugutom na ko. Hindi pa ako kumakain"
"Sayo na nga lang to. Kawawa ka naman"
"Thank you"

Kumain lang ako. Hindi niya alam na nakakain na ako bago pa ako makipagkita sa kanya kaso
nagutom ako ulit kaya nakikain ako sa kanya. Siya naman, nakaupo lang din sa sofa at nanonood.
Pagkatapos ko kumaen, dumikit ako sa kanya.

"Steven, may sasabihin ako"
"Ano? Na mahal mo ako?"
"Hindi! Hahaha! Nakakain na talaga ako e. Nagpapaniwala ka kasi sakin"
"Ang takaw mo. Hindi ka naman lumalaki. Ang liit mo pa din"
"Ang sama mo talaga! Edi ikaw na yung sobrang tangkad. Nakakainis ka naman"
"Mas bagay sayo yung walang make-up. Naging babae ka na nga ngayon e!"

*pak!*

"Putek! Bakit mo ako hinampas?!"
"Lalaki ba ako dati?! Gusto mo mamatay ng maaga?! Mas gusto mo pala yung boyish na ako ah? Wag
ka magalala dahil ibabalik ko yun. Maghanda ka na masaktan. Hahaha! Bubugbugin kita!"
"Para namang kaya mo!"
"Ano sa tingin mo, hindi ko kaya?"
"Hindi talaga"
"Hindi pala ah?! Lagot ka sakin!"

Hinabol ko lang siya ng hinabol hanggang sa macorner siya. Anong tingin niya sakin? Porket
maliit ako, hindi ko siya mahahabol? Asa!

"Paano ba yan? Nacorner na kita? Mabubugbog na kita nito"
"Talaga?"
"Oo naman"

Bigla niya akong hinawakan sa balikat tapos pinagpalit niya kami ng pwesto. Ako na yung
nacorner ngayon >__< Palapit naman ng palapit yung mukha niya sakin hanggang sa hindi na ako
makagalaw kasi kapag gumalaw ako, mahahalikan niya na ako.

"Namiss kita Aine"
"Namiss din kita"
"Edi pwede na kitang--"
"Sir Steven-- Ay sorry Sir! Tumatawag po kasi ang daddy niyo. Mauna na po ako"

Bigla ko naman siyang tinulak at naglakad na paalis. Nakakahiya >__< nakita pa kami ng katulong
nila na ganun yung pwesto.

"Hoy babae. Saan ka pupunta?"
tanong niya
"Matutulog na!"

Pumunta na lang ako sa room ni Steven at nagayos para makatulog na. Pagkatapos nun, humiga na
ako sa bed niya at pumikit pero hindi din naman ako makatulog kasi hindi pa ako inaantok. Hindi
nagtagal at pumasok na din siya sa room. Nagayos na din naman siya tapos humiga sa tabi ko pero
syempre, may unan sa gitna. Malaki naman bed niya e. Ayoko nga matulog sa sofa.

"Aine"
"Bakit?"
"Wala lang. Akala ko tulog ka na"
"Hindi pa. Sige na, goodnight"
"Goodnight"

Naisip ko lang din na nakakainis si Steven kasi may time sa facebook na parehas kami na online
tapos kinausap ko siya. Hindi kasi online nun si Maeghan. Sinabe niya sakin na mas sasaya daw
siya kay Maeghan tapos hanggang tropa lang daw kami. Pinagtatanggol niya pa talaga yung babae
na yun. Ako pa nga daw yung nang gugulo sa kanila e. Kung alam niya lang kung gaano kasakit
yung mga sinabe niya sakin. Ever since, siya na yung gusto ko pero itinataboy niya ako. Hindi
ko nga expected na pipiliin niya ako kanina but I'm happy with his decision. Naaawa lang ako
doon sa girl. Kinuha ko lang naman yung dapat na nasa akin diba? Ipinaglaban ko lang din naman
si Steven ngayon. Siguro nung una, iniwan ko siya kahit ipinaglalaban niya yung samin pero
ngayon, parehas na kami. Magkakasama na din kami ulit :) Tiningnan ko siya. Tulog na yata. May
binabalak ako!

*blag!*

"Aray! Pakshet! Bakit mo ako hinulog sa kama?!"
"Mas sasaya ka pala sa kanya ah?! Pang gulo pa ako ah?! Ayan bagay sayo!"
"Matulog ka na nga! Ayoko ng iniistorbo ako"
"Paano kapag inistorbo kita?"
"Baka ano pa magawa ko sayo. Lalaki ako tandaan mo yan. Nagpipigil ako dito tapos mangungulit
ka pa? Ito tandaan mo, wala naman kaming gagawin sa inyong mga babae kung hindi kayo
nagpapakita ng motibo!"

*pak!*

"Putek! Nakakarami ka na ah?!"
"Anong motibo yang sinasabi mo?! Gagawin? Okay ka lang Steven? Subukan mo lang, mapapatay kita!
Bahala ka nga dyan! Doon ako sa sofa matutulog. Goodnight!"
"Minsan lang e. Ayaw mo pa ako pagbigyan. Buti pa siya pinagbibigyan ako"
"Sino? Si Maeghan? Pwes. Ibang iba naman ako sa kanya. Matulog ka na nga lang dyan"
"Damot"
"Ewan ko sayo. By the way, Steven let's start all over again okay? Kalimutan na natin yung
nangyari sa past"
"Past past ka dyan"
"Umayos ka nga! Seryoso kasi ako!"
"Maayos naman ako ah?"
"Okay na tayo ah?"
"Oo na. Matulog ka na dyan Aine. Ang dami mong alam. Ang ingay tuloy"
"Oo na. Tatahimik na ako"

Kumuha ako ng unan at sa sofa sa room niya ako humiga. Buti na lang mahaba yung sofa na to kaya
kasya ako at pwede matulog. It's a new start for Steven and I. I'm contented with what I have
now. Hindi na kailangan ng commitment para kahit mambabae siya, okay lang sakin. Tanggap ko na
ganun siya at lapitin siya ng girls. Sana lang, maging okay na yung lahat samin :)
-----------------------------------------------------
Paradise

Jessica's POV

Nandito ako ngayon sa bahay. 3 na din ng hapon. May pasok kami kanina pero saglit lang tapos
the whole day ko pa hindi nakita si panget >__< Hindi kasi siya pumasok tapos ni hindi niya man
lang ako tinetext or tinatawagan :( Hindi din siya nagrereply or sumasagot sa calls ko. Super
nagwoworry na ako kasi hindi siya ganito e. Every morning, may text galing sa kanya pero ngayon
lang wala. Alam ko na! Itetext ko na lang si Jin.

To: Jin
Jin. Kasama mo ba si panget? Hindi ko kasi sya macontact ee. Nagwoworry na ako :(

Hindi naman nagtagal nagreply na din si Jin.

From: Jin
Sorry Jessica. Hindi ko alam kung nasaan si kuya ee. Nandito din kasi ako sa school. Don't
worry, for sure safe yun si kuya ^__^

Nasaan na kaya yung taong yun? Waaah T__T Miss ko na si panget ee. Kagabi pa talaga siya hindi
nagtetext.

*panget <3 calling..*

"PANGET! Bakit ngayon ka lang tumawag? Ano bang nangyari sayo? Nasaan ka?"
[ HAHAHA! ]
"Panget naman ee. Nagaalala ako sayo dito tapos tatawanan mo lang ako? Ang bad mo"
[ Kasi panget, sobra ka naman magalala. Okay lang ako ]
"Nasaan ka ngayon?"
[ Secret ]
"Daya mo naman ee. Dali na kasi. Sabihin mo na sakin"
[ Secret nga. Oo nga pala, may mga naghihintay na sayo sa labas ng bahay niyo. sumama ka na
lang sa kanila ]
"Ikaw ba talaga yan panget? Baka mamaya niloloko mo lang ako! Gusto mo ako kidnapin! Hoy!
Ibalik mo si panget"
[ Baliw! Ako to. Sila na magdadala sayo sa kung nasaan ako ngayon ]
"Sige lalabas na ako. Bye bye"
[ I love you ]
"I love you din panget"

Binaba ko na yung phone. Nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng casual dress at flat shoes.
Nakapink ako. Favorite color ko to ee ^__^ Paglabas ko, may dalawa namang lalaki sa labas. Naka
all pink sila O__O Para tuloy kaming sasayaw. Hihi ;) pare parehas kaming nakapink!

"Ms. Jessica Viray?"
"Ako nga po"
"Let's go?"

Nagnod lang naman ako. Sumakay kami sa white and pink na car. Ang cute! I've been wanting to
ride in this kind of car. Ayaw kasi ako bigyan nina Mommy ng car. Pumunta lang kami sa isang
hotel. Nandito si panget? Ano naman ginagawa niya dito? Pumasok kami sa loob ng elevator at
pumunta sa pinakataas na floor at saka kami nagstairs paakyat ng roofdeck. Nasaan si panget
dito? >__< May helicopter pero wala talaga siya. Pumasok kami sa helicopter at pumunta sa gitna
ng dagat. Malapit na sa mababaw pero bakit hindi pa ako dun ibaba? Kasi naman, halos malapit na
yung level ng helicopter sa dagat ee. Nandoon na din si panget at sinalubong niya ako.
Nakajetski siya tapos topless. Ang puti niya!

"Panget, tara!"
-Axel
"Ha? Paano ko bababa dito? Natatakot ako"
"I'm here. Aalalayan kita"

Tinulungan nila ako makalipat doon sa jetski. Mga pauso kasi ni panget ee. Pagkatapos nun,
umalis na yung helicopter. Mga past 4 na din ee. Nagjetski lang kami hanggang sa malapit na
magsunset tapos pumunta na kami doon sa beach. May beach house dito na hindi kalakihan pero
maganda siya. Yung place na to, may dalawang malaking bato sa kabilaan kaya tago pero maganda.
Private beach siya. White sand. Ang ganda talaga! Umupo naman kami ni panget sa sand. May
bonfire na din dito. Ang galing nga ee :) I never thought na may ganito na pinrepare si panget
para sakin. Ang ganda nga panuorin ng sunset ee. Parang ang sarap din magswimming kaso wala
akong dalang damit.

"Gusto mo magswimming?"
-Axel
"Ha? H-hindi ah. Panget magbihis ka nga. Masyado mo ineexpose katawan mo"
"Maganda naman katawan ko ah? May abs ako oh. Tayong dalawa lang naman yung nandito kaya okay
lang"
"Pakialam ko naman sa abs mo? Hahaha!"
"Tara!"

Bigla niya naman ako hinila papunta sa dagat. Wala akong damit e!

"Panget! Ayoko! Wag mo ako basain!"
"Wag ka magalala. May damit doon. Inayos na ni princess"

Nagbasaan lang kami. In the end, naligo na din kami sa dagat. Ang lamig ng tubig. Sarap din
magswimming tapos sunset pa.

"Kiss ko?"
-Axel
"Ayaw"
"Damot naman. Isa lang"
"Sige na nga"

Nakayakap siya sakin ngayon. Nandito pa kami sa dagat. Pinikit ko na lang yung mata ko tapos
kiniss niya ako sa forehead at sa lips.

"Yes! Pinagbigyan din ako!"
-Axel
"Baliw ka Hiroshi!"
"Hindi kaya"
"Oo kaya!"
"Sige na nga. Aaminin ko na. Baliw ako pero secret lang to panget ah?"
"Secret ka dyan? Halos alam na ng lahat na baliw ka ee"
"Oo na. I love you panget. Happy valentines day"
"Happy valentines din panget and I love you so much!"
"Tara na. Nanginginig ka na sa lamig oh. Magbihis ka na"
"Okay"

Pumasok na kami sa beach house para makaligo at magbihis. Sabi niya lang sakin, pagkatapos ko
magayos, labas na lang daw ako. Paglabas ko naman, may nakalatag na doon malapit sa bonfire.
May food at parang picnic. Madilim na din ee.

"Nandyan ka na pala. Let's eat?"
"Sige panget. Ikaw nagluto nito lahat?"
"Oo kaya dapat kumain ka ng madami. Understand?"
"Yess boss! Kakain si Jessica ng madami kasi luto ito lahat ni panget"
"Good"

Ang daming klase ng luto ng food. Although for 2 lang yung dami ng niluto, nabusog naman ako :)
After namin kumain, naglatag siya ng cloth tapos humiga kami doon. Nakapatong yung ulo ko sa
braso niya.

"Nagenjoy ka ba panget?"
-Hiroshi
"Yup. Thank you for this. Hindi ko talaga expected na may ganito"
"I'm happy na nagustuhan mo"
"Super effort kasi. Ang sama naman kung hindi pa maaappreciate yung ganito diba?"
"Panget, tingin ka sa langit"

Ang ganda! May helicopter na may banner na may nakasulat na "I love you Jessica Viray" tapos
made of christmas lights pa yun. Ang ganda ^__^

"I love you Axel Hiroshi Tan. Thank you talaga sa lahat. Super nagustuhan ko. Sorry kasi wala
akong gift sayo"
"Just stay by my side panget. Yun lang hinihiling ko sayo"
"Don't worry. Hindi naman kita iiwan ee"
"Buti naman"

Hinila ko patayo si panget tapos hinug ko siya ng sobrang higpit. Sobrang saya ko ee. Si panget
lang yung nakakapagbigay ng ganitong feeling sakin. Yung tipong hindi niya ako papabayaan at
ramdam ko yung feeling na may nangangailangan din sakin.

"Just tell me kapag gusto mo na umuwi okay? Baka kasi mapagalitan ka din ng parents mo. Biglaan
to e"
"Opo"

Nagulat ako kasi bigla akong hinila ni panget papalapit sa kanya. Nakahawak siya sa waist ko
ngayon tapos sobrang lapit na namin sa isat isa. Humawak na lang din naman ako sa waist niya.

"Panget ang sexy mo pala? Hahaha! Wala kang taba e. Ngayon ko lang narealize."
"Syempre. Wala talaga fadi mo naman kailangan magbago e"
"Ee yun yung gusto nila e"
"Nandito naman kasi ako, gusto kita, ayaw mo lang"
pabulong niya pang sinabe pero narinig ko naman
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko, wag ka na magbago. Gusto ka ng mga tao sa paligid mo dahil sa kung ano ka. Hindi ka
kagaya ng iba na nagbabago para lang mapansin. Baka kapag nagbago ka, mawalan ka pa ng
bestfriend"
"Mawalan? Bakit? Iiwan mo na ako?"
"Hindi. Baka kasi pag nagbago ka, hindi ko na magustuhan ugali mo kaya lalayo ako. Mas gusto ko
pa din yung simple at isip batang si Mafelle"
"Okay! Hindi na lang ako magbabago para may bestfriend pa din ako. Tara bestfriend, kailangan
ko na umuwi. Padilim na ee. Kawawa naman yung driver. Nakakatakot pa naman magalit si kuya"
"Okay"

Paguwi ko, umuwi na din si JX. Tinawagan ko na din yung driver na umuwi na tapos nagsorry ako.
Muntikan na mapagalitan yun kung umuwi ng maaga si kuya. Basta hindi ako magbabago. Kukulitin
ko ng kukulitin yung kapangalan ni kuya para magustuhan niya ko. Hahaha ^__^ bahala siya dyan.
Bata pala ah? Ipapakita ko sa kanya kung paano mangulit ang isang batang katulad ko.
*******************************************
[75] CHAPTER 57.1: Prom (part 1)
*******************************************
Chapter 57.1: Prom (part1)


Jin's POV

February 17, Friday.

Wala kaming pasok ngayon pero excited ako para mamaya ^__^ Last promenade na namen to as
highschool students. Gusto ko maging super memorable to sakin. 17 ngayon meaning, monthsary
namin ni honey! 2 months na kami and I know na kakayanin namin paabutin ng 1 year yung saming
dalawa. Prom date? Tinatanong pa ba yan? Syempre automatic na si Gabriel Vincent Teppei na yun.
Hinihintay ko na lang din ngayon si Jessica. Siya daw tutulong sakin magayos e :) Ang bait
talaga nun. Hindi na ako magtataka kung sila magkakatuluyan ni Kuya.

"payatot" tinatawag ko ngayon si Vince. Payat kasi siya kaya payatot na lang
"problema mo?"
"May date ka para mamaya?"
"Wala. Hindi ko kailangan nun"
"Ay kawawa ka naman. Hahaha!"
"Ganun talaga kasi babantayan kita kaya umayos ka"
"ANO?!"
"Ayoko na ulitin yung sinabe ko"
"Hoy! Wag ka nga! Hindi ako mageenjoy kung babantayan mo ako"
"Sorry ka. Kasama niyo ako sa table mamaya"
"Nakakainis ka Vince! Panira ka"
"Okay"

Aish >__< Ayoko na kasama namin siya kasi maiilang ako. Ang daya naman kasi e! Bakit kailangan
na kasama pa namin yan sa table mamaya? Sino ba kasi nagyaya sa kanya na sumama samin? Asar
naman oh! Nagulat ako nung pumasok si Jessica sa room. Nagulat din siya kasi topless si Vince.

"Sorry. Lalabas na lang ako ulit" -Jessica
"Wag na Jessica. Wag mo pansinin yang payatot na yan. Para namang hindi mo pa nakita na ganyan
si kuya. Ayiee"
"Oo na. By the way, kaya ako pumasok na ng deretso kasi sabi ni panget, pasok na lang daw ako.
Nahiya naman ako sa nakita ko"
"Okay lang yan. Don't mind him nalang"
"Sige. Ayusan na kita. 5 na oh. 7 yun diba?"
"Yup"
"Kaya pa to"

Minake up-an niya ako at inayusan ng buhok. Simple hair and make-up pero elegant tingnan. Mas
okay daw kasi kapag simple lang :) Pagkatapos niya ako ayusan, lumabas na siya ng room ko at
nagbihis na ako. Peach yung color ng gown ko. Tinulungan ako ni Jessica na maghanap ng gown at
ito yung nagustuhan ko. Si Vince naman, naka white na coat tapos dark blue na v-neck lang. Naka
black pants lang din siya pero ang formal niya tingnan. Gwapo nga ee :)

"Magkagusto ka sakin nyan. Hindi tayo pwede kaya wag ka na mangarap" -Vince
"Ang yabang. Asa ka na lang na magkakagusto ako sayo. Hindi mangyayari yun. Ang sungit mo kaya
tapos payatot ka pa"
"Dapat lang. Hindi ka pwede magkagusto sa kapatid mo. Parang ikaw hindi ka payatot ah? Tingnan
mo kaya sarili mo sa salamin"

Hindi naman ako payat pero pagtingin ko sa full body mirror, ang payat ko tingnan sa suot ko.
Pumayat din yata ako e? Ginugutom kasi ako ni kuya Hiroshi! Joke!

"Bahala ka nga dyan. Doon na ako sa baba. Hihintayin ko na boyfriend ko!"
"Edi hintayin mo. Pakialam ko?"
"Palibhasa kasi, ikaw walang girlfriend kaya ang sungit sungit mo. Subukan mo kaya maghanap at
baka sakaling bumait ka"
"Hindi na kailangan. Madami na naghahabol. Ayoko lang"
"Ang yabang talaga! Kapal ng mukha nito"
"Nagsasabi lang ng totoo. May gusto nga sakin kapatid ng boyfriend mo e"
"Ano?! Si Mafelle?!"
"Malay ko. Hindi ko naman kilala yun"
"Gusto mo ilakad kita?"
"Ayoko sa bata. Lumabas ka na nga lang. Putek"

Parang yun lang nabadtrip kaagad? Kahit kailan talaga ang sungit nun pero feeling ko, kapag
nagkagirlfriend o nainlove yun, magiging parang si Gab siya. Babait tapos mababawasan yung
pagkamasungit. Kinuha ko na lang yung bag na dadalhin ko at dumeretso sa sofa sa living room.
Nandoon din naman si kuya at Jessica.

"Ang ganda ng prinsesa namin ah? Ang galing kasi ng nagayos e" -kuya
"Baliw ka panget. Maganda naman talaga si Jin ee. Mas pinaganda ko lang" -Jessica
"Thank you kuya and Jessica. Sige na, magkulitan lang kayo. Don't mind me"

Chineck ko lang yung phone ko para malaman kung may text si Gab. Magse-7 na ee. Pero yung text
na nabasa ko, galing kay Zeke.

From: Zeke
See you later Charel :]

Hindi ko siya nireplyan. Tama na din to. Mamaya, siya pa maging dahilan ng pagaaway namin ni
Gab ee. Ang tagal ni honey. 7 na oh >__< baka nagpagwapo pa? :) Dapat nandito na siya. Late na
kami ee. Hindi nagtagal at bumaba na din si Vince tapos umupo siya sa tabi ko.

"Hindi ka pa aalis?" tanong ko sa kanya
"Sasabay ako sayo"
"Ayoko nga! Mauna ka na!"
"Ayoko. Mamaya kung saan ka pa pumunta e"
"Hindi naman ee! Alis na kasi! May sarili ka namang kotse ah? Pwede ka na umalis"
"Bakit? Ikaw din naman meron kaya pwede ka na din umalis. Mukhang hindi na dadating yung
hinihintay mo"
"Hindi ka dyan! Manahimik ka na nga lang. Dadating siya"
"Okay"
"Umalis ka na lang kasi. Late ka na oh!"
"Late ka din naman. Manahimik ka na nga lang. Ang ingay mo"

Aba! Pinatahimik pa ako! Siya din naman may kasalanan kung bakit ako nagiingay. Bakit kasi
hindi na lang siya mauna umalis? Para namang may gagawin kaming kalokohan ni Gab. Mga 7:15 na
nung may nagdoorbell. Si kuya yung nagopen ng gate at ng door. Pagtingin ko, si Gab nga. Ang
gwapo ni honey. Nagmadali naman ako na puntahan siya.

*blag*

"JIN!"
"Awch"

Lumapit sina Gab at kuya sakin tapos tinulungan akong makatayo at dinala ako sa sofa para
makaupo muna.

"Excited kasi masyado" -Vince
"Nahawa ka na sa pagkaclumsy ni panget. Magingat ka princess" -kuya
"Okay ka lang ba Jin? May masakit ba sayo? Hoy panget, hindi pagkaclumsy yung kay Jin. Accident
talaga yun" -Jessica
"Okay lang ako Jessica. Maliit na accident lang to. Nadulas ako kasi tumakbo ako tapos
nakaheels pa. Medyo masakit lang ng konti yung lower body ko pero okay lang naman ako. Don't
worry"
"Wag na lang tayo umattend ng prom. Pacheck up na lang natin yan" -Gab
"Oo nga naman" -Vince
"Isa ka pa Vince e! Ayoko! Aattend ako ng prom. Isa pa, mawawala din naman to. Ang liit lang na
accident nun. Hindi na kailangan yun. Late na tayo oh. Alis na tayo"
"Mamaya na kayo umalis princess. Pahinga ka muna. Wait lang, kukuha muna ako ng pain reliever"
-kuya

Umalis si kuya saglit at pagbalik niya, may dala na siyang gamot. Ininom ko na lang din naman
yun. Mga 7:45 na kaya nagdecide na kami na umalis. Nagflats na lang ako. Hindi naman kita kasi
nakagown naman ako ee. Inalalayan lang ako ni Gab hanggang sa makapasok kami sa sasakyan.
Nagulat ako ng bigla namang pumasok si Vince sa sasakyan ni Gab.

"Bakit ka nandito Vince?! May sasakyan ka naman e! Doon ka na lang. Dederetso na din naman kami
ni Gab sa venue. Ayoko na nandito ka"
"Ayoko din bumaba. Isa pa, pinagkatiwala ka sakin ni tita kaya wala kang magagawa. Sasabay ako
sa inyo sa ayaw at sa gusto mo" -Vince
"Hayaan mo na, okay lang yan" -Gab

Tumahimik na lang ako. Traffic pa papuntang ayala >__< Malapit lang yung hotel na yun samin
pero dahil sa friday ngayon at rush hour, no choice. 8:15 na kami dumating sa hotel. Pagdating
namin malapit sa entrance, may nakita din kami na kakadating lang. Papasok pa lang din sila dun
sa door. Lumapit na din naman kami dun. Nagulat ako ng makita ko na prom date ni Mika si
Terrence. How come na nandito din si Terrence? Kaya pala ang daming photographers sa labas ng
hotel. Nagpapicture sila. Pagpasok kasi, may part na pipicturan muna. Si Terrence, naka red and
black at si Mika naman, naka dress na white tapos open yung likod. Ang simple lang din ng make-
up niya pero ang ganda pa din niya. Pagkatapos nila, si Vince naman yung pumasok. Model siya
kaya kilala siya. Model lang naman siya ng isang clothing brand. Kahit kanina nung pagdating
namin, ang dami ding kumukuha ng picture niya ee. Nakikilala din nila ako. February issue ng
magazine yung cover namin ni Terrence ee. Kilala din nila ako as Charel. Pumasok na din kami ni
Gab at nagpapicture. Match nga outfit niya sa suot ko ee. Naka white na coat siya at peach na
v-neck sa loob tapos naka pants lang din siya. Uso ba yun? Parehas sila ni Vince e. The
reporters tried to interview me pero umiwas ako.

Naghanap na kami ng mapepwestuhan. Isa na lang yung available na table at for 6 persons yun.
Doon nakaupo sina Mika at Terrence. Doon na lang din kami pumwesto dahil wala na kaming choice.
Dumating din naman si Zeke at nakijoin din sa table kung nasaan kami. Ang awkward na kanina,
lalo pang naging awkward >__< Paikot yung table and eto yung pwesto namin ngayon: Gab-Ako-Zeke-
Vince-Terrence-Mika. Katabi ni Gab si Mika. Nagsisikainan na yung iba kaya nagdecide na kami na
kumain na din. Gutom na din ako ee.

"Ako na lang kukuha ng pagkain mo" -Gab

Nagnod na lang ako at nagsialisan na sila. Kaming dalawa na lang ni Mika yung natira dito sa
table.

"Hey Jin. Be careful. Madaming mata yung nakabantay sa table natin ngayon. Especially na
nandito si Terrence at puro models yung mga nandito. Model ka na din pala ano?"
"Wala akong time makipagtalo pa sayo Mika"
"I'm not arguing with you. Wag ka ngang feeler dyan. I'm just trying to have a small healthy
conversation with you. I don't see anything wrong with that"
"Ewan ko sayo"
"By the way, I saw your magazine cover. Infairness, ang ganda mo doon and I also saw the
picture of Terrence and you kissing. Nakita na ba yun ni Gab? What will be his reaction kaya
once na makita niya?"
"Ano?!"
"You don't know that? I think na hindi mo pa nakikita. Poor Jin. I'm so excited to know what
will Gab's reaction be"
"Oo nga pala Mika. Is it true na nagbreak na kayo ni Zeke?"
"How dare you ask me that question?! Loser ka talaga Jin. It happened last tuesday pa and super
duper late ka na. Are you also trying to insult me? You are the main reason why we broke up.
Are you happy now?"
"Ako? Wala nga akong ginagawa sa inyo and yet you're blaming me? Ang laki na din ng problema mo
e ano?"
"Yes and that's all because of you. Let's stop this for now, they're heading back here"

Pagbalik nila, kumain na lang kami. Hindi din ako halos makakain like the way I usually do kasi
nga nakabantay yung mga media dito sa table namin.

"Jin, may something sa gilid ng lips mo" -Zeke

Pupunasan na sana ni Zeke kaso natigilan siya sa sinabe ni Gab.

"Ako na. Hindi mo trabaho yan. Ako yung boyfriend" -Gab
"Wag na. Ako na lang. Kaya ko naman magisa e. Thanks na lang"

Ang awkward naman talaga oh >__< Ang tahimik nga dito sa table namin e. Halos walang
nagsasalita.

"Hey guys? Why are you so quiet? Super awkward na ah? The atmosphere here is really different.
Shouldn't we be enjoying this and having fun? Ayaw niyo magsalita?" -Mika
"She's right. Since were only in one table, why don't we have some conversation? Mukha namang
magkakakilala na tayong lahat dito" -Terrence
"So Mika, matanong ko lang. What happened between you and Zeke? Hindi ba dapat siya yung date
mo?" -Vince
"Wag na natin yan pagusapan pare" -Zeke
"Since nagtanong ka, I'll answer it para naman may mapagusapan. Well, we broke up during my
birthday and valentines date. That is the reason why Terrence became my date tonight. I'm
really lucky that he's not busy today. Ang saya diba? Am I right Jin? Having all of them here"
-Mika
"Tigilan mo na to Mika" -Gab
"Why? What's wrong with you? I'm just joking. Why are you being over protective? Are you
jealous? Zeke is here. As well as Terrence. Aren't they your rivals when it comes to Jin?" -
Mika
"Stop it Mika" -Zeke
"Why? Whats wrong with that? I'm just asking. I don't care if sumagot man siya o hindi. Ano
bang problema niyo?" -Mika
"Ano naman ngayon Mika? Bakit ka nagkakaganyan? Kasi nagseselos ka kay Zeke kaya dinala mo pa
si Terrence. Para ano? Maging miserable na naman si Jin kapag may nangyari?" -Gab

Hinawakan ko yung kamay ni Gab. Nakaclose na yung fist niya kay inopen ko yun at inintertwine
yung fingers namin. Nagagalit na naman siya e.

"What the?-- how dare you say that?!" -Mika
"Chill. May parating. Nakabantay pa din sila satin. Masyado na kayong obvious" -Vince

Lumapit samin yung class president namin. Binigyan niya kami ng paper tapos pinasulat yung
gusto namin maging prom king and queen. Pagkatapos nun, umalis na din siya. Hindi din nagtagal
at nagstart na magpatugtog ng slow dance. Nagsisayawan na yung iba tapos sina Mika umalis na
din. Si Gab, ako at si Vince na lang natira dito.

"Hindi ka sasayaw Vince?" tanong ko
"Ayoko. Nakakatamad"
"Ah. Alis muna kami ah? See you later"
"Oi Gab"
"Oo. Alam ko. Wag ka magalala" -Gab
"Hindi talaga ko makaconnect ee. Sige. Pakalasing ka na sa wine dyan payatot"
"Ge"

Hinila ko na lang si Gab patayo. Inaalalayan niya pa din ako maglakad. Yung right hand niya,
nakasupport sa waist ko tapos yung left hand niya, nakahawak sa left hand ko. Hindi na din
halos masakit e.Nagulat ako kasi nakita ko si Aine at siya yung prom date ni Steven. Ang alam
ko lang, break na si Steven at Maeghan pero hindi ko alam na nandito na si Aine. Si KL naman,
automatic na yung date nun. Umupo kami sa vacant na chair. Wala din kasi dito yung nakaupo
kanina ee. Sumasayaw na siguro yun.

"Hello Jin and Gab. It's so nice to see the both of you. I'm so happy to see you guys again. By
the way, the two of you really look good together" -Aine
"English ka pa ng english dyan. Nakakaintindi naman sila ng tagalog" *pak* "Aray. Putek.
Magugulo buhok ko sayo e!" -Steven
"Wag kasi ganyan pre. Wag na kontrahin. Mga mahilig pa naman manakit yan. Tingnan mo ako, lagi
akong sweet sa babe ko. Diba babe?" -Spencer

*pak!*

"Lagi ah?! Oo nga. Lagi kapag nasa harap ng ibang tao" -KL
"Ang kulit niyo talaga tingnan guys. By the way, naisip ko talaga na Jin and Gab would end up
together and same with KL and Spencer. It's good na settled na din kayo" -Aine
"E tayo? Kailan?" -Steven
"Gusto mo masuntok Steven Santos? Wag mo na nga isingit yan" -Aine
"By the way, okay ka lang ba bessy? Ang awkward niyo dun. I saw you guys with Mika in the same
table. So how was it? Binadtrip ka na naman ba?" -KL
"Ayoko na pagusapan yun KL. Hayaan niyo na lang"
"Sino ba yang Mika na yan nang mapagtulungan namin ni KL. Uupakan talaga namin yan e. Inaaway
ka ba?" -Aine
"Warfreak talaga. Oy pre! Anong nangyari sayo? Selos ka na naman? Hahaha!" -Steven
"Oo nga pre. Ikaw naman mahal nyan e. Wag ka magalala" -Spencer

Hinawakan ko yung mukha ni Gab at iniharap sakin saka ako nagsmile saakanya.

"Wag nang badtrip. Just don't mind her okay? Smile ka na"
"Ewan"
"Pagpasensyahan niyo na guys ah? Ayaw niyo pa sumayaw? Sayaw na tayo"

Nagsitayuan na sila at sumayaw. Slow dance pa din naman kasi. Hinila ko na lang si Gab papunta
sa part na konti lang yung tao para makapagusap kami. Nilagay ko yung kamay ko sa shoulders
niya at siya din naman sa waist ko.

"Honey naman ee. Wag ka nang mabadtrip. Smile ka na. Dali na. Please?"
"Psh"
"Wag ka na magselos at mabadtrip doon. Wala ka bang tiwala sakin? Hindi ko naman expected na
nandito si Terrence e. Nagulat nga din ako nung nakita ko siya"
"Hindi kasi maiwasan. Nasabi mo na sakin noon na second choice mo lang ako. Paano pa ngayon na
sikat na siya?"
"Pagkatiwalaan mo naman ako oh? Honey, ikaw naman yung pinili ko ee. Oo, first choice ko nga
siya pero ngayon, ikaw na lang yung gusto ko. Past na yun. I'm all yours now. Wala ka ng dapat
ipagalala. Dont you trust me?"
"May tiwala naman ako sayo. Kaso--"
"No more buts Mr. Teppei. Just trust me okay? You have me. Ikaw pa din yung pipiliin ko kapag
pinapili ako ulit ngayon. Don't worry about them"
"Oo na"
"Kaya ikaw, smile na. Sige ka, kapag hindi ka nagsmile dyan, baka magbago isip ko"
"Okay. Ge"

Binitawan niya ako tapos naglakad siya palayo. Badtrip na naman siya? Ano na naman ba sinabe ko
na mali? Ang short-tempered niya na naman ee >__< Susundan ko na siya nang biglang may humawak
sa wrist ko.

"Let's dance. Please?" -Zeke
"Pero kasi--"
"Iniwan ka na niya. Let's dance okay? Minsan lang to e"
"Zeke kasi--"
"Kasi kasi kasi. Iniwan ka na niya. Binigyan niya pa ako ng chance sayo. It's his fault"
"Ngayon wala ka ng chance. Tara na Jin" -Gab

Hinihila naman ako ni Gab at Zeke. Ano ba naman to? >__< Parang nung sa resort lang dati ee. Si
Gab nakahawak sa left wrist ko tapos si Zeke sa may right na wrist ko.

"Bitawan mo siya" -Gab
"Ang damot mo naman dude" -Zeke
"Nandito na ako. Aalis na kami ng girlfriend ko kaya bitawan mo na siya" -Gab
"Iniwan mo siya" -Zeke
"Iniwan mo din siya noon. Nasakin na siya ngayon. Wala ng bawian" -Gab
"Tama na nga yan. Zeke, bitawan mo na ako. Aalis na kami ni Gab"
"Magtuos nalang tayo mamaya" -Zeke

Hinila lang ako ni Gab tapos doon kami pumwesto sa may table nina KL total wala namang tao
doon.

"Nawala lang ako saglit may umagaw na. Paano pa kung hindi ako bumalik?" -Gab
"Honey naman ee"
"Hindi dapat kita iniwan doon"
"Bakit ka na naman ba nainis? Sabi ko sayo tiwala lang ee. Gab, nagmature na ako compare sa
dati. I know what is right and what is wrong. Alam ko na rin yung limitations ko. Bakit ba
hindi mo na lang ako pagkatiwalaan?"
"May tiwala naman ako sayo Jin"
"Pero bakit ka nagkakaganyan?"
"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo yan? Dapat alam mo yung sagot dyan"
"Oo na. Hindi ka na galit?"
"Hindi. Ayoko sirain tong gabi na to. Dapat magenjoy ka"
"So okay na tayo?"
"Oo"
"Smile ka na dali na"
"Ayoko"
"Excuse me. Gab, pwede ko muna mahiram si Jin? 10 minutes lang"

Napatingin ako sa nagsalita, si Terrence. For sure naman hindi papayag si Gab ee.

"Sige" -Gab
"honey?"
"Okay lang. I trust you"
"Gab"
"Wag ka magalala. Okay lang. After 10 minutes at wala ka pa dito, ako na pupunta doon. Don't
worry, I'll be watching you"

Nagsmile lang naman ako sa kanya at tumayo na. Inalok naman ni Terrence yung arm niya at
kumapit ako doon.

"May interview tayo. May korean reporter kasi na nagmomonitor din sa everyday life ko para sa
isang show. Don't worry, nageenglish sila. Madaming reporters at for sure madami silang tanong.
If ayaw mo sagutin yung tanong, leave it to me. I'll take care of the rest" -Terrence
"Thank you Terrence"
"You're welcome. Anything for you Charel"

Umupo na lang kami doon sa may sofa. Mukhang pinaghandaan din talaga nila na maginterview
ngayon ah? Ang daming reporters >__<

"Good evening everyone. I'm Charel"
"May we ask you who you are in Terrence's life? He once said in an interview that you're his ex
girlfriend. Is it true? What happened?" tanong nung korean na reporter
"Well, I'm his friend and yes, it is true but it's just for fun. It's a 2 weeks deal and it
didn't turned out well because of his busy schedule"
"That's right. It only happened because she's trying to help me. Well, I asked her a favor and
she agreed so that's how it started" -Terrence
"There are rumors that the reason why hindi kayo ang magkadate tonight is because you are
hiding your relationship. Is that true?" -reporter
"That's not true po. Actually, I was also surprised na nandito din si terrence. I wasn't really
expecting him to be here but I'm happy that he's here"
"This is for Charel, may nakuha kami sa isang reliable source na you rejected an offer na
gumawa ng project again with Terrence and it was all because of a guy" -reporter
"Well, I'm still young and I want to focus more on my studies so I rejected the offer. Maybe in
the future, I will be able to do such projects but for now, my priority is still in academics"
"But who is the mystery guy? We heard that he is really handsome and was also offered a project
but he also rejected it" -reporter
"Next question na lang po" -Terrence
"Terrence, if you will be given a chance to court Charel again, will you do that? And if yes,
will you be giving him a chance Charel?" -reporter
"Of course I will. Charel is an amazing girl, she's talented, beautiful and very kind. She's
perfect for a girlfriend" -Terrence
"I'm sorry. I really need to go now. Excuse me. Terrence will be answering the other questions"

Tumayo na ako at naglakad papunta doon sa classmate ko. Sinesenyasan niya kasi ako ee.
Tinatawag niya ko. Emergency daw.

"Jin, nagaaway sina Zeke and Gab"
"Ano?!"
*******************************************
[76] CHAPTER 57.2: Prom (part 2)
*******************************************
Chapter 57.2: Prom (part 2)


Jin's POV

Nagmadali ako pumunta sa kung saan may nagkakagulo. Inaawat silang dalawa dahil nga sa nagaway
sila tapos ngayon nagsasagutan naman sila.

"Gab! Zeke! Ano ba? Tumigil na nga kayo! Gumagawa kayo ng gulo e!" sigaw ko

Pagkakita sakin ni Gab, umalis na siya tapos hinila ako. Pumunta kami sa may cr banda kasi wala
naman halos tao doon. Kinorner niya ako tapos nakatungo siya sa harap ko. Nagulat ako ng bigla
niyang sinuntok yung wall. Hinawakan ko yung mukha niya and iniharap sakin.

"Gab. Ano bang problema? Tell me. Makikinig ako. Bakit din ba kasi kayo nagaway? Yung sa kanina
ba? Dapat hindi mo na siya pinatulan"

Tinanggal niya naman yung pagkakahawak ko sa mukha niya.

"Muntikan na bang may mangyari sa inyo nung nandun kayo sa gubat nun?"
"Gab.."
"Sagutin mo na lang yung tanong ko"
"Paano mo nalaman?"
"Totoo nga?"

Hindi ako makasagot kasi alam ko na totoo pero hindi niya dapat to nalaman kung hindi sinabe ni
Zeke. Siguro sinabe niya nung nagaway sila.

"Gab, sorry"
"Sorry na lang ba alam mong sabihin Jin?"

Niyakap ko na lang si Gab. Ayoko na magsalita kasi baka lalo lang uminot ulo niya. Past naman
na yun ah? Hindi ba dapat yung importante yung ngayon?

"Pero Gab? Bakit nga ba talaga kayo nagaway?"
"Dahil sayo"
"Hala! Ano namang kinalaman ko dun? Wala naman akong ginagawa ah?"
"May gusto siya sayo. Sigurado ako na alam mo yun"
"Ano naman yun sayo?"
"Dapat alam ko lahat lalo na pagdating sa kanya!"

Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak kaya napaupo ako. Napalakas ata? Hindi naman siya
ganito sakin dati. Hindi niya ako sinasaktan physically. Umiwas na lang naman siya ng tingin
sakin tapos tumalikod.

"S-sor-- psh. Tara na nga"

Lumapit siya sakin tapos hinawakan ako sa braso para tulungan tumayo pero nagpumiglas lang ako.
Bigla na lang din naman siya umalis. Nakita ko din si Terrence na nandito. Nakita niya lahat?
Tumayo na lang ako magisa. Lumapit naman sakin si Terrence para alalayan ako.

"Okay ka lang ba? Sabi ko na sasaktan ka lang niya e"
"Terrence pwede ba? Tama na. I'm settled"
"Pero Charel--"
"Okay lang ako. Pwede iwan mo na ako? Gusto ko muna mapagisa. Next time na lang tayo magusap.
Sana maintindihan mo"
"As you wish but remember this Charel. Once na makita kong nasaktan o nasasaktan ka dahil sa
kanya, gagawin ko lahat para kunin ka sa kanya at hindi na kita ibabalik sa kanya kahit kailan"
"Terrence, wag ka naman magjoke ng ganyan"
"I'm serious. Alam mo na kakayanin ko Jin"
"I'm begging you. Please stop. Don't make my situation even worse. Just leave me alone"
"I'll be here if you'll be needing me. I'll get going"

Umalis na siya. Ako naman, pumasok sa CR at doon ako umiyak. Nakakainis naman oh >__< iyakin pa
din ako. Ang sakit kasi sa dibdib pag pinipigilan mo e. Kailangan ko lang talaga iiyak to.
Hindi ko talaga maisip kung bakit nagagawa niya ng manakit tapos parang ang hirap pa sa kanya
na magsorry. Ganun ba talaga siya? Siguro hindi ko pa siya ganun ka kakilala. I'm doing my best
naman to be a good girlfriend sa kanya. Umiiwas na ako sa dapat iwasan para hindi na siya
magselos. Si Zeke? Oo. Hindi ko na sinabe kay Gab yung tungkol sa napagusapan namin ni Zeke
kasi ayoko na magkagulo pa. Ang komplikado masyado ng buhay ko. Hindi na ako iiyak. Mamaya
kumalat pa make-up ko

"Hey Jin. I know you're here. Lumabas ka na dyan" boses ni Mika yun

Lumabas ako ng nakatungo. Hindi ako nagkamali at si Mika nga yun. Lumapit siya sakin tapos
hinawakan yung chin ko tapos parang ininspect yung mukha ko.

"Hey Jin. Kung ganyan ba naman yung mukha mo then how will you win against me? Tingnan mo, ang
panget mo tuloy. I'm planning to make you be the prom queen but with that look, hindi ka
deserving"
"Ano na naman bang gusto mo mangyari?"

Binitawan niya naman na yung chin ko tapos inabutan ako ng tissue.

"Ano gagawin ko dito?" tanong ko
"Use your mind. Akala ko matalino ka? Clean up. May make-up ako dito. Magayos ka. You can't
look like that later"
"May pinaplano ka na naman bang iba kaya ka ganito sakin?"
"Woah! Bawal na ba ako maging mabait ngayon? Porket ba mabait ako, may plano na akong hindi
maganda? I'm just trying to help you"

Nagayos na lang ako. Hindi porket tinutulungan niya ako ngayon, mapapaniwala niya ako na wala
na naman siyang binabalak na masama.

"Ingatan mo si Gab. Baka magulat ka na lang na may kaagaw ka na sa kanya"
"Sino naman? Ikaw? Hindi mo maaagaw si Gab. I won't let that happen"
"Don't worry Jin. Wala akong balak agawin yang boyfriend mo. Yung half brother mo yung type ko
and not your boyfriend. It's Risa"
"Risa?"
"Yes. The girl from Japan. What if one day dumating na lang siya at agawin sayo si Gab? What
will happen to you na lang? Iiwanan ka ni Gab"
"That won't happen. Hindi yun hahayaan ni Gab mangyari. Ako yung.. pipiliin niya"
"Are you confident? Sa way ng pagkakasabi mo, it looks like you're not. Risa is Gab's first
love and for sure alam mo yun. He has feelings for Risa before and hindi pa din yun nawawala
until now. So be ready. Alagaan mo si Gab. Let's go, for sure hinihintay na nila tayo doon"
"Mika"
"What?"
"Thank you"
"Sure. No biggie"

Tama si Mika. Kailangan kong alagaan si Gab. Kailangan maging confident ako na no matter what
happens, ako lang talaga. What if dumating na lang siya? I can't let her take away Gab. Hindi
ako makakapayag dun. Kailangan ko bumawi kay Gab. Paglabas namin, nakasalubong namin si Zeke.
Napatingin naman din ako kay Mika.

"Zeke. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mika
"Jin! Andito ka pang pala" -Zeke

Nagulat ako kasi biglang sinuntok ni Mika si Zeke.

"You deserve that Zeke" -Mika
"Ano na naman bang problema mo Mika?!" -Zeke
"Wala naman. Hindi ko nagawa last tuesday e. Bye!"

Umalis na si Mika at naiwan kami ni Zeke dito. This is the same place kung saan kami nagaway ni
Gab.

"Charel, Are you okay? Sinaktan ka ba niya?"
"Ayoko na pagusapan yun. Okay lang ako"

Nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Zeke. Tama na. Mamaya may makakita pa satin ano pa--"
"Ssh. Wala akong pakialam sa kanila. 1 minute lang Charel. Pagbigyan mo naman ako"

Hindi na ako nagsalita. Pinagbigyan ko lang siya. Ang bilis ng heartbeat ko. Is it because may
feelings pa ako sakanya? Hindi! Hindi pwede yun kasi alam kong si Gab lang. Siya na din naman
nagkusa na kumalas sa hug tapos nginitian niya lang ako. That smile. Ilang beses ko palang
nakikita siya na ganun ngumiti and that's everytime na kasama niya si Mika. Ngayon lang siya
ngumiti ng ganun sakin.

"Okay ka lang ba? Go back to your senses Charel" sabe niya ng nakahawak sa mukha ko
"Yes. I'm okay"

Hinawakan ko naman yung kamay niya para tanggalin sa mukha ko pero bigla niyang itinaas yung
right hand ko.

"Official na ba? Engaged na talaga kayo?"
"Were not pero--"
"It's good na hindi pa. May pagasa pa ko sayo"
"Zeke--"
"Wag ka na magsalita. Kahit ayaw mo, wala kang magagawa pag gusto ko"
"No Zeke. Tama na"
"No Charel. Hanggang hindi official, may chance pa din ako. Remember this. It's better to lose
after trying than losing without even doing anything. Even if hindi man kita makuha pabalik, I
know that I tried so I won't have any regrets in the end. Please reconsider my feelings Charel.
Bye!"

Bigla naman niya kong kiniss sa pisngi tapos tumakbo siya. Hinayaan ko na lang. Naglakad na din
ako pabalik ng pwesto ko. Pagdating ko dun, nakaupo pa din dun si Vince at nandun na din si
Gab. Umupo naman ako sa tabi niya pero lumipat siya ng upuan. He's mad. Iniiwasan niya ko.
Sumenyas ako kay Vince na iwan muna kami.

"Oh pre. Alis muna ako. Mangchichicks muna. Oi Jin. Umayos ka dyan ah?" -Vince
"Oo na" sagot ko

Tumabi ako ulit kay Gab. This time, tumayo naman siya kaya hinawakan ko siya sa wrist niya at
tumayo din ako para yakapin siya. Nakayakap ako galing sa likod niya. Tatanggalin niya pa sana
yung kamay ko pero natigilan siya sa sinabe ko.

"I'm holding on to you Gab. Please wag mo ako pakawalan kasi baka bumitaw na lang ako ng
tuluyan"

Tinanggal niya ng tuluyan yung kamay ko tapos humarap siya sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Edi bumitaw ka na lang ng tuluyan Jin"
"How could you say that Gab?"
"Magkakasakitan lang tayo kapag nagkataon. Nasaktan na kita kanina. Ayoko na masaktan pa kita
sa susunod. Maghiwalay na--"

Bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit at nagpipigil ako ng luha.

"Hindi. Hindi pwede! Hindi ako papayag. Accident lang yung kanina. Hindi mo sinasadya yun.
You're joking right? Hindi na nakakatuwa yung joke mo. Wag ka naman ganyan oh"
"Jin"
"Hindi. Hindi ako kakalas sayo hanggang hindi mo sinasabe sakin na joke lang yun. Alam ko na
hindi ako deserving para sayo unlike Risa. Mas kilala ka niya, mas maganda siya, mas--"
"Hon. Tama na"
"Ayoko! Hindi tayo magbebreak. Hindi ako papayag. Alam ko naman na lacking ako sa qualities
para maging girlfriend mo pero--"

Nagulat ako kasi tinulak niya ako tapos hinalikan.

"Ang ingay mo. Ang dami mong sinasabe. Ang drama mo Jin. Hindi mo kasi muna ako pagsalitain. Oo
na, okay na tayo. Hindi mo na kailangan pa ikumpara sarili mo kay Risa. Selos ka siguro ano?"

Ngumisi siya at umupo kaya umupo na din ako sa tabi niya.

"Sino may sabi sayo na nagseselos ako! Bakit naman ako magseselos?! E ako naman yung love mo?"
"Sigurado ka?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Parang ganyan lang din yung tanong sakin ni Mika kanina.
Sigurado nga ba talaga ako? Hindi ee >__<

"Oh bakit hindi ka nagsasalita dyan?"
"W-wala. Hindi ka ba galit?"
"May dapat ba akong ikagalit?"
"Ee kasi yung kanina"
"Hindi ako galit"
"Thank you Gab"
"Ayoko na lalapit ka pa ulit kina Zeke at Terrence. Naiintindihan mo?"
"Ha? Bakit naman?"
"Sh*t! Manhid ka talaga Jin? Nagseselos ako"
"Oo na. Hindi mo na kailangan na sabihan ako ng manhid. Ayie. Nagseselos siya"
"Wag mo ibahin yung usapan. Basta umiwas ka hanggang pwede lalo na kay Zeke. Kung hindi lagot
ka sakin. Hihiwalayan talaga kita"
"Opo. Hindi mo na ako kailangan pang takutin"
"Bakit? Hindi ka ba natatakot?"
"Hindi. Bakit naman ako matatakot?"
"Hindi pala. Edi magbreak na tayo"
"Ayoko!"
"Akala ko ba hindi ka takot?"
"Hindi nga"
"Bakit ganyan ka makareact?"
"Nakakainis ka! Ang sama sama mo! Kung gaano ka kasama nung unang beses na nakita kita, ganun
ka pa din kasama!"

Pinagpapalo ko siya tapos niyakap niya naman ako kaya tinigil ko na kakapalo sa kanya. Sumandal
na lang din naman siya sa balikat ko.

"Sayaw tayo Gab"
"Ayoko. Mas gusto ko na ganito tayo"

Hinayaan ko na lang siya. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa biglang nagkalights na tapos
nagsiupuan na ulit yung mga students. Syempre, kami din ni Gab, umayos na.

"Excuse me if I interrupted all of you. Don't worry, this won't take long. After this, we can
proceed with the dancing. We will be giving the awards" -MC

Nagstart na sila magbigay ng awards. Nanalo ng "Star of the Night" sina Mika at Vince. Supposed
to be daw, si Terrence kaso hindi daw nila icoconsider kasi outsider.

"And now, the most awaited award, the prom king and queen. The prom king for this school year
and still the prom king.. Mr. Zeke Fraser Lopez!" -MC

Umakyat na siya sa stage. Ang galing naman. Siya ulit nanalo. Siya din kasi last year tapos si
Mika prom queen nun. Sino kaya ngayon?

"And this year's prom queen is.. Ms. Jin Charel Tan" -MC

Nagulat ako dun. Napatingin naman ako kay Gab tapos nagsmile lang siya. Umakyat na ako sa
stage. Inalalayan din naman ako ni Zeke.

"Congratulations Ms. Tan and Mr. Lopez" -MC
"Kiss!" sigaw ni Mika

Nagulat naman ako kasi bigla akong hinawakan ni Zeke sa mukha tapos hinalikan sa lips. Then
after that, may binulong siya sakin.

"Sorry I startled you. Pinagbigyan ko lang sila. Dont misunderstood" -Zeke

Nagulat ako kasi biglang tumayo si Gab tapos naglakad palabas ng room. Susundan ko sana siya ng
biglang hinawakan ni Zeke yung kamay ko.

"Wag mo ako ipahiya Charel. Don't do this. I'm begging you"
*******************************************
[77] CHAPTER 57.3: Prom (part 3)
*******************************************
Chapter 57.3: Prom (part3)


Jin's POV

Wala na din akong nagawa kasi ayoko naman ipahiya si Zeke. I don't have any other choice but to
stay. Pagkatapos ng mga kailangan gawin, nagstart na magparty yung mga tao kaya bumalik na ako
sa pwesto ko. Nandoon pa din naman si Vince. Umupo na lang ako at tinawagan ng tinawagan si Gab
pero hindi siya sumasagot. Sigurado ako nag alit yun. Ang short-tempered pa naman niya.

"Oh? Problema mo dyan?" taong ni Vince
"Obvious ba? Mukha namang alam mo yung nangyari ee. Lahat naman nakakita"
"Bahala ka nga dyan"
"Masunget!"
"Buti na lang talaga kapatid kita. Kasi kung hindi, baka nagkagusto na ako sayo at ganun din
nangyari sakin"
"Wow ah? Ang sama mo Vince. Imbis na icomfort mo ako, ganyan ka pa"
"Okay"

Nakakainis >__< lalo lang akong inasar. Nakita ng namomorblema ako dito e.

"Charel, let's talk" -Zeke
"Paano ba yan? Iwan ko muna kayo. Oi pre, umayos ka. Kapati ko pa din yan" -Vince

Pagalis ni Vince, umupo si Zeke sa tabi ko.

"Charel, I'm sorry. Alam ko na galit ka. I promise you that tonight will be the last time na
gagawin ko sayo yun"
"Zeke naman ee. Alam mo namang may boyfriend ako. Hinahayaan na lang kita sa gusto mo diba?
Pero yung ginawa mo kasi iba ee. Ano na lang iisipin nila? Lalo na ni Gab"
"Don't worry Charel. Hindi na lang muna kita guguluhin. Kakausapin kita ulit sa graduation. I'm
thankful kasi hindi ka umalis at hindi ako napahiya. Don't worry, I'll take care of it. I'll
make sure that by tomorrow morning, okay na kayo"

Umalis na siya. Ni hindi man lang ako hinayaan magsalita. Maya maya lumapit naman sakin sina
KL, Aine, Steven at Spencer.

"Bessy" -KL
"Jin, okay ka lang?" -Aine
"Baliw ka ba Aine? Mukha ba siyang okay? Obvious na magtatanong ka pa" -Steven
"Hoy Steven! Kapag hindi ka nanahimik, ipapahiya kita dito! Kanina ka pa ah?!" -Aine
"Guys, favor naman oh. Pwede niyo tawagan si Gab? Kailangan ko siyang puntahan ee"
"Jin, hayaan mo na lang muna siya. Mainit pa ulo nun. Kahit sino namang lalaki magagalit kapag
ganun" -Spencer
"Manahimik ka na nga lang Spencer! Nakita mo na ganyan na siya lalo mo pang kinokonsensya e!" -
KL
"Hayaan niyo na bessy. Magenjoy na lang muna kayo. Iwanan niyo na lang muna ako. Uuwi na lang
din siguro ako"
"Sure ka Jin?" -Aine
"Yup. Thank you sa inyo"

Hinanap ko na lang si Vince at niyaya siyang umuwi. Pumayag din naman siya kaya umuwi na kaming
dalawa. Paguwi namin, tinext ko na lang si Gab.

To: Gab <3
Hon, sorry na :( Hindi ko din naman alam na gagawin niya yun ee. Wag ka ng magalit oh? By the
way, happy monthsary. 2 months na tayo. Aabot tayo ng 1 year diba? :) I love you :* goodnight.

Sent! Ang aga pala namin umuwi. 11 pa lang ee >__< Alam ko na! Hihintayin ko makatulog sila
tapos aalis ako ng bahay. Mga 12 am na ng napansin kong tulog na si Vince kaya nagmadali ako
magayos tapos umalis ng bahay. Sinabihan ko din naman yung katulong. Dala ko din kasi yung car
ko. Nagdrive ako papunta sa Greenbelt para malapit lang sa bahay. Open pa naman mga bar dito.
Gusto ko maglasing. Sa isang sushi bar ako pumunta at doon ako uminom.

Gab's POV

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ako dinala ni Mika dati. Tama siya. Nakakagaan nga ng
loob kapag naglalabas ka ng sama ng loob. 3am na din at nagbabalak na ako umuwi. Kawawa naman
yung kapatid kong baliw dahil walang kasama.

*Axel calling..*

Kanina pa ako tinatawagan ni Jin pati nina Spencer kaya sigurado ako na siya din yung tumatawag
ngayon. Kung hindi man siya to, kaya sila tumatawag sakin ay dahil sa kanya kaya hindi ko
sasagutin. Ayoko pa siya kausapin.

*1 new message*

From: Axel
Gab, kasama mo ba si Jin? Nawawala siya.

Tinawagan ko agad si Axel at sinabihan siya na hahanapin ko si Jin. Saan na naman ba pumunta
yung babaeng yun? -___- Anong oras na oh. Dapat tulog na siya ng ganitong oras. Tinawagan ko
siya ng tinawagan pero hindi siya sumasagot. Mga naka sampung tawag na din ako bago siya
sumagot.

"Jin, nasaan ka?!"
[ honey? Is that really you? Are you mad? Sorry ]
"Hindi ako galit. Sabihin mo sakin kung nasaan ka. Pupuntahan kita agad"
[ I'm here at greenbelt ]
"Wag ka aalis dyan. Pupuntahan agad kita!"
[ shi ] (shi-yes)

Binabaan ko na siya at nagmadali pumunta sa Greenbelt. Tinawagan ko na din sina Axel. Gamit
kasi ni Jin yung sariling niyang kotse papunta doon kaya pinapunta ko sila para sila magdrive
pauwi. Pagdating ko sa greenbelt, mag4am na din ng umaga at nagsasarahan na yung mga bar. Saan
na naman ba nagsusuot yun? Sa pananalita niya, mukhang lasing na siya e. Nakita ko siya doon sa
isang bench malapit sa fountain. Nakaupo at bumabagsak na.

"Jin! Gumising ka"
"Honey? Is that really you? How could you be here? Have I fallen too hard? I know that I'm
drunk but seeing you now is unbelievable"
"Ako to. Uuwi na tayo okay? Hinihintay ko lang yung kuya mo"
"You jerk! How could you leave me there alone? You're so mean! Why don't you just trust me?
You're really the only one I love"

Umiiyak siya at nandito lang ako nakaupo sa harap niya at nakikinig.

"I want you to love only me. Honey, I'm really scared. What if that girl goes here? I'll
definitely lose to her. I don't want that to happen. I hate you! I really really hate you Gab
Teppei! I hate you because I love you so so so much"

Pagkatapos niya sabihin yun, nakatulog na siya ng tuluyan. Pagdating nina Axel at Vince, si
Axel na naguwi sa kanya at umuwi na lang din ako. Unang beses ko na nakita siyang ganun.
Hinding hindi siya yung Jin na nakilala ko pero ako yung dahilan ng paglalasing niya? Hindi ko
matanggap. Ganun na ba talaga niya ako kamahal? Wala na kaya talaga siyang feelings kay Zeke o
kahit kay Terrence? Sana nga oo.
*******************************************
[78] CHAPTER 58: She's here.
*******************************************
Chapter 58: She's Here


Jin's POV

Ang bilis ng araw. Hindi ko namalayan na March na pala. To be exact, March 17 na ngayon.
Malapit na din yung graduation namin. Sa sobrang bilis ng araw, wala din naman halos mga bagong
pangyayari.

Sina Zeke, Terrence at Mika hindi na nang gugulo kaya kahit papano, natahimik yung buhay ko.
Nakakapanibago nga ee. Siguro dahil nagiging busy din sila. Si Vince naman, pinipilit ko na
maghanap ng girlfriend pero ayaw niya. Si Mafelle nga pinupuntahan siya dito minsan pero hindi
niya pinapansin. Bad talaga nun.

Kamusta kami ni Gab? Okay na okay :) Hindi kami nagaaway kasi wala namang dahilan para magaway.
Masyado nga siyang mabait sakin e. Simula nung prom at naglasing ako, nagbago na siya. Hindi na
siya masyadong nagtatanong kung talagang love ko siya. Parang nabuo na talaga yung tiwala niya
sakin which is good. Hindi ko alam kung ano yung dahilan sa mga pagbabago niya pero may hindi
nabago sa kanya, yung pagsusungit niya. Yun ang ugali niya na hindi ko na ineexpect na magbago
sa kanya. Nature niya na ata yun ee -___-

Nandito ako ngayon sa loob ng car ko. Nandito kasi ako sa tapat ng bahay nila at hinihintay ko
na lumabas siya. Pupunta kasi kami sa airport. Dadating na kasi yung dad niya. Magdidinner nga
din kami mamaya ni kuya sa bahay nila ee. Nakakatuwa naman ^__^ Pagdating din daw dito nina
Mommy, magdidinner daw kami kasama ng family ni Gab. Magtatagal daw kasi yung dad ni Gab
hanggang sa day ng graduation :) Sina Mommy kasi, sa wednesday pa dadating. Namimiss ko na sila
ni daddy! Nakapagexam na din kami kahapon. Sa Monday irereveal yung ranking para sabay daw sa
graduation practice. Sana ako valedictorian ^__^ Paglabas ni Gab, pumasok na kami sa sasakyan.
Ako yung magdadrive ngayon. Gusto ko din kasi magamit tong car ko. Hindi pa din kasi ako ganun
kagaling magdrive. Medyo hirap pa ako magpark >___<

"Ako na lang magdadrive" -Gab
"Honey naman e! Minsan lang to"
"Mabagal ka kasi magdrive"
"Maaga pa naman oh"
"Ngayon lang to. Hindi na kita pagbibigyan sa susunod"
"Opo. Don't worry. Baguhan pa lang kasi ako diba? Porket ikaw magaling ka na magdrive e.
Hintayin mo lang talaga na gumaling ako. Makikipagracing pa ako sayo"
"Para namang matatalo mo ako. Wag ka na managinip ng gising"
"Ang yabang talaga"

Nagstart na ako magdrive ng sasakyan. Hindi naman ganun kalayo yung airport dito e. Kung
mabilis ka naman magdrive at hindi traffic, mga 15-30 minutes lang. Pagdating namin dun,
nagpark na kami ng sasakyan at nagproceed na sa arrival area. Medyo maaga din naman yata kami.

Hindi ko alam kung si Mika ba talaga yung nakikita ko o kamukha niya lang. Nakatali kasi yung
babae na yun. Si Mika kasi, nakalugay palagi. Mukha kasing may hinihintay din. Napansin ko din
naman na napapatingin yung girl samin at lumapit siya. Si Mika nga. Ano naman kaya yung
ginagawa niya dito sa airport? E ang alam ko, yung parents niya nandito lang sa Philippines
nagwowork.

"I wasn't expecting you guys here. It's really a coincidence. Do you mind joining me? I'm a bit
alone and bored na kasi. I promise I won't do anything that's not good" -Mika
"Sure" sagot ko

Ang awkward kasi pinagitnaan niya kami ni Gab. Si Gab nga mukhang nainis na at sinabe niya na
magiikot daw muna siya. Si Mika na lang yung kasama ko ngayon at nakakapit pa din siya sa braso
ko. Ang weird niya. Usually kasi kapag ganito na kaming dalawa lang, iniinis niya ako.

"Mika?"
"Why? What's wrong with you Jin?"
"Nothing"
"Congratulations Jin. For sure, ikaw na yung Valedictorian. Pinagbigyan na kita. Just take that
as a farewell gift"

Natahimik na lang ako. Naninibago talaga ako kay Mika. She's not like this. May sakit ba siya?
Bakit ang bait ng dating niya sakin ngayon? Hindi pa din ako pwedeng magpadala sa actions niya.
Last time na naging mabait siya sakin ay nung prom pa. Sinabe niya pa na magpaganda ako dahil
ako yung prom queen tapos may ginawa si Zeke at nagaway kami ni Gab. May mga pinaplano na naman
siguro siyang hindi maganda. Hinila niya ako bigla at may sinalubong siya na girl. Ang puti
nung girl tapos may mahabang hair na kulot. Malaki din yung mata niya kaya naging cute siya.
Kaheight ko lang din halos. Parang familiar yung mukha niya pero hindi ko maidentify kung sino.

"Hello Risa, it's so nice to meet you. Hey Jin, this is Risa and Risa, this is Jin" -Mika
"Risa?" tanong ko
"Kilala ko siya" sabi ni Risa.

Mukhang hirap siya magtagalog pero pinipilit niya. Biglang dumating si Gab tapos mukhang gulat
siya sa pagkakakita niya kay Risa. Lumapit naman si Risa sa kanya tapos niyakap siya. Edi ako
na yung nagseselos sa kanila >__< Dumating na yung araw na kinakatakutan ko, yung pagdating
dito ni Risa. Paano na lang kung bawiin niya si Gab sakin? Paano na ako? :( Hindi ko lang din
talaga alam kung paano nagkakilala si Mika at Risa. Mukha din kasing hindi alam ni Gab yung
pagdating niya kasi kung alam to ni Gab, sinabe niya na sakin. Tinulak siya ni Gab tapos hinila
ako ni Gab palayo. Pumunta kami sa kung saan may mauupuan kami.

"Jin, wala akong alam dito"
"Alam ko yun honey"
"Hindi ka galit?"
"Hindi po"
"Ang tahimik mo. Nasaan na yung girlfriend ko na maingay?"
"Gab kasi.."
"Ano yun? May problema ba?"
"Si Risa.. Paano kung--"
"Wag ka magpaapekto kay Risa. I'm yours okay? Don't worry"
"Natatakot ako"
"Wag ka na matakot. Hindi kita iiwan Jin. Wag ka magalala. Ipapaalam ko sayo yung mga
mangyayari. Ako naman pagkatiwalaan mo ngayon Jin"
"Sige na nga"
"Okay ka na?"

Nagnod lang ako. Hindi din nagtagal at nakita ko yung dad ni Gab. Ang gwapo din ng dad niya.
Japanese na japanese. No wonder why gwapo si Gab. Tumayo na ako at lumapit sa kanila. Kanila
kasi may kasama yung dad ni Gab. Hindi ko naman kilala kasi ngayon ko pa lang nakikita yun.
Mukha ngang assistant lang ng dad ni Gab ee. Ang bata pa kasi tingnan nung kasama niya.

"Hello po tito James! How are you? Ang tagal ko din po kayong hindi nakita" Sabi ko
"Hello din iha" -tito

Napansin ko na nakaupo pa din doon si Gab kaya bumalik ako para hilain si Gab at kumapit sa
braso niya. Paglapit namin ni Gab sa kanila, tahimik lang siya. Para ngang wala siya sa mood.

"Honey, may problema ba?" tanong ko kay Gab
"Wala. Tara na"

Nakakapanibago si Gab. Parang kanina okay lang naman siya ah? Pagkakita niya sa dad niya,
nagbago agad yung mood niya. Ano bang meron? Naguguluhan naman ako oh. Pagdating namin sa
sasakyan, nagdrive lang siya.

"I don't like her for you Gab. Wala siyang manners" sabi nung babae na kasama ni tito
"Pwede ba wag mo na pakialaman yung buhay ko?!" -Gab
"Shiela, tama na! Wag mo na pakialam yung anak natin sa ginagawa niya!" -tito
"M-mommy kayo ni Gab? S-sorry po hindi ko kayo nabati kanina, hindi ko po alam"

Nakakahiya >__< Hindi ko alam na mommy siya ni Gab. Ang simple lang kasi ng ayos niya ee. Akala
ko talaga, secretary lang siya ng daddy ni Gab pero hindi ko maintindihan kung bakit parang
galit si Gab sa mommy niya.

"Shut up! Usapan namin tong pamilya. Wag ka sumabat! Get off of this car, NOW!" -tita
"Ano ba?! Kayo yung bumaba dito" -Gab

Pinagilid naman ni Gab yung sasakyan tapos tumigil siya.

"Bumaba na kayo" -Gab
"How dare you?! Siya dapat yung bumaba dito!" -tita
"Sa kanya tong sasakyan na gamit ko. Pwede ba manahimik ka na lang?" -Gab

Nanahimik na lang naman yung mommy ni Gab hanggang sa dumating kami sa tapat ng bahay nila at
nakapasok na sa bahay nila yung parents ni Gab. Kami na lang yung naiwan dito.

"Hahatid na kita" -Gab
"Wag na Gab. Ako na lang magdadrive pauwi. I think kailangan niyo magusap ng mommy mo. Mukhang
nagaway pa kayo dahil sakin e"
"Ayoko. Hindi naman ikaw yung may kasalanan kung bakit ako may galit sa kanya"
"Basta Gab, magusap muna kayo ng matino. I think I know the reason why nagbago yung mood mo
kanina. Magusap na lang tayo mamaya pagdating namin ni kuya dito"
"Sigurado ka?"
"Yup. Sige na. Spend your time with your family muna"
"Ingat ka sa paguwi ah?"
"Opo. See you later honey"

Lumabas na siya ng sasakyan at lumipat na din ako ng pwesto at umuwi. Pagdating ko ng bahay,
mga 3pm na din. 6 kami pupunta kina Gab kaya magaayos ako mamaya. Nakakahiya talaga sa parents
ni Gab. Hindi ko kasi alam na mommy niya yun ee >__< Wala kasing kinekwento sakin si Gab
tungkol sa mom niya. Kapag nagtatanong naman kasi ako, umiiwas siya. Hindi ko alam kung paano
ako magugustuhan ng mom ni Gab pero gagawin ko yung best ko para lang magustuhan din niya ako.

***

Magsi6 na ng gabi. Nandito pa kami sa bahay. Hinihintay ko lang si kuya kasi nagbibihis pa
siya. Galing kasi siya ng school niya dahil nagpasa sila ng requirements. Wala na kasi silang
pasok at requirements na lang yung kailangan. Hindi nagtagal at bumaba na din si kuya.
Nakacheckered lang siya na longsleeves tapos pants na black. Ang gwapo ni kuya ^__^ Nasabi ko
na ba na hindi na ulit siya black hair? Nagsawa na daw siya kaya pinakulayan niya na ulit. Ako
naman, naka tube na top at skirt tapos nagcardigan ako. Nakaponytail lang din yung buhok ko at
hindi na din ako naglagay ng make-up para simple lang :) Pagdating namin sa tapat ng bahay
nila, nandoon si Gab sa labas. Sabay sabay na kami pumasok at nagdinner. Tahimik lang nung
dinner at walang nagsasalita. Siguro dahil may pagkaawkward. Nasabi din kasi sakin ni kuya yung
tungkol sa kanila ni Mafelle. Siguro may konting ilangan pa din sila.

Pagkatapos ng dinner, nauna na umalis si kuya at ipinagbilin niya ako kay Gab. Lumapit naman
sakin yung mom ni Gab at sinabe na gusto niya ako makausap in private. Yung kaming dalawa lang
daw at pumayag na ako. Nandito kami ngayon sa isa sa mga kwarto sa bahay nina Gab. Kami lang ni
tita Shiela yung nandito.

"Tita, about po sa nangyari kanina--"
"Don't call me tita. Hindi tayo close"
"Sorry po ma'am. About sa kanina, I want to say sorry. Hindi ko po talaga alam na mommy kayo ni
Gab"
"I'll go straight to the point na iha. I don't want you for my son. I heard so many things
about you when I was in Japan at ito lang ang masasabi ko, you don't deserve Gab. Masasaktan
lang ang anak ko sayo. He deserves someone better just like Risa. Can you understand that?"
"I understand ma'am but I can prove to you that I'm also deserving to be with Gab. I will do my
best para magustuhan niyo po ako. I can be a better person for Gab po"
"I know that you can't be better than Risa. She's smart, talented, independent, pretty, she has
everything a man would wish to find in a girl"
"I can be like her po"
"Don't waste your time iha. Just break up with Gab. Even though gayahin mo pa siya, siya pa din
yung gusto ko for Gab. This is the best thing I can do to help you because in the end, it will
still be Risa. Siya lang yung girl na papayagan kong ipakasal sa anak ko"
"But--"
"No more buts iha. You're annoying me. I really can't like someone like you. You may now leave
our house. If you really love my son, layuan mo na siya. Maybe in that case, magustuhan pa kita
kahit kaunti. I guess, that's all for now. I just hope na hindi to makakarating sa kanya"

Lumabas na kami doon sa room tapos pagpunta namin sa living room sa kung nasaan si Gab, nakita
ko na nandun na si Risa at katabi siya ni Gab. Nakikita ko din naman na ngumingiti si Gab.
Pagkakita naman sakin ni Gab, nilapitan niya ako agad.

"Gab, uuwi na ako" pabulong kong sinabe kay Gab
"May problema na naman ba tayo?"
"Wala naman. Baka kasi hanapin na ako ni kuya ee"
"Sige"
"Tito, uuwi na po ako"
"Why don't you stay here a little longer? Para naman makabonding mo din si Risa" -tito
"Ah. Sige po tito"

Nagstay lang naman kami sa living room. Iniwan na din naman kami ng parents ni Gab pati ni
Mafelle. Kami na lang nina Risa at Gab yung naiwan dito. Ang awkward. Nakaupo kami dito tapos
nasa gitna namin ni Risa si Gab at nagkekwento lang si Risa kay Gab. Nakakailang tuloy kaya
nanahimik na lang ako. Mabait at makulit si Risa. Napapangiti niya din si Gab pero ako, lagi ko
na lang sinasaktan si Gab. Bagay sila at aminado ako dun. I know that she's better than me.
Feeling ko nga din mas magiging masaya si Gab sa kanya compare sakin. Tama yung mom ni Gab.
Masasaktan ko lang si Gab kapag pinilit ko pa. I guess he's better without me. Kagaya ng sinabe
ng mom niya, if I really love Gab, iiwan ko siya. Should I do that? Sobrang love ko na si Gab
ee :( I don't know what should I do. I also deserve to be happy right? Gab also deserves to be
happy. Ang gulo na. Tumayo na ako magisa.

"I'm going home" sabe ko
"Can't you stay a little longer?" -Risa
"I can't. Baka magalit yung kuya ko"
"Hatid na kita" -Gab
"Wag na Gab. Pwede naman ako magpasundo kay kuya ee"
"Just stay here na lang Gab para makapagusap pa tayo" -Risa
"Pwede naman tayo magusap sa susunod Risa" -Gab
"Okay. Sabay na lang ako sa inyo. Magpapahatid lang ako sa condo. Is that okay with you Jin? If
not, okay lang naman sakin" -Risa
"Sige na Gab. Hatid na natin siya"

Hinatid na lang namin siya sa sinabe niya na lugar. Pagkatapos nun, umalis na din kami.

"May sasabihin ako sayo. Okay lang ba na wag ka na muna umuwi? Pumunta muna tayo sa park" -Gab
"Sure. May sasabihin din ako sayo e"

Natatakot ako sa mga pwedeng sabihin ni Gab. Natatakot din ako sa mga pwedeng mangyari samin
lalo na at nandito na si Risa.

*******************************************
[79] CHAPTER 59: His past
*******************************************
Chapter 59: His Past


Jin's POV

Pumunta kami ni Gab sa MOA. Bumili muna kami ng drinks sa grocery tapos doon kami pumunta sa
may seaside banda. Naghanap din kami ng pwesto na wala masyadong tao para makapagusap kami ng
maayos.

"Ang sarap ng hangin ano?" -Gab
"Ah. Oo nga ee. Ano ba yung sasabihin mo pala?"
"Tungkol yun sa nanay ko pero mukhang importante din yung sasabihin mo kaya ikaw na muna yung
magsalita"
"Gab, kanina pa kasi ako naguguluhan. Tama na, tigilan na natin to"
"Anong ibig sabihin mo Jin?"
"Break na tayo Gab. Ayoko na"
"Ano ba naman ba to hon? Hindi nakakatawa. Ano ba talaga yung sasabihin mo?"
"Gab narinig mo ako. Hindi ako nagjojoke, I'm serious. I'm breaking up--"
"Tama na yan, hindi na ako natutuwa Jin. Sabihin mong nagbibiro ka lang. Kung hindi tatalon ako
dito"
"Wag ka naman ganyan oh? Nahihirapan ako lalo ee"
"T*ng*nang buhay naman to oh! Akala ko ba wala tayong problema? E ano to?"

Natatakot na naman ako kay Gab. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang.

"Akala ko din wala pero meron pala talaga. Tigilan na natin to"
"Gusto mo talaga tumalon ako dito?"
"Gab ayoko. Wag mo naman na ako masyadong pahirapan oh? Pumayag ka na lang"
"Jin, ano ba talagang problema? Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi lang ikaw yung
nahihirapan. Sa ginagawa mo, nahihirapan din ako. Kung may problema, ayusin natin. Wag yung
ganito"
"Gab"
"Hindi mo na ba ako mahal? Ganun ba? Yun ba yung dahilan?"
"Hindi"
"E ano? Hindi ako papayag na tapusin na lang natin to ng ganun lang. Hindi ako papayag Jin
hanggang hindi mo sinasabe sakin yung dahilan"

Hindi ko alam kung paano ako mageexplain kay Gab >__<

"Mananahimik ka na lang dyan? Nagusap kayo kanina ng nanay ko. Anong mga sinabe niya sayo?"
"Walang kinalaman yung mommy mo dito Gab"
"E ano Jin?! Wag mo ako pagmukhain na tanga dito! Kung gusto mo makipaghiwalay, papayag naman
ako pero sana binibigyan mo ako ng dahilan kung bakit"
"Ayoko na magexplain. Magbreak na tayo!"
"Ewan ko sayo Jin. Tara na, ihahatid na kita sa inyo"
"Ayoko! Hanggang hindi ka pumapayag makipagbreak, hindi ako aalis dito"
"Ayaw mo? Bahala ka. Kakaladkarin kita pauwi"

Pinilit niya ako pauwi at hinihila ako. May naencounter kami na 4 na lalaki.

"Miss, may problema ba dito? Pre, mukhang hindi ka kilala nito ah? Wag mo pilitin kung ayaw" -
guy 1
"Wala na kayong pakialam dun" -Gab
"Aba! Gago pala to e! Tuturuan na namin to ng leksyon miss ah?" -guy 2

Pinagsusuntok nila si Gab pero hindi siya lumalaban. Ano ba naman siya?! Usually kapag ganito
lumalaban siya. Kaya niya naman sila ah?!

"Ano? Hihiga ka na lang dyan?!" -guy 3
"Lumaban ka naman! Ang lakas ng loob mo tapos weak ka pala!" -guy 4

Hindi sumasagot si Gab at binugbog pa nila lalo.

"Tama na po! B-boyfriend ko siya" sigaw ko
"A-ano?! Sigurado ka ba miss? Baka naawa ka lang? Tutuluyan na namin to!" -guy 1
"Hindi po. Boyfriend ko talaga siya"
"Pasensya na miss, hindi namin alam. Akala naming masamang tao siya. Hindi ka naman agad
nagsalita. Sigurado ka dyan ah? Sige, alis na kami" -guy2

Nilapitan ko agad si Gab tapos tinulungan makatayo pero tinulak niya lang ako at tumayo siya
magisa. Nauna na lang din siya maglakad kaya sumunod na lang ako. Hindi ko alam na hindi siya
lalaban. Hindi naman siya pumapayag na mabugbog na lang e. I feel sorry kay Gab. Sobrang
nabugbog siya nung 4 na lalaki na yun. Pagdating namin sa parking lot, pumasok na lang siya
agad sa sasakyan kaya pumasok na lang din ako.

"Bakit hindi ka lumaban?! Nabugbog ka tuloy!" sigaw ko

Hindi siya sumagot at nagdrive na lang siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.
Hindi din naman ako agad bumaba ng sasakyan pagtigil niya.

"Wala ka talagang balak sabihin sakin? Kung wala, pwede ka na bumaba" -Gab
"Gab, I'm sorry"

Pagtapos ko magsorry, lumabas na din ako nga sasakyan niya at pumasok ng bahay. Bakit nga ba
ako nakikipagbreak? Dahil yun sa mga sinabe ng mom ni Gab. Naisip ko lang talaga na tama siya.
Gusto ko din naman kasi na magkaroon ng masayang buhay si Gab e. Hindi ko lang talaga alam kung
paano siya kakausapin.

*Monday, March 19

Wala na kaming klase ngayon pero pinapasok kami para sa graduation practice. 3 hours lang yung
pasok namin ngayon. 7:30-10:30 lang. Naannounce na din yung honor roll. Ang saya kasi ako yung
valedictorian tapos si Mika yung salutatorian pero hindi ako ganun kasaya kasi nga konti lang
din yung difference ng average namin. Matalino naman kasi talaga si Mika. Natapos yung practice
nang hindi ako kinakausap ni Gab. Ni hindi din siya umiimik kahit sina Steven at Spencer yung
kausap niya. Uwian na din namin ngayon. Sina KL, Spencer at Steven, sabay sabay umuwi at nauna
na sila umalis. Si Gab naman, nakita ko na naglalakad pa lang papunta sa parking lot kaya
nilapitan ko siya.

"Gab, let's talk"

Hindi niya ako pinapansin at tuloy tuloy lang siya sa paglakad.

"Ui Gab! Kausapin mo naman ako oh? Wag ka naman ganyan. Bigla bigla ka na lang hindi namamansin
e"

Hindi niya pa din ako pinansin tapos pumasok na siya sa sasakyan niya at in-on yung engine.
Nung pinaandar niya na, bigla akong humarang sa daan. Natakot din ako kasi muntik na ako
masagasaan pero iniwas naman ako kaagad ni Zeke. Tuluyan na lang din naman siya umalis.

"Charel, okay ka lang ba?"
"Okay lang ako Zeke. Thanks"
"Baliw ka ba? Gusto mo na ba magpakamatay?! Anong nangyari? LQ kayo?"
"Hindi ah! Uuwi na ako"
"Wala kang kasabay? Hatid na kita"
"Ha? Ah-- eh--"
"Ih, oh, uh? Wag ka magalala. Ginagawa ko to because I'm your friend. There are no other
reasons"
"Sige na nga. Kina Gab mo ako ihatid ah?"
"Sure"

Sumakay na din ako sa car niya at hinatid niya ako sa tapat ng bahay nina Gab.

"Thanks Zeke ah?"
"Sure. Anytime"

Pagbaba ko, nagdoorbell na ako agad. Nagulat ako kasi si Risa yung nagopen ng gate. Nandito na
naman pala siya. Pinapasok lang naman nila ako.

"Why are you here pala Jin?"
"Si Gab ba nandito?"
"Yes he's here but we're going to MOA kasi but if you want, you can come with us then when we
get there, I'll give the two of you some time to talk"
"Thank you Risa"
"You're welcome Jin"

Ang bait nga talaga ni Risa. Alam ko na gusto niya makasama si Gab pero pinayagan niya pa din
na ako muna yung samahan ni Gab mamaya. I envy her. She will really become a good girlfriend in
the future. The guy that he will be with her is very lucky. Hindi nagtagal at nakita ko na si
Gab. Nakapalit na siya ng civilian attire. Sabagay, gagala sila e. Naka uniform pa pala ako
>__<

"Gab, Jin will be joining us. She wants to talk to you. Oh wait, I can lend you some clothes
Jin. You can't go to the mall like that. Come with me" -Risa

Hinila ako ni Risa papunta sa isang room sa bahay nina Gab tapos kinuhanan niya ako ng damit at
inabot sakin yun. Skirt at top yung binigay niya.

"Dito ka na nagsstay?" tanong ko
"Yes. Tita told me to stay here with them"

Nagbihis na lang din ako.

"You really look good when you're wearing skirt. You can have those clothes. Just take it as a
gift from me"
"Thank you Risa"
"No problem"

Pagbaba namin, pumunta na kami agad sa labas. Nakaready na yung sasakyan ni Gab. Si Risa yung
umupo sa front seat tapos ako sa back seat. Pagdating sa MOA, sabi samin ni Risa na mag gagala
daw muna siya tapos babalikan niya na lang kami ni Gab. Nandito lang kami ni Gab sa Starbucks
ngayon.

"Gab, magusap naman tayo oh"
"Sabihin mo na yung sasabihin mo. Makikinig ako"
"May sagot ka na ba?"
"Sinabe ko na sayo. Hanggang hindi ko alam yung dahilan, hindi ako papayag na makipagbreak ka
sakin"
"May sinabe kasi sakin yung mommy mo tapos--"
"Sabi ko na nga ba at may kinalaman siya dito"
"Wala Gab. Thankful pa nga ako sa mommy mo kasi sinabe niya sakin yung dapat kong gawin. Hindi
naman dahil sa sinabe niya na makipagbreak ako sayo kaya ako nakikipagbreak e"
"Sinabihan ka niya na makipagbreak sakin? Bakit ka naman pumayag?"
"Oo pero hindi naman ako pumayag e. Napagisip isip ko din kasi na tama siya at masasaktan lang
kita. Naisip ko din na mas magiging masaya ka kay Risa. Nakita ko kasi na napapangiti ka talaga
niya e"
"Akala ko ba ayaw mo na mapunta ako kay Risa?"
"Pero kasi Gab, ngayon alam ko na mas sasaya ka sa kanya kaya okay lang. Love kita kaya ko
ginagawa to"
"Tingin mo mas sasaya talaga ako sa kanya? Hindi Jin. Yung mga dahilan mo, hindi ko kaya
tanggapin kaya hindi tayo magbebreak. Tapos ang usapan. Wag ka na magsalita tungkol dito"
"Pero--"
"Magaaway na naman ba tayo?"
"Gab kasi.."
"Jin naman"
"Oo na, hindi na. Ano pala yung sasabihin mo?"
"Tungkol sa nanay ko. Matagal ka ng nagtatanong sakin tungkol sa kanya. Tutal nakilala mo na
siya, naisip ko na dapat malaman mo na din to"
"Ganun ba? Hindi naman na kita pinipilit Gab e. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw mo
sabihin"
"Nasabi ko na sayo dati na ayaw ko sa mga babae diba? Lalo na sa maiingay. Si Mafelle lang yung
natitiis ko sa kaingayan. Ang dahilan kung bakit, yung nanay ko. Hiwalay na sila ni Dad matagal
na. Elementary pa lang ako nun. Hindi kasi matiis ni Dad yung pagiging mareklamo ni Mama nun.
Puro din kasi business si Dad"
"I'm sorry to hear that"
"Simula nung naghiwalay sila, sa ibang bansa na tumira si Mommy. Umuwi lang siya dito nung
graduation ko nung grade 6 tapos ngayon lang ulit siya nagpakita"
"Yun ba yung dahilan kung bakit ganun yung reaction mo nung nakita mo siya?"
"Oo. Galit kasi ako. Lalo lang ako nagalit nung sinabihan ka niya na ayaw niya sayo"
"Gab, I think kailangan niyo yan ayusin ng Mommy mo"
"Ayoko"
"Ikaw talaga"

Bigla naman nagring yung phone ni Gab kaya sinagot niya muna. Si Risa yung tumawag.

"Bakit daw Gab?"
"Naligaw si Risa. Hanapin na lang natin"
"Ikaw na lang maghanap sa kanya, uuwi na ako"
"Ihahatid na lang kita kapag nakita ko na siya"
"Okay lang ako. Hanapin mo na lang siya. Kaya ko na umuwi magisa, itetext na lang kita kapag
nasa bahay na ako"
"Jin"
"Honey, time niyo dapat to ni Risa together. Okay lang naman sakin e. Pinagbigyan niya ako
kausapin ka kaya pagbibigyan ko din siya. Ang importante ngayon, okay na tayo"
"Sigurado ka?"
"Yup. Sige na, hanapin mo na siya"
"Magingat ka ah?"
"Opo"

Umalis na ako papunta dun sa sakayan ng taxi. Si Gab naman hinanap na si Risa. Paguwi ko,
tinext ko din agad si Gab. Pumayag na ako na makasama niya si Risa kasi minsan lang naman yun.
What's important for now is okay kami ni Gab at hindi kami natuluyan na magbreak. Ang gulo na
kasi ng utak ko kaya ko naisipan yun. Iniisip ko lang din naman si Gab. Hayaan ko na nga yun,
ang mahalaga, okay kaming dalawa.

*******************************************
[80] CHAPTER 60: JiRiel Moment
*******************************************
Chapter 60: JiRiel Moment


Jin's POV

Tuesday, March 20.

Nandito ako ngayon sa room ko kasama si Gab. Wala kasi ngayon dito si Vince. Pumunta siya ng
Laguna kasi nga may mga aasikasuhin doon sa EK.

"Hon" -Gab
"Oh bakit?"
"Belated happy monthsary"
"Ha?"
"Hindi kita nabati nung 17"
"Belated happy monthsary din!"
"Anong gusto mong regalo?"
"Gift? Having you by my side is enough Gab. Ano pa bang hihingin ko diba? Wag ka lang aalis at
wag mo akong iiwan. That will be the best gift that you can give me. Ano ba naman yan?! Why do
I feel like may mawawala satin?"
"Drama mo!"
"Nagtatanong ka tapos sasabihan mo ako ng madrama?! Ayun lang yung comment mo sa sinabe ko?"
"Wag ka magalala, hindi kita iiwanan. Baka nga ikaw pa mangiwan dyan e"
"Hindi ah! Bakit naman kita iiwan?"
"Ang daming lalaking nakapaligid sayo"
"Parang sayo wala ah?!"
"Tss"
"Masungit"
"Natural na sakin yan. Hindi mo na kailangan pa sabihin"
"Oo na!"
"Teka lang, hindi ko pa alam middle name mo Jin"
"Oo nga ano? Hindi ko pa din alam middle name mo ee. Chavez yung sakin. Ikaw?"
"Velasquez"
"Ang ganda ng middle name mo Gab!"
"Parang hindi naman"
"Ui, diba magaling ka magbasketball? Turuan mo ako ah?"
"Sa bakasyon"
"Really?! Tuturuan mo talaga ako?!"
"Oo. Wag ka masyado matuwa baka magbago pa isip ko"
"Hindi na magbabago yan! Hahaha!"
"Okay"
"Magtanungan na lang tayo ngayon ng tungkol sating dalawa. Pakiramdam ko kasi hindi pa kita
ganun ka kilala ee"
"Magtanong ka lang"
"Kailan ka nagstart magkagusto sakin Gab?"
"Kailan nga ba? Nung birthday mo yata? Hindi ko na maalala"
"Ano naman nagustuhan mo sakin?"
"Wala"
"Walaaa?! Imposible!"
"Hindi ko nga alam kung bakit kita nagustuhan e. Kakaprotekta ko siguro sayo sa Zeke na yun,
nagkagusto ako sayo. Ayun lang yung alam ko"
"Ano ba naman yan?! Ang daya naman nun. Ni hindi mo man lang alam kung ano nagustuhan mo sakin.
Hindi mo ba ako tatanungin kung kailan kita nagustuhan?"
"Sa gulo ng isip mo, sigurado ako na hindi mo alam"
"Ang sama mo Gab! Wait, iisipin ko kung kailan kita nagustuhan. Nagustuhan lang naman diba?
Feeling ko nung bago ka umalis papuntang Japan"
"Tingnan mo, hindi ka sigurado"
"Oo na. Ang daya kasi e! Tanungin mo din ako dali na kasi!"
"Ayoko"
"Bahala ka nga. Yung nagustuhan ko sayo, yung pagiging sweet mo pati yung pagiging caring mo"
"Tinatanong ko?"
"Nakakainis ka Gab! Ang sama sama mo talaga!"
"Hindi naman"
"Umayos ka naman kasi Gab!"
"Maayos naman ako ah?"
"Umuwi ka na lang kaya?! Hindi naman kita makausap ng maayos e!"
"Aayos na"
"Sure?"
"Oo na"
"Napilitan ka lang e"
"Hindi"

Humiga siya sa kama ko tapos tumabi na lang din ako sa kanya.

"Magreminisce tayo ng memories nating dalawa Gab"
"Ayoko"
"Bakit naman?"
"Puro bad memories meron ako sayo e"

Tinulak ko siya sa kama para mahulog siya. Ang sama sama niya >__< Kakaiba yung trip niya
ngayon ee.

"Bakit mo ako hinulog?!"
"Puro bad memories ah?! Nakakainis ka! May good naman siguro"
"Gusto mo sabihin ko sayo lahat ng bad memories?"
"Sige nga! Tingnan natin kung gaano kadami!"
"Sinipa mo ko nung first day"
"Ang sungit mo kasi nun e!"
"Nadetention tayo dahil sa kaingayan mo"
"Hoy! May kasalanan ka din nun!"
"Sinukaan mo ako nung birthday mo"
"Lasing kasi ako nun! Hindi ko naman yun sinasadya e. Pati yun naaalala mo pa"
"Sinabe ko sayo, puro bad memories lang meron"
"May good din naman e. Sige, ano pa?"
"Tinatamad na ako magkwento"
"Ang tamad mo talaga Gab! Wait. Magiisip ako ng good na memory"
"Ge"

There must be something good na nangyari samin ni Gab dati. Imposible na wala. Ah, alam ko na!

"Yung good na memory is yung ipapakasal tayo. Diba? Doon pa sa bahay niyo yun?"
"Parehas lang tayo may ayaw nun kaya hindi good yun"
"Pero gusto mo na ngayon na tayo na diba? Edi good yun"
"Sigurado ka?"
"Oo naman"
"Bad yun. Doon nagsimula lahat. Nahirapan ako dahil sayo. Pinahirapan mo pa ako ng ilang buwan,
sasagutin mo din pala ako"
"Pero basta good yun para sakin. Kung ayaw mo, edi wag! Hindi naman kita pinipilit e!"
"Okay"

Ano ba naman yan? >__< Dahil sa kasungitan ng taong to, wala na akong masabi. Kailangan ko
magisip ng sasabihin sa kanya. Ang boring naman kasi kapag ganito e. Ang hirap niya naman kasi
kausapin dahil ang tipid niya sumagot.

"Gab?"
"Oh?"
"Sana tayo na hanggang sa makagraduate tayo ng college ano? Lalo na ngayon, ang dami nating
pinagdadaanan. Yung mommy mo, ayaw niya sakin tapos si Risa, paano na lang kapag inagaw ka niya
sakin Gab?"
"Wag mo na isipin yang mga bagay na yan. Sisiguraduhin ko na tayo pa din hanggang sa huli. Wag
ka magpaapekto sa sinasabe ng nanay ko, kahit ayaw niya sayo ipaglalaban kita. Tungkol kay
Risa, napagusapan na natin to diba?"
"Ang hirap kasi Gab ee. I feel like giving up"
"Give up? Ipaglalaban kita diba? Kung susuko ka lang din, sayangs lang kapag pinaglaban kita.
Ganyan talaga Jin, kailan ka pa ba nakakita ng perfect relationship?"
"Gab.."
"Bakit ba pakiramdam ko iiwanan mo ako? Na mawawala ka?"
"Hindi naman ganun yun ee. Natatakot lang ako na mawala ka sakin"
"Basta sisiguraduhin ko na tayo pa din hanggang sa huli kaya wag ka na magalala"
"Paano naman?"
"Just wait and see"
"Sige na nga"
"May school ka na ba na papasukan?"
"Wala pa pero pumasa ako sa entrance exams sa UP. I want to study there pero hihintayin ko muna
sina Mommy before ako magdecide. E ikaw Gab?"
"Pumasa din ako dun pero ayoko na kasama ka sa isang school"
"Bakit naman?"
"Nakakasawa"
"Nagsasawa ka na sakin?"
"Hindi ganun yun. Ayoko na magkasawaan tayo sa isa't isa. Panget din naman kapag araw araw
kitang nakikita"
"Gusto mo talaga namimiss natin yung isa't isa?"
"Oo"
"Ang bad mo Gab. Ang hirap naman ng ganun ee"
"Okay lang yun"
"Hindi kaya"
"Bahala ka. Basta hindi ako papasok sa school kung saan ka mageenroll"
"Oo na! Tss. Hindi ka naman manchichicks diba?"
"Pagiisipan ko"
"Nakakainis ka! Tumayo ka dyan! Umalis ka na dito! Pagiisipan ah?! Alis!"
"Edi aalis"

Joke lang dapat yun ee! Ang seryoso niya masyado >__< Gusto ko din naman kasi maging sweet
sakin si Gab kahit papano pero wala talaga ee. Wala yatang pagasa na maging ganun siya ee.
Depende kasi sa mood niya kung gusto niya magpakasweet. Tumayo siya tapos hinila niya din ako
patayo. Hinawakan niya naman ako sa mukha.

"Hon, galit ka na nyan?" tanong ni Gab
"Oo, ikaw kasi e!" sabay tingin sa ibang direction
"Ang cute mo din magselos Jin"
"Sino may sabi na nagseselos ako?! Hindi ako nagseselos ah!"
"Bakit hindi ka makatingin sakin ng deretso?"

Tumingin ako sa kanya ng deretso para magmukha na hindi ako nagseselos. Ayoko nga na may ibang
girl na lumalapit sa kanya tapos ganun pa sasabihin niya?

"Wo Ai Ni" -Gab (Wo Ai Ni - I love you)

Nilapit niya yung mukha niya sakin. He was about to kiss me ng biglang bumukas yung pinto. Yung
katulong namin >___< nakakahiya kasi nakita niya kami na ganun.

"Oops. Sorry, naistorbo ko yata kayo? Bukas kasi yung pinto. Tumatawag daw si Mam sayo pero
hindi ka sumasagot. Pinapacheck niya kung anong ginagawa mo"
"Pasabi na lang po na tumawag siya ulit mamaya. Ate, wag mo sabihin na.."
"Wag ka magalala Jin, hindi kita isusumbong. Sige ituloy niyo na yung ginagawa niyo"

Lumabas na siya sa room ko. Aish. Hiyang hiya ako >___<

"Ituloy na daw natin hon"
"Gab naman e!"
"Namumula ka dyan. Para kang kamatis"
"Kasi naman ee!"
"Dali na, pagbigyan mo na ako"
"Ayoko na! Nakakahiya talagaaa! Ikaw kasi"

*smack*

"B-bakit mo ko--"
"Ang damot mo kasi. Parang kiss lang pinagdadamot mo pa. Sige na, uuwi na ako. Wag ka na
kiligin dyan"

Umuwi na si Gab. KYAAAH! >///< KINIKILIG AKO! Sayang talaga may panira kanina pero okay lang
din yun. Masasabi ko na mas sweet pa din yung stolen kisses :)

*******************************************
[81] CHAPTER 61: Extra
*******************************************
Chapter 61: Extra


Jin's POV

Wednesday na ^__^ Last day of practice na din to at sa Friday na yung graduation. Super duper
excited na ako. Magsasummer na din kasi. Gusto ko na magbakasyon. Excited na din kasi talaga
ako maging isang ganap na college student. Ngayong day na din yung dating nina Mommy and Daddy.
Hindi ko nga lang alam kung anong oras. Mamayang gabi daw, may dinner kami kasama yung family
nina Gab. Nandito pa ako ngayon sa bahay. Hinihintay ko lang yung text ni Gab. Sabay kasi kami
papasok sa school. Kadalasan kasi si Vince kasabay ko pumasok o kaya hinahatid ako ni kuya.

*1 new message*

From: fianc
Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo.

Nagmadali ako na lumabas ng bahay. Pagtingin ko, nandoon nga siya :) Inayusan niya lang talaga
yung buhok niya ngayon kaya ang gwapo niya tingnan *O* ang swerte ko sa taong to.

"May hinahanap ka ba?" tanong niya
"Yung kotse mo?"
"Iniwan ko sa bahay"
"Ee paano yan?"
"Maglalakad tayo"
"Ano?!"
"Wag ka nga maarte dyan. Tara na"

Nauna siya maglakad at iniwan ako. Ang bait nga naman oh. Bakit ganun? Tuwing nagaayos talaga
siya pag ordinary day lang, masungit siya. Hindi ba uso sweet sa mga gwapo? -___- Kailangan ba
mukha lang sila laging cool? Tsk. Sumunod naman ako maglakad kay Gab at kumapit ako sa braso
niya at tinitingnan siya habang naglalakad.

"Sa ginagawa mong yan, maaaksidente ka"
"Bawal na ba tumingin sa boyfriend ko?"
"Madami pang oras para dyan. Tumingin ka sa dinadaanan mo"
"Sunget! Porket nagpagwapo ka lang e"
"May sinasabi ka ba?"
"Wala po"

Naglakad lang naman kami hanggang sa makarating sa school. Nakasalubong pa nga namin sina Mika
at Zeke e. Sabay yata sila pumasok.

"Oh Jin? Poor ka na ngayon? Naglalakad ka na lang? Hahaha!" -Mika
"Mika!" -Zeke
"Fine! Parang yun lang. Masyado kasi kayong protective dyan sa babaeng yan" -Mika
"You guys, kayo na ulit?" tanong ko
"No" -Zeke
"Why? Does it have something to do with you kung kami man or hindi?" -Mika
"Wala naman"
"Then.. Aish. Never mind. By the way Gab, how is it living with Risa?" -Mika
"Wala akong oras para makipagdaldalan sayo. Tara na Jin" -Gab

Hinila ako ni Gab at pumunta kami doon sa may puno. Pinaupo niya naman ako tapos humiga siya sa
lap ko at pumikit. Ang galing nga naman ng boyfriend ko oh -___- Napansin ko naman na
nasisikatan ng araw yung mukha niya kaya medyo hinarangan ko yung sinag ng araw gamit yung
kamay ko.

"Naaalala mo pa anong nangyari sa lugar na to?" tanong ni Gab
"Ano meron dito?"
"First day"
"Ah. Yung sinipa kita! Hahaha! Ang sungit mo kasi nun ee"
"Alam ko na tinitingnan mo ako nun. Akala mo siguro tulog ako"
"G-gising ka nun?!"
"Oo pero para ka talagang kabayo nun. Masyado kang mapanakit"
"Hindi naman e! Ang bad mo Gab"
"Parang hindi naman"
"Pero alam mo, dahil sayo naexperience ko madetention"
"Itry natin ulit ngayon gusto mo?"
"Paano?"
"Wag tayo pumunta ng practice para pagalitan tayo"
"Ayoko nga! Bad influence ka!"
"Masyado ka kasing mabait. Tss"
"Tumayo ka na nga dyan! Nangangalay na legs ko e"

Tumayo na siya tapos naglakad. Iwanan daw ba ako? Ang sama talaga ng ugali nitong taong to -
___- Tumayo na din ako at hinabol siya.

"Saan ka pupunta?!" sigaw ko
"Practice"

Ay oo nga >__< Magsisimula na yung practice. Nagmadali na kami pumunta doon.

***

Pagkatapos ng practice, niyaya ako ni Gab na ihahatid niya ako kaya hindi niya ako pinasabay
kay Vince. Paglabas namin sa gate ng school, nakita namin si Risa. Naghihintay sa tapat ng
Black na Audi. Ang gandang sasakyan! *O* hindi ko lang alam kung anong model nun. Lumapit naman
siya agad samin nung nakita niya na kami.

"Surprise!" -Risa
"Anong meron?" tanong ni Gab

Hinila ni Risa si Gab papunta doon sa may sasakyan kaya ako naiwan. Okay, nandito yung
girlfriend oh. Lumapit na lang din ako sa kanila.

"This is your new car. I chose this. It's a Graduation gift from tita Shiela and tito James.
Don't you like it?" -Risa
"Bakit dinala mo pa yan dito? Pwede naman yan maghintay sa bahay" -Gab
"Tita said that you should give me a ride so that I will be familiar with the places here since
ako din daw pumili ng car na to" -Risa
"Okay. Ge, hatid ko muna si Jin" -Gab

Pumasok lang kami sa car niya. Si Gab yung nagdrive at si Risa yung nakaupo sa front seat. I'd
be lying if I'll say na hindi sila bagay. They really look good together pero mas bagay kami ni
Gab sabi ng fans ng JiRiel. Hahaha! Pagkadating sa tapat ng bahay, bumaba na ako agad at
pumasok sa loob ng bahay. Nagulat ako sa nakita ko. Nandito na sina Mommy and Daddy. Nagmadali
naman ako na lumapit sa kanila tapos niyakap sila. Namiss ko sila ng sobra. Halos 3 months din
sila wala and now they're finally back. Niyaya nila ako sa office nila para kausapin ako.
Nagkwento ako sa kanila about sa school at samin ni Gab. Pero syempre, yung problema namin ni
Gab, hindi ko sinabe.

"Charel, have you decided on what school do you want to enroll?" -Mommy
"Not yet Mommy. Why?"
"There's this school in Korea that we want. Kylie's parents decided to make her study there. I
think it will be best if the two of you will still be together" -Daddy
"Si bessy?! Sa Korea magaaral? Hindi ko pa alam yun"
"Yes. Why don't you join her? She's you're bestfriend right?" -Mommy
"Opo pero Mommy, pagiisipan ko muna. Gusto ko po kasi na same school kami ni Gab and same
course din. Is that okay with you po ba?"
"You know what Charel, you might end up regretting that. We don't know how long you and that
guy will be together. Baka mahirapan ka lang once na maghiwalay kayo. Don't you think so?" -
Mommy
"Baby, you're Mom is right. Ayaw namin na mahirapan ka in the future. Please reconsider our
offer okay? It's a really good school" -Daddy

Pagkatapos nila ako kausapin, dumeretso na ako ng room ko at nagpahinga.

***

6pm na. Nandito ako ngayon sa car at ako yung nagdadrive. Pupunta kaming MOA dahil nga may
dinner kami with Gab's family. I just hope that everything will turn out well. Medyo mahirap
kasi pakisamahan yung Mom ni Gab dahil na din sa hindi niya ako gusto but I'll still do my best
para magustuhan niya ako. Nakajeans ako ngayon at medyo formal na top. Paano ba naman?
Tinawagan ako kanina ni Gab para sabihin na wag akong magshorts, skirt or dress dahil daw
exposed yung legs ko kaya sumunod na lang ako kasi magagalit na naman to sakin mamaya. Pumunta
kami sa isang chinese restaurant. Nagpareserve na din kasi dito sina Mommy kanina. Kasama din
namin ngayon si kuya pati si Vince. Hindi nagtagal at nakita ko na sina Gab pero kasama nila si
Risa. Parang ang awkward naman nito. Habang nagdidinner, naguusap sina Mommy, Daddy pati si
tito James ng tungkol sa business. Pati ba naman dito, business pa din yung inaatupag nila?
>__< hindi na talaga sila nagbago. Kami naman tahimik lang. Si Mafelle, napapansin ko na
tumitingin kay Vince lagi. So totoo nga yung sinasabe ni Vince na may gusto sa kanya si Mafelle
pero itong si Vince tahimik lang. Si kuya naman, text ng text. Siguro katext niya si Jessica.
Si Risa naman, nagpapakasweet kay Gab. Okay, so musta naman yun? Harap harapan. Ang hirap ng
ganito.

"Hi! I haven't introduced myself yet. I'm Risa" -Risa
"Hello Risa, I'm Axel" -kuya
"And you are?" -Risa

I think she's reffering to Vince kaya siniko ko si Vince. Wala yata sa sarili niya to ee.

"Vince. Are you Japanese?" -Vince
"Yep. It's nice meeting you two" -Risa
"Hiramin ko muna si Jin. Lalabas muna kami" -Gab
"Kuyaaa! Mamaya pagalitan ka ni Mommy nyan ee" -Mafelle

Tumayo na lang si Gab tapos hinila ako palabas nung restaurant. Pumunta kami ulit doon sa may
seaside banda tapos doon kami naghanap ng mauupuan.

"Bakit mo ako dinala dito Gab?" tanong ko
"Hindi tayo makapagusap ng maayos dun. Oo nga pala, ang ganda mo ngayon"
"Maganda? Ee ganito din naman itsura ko palagi ah? Oh ayan ah? Sumunod ako sayo. Nagpants ako
kahit ayoko"
"Buti naman. Oo nga pala, hindi kita mapupuntahan bukas"
"Gagala kayo ng family mo?"
"Oo"
"Enjoy! Oo nga pala Gab, nahanapan na ako ng school nina Mommy kaso sa Korea nga lang. Ang
layo!"
"Buti naman"
"Buti naman? E mahihiwalay ako sayo nun"
"I can wait"
"Pero ang tagal nun"
"Okay lang. Sigurado naman ako na magandang school yung papasukan mo"
"Pero--"
"Jin, kung ano yung makakaganda sayo, okay lang sakin. Pwede rin naman ako magaral doon para
makasama kita diba?"
"Talaga?! Yehey!"
"Oo. Wag ka nga sumigaw. Ang ingay mo"
"Natuwa lang naman ako e! By the way, bakit kasama si Risa?"
"Hindi dapat siya kasama. Pinilit lang siya ng nanay ko"
"Ganun ba?"
"Selos ka naman?"
"Hindi ah! Asa!"
"Kung alam mo lang itsura mo kanina"
"Ang sama mo Gab! Kasi naman e!"
"Ano?"
"Harap harapan na siyang ganun. Gusto ko iwasan mo siya. Parang kaninang umaga lang, nandyan
din siya. Hindi ko naman maiwasan yun kasi alam ko na may gusto siya sayo tapos sa isang bahay
lang kayo tapos--"

*smack*

"B-b-bakit mo.."
"Ang haba ng explanation mo nakakatamad makinig kaya pinatahimik kita. Gusto mo isa pa? Magsabi
ka lang, pagbibigyan kita"

*pak!*

"Steven, ikaw ba yan?! Sinapian ka ba Gab? Hindi ka naman ganyan ah?"
"Lul! Hindi ako si Steven! Malala na yun"

L-lul?! Sinabihan niya talaga ako ng ganun?! Ang bad ni Gab -___-

"Ang sama mo!"
"Ano na naman ginawa ko?!"
"Sinabihan mo ako ng.. ng.."
"Ng ano?!"
"Wala po, never mind"
"Nagpapakasweet na ako sayo ayaw mo pa? Edi wag"
"Ayan ka na naman honey ee! Wag mo na ako sungitan kasi. Dali na!"

Kinulit ko lang siya ng kinulit pero hindi niya ako pinapansin >__< Ang bipolar talaga ng taong
to kaya dapat tuwing nagpapakasweet siya sinusulit ko na.

"Ui Gab, honey. Bati na tayo dali!"
"Kiss muna"
"Ayoko. Hug na lang. Sige na kasi bati na tayo"
"Hug mo na ako dali"

Niyakap ko naman siya ng mahigpit na mahigpit kaso naputol yung moment kasi biglang nagring
yung phone niya kaya tiningnan niya.

"Sino?" tanong ko
"Si Risa, tumatawag"
"Sige na. Sagutin mo na"

Si Risa na naman >__< Lagi siyang umeextra. Nasira tuloy yung moment. Sayang. Sana lang hindi
masira yung relationship namin dahil sa kanya. Alam ko naman kasing mabait siya kaya hindi ko
rin siya masisi dahil baka nature niya na yung pagiging sweet.

"Anong sabi niya?" tanong ko
"Balik na daw tayo. Uuwi na"
"Sige na nga! Sa friday na ulit kita makikita nyan. Sa graduation na mismo"
"Oo"
"Mamimiss kita honey"
"Alam ko. Tara na"

Naglakad na siya at sumunod ako tapos kumapit sa braso niya. Ang bango ni Gab. Ano kayang
pabango niya? Hindi ko pa natatanong. Matanong nga :)

"Gab?"
"Oh?"
"Anong pabango mo?"
"Tommy Hilfiger"
"Ano dun? Ganun din brand ng pabango na gamit ko"
"Loud"
"Talaga? Parehas pala tayo ng pabango. Yun din yung sakin, yung pangbabae lang"
"Malamang kasi babae ka. Matagal ko ng alam na yun pabango mo"
"Talaga? Ang cool mo honey!"
"Alam ko"

Nakakatuwa naman yun. Parehas pala kami ng pabango. Bagay talaga kami ni honey! Hahaha!
Pagdating namin ni Gab dun, nagsiuwian na din kami agad.

***

Nakahiga na ako ngayon. Hindi ako makatulog. Iniisip ko lang yung nangyari kanina at kinikilig
na ako >///< 12am na din pero hindi ako dinadalaw ng antok.

"Ang likot mo, matulog ka na nga"
"Vince naman e! Ikaw nga dyan, hindi pa din natutulog e. Saan ka pupunta? Bakit may dala ka
pang towel?"
"Magsiswimming. Sama ka?"
"Ganitong oras?! Ang lamig na ng tubig nun sa pool!"
"Hindi ko kailangan ng explanation. Oo lang o hindi"
"Ang sungit mo! Sasamahan na lang kita. Hindi ako makatulog e"
"Ge"

Bumangon na ako at sumunod kay Vince. Pinanood ko lang siya magswimming.

"May tanong ako sayo Jin"
"Ano yun?"
"May number ka ni Risa?"
"OMO! Don't tell me may gusto ka kay Risa?!"
"Ang ingay mo! Wag ka nga sumigaw. Wala, tinatanong ko lang"
"She texted me once kaya meron pero hindi ko ibibigay sayo. Hingin mo sa kanya kung gusto mo.
Bleeeh!"
"Damot"
"Aminin mo muna kasi! Type mo si Risa?"
"Oo na! Bigay mo sakin yung number"
"Oo na. Sana maging kayo para wala ng extra samin ni Gab! Haha!"
"Ano?"
"Wala. Sabi ko, kawawa naman yung mga fans mo na may gusto sayo. Malulungkot kasi may
nagugustuhan ka na"
"Tss"
"Pero okay lang yun. Baka sakaling hindi ka na magsungit kapag may girlfriend ka na"
"Ewan ko sayo"
"Risa pala ah? Good luck Vince! Paano ba yan? Dinalaw na ako ng antok? Bigay ko na lang number
niya sayo bukas, matutulog na ko. Goodnight! Byieee!"

Bumalik na ako sa room ko. Nakakatuwa naman! Kapag niligawan ni Vince si Risa, baka magkagusto
din si Risa sa kanya tapos wala ng extra samin. Ang saya lang. Naexcite naman ako dun.
Matutulog na nga lang ako!

*******************************************
[82] CHAPTER 62: One Last Chance
*******************************************
Chapter 62: One Last Chance


Jin's POV

"Oi gising"
"qrypdgknc"
"Hoy Jin! Bumangon ka na nga dyan!"

Dinilat ko yung isang mata ko. Si Vince lang pala. Ano na naman ba kailangan ng taong to sakin?
Hindi ko na lang siya pinansin at nagtakip lang ng unan.

*blag*

"Ano ba?! Bakit mo ako hinulog?!"
"Bumangon ka sabi e"
"Ano ba kasi kailangan mo ha?"
"Number"
"Ayoko nga ibigay. Pagkatapos mo ko ihulog sa kama. A-yo-ko!"
"Gusto mo bang isumbong kita kay Dad sa mga kalokohan niyo ni Gab?"
"Hoy wala namang ganyanan!"
"Number"
"Kunin mo yung phone ko sa drawer. 1217 passcode. Pagtapos ibalik mo na lang dyan"
"Ayos ka pala kausap e"
"Ewan ko sayo!"

Ginawa niya yung sinabe ko. Humiga lang naman ako ulit sa kama at nagtakip ng unan. Gusto ko pa
kasi matulog ee >___<

"Oi may tumatawag"
"Si Gab ba yan?"
"Oh"

Hinagis niya sakin yung phone ko at sinagot ko naman agad.

"Honey! Good morning!"
[ honey? ]
"Bakit?"
[ Tinawag mo akong honey? ]
"Oo. Bawal na ba tawagin kitang ganun?"
[ Okay lang naman. Kilala mo ba kung sino yung kausap mo ngayon? ]
"Oo naman. Ikaw si Gab diba?"
[ Hindi ako si Gab, Charel ]
"Z-Zeke?!"
[ Oo ]
"S-Sorry"
[ Okay. I'll forgive you in one condition ]
"Ano yun?"
[ Date ]
"Ano?! Ayoko!"
[ Nandito na ako sa pinto ng kwarto mo, hindi mo man lang ba ako papapasukin? ]
"Weh? Joke ba yan?"
[ To see is to believe Charel ]

Binabaan ko na ng phone si Zeke at lumapit ako sa pinto tapos binuksan.

"Z-Zeke?!"
"I told you"
"B-bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?"
"Gusto lang kita makita. Pinapasok ako nina tita. Ayaw mo ba ako makita?"
"Hindi naman sa ganun--"
"Tama na nga yan. Magayos ka na, may date pa tayo"
"Ha? Sino may sabi?!"
"Ako. May permission na ako sa parents mo"
"Ang daya!"
"Dali na. Hintayin na lang kita dito sa room mo"
"Sige na nga"

Pumasok na lang siya sa kwarto ko at nagbatian sila ni Vince. Ako naman, magaayos na.

***

Naghintay lang si Zeke hanggang sa matapos akong magayos. Paano ba naman? Biglaan kasing
magyaya. Pagpunta namin sa living room, nandoon si Mommy and Daddy at nagyaya sila kumain
meaning dito kami maglalunch kasama si zeke. The whole time nung lunch, parang ang invisible ko
>___< Kinakausap kasi nila si Zeke. Parang ganito lang dati nung kami pa kasi dati tuwing
nandito sina Mommy, iniinvite nila si Zeke na dito kumain sa bahay tapos nagkekwentuhan sila.
Pagtapos namin kumain, bumalik kami ni Zeke sa room ko.

"Charel?"
"Yup?"
"Alam ba ni Gab na may date tayo?"
"Ha? Ah eh.. Hindi ee"
"Bakit hindi mo sabihin?"
"Ah tama. Sasabihin ko na"

Kinuha ko naman yung phone ko at kunwari na tinext si Gab. Ayoko kasi na malaman niya pa.
Syempre, nandito si Risa tapos paano na lang kapag nalaman ni Gab? Edi nagalit yun diba? Baka
mas piliin niya si Risa at ayoko mangyari yun kaya hindi ko sasabihin sa kanya. Wala naman
kaming gagawing masama ni Zeke kaya okay lang naman siguro na hindi ko sabihin diba?

"Okay na. Natext ko na siya. Oo nga pala, saan lakad natin?" tanong ko
"Saan mo ba gusto pumunta? We'll go there"
"Hm, saan nga ba? Actually wala naman akong gusto puntahan ee. Nagyayaya ka dyan tapos hindi mo
alam kung san tayo pupunta?"
"Punta na lang tayo sa court"
"Ano gagawin natin dun?"
"Matagal mo nang gusto na turuan kita ng basketball diba? Ito tuturuan kita"
"E kasi Zeke, tuturuan na din ako ni Gab ee"
"Then it's okay. Para kapag tinuruan ka niya, may alam ka na. What do you think?"
"Pwede. Sige na nga. Pero wait, para kasing uulan oh"
"Mas okay nga yun compare sa maaraw. Ayaw mo naman siguro umitim diba?"
"Sige na nga. Wait lang ah? Magbibihis muna ako"
"Why don't you wear the jersey that I gave you?"
"Sure"

Nag tank top and shorts lang ako tapos kinuha yung jersey na binigay niya sakin. Ito yung
jersey na suot niya nung nag intramurals last year kung saan nagMVP siya.

"Malaki pa din talaga sayo. Hindi ka pa din tumataba" -Zeke
"Okay lang naman e! Hindi naman ganun kalaki sakin"

Nagpahinga muna kami sandali bago pumunta sa court sa village nila. Open court yun kaya kapag
umulan, mababasa kami. Nagstretching muna kami bago niya ako tinuruan. Ang hirap lang kasi
hindi ako maka shoot >___< Wala talaga yatang pagasa na matuto ako nito ee.

"Ang hirap naman e! Ayoko na! Hindi talaga ako makashoot. Ano bang sikreto mo ha? Tuwing ikaw,
lagi nagsushoot e!"
"Gusto mo talaga malaman kung ano yung secret? Ikaw"
"Ha? Anong ako?"
"Turtle"
"Ha? Turtle?"
"Sabi ko, ang slow mo. Ikaw yung secret ko. Tuwing iniisip kita gumagaling ako"
"Ee! hindi naman ee"
"Namumula ka na naman dyan! Wag ka nga tumungo. Sayang ganda mo Charel"
"Ikaw kasi e!"
"Totoo naman kasi. Ano laro na lang tayo?"
"Sige"
"Kapag hindi ka nakashoot ng 3 beses, may kiss ako sayo"
"Ano?! Ayoko nga!"
"Kapalit na yan ng pagtuturo ko sayo. It's a deal, okay?"
"Ui hindi ako pumapayag!"
"Start na tayo"

Naglaro lang kami. Lagi niya nga akong pinagbibigyan na makuha yung bola pero hindi talaga ako
makashoot kahit anong gawin ko >___<

"Ayoko na! Pagod na ako. Kahit anong gawin ko, useless ee. Hindi talaga ako marunong"
"So paano ba yan? May kiss ako sayo?"
"Hindi naman ako pumayag dun ah?"
"Oo na, hindi na. Magpahinga na muna tayo para makauwi na. Mukhang sobra kang napagod e"

Umupo na lang naman kami doon sa may mauupuan at nagpahinga. Talaga palang nakakapagod maglaro
nito at mahirap talaga >___< Parang ayoko na matuto kasi kawawa naman yung nagtuturo sakin
dahil hindi ako natututo. Nagulat naman ako kasi biglang umulan ng sobrang lakas. Hindi ako
nagkamali at umulan nga. Bigla naman akong hinila patayo ni Zeke.

"Laro tayo? Ako yung taya. Dito lang tayo ah? Dali takbo na" -Zeke

Tumakbo ako agad palayo sa kanya. Buti na lang at malaki yung court kaya nakakatakbo din ako ng
malayo. Ang saya lang talaga maglaro sa ulan.

"Taya!" -Zeke
"Lagot ka sakin! Matataya din kita!"

Hinabol ko lang siya ng hinabol. Ang bilis niya tumakbo -___- Bakit ba kasi ang haba ng legs ng
taong to e. Alam ko na kung paano ko siya matataya. Kunwari pagod na ako! Hahaha! Tumigil naman
ako sa pagtakbo.

"Ayoko na Zeke. Pagod na ako"
"Okay ka lang ba Charel?"

Hindi na ako sumagot at lumapit naman siya sakin. Ang galing ko talaga! Gumagana yung strategy
ko. Nung malapit na siya sakin, bigla akong tumakbo.

*blag!*

Nasa taas niya ako ngayon. Natumba kami parehas dahil natapilok ako. Sobrang lapit ng mukha
namin sa isa't isa.

"Z-Zeke.."

Bigla niya naman akong niyakap. Nakapikit lang siya ngayon.

"Charel, namiss kita"
"Zeke.."
"Just give me another chance. Iwan mo na si Gab and I'll promise you that I will never hurt you
again"
"Zeke, nakakahiya. Baka mamaya may makakita satin ng ganito"

Binitawan niya naman ako at nagmadali akong tumayo. Kinuha ko naman yung gamit ko at naglakad
na palayo. Habang naglalakad ako, may naramdaman akong yumakap sakin galing sa likod ko.
Ipinatong niya naman yung mukha niya sa balikat ko.

"Charel.."
"Zeke, I'm begging you. Don't be like this"

Mas humigpit yung pagkakayakap niya sakin. Maya maya, iniharap niya na ako sa kanya at
hinawakan niya ako sa mukha.

"Tumingin ka sakin Charel. Just one last chance. Yun lang yung hinihingi ko sayo"
"Zeke, alam mo naman na--"
"Kung kailangang lumuhod ako sa harapan mo ngayon, gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng isa pang
chance"

Bigla siyang lumuhod sa harap ko at hawak niya yung kamay ko.

"Zeke, tumayo ka nga dyan. Mamaya may makakita pa satin e"
"Wala akong pakialam. Hindi ako tatayo at aalis dito hanggang hindi ka pumapayag. One last
chance na lang ang hinihingi ko sayo. Papatunayan ko sayo na I'm better than Gab. Okay lang
kahit maging third party ako, basta pumayag ka lang"
"Tumayo ka na dyan Zeke! Magkakasakit ka nyan e! Mabilis ka pa naman magkasakit kapag
nauulanan. Graduation pa naman bukas"
"Ayoko"
"Iiwan kita dito"
"Okay lang"

Umalis na ako at iniwan siya dun. Basang basa na kami parehas sa ulan. Nung malayo na ako sa
court, napansin ko na nandun pa din siya kaya tumakbo ako ulit pabalik sa kanya.

"Zeke, tumayo ka na dyan"

Hindi siya sumasagot kaya umupo ako sa harap niya at hinawakan siya sa mukha. Ang init niya na
at namumutla na siya.

"Zeke! Tara na kasi! Tumayo ka na dyan oh"
"Ayoko"
"Zeke naman e!"
"Hanggang hindi ka pumapayag, hindi ako tatayo dito"
"Zeke, o--"
"Look who's here. My ex and her ex girlfriend. Ang sweet niyo na masyado baka mamaya langgamin
na kayo dyan. Pang teleserye yung drama niyong dalawa, nakaka goosebumps naman yung nakita ko.
What do you think Risa? Aren't they too sweet?"

Si Mika. Kasama niya ngayon si Risa. Tumayo na ako at tinulungan ko na din si Zeke.

"Mika, wag ka gumawa ng gulo please" -Zeke
"What?! You're expecting me not to react like this? I feel cheated. Don't you feel the same way
too Risa? Seeing the girlfriend of the guy that you like hanging out with somebody else?" -Mika
"I.. I'm sorry Jin" -Risa
"May video kami ng lahat ng nakita namin. Alam ba to ni Gab? Yung mga pinag gagawa niyo? May
one last chance pa kayong nalalaman at ikaw namang malandi ka! Papayag ka pa. Woah!
Unbelievable!" -Mika
"Mika, wag naman ganyan. Palagpasin na lang natin to"
"No Jin. I've been nice to you for over a month. Nakakapagod din maging mabait, don't you know
that? It's my turn now. Sulitin mo na yang mga masasayang araw mo because I'll be finishing
those days soon" -Mika
"Mika, kung kailangan kong lumuhod sayo gagawin ko, wag mo lang gagawin yun kay Charel" -Zeke
"Wow! That's so sweet. Are you happy now Jin? Nagpapaka martyr na si Zeke because of you. He's
not like that. Okay, kneel down at baka sakaling magbago pa isip ko" -Mika
"Hindi Zeke. Hindi mo gagawin yun. Tara na!"

Hinila ko si Zeke paalis sa court at dinala siya sa bahay nila para makapagpahinga siya.

"Mahiga ka na muna dyan. Nagpakuha na ako ng hot water para sayo. Hindi ka pwedeng magkasakit"
"Charel.. I'm sorry"
"Hindi ka dapat magsorry sakin. It's okay. Tinext ko na si Gab para malaman niya lahat kaya wag
ka na magalala, everything's gonna be okay. Magpahinga ka na lang dyan"
"Just stay here with me"
"I'll be here. Don't worry"

Hinintay ko lang na makatulog si Zeke bago ako umalis at nagpasundo kay kuya para makauwi na.
Pagkauwi ko naman, nagpahinga na ako. Alam ko na magaaway kami ni Gab dahil sinabe ko sa kanya
yung nangyari pero mas okay na yun kesa sa iba niya pa malaman. Hindi nga ako nagkamali. Naging
mabait na naman si Mika sakin and in return, gaganti siya at sisirain niya ulit lahat and this
time, hindi ako papayag na mangyari yun. I won't let her ruin my life once again.

*******************************************
[83] CHAPTER 63.1: Who exactly are you?
*******************************************
Chapter 63.1: Who Exactly Are You?


Jin's POV

This is it! March 23, Friday. Ang araw na pinakahihintay naming lahat. After 4 years ng
paghihirap as a highschool student, at last gagraduate na din kami and soon, we will be called
as College Students. 4:00 in the afternoon yung start ng graduation at 3:30 na ngayon.
Inaayusan pa lang ako ni Mommy. Ngayon niya na lang ako ulit inayusan kasi yung last time na
ginawa niya to sakin ay nung graduation ko pa nung grade 6.

"There sweety, you look really beautiful" -Mommy
"Thanks Mommy. It's all because of you"
"We'll be late. Let's go?"

Nagnod lang ako at lumabas na kami ng room ko. Hinihintay na kasi kami nina Daddy, Vince pati
kuya Hiroshi sa sala. Ang gwapo ng dalawang kapatid ko pero syempre mas gwapo daddy ko.
Nakaayos kasi sila lahat. Actually, nakadress ako at si Vince nakapolo. Ganun kasi yung
pinapasuot samin.

"Ang ganda naman ng prinsesa namin" -kuya
"Xie xie!" sagot ko (xie xie-thank you)
"Anong maganda dyan? Ang panget" -Vince
"Ang sama mo Vince. Sasabihin ko pa naman na ang gwapo mo kaso wag na lang"
"Gomawo" -Vince
"Gomawo? Alam ko ibig sabihin nyan. Tinuro sakin ni bessy yan. Thank you yun diba?"
"Oo" -Vince
"Ang galing ko talaga!"
"Let's go kids. We're going to be late kapag hindi pa tayo umalis" -Mommy
"Mommy, hindi na kami bata!"
"Ito talagang prinsesa namin nagkaboyfriend lang, ayaw na tawagin na bata" -Daddy
"Daddy naman ee!"
"Hahahahahaha! Bata ka pala e!" -Vince
"Wag na kayong dalawa magtalo dyan. Tara na" -kuya
"Siya kasi kuya e!"
"Enough princess, let's go" -kuya

Pagdating namin sa school kung saan gaganapin yung graduation, puro mga students na
nagpipicture lang yung nakikita ko. Ang dami ding parents na nandito.

"Mommy, mauna na po kayo dun. Hahanapin ko lang si Gab" sabi ko
"Okay. Basta bumalik ka agad baby okay?" -Daddy
"Daddy naman ee. Wag niyo ako tawaging baby. Nakakahiya"
"Fine Charel" -Daddy
"Thanks Daddy"

Nagstart na akong hanapin si Gab. Hindi pa din kasi niya ako pinapansin >___< Simula nung
sinabe ko sa kanya yung nangyari kahapon, hindi niya na ako pinansin. Tinatawagan at tinetext
ko siya, pero nakaoff ata yung phone niya. Maiintindihan ko naman kung galit siya sakin pero
ayoko talaga yung ganito na hindi siya namamansin kasi mas gusto ko yung sisigawan niya na lang
ako.

"Charel!"

Napalingon ako sa tumawag sakin at pagkalingon ko, may biglang yumakap sakin.

"Tita, kailan pa po kayo dumating?" tanong ko
"Yesterday night. I really want to go to your house to see you pero kontra naman si Zeke. So
how are the two of you? Are things going well?" -tita Erika
"Ha? Ah eh.. Kasi tita--"
"What is it Charel? Tell me. Nangbababae ba siya? Nako, don't tell me na nagbreak na kayo or
else, ipapahiya ko talaga siya dito mamaya"
"Hindi naman po sa ganun. Kasi tita matagal na--"
"Ma!" -Zeke

Tumakbo papalapit samin si Zeke tapos hinila si tita. Siya yung mommy ni Zeke. Bagets din si
tita. I think she's just 35 years old right now. Kung ituring niya ako dati, parang friends
lang. Single mom lang kasi siya. Yung last time na nakita ko siya, kami pa ni Zeke nun. That
was last year and March din yun.

"Ma, bakit ka nandito?" tanong ni Zeke
"Why? Is there anything wrong kung lapitan ko ang girlfriend mo?" -tita

Natahimik kaming dalawa ni Zeke. Syempre, alam namin ni Zeke na tapos na kami.

"Zeke and Charel, umamin nga kayo. Matagal na kayong hiwalay ano? Sino unang nakipagbreak?"
tanong ni tita
"Ma, tara na" *pak* "Aray! Ma, nakakahiya!" -Zeke
"Sino may sabi na pwede mong hiwalayan si Charel?! Ipapahiya talaga kita dito!" -tita
"Tita, tama na po"
"Aish! Pinapainit niya yung dugo ko. I'm sorry Charel okay? Kung alam ko lang na sinaktan ka
nito, umuwi ako agad" -tita
"Hindi tita, okay lang po ako. Tapos naman na po yun"
"Gagawa talaga ako ng paraan para magkabalikan kayo ulit" -tita
"Ma naman! Tara na kasi" -Zeke
"Manahimik ka dyan Zeke! Tatamaan ka talaga sakin!" -tita
"Tita, may boyfriend na kasi ako"
"Ano?! Hindi pwede! Sino ba yan? Mas gwapo ba yan sa Zeke ko? Mas magaling ba magbasketball?" -
tita
"Syempre mas magaling at mas gwapo ako" -Zeke
"Since malapit na magstart yung ceremony, I'll talk to you later Charel, okay?" -tita
"Sige po tita"

Umalis na sila ni Zeke. Magiistart na din kasi kaya bumalik na ako sa dapat kong pwestuhan.
Naubos yung oras ko >___< hindi ko pa tuloy nakakausap si Gab. Pagkamarch at pagpwesto namin sa
seats namin, by alphabetical order. Ang swerte ko lang kasi si Gab yung katabi ko pero wala pa
siya dito ngayon. Nasaan na ba yung taong yun? Nagwoworry na ako sa kanya ng sobra. Nagsisimula
na magbigay ng diploma nung dumating siya. Akala ko talaga, hindi siya dadating. Buti na lang
talaga at nandito siya.

"Gab.."
"oh?"
"I'm happy na nandito ka na"
"Okay"
"Narereceive mo ba yung texts ko?"
"Sira phone ko"
"Bakit? Anong nangyari?"
"Tamad ako magkwento"
"So hindi mo alam?"
"Alam"
"Paano?"
"Risa"

Whaaat?! >___< Hindi pwede to! Magmumukha na naman akong masama nito e!

"Sinabe ko din naman sayo yung nangyari kaso hindi ka sumasagot"
"Alam ko"
"Paano yun? Diba sira phone mo?"
"Nabasa ko bago pa masira"
"E bakit parang galit ka?"
"Ewan"
"Honey naman ee"
"Wag mo akong tawaging honey"
"Nakikipagbreak ka ba Gab?"
"Mamaya na tayo magusap pagtapos nito Jin"
"Pero.. sige na nga"

Paano na kami nito? Hindi siya pwede makipagbreak sakin! Hindi ako papayag. Masyado na malayo
yung narating naming dalawa. Aayusin ko to. Bakit ba naman kasi sa time pa na dapat masaya
kami, doon may mga gumugulo.

Si Risa. Who exactly is she? Ano bang mga binabalak niya? Mukha namang mabait siya but I can't
understand why does she have to tell Gab what happened yesterday. It's not her business
anymore. I know na gusto niya si Gab pero alam niya naman na taken na si Gab diba?

Bahala na nga >___< This was supposed to be a happy day. Wag naman sanang sirain.
*******************************************
[84] CHAPTER 63.2: The End of Highschool.
*******************************************
Chapter 63.2: The End of Highschool


Jin's POV

Nagtuloy tuloy lang ang graduation. By now, nakuha na namin lahat yung diploma namin meaning
graduate na talaga kami. Makikita mo naman sa lahat na masaya sila na hawak yung diploma nila.
Masaya din naman ako ngayon. I won't let anyone ruin this day for me. I know na magkakaayos din
kami ni Gab. May speech pa pala ako >___< Baka mamaya, makalimutan ko yung sasabihin ko at mag
improptu na lang ako dun.

Nagstart ng magbigayan ng medals. Ito na talaga, malapit na ako. Kinakabahan ako ng sobra.
Hindi ako mapakali dito. Baka magcollapse ako dun! Hindi! Hindi pwede! Nakakahiya >___< Nagulat
ako ng biglang hawakan ni Gab yung kamay ko. Nakahawak lang siya sa kamay ko pero hindi siya
tumitingin sakin. Sa ginawa niya, nabawasan ng kahit konti yung kabang nararamdaman ko.

"Salutatorian, Mikaela Valdez" -MC

Umakyat na si Mika dun sa stage. Waaah T___T ako na next. Kinakabahan na talaga ako.

"Valedictorian, Jin Charel Tan" -MC

Binitawan na ni Gab yung kamay ko at tumayo na ako. Sobrang bilis ng heartbeat ko ngayon at
nanginginig yung tuhod ko. Hindi pa naman ako mahilig magsalita sa harap ng maraming tao.
Sinabitan na ako ng medals. Pumwesto na din naman ako dun sa place kung saan ako magiispeech.
This is it!

"Let's now hear Ms. Jin Charel Tan for her valedictiry address" -MC

Nagpalakpakan naman na yung mga tao. Napatingin ako kay Gab, hindi siya tumitingin sakin. Sina
Mommy naman, hinihintay yung speech ko. Si Mika, nakatingin din sakin. Stage fright, wag naman
ganito oh.

"..."

Wait >___< Nakalimutan ko na yung sasabihin ko! Ano ba yan?! Bakit ngayon pa? Nakakahiya. Hindi
ko alam kung ano yung sasabihin ko.

"Babes, kaya mo yan!" sigaw ni Steven
"Go bessy!" sigaw ni KL

Bahala na! Gamitin mo yung talino mo ngayon Jin. Hinihintay nilang lahat yung speech mo. I
can't disappoint everyone. Kaya ko to! Fighting!

"Honored Guests, our beloved Directress: Mrs. Macalinao, our Principal: Mrs. Balisi, parents,
friends, teachers, fellow graduates, ladies and gentlemen, good afternoon"

Bahala na! Babanatan ko na to ng english. Kahit papano naman may konti akong naaalala sa speech
ko e.

"This afternoon I stand before you with a single purpose and that purpose is to sincerely
extend my deepest gratitude to those people who became a part of my success and to leave you
the words of my heart which have found a perfect moment to express them in this equally
beautiful and triumphant moment. This is the moment when we have finally come to reap the
rewards of the 4 difficult years of academic struggles as a high school student. The 4 years
that gave us many challenges and trials. We survived so let us enjoy this moment. To all of our
teachers, we thank you for all your efforts and patience. We want you to know that all your
efforts we're worth it. We have definitely learned a lot from you not only about the subjects
you taught but also the things about life and how it should be lived. We salute you all. We
will surely miss you. To my family who supported me all the way, I give you my deepest and
sincerest gratitude. You deserve my medals and diploma. Mommy and Daddy, I know that words
aren't enough to thank you for everything. I am very thankful that you were my parents. I love
you! Seniors, graduate na tayo! I know that this day will be one of the happiest and loneliest
moments. It is the happiest because this day, we were in here to receive the tokens of our
academic struggle as a high school student. But at the same time, it is the loneliest because
we need to say our goodbyes. But for me, it is not the end because the friendship we had will
last forever. You guys were like my own brothers and sisters. I am very grateful that I met all
of you. Thanks for everything guys. I will miss the "asaran", "iyakan" and "barahan" moments
that we had"

Nakita ko naman na naiiyak na yung iba kong classmates.

"But before I end this speech of mine, I want to share a story about me. This school year has
been very difficult for me. I've been into different trials and problems that sometimes I even
thought of giving up but I didn't and that's all because of the people around me who believed
in me. This school year, I experienced what most of girls at my age are experiencing. It's
breaking up with the guy I loved. That break up affected my studies but I'm still lucky that
I'm standing here in front of you. I had a tough time dealing with that break up but after
that, I became a stronger person. So, I don't want to blame him for that, he's one of the
reasons behind my success"

The whole time na sinasabe ko yung tungkol kay Zeke, tinitingnan ko lang si Zeke at nakangiti
ako.

"There's also a time when I was dying. It was last November. Who would've thought that I'm
going to die at such a young age, right? Because of that incident, I found out how great is the
love of this guy for me. I survived and start a new life"

Nakatingin ako ngayon kay Gab. Hindi pa din siya tumitingin sakin hanggang ngayon.

"That guy inspired me. He became my strength all this time. He's always there yet I haven't
noticed him earlier. I want to thank you for everything. I know that I'm not the prettiest nor
the smartest girl that you know but you still chose to love me. You're not the best looking nor
the smartest guy and you're also a jerk at times but I don't care. You are different and you
took a big part in this success. I love you Gabriel Vincent Teppei!"

Nag "ayie" naman yung mga tao tapos nakita ko na napatingin na si Gab sakin saka siya tumungo
ulit. Nahiya na naman siguro yun.

"But above all, there's this one guy that I'm most thankful and it's God. To our school,
teachers, parents and friends, thank you for molding us to become what we are now and for
making our academic experience truly rewarding. Thank you once again and good afternoon.
Congatulations graduates!"

Nagpalakpakan na sila at bumalik na ako sa seat ko.

"Nakakahiya" pabulong na sinabe ni Gab

Hindi na lang ako sumagot. If I know, natuwa yun sa mga sinabe ko. Hindi nagtagal at kumanta na
ng graduation song. Anong graduation song namin? "Someday It's Gonna Make Sense" ng MLTR para
daw hindi nakakaiyak. Actually, it's our choice kasi wala kaming maisip na grad song. After
nung kanta, inend na din yung program. Madilim dilim na din. Pinatugtog naman nila yung "The
Time" by Black Eyed Peas. Yung mga tao, nagpipicture na ulit. Bigla naman akong hinila ni Gab
papunta dun sa may area na wala masyadong tao at bigla niya akong niyakap.

"Hindi ka na galit?" tanong ko
"Dapat ba akong magalit?"
"Hindi. Wala naman kasi akong ginagawang mali--"

He kissed me on the lips na ikinagulat ko naman.

"Gab.."
"Alam ko na hindi na tayo parehas ng school na papasukan sa June pero tandaan mo ito Jin, kahit
sa malayo ka pa magaral, hihintayin kita"
"Gab naman, wag ka ganyan. Naiiyak ako e"
"Umiyak ka lang. Ayoko na iiyak ka sa iba. Dapat umiyak ka lang kapag kaharap kita para may
tagapunas ng luha mo"
"Gab naman e.."
"Mahal na mahal kita. Fvck! Nakakabakla!"

Pinalo ko nga -___-

"Nakakabakla na pala magsabi ng mahal mo ako ganun?"
"Hindi"
"Mahal na mahal din kita Gab"

Bigla ko naman siyang niyakap ng sobrang higpit at saka ako bumulong.

"Honey, don't leave me. Hindi ko alam kung kakayanin ko na wala ka"

Kumalas na din naman ako sa hug pagtapos ko sabihin yun.

"Honey! Promise me na ako lang. Na wala ka ng ibang love kung hindi ako lang" sabi ko
"Promise hon. Ikaw lang naman dati pa at hanggang ngayon kaya wag kang magalala"
"Thanks honey"

Kiniss niya naman ako sa forehead at saka kami bumalik sa kung nasaan yung mga parents namin.

"Oh, picture muna princess" -kuya

Nagpapicture kami ni Gab. Nandito din si Risa ngayon at nakita ko na nagpapicture silang
dalawa. Alam ko na ako lang talaga yung love ni Gab pero hindi ko talaga mapigilang magselos
kapag nakikita ko sila. Nagpapicture din naman kami ni Vince at kasama si kuya. Unang picture
yata naming tatlo ito ee. Syempre hindi mawawala yung picture naming magbabarkada. Si Steven,
Spencer, KL, Aine pati kaming dalawa ni Gab.

"Charel"

Paglingon ko, biglang yakap naman yung bumulaga sakin. Si Zeke pala.

"Congratulations Charel. Nagulat ako sa pangalan ko dun kanina. Don't worry, hindi ko na kayo
guguluhin ni Gab. I wish you happiness. Basta kapag kailangan mo ng kausap, I'm here. I love
you"

Bigla siyang kumalas sa hug tapos kiniss ako sa cheeks. Nagpapicture din naman kami together.
At least, hindi na ako masyadong naiilang dahil sa sinabe niya.

"Could you come with me for a while?" tanong ni Zeke
"Bakit?"
"Basta"

Bigla niya na lang ako hinila at hinila niya si Mika at nagpicture siya na kaming tatlo.

"Magbati na kayong dalawa" -Zeke
"Ayoko nga. But still, congratulations Jin" -Mika
"Thanks. Sige, babalik na ako dun"
"Charel, wait" napalingon ako sa tumawag. Mommy ni Zeke
"Tita, bakit po?"
"Ipakilala mo nga sakin kung sino yung Gabriel"
"Tita naman ee"
"Please? Don't worry, may sasabihin lang ako"
"Sige po"

Naglakad ako papunta kay Gab at pinakilala siya kay tita Erika.

"So ikaw pala yung gusto ni Charel ngayon? You should take care of her, okay? She's just like a
daughter to me. If not, I'll make Zeke court her again. Do you understand?" -tita
"Yes Mrs. Lopez" -Gab
"It's a Ms. I'm single and I've never been married. Just call me tita Erika. If Charel likes
you, then I also like you" -tita
"Thanks tita!" sabi ko sabay hug kay tita
"You're welcome. I'll be leaving then. Congratulations" -tita

Naglakad na palayo si tita. Sina Mommy naman, pinauna ko na sa sasakyan. Magdidinner pa kasi
kami. Si KL, dumating din yung parents niya kaninang tanghali lang kaya umuwi na siya kaagad
kasi magbabakasyon din sila. Actually, pupunta silang Korea at mamayang 10 ng gabi yung flight
nila. Si Steven naman, nakilala ko na din yung dad niya. May younger sister pa siya pero hindi
din naman nakasama ngayon kaya hindi naipakilala samin. Umalis na din sila dahil may lakad pa
yata sila ni Aine. Si Spencer, nameet ko na din yung parents. Mababait din sila at sa ibang
bansa din nakatira yung parents niya at kagabi lang dumating dito sa Pinas kaya umalis din sila
agad. Baka nagdinner din sa labas. Nandito kami ni Gab ngayon. Nakaupo sa may bench dito.
Madami pang students yung nandito ee.

"May date tayo bukas Jin ah?"
"Ha? Anong oras?"
"Gabi. Basta text kita bukas ng hapon kung saan tayo magkikita. Kailangan pumunta ka"
"Opo"

Nakita ko naman na palapit si Risa samin. Baka hinahanap na nila si Gab.

"Ayan na sya, mukhang kailangan mo na din umalis" sabi ko
"Gab.. Ow, hi Jin! We need to go now Gab. We will wait in the parking lot" -Risa
"Sige. Susunod na lang ako" -Gab

Umalis na si Risa at tumayo kami. Nakita ko naman si Terrence. Pinagkakaguluhan kasi kaya hindi
ko masyado Makita kung siya talaga. Nakita ko naman na papalapit siya ditto at may dala siyang
flowers. Pagkadating niya, inabot niya naman agad sakin yung flowers.

"Congratulations Charel. Buti naabutan pa kita. I really need to go now dahil may shooting pa.
Dumaan lang ako para ibigay sayo to" -Terrence
"Thank you Terrence. Ingat ka sa lakad mo"
"Dude, alagaan mo to ah?" -Terrence
"Ako pa. Ge pre, ingat" -Gab

Pagkaalis ni Terrence, hinatid ako ni Gab sa kung nasaan sina Mommy at umalis na siya. I really
thought that my day will be ruined but luckily, mas masaya to than what I expected it to be :)
At last, tapos na din yung paghihirap ko as a highschool student. This is really the end of me
as a highschool student

*******************************************
[85] CHAPTER 64: The Proposal
*******************************************
Chapter 64: The Proposal


Gab's POV

March 24, Saturday.

Matagal tagal ko din hinintay tong araw na to. Bakit? Magpopropose ako kay Jin para maisip niya
na siya lang talaga. Masyado kasi siyang nagaalala sa mga bagay bagay kaya bibigyan ko siya ng
kasiguraduhan. Alam kong bata pa kami. Hindi naman porket nagpropose na magpapakasal na kaagad
diba? -___- Yun kasi yung kadalasang iniisip ng mga tao. Maghihintay naman ako ng kahit apat o
limang taon pa para tapos na kami magaral. Kahit sampung taon pa yan basta kapag handa na siya,
doon na yung kasal.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Hindi naman kasi ako magaling sa ganito e -___- Iniisip ko
kung anong klaseng proposal yung gusto ni Jin. Ayoko naman kasi maulit yung mga nagawa ko na sa
kanya dati. Bakit ba kasi lagi kong sinusurpresa yun kahit hindi pa kami nun? Naubusan tuloy
ako ng idea. Matawagan nga si Steven. Panigurado, maraming alam yun. Pagkatawag ko, may sumagot
din naman agad.

[ hello? ] boses ng babae
"Sino ka?"
[ Gab naman! Si Aine to. Sino pa ba? Tingin mo babae niya? Hindi ano! ]
"Ah. Monster"
[ Hoy hindi ako monster ah?! Gusto mo mabatukan?! Pasalamat ka, hindi kita kasama ngayon ]
"Tingnan mo, nagiging monster ka kapag naiinis"
[ Whatever Gab. By the way, bakit ka pala napatawag? ]
"May itatanong lang ako kay Steven"
[ Wait. Tatawagin ko lang siya. Nandun kasi siya sa room niya. Standby lang ah? ]
"Ge"
[ Hoy Steven Santos! Chicks mo tumawag. Umakyat ka dito bilis! Wait mo lang Gab ah? Tungkol
saan nga ba yung itatanong mo? ]
"Wala ka na dun"
[ Ang damot mo! ]
"Alam ko!"
[ Oh babe! Sino sa kanila yung tumawag? ] boses ni Steven
"Oh eto na yung Steven mo!"
[ Oh babe, napatawag ka? ]
"G*go! Hindi mo ako chicks"
[ Teka Aine. Sino ba to? Wala naman akong chicks na bakla ah?-- (Aine) Si Gab yan! Joke lang na
chicks mo yan. Iloudspeaker mo dali! Makikinig ako! -- Oh pre, ikaw pala yan. Sandali lang,
napagutusan ni boss e. ]
"Tss. Wala ka pa din talaga pagdating sa babaeng yan"
[ Ewan ko sayo Gab. Ano pala yung sasabihin mo? ]
"Saan bang lugar maganda magpropose?"
[ Whaaat?! Magpopropose ka na kay Jin?! Seryoso? ] boses na naman ni Aine
"Hindi. Kaya nga ako nagtatanong e"
[ Wag ka ngang magulo dyan Aine. Halikan kita dyan e! -- (Aine) Oo na! Hindi na! Magusap na nga
kayong magbestfriend dyan ]
"Gusto niyo magusap muna kayong dalawa dyan?"
[ Hindi na pre. Sige lang. Saan ba maganda? Dalhin mo sa beach para deretso honeymoon! Hahaha!
Ayos yun diba? ]
"Seryoso ka?"
[ Hindi, loko lang yun pre. Dalhin mo na lang siya sa lugar na gusto niyang puntahan. Pero
maganda talaga sa beach dude. Magbakasyon kayo ng kayong dalawa lang ]
"Tingin mo papayagan yung babaeng yun?"
[ Hindi. Alam ko na dude. May alam akong lugar. Doon ko dapat idedate si Maeghan nung
Valentines kaso sinira nung isa dito yung date na yun -- (Aine) Steven Santos, tigil tigilan mo
ako ah? Uupakan kita dyan! ]
"Sige pre, itext mo na lang yung lugar. Lambingin mo na yan si Aine. Mukhang nakulangan sa
lambing e. Salamat dude"
[ Wala yun pre. Ge, goodluck sa proposal mo ]

Binabaan ko na siya. Hindi naman nagtagal at tinext na niya sakin yung lugar. Sa Antipolo pala.
Hindi rin naman pala ganun kalayo.

*knock knock*

Pinagbuksan ko naman ng pinto. Si Risa pala.

"Gab, we're going out to the mall. Do you want to come with us? It'll be fun when you're there.
Sumama ka na please!"
"Risa, gusto mo sumama sakin?"
"Where?"
"Antipolo"
"When?
"Ngayon na"
"Is it just the two of us?"
"Tayong dalawa lang"
"Really? Okay. I'll tell tita na I can't join them and I'm going on a date with you. I'll be
back! Wait for me"

Lumabas na siya ng kwarto ko. Date? -___- Hindi ko naman kasi siya matapat na hindi ko na siya
gusto at malabo na kami. Siguro naman alam niya yun pero pinipilit niya pa din talaga na kami.
Pagkatapos ko magayos, hindi pa din naman siya bumabalik dito sa kwarto ko kaya naisip ko na
puntahan siya sa kwarto niya. Kumakatok naman ako ng kumakatok pero walang sumasagot kaya
binuksan ko yung pinto.

"So-sorry"

Isinara ko ulit yung pinto. Nakita ko siya na nakatube at maiksing shorts lang -___- Bakit ba
kasi nagbibihis siya na hindi nakalock yung pintuan e. Paano naman kung iba yung nakakita sa
kanya ng ganun diba? Hinintay ko na lang siya sa labas ng pintuan at hindi rin naman nagtagal
at lumabas na din siya.

"Sorry. Hindi ko--"
"It's okay lang Gab. Let's go?"

Pumunta na lang ako sa kung saan nakapark yung niregalong sasakyan sakin nina Dad at yun yung
ginamit ko.

Risa's POV

Yay! I'm on a date with Gab <3 We're on our way to Antipolo. I've never been there so I'm very
excited. This place is far from our house.

"Nandito na tayo"

It's a park but it's full of flowers. It's really beautiful here. I'm happy that Gab took me
here for a date.

"Gab, salamat"
"Saan?"
"For bringing me here. Maganda."
"Ako nga dapat magpasalamat sayo dahil sinamahan mo ako dito. Risa, I have a favor to ask you"
"What is it Gab?"
"Tulungan mo akong pagandahin tong lugar"
"But it's maganda na"
"I want to have a date with Jin. I'm going to propose to her Risa. Could you help me?"
"What?! Propose? Meaning you want to marry her?"
"Ganun na nga"
"I.. Wait for a while. I need to answer this call"

I went on a spot where he can't see me. I want to cry. It really hurts hearing it from him.
He's about to propose to Jin. What will happen to me then? I can't let that happen. He can't
abandon me like this. I need help. I really need Mikaela right now. I dialed her cellphone
number.

[ Yes dear. Why did you call me? You need a shopping mate? ]
"Mika, I need you"
[ Oh my Risa. Are you crying? What happened? ]
"Yes. Where are you? I need to see you"
[ I'm in my condo unit ]
"Wait for me. I'll be there"

I hung up. I wiped my tears and wore sunglasses so that Gab won't notice that I cried. I went
back to where he is.

"Gab"
"Oh?"
"I need to go"
"Bakit?"
"I received an important call. I'll be leaving then. I'll just ride a cab back to Makati. Bye"

Mikaela's POV

Nandito ako ngayon sa condo unit ko at hinihintay ko lang na dumating si Risa dito. Ano kayang
nangyari at umiiyak siya nung tumawag siya sakin? I wonder why. Could it be because of Gab and
Jin? Well, it's really possible but for what reason?

*ding dong*

Si Risa na siguro to. I opened the door and its really her. Hindi ako nagkamali. Nagulat naman
ako kasi bigla siyang yumakap sakin at umiyak.

"Mikaela.."
"Risa. Let's come inside first then we will talk about it okay?"
"Okay"

Umupo kami at kumuha naman ako ng water and tissue para kay Risa. Mukhang kakailanganin niya
nito e.

"Risa listen to me. Could you stop crying first? Crying wouldn't help you. It'll just make you
ugly. Just calm down first, okay? Then tell me what happened"
"Okay. Well, Gab asked me to go with him and it's just the two of us. I thought it was a date
because we went to Antipolo. There's a park there and he rented it. He asked me to help
because.."
"Because what Risa?"
"He's going to propose to Jin. What will happen to me after that? I don't to be abandoned. I
can't let that happen Mika! You need to help me!"

Nagsimula naman na siyang umiyak -___- So that's the reason why she called and asked to see me.
That girl! She's really getting on my nerves! How dare she make my dear friend cry?! Propose
huh? I guess your happy days will end today Jin Charel Tan.

"Risa, listen to me. I'll give you instructions on what you should do. This is now or never. Do
you understand? That proposal shouldn't happen"
"Yes, I understand. What should I do?"
"The right time has come for you to reveal everything. His promise to you and the letter. Jin
needs to know everything"
"Do you think that this will really work?"
"Of course. Just trust me my dear. I also have something to do to help you and I promise you
that this will work"
"What else will I do?"
"Tell Jin how you feel about Gab. Make her pity you. She's a person who has a soft kind of
heart. Hindi ka niya matitiis and I'm pretty sure of that but first, we need to know what time
will they meet so we can block Jin on her way there"
"I'll ask Gab about the time"
"Good. I'll be the one to make Jin fall for the trap"
"What could happen after this?"
"Gab is all yours my dear. For sure, Jin will be leaving Gab after this. I pity her. She will
be left alone"
"What?! I.. I don't think I can do it. I don't want to hurt her"
"You know what Risa, it's your happiness or hers. I can't bear seeing you cry while seeing Jin
happy. She'll get hurt but in time, she'll get over it. Don't worry okay? Just think about
yourself. It's time to be selfish"
"O-okay. So, let's do it"
"When you think that you can't, just think about this. I'm depending on you. You've been
through a lot of things because of Gab. We've been planning this for a long time. You did even
went here. If you won't win Gab, all our efforts will be put into waste. Just also think of my
hardworks. You wouldn't bring me down Risa? Right?"
"Of course not. I'll do this. For you, for Gab and for myself. I won't let her get in the way.
Thank you Mikaela. You've been helping me ever since I got here"
"What are friends are for? I'm your friend. I'm always here for you"

It's all planned. Get ready Jin for the big revelation. I've waited for so long for this
revenge. I'll make sure that you would rather die than stay alive after this. I know that I'm
evil, mean, selfish or whatever bad words that you wanted to call me. You would even want to
kill me. But there's only one thing that I can say. "In a selfish world, only the selfish
succeed" That is the reason why I want her to be selfish.

Jin's POV

May dinner date kami ngayon ni Gab at excited na ako. Tinext na din sakin ni Gab yung time and
place. Sa Antipolo yung lugar at isang oras yung byahe galling dito papunta doon kung may
sarili kang sasakyan. Mas mabilis kung walang traffic. 6 daw kami magkikita kaya pupunta ako
doon ng mga 5. 4:30 pa lang naman ngayon at nagaayos na ako. May ibibigay daw siya sakin na
gift. I'm really curious on what gift he will give me. May ibibigay din ako sa kanya na watch.
Actually, it's not a gift from me. That watch is from my parents and gusto nila na ibigay ko
yun kay Gab. Gumawa din naman ako ng chocolates para kay Gab kaso bukas ko na ibibigay.

I received a text from Mika earlier and I'm kept on thinking of going there or not. Ang sabi
niya lang kasi sa text niya, "Do you want to know the truth?" Nakakacurious kasi. Sinabe niya
din naman sakin kung saan at anong oras kami magkikita. Actually, 4:30 yung sinabe niyang time.
Since maaga pa naman at wala naman na akong gagawin, pupunta na lang ako. I'm really curious on
what is she talking about.

*Mika calling..*

[ Are you coming or not? I'm already here ]
"I'll be there. I'm on my way"
[ Then I'll be waiting for you here ]

She hung up. Kinuha ko na yung gamit ko at nagpaalam kina Mommy na aalis na ako.

"Do you really need to go? It looks like it's going to rain" -Mommy
"Ano ka ba naman hon? Date yan ng baby natin, pagbigyan mo na" -Daddy
"Magdadala po ako ng payong Mommy. Wag ka na po magalala. I'll be driving my car po pala. I
need to go now Mommy and Daddy. Bye!"
"Take care princess" -kuya
"Oi Jin, sabihin mo sakin kapag niloko ka ng Gab na yun ah? Ako unang sasapak dun!
Naiintindihan mo?" -Vince
"Oo na. Sige po, aalis na ako"

Pumunta na ako sa lugar na tinext sakin ni Mika. Along the way naman ito sa pupuntahan ko kaya
okay lang. Pagdating ko dun sa lugar na yun, hindi ko nakita si Mika pero si Risa ang nakita ko
kaya nilapitan ko siya.

"You're here. I've been waiting for you" -Risa
"Si Mika?" tanong ko
"She received an important call so she left but she will send you a message later"
"Is that so? Then, I'll get going"
"Wait Jin. Actually, I'm here because I want to talk to you. This is about Gab and me. I think
that you should know everything"

I should know everything? Akala ko open na kami ni Gab sa isa't isa and I know everything
between Risa and him pero mukhang hindi pa pala lahat. Gusto kong malaman lahat pero natatakot
ako.

"Jin, I'm only asking a little of your time. Don't worry because after this, I won't show up
again in front of you"
"Okay. I'll listen. Tell me everything and when you're done, I'll also tell you my part"

Umupo na din ako sa table kung saan siya nakaupo. Ito yata yung first time na makakausap ko si
Risa ng seryoso at tungkol pa kay Gab.

"I know that you already know that I like Gab. In fact, I also love him. I love him more than
you do Jin. I'm like this even before I went to Japan to live there and until now, nothing has
changed. Do you know that he promised me something? He promised me that he will go to Japan and
will marry me. I'm still holding on with that promise because I know that he will fulfill that.
He went to Japan right? We're currently living together there and one day, he received a call.
I don't know who called him but after he received that call, he left me and went back here in
the Philippines. He also left me a letter saying that he will be back and that he will fulfill
his promise. Do you know why I followed him here? That is to remind him of his promise. But as
I saw the two of you together, I think that the promise will never be fulfilled and that I'm
only holding on to something that will never happen"

Nagulat naman ako kasi bigla siyang lumuhod sa harap ko at mangiyak ngiyak na.

"Risa.." pabulong kong sinabe
"Jin, I know that this is being selfish but I'm begging you. Please let that promise be
fulfilled. Don't do this to me. I know that you love him but I.. I'm dying Jin. I'm slowly
dying. He's everything I have, I don't know what will happen to me without him"

Inalalayan ko naman si Risa para makaupo siya ulit at inabutan ko siya ng panyo kasi umiiyak na
siya.

"Risa, did he really promised you that he will marry you?"
"Yes"
"I.. I don't know what to say Risa. I need to leave now"

Nagmadali na akong lumabas sa shop na yun at pumasok sa sasakyan ko. For some reasons, naiiyak
ako. Naaawa ako kay Risa. Hindi ko alam na may ganun palang klaseng promise si Gab sa kanya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Nagsimula na akong magdrive. Nagsimula na din namang
umulan kaya madilim dilim na. Pupuntahan ko na si Gab. Hindi ko kasi alam kung dapat akong
maniwala kay Risa kaya itatanong ko to kay Gab. I need to know everything. Parang ang dami dami
ko pang hindi alam.

After ilang minutes ng pagkastuck sa traffic, lumuwag na din yung daan. Mukhang malapit na din
ako dun sa lugar. Hindi ata kasi matao yung lugar na yun ee. Madami ding puno dito. Pagkacheck
ko nung phone ko, may message. Actually, MMS. Pagkaopen ko, hindi ko nagustuhan yung nakita ko.
It's from Mika at yung picture. It's a picture of Gab kissing Mika. When is this? B-bakit hindi
ko alam to?

*Mika calling..*

[ have you seen it? Poor Jin, do you really think na ikaw lang yung gusto ni Gab? Of course, he
also likes me. Oh my. Are you crying? Masakit ba yung katotohanan Jin? Lagi ka na lang
pinaglalaruan ng boys ]
"TAMA NAAAA!"
[ Does it hurt? C'mon. Wala ka man lang bang ibang sasabihin? Or are you-- ]

Binabaan ko na si Mika. Why is this happening? Bakit ba ang daming kontra samin ni Gab?! Why?!
Hindi ba talaga kami para sa isa't isa? Bakit ba lagi na lang pinaglalaruan yung feelings ko?!
Sinubukan kong tawagan si Gab pero hindi siya sumasagot kaya tinawagan ko si Zeke.

[ Charel, why did you call? ]
"Zeke, ganun ba ako kadaling paglaruan? Why is this happening to me?! Don't I deserve to be
happy?"
[ What happened? Tell me ]

Napatingin ako sa dinadaanan ko. Nasa kabilang lane na ako at may truck na padating. Break!
Hindi gumagana yung break pedal ng sasakyan ko.

"Waaah!"
[ Charel! ]

*BOOOOOOM!*
*******************************************
[86] CHAPTER 65: The Ending
*******************************************
Chapter 65: The Ending


Zeke's POV

Naputol ang usapan namin ni Charel sa isang malakas na pagsabog. Pinilit kong tawagan yung
phone niya pero hindi na matawagan. Hindi rin ako mapakali dahil may kutob ako na may masamang
nangyari sa kanya pero sana wag naman. Pumunta din ako sa bahay nila para alamin kung nasaan si
Charel pero umalis pala siya papunta sa Antipolo. Sinabe ko na din sa kanila yung narinig kong
ingay nung kausap ko siya para malaman nila at nagmadali akong umalis sa bahay nila. Kailangan
kong pumunta sa kung saan man papunta si Jin. Hindi ako mapapakali kapag hindi ko siya nakita.
Nagmadali akong magdrive papunta sa Antipolo. Buti na lang at walang traffic. Tumigil naman ako
sa kung saan marami akong nakitang tao.

"Ate, anong nangyari dito?" tanong ko
"May naaksidente daw na babae. Nasunog daw yung sasakyan. Siguradong patay na yung nagdadrive
nun. Kinukuha na nga nila yung bangkay"
"Salamat ate"

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko pero may malakas na kutob ako sa kung sino yung
naaksidente. Ayoko man isipin na siya yan pero iba talaga yung nararamdaman ko. Tatawagan ko na
lang si Gab para makasigurado. 6:45 na din kasi ng gabi ngayon.

[ Oh? Bakit ka napatawag? ]
"Kasama mo ba si Jin?"
[ Bakit? ]
"Sagutin mo nalang. Nakarating ba dyan si Jin?"
[ Hindi pa siya dumadating ]
"Gab, kailangan mo pumunta sa lugar na sasabihin ko"
[ Ge. Itext mo na lang ]

Binabaan ko na siya. Hinihintay ko na lang na makuha yung bangkay pati kung anong mga
identification pa yung pwedeng makuha nila. Kailangan kong makasigurado. Hindi pwedeng si
Charel yun!

Gab's POV

Kanina ko pa hinihintay si Jin. Hindi na din kasi siya macontact. Yung huling text niya sakin,
mga 4:30 pa lang at sabi niya papunta na siya pero anong oras na at wala pa din siya -___-
Pagkatawag sakin ni Zeke, pinuntahan ko agad yung lugar na sinabe niya tutal malapit lang yun
ditto pero hindi ko inaasahan na bangkay yung aabutan ko dun. May narinig din akong malakas na
pagsabog kanina pero hindi ko lang pinansin.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko kay Zeke
"Yung bangkay. That could possibly be Jin"
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo Zeke"
"I'm serious. Mukha ba akong nagloloko?"

Fvck. Ano bang kalokohan to? -___- Hinintay lang namin ni Zeke na makuha yung bangkay doon sa
bangin. Nung nakita namin yun, hinding hindi na makilala kasi sunog na sunog na pero hindi ko
ikinatuwa ng makita yung mga narecover na gamit. Nandoon yung singsing na binigay ko kay Jin
pati yung kwintas na binigay ni Zeke sa kanya. Hindi! Hindi si Jin yan! Imposibleng siya yan!

"J-Jin! Hindi to totoo!"

Hindi patay si Jin! Hindi ako papayag! Hindi pwede to. Nananaginip lang ako diba?! Bakit ngayon
pa?! Ang bata niya pa para mamatay!

KL's POV

It's past 10pm nang tinawagan ako ni kuya Hiroshi. Overseas call nga ee. Mukhang emergency kasi
nandito ako ngayon sa Korea pero tinawagan niya talaga ako.

[ KL ]
"Anong meron kuya? Napatawag ka yata. May nangyari ba?"
[ Si Jin ]
"Anong nangyari kay Bessy?"
[ Wag ka mabibigla ah? ]
"Naaksidente ba siya? Nasa ospital siya ngayon?"
[ Wa-wala na siya KL. Iniwan niya na tayo ]
"Kuya naman e. Wag ka naman magjoke ng ganyan. Hindi nakakatuwa"
[ I know but sad to say, iniwan niya na tayo ]

Nanghina ako sa narinig ko. Wala na din akong nagawa kung hindi umiyak. Hindi to totoo! Ang
bata niya pa! Hindi to pwede. Kailangan kong makabalik agad sa Pinas.

***

March 25 na ng tanghali nang makarating ako sa lugar kung saan nakaburol si Jin. Iniisip ko na
makikita ko si Jin pero nacremate na pala siya :( Mas lalong hindi ako makapaniwala na wala na
siya. Ang bestfriend ko. Pagdating ko dun, hindi ko nakita si Gab. Nandoon lang si Zeke pati
family ni Jin.

"Tita and tito, condolence po" sabi ko

Pilit na nginitian nila ako at umupo muna ako sa isang tabi. Until now, hindi ko pa din alam
kung bakit nagkaganito. Hindi din naman nagtagal at tinabihan ako ni kuya Hiroshi at niyakap ko
siya. Naiiyak na din kasi ako.

"Kuya"
"KL"
"What happened? Bakit nagkaganito si Jin? Why?!"
"Pinaimbestigahan na namin. Ang sabi lang ng nakakita, nawalan ng control ang sasakyan niya
dahil napunta siya sa kabilang lane at pilit niyang iniwasan yung padating na truck. Posible
daw na nawalan ng brake yung sasakyan niya. Umulan din noon kaya madulas ang daan at
dumerederetso ang sasakyan niya sa bangin at hindi daw nagtagal at sumabog din yun"
"Wala bang gumugulo sa isip niya nun kuya? Marunong naman magdrive si Jin diba? Paano naman
mapupunta sa kabilang lane yung sasakyan niya? May problema ba siya kuya? Anong nangyari?!"
"Nung umalis siya dito, wala naman. Masaya nga siya dahil magkikita sila ni Gab"
"Pero paanong naaksidente siya? Imposible kasi yun kuya na ganun"
"Ang sabi lang ni Zeke, tinawagan siya ni Jin at umiiyak si Jin at bigla na lang siyang
nakarinig ng pagsabog"
"Umiiyak si Jin?! I should know the reason why. Aalis muna ako kuya. Susubukan kong alamin kung
bakit"

Kinuha ko yung gamit ko at tinawagan si Spencer dahil baka kasama nila si Gab. For sure, Gab
knows the reason why. Imposible naman na umiiyak si Jin ng walang dahilan diba? Gab must be the
reason why. Pumunta lang ako sa bahay nina Gab. Nandoon din kasi sina Spencer, Aine at Steven
ngayon. Pagkarating ko doon, si Mafelle agad yung bumungad sakin.

"KL, hindi mo makakausap ng matino si kuya. Lasing siya ngayon ee. Ayaw magpaawat. Nagwawala
siya kapag pinipigilan siya" -Mafelle
"Nasaan yung parents niyo? Si Risa?" tanong ko
"Wala sila dito. Umalis na kasi kanina sina Mommy and Daddy. Si Risa naman, umalis din. Simula
umalis sina Mommy, naglasing na siya ee"
"Babe, nandito ka na pala" -Spencer
"Anong nangyari dyan sa bestfriend niyo?! Hindi niyo ba kaya kontrolin yan?!"
"KL, chill lang okay? I'm sure it's because of Jin. Biglaan kasi yung pagkawala niya.
Magpopropose na sana siya kay Jin kahapon nang maaksidente siya" -Aine
"Kanina pa namin yan inaawat. Ayaw naman tumigil. Nagwawala lang siya" -Steven
"Ako kakausap sa kanya!"

Pinuntahan ko agad yung kwarto ni Gab. Nakalock kaya hiningi ko kay Mafelle yung susi ng kwarto
niya at binuksan. Nakita ko naman si Gab doon na lasing na at patuloy pa din na umiinom. Amoy
alak na nga yung kwarto niya e -___- Kinuha ko naman agad yung bote ng alak at binato.

"T*ngna! Umalis ka dito! Wag mo akong pakialaman!"

Lasing nga siya. Ano sa tingin niya? Madadala lahat ng lungkot na meron siya sa kakainom niya?!
Sinuntok ko nga.

"Hoy Gab! Umayos ka nga! Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?! Madadala ba lahat sa alak yan?!
Hindi naman diba? Tigilan mo na nga yan!"
"Wala kang alam!"
"Gab, alam ko namang masakit, sobrang sakit. Kahit ako, hindi ko matanggap na wala na siya.
Lahat naman tayo diba? Pero Gab, yun yung totoo!"
"Hindi yan totoo! Hindi patay si Jin!"
"Gab, lasing ka lang!"
"Hindi ako lasing KL. Kahit anong gawin kong inom, walang epekto. Yung nakitang kong bangkay
kagabi, sigurado ako na hindi siya yun. Hindi siya pwedeng mamatay"
"Gab.."
"Ang tagal kong hinintay yung araw na yun para makapagpropose sa kanya. Pinaghandaan ko talaga
yun. Naghintay ako pero hindi siya dumating. Hindi ko kayang pumunta sa burol niya KL. Hinding
hindi ko matatanggap na patay na siya"
"Alam kong mahirap to para sayo Gab pero wag mo naman idaan sa ganito. Nagaalala yung kapatid
mo sayo"
"Bakit siya pa?! Bakit hindi na lang ako yung naaksidente? Para na din akong pinatay"
"Gab, isipin mo na lang si Jin. Ayaw niya na nagkakaganito ka. Kung ayaw mo pumunta sa burol
niya, okay lang naman yun pero imbis na naglalasing ka, hindi ba dapat alamin mo muna kung saan
nagsimula to? Bakit siya umiiyak bago siya maaksidente"
"KL"
"Gab, wag mo sayangin yung oras mo kakainom. Alam kong gusto mo din umiyak. Pwede ka naman
umiyak diba? Hindi naman kabaklaan yun. Nandito naman kami para sayo oh. Lahat tayo apektado sa
nangyari. Lahat tayo nawalan. At kungg gusto mo uminom dapat isama mo kami hindi yung
nagsasarili ka dyan"
"Ge, salamat KL ah? Hintayin niyo lang ako sa sala. Aayusin ko yung sarili ko"
"Sige"

*March 28*

Risa's POV

It's been 4 days since that accident happened. The accident that killed an innocent person.
Yesterday, I was with Jin's family. Her ashes were locked up in a crematory yesterday. I saw
them cry. I saw how hard it is for her family to accept that she's gone. I saw how miserable
Gab was. I know that it wasn't my fault but I can't help but think that I was the one who
killed her.

I'm here in my room right now. My conscience is bothering me. I've been sleepless for nights. I
need Mikaela's help right now. I was about to call her when I saw that she's calling me so I
answered it.

"Mika"
[ What exactly is going on? You haven't called me for days. What's wrong with you? ]
"I'm the one who killed her. If it wasn't because of me being selfish then this won't happen.
She should be alive by now"
[ It's not your fault Risa. You haven't done anything wrong. You just told her everything and
nothing more so don't think that it's your fault,okay? ]
"I think Gab needs to know about that"
[ NO! You shouldn't let him know that you talked to her before that accident happened. Risa,
Gab is all yours now. The plan worked. Jin died because there's a problem with her car and it's
not because of you ]
"Don't you feel bad about what happened?"
[ Why would I? I didn't kill her Risa. I feel sorry for her. I want to get rid of her before
but now that she's gone, I feel like I just want her to suffer but to this extent of Jin dying,
I don't like it ]
"Is that so? She died Mika and I can't take it anymore. I'm feeling guilty because of what
happened. I should let them know about the plan"
[ If you let them know about this, you'll lose Gab. All your efforts will be a total waste. Do
you want that? I'm also a part of that plan. We will be blamed ]
"I can't stand it Mika. I'm sorry, I really need to tell Gab"

I hung up. I went to Gab's room to check if he's there. I found him lying on his bed. I went
near him and sat in his bed.

"Gab, there is something that you need to know. This is all about Jin"
"Wala na si Jin! Wala ng magbabago kahit malaman ko pa"
"No Gab. I think you should know what happened before that accident"
"May kinalaman ka sa nangyari?!"
"Please listen to me first. You'll hate me after this but I don't care. I can't take this
burden anymore. You have the right to know. I talked to Jin before she died. I told her about
the letter that you left in Japan and your promise to me. Mika also showed her a picture of you
kissing Mika. I'm sorry Gab"
"Ano?! Fvck! Bakit niyo ginawa yun?!"
"I don't want you to propose to her. I don't want you to abandon me. Mika helped me. I wasn't
expecting that there will be an accident Gab. Sorry"

He hold me tight and I thought that je will punch me but he punched the wall instead. Gab is
scaring me! >__<

"Dahil sa nagawa mo, mas lalo mo lang akong tinutulak palayo Risa. Hindi kita mapapatawad.
Kayong dalawa ni Mika. Ang laki ng pinagbago mo, hindi ikaw yung Risa na minahal ko"

Gab hates me. He really loves Jin and I can't compete with her. I just need to accept the fact
that Gab will never be mine.

*******************************************
[87] EPILOGUE
*******************************************
MAY BOOK 2! :) PLEASE READ THE NEXT PART. Yung author's note.
----------------------------------------------------------
EPILOGUE


Apat na araw pa lang. Apat na araw na hindi ko siya nakikita o nakakausap man lang. Namimiss ko
yung boses niya.

Ang boses na kahit kailan, hinding hindi ko na maririnig pa ulit. Yung boses na ayaw na ayaw
kong marinig noon pero ngayon hinahanap hanap ko na.

Wala na nga talaga siya. Iniwan niya na ako. Nawala siya sa araw na dapat ay naging masaya para
saming dalawa. Ang sakit isipin na kahit anong gawin ko, hindi ko na siya maibabalik pa.

Kung pwede lang sana na ako yung nasa sasakyan na yun at hindi siya. Ako na lang sana yung
nawala.

Ang hirap isipin na yung fiancee ko tinakbuhan na ako sa kasal namin.

Wala na akong tatawaging honey.

Wala na din akong aasarin na kabayo.

Wala nang maingay sa tabi ko.

Walang mangungulit kapag masungit ako.

Isang tao man ang nawala pero madaming nabago at magbabago.

Hindi ba talaga kame para sa isa't isa o sadyang pinaglalaruan lang kami ng tadhana?

Maraming away, tampuhan, selosan, sakitan, sigawan.

Marami din namang masasayang alaala. Marami na kaming dates at marami na akong nabigay na
regalo sa kanya.

Masyado na ding maraming hadlang.

Masyado na talagang marami ang pinagdaanan namin. Masaya man o malungkot, sabay namin iyon
hinarap. Pinilit naming maging matatag para sa isa't isa.

Pero ngayong magisa na lang ako,

Paano ko haharapin yun lahat?

Naging matatag ako para sa kanya. Siya ang naging lakas ko. Kung hindi din dahil sa kanya,
hindi ako ganito ngayon.

Nagbago ako para sa kanya.

Binawasan ko ang pagiging masungit.

Naging sweet din akong tao.

Natuto akong mag effort.

Ginawa ko ang lahat ng iyon para sa kanya. Pero ngayong nabago na ako, para saan pa kung hindi
ko naman maipapakita sa kanya diba?

Ang hirap maging matatag. Ang hirap ipakita sa iba na kaya ko pa. Na kaya kong ngumiti at
maging masaya. Sobrang hirap.

Naisipan ko na din na sundan na lang siya para matapos na lahat pero hindi ko yun ginawa dahil
alam kong ayaw niya. Alam kong gusto niya akong magsimula ulit at sumaya sa PILING NG IBA.

Pero gusto ko siya lang.

Si Jin Charel Chavez Tan lang at wala ng iba.

I love her and I will still be loving her.

Tuwing nanonood ako ng palabas at may namamatay na bidang babae, sinasabihan ko pa na ang bakla
ng lalaki dahil sa umiiyak siya pero ngayon naiintindihan ko na kung gaano kasakit mawalan ng
taong minamahal. Normal lang na umiyak at hindi yung kabaklaan.

Gusto ko pa na laging tragic yung ending dahil ayoko sa happy endings pero ngayong ako naman
ang nabigyan ng tragic ending, dapat pala naging happy ending na lang.

Lahat ng storya, may katapusan. TRAGIC man o HAPPY yan, kailangan mong tanggapin ang
kinahinatnan. Ganun talaga ang buhay. Hindi pwedeng lahat happy ending. Minsan, kailangan din
ng malungkot na ending para maiba naman.

Kaya nga sabi nila, EXPECT THE UNEXPECTED.

Hindi ko naman expected na ganito ang mangyayari samin.

This is all a GAME OF LOVE. May natatalo at may nananalo. Hindi pwedeng laging panalo lang
dahil kahit gaano ka pa kaswerte, darating ka sa point na matatalo ka din. Kailangan mo lang
sumugal at itaya kung ano ang meron ka. Kapag nanalo, bigtime. pero kapag natalo, kailangan mo
lang magsimula ulit at baka sa susunod, manalo ka na.

Parang sina Aine at Steven. Akala ng lahat panalo na pero biglang umalis si Aine at biglang
natalo. Sumugal lang ulit si Steven at nakilala niya si Maeghan. Ang nasa isip ng lahat, panalo
na dahil nakabawi na pero may ipapanalo pa pala dahil bumalik si Aine.

Sina Spencer at KL. Si KL na ayaw man lang magkaboyfriend pero sumugal siya at anong naging
resulta? Panalo. Masaya silang dalawa ni Spencer ngayon.

Sina Mika at Zeke na parehas natalo. Akala ng lahat, panalo na si Zeke dahil nasa kanya na si
Mika pero mas pinili niya kumuha ng maling baraha. Mas pinili niya na sumugal ulit kay Jin pero
walang mangyari at si Mika na natalo dahil mas pinili ni Zeke si Jin.

Si Mafelle na akala mo palaging talo pagdating sa mga lalaki pero pwede naman siyang manalo,
nandyan na yung baraha na magpapanalo sa kanya pero hindi niya lang napapansin at hanggang
ngayon, hindi pa din alam kung panalo ba siya o talo.

Ang LOVE parang laro na poker lang yan. Kailangan mong sumugal kahit walang kasiguraduhan kung
mananalo ka o hindi. Itaya mo ang maling baraha at matatalo ka pero kung mapunta sayo ang
swerteng baraha, mananalo ka. Kung malaki man ang tinaya mo, dalawa lang ang pwedeng mangyari
dyan. Mawala sayo lahat o madoble ang tinaya mo. Kailangan mo lang ipaglaban hanggang sa dulo.
Kagaya nga ng sabi nila, If you can't afford to lose, don't even think of starting to play the
game.
*******************************************
[88] AUTHOR'S NOTE :)
*******************************************
AUTHOR'S NOTE: ( Revised )

You can visit my website for more information about my stories http://
ainetanstories.weebly.com/
SOFTCOPIES. If you will read the next part of this book, nandoon po yung instructions on how to
download the softcopy :)

These are the OFFICIAL FACEBOOK ACCOUNTS of the characters:
Gab - https://www.facebook.com/gabteppei.official
Jin - https://www.facebook.com/jinchareltan.official
Mika - https://www.facebook.com/mikaelavaldez.official
KL - https://www.facebook.com/klgonzales.official
Spencer - https://www.facebook.com/spencerreyes.official
Terrence - https://www.facebook.com/terrencemartinez.official
Steven - https://www.facebook.com/stevensantos.official
Aine - https://www.facebook.com/ainetan.wattpad
Join na din kayo sa facebook group :)
http://www.facebook.com/groups/ainetanstories/

It's official, MAY BOOK 2. You can search the book. Eto po ang title dito sa wattpad.
[ GAME OF LOVE ] Book 2: STILL IN LOVE
Madami nagsasabi na hindi daw nila masearch so here is the link. Type niyo nalang sa mga
browsers niyo. Topakin si watty. Ayaw ipasearch talaga e. Or you can go directly to my profile
and under My Works, nandoon po yung book 2.
http://www.wattpad.com/story/1788306-game-of-love-book-2-still-in-love-on-going

Sana mabasa niyo yung iba ko pang story. An Orphan's First Love at Wattpad Love :) I'm sure
magugustuhan niyo yun.
Thank you guys for everything. Love ko kayong lahat

-aine_tan
*******************************************
[89] GAME OF LOVE Softcopy :)
*******************************************
Available na yung softcopy ng GAME OF LOVE. Nirelease ko to in celebration ng 1 year ko sa
watty. In 1 year, sobrang dami kong naging achievements :) And without you guys, hindi
mangyayari yun :) That was last Aug.31, 2012. Naka 1M+ na din kasi yung GOL so giveaway na po
ito.

Siguro naman walang magpopost ng story online diba? Pero kung may magpost man, please don't
take credit naman. Hahaha! Basta kakaiba naman itsura nun so mukhang wala ng makakagawa ng
ganun :) Mabait ako kaya sana wag itake advantage ^^
Special thanks sa mga tumulong sakin magayos ng softcopies :)

There are 2 ways to download the softcopy:
Option 1.
1. Go to my profile here in watty or simply type:
http://www.wattpad.com/user/aine_tan
2. Under the description, there is a link to direct you to the website where you can download
the softcopy. Simply click the link and then a new website will open.
3. On the upper right hand corner of the screen, there is a green download icon. Click it and
then it will redirect you to another link, click the download icon. And there, you already have
the softcopy.
Option 2.
1. Type this url in the address bar on your browser.
http://www.mediafire.com/view/?2cy07pd454x4762
2. On the upper right hand corner of the screen, there is a green download icon. Click it and
then it will redirect you to another link, click the download icon. And there, you already have
the softcopy.

Enjoy reading GAME OF LOVE again and again and kindly support the book 2 entitled STILL IN
LOVE. It's already on-going. Xie xie!

-Aine Tan.
************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like