You are on page 1of 1

MAYWEATHER AYAW TALAGANG LUMABAN

Dugo ni Pacquiao ginagawang isyu

Matapos verbal na magkasundo sa laban na magaganap


sa Marso 13 -- biglang lumabo ang senaryo ng Manny
Pacquiao vs Floyd Mayweather Jr. encounter.
Kahapon, bumulaga sa mga boxing websites ang
balitang nanganganib na ‘di matuloy ang megabuck
fight dahil sa pagpupumilit ng kampo ni undefeated at
former world’s pound-for-pound king Mayweather na
sumailalim sa ‘blood test’ si Pacquiao dalawang araw
bago ang kanilang sagupaan.
Para kay Top Rank boss Bob Arum, tila gumagawa na
lamang ng isyu ang kampo ni Mayweather para ‘di
matuloy ang laban. Dahil ang totoo’y ayaw naman
talaga nitong labanan si Pacquiao, sa takot na talunin
siya ng Filipino boxing hero.
Ikinagulat ni Arum ang naturang bagong kahilingan ni
Mayweather, kaya’t nakapagbitaw ito ng salitang ayaw lang talagang lumaban ng dating P4P king kung kaya’t kung
anu-anong hinihiling nito kay Pacquiao.
“They can go to hell as far as I’m concerned including (Richard) Schaefer although I don’t think it’s his idea, I think
it’s Floyd’s idea and we are going to go on and do something else. This is an absolute outrage.”
Sa halip, magsisimula na lamang siyang maghanap ng bagong makakalaban ng Pambansang Kamao.
“We’re willing to do all kinds of urine analysis. We’re willing to do blood testing before the press conference
(scheduled early January) and after the fight. We’re not willing to do blood testing while he’s in training because he
(Pacquiao) claims it weakens him. And one major doctor we’ve talked to says that blood testing is absolutely, totally
irrelevant. Totally irrelevant,” iritadong pahayag ni Arum.
Kaugnay nito, sinabi ni Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, kahapon na tila tinalikuran na ng Mayweather camp ang
Pacquiao fight, kaya naman lumabas na ang pangalan ni Yuri Foreman, WBA super-welterweight champion at si
former world champion Paul Malignaggi na ikinukunsiderang makakalaban ng Filipino ring icon sa Marso.
Sa panig ni Pacquiao, sinabi nitong handa siyang magpakuha ng dugo, pero isang buwan bago ang laban at pagkatapos
ng laban at hindi ang nais ng kampo ni Mayweather na dalawang araw bago ang kanilang sagupaan.
Sa ngayon, ang Pacquiao-Mayweather bout ay ‘off’, pero inaasahang sa darating na mga araw ay may pagbabago na
namang magaganap.

Mayweather Camp: Dugo-dugo Gang na rin?


TJ Manotoc

Nagulat ako sa balitang kumalat kahapon sa internet na maaaring makansela na lang


ang napipintong makasaysayang blockbuster showdown nina current world’s pound
for pound king Manny Pacquiao at dating pound for pound king din at undefeated pa
ring si Floyd Mayweather Jr.
Inakala kasi ng lahat na naplantsa na lahat ng mga gusot sa negosasyon, biglang
Ipinakita ni Manny Pacquiao
nagulat ang kampo ni Pacquiao sa demands ng Mayweather camp.
ang kanyang abs sa kuhang ito
Gusto nila ngayon na isailalim si Pacquiao sa isang random drug testing na Olympic-
sa weigh-in ng laban niya kay
style daw. Ito raw ang ginagamit ng USADA o US Anti-Doping Agency para sa mga
Miguel Cotto noong
ibang liga tulad ng NBA na ginugulat na lang ang mga atleta na may kakatok sa
Nobyembre sa Las Vegas.
pintuan niyo at hihingan ka ng dugo at ihi.
Ayon kay Golden Boy Promotions CEO Richard Schaffer, ito ang sistemang
sinusundan din ng elite athletes gaya nina Lance Armstrong, Michael Phelps, LeBron James at Kobe Bryant.
Ang kaso, hindi ito ang ginagamit na sistema ng Nevada State Athletic Commision na pinamumunuan ni Keith Keizer.
Ang nakasanayan na at ang unang napag-usapan ay sasailalim sina Pacquiao at Mayweather sa drug testing 2 days
before and the day after the fight.
Ang gusto naman ng kampo ni Mayweather na USADA style ay may 3-5 na blood test at 8-12 na urine na random o
gulatan na gagawin sa loob ng period na January 1-March 15, 2010.
Ayon sa interiew ng ABS-CBN kay Roger Mayweather, sigurado raw siya na may iniinom si Pacquiao na bawal na
pampapalakas. Kaya’t pag nagawa na raw ang tamang drug-testing ay sigurado siyang matatalo ng kanyang pamangkin
dahil wala na raw itong ‘pamapalakas’ pag nangyari na ang laban.
Nangingnig sa galit si Top Rank boss Bob Arum sa huling diskerte ng kampo ni Mayweather. Sa interview niya pa kay
Ronnie Nathanielsz sa Philboxing.com - ‘Go to hell’ daw ang hamon niya kay Mayweather.
Hindi papayag ang kampo ni Pacquiao na ganun karegular ang pagkuha ng dugo kay Manny. Lalo na’t may takot sa
karayom daw si Manny at may psychological effect ito sa kanya na nanghihina siya kapag nakukuhanan ng dugo.
Malakas ang paniniwala ni conditioning coach Alex Ariza na style lang ito nina Mayweather para makansela ang laban
dahil sa huling hamon nina Pacquiao na may $10 million na parusa kada pound na lalampas si Mayweather sa timbang
na 147 pounds.
Ayon kay Ariza, dahil dito maliwanag na wala silang balak na makuha ang 147pound limit at malamang ay
magpapalakas nang husto.
Kung kelan pa naman ang pinag-uusapan na dapat ngayon ay schedule na ng mga training at kung sino ang mga
sparring mates, eto pa ngayon ang malagkit at madugong issue.
Pero for the record, sa huling laban ni Manny kay Cotto, muling napatunayan sa drug-testing ng NSAC na malinis si
Pacquiao at walang ginamit na drugs o steroids.
Sa pananaw ko, insulto itong kilos ng Mayweather camp sa institution ng NSAC.
Oo, maaaring may mga kontrobersyal silang mga desisyon dati ukol sa pag-assign ng mga judges, pero sa pagsunod sa
rules ukol sa doping at steroid use ay matagal ng malinis ang NSAC.
Sa katunayan, nahuli na nila dati sa post-fight testing ng steroids sina Roy Jones at James Toney sa nasabing sistema ng
NSAC.
Sa ngayon, pigil-hininga na naman tayong lahat at maghihintay ng Pamaskong handog sa atin ng Top Rank at Golden
Boy Promotions na sana ay good news at matutuloy na nga nang siguradung-sigurado ang labana ng mga pound for
pound king.