You are on page 1of 13

Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal I.

Introduksyon

Sa mga bulkan sa Pilipinas ay kapansin-pansin ang Bulkang Taal dahil sa kanyang


kahali-halinang pisikal na anyo at mga napakabangis na erupsyon na nagdulot ng
malaking pinsala hindi lamang sa buhay ng mga taong nakapaligid kundi pati na rin
sa mga hayop at halamang nakapalibot dito. Dahil sa kanyang natural na kagandahan
at marikit na kaanyuan, maraming turista ang naaakit at naaaliw. Dagdag pa dito,
katangi-tangi ito sa pagiging bulkan na pinaliligiran ng lawa. Tunay nga na
masasabing nangingibabaw ang Bulkang Taal sa mga bulkan sa Pilipinas. Ngunit sa
isang banda, mayroong tinatagong bangis ang Bulkang Taal. Ang kanyang mga marahas
na pagsabog ay nagdulot ng kalunos-lunos na pinsala sa lahat ng nabubuhay maging
tao man o hayop at halaman. Sa katunayan, pumutok na ito ng apatnapu’t isang beses
simula 1572, at ayon sa mga eksperto sa bulkan, ito ay isa sa mga sampung
nakakamatay na bulkan sa buong mundo. Marahil ang pagputok nito noong 1911 ang isa
sa mga dahilan kung bakit ito’y naihanay sa ganitong estatistika. Kumitil ito ng
maraming buhay, naminsala ng kabuhayan ng mga mamamayan at nag-iwan ng marka sa
kasaysayan ng Pilipinas at mundo.

II. Mga Bulkan Ang bulkan ay isa sa mga anyong lupa na nabuo dahil sa ilang mga
natural na proseso. Maari iuri ang bulkan ayon sa mga pagputok nito. A. Ang
Proseso ng Pagbuo ng Bulkan Ang isang bulkan ay nagsisimula sa pinakailalim ng
lupa kung saan lubos na mainit ang temperatura. At dahil sa mainit na temperatura,
ang mga bato rito ay napakainit din. Ang tawag sa mga ganitong bato ay magma.
Naitutulak ito paitaas dahil sa presyur na galing sa mga malalaking batong
nakapaligid. Kapag nakarating na ito sa ibabaw ng lupa, nagdudulot ito ng lamat o
butas sa lupa. Mula dito lumalabas ang usok, abo at mga maiinit pang bato. Sa
pagtagal ng panahon, dumadami ang mga bato at abo at nagpapatong-patong ang mga
ito. Unti-unting nakakabuo ng tila burol. Ito ang tinatawag na bulkan. Ang bulkan
ay maaring magbuga ng mga tunaw at mainit na bato na tinatawag na lava. Dagdag pa
rito, nagbubuga rin ito ng mga bato at abo. B. Iba’t-ibang Klase ng Bulkan Ang mga
bulkan ay maaaring iuri ayon sa kanilang mga pagputok. Una ay ang aktibong bulkan.
Tinawg itong aktibo sapagkat patuloy itong pumuputok. Nagbubuga ito ng usok, abo
at maiinit na bato. Pangalawa ay ang dormant na bulkan. Ito ay hindi aktibo
sapagkat hindi ito pumutok ng mahabang panahon. Pangatlo at panghuli ay ang
extinct na bulkan. Ito ay maaring ituring na patay na bulkan sapagkat naptunayang
hindi na ito pumuputok sa loob ng mas mahabang panahon.
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal III. Ang Bulkang Taal at ang Lawa ng
Taal A. Pisikal na Kaanyuan

Sa mga bulkan sa Pilipinas, itinuturing ang Bulkang Taal na isa sa pinakamaganda


dahil sa kanyang natatanging pisikal na kaanyuan. Ito ay may taas na 5,000
hanggang 6,000 metro at matatagpuan sa pagitan ng bayan ng Talisay at San Nicolas
sa Batangas 60 kilometro timog ng Maynila. Ang deskripsyon ni Hargrove (1991) sa
Bulkang Taal ay, “...an island in a lake in an island in a lake in an island in
the sea. Reversing it, a volcanic island (Luzon, in the Pacific Ocean), holds a
volcanic crater lake (Lake Taal), which holds Volcano Island, which has its own
Crater Lake, with a small island.” Sa pagtalakay sa Bulkang Taal ay hindi
maiwasang mabanggit ang lawa ng Taal. Ang lawa ng Taal ay sinasabing nabuo dahil
sa malakas na pagputok ng isang sinaunang bulkan daang libong taon na ang
nakaraan. Sobrang lakas ang nangyaring pagsabog na nagdulot ng pagkasaid ng
kailaliman ng bulkan. Dahil dito, lumiit ang bulkan at naging isang malaking
crater. Nang mapuno ito ng tubig mula sa dagat, ito ay ang naging lawa ng Taal.
Ito ay may haba na 24 hanggang 30 kilometro at may lapad na 14 hanggang 19
kilometro Ang lebel ng tubig ay 1.8 metro sa tuwing tag-araw samantalang ito’y
tumataas sa 2.5 metro kung tag-ulan. Nahahati ang lawa sa dalawa. Ang una ay nasa
hilaga na 90 metro ang lalim samantalang ang isa ay nasa timog na may lalim na 160
metro. Ang erya ng buong lawa ay 24 km2 na mayroong drainage area na sumusukat na
644 km2. Dati, ang Taal ay naihanay bilang tubig-alat sapagkat mayroong mga
nagsasabing 1% ang salinity nito. Ngunit ngayon, ito ay nabibilang na sa mga
tubig-tabang sapagkat napatunayan ng mga siyentipiko na ito’y 1/1000th saline.
Dagdag pa rito, maraming organismo ang nainirahan sa lawa. Nandyan ang Hydrophis
semperi, ang kaisa-isang species ng sea snake na matatagpuan sa freshwater. Higit
pa rito ay ang dalawang species ng isda na matatagpuan sa Taal at hindi saan mang
bahagi ng mundo. Ito ang maliit na tawilis o Harengula tawilis at ang malaking
maliputo o Caronx ignobilis.

B. Bago Pumutok ang Bulkang Taal Noong 1911 Bago pa man pumutok ang Bulkang Taal
noong 1911 dumating na ang mga mananakop at nakapagtala na sila ukol sa pagputok
nito at buhay ng mga tao. Naging bahagi sila ng mga pagsubok na dinaanan ng mga
katutubo at naging katulong din sila upang malagpasan ang sinapit na trahedya.
Ayon sa alamat, tinirahan ang lawa ng Taal noong huling bahagi ng ika-labintatlong
siglo. Sila ang mga Muslim na galing sa Borneo at Brunei. Di kalaunan, ang lawa ay
nasilayan ng mga Espanyol sa katauhan ni Capitan Juan de Salcedo, apo ni Miguel
Lopez de Legaspi. Noong Mayo 3, 1570 naglayag si Salcedo kasama si Martin de Goiti
sakay ang San Miguel at Tortuga. Dala-dala nila ang 90 hanggang 100 sinaunang
armas at 20 manlalayag. Ang kanilang layunin ay marating at masiyasat ang Maynila
at ang dalampasigan nito. Una silang nakarating sa isla ng Mindoro kung saan
nakasalumuha nila ang mga Instik na nangangalakal. Sumunod nilang narating ang
Balayan Bay sa Batangas. Sa tulong ng mga Morong naninirahan dito, narating ng mga
Esapanyol ang lawa ng Bombon, ang lumang
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal

pangalan ng lawa ng Taal. Ngunit sa kasamaang palad, isang panlilinlang ang


pagtulong ng mga Moro sapagkat bahagi lamang ito ng kanilang planong patayin ang
mga Espanyol. Lubhang nasaktan si Salcedo ng palasok na tumama sa kanyang binti
kaya’t umatras ang mga Espanyol. Nilabanan nila ang mga Moro sa lupa na nagbunga
ng apatnapung kasawian sa panig ng mga Moro. Noong 1572, ang mga Augustinian na
mga prayle sa pangunguna ni Padre Martin de Rada ay nagtayo ng misyon sa Taal.
Tinatag nila ang parokya ni St. Martin, Bishop of Tours. Dahil sa pagdating ng mga
prayle, lumaganap ang mga tala ukol sa Taal. Isang halimbawa ay ang paglalarawan
ni Padre Gaspar de San Agustin sa Bulkang Taal, “a volcano of fire which is wont
to spit forth many and very large rocks, which are glowing and destroy the crops
of the natives.” Samantala, nagrekord si Martinez de Zuniga ukol sa lawa,
“different kinds of tuna fishes are caught here, but not as good as those of
Spain.” Dinagdagan naman ito ni Medina noong mga taong 1630 sa pagsasabing maalat
ang tubig ng lawa. Ang unang naitalang pagsabog ng Taal ay noong 1572, ang taong
itinatag ng mga Augustinians ang misyon sa Taal. Nagmisa ang mga prayle sa isla ng
bulkan o Pulo Volcan upang aluhin ang mga naguguluhang katutubo at turuan silang
magtiwala sa Diyos. Ang nanguna sa misang ito ay si Padre Agustin de Alburquerque.
Inulit ito ni Padre B. De Alcantara noong 1590 at 1591, ang mga taong muling
pumutok ang bulkan. Makalipas ang dalawpung taon ay nagtayo ang apatnaraang
katutubo ng isang krus sa gitna ng bunganga ng bulkan. Ito ay sa pangungauna ni
Padre Tomas de Abreu na nagsasabing mapapalayas ang masamang espiritu sa ganitong
paraan. Pagkatapos ng pangyayaring ito, iginigiit ng nasabing prayle na hindi
lamang tumigil ang pagputok ng bulkan bagkus naging mas mataba rin ang lupa sa
isla. Naging maunlad ang Taal bilang sentro ng kalakalan sa kabila ng aktibong
Bulkang Taal. Nagkaroon ng malalaking mga gusali tulad ng mga simabahan, opisina
ng gobyerno, mga paggawaan at kulungan. Naging kilala rin ito sa pangingisda,
pagsasaka, paghahabi at paggawa ng langis. Sa kabila ng mga kaunlarang ito ay
hindi pa rin maikakaila ang mga pagputok ng Bulkang Taal na nakaapekto sa
pamumuhay ng mga taong nakapaligid. Pumutok ito noong mga taong 1572, 1590, 1591,
1605-1611, 1634, 1635, 1641, 1696, 1705, 1707, 1709, 1715, 1716, 1729, 1731, at
1749. Mayroong mga tala ang mga Espanyol ukol sa mga pagputok na ito. Noong 1707,
ang Binintiang Malaki, ang bahagi ng Bulkang Taal, ay pumutok ng malubha na
animo’y kumulog at kumidlat. Ngunit sa kabutihang palad, hindi naman napinsala ang
mga karatig bayan. Samantala, kabaligtaran naman ang nangyari sa apat na araw na
pagputok noong 1716. Ayon kay Padre Francisco Pinagarron, “ ...produced big waves
which lashed against the shore with the force of a hurricane [and] also lashed at
the convent and swept away some 60 feet of soil from the coast, giving rise to
fear that the edifice, made with lime and stone might be swept away.” Dagdag pa
dito, nalagay sa panganib ang simabahan ng Taal at maraming maliliit at malalaking
isda ang namatay. Ayon kay Padre Manuel de Arce, “killed all the fishes, large and
small, the waves casting them ashore in a state as if they had been cooked, since
the water had been heated to a degree that it appeared to have been taken from a
boiling caldron.”
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal

Noong 1731, muling pumutok ang bulkan. Inilirawan ito ni Padre Torrubio na isang
kagimbal-gimabl na pangyayari. Ayon sa kanya, ang pagputok ay maihahalintulad sa
dalawang batalyong nasa isang giyera na sinundan ng isang mahaba at nakakabahalang
lindol. Dagdag pa dito, maikukumpara din sa kumukulong tubig ang lawa sapagkat
niluto nito ang mga isda. Muli ay naging marahas ang pagputok noong 1749. Noong
Agosto 11 nagising ng 3:00 ng umaga si Padre Bencuchillo dahil sa ilang mga
pagsabog na narinig. Una ay inakala niya na ito’y kidlat lamang. Habang ito’y
lumakas, naisip niya na ito’y putok mula sa galyon mula sa Mexico papuntang
Maynila. Ngunit nang humigit ang putok sa inaasahan niyang bilang, naisip niya na
mayroong giyerang nagaganap. Di kalaunan, kanyang napagtanto na ang Bulkang Taal
ay muli na namang sasabog. Matapang niyang pinanood pumutok ang bulkan sa kabila
ng mga anyayang lumikas na. Pagkatapos ng erupsyon, ang Sala at bahagi ng Tanuan
ay hindi na akma upang tirahan. Sa mga erupsyon, ang pagputok noong Mayo 15, 1754
ang naging simula ng tuluyang pagkawasak ng mga bayan ng Taal na nagpatuloy ng
pitong buwan. Kalunos-lunos ang nasaksihan at naitala ng mga prayle ukol dito.
Ayon kay Padre Bencuchillo, tila umaapoy ang buong isla samantalang ayon kay Padre
Miguel Zamora, mayroong mga kataka-takang naganap tulad ng paglitaw ng bahaghari
mula sa buwan patungo sa bulkan, dalawa o tatlong araw, at imahe ng Negrito.
Tumitindi nang tumindi ang mga naganap hanggang sa napillitang lumikas ang mga
mamamayan. Masakit man sa kanilang loob na iwan ang mga ari-ariang ipinagkaloob sa
kanila ng kanilang mga ninuno, nagtungo sila 20 kilometro timog patungong simbahan
ng Caysasay. Ngunit sa kasamaang palad ay nadama pa rin ng mga Taaleñong lumikas
ang hagupit ng bulkan. Sa loob ng tatlong araw ay umulan ng putik at abo. Dahil
dito, gumuho ang ilang mga bahay at mismong ang bubong ng simbahan ay muntik
mawasak. Nang bumalik si Padre Bencuchillo sa bayan ng Taal, nadatnan niya ang
kalunos-lunos na sinapit ng bayan. Lahat ng gusali tulad ng simbahan, opisina ng
gobyerno at mga pagawaan ay nakalubog sa bato, putik at abo. Bukod pa dito ay
napuno ang lawa ng mga bangkang lubog sa putik. Walang naiwang hayop at halamang
buhay. Ang ilan ay namatay dahil nailibing ng buhay samantalang ang iba ay dahil
sa gutom. At ang pinakamalala sa lahat ay ang pagkalubog ng Lipa at Tanuan dahil
sa pagtaas ng lebel ng tubig sa lawa. Dahil dito, napilitan ang mga residente ng
nasabing mga lugar na lumikas at mamuhay sa mas ligtas na lugar. Ang dating Taal
na sagana sa likas na yaman ay naging isang disyertong nalugmok sa sinapit na
trahedya. Nagsimula ng bagong buhay ang mga nakaligtas. Siyam na raan sa mga ito
ang bumalik at nanatili sa bayan ng Taal. Pinangalanan itong Barrio San Nicolas.
Samantala, ang mga natirang mga residente ay nagtayo ng kanilang bagong bayan sa
Caysasay. Nagtayo rin sila ng bagong katedral. Sa kasamaang palad, kalahati sa mga
nakaligtas ay tinamaan ng sakit dahil sa amoy ng sulfur at apoy na nanatili sa
loob ng anim na buwan matapos ang pagsabog. Ang masagana ngunit nasirang probinsya
ng Taal ay tuluyang nawala. Pinalitan ito ng pangalan at naging Batangas. Ito ay
galing sa salitang batangan na tumutukoy sa kawayang bahagi ng bangka.
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal C. Pagputok ng Bulkang Taal Noong
1911

Matapos ang marahas na erupsyon noong 1754 ay naging tila tahimik ang Bulkang
Taal. Nagkaroon ng ilang mga pagputok ngunit ito’y mahina lamang kung ikukumpara
sa erupsyon noong 1754. Ngunit pagsapit ng gabi ng Enero 27, 1911, nagpamalas muli
ito ng bangis. Sa lahat ng mga pagputok ng Bulkang Taal ay tinaguriang “Killer
Eruption” ang pagputok noong 1911 dahil sa hindi matawarang bilang ng taong
namatay at nasaktan at pinsala sa mga bayan. Noong gabi ng Enero 27, 1911, ang mga
seismographs sa Manila Observatory ay nakapag-rehistro ng ilang mga paggalaw. Di
kalaunan, tumaas ang bilang at mas lalo pang lumakas ang mga nasabing paggalaw.
Pagsapit ng hatinggabi, 26 na paggalaw ang naitala at nang sumunod na araw, tumaas
ang bilang sa 217. Ayon kay Worcester, “The frequent and inreasingly strong
earthquakes caused much alarm in Manila,...but the observatory staff was soon able
to locate their epicenter.” Ang epicenter ay natuklasang nasa Bulkang Taal. Bukod
dito, ang mga paglindol ay binantayan ding mabuti. Tinutukan ito ni Padre Miguel
Saderra Maso sa tulong ni Padre Algue, isa sa mga awtoridad sa pag-aaral ng
lindol. Ayon sa kanila, ang mga pinaka-marahas na lindol ay matatagpuan sa palibot
ng lawa ng Taal. Sa katunayan, ang kanilang lakas sa Maynila ay umabot ng IV sa De
Rossi Forel hanggang VII. Ang lakas na IV ay maaring makapagpaalog ng mga upuan
samantalang maari namang makapagpataob ng mga naggagalaw ng mga bagay ang lakas na
VII. Nang umaga ng Enero 28, 1911, sumabog na ang Bulkang Taal. Ito ang nilalaman
ng telgramang ipinadala sa Bureau of Science. Nakatanggap din ng telegrama ang
Maynila na hindi na malaman ng mga bayang malapit sa Taal ang kanilang dapat gawin
dahil sa itim na usok na lumalabas sa bunganga ng bulkan. Sa kabila nito, mayroong
isang taong ginawa ang kabaligtaran ng nararapat na gawin. Sa halip na lumayo sa
bulkan ay nagtungo pa si Charles Martin palapit. Siya ay opisyal ng gobyerno ng
Estados Unidos na inatasang kumuha ng larawan ng pagputok ng bulkan. Sa pagtawid
niya sa lawa ng Taal ay nasaksihan niya ang ilang mga pangyayari. Ayon sa kanya
“...an enormous column of vapor, which toward skyward until caught by the morning
breeze, and was then swept, black and threatening, westward over the neighboring
province of Cavite....The 1904 crater, which had long been choked with mud and
stones, was again in full activity and a small new crater had formed to the
north...enormous masses of black mud were thrown to a great height through the
column of white steam.” Kinunan niya ng apatnapu’t limang minuto ang nakakatakot
na aktibidad ng bulkan. Sa ganap na 3:45 ng hapon, umalis si Martin at ang kanyang
mga kasama. Ayon kay Worcester, sadyang napakapalad ni Martin na siya’y
nakaligtas. Nagpatuloy ang aktibidad ng bulkan. Pambihirang pagsabog ang
umalingawngaw sa ganap na 1:00 ng umaga ng Enero 30. Tila isang nakakamanghang
kidlat ang nakita sa kalangitan at kaunti lamang ang nagtangkang ipaliwanag ang
kanilang nasaksihan. Ayon kay Padre Algue, “...it had the appearance of an
unusually violent thunderstorm–except that there were no clouds, the brightest
clouds being visible through rifts in the huge black masses of smoke, ashes and
mud.” Samantala, inilarawan naman ito ni Worcester bilang “globes of fire which
rose and fell in graceful curves.” Sa ganap na 7:55 ng gabi ng parehong araw ay
nakatanggap ng telegrama ang Maynila na nagsasabing kumitil na ng buhay ang
pagputok ng
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal

bulkan. Dahil dito, agad-agad na nagpadala ng mga doktor, gamot, pagkain at ilang
mga de motor na bangka ang U.S. Army sa pangunguna ni Kapitan Metcalf. Nagtayo din
sila ng estasyon sa San Nicolas at Taal upang maipadala ang mga nasalanta sa
ospital sa Camp McGrath o sa Philippine General Hospital. Napakahirap ng naging
trabaho ng U.S. Army. Ayon kay F.H. Noble, pulutong ng mga mahuhusay na sundalo
ang makikita sa buong paligid. Sila ay naglilibing ng mga namatay, nagbibigay ng
panunang lunas sa mga nasaktan, nagbabantay ng mga ari-arian, at nag-babahagi ng
pagkain na walang patid. Sa katunayan ay wala pa silang tulog at pahinga. Dahil sa
mga ganitong pangyayari ay inabisuhan ng mga kinauukulan na lumikas na ang mga
residente. Sa kabila ng mga pagtulong na ito, maraming buhay pa rin ang nasawi.
Ayon nga kay Worcester, “In the twinkling of an eye, 1,400 human beings had
perished.” Ang mga namatay ay natagpuan sa mga di kanais-nais na lugar. Ang iba ay
naanod samantalang ang ilan ay natabunan ng mga putik at abo. Kung hindi man
namatay ay lubos naman silang nasaktan. Bukod sa mga nasawing buhay ay naapektuhan
din ang mga hayop at pananim. Dahil labis na acidic ang putik na galing sa bulkan
ay kaagad-agad namamatay ang anumang halaman na matapunan nito. Dagdag pa dito,
ang kahit anumang lupang masabuyan ng sapat na dami ng sinsabing “volcano ejecta”
ay hindi na magiging angkop na taniman dahil sa sobrang acidity. At dahil nasisira
ang mga pananim ay walang makain ang mga hayop samantalang ang iba ay namatay
dahil sa sobrang paglanghap ng sulfuric acid. Ayon kay Worcester, “the thinnest
coating of mud sufficed to kill green leaves and grass. The volcanic ejecta are
still so strongly acid that it has proved impossible to raise crops where they
have fallen in any considerable quantity. Crops and grasses were killed...with the
result that a large number of domestic animals starved to death....Suffocation was
undoubtedly also an important cause of death.” Dahil sa mga naganap masasabing
nagpakita ng kaunting awa ang Bulkang Taal. Nilarawan ni Noble ang bulkan na gaya
ng isang kasuklam-suklam na halimaw at hindi karapatdapat sa tiwala ng mga tao. Sa
mga kalamidad ay karaniwang nag-iiwan ng 10 naskatan at 1 patay ngunit sa nangyari
noong 1911 ay naging malala sapagkat 1,335 ang namatay samantalang 199 ang
nasaktan. Tunay nga na sa pagputok na ito ng Bulkang Taal, hindi lamang ito
kumitil ng buhay bagkus nagdulot ito ng pinsala maging sa kapaligiran. Higit pa
rito, tumatak ito sa kasaysayan ng Pilipinas at buong mundo.

D. Mga Sumunod na Pagputok ng Bulkang Taal Pagkatapos ang pagputok ng Bulkang Taal
noong 1911, nasundan pa ng mga ilang erupsyon ngunit hindi ito napantayan ang
pinsala at bangis na una nang naipakita ng bulkan. Sa ibang crater na rin nagmula
ang pagputok. Ang pagputok simula 1749 hanggang 1911 ay nagmumula sa main crater
samantalang ang mga erupsyon simula 1965 hanggang sa kasalukuyan ay nagmumula sa
timog kanlurang gilid ng main crater. Sa mga pagputok matapos ang 1911, marahil
ang pinakanakapaminsala ay ang pagputok noong 1965. Nagbuga ang bulkan ng putik at
abo na 7 hanggang 13 sentimetro ang kapal na
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal naging sapat upang makulob sa usok
ang apat na bayan. Dagdag pa rito, ayon sa Philippine Volcanology Commission, ang
temperatura ng bagong crater ay 78̊C (172̊F). Dahil sa mga pangyayaring ito,
inorganisa ni Gobernor Feliciano Leviste ang Task Force Vulcan upang manguna sa
pagligtas at pagtulong sa mga nasalanta.

Noong una ay inakalang 1,500 mula sa 6,000 naninirahan ang namatay samantala,
noong Oktubre 1, sinasabing 5,000 ang namatay. Ito ay mga eksaheradong mga
estatistika sapagkat noong Oktubre 2, ang tala ng Red Cross ay 137 ang namatay,
279 ang nasaktan at 165 ang nawawala. Apatnapu’t isa sa mga namatay ay nakuha at
nailibing ng Army Special Forces at Navy Frogmen. Pagkatapos ng taong 1965 ay
pumutok pa ng makailang beses ang Bulkang Taal.

E. Hinaharap ng Taal Dahil sa likas na yaman ng Taal, ang hinaharap nito ay


nanganganib. Marami na ang nagtangkang gamitin at sirain ang kanyang angking
kagandahan. Noong 1991 ay mayroong isinusulong na proyekto na nagkakahalaga ng 1
bilyon. Ito ay isang pumping station kung saan ito’y kukuha ng tubig sa lawa ng
Taal. Ito ay mapupunta sa Bundok Malacot kung saan naman ito’y dadaan sa ilang
proseso upang magamit ng 18 munisipalidad sa probinsya ng Batangas. Ayon sa isa sa
mga artikulo sa Manila Chronicler noong 1990, magagamit ang tubig na makukuha
upang patubigan ang 30,000 hektarya ng lupa. Ngunit sa kabila ng magandang
maidudulot ng proyektong ito, nababahala si Mario P. Leviste sa epekto nito sa
kalikasan. Una ay ang pagkawala ng tirahan ng mga isda gaya ng maliputo at South
China Sea eel na nagbibigay ng kabuhayan para sa mga mamamayan. Pangalawa ay ang
pagiging maalat ng lupa. Dahil gagamitin ang tubig sa patubig sa mga pananim,
kalaunan ay magiging maalat ang lupa sapagkat sadyang napakaalat ng tubig mula sa
lawa. Kapag nangyari ito ay hindi na magagamit ang lupa sa pagtatanim. Ganito ang
nangyari sa India at Pakistan. Pangatlo at ang panghuli ay ang walang
kasiguraduhan na hindi na muling puputok ang Bulkang Taal. Kung magtatayo ng
malaking gusaling magpoproseso sa tubig ng lawa na nagkakahalaga ng $50 milyon ay
maaring masayang lamang ito sapagkat madali itong mawawasak ng pagputok ng bulkan.
Ang isa pang nagbabadyang suliranin ay ang pagkasira na Taa dahil sa mga turistang
labas pasok dito. Dahil dito, isinusulong ni Dr. Antonio Araneta nag awing
National Historic and Environmental Heritage of the Philippines ang lawa ng Taal.
Sa ganitong paraan, ang sinumang nais lumusong sa ilalim ng lawa ay dapat munang
kumuha ng permiso sa National Museum.
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal IV. Konklusyon

Kahali-halina at mabangis ang dalawang magkasalungat na salitang nababagay sa


Bulkang Taal. Sa pamamagitan ng mga turistang kanyang naaakit ay binibigyang tibay
niya ang kanyang kagandahan at sa mga pinsalang kanyang idinudulot ay kanyang
ipinamamalas ang natatago niyang bangis. Sa mga pagputok ng Bulkang Taal ay
mababakas ang naging mahalagang papel ng mga Espanyol at Amerikano. Una, ang mga
Espanyol lalo na ang mga prayle ang nagsilbing mga taga-rekord ng mga pangyayari.
Sila ang tumayong mga mata na matiyagang naglarawan ng mga kagimbal-gimbal na
kaganapan at ang epekto nito sa mga tao at kapaligiran. Pangalawa ay ang mga
Amerikano na tumulong sa mga nasalanta noong 1911. Matapang nilang sinuong ang
nagbabadyang panganib upang maisalba ang maraming buhay. Dahil sa pagputok ng
Bulkang Taal, maraming buhay ang nawala. Nasira din ang mga panananim at namatay
ang mga hayop na nagdulot ng lubos na kahirapan sa mga mamamayan. Napalitan ang
pangalan ng bayang kanilang dating tinitirahan at napilitan silang lumipat at
magtayo ng bayan sa mas ligtas na lugar. Sa unang pagputok nito noong 1572
hanggang sa nahuling pagputok nito ay pinamalas na siya’y isang aktibong bulkan na
maaring sumabog anumang oras man niyang naisin. Bagama’t siya’y maliit lamang,
nagdulot siya ng pinsalang hindi matatawaran na nagdulot ng malaking epekto sa mga
taong nakapaligid.
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal

Mga Sanggunian

Antonio, E. D., et. al, . 2008. Turning Points I Worktext in Philippine History
for First Year High School. REX Book Store. Florentino St., Sta. mesa Heights,
Quezon Philippines. Del Castillo, Claudino. Taal Volcano’s 1911 Eruption. 1898
Magazine, January 1999, 35-36, vol. 11 no. 20 Hargove, Thomas R. 1991. The
Mysteries of Taal. Bookmark Publishing: Manila. Hauper, P. & Fullerton, L. 1993.
Philippines Handbook. Moon Publications, Inc.: California, USA. Paterno, Maria
Elena. 1994. Earthquake. Tahanan Book for Young Readers: Manila. Paterno, Maria
Elena. 1992. Volcanoes of the Philippines. Tahanan Book for Young Readers: Manila.
Pedregosa, Elma & Samia, Ella. 1996. Science and Technology I. FNB Educational,
Inc. Quezon City. Sutton, Felix. 1960. The How and Why Wonder Book of Our Earth.
Grosset & Dunlap Publishers. United States of America.
Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal

10

Day/Month 27 Jan. -8 Feb. 1911

Year

Location Main Crater

Nature of Activity

Intensity

Phreatomagmatic Very Violent Electrical Display visible 400 km; explosion heard
over area 360 km in diameter Phreatomagmatic Violent Phreatomagmatic Moderate
Phreatomagmatic Mild Strombolian Strombolian Moderate Moderate

8 Feb 5 Jul, 4- Aug. 16-18 Aug. 31 Jan. -4 Apr.

1965 1966 1967 1968

Southwest flank of Main Crater Southwest flank of Main Crater Southwest flank of
Main Crater Southwest flank of Main Crater Southwest flank of Main Crater
Southwest flank of Main Crater

29 Oct. – 10 Dec. 1969 9-13 Nov. 23-25 Dec. 3 Sept.- 22 Oct. 3-4 Oct. 1970 1970
1976 1977

Phreatomagmatic Mild Volcanic seismic crisis

Southwest flank of Main Crater Southwest

Phreatomagmatic Mild Phreatomagmatic Mild flank of Main Crater Phreatomagmatic


Mild flank of Main Crater

9-12 Nov.

1977

Southwest

Teybol 1. Rekord ng pagputok ng Bulkang Taal mula 1911- 1977


Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal

11

Figura 1. Mapa ng Taal


Malalimang Pananaliksik ukol sa Bulkang Taal

12

Figura 2. Bathymetric map ng Lawa ng Taal