You are on page 1of 2

Diary, Sept 13 2014

8:15 na ako nagceng kaya nman hndi nako nakapasok sa unang sabdyek buti nalang talaga at
ganon din pala ang aking kaibigan na si rizza. Best Buddy ko yon. Natapos ang maghapon ko na masasbi
kong isang produktibong araw. Naipagawa ko na rin ang laptop ko sa mas muranag presyo, napagod nga
lang ako dahil bnyahe ko pa sya ng balanga para lang maipagawa. Masaya naman ako kahit nagutom ako
ng husto ang mahalaga ay nakamura ako. Sa kabilang banda naaalala kong kaarawan pala ng kaibigan
kong si mela. Debut pa naman nya. 10:45pm ko na naalala. Ang masaklap pa. Bukod sa wala akong
internet. Wala rin akong load na pantext, Makkikitext sana ako ngunit wala na nga pala akong number
nya dahil naformat ang cellphone ko. Ang saya T_T Lagot na ako sakanya,


Sept.14
Gumising ako ng saktong 6:30 para makapag simula ng maglaba. Oo maglalaba ako ng maaga. Hndi
tulad noon na kahit gumsing ako ng 11 pwede pa rin akong maglaba. May lakad kase ako kasama ang
espesyal na tao. At ipinalangin na hndi matuloy ang bagyo. Ngunit tila hndi nadinig ang mumunti kong
hiling dahil pagsapit ng tanghali na saktong nasa balanga na kami ay syang buhos ng malakas na ulan at
hagupit ng malakas na hangin. Hndi na kami nagstay sa labas kung saan mannuod sana kami ng
nagpperform. Nag ikot ikot na lamang kami hanggang sa magutom. Kumain, naglakad lakad, napagod,
namahinga, kumain, at napagpasyahang manuod ng sine. Namili rin akong pangregalo kay diane dahil
kaarawan nya ngayon. Sobrang saya sa pakiramdam na halos di na namin namalayan ang oras at ang
masamang panahon. Nakauwe ako ng saktong 8 sa bahay at ang climax. Pinagalitan kami ng nanay at
tatay. 

Sep.15
Kinalunesan walang pasok. Salamat naman dahil hindi pa ako nakakaplantsa ng aking uniform.
At hgit sa lahat makakapag prepare pa ako sa report ko sa Principle of Teaching. Nakakatakot pa naman
ung instructor ko doon. Nag ayos lang ako ng report at nag plantsa ng damit. Pagkatapos ko gawin ang
dapat. Natulog lang akong maghapon dahil malakas ang ulan, Masarap matulog. Kahit bukas na ako
magising 

Sept. 16
Nagising ako ng 9:30am. Ready na ang report ko. Lahat lahat. Pwera nalang ung utak ko at ang
buo kong pagkatao. Parang nilunok ko ng buo ang nerbyos kaya sa tyan ko sya nanirahan. Parang
nadudumi na hndi maintindihan. Kaya naman hndi ako pumasok sa una kong subject at ginamit ko ang
oras ko upang mkpagpraktis. Naligo ako, kumain at naghanda sa pagpasok. Hinanda ko na ang mga bala
at sandata. Hindi ako sasabak sa gera o sa kung ano pa man. Ang tinutukoy ko ay ang mga gagamitin
kong mga materyales para sa ikagaganda ng report. Pumasok ako ng bandang 2:50pm. 3:00pm ang start
kaya akala ko nalate na ako. Natataranta akong pumasok at natuwa ang puso ko ng Makita ang ngiti ng
mga kaibigan kong sina rizza,Katrina at dhiane na nagpapahiwatig ng suporta mula sakanila. Nakakataba
ng puso na hindi nila ako pinabayaan sa mga oras na iyon. Kahit na medyo nanginginig ang boses ko
nung simula ngunit nung kalaunan ay nagawa ko naman ng ayos. Sa evaluation. Lalo akong nagalak dahil
napuri naman kami ng partner ko sa report ko. Natutuwa ako sa mga feedback at resulta ng aking
pinaghirapan. At sa suporta ng aking mga kaibigan. At dahil sa nangyari nagperya kami 

Sept 17
Isang subjek lang kami ngayon kaya napagpasyahan kong kunin na ang laptop. Nalate nga lang
ako ng isang 30 minuto kaya naman 80 lang ang nakuha ko sa larong patintero. Ayos lang naman kase
nakaupo lang ako pero may grades parin akong ntanggap salamat na lang sa gwapo at napakabait kong
instructor.


Sept. 18
Araw ng Huwebes. Dahil nangunguna kami sa reporting hndi kami nagklase kay maam amit. Nag
pagawa lang sya ng activity kung saan gumawa kami ng isang kaaya ayang classroom sa kahon ng
sapatos. Nkakapagod pero masaya din.


Sept 19.