You are on page 1of 5

BRIGHTWOODS SCHOOL

High School Department


SY 2014-2015

Filipino 8
3rd Quarter Lecture
PANGKALAHATANG IDEYA

Ang Pilipinas ay mayaman sa ibat ibang anyo ng panitikang naglalarawan s

kulturang Filipino. Sa handout na ito, makikilala mo ang isang anyo ng panitikan s


Pilipinas. Ilalarawan dito ang tanyag na mga halimbawa ng deklamasyon.
Nilalaman din nito ang ilang hakbang sa pagsasagawa ng deklamasyon.
Mailalahad ang mga ito sa pamamagitan ng pakikinig at panonood.
Naririto ang araling ating tatalakayin:
Aralin Deklamasyon
Aralin Hakbang sa pagsulat at pagsasagawa ng deklamasyon

Anu-ano Ang Mga Matutuhan Mo Sa Handout Na Ito?


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang:
makikilala mo ang ibat ibang halimbawa ng deklamasyon sa Filipino
maipaliliwanag mo ang katangian ng bawat isa
maipakikita mo ang pagpapahalaga sa ibat ibang uri ng deklamasyon na
nabanggit
sa pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbabasa ng mga halimbawa
ng bawat
isa

DEKLAMASYON
_________________________________________________________________
Aralin:

DEKLAMASYON

Ang deklamsyon ay nagmula sa salitang Latin na declaration. Ito


ang pagbibigay buhay sa isang istorya kung saan, ang lahat ng tauhan ay
ginagampanan sa iisang tao lamang ngunit, mapapansing parang lahat ng
tauhan ang siyang gumanap.

Basahin Natin Ito


Inang Wika
ni Amado Hernandez
Akoy ikakasal, sa aming tahanay masayang-masaya: may piging, tugtugan,
awitan, sayawan.
Ang aking magiging kabiyak ng buhay ay isang binatang puti, binatang sibol sa kanluran:
magandat makisig, marunong, mayaman tila pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan.
Sa tanging sasakyan, nang kamiy lumulan, may natanaw ako sa tapat ng bahay na isang
matandang babaing luhaan, waring tinatawag ang aking pangalan tila humihingi ng kaunting
pagdamay; subalit sa gitna ng kaligayahan, siya ay hindi ko binati man lamang, siya ay hindi ko
pinansin man lamang, habang ang sasakyan ay nagtutumulin hanggang sa simbahan.
Maligaya kaming nagsiluhod kapwa sa harap ng Birhen, sa
gintong dambana; pagkasaya-sayat ang mga kampana ay dimagkamayaw

sa

pagbabalita

ng

aming

kasalan

na

pangmaharlika; ngunit ang larawan ng kaawa-awang matanday


hindi ko matanggal sa diwa, mandiy malikmata; ang naguunahang luha ng kandila ay tila kanya ring tumutulong luha;
gayon man sa piling ng kahanga-hangang kaisang-puso koy
niwalang-bahala, sa gitna ng
2

DEKLAMASYON
tuway nilimot kong pilit ang gayong hiwaga gaya ng liwanag ng buwang palaba na di masisira sa
bahid ng ulap sa gabing payapa.
Natapos ang kasal, batian, kamayan, ngiting matatamis, birong maaanghang at saboy ng
bigas sa amiy salubong pagbaba sa altar ngunit sino yaong aking natatanaw, matandang
babaing nalugmok na biglat nawalan ng malay at lingid sa taong hindi magkamayaw. Ah! Siya rin
yaong kanginay hindi ko pinansin man lamang.
Nang saklolohan kot patakbong lapitan, nang kandungin ko na sa aking kandungan,
ngumiting magiliw sa hapis ng kanyang pag-aagaw-buhay at saka nagwikang tigib-kapaitan:
Anak ko, bunso kosalamatpaalam Ako ang ina mong sawing kapalaran!
At ang kulang-palad ay napalungayngay. Sa bisig ko na rin namatay namatay!
Noon ko natanong ang ina kong mahal, ang Inang wika kong sa akiy nagbigay ng lahat ng
dangal, ang wikang tagalong na naiwang limot nang akoy matanghal, at itinakwil ko sa
pagtatagumpay, ay isang babaing nabuhay sa dusat sa lungkot namatay, nang akoy pakasal sa
Wikang Dayuhan.

Bilangguan ng Hukbo
Bilanggo: piit ng malupit na kapangyarihang bihag din ng kanyang takot sa matuwid; ilang
panahon nang kinulong at sukat nang sukdulang higpit:
daming mga araw, ang aking asawa ay di makalapit,
kawawang bunso ko ay di madampian ni isa mang halik;
mga kaibigan, kasamat kapatid, bawal ang sa akiy
makipagulayaw kahit ilang saglit; ibong piniit nay walang
habag pa ring pinutlan ng bagwis; mistulang salarin o isang
maysakit, biglang iniligpit at itiniwalag nila sa daigdig; ang
aking higaay tablang maligasgas at wala ni banig na iisang

dangkal sa amoy-libingang simentong malamig, ang aking pagkain ay laging mapait, ang kasuotan
ko ay laging limahid; ang mukha ng araw, ano bang tagal nang sa akiy nagkait? ang luom na
hangin ay singaw ng lason ang inihahatid,

DEKLAMASYON

ang yabag ng kawal na bantay ay dinig sa gabing pusikit, ang tiktak ng


oras, tila tanikalang di mapatid-patid
Akoy nagtitiis A, labis at labis ang binabata kong tiisit hinagpis! Bakit?
bakit? bakit? Walang sumasagot! walang umiimik Ako bay suminsay
sa batas kung kaya pinagdusang tikis? nagdaya? pumatay? nanggaga?
nanggahis? nagpayaman baga sa pamumulubi ng bayan kong amis? Gising ang Bathalat
Kanyang nababatid na kung tunay akong nagkasalay dapat purihin nang higit: kasalanan kayang
magdilat ng matat magbuka ng bibig? kasalanan kayang magtanggol-itindig ang katotohanat
katarungang lupig ng bayang mahirapng dustang paggawat aping magbubukid? kasalanan nga
bang ang buhay ng dukhat dangal ng maliit ibangon nang buong pagmamalasakit? Laban sa
tirano, di ba kabanalan ang paghihimagsik? Ngunit hindi lihim sa kahit na sino: pag ang
namumuno sa isang gobyerno ang unang hangarin ay pananagano sa kapangyarihan, kamanyan
at gintong akibat ng trono, ulong sa putikan pupulutin bawat di yumukong ulo
Ganyan ang istorya magmula kay Kristo hanggang kina Burgos,
Rizal, Bonifacio, at maging nito mang itinitimpalak na malayang tao;
lumuhod sa punot humalik ng kamay sa palalong dayo ang di
mababaling tuntunit panuto, at pagkakasala sakaling matuto ng
pangangatwiran: Itong Pilipinas ay sa Pilipino! Akoy ikinulong ng mga
kaaway ng layat liwanangng laya sa gutom, ng laya sa takot at layang
mangusap, ng layang sumamba sa Bathalat hindi sa diyos na huwad;
salamat, at libong salamat talastas kong akoy hindi nagiisa sa
ganitong hirap, talastas kong akoy hindi magiisa sa pagkawakawak; pupuong libo, laksa, utat
angaw ng kaisampalad na tagapagmana ng masayang Bukas; ang tahoy ng bawat inang naging
Sisa sa dusang dinanas, ang may luhang dasal ng nagluksang balo sa asawat anak, ang iyak ng
batang sa kasanggulan pay ulila nang ganap mga walang malay na di iginalang ng bangis at
4

dahas, ay dinig kong lahat, mabisang balsamo sa kirot ng aking kaluluwang may sugat. Ang libong
nasadlak sa mga piitan na kawangis ko ring pinapagkasalay walang kasalanan, ang laksang
inusig at pinarusahan kahit walang sakdal ni hatol ng aling may puring hukuman, ang hindi
mabilang na pinaglupitan sa bukid at nayon, sa lunsod at bayan, ang lahat ng dampa, kubo,
barung-barong na nilapastangan, at ipinalamon sa apoy, pati na ng naninirahan, ang mga nalibing
nang walang pangalan ni krus man lamang, di malilimot ni malilimutan, at ang tinig nilay abot sa
pandinig ng kinabukasan.
Yaong mataimtim sa panalangin, yaong tumatangis sa gitna ng
dilim ng gabing malalim, yaong sa libingay malimit abutin ng
maputlang sinag ng mga bituin, yaong tigib-hapis ang ligaw na daing
nagmula kung saang anakin ay buntonghininga ng hangin, yaong
naglalamay sa parang, sa gubat at bulubundukin, supling nina Elias
at Kabesang Tales ng liping magiting na sumumpang hindi
magpapaumanhin sa pangaalipin; sa tahasang turing: lahat ng siniil
na may karapatan at nasang maningil, silay handat gising at kaisanglayon ng tanang sa bayay
hindi magmamaliw, isang bansang lakas na di mapipigil, isang mundong buhay na di masusupil,
siyang sasalubong sa gintong liwayway ng gintong mithiin!
Ang aking kataway oo ngat bilanggo, ngunit ang isipan at tibok ng puso ay di
mangyayaring kulungin saglit man ng bakal o ginto; ang pananalig ko sa malayong kuro, kasama
ng hangin at sikat ng araw sa lalong malayo; sa huni ng ibon, sa sigaw ng alon at angil ng punlo,
sa tutol ng madla sa lahat ng utos na buktot at liko, sa sumpa ng tao sa kawalang-budhi ng
masamang puno, ay nakikisaliw ang aking kalulwang walang pagkahapo, hanggang sa makamtan
ng bayan ang taal na lupang pangako at kahit na nila kitlin ang buhay kot biyakin ang bungo, sa
bungo koy buong nakalimbag pa rin sa sariwang dugo;
Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko!